You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10


Yunit 2
Aralin 7
Ang Mahika sa Kanluran

Tema:
Ang Ambag ng Panitikang Kanluran
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa kanlurang
bahagi ng daigdig
Pamantayan sa Pagganap: 
Nailalathala ang sariling akda sa hatirang pangmadla (social media.

Paksang Aralin
     Panitikan: "Ang Matanda at ang Dagat" (Bahagi ng "The Old Man and the Sea," isang nobela mula sa Estados
Unidos) 
     Gramatika: Panunuring Pampanitikan

Mga Layunin
Nakagagamit ng angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o panunuring
pampanitikan
Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng nobela
Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita na ginamit sa panunuring pampanitikan
Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw-realismo
Naisasalaysay ang mga tunggalian sa pagitan ng mga tauhan batay sa kanilang pananalita

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 111–124
larawan ng mangingisda o ng seaman

Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong 
Ano ang kaibahan ng nobela sa iba pang akdang pampanitikan batay sa elementong taglay nito?
Ano-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa isang suring-basa o panunuring pampanitikan?

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan
sa takdang-aralin.
2. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa nobela bilang isang akdang pampanitikan.
Pagpapayaman ng Talasalitaan

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 118 at 119 ng batayang aklat. Tumawag ng ilang estudyante upang
ibahagi sa klase ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 112 ng batayang aklat. Ipasagot
din ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang tekstong “Ang Matanda at ang Dagat” (bahagi ng nobelang "The Old Man and the Sea") sa
mga pahina 112 hanggang 118. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 119. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Bakit mahalaga ang tunggalian sa isang akdang pampanitikan?
b. Ano ang kaibahan ng nobela sa iba pang akdang pampanitikan batay sa elementong taglay nito?
4. Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 113.
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Mahalaga ang tunggalian sa isang akdang pampanitikan tulad ng nobela dahil ito ang nagbibigay-linaw sa
akda at dito rin makikita ang suliranin na nais ipabatid ng may-akda. Ipinakikita rin dito ang puwersang dapat
harapin ng tauhan sa akda.
b. Ang nobela ay nahahati sa kabanata, samantala ang ibang akdang pampanitikan ay tuluyang sanaysay.
Ang nobela rin ang madalas na ginagawang pelikula kung ihahambing sa iba pang akdang pampanitikan.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 120 ng batayang aklat.
Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa panunuring pampanitikan; ipabasa ang nakasaad sa
mga pahina 121 at 122 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Ano-ano ang angkop at mabisang pahayag na magagamit sa suring-basa o panunuring
pampanitikan?

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang tula sa Alamin Natin sa mga pahina 120 at 121 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na
kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa panunuring pampanitikan ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina
121 at 122.
3. Ipaisa-isa ang kahalagahan ng panunuring pampanitikan at pag-usapan kung bakit mahalagang gamitin ito
nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang pag-alam sa mga elemento o salik sa pagsusuri ng isang suring-basa o panunuring pampanitikan ay
nakatutulong upang matiyak na maipaliliwanag nang mabuti ang mensaheng nais ipabot ng akda at mabibigyan ng
kahulugan ang mga ideya nito.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


b. May iba’t ibang salik na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan. Ilan rito ng
pagkilala sa awtor, genre, layunin, at paksang-diwa ng akda.

Pagsasanay at Paglalahat
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 123 ng batayang aklat. Ipabahagi sa
klase ang kanilang mga kasagutan.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 124 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang tulang "Ang Aking Pag-ibig" sa mga pahina 126 at 127 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Ano-anong kultura ng bansang kanluranin ang masasalamin sa tula?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa pag-ibig at humandang ibahagi ito sa
klase.

Karagdagang Pagsasanay
Magbigay ng mga isla ng Pilipinas na inaangkin ng Tsina. Alamin ang katangian ng mga islang ito. Isulat ito
sa loob ng mga kahon.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10


Yunit 2
Aralin 8
Kahulugan ng Pag-ibig
Tema:
Ang Ambag ng Panitikang Kanluran
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa kanlurang
bahagi ng daigdig
Pamantayan sa Pagganap: 
Nailalathala ang sariling akda sa hatirang pangmadla (social media.

