You are on page 1of 20

COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.

Central West, Bauang, La Union

NILALAMAN
MODYUL I (UNANG MARKAHAN)
FILIPINO 7 YUNIT 1- Mga Akvdang Pampanitikan: Salamin Ng Mindanao

(PANITIKAN NG VISAYAS: REPLEKSYON Aralin 1- Ang Mabuting Anting-Anting (Kwentong-Bayan)


Mga Pahayag na Nagbibigay Patunay
NG KABISAYAAN)
Aralin 2- Nakalbo ang Datu
-Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Panghihikayat

Aralin 3- Si Kikang Agila (Pabula)


-Mga Ekspresyon ng Posibilidad

Aralin 4- Ang Matalinong Pilandok (Pabula)


-Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Saloobin, Emosyon o Damdamin

JO RIZALINA O. MALTO, LPT Aralin 5- Alamat ng Mindanao (Alamat)


Guro ng Filipino -Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

Aralin 6- Tulalang (Epiko)


-Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Aralin 7- Ang Munting Kaibigan (Maikling Kwento)


-Mga Retorikal na Pang-ugnay

Sa karagdagang katanungan, maari ninyong kontakin ako sa sumusunod:


Gmail address: jorizalinamalto19@gmail.com
Contact num.: 09454832425/09095033139
Facebook acc. JoRizalina Orofino Malto

FILIPINO 7 Page 1
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

MODYUL II (IKALAWANG MARKAHAN) Aralin 4- Yaman ng Palawan, Hiyas ng Bayan (Sanaysay)


YUNIT II- Panitikan Ng Visayas: Repleksyon ng Kabisayaan -Mga Pahayag na Paghihinuha ng Pangyayari

Aralin 1- Awiting-bayan Aralin 5- Sandaang Damit (Maikling Kwento)


-Antas Ng Wika -Di-berbal na Komunikasyon

Aralin 2- Alamat ng Apoy (Alamat) MODYUL IV (IKAAPAT NA MARKAHAN)


-Mga Pahayag sa Paghahambing YUNIT IV-Florante at Laura

Aralin 3- Hinilawod (Epiko) Aralin 1- Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna


-Mga Pang-ugnay sa Paglalahad
Aralin 2- Buod ng Ibong Adarna
Aralin 4- Sa Karagatan ng Buhay (Maikling Kwento)
-Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay at Pagsusunod-sunod ng Pangyayari Aralin 3- Ang Panawagan at Mag-anak ni Haring Fernando

Aralin 5- Maskara (Dula) Aralin 4- Ang Paghahanap sa Ibong Adarna at Pagtataksil ng Magkapatid
-Panghalip na Anapora at Katapora
Aralin 5- Armenya: Isang Tagong Paraiso

MODYUL III (IKATLONG MARKAHAN) Aralin 6- Ang Kaharian ng Reino De los Cristales
YUNIT III- Panitikan ng Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan
Aralin 7- Ang Pagwawakas
Aralin 1- Bugtong
-MgPonemang Segmental
Diskripsyon ng Kurso:
Aralin 2- MgaTulang Panudyo at Tugmang de-gulong
-Ponemang Suprasegmental Ang layunin ng pagtuturo ng kursong ito ay malinang ang kakayahang
komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan
Aralin 3- Ang Malaking Baha (Mito ng mga Tingguian) gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang rehiyunal
-Mga Hudyat ng Simula, Gitna at Wakas ng Isang Akda upang maipagmalaki ang sariling kultura, gayundin ang iba’t ibang kulturang
panrehiyon.

FILIPINO 7 Page 2
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

MODYUL II (IKALAWANG MARKAHAN) YUNIT II- Panitikan Ng Visayas: Repleksyon ng Kabisayaan


