You are on page 1of 1

Filipino: Wika ng Karunungan Tungo sa Kaunlaran

Maluwalhating umaga sa inyo mga kapwa Pilipino, mag-aaral, kaibigan,


mahuhusay at mapagmahal na mga guro, butihing at maunawaing prinsipal at
administrador. Purihin ang Panginoong Hesus sa isang napakagandang umaga!

Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit
kang binabago.

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na
ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ito ang bumubuklod
sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang


panahon, binuhay nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas
ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa
pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan
para sa transportasyon at komunikasyon na nagbigay daan para mas dumami ang
ideya at opinyon. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon. Nagbigay daan
ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala.
At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may
iba’t-ibang paniniwala.

Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang
ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang
Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.

Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga
Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman
ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat.

Maraming Salamat! Nawa’y mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na
mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.

You might also like