You are on page 1of 18

ILOCOS SUR

POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

TAYAHIN NATIN:
Sa susunod na gawain, tatayahin natin kung ano ang alam mo tungkol sa
pananaliksik.

Sagutin/Talakayin ang hinihingi ng mga sumusunod.

1. Ano ang pananaliksik?


-Ang pananaliksik ay ang pag-alam o pagtuklas at pagsubok sa isang teorya.
Ginagawa ito upang malutas ang mga problema at suliranin na kailangan gawan ng
solusyon. Ito rin ay isang sistematikong paghahanap ng mga importanteng
impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o problema.

2. Ipaliwanag kung bakit masasabing napapanahon ang tema ng Buwan ng


Wika 2018 na "Filipino: Wika ng Saliksik"?

-Nais ng KWF na kilalanin ang wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at


pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagaitan daw ng
temang ito, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan
ng karunungan, lalo na sa agham at matematika. Gusto ng KWF na gamitin natin ang
wikang Filipino sa pagsasaliksik natin ng kaalaman.

TANDAAN

Ang Wikang Pambansa

Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo


na ang binubuo ng mga mamamayang may iba’t ibang nasyonalidad at iba’t
ibang wikang katutubo wika. Itinuturing ang wika na isang mabisang bigkis sa
pagkakaisa at pagkakaunawaan, Ang pagkakaroon isang wikang pambansa, sa
gayon, ay para sa pambansang pagkakaunawaan. Sa wikang ito, sumisibol ang
damdamin ng pagkakaiasa ng mga mamamayang may iba’t ibang wikang
katutubo . kaulong ito ng pambasang watawat, pambansang awit at iba pang
pambansang sagisag sa pagtatag ng isang pambansang pamahalaan. (Almario,
2014)
Ang Wikang Pambansang Filipino ay dumaan sa hindi mabilang na
kontrobersya at nagnapatuloy pa ito hanggang sa kasalukuyan. Hindi na ito bago

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
sa atin, alam na natin ito. Dapat nating intindindihan na habang nagdaraan ang
Filipino sa samo't saring mga pagsubok ay lalong tumatatagang pundasyon para
lalo pa itong malinang at magamit sa mahusay at malawakang pamamaraan.
Balido pa rin ang sinasabi ni Rizal. Aniya:
“Ang bawat bansa ay dapat may kani-kanilang sariling wika nang ayon sa
sariling damdamin. Ano ang iyong malilikha, ang ilan sa inyong nagsasalita sa
Kastila (Ingles)? Ang patayin ang inyong diwang sarili; ipailalim ang isip sa
kaisipan ng iba at sa halip maging malaya ay gawing mga alipin ang inyong
sarili”

“…Inyong nalimutan na habang pinapanatili ang sariling


wika, napangangalagaan nito ang kaligtasan ng kanyang kalayaan
tulad ng pagsasaisip niya sa sariling pamamaraan ng pag-iisip.
Ang wika ay kaisipan ng mamamayan"

.. Paunlarin mo... ang wikang sarili, palaganapin ito, bayaang tem


mapangalagaan ang sariling kaisipan at sa halip na magkaroon ng forn
lunggatiing panlalawigan lamang, dapat magkaroon ng kaisipang taga
nayuyungyungan ng iba, magpaunlad ka ng kaisipang malalaya. “

Tunay na masaklaw at matalim ang tungkulin ng wikang Filipino ng


sa pambansang pagpapaunlad. Ito'y kaakibat ng pag-ibig sa bayan at sa mga
kababayan, kakambal ng karangalang panlahi. Isa sa mga
palatandaan ng pagkalas sa kaalipinang pangkaisipan at sa pandamdaming
kagagawan ng mga manlulupig, tagapagpabuo ng isang diwang makalipunan at
daan ng katarungan at pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga mamamayan -
mahihirap, mayayaman, marurunong, maging ang mga mangmang. Filipino ang
dapat gamiting kasangkapan kung nais ipadama sa sambayanan ang
kapangyarihan ng mga kaisipan. At sa Filipino lalong titingkad ang pagka-
Pilipino ng bansang Pilipino.
Ang isang wika ay nililinang at umuunlad sa pamamagitan ng madla. Ang
pagkadalisay at pagpapayaman ay patuloy pa at hindi natitigil sapagkat ang,
isang wikang buhay ay lagi nang nagbabago. (Pasiya ng isang hukom ng
Mababang Hukuman.)

Hindi ang mga may kapangyarihan ang gumagawa ng wikang pambalana


para sa isang bansa...ang mga mamamayan sa kanilang sarili ay gumagawa nito
at ang kaparaanan ay kaakbay ng pag-unlad sa kanilang diwa ng pagkakaisa at
pagkabansa.

Walang sukat ipangamba na ang paglaganap nito ay hindi


magpapatuloy. Sa kabaligtaran ang influwensya nito ay magpapatuloy habang
parami nang parami ang puruk-purok na paglilipatan ng mga tao,pagpapalitan pg
kalakal at mga kagamitang pangkalinangan..." (Manila Times, ika-12 ng
Abril, 1961)

Kung wala ang wikang Filipino, kulang ang nasyonalismong


Pillipino, walang katatagan ang lipunan, at Kung walang katatagan ana
unan ang bayang Pilipinas ay walang ganap na katubusan

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

Ano ang pananaliksik?