Paksang Aralin
     Panitikan: "Ang Aking Pag-ibig" ("How Do I Love Thee?" Sonnet XLIII, isang tula mula sa Inglatera)
     Gramatika: Paggamit ng Tayutay sa Pagsulat ng Tula

Mga Layunin

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


Nakagagamit ng matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula
Nakasusulat ng sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
Nagagamit ang kasanayan at kakayahan sa malinaw at mabisang pagbigkas ng tula
Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula
Nasusuri ang mga elemento ng tula

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 125–134

Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Ano-anong kultura ng bansang kanluranin ang masasalamin sa tula?
Ano ang kahalagahan ng paggamit ng matatalinghagang pananalita sa pagbuo ng tula?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 128 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang
ibahagi ang kanilang mga kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 126 ng batayang aklat. Ipasagot
din ang mga katanungan na kasunod ng gawain. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang tulang “Ang Aking Pag-Ibig" sa mga pahina 126 at 127. Maaari itong ipabasa nang malakas at
may damdamin sa harap ng klase.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 128. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Ano-anong kultura ng bansang kanluranin ang masasalamin sa tula?
b. Bakit mahalaga ang akdang pampanitikan tulad ng tula sa pag-unawa sa kultura ng mga bansa sa
kanluranin?
4. Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 127.
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Makikita sa binasang tula ang kultura ng mga bansang kanluranin tulad ng pagmamahal sa kapuwa
at pananampalataya sa Diyos, gayundin ang kanilang mga tradisyon at gawi.
b. Ang akdang pampanitikan tulad ng tula ay naglalarawan ng damdamin, saloobin, at pananaw ng iba't ibang
lahi tulad ng mga bansa sa kanluranin. Ang paglalarawang ito ay makatutulong upang unawain ang kanilang
kultura. Dagdag pa rito, ang pagbabasa ng mga akdang tulad ng tula ay makatutulong upang mapalaganap ang
kanilang kultura.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 129 ng batayang aklat.  

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa paggamit ng tayutay; ipabasa ang nakasaad sa
mga pahina 131 at 132 ng batayang aklat.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


2. Ipasagot ang tanong: Ano ang kahalagahan ng paggamit ng matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng
tula? 

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan. 
2. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang tula sa Alamin Natin sa pahina 130 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod
nito.
2. Pag-usapan sa klase ang nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 131 at 132 tungkol sa paggamit ng
tayutay sa pagsulat ng tula.
3. Ipaisa-isa ang mga uri ng tayutay at talakayin ang kahalagahan ng wastong paggamit nito.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang pagtutulad, pagwawagis, personipikasyon, at pagmamalabis ay ilan sa mga uri ng tayutay na
maaaring gamitin sa pagsulat ng tula.
b. Mahalaga ang paggamit ng matatalinghagang pahayag sa pagbuo ng tula dahil ito ay nagbibigay-diin sa
mga kaisipan at damdamin ng may-akda sa isang masining na pamamaraan.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pahayag na ginamitan ng iba't
ibang uri ng tayutay.

Pagsasanay at Paglalahat
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 132 hanggang 134 ng batayang aklat. Ipabahagi
sa klase ang kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 134 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang talumpati sa mga pahina 137 at 138 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang kasanayan ng pagpapalawak ng pangungusap sa mabisang
pagpapahayag?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa refugees at humandang ibahagi ito sa
klase.

Karagdagang Pagsasanay

     Magbigay ng halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng iba't ibang uri ng tayutay.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10


Yunit 2
Aralin 9
Ang Halaga ng Sangkatauhan 
Tema:
Ang Ambag ng Panitikang Kanluran
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa kanlurang
bahagi ng daigdig
Pamantayan sa Pagganap: 
Nailalathala ang sariling akda sa hatirang pangmadla (social media.

