You are on page 1of 39

Inaasahang mga Kasanayan:

Ang mga mga-aaral na nasa ika-8 na baiting ay inaasahan ang mga sumusunod:

 Pag-unawa sa -Nilalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/ di


Napakiggan makatotohanan ng mga puntong binibigyang diin sa
napakinggan.
 Pag-unawa sa Binasa -Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento
nito.
 Paglinang ng -Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa
Talasalitaan Alamat.
 Panonood -Naihahambing ang Pagkakaia at Pagkakatulad ng mga
napanood at nabasang alamat.
 Pagsasalita -Malilinang ang pagpapahayag sa masining na pamamaraan.
 Pagsulat -Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na
maaring ihambing sa sarili.
 Wika at Gramatika -Nagagamit ang wastong kaalaman sa pang-abay na pamanahon
at panlunan sa pagsulat ng sariling alamat.
Malalaman ang mga akdang pampanitikan sa Panahon Katutubo,
Espanyol at Hapon

Panimula

Sa modyul na ito ay makikita natin ang mga akdang pampanitikan ng Pilipinas sa

panahon ng Katutubo, Espanyol at Hapon. Magiging sagot ang unang aralin sa pag-alam ng mag-

aaral sa kultura at klase ng pag-uugali ng mga tao sa bansang Pilipinas.

1
Pagkatapos ng mga aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na maipapamalas nila ang

pagpapahalaga at pag-intindi sa akdang pampanitikan ng Pilipinas sa tatlong panahon na

nabanggit. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga estratehiya at makabagong teknolihiya ay lubos

na magbibigay sakanila ng kapaki-pakinabang na pagkatuto.

Sa bahaging ito ay pauunlarin natin ang iyong kaalaman tungkol sa ilang akdang

pampanitikan na lumaganap sa panahon ng espanyol. Sa pamamagitan ng mga gawain na

nakahanay sa bawat aralin, mauunawaan natin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na

lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga

akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit

naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Pag-aaralan din natin ang ilang araling

panggramatika tulad ng mga uri ng pang-abay.

I. Panimulang Pagtataya

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng

mga bagay-bagay sa daigdig.

A. Alamat B. Epiko C. Mitolohiya D. Salawikain

2. Katutubong panitikan sa pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga

pangyayari.

A. Alamat B. Epiko C. Mitolohiya D. Salawikain

2
3. Mga kuwentong madalas na hango sa bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.

A. Alamat B. Epiko C. Pabula D. Parabula

4. Elemento ng alamat na naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot

sa suliranin.

A. Kasukdulan B. Saglit na kasiglahan c. Tagpuan D. Tauhan

5. Ang alamat ay umusbong sa panahon ng _________________

A. Panahon ng Amerikano c. Panahon ng Hapon

B. Panahon ng Espanyol D. Panahon ng Katutubo

6. Elemento ng alamat na inilalarawan ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente,

gayundin ang panahon kung alian ito nangyari.

A. Kasukdulan B. Saglit na kasiglahan C. Tagpuan D. Tauhan

6. Bahagi ng alamat na nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan

laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.

A. Kasukdulan B. Tunggalian C. Saglit na kasiglahan D. Wakas

7. Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.

A. Tagpuan B. Tauhan C. Saglit Na Kasiglahan D. Kasukdulan

8. Ilan ang Elemento ng Alamat?

3
A. 7 B. 8 C. 9 D. 10

9. Ito ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin

at diwa ng mga tao.

A. Balita B. Kuwento C. Panitikan D. Tula

10. Ilang bahagi mayroon ang alamat?

A. 2 B. 3 C. 4 D. 5

ARALIN 1
Panitikan sa
Tatlong Panahon
4
 Katutubo
 Espanyol
 Hapones
ALAMIN!

Nais mo bang mabatid ang pinagmulan at pinagdaanan ng panitikan ng


ating lahi? Marahil ay nagtatanong ka kung paano napanatili at napaunlad
ang ating panitikan sa kabila ng pananakop ng iba’t ibang dayuhan sa
ating bayan. Sa modyul na ito, magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang
pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng
kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng
mga Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin
kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong
panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang
kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga
akdang ito sa bawat panahon. Bago natin talakayin ang mga ito, alamin muna natin kung ano na
ang alam mo sa nilalaman ng modyul na ito.

