You are on page 1of 3

Learning Area Arts Grade Level 5

W6 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Pagtitipon ng mga Inilimbag


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakikibahagi sa gawaing pagtitipon ng mga inilimbag upang makabuo ng isang aklat o
COMPETENCIES (MELCs) kalendaryo na maaaring pangregalo o pampalamuti sa dingding ng silid
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipapakita ang pagkaunawa sa makabagong paraan ng paglilimbag gamit ang linya,testura sa
pamamagitan ng kuwentong bayan at mga alamat

Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
A. Introduction 3 minuto Sa araling ito, inaasahan na makikibahagi ka sa gawaing pagtitipon ng mga nilimbag
Panimula upang makabuo ng isang aklat o kalendaryo na maaring ipangregalo o pampalamuti sa
dingding ng silid o bahay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagmasdang mabuti ang larawan at sagutin ang mga tanong
sa ibaba. Isulat sa iyong kwaderno ang sagot.

a. Ano ang iyong nakita sa larawan?


b.Paano ito naging kapaki-pakinabang?
c. Saang bahagi ng tahanan ito maaaring ilagay
B. Development 10 minuto Ang paglilimbag ay isa sa mga pamamaraan upang maipahayag ang kaisipan, damdamin,
Pagpapaunlad kalooban at imahinasyon sa paglikha ng mga disenyo at sa paggamit ng iba’t ibang bagay at
kagamitan sa paglilimbag. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng elemento at prinsipyo ng
sining tulad ng pagsasama-sama ng mga kulay, paggamit ng hugis, linya, testura,
pagbabalanse at pagbibigay halaga sa sentro ng kawilihan.
Ang bagay sa paligid natin ay nagtataglay ng iba’t ibang testura, maaaring ito ay
magaspang, malambot, at makinis na maaari nating gamitin sa paggawa ng iba’t ibang
disenyo sa pamamagitan ng paglilimbag. Maaari ding gumamit ng mga recyclable materials
upang mas mapadali ang paglilimbag ng disenyo

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ayusing mabuti ang mga titik upang mabuo ang tamang
salita. Tutulungan ka ng mga bugtong sa ilalim upang mabilis mong mahulaan ang mga ito.
Gawin ito sa iyong kwaderno.

1.Bahagi ako ng halaman na gumagawa ng pagkain, madalas din akong gamitin sa paglilimbag

H N A O D

2. Panglatag ako sa sahig ng inyong tahanan, ngunit sa paglilimbag ako’y inyo ring
maaasahan. Sino ako?

L L E O M U I N

3. Sa paggawa ng tsinelas ako’y ginagamit. Sa ilalim ng iyong sapatos ako’y nakadikit.


Maaari ding sa paglilimbag ako’y lagyan ng hugis.
A O G M
7 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ibahagi Mo Magpakita ng iyong natapos na gawain mula sa
mga nagdaang aralin sa Arts 5, ibahagi ito sa iyong guro sa pamamagitan ng video. Bigyang
C. Engagement diin at pagpapahalaga kung paano mo ito natapos, ano ang ginamit mong kagamitan,
nakatulong ba ito sa iyo at sa iyong pamilya at sa kalikasan.
Pakikipagpalihan
Pagkatapos, kopyahin mo ang Rubriks sa iyong kwaderno at palagyan sa kasama sa bahay
ang angkop na kahon sa pagkasagawa mo ng gawain.
Rubriks
Pamantayan Di- gaanong
Napakahusay Mahusay mahusay
(3) (2) (1)

1. Natalakay ang naging


kasagutan ayon sa sarili
kong pagpapaliwanag.

2.Naipakita ko ang
pagiging malikhain sa
pamamagitan ng
pagpapakita ng sariling
halimbawa.

D. Assimilation 3 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ang aking Natutunan


Paglalapat Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang kasunod na tanong. Isulat ang sagot iyong sa
kwaderno.

Maraming tuyong dahon sa bakuran nina Marie. Naisip niyang gamitin ang mga ito sa
paglilimbag gaya ng natutunan niya sa kanyang aralin sa Sining. Kinulayan niya ito ng
magagandang kulay at inilipat ang disenyo sa malinis na illustration board. Pinabalatan niya
ito ng plastik at isinabit sa kanilang dingding.

Paano nakatulong kay Marie ang nasabing gawain?

V. ASSESSMENT 15 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Tipunin ang mga natapos na gawain sa Sining 5, gumuwa
(Learning Activity Sheets for ng isang libro (album) ng iyong mga natapos na gawain. Lagyan ito ng mga palamuti na hindi
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks 3
kailangang bumili o iyong makikita lamang sa loob at labas ng inyong tahanan. Isaalang
and 6) -alang ang Rubrik sa ibaba sa gagawin mong album.
(Kunan ng larawan o video ang natapos na album at ipadala sa messenger ng guro.)

Rubriks

Pamantayan Naisagawa ang obra Naisasagaw ang Naisasagawa ang


ng mahusay at higit obra ng mahusay obra na may
pa sa inaasahan katamtamang
kasanayan.

1.Naisagawa ko
ang gawain ayon
sa inaasahan ng
aking guro
2.Ginamitan ko ito
ng mga
palamuting
makikita lamang
sa loob at labas ng
aming tahanan.

3.Nakatulong ako
sa pagpapaunlad
at pagsasaayos ng
kalikasan

4.Nakagawa ako
ng nag-iisa.

5.Nakatapos ako
ng gawain sa
inilaang oras.

VI. REFLECTION 5 minuto


● Sa iyong kwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt:

Nauunawaan ko na ___________________.
Nababatid ko na ________________________.
Kaillangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa __________________.

Prepared by: DENNIS D. ARCEGA Checked by: AMJ

You might also like