Paksang Aralin
     Panitikan: "Talumpati sa Pagtanggap ng Nobel Prize para sa Literatura 2002" (Talumpati mula sa Hungary) 
     Gramatika: Pagpapalawak ng Pangungusap

Mga Layunin
Nasusuri ang kaisahan ng ideya sa pagpapalawak ng pangungusap
Nakasusulat ng isang talumpati tungkol sa isang kontrobersiyal na isyu
Naipahahayag nang may katalinuhan ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa paksa ng isang talumpati
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word association
Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng talumpati

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 135–149
larawan ng mga refugees

Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong 
Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa sangkatuhan?
Paano nakatutulong ang kasanayan ng pagpapalawak ng pangungusap sa mabisang pagpapahayag?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


      Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 138 at 139 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong
estudyante upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipasuri sa mga estudyante ang mga larawan sa panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina
136 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa
kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang “Talumpati sa Pagtanggap ng Nobel Prize para sa Literatura 2002" sa mga pahina 137
at 138. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik. Maaari ding ipabasa nang malakas at may
damdamin ang talumpati sa harap ng klase.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa mga pahina 139 at 140. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Paano ipinakita sa talumpati ang pagpapahalaga sa sangkatuhan?
b. Ano ang kahalagahan ng talumpati sa paglalatag ng mga isyung panlipunan?
4. Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa mga pahina 137 at 138.
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Mahalagang pangalagaan ang sangkatauhan dahil ito ang pangunahing nagbibigay-buhay sa bawat nilalang
dito sa daigdig, at kung hindi ito pangangalagaan, darating ang panahon na wala nang buhay na mananatili dito sa
sangkatauhan.
b. Mahalaga ang talumpati bilang daan sa paglalatag ng mga isyung panlipunan sa aktuwal na kalagayan at
konteksto nito. Hindi dapat matakot sa paglalatag ng katotohanan ng isang sitwasyon o pangyayari.

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 140 hanggang 143.  

Paglalahat
    Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa pagpapalawak ng pangungusap; ipabasa ang
nakasaad sa mga pahina 144 hanggang 147 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa mabisang
pagpapahayag? 

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang talata sa Alamin Natin sa pahina 144 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod
nito.
2. Talakayin ang nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 144 hanggang 147 tungkol sa pagpapalawak ng
pangungusap. Pag-usapan sa klase ang kahalagahan at wastong paggamit nito.
3. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang pangungusap ay maaaring mapalawak sa pamamagitan ng pagdaragdag dito ng maliliit na bahagi o
iba pang salita.
b. Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng paningit o ingklitik, mga
panuring, at kaganapan ng pandiwa.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


4. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pinalawak na pangungusap.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 147 at 148 ng batayang aklat.
2. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante at iproseso ang mga ito.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 149 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang mitong Ang Daigdig ng mga Nordiko sa mga pahina 151 at 152 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano naiiba ang mitolohiya ng mga Eskandinaba sa iba pang akdang pampanitikan?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa kababalaghan at humandang ibahagi
ito sa klase.
4.

Karagdagang Pagsasanay

    Magbasa ng isang talumpati na tumatalakay sa kasalukuyang isyung panlipunan. Suriin ito ayon sa
sumusunod na gabay.

Pamagat ng Talumpati:________________________________________________________________
May-akda ng Talumpati: _______________________________________________________________
Pinaglalaanan ng Talumpati : __________________________________________________________
Isyung Tinalakay sa Talumpati: __________________________________________________________
Personal na Reaksiyon sa Talumpati:
     a. _____________________________________________________________________________________
      b. _____________________________________________________________________________________
     c. _____________________________________________________________________________________

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10


Yunit 2
Aralin 10
Ang Daigdig ng Kababalaghan
Tema:
Ang Ambag ng Panitikang Kanluran
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa kanlurang
bahagi ng daigdig
Pamantayan sa Pagganap: 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


Nailalathala ang sariling akda sa hatirang pangmadla (social media.

