You are on page 1of 24

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Pangunahing Direksiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Pangunahing Direksiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Joy Ann B. Inlong


Editor: Joseph Ralph S. Dizon, PhD
Tagasuri: Joseph Ralph S. Dizon, PhD
Tagaguhit: Joy Ann B. Inlong
Tagalapat: Chona B. Viray
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
:
OIC-Asst. Schools Division Superintendent William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
District Supervisor, Pilar : Teresita R. Ordiales
Division Lead Book Designer : Rosita P. Serrano
District LRMDS Coordinator, Pilar : Joseph Ralph S. Dizon, PhD
School LRMDS Coordinator : Joy Ann B. Inlong
School Principal : Norma S. Guinto
District Lead Layout Artist, AP : Joseph Ralph S. Dizon, PhD
District Lead Illustrator, AP : Laarnie T. Balor
District Lead Evaluator, AP : Lope O. De Jesus

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Pangunahing Direksiyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan– Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Mga Pangunahing Direksiyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan– Ikatlong
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga
Pangunahing Direksiyon!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


Tuklasin
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Pagyamanin
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,


makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay ihihanda at sinuri upang matulungan ka na


masuri ang kinalalagyan ng mga lalawigan ng sariling rehiyon
batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksiyon.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang ikaw ay:

1. Nakatutukoy ng kinalalagyan ng bawat lalawigan sa rehiyon


gamit ang pangunahing direksiyon;

2. Nailalarawan ang kinalalagyan ng iba’t ibang lalawigan sa


rehiyon gamit ang mapa.

1
Subukin

Gamit ang mapa ng Rehiyon III, alamin ang kinalalagyan ng


bawat lalawigan gamit ang pangunahing direksiyon. Buuin ang
sagot sa loob ng mga kahon.

Mapa ng Rehiyon III

Aurora

Nueva Ecija

Tarlac

Zambales
Pampanga

Bulacan

Bataan

1. Zambales K A N L U R A N

2. Bataan T I M O G

3. Bulacan S I L A N G A N

4. Nueva Ecija H I L A G A

5. Aurora H I L A G A

2
Aralin Kinalalagyan ng mga

2 Lalawigan sa Rehiyon Batay sa


Direksiyon

N Makikita sa mapa ang Hilagang


direksiyon (kumakatawan sa North Arrow). Ito
North
Arrow ay isang gabay upang matukoy ang ibang
direksiyon ng mga lugar sa mapa

Ang Compass Rose naman ay


nagpapakita ng apat na pangunahing
direksiyon. Ang Hilaga ay nasa itaas na
bahagi ng direksiyon, ang Timog ay nasa
bahaging ibaba ng direksiyon, ang Silangan
Compass Rose
ay nasa bahaging kanan ng direksiyon at ang
Kanluran naman ay nasa bahaging kaliwa ng
direksiyon.

Samantala, ang compass naman ay


isang instrumento na nakatutulong sa
pagtukoy ng direksiyon. Ito ay karaniwang
ginagamit ng mga iskawt at manlalakbay
upang hindi sila maligaw.

compass

3
Ang iskala naman ay ang panandang nakikita sa ilalim na
bahagi ng mapa. Ito ay bahagi ng mapa na nagpapakita ng
katumbas na distansiya sa mapa sa aktuwal na distansiya sa lupa.

Aurora

Nueva Ecija

Tarlac

Zambales
Pampanga
Bulacan

0 50 100
Bataan

Mas madaling matukoy ang kinalalagyan ng iba’t ibang


lalawigan sa rehiyon kung gagamitin ang mapa. Ang mapa ay
may pangunahing direksiyon na maaaring maging gabay upang
matukoy ang kinaroroonan ng isang lugar. Ang lahat ng mapa ay
nakaayon sa Hilaga.

4
Balikan

Tukuyin ang kahulugan ng mga simbolong ginagamit sa mapa na


nasa Hanay A. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

_____1. a. bulkan

_____2. b. bulubundukin

_____3. c. paaralan

_____4. d. ilog

_____5. e. lawa

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-
aaral upang makalikha at mailarawan ang mga
hugis ng katawan ayon sa kung paano ito
ginagawa o inilalahad sa isang larawan.

5
Tuklasin

Awitin ang sumusunod sa tono ng “Ako ay May Lobo.”

Pangunahing Direksiyon

May apat na direksyon,

Hilaga, kanluran,

Timog at silangan,

Ating pag-aralan.

Bawat lalawigan,

May kinalalagyan.

Halina’t pag-aralan,

Ito’y kailangan.

6
Suriin

Ang mga pangunahing direksiyon ay sadyang mahalaga upang


marating mo ang lugar na iyong pupuntahan.
Hanapin at guhitan sa wordhunt puzzle ang mga sumusunod na
salita.

