You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Yunit 3 
Panitikan: Yaman ng Kanlurang Asya
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang
Asya

Pamantayan sa Pagganap: Masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang
Asyano

Pangkalahatang Layunin ng Yunit 3


Nakapaglalarawan, nakapaghahambing, at nakapagsusuri ng iba’t ibang anyo ng panitikan mula sa mga bansa sa Kanlurang
Asya
Napahahalagahan ang pagiging Asyano sa pamamagitan ng pag-alam sa iba’t ibang tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng
mga Asyano sa Kanlurang Asya
Nakapagsasaliksik ng mga bagong kaalaman kaugnay ng mga paksang tatalakayin sa klase
Nagagamit ang iba’t ibang aralin sa gramatika sa mabisang pagsasalita at pagsulat
Nakapagtatanghal nang masining tungkol sa kulturang Asyano batay sa nasaliksik at napiling akdang pampanitikang
Asyano

Panimula
     Ang Yunit 3: Panitikan: Yaman ng Kanlurang Asya ay kinapapalooban ng mga akdang pampanitikan mula sa Kanlurang
Asya, kabilang ang mga akda mula sa Iran at Iraq at panitikan ng mga Arabe, Hudyo, at Muslim. Inaasahan na maipamamalas ng
mga estudyante ang kanilang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang ito, gayundin sa kultura, tradisyon, at kaugalian ng
mga Asyano sa Kanlurang Asya. 
     Sa yunit ding ito pag-aaralan ng mga estudyante ang iba't ibang kasanayang pangwika na magagamit nila sa mabisang
pakikipagtalastasan at pagpapahayag. Inaasahan na sa tulong ng mga pag-aaralang akda at mga aralin sa gramatika, masining na
makapagtatanghal ang mga estudyante tungkol sa kulturang Asyano. 

Mahahalagang Tanong Para sa Yunit 3


Paano ipinakikita sa panitikan ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang kultura ng mga ito?
Paano mabisang magagamit ang mga pang-uri, pang-ugnay, pang-abay, at matatalinghagang pahayag sa isang masining na
pagtatanghal?

Layunin Para sa Panimulang Pagtataya


Natutukoy ang dating kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng panimulang pagtataya
Naiisa-isa ang mga kaalaman at kasanayan na dapat na palalimin at palawakin
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Sabihin sa mga estudyante na may sasagutan silang pagtataya. Ipaliwanag sa kanila na layunin nitong malaman ang
kanilang dating kaalaman at kasanayan, gayundin ang mga konseptong hindi pa nila alam.
2. Ipaalam din sa kanila na ang iskor na makukuha sa pagtataya ay magsisilbi lamang gabay ng guro at hindi isasama sa
pagmamarka.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Pasagutan sa mga estudyante ang Panimulang Pagtataya para sa Yunit sa mga pahina 170 hanggang 173 ng batayang
aklat. Bigyan sila ng sapat na oras sa pagsagot.
2. Sabihin sa mga estudyante na magpalitan ng aklat upang iwasto ang kanilang mga sagot. Mas mabuti kung malalaman
ang bilang ng mga estudyante na nakakuha ng tamang sagot sa bawat aytem. Sa ganitong paraan, mas mabibigyan ng pansin at
pagsasanay ang mga konsepto na hindi nila lubos na nauunawaan at mga konseptong hindi pa nila alam. 

Pagbubuod
1. Itanong sa mga estudyante ang kanilang natuklasan sa kanilang sarili, kaugnay ng kanilang kaalaman at kasanayan,
matapos masagutan ang pagtataya.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang magbahagi ng sagot. 

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 13
Wastong Kahatulan

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang


Asya

Pamantayan sa Pagganap: Masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang
Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: "Mula sa Gulistan ni Sa’di" (Parabula mula sa Iran)
     Gramatika: Matatalinghagang Pahayag: Ano ang Gamit?

