You are on page 1of 9

PANGKAISIPANG KALAGAYAN

A. Pang-kabuuang itsura, saloobin at pag-uugali – (simulant ang pangkaisipang kalagayan


sa pamamagitan ng itsura, at iba pa.)

a. Itsura ng pasyente:

Ilarawan ang kabuuang itsura ng pasyente ng unang Makita, kalinisan, pananamit, palamuti,
buhok, kuko at amoy (kung malinis, marumi, nanlilimahid, walang pag-iingat at iba pa) kung
naglalakad o hindi.

b. Saloobin ng pasyente:

i. ilarawan ang reaksyon ng pasyente tungkol sa kanyang dating, para pumasok o kumunsulta
sa klinika o ospital (boluntaryo, sapilitan, inaamin nya ba o hindi na siya ay may sakit)

ii. ilarawan ang saloobin ng pasyente sa iba pang pasyente, mga tagapaglingkod, nars, mga
doktor at iba pang tao (magalang, palakaibigan, galit, at mapanlaba, mapaghinala, agresibo,
walang-bahala, pabago-bago, nagdedeliryo at iba pa)

c. Asal ng pasyente:

i. ilarawan ang kabuuang pag-aasal ng pasyente habang nasa ilalim ng direktang obserbasyon
at tuwing hindi alam ng pasyente na siya ay inoobserbahan ( nung dumating siya, nang unang
panayam, at kapag hindi siya kinakapanayam )

ii. ilarawan ang kabuuang pang damdamin reaksyon (maligaya, malumbay, madaldal,
matimpi, aktibo, walang interest, Malabo, palaban (negatibo), maliit ang tingin sa sarili,
matatakutin, sobrang saya, madaling masindak, mapang atake, palakaibigan, nakikipagtulungan,
madaling mapoot, mapanlupig, masunurin, at iba pa.)

iii. ilarawan ang kanyang kabuuang galaw at tikas (tuwid, matigas, paiba iba ang galaw, at
walang tigil, tensyonado, mapaghinakay, nakahilig, napipigilan, eleganteng kumilos at uri ng
kilos tulad ng galaw at gawi.

iv. ang pasyente ba ay nasa realidad o hindi? Ipaliwanag.

B. Daloy ng pag-uusap (pananalita) at takbo ng pag-iisip – (paraan ng pag-iisip at pagiging


produktibo) (laging ilagay ang mga pahayag ng pasyente nang walang labis at walang
kulang)

a. Ilarawan ang pagkarating ng pasyente at ang kanyang paraan ng pananalita o pagiging


produktibo (kung nagpamalas ng normal o mahinang kaugnayan, malayang nakikipagusap at
kusang nagpapahayag ng impormasyon; ang mga pahayag ay may kinalaman, magkakaugnay,
may katuturan o walang imik, may pag-aalinlangan, nahihirapang magsalita, malayo sa paksa,
magulo, malinaw at kapanipaniwala ba nag kanyang pagpapahayag niya ng kanyang mga
salaysay o nahihirapan sa pagiging emosyonal, o siya ba ay nagsasalita nang pilit na parang
maiiyak na o parang walang nadaramang emosyon? Ang pasyente ba ay matigas, pautal-utal o
walang pagbabago ang tono kung magsalita? Nagsasalita ba ang pasyente nang mataas ang boses
o mababang pagbulong.

b. Mayroon bang mabilis na pagbabago ng mga ideya, magulong pakikipag-usap “word


salad”, kakaibang paghalay ng mga salita o bahagi ng mga salita o bagong pagkakaayos
“neologism”, o nag-iisip ng marami o pasumalang kaisipan, pagkahirado, pag-uulit ng kung anu-
anong salita (verbigeration), pag-uuliy ng sinasabi ng kausap (echolalia), pagsingit ng mga hindi
kinakailangang detalye at mga salitang walang kaugnayan sa usapan na nakakapagantala ng
pagdating sap unto ng pag-uusap, atbp.?

