You are on page 1of 18

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.7
Panitikan : Nobela
Teksto : “Paglisan” (Buod) ni Chinua Achebe Isinalin sa Filipino ni
Juliet U. Rivera
Wika : Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag
Bilang ng Araw : 5 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIh-i-81)
 Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIh-i-85)


 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang
pampanitikan na angkop dito.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIh-i-81)


 Napag-uugnay ang mga salitang nag-aagawan ng kahulugan.

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIh-i-79)


 Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIh-i-83)


 Naitatanghal ang iskrip ng nabuong puppet show.

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIh-i-83)


 Naisusulat ang iskrip ng isang puppet show na naglalarawan sa
tradisyong kinamulatan sa Africa at/o Persia.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIh-i-76)


 Nagagamit ang angkop na mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa
panunuring pampelikula nang may kaisahan at pagkakaugnay ng mga
talata.

Ikatlong Markahan| 113


TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIh-i-79)


 Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela.

II. PAKSA
Panitikan : “Maynila sa mga Kuko ng Liwanag”
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng isang maikling video clip patungkol sa isang
isinapelikulang nobela “Maynila sa mga Kuko ng Liwanag”
https://youtu.be/qwLYo04lD7I

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: SPIN THE BOTTLE
a. Ano ang pinapaksa ng nobela/pelikula?
b. Paano nalampasan ng mga tauhan ang mga suliraning kinaharap nila?
Batay sa iyong nabatid, anong aral ang hatid ng napanood?

Ikatlong Markahan| 114


2. Pokus na Tanong

a. Paano nakatutulong ang nobela sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


akdang pampanitikan ng Africa?
b. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa mabisang pagpapaliwanag ng
isang nobela?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: MASINING NA PAGKUKUWENTO


Pagpapabasa ng isang suring-basa ng akdang Maynila sa mga Kuko ng
Liwanag.

Maynila sa mga Kuko ng Liwanag


Isang suring-basa
http://vjk112001.blogspot.com/2008/02/sa-mga-kuko-ng-liwanag-isang-suring.html

ANALISIS

1. Batay sa nabasa o napanood, ano-ano ang mga suliraning panlipunan na


nakita sa akda?
2. Paano kinaharap ng mga pangunahing tauhan ang mga suliraning ito?
3. Paano binuhay ng may-akda o direktor ang mga tauhan, tagpuan at mga
pangyayari sa nobela/pelikula?
4. Kung ikaw ang manunulat ng nobelang ito, paano mo ilalarawan ang tunay
na kulay ng Maynila? Ipaliwanag.

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)
GABAY SA PAGSUSURI NG ISANG AKDA
I. Introduksyon
A. Maikling Talambuhay ng May-akda
B. Mga Mahahalagang Pangyayari sa Lipunan sa Panahon ng
Pagkakasulat ng Nobela
II. Mahahalagang talasalitaang dapat maunawaan ng mambabasa
III. Pagsusuri ng mahahalagang tauhan

Tauhan Ang kanyang mga ginawa Ang dahilan ng kanyang


kilos o ginawa
Tauhan 1
Tauhan ...

Ikatlong Markahan| 115


IV. Buod ng nobela (BAWAT KABANATA) – Subuking sagutin ang mga
tanong na sino, saan, kailan, ano, bakit at paano. (minimum ng limang
pangungusap)
V. Pagsusuri ng Kabisaan ng Nobela sa Mambabasa
A. Bisa sa Isip (Mga bagong kaalaman o konseptong natutuhan. Ilahad
kung bakit mahalaga ang mga ito.)
B. Bisa sa Damdamin(Mga damdaming napukaw sa iyo at epekto nito
sa sarili mong pagkatao)
C. Bisa sa Kaasalan (Mga pag-uugali at pagpapahalaga/balyus na sa
tingin mo ay dapat na palakasin batay sa mga pangyayari sa
nobela)
VI. Pagsusuri ng Tema ng Nobela
Ang tema ng nobela ay ______________________________________
Ang mga pagpapatunay o detalye kaugnay ng tema:
1. 2.
VII. Pagsusuri sa Layunin ng May-akda
A. Ano kaya ang layunin ng may- Mga Detalye ng Pagpapatunay
akda para sa kanyang sarili?
B. Ano kaya ang layunin ng may- Mga Detalye ng Pagpapatunay
akda para sa kanyang
mambabasa?
C. Ano kaya ang layunin ng may- Mga Detalye ng Pagpapatunay
akda para sa lipunan at sa
pangkalahatan?
VIII. Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan – Suriin ang mga ginamit na
teoryang pampanitikan. Piliin yaong ginamit at angkop lamang sa akda
at lagyan ng nararapat na patunay buhat sa aklat.
1. Humanismo
2. Imahismo
3. Realismo
4. Romantisismo
5. Eksistensyalismo
6. Naturalismo
7. Sosyolohikal / Kamalayang Panlipunan
8. Feminismo
9. Dekonstruksyon
10. Simbolismo
IX. Pansariling reaksyon
Bakit ito dapat basahin o hindi basahin? Ano ang mga natutuhan mo na
gusto mong isagawa o isapuso? Ano ang naging bago mong pagtingin
sa lipunan at pangkat na iyong ginagalawan?
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/pagsusuri-ng-nobelang-itinakda.html