Paksang Aralin
     Panitikan: Ang Daigdig ng mga Nordiko (halaw mula sa Mito ng mga Eskandinaba) 
     Gramatika:  Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon

Mga Layunin
Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon
Pasulat na naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan at pananw tungkol sa mitolohiya
Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
Nasusuri ang nilalaman, element at kakanyahan ng binasang mitolohiya

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 150–160
larawan ng mga anito

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano naiiba ang mitolohiya ng mga Eskandinaba sa iba pang bansa sa kanluranin?
Paano mabisang magagamit sa paghahambing ang mga pandiwa na ang pokus ay sa tagaganap o sa layon?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
    Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
    Ipasagot ang Talasik sa pahina 153 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang
ibahagi ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 151 ng batayang aklat. Ipasagot
ang katanungan na kasunod ng mga larawan. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang mitong Ang Daigdig ng mga Nordiko sa mga pahina 151 at 152. Magbigay ng sapat na oras
para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 154. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Paano naiiba ang mitolohiya ng mga Eskandinaba sa iba pang akdang pampanitikan?
b. Bakit mahalaga ang Edda sa mga taga-Europa?
4. Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 152.
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Hindi masyadong nagkakaiba ang mitolohiya ng mga Eskandinaba sa iba pang bansa sa kanluranin. Ang
kanilang mitolohiya ay naglalarawan ng pagbuo ng daigdig; naglalarawan din ito ng mga tauhan na may kakaibang
kapangyarihan. Maliban na lamang na ang matandang panitikan ng mga Eskandinaba ay may pangalan at tinatawag
na Edda.
b. Mahalaga ang Edda sa mga Eskandinaba dahil dito nakatala ang kanilang panitikan na naglalarawan ng
kanilang kultura.
Pagsasanay 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 154 hanggang 156 ng
batayang aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Pag-aralan ang pokus ng pandiwa, ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 157 at 158 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano mabisang nagagamit sa paghahambing ang mga pandiwa na ang pokus ay sa
tagaganap o sa layon?

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng ilang estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang talatang "Bahagi ng Kaligiring Pangkasaysayan ng Alamat" sa Alamin Natin sa mga pahina
156 at 157 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon, ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina
157 at 158 ng batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang kahalagahan ng pokus ng pandiwa at kung bakit mahalagang gamitin ito nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ang pandiwa ayon sa kaugnayan ng pandiwa sa posisyong pampaksa o
pansimuno ng pangungusap.
b. Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag nasa simuno o paksa ng pangungusap ang gumaganap sa
kilos.
c. Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan
ng alinman sa dalawang pokus ng pandiwa na tinalakay.

Pagsasanay at Paglalahat
        Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 158 at 159 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase
ang kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa mga pahina 159 at 160 ng batayang
aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang kuwentong "Ang Kuwento ng Suwail na Bata" sa mga pahina 162 hanggang 164 ng batayang
aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento ng Kanluran bilang akdang
pampanitikan?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa pagsisinungaling o pandaraya
at humandang ibahagi ito sa klase.

Karagdagang Pagsasanay

Panuto: Ibigay ang hinihingi ayon sa akdang binasa, “Ang Daigdig ng mga Nordiko.”

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


1.   Ang pinagmulan ng daigdig - __________________________________________________________
2.   Ang bilang ng daigdig ng mga Nors - ___________________________________________________
3.   Ang pumatay kay Ymir - ________________________________________________________________
4-5. Ang dalawang rehiyon ng Matandang Edda
     a. ______________________________________________________________________________________
     b. ______________________________________________________________________________________
6.   Dito makikita ang tahanan ng mga diyos - ______________________________________________
7-8. Ang paghahati ng Edda
     a.______________________________________________________________________________________
     b.______________________________________________________________________________________
 9. Ito ang mundo ng mga patay - _________________________________________________________
10. Ang tawag sa matandang panitikan ng mga Nors - _____________________________________

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10


Yunit 2
Aralin 11
Ang Kaakibat sa Pagkatuto
Tema:
Ang Ambag ng Panitikang Kanluran
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa kanlurang
bahagi ng daigdig
Pamantayan sa Pagganap: 
Nailalathala ang sariling akda sa hatirang pangmadla (social media.)