Ang research ay mula sa matandang salitang Pranses na recherché
(galing sa recercher) na ang ibig sabihin sa Ingles ay to seek out o to search
again.
Ang pananaliksik ayon kay O' Hare at Funk (2000) ay isang pangangalap ng
impormasyon galing sa iba't ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo at
obhetibo. Halos ganito rin ang ideya nina L. Brandon at K. Brandon (2008) na
nagsabing ang papel pampananaliksik ay isang mahabang sulating natutungkol
sa isang tiyak na paksa na may tamang dokumentasyon ng mga pinaghanguan
ng datos at ideya.
Ayon naman kay Aquino (1974, sa Bernales, et al, 2008), ang
pananaliksik
ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Ang ideyang ito ay sinuportahan ng
paniniwala nina Manuel at Medel (1976, sa Bernales, et al, 2008) na nagsabing
ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o
impormasyon
upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong
pamamaraan:
Ayon naman kay Good (1963, sa.Bernales, et al., 2008),ang pananaliksik ay
isang maingat, kritikal, at disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba't ibang
teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo
sa klaripikasyon at/o resolusyon.
Anut ano pa man, isa ang tinutumbok ng lahat na depinisyon: Ang
pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng datos/impormasyon ukol sa
isang bagay upang lubusang maunawaan ito.

REBYU SA MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

Ang hindi matingkalang pag-usad ng siyensya at teknolohiya, na nagsilang sa


ibat ibang imbensyon, bagamat nagdulot ng mabilisang pagpasa at pagkuha ng
impomasyon, ay hindi maikakailang nagdulot din ng di mabubuting epekto. Sa
akademya, halimbawa, sa limang makrong kasanayan ay ramdam na ramdam
ang pagbaba ng interes sa pagbasa ng ilang kabataan. Sa halip na magbasa ay
mas pinipili na lamang nilang makinig at manood sapagkat ito ay mas mabiis at
mas kawili-wiling paraan ng pagkuha ng impormasyon. Gayunpaman, ang
paraang ito ay hindi sapat upang makuha ang marami at mahahalagang detalye
kaya’t nagbubunga ng hindi sapat na kaalaman. Upang ang nasabing kaisipan
ay matugunan, sa araling ito ay aalamin ang mga batis na pinaghahanguan ng
impormasyon.

Hindi lahat ng mga impormasyong nakukuha ay mapagkakatiwalaan.


Ang soal media, halimbawa, ay nag-aalok ng napakaraming impormasyon na
napakadaling i-doumload Nasa atin na lamang kung ang mga ito ay agad-agad
pagkakatiwalaan lalo ngayong wika nga ay panahon ng fake news.
Kaya kung mangangalap ng impormasyon, lalo na kung gagamitin sa

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
akademya, mainam na suriin at kilatising maigi ang panggagalingan ng mga
impormasyong hahanguin, sasaliksikin at tatanggapin.

1. Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon

Ang impormasyon ay mga bagong kaalaman na natanggap mula sa


mga nababasa, naririnig at napapanood na napoproseso ayon sa sariling
karanasan. Maaari ding ang mga ito ay mga kaisipang nabubuo sa isipan o
representasyon at interpretasyon sa mga bagay sa paligid sanhi ng kaayusan,
laki, bigat, hugis, kulay, bilang at iba pa. Ang mga impormasyon ay maaaring
hinggil sa mga teorya, kuro-kuro, datos, kaalaman, kahulugan, kilos,
obserbasyon, persepsyon at iba pa.

Ang salitang impormasyon ay kasingkahulugan ng salitang "katotohanan"


Ang mas matibay na impormasyon ay mas pinaniniwalaan.

Sa pagpili ng impormasyon ay kailangang suriin nang maayos ang datos


at kaalaman (bagamat may tiyak na kani-kaniyang gamit, ang mga ito a
mayroong konseptong magkaugnay). Ang kaalaman ay mga kaisipang
natutuhan bunga ng pagproseso ng impormasyon o maaaring natamo o
natanggap mula sa maraming naging karanasan. Samantala, ang datos ay mo-
kaalamang kinokolekta, sinusuri, inunawa at pinaglalaanan ng sapat na panahon
upang makabuo ng impormasyon.

Ang batis ng impomasyon ay nahati sa tatlong hanguan: ang hanguang


primarya, hanguang sekondarya, at hanguang elektroniko.

Ang hanguang primary (primary souroes) ayon kina Bernales, et al.


(2012) na ayon kina Mosura, et al. (1999) ay:

Mga indibidwal o awtoridad

Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon,


union, fratermidy, katutubo o mga pangkat minorya, samahan,
simbahan at gobyerno

Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa,


sistemang legal at ekonomik at iba pa, at

Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng


konstitusyon, batas, kautusan, kontrata at ang lahat ng
orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, journal at talaarawan.

Ang mga hanguang sekondarya (secomdary soures) naman ay:

Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensaykolpidya, taunang-ulat o


yearbook, almanac at atlas

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
Mga nalathalang artikulo sa journa, magasin, pahayagan at
newsletter

Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng pisibiliti, nailathala


man ang mga ito o hindi, at
Mga monograph, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Ang hanguang elektroniko o ang internet.

