You are on page 1of 19

MANWAL NG MAG-AARAL

2014
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
TIAONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Pulong-Gubat, Guiguinto, Bulacan

MANWAL NG MAG-AARAL
PAUNANG SALITA

Ang Manwal na ito ay nilikha upang mabigyan ang mag-aaral ng mga pangunahing
impormasyon ukol sa Tiaong National High School,
ang kanyang pisikal na kabuuan, polisiya, alituntunin, mga opisina, serbisyo, mga
programa at iba pa.
Layunin nitong matugunan at magabayan ang mag-aaral sa loob at labas ng paaralan
bilang mga TNHSian.

Mayo, 2014
SY 2014-2015

Talaan ng Nilalaman
I. Panimula
A.Kasaysayan ng Sintang Paaralan
B. Misyon
C. Bisyon
D. Sagisag ng Paaralan
E. Himno ng Paaralan
F. Himno ng Bayan ng Guiguinto
G. Deped Bulacan March
H. PAmbansang Awit ng Pilipinas - Lupang Hinirang
I. Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas
J. Panatang Makabayan

II. Mga Polisiyang Pang-Akademiko


A. Ang K to 12 Curriculum
B. Ang Disenyo ng K to 12 Curriculum
B.1. Ang Walong Learning Areas
B.2. Ang Wikang Panturo
B.3. Haba ng Oras ng Pagtuturo
B.4. Ang Individual Cooperative Learning at Homeroom Guidance
B.5. Mga Kagamitang Panturo
C. Ang mga Co-Curricular at Extra-Curricular Activities
C.1 Mga Alituntunin sa Pagsasagawa ng Co-Curricular Activities at
Extra-Curricular Activities
C.2 Alituntunin sa Pagsasagawa ng Gawaing Pang-Relihiyon
D. Ang Pagsusuma ng Marka
E. Pamantayan sa Pagpili ng mga Natatanging Mag-aaral
III. Mga Sebisyo para sa mga Mag-aaral
A. Registrar’s Office
B. Guidance Center
C. Library
D. Clinic
E. Canteen
F. The Retail Store
G. Computer Laboratory
IV. Ang mga Batas at Alituntunin ng Paaralan

V. Mga Dapat Isaalang-alang sa Evacuation Drill


A. Evacuation Plan

VI. Patalastas Pangkalusugan


A. Laban sa Dengue

VII. School Administrators, Faculty and Staff

I. PANIMULA
A. Kasaysayan ng Sintang Paaralan

Isinilang noong panahon ni dating Punong-bayan Pag-asa Estrella ng Guiguinto,


Bulacan ang Tiaong National High School. Nagkaroon ng mga konsultasyon at pagpupulong
sa pangunguna ng Parent Teachers Association na pinamunuan ni G. Restituto Palileo , ang
Punong Guro ng Tiaong Elementary School sa katauhan ni Gng. Loida Estrella sa opisina ng
Punong-Bayan. Tinalakay ang pangangailangan ng isang paaralang sekondarya para sa mga
liblib na barangay ng bayan ng Guiguinto.

Noong ika-18 ng Mayo, 1982 ang inagurasyon ng bagong paaralan, ang Tiaong
Barangay High School. Sa unang taong-panuruan ay mayroong 50 mag-aaral at dalawang
guro na sina Bb. Fedeliza Bartolome at G. Alfredo Ladesma. Ito ay pinamahalaan ni Gng.
Loida Estrella bilang Tagapangasiwang Opisyal (1982-1987). Ang laybrari ng Tiaong
Elementary School ang naging unang klasrum. Naging matagumpay ang pagtatapos ng unang
batch na binubuo lamang ng 32 mag-aaral para sa Taong-Panuruan 1986-1987.

Mula 1987-1994 ang Tiaong National High School ay pinamunuan ni Gng. Fedeliza
Narciso bilang Tagapangasiwang Opisyal. Mula sa dalawang guro ay naging sampu. Ang
dating laybrari ay ginawang Gusali ng Tagapangasiwa. Binigyang pansin din ang
pagkakaroon ng Kantina. Ang Multi-Purpose Hall ay naitayo bilang donasyon ng Chinese
Chamber of Commerce.

Taong 1994 ay hinalilihan ni Gng. Adoracion Tacardon si Gng. Narciso bilang unang
punong guro ng TNHS. Sa panahon niya naisakatuparan ang pagkakaroon ng konkretong
klasrum mula sa mga dating gawang sawali lamang sa loob ng bakuran ng Tiaong Elementary
School.

Taong 1995, itinalaga si G. Ronaldo SL.Castor bilang punong-guro kapalit ni Gng.


Tacardon. Sa kanyang pamunuan ang dating Tiaong Barangay High School ay nagpalit
ngalan bilang Tiaong National High School (TNHS). Isa sa mga pangunahing pagbabagong
naganap ay ang paglipat ng paaralan mula sa Tiaong Elementary School sa kasalukuyang
kinatatayuan nito sa Barangay Pulong-Gubat, katabi lamang ng Pulong-Gubat Elementary
School. Ito ay naisakatuparan noong panahon ni Mayor Ambrosio Cruz. Ang nasabing
paglipat ay katugunang pangmatagalan sa lumalaking bilang ng mag-aaral. Sa bagong
kinatatayuan ay nagkaroon ng mga gusaling may dalawang palapag at entablado ng paaralan.

