You are on page 1of 1

MODYUL 6 - FORUM 1

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Magbigay ng isang kurso ng kinukuha mo sa larangan ng agham panlipunan,


sining, o humanidades. Sa kursong ito, anong paksa ang maaari mong saliksikin na
maisusulat mo sa Filipino? Talakayin ng bahagya. Ibahagi mo din ang naiisip na
pamagat ng pananaliksik.

- Ang isang kurso na kinukuha ng isang mag-aaral na mula sa larangan ng agham


panlipunan, sining, o humanidades na mayroong paksang maaari kong saliksikin
ay sa kurso ng ekonomiks. Maaari kong saliksikin ang mga bagay na pwedeng
makatulong sa pag angat ng ekonomiya ng ating bansa at mga salik na
nakakaapekto sa pagbaba nito. Ang aking naiisip na pamagat para sa
pananaliksik na ito ay “ Mga Salik na Maaaring Makapag Aangat ng Ekonomiya
ng Ating Pilipinas sa Gitna ng Pandemya” ito ang aking naisip na saliksikin
sapagkat dahil nasa gitna tayo ng pandemya ngayon naaayon lamang na
malaman natin at ipamahagi sa mga nangangailangan at tagapagturo ang mga
magiging resulta ng pananaliksik na ito.

2. Sumasang-ayon ka ba na ang mga kurso sa agham panlipunan at humanidades ay


ituro sa wikang Ingles? Ipaliwanag ang iyong sagot.

- Ako ay kalahating sang-ayon at kalahating hindi, marahil mayroong mga positibo


at negatibong epekto ito. Kung ito ay ituturo sa wikang Ingles maaaring hindi
lahat ng mag-aaral ay lubos itong maintindihan at maunawaan ang mga aralin,
ngunit kung ito naman ay purong tagalog hindi mahahasa ang kakayahan ng
mga mag-aaral sa pakikipagtalakayan o ang kanilang bokabularyo sa Ingles.
Kaya naman nararapat ng pantay lamang ang paggamit ng wikang Ingles at
Tagalog, sapagkat kailangan ring nakabatay sa mag-aaral kung anong wika niya
mas naiintindihan at maunawaan ang mga aralin sa naturang kurso.

You might also like