Sa ngayon ay ang internet ang itinuturing na pinakamalawas,


at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos.
Sa isang clhick lamang ng daliri ay may mayamang
impormasyon ka nang makukuha. Halimbawa nito ay ang
iba't ibang aplikasyon at platforms tulad ng YouTube, Google

2.Pagbabasa

Ayon sa mga eksperto, ang burnabasa na' mnay layuning matuto at


matandaaa. ang binabasa ay nakakapagbasa ng 250-350 salita kada
minuto; samantala, 400-700 salita naman ang kayang básahin ng isang
nagilibangg lamang. Ito ay sapagkat walang kailangang tandaan ang
mambabasang naglilibang lamang,

Kahulugan ng Pagbasa

Sa palasak pagpapakahulugan, ang pagbasa ay interpretasyon ng mga


nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Isa itong pagpapakahuhugan ng mga
nakatitik nasagisag ng mga kaisipan. Ang pagbasa ay pagtanggap ng mg
mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga
titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ito ay susi sa malawak na
karunungang natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
Ayon kay Arrogante (2009), ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng
pananaw paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga
hindi inaasahang suliranin sa buhay. Kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi
pagbibigay-tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at
pag-isip. Binanggit naman ni Toze na ang pagbasa ay nagbibigay ng
impormasyon na nagiging, daan sa kabatiran at karunungan.Ito'y isang aliwan,
kasiyahan, pákikipagsapaaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng
iba't ibang karanasan sa buhay. Sa iba pang dalubhasa, sinasabing ang
pagbabasa ay proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbako
nakasulat na impormasyon o idea. Kadalasang kinakatawan ng ilang uri ng wika
ang mga idea na ito, bilang mga simbolo na sinusuri ng paningin o hipo tulad ng
braile.
Nagbabasa ang tao sanhi iba't ibang kadahilanan May
nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan. Mayroon
ding nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid at
ayaw niyang mapag-1wanan ng takbo ng panahon. Para naman sa iba, sila
ay nagbabasa upang maaliw o malibang sapagkat ang pagbabasa ay
nakakabawas ng pagkainip at pagkabagot na nararamdaman.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
Ayon kay Wiliam S. Gray, ang tihaguriang Ama ng Pagbasa, may
apat na hakbang sa pagbasa:(1) pagbasa sa akda, (2) pag-unawa sa binasa, (3)
reaksyon sa binasa at (4) pag-uugnay ng mga dating kaalaman sa mga bagong
kaalaman mula sa binasa.
Mga Uri ng Pagbasa
Ang sumusunod ay ang limang uri ng pagbasa ayon kina Nucasa,et al (2014)

a. Masusing Pagbasa. Saklaw nito ang mapanuri at kritikal na pagbas


Nakatuon ito sa pag-aaral ng nilalaman at estruktura ng teksto. Dito ay
sinusuri at binibigyan ng wastong interpretašyon ang mga tiyak na detalye
ng isang akda. Sapagkat ang layunin ng mambabasa ay makabuo ng
konklusyon at ebalwasyon, walang puwang dito ang mabilis na pagbabasa .
b. Masaklaw. na Pagbasa. Ito ay pagbasang nakatuon dito sa pag
unawa sa pangkalahatang nilalaman ng teksto: Hindi maaari dito ang pabaha-
bahaging pagbäsa sa paksa sapagkat ito ay pag-aaral sa kabuuan akda, at hindi
sa mga tiyak o espisipikong detalye.
c.Tahimik na Pagbasa Mata lamang ang gamit dito. Hindi
ginagamitan ne bibig kaya di lumilikha ng anumang tunog, Walang interaksyon
sa pagitan ng bumabasa at nakikinig. lto ay sariling pagbasa. Nararapat lamang
ito sa mga silid-aklatan ng pamahalaan. paaralan, kolehiyo o pamantasan at sa
mga lugar na katahimikan ang kailangan.
d. Mabagal na Pagbasa. Sapat na panahon ang kailangan sa pagbasang
ito. Umaayon ito sa pag-aaral ng gramatikang Filipino dahil ang ugnayan ng
salita sa mga salita sa loob ng pangungusap mga salitang bumubuo sa isang
teksto kaya napakahalagang pagtuonan ng interes ang mga salita sa akda. Hindi
naman ito under lime pessure na pagbasa sa halin ay study speed kung tawagin,
dahil ito ay ang unang bilis sa pagbasa. Nangunguna ito sa mga mambabasang
may mga artikulong mahirap hasahin/unawain.
e. Mabilis na Pagbasa. May dalawang uri ng pagbasa.ayon sa bilis

