You are on page 1of 11

MODYUL II

YUNIT 1:
BATAYANG KAALAMAN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN

ARALIN:

1.7 Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan

1.8 Impluwensya ng Panitikan sa Buhay ng Tao

1.9 Ang mga Kasangkapang Pampanitikan na Nagbibigay-anyo sa Akda

PANGKALAHATANG LAYUNIN:

1. Natutuko ang mga panitikang nakaimpluwensya sa mga Pilipinong manunulat;


2. Naihahayag ang sariling pagpapakulugan sa mga akdang pampanitikan;
3. Nakikilala ang mga akdang nagpakilala sa mga manunulat na Pilipino at naging makasaysayang
panitikan sa bansa; at
4. Nagagamit ang estetika bilang gamit sa pagsusuri sa istruktura ng isang akda.

SANGGUNIAN:
Villena, Jeffrey B. 2016. Panitikan sa Pilipinas. Manila: MINDSHAPERS CO., INC.

Elektronikong Sanggunian:
https://brainly.ph/question/1086336 )
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18442033442 )
https://prezi.com/qbppixdsxdld/illiad-at-odyssey/ )
https://tl.religiousopinions.com/the-story-mahabharata )
https://www.britannica.com/topic/The-Divine-Comedy )
Aklat ng mga Patay (studyres.com) )
Cabin ni Uncle Tom (Mga Aklat at Panitikan) - Mimir Diksyunaryo (mimirbook.com)
La Chanson de Roland (The Song of Roland) | Paul Pascual's Blog (wordpress.com)
Critical na pagsusuri sa Florante at Laura (himagsik-floranteatlaura.blogspot.com)
Kaligirang Pangkasaysayan Ng Noli Me Tangere | Panitikan.com.ph
Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo | Panitikan.com.ph )

TALAKAYAN

MGA ELEMENTONG LUMILIKHA NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN


Ang mga akdang pampanitikan ay nalilikha at nabubuo sa pamamagitan ng iba't ibang elementong
gumaganap ng mahahalagang tungkulin upang ang mga obra-maestra sa larangang ito ng sining ay
magkakaroon ng buhay.

Katulad ng iba pang sining, ang panitikan ay patuloy sa pagsulong at pagunlad sa pamamagitan ng
iba't ibang dahilan. Anu-ano nga ba ang mga elementong masasabi nating nakatutulong upang lumikha ng
mga akdang maipagmamalaki natin bilang mga Pilipino?

1. KAPALIGIRAN

Binibigyang pansin ang isang pook. Kasama ang iba't ibang sangkap na kalikasan katulad ng klima,
mga likas na Yaman, mga pisikal na kapaligiran at mga kaugnay nito. Maraming mga tula, maikling kuwento,
nobela at iba pang akda ang sumilang at nalikha na ang ginamit na paksa ay ang kapaligiran at ang kalikasan.

GEC3/GEC4: Sosyolidad at Literatura / Panitikang Panlipunan


2. KARANASAN

Isang lunsaran ng mayamang paksa ang karanasan ng tao. Dito maraming napupulot na pangyayari,
sitwasyon at banghay na mapaghahanguan ng paksa sa iba't ibang uri ng akda. Bawat kasaysayan ng isang
tao ay maaaring maging batayan para sa isang akdang magbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataong
makita ang kanyang sarili sa kanyang binabasa, sa ganitong paraan nakagagawa siya ng pagkakataong pag-
ibayuhin ang kanyang pagsisikap tungo sa sisang makabuluhang pamumuhay.

3. SALIK NA PANLIPUNAN AT PAMPULITIKA

Ang mga gawaing may kaugnayan sa lipunan gayundin sa pulitika ay isang malaking bahagi sa pagdadala ng
mga kaugalian, karanasan, kalinangan at kabihasnan ng isang tanging pook o bansa. Dito ay may mga
akdang tunay na kakatawan sa kaisipan, damdamin at paniniwala ng mga mamamayan sa pook na ito.

4. SALIK NA PANRELIHIYON

Maraming mga akdang nakilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig ang pumapaksa sa salik na
ito. Hindi natin matatawaran na ang pananampalataya na natutuhan natin sa mga dayuhan ay nagkaroon ng
malaking impluwensiya upang ang ating mga manunulat sa iba't ibang panahon ay makasulat ng mga obra-
maestrang panghabang panahon.