c. Ilarawan ang takbo ng pah-iisip ng pasyente. Mayroon bang nakapipigil o


nakakapagpabagal sa asl at lokomotibo ng pasyente (psychomotor retardation), aktwal na
pagpigil o kahirapan sa pagpapahayag ng saloobin; o sobra at walang kapagurang pagkilos
(psychomotor push) na may mabilis na pagbabago ng mga ideya, atbp? Ilarawan ang mga hindi
akma, hindi kaaya-aya, kakaiba, pagngiwi, pag-uulit ng mga kilos, pag-gaya ng mga kilos, hindi
pag-imik, pagkawala ng ulirat(catalepsy), paghandusay dahil sa matinding damdamin o
pagtawa(cataplexy), cerea flexibilitas, pagkanegatibo, positibo at pasibong catatonia, paggiling
ng mga ipin habang natutulog(bruxism), abnormal ng pagtugon sa mga pinag-uutos(command
autism), atbp.

d. Sa mga pinaghihinalaang kalagayan ng utak, ipailalim ang pasyente sa mas detalyadong


pagsusuri ng pananalita gaya ng panlabi,dental, lingual at impit na pagsususri ng mga salita at
parirala, pagsusuri ng mga kwento o salaysay, atbp.(iulat ang lahat ng kaukulang pahayag nang
walang dagdag at bawas)

C. Emosyonal na kalagayan

Ang mga hayagang manipestasyon ng malinaw na epekto (affect), pangmukha, at


panggalaw na pahiwatig ng pag-uugali ng pasyente ay nakatala na sa kabuuang pag-uugali.
Ngunit sa antas ng pag-aaral na ito, ang sanhi ng natatanging kalooban, makahulugang pahiwatig
na dulot ng pagbabago, ay dapat malaman (personal, domestic, panglipunan, tungkulin,
relihiyoso, matrimonial, atbp)

1. Ang pasyente ba ay managting (tense), napakamaramdamin (high strung), tuwang- tuwa


or nalulumbay (elated or depressed) na may pagbago-bago ng kalooban (barometric changing of
mood), o may parehong kalooban ba ay patuloy pa rin kahit anong mangyari sa kapaligiran (flat
affect)?

Ang kakaibang karanasan (affect) ba ay sapat, kabagay at angkop? Ito ba ay napagpasyahan


(determined) o laganap (diffused)?

Ang mga sumusunod na katawagan ay maaring magamit para sa paglalarawan, ngunit ang
kanilang pag-gamit ay dapat pangatwiran at may dagdag ang tamang pagpapaliwanag na may
kasamang paglalarawan mula sa pasyente: matatag (poised), kampante (complacent), masaya
(happy), tuwang-tuwa(elated), pakiramdam ng pagkasaya(euphoric), oakiramdan ng kabantugan
(grandiose), magiliw (expansive), kalugod-lugod (ecstatic), malungkot (sad), balisa (anxious),
nag-aalala( apprehensive), matatakutin(fearful), mapanglaw (melancholy),
nalulumbay(depressed), mauto(silly), walang pakialam (indifferent), mahina (dull), hindi aktibo
(vegetative), nanliliit (depreciatory).

