You are on page 1of 1

Paras, Angelo Bb.

Josephine Manuel
BMMP-1 Filipino 101

Sa isang iglap, gumuho ang aking pangarap. Dito sa komposisyon na ito, aking ihahayag ang
aking pinaka-huling karanasan bilang isang estudyante na nakararanas ng hirap at ginhawa sa
hindi inaasahan at pinakapambihirang panahon. Dati’y gusto ko lamang maging mayaman,
ngayon gusto ko na lamang maging ordinaryong mamamayan. Mamamayan na kayang umintindi
ng boses ng iba. Boses na hindi kayang umabot sa tainga ng mga mayayamang katulad nila, sila,
na kahit na may sangkatutak na pera na, wala pa ring habas kung manira ng iba.

Noong ako’y musmos pa lamang, lagi kong sinasambit sa aking sarili na bakit kasi mahirap kami
o kaya ay hindi kaya ng aking mga magulang na magtrabaho at kumita nang malaki katulad ng
iba. Sa loob ng napakaraming taon, ito ang aking iniisip sa tuwing hindi nila maibigay ang mga
aking kailangan. Ngunit aking napagtanto noong ako’y tumungtong sa sekondaryang eskwelahan
na kasabay ng pagtanggap sa aking ng isang organisasyon — Bahay Musika, na aking dapat
paghirapan ang mga bagay na aking inaasam bago ko ito makuha. Pinilit ko na baguhin ang
aking paraan ng pag-iisip, kung saan dapat ako’y dapat mag isip bilang mayaman, nang sa gayon
ay maging mayaman rin ako.

Ngunit sa mga nagdaang taon ng pag-aaral at pagkanta, napakarami kong nasaksihan na iba’t
ibang bagay, marami rin akong nakasalamuha indibidwal na may iba’t ibang propesyon, at
talagang may mataas na titulo na sa lipunan. At iyon ang naging daan upang makabuo ako ng
isang mantra na aking gagamitin upang makarating ako sa rurok kung saan ako patungo. At sa
mga panahong ito, hindi na ang pagiging mayaman kung saan pagkakaroon ng malaking bahay,
o kaya magarang kotse ang aking inaasam. Aking binibigyang pansin nang lubos ang
pagpapaunlad ng aking mga hiram na talento nang sa gayon ay makahipo ako ang ng mga puso
na katulad ko noong ako’y musmos pa, na dapat ay ating pagtibayin ang ating puso at
manindigan sa kung ano ang alam nating mas makakabuti sa atin. Huwag na huwag tayong
magpapalupig sa mga salitang ibinabato sa atin ng mga tao na tila ay tuwang tuwa sa tuwing
nakakatapak ng iba.

You might also like