YUNIT II- Panitikan Ng Visayas: Repleksyon ng Kabisayaan

Aralin 1- Awiting-bayan
Pangkalahatang Ideya sa Paksa
-Antas Ng Wika Maraming panitikan ang inilimbag at inilathala na naging bahagi na ng
kamalayang Pilipino. Ngunit tulad ng nakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi
Aralin 2- Alamat ng Apoy (Alamat) ganap ang pagsasalaysay sa kahalagahan ng lahat ng bahagi ng bansa, maraming
-Mga Pahayag sa Paghahambing bagay pa ukol sa Visayas ang hindi batid ng marami: kasaysayan, kultura at
panitikan.
Aralin 3- Hinilawod (Epiko) Ang kabuong yunit na ito ay tungkol sa pag-unawa sa akdang pampanitikan
-Mga Pang-ugnay sa Paglalahad ng Visayas. Matutunghayan natin ang iba’t ibang akdang pampanitikan na sadyang
sumasalamin sa kanilang paniniwala, kultura at tradisyon.
Aralin 4- Sa Karagatan ng Buhay (Maikling Kwento)
-Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay at Pagsusunod-sunod ng Pangyayari Mga Kinakailangan Pamantayan sa Pagkatuto:
Pagkatapos ng kabanatang ito, anmg mga mag-aaral ay inaasahang:
Aralin 5- Maskara (Dula) Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang F7PN-IIa-b-7
-Panghalip na Anapora at Katapora nais iparating ng napakinggang bulong, awiting-bayan, alamat,
bahagi ng akda, at teksto tungkol sa epiko sa Kabisayaan
Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang F7PB-IIa-b-7
nakapaloob sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga
Bisaya
Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa F7WG-IIa-b-7
pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)
Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng F7PB-IIc-d-8
Kabisayaan
Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga F7PT-IIc-d-8
salitang paulit-ulit na ginamit sa akda, mga salitang iba-iba ang F7PT-IIe-f-9
digri o antas ng kahulugan (pagkiklino), mga di-pamilyar na salita
mula sa akda, at mga salitang nagpapahayag ng damdamin
Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing F7WG-IIc-d-8
(higit/mas, di-gaano, di-gasino, at iba pa)
Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat kaugnay ng paksa F7PU-IIe-f-9
Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa F7PU-IIg-h-10

FILIPINO 7 Page 3
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura


Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan F7PB-IIi-12
Nagagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat, F7WG-IIj-12 PANIMULANG PAGTATAYA
tugma, tayutay, talinghaga, at iba pa)
Pangalan:______________________________ Iskor:_____________
Talasalitaan Petsa:______________

Awiting bayan- mga karunungang-bayan na nilapatan ng himig na inaawit sa Panuto: Basahin at Unawain ng mabuti ang mga sumusunod na pahayg. Bigyan
mga nayon para sa iba’t ibang gawain, pagdiriwang okasyon na naging ng maigsi ngunit malamang pagpapaliwanag.
batayan ng makabagong musika.
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Kabisayaan?
Dula- isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. _____________________________________________________________________
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. _____________________________________________________________________
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang _____________________________________________________________________
mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay _____________________________________________________________________
tinatawag na mga mandudula o dramatista. ____________________________________________________________________.

Epiko- uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at 2. Bilang isang mag-aaral, paano nakakatulong sa inyo ang pag-aaral ng
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi pampanitikan sa inyong pag-aaral?
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani- _____________________________________________________________________
paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagilagilalas _____________________________________________________________________
na mga pangyayari. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Maikling Kwento- ay isang anyo ng tuluyang panitikan na may banghay na ____________________________________________________________________.
kinasasangkutan ng ilang mga tauhan at kadalasang umiikot sa isang suliranin.
3. Magbigay ng alam mong kilalang panitikan n Kabisayaan at ipaliwanag.
Alamat- pasalitang anyo ng panitikan na nagsimula pa noong panahon ng _____________________________________________________________________
katutubo. Layunin ng panitikang ito na ipaliwanag sa pamamagitan ng _____________________________________________________________________
pagsasalaysay ang pinagmulan ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

FILIPINO 7 Page 4
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

15. Umbay- awit sa pagkaulila na may himig na nagpapaawa sa kawalan ng


nagmamahal o kumupkop na magulang.
ARALIN 1.1- AWITING BAYAN O KANTAHING-BAYAN 16. Rawitdawit o Kutangkutang- awit ng mga lasing o awit sa lansangan na
naglalayong magpatawa, magpasaring o manudyo.
Paghahanda: Sagutin ang mga sumusunod. 17. Ditso- mga kasabihang nilapatan ng himig ng mga bata para sa knilang paglalaro.
1. Kailan masasabing pagkakakilanlan ng kultura ang mga awiting bayan?
2. Bakit mahalagang gumamit ng mga salita ayon sa antas sa tiyak na sitwasyon? Tatlong dahilan ng kahalagahan ng pag-aaral ng mga Kantahing-bayan:
1. Ang mga kantahing-bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.
Awiting Bayan- mga karunungang-bayan na nilapatan ng himig na inaawit sa mga 2. Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng
nayon para sa iba’t ibang gawain, pagdiriwang okasyon na naging batayan ng lahing Pilipino.
makabagong musika. 3. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming
Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na galing sa puso at kaluluwang bayan.
paksa at uri. Ang mga paksa nito’y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian,
karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ito ay naglalaman ng pangaral at payak na
pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaalala sa mga kabataan. KARAGDAGANG-KAALAMAN
Ang BULONG ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang
Mga Uri ng Kantahing Bayan tao sa kapuluan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba nang
1. Kundiman- noong unang panahon nanliligaw ang mga binata sa pamamagitan ng kahulugan sa wikang Tagalog ng Maynila, subalit nanatili pa rin ang tunay na
harana. pakahulugan nito sa ilang mga lalawigan sa Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan.
2. Oyayi / Hele- ito'y awiting bayan para sa pagpapatulog ng bata, ito rin ay Isang panalangin ang bulong binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang
naglalaman ng bilin pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran.
3. Dalit o Himno- ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat.
4. Talindaw- ang talindaw ay awit sa pamamangka o pagsagwan ARALIN 1.2- ANTAS NG WIKA
5. Kumintang o Tagumpay- ito ay awit sa pakikidigma. Ang WIKA ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao
6. Diona- awit sa mga ikinakasal batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
7. Soliranin- awit ng mga mangingisda panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan.
8. Sambotani- awit pag nagtagumpay
9. Balitaw- awit ng pag-ibig (kundiman sa Tagalog) a. Pormal – Ito ay antas ng wika na pamantayan at kinikilala/ginagamit ng
10. Dung-aw- awit sa patay o pagadadalamhati ng Ilokano nakararami.
11. Kutang-Kutang- awit sa lansangan Pambansa – Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
12. Maluway- awit sa sama-samang gawa pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
13. Tigpasin- awit sa paggaod Halimbawa: asawa, anak, tahanan
14. Kalusan- awit sa paggawana inaawit.

