You are on page 1of 1

Modyul 4: Ang aking Tungkulin Bilang Kabataan

Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang misyon sa buhay.
Ang misyong ito ay makakamit sa pamamagitan ng pagtupad ng iba’t ibang tungkulin.
Wika nga ng marami, tayo ay nasa mundo upang gumanap ng ating mga misyon.
Hindi lang natin kailangang isagawa o isakatuparan ang mga ito, mahalaga ring maglaan ng panahon upang
unti-unting tuklasin ang mga ito. Patunay lamang ito na namumuhay tayo sa mundo hindi para sa ating sarili lamang,
kailangan nating maglingkod sa ating kapwa.

Mga Tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata

Ang Tungkulin sa Sarili - Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Bilang isang tinedyer, may mga ba-
gay na dapat mong bigyang-pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa iyong sarili.

a. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata


b. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito.
c. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig.

Ang Tungkulin Bilang Anak - Hindi ka na nga bata. Pero hindi nangangahulugan ito na maaari mo ng ihiwalay ang iyong sarili sa
iyong pamilya. Nananatiling ang iyong pamilya ang may pinakamalaking impluwensya sa iyong buhay. Mayroon ka ng sapat na
edad upang makibahagi sa iyong pamilya at sa tahanan.

Ang Tungkulin Bilang Kapatid - Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay makatutulong upang matuto kang makitun-
gonang maayos sa iyong kapwa.

Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral - Gaano mo pinahahalagahan ang pag-aaral? Maaari mo itong malaman sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na tanong.

a. Gaano kalaking panahon at pagsisikap ang inilalaan ko sa pag-aaral?


b. Paano ko gagamitin ang aking mga talento at kakayahan sa pag-aaral?
c. Paano ko magagamit ang lahat ng aking kakayanan?
d. Anong gawain sa paaralan ang kinawiwilihan kong salihan?
e. Paano ko susuportahan ang ”Student Government”?
f. Sa paanong paran ko kaya mabibigyan ng karangalan ang aking paaralan?
g. Ano ang aking inaasahan ngayon high school?

Ang iyong sagot sa mga tanong na ito ang magsasabi sa iyo kung gaano kalayo ang iyong mararating sa iyong
pag-aaral. Tumingin ka sa malayong hinaharap pero gawin mo ang lahat ng iyong makakaya ngayon. Gamiting
gabay ang mga sumusunod:

a. Mag-aral nang mabuti.


b. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto
c. Pataasin ang mga marka
d. Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay
e. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip
f. Matutong lutasin ang sariling mga suliranin
g. Makilahok sa mga gawain sa paaralan

Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan - Ang isang kasapi ng pamayanan ay malugod na tumutugon sa kanyang mga tungkulin para
sa kapakanan nito. Bilang nagdadalaga/nagbibinata may tungkulin ka na:
a. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan;
b. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang miyembro nito;
c. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan;
d. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan upang maiparating sa mga pinuno ng pamayanan;
e. Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan;
f. Makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan;
g. Sumasali sa mga samahang pangkabataan, kung saan ilalaan ang sarili bilang maging mabuting tagasunod kung hindi man
maging mabuting pinuno at;
h. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at samahan sa kanilang mga proyekto.

Ang Tungkulin Bilang Mananampalataya - Ang simpleng pag-aalay ng panalangin araw-araw ay napakalaking bagay na para
masabing isa kang tunay na mananampalataya.

You might also like