Scanning ito tumutukoy sa pagkuha at pagpili ng pangunahin at tiyak na


detalyeng pangkaisipan sa akdang binasa. Ano paghahanap ng isang
tyak na impormasyon sa libro o anumang babasahin ang halimbawa nito.
Ito ay påläktaw-laktaw na pagbubukat sa libro at pag-ukol nang mabiisang
pagsulyap sa binabasa. Nakatuon ang mga mata ng mambabasa sa
partikular na impormasyong hinahanan sa isang tiyak na pahina ng
materyal
.Skimming- ito naman ang tawag sa pinaraanan at pinakamabilis
na pagbasang magagawa ng isang no. Binubusisi muna ng mambabasa
ang kabuoan ng aklat bago tuluyang basahin. Ito ay pahapyaw na
pagbasa sa kabuoan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga detalyeng
hindi masyadong mahalaga. Layunin nitong makuha ang pangkalahatang
impresyon o kaisipan na nakalahad sa akda.
3. Pagbubuod ng Impormasyon
Isa sa pinakamahirap linangin sa mga mag-aaral sa kakayahang
komprehensyon ang pagbubuod. Minsan ay hindi malinaw o kung minsan ay
malawak ang pagbubuod nila palibhasa'y isinasagawa nila ito sa pamamagitan
ng pangongolekta ng mga detalye na hindi naman nila alam isaayos.
Ang pagbubuod ay isang paraan ng papapaikli ng anumang teksto o

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong
nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi sulating orihinal, hindi ito kailangang
maging sariling akda. Wala ritong isasamang sariing opinyon o palagay
hinggil sa paksa. Ang isasaad lamang dito ay kung ano ang nasa teksto. Kaya
kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong
binigyang-din sa akda.
Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahahalagang kaisipan ng
teksto. Kung maikling kuwento ang binubuod o nilalagom, kailangan ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat padampot-dampot ang
pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang maging malinaw ang
pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang ekspositori, maaaring ilahad
ang mga dahilan at katwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad.

Pamantayan sa Pagsulat ng Buod

Tunghayan sa ibaba ang pamantayan sa pagbubuod ayon kay Bernales (2012):


1. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
2. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang
kaisipan ng talata.
3.Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
4.Gumamit ng sarling pananalita.
5. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

Halimbawa ng Teksto

Orihinal Ang K to 12 ay pinaluwag at Ang K to BUOD


12 ay dinisenyo upang pinagyaman,
researched-based at learner centered na Ang K to 12 ay dinisenyo
kurikulum. Dinisenyo ito na lalong pag-angat upang lumikha ng kapaki-
ng maunlad linangin ang mag-aaral na pakinabang na
makatarungan, at mamamayang makapag-
magkaroon ng malusog na pag -isip at ambag sa lalong pag-angat
pangangatawan; may magbapahalaga at moral ng maunlad, makatarungan
at may paninindigang espiritwal; may sapat na at makataong lipunan; ng
kaalaman at kakayahan hinggil sa walang- mamayang magpahalaga at
hanggang pagtuklas ng karunungan at mag-iingat sa kagandahan
pagkamit ng mga pangarap; nakapag-iisip ng kalikasan at kiabukasan
nang mapanuri at nakasasagot ng
komplikadong mga problema,; nakapag-
aambag sa lalong pag-angat ng maunlad,
makatarungan, at makataong lipunan;
ikinararangal na siya'y Filipino; at
pinahahalagahan at iniingatan ang
kagandahan
Buod ng kapaligiran para sa
kinabukasan.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

PAGSASALIN, PAGPAPARAPREYS(PARAPHRASING) AT
PAGBABALANGKAS

Karamihan sa mga tekstong nasusulat hinggil sa iba't ibang disipina ay nasa


wikang Ingles. Sa mga mananaliksik sa wikang Filipino ay nagiging dagdag na
pasanin
ito kung hindi man sagabal na maituturing. Sanhi nito, isang pangangailangan sa
mga
mananaliksik ang malawak na kaalaman sa pagsasalin. Pangangailangan din ang
kahusayan sa pagpaparapreys at pagbabalangkas. din ang

1. Pagsasalin

Maraming awtor ang nagbigay ng kaniya-kaniyang pakahulugan


tungkol sa pagsasalin. Ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang
wika (target language) ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng
isinasaad sa wikang isinasalin (source language). Sa kaniyang Mga Hamon sa
Pagsasalin sa Filipánas (2002), sa pagbanggit nina Constantino, et al. (2013),
sinasabi ni Almario na ang mga tagasalin sa kasalukuyan ay kalahok sa
pagpapakinis sa wikang Filipino bilang wika ng karunungang akademiko. Sa
kaniya namang Responsableng Pagsasalin (2002), sa pagbanggit pa rin nina
Constantino, et al. (2013), sinasabi ni Mandia na sa gawaing pagsasalin ay
napakaimportante na mabigyang-halaga ang tamang gamit ng Filipino bilang
kulrurang pagkakakilanlan ng mga Filipino. Ang pagpapahalaga sa wika,
dagdag niya, ay paggalang at pagkilala sa kulturang Filipino .

Mga Katangiang Dapat ay Taglay ng Isang Tagasalin


1. Kadalubhasaan sa TL at SL. Mapanganib kapag kakarampot lamang ang
kaalaman ng tagasalin sa alinman sa TL o SL. Ang kakulangan ng
kaalaman sa gramar ng dalawang wikang kasangkot ay maaaring
magbunga ng hindi maayos na salin. Idagdag pa, kailangan din ang
kaalaman sa wastong gamit, pagbubuo at pagsusunod-sunod lalo na kung
ang isasalin ay mga akdang pampanitikan.
2. Sapat na kaalaman sà kulturang kinabubuhulan ng dalawang bansang
kasangkot sa pagsasalin. Ang kultura ay ipinapahayag sa pamamagitan ng
wika. Dahil dito, isang katotohanan na minsan ay may mga teksto na.
napakahirap isalin dahil walang tiyak na katumbas sa kultura ng TL ang
konseptong inihahayag sa SL. Bunga nito, kung walang sapat na
kaalaman sa kultura ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin,
masaklap na kabiguan ang kalalabasan ng salin.
3. Ganap na kaalaman sa paksa. Ang kaalaman sa paksang isasalin ay plus
factor, wika nga, para sa isang tagasalin. Kung ang kaligtrang iniikutan ng
paksa ay alam na alam ng tagasalin, higit niyang masasapol ang
pinakamalapit na pamamaraan kung paano ilalahad ang kaniyang salin.