FILIPINO 7 Page 5
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Pampanitikan o panretorika – Ito ay ginagamit ng mga malikhaing Halimbawa: paki – pakialam; tiyak – tyak
manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay, at masining.
Halimbawa: kahati sa buhay; bunga ng pag-ibig; pusod ng pagmamahalan
b. Impormal – Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-araw-araw, at 5. Pagbabaliktad
madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. Buong Salita
Lalawiganin– Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan. Halimbawa: etned–bente; kita–atik
Makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Papantig
Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Halimbawa: dehin–hindi; ngetpa–Panget; tipar–Parti
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!) 6. Paggamit ng Akronim
Kolokyal– Pang-araw-araw na salita. Maaaring may kagaspangan nang Halimbawa: G – get, nauunawaan; – US – under de saya
kaunti. Maaari din itong maging kagalang-galang ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. 7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa: Nasan, pa’ no, sa’kin, kelan Halimbawa:lagpak, palpak – bigo; torpe, tyope – torpe, naduwag
Meron ka bang dala?
Balbal– Sa Ingles, ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang 8. Paghahalo ng salita
antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: bow na lang ng bow; mag-JR (joy riding); mag-gimik; mag-MU
Halimbawa: chicks (dalagang bata pa)
orange (bente pesos) 9. Paggamit ng Bilang
pinoy (Pilipino) Halimbawa: 45 – pumutok; 1433 – I love you, too; 50-50 – naghihingalo

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal: 10. Pagdaragdag


1. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: isputing – puti; kulongbisi – kulang
Halimbawa: gurang (matanda); bayot (bakla); barat (kuripot)
11. Kumbinasyon
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga Pagbabaligtad at Pagdaragdag
Halimbawa: epek (e_ ect); futbol (naalis, natalsik); tong (wheels) Halimbawa: hiya – yahi – dyahi
Pagpapaikli at Pag-Pilipino
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang Tagalog Halimbawa: Pino – Pinoy;Mestiso – Tiso, Tisoy
Halimbawa: buwaya (crocodiles – greedy); bata (child – girlfriend) Pagpapaikli at Pagbabaligtad
durog (powdered – high in addiction); papa (father – lover) Halimbawa: pantalon – talon – lonta; sigarilyo – siyo – yosi
Panghihiram at Pagpapaikli
4. Pagpapaikli Halimbawa: security – sikyo; brain Damage – Brenda

FILIPINO 7 Page 6
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa: get – gets/getsing; cry – Crayola

PAGTATAYA:
ARALIN 2.1- ALAMAT NG APOY
Ni Mercy Acosta
Pangalan:________________________________ Iskor:_____________
Petsa:______________ Paghahanda: Sagutin ang mgs umusunod na tanong:
1. Paano nakakatulong ang alamat at mga element nito sa wastong
Gawain 1: Sagutan ang PAGSISINOP A at B na makikita sa inyong aklat sa pakikipagkaibigan?
pahina 96-97. 2. Gaano kahalaga ang paghahambing nang maayos ng katangian ng bawat tao?

PAALALA: PAKIBASA ANG ALAMAT NG APOY NA


Gawain 2: Sagutan ang PAGSISINOP A at B na makikita sa inyong aklat sa NASA INYONG AKLAT NA MAKIKITA SA PAHINA
pahina 100-101. 104-105.
KARAGDAGANG-KAALAMAN
Gawain 3: Sumulat ng isang sanaysay.
Sagutan ang PAGNINILAY na makikita sa inyong aklat sa pahina 98. Ang ALAMAT O LEGEND AT FOLKLORE sa wikang Ingles ay isang uri
ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga
tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran.
Ito ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.
Ang alamat ay pasalitang anyo ng panitikan na nagsimula pa noong panahon
ng katutubo. Layunin ng panitikang ito na ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagsasalaysay ang pinagmulan ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Dahil ito
ay nabibilang sa piksyon, ang mga pangyayari ay hango sa mga di-kapanipaniwalang
pangyayari at walang basehang siyentipiko o pag-aaral.
Katulad ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay
kinapupulutan din ng aral na sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan.

