You are on page 1of 6

Learning Area MAPEH - Arts Grade Level 5

W1 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Makabagong Pamamaraan ng Paglilimbag


II. MOST ESSENTIAL Natatalakay ang bagong pamamaraan sa paglilimbag gamit ang iba’t ibang
LEARNING
COMPETENCIES bagay, halimbawa sa linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang maiukit
(MELCs)
ang mga linya at kayarian sa paglilimbag
III. CONTENT/CORE Naipakikita ang pagkaunawa sa makabagong paraan ng paglilimbag gamit
CONTENT
ang linya, at testura sa pamamagitan ng kuwentong bayan at mga alamat

IV. LEARNING PHASES Suggested Learning Activities


Timeframe
A. Introduction 3 minuto Maraming paraan kung paano maipahahayag ang husay at galing sa
Panimula sining gaya ng pagguhit, pagpinta at iba pa.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na matatalakay mo ang
makabagong pamamaraan sa paglilimbag gamit ang ibang bagay,
halimbawa sa linoleum, softwood at rubber (sole of shoes).
Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa
pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ito ay
maaring isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na matatagpuan
natin sa paligid at pamayanan, halimbawa ang linoleum, softwood, rubber
(soles of shoes).
Sa pamamagitan ng pagkulay, mapagyayaman ang ganda ng mga
gawaing pansining. Sa kulay, maipakikita rin nang lubusan ang damdamin at
imahinasyon ng likhang sining kung paano nagbabago ang mga nakulob o
naitagong na bagay upang makalikha ng linya o texture gamit ang mga
bagong paraan ng paglilimbag.

B. Development 10 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Pagpapaunlad Halina’t Matuto

Pagmasdang mabuti ang mga larawan. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay may
paglilimbag at ekis (x) kung wala. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_____1. _____2.

_____3. _____4.
IV. LEARNING PHASES Suggested Learning Activities
Timeframe
_____5. _____6.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa gabay at patnubay ng magulang, isulat ang

TAMA kung ang ipinahahayag ng mga pangungusap ay wasto at MALI kung


hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
____1. Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa
pamamagitan ng pag-iwan ng bakas sa isang kinulayang bagay.
____2. Isang kawili-wiling gawain ang paglilimbag.
____3. Ang paglalagay ng kulay sa isang likhang sining ay nagbibigay ng
ganda at kakaibang damdamin.
____4. Ang paglilimbag ay nakauubos ng oras at panahon.
____5. Ang paglilmbag ay maari mong makita sa mga bagay tulad ng
linoleum, softwood, rubber.

10 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


C. Engagement Halina’t Gumuhit

Pakikipagpalih Paglilimbag Gamit ang Balat ng Prutas at Dahon


an
Mga Kagamitan: Balat ng kalamansi (hatiin sa gitna), dahon ng halaman o
puno, oslo paper, watercolor at brush

Mga Hakbang sa Paggawa


1. Ihanda ang mga kagamitang nakalap sa inyong tahanan na gagamitin sa isasagawang
paglilimbag.
2. Gayundin ihanda ang oslo paper na gagamitin, water paint o water color, at brush.
3. Kulayan ang mga bagay na may bakas na bahagi at pagkatapos ay ilapat ito sa oslo
paper kung ‘di na gaanong basa ang pagkakapinta o kulay.
4. Lumikha ng magandang disenyo sa pamamagitan ng mga bakas na nasa mga
kagamitan.
5. Upang lalong maging kaakit-akit ang iyong gagawin ay paganahin ang iyong
imahinasyon sa paglilimbag sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas.
Rubrik

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong


(3) (2) mahusay
(1)

1. Naiguhit at Naiguhit at Naiguhit ko Hindi ko


nakulayan ko nakulayan ko ngunit ‘di naiguhit
nang maayos nakulayan
ang naiwang
bakas sa new
print making
techniques
IV. LEARNING Suggested Learning Activities
PHASES Timeframe

2. Naipakita Naipakita ko Hindi ko Hindi ko


ko ang nang tama ang maayos na naipakita ang
kagandahan pamamaraan naipakita ang pagbabakas sa
ng aking ng pagpipinta tamang papel
iniwang sa pamamaraan
bakas sa pamamagitan ng pagpipinta
malinis na ng malinis na at pag-iiwan ng
papel bakas sa papel bakas sa papel

3. Nalaman Nalaman ko Hindi ko Hindi ko


ko ang iba ang maayos na gaanong nalaman ang
pang pamamaraan nalaman ang bagong
pamamaraa sa pagbabakas pamamaraan pamamaraan
n ng print sa pagbabakas ng
making pagbabakas
technique

D. Assimilation 7 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Paglalapat Halina’t Magbasa

Basahin ang maikling sanaysay, pagnilayan ito at sagutin ang mga


sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Maraming lumang linoleum at lumang sapatos sa bahay ni Mang Mario.

Kinolekta niya ito at ginupit sa iba’t ibang disenyo. Kinulayan niya ito ng pintura
at gumawa siya ng dekorasyong pambahay.
1. Anong pagpapahalaga ang ipinakita dito ni Mang Mario?

2. Naipakita ba ni Mang Mario ang paraan ng paglilimbag? Ipaliwanag.


3. Paano kaya niya ito mapagkakakitaan?
4. Kaya mo bang gawin ang ginawa ni Mang Mario? Paano?

V. ASSESSMENT 5 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


(Learning Activity Sheets for
Enrichment, Remediation or Magbalitaan Tayo
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6) Balikan ang iyong naging gawain sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 4.
Talakayin mo saiyong guro ang natapos mong gawain sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong sa ibaba. Maaari mo itong isagawa sa mga
sumusunod na pamamaraan: sa pamamagitan ng pagbibidyo ng sarili
habang ipinaliliwanag ang gawain; pagrerekord ng audio; o sa pamamagitan
ng pagsusulat ng mga kasagutan sa papel.
Ikaw ay mamarkahan ng guro sa pamamagitan ng rubrik sa ibaba.
Tandaan: Pumili lamang ng isa na iyong kaya mong gawin sa pamamatnubay

ng iyong magulang.
Mga Tanong:

1. Ano ang mga kagamitang ginamit mo sa gawain?


2. Paano mo isinagawa ang gawain?
3. Anong disenyo ang nabuo mo?
4. Mahalaga ba ang paglilimbag para makabuo ng isang kawili-wiling likhang-
sining? Ipaliwanag.
IV. LEARNING PHASES Suggested Learning Activities
Timeframe
Rubrik

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-


(3) (2) gaanong
mahusay
(1)

1. Nasagot lahat ng Nasagot ang 3 Nasagot ang 2 sa Nasagot


apat na tanong sa 4 na mga 4 na mga tanong ang 1 sa 4
tanong na mga
tanong

2. Natalakay ang Natalakay ang Natalakay ang Natalakay


lahat ang mga mga tanong mga sagot sa ang mga
sagot sa tanong nang malinaw, tanong nang sagot sa
nang malinaw, kawili-wili, at may malinaw at kawil- tanong
kawiliwili, may emosyon wili nang
emosyon at malinaw
pagpapahalaga

VI. REFLECTION 5 minuto Sa iyong kuwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang
mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na________________________________________________________.

Nababatid ko na__________________________________________________________.
Kaillangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa_______________________.
___________________________________________________________________________.

Prepared by: Dennis D. Arcega Checked by: Reginal Grafil / Arthur M. Julian

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa
pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain.
Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

You might also like