You are on page 1of 14

REHIYON XII: CENTRAL MINDANAO/SOCCSKSARGEN

Rochelle Ann Caberto – Literatura ng Rehiyon XII


Jerica Nualnilo – SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, at Sultan Kudarat)
Joshua C. Mejia – Sarangani, General Santos at mga KIlalang Manunulat at Tao

SOCCSKSARGEN ay isang rehiyon ng Pilipinas, na matatagpuan sa gitnang Mindanao, at


opisyal na Rehiyon XII. Akronimo ang pangalan na nangangahulugang para sa apat na
lalawigan ng rehiyon at isa sa mga lungsod nito: South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat,
Sarangani at General Santos City.

SOUTH COTABATO
May 11 na bayan at isang lungsod.

Kinabibilangan ng Banga, Koronadal, Lake Sebu, Norala, Polomok, Sto. NIno, Surallen,
T'boli, Tambakan Tupi at ang nag-iisang lungsod nito ang Gen. Santos (Dadiangas).

KAPITAL: Koronadal

Sagana ang lalawigang ito sa mga prutas tulad ng pinya, manga, mansanas at buko.
Pangunahing produkto rin ang tabako at abaka. Mayaman sila sa produktong metal tulad ng
ginto, pilak, tanso, yero, at iba pa. Pinagkukunan din ng kabuhayan ang pagbubuhangin,
graba, bato, guano, asin at apog.

COTABATO

Ang lalawigang Cotabato ay tinaguriang "Rice Bowl of Mindanao" o "Kamalig ng Palay sa


Mindanao". Sagana sa pananim na napagkukunan ng mga bungang halaman tulad ng pinya,
kape, niyog at palay, lugar na nagtatanim ng goma, buklak, sorghum at prutas.

Ang Cotabato (o Hilagang Cotabato), ay isang walang baybayin na lalawigan sa Pilipinas na


matatagpuan sa rehiyong SOCCSKSARGEN sa Mindanao. Lungsod ng Kidapawan ang
kapital nito at napapaligiran ng Lanao del Sur at Bukidnon sa hilaga, Davao del Sur at
Lungsod ng Davao, Sultan Kudarat sa timog, at Maguindanao sa kanluran.

Hilagang Cotabato
Lugar na lambak o mababang lupain sa pagitan ng mga bundok. May malawak at
mayamang lupain ang Hilagang Cotabato na umaabot sa humigit kumulang sa 6, 565.9
kilometrong parisukat at binubuo ng 18 munisipalidad.

Ayon sa sensus noong 1980, ito ay may kabuuang populasyon na 763, 955. Itinuturing
kabukiran ang lalawigan sapagkat 84.64% na populasyon nito ay naninirahan sa kabukiran
samantalang 15.54% lamang ang naninirahan sa mga kabayanan. Ang ipinagmamalaking
lugar ng lalawigang ito ay ang Rio Grande de Mindanao, Marbel Falls at mga "Hot Spring",
Agco Blue Lake at Lake Venado.

Ang pangalang Cotabato ay nakuha sa salitang Maguindanao na "Kutawato" na ang ibig


sabihin ay kutang bato o stone fort. Isa sa pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas na tinatawag
na "Melting Pot" dahil ang mga tao dito ay naninirahan sa ibat-ibang lugar. Ang 71% ay
sinasabing mula sa Luzon at Bisaya, ang 18% ay nabibilang sa kultong pamayanang Manobo,
T'boli at Maguindanao. Karamihan sa mga mamamayan ay Katoliko a Islam.

KABISERA: Kidapawan

Ang mga naninirahan sa kidapawan na siyang kabisera ng Cotabato ay kultong Monobo na


tinatawag ding "Kulaman". Kilala rin sila sa kanilang tradisyunal na pananamit - Pantalon na
ang itaas ay dyaket na walang butones para sa mga lalaki at pulang blusa na may manggas
na itim at palda o pang ibabang abaka. Ang mga maardornong disenyo ay para sa mga Datu
at may kaya sa buhay.

KINABUBUHAY: Pagsaka, pangingisda, industriyang pantahanan tulad ng paggawa ng


basket, paghabi ng tela at paggawa ng paso. Mahilig din sila sa pagkakaingin.

KLIMA: pinakamainit na panahon sa lugar na ito ay mula sa Marso hanggang Hunyo


samantala ang pinakamalamig ay ang buwan ng Disyembre at Enero.

Ang mosque at Taluksangay ng mga muslim ay tirahan ng alagad ni Muhammed ang


dakilang diyos ng mga Muslim. Simbahan din ito ng mga Muslim na kung saan ay nagdadasal
at nag-aalay sila ng pera sa kanilang diyos.