Layunin
Nasusuri at napatutunayang ang mga pangyayari sa parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay
Nakapagmamasid nang mabuti sa nangyayari sa lipunan
Nakapagsasadula ng nabuong orihinal na parabula

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 174–184
balita mula sa pahayagan

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano naiiba ang parabula sa ibang akdang pampanitikan?
Ano-anong uri ng tayutay ang magagamit upang maging masining at makahulugan ang mga paglalarawan at iba pang
pagpapahayag? 

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Magsagawa ng balitaan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya sa bansa.
2. Ipabasa sa mga estudyante ang teksto sa pahina 175 at ipasagot sa pasalitang paraan ang dalawang tanong na kasunod
nito.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipasagot ang nakasaad sa Talasik sa pahina 177 tungkol sa pagbibigay ng kahulugan sa mga pahayag. Magkaroon ng
pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga kahulugang ibinigay.  

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang parabulang "Mula sa Gulistan ni Sa'di" sa mga pahina 176 at 177.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang parabula. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-
isipan sa pahina 178. Idagdag sa talakayan ang tanong na "Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo habang binabasa ang
parabula?"

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 178 at 179. Talakayin ang mga sagot sa gawain A.
2. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng parabulang isusulat ng mga estudyante sa gawain B.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


3.  Markahan ang pagsasadulang gagawin ng mga estudyante sa gawain C gamit ang sumusunod na pamantayan.

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
Ipabasa ang aralin tungkol sa matatalinghagang pahayag sa mga pahina 179 hanggang 181.

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itanong sa mga estudyante, "Ano ang parabula? Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba nito sa ibang akdang
pampanitikan?
2. Magkaroon ng maikling talakayan sa mga sagot ng mga estudyante. 

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang talata sa Alamin Natin sa pahina 179. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro
gamit ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa matatalinghagang pahayag at sa gamit ng mga ito ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa
mga pahina 179 hanggang 181. 
3. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang mga tayutay. Hayaan silang magbigay ng sariling pangungusap gamit ang iba’t ibang
uri ng tayutay. Pag-usapan din sa klase ang tungkol sa idyoma ayon sa nakasaad sa Tandaan sa pahina 181.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 182 at 183. Iwasto ang mga sagot sa mga gawain A at B.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


2. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng talatang isusulat sa gawain C.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa mga pahina 183 at 184.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase. 

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang awit at ang elehiya sa mga pahina 185 at 186.
2. Ipasaliksik sa mga estudyante ang kahulugan at halimbawa ng elehiya at kultura sa Iraq.

Karagdagang Pagsasanay

Iparinig sa mga mag-aaral ang alinman sa sumusunod na mga awit. Ipatukoy sa kanila ang mga ginamit na tayutay sa awit.
 "Sirena" ni Gloc-9 mula sa www.youtube.com/watch?v=3nKmv5oDzBw
 "Ikaw" ni Yeng Constantino mula sa www.youtube.com/watch?v=b00C1HkgMx4
 "Isang Lahi" ni Regine Velasquez mula sa www.youtube.com/watch?v=j79ZKlriR7U 

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 14
Halaga ng Tao
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang
Asya

Pamantayan sa Pagganap: Masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang
Asyano

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: "Elehiya para sa Isang Babaeng Walang Halaga" (Elehiya mula sa Iraq) 
     Gramatika: Paggamit ng Angkop na mga Pang-uri sa Pagpapasidhi ng Ipinahahayag na Damdamin

Layunin
Nasusuri ang elehiya batay sa mga elemento nito
Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga taong namayapa na sa pamamagitan ng elehiya
Nakasusulat ng elehiya na may angkop na pang-uri

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 185–193
recording ng awit na "Hindi Kita Malilimutan" 
music player/speaker

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano naipababatid ang damdamin para sa isang taong namayapa na sa pamamagitan ng isang akda?
Paano maipahahayag ang masidhing damdamin sa paglalarawan? 

