Professional Documents
Culture Documents
Ang Cupid at Psyche Ay Mula Sa Panitikan NG Mediterranean
Ang Cupid at Psyche Ay Mula Sa Panitikan NG Mediterranean
Ang Cupid at Psyche Ay Mula Sa Panitikan NG Mediterranean
Table of Contents
Buod ng Cupid at Psyche
Mga tauhan sa Cupid at Pysche
o Iba pang mga tauhan
Mga aral mula sa Cupid At Psyche Tagalog
o Batayan / Sanggunian
Isanggabi, nag-usap si Cupid at Psyche tungkol sa kanyang mga kapatid na magdadala sa kanya
ng kapahamakan.
Noong nagluluksa ang mga kapatid ni Psyche para sa kanya, narinig niya iyon. Sa sobrang awa,
nakiusap si Psyche kay Cupid. Kahit sobrang bigat ng desisyon na iyon kay Cupid ay pinayagan
niya si Psyche. Inihatid ni Zephyr ang dalwang kapatid patungo sa palasyo. Lubos na namangha
ang mga ito dahil ang palasyo ay ginto. Naiingit sila kay Psyche kaya gumawa sila ng masamang
plano laban sa kanyang kapatid. Ginulo ng dalawang kapatid ni Psyche ang isip niya hanggang
hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Sinabi ng mga kapatid niya na halimaw si Cupid mm
marapat niya itong patayin.
Noong gabi na gagawin na ni Psyche ang pagpaslang kay Cupid, siya ay natigilan. Sa liwanag ng
dala niyang lampara, sa wakas, nakita na niya anh mukha ng kanyang asawa. Nakita niyang si
Cupid ay hindi halimaw, kundi ang pinaka gwapong nilalang sa buong mundo. Labis ang
kanyang pagsisisi. Sa kagustuhan niyang pagmasdan ang mukha ni Cupid, inilapit niya ang
lampara. Sa kasamang palad, natuluan si Cupid ng langis at siya ay nagising at nalaman ang
pagtataksil ng asawa. Agad siyang umalis upang pumunta sa kanyang inang si Venus.
Kinuwento ni Cupid ang nangyari at dumagdag pa ito lalo sa galit ni Venus kay Psyche.
Alam ni Psyche na hindi siya mapapatawad ng Diyosa na si Venus dahil sa kanyang nagawa.
Kahit na gayun, gagawin niya ang lahat para patunayan ang kanyang pagmamahal kay Cupid.
Hindi na kontento si Venus sa pagpapahirap kay Psyche kaya naman binigyan pa niya ito ng isa
pang pagsubok. Binigyan ni Venus si Psyche ng kahon at inutusan niya ito para humingi ng
kaunting kagandahan kay Persephone, ang diyosa sa ilalim ng lupa. Tulad ng mga naunang
pagsubok, may tumulong sa kaniya. Binigyan siya ng gabay ng isang tore kung paano siya
makakapunta at makakapasok sa kahariaan ni Hades. Nagtagumpay si Psyche sa pagpunta sa
kaharian sa ilalim ng lupa at nakuha ang hinihingi ni Venus. Si Psyche ay pabalik na sa kaharian,
ngunit natukso siyang buksan ang kahon at kumuha ng kaunting kagandahan para umibig ulit sa
kanya si Cupid, sa pag-aakalang ‘di na siya mahal ng kanyang asawa. Sa pagbukas niya ng
kahon, bigla siyang nanghina at nakatulog.
Sa panahong iyon magaling na si Cupid. Hinanap niya ang kanyang asawa at natagpuang walang
malay. Tinulungan niya ang kanyang asawa para matanggal ang gayuma at tuluyan ng matapos
ang kaniyang pagsubok.
Nagpatuloy si Psyche kay Venus upang dalhin ang kahon at tuluyang tapusin ang pagsubok,
samantalang si Cupid naman ay humingi ng tulong kay Jupiter upang hindi na gambalain pa ng
ina ang pagmamalan nila.
Nagpapulong si Jupiter sa mga diyos, sinabihan niya ang lahat na wala nang pwede pang
gumabala kay Cupid At Psyche maging ang ina ni Cupid na si Venus. Sa pamamagitan ng
pagkain ng ambrosia, naging diyosa narin si Psyche. Siya ay tinaguriang diyosa ng mga
kaluluwa.
Nagpakasal sina Cupid at Psyche. Ang ina ni Cupid ay napanatag na sapagkat diyosa narin si
Pysche. Naging maligaya narin ang mag-asawa.