Ikatlong Markahan| 116


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: FILL IN THE BLANKS


Punan ng mga angkop na salita ang bawat patlang upang makabuo ng
konsepto batay sa nabatid na kaalaman.

Sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan, nararapat na isaalang-alang


__________________________________

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: SINE TIME


Suriin ang inihandang maikling video batay sa mga kaalamang nabatid.

Himala
ni Ishmael Bernal
https://www.youtube.com/watch?v=wybe_elpHTA

IV. KASUNDUAN

1. Kung ikaw ay isang batikang manunulat o direktor, paano mo ipakikita sa


lahat ng iyong mga mambabasa ang mukha ng suliraning kinakaharap ng
ating bansa?
2. Basahin at unawain ang akdang “Paglisan” (Buod) LM: pp 323-325
 Kilalanin ang pangunahing tauhan.
 Paano ipinakita sa tauhan ang kanyang paraan ng pagharap sa mga
suliranin ng buhay?

Ikatlong Markahan| 117


LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIh-i-81)


 Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIh-i-85)


 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang
pampanitikan na angkop dito.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIh-i-81)


 Napag-uugnay ang mga salitang nag-aagawan ng kahulugan.

II. PAKSA
Panitikan : “Paglisan” Buod (Nobela mula sa Nigeria) ni Chinua
Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Kagamitan : pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: ISKIT

Pagpapanood ng isang videoclip tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal


https://www.yooutube.com/watch?v=lvzlbAd2SUc

Ikatlong Markahan| 118


Gabay na Tanong:
a. Isa-isahin ang mga kabayanihang ipinamalas ni Dr. Jose Rizal.
b. Ipaliwanag kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay kinikilala ang mga
kabayanihang ito.
c. Makatuwiran ba siyang kilalanin bilang pambansang bayani ng
Pilipinas? Ipaliwanag.

2. Presentasyon
Mungkahing Istretehiya: SINE MO’TO

“Paglisan” (Nobela mula sa Nigeria)


Ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Javier
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
pahina 323-325

Gabay na Tanong:
a. Ilarawan si Okonkwo batay sa nabasang buod.
b. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang
sinisimbolo ng pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para sa kanya?
c. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I- Mungkahing Istratehiya: GAMESHOW

Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan ng


salita. Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

1. Palamuti abubot dekorasyon

2. ipinabatid ipinaalam isinangguni

3. napagwagihan Napagtagumpayan nalampasan

4. magpatirintas nagpasalapid nagpapusod

5. kagimbal-gimbal Kagulat-gulat kataka-taka

Ikatlong Markahan| 119


Pangkat II- Mungkahing Istratehiya: TALK SHOW

Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa.


1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa tuwing may
pag-uusapang mahalagang bagay.
2. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag
dumarating ang mga maniningil ng utang.
3. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara
ng giyera
4. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.
5. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay
naipatapon.

Pangkat III – Mungkahing Istratehiya: FAN-FACT ANALYZER

Suriin ang binasang nobela batay sa tauhan, banghay ng pangyayari,


suliranin, pagsubok sa paglutas ng suliranin at ang naging bunga.