2. Ang mga sumusunod ay mga talatanungan (sample questionnaires) para mabaybay ang
emosyonal reaksyon ng pasyente:

Kamusta ka? Ano ang pakiramdam mo? Kamusta ang ispiritwal mo ngayong araw? Kamusta ang
iyong mood? Ikaw ba ay puno ng pag-asa, walang pag-asa o pakiramdam mo na wala kang
pagkukusa ba gumawa ngayon o sa iba pang araw? Paano nakakaapekto ang mga ito sa iyo?
Paano mo nakikita ang mga bagay? May nararamdaman ka bang karaniwang pakiramdam sa
kakaibang kondisyon o kahit kalian? Mas mabuti ba pakiramdam mo sa umaga o sa gabi, sa
anong paraan? Paano ito naiba sa kakaibang kondisyon o kahit kalian? Mas mabuti ba
pakiramdam mo sa umaga o sa gabi, sa paanong paraan? Paano ito naiiba sa kinaugaliang
pakiramdam mo? Ito ba ay pumipilit sayo na mawalan ng pag-asa?mahalaga ba ang buhay sayo?
May mga problem aba? May nararamdaman ka bang pabago-bago ng pakiramdam tulad ng
pagkabagabag, pagkabalisa ng tibok ng puso, pagkaba, pag-aalala, kataka-takang pakiramdam,
litong pakiramdam, pakatakot, pagkaaligaga, paghihinala, o pakiramdam na walang pag-asa o
desmeyado? May pagkagawi na pagkayamot, at maramdamin? May nararamdaman ka bang
pangbihirang kasiyahan o kasiglahan? Ano sa tingin mo ang naguudyok nito? Kalian mo ito
naramdaman? Paano mo iyon hinaharap? Ito ba ay mapangatwiran? May nararamdaman ka bang
sakit, sa dibdi, lalamunan, ulo, isip, paa o braso, laman, tuhod, o sa iba pang parte ng katawan?
(baybayin pa nang mas malalim ang nararamdaman sa pangangatwan at pangkaisipang
palatandaan). Kamusta ka sa trabaho mo? Painamin ang kasagutan. Ito bang mga nararamdaman
mo ay nakakaapekto sa iyong isip, konsentrasyon, imahinasyon, alaala , pagbabasa, pagaaral,
pagpaplano, pagdedesisyon, atbp?ito bang mga nararamdaman mo ay humahadlang sa relasyon
mo sa ibang tao, kaibigan, mga aktibidad na sinasalihan mo tulad ng simbahan, libangan,
trabaho, atbp.

3. (a.) alamin kung ang kalooban ay nakaakibat sa mga binabanggit o iniisip ng pasyente
(masaya kapag pinaguusapan ang masayang bagay, malungkot kapag pinaguusapan ang
malungkot na bagay, kung ang kakaibang karanasan (affect) ay kabagay at angkop).

(b.) suriin ang kanyang kalooban, kung ito ba ay nagbabago nang lubusan o parehong
kalooban ang lumalabas anumang mangyari sa kapaligiran tila siya at hindi minamalayan ang
mga nangyayari sa kapaligiran (flat affect).

(c.) ang pasyente ba ay normal na tumutugon sa kung ano ang nagpapaudyok sa kanila na
may malay sa realidad? O and interes at atensyon ay nahahati sa loob-looban niya at sa kanyang
pagkaabala sa panaginip at realidad.
D. Mga nilalaman ng pag-iisip – (natatanging pagsasarili, pagiisip at pagkokonsepto-
pagbabalik-tanaw sa kanyang mga malalagim na pag-iisip at pakiramdam) ibigay ang
kumpletong detalye sa pahayag ng pasyente.

ILUSYON – maling interpretasyon sa pagkaramdam ng mga bagay, maling persepsyon.

(a.) Ang mga bagay ba ay hindi karaniwan ( sa iyong paniningin, pandinig, pangamoy, panlasa
at iba pang pakiramdam) na sa oras na tanggapin ito ng iyong pandama ay nagiiba ang mga ito sa
mga dapat nitong estado? Ang mga bulate, langgam ba ay winawasak ka? Ilarawan.

(b.) Illusional delusion. May mga pandama(paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at iba pang
pakiramdam) ba na nagmimistulang iba o di karaniwan at sa palagay mo ikaw ay pinapanuod,
iniinis o nagdudulot ng pagkabalisa, pagkaabala, panlilinlang, panunukso o pangbubwisit sa iyo?
sa paanong paraan, pakilarawan?

HALLUCINATION – malinaw na pagkadama, pagkakita , pagamoy o pagkarinig ng mga


bagay ng walang konkretong basehan na umiral.