Mga Elemento ng Alamat

FILIPINO 7 Page 7
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

1. Tauhan- Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na
ginagampanan ng bawat isa. 3. Wakas. Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.
2. Tagpuan- Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at
insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
3. Banhay- ito ay nag maayos na pagkakaugnay ng mga pangyayaring ilalahad ang ARALIN 2.2 MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING
suliranin ng tauhan na kanyang ihahanapan ng kalutasan kung saan magkakaroon ng
tunggalian na lilikha ng kapanabikan hanggang umabot sa kakalasan na susundan ng Paghahambing- isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakakatulong sa pagbibigay-
wakas. linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng
Saglit na Kasiglahan- Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na
tauhang masasangkot sa suliranin. pinaghahambingn.
Tunggalian- Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning 2 uri ng Paghahambing
kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
Kasukdulan- Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan  Pahambing na Magkatulad- Sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang mga
ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. panlaping gaya ng magka-, sing-, sim-, sin-, magsing-, magsim-, magsin-, ga-, pareho
Kakalasan- Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng at kapwa.
kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. Halimbawa: Parehong maganda ang anking nanay at lola dahil magkamukha sila.
Katapusan- Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Magsimbait sina Ana at Julia.
Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
4. Mahalagang Kaisipan- ito ang mga aral na hatid ng kwento para sa mga  Pahambing na Di Magkatulad
mambabasa. a. Palamang- Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinanghahambing.
Ginagamit ang higit, lalo, mas at di-hamak.
Mga Bahagi ng Alamat
1. Simula. Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga Halimbawa: Di hamak na mas maganda si Ana kaysa kay Lucy.
gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang b. Pasahol- kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang
tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa di gaano, di gasino at di masaydo.
simula.
Halimbawa: Di gaanong maganda si Lucy..
2. Gitna. Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng
kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng
tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o
hindi ang tauhan.

FILIPINO 7 Page 8
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

PAGTATAYA:
ARALIN 3.1- HINILAWOD (EPIKO)
Pangalan:__________________________________ Iskor:_____________
Petsa:______________ Paghahanda:
Ipakilala mo ang iyong mga paboritong superhero. Isulat mo ang kani-kanilang
Gawain 1: Sagutin ang PAGSISISNOP B na nasa inyong aklat na makikita sa pangalan sa loob ng kahon sa bawat sulok at sa nakalaang parihabang kahon na nasa
pahina 107-108. gitna ay ilarawan mo ang kani-kanilang katangian particular ang mga kapangyarihan
taglay nila.
Gawain 2: Salungguhitan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa
kahon kung anong uri ito ng paghahambing.

1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa


komplikadong buhay ngayon.

2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa


paaralan kompara sa dati.

3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking


lola.

4. Di gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang


kabataan ngayon kung ihahambng sa kabataan noon.

5. Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil


magkamukha sila.

