You are on page 1of 6

1 Linggo (Nov 9-Nov 14)

ARALIN 3: Naiintindihan natin ang Damdamin ng Iba!

4
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAOMOD
ULE

Bb. Ariane Cabasan


ESP Teacher
Yunit Naiintindihan natin ang Damdamin ng Iba!
2

Sanggunian

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Huwag kalimutang sagutin ang mga pagsasanay! bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy sa nakatakdang araw.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang isang alternatibong paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral
dahil sa banta ng Covid-19 sa ating bansa o sa ating lugar. Tugon nitong masasagot ang mga
pangangailangan habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Kaya sa modyul na ito inaasahang malalaman at maunawaan ang mga sumusunod:

 Makapagsusuri ng mga impormasyong nababasa o naririnig bago ito paniniwalaan,

 Maipahahayag ang kahalagahan ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip o saloobin kung ano ang dapat at
di dapat.

Ano ang pagkakaroon


ng Pagdamay sa
Kapuwa?
Ang pagdamay sa kapuwa ay hindi natatapos sa pagkaramdam ng awa para sa kanila. Ito ay ang pagpapaabot
ng ating pang-unawa sa kanila. Ito ay ang pagpapaabot ng ating pang-unawa sa kanilang nararamdaman at ang
pamamalasakit na matulungan sila.

Lahat tayo ay nangangailangan ng mga taong makauunawa sa atin. Ito ay dahil lahat tayo ay nakararanas ng
mga problema sa buhay at kailangan natin ng tulang upang malampasan natin ang mga ito.

Aralin Naiintidihan natin ang Damdamin ng Iba!


3
Ang simpleng tapik sa balikat, ang mainit na yakap, o pagpaparinig ng ilang mabubuting salita ay
makatutulong upang maging maayos ang ating nararamdaman sa kinahaharap nating sitwasyon. Ang mga taong
kayang umunawa sa atin ay nakapagbibigay sa atin ng pag-asa at lakas ng loob upang malampasana ang mga
pagsubok ng buhay.

Ang pakikiramay ay ang paglagay ng ating mga sarili sa sitwasyon ng iba upang mas lalo nating maunawaan
kung ano ang kanilang naramdaman,

. PALALIMIN

Basahin ang kuwento ng dalawang magkaibigan na bumago sa buhay ng isa’t isa. Alamin kung paanong ang
pagdadamayan ay nakatutulong sa pagpapabuti ng buhay at nakapagbibigay ng bagong pag-asa.

Totoong may Himala! Halaw sa “Teachers” ni Helen Keller

Noong ika-3 ng Marso taong 1887, ipinadala si Annie Sullivan ng Perkins


Institute for the Blind sa Boston, Massachusetts sa Tuscambia, Alabama, USA
kung saan nagturo siya nang Finger Language – isang paraan ng pakikipag-
komunikasyon sa mga taong bulag at pipi. Napunta siya sa pamilya ng mga Keller
upang alagaan ang bulag at pipi nilang anak na si Helen Keller. Hindi akalain ni
Annie na dahil dito, siya ay mababansagang “Miracle Worker” baling araw.

Sabik na si Annie Sullivan na makilala ang kaniyang bagong mag-aaral nang


may batang babaeng biglang lumabas at tila nalilito, magagalitin, madungis, at
mailap. Sa sandaling iyon, agad naisip ni Annie na kailangan niyang maging matatag dahil mukhang
mahihirapan siya sa kaniyang bagong mag-aaral.
Ang pagkakaroon ni Helen ng magaspang na pag-uugali at kawalang disiplina ay nagdulot ng kalungkutan
kay Annie, subalit determinado siyang matutuhan nito ang paraan ng pakikipagkomunikasyon sa iba at
pagkakaroon ng kagandahang-asal.