Taong 2007, nanumpa bilang bagong punong-guro ng TNHS si G. Lauro L. Lagman


na mula sa Felizardo Lipana National High School. Sa panahon niya naipatayo ang Mini-
Covered Court, bagong entablado, drinking station at kantina ng paaralan. Bago mailipat si G.
Lagman sa Norzagaray ay nakapagpamana pa ito ng bagong Palikuran. Ang
pinakamatagumpay sa panahon ng kanyang panunungkulan ay ang pagkakaroon ng paaralan
ng bagong lupa na may sukat na apat na ektarya mula sa donasyon ni G. Calalang ng Rocka
Group of Companies.

Matagal na nangulila sa isang ina ang TNHS,kaya’t noong Enero, 2012 itinalaga si
Gng. Teresita D. De Martin mula sa Taal National High School sa Bocaue, Bulacan bilang
ikaapat na punong guro. Bagamat naging maikli lamang ang panahon ng kanyang
paglilingkod ay kinakitaan ang paaralan ng malaking pagbabago. Renobasyon ng Gusali ng
Pangasiwaan, pagkakaroon ng mga plantbox at halaman, gulayan sa palibot ng paaralan,
pagpapalaki ng tarangkahan at ang pag-asikaso ng bagong gusali mula sa Sangguniang
Panlalawihan na binubuo ng apat na klasrum. Naisakatuparan rin ang pagkakaroon ng right of
way papunta sa bagong lupa upang tayuan ng mga gusali mula sa programa ni Pangulong
Benigno Aquino na Public-Private Partnership ng DepEd at DPWH. Isa sa maipagmamalaki
sa panahong ito nahirang ang TNHS bilang rank 17 out of 78 Public Secondary School sa
Bulacan sa nakalipas na National Achievement Test 2012 Result.

Hunyo 17, 2013, sa katauhan ni G. Lamberto M. Dionisio mula sa Guiguinto National


Vocational High School – Malis Annex, ang bagong talagang punong-guro. Malugod siyang
tinanggap ng humigit 20 guro ng TNHS. Inilatag agad ni G. Dionisio ang mga programa
upang ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng Tiaong National High School sa tahak ng K to 12
Program ng Kagawaran ng Edukasyon.

B. MISYON

To provide quality basic education that will bring equal opportunities to learners in
acquiring the appropriate skills, workable knowledge, proper attitude and desirable values of
Maka-Diyos, Maka-Bansa, Maka-Tao at Maka-Kalikasan

Maibigay ang mataas na kalidad ng pagkatuto na magdudulot ng pantay na


oportunidad sa mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na kasanayan, mabisang
kaisipan, wastong asal at pag-uugali at mga kasiya-siyang pagpapahalaga upang maging
Maka-Diyos, Maka-bansa, Maka-tao at Maka-Kalikasan

C. BISYON

TNHS is a molder of learners to discover his/her full potential in a value-driven


teaching-learning environment that will enable him/her to prepare academically, become
responsible, God-fearing, nature-friendly citizen proud of his/her race in a highly competitive
global community.

Ang TNHS, bilang tagapaghulma ng mga mag-aaral na may kaalaman sa pagtuklas


ng kani-kanilang kabuuang potensyal at kakayahan sa kapaligirang may bukal ng
pagkakatuto ay tagapaghanda rin sa kanila sa pagkakamit ng mga kaalamang pang-akedemya,
maging responsible, may takot sa Diyos, maka-kalikasang mamamayan na nagtataguyod sa
lahing pinagmulan tungo sa isang komunidad na handa sa pagharap sa pandaigdigang
pagsubok.

D. SAGISAG NG PAARALAN

 Ang Sulo at ang apoy : Kahandaan sa Pagtahak sa Pangarap


 Aklat : Bukal ng Kaalaman
 Orkidyas at Gumamela : Natatanging Talento at Kakayahan
 Dahon ng Laurel: Dangal at Kabutihan

E. HIMNO NG PAARALAN

Tiaong High School sintang paaralan


Ikaw ang aming tanglaw
Sa pagtahak sa landasin
Tungo sa aming pangarap
Ngalan mo’y aming iingtan
Saagkat tunay ka naming mahal

O Tiaong High School sintang paaralan


Dangal ka nitong bayan.

Sa inyo aming mahal na guro


Kami ay nagpapasalamat
Handog naming ay papuri
Sa nagawa nyong kabutihan
At sa aming punong guro
Na lagi ka habang buhay

O Tiaong High School sintang paaralan


Dangal ka nitong bayan.

F. HIMNO NG BAYAN NG GUIGUINTO

Itong bayang minamahal


Tulad ng gintong kumikinong
Sa landas ay siyang tanglaw
Guiguinto bayang may dangal

Ika’y laging dadamayan


Pagtatanggol kanino man
Sa marahan na kaaway
Ikaw ay ipaglalaban.
Itong bayan ng Guiguinto
Itinangi ng Maykapal
Bayang naging paraiso ng
Dakilang at banal
Ngalan mo’y itatanghal
Ipinagbunyi’t isisigaw
Ngayon at kailaman.