Ang EPIKO (EPIC) ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa


kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga
katunggali. Ito ay karaniwang naglalaman ng hindi kapanipaniwalang pangyayari
FILIPINO 7 Page 9
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga tauhan. Tinatalakay din dito ang mga 5. Tauhan– Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa madaling
sinaunang paniniwala, kaugaliaan at mga huwaran ng mamayan kung saan nagmula salita, ang tauhan ay ang mga kumikilos sa akda. Sa kwento ng kabayanihan, ang mga
ang akda. tauhan ay karaniwang may taglay o angking kapangyarihan.
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugang “awit”. 6. Tugma– Ang tugma ay laging matatagpuan sa huling pantig ng bawat taludtod. Ito
Ito ay hinango rin sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. ay ang pagkakasingtunog ng mga pantig sa dulo ng salita.
Dagdag pa, ito ay mahabang salaysay maaring bigkasin sa anyong patula o
paawit. Maari din itong sabayan ng ilang instrumento at maari din namang wala. Mga Katangian ng Epiko
Kalimitang binubuo ito ng 1,000 hanggang 55,000 linya. Ang epiko ay may mga katangian na gumagabay sa mambabasa upang mas
Tinatawag namang “macro-epic” ang isang epiko kung ito ay sobrang haba at madaling mabatid na ang akdang kanilang binabasa ay nabibilang sa epiko. Narito sa
maaring umabot o humigit pa sa isang-daang araw ang pagkukwento nito. Ang ibaba ang ilan sa mahahalagang katangian na dapat makikita sa isang akda o kwento:
macro-epic ay naglalaman ng “micro-epic” o isang parte o bahagi kwento na maaring
ihiwalay at makabuo ng isa pang bukod na kwento. 1. Umiikot ang kwento sa mapanganib na pakikipagsapalaran ng bayani. Tulad ng
nabanggit sa itaas, ang epiko ay tumatalakay sa pakikipagtunggali ng pangunahing
PAALALA: PAKBASA ANG EPIKO NG HINILAWOD NA tauhan sa mga makapangyarihang nilalang.
NASA INYONG AKLAT NA MAKIKITA SA PAHINA 115- 2. May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga tauhan. Karaniwang dinadagdagan ng
“epithet” ang mga pangalan ng tauhan upang mas matandaan ito ng mambabasa. Ang
119. epithet ay pang-uri na naglalarawan sa tao o bagay. Halimbawa: Mighty Achilles
mula sa akda ni Homer.
KARAGDAGANG-KAALAMAN 3. May malawak na tagpuan. Hindi lamang sa iisang tagpuan at oras naganap ang
1. Banghay– Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Ito ay maaring maging kwento. Maaring maganap ang istorya nito sa iba’t ibang parte ng mundo o maging sa
payak o kompikado. Ang banghay ng isang epiko ay nahahati sa limang bahagi: ang buong kalawakan at ibang mundo.
simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas. 4. Naglalaman ng mahahabang kawikaan na galing sa mga tauhan.
2. Matatalinhagang salita– Ang mga matatalinhagang salita ay ang mga salitang 5. Pagkakaroon ng supernatural na mga pangyayari. Hindi mawawala sa epiko ang
hindi nagbibigay ng direktang kahulugan. mga kabulabulalas na mga pangyayari tulad ng pakikisalamuha ng diyos sa mga tao.
Halimbawa: Balat sibuyas – mahiyain; mapaglubid ng buhangin – sinungaling Naglalaman din ito ng mga hindi kapanipaniwalang mga pangyayari.
3. Sukat at Indayog– Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa epiko, 6. Ipinapakita ang agwat sa pagitan ng mga diyos at mga mortal na tao. Sa
may tiyak na sukat na sinusunod, ito ay wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig, pakikisalamuha ng mga diyos sa mga tao, laging pinapakita ang kalamangan ng mga
at lalabingwaluhing pantig. ito sa mga kayang gawin ng mga tao.
4. Tagpuan– Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang mga 7. May mga bayahing nagsisilbing modelo at huwaran sa mga mamayan. Ang epiko
pangyayari. Naapektuhan nito ang takbo ng kwento, kaugalian at desisyon ng mga ay ginawa upang maging inspirasyon ng mga katutubo para ipaglaban ang tama. Ang
tauhan. Nagbibigay daan din ito upang malinawan ang mga mambabasa sa banghay, mga bayani sa uri ng panitikang ito ay nagpapakita ng mga katangian tulad ng
paksa, at tauhan ng kwento. pagiging matapang at pagkakaroon ng paninindigan na nagiging dahilan upang
tularan sila ng mga tao.

FILIPINO 7 Page 10
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

8. Naglalaman ng mga matatalinhagang salita. Isa rin sa mga katangian ng epiko ang 1. SIMULA- nakatatawag-pansin; nakakaakit; nakapupukaw;nakagaganyak at
pagkakaroon ng matatalinhagamg salita kung saan napapagana ang isip ng mga nakahahatak ng kuryosidad.
mambabasa sa kung ano ba talaga ang ibig ng mga salitang nakapaloob sa akda. Ilan sa mga halimbawa ng maaring simula:
ARALIN 3.2- MGA PANG-UGNAY SA PAGLALAHAD a. Pagtatanong b. Pagkukwento o Pagsasalaysay
Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang- c. Pagsipi o paghalaw ng isang saknong d. Paggamit ng siniping pahayag
linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na e. Dayalogo o usapan f. Makatawag pansing pangungusap
maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa Pamamagitan ng paglalahad ay nagiging
ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas 2. Katawan o Gitna- binubuo ng talatang kinapalooban ng mga pangunahin at
ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa pantulong na kaisipan upang maibigay ang detalye sa isang paksa. Dapat magkaroon
paksang pinag-uusapan. ng kaisahan, kaugnayan at diin ang mga kaisipan para hindi malito ang bumabasa.
Itinituring din ang paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol
sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawaing 3. Wakas- nag-iiwan ng isang impresyong titimo sa damdamin at kikintal sa isipan
pangkomunikasyon. ng mamababasa. gaya ng panimula, ang paglalahad ay maaaring wakasan sa iba't
Iba't ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo't sa parang pasalita o ibang
pabigkas. Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga paraan. Balikan ang talakay tungkol dito na naisa-isa na sa mga naunang aralin.
sumusunod upang maging epektibo sa bumabasa:
MGA URI NG PAGLALAHAD
1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din ang pagkasulat nito. 1. Pagbibigay Katuturan- napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng isang
2. Gumagamit lamang ng mga salitan at pangungusap na madaling maunawaan. bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon. 2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan- Halimbawa nito ang pagsunod sa isang
4. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang mayamang bahagi ng katawan at recepi o paraan ng paglaro ng isang uri ng laro.
kapana-panabik na wakas. 3. Pangulong Tudling/Editoryal- nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor ng
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan. isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu.
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng papel. 4. Sanaysay- anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw, paniniwala at
damdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa inaakalang palagay niya
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD sa katotohanan.
1. Kalinawan- Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang ginagamit. 5. Balita- naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng
2. Katiyakan- Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin ng bansa.
pagpapaliwanaga. Iwasan ang mga bagay na di kaugnay sa tinatalakay. 6. Pitak- karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. Naglalaman ng
3. Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o talata. reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang napapanahong isyu o
4. Diin- binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin. pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong
kolum.
MGA BAHAGI NG PAGLALAHAD 7. Tala- paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.