SUBUKAN NATIN!
GAWAIN 1: Panitikan ng Nakalipas

Isulat ang mga akdang pampanitikan sa ibaba kung anong panahon ito umusbong at lumaganap.

Sarsuwela Kantahing Bayan Dula Bulong

Karagatan Maikling Kuwento Kwentong Bayan Moro-moro

5
Bugtong Nobela Senakulo Tula

PANAHON NG
KATUTUBO

PANAHON NG ESPANYOL

PANAHON NG HAPON

Aralin 1

Ano ang Panitikan?

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan,


mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin
ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an"


na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura, na ang literatura ay galing sa Latin na littera na
nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga


karanasang may kaugnay ng iba't ibang klase ng damdamin. Ang halimbawa nito ay ang pag-
ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.

Uri ng Panitikan

Ang panitikan ay may dalawang uri:

6
 Tuluyan 
 Patula

Ang tuluyan o prosa na sa salitang Ingles ay prose. Ito ay maluwang na pagsasama-sama


ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.

Ang patula o panulaan na tawag sa salitang Ingles ay poetry. Ito ay pagbubuo ng


pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma,
at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga
dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Mga akdang lumaganap sa panahon ng:

 Katutubo

Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang- yaman ng ating panitikan.
Dito nasasalamin ang naging buhay ng ating mga ninuno.

Ang panahon ng kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga (a) kuwentong- bayan,(b)


kantahing- bayan (c)karunungang bayan, at isinasama rin dito ang (d) bulong.

A. Kuwentong bayan- batay sa artikulong isinulat ni D. Damiana Eugenio na kilala sa larangan


ng Folklore sa Pilipinas, ang “Legends and Folklores” na binasa niya sa Ateneo University
noong tag-init ’79, tatlo ang mahahalagang pangkat ng mga kuwentong bayan (folk narratives):
ang (1)mito, (2)alamat at(3) salaysayin (folktales)

(1) Mito- tuluyang pagsasalaysay ma itinuturing na totoong nagaganap sa lipinang iyon noong


mga panahong nagdaan. Pinaniniwalaan ito sapagkat tinutuan silang ito’y paniwalaan. Nasa mito
ang dogma at karaniwang itinuturing na sagrado. Karaniwang kaugnay ito ng teolohiya at
rituwal. Ito ang naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Kinapapalooban
din ito ng simula ng daigdig, ng tao, ng kamatayan, ng mga katangian ng mga ibon, hayop o
pisikal na kaanyuan ng lupa. Maaari rin itong kuwentong tungkol sa mga diyos at diyosa.

Halimbawa: Mito ng mga Maranao “Ang Pinagmulan Nitong Daigdig”

(2) Alamat- Ang mga tuluyang pagsasalaysay na kaiba sa mito sapagkat itinuturing ang alamat
na titii ng mga nagkukuwento at ng mga nakikinig. Higit na una ang mito kaysa alamat.
Masasabing katulad ng daigdig ngayon ang daigdig ng alamat hindi ito itinuturing na sagrado.
7
Tao ang pangunahing tauhan. Isinasalaysay naman dito ang migrasyon, digmaan at tagumpay na
nagawa ng mga bayani, hari o datu at ng mga sumunod na nagungulo sa bayan. Nabibilang dito
ang ang tungkol sa mga natatagong kayamanan, mga santo, mga engkanto at mga multo.

Nahahati sa dalawa ang pangkati ng mga alamat:  ang mga tinatawag na (a) etiological o mga
nagpapaliwanag na mga alamat na sumasagot sa tanong na kung paano pinangalanan ang mga
bagay o pook at kung bakit nagkaganoon at sa (b) non-etiological na nauukol sa mga dakilang
tao at sa mga pagpaparusa ng malaking kasalanan. Kasama rin dito ang tungkol sa mga alamat
ng santo, mga supernatural na nilikha tulad ng aswang, tikbalang, engkantado, multo at mga
ibinaong kayamanan.