G. DEPED BULACAN MARCH

Mabuhay ang DepEd ng Bulacan


Mabuhay ang kanyang adhikain
Mabuhay ang guro’t mag-aaral
at tagapamahala
Katapatan sa tungkulin alat
Natin sa Inang Bayan

Kaya’t mithiing tagumpay


Ngayo’y ang DepEd ng Bulacan
Mabuhay ang kanyang adhikain
Mabuhay ang guro’t mag-aaral
At tagapamahala
Mabuhay ang DepEd ng Bulacan
DepEd Bulacan mabuhay ka.
H. PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS – LUPANG HINIRANG

Bayang magiliw perlas ng silanganan


Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay
Lupang hinirang duyan ka ng magiting
Sa manlulupig ’di kapasisiil

Sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw


May dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya’y kailan pa ma’y di magdidilim

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta


Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

I. PANUNUMPA SA WATAWAT NG PILIPINAS

Ako ay Pilipino.
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang isinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na ipinakikilos ng sambayanang
makadiyos, makakalikasan, makatao at
makabansa

J. PANATANG MAKABAYAN

Iniibig ko ang Pilipinas


Aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi
Kinukupkop ako at tinutulungan
Maging malakas,masipag at marangal

Dahil mahal ko ang Pilipinas


Diringgin ko ang payo ng aking mga magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan

Naglilingkod,nagaaral at nagdarasal ng buong katapatan


Iaalay ko ang aking buhay
Pangarap pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.

II. MGA POLISIYANG PANG-AKADEMIKO


A. ANG K TO 12 CURRICULUM
Taong 2010 ay ipinakilala ang Seondary Education Curriculum 2010 subalit naging bigo
ang kurikulum na ito. Nagkaroon ng mabilis na ebalwasyon at ang resulta ay hindi ito
umangkop sa tunay na pangangailangan ng mag-aaral sa bansa.

Noong Mayo 15, 2013 ay nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III para maging
isang ganap na batas ang Enhanced Basic Education Act of 2013. Ang Republic Act No.
10533 o mas kilala sa tawag na K-12 Law.

Taong Panuruan 2012-2013 ay pinatupad ang bagong kurikulum na ito sa bawat


Pampublikong Hayskul sa buong bansa. Baitang 7 ang tawag para sa dating Unang Taon at
susundan ng Baitang 8, 9 at 10.

Ang Kto12 Program ng Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas ay tumutukoy sa


pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa dating 10-
year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat
na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante.
Sa ilalim ng Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2
taon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high
school ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng hayskul sa lumang sistema ay tinatawag
naming junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic
Education sa ilalim ng Kto12.

“Naninindigan pa rin po tayo sa ipinangako nating pagbabago sa edukasyon: ang gawin


itong sentral na estratehiya sa pamumuhunan sa pinakamahalaga nating yaman: ang
mamamayang Pilipino. Sa K to 12, tiwala tayong mabibigyang-lakas si Juan dela Cruz
upang mapaunlad—hindi lamang ang kanyang sarili at pamilya—kundi maging ang buong
bansa. – Pangulong Benigno S. Aquino III

B. ANG DISENYO NG K TO 12 CURRICULUM


B.1 Ang Walong Learning Areas
Narito ang walong Learning Areas na ubod ng K to 12 Curriculum
(hango sa Deped Order NO. 31 S. 2012)
Integrated Language Arts Mother Tongue, Filipino and English ( Baitang 7 -10 )
Ang Filipino ay naglalayong malinang ang (1) kakayahang komunikatibo at (2)
kahusayan sa pang-unawa at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral. Lilinangin
ang makrong kasanayan (pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood) sa tulong ng
iba’t ibang dulog at pamamaraan tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng wika (KPW),
Pagtuturong Batay sa Nilalaman (PBL) ng iba;t ibang akdang pampanitikan at Pagsasanib ng
Gramatika sa Tulong ng iba’t ibang Teksto (PGRT), at isinasaalang-alang din ang
pagsasanib ng mga pagpapahalagang pangkatauhan sa pag-aaral at pagsusuri ng iba’t ibang
akdang pampanitikan.
Science (Grade 7-10)
This course deals with the basic concepts in Biology, Chemistry, Physics and Earth/
Space Science. Every quarter presents the different science disciplines across grade levels in
increasing complexity. The course is focused on the development of awareness and
understanding of practical everyday problems that affect the learners’ lives and those around
them.

Mathematics ( Grade 7-10)