Nakakaranas ba ang pasyente ng pagkakita, nakakarinig, nakakaamoy, nakakapanlasa,


nakakaamoy o nakakaramdam ng mga pakiramdam na hindi naman talaga umiiral o totoo
(katulad ng pagkakita sa multo, anghel, demonyo, at iba pa: nakakarinig ng boses, musika, ingay;
mga kakaibang amoy at kakaibang nalalasahan, atbp)

Halimbawang mga katanungan: ikaw ba ay nakakakita, nakakaamoy, nakakatikim ,


nakakaramdam ng kahit anong kakaiba o kakatwang mga bagay? Ilarawan kung ang mga ito ay
nakikita mo o nasa imahinsayon mo lamang? Saan sila nagmula? Paano sila nagpapakita? Ang
mga ito ba ay babae o lalaki, ang mga ito ba ay pamilyar, nagdudulot ba ang mga ito ng
pagkainis sa iyo, tinatawag k aba sa hindi mo nais na katawagan, o inaakusahan ka? (delusional
hallucination)

DELUSYON/KAHIBANGAN - maling paniniwala o paghatol ng walang basehan.

(a.) Delusion ng pag-uusig - mayroon kabang mga kaaway? Trinatrato k aba ng lahat ng tama o
may binabalak ba sila para sa ikasisira mo? May mga tao bang pinapanuod ka ? sino-sino sila?
Pinag-uusapan ka ba nila? Sinusubukan ba nilang lagyan ng lason ang pagkain mo o lasunin ka?
sinusubukan ba nilang inisin o patayin ka? O ang radio, telebisyon at radar ay
nakakaimpluwensya sa iyong pagiisip o ang iyong mga naiisip o pag-iisip ay sinusubukan kang
impluwensyahan para ikaw ay mainis? Nararamdaman o naniniwala ba ang pasyente na kapag o
kada siya naglalakad sa kalsada o sa mga salo-salo ay pinag-uusapan, pinagtsitsismisan siya o
may mga kritiko siya?
Nararamdaman ba ng pasyente na mayroong naglalagay ng uod sa kanyang tiyan na nagiging
dahilan ng pangangati, na nagiging dahilan rin ng mga nakakairitang pakiramdam para patayin
siya o magdala ng hindi kaaya –ayang pakiramdam?
(b.) Delusion ng kadakilaan – ang tingin ban g pasyente sa kanyang sarili ay ang diyos, ang
reyna , si rizal, ang birheng maria at iba pa na magliligtas sa sangkatauhan o sa bansa? Sa tingin
ban g pasyente ay siya ay mayroong ispesyal na kapangyarihan, impluwensya o misyon na dapat
gampanan? Sa tingin ba ng pasyente ay isa syang henyo? Imbentor? At kung ano pa? sinasabi pa
ng pasyente na siya nakagawa ng mga malalaking bagay o siya ay isang milyonaryo, pilantropo
at iba pa upang siya ay makapagwaldas o makabili ng mga ari-arian.

Nasa ayos ba o wala ang delusion?

(c.) Pagkaawa sa sarili – may mga paniniwala ba ang pasyente tungkol sa pagbagsak, pagkawala
ng isang negosyo o paghihirap na kabaligtaran naman ng aktwal na pangyayari? Naniniwala ba
siya sa immoral, mapang-api at iba pa.?

Mga tanong: sinisisi mo ba ang sarili mo sa lahat ng mga nangyari? Nakagawa ka na ba ng mga
immoral na bagay? Nararamdaman mo ba na mas mababa ka kaysa sa iba? Nawawalan ka na ba
ng pag-asa?

OBSESSION AND COMPULSION

(a.) Pagkahumaling – isang kaisipan na paulit – ulit na bumabagabag at hindi maalis alis sa isip
ng pasyente.

Alam nang isang neurotic na pasyente ang kaniyang obsession, pero hindi niya ito kayang alisin
sa kaniyang isip. Madalas, ang psychotic na pasyente ay naniniwalang totoo ang kaniyang
obsession at kahit gaano katibay ang pangangatwiran ng ibang tao ay hindi sya makukumbinsing
hindi totoo ang pinaniniwalaan niya.

Mga halimbawang katanungan: mayroon bang mga bagay na paulit – ulit at hindi mo mapigilang
maisip? Paano mo pinipigilan ang mga ganoongkaisipan? Naiisip mob a ang mga ito sa piling
pagkakataon? Gaano kalinaw at kayos ang mga kaisipang ito?

(b.) Pamimilit – isang hindi mapigilang udyok na gawin ang isang bagay na sa pananaw ng
pasyente ay kailangan at may kamatayan niyang isagawa. Ito ay mahirap kontrolin.