Halimbawa: Ang Alamat ng Ilog- Cambinlew


                     Ang Alamat ng Adjong

(3) Salaysayin- maaaring pabula, mga kuwentong engkantado, mga kuwentong panlinlang,


katusuhan, kapilyuhan o katangahan at iba pa.

Kabilang dito ang iba’t ibang kuwento tungkol kay Juan. Hindi lahat ng kuwento kay Juan ay
ang katamaran, may iba’t ibang Juan sa mga salaysayin sa iba’t ibang pook. Kung palabasa ng
mga kuwentong bayan ang mga taga-ibang bansa, mapapansing ang mga kuwentong Juan ay
nakakatulad ng mga kuwentong Indones o Malayo.

B. Kantahing Bayan

                Ang kantahing bayan ang oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. May
iba’t ibang uri ito batay sa iba’t ibang okasyong pinaggagamitan ng mga ito. May  mga para sa
pagpapatulog ng mga sanggol na tinatawag na oyayi, may sa pamamangka na kilala sa tawag
na soliranin o talindaw, may diona o awiting pangkasal, may kumintang o awit pangdigma,
may kundiman o awit ng pag-ibig at iba pa.

C. Karunungang- bayan:

Bugtong o palaisipan

Binubuo ng mga parirala o pangungusap na patula at patalinghaga ang mga bugtong at


palaisipan. Iba’t ibang bagay ang ginagawa ng bugtong ng mga ninuno. Mga bagay na nakikita
araw- araw sa kanilang kapaligiran, mga bagay na may malaking kaugnayan sa kanilang buhay
8
Halimbawa:

                 Munting palay,

                 Pinuno ang buong bahay (ilaw)


 

                 Dala mo, dala ka

                 Dala ka ng iyong dala (sinelas)

D. Bulong

Ginagamit na pangkukulam o Pange-engkato ang tinatawag na bulong. Ang halimbawa nito’y


ang sinasabi kapag may nadaanang punso sa lalawigan na pinaniniwalaaang tinitirhan ng mga
duwende o nuno.

 Espanyol

Ang mga akdang lumaganap sa panahon ng Espanyol ay nagsimula noong tuluyang


bumagsak ang Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol noong 1565. Ang mga panitikan ay
naimpluwensiyan ng mga ideyolohiya ng mga Espanyol, partikular na ang relihiyon.

Katangian ng Panitikan noong Panahon ng Espanyol:

• Sari-Saring kaanyuhan at pamamaraan

• Karaniwang paksa ay Panrelihiyon

• Ang mga panitikan ay halaw sa anyo, paksa at tradisyong Kastila

• Ang mga nilimbag na panitikan ay isinalin sa iba’t-ibang Wikang Filipino (Wikang Tagalog,
Bikolano, atbp.)

Halimbawa ng akda

Doctrina Christiana

9
• Kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593; ito’y isinulat ni Fr. Juan de
Plasencia

• Nilalaman nito ang mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, kasalanang mortal,
pangungumpisal at katesismo

• 87 pahina lamang

Mga Panitikan noong Panahon ng Espanyol

1. Awit

Isang uri ng tulang romansa na may sukat na labindalawang pantig bawat taludtod .
Patungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay . Ang mga tauhan ay hindi nagtataglay
na supernatural na kapangyarihan .Ito rin ay maaaring hango sa tunay na buhay

Halimbawa:florante at laura ni Francisco balagtas

2. Korido

Isang uri ng tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod .Patungkol sa
kababahalagan o pananampalataya . Ang mga tauhan ay natataglay ng supernatural na
kapangyarihan Halimbawa: Ibong Adarna ni jose dela cruz

3. Duplo -Ito ay ang pagtatalo na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Ginagamitan


ito ng mga salawikain, kawikaan at kasabihan .Ito ay karaniwang isinasagawa kapag may
namatay Pangunahing tauhan.