Paksang Aralin
     Panitikan: "Ang Kuwento ng Suwail na Bata" (Hango sa "The Story of the Bad Little Boy," isang maikling
kuwento mula sa Estados Unidos
    Gramatika: Pokus ng Pandiwa: Sanhi at Direksiyon

Mga Layunin
Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa-direksiyon at sanhi-sa pagsulat ng sariling kuwento
Nakasusulat ng sariling kuwento tungkol sa nangyayari sa kasalukuyan
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin kaugnay ng binasang kuwento
Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento
Naitatala ang mga salitang magkakatulad at may magkakaugnay na kahulugan
Nabibigyang-reaksiyon ang pagiging makatotohanan o di makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling
kuwento

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 161-170
larawan ng isang pamilya

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


Mahahalagang Tanong
Bakit mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento ng Kanluran bilang akdang pampanitikan?
Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pandiwa na ang pokus ay sa direksiyon at sanhi sa pagsulat ng
sariling kuwento?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 165 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang
ibahagi ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 162 ng batayang aklat. Ipasagot
ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang “Ang Kuwento ng Suwail na Bata" sa mga pahina 162 hanggang 164. Magbigay ng sapat na
oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa mga pahina 165 at 166. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Bakit mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento ng Kanluran bilang akdang pampanitikan?
b. Paano makatutulong ang maikling kuwento sa pag-unawa sa kultura ng mga taga-Kanluran?
4. Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 163.
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento ng Kanluran dahil ito ay nagbibigay ng mga impormasyon
at paglalarawan sa kanilang pang-araw-araw na buhay na makatutulong upang unawain ang mga mamamayan dito.
b. Nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento sa pag-unawa sa kultura ng mga
taga-Kanluran sa pamamagitan ng kanilang akda sa dahilan na ito ay nagiging daluyan ng paglalarawan ng kanilang
mga tradisyon, gawi, at kultura sa kabuuan.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 166 ng batayang aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang pokus ng pandiwa: sanhi at direksiyon; ipabasa ang
nakasaad sa mga pahina 167 at 168 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pandiwa na ang pokus ay sa direksiyon at
sanhi sa pagsulat ng sariling kuwento?
3.

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


1. Ipabasa ang talatang "Hibla ng Kinabukasan" sa Alamin Natin sa pahina 167 ng batayang aklat. Ipasagot
ang mga tanong na kasunod ng talata.
2. Talakayin ang pokus ng pandiwa: sanhi at direksiyon ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina
167 at 168 ng batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang kahalagahan ng pokus ng pandiwa sa sanhi at direksiyon at kung bakit mahalagang gamitin
ito nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang kaalaman sa pokus ng pandiwa ay nakatutulong sa maayos na pagpapahayag ng pangungusap sa
paggawa ng sariling maikling kuwento.
b. Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa o simuno ng pangungusap ay nagpapahayag ng
dahilan o sanhi ng kilos.
c. Ang pandiwa ay nakapokus sa direksiyon kung ang paksa ay nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng
pandiwa.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan
ng alinman sa mga pokus ng pandiwa na tinalakay.

Pagsasanay at Paglalahat
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 169 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 170 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang dulang "Sintahang Romeo at Juliet" sa mga pahina 172 hanggang 181 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Masasalamin ba ang kalagayang panlipunan at ang kasaysayan ng Inglatera sa
kanilang mga dula?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa tunay na pagmamahalan ng
magkasintahan at humandang ibahagi ito sa klase.
4.

Karagdagang Pagsasanay

Panuto: Sumulat ng isang panata tungkol sa pagsasabi ng katotohanan sa loob at labas ng paaralan. Gamitin
ang tinalakay na pokus ng pandiwa.

Ang Aking Panata


Ako, si ____________________________________________ ay nangangakong _________________________

_____________________________________________________________________________________________
________
_____________________________________________________________________________________________
________.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10
Yunit 2
Aralin 12
Ang Dula ng Buhay
Tema:
Ang Ambag ng Panitikang Kanluran
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa kanlurang
bahagi ng daigdig
Pamantayan sa Pagganap: 
Nailalathala ang sariling akda sa hatirang pangmadla (social media.)