SULTAN KUDARAT

Ito ay pinangalanan mula kay Sultan Mohammed Dipatwan Qudarat na siyang namuno sa
lugar na ito mula 1635 hanggang 1671 AD.

Ang lalawigan ay may hangganang matatagpuan sa Maguindanao at Hilagang Cotabato sa


hilaga, ang gulpo ng Moro sa kanluran, ang Davao del Sur sa Silangan at Timog Cotabato sa
Timog.

Ang Sultan Kudarat ay sumasaklaw sa gawing hilaga ang kanlurang bahagi ng orihinal na
lalawigan ng Cotabato. Ang tatlong munisipalidad ay - Kalamansig, Lebak, at Palimbang ay
nakahanay sa "Mountain Ranges" na siyang naghihiwalay sa gitnang bahagi ng lalawigan sa
dagat. May matatagpuan ding pabrika ng vinyl at plywood, pabrika ng Ramie at African Oil
Palm sa lalawigang ito.

IKINABUBUHAY: Pangingisda, pag-aalaga ng mga baka at pagtotroso.

Binubuo ng 11 na munisipalidad.

KABISERA: Isulan
Karamihan sa mga naninirahan dito ay mga Bisaya na nagsasalita ng wikang Ilonggo at
Cebuano bagama't mayroon na ring mga dayong Ilokano.

Ayon sa ginawang Sensus noong 1980, ang Sultan Kudarat ay may polulasyong 303, 784,
at 157, 106 nito ay kababaihan at 146, 678 ay kalalakihan. Tinatayang 79.07% ng kabuuang
populasyon nito ay naninirahan sa mga rural na pook samantalang 20.97% ang nasa urbang
pook.

Kilala rin ang lalawigang ito sa paggawa ng Tuba, isang inuming galing sa katas ng
"Coconut Palm" na kapag tumagal ay sumasarap at ginagawang inumin ng mga matatanda.

SARANGGANI

Sakop ng lalawigang ito ang mga bayan ng Gian, Kiamba, Maasin, Maitum, Malapatan at
Malungon.

KABISERA: Alabel

Ang lalawigan ng Saranggani ay sumasaklaw sa gawing silangan ng Davao del Sur.


Malapantay sa gawaing Hilaga, Karagatang Tsina sa Kanluran at sa gawaing Timog ay ang
Lawa ng Saranggani. Binubuo ito ng malawak na kapatagan at mga lupaing bulubundukin.
Matatagpuan dito ang mga naggagandahang dalampasigan at mga pook pangisdaan.
Nakararami sa lugar na ito ang mga Cebuano at Tagalog.

WIKA: Cebuano, Ingles, Tagalog, IIlonggo, Ilokano at Maguindanao.

Maganda ang klima sa lalawigang ito sa buong taon. Di sila naaapektuhan ng bagyo.
Maulan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto, Tag-init mula Marso hanggang Mayo at
Taglamig mula Nobyembre hanggang Enero.

Nagdiriwang din sila ng mga kapistahan. Katangi-tangi ang Lubi-Lubi Festival gayundin
ang pista ni Sta Catalina de Alexandria, ang kanilang patron. Sa panahon din ng mahal na
araw mayroon din silang pabasa , prusisyon sa Sta Entierro, Sugat sa pagkabanhaw at ang
tinatawag nilang Lenten Trek to Sumbang Point and Cave. Sa buwan naman ng Mayo,
nagdaraos din sila ng Flores de Mayo at Santakrusan.

GENERAL SANTOS
Kinikilala ng lalawigan ng General Santos hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong
mundo dahil sa kanilang malinamnam at saganang isdang tuna. Tinaguriang " Tuna Capital of
the Philippines ".

MGA KILALANG MANUNULAT AT TAO


1. JAIME AN LIM
Si Jaime An Lim ay isinilang noong 7 Enero 1946. Isa siyang makata, mananaysay at
kuwentista. Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Arts in English noong 1968 sa Mindanao
State University (MSU).

Ilan sa mahahalagang bunga ng kanyang panulat ay: Puna sa Noh Me Tangere ni Rizal;
Sanaysay sa Pamumuna sa Akda ni Bienvenido Santos na The Man Who Likes Robert Taylor,
Sanaysay Tungkol sa Poon ni F. Sionel; sanaysay tungkol sa mga nobela nina Maximo Kalaw,
Jaime Laya, Steven Javellana, Edilberto Tiempo at Wilfredo Nollado na siyang nilalaman ng
kanyang aklat na pinamagatang Literature and Politics: The Colonial Experience in nine
Philippine Novels noong 1993.