4. Senakulo

Ito ay isang uri ng dula na isinasagawa tuwing Mahal na araw na nagsasalaysay sa buhay,
pagdurusa at kamatayan ni Hesu Kristo

5. Pasyon

Ito ay isang naratibong tula na nagsasaad ng buhay ni Hesu Kristo mula sa kanyang
pagsilang hanggang sa kanyang kamatayan .Si Fr. Gaspar Aquilino de Belen – Unang Pilipinong
sumulat at kumanta ng Pasyon

6. Moro-Moro

Nagmula sa dula ng Europa, “Comedia de capa y espada” . Ito ay nag-ugat sa


pakikipag-laban ng mga Espanyol sa mga Muslim. Isang uri ng komedya

7. Panunuluyan

10
Ito ay isang dulang itinatanghal at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang
tirahan nina Maria at Jose sa Bethlehem.

 Hapon
  Itinuturing ito ng marami na gintong panahon ng maikling kuwento at ng dulang Tagalog.
Ang wikang Ingles nanakuhang maipasok ng mga Amerikano hanggang sa kamalayan ng mga
Pilipino ay ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat ang nagtamasa ng bunga ng
pagbabawal na ito ay ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Ang isang manunulat ay likas
na manunulat, kayat nang ipagbawal ang pasulat ng Ingles siya’y napilitang gumamit ng wikang
Tagalog upang makapagsulat lamang. Ang isang naging bunga nito ay ang paglitaw ng isang uri
ng pamamaraan sa pagsusulat na gagad sa Ingles, maging sa pagbuo ng mga pangungusap
hanggang sa istilo ng pagsusulat.

         Nabigyang- sigla ang Pambansang Wika dahil na rin sa pagtataguyod ng pananakop.


Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P Laurel upang mangulo sa baying
sa kanilang pamamatnubay. Nasangkot ang Pilipinas. Nasakop ng mga Hapones.

Mailkling Katha

        Itinuturing na pinakamaunlas ang sangay ng mailkling kuwento sa lahat ng sangay ng


pantikan sa panahong ito. Sa pamamahala ng Surian ng Wikang Pambansa, pinili ang itinuturing
na pinakamahusay na maikling kuwento sa panahong ito.

Ang Tula

     Namalasak ang haiku noong panahong iyon. Ang Haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng


labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig;
ang ikalawa’y may pitong pantig; ang ikatlo ay may limang pantig (5-7-5). Kahit na napakaikli
ng haiku, ito’y dapat na may masaklaw na kahulugan , matayog na kaisipan, matiim na
damdamin at di mapasusubaliang kariktan.

        Bunuhay naman ng makatang Ildefonso Santos ang tulang  tanaga. Ito’y maikli ring katulad
ng haiku ngunit ito’y may sukat at tugma at ang bawat taludtod ay may pitong pantig.

Ang Dula

         Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan. Ang mga tao’y humanap ng kahit na
kaunting mapaglilibangan sa mga dulaan. Natigil ang pagsasapelikula dahil sa giyera at ang mga
artista ng puting tabing ay lumipat sa pagtatanghal sa mga dulaan. Ang malalak’t maliliit na

11
teatro tuloy ay nagsipaglabas ng dula.

Nobela

          Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, masasabing lalong hindi namulaklak ang


pagsulat ng nobela. Dahilan ito sa kahirapan ng buhay at halos walang magamit na papel ang
mga manlilimbag.

GAWAIN 2: I’KONEK MO!

Tulungan mo ang larawan na i’konek ang kaniyang sarili sa mga akdang pampanitikan na
lumaganap noong panahon ng Katutubo. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Nobela Karagatan Maikling Kwento Pasyon

Awiting Bayan Alamat Moro-moro Korido

Haiku Tanaga Mito Epiko

Dula Komiks Magasin Salawikain

12
Blog Duplo Dulang Panradyo Palaisipan

Kasabihan Sarsuwela Sawikain Bugtong

Pelikula Dulang Pantelibisyon

ARALIN 2:
ALAMAT
13
ALAMAT

Sinasabing ang ilang kaalaman natin ngayon ay kinuha ng mga mananaliksik sa saling-
dila ng matatanda. Sa pag-usad ng panahon, maaaring nagbabago ang mga alamat
gayunpaman hindi nawawala ang katangian nitong maglahad ng pinagmulan ng tao, bagay,
lunan , o pangyayari.