Mga Paraan ng Pagsasalin

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

Ayon kay Newmark (sa pagtalakay nina Miclat (2002), Almatio


(2003), at Astorga at Nucasa (2010), may walong paraan ng pagsasalin:

Salita-sa-salita. Ito ay isa-sa isang pagtutumbas ng salita (word-for-word)


Halimbawa:One day(Isang araw)
saw (Ako'y nakakita)
One bird (Isang ibon)
Flying Lumilipad)

Literal Ang pahayag sa SL ay isinasalin sa pinakamalapit na gramar ng pagkakabuo


sa TL.
Halimbawa:
You give but little when you give of your possessions.
Kaunti lamang ang iyong ibiniggy kung itoy mga ari-arian lamang

Adaptasyon. Itinuturing itong pinakamalayang pagsasalin dahil kung minsan


ay malayo na ang salin sa orihinal, ang mga pangunahing punto lamang kasi
ng wikang isinasalin ang dinadampot at siyang ipinapahayag sa TL. Gamitin
sa pagsasa-Filipino ng mga dayuhang telenobela. Ang mahahalagang
punto lamang sa telenobela ang kinukuha at ibinabagay sa kultura, katangian,
panahon at lugar ng TL

Malayang Salin. Kabaliktaran ito ng literal na salin dahil hindi isinasaalang- alang
dito ang estrukturang gramatikal.
Halimbawa:
You give but little when you give of your possessions.
Kung ang ibinigay moy materyal lamang, ang bandog mo'y kakarampot
lamang

Matapat na Salin. Ang salin ay sisikaping maging eksakto o katulad na katulad ng


kahulugang kontekstwal ng orihinal.
Halimbawa:

Our Father Who art in heaven Ama namin sumasalangit Ka


Hoy be Your Name Sambahin ang Ngalan Mo
Your Kingdom come Mapasaamin ang kaharian Mo
Your will be done on Earth Sundin ang loob Mo dito sa lupa
as it is in heaven. para ng sa langit.

Semantikong Salin. Ang tuon ng pagsasalin na ito ay ang kasiningan o estitikong


katangian ng akda: ang tunog at ang ritmo, at ang natural na daloy.

ldyomatikong Salin. Ang diwa o ang kahulugan at hindi ang ayos estruktura ng
teksto ang siyang isinasaalang-alang
Halimbawa:
royal blood dugong bugbaw
burning the oil lamp magsusunog ng kilay

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
wooden heart pusong bato

Komunikatibong Salin. Katulad ito ng semantikong salin. Ang kaibahan lamang,


mang ang TL angg binibigyang tuon dito. Kailangang tanggapin ng mambabasa sa
TL ang salin at ito'y lubos lamang niyang magagawa kung naiintindihan niya ang
salin at ang wika.
Halimbawa:
You're not fit to be a person!" "Di ka bagay maging tao!"
Said the fairy to Kara.Suddenly, a Sabi ng diwata kay Kara. Biglang
strong wind blew. The cotton umikot ang malakas na hangin.
clung to Kara's body. Kara run Dumikit ang mga bulak sa buong
and run, away from the hut. buong katawan ni Kara. Nagtatakbo
siya palayo.

Mula sa "Unang Unggy" (The First


Monkey) ni Rene O. Villanueva sa
Astorga at Nucasa (2010)

Mga Uri ng Pagsasalin

Sa aklat na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik nina Astorga at Nucąsa


(2010) ay binanggit ang sumusunod na uri ng pagsasalin:

1. Pagsasaling Teknikal. Pagsasalin sa larangan ng agham, kalikasan,


lipunan at iba pang displinang akademiko na nangangailangan ng angkop na
espesyalisadong wika.
2. Pagsasaling Pampanitikan. Ito ay pag-aangkop ng akdang
pampanitikan sa panibagong kalagayang pampanitikan na nagtataglay rin ng
mga katangian, estilo at himig ng akdang pampanitikan.

Pangkalahatang Patnubay sa Pagsasalin

1. Ang isinasalin ay hindi ang mga salita kundi ang kaisipan.


2. Basahing mabuti at may pang-unawa ang tekstong isinasalin.
3. Suriin kung ang teksto ay idyoma/patalinghaga o nasa karaniwan.ang
pagpapahayag.
4. Bawat pangungusap ay isalin ayon sa taglay nitong diwa.
5. Markahan ang bawat salita o bawat pariralang may kahirapan ng tapatan.
6. Maging "consistent" sa pagtutumbas ng salita; sikaping isang salin Iamang ang
itutumbas sa isang salitang isinasalin.
7. Gamitin ang mga ekspresyon/terminolohiyang dayuhan kung kung walang
katumbas sa TL.
8. Basahing paulit-ulit ang ginawang salin. Tiyaking makinis ang bawat
pangungusap at di nasalungat ang mga tuntuning panggramatika.

