You are on page 1of 6

Ang Kalagayan ng Filipino sa Panahon

Ngayon
Back to Article List

MARIO I. MICLAT, PH.D.

       Hindi ngayon lamang dekadang ito sumulpot ang problema ng pambansang wika, o
lingua franca, o wikang panlahat. Hindi noon lamang panahon nina Quezon sa
pamahalaang commonwealth kalahating siglo ang nakararaan. Pinag-uusapan na iyan
kahit noong mahigit apat na raang taon na.

       Alam na natin ngayon na nauna ang mga Portuges kaysa Kastila na makarating sa
Mindanao na tinawag nilang Islands of Cloves. Isang grupo ng mga Portuges na
pinamumunuan ni Francisco Serrano ang nanirahan doon nang pito hanggang walong
taon mula 1512 (Zaide, Documentary Sources of Philippine History, Vol. 1, p.50).
Samantala, naikwento naman ng isa pang Portuges, si Tome Pires, ang tungkol sa mga
taga-Luzon na naninirahan sa Malacca nong 1515. Aniya,

     [The Luzones] are almost one people, and in Malacca, there is no division between
them…[T]hey were already building many houses and shops. They are a useful people;
they are hardworking… In Minjam, near Malacca, there must be five hundred Luzoes,
some of them important men (Ibid, p.52).

       Kung ganoon palang nagkakaisa at hindi nag-aaway-away ang mga sinaunang
Filipinong nasa ibang bansa bago pa man makarating dito ang mga Kastila, magandang
tanong kung ano kayang wika ang ginagamit nila kapag nag-uusap sa isa’t isa. Sayang
at hindi nabanggit ni Pires. Hihinuhain na lamang natin kung ano ang pinakalaganap na
wika noon sa Luson. Mahigit lamang 80 taon matapos ang kwento ng mga Portuges,
pinansin naman ng Espanyol na si Padre Pedro Chirino, sa Kabanata 15 ng
kanyang Relacion de las Islas Filipinas na inilimbag sa Roma noong 1604, ang mga
sumusunod na puna:

     There is more than one language in the Philippines, and there is no single language
that is spoken throughout the islands. (Tr. by Ramon Echevarria, Makati: Historical
Conservation Society of the Philippines, 1969). The languages most used, and most
widely spread, are the Tagal and the Bisayan… Of all these languages, it was the Tagal
which most pleased me and which I most admired… I found in this language four
qualities of the four greatest languages of the world… it has the abstruseness [depth]
and obscurity of the Hebrew; the articles and distinctions in proper as well as in
common nouns of the Greek; the fullness and elegance of the Latin; and the refinement,
polish, and courtesy of the Spanish. (Tr. by Frederic W. Morrison of Harvard University
and Emma Helen Blair, B&R,, Vol. 12, pp. 235-242).
       Pinatunayan niya ang kanyang obserbasyonsa pagpapakita ng bersiyong Tagalog
ng Ave Maria, na mangyari pa’y dumaan na sa ilang pagbabago matapos ang ilang
siglo. Sisipiin ko ang bersiyon sa panahon ni Chirino:

Aba Guinoo Maria matao ca na.


Napono ca nan gracia, An Panguinoon Dios na saio.
Bucor can pinagpala sa babain lahat.
Pinagpala naman ang iong anac si Jesus.
Santa Maria ina nang Dios
Ipanalanguin mo cami macasalanan.
Ngayon at cum mamatai cami. Amen, Jesus.

       Puna ni Chirino,

       There is none or very little of this courtesy in the other two languages of the
Bissayas (sic)…[although they] ought not to displease or appear ignorable, for every
tongue has its own beauty and elegance for those who are born in it, which the eyes of
foreigners cannot discern.

       Kasunod ang:

Mahimaya ca Maria napono ca sa gracia


An guinoon Dios anaa canimo.
Guirayeg ca uyamot sa babaihun tanan
Ug guirayeg man an imon anac Jesus.
Santa Mari inhan sa Dios,
Iguiampo mo cami macasasala onia
Ug sa amun camatai. Amen, Jesus.

       Ano ang sabi ni Chirino tungkol sa iba’t ibang mga wikaing Filipino? Pareho rin ng
lagi na nating inuulit-ulit na obserbasyon sa kasulukuyan, 400 taon pagkalipas. Aniya,

But though [the dialects] are numerous and quite distinct from one another they are all
so similar that within a few days the people can understand each other and converse,
so that to know one [dialect] is almost like knowing them all [Echevarria]. They are to
each other like the Tuscan, Lombard, and Sicilian dialects of Italia, or the Castillian,
Portuguese, and Galician in Espana [Morrison, et al.].

