You are on page 1of 13

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2 : Maaaring Lumipad ang Tao!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Arlene S. Cordial
Tagasuri: Concepcion A. Argame
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Maaaring Lumipad ang Tao
Manunulat : Arlene S. Cordial
Tagasuri: Concepcion A. Argame/ Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 2 para
sa aralin 3.1 Maaaring Lumipad ang Tao!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 2 ukol sa Aralin 3.1


Maaaring Lumipad ang Tao!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nabibigyang-puna ang nabasang akda.
2. Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/ pagtatalo.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:


A. Nakalalahad ng mahahalagang pangyayari sa mitolohiyang nabasa.
B. Naiuugnay ang mga pangyayari sa mitolohiya sa mga tunay na nagaganap
sa lipunan.
C. Naipaliliwanag ang sariling reaksiyon sa mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya.

Bago tayo dumako sa ating aralin, subukin mo muna kung masasagot mo


ang ilang katanungan kaugnay sa modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto : Isulat ang letrang T kung TAMA ang isinasaad ng pahayag at letrang
M kung MALI.
_____ 1. Ang rasismo ay laganap saan mang dako ng daigdig.
_____ 2 Nagtatagumpay ang kadalasang inaapi.
_____ 3. Hatulan agad ng parusa ang taong nagkasala.
_____ 4. Madalas nagkakaroon ng diskriminasyon sa pamamagitan ng mahirap at
mayaman.
_____ 5. Paghihiwalay ng tao sa mundo ang epekto ng pagkakaroon ng rasismo.

BALIK-ARAL
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga bansa ang hindi kasali sa mga bansang nakapalibot sa Kenya?
A. Ethiopia B. Gresya C. Somalia D. Tanzania

2. Anong katangian ang namamayani sa tauhang si Haring Ahmad sa mitolohiyang


Liongo?
A. Gahaman B. Mabuti C. Malakas D. Matapang

6
3. Sa aspetong panrelihiyon, anong kuwento sa bibiliya ang kahalintulad ng
kasaysayan ni Liongo?
A. Abraham at Isaac C. Eba at Adan
B. Cain at Abel D. Samson at Delilah

4. Siya ang hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta.


A. Ahmad B. Ahura C. Jeh D. Liongo

5. Sino ang nagtraydor kay Liongo na sanhi ng kanyang kamatayan?


A. Haring Ahmad B. Mbawasho C. Mga Gala D. Sariling anak

ARALIN
Narito ang isa sa mga mitolohiya ng Nigeria. Alam kong handa ka nang
basahin ang tungkol sa buhay nina Toby at Sarah at dito mo malalaman
kung ano ang epekto ng tinatawag na rasismo.
Maaaring iclick ang link na nasa ibaba. Kung walang access sa internet
maaaring basahin ang mitolohiya na makikita sa modyul na ito.
https://youtu.be/cDLokCmEBCE

Maaaring Lumipad ang Tao


Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang


kapangyarihan kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak.Inililihim nila ang
kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao
mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam sa kanila
kung sino ang nakalilipad at ang hindi.
May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig.
Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang
may batang nakatali sa kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga
gawain. Sa ganitong pangyayari sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain.
Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito. Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad raw siya
sa kumpol ng putik, uling na kumikinang sa matigas na batong nakasalansan
na hindi matanggal.
Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo
ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa
gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa .
Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang
ang bata ay tulog sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong
umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang
umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata.

7
“Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata.
Hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya
ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa.
Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis
ako nang mabilis,” sabi niya pagdaka.
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na
ng araw ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. “Kaawaan mo
kami, kaawaan mo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok
siya at napaupo na lamang sa pilapil.
“Tumayo ka, ikaw, maitim na baka” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si
Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay
naging basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya
makatayo.
Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya.
“Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.”
“Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung
alam mo kung paano ka makaaalis.”
“Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan
ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas
ang isang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kaniyang paglipad
na hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang
mahika, ang misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng
isang ibon, na animo’y balahibong umiilanlang sa hangin.
Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si
Sarah, at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad
siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga
taong nasa ibaba. Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi
makapaniwala, subalit nakita nila ito.
Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay
sa maiinit na palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay
at nilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang
salita ng lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad
maintindihan. Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling
naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa
hangin. Pansamantala siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy
ng hangin at muli siyang nakalipad.
Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya
sa nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay
“kumkumka yali, kum… tambe!” Pabulong niyang sabi at muli na naman silang
nakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may
makislap na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako
sila sa pilapil, sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig .
“Bihagin ang matanda,” sabi ng tagapagbantay.
“Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin
siya.” Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang
8
kaniyang latigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin
ang negrong si Toby.
Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyo
kilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming
nasa palayan.” At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako
sa angkan ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan
sa ilalim ng malupit na latigo.
“Buba… Yali... Buba... tambe…”
May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay
naunat, matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay.
Nagsasalita habang nakabilog animo singsing, umaawit pero hindi sila
magkakahalo hindi pala sila umaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay-langkay
na animo mga ibong tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na
mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon,
ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang
kalayaan.
Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya
umiiyak, hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang
mga katutubong alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila.
“Isama ninyo kami sa paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot sumigaw.
Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng
pagkakataon na makatakbo “paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si
Toby, “Kausapin mo sila ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang
nasaksihan. “Ito ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang
tagapagbantay ay hindi nagsalita sapagkat alam niya ang totoo.
Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa
kanilang mga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila
noong sila ay malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan.