Pangkat IV – Mungkahing Istratehiya: AMBUSH INTERVIEW

Ano-anong mga pangyayari/bahagi ng nobela ang nagpapatunay na ito


ay akdang nasa pananaw sosyolohikal?

Bahagi ng Akda Patunay

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Katamtamang Kailangan pang


Napakahusay Mahusay
Husay Paghusayin
Mga Kategorya 10-9 8-7
6-5 4-1
Ang mga Angkop ang May mga datos Lahat ng
datos/gawain ay datos /gawaing /gawain na hindi inilahad ay higit
inilahad ay inilahad. gaanong na
Kaangkupan sa nagpapakikita ng nagpapakita ng nangangailang
Task/Layunin kaangkupan . kaangkupan. an ng
kaangkupan sa
gawain.

Ikatlong Markahan| 120


Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag/ pagpapakita ng
Presentasyon pagkakabuo ng pagkakabuo ng pagkakabuo ng mensaheng
mensaheng mensaheng mensaheng nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Ang lahat ng May pagkakaisa Dalawa sa Halos lahat ng
miyembro ng at pagtutulungan miyembro ng miyembro ng
pangkat ay ang bawat pangkat ay hindi pangkat ay
nagkakaisa at may miyembro. maayos na walang
respeto sa isa’t Maayos ang nakikilahok sa disiplina. Hindi
isa. ipinakitang gawain.Maayos maayos na
Napakaayos ng presentasyon ng ang ipinakita presentasyon.
kanilang bawat isa. nilang Nangangailang
Kooperasyon
ipinakitang presentasyon at an ng disiplina
presentasyon dahil may respesto sa at respeto sa
lahat ng miyembro bawat isa. bawat
ay kumikilos sa isa.Kailangan
gawaing lahat ng
nakaatang sa miyembro ay
bawat isa. nakikipagtulung
an sa gawain.
Napakamalikhain Malikhain at Maayos na Walang buhay
at napakahusay mahusay ang napalutang ang ang ipinakitang
Pagkamalikhain/ ng pagpapalutang pagpapalutang ideya na nais pagpapalutang
Kasiningan sa nais ipabatid sa nais ipabatid ipabatid. ng mensahe /
na mensahe/ na mensahe ideya.
impormasyon /impormasyon.

 Pagtatanghal ng pangkatang gawain


 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Paano nakatulong sa akda ang mga salitang may nag-aagawang


kahulugan?
2. Sa paanong paraan ipinakita ni Okonkwo ang pagtanggap sa kanyang
pagkatalo at muling magbalik sa kanyang pinagmulan?
3. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan ang sagot.
4. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang iyong
bibigyan ng kulay? Bakit?

Ikatlong Markahan| 121


 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan? Naglalahad ito


ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng
hangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

May mga elemento ang nobela tulad ng sumusunod:


1.Tagpuan - Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2.Tauhan - Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3.Banghay - Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4.Pananaw - Panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5.Tema - Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6.Damdamin - Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7.Pamamaraan - Istilo ng manunulat
8.Pananalita - Diyalogong ginagamit sa nobela
Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay
at pangyayarihan

ABSTRAKSYON
Sa tulong ng grapikong presentasyon, sagutin ang sumusunod na
katanungan. Sa pamamagitan ng nobela, paano naipaunawa ng may akda sa
mga mambabasa ang ilan sa kanilang mga kinikilalang kultura at tradisyon?
Paano mo ito mapahahalagahan?

Nobela

Kultura at Pagpapahalaga
Tradisyon

Ikatlong Markahan| 122


APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: I-SHARE MO NA YAN!

Isa kang lider ng mga kabataan sa inyong pamayanan, isang araw nabalitaan
mon a ang isa sa mga kagrupo mo ay napagkamalang magnanakaw at
nabugbog ng mga kabataan na taga kabilang barangay. Bilang kanilang pinuno,
ano ang iyong gagawin? Bakit?

3. Ebalwasyon

Tukuyin ang angkop na kasagutan sa bawat bilang.


1. Ayon sa akda, kung ikaw ay nakapatay ng tao sa isang tribo paano ka
makikipagkasundo ng kapayapaan sa kalahi nito?
a. Mag-alay ng isang katribo sa lahi ng taong napatay.
b. Makipagdigma sa kabilang tribo.
c. Ang isa sa mga anak ng nakapatay ang ipapalit sa nasawi.
d. Humingi ng tawad sa pamilyang pinagkasalaan.