5. EDUKASYON

Ang pilosopiya ng edukasyon na naituro sa atin ay lalong nagpalawak sa kalinangan at karunungang taglay
natin. Sa pamamagitan ng mga naituro sa atin sa mga institusyon sa ating bansang kinagisnan, higit na
nagkaroon ng puwang sa ating puso ang makalikha ng mga akdang magpapakilala ng uri ng lipunan at
edukasyong naghatid sa atin sa kinalalagyan natin ngayon.

IMPLUWENSYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO


Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensya sa buhay kaisipan at ugali ng tao at ito’y may
dalawang kalagayan:

1. Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng


panitikan.
2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at kaisipan,
nagkakaunawaan at nagkakatulungan.

Marami ang mga akdang pampanitian ang nagdadala ng malaking impluwensya sa daigdig. Ang ilan sa mga
ito’y ang mga sumusunod:

1. ANG BANAL NA KASULATAN

Ang tawag sa banal na aklat ng Kristiyanismo ay Bibliya.

Ang salitang Bibliya ay nagmula sa salitang Latin at Griego na ang ibig sabihin ay "Libro". Sa aklat na
ito nakasulat ang mga salita at utos ng Diyos. Dito rin nakapaloob ang mabuting balita na binabasa sa
pagdiriwang ng banal na misa. Ito ang naging batayan ng pananampalataya at paniniwala ng tao sa Diyos.

Noong 1513 B.C.E sinimulan ni Moises ang pagsulat ng Bibliya. Ang huling nagbahagi ng kanyang aklat
ay si Juan. Inabot ng halos 1,610 taon bago napagsama-sama ang mga aklat na bumubuo sa Bibliya sa
kasalukuyan.

Dalawang bahagi ng Bibliya

1. Lumang Tipan

naglalaman ng mga salaysay hinggil sa paglikha ng santinakpan at ukol sa pagkahirang ng Diyos na si Yahweh
sa bayang Israel bilang piniling pangkat ng mga tao.

2. Bagong Tipan

GEC3/GEC4: Sosyolidad at Literatura / Panitikang Panlipunan


naglalaman ng mga salaysay ukol sa búhay at pangaral ni Hesus, na anak ng Diyos at isinugo sa lupa ang
tubusin ang tao sa kasalanan, lalo na yaong alinsunod sa  kaniyang  mga apostol at unang ebanghelista. (kuha
mula sa https://brainly.ph/question/1086336 )

2. ANG KORAN

Ang Kóran (o Qurán, Alcorán) ang pangunahing aklat ng pananampalatayang Islam at itinuturing ng
mga Muslim na totoong salin ng mga salita ni Allah kay Muhammad sa pamamagitan ng anghel na si Jibril
(Gabriel). Itinuturing din itong pinakamarikit na piraso ng panitikan sa wikang Arabe. Nahahati ito sa 114 na
kabanata, tinatawag ang bawat isa na súrah, at pinaniniwalaang sinulat ni Muhammad sa loob ng 23 taón
mula noong 610 at hanggang mamatay siyá noong 632.

Pinaniniwalaang nagmula ang Kóran sa salitang Arabe na qara’a na nangangahulugang bigkasin o


ang pagbigkas. Matalik na kaugnay ito ng ibang salita sa libro, gaya ng kitáb (aklat), áyah (palatandaan), at
súrah (kasulatan). Ang dalawang hulíng nabanggit ay nangangahulugan din, sa malawakang pagbasa, ng
rebelasyon o ang ipinababang pahayag ni Allah. May tradisyonal na paniwalang nagsimula ang rebelasyon
habang nagmumuni si Muhammad sa Yungib Hira. Nagpatuloy ito at naging malimit siyang lumikas sa
Medina. Ipinasaulo niya at ipinabigkas ang mga rebelasyon sa mga alagad upang sundin ng komunidad na
Muslim
(kuha mula sa https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18442033442 )

3. ANG ILIAD AT ODYSSEY NI HOMER

Isinulat noong ikawalong siglo BC ni Homer mula sa Gresya.