2. Parapreys o Hawig (Parapharse)

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
.
Nangangahulugan ito ng pagsasabing muli ng nakuhang idea mula sa ginamit na
sanggunian gamit ang sariling pangungusap. Maaari itong tingnan bilang salin ng
orihinal na pinagmulan ng idea o kaya ay pagpapasimple ng tekstong binasa upang
mas madaling maunawaan ng babasa. Tulad ng direktang sipi, ang mga materyal na
pinarapreys ay kailangang sundan ng dokumentasyong nakapaloob sa ginawang
hawig (Arrogante, 2009).
Gumagawa ng pagpaparapreys kapag:
Nais gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard at umiwas sa panggagaya
Nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi
Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon

Halimbawa:

Orihinal Panapreys o Hawig

Ang wikang English, Ayon sa Departamento ng


Matematika, Siyensya, at Filipino ng DLSU-Manila (2018),
Physical Education ay pawing
ang English, Matematika,
itinuro rin sa basic education,
ngunit ngayo'y bahagi rin ng Siyensya, at Physical Education ay
kurikulum sa kolehiyo sa ilalim tinuro rin sa basic edueation,
ng K to 12, sa porma ng ngunit babagi rin ng kurikulum sa
Purposive Communication na kolebyo sa ilalim ng K to 12; kaa
sa esensya ay English for sa diwa ng pagiging patas at
Academic Purposes; holistikkong pagbubog ay
Mathematics in the Modern mararapat lamang na may Filipino
World; Science and at Panitikan din sa kolebiyo.
Technology for Society; at
Physical Education.
Samakatwid, nararapat lamang
na may Filipino at Panitikan
din sa kolehiyo, sa diwa ng
pagiging patas, at holistikong
paghubog na siyang dapat
ikintal sa General Education
(Departamento ng Filipino,
DISU-Manila, 2018).

3. Pagbabalangkas

Ang pagbabalangkas ay sistema ng isang maayos na paghahati-hati


ng mga kaisipan, kaalaman at datos ayon sa tataluntuning lohikal na
pagkakasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsusulat. Ito ang
pinakakalansay ng isang sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
porma ng isang katha. Nagsisilbi rin itong gabay sa matalinong pag-abante ng
bawat puntong tatalakayin. Ayon sa mga eksperto, sinasabing kapag ang
isang manunulat ay nakapaghanda ng isang matalinong balangkas para sa
isang kathain at maluwag na naidaos niya ang panimula, nangangalahati na
siya sa sinusulat dahil alam na niya kung ano-ano pa ang mga dapat na
sasabihin. May kahirapan din ang paghahanda ng balangkas. Kinakailangang8
pagbuhusan ng manunulat ng matalinong pag-usip ang lahat ng aspekto at
anggulong tutunguhin ng kaniyang isusulat hinggil sa paksa. Ito ay sapagkat
ang balangkas ang nagbibigay-hudyat sa paghahati niya ng mga kaisipan.
Nababahagi sa tatlong kategorya ang balangkas: dibisyon, seksyon at
sub-dibisyon. Ang dibisyon ay pinananandaan ng mga Bilang Romano (I, II,
I, IV, Vatb); ang seksyon ay pinananandaan ng malalaking titik ng alfabeto

PAGPILI NG PAKSA NG PANANALIKSIK

Ang pamagat-pananaliksik ay isa sa mga unang hakbang sa pagsasagawa ng


pag-aaral Ngunit pakatandaan na upang makabuo nang mahusay na pamagat ay
kailangan munang matukoy ang pangunahing paksa. Sa pangunahing paksa ng pag-
aaral nakasalalay ang magiging kabuoan ng pamagat.

Narito ang mga maaaring maging hanguan o batayan sa pagpii ng paksa:


1. Media. Ito ay isang napakalawak na industriya kung saan nailalahad ang
iba't ibang isyung panlipunan. Mapakikinggan sa radyo, mababasa sa
mga diyaryo, mapapanood sa telebisyon at iniaalingawngaw sa internet
ang maaartng mga suliraning pangkapaligiran na maaaring maging
batayan sa pag-iisip ng paksang nais pag-aralan. Ang mga
pinakikinggan sa radyo ay maaaring maging lunsaran ng pagpili ng
paksa.
Halimbawa, ang pag-uusap ng disc jocky o ng kaniyang caller
ay maaaring gawing pag-aaral sa pamamagitan ng diskurso analisis.
Samantala, sa telebisyon naman ay mapapanood ang iba t ibang eksena
sa larangan ng politika, ekonomiya, entertainment, atbp. Ang mga
babasahin ay naglalantad din ng mga katotohanang maaaring mapag-
aralan kung kaya't maaaring iisa-isahin ang mga suliraning panlipunan
na mababasa rito. Sa internet, maaaring makabasa sa Facebook o sa mga
blog ng hinggil sa mga pangunahing isyu na nais pagtuonan ng isang
tumatangkilik at gumagamit nito.

