You are on page 1of 20

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Katangiang Pisikal na Nagpapakilala sa
mga Lalawigan ng Ating Rehiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Katangiang Pisikal na Nagpapakilala sa mga Lalawigan
ng Ating Rehiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Aileen R. Casin


Editor: Joseph Ralph S. Dizon, PhD
Tagasuri: Lope O. De Jesus
Tagaguhit: Aileen R. Casin
Tagalapat: Chona B. Viray
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
:
OIC-Asst. Schools Division Superintendent William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
District Supervisor, Pilar : Teresita R. Ordiales
Division Lead Book Designer : Rosita P. Serrano
District LRMDS Coordinator, Pilar : Joseph Ralph S. Dizon, PhD
School LRMDS Coordinator : Joy Ann B. Inlong
School Principal : Norma S. Guinto
District Lead Layout Artist, AP : Joseph Ralph S. Dizon, PhD
District Lead Illustrator, AP : Laarnie T. Balor
District Lead Evaluator, AP : Lope O. De Jesus
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Katangiang Pisikal na
Nagpapakilala sa mga Lalawigan
ng Ating Rehiyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan– Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Katangiang Pisikal na Nagpapakilala sa
mga Lalawigan ng Ating Rehiyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan– Ikatlong
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga
Simbolo sa Mapa!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin
mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
Subukin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
Balikan
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
Tuklasin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


Suriin
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin
mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan
Isaisip
o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

iv
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang
iyong panibagong gawain upang
Gawain
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi sa
sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain


sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,


makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang matulungan ka
na malaman ang iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ayon sa mga
katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito gamit ang
mapang topograpiya ng rehiyon.

Matapos ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagsasabi ng ilang katangian pisikal ng mga lalawigan


sa rehiyon;

2. Nakatutukoy ng mga anyong tubig o anyong lupa na


nagpapakilala sa lalawigan at rehiyon;

3. Nakapaghahambing ng mga katangiang pisikal ng iba’t


ibang lalawigan sa rehiyon;

4. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga katangiang


pisikal na nagpapakilala ng lalawigan at rehiyon.

1
Subukin

Hanapin sa loob ang limang salita na tumutukoy sa anyong lupa at


anyong tubig na makikita sa Gitnang Luzon.

a b g l m s h i
b u n d o k d l
g l p u a i t o
k k h y d g b g
t a l o n k a n
o n i a r m b t

2
Aralin Katangiang Pisikal na

4 Nagpapakilala sa mga Lalawigan


ng Ating Rehiyon

Maraming natatanging lugar ang iyong makikita sa inyong


lalawigan at mga karatig-lalawigan nito.

Ang mapang topograpiya ng rehiyon ay makakatulong upang


matukoy ang kinalalagyan ng iba’t ibang lalawigan at mga
anyong pisikal na makikita rito.
Mapang Topograpiya ng Rehiyon III (Anyong Lupa)

Mapang Topograpiya ng Mapang Topograpiya ng


Rehiyon III (Anyong Lupa) Rehiyon III (Anyong Tubig)

3
Balikan

Isulat sa sagutang papel kung anong uri ng anyong lupa o anyong


tubig ang tinutukoy sa bawat numero.

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat


upang matulungan ka na malaman ang iba’t
ibang lalawigan sa rehiyon ayon sa mga
katangiang pisikal at pagkakakilanlang
heograpikal nito gamit ang mapang topograpiya
ng rehiyon.

4
Tuklasin

Basahin ang tula


Mapang Topograpiya
Mapang topograpiya ang aking gamit
Upang Makita, biyaya ng langit
Anyong lupa at anyong tubig
Dito’y ipinapahiwatig
Bundok, bulkan, burol,talampas at kapatagan
Mga halimbawa ng anyong lupang pinagyayaman
Ilog, dagat, lawa at talon
Mga anyong tubig na makikita sa ating rehiyon.

Suriin

Batay sa tula, ang mapang topograpiya ang ginagamit upang


makita ang katangiang pisikal ng isang lugar. Isulat sa loob ng
kahon ang mga anyong lupa at sa loob naman ng bilog ang mga
anyong tubig na nabanggit.

