You are on page 1of 1

IV.

Learning Task (Module 9)


Gawain: Pumili sa isa sa mga anyo ng tula at gumawa ng sariling tula kasama na ang pamagat nito. Apat na
taludtod na may limang saknong.

Swerteng Anghel

Isinulat ni: Rachel Mae Dillera

Siya ay dumating ng hindi inaasahan,

Ako ay nagulat, natakot at kinabahan,

Nag-alala kung paano na nga ang kanilang kinabukasan

Ngunit pinanindigan at tinanggap ng walang pag-aalinlangan.

Nagpatuloy sa kanilang buhay,

Kasama ang inaasahan niyang Karamay,

Pinagpatuloy ang pag-abot ng kanilang pangarap,

Sa gitna ng mga pagsubok na kanilang kinaharap.

Sila’y tinanggap pa rin ng kanilang pamilya,

Minahal at inalagaan ang kanilang napakalaking biyaya,

Tila ang lahat ay nagiging maayos,

Kapag narinig ang mga tawa at naramdaman ang mahihigpit na yapos.

Ngunit ang pagtupad ng kanilang pangarap ay tila ba mailap

Sapagkat panibagong pagsubok nanaman ang kanilang kinaharap

Ngunit wala sa isip nilang sukuan ang kanilang mga pangarap,

Na maiahon at hindi maranasan ng kanilang anghel ang buhay ng maging mahirap

Hindi sila napapagod magtrabaho,

Upang maibigay lahat ng pangangalaingan ng buong puso,

Isa na rin sa mga pangarap nila ang malapit ng makamit,

at patuloy na magsisikap upang iba pang pangarap ay masungkit.

You might also like