You are on page 1of 6

Lingguhang Plano sa Pagtatasa

sa Asignaturang : FILIPINO 7
Linggo 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Petsa: Mayo 10-14,2021
Paksa/ Gawain dapat tapusin/ gawin Puntos Pangalan at Lagda ng magulang at Puna
Nilalaman/
Bahagi
GAWAIN 1 Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng 30 pts.
Korido at Awit
Kulayan nang maayos ang larawan ng Ibong
Adarna at ihambing ang sarili sa larawan
(Pagganap Blg.1)
GAWAIN 2 Ilahad ang mga kahalagahan ng pag-aaral ng 20 pts.
Ibong Adarna sa pamamagitan ng pag-video sa
sarili. (Pagganap Blg.2)
Timeline Chart Basahin ang panuto bago sagutin (Pasulat na 20 pts
Gawain Blg. 1).

Sagutang Papel-Ikaapat na Markahan

Pangalan: __________________________ Baitang at Seksiyon: ____________

GAWAIN 1
I. KOMPLETUHIN ANG TALAHANAYAN. ISULAT ANG MGA HINIHILING NA IMPORMASYON.
ANO ANG PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO? (F7PT-IVa-b-18 Naibibigay ang kahulugan at mga
katangian ng “korido”)
PAMANTAYAN AWIT KORIDO
Batay sa anyo 1. Binubuo ng 12 pantig sa loob ng 2. Binubuo ng 8 pantig sa loob ng
isang taludturan,apat na taludtod sa isang taludtod at apat na taludtod sa
isang taludturan. isang taludturan.

Musika 3.Ang himig ay mabagal na 4.Ang himig ay mabilis na tinatawag


tinatawag na andante. na allegro.

Paksa 5.Tungkol sa bayani at mandirigma 6.Tungkol sa pananampalataya,


at larawan ng buhay alamat, at kababalaghan

Katangian ng mga Tauhan 7.Ang mga tauhan ay walang taglay 8.Ang mga tauhan ay may
na kapangyarihang supernatural kapangyarihang supernatural o
ngunit siya ay nahaharap din sa kakayahang magsagawa ng mga
pakikipagsapalaran. Higit na Kababalaghan na Hindi magagawa ng
makatotohanan o hango sa tunay na karaniwang tao.
buhay.

Halimbawa 9.Florante at Laura 10.lbong Adarna


II. PANUTO: Kulayan nang maayos ang larawang nasa ibaba. Dapat ay pitong kulay ang makikita sa
larawan. Pagkatapos kulayan ay ihambing naman ang Ibong Adarna sa iyong sarili.

Pamhahambing sa sarili
Pagkakaiba:1.Ang aming pagkakaiba ay hindi ako maka lipad._________________________________
2.Ang aming pagkakaiba ay hindi ako ibon._______________________________________________________
3. Ang aming pagkakaiba ay hindi ako makulay.___________________________________________________
Pagkakatulad: 1.Ang aming pagkakatulag ay parehas kaming nakatira sa lupa.___________________
2. Ang aming pagkakatulag ay parehas kaming kumakaen ng mga gulay._________________________________
3.Ang aming pagkakatulag ay parehas kaming umuinum ng tubig.__________________________
GAWAIN 2
III. Ilahad ang iyong saloobin o ideya patungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna. (F7PSIVa-
b-18 Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna)
(F7PB-Iva-b-20 Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng binasang bahagi
ng akda)

Mahalagang Pag Aralan at unawain Ang Kwento na Ito Dahil marami Kang Matutunan at marami Kang Malalaman
Kung PANO nila napag tagumpayan Ang laha.
PAMANTAYAN Mahusay Katamtaman Kailangan ng Pagsasanay Iskor
Organisasyon Mahusay ang organisasyon at May lohikal ang organisasyon Hindi maayos ang organisasyon
pagkakasunod-sunod ng mga ngunit hindi masyadong ng mga ideya at may kaguluhan
ideya sa video mabisaang pagkakasunod- ang pagkakasunod-sunod ng
sunod ng mga ideya mga ideya
5 4 3
Nilalaman Nailalahad ang lima hanggang Nailalahad ang tatlo Nailalahad ang isa o walang
apat na kahalagahan ng pag- hanggang dalawa na nailahad na kahalagahan ng
aaral ng Ibong Adarna kahalagahan ng pag-aaral ng pag-aaral ng Ibong Adarna
Ibong Adarna
10 8 6
Boses o Tinig Ang boses / tinig ng Ang tinig ng tagapagsalaysay Gumagamit lamang ng iilang
tagapagsalaysay ay maayos at ay hindi gaanong malinaw himig sa pagpapahayag ng
malinaw para sa mga para sa mga tagapakinig / damdamin.
tagapakinig / tagapanood. tagapanood.
Gumagamit ng iba’t ibang himig
sa pagpapahayag ng
damdamin.
5 4
3
Kabuoan