Isang araw, habang kumakain, nakita ni Annie ang magaspang na pagkilos ni Helen sa hapag-kainan. Makalat
ito sa pagkain at wala man lang sumusuway dito. Ayaw n Annie na magpatuloy si Helen sa ganitong asal.
Hiningi niya ang pahintulot ng pamilya Keller upang maumpisahan na ang pagtuturo kay Helen. Pinaupo ni
Annie si Helen ngunit ang pagtanggi nito, kaya’t binuhat na lang niya ito at ibinalik sa upuan. Nang paglaruan
ni Helen ang pagkain sa mesa, tinapik ni Annie ang kamay nito hanggang sa tumigil ito. Tinuruan niya si Helen
kung paano kumain nang maayos at gumamit ng kutsara at tinidor.

Kahit na may katigasan ang ulo ni Helen, hindi sumuko si Annie sa pagtuturo at paggabay nito. Matiyaga niya
itong tinuturuan hanggang isang araw, nagging maayos na sa kaniyang pagkilos at pag-uugali si Helen. Hindi
lang si Annie ang nagpadama ng malasakit kay Helen. Si Helen man ay sinuklian din ng kabutihan ang
kabutihang natatanggap mula sa kaniyang guro. Ang dating madungis at magagaliting si Helen ay unti-unti
nang nagbago.

Ang pagdamay ni Annie ay nagkaroon ng malaking epekto sa buhay ni Helen. Natutuhan ni Helen na kumilos
nang tama sa paraang nagpapakita rin ng kaniyang pakikiramay sa iba. Sina Annie at Helen ay naging matalik
na magkaibigan na nagtuo sa isa’t isa ng kahalagahan ng pagiging maunawain sa damdaming ng kapuwa.

  Pagsusuri

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Bakit kailangan ni Helen ang tulong ng isang gurong may kasanayan sa pagtuturo ng mga batang may
natatanging pangangailangan?

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga katangian ni Annie Sullivan kaya’t naging matagumpay ang kaniyang pagtuturo kay
Helen?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

3. Ano ang naging epekto ng pagdidisiplina ni Annie kay Helen?


________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________
4. Ano ang sinasabing himalang nangyari sa kuwento?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, ano kaya ang posibleng mangyari kay Helen kung hindi nagpatuloy sa pagtuturo si
Annie?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

TUKLASIN NATIN

Ang pakikiramay sa kapuwa ay kagandahang-asal na kaugnay ng pagmamahal. Ito ay likas na katangian ng


bawat tao dahil tayo ay bahagi ng isang malaking pamilya na may malasakit sa bawat miyembro nito.
Gayunpaman, kailangan nating linangin ang magandang asal na ito habang tayo ay lumalakit ay lumalago
bilang isang tao.
Kapag nasasabi ng ating mga kamag-aral o kapatid na nauunawaan natin sila at ang kanilang nararamdaman,
nangangahulugan itong marunong tayong makiramay sa kanila. Mahirap itong gawin dahil hindi lang natin
kailangang isantabi ang ating personal na nararamdaman, ngunit kailangan din nating ilagay ang ating sarili sa
kanilang pinagdaraanan.

Ang pakikiramay sa kapuwa ay nagdudulot ng pagkakasundo, pagmamahalan, at mapayapang ugnayan sa


isa’t isa. Sa pamamagitan ng pagdadamayan, tayo ay natatanggap at nauunawaan ng iba. Malaki ang
maitutulong nito upang maiwasan ang pagkakagalit at hindi pagtutulungan. Ang pakikiramay ay isa’t isa ay
nagbibigay ng katiyakang hindi tayo kailanman ay mag-iisa.
Isabuhay Natin
Sumulat ng isang Liham ng Pakikiramay para sa isang kaibigang may suliraning kinahaharap sa kasalukuyan.
Mangako na ikaw ay tutulong upang mapagaan ang bigat ng kaniyang nararamdaman.

(Paki-attach na lang sa modyul na ito ang Liham ng Pakikiramay).

Sanggunian

Aklat:

Vibal, Edukasyon sa Pagpapakatao 4

 Maria Myrna C. Barranta


Mary Charmaine Angeli V. Gabat
Maria Lina E. Olalde
Nenita I. de Vega
May-akda/Patnugot

Mula sa Internet : Image

You might also like