You are on page 1of 1

“Alone we can do so little, together we can do so much.


Kung sa pag ibig daw ay walang forever sabi ng mga millennials, Ang
makapangyarihang mga salita na binitiwan na ito ni Helen Keller, ay may forever,
dahil it forever stand the test of time.
Sa pagtutulungan ng paaralan, pamilya at pamayanan sa iisang layunin tayo
ay makakamit ng mga bagay beyond our greatest imagination. Ang
pinakahangarin ng ugnayan sa pagitan ng paaralan, magulang at komunidad ay ang
magkaroon ng kolaborasyon na naglalayong tulungan ang lahat ng bata para sa
magandang kinabukasan. Kayong mga magulang ay mahalagang haligi ng
paaralan, ang pagpunta niyo dito ngayong hapon ay pagpapatunay lamang na kayo
ay nakikibahagi sa adhikain ng ating paaralan.
Ang pagpupulong natin ngayong hapon ang magbubukas ng pinto para ang
bawat isa sa atin ay magkaroon ng bukas na komunikasyon para sa magandang
kolaborayon at samahan. Sabi nga sa kasabihan, “It takes a whole village to raise a
child,” tulong tulong tayo sa paggabay at pagiging modelo sa mga mag – aaral para
patuloy nilang taglayin ang kanilang mga natutunan.

You might also like