D T S U O P V S A L
K I O S H I O B H A
A M R W Y I N L I O
S O C E T L O A L D
E G Y I K M O L A P
T I D H A S O B G Y
O L H U D R I B A A
M U D T S A A Y P R
S I L A N G A N O A
R S K A N L U R A N

HILAGA KANLURAN

TIMOG SILANGAN

DIREKSIYON

7
Pagyamanin

Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang


tamang letra ng sagot

_____1. Ano ang tawag sa gabay upang matukoy ang ibang


direksiyon ng mga lugar?

a. compass c. Compass Rose

b. Hilagang Direksiyon (North Arrow ) d. iskala

_____2. Ano ang tawag sa instrumento na nakatutulong sa


pagtukoy ng direksiyon?

a. Hilagang Direksiyon c. compass

b. Compass Rose d. iskala

_____3. Saang direksiyon nakaayon ang lahat ng mapa?

a. Silangan c. Timog

b. Kanluran d. Hilaga

8
_____4. Ang mga mapa ay gumagamit ng pananda na
nagpapakita ng pangunahing direksiyon. Ito ang
tinatawag na __________.

a. compass c. Hilagang Direksiyon

b. Compass Rose d. iskala

_____5. Ito ang bahagi ng mapa na nagpapakita ng katumbas


na distansiya sa mapa sa aktuwal na distansiya sa lupa.

a. iskala c. Compass Rose

b. compass d. Hilagang Direksiyon

9
Isaisip

Ang pangunahing direksiyon ay binubuo ng hilaga, timog, silangan


at kanluran.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pangunahing


direksiyon sa mapa upang madaling matukoy ang kinalalagyan ng
iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.

10
Isagawa

Gumuhit ng isang compass at isulat ang letra ng pangunahing


direksiyon na nakalagay dito.

11
Tayahin

Pag-aralan ang mapa ng Rehiyon III at sagutin ang mga


sumusunod na tanong at pumili ng sagot sa loob ng kahon..
Isulat ang tamang sagot sa patlang.
Mapa ng Rehiyon III

Aurora
Tarlac Nueva Ecija

Zambales
Pampanga
Bulacan
Bataan

0 50 100

_______________1. Anong lalawigan ang nasa bahaging timog?

Bulacan Tarlac

_______________2. Anong lalawigan ang nasa bahaging silangan?

Aurora Zambales

_______________3. Anong lalawigan ang nasa bahaging hilaga?

Pampanga Nueva Ecija

_______________4. Anong lalawigan ang nasa bahaging kanluran?

Zambales Bulacan

_______________5. Saang direksiyon nakapuwesto ang Bataan

Silangan Timog

12
Karagdagang Gawain

Gamitin bilang gabay ang mapa ng Rehiyon III. Gumuhit ng bilog


(O) sa patlang kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap at
tatsulok ( ) naman kung hindi.

Mapa ng Rehiyon III

Aurora

Nueva Ecija
Tarlac

Zambales
Pampanga
Bulacan

Bataan

0 50 100

_____1. Ang Bulacan ay nasa bahaging kanluran ng rehiyon.

_____2. Nasa bahaging timog ang lalawigan ng Aurora.

_____3. Ang lalawigan ng Zambales ay nasa bahaging kanluran.

_____4. Ang Bataan ay nasa bahaging timog.

13
14
Karagdagang Isagawa:
Gawain:
Tayahin: -(simbolo ng Pagyamanin:
1. daungan
1. (simbolo ng bundok, 1. c
2. ospital
bundok) 2. a
3. ilog talon, dagat,
2. paliparan 3. b
4. paliparan
3. talon o falls 4. e
5. talon o ospital,
4. (simbolo ng burol) 5. d
falls
5. (simbolo ng ilog)
palayan)
Suriin:
D T S U O P V S A L
K I O S H I O B H A
Balikan:
Subukin:
A M R W Y I N L I O
1. c
1. KANLURAN
S O C E T L O A L D 2. a
2. TIMOG
E G Y I K M O L A P 3. b
3. SILANGAN
T I D H A S O B G Y 4. e
4. HILAGA
O L H U D R I B A A 5. d
5. HILAGA
M U D T S A A Y P R
S I L A N G A N O A
R S K A N L U R A N
Susi sa Pagwawasto
silangan at kanluran.
_____5. Ang apat na pangunahing direksiyon ay ang hilaga, timog,
Sanggunian
2020. K to 12 MELC. Araling Panlipunan 3. Unang Edisyon.

2011. Araling Panlipunan 3. Kagamitan Ng Guro (Tagalog). Unang


Edisyon.

2019. Araling Panlipunan 3. Kagamitan Ng Mag-Aaral- Rehiyong


III Gitnang Luzon. Unang Edisyon.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like