You are on page 1of 3

BASIC EDUCATION DEPARTMENT

VALENZUELA CITY CAMPUS


S.Y. 2022-2023

Pinal na Proyekto: Dulang Pantanghalan


Bilang bahagi ng pangwakas na proyekto sa iba’t ibang asignatura, narito ang mga bagay na dapat
na isaalang-alang sa pagbuo ng dulang itatanghal:
 Itatanghal ang pangkabuoang kuwento ng El Filibusterismo at magpoprodyus ng
sumusunod na awtput:
 Iskrip
Pormat
Font Courier New
Font size 12
Spacing 1.5
Alignment Justified
 Poster (Portrait)
 Dula
 Narrative report
 Hindi kinakailangang detalyadong itanghal ang buong kuwento ng El Filibusterismo.
Gamitin ang kakayahan sa pagbubuod at malikhaing isipan upang mahusay na maitanghal
ang nobela ni Rizal. Basahing mabuti ang pamantayan sa pagmamarka sa iba pang
detalyeng ninanais makita ng mga gurong kabilang sa proyektong ito.
 Ang dula ay tatagal lamang ng tatlumpung minuto hanggang isang oras.
 Batay sa pamantayan, ang gugugulin lamang sa proyektong ito ay hanggang 2,500 pesos
lamang. Maaaring hindi umabot ng 2,500 ngunit hindi maaaring lumabis. Itabi ang mga
resibo at magpapasa kay Gng. Batac ng financial statement bilang patunay. Hinihikayat
ang bawat isa na gumamit ng mga resiklong kagamitan.
 Inaasahan ang partisipasyon ng bawat isa, maliit man o malaki ang gampanin ay dapat na
gampanan ito nang buong husay.
 Tentatibong Petsa ng Pagtatanghal: Ika-09 ng Hunyo, 2023

Iskedyul
Pangkat Oras
10-Understanding 8:30 n.u – 9:30 n.u.
10-Uplifting 10:30 n.u. – 11:30 n.t.
10-Unity 1:00 n.h. – 2:00 n.h.

 Magpapasa rin ng narrative report upang matukoy ang mga mag-aaral na hindi nakibahagi
sa proyekto. Tandaan na ang gawaing ito ay kabilang ang sumusunod na guro at asignatura:
Guro Asignatura Kahingian
G. Domingo Filipino Teatrikong pagtatanghal
G. Salamoding Music Paglalpat ng musika
G. Coumbs Health at Science Propesyonal na pakikitungo at mahusay
napananamit
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
VALENZUELA CITY CAMPUS
S.Y. 2022-2023

G. Escarlan TLE Advertisement Poster


G. Sillionar Arts at Values Teatrikong pagtatanghal
G. Pascubillo PE Sayaw
Bb. Saguban English Elemento ng Drama
Bb. Agorilla Araling Panlipunan Pagiging responsableng mamamayan at
mga pansibikong gawain
Gng. Batac Mathematics Pinansiyal na pangangasiwa

Pamantayan sa Pagmamarka ng Dula:


Krayterya Porsyento
Kagamitang Panteatro:
 Akma ang mga kagamitang panteatro batay sa panahon, konteksto, kultura,
at uri ng pamumuhay batay sa paglalarawan sa nobela. Kakikitaan ito ng
pagkamalikhain, kasiningan, at kahusayan sa pagbuo sa pamamagitan ng 20%
pagiging makatotohanan nito. Ang ginamit na kasuotan ay kakikitaan ng
mahusay na representasyon ng mga karakter batay sa deskripsiyon ng
nobela. Ang ginugol na salapi ay hindi lalampas sa 2,500.00 piso.
Teknikal na Aspekto
 Naipamamalas ang kahusayan sa artistikong paglalagay ng musika at ilaw
bilang bahagi ng dramatikong epekto sa pagtatanghal. Akma at wasto ang 20%
kulay ng ilaw, ang nilalaman, at epektong pangmusika sa mga pangyayari
at eksenang itinanghal.
Advertisement Poster
 Naipamamalas ang pagiging malikhain sa paglikha ng advertisement
poster. Akma ang representasyon sa nobelang itatanghal, may katangian 10%
itong kahika-hikayat at kaaya-aya sa mata sa pamamagitan ng aplikasyon
ng iba’t ibang prinsipyo sa pagdidisenyo.
Elemento ng Drama
 Naipakikita ang kahusayan sa pag-arte, pagbuo ng mga tauhan, banghay, 15%
tagpuan, paggamit ng angkop na wika, at iba pang elemnto ng drama.
Nilalaman at Ikrip
 Naipamamalas sa dulang pantanghalan ang pagiging isang responsableng
mamamayan at naipakikita ang mga halimbawang gawaing pansibikong
makikita sa akda batay sa araling tinalakay sa Araling Panlipunan.
15%
 Naipamamalas ang mahusay na paggamit ng wika sa pagtatanghal.
 Mahusay ang pagkakasulat sa iskrip. Malinis ang pagkakagawa, maayos
ang mga bantas na ginamit, ang pagbabaybay ng mga salita, at nasunod ang
mga tuntuning panggramatikang tinalakay sa klase.
Sayaw-Tanghal
 Naipamamalas ang mahusay na integrasyon ng pagsasayaw sa teatrikong
10%
pagtatanghal.
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
VALENZUELA CITY CAMPUS
S.Y. 2022-2023

Partisipasyon
 Naipamamalas ang pagkakaisa at pakikibahagi ng bawat mag-aaral na
kasangkot sa dulang pantanghalan. Mahusay na nagampanan ng bawat
10%
miyembro ang kanilang tungkulin sa gawain. Kakikitaan ng propesyonal na
pakikitungo ang bawat isa bago hanggang sa matapos ang itinakdang
gawain.
Kabuoan: 100%

You might also like