You are on page 1of 6

Andrea Marie C.

Coronel BS-ENTRE I-2


Rachel Ricohermoso

Pagsasalaysay- Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay.


Katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag.
Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula
ang alamat; epiko at mga kwentong bayan.

Pagpili ng Paksa- Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng salaysay.


Kailangan ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga rin ito ay napapanahon at
may dalang pakinabang o kabutihan sa mga babasa.

Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod:


1. Kawilihan ng Paksa- Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming
pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at
maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan- mga datos na pagkukunan ng impormasyon.
3. Kakayahang Pansarili- ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig
ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook- ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa
malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito kaya
mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at
pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa- sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanyang
pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa.

Ang mga mapagkukunan ng paksa ay ang mga sumusunod:


1. Sariling karanasan- pinakamadali at pinakadetalyadong praan ng pagsasalaysay ng
isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong
nagsasalaysay o magasasalaysay
2. Narinig o napakinggan sa iba- maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon at iba pa. Subalit, tandaan na
hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. mahalagnag tiyakin muna
ang katotohanan bago isulat.
3. Nabasa o Napanood- mga palabas sa sine, televisyon, dualng panteatro at iba pa.
4. Likhang - isip- mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikha ng
isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap- Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring maging
batayan ng pagbuo ng salaysay.

Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay


1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon
2. Mahalaga ang paksa o diwa
3. Maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
4. kaakit-akit na simula at kasiya-siyang wakas

Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento


Layunin: Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang
tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Layunin din nitong manlibang o magbigay-aliw
sa mga mambabasa.
Deskripsiyon: Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na
maaaring piksiyon (hal.: nobela, maikling kuwento,tula) o di-piksiyon (hal.: biyograpiya,
balita, maikling sanaysay). Maaaring ang salaysay ay personal na karanasan ng
nagkukuwento. Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o
pantasya lamang.

Iba't ibang elemento ng Naratibong teksto:


a) Paksa - kailangang mahalaga at nmakabuluhan.
b) Estruktura - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento.
c) Oryentasyon - nakapaloob dito ang kaligiran ng tauhan, lunan at oras o panahon
kung kailan nangyari ang kuwento.
d) Pamamaraan ng Narasyon - kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng
kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood.
Maaring halimabawa ng Pamamaraan ng Narasyon ang Deux ex Machina, na kung
saan mayroon isang tao o bagay ang biglang idinagdag upang mairesolba ang isang
problema
e) Komplikasyon o Tunggalian - ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging
batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyong tauhan.
f) Resolusyon - ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ito ay
masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.

Tekstong Deskriptibo: Makulay na paglalarawan


Layunin : Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isnag bagay, tao,
lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
Deskripsiyon : Ang tekstong Deskriptibo ayisang uri ng paglalahad at naisasagawa sa
pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng
kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan.
Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang
masining na pagpapahayag.

Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo:


1) Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na
nililikha sa mga mambabasa.
2) Ito ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng
pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.
3) Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga
konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa
mambabasa ang bagay o anomang paksa na inilalarawan.

Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran


Deskripsiyon : Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na
nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o
usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na maga
literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na
pananaliksik.
* nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing
imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.

Mga elemento ng Pangangatuwiran


1) Proposisyon- ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
2) Argumento- ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging
makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

Katangian at nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo:


1) Mahalaga at napapanahong paksa
2) Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
3) Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
4) Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng
argumento.
5) May matibay na ebidensiya para sa argumento.

Tekstong impormatibo/ekspositori - ang tekstong ito ay isang anyo ng


pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano, kailan,saan, sino at
paano.Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang
paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad ito ng mga kuwento ng mga
tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na
pangyayari, Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon
sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa,
pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye at pagpapakahulugan ng
impormasyon.
May iba't ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng
paglalahad nito:
a) Sanhi at Bunga - ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkaka-ugnay
ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga
naunang pangyayari. Sa urng ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon
sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay
(sanhi) at ano ang resulta nito (bunga)
b) Paghahambing - ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang
nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang
bagay,konsepto o pangyayari.
c) Pagbibigay-depinisyon - ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang
salita, termino at konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay
gaya ng uri ng hayop, puno o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng
katarugan o pag-ibig.
d) Paglilista ng Klasipikasyon - ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng
isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng
sistema ng pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang
kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba't ibang
klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.

Paglalarawan
- Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na
larawan sa isip ng mambabasa o makikinig
- Napapagalaw at napakikisot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni,
imahinasyon, at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Paglalarawan


1) May tiyak at kawili-wiling paksa
2) Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita
3) Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita
4) Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan
※Iba't-ibang pananaw na ginagamit
- distansya ng bagay na inilalarawan o agwat
- kung nasa loob o labas
- ayon sa sariling palagay o damdamin ng paglalarawan bunga ng kaniyang
karanasan o ng karanasan ng ibang tao
- ayon sa sariling palagay batay sa kanyang narinig o nabasa
5) Pumupukaw sa higit sa isang pandamdam: Paningin, Pandinig, Pang-amoy, Panlasa,
at Panalat
6) May kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
7) May tiyak na layunin sa paglalarawan

You might also like