FILIPINO 7 Page 11
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

8. Ulat- paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik


mula sa binasa, narinig, nakita onaranasan.

PAGTATAYA:
ARALIN 4.1- SA LAWOD SANG PANGABUHI
Ni Ismaelita Floro-Luza
Pangalan:______________________________ Iskor:_____________
Petsa:______________
Paghahanda: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Gawain 1: Sagutin ang PAGSISINOP A at B na makikita sa inyong aklat sa pahina 1. Gaano kahalaga ang maikling kwento sa buhay ng mga Pilipino?
120-122. 2. Paano magiging mabisa ang pagsasalaysay o pagkukwento?

MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman
Gawain 2: Sagutin o gawin ang ang PAGSISINOP C. INTERACTIBONG ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
GAWAIN: GAWAIN 1, 2 at 3 na makikita sa inyong aklat sa pahina 122-123. kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa.
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog.
Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento.
Maaaring hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y
Gawain 3: Sagutin o gawin ang ang PAGSISINOP INTERACTIBONG patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.
GAWAIN: GAWAIN 1 na makikita sa inyong aklat sa pahina 125. Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na
naganap o maaaring maganap.”
Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling
kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO


1. Panimula. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan. Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.

FILIPINO 7 Page 12
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

3. Suliranin. Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa 3. Wakas. Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang
kwento. bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting
4. Tunggalian. Ang tunggalian ay may apat na uri: na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng
Tao laban sa tao magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipuna
Tao laban sa kapaligiran o kalikasan PAALALA: PAKIBASA ANG MAIKLING KWENTO NA
5. Kasukdulan. Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o MAY PAMAGAT NA SA KARAGATAN NG BUHAY NA
kasawian ng kanyang ipinaglalaban. NASA INYONG AKLAT SA PAHINA 130-135.
6. Kakalasan. Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
7. Wakas. Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento. pagkapanalo.
8. Tagpuan. Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga
insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
KARAGDAGANG KAALAMAN
9. Paksang Diwa. Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
1. Kwento ng Tauhan. Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng
10. Kaisipan. Ito naman ang mensahe ng kwento.
mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
11. Banghay. Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.
isang mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay. Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga
MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga
1. Simula. Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan
tao sa nasabing lugar.
nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na
3. Kwentong Bayan. Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa
gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan.
kasalukuyan ng buong bayan.
Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga
4. Kwento ng Kababalaghan. Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang
kapanipaniwala.
bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
5. Kwento ng Katatakutan. Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-
pangunahing tauhan.
sindak.
2. Gitna. Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari. Binibigyang diin ang kapanapanabik at
Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
masasangkot sa suliranin.
7. Kwento ng Sikolohiko. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na
mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran. Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
kwento ng pakikipagsapalaran.
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
9. Kwento ng Katatawanan. Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.

FILIPINO 7 Page 13
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

10. Kwento ng Pag-ibig. Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.

ARALIN 4.2- MGA PANG-UGNAY SA PAGTATAYA:


PAGSASALAYSAY
Pangalan:_______________________________ Iskor:_____________
Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may layuning magkuwnto ng mga
Petsa:______________
pangyayari. May dalawang uri ng pagsasalysay: pasalita at pasulat. Ang karanasan at
nakikita sa kapaligiran ay maaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.
Gawain 1. Sagutin ang PAGSISISNOP A at B na nasa inyong aklat sa pahina 136-
Isa sa mahalagang katangiang dapaat taglayin ng isang magandang salaysay
137.
ay ang pagkakaroon ng magandang pamagat. Ito ang unang bagay na nakapupukaw
sa interes ng mga mambabasa. May mga katangian dapat taglayin ang isang kaakit-
akit at mabuting pamagat. Ito ay ang mga sumusunod:
Gawain 2: Gawin ang PAGSISISNOP INTERAKTIBONG GAWAIN: Gawain 2
a. Pangunahing tauhan sa salaysay
na nasa inyong aklat sa pahina 139.
b. Pinakamahalagang bagay sa salaysay
c. Pook na may malaking kinalaman sa mga pangyayari
d. Isipan o damdaming namamayani sa salaysay
e. Isang mahalagang pangyayari sa kuwento
f. Katotohanang pinatunayan sa kuwento.