-"The Liberation of Fidele Magsilang" (maikling kuwento)


-"The Changing of the Guard: Three Critical Essay
-"Yasmin" (tula)
-"The AXOLATL Colony" (maikling kuwento)
-"The Boy and the Tree of Time" (maikling kuwentong pambata)
-"Warming to a Poet" (tula na isinulat sa Ingles)

2.CHRISTINE GODINEZ- ORTEGA

Ilan sa kanyang mga nasulat ay:


-"Legend of Maria Cristina Falls "
-"High Noon"
-"Ablutions"
-"Dumaguete"
-"Cabbage " at iba pa

3. EULOGIO DUA

Isinilang sa Pampanga, Cotabato (ngayon ay Lungsod ng Cotabato, Maguindanao) noong


11 Marso 1909. Isa siyang manunulat ng sanaysay. Kinagiliwan niyang mag-sulat ng mga
sanaysay tungkol sa mga napapanahon at kontrobersiyal na isyu ng kanyang panahon. Gaano
man kakontrobersiyal ang mga isyung kanyang tinatalakay sa kanyang mga sanaysay, iyon ay
nilalagyan niya ng bahid ng katatawanan.

4. MANNY PACQUIAO
Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny Pacquiao ay ipinanganak
noong December 17, 1978 mula sa Kibawe, Bukidnon.Ikinasal si Manny Pacquaio kay Maria
Geraldine Jamora o mas kilala bilang “Jinkee” an biniyayaan ng apat na supling: sina Jimuel,
Michael, Princess, at Queen Elizabeth. Si Manny at ang kanyang pamilya ay nakatira sa
kanilang probinsya sa General Santos City, South Cotabato, Philippines. Si Manny Pacquiao
ay nagkamit ng maraming recognition particular mula sa kanyang career sa boksing. Isa siya
sa Forbes The Celebrity 100 noong 2010, Time 100 Most Influential People noong 2009 at
naging cover pa ng Time Asia Magazine noong 2009. Nakilala siya dahil sa galing sa pagbo-
boxing.

5.SHAMCEY GURREA SUPSUP


Si Shamcey Gurrea Supsup ay isinilang noong Mayo 16, 1986 .Siya’y nag-iisang anak nina
G. Timoteo Supsup na isang magsasaka at Gng. Marcelina Gurrea-Supsup na nagtatrabaho
naman bilang isang ihinyera (engineer) sa ibang bansa. 3 taong gulang pa lang siya nang
magpasiyang lumipat ang kanyang pamilya sa Lungsod ng Heneral Santos saTimog Cotabato
kung saan doon siya lumaki.
Nakilala siya ng siya'y makoronahan bilang Bb. Pilipinas-Universe noong Abril 10, 2011 at
naging 3rd Runner Up nang ito'y sumali sa Ms. Universe noong Setyembre 12, 2011.

KARAGDAGAN

6. MELAI CANTIVEROS
Ipinanganak noong April 6, 1988 sa General Santos City, Philippines. Nakilala bilang isang
Komedyante, Host, at tinanghal bilang PBB Grand Champion nang sumali ito sa Pinoy Big
Brother: Double Up noong 2009. Siya ay nagtapos sa Mindanao State University

7. KENNETH DUREMDES
Ipinanganak noong Enero 31, 1974 sa Koronadal City, South Cotabato. Siya ay retiradong
propesyonal na basketbolista sa PBA, at Dating PBA Most Valuable Player noong 1998. Siya
ay Nagtapos sa Adamson University

LITERATURA NG REHIYON XII


1.PANULAAN

Dalawa ang uri ng panulaan sa panitikan ng mga Muslim 1. Pasalaysay, 2. Liriko.

Ang mga tulang pasalaysay ng mga Muslim ay kilaala sa tawag na “Darangan”. Ito ay may
25 na salaysay na epiko na nauukol sa isang dakilang bayani na si " Bantugan". Si Dr. Frank
Lauback, isang iskolar na nagsain ng isa sa mga salaysayin ni Darangan. Ang bawat salaysay
sa darangan ay nagtataglay ng katangian ng isang epiko - kasaysayan ng pag-ibig at
pakikipagsapalaran.

Ang mga Muslim ay may "panambitan" na tinatawag. Ito ay inaawit upang ipakilala ang
pagdadalamhati, pagtangis at pagkilala ng pagluluksa kung sila'y namatayan. Kilala ito ng mga
Muslim sa tawag na "Tabe Nona".
A. TULANG LIRIKO NG MGA MUSLIM (MGA AWITING BAYAN)

"Tabe Nona, tabe sayamano pigi;


Kalo saya mati Jangan susa hati.
Makan shere sato Jangan Buan Loda;
Kasi siom sato Jangan bilang suda."

SALIN:

"Paalam, paalam, ibigay mo ang iyong kamay


Kailangan tayo'y magkalayo
Kung ang kamatayan ay darating Huwag mong ikalumbay!