Mga halimbawang katanungan: pakiramdam mo ba ay may mga bagay na kailangan mong gawin
lagi nang paulit- ulit ? balisa k aba at hindi kompotable hanggang hindi mo nagagawa ang mga
ito? Napipilitan ka bang maghugas ng kamay madlas? May natatangi ka bang paraan sa paggawa
ng mga bagay? Gusto mo ba ay laging perpekto at maayos lahat?

PHOBIAS AND DOUBT – Ang phobia ay matinding takot sa isang particular na bagay, lugar,
kaisipan, pangyayari, o tao na may kaugnayan sa isang matinding pangamba. Ang doubt ay
kapag nahihirapan sa pagpapasiya.

Mga halimbawang katanungan: hindi ba pangkaraniwan ang takot mo sa bukas at malawak na


lugar, sarado at sikip na lugar, sa dumi, mataas na lugar, maraming tao at iba pa? may
pagkakataon bang napapansin mong nag-aalinlangan ka at nahihirapan magpasiya? Madalas ka
bang mag-alangan? Sa anong paraan at pagkakataon?

HYPOCHONDRIA – mga sintomas o palatandaan ng sakit na dinadaing ng pasyente. Ang mga


ito ay wala naming organic pathology o walang patunay sapagkat wala naman makitang
katangian nang sinasabing sakit sa mga parte ng katawan at sa katungkulan nito.

Mga halimbawang tanong: may sakit k aba o karamdaman sa kahit anong parte ng katawan?
Isalaysay. Simula kalian at paano ka nito naaabala? May naiisip ka bang pinagmulan nito?
Isalaysay.

PAGIGING PAMILYAR – (Pagkaranas ng déjà vu) at pagiging pamilyar (depersonalization at


di katotohanan)

Gaano katagal mo nang nararamdaman ang lahat sa iyo at sa paligid mo? May kamalayan k aba
sa mga pagbabago sa iyong katawan, kapaligiran at sa ibang tao?

Naranasan mo na bang makakita ng isang tao, bagay o lugar na hindi mo pa nkita o


nakasalamuha dati pero pakiramdam mo na yung tao, lugar, o bagay na iyon ay pamilyar sayo?
Pakilarawan kung paano at saan ito nangyari.

Naranasan mo na bang maramdaman ang isang pamilyar na tao, bagay o lugar ay bigla na lang
nagging kakaiba o hindi pamikyar?pakilarawan kung papaano at saan ito nangyari.

Gaano ito katagal nagtatagal?

SUGGESTABILITY – Madali o awtomatikong pagsunod sa mga suhestyon.

Mayroon bang sumubok na impluwensyahan ang iyong mga kilos o ang iyong pag-iisip?
Madali ka bang maimpluwensyahan ng mga suhestyon, pangyayari, mga insidente base sa iyong
nakita/nakikita? Maaari lamang na pakipaliwanag.
PANAGINIP – Ang panaginip ay ang pagsasadula ng mga kinalimutang pagnanais o alaala ng
prosesong saykiko o pangkaisipan habang natutulog.

A. Tungkulin:
(a.) Pagsasakatuparan ng mga pagnanais at pagbuhos o pagpapakita ng matinding damdamin
upang mawala ang mga problema. (mas mahirap gawin para sa mga matatanda)
(b.) Pagpapalakas o pagpapahina ng katangian ng sarili o sarili mismo gamit ang pagsasanay.
(c.) Pag-iingat sa pagtulog (biolohikal na pagbawi lalo sa mga unang oras)

B. Katangian:
(a.) Pangmata o biswal
(b.) Hindi makabuluhan o Malabo(kontrobersiyal)
(c.) Hindi apektado ng oras
(d.) Emosyonal
(e.) May karapatang kahulugan ngunit may nabago, iniba o mali sa pagpapakita.
C. Kayarian:
(a.) Nilalamang hayag - parte ng panaginip na naaalala.
(b.) Nilalamang tago – ang malalim na kahulugang nakakabit sa panaginip.