IV. PANUTO: ILAHAD MULI ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG ADARNA SA


PAMAMAGITAN NG TIMELINE CHART. UPANG BUO ANG IYONG TIMELINE CHART AY ISULAT ITO
SA HIWALAY NA PAPEL. (20 PTS.) ( F7PU-Iva-b-18 Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik
na impormasyon kaugnay na kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna)

PAMANTAYAN SA GAWAIN

NILALAMAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN NG ISKOR


PAGSASANAY
KAANGKUPAN Lahat ng Walumpong Animnapung Halos lahat ng
NG GINAMIT NA impormasyong kinuha porsyento (80%) ng porsyento (60%) ng impormasyong
TSART SA ay tama at impormasyong impormasyong kinuha kinuha ay mali
PAGLALAHAD makabuluhan kinuha ay tama at ay tama at
PAKSA 10 makabuluhan makabuluhan
8 6 4
KASININGAN Kahanga-hanga ang Mahusay ang tsart Katamtaman ang Hindi angkop ang
tsart na ginamit sapat na ginamit sapat tsart na ginamit sapat tsart na ginamit
upang madaling upang madaling upang madaling kaya’t nahirapang
maintindihan ang maintindihan ang maintindihan ang maintindihan ang
paksa paksa paksa paksa
6 4
5 2
Kasiningan Kitang-kita ang Kita ang kalinisan at Bahagyang nakita Hindi nakita ang
kalinisan at kaayusan kaayusan ng kalinisan at kaayusan kalinisan at
ng timeline chart na timeline chart na ng timeline chart na kaayusan ng
ginawa. ginawa ginawa timeline chart na
4 2 ginawa
3 1

Lagda ng mag-aaral: ______________________________________________ Petsa: ___________


Pangalan at lagda ng magulang/tagapangalaga: ___________________ Petsa: ___________

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:


Rochelee T. Rifani Ma.
Joan D. Andayan
Guro ng Filipino
Punongguro

Magsulat ng iyong repleksiyon patungkol mga paksang-aralin

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

BAGUIO CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL


FILIPINO 7
IKAAPAT NA MARKAHAN SY 2020-2021

I. PAKSA: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna (Ang Paglaganap ng Korido sa


Panahon ng mga Espanyol at Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna)
V. Kasanayang Pampagkatuto
F7PB-Iva-b-20 Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng
binasang bahagi ng akda
F7PT-IVa-b-18 Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido”
F7PSIVa-b-18 Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna
F7PU-Iva-b-18 Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
III. Layunin
a. Naihahambing ang korido sa awit.
b. Nailalahad ang opinyon o saloobin patungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
c. Naisusunod-sunod ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Ibong Adarna sa pamamagitan ng
Time Chart.

Basahin at unawain ang patungkol sa Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna (Ang
Paglaganap ng Korido sa Panahon ng mga Espanyol at Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong
Adarna)

Ang Paglaganap ng Korido sa Panahon ng mga Espanyol

⮚ Marso 16,1521- pagdating sa Pilipinas ng mga Espanyol sa pangunguna ni Ferdinand Magellan


⮚ 1565 – nang dumating si Miguel Lopez sa bansa at nagtatag ng unang pamayanan sa Cebu at
dito nagsimula ang pananakop ng mga Espanyol sa ating Inang Bayan

Tatlong pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas


1. Upang palaganapin ang Katolisismo.
2. Pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga sakop na mga
bansa.
3. Paghahanap ng mga pampalasa, masaganang likas-yaman, at mga hilaw na materyales upang
matustusan ang kanilang mga pangangailangang pang-ekpedisyon.

Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang Katolisismo, sinunog nila ang
mga nakasulat na panitikan ng ating mga pinuno sa halip ay pinalitan nila ang mga ito ng
panitikang nagbibigay-diin sa pananampalatayang Kristiyanismo Ito rin ang sanhi kung
bakit ang panitikan sa panahong ito ay nagging mapanghuwad o may pagkakatulad sa mga
anyo at paksang Espanyol. Lumaganap sa larangan ng panulaan ang mga tulang liriko,
mga awit, mga korido, at ang pasyon. Sa larangan naman ng drama ay namayani ang
duplo, karagatan, komedya, o moro-moro, mga dulang panrelihiyon, senakulo, at
sarsuwela.
Samantalang ang mga akdang tuluyan o prosa ay may paksang panrelihiyon at
karaniwang tungkol sa mga talambuhay ng mga santo.
Ayon sa talang isinulat ni Jose Villa Panganiban, et.al. sa aklat na pinamagatang
Panitikan ng Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng Espanyol ay sinasabing may tatlong
katangian:
1. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, korido,
pasyon, duplo,karagatan.komedya,senakulo,sarsuwela,talambuhay, at mga
pagsasaling-wika.
2. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
3. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo,paksa, o tradisyong
Espanyol.
Naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang
relihiyong Katolisismo sa bansa. Isa sa pinakatanyag na uri ng panitikang nagbibigay-
halaga sa diwang Kristiyanismo ay ang mga tulang romansa na nauuri sa dalawang anyo-
ang awit at ang korido.
Mahigpit ang sensura noong Panahon ng Espanyol, hindi lahat ng mga pampanitikan
ay maaaring maisulat at mailathala lao pa kung ito ay laban sa pamamahala ng mga
Espanyol. Ngunit dahil sa temang sinasaklaw ng awit at korido ang mga ito ay namayani at
higit na nakilala ng marami.