Paksang Aralin
     Panitikan: "Ang Sintahang Romeo at Juliet" (Dula mula sa Inglatera)
     Gramatika: Pokus ng Pandiwa: Tagatanggap at Gamit

Mga Layunin
Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa-tagatanggap at gamit-sa pagsulat ng damdamin at saloobin
tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa
Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa
ibang bansa
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa isang pangkatang talakayan 
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (etimolohiya)
Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig
Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula sa napakinggang usapan ng mga tauhan

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 171-186
larawan ng magkasintahan

Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Masasalamin ba ng kalagayang panlipunan at kasaysayan ng Inglatera sa kanilang mga dula? Patunayan.
Paano nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (pinaglalaanan at kagamitan) sa pasulat na
pagpapahayag ng damdamin sa paghahambing ng sariling kultura at ng ibang bansa?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 181 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang
ibahagi ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 172 ng batayang aklat. Ipasagot
ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang dulang “Ang Sintahang Romeo at Juliet” sa mga pahina 172 hanggang 181. Magbigay ng sapat
na oras para sa pagbabasa nang tahimik.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 182. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Masasalamin ba ang kalagayang panlipunan at kasaysayan ng Inglatera sa kanilang mga dula?
b. Bakit mahalagang pag-aralan ang akdang pampanitikan tulad ng dula ng ibang bansa gaya ng Inglatera?
4. Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa mga pahina 172 at 173.
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Masasalamin sa mga akdang pampanitikan tulad ng dula ang kalagayan at kasaysayan ng isang bansa tulad
ng Inglatera. Inilalarawan dito ang mga tiyak na gawi, kilos, at pananaw ng mga mamamayan sa isang tiyak na
panahon sa pamamagitan ng mga tauhan na nagsisiganap sa isang dula.
b. Mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng ibang bansa tulad ng bansang Inglatera dahil ang
mga akdang pampanitikan na ito ay naglalarawan at tumatalakay sa aktuwal na kalagayan at kaganapan ng mga
mamamayan sa isang partikular na lugar at panahon na makatutulong upang unawain ang isang bansa.

Pagsasanay at Paglalahat
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 182 at 183 ng batayang
aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang pokus ng pandiwa: tagatanggap at gamit; ipabasa ang
nakasaad sa pahina 184 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (pinaglalaanan at kagamitan) sa
pasulat na pagpapahayag ng damdamin sa paghahambing ng sariling kultura ng ibang bansa?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang ilang berso mula sa Bibliya sa Alamin Natin sa pahina 183 ng batayang aklat. Ipasagot ang
mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang pokus ng pandiwa: tagatanggap at gamit ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 184
ng batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang kahalagahan ng pokus ng pandiwa na tagatanggap at gamit at kung bakit mahalagang gamitin
ito nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang kaalaman sa pokus ng pandiwa ay nakatutulong sa maayos na pagpapahayag ng sariling damdamin sa
paghahambing ng sariling kultura at ng ibang bansa.
b. Ang pandiwa ay nakapokus sa pinaglalaanan kung ang pinaglalaanan ng kilos ay ang paksa o simuno ng
pangungusap.
c. Ang pandiwa ay nakapokus sa gamit kung ang gamit ay nagsasaad ng kasangkapan o bagay na ginagamit
upang maisagawa ang kilos ng pandiwa.  
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan
ng alinman sa mga pokus ng pandiwa na tinalakay.

Pagsasanay at Paglalahat
    Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 184 at 185 ng batayang aklat. Ipabahagi sa
klase ang kasagutan ng mga estudyante.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 186 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
     Ipabasa ang Panapos na Gawain sa mga pahina 187 hanggang 194 ng batayang aklat.

Karagdagang Pagsasanay

 Panuto:  Tukuyin kung sino o ano ang inilalarawan sa bawat bilang.


1.   Ang manunulat sa Inglatera na sumulat ng "Romeo at Juliet" (William Shakespeare)
2.   Ang pokus ng pandiwa na gumagamit ng panlaping i  (tagatanggap)
3.   Ang berso sa Biblia na naglalarawan ng tunay na pagmamahal sa kapuwa (1 Corinto 13:4-7)
4-6. Ang iba’t ibang uri ng tunggalian (tauhan laban sa sarili, tauhan laban sa kalikasan, tauhan laban sa
panahon)
7.   Inilalarawan dito ang pag-uugali at ang papel na ginagampanan ng bawat tauhan (eksena)   
8.   Isang uri ng akdang pampanitikan na nahahati sa yugto (dula)
9.   Ang tawag sa pagsasalita nang mag-isa ng mga tauhan (soliloquy)
10.  Ang tawag kapag ang isang tauhan ay nagdidiyalogo sa harap ng manonood na tila ayaw iparinig sa iba
pang tauhan ang sinasabi (aside)
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Panapos na Gawain para sa Yunit 2


Tema:
Ang Ambag ng Panitikang Kanluran
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa kanlurang
bahagi ng daigdig
Pamantayan sa Pagganap: 
Nailalathala ang sariling akda sa hatirang pangmadla (social media.)