It includes key concepts and principles of number sense , measurement, algebra,
geometry, probability and statistics as applied, using appropriate technology, in critical
thinking, problem solving, reasoning, communicating, making connections, representations
and decisions in real life.
Araling Panlipunan ( Baitang 7-10)
Ang asignaturang ito ay naglalayong tumalakay sa kasaysayan ng Pilipinas gamit ang
sipi ng mga piling primaryang sanggunian mula sa iba’t ibang panahon at uri; at magpamalas
ng malalim na pang-unawa sa mga pangunahing kaisipan at mga napapanahong isyu sa pag-
aaral ng kasaysayan, pamahalaan, kultura at lipunan ng mga rehiyong Asyano; kasaysayang
pandaigdig at napapanahong isyu; at ang kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks at
pambansang pag-unlad.
Technology and Livelihood Education (TLE ) Grade 7-10
Technology and Livelihood Education (TLE) provides an enriched general education
that will prepare our graduates for higher education, world of work and lifelong learning. The
integration of Entrepreneurship concepts such as Personal Entrepreneurial Competencies
(PECS), Environment and Market (E & M) and Process and Delivery prepares the students
for gainful employment and set up their own business in the areas of Agri-Fishery Arts,
Industrial Arts, Home Economics, and Information and Communication Technology.
Music, Art, Physical Education and Health (MAPEH) Grade 7-10
The Music and Art deal with the study of man ‘aesthetic expression and through
sounds (music) and visuals (art) mirroring the sentiments and ideas of society and culture, and
contributing to the development of individual and collective identity. It is designed to be
student-centered, based on spiral progression, and grounded in performance-based learning
focused on appreciation and application where basic fundamentals are further reinforced. The
program design empowers the learners to effectively correlate Music and Art to the study of
Philippine Culture, as influenced by history, the culture of its neighbors and the effects of
globalization and the advancement of information technology.
The Physical Education and Health promote the development of active and healthy
lifestyle. Physical Education focuses on five strands namely: body management, movement
skills, games, and sports, rhythm and dance and physical fitness.
Each strand is sequentially developed across grade levels including activities that are
varied and age-appropriate to address the needs and interest of learners.
The Health program deals with physical, mental, emotional, social, moral and
spiritual dimensions of health that enable learners to acquire essentials knowledge, attitudes
and skills necessary to promote good nutrition, prevent and control diseases, substance used
and abuse, and reduce health-related risk behaviors and injuries with the view to maintaining
and improving personal, family, community, national and global health.
Edukasyon sa Pagpapakatao ( EsP ) Grade 7-10
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay naglalayong malinang at mapaunlad ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa moral na pagpapasya at paggawa ng mga pasyang batay sa
idinidikta ng tamang konsensya.
Apat na tema ang nililinang sa paraang expanding spiral mula Kindergarten hanggang
Grade 10. (a) Pananagutang Pansarili at Pagiging Kasapi ng Pamilya, (b) Pakikipagkapwa at
Katatagan ng Pamilya, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa
Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pagkamaka-Diyos at Preperensya sa Kabutihan.
Ang nilalaman at istruktura ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay nakaangkla sa
dalawang disiplina: Ethics at Career Guidance. Ang Etika ay ang siyensya ng moralidad ng
kilos ng tao. Ang Career Guidance ay ang paggabay sa mag-aaral na magpasya ng kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal na tugma sa kanyang talento, kakayahan at aptitude at mga
trabahong kailangan sa ekonomiya kakayahan at aptitude at mga rabahong kailangan sa
ekonomiya.
B.2 Ang Wikang Panturo
Wikang Filipino ang gagamitin ng guro para sa Asignaturang Filipino, Araling
Panlipunan (AP) at Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) samantalang ang Wikang Ingles
naman para sa English, Science, Mathematics, Technology and Livelihood Education (TLE)
at Music, Art, Physical Education and Health (MAPEH)
B.3. Haba ng Oras ng Pagtuturo
Batay na rin sa bagong kurikulum ( K to 12) sa bawat linggo, ang mga signaturang
Filipino, English, Mathematics, Science ay ituturo ng apat na oras. Ang Araling Panlipunan
ay tatlong oras. Sa mga di-akademikong asignatura tulad ng Technology and Livelihood
Education (TLE) at and Music, Arts, Physical Education at Health ay apat na oras rin subalit
ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay dalawang oras. Sa kabuuan ay may 29 na oras sa isang
lingo.
B.4. Ang Individual Cooperative Learning at Homeroom Guidance
Ang Individual Cooperative Learning ay hiwalay na oras sa isang lingo (dalawa o di
lalampas sa apat na oras) . Ito ay libreng oras ng mga mag-aaral upang mabigyan sila ng
opsyon na matuto batay sa kani-kanilang pamamaraan sa iba’t ibang mga paksang-aralin,
mga gawaing kaya nilang tapusin sa pamamagitan ng pagtutulungan sa isa’t isa.
Magkakaroon naman ng isang oras sa bawat lingo na Homeroom Guidance. Mainam
na pagkakataon ito upang magkaroon ng malinaw na komunikasyon sa pagitan ng mga mag-
aaral at sakanilang Gurong-tagapayo.
B.5. Mga Kagamitang Panturo
Ang mga libro/ modules ay ipahihiram sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase.
Inaasahan ng pamunuan ng paaralan ang wastong pangangalaga rito. Kailangan isauli bago
matapos ang taong panuruan. Sa oras na nawala ang mga ipinahiram ay agad itong iulat sa
Gurong Tagapayo. May kaukulang halaga ang bawat libro na kailangang mabayaran ng mag-
aaral kung sakaling naiwala niya ito.
C. Ang mga Co-Curricular at Extra-Curricular Activities
Malaki ang ginagampanan ng mga Co-Curricular at Extra-Curricular Activities sa
paghubog ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Dito makikita ang kabuuang repleksyon ng mga
natutunan sa loob ng klase. Mga aplikasyon at Performances na maituturing ang mga
gawaing sinusuportahan ng mga Deped Memorandum.
C.1 Mga Alituntunin sa Pagsasagawa ng Co-Curricular at Extra-Curricular
Activities.
Maaaring maging opisyal ng isang organisasyong pamapaaralan ang sinumang naka-
enrol sa paaralaan o maging isang aktibong miyembro. Narito ang mga sumusunod na Co-
Curricular Organization sa TNHS.
 Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SaMaFil)
 Ang Gintong Binhi School Paper Organization
 English Club
 The Oracle School paper Organization
 Mathematics Club
 Science Club
 YES-O
 Aralin Panlipunan Club
 Music and Arts Club
 Physical Education and Health Club
 Scouting Club ( Boy Scout of the Philippines)
 TLE Club
 EsP Club
 ICT Club
Ang bawat club ay may kani-kanilang Constitution and By-Laws na sinusunod at
Gurong-Tagapayo na gagabay sa kanila sa pagpaplano at pagpapasya. Tanging isang
pangunahing posisyon bilang opisyal ang maaring salihan upang maiwasan ang conflict of
interest at mabigyan ang pagkakataon ang iba na malinang ang talento sa pamumuno.
Ang Supreme Student Government (SSG) ang pinakapangunahing organisasyong
panpaaralan. Ang mga opisyal nito ay inihalal ng nakararaming mag-aaral. Sila ang boses ng
Tnhsians sa pamunuan at kaakibat sa pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan at kagandahan ng
paaralan.
Ang Homeroom Officers ay mga inihalal ng mga mag-aaral sa bawat klase.
Katulong ng SSG ang lahat ng Pangulo ng Homeroom sa pagpapatupad ng mga programang
pampaaralan.
Inaasahan ng Pamunuan ng Paaralan na huwaran ang lahat ng mga opisyal ng bawat
organisasyon at katuwang tagapagsulong ng misyon st bisyon ng TNHS.
Ang mga Extra-Curricular Activities ay mga gawaing batay sa mga ipinalalabas na
memorandum ng Division Office of Bulacan o ng Office of the Schol Principal. Narito ang
mga kadalasang buwanang gawain sa TNHS.
Hunyo – Araw ng Kalayaan – Pagsasadula/ Dulansangan
Hulyo – Buwan ng Nutrisyon
Agosto – Buwan ng Wika
Setyembre – Intramural – Sports Competition
Oktubre – Scouting at Ms. United Nation Competition
Nobyembre – English Month Celebration
December – Educational Tour / Christmas Celebration
January – Math Competition / Halamanan Festival at Foundation Day
February – Science Month /Music and Arts Month
Bukas para sa lahat ng mag-aaral ang mga nailahad na gawain. Paalala lamang na
kinakailangan ng pahintulot ng guro at punong guro ang mga nais sumali upang maging
opisyal na kalahok.
C.2. Mga Alituntunin sa mga Gawaing Panrelihiyon
Walang opisyal na relihiyon ang ipinaiiral ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga
pampublikong paaran subalit hindi nito hinahadlangan na mailapit sa Diyos ang mga mag-
aaral. Pangunahing polisiya ng paaralan ang pagrespeto sa paniniwala ng bawat mag-aaral
alinsunod sa pamatnubay ng kanilang mga magulang.
Isinasagawa NG TNHS ang First Friday Mass sa Parokya ng Nuestra Senora del
Rosaryo. Ang lahat ay inaanyayahan na dumalo sa misa subalit ang mga hindi dadalo ay
magsasagawa ng Community Service o Paglilinis. Pangangasiwaan ito ng ilang mga guro.