5
Pagyamanin

Halina’t maglakbay. Tukuyin kung saan matatagpuan ang mga


kilalang anyong tubig at anyong lupa ng Rehiyon 3. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon.
Aurora Bataan Bulacan Nueva
Ecija
Pampanga Tarlac Zambales

1. 2.

Bundok Samat Bulubundukin ng Sierra Madre

3. 4.

Bulkang Pinatubo Lawa Angat

5.

Ilog Pampanga

6
Isaisip

Ang paggamit ng mapang topograpiya ay nakatutulong upang


masabi ang katangiang pisikal ng isang lugar. Matutukoy din natin
ang mga natatanging anyong tubig at anyong lupa na
nagpapakilala sa bawat lalawigan sa rehiyon.

Ang Rehiyon III o Gitnang Luzon ay mayaman sa kalikasan. Ang


bawat lalawigan ay may natatanging anyong pisikal na
nagpapatanyag dito.

Isagawa

Tignan ang mapang topograpiya ng Gitnang Luzon. Isulat ang


pangalan ng mga natatatanging anyong pisikal na tinutukoy sa
bawat numero.

Mapang Topgrapiya ng Gitnang Luzon

7
Tayahin

Pag-aralan ang talahanayan na nagpapakita ng datos sa ilang


natatanging lugar sa rehiyon.

Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ang pahayag ay tama at


malungkot na mukha  kung mali.

Ilang Bundok sa Rehiyon Ilang Ilog sa Rehiyon

Bundok Taas Ilog Sukat o Laki

Arayat 1 026 m Angat 1 085 km2

Pinatubo 1 486 m Pampanga 9 759 km2

Samat 544.7 m Tarlac 1 900 km2

__________ 1. Ang Bundok Samat ay mas maliit kaysa Bulkang


Pinatubo.

__________ 2. Ang Ilog Angat ay ang pinakamahabang ilog sa


buong rehiyon.

__________ 3. Ang Ilog Pampanga ay mas malaki kaysa Ilog


Tarlac.

__________ 4. Ang Bundok Arayat ay mas mataas kaysa Bundok


Samat.

__________ 5. Ang Bulkang Pinatubo ang pinakamataas na


bundok sa buong rehiyon

8
Karagdagang Gawain

Narito ang mapa ng Rehiyon III. Batay sa isinaad na


impormasyon, buuin ang talahanayan na nasa ibaba.

Anyong Lupa/
Lalawigan Pangalan
Anyong Tubig
Aurora 1. Sierra Madre
Bataan bundok 2.
3. ilog Ilog Angat
4. bundok Bundok Arayat
Zambales bulkan 5.

9
10
Karagdagang
Isagawa:
Gawain: Tayahin:
1. Bulkang Pinatubo
1. ☺
2. Lawa
1. bulubundukin 2. 
Pantabangan
2. Bundok Samat 3. ☺
3. Bundok Samat
3. Nueva Ecija 4. ☺
4. Ilog Pampanga
4. Pampanga 5. ☺
5. Lawa Angat
5. Bulkang Pinatubo
Pagyamanin: Suriin: Balikan: Subukin:
1. Bataan (kahon) bundok, 1. talon
bulkan, burol, bundok
2. Aurora 2. bulubundukin bulkan
talampas,
3. Zambales 3. bulkan talon
kapatagan
4. Bulacan 4. ilog
(bilog) ilog, dagat, dagat
5. Pampanga lawa, talon 5. talampas ilog
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
2019. Araling Panlipunan 3. Kagamitan Ng Mag-aaral (Tagalog).1st
ed.

Pagtuklas Grade 3 Kagamitan ng Mag-aaral

2020. K To 12 MELC. Araling Panlipunan 3. DepEd.

https://www.bataan.gov.ph/wp-
content/uploads/2014/11/samat02.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/3d/N
orthern_Sierra_Madre.jpg/220px-Northern_Sierra_Madre.jpg

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like