Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t
ugnayan ng bansa -Marisol Mapula-
Batay sa nalikom na datos dagdag ito sa kaalaman
sa impormasyon nakalap base sa pagsisiyasat kaugnay sa paksa Mga Epekto Ng New Normal Sa Edukasyon Sa Sekondaryang Paaralan Sa Unibersidad ng Cebu. Sa Pag- aaral na kaugnay sa Literatura ayon kay Webster (1949- 557) ang panitikan at katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan. Ang panitikan ay malinaw na salamin, larawan, repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan (Reyes, 1992). Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, at pamahalaan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha. Ang panitikan ay kaisipan ay pagpapahayag; di- malilimot na kaisipan sa di-malilimot na pagpapahayag. Miguel Bernard S.J (1954:146) Binigyan diin din nina Luz de la Concha at Lamberto Ma. Gabriel (1978:XIV) ng katuturan ang panitikan bilang salamin ng lahi, kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaispan, at pangarap ng isang lahi na ipinapahayag gamit ang piling salita sa isang mganda at masining na paraan, nakasulat man o hindi. May tungkulin o papel na ginagampanan ang panitikan sa kultura at kasaysayan (Cruz at Reyes, 1984:1- 2) The guts to write bravely of what they see around them: the pain and ugliness of the world as well as the beauty and the joy of it, the triumphs of life as well as its surrenders, man’s mean desires as well as the noble ambitions that exalt him. S.P Lopez