Kung minsan kitang hagkan


Huwag mong sabihing "tama na"
Maging matagumpay ka, mahal, ngumanga ka,
At lununin mo ang kalungkutan".

B. DARANGAN (EPIKO)
Ang Darangan ay tulang pasalaysay ng mga Moro hinggil sa kabayanihan ng mga tao sa
Maguindanao, mga kahanga-hangang gawain at kabayanihan at kagitingan ng mga
mandirigmang Moro na hindi sukat paniwalaan. Maraming epiko ang Darangan ng mga
Muslim ngunit tatlo lamang ang kilalang-kilala sa mga ito: ang Bantugan, ang Indarapata at
Sulayman at ang Bidasari. Narito ang buod ng mga epikong binanggit.

BANTUGAN

Si Haring Madali ay hari ng kahariang Bumbaran. Kapatid niya si Prinsepe Bantugan na


balita sa lakas at tapang kaya takot ang mga ibang kaharian na makidigma sa kanya. Dahil sa
angking katangian ni Prinsepe Bantugan, maraming mga dalaga ang nagkagusto sa kanya.
Naiingit ang kapatid niyang si Haring Madali kaya pinagbawalan niya ang lahat ng kanyang
nasasakupan na makipag-usap kay Prinsepe Bantugan at ang sinumang mahuling makikipag-
usap ay ppapatayin. Dahil sa sobrang kalungkutan ay ipinasya ni Prinsepe Bantugan na
pumunta sa ibang lupain.
Sa kanyang paglalabay ay nagkaroon siya ng matinding sakit at inabot siya ng kamatayan
sa pintuan ng kaharian ng Lupang nasa pagitan ng Dalawang Dagat. Nagulumihanan si
Prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari dahil hindi nila nakikilala si Prinsipe Bantugan
kaya't tinawag ang konseho.
Pinagpulungan ng konseho ng hari kung ano ang kanilang gagawin. Subalit isang loro ang
biglang pumasok sa bulwagan at nagsabing ang nakaburol ay si Prinsipe Bantugan, ang
mabunyi at balitang Prinsipe ng Bumbaran. Pagkatapos ibalita ng loro ang tungkol kay
Prinsipe Bantugan, bumalik naman siya sa Bumbaran upang ibalita kay Haring Madali na
kanyang kapatid ang pagkamatay ni Prinsipe Bantugan . Nang malaman ni Haring Madali ang
nangyari kay Prinsipe Bantugan ay nanaig ang pagmamahal niya rito at naalis ang kinikimkim
niyang inggit sa kapatid. Kaya agad na lumipad sa langit ang hari na kasama ang isang
kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Samantala'y ang bangkay ni
Bantugan ay dinala naman ni Prinsipe Datimbang sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay
pilit na isinauli ang kaluluwa ni Bantugan sa kanyang katawan at muling nabuhay si Prinsipe
Bantugan. Nagdiwang ang lahat at bumalik ang dating mabuting pagtitinginan ng magkapatid.
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, dating kaaway ni Haring Madali, na si Bantugan ay
namatay ay dagli silang nagdala ng maraming kawal na sandatahan upang salakayin ang
Bumbaran. Nang sumalakay sina Haring Haring Miskoyaw ay kasalukuyang nagdiriwang ang
lahat dahil sa pagkabuhay ni Prinsipe Bantugan.
Hindi alam ni Miskoyaw na nabuhay na muli si Bantugan kaya sila ay nagkaroon ng
pagdiriwang. Natigil ang pagdiriwang at ang dalawang kaharian ay naglaban. Pumailanlang sa
himpapawid si Bantugan at sa pamamagitan ng kanyang kampilan ay pumatay ng maraming
kaaway. Buong tapang na lumaban si Bantugan ngunit nanghihina pa siya dahil kagagaling
lang niya sa kamatayan, kaya siya ay nabihag. Iginapos siya ngunit nang manumbalik ang
kanyang lakas , nilagot niya ang gapos at siya'y nakawala. Buong bangis siyang nakipaglaban
hanggang sa mapuksa ang mga kaaway.
Pagkatapos iyang matagumpay sa labanang ito ay dinalaw lahat ni Prinsipe Bantugan ang
mga kahariang karatig ng Bumbaran at pinakasalan ang lahat ng prinsesang kanyang katipan
at umuwi sila sa Bumbaran. Buong galak siyang sinalubong ni Haring Madali at nag-utos ng
panibagong pagdiriwang. Ang buhay ni Prinsipe Bantugan ay naging maligaya hanggang sa
mga huling sandali.

