You are on page 1of 1

Ang pagmamahal ni Inay

By: Bonakols

Gumising at nagsaing ng maaga


At sa hapag kainan, pagkain ay nakahanda na.
Uniporme ay naka plantsa,
Baon ay naka-balot na.
Ganyan ang Ina’y tutok sa pag-aaruga.

Lahat ng hiningin / namin sa iyo


Ay handa kang magbigay / kahit ito’y magkano.
Bastat alam mo lang / na kaya mo ito.
Magtatrabaho ka man / nang kahit anu-ano
Basta’t mga anak mo / ay makuntento.

Buong mag-araw / kahit abutin man ng gabi.


Ika’y nagsisikap / ng walang pinapalagpas na sandali.
Pagod mo ay / di mo na inantala
At sa pag-uwi mo ay,
“Anak kamusta ka?”

Ang nais mo lang naman


Anak ay masaya.
Kaya’t ang sabi mo ay
“Huwag mag-alala ,
Anak kaya ko, pa”.

At Sa bawat dasal mo ay
Kinabukasan namin / ang iyong inaalala.
Kahit nga sa pagtulog mo ay,
Ito’y iyong dala-dala
Hanggang sa pag gising mo’y
kami ang unang hinahanap / ng iyong mga mata

Kaya’t salamat Inay


At sa mga patnubay na sa amin iyo’y ibinigay
Lalo na sa pagmamahal mo ay
Walang sinumang makakapantay
Ulit-ulitin man namin na magpapasalamat sa iyo
Alam namin hindi ito ang iyong gusto
Kundi ang salitang
“NAY, I LOVE YOU”.

You might also like