2. Personal na Pananaliksik. May kalayaan ang isang mananaliksik


irebyu ang mga pag-aaral na nailathala O hindi nailathala upang gawin
batayan sa pag-aaral. Kaugnay nito ay malaya siyang magsaliksik sa mga
Silid-aklatan. Mula sa kaniyang pagbabasa, uusbong sa kaniyang isipan
kung paano mapauunlad ang isa nang pag-aaral o i-develo ang isang
paksa.

3. Pagtatanong sa mga Awtoridad. Maaaring makakakalap ng


npormasyon ang isang mananaliksik mula sa pagtatanong sa mga
maalam na indibidwal hinggil sa pagsasagawa ng pag-aaral. Pasok dito

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL
ang mga kakilalang guro, kaklase at mga kaibigan na mayroong pa8
unawa hinggil sa pagsasagawa ng pananaliksik. Maaaring îhanay rito
ang pagsasagawa ng impormal na interbyu sa mga organisasyon, grupo,
samahan at iba pang pangkat at maging sa mga kakilalang
nakapagsagawa na ng pag-aaral.

Ang Katangian ng Pamagat

Ayon sa pagbanggit nina Bernales, et al. (2012), ang pamagat ng isang papel
na pananaliksik na siyang pangunahing akademikong pangangalangan sa Filipino 2
ay karaniwang naglalaman ng 10 hanggang 20 salita. Tandaan: hindi kasamang
bibilangin ang mga salitang pangkayarian-
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) ito ay mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala o sugnay.
b. Pang-angkop (ligature) - ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan.
c. Pang-ukol (preposition) - ito ay mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa
iba pang salita.
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - ito ay mga salitang laging nangunguna sa
pangngalan o panghalip.
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - ito ay mga salitang nagkakawing ng
paksa (o simuno) at panaguri.
Ang pamagat ay kailangang nagtataglay ng pangunahing kaalaman hinggl sa
paksang pag-aaralan at nilimitahan ang saklaw nito. Tandaan din na iba ang
katangian ng pamagat ng pelikula, awitin at mga akdang pampanitikan sa pamagat
ng papel-pananliksik.

HALIMBAWA:
1. PAGDALUMAT SA MGA SIMBOLONG INTERPRETASYON SA DISKURSO
NG MGA KONTEMPORARYONG TELESERYE
2. PAGAHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST SA MGA ESTRATEHIYA NG
MGA BABAE AT LALAKENG GURO SA PAGTATAYA SA LOOB NG KLASRUM:
ISANG PAGSUSURI
3. PAG-AARAL SA KASANAYAN NG PAGGAMIT NG KOMPYUTER NG MGA
MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KOLEHIYO NG SAN LUIS SA KURSONG
INFORMATION TECHNOLOGY

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

TUKLASIN

I. Tama o Mali. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag. Isulat
ang Mali kung hindi wasto.

A Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon

TAMA 1. Ang impomasyon ay mga bagong kaalaman na natanggap mula sa


mga nababasa, naririnig at napapanood na napoproseso ayon sa sariling
karanasan.
MALI 2. Sa pagpili ng impormasyon ay kailangang isaalang-alang ang
masusing pagpili ng mga makabuluhang datos at kaalaman.
MALI 3. Ang datos ay mga kaisipang natutuhan bunga ng pagproseso ng
impormasyon na maaaring natamo o natanggap mula sa maraming naging karanasan.
MALI 4. Ang kaalaman ay mga kaalamang kinolekta, sinuri, inunawa at
pinaglaanan ng sapat na panahon kaya nakabuo ng impomasyon
TAMA 5. Ang batis ng impormnasyon ay nahati sa tatlong hanguan ang
banguang
primarya, banguang sekondarya, at hanguang elektroniko.
TAMA 6. Ayon kina Bernales, et al. (2012) na ayon kina Mosura, et al (1999),
ang
hanguang primary (primary source) ay ang mga indibidwal o awtoridad
MALI 7.Mahuhulog sa hanguarng sekondarya (secondary sources ang mga
pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-
kautusan, kontrata at ang lahat ng ornhinal na tala, katitikan sa korte, sulat,
journal at talaarawan
TAMA 8. Ganoon din na mahuhulog sa hanguang sekondarya secondarya ang
mga nalathalang artikulo sa jounnal, magasin, pahayagan at newsletter.
TAMA 9.Ang hanguang elektroniko (internet) ang sa ngayon ay itinuturing na
pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impommasyon o
datos. Sa isang klik lamang ng daliri ay may mayamang impormasyon ka nang
makukuha.
TAMA 10. Ang salitang impomasyon ay kasingkahulugan ng salitang
katotohanan". Ang mas matibay na impormasyon ay mas pinaniniwalaan.

