You are on page 1of 9

Kabanata 11: Los Banos (Buod)

Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at


Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos.
Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na
iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit
maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya,
pagpapatapon, at iba pa.
Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre
Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.
Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata
na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang
maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila
siya ng pangako.
Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre
Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang binata kung para saan ang
kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa kalinisan at kapayapaan ng
bayan.
Aral – Kabanata 11
Pinapakita sa kabanatang ito ang kaugaliang Pilipino na nasusunod ang lahat ng
utos at gusto ng isang makapangyarihang tao at dapat natin respetuhin at suyuin ang
taong iyon.
Kabanata 12: Placido Penitente (Buod)
Si Placido Penitente ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nasa
ikaapat na taon na siya ng kolehiyo. Ngunit, malungkot ang binata at nais na niyang
tumigil sa pag-aaral.
Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalang ang natitira niyang
taon sa eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-aaral ay naisipan ni Penitente dahil sa
mga kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa
paaralan ni Padre Valerio noon.
Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya ni Juanito Paelez, isang anak
ng mayamang mestizong Kastila.
Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre Camorra at saka
kinuwento naman ito ng binata.
Tinanong din ni Paelez si Penitente tungkol sa kanilang leksyon dahil noong
araw lamang na iyon ang unang pagpasok ni Paelez. Niyaya naman ni Paelez si
Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol naman ito.
Aral – Kabanata 12
Ang pamahaalan ay minsang abusado at sakim sa kapangyarihan dahil sa
pagtuttol nila ang pagtututo ng mga tao.
Kabanata 13: Ang Klase Sa Pisika (Buod)
Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki rin ang mga
bintana na mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong
upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral
na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido.
Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga
kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa
isang aparador na nakakandado.
Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de
Letran. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang tanungin ng aralin. Ang
magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez
ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido.
Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang
sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka habang nakatanggap
pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat
ng lahat.
Aral – Kabanata 13
Kung minsan ay lumalabis na sa pagdidisiplina ang iba. Kahit maganda ang
intension, kung hindi maganda ang pamamaraan ay wala rin itong bisa.
Kabanata 14: Sa Bahay Ng Mga Mag-aaral (Buod)
Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya
ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Siya rin ang pinuno ng mga mag-aaral
na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila.
Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang
pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan ang
kanilang panukala. Habang si Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng
pagtatalo.
Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni Padre Irene sa kanilang
plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio, isa sa mga bahagi
ng lipon ng paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang manananggol at si
Pepay na isa namang taga-aliw. Malalapit daw kasi ang mga ito sa pari.
Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong
dahil marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng
pagkumbinsi sa prayle.
Aral – Kabanata 14
Isang magandang gawi ang pagpaplano ang pag-uusap tungkol sa mga
adhikain. Kung kikilos nang sabay-sabay at iisa ang pangkat, tiyak na makakamit ang
mithiin.
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta (Buod)
Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni
Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking
katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang manghingi ng payo kung nasa
isang gipit na sitwasyon.
Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang balak. Nais niyang kausapin ni
Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-ayon ito.
Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan.
Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo ay walang alam at walang pakialam sa
kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung naging mabisa ba ang
mga salita niya sa Ginoo.
Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang kaniyang pasya. Ayaw niya
raw makialam sa plano ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at mas
makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot
naman si Isagani sa naging pasya ng Ginoo.
Aral – Kabanata 15
Ang talas ng isip ng tao ay nagagamit sa kabutihan ngunit kung minsan ay pinipili
na lamang ding manahimik upang hindi masangkot sa mga gulo.
Kabanata 16: Ang Kasawian Ng Isang Intsik (Buod)
Isang negosyanteng Intsik si Quiroga. Sa kabila ng hinaharap na pagkalugi ng
kaniyang negosyo ay nagawa pa nitong magpatawag ng isang hapunan. Pakay niya na
magkaroon ng konsulado ang Tsina sa bansa. Inimbitahan niya ang mga military,
kawani ng gobyerno, mga prayle, at kapuwa negosyante.
Naroon din si Simoun. Hindi lamang pagsama sa hapunan ang pakay ng alahero
kung hindi maging ang paniningil sa utang ni Quiroga. Gayunman, dahil nga sa
pagkalugi ng kaniyang negosyo, hindi siya makababayad kay Simoun ng limang libong
piso.
Inalok naman siya ni Simoun na maaari niyang bawasan ng dalawang libong
piso ang pagkakaurang ng Intsik kung papaya itong maitago ang mga armas sa
kaniyang bodega.
Ipinaliwanag ni Simoun na wala raw dapat ikatakot ang negosyante sapagkat
unti-unti rin umanong ililipat ang mga ito sa ibang lagakan. Walang nagawa ang Instik
kung hindi pumayag sa alok ni Simoun.
Nag-uusap naman sina Don Custodio tungkol sa ipadadala sa bansang India
upang matutong gumawa ng sapatos para sa sandatahan.
Aral – Kabanata 16
Sa oras ng kagipitan, kahit hindi pabor ay napapasang-ayon ang isang tao. Kahit
mayroong pangambang nararamdaman, basta para sa ikaluluwag ng sitwasyon, ay
aayon ito.
Kabanata 17: Ang Perya Sa Quiapo (Buod)
Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang bisita niya. Ngayon naman ay
pupunta sila sa isang peryahan sa Quiapo at sa bahay ni Mr. Leeds.
Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa peryahan.
Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang
tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si
Donya Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na katipan ni Paulita.
Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan
ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi ng isa na ang estatwa
ay kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw ay kahawig ni Camora dahil
maraming likha ang mga kahawig ng pari.
Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang
alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na baka natatakot
lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.
Aral – Kabanata 17
Ang pagnanasa at makamundong gawain ay walang pinipiling anyo o antas sa
buhay. Basta hindi bukas sa pagbabago, iikot sa mga masasamang pagnanasa ang
isang tao.
Kabanata 18: Ang Mga Kadayaan (Buod)
Sa kabanatang ito makikita ang malaking pagkakahawig ng dalawang karakter
na sina Simoun at Mr. Leeds.
Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat muna ni Ben Zayb
ang buong bulwagan. Maging ang mga gamit ng Amerikano ay hindi rin niya
pinalampas.
Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na karaniwang ginagamit sa
pandaraya sa mga tanghalan. Wala siyang natagpuan kaya inumpisahan na ang
palabas.
Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya na natagpuan niya ito sa
isang lumang libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga salitang banyaga ay
kusang nabuksan ang kaha.
Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at
makapal na buhok. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at
humihingi ng tulong.
Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga mapang-aping prayle at
saserdote noong panahon ni Amasis (isang pinuno sa Ehipto). Dahil sa mga narinig ay
kinilabutan at hinimatay si Padre Salvi.
Aral – Kabanata 18
Ang mga taong mababaw ang pag-iisip at pang-unawa ang siyang kadalasang
nagiging biktima ng mga mapaglinlang. Maging mapagmatiyag at mapanuri sa lahat ng
oras.
Ang bawat kabanata sa kabanata 11-18 ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa
edukasyon at kung paano ito nakatulong upang makamit ang inaasam na Kalayaan at
pagbabago laban sa mananakop na mga Kastila. Ang edukasyon ay ngbubukas ng
isipan ng mga mag-aaral sa totoong nangyayari sa lipunan. Ito ay ngsisilbing sandata
sa pagkamit ng Kalayaan at pagbabago. Namumulat sila sa realidad ng buhay at mga
bagay na dapat isinasaalang alang upang makamit ang mithiin. Nawawari nila ang
tunay na sakit ng lipunan lalo na sa nakapalaman sa El Filibusterismo.
Kung ikukumpara ang nakasulat sa mga kabanatang ito at mga ang nangyayari
sa lipunan ngayon, marami pa rin ang nagpapatuloy sa pag-aaral sa kabila ng krisis at
hirap na dinaranas upang makakuha ng kaalaman at maunawaan ang realidad ng
buhay.

You might also like