You are on page 1of 4

Ang buod o summary ay ang

mga pinagsama-samang mga


pangunahing ideya ng mga
manunulat gamit ang sariling
pangungusap. Ito ay kadalasang
hindi ipinipresenta sa paraan
tulad ng sa orihinal.
Ito rin ay mas maikli kaysa sa
orihinal at naglalaman ng mga
kabuuang kaisipan ng
pinagkunang materyal.
Banghay-Aralin sa Filipino 6

I. Layunin

a. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang narinig batay sa paraan ng pagsasalita

b. Naibibigkas ang tula nang maayos at makabuluhan

c. Naipapahayag ang pagkalinga sa kalikasan


II. Paksang-Aralin

A. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salitang Narining

B. BEC Handbook in Filipino pp. 42-48; Landas ng Pagbasa p. 130

C. batayang aklat, larawan, Venn diagram

D. Pagkalinga sa kalikasan tungo sa kaunlaran

III. Pamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

Magpakita ng tatlong larawan: larawan ng mga bata, kalikasan at maunlad na lungsod

Itanong: Anu-ano ang ipinapakita ng larawan? Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito?

B. Panlinang na Gawain

1. Mga Gawain (Activity)

a. Paglalahad ng Aralin: Pakikinig sa Tula

Bigkasin ang tulang “Kabataan, Kalikasan, Kaunlaran”, Landas ng Pagbasa, pahina 130 habang ang
mga mag-aaral ay nakikinig.

Ipabatid ang kahalagahan nang buong atensyon at pakikinig nang mabuti.

2. Pagsusuri (Analysis)

Talakayin:

a) Paano niyo ilalarawan ng kabataang tinutukoy ng tula?

b) Paano ginagamit ng kabataan ang kanilang talino?

c) Ano ang tinutukoy ng handog sa atin ng kalikasan?

c) Ano ang tinutukoy ng handog sa atin ng kalikasan?

d) Ano naman ang maari nating ibigay sa kalikasan?

e) Ano ang pangarap ng kabataan sa kalikasan?


3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)

Magpakita ng Venn diagram na naglalahad ng ugnayan sa Kabataan, Kalikasan at Kaunlaran.

Itanong: Sa tingin niyo ba’y may kaugnayan ang isa’t isa? Sa anong paraan?

4. Paglalapat (Application)

Sagutin ang gawain pahina 131, Landas ng Pagbasa 6. Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
Basahin muli ang mga linya ng tula upang lubos na matukoy ang tamang kahulugan.

5. Paglalahat (Generalization)

Ipabigkas muli nang sabay sa mga mag-aaral ang tulang Kabataan, Kalikasan, Kaunlaran.

IV. Pagtataya

Pakinggang mabuti ang bawat taludtod ng tula. Pumili ng pinakamalapit na kaisipang inihahatid
ng bawat taludod ng tula. Isulat ang sagot sa testnotebook.

(Landas ng Pagbasa, pahina 132-133)

V. Takdang-Aralin

Gumawa ng sariling tula tungkol sa kalikasan, kaunlaran at kabataan. Isulat ito sa buong pap

You might also like