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
1. Iparinig sa klase ang awit na "Hindi Kita Malilimutan" ni Basil Valdez. Maaari ding ipanood ang video nito mula
sa www.youtube.com/watch?v=0H8AD0bum3c o ibang katulad na sanggunian. Hikayatin ang mga estudyante na sabayan ang
awit. Ang liriko nito ay makikita sa pahina 186 ng batayang aklat.
2. Ipasagot nang pasalita ang dalawang tanong sa pahina 186.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipagawa ang nakasaad sa Talasik sa pahina 187 tungkol sa pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang may natatagong
kahulugan.
2. Magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa kahulugang ibinigay at ipabahagi ang kanilang naging batayan sa
pagbibigay ng gayong kahulugan.  

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang elehiya sa mga pahina 186 at 187.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasa. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa pahina
187. Idagdag sa talakayan ang sumusunod na mga tanong:
a. Bakit sinabing ang elehiya ay para sa babaeng walang halaga?
b. Ano ang kaugnayan nito sa kultura sa Iraq?

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 188 at 189. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa
pagmamarka ng elehiya na isusulat ng mga estudyante sa gawain C.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
     Ipabasa ang sanaysay at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 189 hanggang 191.

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itanong sa mga estudyante: Anong paraan ng kamatayan ang itinuturing mong walang saysay? Bakit?

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang sanaysay na "Kamatayang Walang Saysay" sa Alamin Natin sa mga pahina 189 at 190.
Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol dito gamit ang mga tanong sa pahina 190.
2. Talakayin ang paggamit ng angkop na mga pang-uri sa pagpapasidhi ng ipinahahayag na damdamin. Sumangguni
sa Talakayin Natin sa mga pahina 190 at 191. Hayaan ang mga estudyante na magbigay ng sariling halimbawa kaugnay
ng paksa.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 192 at 193. Iproseso ang mga sagot
sa mga gawain A at B.

2. Para sa gawain C, pumili ng ilang estudyante na magbabasa ng kanilang isinulat na elehiya sa harap ng klase. Gamitin
ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng elehiya na kanilang isusulat.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 193.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.

Takdang-aralin
     Ipabasa ang kuwentong "Ang Pagkain sa Paraiso" sa mga pahina 195 hanggang 199.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 15
Pagsasabuhay ng Pananampalataya
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang
Asya

Pamantayan sa Pagganap: Masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang
Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: "Ang Pagkain sa Paraiso" (Maikling kuwento mula sa Panitikang Arabe)
     Gramatika: Pagbubuod

Layunin
Napatutunayang ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap sa tauhan ay maaaring mangyari sa totoong
buhay
Naiuugnay ang anumang babasahin sa nagaganap sa paligid
Nasusuri at naipaliliwanag ang mga katangian ng binasang kuwento na may uring pangkatauhan batay sa pagkakabuo
nito
Nakasusulat ng buod ng sanaysay at pelikula

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 194-204

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Sinasalamin ba ng mga nararanasan ng mga tauhan sa maiikling kuwento ang mga karanasan ng mga tao sa totoong
buhay?
Paano makabubuo ng buod ng isang teksto o akda?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Itanong sa mga estudyante: Paano ninyo ilalarawan ang pag-uugali ng inyong henerasyon? Ano-ano ang inyong
pinaniniwalaan na iba sa mga paniniwala ng mga nauna sa inyo?
2. Pasagutan sa kanila ang mga tanong sa pahina 195 ng batayang aklat. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang
kanilang sagot. 

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 200 tungkol sa etimolohiya ng mga salita. Iproseso ang mga sagot. 

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang maikling kuwentong "Ang Pagkain sa Paraiso" sa mga pahina 195 hanggang 199.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang kuwento. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-
isipan sa pahina 200.