Si Homer ay itinuturing na mala-alamat na unag Griyegong manunulaat rapsodista

Ang Iliad ay isang tulang epikang tungkol sa salaysay ng pagsakop ng mga Griyego sa lungsod


ng Troy. Mula ito sa Gresya, na isinulat ni Homer, at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga
bayaning Griyego noong kanilang kapanahunan. Ito ang pinakamaaga at pinakatanyag na akda mula sa
panitikan ng Gresya. Hinango ang pamagat ng Iliada mula sa Ilium (o Ilion), ang isa pang katawagan para
sa Troy. Itinuturing ang akdang ito bilang "Bibliya" ng mga Griyego, sapagkat nakaimpluwensiya ng malaki sa
kanilang mga kaisipan. Sinundan ito ng Odisea, na si Homer din ang sumulat.

Ang  Odisea  o Ang Odisea (mula sa salitang Griyego na, Odússeia  o  Odísia; at sa salitang  Ingles ay
Odyssey) ay isa sa dalawang pangunahing sinaunang tulang epika ng kabihasnang Heleniko (sinaunang Gresya)
na pinaniniwalaang inakdaan ni Homer (o Homero). Tinatayang isinulat ang tulang ito noong malapit na ang
pagwawakas ng ika-8 daantaon bago dumating si Kristo, lugar ng Ionia, malapit sa tabing-dagat ng
kanlurang Turkiya na nasasakupan ng mga Griyego. May bahagyang pagganap ang tula bilang isang karugtong
ng Iliad ni Homer. 
(kuha mula sa https://prezi.com/qbppixdsxdld/illiad-at-odyssey/ )

4. ANG MAHABHARATA

Ang Mahabharata ay isang sinaunang tula ng Sanskrit na nagsasalaysay tungkol sa kaharian ng Kurus.
Ito ay batay sa isang totoong digmaan na naganap noong ika-13 o ika-14 na siglo BC sa pagitan ng mga
tribong Kuru at Panchala ng sub-benepisyo ng India. Ito ay itinuturing na parehong kasaysayan ng pagsilang
ng Hinduismo at isang code ng etika para sa mga tapat.

Ang Mahabharata, na kilala rin bilang mahusay na epiko ng Dinastiyang Bharata, ay nahahati sa
dalawang mga libro na higit sa 100, 000 mga taludtod, bawat isa ay naglalaman ng dalawang linya o
magkakabit na may kabuuang 1.8 milyong salita. Ito ay humigit-kumulang na 10 beses hangga't "Ang Illiad, "
isa sa mga pinaka-kilalang Western epic poems.
(kuha mula sa https://tl.religiousopinions.com/the-story-mahabharata )

GEC3/GEC4: Sosyolidad at Literatura / Panitikang Panlipunan


5. ANG DIVINA COMEDIA

Ito ay mas kilala bilang Divine Comedy, na isinulat ni Dante Alighieri mula 1308 hanggang sa kaniyang
kamatayan noong 1321 ang malawakang itinuturing na pangunahing epiko ng literaturang Italyano, at isa sa
mga pinakadakilang akda sa literaturang pandaigdig. Ito ay nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya
at pag-uugali ng mga Italyano.

Sa kalakihan ng impluwensiya nito, naaapekto nito hanggang sa kasalukuyan


ang Kristyanong pananaw ukol sa Kabilang Buhay.
(kuha mula sa https://www.britannica.com/topic/The-Divine-Comedy )

6. AKLAT NG MGA ARAW NI CONFUCIUS (ANALECTS OF CONFUCIUS)

Ito ang mga koleksyon ng mga dokumento at pagpapahayag ni Confucius sa kanyang mga mag-aaral
na kanilang tinipon o pinagsama-sama at inilathala sa isang aklat.

Si Confucius ay isang Chinese philosopher at guro. Ang kanyang mga turo ay pinagsama-sama sa
librong Analects. Ang Analects ay naglalaman ng mga aral tungkol sa pamilya at pakikipag-ugnayan sa ibang
tao. Siya rin ang nagtatag ng paniniwalang Confucianism o Confucianismo. Ayon sa paniniwalang
Confucianismo, dapat pagbutihin ng mga tao ang kanilang mabuting asal dahil ang pakikipagsalamuha sa
kapwa tao ay mahalaga upang mabuhay dito sa mundong ibabaw. Ito ay higit na kinikilala bilang isang etikal
na konsepto sa halip na relihiyon. Narito ang ilang aral mula sa Analects.