FILIPINO 7 Page 14
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.


Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.
Simula- mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
Gitna- matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
Wakas- matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
ARALIN 5.1 MASKARA (DULA) SANGKAP NG DULA
1. Tagpuan– panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
dula
Paghahanda: Manood ng isang video mula sa YouTube na may kinalaman sa 2. Tauhan– ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
pestibal ng Kabisayaan. Mamimili\ lamang sa mga YouTube video na ito. mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa
www.youtube.com/watch?v=NB2PqoCmpK0 dula
www.youtube.com/watch?v=44kSCzgXgys 3. Sulyap sa suliranin– bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring
Pagkatapos panoorin ang mga video sa YouTube, tatalakayin ang ganda at mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari;
kalinangan ng pestibal na napanood para sa mga Kabisayaan. maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 4. Saglit na kasiglahan– saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
1. Ano ang kanilang interpretasyon sa tradisyon ng mga Bisaya? nararanasan
2. Ano ang ikinaiba nito sa ibang pagdiriwang sa Pilipinas? 5. Tunggalian– ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban
3. Bakit ito isinasagawa? sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa
4. Ano ang kanilang paniniwala tungkol rito? isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
6. Kasukdulan– climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
DULA sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. 7. Kakalasan– ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. mga tunggalian
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa 8. Kalutasan– sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin
pamamagitan ng panonood. at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango tunggalian sa panig ng mga manonood.
sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan. ELEMENTO NG DULA
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na a. Iskrip o nakasulat na dula– ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay
tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang
ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at iskrip
batay sa isang iskrip.
FILIPINO 7 Page 15
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

b. Gumaganap o aktor– ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga Katoliko at pagpaparangal kay Sto.Nino sa ipinagkakaloob niyang mga himala at
tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t pagpapala sa kanila.
ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula d. Biniyaran Festival- ginaganap tuwing Abril upang sariwain at itanghal ang
c. Tanghalan– anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay pagdating ng pangkat ng sampung datu mula sa Borneo hanggang sa pagbili nila sa
tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang bayan ng Panay hanggang sa pagtatatag nila ng bagong pamahalaan.
dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase e. Pintados- ipinagdiriwang tuwing Hunyo sa Tacloban City upang ipakita ang
d. Tagadirehe o direktor– ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya mayamang pamanang kultura ng mga taga-Leyte at Samar. May mga kalahok na
ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga mananayaw na puno ng tattoo bilang simbolo ng katapangan para sa mga lalaki at
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende kagandahan para sa mga babae. Ito ay kanilang ginagawa bilang pag-alala sa mga
sa interpretasyon ng direktor sa iskrip Leytenos o ang mga Pintados sa kanilang katutubong anyo bago dumating ang mga
e. Manonood– hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung unang Malay sa bansa.
hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin f. MassKara Festival- isinasagawa tue\wing Ikatlong lingo ng Oktubre sa Bacolod
ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o City. Ito ay mula sa salitang Ingles na “mass” na ibig sabihin ay marami at salitang
makanood Espanyol na “kara” na ang ibig sabihin ay mukha. Kinilala ito bilang isa sa
f. Eksena at tagpo. Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan pinakamalaki at pinakamagarbong pista sa buong bansa. Ang mga kalahok ay
samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na nagsusuot ng makukulay at nakangiting mascara bilang simbolo ng ugali at
pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula. pagkakakilanlan sa maga taga-Bacolod na maging positibo at ngumiti pagkatapos ng
trahedyang naranasan. Dahil ditto, kinilala ang Bacolod bilang “City of Smiles.”
PAALALA: PAKIBASA ANG ISANG DULA NA MAY g. Sinadya Festival- ginaganap sa Roxas bilang pagpapakilala sa Araw ng Kaluluwa,
PAMAGAT NA MASKARA NA NASA INYONG AKLAT Piyesta ng mga Santo at pagdiriwang ng pagkakatatag ng bayan ng Roxas.
h. Diwal Festival- ipinagdiriwang sa Capiz bilang parangal sa pagiging “Seafood
SA PAHINA 143-161. Capital” sa bansa.