D. Ang Pagsusuma ng Marka ng mga Mag-aaral


Ang ebalwasyon, pagsusuri at pag-aalam sa kakayahang natamo ng bawat
mag-aaral ay napakahalaga sapagkat ito ang magiging batayan sa pagtatamo ng
istandards. Ito ang kabuuang paglalatag ng kanilang pagsusumikap. Ang bawat
asignatura ay may kani-kanilang pamamaraan ng pagsusulit. May apat na markahang
pagsusulit, isang semi-final bago ang huling markahang pagsusulit sa buwan ng
Pebrero.
Narito ang Lebel ng Pagsusuri na Gamit ng Bawat Guro

Level of Assessment Definition Percentage Weight


Knowledge The substantive content of the curriculum, the facts 15%
and information that the student acquires
Process or Skills Skills or cognitive operations that the student 25%
performs on facts and information for the purpose
of constructing meanings or understandings.
Understanding (s) Enduring big ideas, principles and generalizations 30%
inherent to the discipline, which may be assessed
using the facets of understanding or other
indicators of understanding which may be specific
to the discipline
Products/ Real life application of understanding as evidenced 30%
Performances by the student’s performance of authentic tasks.
Total 100%

Narito naman ang Level of Proficiency na makikita sa report card ng bawat mag-aaral.
Level of Proficiency Equivalent Numerical Value
Beginning (B) 74% and below
Developing (D) 75-79%
Approaching Proficiency (AP) 80-84%
Proficient (P) 85-89%
Advance (A) 90% and above