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 200 at 201. Tumawag ng ilang estudyante upang
ibahagi sa klase ang kanilang sagot sa gawain A.
2. Gamitin ang sumusunod na checklist sa pagtataya ng bagong bersiyon ng kuwento na gagawin ng mga estudyante sa
gawain B.
__________ Malinaw ang pagbabagong naganap sa pangyayari.
__________ May lohika ang ginawang pagbabago sa pangyayari.
__________ May binagong katangian ng pangunahing tauhan.
__________ Ang pagbabago sa katangian ng tauhan ay angkop sa pangyayari.
__________ Maayos na nailahad ang sariling bersiyon ng kuwento.
3. Gamitin ang sumusunod na checklist sa pagtataya ng dulang ipapakita ng mga estudyante sa gawain C.
__________ Ang piniling teleserye ay kasalukuyang ipinapalabas.
__________ Ang mga diyalogo ay kakikitaan ng tunggaliang tao laban sa tao.
__________ Ang mga diyalogo ay kakikitaan ng tunggaliang tao laban sa sarili.
__________ Madaling maunawaan ang pagpapalitan ng mga diyalogo.
__________ Malakas ang tinig ng mga kalahok sa dula. 

Paglalahat

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
     Ipabasa sa mga estudyante ang buod ng isang kuwento at ang aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 201 at
202.

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itanong sa mga estudyante ang sumusunod: 
a. Ano-anong pagbabago ang nangyayari sa ating paligid?
b. Paano ito nakaaapekto sa buhay ng tao?

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang buod ng kuwentong "Langaw sa Isang Basong Gatas" sa Alamin Natin sa mga pahina 201
at 202. Pagkatapos, pasagutan ang dalawang tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang paraan ng pagbubuod ng teksto. 

Pagsasanay at Paglalahat
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 203 at 204. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa
pagmamarka ng mga buod na isusulat ng mga estudyante sa mga gawain B at C.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 204.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Aralin 16
Pagkakaibigang Tunay
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang
Asya

Pamantayan sa Pagganap: Masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang
Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: "Ang Away ng Pusa at ng Aso" (Alamat mula sa Panitikang Hudyo)
     Gramatika: Mga Pang-abay na Pamanahon, Panlunan, at Pamaraan

Layunin
Napatutunayan ang pagiging makatotohanan o hindi ng alamat
Napahahalagahan ang alamat bilang bahagi ng kultura ng isang bansa
Naitatanghal sa isang pagbabalita ang nabuong sariling wakas ng alamat 

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 205–217

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Makatotohanan ba ang mga alamat? Ano ang halaga ng mga alamat sa mga bumabasa o nakikinig sa mga ito?
Paano ginagamit ang iba’t ibang uri ng pang-abay sa pagsasalaysay?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Ipasuri sa mga estudyante ang mga idyoma sa pahina 206 ng batayang aklat at pasagutan ang mga tanong na kasunod
nito. 
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang sagot.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipasagot ang Talasik sa pahina 210. Tumawag ng ilang estudyante upang ipaliwanag ang pagbabagong naganap sa mga salita
dahil sa paglalapi.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang alamat na "Ang Away ng Pusa at ng Aso" sa mga pahina 206 hanggang 210.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang alamat. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa
pahina 211.

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 211 at 212. Iproseso ang mga sagot ng mga
estudyante sa gawain A.
2. Gamitin ang sumusunod na checklist sa pagtataya ng wakas na nabuo at ng pagbabalita sa gawain B.
__________ Makabuluhan ang nabuong bagong wakas ng alamat.
__________ Naibalita nang maayos ang nabuong wakas.
__________ Malakas ang tinig sa pagbabalita.
3. Gamitin ang sumusunod na checklist sa pagtataya ng dula kaugnay ng nabasang alamat para sa gawain C. 
___________ Nakapagsaliksik ng alamat na kaugnay ng nabasang alamat.
__________ Naipakita sa pagsasadula ang karakter ng bawat tauhan.
__________ Malakas ang tinig ng mga kalahok sa dula.
__________ May damdamin ang pagbigkas ng mga diyalogo.
__________ May kaangkupan ang mga kilos.

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
     Ipabasa ang artikulo at ang aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 213 hanggang 216.

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itanong sa mga estudyante: Sino sa inyo ang may alagang hayop? Paano ninyo ito inaalagaan? 