KARAGDAGANG KAALAMAN ARALIN 5.2- PANGHALIP NA ANAPORA AT KATAPORA


Panandang Anapora at Katapora- isa sa mga panandang kohesyong gramatikal na
MGA PISTA SA VISAYAS BILANG DULA ginagamit upang makaiwas sa pag-uulit ng pangngalan.
a. Sinulog Festival- ipinagdiriwang tuwing Enero sa Cebu  Anapora- pananda kung ang pagpapatungkol ay nauuna sa pangungusap ang
b. Ati-Atihan- ipinagdiriwang sa Aklan. elementong hinahalinhinan o nangangahulugang nahuhuli ang panghalip.
c. Dinagyang- ipinagdiriwang sa Iloilo Halimbawa: Masayang nagsasalita si Makisig dahil siya ang pinuno ng unang
Ang mga pagdiriwang ito ay taunang isinasagawa upang kanilang gunitain pangkat. (pinagtutungkulan) (Anapora)
ang kanilang paganong pagsamba hanggang pagtanggap sa relihiyong Romano
 Katapora- kung naunang nabanggit ang panghalip kaysa sa pinapatungkulan
nito.
FILIPINO 7 Page 16
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Halimbawa: Siya ay nakipagtalo sapagkat si Makisig ay pilit na pinatitiwalag sa


pangkat. (Katapora) (pinatutungkulan)
PAGTATAYA: PANGHULING PAGTATAYA:

Pangalan:_______________________________ Iskor:_____________ Pangalan:_____________________________ Iskor:_____________


Petsa:______________ Petsa:______________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang wastong
Gawain 1. Sagutin ang PAGSISINOP A at B na nasa inyong aklat sa pahina 163- sagot sa PATLANG BAGO ANG BILANG.
164.
________________ 1. Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng
nakararami.
Gawain 2: Sagutin ang PAGNINILAY na nasa inyong aklat sa pahina 165. ________________ 2. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw,
madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
________________ 3.Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
Gawain 2: Sagutin ang PAGSISINP GAWAIN 2 na nasa inyong aklat sa pahina pambalarilapara sa paaralan at pamahalaan.
167. ________________ 4. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.Ang mga salita
ay karaniwang malalim, makulay at masining.
________________ 5. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan,
makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
________________ 6. Ito ay pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan
nang kaunti,maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,dalawa o higit pang titik sa
salita.
________________ 7. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa
ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
________________ 8. Ito ay wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa
Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao.
________________ 9. Ito ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit
ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang
ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at
okasyong dinadaluhan.

FILIPINO 7 Page 17
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

________________10. Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng


mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakapaloob sa bawat bilang. Piliin kung EBALWASYON O AKTIBIDAD NA PAGGANAP:
ito ay Lalawiganin, Pampanitikan, Pambansa, Kolokyal o Balbal na salita. Isulat
ang tamang sagot sa PATLANG BAGO ANG BILANG. MAG-COMPOSE NG ISANG SARILING AWITING-BAYAN PARA SA
KABATAAN
______________ 1. Buhay

______________ 2. Todas Dapat Isaalang-alang sa Paggawa


1. Nakapupukaw-pansin sa lahat
______________ 3. Malakat 2. Payak at malinaw na nilalaman

______________ 4. Bokal Gumawa ng isang sariling awiting bayan tungkol sa kabataan na tumatalakay
sa kaugalian at kinagawian ng mga kabataan sa kasalukuyan.
______________ 5. penge

______________ 6. Nanghihilakbot

______________ 7. meron
RUBRIK SA PAGMAMARKA
______________ 8. Panibugho
PAMANTAYAN ISKOR
______________ 9. Hinigugma Nilalaman (15)
Kaugnayan sa Paksa (15)
______________ 10. musta Orihinal (10)
Malikhang Konsepto (10)
Kabuuan (50)

FILIPINO 7 Page 18
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

Mga Pinaghanguan o Sanggunian: Repleksyon:


Acosta, Mercy T. et al. Banyuhay 7. KLEAFS Publishing 2018.
Pagkatapos ng modyul na ito, natutunan ko ang mga
_____________________________________________________________________
http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/awiting-bayan-o-kantahing
_____________________________________________________________________
bayan.html?m=1 _____________________________________________________________________
https://teksbok.blogspot.com/2017/07/mga-uri-ng-kantahing-bayan.html _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
https://tl.wikipedia.org/wiki/Bulong _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
https://christinejoyfacundo.wordpress.com/2016/11/26/mga-antas-ng-wika/
_____________________________________________________________________
https://pinoycollection.com/alamat/ _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
https://www.tagaloglang.com/dalawang-uri-ng-paghahambing/ _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-epiko/
_____________________________________________________________________
http://mamsha.tripod.com/id36.html _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
https://pinoycollection.com/maikling-kwento/ _____________________________________________________________________
https://www.myph.com.ph/2011/10/pagsasalaysay.html _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/ _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
FILIPINO 7 Page 19
COLLEGES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.
Central West, Bauang, La Union

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

FILIPINO 7 Page 20

You might also like