The Final Grade at the end of the four quarters shall be reported as the average of
the four quarterly ratings, expressed in terms of the level of proficiency.
Source: Deped Order No. 73, s. 2012
E. Mga Pamantayan sa Pagpili ng mga Natatanging Mag-aaral
1. Ang mga mag-aaral ay kabilang sa Top 10 na nasa Advance Level (A) na walang
marka sa Final Grade na mas mababa sa 85% (Proficiency) at wala dapat
markang nasa Developing Level.
2. Gagamitin ang 7-3 Point Scheme ( 7 points for academic performance at 3 points
for co-curricular activities) batay sa Deped Order No. 92, s. 2009
3. Ang transferees ay maaaring ikonsidera sa pagpili sa kondisyong di siya nag-
enrol sa paaralan ng higit sa dalawang lingo bago pasimulan ang klase.
4. Ang General Average ay kailangang sumahin na may tatlong decimal
places.Kung sakaling mayroong nag-tie ay parehong ibibigay ang karangalan sa
magkamukhang ngalan (parehong balediktoryan, salutatoryan etc.).
5. Lahat ng mga kandidato ay may Good Moral Character at di napatawan ng
disciplinary action sa loob ng kasalukuyang panuruan.
6. May bukod na paggawad ng karangalan sa bawat akademikong larangan
(Filipino, English, Math etc.) at sa mga espesyal na larangan ( Sports, Arts and
Campus Journalism).
7. Ang bawat miyembro ng Selection Committee ay hindi dapat kabilang sa second
degree of consanguinity or affinity.
8. Ang Punong Guro ang pinuno na Selection Committee na binubuo ng tatlo
miyembro mula sa kaguruan. Pagkatapos ng rekomendasyon at pagsusuri ay
kailangang aprubahan ito ng Punong Guro at ng School Division Superintendent,
not later than 15 days bago ang Araw ng Pagkilala/Pagtatapos. Ang mga
kandidato at ang Gurong-tagapayo ay dapat dumalo sa proseso ng pagpili.
9. Kung sakaling mag protesta ay kailangang iapila ito ng kandidato kasama
angkanyang magulang sa Punong Guro sa loob ng limang araw ng paggawa
pagkatapos ng Huling Anunsyo at kailangang maglabas ng resolusyon sa loob rin
ng limang araw ng paggawa.
III. MGA SERBISYO SA MGA MAG-AARAL
A. Registrar’s Office
Sa opisinang ito nakalagak ang mga records ng bawat mag-aaral at alumni ng
paaralan. Matatagpuan sa Building 1 Extension.

B. Guidance Office
Tinitiyak ng opisina ito na magabayan at matulungan ang mga mag-aaral na
malinang ang kanilang potensyal sa larangan ng akademiko at di akademikong
aspeto at mahikayat sila upang maging produktibo, responsible, maglingkod sa kapwa
at tulungan pa ang sarili sa pagdedesisyon sa buhay.
Tntulungan rin nito ang mga mag-aaral na maunawaan ang kanyang
kalakasan at limitasyon upang maangkop ang sarili sa lipunang ginagalawan at sa
emosyong narramdaman sa iba’t ibang sitwasyon.

Narito ang mga serbisyong ibinibigay ng Guidance Office


a. Individual Counseling
b. Group Counseling
c. Career Guidance
C. Library
Ang School Library ay matatagpuan sa Building 1. Mayroon itong iba’t ibang
librong maaring basahin o hiramin ng mga mag-aaral. Kinapapalooban ng mga
encyclopedia, dictionaries, atlases, foreign and local reading materials, newspaper
and magazines. Mayroon rin itong mga kagamitang panturo na maaring gamitin sa
klase.Ang Laybrari ay pinangangasiwaan ng mga guro sa wika (English/ Filipino
Teacher)
D. Clinic
Ang School Clinic ay matatagpuan sa Building 5. Isang TLE Teacher ang
nangangasiwa rito at handa sa anumang serbisyo tulad ng First aid treatment. Ito rin
ang may kakayahang makipag-ugnayan sa Barangay Health Unit at mga
Pampublikong Ospital sa oras ng Emergency.

E. Canteen
Mayroong bagong kantina ang TNHS. Lahat ng guro sa pamumuno ng isang
guro sa TLE ang nangangasiwa rito. Mayroon itong tagaluto ang ilang mga
katuwang. Mabibili ang mga masusustasyang pagkain na nasa abot kayang halaga.
Katuwang an grin ito sa pagpapanatiling malusog ang mga mag-aaral.

F. The Retail Store


Nagsusuplay ito ng mga gamit pamparalan at mga kailanganin sa mga
proyekto na nasa mababang halaga. May mabibili ring mga pampersonal na gamit at
iba pa. Isang guro sa TLE ang nangangasiwa rito.

G. Computer Laboratory

Kakikitaan ng mga kompyuter na magagamit sa pagharap sa mga kasanayan sa


Information and Computer Technology. Matatagpuan saikalawang palapag sa Building 2.
Pinangangasiwaan ito ng ICT Coordinator.

IV. ANG MGA BATAS AT ALITUNTUNIN NG PAARALAN


SECTION 1 – THE PRESCRIBED UNIFORM
Male
 White polo shirt with patch and black long pants
 Black shoes with plain white socks
 School ID
Female
 White navy-collared blouse and dark red plain necktie with patch
 Red/Dark Blue checkered all around pleated skirt with a length of 2 inches below the knees
 Black shoes with plain white socks
 School ID
Haircut
 For Male students, the acceptable haircut shall beat least 2 inches above the ears and 3 inches
above the collar line.
 Hair color is strictly prohibited to all students
Rules on Uniform and ID
 All students are encouraged to be simple and neat in appearance.
 Every student is required to wear the prescribed school uniform at all times during the regular
school days.
 The blouses of the female students and the polo shirts of male students must be properly
buttoned. Skirts must be reasonably of decent length.
 Undershirts of male students should strictly be in white, not printed nor colored.
 The P.E. uniform is worn only in P.E. classes.
 The Students’ school I.D. is strictly prohibited.
 For Female students’ – No wearing of ankle – length skirt, crumpled/ printed/ colored socks,
sandals, fancy shoes, caps, multiple earrings, anklets, make up / lipstick.
 Fancy haircuts, highlighted or dyed hair, tattoos, long/ colored nails are not acceptable.
 For male students – No wearing of “hi-hop or baston” pants and other outlandish style of
pants, dangling belt, fancy shoes, sandals/slippers, caps, sunglasses, earrings, satanic pendants
or bracelets.