Pagkakaiba ng Awit at Korido


Pamantayan Awit Korido
Batay sa anyo Binubuo ng 12 pantig sa Binubuo ng walong pantig
loob ng isang taludturan, sa loob ng isang
apat na taludtod sa isang taludturan, apat na
taludturan taludtod sa isang
taludturan
Musika Ang himig ay mabagal na Ang himig ay mabilis na
tinatawag na andante tinatawag na alegro
Paksa Tungkol sa bayani at Tungkol sa
mandirigma at larawan ng pananampalataya,
buhay alamat, at kababalaghan
Katangian ng mga tauhan Ang mga tauhan ay Ang mga tauhan ay may
walang taglay na kapanggyarihang
kapanggyarihan supernatural o
supernatural ngunit siya kakayahang magsagawa
ay nahaharap din sa ng mga kababalaghan na
pakikipagsapalaran ngunit hindi magagawa ng
higit na makatotohanan o karaniwang tao
hango sa tunay na buhay
Mga halimbawa Florante at Laura, Pitong Ang ibong Adarna,
Infantes De Lara, Doce Kabayong Tabla, Ang
Pares ng Pransya, Haring Dama Ines, Prinsipe
Patay Florinio

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna


Hindi pa rin matukoy kung sino ba talaga ang sumulat ng koridong Ibong Adarna. Ayon kay Pura
Santillan-Castrence, ito ay sa dahilang ang kasaysayan ng akdang ito ay maaring hinango lamang sa mga
kuwentong-bayan mula sa mga bansang Europa tulad ng Denmark, Romania, Alemanya, Austrila, at
Finland. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming mga kritiko ang nagsasabing na ang Ibong Adarna ay
hindi ganap na maituturing na bahagi ng Panikang Pilipino sapagkat hiram lamang ang kasaysayan nito
mula sa ibang bansa. Kung uugatin ang kasaysayan, ang tulang romansa ay nagmula sa Europa noong
panahong Medieval o Middle ages. Tinatayang noong 1610, mula sa bansang Mexico, ito ay nakarating sa
Pilipinas na siyang ginamit na instrumento ng mga Espanyol upang hikayatin ang mga katutubo na
yakapin at tanggapin ang katolisismo.

Bagama’t itinuturing na sa ibang halaw o nagmula sa ibang bansa ang akdang ito, sinasabi ng mga
kritiko na umaangkop naman sa kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito. Masasalamin sa
akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng
pananampalataya sa Poong Maykapal, mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, mataas na
pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang, paggalang sa mga nakatatanda, pagtulong sa mga
nangangailangan, pagtanaw ng utang na loob, mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababihan,
pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap ng pagsubok ng buhay at marami pang iba. Bukod sa
mga gintong aral na makukuha sa akda, ito ay tinatangkilik din ng ating mga ninuno sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol sapagkat nagdulot ito ng kasiyahan o kaaliwan sa kanila.  Sa katanuyan ang
Ibong Adarna ay itinuturing na panitikang pantakas sapagkat ang mahihirap na Pilipino na sakbibi ng hirap
at sakit dahil sa kahirapang kanilang nararanasan bunga ng paniniil ng mga Espanyol ay pansamantalang
nakatakas sa kanilang tunay na kalagayan sa sandaling mabasa ang akdang ito at mailagay ang kanilang
sarili sa pakikipagsapalaran ni Don Juan na siyang pangunahing tauhan sa akda.

Sa maraming mga koridong nakalimbag at naisulat sa Pilipinas, Ang Ibong Adarna ang higit na
tumanyag sapagkat bukod sa ang mga sipi nito ay ipinagbili sa mga perya na karaniwang isinasagawa
tuwing kapistahan ng mga bayan-bayan. Itinatanghal din ito sa mga entablado tulad ng komedya o moro-
moro.

Ang mga kopya ng Ibong Adarna ay nakalimbag sa iba-ibang gamit at baybay ng mga salita dahil sa
pasalin-saling pagsipi. Noong 1949, sa pamamagitan ng masusing pag-aaral ni Marcelo P. Garcia ng iba’t
ibang sipi ng Ibong Adarna ay isinaayos niya ang pagkakasulat ng kabuuan nito partikular ang mga sukat
at tugma ng bawat saknong. At hanggang sa kasalukuyang panahon ang kaniyang mga isinaayos na sipi
ay karaniwang ginagamit sa mga paaralan at palimbagan.

You might also like