Professional Documents
Culture Documents
Tips For ECE Board Exam
Tips For ECE Board Exam
1. Kung ano man nireview nyo sa review center, magtiwala nalang dun, unless ramdam mo na kulang
pa talaga turo nila sa inyo. Dito na papasok yung dapat nakapagbasa ka nan g iba’t ibang books.
Nandito sa folder na ito yung mga books na nabasa ko, tho di ko naman sila natapos. Importante
padin ung mabasa mo yung parts na naguguluhan ka, lalo na sa Elecs at ESAT.
2. Kapag natakot ka magtake sa boards at inisip mong ipagpaliban yung pagtetake, magtake ka
padin. Kasi never ka magiging prepared enough para mag-take ng boards. Lagi at lagi kang may
kulang na marereview. Swertihan nalang kung ang naaral mo at naturo sa inyo sa review center
ang lilitaw sa board exams.
3. Bugbugin simula palang ang Math, lalo na ang caltechs, pati nadin GEAS. The best sa Math
calculator techniques at GEAS ang Smart Edge Review Center. Syempre ipagmamalaki ko ‘to kasi
dito ako galing at sobrang natulungan ako nito sa boards. Smart Edge Numbawan. HAHAHA
4. 1 month before the boards, dapat balikan mo na mga inaral nyo sa review center para marefresh
ka sa mga naturo sa inyo. Wag magskip ng number, at WAG NA WAG MAGLOOKSFAM. Ulit-ulitin
ang pagsosolve ng problems hanggang dumating sa point na parang nalooksfam mo na ung
tanong di dahil alam mo ung sagot, kundi dahil alam mo na pano sya sasagutin. Kung tinatamad
ka magsolve ng isang number, isipin mo nalang, pano pag di mo sya masolve sa board exam
tapos 69 ung naging score mo? Kahinayang diba? Kaya dapat, wag magsi-skip ng number!
Hahaha.
5. Pag board exams na, siguraduhin na lagpas kalahati lagi masusure mo. Eto bilang ng mga sure ko
nung board exams sa unang pasada ng questionnaire. Syempre, di porket sure, tama na agad.
May iba padin jan na erroneous (lilitaw ang sagot sa solving, pero iba ung narecord na tamang
sagot).
Wag na wag kang kakabahan. Mali ako dito e. Kinabahan kasi ako. HAHA. Tipong three unknowns
lang na icaltech, di ko nagawa icaltech kasi dinaga dibdib ko hahaha. Tiwala lang dapat sa naaral
na Caltech. Pag may tanong na di lumilitaw ang sagot kahit cinaltech, wag kakabahan. Sinadya
nina Detalla yan para panghatak sa mga asado sa Caltech. Meron din problems dito na pamigay,
gaya ng concepts ng cone, obtuse angle, prism, etc. (October 2018 Boards). Pag concepts, dapat
isure na tatama ka, kasi panghatak na yun. Meron pa dun na madadali gaya ng isosceles right
triangle na hahanapan ng hypotenuse given the area.
Nadalian ako sa GEAS. HAHAHA. Nagchoke kasi ako sa unang pasada kaya 61 lang nasure ko.
Ung strema, nalimutan ko pano atakihin, pero nung pangalawang pasada, umabot na ako ng higit
70, tas nilagpasan ko muna ung ibang concepts na di ako sure. Yung coverage ng GEAS,
Chemistry, Statics, Dynamics, Strema, EEcon, onting Emags, at Laws.
Pinakamadali dito ay yung Laws, kaya simula palang, dapat kabisaduhin na agad si RA9292 (ECE
Law of 2004) at RA10912 (CPD Law of 2016). Si 9292 at 10912 lumitaw samin nung board exam.
Magkabisado din dapat ng onting NTC Memorandums, DO, at EO. Madalas din pala matanong si
RA3846 (Radio Comms Law), at si RA7925 (Public Telecomms Law). Baka yun na matanong sa
inyo sa susunod. Napakadami din ng Dynamics kaya dapat kabisadong kabisado nyo yung three
main equations niya. Yung Strema, dapat master nyo yung members in “series” at members in
“parallel”. Naturo ‘to samin sa Smart Edge kaya ez ‘to samin ng boards. Yung Chemistry naman,
napakadami! 15 items mahigit ata. Pero napakadali nila kasi percentage composition lang
karamihan pati atomic mass unit. Sa EEcon naman, naka 5 items ata sya. Isang simple interest ata
at tatlong compound interest. Pag lump sum binanggit, wag kayo papauto. Compound interest na
yun na isang bagsakan ang bigay ng pera. Hahaha. May isang kakaiba nah along annuity na
napakagulo. Hirap isolve kaya di na ako nagtangka. HAHA. Yung Emags naman dito, basic solving
lang na q1q2 at unit analysis. Sa Statics naman, Caltech lang sya at analysis lang ng problems.
Wag basta magcaltech nang hindi naiintindihan ung problem, kasi mali talaga lilitaw na sagot pag
ganun ginawa mo. Sayang yan. Hahaha.