PENALTIES FOR VIOLATION OF SECTION 1

First Offense – Respondent shall be warned and reprimanded.


Second Offense – Respondent’s parent shall be summoned to the Office of the Guidance Officer
together with the Level Discipline Officer/ Level Chairman/ Adviser for a dialogue on the matter .A
written agreement shall be made regarding the offense
Third Offense – The written agreement shall be enforced.

SECTION 2- ATTENDANCE

Regular and punctual attendance is absolutely necessary. Students must attend


the flag ceremony every Monday at 7:15 a.m and Flag retreat every Friday at 3:30 p.m.

Tardiness – A student is considered tardy if he comes to class 15 minutes after the bell has rung.
Cutting Classes – A Student cuts classes if he/she willfully does not attend in one or more subject/s
but present in some subjects

Absentism

A student who has been absent for more than three days is required to present to the office of the
Guidance Officer a written explanation of his absence sign by his/her parent/guardian immediately
after the day he/she was absent.

A prolonged absence of at least five days caused by illness must be certified with a written statement
from a doctor. (Optional)

When a student is absent from the class, he is responsible for all matters that were taken up in his
class during his absence and should make all necessary arrangement for missed assignments, lesson
and projects with the teacher.

The parent/ guardian has to personally seek permission for his/ her child to leave the school during
class hours to attend to social appointments of any kind.

When student is sick or not feeling well and has to leave the school during class hours, he needs to
secure a gate pass from clinic staff. The gate pass has to be signed by the Adviser/ Guidance
Officer /Discipline Officer/ Level Chairman before presenting it to the guard.

SECTION III – NORMS AND CONDUCT

IN THE CAMPUS

 All students should give due respect to the school administrators, teachers, personnel and
visitors.
 Students are expected to take care of school properties.
 No student is allowed to loiter around the school premises.
 Students are off limits in the faculty rooms and administrative offices unless for valid reasons.
 No student is allowed to leave the campus during class hours without written permission from
their advisers/ school medical officer / level chairman / discipline officer or guidance officer.
 Students must wear prescribed uniform and I.D. at all times.
 Students are discouraged from inviting guests to school for unofficial reason. Students will be
responsible for the behavior of the guest.
 Exclusive boy-girl pairings and public display of affection inside the campus are strictly
prohibited.

INSIDE THE CLASSROOM

 Silence must strictly be observed in entering and leaving the classroom.


 If the teacher is late, the students should review the lessons while waiting. If the teacher is
absent, inform immediately the Level Chairman to assign a substitute.
 When a teacher or a visitor enters the room, all students should stand erect to greet him/her.
 Students should maintain the cleanliness of the classroom. Littering inside the classroom will
be dealt with accordingly.
 At all times, students should not write anything on the board without the permission of the
teacher. The teacher's desk is exclusively for teacher's use only. Any damage or loss of school
properties inside the room such as the chairs, electric bulbs; doors, etc. is the responsibility of
the students.

C. IN THE LEARNING CENTER / LIBRARY

 The L.C./ Library is open during class days from 7:30 a.m. to 5:00 p.m. It is a place for
studying and other intellectual activities that require concentration. Thus, silence must
prevail.
 A Library card must be secured by students to be able to borrow books in the library.
 A student is responsible for the reading materials he/she uses in the library. In case of losses
and damages, the student will be liable for replacing them with the current cost.

D. IN PUBLIC PLACES AND GATHERINGS


 Students are expected to behave with kindness and courtesy even outside the school.
 Refrain from attracting attention by way of boisterous yelling, laughter and giggling. Speak in
low voice,

SECTION IV- SCHOOL DISCIPLINE


 Discipline measures are employed by the TNHS to correct erring students and for them not to
repeat their mistakes, to safeguard the name of the school and to help in the progressive
development of the whole studentry.
 Warning- The attention of the student is formally called in connection to some offense or
violation.
 Probation- Habitual misbehavior and unsatisfactory conduct places a student under probation
for a specific period of time.
 Suspension- The student is deprived from attending classes and school activities for a
determined period depending upon the gravity of offense but is asked to stay in the guidance
center / Learning Center to serve his suspension.
 Dropping/Dismissal- A student may be dropped from the roll if after due process was found
guilty of committing a serious or major offense. However, if he/she decided to transfer to
another school, he/she is supported w/a letter of recommendation.

Offense Behavior is categorized as either minor or major offenses.