Pagsusuri at Pagtalakay

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


1. Ipabasa nang tahimik ang artikulo sa Alamin Natin sa mga pahina 213 at 214. Pagkatapos, pasagutan ang dalawang
tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan. Sumangguni sa nakasaad sa Talakayin Natin sa
mga pahina 214 hanggang 216. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang gamit ng bawat isang uri ng pang-abay. Hayaan din silang
magbigay ng sariling pangungusap gamit ang mga ito.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 216 at 217. Iwasto ang mga sagot sa gawain A.
2. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng talatang isusulat sa gawain B.

3. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng alamat na isusulat sa gawain C.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 217.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.

Takdang-Aralin
     Ipabasa ang buod ng Epiko ni Gilgamesh sa mga pahina 219 hanggang 224 ng batayang aklat. 

Karagdagang Pagsasanay
      Isagawa ng gawaing pinamagatang “Mula-mat: Ang Pinagmulan.” I-print ang mga alamat na inyong
nilikha sa gawain C ng Himayin Natin sa pahina 217 ng batayang aklat. Ipaskil ang mga ito upang mabasa ng inyong mga
kamag-aaral. Magbigay ng mga puna sa isinulat ng isa’t isa para sa ikauunlad ng mga alamat.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 17
Likas na Katapangan
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang
Asya

Pamantayan sa Pagganap: Masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang
Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: Buod ng Epiko ni Gilgamesh (Epiko mula sa Iraq)
    Gramatika: Paggamit ng Angkop na Salita sa Paglalarawan

Layunin
Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na nasasalamin sa epiko
Nakatatamo ng kasiyahan sa pagiging Asyano
Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at ng mga bayani ng Kanlurang Asya

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 218–230

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Nasasalamin ba sa mga epiko ng isang bansa ang kultura nito? Paano?
Totoo bang hindi dahil magkasingkahulugan ang dalawang salita ay magagamit na ang mga ito sa parehong bagay?
Bakit?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Ipagawa sa mga estudyante ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 219 ng batayang aklat.
Bilang alternatibo, maaaring isulat sa pisara ang salitang bayani. Tanungin ang mga estudyante kung ano para sa kanila ang mga
katangian ng isang bayani at pagkatapos ay isulat ang mga ito paikot sa salita.
2. Pasagutan ang mga tanong sa pahina 219. Talakayin ang mga sagot at iugnay sa babasahing epiko. 

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 224 at 225. Iwasto ang mga sagot.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang buod ng Epiko ni Gilgamesh sa mga pahina 219 hanggang 224.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang epiko. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa
pahina 225. Idagdag sa talakayan ang  sumusunod na mga tanong:
a. May naalaala ka bang epiko ng Pilipinas? Ano ito?
b. Paano ito natutulad o naiiba sa epikong binasa?  

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 225 at 226. Gamitin ang alinman sa sumusunod na mga
rubrik sa pagmamarka ng pagtatanghal ng mga nasaliksik ng mga estudyante para sa gawain C. 
 

   a. Pagsasadula

 
   b. Pag-awit

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


  

 c. Sabayang Pagbasa

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
     Ipabasa ang sanaysay at ang aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 227 hanggang 229. 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itanong sa mga estudyante:
a. Paano nasasalamin sa mga epiko ang kulturang Asyano?
b. Nasasalamin din ba ang ating kultura sa ating mga epiko? Patunayan. 

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang sanaysay sa Alamin Natin sa pahina 227. Pagkatapos, pasagutan ang dalawang tanong na
kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa paggamit ng angkop na salita sa paglalarawan ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga
pahina 228 at 229. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang mga pares ng salita sa pahina 228 at ipagamit ang mga ito sa payak na
diyalogo. 

Pagsasanay at Paglalahat
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 229 at 230. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa
pagmamarka ng talatang isusulat ng mga estudyante sa gawain C. 

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 230.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.

Takdang-aralin
     Ipabasa ang sanaysay na "Tagasunod Ako ng Islam, Ngunit Hindi Ako Terorista" sa mga pahina 232 hanggang 235. 

