You are on page 1of 9

CODE NO.

PAGBABASA AT
PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
2ND SEMESTER (3RD QUARTER)-WEEK 2

RAFAEL JAPHET CASTILLO


GRADE 11 KEYNES
(2) TEKSTONG IMPORMATIBO
Sa ngayon, ang World Health Organization ay nagpapahayag ng
katayuan ng pandemya para sa COVID-19, at bagaman sa kasalukuyan
ay nasa Quebec ang pagkalat nito ay kontrolado, sa mga darating na
linggo ay nangangako na hindi magiging kritikal at magiging kontrolado
ang pagbagsak, at ginagawa ng ating gobyerno ang lahat ng mga
kinakailangang hakbang, siyentipiko at sosyal, upang tumugon nang
mabilis at mahusay.
Ano ang mga sintomas ng COVID-19?
Ang mga sintomas ay maihahambing sa mga pana-panahong trangkaso o
isang sipon. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng :
• isang biglaang lagnat
• ubo
• pagkapagod
• pagkawala ng panlasa
• at hirap sa paghinga
(2) TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang aking ginawang travel brochure ay naglalaman ng mga ilan sa magagandang tanawin
sa Pilipinas. Isa sa Luzon, sa Visayas, at Mindanao.

Ang aking nilagay na magandang tanawin sa Luzon ay ang Banaue Rice Terraces.
Sapagkat ito ay maganda at nakakamangha tignan at isipin kung paano ito nagawa noong
sinaunang panahon na walang gamit na mga makinarya o mga kagamitan. At ito rin ay
nagpapakita ng pagiging malikhain ng mga Pilipino sapagkat naisipan nila gawing
bahagdan ang mga bundok para lamang ito ay magamit nila at maging palayan at taniman.
Ito rin ay nagpapakita ng pagiging matiyaga dahil nagawa nilang bahagdan ang bundok ng
walang tulong ng mga makinarya at kagamitan.

Ang akin namang nilagay sa Visayas ay ang sikat na Chocolate hills. Ito naman ay
maganda at nakakamangha rin tignan na dahil kapag tuyo ang panahon ay nagiging kulay
tsokolate ang mga nasabing burol kaya ito’y tinawag na chocolate hills. At dahil ito’y
nagmukhang kisses na chocolate. At kapag maulan naman ang panahon, ang kulay ng mga
burol ay nagiging green at nagiging normal na burol. Ito ay nagpapakita kung gaano ka
malikhain ang mga utak at isipan ng mga Pilipino sapagkat nasabi nila na mukha nga
itong tsokolate.

Ang nilagay ko naman sa Mindanao ay ang Mt. Apo. Ito ay ang tinaguriang pinakamataas
na bundok sa Pilipinas na may taas na 2,964m. Ito ay nakakamangha dahil kahit mataas
ito, ito ang mga pangarap akyatin ng mga mahilig umakyat ng bundok. At nagpapakita ito
ng pagiging malakas ang loob at adventurous. Dahil ito ay nagpapakita na kahit gaano ito
kataas ay kinahihiligan parin ito akyatin ng mga Pilipinong mountain climber.

(3) TEKSTONG NARATIBO


Naging mahirap ang naging karanasan ko
ngayong pandemya dahil sa sakit na COVID-19. Sa kabila
ng pandemyang ito ay nagsisikap pa rin ang aking mga
magulang upang maitaguyod kami at may maipanggastos sa
araw-araw. Sa tuwing lumalabas ng hahay kailangan
magsuot ng facemask at palaging may distansiya sa aking
kapwa upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at
mapanatiling ligtas ang sarili at ang pamilya. Medyo
mahirap ang ginagawa namin ngayon sa pag-aaral dahil sa
minsan nahihirapan na talaga pero tuloy pa rin tinatapos ko
ang aking nga aralin. Sa kabila ng, pandemyang ito ay
nakikita kong patuloy na naghahanap ng solusyon ang ating
presidente, kasama ang nga iba pang frontliners. Ang
karanasan ko at nating lahat ay mahirap sobrang nakaka
panibago na isang iglap dina natin magagawa yong
nakasanayan natin. Isang iglap hindi na tayo naging malaya
lahat ng gagawin natin may limitasyon. Nag iingat ako sa
covid sa pamamagitan ng pag-sunod sa protocol. pag lagay
ng alcohol sa kamay , wag pumunta sa crowded na places
pag gamit ng face mask and face shield.
(4) TEKSTONG PROSIDYURAL