Unahin na natin ang tinawag nating Golden Rule. Ito ang isa sa mga pinakamahalagang aral sa
Analects, 5.12 Zigong said, “What I do not wish others to do to me, I do not wish to do to others .”  The Master
said, “Si, this is a level you have not yet reached.” 

Ang pangalawa ay ang, 2.17 The Master said, “Shall I teach you about knowledge, Yóu? To know
when you know something, and to know when you don’t know, that’s knowledge.” 

At ang panghuling aral na dapat nating tandaan, 7.22 The Master said, “When walking in a group of
three, my teachers are always present. I draw out what is good in them so as to emulate it myself, and what is
not good in them so as to alter it in myself.”

7. ANG AKLAT NG MGA PATAY

Ang Aklat ng Patay ay mula sa tradisyon ng paglilibing ng mga ehipto noong ika-anim na dinastiya.
Matatagpuan ito sa mga peramides ng mga pharaoh. Heiroglyphics ang uri ng pagkakasulat nito. Ang layunin
ng aklat ay upang tulungan ang mga hari na makiisa sa kanilang Diyos na si Ra. Sa panahong ito, ang kabilang
buhay ay nasa kalawakan at hindi sa ilalim ng lupa.

Ang aklat ay mayroong 192 na teksto subalit walang iisang aklat na naglalaman ng lahat na ito.

Ang pinakatanyag na teksto sa aklat na ito ay ang “Weighing of the Heart.” Ito ay paghatol sa isang
taong namatay kung siya ba ay makakabalik sa kanyang katawan o kakainin na lamang siya ng tagahatol.
(kuha mula sa Aklat ng mga Patay (studyres.com) )

8. ANG CANTERBURY TALES

Ito ay isang koleksyon ng dalawampu’t apat na kuwento na kapapalooban ng hanggang labing-


pitong libong mga linya na nasusulat sa Ingles ni Geoffrey Chaucer sa pagitan ng taong 1387 at 1400. Ito ay
naglalarawan ng mga ugaling Ingles at kanilang pananampalataya .

(kuha mula sa The Canterbury Tales: Background & History - Video & Lesson Transcript | Study.com )

9. ANG EL CID CAMPEADOR

GEC3/GEC4: Sosyolidad at Literatura / Panitikang Panlipunan


Si Rodrigo Díaz de Vivar (1048 – 1099) ay isang Kastilyanong maharlika at pinunong militar noong
panahon ng Espanyang midyebal (Gitnang Kapanahunan). Tinawag siyang El Cid ("ang Panginoon") ng
mga Moro at bilang El Campeador ("ang Kampeon") ng mga Kristiyano. Siya ang pambansang bayani ng
Espanya. Ang panitikang ito ay nagpapahayg ng kanilang mga alamat, pag-uugali at kasaysayan.

10. UNCLE TOM’S CABIN

Ang Uncle Tom’s Cabin o Ang Buhay sa Mga Mababa , ay isang nobelang laban sa pagkakaalipin ng
mga itim na mga Amerikano, isinulat ni Harriet Beecher Stowe. Nailathala noong 1852, ang nobela ay may
malalim na epekto sa mga saloobin sa mga Amerikano at pagka-alipin sa Estados Unidos at sinasabing
"nakatulong sa paglatag ng basehan para sa Digmaang Sibil". Ito ang nagbukas ng mata ng mga Amerikano
sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng demokrasya sa daigdig.

At naging inspirasyon ni Dr. Jose Protacio Rizal ang akdang Unlce Tom’s Cabin upang isulat ang Noli
Me Tangere. (kuha mula sa Cabin ni Uncle Tom (Mga Aklat at Panitikan) - Mimir Diksyunaryo (mimirbook.com)

11. THE SONGS OF ROLAND

Kinapapalooban ito ng mga kuwentong Roncevalls at ang lalong kilalang Doce Pares ng pransia. Ito
ay nagtataglay ng kasaysayan ng gintong panahon ng kakristiyahunan sa Pransia.

