You are on page 1of 1

Petalio, Julie Ann B.

BSE-4D

PANITIKAN

-Ito ay isang payak na salitang nahihiyasan ng iba-iba at malalim na kahulugan.

-Para sa mga manunulat, ang panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o
representasyon ng buhay, karanasan, lipunan at kasaysayan.

-Isa rin itong pinakamabisang sangkap sa isang bansa upang malaman ang pagkakakilanlan ng
kakanyahan o identidad nito.

-Maging pasalita o pasulat man ang kaanyuan nito, malinaw na masisinag sa panitikan ang mga
mithiin, damdamin, layunin, adhikain, pangarap at landas na gustong tahakin ng bansang ito.

-Nabanggit ni Alip 1974 na ang panitikan ay ang paglalarawan ng tunay na pangyayare sa isang
bansa at ng katotohanan.

-Malawak ang nasasakupan ng panitikan. Naaaninaw nito ang kapaligiran at mga pangyayaring
nagaganap sa nasabing kapaligiran.<Angelica Santos ng MSU-IIT, 1958>

-Walang tinatagoang panitikan, kahit ang pinakapangit na bahagi ng mundo ay tinatalakay nito,
lahat ay pinapaksa. Ang lahat-lahat sa daigdig ay walang nakakaligtas, hanggang sa ganap nating
maunawaan ang mga pangyayare sa ating buhay at pangyayareng nagaganap sa ating
kapaligiran.

You might also like