MINOR OFFENSES:
 Improper/ Incomplete Uniform
 Tardiness
 Cutting Class
 Absenteeism
 Improper Haircut
 Disturbing Classes
 Littering
 Mischief
 Forging of Excuse Letters
 Loitering
MAJOR OFFENSES:
 Cheating
 Theft
 Use of Indecent Language
 Bringing of Pornographic Pictures/Materials
 Tampering of Public Documents
 Vandalism- destruction of school properties
 Possession and Use of deadly weapons such as knives, ice-picks, and hand- made toy guns.
 Threat/Intimidation/Bullying/Extortion inside  the vicinity of the school.
 Possession and use of prohibited drugs, cigarettes, liquor, explosives
 Gambling of any kind
 Continuous disregard of school policies
 Disrespect or defiance of authority
 Membership, participation in exclusive and unauthorized organizations such as fraternities
 Scandalous display of affection such as kissing, necking, petting
 Fighting with serious physical injury
 Other acts considered malicious or undesirable that create scandal of the moral integrity if the
school.

Advisers should prepare a Log Book for the records of such an act committedby the students,
conferences and resolutions as evidence of proper procedure.
V. Mga Dapat Isaalang-alang sa Evacuation Drill
(Batay sa Deped Order No. 48, s. 2012/ Deped Order No. 72 s. 2012)

Ang Department of Education (Deped) kasama ang iba pang mga ahensya,
Department of National Defense (DND), pamunuan ng National Disaster Risk Reduction
Management Council (NDRRMC), ang lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan
ay kailangang magkaroon ng Quarterly Conduct of the National School-Based Earhquake
and Fire Drills.
Layunin ng gawaing ito na maging mulat at masuri ang kakayahan at kahandaan ng
bawat paaralan sa pagharap sa mga kalamidad at sa nagbabagong klima.

A. Evacuation Plan
1. Pakinggang mabuti ang alarma.
2. Habang may nagaganap na pagyanig ng lupa ay gawin ang DUCK, COVER and
HOLD. Manatili sa lugar hanggang sa matapos ang pagyanig.
3. Pumunta agad sa Evacuation Area pagkatapos ng pagyanig. Ang guro ang
magsisilbing guide at magsasagawa ang headcounts.
4. Magkakaroon ng ebalwasyon ang Koordineytor ng Evacuation Drill.
5. Sa pagsasagawa naman ng Fire Drill ay isagawa ang STOP, DROP and ROLL
kung sakaling umapoy ang katawan. Sundan ang guro papunta sa Evacuation
Area para sa headcounts at ebalwasyon.

VI. Patalastas Pangkalusugan


A. Kampanya Laban sa Dengue
Walang pinipili ag lamok at kahit sino ay pwedeng maging biktima ng
dengue. May tatlong main symptoms ang dengue: lagnat, rashes, at sakit ng ulo, likod
at pangangatawan. Pagkaraan ng isang lingo, ang biktima ay maaaring makaranas ng
sudden chills, matinding pagod, sakit ng ulo at pangangatawan. Mawawala ang lagnat
pero babalik ulit ito na may kasamang makating rashes sa dibdib, kamay at paa.
Walang gamut sa dengue pero kusa itong nawawala. Kailangan lang ay
magpahinga at uminom ng maraming fluids. Subalit ang mga bata below 10 years old
ay maaaring magkaroon ng severe form ng dengue. Nakamamatay ito unless
magkaroon ng blood transfusion.
Para maiwasan ang pagdami ng lamok, narito ang ilang tips mula sa
Department of Health.
1. Huwag magtago ng maraming tubig sa bahay. Kung kailangan mag-ipon
ng tubig, takpan ang lahat ng containers para hindi mapasukan ng lamok.
Palitan ang tubig sa mga plorera sa loob at labas ng bahay araw-araw.
2. Linisin ang bubong ng bahay lalo na yung mga gutters kung saan
pwedeng magbara ang tubig at mangitlog ang mga lamok doon.
Linisinang bakuran at tanggalin ang mga bagay na pwedeng bahayan ng
lamok tulad ng boteng may tubig. Linisin din ang mga kanal at huwag
magtapon ng basura doon.
3. Gumamit ng kulambo, screen door at lagyan ng screen ang mga bintana
para hindi makapasok ang lamok. Magsuot ng long-sleeved shirts at long
pants kung pupunta sa lugar na maraming lamok.
4. Gumamit ng low-Deet insect repellent tulad ng Off Lotion at iba pa.

VII. School Administrators, Faculty and Staff

Principal I : MR. LABERTO M. DIONISIO

Teacher III: Mr. Rolando S. Cheng


Mrs. Emily G. Dela Cruz
Mrs. Fedeliza B. Narciso

Teacher II: Ms. Juana F. Dela Cruz


Mrs. Lolita M. Laderas

Teacher I: Mrs. Corazon C. Abulencia


Mrs. Maria P. Aquino
Ms. Rowena T. Benito
Ms. Marites DG. Bravo
Mrs. Pinky D. Crisostomo
Mr. Leo D. Crisostomo
Mr. Jeffrey G. de Guzman
Ms. Angellie P. Narciso
Mrs. Soledad C. Lo
Mrs. Francisca C. Marquez
Mrs. Baby Rizza P. Mercado
Ms. Maricris M. Razo
Mrs. Melissa E. Ramirez
Mr. Cyrus C. Rivera
Mrs. Maria Corazon A. Santos
Mrs. Marie Rose S. Valerio
Mrs. Ma. Rufina R. Vinluan

School Guard: Mr. Abel A. Fidelino


Mrs. Merlinda Lorenzana
Canteeners: Maricosa P. Mariano

DE GUZMAN, JEFFREY G.
May-Akda

You might also like