Magigiting na sundalo. Tagisan ng mga espada. Tapang at tibay ng loob. Ilan lamang ito sa mga
elementong nagpasigla sa pinakalumang sulatin sa panitikang Pranses. Ang La Chanson de Roland, ang
pinakauna at ang pinakamahusay na halimbawa ng isang chanson de geste, ay isang tula na inilalahad ang
kagitingan ni Roland, isang mandirigma na pamangkin ni Haring Charlemagne. Sa lumang wikang Pranses,
nangangahulugan ang “geste” na isang dakilang gawain (great deed). Ang mga ganitong uri ng panitikan na
umunlad sa pagitan ng 11th at 15th na siglo ay nagsasanaysay sa mga makabuluhang nagawa ng isang sikat
na bayani.
(kuha mula sa La Chanson de Roland (The Song of Roland) | Paul Pascual's Blog (wordpress.com)

12. FIVE CLASSICS at FOUR BOOKS

Ito ay mula sa Tsinan a kinatitikan ng magagandang kaisipan at pilosopiya ni Confucius. Naging


batayan ang mga aklat na ito ng pananampalataya, kalinangan at kasaysayan ng mga Intsik na nakaapekto sa
atin.

Isa sa mga aral na ibinahagi ni Confucius ay “Huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin sa
iyo.”

Sa ating bansa naman, maraming akdang pampanitikan ang naging inspirasyon ng mga manunulat sa iba’t
ibang panahon. Narito ang mga akdang naging obra maestro ng mga manunulat na Pilipino.

1. FLORANTE AT LAURA ni Francisco Balagtas Baltazar:

Ayon kay Epifanio de los Santos (Isang historian), nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong
1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon.

Ang Florante at Laura, ay katipunan ng lahat ng mga saynete, komedya, at ibá pang tulang sinulat ni
Francisco Balagtas, ay siyáng napagtiningan ng diwa niyang pasuwail sa kalakaran ng panahon at ng
kaniyang damdaming mapanghimagsik laban sa mga tuwas na kaugaliang naghahari noon sa tinubuan
niyang lupa. 

Apat na uri at layon ng paghihimagsik ang sukat mahango sa awit na Florante at Laura: 

   Himagsik laban sa malupit na pamahalaan; 

   Himagsik laban sa hidwang pananampalataya; 

   Himagsik laban sa mga maling kaugalian; at 

   Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan. 

GEC3/GEC4: Sosyolidad at Literatura / Panitikang Panlipunan


Ang pamahalaan at simbahan, dalawa man sa pangalan ay iisa sa turing at sa kapangyarihan. Kung
maminsan-minsang nagkakahidwaan ang dalawa, ang simbahan ang siyáng nakapangyayari at nagwawaging
karaniwan. At noo’y walang maaaring sampalatayaanang relihiyon ang mga mamamayan, kundi tanging ang
Iglesya Katolika Apostolika Romana, na siyáng kinikilála ng pamahalaang “religión oficial del estado.” Dahil
dito, anumang aklat, pahayagan, at ibá pang uri ng mga limbag na babasahín, ay hindi maaaring maikalat
kung yarì rito, 28 o makapások kung yarì sa labas, nang di magdaraan muna sa Censura. Kung mangakaraan
na ay kinakailangan pa ring pahintulot at pagkatatak ng tinatawag na “gobierno civil” at ng “gobierno
ecleciastico.” Ang mga aklat na lumabas nang wala ng alinman sa mga pahintulot at tatak nila ay
naipapalagay na “kontrabando,” at ang kusang bumasa ay napapalagay namang nakagawa ng “pekado
mortal,” at kaipala’y maging “excomulgado” pa.
(kuha mula sa Critical na pagsusuri sa Florante at Laura (himagsik-floranteatlaura.blogspot.com)

2. NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO ni Dr. Jose Protacio Rizal

Ang Noli Me Tangere

Isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere upang maging isang mabisang paraan sa
paghihimagsik laban sa mga mananakop na Kastila.

Nagkaroon ng inspirasyon ang 24 anyos na si Rizal na isulat ang kaniyang unang nobela nang mabasa
niya ang mga aklat na The Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin, at ang Bibliya.

Ang mga aklat na ito ang nagbigay ng lakas ng loob at ideya kay Rizal na ipagtanggol ang mga
Pilipinong labis na nakararamdam ng pang-aalipusta sa mga mananakop.

Upang labis na maging makatotohanan ang kaniyang nobela ay ninais niyang maisulat ang ilang
kabanata nito ng mga kapuwa Pilipino na nakaranas ng labis na kalupitan mula sa mga dayuhan.