       Noon na pala, mapapansin nang madaling magkaintindihan ang mga Pilipino sa
sarili nating wika. At saka, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wikain, tinukoy din ni Chirino
na:

          All these islanders are much given to reading and writing, and there is hardly a
man, and much less a woman, who does not read and write in the letters used in the
island of Manila – which are entirely different from those of China, Japon, and  India.
(p.242)
       Huwag magagalit ang ilan sa isa na namang obserbasyon ni Chirino, na sisipiin ko: 

          The Bissayans (sic) are more rustic, … as formerly they had no letters until, a
very few years ago, they borrowed theirs from the Tagalogs. (p. 241)

       Heswita si Padre Chirino. Baka iba naman ang tingin ng mga frayle na kabilang sa
ibang orden? Sa Historia General de Philipinas ni Fray Juan de la Concepcion (Manila:
Seminario de San Carlos; imprenta de Agustin de la Rosa y Balagtas, 1788) nasasabi
din na:

         Since the Tagal is the most general (of the tongues spoken in the Philippines),
their most careful study was given to it (B&R, Vol. 21, p.272)

       Sa panahon ng pananakop, ipinakatanggi-tanggi ng mga frayle na matutunan ng


mga Filipino ang Kastila. Sa kanyang survey ng Filipinas noong 1739, ipinahayag ni
Valdes Tamon ang pagtataka kung bakit hindi sinusunod ng gobyernong eklesiyastiko
ang matagal nang batas na nasasaad sa Nueva Recopilacion de las Indias. Dalawang
naunang batas ang tinutukoy rito, ang kay Carlos sa Valladolid noong 7 Hunyo at 17
Hulyo 1550, at ang kay Felipe IV sa Madrid noong 2 Marso 1634 at 4 Nobyembre 1636.
(Tingnan, fn 93, 94, B&R, Vol. 45, pp. 184, 185) Ayon sa una, “…although chairs are
founded, where the priests, who should have to instruct the Indians, may be taught, it is
not a sufficient remedy, as the diversity of the language is great.” Makikita na maaga
pa’y hinahangad na ng batas secula na malutas ang pagkakaroon ng sari-saring wikang
gamit ng mga Filipino. Ang mga Filipino, sa puna ni Tamon ayon sa salin ni Emma
Helen Blair, ay dapat “gradually [brought] to the use of the Castilian language and
endeavoring to secure instructions therein in all schools.” (B&R, Vol. 47, p.157).

       Sabagay, kung hindi pa tayo ginising ng mga propagandistang ilustrado noong ika-
19 na siglo, sa mga frayle natin ipinaubaya ang mga gawaing pambansa habang abala
tayo sa pag-aasikaso lamang ng sari-sariling gawain sa sari-sariling isla. Sa hinaba-
haba ng panahon, hindi natin naging pambansang wika ang Kastila, tulad ng naganap
sa lahat ng iba pang bansa, ang wika sa kabisera ang naging lingua franca.
Maihahalintulad iyan sa pangyayaring hindi Moro, na nanakop sa Espanya nang 500
taon, ang naging pambansang wika ng Espanya, kundi ang Kastila na sinasalita sa
Madrid. Puwere sa ilang tulad ni Donya Victorina, may panahon pa nga sa kasaysayan
ng ating bansa na maaring ipagmalaki sa mga probinsya ang makapagsalita ng
Tagalog, lalo na ng barayting Manilenyo nito. Kung tama ang sabi ng ilang
mananalaysay, kahit si Bonifacio nga ay hindi nag-atubiling tawagin ang kanyang
pinapangarap na estado na “Kahariang Tagalog.”

       Sabihin pa, ang pagiging lingua franca ng Tagalog ay hindi dahil sa kolonyalismo
ng Maynila, kundi sa kabila ng kolonyalismo ng banyaga.

       Sinabi ni Rizal sa kanyang “Filipinas dentro de cien anos,” na nalathala sa La
Solidaridad mula Setyembre 30, 1890 hanggang Febrero 1, 1890:
          History does  not record in its annals any lasting domination exercised by one
people over another, of different races, of diverse usages and customs, of opposite and
divergent ideals.

          One of the two had to yield and succumb. Either the foreigner was driven out, as
happened in the case of Carthaginians, the Moors and the French in Spain, or else
these autochtones [or natives] had to give way and perish, as was the case with the
inhabitants of the New World. (Tr. by Charles E. Derbyshire, Gregorio F. Zaide,
Documentary Sources of Philippine History, Vol. 8, p.81).

       Ano nga ba ang pinagkaiba nating mga Filipino sa mga Amerindian, Hawaiian, o
aborigines ng Australia? Iko-quote ko uli si Rizal:

          The Philippine race, like all the Malays, do not succumb before the foreigner, like
the Australians, the Polynesians and the Indians of the New World… In spite of the
numerous wars the Filipinos have had to carry on, in spite of the epidemics that have
periodically visited them, their number has trebled… The Filipino embraces civilization
and lives and thrives in every clime. (Ibid. p. 70)