INDARAPATRA AT SULAYMAN

Kasaysayan ito ni Indarapata, emperador ng Imperyong Mantapuli at itinuturing na


pinakadakila sa mga Haring Kanluranin. Kilala si Indarapata bilang isang mmabait marunong
at matapang na Hari. Napaputok ni Indaraparata ang bulking Mud Matutum sa pamamagitan
ng kanyang sibat.

INDARAPATRA AT SULAYMAN

Noong unang panahon, sa pulo ng Mindanaw ay walang kapatagan kundi puro kabundukan.
Sa kabundukang ito naninirahan nang payapa at maligaya ang mga tao. Ngunit isang araw,
sila'y ginambala ng apat na halimaw.
Ang unang halimaw na may katangi-tanging lakas at maraming paa ay si Kurita. Sandali
lamang niyang kainin at ubusin ang limang tao. Ang ikalawang halimaw ay si Tarabusaw na
nakatira sa bundok Matutum. Napakapangit niya at wala siyang awa sa taong kanyang
binibiktima. Si Pah ang ikatlong halimaw ay ibong may pitong ulo at may pitong pares ng mata
kaya't nakikita ng ang lahat ng bagay at walang sinumang taong nakakaligtas sa kanya.
Sa kaharian ng Mantapuli ay nabahala si Haring Indarapatra nang malaman niya ang
paghihirap at takot na dinadanas ng mga tao dahil sa mga halimaw. Dahil isang mabuti at
mabait na pinuno si Indarapatra, pinangangalagaan niya ang kapakanan ng kanyang
nasasakupan. Ipinatawag niya ang kapatid niyang si Prinsipe Sulayman at inutusan niya itong
ipaghiganti ang mga buhay ng mga nasawi. Binigyan ni Indarapatra si Sulayman ng singsing
at espada na gagamitin niya sa pakikipaglaban sa mga halimaw. Ibinitin din ng hari ang isang
halaman sa bintana na siyang magsasabi sa sasapitin ni Sulayman.
Unang pinuntahan ni Sulayman si Kurita sa Bundok Kababalan. Nang hanapin niya ang
halimaw, nayanig ang buong kabundukan at lumitaw si Kurita. Naglaban ang dalawa
hanggang sa natalo niya ang halimaw.
Isinunod niyang puntahan si Tarabusaw sa Bundok Matutum. Nakita ni Sulayman mula sa
tuktok ng bundok ang maraming buhay na nasawi. Hinamon ni Sulayman na lumabas si
Tarabusaw. Natumba ang mga punongkahoy sa paglabas nito at pumutol diya ng sanga na
kanyang ginamit sa pakikipaglaban kay Sulayman. Makalipas ang mahabang paglalaban
nagapi ni Sulayman si Tarabusaw. Itinarak ni Sulayman ang espada sa dibdib ng halimaw.
Pagkatapos niyang patayin si Tarabusaw, isinunod naman niyang hanapin si Pah, ang ibong
may malaking pakpak sa bundok ng Bita. Nasiraan ng loob nang makita niyang walang katao-
tao ang mga bahay. Hindi nagtagal ay biglang dumilim ang kapaligiran. Dumating si Pah na
kanyang kaaway. Itinaas ni Sulayman ang kanyang espada at nahati sa dalawa ang pakpak
ng ibon. Sa kasamaang palad, nadaganan siya ng pakpak ng ibon at si Sulayman ay nilibing
nang walang kabaong sa bigat ng pakpak na bumagsak sa katawan nito.
Nalaman ni Haring Indarapatra ang kasawian ng kapatid dahil nalanta ang halamang ibinitin
niya sa bintana. Sinabi niyang ipaghihiganti niya ang sinapit ng kapatid. Sumugod si Haring
Indarapatra sa bundok at inalis ang pakpak ng ibong nakadagan sa katawan ng kapatid.
Luray-luray ang katawan ni Sulayman. Nanalangin si Indarapatra sa Bathala at ipinakita sa
kanya ang tubig na nang ibuhos niya ito kay Sulayman ay nabuhay ito. Sa malaking tuwa ay
nagyakap ang magkapatid.
Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman at si Indarapatra na ang nagtungo sa Bundok
Kurayan upang makipaglaban sa halimaw na may pitong ulo. Lumabas ang halimaw ngunit
wala itong laban sa espada ng hari. Pagkatapos ng kanyang tagumpay ay may isang diwatang
napakaganda ang nagpapasalamat sa kanya. Ang buong nayon ay nagsipagdiwang din.
Dahil sa kagandahan ng diwata'y nabihay ang puso ni Indarapatra at sila ay nagpakasal.
Pagkatapos nito'y nawala ang tubig sa karagatan at lumitaw ang kapaligiran. Dito na
nanirahan si Indarapatra sa pulo na Mindanaw.
Sa pamamalagi roon ni Indarapatra ay tinuruan niya ang mga tao ng pagsasaka,
paghahayupan, paggawa ng mga kasangkapan, paghabi ng mga damit at paggamit ng mga
halamang gamot.