Karagdagang Pagsasanay
Gumawa ng habi ng tauhan (character web) para kina Gilgamesh at Enkidu.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 18
Tapat na Tagasunod
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang
Asya

Pamantayan sa Pagganap: Masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang
Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: "Tagasunod Ako ng Islam, Ngunit Hindi Ako Terorista" (Sanaysay mula sa Panitikang Islam)
    Gramatika: Karaniwan at Masining na Paglalarawan
Layunin
Natutukoy ang layunin sa pagsulat ng sanaysay
Nailalarawan ang sariling paniniwala o pananampalataya
Nailalahad ang opinyon tungkol sa paksa
Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 231–240
activity sheets 

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahatid ng opinyon?
Paano inilalahad ang karaniwan at masining na paglalarawan?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Papunan sa mga estudyante ang tsart sa pahina 232 ng batayang aklat. 
2. Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat. Sabihin sa kanila na ibahagi sa kanilang mga kagrupo ang kanilang mga isinulat
sa tsart. Pagkatapos, atasan silang sagutin bilang pangkat ang dalawang tanong sa pahina 232. 

Pagpapayaman ng Talasalitaan

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


     Ipasagot ang Talasik sa pahina 235. Iwasto ang mga sagot ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang sanaysay na "Tagasunod Ako ng Islam, Ngunit Hindi Ako Terorista" sa mga pahina 232
hanggang 235.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasa. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa pahina
236.

Pagsasanay
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 236 at 237. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa
pagmamarka ng paskil na gagawin ng mga estudyante sa gawain C.

 Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
     Ipabasa ang sanaysay at ang aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 237 hanggang 239.

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Sa pamamagitan ng Three-Minute Buzz, alamin ang natutuhan ng mga estudyante sa nakaraang talakayan. Maaaring bigyan
sila ng kopya ng tsart na katulad ng nasa ibaba. Papunan sa kanila ang tsart sa loob lamang ng tatlong minuto.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang sanaysay sa Alamin Natin sa mga pahina 237 at 238. Pagkatapos, pasagutan ang dalawang
tanong na kasunod nito.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


2. Talakayin ang tungkol sa karaniwan at masining na paglalarawan ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina
238 at 239. Ipasuri sa mga estudyante ang dalawang halimbawang talata upang mas malinawan ang pagkakaiba ang dalawang
paraan ng paglalarawan. 

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 240. Iproseso ang mga sagot sa gawain A.
2. Gamitin ang sumusunod na checklist sa pagtataya ng talatang isusulat sa gawain B. 
__________ Ang talata ay naglalarawan sa sarili.
__________ Ang paglalarawan ay nakapagpapagalaw ng imahinasyon ng mambabasa.
_________ Maayos ang gamit ng mga salita.
_________ Walang mali sa baybay ng mga salita.
3. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng sanaysay na isusulat ng mga estudyante sa gawain C.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 240.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.

Karagdagang Pagsasanay
      Maghanda ng isang Freedom Wall. Ipaskil dito ang mga sanaysay na inyong isinulat sa gawain C ng
Himayin Natin sa pahina 240 ng batayang aklat. Magbigay ng komento (positibo at negatibo) sa mga sanaysay na isinulat ng
bawat isa.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Panapos na Gawain para sa Yunit 3

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang


Asya

Pamantayan sa Pagganap: Masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang
Asyano

Paksang Aralin
    Sining ng Pagtatanghal

Layunin
Naipakikita ang kulturang Asyano na masasalamin sa mga binasang akda sa pamamagitan ng masining na pagtatanghal
Nagagamit ang iba’t ibang kaalaman sa gramatika na natutuhan sa yunit sa paghahanda ng iskrip o plano ng
pagtatanghal
Nakapagbibigay ng puna at mungkahi tungkol sa napanood na pagtatanghal
Nakikilahok nang aktibo sa paggawa ng proyekto