       So, hindi basta-basta sumusuko ang Filipino, hindi siya napapawi, bagkus
dumarami pa nga. Sabi ni Rizal, dahil siguro sa alak. Sabi kasi ng mga naunang
historian, nina Pigafetta at Loarca, sober pa rin ang Pinoy kahit magdamag uminom.
Kaya nga ba ang wikang Filiino ay hindi matutulad sa Guarani o Quechua ng Paraguay
o Bolivia na halos tuluyan nang natabunan ng Espanyol. Ang independientistang 
paningin ni Rizal ay inulit niya sa kwestiyon ng wika, at ipinamutawi niya sa mga bibig ni
Simoun sa El Filibusterismo noong 1891. Aniya:

          Spanish will never be the general language of the country, the people will never
speak it, because the conceptions of their brains and the feelings of their hearts cannot
be expressed in that language – each people has its own tongue, as it has its own way
of thinking! What are you going to do Castilian [or a dominant foreign language]? Kill
your own originality, subordinate your thoughts to other brains, and instead of freeing
yourselves, make yourselves slaves indeed!…[H]ow many have I not seen who
pretended not to know a single word of [his own language]! [Tr. by Charles E.
Derbyshire, The Reign of Greed, p.61)

       Tulad sa marami niyang prediksyong nagkatotoo sa “Filipinas dentro de cien anos”
malungkot ang implikasyon ng tanong ni Rizal sa labi ni Simoun kung sakaling
patatabon tayo sa wikang dayuhan bilang wikang opisyal:

What will you be in the future? A people without character, a nation without liberty –
everything you have will be borrowed, even your own defects. (Ibid, p.60)

       Pero buti na lamang, hindi kasing pesimistiko ko ang ating pambansang bayani. Sa
loob nang mga isang daang taon, aniya, maaring ang mangyari ay ganito:
          If the Philippines secure [her] independence after heroic and stubborn conflicts,
[she] can rest assured that neither England nor Germany, nor France, and still less
Holland will dare to take up what Spain has been unable to hold… Perhaps the great
American Republic, whose interests lie in the Pcific… may someday dream of foreign
possession. This is not impossible, for the example is contagious, covetousness and
ambition are among the strongest vices, and Harrison manifested something of this sort
in the Samoan question.

       Sasakupin daw tayo ng Kano. Hindi na nasabi ni Rizal kung ano ang mangyayari
sa ating wika. Gayunman, dahil sa kanyang matibay na paniniwala sa lakas at dangal
ng sambayanang Filipino, isang kongkretong daigdig na lilikhain, hindi ng
madamdaming pangarap lamang sa tinubuang lupa, kundi ng talino, pawis, tiyaga at
pagpupunyagi, ang siyang inilarawan ni Rizal sa ating kinabukasan:

          Very likely the Philippines will defend with inexpressible valor the liberty secured
at the price of so much blood and sacrifice. With the new men that will spring from [her]
soil and with the recollection of their past, they will perhaps strive to enter freely upon
the wide road of progress, and all will labor together to strengthen their fatherland, both
internally and externally, with the same enthusiasm, with which a youth falls again to
tilling the land of his ancestors so long wasted and abandoned through the neglect of
those who have withheld it from him. Then the mines will be made to give up their gold
for relieving distress, iron for weapons, [so will] copper, lead, and coal. Perhaps the
country will revive the maritime and mercantile life for which the islanders are fitted by
their nature, ability and instincts, and once more free, like the bird that leaves its cage,
the flower that unfolds to the air, will recover the pristine virtues that are gradually dying
out and will again become addicted to peace – cheerful, happy, joyous, hospitable and
daring. (Ibid., p.88)

       Sa pagdating ng kapayapaan matapos ang mga paglalaban, ang ginawa nga ba
natin ay tulad ng bukas na pinag-alayan ng buhay ng ating mga bayani – ang
pagsasama-samang kilos upang mapalakas ang inang-bayan – o ang hindi na
makialam sa kabuuan at ituon na lamang muli ang pansin sa sari-sarili nating maliliit na
pulo? Kung ganoon, ano ang nangyari sa panahon nating ito ngayon?

       Ang malaking balita ay ang pagkakapalusot sa House of Representatives ng House


Bill 8460, na kilala rin sa tawag na Gullas Bill. Itinatadhana nito ang eksklusibong gamit
ng Inggles sa mga pagsusulit hindi lamang sa eskwela tulad ng National Elementary
Aptitude Test at National Secondary Aptitude Test, kundi pati na rin sa Civil Service
Examination para sa mga kawani ng gobyerno at sa licensure exam sa iba’t ibang
propesyon na pinapangasiwaan ng Professional Regulation Commission.

       Ano ang nangyari? Ganoon pa rin ba talaga kahina ang gobyerno sibil sa harap ng
mapanggahum na kilos ng mga frayle ng kasalukuyan – mga taong ayaw pa ring
magkabuklod ang bayan kung ang magiging kahulugan ay ang kabawasan sa kanilang
mga pribelehiyo’t kapangyarihan? Bakit nagkaganoon? Ay, ambot!
       Iyon na lamang ba? Kung ganoon na lamang, e di hanggang dito na lamang tayo.

You might also like