You are on page 1of 2

Ma. Pauleen B.

Salvatierra
10 – Pythagoras

Pagpapatibay ng Kaalaman
Pakinggan ang usapan o diyalogo na binigkas ng mga tauhan sa Pygmalion. Pagkatapos, tukuyin
kung anong kulturang mayroon ang lugar na iyon batay sa mga naging usapan ng mga tauhan at
ilahad ang kultura ng kwentong bayan.

Sa tingin ko, ang kulturang iyon ay tulad din sa mga nangyayari sa kasalukuyang panahon.
Kukuhanin nila ang iyong atensiyon at interes, aalukin ka ng isang bagay na maaari daw
makatulong sa iyo. Ang masama pa’y eksperimento at pustahan lang pala iyon, kaya’t sino ba
naman matututwa kung sa iyo iyon mangyari. At kapag natapos na ay hindi ka na ulit mahalaga,
tapos na ang kontrata. Naisip kong maihahalintulad ito sa mga artista osino mang sikat na artista.
Ganoon naman kasi talaga minsan, pagagandahin ka nila, aayusan, tutulungan maging halos
perpekto para may kapalit na pera. Tapos kapag tapos na ang kontrata’y iba na ang pakikitungo
nila. Gayunpaman, marami ka ring matututunan ngunit hindi sapat na dahilan ang salitang
‘pagtulong’ para i-mistreat ang isang taong tinulungan mo.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang pangunahing suliranin sa akda ng “Moses, Moses”?
— Ang pangunahing suliranin sa akdang ito ay ang pagkakaroon ng trauma ni Aida, ang
pangalawang anak ni Regina. Siya ay k-ini-dnap, dinala sa motel at ginahasa ng anak ng Alkalde.
Gustong-gusto ng kaniyang ina na makakuha ng hustisya ngunit pinipigilan sila ng Alkalde at ng
konsehal, inalukan pa sila ng sampung libo ngunit hindi ito tinanggap ni Regina, bagkus,
ipinamukha niya sa mga ito na itutuloy niya ang pagdedemanda. Ito namang si Tony, ang
panganay niyang anak, nawawalan ng pag-asang makakuha ng hustisya dahil iniisip niyang
magdadala lang iyon sa kanila sa kapahamakan kung itutuloy ang demanda.

2. Bakit pinamagatan na Moses, Moses ang dula?


— Marahil dahil malakas ang paniniwala niya sa mga nakasulat sa bibliya, ang mg autos ng
Diyos na sinusunod ni Moses. Tulad ng sabi niya, sa bibliya niya lamang nakita ang mga sagot
sa kaniyang mga katanungan.

3. Paano niya nalagpasan ang mga suliranin ? Talakayin.


— Hindi nila mismo nalagpasan ito dahil nagtalo pa ang mag-inang Tony at Regina tungkol sa
hustisya para sa kay Aida. Pinilit pang patayin ni Tony ang anak ng alkalde kaya mas lalo silang
nagkagulo. Sa pag-uwi ni Tony sa kanilang apartment, duguan ang kaniyang sikmura kaya labis
na nag-alala si Regina, pinaaalis na sila ni Tony ngunit nagpumilit siyang hindi, at susuko si
Tony. Maya-maya lamang ay dumating ang Alkalde kasama ang mga pulis, saglit silang
nagkagulo dahil pinasusuko ni Regina ang kaniyang anak, sa hindi inaasahan, nabaril niya si
Tony at ito’y namatay.

4. Tunay nga kayang sa mga panitikang ito makikilala ang masining na kultura ng mga nasa
kanluran?
— Hindi ko masasabing oo dahil sa nilalaman nito, hindi naman kasi lahat ay pare-pareho ng
paniniwala at hindi rin lahat ay bukas ang isip para lubusang maintindihan ang pinaparating ng
dula. Ngunit kung ako ang tatanungin, maaaring oo dahil maraming aral ang mapupulot ditto
kung mas lalawakan moa ng iyong isip at pagdudugtong-dugtong lahat ng mga pangyayari, dahil
maging hanggang sa kasalukuyang panahon makare-relate pa rin tayo.