BIDASARI
Epikong hiram sa Malay na naglalahad ng isang matandang paniniwala ng mga buhay ay
napapatagal kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda, hayop, bato o punong kahoy.

Ang orihinal na Bidasari ay nasusulat sa wikang Malay at ito ay ipinalalagay na isa sa mga
pinakamagandang tula sa panitikang Malay.
- Isinalin ito sa Ingles ni Chauncey Strekweather.

BIDASARI

Lakas na naligayahan ang sultan ng Kembayat nang malamang ang mahal na sultana ay
nagdadalantao. Ang lahat ay maligaya sa magandang balitang iyon nang biglang sumalakay
ang itinuturing na salot ng kaharian, ang higanteng ibong si Garuda. Nang sila'y lubusin nito,
nagsitakas at nagsipagtago ang mga ito at iniwan nila ang kaharian. Nagpahiwalay ang mag-
asawang sultan at suktana sa karamihan. Inabot ng panganganak ang sultana sa tabi ng ilog.
Iniwan nila ang bangka ang sanggol at sila ay nagpatuloy sa pagtakas.
Ang nakapulot sa sanggol ay isang mangangalakal na nagngangalang Diyuhara. Taga
Indrapura si Diyuhara. Palibhasa wala pa siyang anak noon ay inalagaan niyang isang tunay
na anak ang sanggol at pinangalanan itong Bidasari. Ikinuha ito ng tagapag-alaga. Habang
lumalaki'y lalong gumaganda si Bidasari. Maligayang maligaya siya sa piling ng kinagisdnang
mga magulang.
Si Sulatan Mogindra ang sulatan ng Indrapura. May dalawang taon na siyan kasal kay Lila
Sari. Masyado siyang mapanibughuin kahit makailang ulit sabihin ng sultan sa kanya na mahal
na mahal siya nito. Ipagpapalit lamang siya kung may matatagpuang babae ang sultan na higit
sa kagandahan ng asawa. Nag-alala si Lila Sari kaya naisipan niyang utusan ang kanyang
kawal upang hanapin ang babaeng higit na maganda kaysa sa kanya.
Natagpuan ng mga kawal si Bidasari at pinaniwala siyang siya'y gagawing dama ng sultana
kaya walang tangging sumama siya sa palasyo. Subalit siya'y nilinlang ni Lila Sari, sa halip na
gawing dama ay ikinulong siya sa isang silid ng palasyo. Sa tuwing aalis ang sultan ay
pinarurusahan niya ang dalaga. Hirap na hirap na at hindi na niya kayang tiisin ang
pagpaparus sa kanya, kaya sinabi ni Bidasari kay Lila Sari na kung ibig niyang siya'y mamatay
ay kunin ng sultana sa hardin ng ama ng dalaga ang isdang ginto ang buhay na Bidasari.
Siya'y pinayagang makabalik sa kanyang mga magulang pagkatapos na ipakuha ang isda.
Sa takot ni Dyuhara na baka tuluyang patayin ng naninibughong suktan si Bidasari ay
ipinagpatayo niya ito sa palasyo sa isang gubat na malayo sa Indrapura.
Paniwalang-paniwala si Lila Sari sa mamamatay na si Bidasari. Isang aeaw at naisipang
mangaso ni Sultan Mogindra. Napasuotsiya sa loob ng kagubatan sa paghahabol sa hinuhuli
niyang usa. Nakarating siya sa palasyong kinaroroonan ni Bidasari. Nakasara ang palasyo
kaya't pinilit niya itong buksan. Nang siya'y makapasok ay nakita niyang walang tao. Lahat ng
silid ay kanyang binuksan hanggang sa nakita niya si Bidasari ngunit hindi ito magising.
Minabuti niyang umuwi muna at bumalik kinabukasan. Sa kanyang pagbabalik ay binantayan
ni Sultan Mogindra si Bidasari hanggang sa gumabi. Hangang-hanga ang sultan sa
kagandahan ng dalaga. Ipinagtapat ni Bidasari ang ginawang pagpapahirao sa kanya ni Lila
Sari kaya galit na galit ang sultan. Pinakasalan ng sultan si Bidasari at pinaupo niya ito sa
trono. Naiwang nag-iisa sa palasyo si Lila Sari. Pagkaraan ng maraming taon, nagbalikan na
aa Kembayat ang mga tao. Nagkaroon pa ng isang anak ang mga magulang ni Bidasari - siya
ay si Sinapati.
Dumating sa Kembayat ang isang anak na lalaki ni Dyuhara. Nagulat siya nang makita niya
ang sinapit na kamukhang-kamukha ng kinikilala niyang kapatid na si Bidasari kaya kinaibigan
niya si Sinapati at ibinalitang may kapatid siyang kamukhang-kamukha niya. Itinanong ni
Sinapati sa kanyang mga magulang kung may kapatid siyang nawawala. Nagpunta si Sinapati
at kanyang magulang sa Indrapura sa pagbabakasakaling si Bidasari ang anak na iniwan sa
bangka ng kanyang mga magulang. Sa kanilang pagdating ay nagtaka ang lahat dahil
magkamukhang-magkamukha sina Bidasari at Sinapati. Sinabi ni Sinapati ang kanilang pakay
ay ipinagtapat naman ni Diyuhara na nakuha nga niya sa bangka si Bidasari.
Nagkakilala ang magkapatid at ipinakilala si Sinapati kay Sultan Mogindra. Naging masaya
ang lahat sapagkat tunay na prinsesa pala si Bidasari.