Ang aralin na ito ay tutulong sa iyo upang mauunawaan mo kung paano nakatutulong
ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na
minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng ating lahi. Matapos mong pag-aralan
ang mahahalagang konsepto sa aralin, ikaw ay inaasahang makabubuo ng informercial na
nagtatampok sa kultura at tradisyong Pilipino.Gayundin, mapagtitibay mo kung paano
kasasalaminan ng kultura, tradisyon, at kaugalian ang alamat tulad ng iba pang akda na
lumaganap sa Panahon ng Katutubo.

Bago mo alamin ang mahahalagang konsepto sa araling ito, nais ko munang mataya ang
iyong kabatiran sa ating paksa. Simulan mo sa pagsagot sa sumusunod na gawain.

SUBUKAN NATIN!

GAWAIN 3: LARAWAN NG PINAGMULAN

Pansinin mo ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Pamilyar ka ba sa mga ito? Subukin
mong sagutin ang kasunod na mga tanong.

a. Ano-ano ang maaaring maging paksa ng alamat?


b. Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay?
14
c. Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging mamamayan? Patunayan.

ALAM MO BA NA….

Ang Alamat ay isang uri ng kuwentong-bayan na nagsasalaysay o nagsasaad ng


pinagmulan ng isang bagay o lugar. Maaaring magpaliwanag ito kung paano pinangalanan o
kung bakit nagkaroon ng ganoong pook o bagay. Ito ay karaniwang kathang-isip at ito ay
pasalin-dila mula pa sa panahon ng ating mga ninuno. Katulad ng Maikling Kwento at
mga Pabula, ang mga alamat ay kinapupulutan din ng aral na
sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan.

Mababakas sa alamat ang matatandang kaugaliang Pilipino.


Layunin din ng alamat na manlibang. May tatlong bahagi ang
alamat.

Simula: Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat
isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang
kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing
tauhan.

Gitna: Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan sa sarili , sa kapwa, o sa
kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring
makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.

Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento.
Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

GAWAIN 4: WAKAS NG PINAGMULAN


Sa isang kuwento, pelikula o teleserye man, kaabang-abang ang bahaging resolusyon o
kinahinatnan sapagkat dito malalaman ng mambabasa o manonood kung ano ang maaaring
mangyari sa pangunahin at iba pang sangkot na tauhan.

15
Sa isang alamat, gaano kaya kahalaga ang wakas na bahagi nito? Paano nakatutulong ang wakas
upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? Narito ang ilang halimbawa ng wakas sa
ilang alamat. Suriin mo ang kinahinatnan ng mga tauhan. Isulat ang sagot sa papel.

Nanangis ang binata at nagsisi sa kanyang narinig. Gusto niyang ibalik ang puso ng ina ngunit wala na
itong buhay. Dahil sa ginawa niya ay biglang pinarusahan at naging BUTIKI na gumagapang sa mga
kisame at haligi. Ito ang parusa sa anak na walang utang na loob sa kaniyang pinanggalingan.

Halaw sa Alamat ng Butiki

Puna:

Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa, doon mismo sa pinagtubuan
ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging", wika ni
Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal ay naging saging.

Halaw sa Alamat ng Saging

Puna:

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang napuna mo sa naging daloy ng wakas?

2. Kapani-paniwala ba ang ganitong uri ng wakas? Ipaliwanag.

3. Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng kaparusahan o


pagkamatay ng pangunahing tauhan?
16
GAWAIN 5: KILALANIN ANG PINAGMULAN

Batay sa mga impormasyon na nailahad sa mga naunang gawain, paano mo mailalarawan ang
tatlong bahagi ng alamat bilang akdang pampanitikan? Isulat ang sagot sa papel at gayahin ang
pormat.

SIMULA GITNA WAKAS

ALAMAT

Mga Gabay na Tanong:

1. Paano nakatutulong ang tatlong bahagi ng alamat sa pag-unawa ng pinagmulan ng mga bagay
sa kasalukuyan?

2. May saysay pa ba ang mga alamat bilang mga akdang pampanitikan sa kasalukuyan?
Patunayan.

17
3. Nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang mabisang maipabatid ang
mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Patunayan.

1.

2.