D. Panimula:
(a.) Pisikal na pagbabago – aksidenteng pagtugong pisikal habang natutulog.
(b.) Saykikong o pangkaisipang pagbabago
i. Pag-iipon, pag-oorganisa at paghahanda upang magamit ang mga natira o mga naaalala
pa sa mga lumipas na araw.
ii. Pagkabit ng mga bagay sa mga kinalimutag pagnanais o alaala sa walang kamalayang
parte ng kaisipan.

E. Opearsyon:
(a.) Proseso ng sistemang kinabibilangan ng utak (neurophysiological) at prosesong
kimikiong pambuhay na organism (biochemical)
(b.) Dream-work, ang proseso kung saan binabago ng walang kamalayang pag-iisp ang
nilalamang hayag ng panaginip upang maitago ang totoong kahulugan ng panaginip sa taong
nananaginip, ay ang isang hindi pangkaraniwang pangyayari na maaring maipaliwanag na
pagpapahayagng puwersa (dynamisms) mula sa oras na ang walang kamalayang udyok ay nag-
umpisa hanggang sa oras na itoay maging nilalamang hayag ng panaginip,

Ang pisikal na dynamisms na nasasangkot ay:


Symbolization, condensation, displacement, secondary elaboration at dramatization.

F. Patnubay sa interpretasyong pangkliniko (pangkalahatang sumusunod sa pamamaraan ni


stekel)
Pangunang kailangan – (kinagisnan ng pagpapaliwanag)

i. Komprehensibong pag-aaral ng kasaysayan ng buhay npasyente.


ii. Kaalaman sa mga klase ng katauhan at pag-uugali.
iii. Kaalaman sa mga sintomas at kasaysayan ng karamdaman.
iv. Kaalaman sa dinamika ng patolohiya ng kaisipan.
(psychopathodynamics) at ang panimula ng patolohiya ng kaisipan (psychopathogenesis) ng
salungatan ng sariling kuro-kuro ng pasyente.
v. Alamin ang pangunahing ideya o paksa ng panaginip.
vi. Obserbahan ang mga particular na reaksyon ng pasyente habang isinasalaysay ang
panaginip.
vii.Obserbahan ang reaksyon ng pasyente lalo na kapag ang panaginip ay binibigyang
kahulugan nan g tagapag-analisa.
viii.Isulat o tandaan ang mga reaksyon ng pasyente kasama ang parte ng panaginip na
binibigyang kahulugan ng tagapaganalisa.
ix. huwag na huwag bigyang-kahulugan ang panaginip ng pasyente base sa walang
kamalayang pagbubuyo nng tagapaganalisa.
x. mangolekta ng serye ng mga panaginip upang makapagsiyasat nang mas malalim at
mapadali ang mas makatotohanang pagbibigay-kahulugan ng panaginip.
xi. palaging isiping laging may simbolo o mas malalim pang kahulugan ang mga sinasabi o
ipinapaliwanag ng pasyente.

G. Patnubay sa aktwal na pag-aanalisa

i. ibuod ang buong panaginip ( ang dula o drama )


ii. suriin ang pangunahing pagtugon ( emosyon )
iii. tandaan ang mga kasalungat na pangyayari ( kabaliktaran )
iv. itala ang anumang kapaki-pakinabang na bagay (mga kaganapan , atbp) at mga
kagamitan (mga katangian at bagay ) kahulugan ng mga simbolo(mga insidente
at simbolong pang-karakter)
v. Suriin ang kaugnayan ng panaginip ng sa karamdaman ng pasyente.
vi. Suriin ang kaugnayan ng panaginip sa implekasyon nito.
vii. Suriin ang implekasyon pangrelihiyon ng panaginip.
viii. Alamin ang three time trends ng panaginip. Tunay na kalagayan (kasalukuyan),
retrospektib/ paglingon sa nakaraan(nakalipas), prospektib/inaasahan (hinaharap).
ix. Alamin ang homosekswal, heterosekswal at trisexual trends ng panaginip.
x. Alamin ang anagogic at catagogic trends ng panaginip.
xi. Inihahayag ng panaginip ang nangingibabaw na ideya o kaisipan ng pasiyente.
xii. Alamin at suriin ang mga paulit-ulit na tema/paksa sa serye ng mga panaginip.