Paksang Aralin
     Ang Hatirang Pangmadla (Social Media)

Mga Layunin
Nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang organisado at makabuluhang
akda
Naisusulat ang sariling akda at nailalathala ito sa alin mang social media
Naibabahagi nang buong sigla ang inilathalang sariling akda
Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social media
Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet tulad ng FB, email at
iba pa.)
Matalinong nakikinig upang makalahok sa mapanuring talakayan sa klase.

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 187-196
computer
teksto na may kinalaman bubuuing blog

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


Bilang ng Sesyon: 7 (isang oras sa bawat sesyon)

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Magkaroon ng pagbabalik-aral sa mga natutuhan sa yunit 2 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
estudyante ng isa o dalawang parirala o pangungusap na maglalagom ng kanilang pagkatuto.
2. Tumawag ng tatlo hanggang pitong mga estudyante upang ibahagi ito sa klase.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipasagot ang gawain sa Talasik sa pahina 190 ng batayang aklat. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa
kasagutan ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa pahina 187 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga katanungan na
kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang tekstong "Ang Hatirang Pangmadla" sa Pagtalakay sa mga pahina 188 at 189. Maglaan ng
sapat na oras para sa pagbasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa paksa. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 190 ng batayang aklat. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Bakit mahalaga ang social media sa pagpapalaganap ng kultura ng Kanluran?
b. Paano makatutulong ang social media sa pagpapalaganap ng kultura at mga akdang pampanitikan ng mga
bansa sa Kanluran?
4. Ipasulat sa pisara ang mahahalagang konsepto na nabuo mula sa talakayan. Lagumin ang mga konseptong
nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konseptong nabuo tulad ng:
a. Mahalaga ang social media sa pagpapalaganap ng kultura ng Kanluran dahil dito naipaliliwanag nang husto
at tama ang mga impormasyon. Dito din naipakikita sa mas maraming tao ang kultura ng anumang bansa sa
Kanluran nang mas mabilis.
b. Malaki ang maitutulong ng social media sa mas mabilis na pagpapalaganap ng kultura ng mga bansa sa
Kanluran. Ang iba’t ibang kulturang ito ay maihahatid o mailalarawan sa masining na pamamaraan gamit ang iba’t
ibang anyo ng social media.

Pagsasanay at Paglalahat
     Ipagawa ang mga gawain sa Masusing Gampanan sa mga pahina 190 hanggang 192 ng batayang aklat. 

Integrasyon sa Pagsasagawa ng Proyekto

Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Tumawag ng isa hanggang tatlong estudyante upang ipahayag ang kanilang natutuhan sa nakaraang aralin.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang nakasaad sa Proyekto sa pahina 192 bilang paghahanda sa paggawa ng proyektong
magsisilbing integrasyon ng mga natutuhan sa yunit 2.
2. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Tiyakin na ang bawat kasapi ng pangkat ay may kani-kaniyang gawain.
3. Linawin sa mga estudyante ang inaasahan sa kanila. Ipaliwanag sa kanila ang rubrik sa mga pahina 193 at
194 na magiging pamantayan sa pagtatasa sa mabubuo nilang blog.
4. Ipagawa ang proyekto. Bigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante sa paghahanda ng kanilang mga
akdang isasama sa blog.
5. Ipatanghal ang nabuong blog na ilulunsad sa social media.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang Pagtatapos ng Yunit, titik A, Mga sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buong Yunit 2, pahina
194 ng batayang aklat.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019


2. Magkaroon ng Pangwakas na Pagsusulit para sa Yunit. Idikta sa mga estudyante ang mga katanungan
sa Panimulang Pagtataya ng Yunit 2.
3. Ipagawa rin ang pagsasanay sa titik C, Mahahalagang Konsepto, sa pahina 196 sa batayang aklat. Sabihin
na ang iskor sa kanilang pagsusulit ay itatala ng guro. 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 2 FSSaladino2019

You might also like