3.

18
Aralin 3:
Elemento ng
Alamat

Mga Elemento ng Alamat

Ang Alamat ay may Pitong Elemento, at ito ang mga sumusunod:

1. Tauhan

19
Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.

2. Tagpuan

Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon
kung kailan ito nangyari.

3. Saglit na kasiglahan

Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

4. Tunggalian

Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing


tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.

5. Kasukdulan

Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan

Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.

7. Katapusan

Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.

Sa bahaging ito, upang mas lalong maunawaan ang aralin na, may isang bidyu sa
youtube, na may pagtatalakay sa Elemento ng alamat. Makikita ang link sa ibaba upang madali
mahanap ang bidyu na papanoorin.
https://www.youtube.com/watch?v=faQvVHRrBAM

Paano naging mahalaga ang mga Elemento ng Alamat


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________

20
GAWAIN 6: Pagtatapat!
Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

1. Ito naman ang bahaging A. Kakalasan


nagsasaad sa pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin na minsan ay sa sarili, B. Kasukdulan
sa kapwa, o sa kalikasan.

2. Ito ang bahaging nagpapakita ng


unti-unting pagbaba ng takbo C. Panimula
ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.
3. Ito ang mga nagsiganap sa kwento
at kung ano ang papel na D. Tagpuan
ginagampanan ng bawat isa.
4. Ito ang bahaging maglalahad ng
magiging resolusyon ng kwento.
Maaaring masaya o malungkot, E. Tauhan
pagkatalo o pagkapanalo.
5. Inilalarawan dito ang lugar na
pinangyarihan ng mga aksyon at
insidente, gayundin ang panahon F. Tunggalian
kung kailan ito nangyari.

Basahin at Unawain.
Mina ng Ginto
Alamat ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang


mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang
pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang
puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik.
Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay
nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong
panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.

21
Kung nagdaraos sila ng caᾗao ay lingguhan ang kanilang handa.
Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at
nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya
lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang
landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap
ngunit ang ibong ito ay kaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa
pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa
ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago
lumipad. Matagal na natigilan si Kunto. Bagamat siya’y malakas at matapang,
sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng
kanyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa
nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil
ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat
tayong magdaos ng caᾗao.”
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni
Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang cᾗao na gagawin. Lahat ng mamamayan
ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan.
Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang
baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi
ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-
bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay
napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na
sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay
natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y natakot.
22
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak
magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob
sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay
sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.
Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo
ang inyong caᾗao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na
ito.
Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo
ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at
sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong
gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy
nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na
pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng
matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa
liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang
lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay
nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat
isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati
nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.
Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo
nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na
natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-
putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian
natin.”
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay
kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang
23
lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang
punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at
parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na
kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan
ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging
mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan,
kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking
ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong
nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang
puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng
minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay
sa lupa.

GAWAIN 7: PAGLINANG NG TALASALITAAN

Suriin ang mga salitang nakahilig sa loob ng pangungusap. Bigyan ng kahulugan ayon
sa pagkakagamit sa akda. Isulat sa papel ang mga sagot.

1. Taon-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa kanilang


mga anito.
Kahulugan - _______________________________________
2. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang
anito.
Kahulugan - ______________________________________
3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala.
Kahulugan - ______________________________________
4. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas.
Kahulugan - _______________________________________
5. Marahil, ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala.
Kahulugan - ______________________________________

24
GAWAIN 8: Pagsusuri

Ang gawaing ito ay nakatulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang daloy ng mga
pangyayari sa alamat.

1. Pagsunud-sunurin mo ang mga pangyayari sa alamat sa tulong ng Story Ladder. Gawin sa


papel. Gayahin ang pormat.

