You are on page 1of 1

Bakit mahalagang matutunan ang ikalawang wika?

Sinasabing ang ikalawang wika ay hindi likas na natutunan ng isang indibidwal kundi ito ay
natututunan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao at pinag-aaralan sa paaralan. Kung ito ang
ikalawang wika, masasabi kong mahalagang matututunan ito ng isang indibidwal. Dahil ayon sa
aking pagkakaunawa sa kahulugan ng ikalawang wika, ito ay wika na natututunan natin sa
pakikipag-ugnayan. Sa madaling salita, ito ang wikang madalas nating ginagamit sa pakikipag-
usap sa kapwa. Hindi lamang sa taong nakakasalamuha ng isang indibidwal sa kaniyang
komunidad kundi sa buong mundo. Dahil rin sa ikalawang wika, mahahasa ang kakayahan ng
isang tao sa pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa, sila man ay kalahi niya o dayuhan.

Istatus tungkol sa nalalapit na pambansang eleksiyon.

Ang eleksiyon para sa mga bagong mamumuno sa Pilipinas ay nalalapit na. Ito ay sa taong
2022 na kung saan ang presidente at iba pang opisyal sa kasalukuyan ay mapapalitan na. Sa kabila
ng pandemyang ating nakakaharap ngayon, hindi Ito balakid upang maihinto ang eleksiyon.
Ngunit hindi maitatanggi ng karamihan na magiging mahirap ang paghahanda ng eleksiyon dahil
pa rin dito. Tulad na lamang ng pagplano ng COMELEC na mail voting ang gamitin sa pagboto,
na malabong maipatupad dahil walang impraestruktura para maipatupad ang mail-in ballots at
wala rin daw itong legal na basehan. Ito ring mail voting ayon kay Senate President Tito Sotto ay
ang pinakamadaling paraan upang madaya ang mga boto ng Pilipino.

Sa kabilang banda, binabalak ng mga Senador na isama sa mga balota ng OFW Ang mga
congressmen. Sinasabi ring kakaunti lamang na OFW ang lumalahok sa pagbobotohan. Ayon rin
Kay Drilon, upang masolusyonan ang kakaunting boto, ang ibibigay sa kanila ay dalawa; isa para
sa pambansang kandidato at isa para sa lokal na kandidato. Ngunit gustuhin man ito ng mga
Senador, ayon kay Senator President Pro Tempore Ralph Recto, Wala sa balota ng mga OFW ang
mga lokal na kandidato kaya mahihirapan ang COMELEC sa paglalagay nito.

You might also like