2. AWITING PAMBATA

Ang "Ida-Ida A Wata" ay mga awiting pambata na may tiyak na kahalagahan sa panitikan ng
mga Maranao. Ito ay maikli lamang subalit magaganda at kinakanta ng mga bata ng sabay-
sabay. Ito ay nagdudulot ng lubos na kasiyahan at sigla sa mga batang umaawit nito.

Dayo, dayo Captain


Dayo somonta sa ig
Dayi di ako ron sung
Ana ikuluk akun
A bubaruka a nipat

SALIN:

Kaibigan, kaibigan kapitan


Aking kalaro, pupunta sa ilog,
Kaibigan, ako'y hindi sasama
Dahil ako ay takot
Sa makulay na ahas at markadong buwaya.

KAPANGEDAS
Awiting pambata sa panghuhuli ng ibon ng mga Maranao. Inaawit ito ng mga bata habang
nakasakay sa kalabaw.
BITAGIN ANG IBON

Dao'lan mahal, Dao'lan


Nasaan ka Dao'lan
Anong klaseng ibon ito?
Kapag nakahanda ang patibong
Nagtatago sa mga kawayan
Patayin mo ang bati(saba) kung gusto mo
Gumagabi na at ang saba ay iiwan ka
Mag-isip! Noong panahon ang tatay mo
Ninakaw at sumunod ay nahulog.
Iniisip nito ang saba
Ngayon ikaw ay pangit na ibon, alipin
Kapag nakauwi lahat ay nagtatanong
Sinong pumatay sa saba?
At sasabihin mo: "Hindi ako ang gumagawa
Dahil ibinigay ko nag oras ko sa kakainin
Ng ipis at paru-paro"
Mas mabuting mamatay kaysa magkaroon
Ng dalawang pangalan.

3.PANANAROON O MGA SALAWIKAIN

PANANAROON - ginagamit ng mga Maranao bilang gabay sa paghubog ng kagandahang


asal ang mga kabataan. Ang kanilang mga pangaral ay naipapahayag nila sa pamamagitan ng
mga pananaroon.

Wikang Maranao
a. Badum mala sa dalog
A pakulilid sa lapad
Na da-akapadal iyan.

b. Maya kapun sa ilag

c. Ogopingka a ginawangka
Ka inogopangka o Allahotaanan

Wikang Filipino
a. Malaki ang kamote
Na gumugulong sa pinggan
Ngunit tiyak walang lasa.
b. Mahiya ka dapat sa maliit na dungawan

c. Tulungan mo ang iyong sarili


At si Allah ay tiyak na tutulong sa iyo.

4.MGA ANTOKE O BUGTONG


Wikang Maranao
a. Ilulubung damatai
A bangkal baraniawa.

b. Litag sa rorog o pig


A paronga I kaokas.

c. Karanda sa subangan
Na mapupuno i iipas.

Wikang Filipino
a. Inilibing na ngunit buhay
Ang buhay na katawan.
Sagot: Daga

b. Bitag sa tabi ng lawa


Sabay na bumubukal.
Sagot: Pilikmata

c. Ang sisidlan mula sa silangan


Ay puno ng mga pitak.
Sagot: Lansones

5.LIMPANGAN O PALAISIPAN

May isang puno ng bayabas na punong-puno ng bunga. Walang nakakukuha ng bunga nito
sapagkat binabantayan ito ng isang matalino at mabagsik na unggoy. Paano makakuha ang
bunga ng bayabas?
Sagot: Batuhin mo ang unggoy hanggang sa ito ay magalit at babatuhin ka na rin ng bunga ng
bayabas.