SIMULA
GITNA
WAKAS

2. Sa iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
Gawin sa papel.

3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin ang
makatotohanan at di- makatotohanan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

BAHAGI MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN

SIMULA

25
GITNA

WAKAS

4. Mula sa akdang binasa, itala ang kultura at tradisyon ng mga Igorot sa tulong ng dayagram.
Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Mina ng Ginto
______________ _________________
______________ _________________
_____ __
___________ ____________

Igorot

___________ _____________
_______________ Kultura _________________
_____ _________
At

Tradisyon

26
5. Balikan mong muli ang naitala mong mga kultura at tradisyon ng mga Igorot. Sa iyong
palagay , nananatili pa rin ba ang mga ito sa kasalukuyan? Itala ang iyong sagot sa tsart.
( Maaring magsaliksik ang mag-aaral sa bahaging ito ). Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

KULTURA NG MGA
IGOROT
Ano- ano ang mga kulturang Sa kasalukuyan, nananatili Patunay
binanggit sa akda? pa rin ba ito? Oo o Hindi

ARALIN 4
(PANG-ABAY NA
PAMANAHON AT

27
PANG-ABAY NA
PANLUNAN)

ALAM MO BA NA…

PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PANG-ABAY NA PANLUNAN

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang


kilos na taglay ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri ng pang-abay: (1) yaong may
pananda at (2) yaong walang pananda.

Gumagamit ng nang , sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang
bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon

Mga halimbawa:

1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?


2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.
3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho.
4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya
28
at mag- ayuno.
5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.
3. Magsisimula pamaya-maya ang kumbensiyon tungkol sa pagpapabahay
sa mahihirap.

4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng kaarawan


ni Gabriela Silang.

5. Panauhing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM.

Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan, o


pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong
pang-abay. Sa ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.

Kay o ang maramihan nitong kina, ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang
pantanging ngalan ng tao. Ang pangngalang pantanging ngalan ng pook o bagay ay
pinangungunahan ng sa.

Narito ang Ilang Halimbawa: 29

1. sa + pangngalang pambalana
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
GAWAIN 9: Suriin Mo!

1. Balikan mong muli ang alamat na “Mina ng Ginto. “ Sumipi ka ng mga pangungusap
na nagtataglay ng mga pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan. Gawin sa
papel. Gayahin ang pormat.

2. Mula pa rin sa alamat na “Mina ng Ginto,” pumili ka ng nagustuhan mong bahagi at


ibuod ito. Salungguhitan ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan na nakapaloob
dito. Gawin sa papel.

30
3. Paano nakatutulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang alamat? Isulat ang
iyong sagot sa papel.

GAWAIN 10: Gamitin Natin!

Batay sa Alamat na iyong binasa, bumuo ng pangungusap gamit ang sumusunod na salita upang
malaman mo kung nakatutulong ba ang mga salitang ito sa pagsasalaysay ng Alamat.

noon

sa araw

noong araw

ngayon

araw-araw

ARALIN 5
Pagkakatulad at
Pagkakaiba
31
Matapos basahin ang Alamat na Mina ng Ginto, ngayon naman ay panonoorin sa youtube
upang maihambig ninyo ang binasa at pinanood na alamat para sa susunod na gawain. Kopyahin
na lamang ang link, upang madaling mahanap ang bidyo.
(https://www.youtube.com/watch?v=IsZYw_ipHmk)

GAWAIN 11: Paghambingin!

Sa akdang “Mina ng Ginto” ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng nabasang at


napanood na akda. Sagutan gamit ang Venn Diagram sa ibaba.

NABASANG AKDA NAPANOOD NA AKDA

32
Basahin at unawain.

NAGING SULTAN SI PILANDOK Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may


kuwentong -bayan ng Maranaw
katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.Si Pilandok ay
nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat
dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang
makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang
baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak." Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong
ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong
nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng
Sultan."Hindi po ako namatay, mahal na Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng
dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na
mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay
nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa
ilalim ng dagat. "Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna
ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni
Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa
hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-
anak." Umakmang aalis na si Pilandok."Hintay," sansala ng Sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais
kong makita ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-anak."Tatawagin
na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng
bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang sultan saloob ng isang hawla.
33
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng
Sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok."Kapag nalaman
po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin
doon. Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang Sultan,
Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin."
"Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro.""Ano
ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng Sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito.Basta't ipagkaloob ninyo
sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako,"
ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok anghinihingi at isinakay
sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad
lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.

