You are on page 1of 1

Culminating Performance Task

Filipino
Grade 7 Courtesy and Courage
First Quarter- S.Y. 2020-2021
Sir John Paul D. Bolina

A. Content Standard
Maipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.

B. Performance Standard
Maisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

C. Description of the Performance Task

Isa ang Mindanao sa mga dinarayo ng mga turista dahil sa natatangi nitong kultura at magagandang
tanawin. Isinusulong ng Kagawaran ng Turismo na paigtingin ang panghihikayat sa mga turista na magtungo sa
lugar. Bilang isa sa mga graphic designer at writer ng ahensiya, ikaw at ang iyong mga kasama ay bubuo ng
brochure na magsisibing materyal na panturismo. Ang lalamanin ng brochure ay tungkol sa magagandang
tanawin, kultura, at sining ng isang lalawigan sa Mindanao.
G- Makabuo ng isang makatotohanang brochure, kung saan maitatangkilik ang mga panitikan sa Mindanao.
R- Tagapagtaguyod ng Panitikang Pilipino
A- Kabataang Pilipino
S- Ang iba sa mga kabataan ngayon ay nakalilimutan na ang mga panitikan sa ating bansa, kaya naman sa
pamamagitan ng iba’t ibang akda na kanilang nabasa ay makabubuo sila ng isang makatotohanang brochure. Sa
pamamagitan nito ay itatangkilik na ng mga mag-aaral ang sariling panitikan natin.
P- Brochure
S- Ang awtput ay tatayain sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:
Pamantayan Bahagdan
-Pagkamalikhain 15%
-Pamamahala ng oras 10%
-Biswal na Presentasyon 15%
-Organisasyon 30%
-Kangkupan sa paksa 30%
KABUUAN 100%

Submitted to:

VICTOR M. FERNANDEZ
High School Principal

You might also like