Ngunit hindi niya ito naisakatuparan kaya naman siya na lamang ang nagsulat nito. Isinulat niya ang
mga unang bahagi ng aklat noong 1884 sa Madrid at natapos ang ibang bahagi sa Paris noong 1885.
Naisakatuparan naman ni Rizal ang nobela at tuluyang natapos noong 1887 sa Alemanya.

Nang matapos ang nobela, ang pondo naman sa paglilimbag ang naging suliranin ni Rizal. Pinahiram
siya ng salapi ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola
kuha mula sa Kaligirang Pangkasaysayan Ng Noli Me Tangere | Panitikan.com.ph

ANG EL FILIBUSTERISMO (Ang Paghahari ng Kasakiman)

Matapos isulat ni Jose Rizal ang kaniyang unang nobela na Noli Me Tangere, nakarating ito sa mga
Kastila at hindi nagustuhan ang kuwento nito.

Naging banta man ito sa buhay ni Rizal, dahil nakita niya ang epekto nito sa mga mananakop ay ninais
niyang magsulat pa ng isang nobela na pagpapatuloy ng kuwento ng unang nobela—ang El Filibusterismo.

Dahil sa galit ng mga Kastila ay umalis si Rizal sa Pilipinas at nagtungo sa Europa at doon sinimulan
ang El Filibusterismo.

Sa pagsusulat niya ng kaniyang ikalawang nobela, nagkaroon siya ng iba’t ibang inspirasyon na hango
sa kaniyang mga kinahaharap na isyu sa buhay.

Isa na rito ang pagpapahirap ng mga mananakop sa kaniyang pamilya sa Calamba at pagkuha ng mga
ito sa lupain ng kaniyang mga kababayan.
(kuha mula sa Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo | Panitikan.com.ph )

GEC3/GEC4: Sosyolidad at Literatura / Panitikang Panlipunan


Dagdag natin ang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Pena; ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos;
Maganda Pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco, Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino at ang Isang
Dipang Langit, Mga Ibong Mandaragit at Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernadez.

Ilan lamang ang mga ito sa mga akdang pampanitian sa ating bansa na susi sa paghawan sa landas ng
mga makabagong manunulat na sumibol sa iba’t ibang panahong iniikutan ng kasaysayan ng ating panitikan.

ANG MGA KASANGKAPANG PAMPANITIKAN NA NAGBIBIGAY-ANYO SA AKDA


Ang salitang estetika ay nanggaling sa salitang Griyego "aesthesis" na nangangahulugang "pakiramdam" o
"dating ng anumang persepsyon sa mga sentido (panlabas at panloob) ng tao". Kung baga sa nakikita, ang
estesis ay yaong uri ng pakiramdam at reaksyon ng tao na nakakakita (ng kahit anuman iyon).

Kaugnay nito, ang mga sentido ng tao ay nahahati sa dalawang uri:

1. Ang mga sentidong panlabas (external senses) tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa,
pansalat at

2. Ang mga sentidongpanloob (internal senses) tulad ng imahinasyon o guniguni, memorya, pang-unawa,
at huwisyo o pagpapasya.

Ang mga ito ay may kinalaman at kaugnayan sa estesis. Ito ang mga pinagagalaw ng estesis. Sa mga
ito nakatuon at nakatudla ang estetika. Ang anumang bagay na opensibo sa mga ito ay pangit/masama, at
ang nagbibigayaliw o kasiyahan sa paningin. Dahil dito ang layon ng estetika ay mga:

Persepsyon ng mga sentidong panlabas, at mga

Konsepto na bunga ng mga sentidong panloob.

Sa dalawang ito nauukol ang siyam na nakatala sa itaas, na siya nating ipaliliwanag sa ibaba.

Ang nilalaman ay tumutukoy sa tauhan, tagpuan, suliranin, aksyon at tema.

Ang denotasyon ay ang karaniwan at likas o literal na kahulugan ng salita o pangungusap: ito ang
kahulugang madaling mahanap sa diksyunaryo.