At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi
nakalilipad hanggang ngayon.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

9
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY BLG.1

Panuto : Ihanay ang mga pangyayari sa mitolohiya gamit ang Story Ladder.

PAGSASANAY BLG.2

Panuto: Isulat ang MK kung makatotohanan at DMK kung di-makatotohanan


ang sumusunod na pahayag.

_____ 1. Ang kaginhawahan ay matatamo pagkatapos harapin ang paghihirap.

_____ 2. Sila ay nagbabalatkayong mga tao sa Aprika na may maitim na balat.

_____ 3. May mga taong may kapangyarihan na makalipad kahit walang pakpak.

_____ 4. Ang panitikan tulad ng mitolohiya ay naisasalin sa sumusunod na

henerasyon.

_____ 5. Sa bawat kuwento ay may mabuti at masamang tauhan.

10
PAGSASANAY BLG.3

Panuto: Lagyan ng tsek  kung ang sumusunod na pangyayari ay tunay na


nagaganap sa lipunan.

____ 1.Habang nagtatrabaho sa bukid, tiniis ni Sarah ang init at gutom.


____ 2. Matindi ang pagmamaltarato ng tagapagbantay ng lupa sa mga katutubong
alipin.
____ 3. Alipin ang tingin ng mga nakatataas sa mga taong may mababang uri ng
pamumuhay.
____ 4. May mga batang pilit na nagtatrabaho dahil sa kahirapan.
____ 5. Si Toby ay sadyang may mabuting kalooban, tinulungan niya ang mga
alipin upang makawala sa hirap na kinalalagyan.

PAGLALAHAT

Panuto: Magbigay ng sariling reaksyon batay sa sumusunod na pahayag.

1. Ang pagtatanggol sa sarili ay hindi masama lalo na kung nasa katuwiran ang

iyong ipinaglalaban.

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

2. Walang karapatang pagmalupitan ng sinuman ang kanyang kapwa tao.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

11
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Sagutin nang maayos ang tanong


Sino sa mga tauhan ng mitolohiya ang nais mong tularan? Bakit siya ang napili
mo? Alin sa mga katangian niya ang nagustuhan mo?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang

kanilang paggawa. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?

A. Pagmamahal B. Pagmamadali C. Pagmamalupit D.Pagkaawa

2. Salitang binabanggit upang magkaroon ng pakpak ang mga alipin.

A. Abra Kadabra C. Sim Sala Bim

B. Hokus Pokus D. Kumbubayali Kumbuba Tembe

3. Ang matandang lalaki na laging tumutulong sa iba pang katutubong alipin na

magkaroon ng pakpak.

A. Moby B. Moly C. Rudy D. Toby

4. Isa sa mga alipin na karga ang anak habang nagtatrabaho sa bukid.

A. Ana B. Mara C. Sarah D. Sophie

5. Ang pagkakaron ng pakpak at paglipad ng mga katutubong alipin ay


sumisimbolo ng ______________.

A. kalayaan B. kasiyahan C. kapanatagan D. kawilihan

12
13
Hhttps://youtu.be/cDLockCmEBCE
translated by Roderic P. Urgelles. Manila: Vibal Group
Hamilton Virginia” Maaaring Lumipad ang Tao” In PANITIKANG PANDAIGDIG,
Sanggunian
MODYUL 2
ARALIN 3.1 MITOLOHIYA (Maaaring Lumipad ang Tao)
PAUNANG PAGSUBOK PAGSASANAY 3
1. T 1. 
2. T 2. 
3. M 3. 
4. T 4. 
5. T 5. 
BALIK-ARAL PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. B 1. C
2. A 2. D
3. B 3. D
4. D 4. C
5. D 5. A
PAGSASANAY 1
1. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang paggawa.
2. Hinawakan si Sarah sa balikat ng tagapagbantay hanggang sa mapaluhod ito at
bumagsak sa lupa.
3. Hinampas ng latigo ang anak ni Sarah na umiiyak.
4. Tinulungan ni Toby si Sarah na makalipad at ang anak nito upang makalaya sa
pagmamaltrato ng tagapagbantay.
5. Isang batang alipin ang nakitang nakahandusay sa mainit na palayan at wala nang
buhay.
PAGSASANAY 2
1. MK
2. MK
3. DMK
4. MK
5. MK
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like