You are on page 1of 31

Mabuhay!

Isang mapagpalang hapon sa lahat ng


tagapakinig lalo na sa ginigiliw nating
mga mag-aaral sa ikapitong baitang.
Kaaya-aya ang araw na ito dahil
papalaot na tayo sa bagong aralin sa
Filipino kung saan masusubok ang
inyong mga natutuhan sa mga
nakalipas na aralin.
Kahit na may pandemya, hindi ito
magiging hadlang sa ating paglalakbay
tungo sa bagong kaalaman.

Ako si G. James Oliver A. Medina, ang


kaagapay na guro mula sa Pambansang
Mataas na Paaralan ng Tinago.
Bago natin tuklasin ang panibagong
kaalaman, atin munang balikan ang
huling aralin ng koridong Ibong Adarna.

Halina’t ating pakinggan ang pagwawakas


nito.
Nakinig ba kayo nang mabuti?//
Magaling!

Ano ang inyong naramdaman sa naging


wakas ng akdang Ibong Adarna?//
Tumpak!
Maaaring malungkot sapagkat pumanaw
sina Don Juan at Maria Blanca subalit
naging masaya at maalwan ang
pagwawakas nito dahil naging payapa at
makabuluhan ang buhay at pamumuhay
ng Kaharian ng Berbanya at Reyno Delos
Cristales.
Sa pagbibigay ninyo ng reaksiyon
hinggil sa wakas ng korido, maaari na
ba tayong tumungo sa panibagong
kaalaman? // Ayos!
Lubos akong nagagalak na kayo ay aking
makakasama sa pagtuklas ng bagong
kaalaman.

Sa pagkakataong ito, ihanda ang inyong


Sanayang Papel sa Pagkatuto sa Filipino//
panulat// sagutang papel// at siyempre,
ang inyong tenga sa pakikinig.
May tanong ako sa inyo…

Naranasan niyo na bang umarte


kagaya ng mga artista sa mga
teleserye at pelikula?
Naranasan niyo na bang tumungtong sa
pinilakang tabing o entablado?...

Eh ang pagsusuot ng costume at paggawa


ng praps?...

Minsan na rin ba kayong nagsanay sa


pagsasalita kung anong emosyon ang
dapat na mangibabaw sa isang eksena?
Eh ang pagmamando ng direktor sa mga
dapat ninyong gawin?

Naranasan niyo na ba ang pagsasaulo ng


diyalogo?

Hmmm. Mukha yatang napapaisip kayo


kung anong kinalaman nito sa panibago
nating aralin.// Nahulaan niyo na ba?
Tama!// Ito ay may kinalaman sa
pagtatanghal// pero pansinin natin
ang tungkol sa diyalogo// nahulaan
niyo na ba ang pinakapaksa natin sa
sesyong ito?
Mahusay! May kinalaman ito sa iskrip, na
isang napakahalagang sangkap sa pagbuo
ng isang dula.

Upang maging matagumpay ang ating


paglalakbay, inaasahan na sa pagtatapos
nito ay: …
Una, nagagamit ang angkop na salita at
simbolo sa pagsulat ng iskrip.

Ikalawa, nagagamit ang mga salita at


pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong
iskrip.
Mukhang sabik na kayo sa ating
aralin! Atin nang alamin ang ganda at
kaparaanan sa PAGSULAT NG ISKRIP
NG DULANG PANTANGHALAN.
Alam niyo ba? Isa sa pinakamahalagang
sangkap ng dula ay ang iskrip. Ito ang
nakasulat na bersiyon ng mga salitang
dapat sabihin o batayan sa pagganap ng
mga aktor sa dula.
Ginagamit ito sa produksiyon ng
programa. Mahalaga ang iskrip dahil
ito ang gabay ng mga tagaganap,
direktor, tagaayos ng musika, editor,
at mga technician.
Ang talakayan natin ngayon ay ang
Pagsulat ng Iskrip ng Dulang
Pantanghalan.

Sa pagsulat ng iskrip, kailangang malinaw


ang banghay, tauhan, tagpuan, at
mahahalagang kaisipang hatid nito sa
manonood.
Ayon kay Ricky Lee, may tatlong
bahagi ang pagsusulat ng iskrip: ang
pre-writing// writing// at rewriting
stage.
Sa prewriting stage, dito sinisimulan ang
pag-iisip at pagpaplano. Dito binubuo ang
konsepto ng istorya, sino ang mga
tauhang gaganap, saang lugar, banghay
na gagamitin, at paksa ng iskrip.
Sa writing stage, makabubuting sumulat
muna ng sentence outline. Ang sentence
outline ay de-numerong pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa istorya na
naglalaman lamang ng mga eksena. Ito
ang halimbawa ng sentence outline: …
Sa rewriting stage, maaari nang buoin
ang iskrip kasama ang tauhang
magsasalita, praps, eksena, at iba pa. Ito
ang halimbawa ng iskrip mula sa akdang
Ibong Adarna saknong 1429 hanggang
1442: …
Iyan ang ilan sa tips kung paano simulan ang
pagsusulat ng iskrip sa dulang pantanghalan.
Tandaan, sa pagsulat ng iskrip, mahalagang
isaalang-alang ang mga natutuhan sa
gramatika at retorika upang higit na maging
mabisa, makatotohanan, at malinaw ang
pagbuo nito nang maiwasan ang maling
interpretasyon o di-pagkakaunawaan bunga ng
maling gamit ng mga salita o pahayag.
Naunawaan ba ang pamamaraan sa pagsulat
ng iskrip? // Magaling!

Kung ganoon, ihanda ang sagutang papel at


bolpen para sa mga pagsasanay na ating
gagawin.// Handa na ba mga minamahal kong
mag-aaral?// Ayos!
Para sa Pagsasanay A, narito ang panuto:…
Nasundan ba at nasagutan ang Pagsasanay A?
// Mahusay!// Ngayon naman, dumako tayo sa
Pagsasanay B: …
Mga bata, sikaping maisagawa ang Pagsasanay
B dahil may kinalaman ito sa Pagsasanay C. //
Narito ang panuto sa Pagsasanay C: …
Paalala: Sikaping masagutan ang Pagsasanay A at
maisagawa ang Pagsasanay B at C dahil magiging
bahagi ito ng inyong performans.

Isang mapanghamon ang gawaing ito. Isipin niyo


na lang, kayo ang direktor ng pagtatanghal, at
maging malaya sa kung anong maaaring saklawin
ng inyong imahinasyon.

Ito ang magiging daan para maisulat niyo ang iskrip


nang malikhain, maayos, at matagumpay.
Bilang paglalagom, ating inalam ang mga dapat
tandaan sa mga pamamaraan sa pagsusulat ng
iskrip ng dulang pantanghalan. Nagbigay rin tayo
ng mga halimbawa bilang gabay sa paggawa ng
iskrip.
Naisagawa niyo na ba ang mga gawain?//
Naumpisahan niyo na ba ang sentence outline at
iskrip?// ANG HUSAY MO KID!

Naunawaan niyo ba ang aralin? KAPURI-PURI!


Samahan niyo akong muli sa susunod na paggaod
sa panibagong mga aralin. Ako ang inyong
kaagapay na guro, G. James Oliver A. Medina, na
nagsasabing mahalin ang bansa, maging mabuting
halimbawa, at higit sa lahat, pahalagahan ang
pambansang wika.

Hanggang sa muli mga ka-werpa! Lodi kayong lahat


sa pag-aaral!

You might also like