2. Bakit nasabi ni Obierika ang mga katagang ito? “Ang taong iyan ay kilala at
tanyag sa buong nayon, dahil sa kanyang pagpapatiwakal, matutulad lamang
siya sa isang inilibing na aso.”
a. Para sa kanila ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan.
b. Para sa kanila ang taong nagpatiwakal ay parang isang hayop.
c. Isang pangkaraniwang bagay lamang ang pagpapatiwakal.
d. Ang pagkitil sa sariling buhay ang maghahatid sayo sa
kaluwalhatian.

3. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng


pagsamba sa Bathala ng Lupa?
a. Nagkasakit si G. Brown.
b. Sinunog ang tahanan ni Enoch.
c. Sumanib ang isang masamang espiritu.
d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu.

4. Sa iyong palagay, bakit ginusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga


katribo?
a. Mahina ang kanyang ama.
b. Gusto niyang maghiganti sa kanyang ama.
c. Dahil walang kwenta ang kanyang ama.
d. Gusto niya ng karangalan, katanyagan at pangalan.

Ikatlong Markahan| 123


5. Piliin ang angkop na kahulugan ng salitang yumao batay sa pagkakagamit
sa bahagi ng nobela.
a. Pumanaw c. Nanghina
b. Lumisan d. Nawalan ng pag-asa

Susi sa Pagwawasto

1. C 2. A 3. B 4. C 5. A

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan tungkol sa isang hinahangaang


pinuno sa inyong komunidad. Isa-isahin ang mga taglay na katangian na
karapatdapat tularan ng isang kabataang tulad mo.
2. Magsaliksik ng iba’t ibang paraan ng paggamit ng mga pang-ugnay.

Ikatlong Markahan| 124


PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIh-i-76)


 Nagagamit ang angkop na mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa
panunuring pampelikula nang may kaisahan at pagkakaugnay ng mga
talata.

II. PAKSA
Wika : Pang-ugnay na gamit sa Pagpapaliwanag
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng bahagi ng pelikulang “Sarah ang Munting Prinsesa”
https://youtu.be/uRs7c9RRCQs

Gabay na Tanong:
a. Ilahad ang pinapaksa ng napanood na video.
b. Batay sa napanood na bahagi ng pelikula, anu-anong kahanga-hangang
katangian ang ipinamalas ng batang si Sarah?

Ikatlong Markahan| 125


2. Presentasyon

Sarah ang Munting Prinsesa


Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
pahina 326-327

Gabay na Tanong:
a. Anong damdamin ang nangingibabaw sa kabuuan ng akda?
b. Isa-isahin ang mga salitang ginamit upang mapag-ugnay ugnay ang mga
kaisipan sa pangungusap at talata sa binasang iskrip.

ANALISIS

1. Ano-ano ang dapat na nilalaman ng isang iskrip?


2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng isang nobela bago ito
isapelikula?
3. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay


tayong dapat bigyan ng pansin. Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na Trip
To Quiapo Scriptwriting Manual Una, kailangang maging malinaw muna ang
konseptong pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang major concepts ng materyal.
Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung
tungkol saan ba talaga ang istorya. Kailangang masagot ang anumang mga
tanong tungkol dito. Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay.
Makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing
bibigyang- tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa
pagbuo ng mga diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo
ng mga diyalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag
sa mga detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa
magandang nakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa
pagpapaliwanag ng mga naging kahinaan ng iskrip at o ng pelikulang pinanood.
Ayon sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M.
Resuma, maipaliliwanag ang isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1)
pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak,
detalyado at higit na maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang
mga paggamit ng pang-ugnay. pagtutulad at pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng
halimbawa.

Ikatlong Markahan| 126


Makatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang
maging mabisa ang pagpapaliwanag? Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop
na ginagamit bilang pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang
pang-angkop na na, ng, g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay
nagtatapos sa katinig, ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa
n at ginagamit naman ang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa
patinig.Maliban dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng,
kapag,kung at iba pa ay magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: AMBUSH INTERVIEW

Paano nakatutulong ang wastong paggamit ng mga pang-ugnay sa


pagpapaliwanag ng panunuring pampelikula nang may kaisahan at
pagkakaugnay ng mga talata?