Konotasyon ang tawag sa mga implikasyong tinataglay ng mga salita o pananalita. Ang mga implikasyong
ito ay maaaring dulot ng pahiwatig na pananaw o saloobin na taglay ng salita, tulad halimbawa ng salitang
"basura"

Diksyon ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at makabuluhang pagpili
ng mga salitang ginagamit ng manlilikha upang makamit niya ang pinakamabisang paraan ng
pagpapatalastas ng kanyang nais ipahatid. Samakatuwid, kapag ang isang salita ay may maraming
singkahulugan, ano ang dahilan kaya kung bakit isa sa mga ito ang piniling gamitin ng may-akda. Hinihingi
nito na ang mambabasa ay lubos niyang namamalayan ang lahat ng mga singkahulugan ng bawat
mahalagang terminong ginamit sa akda.

Ano ang nagagawa ng mga pangungusap at komposisyon sa pagiging abisa ng isang akdang pampanitikan?

Mga kasangkapan panretorika ay tumutukoy sa mga pamamaraan ng ginagamit ng akda upang


makamtan ang pinakamabisang epekto ng mga pangungusap at komposisyon at ang mga sangkap nito. Ito
ay may kinalaman sa kaayusan ng mga salita, o pagkakasunod-sunod ng mga elemento ng mga
pangungusap. Dito pumapasok ang mga uri ng pangungusap na tinatawag sa ingles na loose, balanced at
periodic sentences. Dito rin nauukol ang palindroma, klimatikong pagkakasunud-sunod ng mga salita, at iba
pang mga paraan na kalkuladong epektibong manipulasyon ng mga reaksyon ng mambabasa o
tagapakinig.

GEC3/GEC4: Sosyolidad at Literatura / Panitikang Panlipunan


Mga kasangkapan pansukat ang tawag sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo na ang tula,
upang bigyan ng angkop at kaaya-ayang daloy ang indayog ng mga salita at pangungusap kapag it0 ay
binibigkas. Karaniwang sa ating klase sa Filipino ang pagbibilang ng pantig. Sa Ingles ay naririyan ang
Iambic, trochee, anapest, atbp. Ngunit ang literature o oraturang Filipino lalo na ang panulaan ay
transisyunal na performing art kaya batay sa musika ang sukat at indayog ng marami sa ating mga tula.
Hindi binigyan ng mga sinaunang Pilipino ng mga pangalan ang mga sukat ng panulaan sa atin dahil hindi
nila ito ginamit. Ang mayroon sila ay di-mabilang na awitin na may likas ba regularidad na bunga ng tempo
ng pag-awit. Sa balagtasan ay dinig na dinig ang maindayog na sukat ng mga berso kapag ito ay binibigkas
nang wasto.

Ang tugma o rima ay maraming silbi, at isa rito ay bilang marker ng sukat dahil tuwing lumilitaw ang
tunog ng tugma ay dulo na ng isang berso.

Mga kasangkapang metaporikal ang mga ginamit na tayutay na nagpapayaman sa kabuluhan at


kahulugan ng akda. Dito kabilang ang mga simili, metapora, ironeya, alusyon, aliterasyon, asonasyon,
onomatopeya, anaphora, alegorya, analohiya, conceit, personipikasyon, apostropi, metonimi, sinekdoki,
depersonisasyon, hiperbola, atbp. May kinalaman din dito ang punto de vista at persona ng akda.

Tono ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto: matapat ba? Sarkastiko?
Nanunudyo? Sartiko ba? Parodya ba? Ito ang mga karaniwang sinasagot ng tono. Napakahalaga nito
sapagkat ang anumang pangungusap ay maaaring bumaligtad ang kahulugan kapag nagbago ang tono
nito. Lalong mahalaga ang wastong pag-intindi sa tono kapag binibigkas ang literature sapagkat punto at
ekspresyon ng tinig ang nagdadala ng tono.

Istruktura. Binibigyang halaga ang pangkalahatang kaayusan at pagkakahanay ng mga bahagi ng


isang akda.