B. PAGSASANAY: Gumawa ng halimbawang pamagat ng pananaliksik ayon sa


naibigay na paksa. Isaalang-alang sa paggawa ng pamagat ang mga
konsepto/kaalamang natutuhan.
1. Mabisang Estilo ng Pagkakatuto ng mga Mag-aaral

“Epekto ng Iba’t Ibang Estilo ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa SHS ng ISPSC”

2. Ang mga Awiting Ilokano/Awiting katutubo sa lokalidad

“Pannakimaymaysa dagiti Ilokano; isang pag aaral sa Kulturang Ilokano sa


Lungsod ng Bangar, La Union”

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

3. Pagtatangal ng/sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

“Pagtatanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo: Epekto sa mga Mag-aaral


ng Bachelor of Secondary Education sa Ilocos Sur Polytechnic State College”

4. Bagong recipe para sa mag Vegetarian

“Epekto ng Bagong Putahe na ‘Patatas at Kabute Cublets” para sa mga


vegetarian”

5. Kasanayan ng mga Mag-aaral sa Matematika

“Ang Guro at Asignaturang Matematiksa Bilang mga Salik sa Pagtaas ng Grado


ng mga Mag-aaral”

C. Pagtatalata
1. Paano makakalap ng mga mahahalaga at wastong impormasyon na magagamit sa
pananaliksik mula sa iba’t ibang batis

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

SUBUKIN

I. MAY PAMIMILIAN. Tukuyin kung ano ang binabanggit sa bawat aytem.


Isulat ang titik ng iyong sagot sa laan sa patlang. (10 pts.)

D 1. Ang sumusunod ay mga pamantayan sa pagbubuod maliban sa isa.


a. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
b. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang
kaisipan ng talata.
c. Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
d. Gumagamit ng mga salitang mula sa may-akda
A 2. Ang pagkatuto ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala sa mga titik,
salita, parirala, pangungusap bago ang pagpapakahulugan sa teksto.
a. bottom-up b. top-down c. interaktib d. iskima
C 3. Sa teoryang ito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at
mambabasa-awtor.
a. bottom-up b. top-down c. interaktib d. iskima
A 4. Si Liza ay nagbabasa sa harap ng kaniyang mga kamag-aral ukol sa
kaniyang ulat. Ang paraan ng kaniyang pagbasa ay
a. malakas b. tahimik c. maingay d. walang gana
A 5. Sa pagbasang ito ay binubusisi muna ng mambabasa ang kabuoan ng
aklat bago tuluyang basahin.
a. Skimming b. Scanning c. Analytic d. Oral
B 6. Ang halimbawa nito ay paghahanap sa diksyonaryo ng kahulugan ng
isang termnino.
a. Skimming . b. Scanning c. Analytic d. Oral
B 7. Tawag sa uri ng pagbasa na palaktaw-laktaw.
a. Skimming b. Scanning c. Analytic d. Oral
A 8. Nararapat lamang ang ganitong pagbasa sa mga silid-aklatan ng
pamahalaan, ng paaralan, ng kolehiyo o pamantasan.
a. Skimming b. Scanning c. Tahimik d. Malakas
D 9. Bilang ng salita salita na kayang basahin ng isang naglilibang lamang.
a. 300-700  b. 400-500  c. 400-600  d. 400-700
B 10. Ito ay pagbasang nakatuon sa pag-unawa sa pangkalahatang nilalaman
ng teksto.
a. masusi b. masaklaw c. tahimik d. malakas

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

ISAGAWA
A. Ipaliwanag ang ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang
wikang Pambansa, wika ng bayan, wika ng pananaliksik na nakaugat sa
pangangailangan ng bayan?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

B. Karagdagang Gawain:

Para mas maunawaan pa ang aralin. Panoorin ang link na ito


https://www.youtube.com/watch?v=brqMhDh7svE Introduksyon: Filipino bilang wikang
pambansa, wika ng bayan,at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng
sambayanan.

ISAISIP

 Tunay na masaklaw at matalim ang tungkulin ng wikang Filipino ng


sa pambansang pagpapaunlad. Ito'y kaakibat ng pag-ibig sa bayan at

sa mga kababayan, kakambal ng karangalang panlahi. Isa sa mga


palatandaan ng pagkalas sa kaalipinang pangkaisipan at sa
pandamdaming kagagawan ng mga manlulupig, tagapagpabuo ng
isa liwang makalipunan at daan ng katarungan at pagkakapantay-
pantay ng lahat ng mga mamamayan - mahihirap, mayayaman,
marurunong, maging ang mga mangmang. Filipino ang dapat
gamiting kasangkapan

 Ang batis ng impomasyon ay nahati sa tatlong hanguan:


ang hanguang primarya, hanguang sekondarya, at hanguang
elektroniko.
 Ang pamagat ng papel pananaliksik ay hindi dapat na masining,
Course Code: Fil 102 mabulaklak at/o masaklaw. Ito ay dapat malinaw, tuwiran at tiyak: taglay
Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
DISIPLINA nito ang sapat na kaisipang naglalaman
Instructor: Claireng kabuoan
Antonette ng pag-aaral.
V. Santisteban
ILOCOS SUR
POLYTECHNIC STATE
Tagudin Campus
COLLEGE

MODYUL

Talasanggunian
1. Martinez, Maria Cristalyn et.al, (2019). Filipino sa Iba’t ibang Disiplina.Plaridel,
Bulacan: St. Andrew Publishing House
2.Bernales, Rolando A et. al, (2012). Pagbasa at Pagsulat at Introduksyon sa
Pananaliksik. Malabon City:Mutya Publishing House Inc.
3. https://www.youtube.com/watch?v=brqMhDh7svE.

Course Code: Fil 102


Descriptive Title: FILIPNO SA IBA’T IBANG
Instructor: Claire Antonette V. Santisteban
DISIPLINA

You might also like