APLIKASYON

Bumuo ng isang talatang pagsusuri sa isang pelikulang naibigan. Bilugan


ang mga ginamit na pang-ugnay sa ginawang pagsusuri.

3. Ebalwasyon
Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang
talata.

Sa katayuan ____ ating bansa, iilan na lamang sa gobyerno ang


mapagkakatiwalaan. Totoo nga bang may pagmamahal sa kapwa nila
mamayang Pilipino at ang kahalagahan ng bayang sinilangan ang hangad nila
para maglingkod bilang isang pinuno o ang hangad nila ang salapi at yaman
ng bansa? Siguro kung ang lahat ng mamayan ng buong Pilipinas ay may
karapatan ding mag-talaga ng isang batas na siyang sasalungat sa mga taong
namamahala sa Gobyerno ng ating bansa. Bigyang ng kaukulang parusa ang
sinumang nakatayo ___ gumagawa ng mga anumalya ___ naghahangad lang
sa kaban ng yaman ng bayan. Sa ganitong paraan masasabing Demokrasya
ang umiiral sa isang bansa _____ naririnig ang hinaing ng bawat
mamamayan. Marami sa ating mga Pilipino ay di likas ang pagiging isang

Ikatlong Markahan| 127


tunay na Kristiyano at nabubulag ng materyal na bagay dito sa mundo.Para sa
akin kawawa pa rin ang mga tulad nilang mga bulag sa mga aral ng Diyos.Walang
pagmamahal sa kanilang mga sarili kung kaya't walang pagmamahal sa
kanilang kapwa.Tandaan ang tao ay nilikha ng Diyos _____ ang pera ay
ginawa lang ng tao. Buhayin natin sa ating puso at isipan ang pagiging isang
anak ng Diyos na may pagmamahal sa Kanya at pagmamahal para sa ating
kapwa.

Susi sa Pagwawasto

1. ng 2. na 3. at 4. sapagkat 5. subalit

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Bumuo ng isang iskrip bilang paghahanda sa itatanghal na puppet show.


Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit.
2. Humanda para sa gagawing pagtatanghal.

Ikatlong Markahan| 128


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIh-i-83)


 Naisusulat ang iskrip ng isang puppet show na naglalarawan sa
tradisyong kinamulatan sa Africa at/o Persia.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIh-i-83)


 Naitatanghal ang iskrip ng nabuong puppet show.

II. PAKSA
Pagsulat ng Awtput 3.7
Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng isang halimbawa ng puppet show.
https://youtu.be/_62MhsNdT84

Gabay na Tanong:
a. Anong mensahe ang nais iparating ng napanood na puppet show?
b. Bigyang puna ang paraan ng pagsasalaysay ng mga pangyayari.

ANALISIS
1. Ilahad ang reaksiyon hinggil sa napanood na video.
2. Paano ipinakita ng direktor ang pagiging malikhain?

Ikatlong Markahan| 129


3. Paano makatutulong ang isang puppet show sa papapaunawa sa mga
mambabasa ang kultura at tradisyon ng isang bansa?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: ATING PAGNILAYAN

Paano makatutulong sa pagsulat ng isang pagsusuri ang mga natamong


kaalaman sa araling tinalakay?

APLIKASYON

GOAL - Nakapagtatanghal ng isang puppet show na maglalarawan ng kultura


at tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia.

ROLE - Isa kang mahusay na event organizer

AUDIENCE - Mga turista


Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong
paaralan.
SITUATION -Kapistahan ng Baranggay

PRODUCT - Pagtatanghal ng Puppet show.


Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong
paaralan.
STANDARD - Tatayain ang pagganap batay sa sumusunod na pamatayan:
Pagbuo ng iskrip 3 puntos
Isa ka sa mga Pagganap 2.5 puntos sa inyong
mag-aaral na manunulat ng pahayagan
Aspektong Teknikal 2.5 puntos
paaralan.
Kaangkupan ng paksa 2 puntos
Kabuuan 10 puntos

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Sa loob ng ilang pangungusap, itala ang naging damdamin sa ginawang


presentasyon.
2. Paano nga ba dapat mapahalagahan ang mga akdang pamapanitikan ng
bansang Africa at Persia?

Ikatlong Markahan| 130

You might also like