- Ang mga dula ng Maranao at tinatawa nilang "sewa-sewai" at pakaradiyan-an o mga sayaw
ng bayan. Ang impluwensiya ng mga Hindu, Intsik, Indones at iba pang nandayuhan dito sa
pilipinas ay Pilipinas ay nababakas sa mga sayaw ng Maranao, Maguindanao at Tausug na
naninirahan sa Mindanao.
- Gong at Kulintang ang panaliw nila sa pag-imbay.
- Ang mga taga Lanao at Cotabato ay may mga sayaw na pandigma na kung tawagin ay
"sagayan".
- Tahing Baile (sayaw panseremonya)

Singkil - isang sayaw na halos katulad ng Tinikling subalit higit na masalimuot


sapagkat ito ay may apat na kawayan sa halip na dalawa lamang. Ang
sumasayaw ay isang prinsesa na pinapayungan habang sumasayaw sa mga
kawayan. Mayroon din silang sayaw na panghukuman na kung tawagin ay
" Koprang Kamanis at Kipiil" sa Munsala na ginagamitan ng mga bandana.

Halimbawa ng kanilang Paniniwala


-Paniniwala tungkol sa Araw at Buwan
-Paniniwala tungkol sa Mundo

Tultol sa Pagkapoon o Alamat


-Alamat ng Nusa

Tultol na Pinakakuyakuyad o Masayang Kuwento


-Nang pumunta sa palengke si Pilandok
-Si Pilandok at ang Batingaw

Tultol Pangangayamon o Pabula


-Ang ASo at ang Leon

Tultol a Suda Ago papasok o Kuwento ng mga Isda at Ibon


-Ang Maya at ang Hipon

Quiza o Kwento Tungkol sa Kalikasan


-Ang Kuwento ng Bibe
-Ang Lumikha
-Ang Unang Likha
-Ang Mundo, Araw at Buwan
-Ang Unang Tao

KARAGDAGAN

MGA POOK PASYALAN

1. LAWA NG LAKE SEBU


Ito ay matatagpuan sa Allah Valley malapit sa munisipalidad ng Surallah, South
Cotabato. Napapaligiran ng lumiligid na mga burol at bundok na sakop ng makapal na
kagubatan ng pag-ulan 354 hectares (870 ektarya), na may taas na humigit-kumulang
1,000 metro (3,300 piye). Ang mga baybayin ng lawa at ang nakapalibot na rainforest
ay tahanan ng mga katutubong T'bolis, Tirurays, Ubos at Manobos. Ang ekonomiya ay
batay sa aquaculture ng Tilapia na lumaki sa mga malalaking cages ng isda na
lumulutang sa lawa. Ang mga wild boars at Philippine deer na itinuturing na endangered
ay nakatira sa paligid ng lawa. Nakapalibot na rainforest ay likas na tirahan sa mga
egrets, kingfisher, swallows, herons, Philippine cockatoos at kuting.

2. Mt. MATUTUM
Isang matarik at hindi aktibong bulkan na matatagpuan sa hilagang bayan ng
General Santos sa lalawigan ng South Cotabato. Ang huling pagsabog ng bulkan ay
naitala noong 1911. Ang pangalan ng Matutum ay nagmula sa terminong Blaa'n
"Amyak Maleh", nanangangahulugang umakyat at magtanim. Ang bundok na ito ay
hinirang bilang isang bagong UNESCO World Heritage Site. Ang tuktok ng bulkan ay
nag-aalok ng isang kahanga-hangang malawak na tanawin ng Polomolok, Koronadal
City at General Santos City.

3. LAWA NG MAUGHAN
Ito ay isang lawa na makikita sa T'boli, South cotabato, Mindanao. Ito ay
isang "water-filled crater" ng Mount Parker - isang dormant na bulkan.

Sanggunian:
https://www.academia.edu/28584201/REGION_XII
https://www.slideshare.net/mobile/avagailgabaleomaximo/rehiyon-12-panitikan-at-
manunulat
https://www.wikiwand.com/tl/Cotabato_(lalawigan)
https://en.m.wikipedia.org/wiki/South_Cotabato
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Sultan_Kudarat
https://tl.unionpedia.org/Sarangani
Panikan ng mga Rehiyon sa Pilipinas ni Patrocinio V. Villafuerte;et.al (pahina
218-222)

Mga Karagdagang Sanggunian:

http://talambuhayfilipino.blogspot.com/2010/08/talambuhay-ni-manny-pacquiao.html?
m=1
https://www.google.com/amp/s/magandangensanblog.wordpress.com/2013/12/20/ang-
talambuhay-ni-shamcey-supsup/amp/
https://prezi.com/iqcrftkrbbum/rehiyon-xii/

You might also like