5. Paano ipakilala ng rehiyong ito sa ating bansa ang mga panitikang pangmundo?
— Naging halimbawa ang rehiyong ito para maipakita sa bansa ang mga panitiking pangmundo
sa pamamagitan pagdudula ng mga pangyayaring talaga naming nangyayari sa tunay na buhay.
Natawag itong panitikang pangmundo dahil hindi lang naman sa isang ispesipikong rehiyon o
bansa ito nangyayari, maging sa ibang bansa rin. Sa ganitong paraan, maraming matututunan ang
mga mambabasa o mga manonood, maaari din itong maging gabay sa kanila para maging aware
sa mga ganitong kaganapan. Sa ganoong paraan, magiging handa rin sila para maiwasan ang mga
ganitong senaryo at alam nila ang gagawin kung mangyari man.

6. Paano nakatutulong sa lipunan ang bisa ng mga akdang pampanitikang kanluran?


— Iyon nga, tulad ng sabi ko, nakatutulong ito sa paraang nagiging handa sila, parang
paghahanda lang sa mga sakuna. Kapag kasi may alam ka na, bukas ang iyong isip, alam ang
tama at mali lalo na sa murang edad, mas magkakaroon ka ng maayos at mapayapang buhay kasi
alam mo na, e, either iiwas ka na lang o alam mo na kung paano kikilos para masolusyonan ang
gano’ng pangyayari kung mangyari sa iyo o sa mga kakilala mo. Hindi lang siya pansariling
kaalaman at aral, maaari mo pang maibahagi sa iba para tulad mo, mas maging ligtas din sila.

7. Ano ba ang pinakamabisang paraan upang maunawaan at mapahalagahan ang mga panitikan
sa rehiyong ito?
— Sa tingin ko, ito ay huwag kalimutan, laging alalahanin, isapuso at isabuhay. Maganda ang
mga ganitong akda dahil hindi lamang siya para ma-entertain ang mga mambabasa o mga
manonood, ang layunin nito’y makapagturo ng leksiyon. Ngunit depende rin naman sa kanila
kung pipiliin nilang unawain o ipagsalawang bahala dahil lamang sa iba sila ng pananaw. At
siyempre, mapahahalagahan ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga estudyante at
pagpapaliwanag sa kanila ng impostansiya ng hustiya o ano mang paksa.

Pagpapatibay ng Kalaaman
Tukuyin ang ilang kulturang nabanggit sa akdang binasa. Pagkatapos ihambing ito sa kultura ng
iba pang dula na nabasa. Suriin ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.

PYGMALION MOSES, MOSES

KULTURANG NABANGGIT KULTURANG NABANGGIT


Ang kulturang napansin ko rito ay iyong Ang kulturang napansin ko rito ay iyong
pagkagamit sa iyo, pagkatapos ng kawalan ng hustisya at pagdadaan ng
pustahan, kontrata o ano pa ay hindi ka lahat sa pera, imbis na aminin at isuko
na kailangan. Ang masama pa ay ang ang kasalanan. Mahirap para sa kanila
hindi maayos na pagtrato sa iyo ang harapin ang masamang nagawa
pagkatapos ng lahat. dahil takot silang makulong lalo na’t
nasa politika sila.

MGA PAGKAKAIBA MGA PAGKAKAIBA


Ang pagkakaiba ng Pygmalion sa Moses, Moses, Ang pagkakaiba ng Moses, Moses, ito ay
ito ay nakasentro sa isang eksperimento, sa nakasentro sa pagkuha ng hustisya para sa
pagbabago at pagiging Hungarian ni Eliza. na-trauma’ng si Aida. Si Aida ay binatos
Si Eliza ay binastos sa pamamagitan ng salita at nang literal kaya mas mabigat ang sitwas-
kilos. Gayunpaman, mali pa rin ito. yon lalo na’t hindi siya makakuha ng
hustisya.

PAGKAKATULAD
Ang pagkakatulad nila’y parehong may paksang pang-aabuso sa mga kababaihan, mayroon din namang
pananakit sa kalalakihan tulad noong nangyari kay Tony ngunit mas nangingibabaw ang sitwasyon nina
Eliza at Aida. Parehong sinaktan ang dalawang babae, magkaiba mang paraan ngunit sinaktan pa rin sila
at hindi biro iyon. Pareho silang nangangailangan ng hustisya dahil masakit pagpustahan at pag-
eksperimentuhan, mas masakit ding pagsamantalahan ng isang tao’t lalo na’t hindi mo naman kilala.
Gayunpaman, hindi man sila magkasingbigat ng sitwasyon, may isang leksiyon naman silang
pinagkapareho at ito ay ang—huwag na huwag pagsasamantalahan at aabusuhin ang isang tao lalo na
kung nakasalalay rito ang tiwala niya sa iyo.

You might also like