Sa dulaang klasiko, ito ay lumalabas sa anyong:

1. Eksposisyon
2. Kumplikasyon at
3. Resolusyon

Ito ang tinatawag ni Aristoteles na simula, gitna at wakas. Mayroon ding mga istrukturang de kahon.
Ito ay may pormulang ginagamit lalo na sa mga akdang pasalaysay. Halimbawa, ang klasikong pormula ng
kuwentong romantiko: pag-ibig, paghihiwalay, pakikipagsapalaran, at reunyon. Ito ang buod ng kuwento
ni Romeo and Juliet (Shakespear), ng Evangeline, ng Ninay (ni Pedro Paterno), ng Tristan and Iseult, ng
Noli Me Tangere, atbp. Di mabilang ang maaaring likhaing kuwento sa hulma ng pormulang ito sapagkat
istrukturang de kahon ito. Sa mga soneto, lalo na sa Kanluran, mayroong mga istrukturang masasalamin sa
pagkakapangkat ng tugma tulad ng octavo, sestina, kung saan ang sestina ay binubuo ng kwatrina at
kopla. Hindi ito problema sa mga katutubong tulang Filipino.

Sa mga akdang pasalaysay, dapat pansinin ang tinatawag na kaigtingan ng aksyon o klaymaks
sapagkat dito nagwawakas ang kumplikasyon ng aksyon at unang sandal tungo sa resolusyon maging ito
man ay pangkomedya o pangtrahedya. Ang klaymaks ay bahagi ng istruktura, at hindi palaging kasabay ito
ng pinakasukdulang emosyonal ng aksyon.

Mahalagang konsiderasyon sa pagtingin sa istruktura ang gamit nito bilang kasangkapan sa


pagbibigay diin. Ang pangwakas na bahagi at pananalita ng anumang akda ay dapat bigyan ng sapat na
pagpapahalaga at interpretasyon sapagkat ito ang dulong istruktural na karaniwang nagbibigay-liwanag sa
kabuluhan ng klaymaks ng aksyon. Madalas na nag-iiwan ng memorableng salita ang akda sa wakas nito.

Ilan sa mga anyo ng literatura na lumaganap sa panahon bago dumating ang mga Kastila:

Mga Karunungang-Bayan
1. Salawikain

GEC3/GEC4: Sosyolidad at Literatura / Panitikang Panlipunan


Ang salawikain ay butil ng mga kaisipan na ang layunin ay maka-pagbigay ng mabubuting payo
hinggil sa kagandahang asal. Nagtataglay ang salawikain ng malalim na kahulugan, panuntunan at batas ng
buhay na gumagabay sa tao tungo sa isang matuwid na pamumuhay.

2. Sawikain
Ito'y mga kasabihang walang natatagong kahulugan.

3. Kasabihan
Itinuturing ding karunungang bayan ang kasabihan na ang layon ay mailarawan ang gawi, kilos at
ugali ng tao. Binubuo ito ng dalawang taludturan na may tugma at sukat.

4. Bugtong
Ang bugtong ay karaniwang ginagawang laro noon at pampalipas-oras sa mga tindahan, pondahan,
lamayan ng patay at iba pang mga okasyon. Tulad ng salawikain ito'y karaniwang nagtataglay ng dalawang
taludturan na may tugma at sukat. Malim at nagbibigay-palaisipan sapagkat di-tuwiran ang paghahalintulad
nito sa mga bagay sa kapaligiran.

Mga Awiting Bayan


Ang mga unang awiting bayan ay hindi na matunton kung sino ang kumatha. Ang mga awiting bayan
ang naging batis ng inpirasyon ng ating mga ninuo sa kanilang mga pang-araw-araw na buhay at gawain.

PAGSASANAY

Panuto: Ilagay ang kasagutan sa long coupon band lamang.

Isulat ang iyong pangalan at kurso, at ang petsa ng pagsumite.

[Ang pagsusumite ng kasagutan ay sa Abril 7, 2021.]

Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang ibig ipakahulugan ng sumusunod na pahayag na hinango sa isang
artikulong sinulat ng Pambansang Alagad ng Sining na si Amado V. Hernadez

“… sa anu’t anuman, ang lalong dakilang katha sa panitikan ng Pilipinas, maging tula man o tuluyan, ay
susulatin ng isang Pilipino sa wikang pambansa. Ito ay walang alinlangan!”

PAGPUPUNTOS SA GAWAIN

Pamantayan Puntos

Diwa o kaisipan 40%

Pagpapalutang ng ideya 25%

Gramatika 25%

Pagsumite sa takdang oras/araw 10%

Kabuuan 100%

GEC3/GEC4: Sosyolidad at Literatura / Panitikang Panlipunan

You might also like