You are on page 1of 3

Holy Child High School

Kinoguitan Misamis Oriental


Modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino 7

Pangalan:_______________________________________________________ Marka: __________________


Seksiyon :______________________________________________________ Petsa: __________________
Bilang ng Gawain:
Paksa: Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Mga Layunin:
Maibibigay ang kahulugan at ang mga katangian ng “korido”
Maibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna
o Sanggunian: Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc, 2014.
Pagpapahalaga: Pagmamalasakit, Pakikiisa, at Pagmamahal sa bansa
I.Mga Mahalagang Kaisipan
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Ang Ibong Adarna ay nabibilang sa tulang
romansa na isang uri ng tulang
pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan na karaniwang mga
maharlikang tao ang nagsisinaganap.
Nagsimulang lumaganap ang tulang
romansa, sa Europa noong Edad Media o
Middle Ages at sinasabing nakarating ito
sa Pilipinas mula Mexico noong ika-17
dantaon. Subalit noong ika-18 dantaon
lamang ito kinilala sa ating bansa kasabay
ng pagpapakilala ng imprenta at

pagkatuto ng ating mga ninuno ng


alpabetong Romano.
Kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan
na dinala ng mga prayle at
sundalong Espanyol ay ang paglaganap ng
mga tulang panrelihiyon at romansa na
galing sa Europa. Dito kabilang ang Ibong
Adarna na may paksang panrelihiyon.
Ang tagpuan sa tulang romansa ay
karaniwan sa isang kaharian.
Nagsisimula ito sa panalangin o pag-aalay sa Mahal na Birhen o sa isang santo o
santa. Nananawagan sa Diyos ang mga tauhan sa akda at nagtatagumpay naman
ang mga nananalig sa Diyos.
Ang Ibong Adarna ay isang dayuhang panitikan. Hindi naitala kung sino ang
nagsalin nito sa wikang Filipino at masasalamin dito ang pagiging malikhain ng
manunulat. Patula ang paraan ng pagsasalaysay na dati nang ginagamit ng ating
mga ninuno sa panitikang saling-bibig tulad ng bugtong, salawikain at iba pa.

Puno ito ng mga talinghaga at mga pagpapahalagang likas sa ating kultura katulad
ng pagmamahalan ng pamilya, pagtulong sa mga nangangailangan, pagpapatawad
at pagtawag sa Diyos sa gitna ng kagipitan.

Nagtataglay ng mga sumusunod na katangian ang Ibong Adarna


 Mayroon itong walong (8) pantig sa bawat taludtod
 Isinulat upang basahin at hindi upang awitin.
 Binibigkas na may tiyempong mabilis o allegro dahil maiikli ang mga
taludtod.
 Ang mga tauhan dito ay may kapangyarihan o kakayahang gumawa
ng mga
kababalaghan o supernatural.
 Inilalarawan ang mga kagila-gilalas na pakikipaglaban ng mga
pangunahing
tauhan alang-alang sa pag-ibig.
 Nagtataglay ng aral sa buhay at butil ng karunungan.
 Higit sa lahat, ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay hindi
maaaring
mangyari sa totoong buhay.
Hango kina Avila, Maria Aurora E. et.al
Ang Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe,
Eferza Academic Publication, Lipa City, Batangas, 2009
II. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Paglilinaw sa Natutunan
Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) ang patlang ng bawat bilang na tumutukoy sa
kahulugan at katangian ng korido. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.
______1. Binubuo ng 8 pantig sa isang taludtod at apat na taludtod sa isang saknong.
______2. Binubuo ng 12 pantig sa isang taludtod at apat na taludtod sa isang saknong.
______3. Mabagal ang himig o tinatawag na andante.
______4. Mabilis ang himig o tinatawag na allegro.
______5. Pumapaksa tungkol sa mga bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
______6. Pumapaksa tungkol sa pananampalataya, alamat at kababalaghan.
______7. May taglay na kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghang hindi magagawa
ng karaniwang tao ang mga tauhan.
______8. Walang taglay na kapangyarihang supernatural ang mga tauhan ngunit sila ay nahaharap din sa
pakikipagsapalarang higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay.

B. Gabay na Tanong
Panuto: Ilahad sa pamamagitan ng Graphic Organizer ang Kaligirang
Pangkasaysayan ng Ibong Adarna.Isulat sa kahon

 Naniniwala ako na ang pagdarasal ay makatutulong sa pang-araw-araw na buhay sapagkat


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_______ _____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________.

 Natutuhan ko na mahalagang malaman ang tungkol sa kaligirang pangksaysayan ng Ibong Adarna sapagkat
___________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________.
A.
 1.
2.
3.
 4.
5.
 6.
 7.

8.

You might also like