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 241-244
video ng halimbawa ng madulang sabayang pagbigkas 
video player/computer

Bilang ng Sesyon: 6 (isang oras sa bawat sesyon)

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
     Ipagawa sa mga estudyante ang panimulang gawain sa pahina 241. Pag-usapan ang kanilang mga sagot. Ipasagot sa kanila sa
pasalitang paraan ang dalawang tanong sa parehong pahina.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipasagot ang Talasik sa pahina 242. Magkaroon ng pagbabahaginan ng mga sagot para sa gawaing ito. Bigyan ng pansin ang
pagkakatulad ng mga sagot ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang nilalaman ng Pagtalakay sa mga pahina 241 at 242 tungkol sa sining ng pagtatanghal.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa
pahina 243. Idagdag sa talakayan ang tanong na "Sino ang hinahangaan mong alagad ng sining? Bakit?"  

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 243. Ipabahagi sa klase ang detalye tungkol sa mga
nasaliksik o napanood ng mga estudyante at saka talakayin at iproseso ang mga ito.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Paglalahat 
    Matapos ang talakayan at mga gawain, ipatukoy sa mga estudyante ang mahahalagang kaisipang kanilang natutuhan mula
rito.

Integrasyon sa Pagsasagawa ng Proyekto

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Ipanood sa klase ang isang halimbawa ng masining na pagtatanghal gaya ng makikita sa  www.youtube.com/watch?
v=yMOiMRVzk98 o ibang katulad na sanggunian.
2. Sabihin sa kanila na suriin ang paraan ng pagtatanghal ng mga estudyante sa video.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang nakasaad sa Proyekto sa pahina 243 bilang paghahanda sa paggawa ng proyekto na
magsisilbing aplikasyon ng lahat ng natutuhan sa yunit na ito.
2. Ipaliwanag sa mga estudyante ang inaasahang makikita sa kanilang isasagawang pagtatanghal. Talakayin din ang
pamantayan (ang rubrik sa pahina 244) na gagamitin sa pagmamarka ng kanilang proyekto. Magkasundong italaga ang araw ng
pagtatanghal.
3. Pangkatin ang klase sa apat na grupo o ayon sa dami ng mga estudyante sa klase. Atasan silang pumili ng kanilang
magiging lider na titiyak na ang lahat ng mga miyembro ay may kani-kaniyang gawain at magiging aktibo sa gagawing
proyekto.
4. Bigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante sa paghahanda ng kanilang proyekto.
5. Maghanda para sa isasagawang cultural show. Bigyan ng pagkakataon ang klase na pag-usapan ang pagkakasunod-
sunod ng programa sa pagtatanghal. Sabihin din sa kanila na magtalaga ng mga estudyante na magiging tagapagdaloy ng
programa, mangunguna sa panalangin, aawit ng Lupang Hinirang, magbibigay ng pagbati, at maghahatid ng pangwakas na
pananalita. Magtalaga ng mga komite para sa dekorasyon, pag-aayos ng mga upuan bago at pagkatapos ng programa, at
imbitasyon.
6. Ipatanghal ang kanilang awtput sa araw na napagkasunduan. Bigyan ng komento ang isinagawang pagtatanghal ng mga
estudyante.

Pagbubuod
1. Pasagutan sa mga estudyante ang gawain A sa Pagtatapos ng Yunit sa pahina 245. Tumawag ng ilang estudyante para
ibahagi sa klase ang kanilang sagot sa mahahalagang tanong sa buong yunit.
2. Bilang pangwakas na pagsusulit para sa yunit, idikta sa mga estudyante ang mga tanong sa Panimulang Pagtataya para
sa Yunit sa mga pahina 170 hanggang 173. Maaari ding gumawa ng panibagong pangwakas na pagsusulit na katulad
nito. Sabihin sa kanila na ang kanilang makukuhang iskor ay isasama na sa pagmamarka.
3. Ipagawa ang gawain C at lagumin ang yunit batay sa mga mahahalagang konseptong natutuhan ng mga estudyante.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino

You might also like