Paraan upang makaiwas sa COVID19


1. Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon sa
dumadaloy na tubig
2.Palaging  maglagay ng alcohol at mga hand sanitizer sa
kamay kapag humawak ng mga bahay na palaging
nagagamit ng marami.
3. Magsuot ng mask
4. Laging magkaroon ng isang metrong layo mula sa
kausap o katabi.
5. Linisin ang paligid, i disinfect ang mga doorknobs at
ang mga pagdadaanan ng tao.
(5) TEKSTONG PERSUWEYIB
Para sa akin, pumipili ng tamang taong iboboto ang masa dahil
ang tamang tao para sa kanila ay ang may kakayahang ibsan ang
kanilang kumakalam na sikmura at maibigay, kahit na
panandalian, ang kanilang pangangailangan para sa araw-araw.
Bagkus, ang dapat itanong ay hindi patungkol sa kung maliit ba
ang kanilang kakayahan, kundi malaya nga ba talaga silang
nakakapili ng iboboto? Hangga't sila ay nakagapos sa tanikala
ng kahirapan, ang sagot ay hindi.
Ano na ang dapat nating gawin para maging malaya ang
pagboto? Ito ay nangangailangan ng matagalang solusyon.
Pangunahin dito ang kolektibong pagtugon sa pangangailangan
ng mga tao upang mabuhay nang may dangal. Bahagi rito ang
pagkakaroon ng mga basic services mula sa pamahalaan at
lipunan. Kailangan din ng kolektibong partisipasyon para sa
malinis, tapat, at huwarang pamahahala dahil hindi nagtatapos
ang katungkulan natin sa pagboto. Panghuli, kakailanganin ng
kolektibong pagmamanman at regulasyon sa galaw ng mga
dambuhalang korporasyon upang masupil ang kanilang
pagkahumaling sa ganansiya. 
(6) TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Apat na taon na ang lumipas mula nang iimplementa ang K-12 kurikulum sa
Pilipinas at samutsaring isyu pa din ang patuloy na umuusbong mula sa iba't ibang
boses ng tao. Ito ay sumasakop sa labing-dalwang taong pag-aaral na isinabatas
ng Republic Act No. 10533, na kilala sa titulong  “Enhanced Basic
Education Act of 2013”, na isinabatas ni dating Pangulong Aquino noong taong
2013. Layunin nitong mabigyan ng sapat na pag-aaral ang mga Pilipino na gaya sa
ibang bansa, kung saan may matibay na kompetensiya at kakayahan sa trabaho na
pinanghahawakan.   Bilang isang Senior High School na mag-aaral, sang-ayon ako
sa pag-iimplementa ng "Enhanced Basic Education Act of 2013" o K-12
Curriculum. Sa pagpapatupad nito, mas nagiging handa ang mga estudyante sa
pagsabak sa trabaho o sa reyalidad ng buhay. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang
isang mag-aaral ng Senior High School ay puno ng mga gawaing hindi lamang sa
pang-intelektwal bagkos ay maging sa emosyonal at kakayahang hinuhubog ng
mga aktibidad na iginagawad ng departyamento ng edukasyon. Isang haliimbawa
nito ay ang pagkakaroon ng "Working Immersion" na isa sa mga requirements
bago magtapos. Dagdag pa sa kagandahan ng programang ito ay ang pagkakaroon
ng trabaho pagkatapos ng K-12 dahil isinaad ng DEPED na ang kurikulum na ito
ay isang mataas na pribelehiyo ng edukasyon kahit na mapaibayong-dagat pa
man.   Marami man ang nagsasabi na pabigat lamang ang K-12 dahil sa dagdag na
dalawang taon nito.Ayon kay ANAKBAYAN UP LOS BANOS (2012), na
nakakukuha pa rin ng mataas na marka ang mga bansa na may 10 taon na batayang
edukasyon, ang K-12 din daw ay disenyo upang mapagsilbihan ang mga dayuhang
mamumuhunan sa bansa at hinihikayat nito ang mga kabataan na mangibang bansa
imbis na maglingkod sa sariling bayan. Ayon din dito na kulang ang DepEd sa
preparasyon sa pagpatutupad nito.

You might also like