GAWAIN 12: PALALIMIN ANG KAALAMAN


1. Mula sa binasang akda, patunayan mo na masasalamin sa kuwentong- bayan ang kultura, tradisyon,
kaugalian, at kalagayang panlipunan ng isang pangkat ng mamamayan sa Pilipinas.

Naging Sultan si Pilandok


Kultura
at Kaugalian
Tradisyon

Kalagayang Panlipunan

2. Sa kasalukuyang panahon, sino ang maituturing mong Pilandok? Bakit? Isulat sa papel
ang iyong sagot.

34
3. Paghambingin mo ang alamat at kuwentong- bayan batay sa mga katangiang taglay ng
mga ito bilang akdang pampanitikan.

KUWENTONG BAYAN
ALAMAT

Katangian Pagkakatulad Katangian

35
ARALIN 6
Masining na
Pagpapahayag

Pagtatalakay!

Ang retorika ay tumutukoy sa sining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit na


pagpapahayag upang maunawaan at mahikayat sa mga nakikinig at bumabasa. Dalawang
kawastuan ang kinakailangan sa pagpapahayag: ang kawastuang pambalarila at ang

36
kawastuang panretorika. May dalawang uri ng pagpapahayag: pagpapahayag na pasalita
at pagpapahayag na pasulat.

Dalawang sangkap ng pagpapahayag:

May dalawang mahalagang sangkap ng pagpapahayag:

-nilalaman

-pananalita

Sinasabing may nilalaman ng isang pahayag kung may mga sumusunod: a) may pahatid o
mensaheng mahalaga b) may mahalagang impormasyon o pabatid c) may kaalamang
mapakikinabangan d) kapupulutan ng magagandang halimbawa at e) makalilibang

Kalinawan ng Pagpapahayag - ipinalalagay na may kalinawan ang isang pahayag kung


madaling maunawaan.

Tatlong bagay na makatutulong upang madaling maunawaan ang isang pahayag:


a. gumamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan nang hindi mapagkamalan
b. ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may pagkakaugnay (balarila at
panretorika)
c. nararapat na wasto ang pagbigkas kung pasalita at wasto ang baybay kung pasulat.

Gawain 13: Share It!


Bumuo ka ng isang kuwento na magtatampok ng natatanging kultura, tradisyon, kaugalian o
kalagayang panlipunan ng inyong bayan sa kasalukuyan. Ibahagi sa harap ng klase ang nagawa
sa pamamagian ng masining na pagpapahayag ng iyong nagawang saring alamat. Gawin sa
papel.

Kaalaman: 25%

Nilalaman: 25%

Konsepto: 35%

Presentasyon: 15%
37
Kabuoan: 100%

PANGKATANG GAWAIN:

Matapos mong napagdaan ang mga aralin, ang mga ito ay nakatulong sa iyo upang
maunawaan mo kung paano naka tulong ang mga alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng
kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isang matatandang panitikan n
gating lahi.

Sa puntong ito, para sa pangkatang Gawain, kayo ay gagawa ng infomecial na


nagtatampok sa kultura at tradisyonng Pilipino. Sa pamamagitan nito, mapagpatitibay kung
paano kasasalaminan ng kultura, tradisyon, at kaugalian ang alamat tulad ng iba pang akda na
lumaganap sa panahon ng katutubo. Ang infomercial na ginawa ay ipapasa na lamang sa guro
upang bigayang pagmamarka.

Nilalaman 40%

Kasiningan 30%

Pagkamalikhain 30%

Kabuuan: 100%

MGA SANGGUNIAN:

https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-module

https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-katutubo.html

https://www.slideshare.net/LAZ18/panitikan-sa-panahon-ng-espanyol-50674934

https://www.slideshare.net/menchu25/panitikan-sa-panahon-ng-hapones-presentation

https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-hapon.html

https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-module

https://www.academia.edu/26282499/Ano_ang_panitikan_Dalawang_Uri_ang_Panitikan?
auto=download

http://pinoy-genius.blogspot.com/2008/07/ano-ang-panitikan.html
38
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-8-elemento-ng-alamat-68436334

https://pinoycollection.com/alamat/

https://www.youtube.com/watch?v=IsZYw_ipHmk

39

You might also like