E. Sensoryum at mga pangkaisipang mapagkukunan.


a. pagbibigay-pansin at paglalarawan sa pagtingin ng pagbabago ng atensyon, kalabuan,
kalituhan, kahibangan, atbp.
b. pag-aangkop - (oras, lugar, tao at mga pangsariling kaugnayan)
i. anong oras na ngayong araw? Umagaba, tanghali, hapon, gabi o hating gabi?
Anong araw ngayon? Anong lugar ito? Saan ka galing? Saan ang iyong bahay?
ii. nasaan ka ngayon? Anong lugar ito? Saan ka galing? Saan ang iyong bahay?
iii. alam mo ba kung sino ako? Sino ang mga taong ito?
iv. ano ang iyong pangalan? Sino ang iyong ama> ang iyong ina? Ang iyong kapatid
na lalaki? Ang iyong kapatid na babae? Ang iyong iba pang mga kamaganak at mga kaibigan?
Tignan kung kayang kilalanin ng pasyente anf pansariling kaugnayan. Ano ang iyong kaugnayan
sa taong ito at atbp?
c. ala-ala
i. malayong ala-ala saan at kalian ka ipinanganak? Kalian ka nagsimulang magaral
atbp?
ii. sariwang ala-ala ano ang iyong ginawa kahapon? Sino ang iyong nakita kaninang
umaga? Atbp.
iii. pagtanda at pagalala- magbigay ng ilang mga salita, mga pangungusap at hayaan
ang pasyenteng alalahanin at ulitin sila. Unti unting pahabain ang oras.

PAG-ALAALA SA NUMERO

Hayaan ang pasyente na ulitin ang mga sumusunod na numero: (ang edad ng mga panaklong ay
tumutugma sa edad at kakayahang maalaala at maulit ang mga numero.)
PASULONG: PABALIK:
3 4 5 2 6 ------- (YR 7) 8 4 6 9 ----- (YR 9)
1 9 2 3 1 8 ----- (YR 10) 5 3 2 4 9 --- (YR 17)
2 5 8 1 6 3 9 --- (YR 14) 1 9 2 4 3 8 - (YR 16)
5 6 3 1 6 4 7 2 – (YR 18)

iv. Pagkilala – magpakita ng mga pamilyar na bagay sa pasyente and hanapin kung
ang pasyente ay kayang makilala ang mga ito.
d. Problemang Aritmetika
pagdagdag (addition), pagbawas (subtraction), pagpaparami (multiplication),
paghahati (division)
e. Pangkalahatang Impormasyon
i. magtanong sa domestic, economiyang political, etc, mga pangyayari at mga
problemang pang araw(daily events)
ii. ano ang mga alam ng pasyente patungkol sa mga makatotohanang paksa patungkol
sa geographiya ?
iii. pambansang kasaysayan at panginternasyonal na kasaysayan.
iv. mga bagay na miscellaneous.
f. Judgement
i. pagkakaiba sa pagitan ng : prutas at bulaklak, lalaki at babae, bakal at kahoy, mabuti
at masama, maganda at pangit, etc.
ii. plano sa araw na ito, sa isang lingo at sa hinaharap.
g. Pananaw
may sakit ka ba? Anong problema sayo? Paano mo ipapaliwanag ang nangyayari sa iyo?
Ano sa tinin mo ang sanhi ng lahat ng ito? Etc.?
h. Katalinuhan
i. klinikal na tantsya
1. mental susceptibility, banayad (malungkot) – matandang naguugali na parang
isang bata edad 7 hanggang 14 taon gulang.
2. mental subnormally, katamtaman (walang pakialam) – matandang naguugali na
parang isang bata edad 7 hanggang 14 taon gulang.
3. mental subnormality (tanga) – mas matandang indibidwal naguugali na parang
isang bata edad na 3 taon gulang.
ii. psychotic test – (psychometric test I.Q. Tests)
1. Idiot – 1-25 points
2. Imbecile – 26-30 points
3. Moron – 50-70 points.

You might also like