You are on page 1of 22

HEKASI 04- Endurance

Inihanda ni: Gng. Lordenie L.


Batalla
I. Most Essential Learning
Competencies (MELC)

• Nakikilala ang mga bahagi ng globo


II. Paksa:

1. Ang Globo at ang mga bahagi nito


Talakayan

PAG-ARALAN NATIN!

Napakalaki ng ating daigdig at kinakailangan


ng isang modelo upang pag-aralan ang mga
katangian nito, lalo na ang mga bansang
bumubuo rito.
Globo
ito ay isang modelo ng
daigdig na ginagamit sa
pag-aaral nito. Maaari
nating pag-aralan ang
mga anyong tubig at
anyong lupa na
matatagpuan sa ibabaw
ng daigdig. Nakatutulong
din ito sa paghahanap ng
iba’t- ibang lugar sa
daigdig
Ang mga Bahagi ng Globo

Ang mga Linya sa Globo


Ekwador
ito ang pahalang na guhit
na nakapalibot sa gitna ng
globo. Hindi ito makikita sa
Mundo ngunit iginuguhit ito
sa mapa at globo upang
magsilbing gabay sa
pagtukoy ng mga lugar. Ito
ay matatagpuan sa 0 digri
latitud. Ito rin ang naghahati
sa mundo sa dalawang
bahagi - ang hilagang
hatingglobo at timog
hatingglobo.
Prime Meridian
ito ay ang mga linyang
patayo na matatagpuan
sa 0 digri longhitud. Ito
naman ang naghahati
sa Mundo sa kanluran
at silangang
hatingglobo.
Dumadaan ito sa
Greenwich, isang pook
sa London, England.
International
Date Line
ito ay matatagpuan
sa kabila ng Prime
Meridian. Ginagamit
itong batayan sa
pagbabago ng araw o
petsa. Matatagpuan
ito sa 180 digri
longhitud.
Mga Parallel
- ito ang mga linyang
pahalang na makikita
sa loob ng globo at
mapa. Ang distansya
sa pagitan ng mga
parallel ay tinatawag
na latitud.
Espesyal na Parallel- ang iba pang
espesyal na parallel ay ang mga Tropiko
ng Kanser, Tropiko ng Kaprikorn,
Kabilugang Artiko, at Kabilugang
Antartiko.
Mga Tropiko

Tropiko ng Kanser- ang linyang


matatagpuan sa 23 ½ digri sa hilaga ng
ekwador. Ito ang pinakahilagang
hangganan na naaabot ng direktang sinag
ng araw.
Tropiko ng Kaprikorn- ito nman ang
linyang matatagpuan sa 23 ½ digri sa
timog ng ekwador. Ito naman ang
pinakatimog na hangganan na naaabot
ng direktang sinag ng araw.
Ang rehiyon sa pagitan ng Tropiko ng
Kanser at Tropiko ng Kaprikorn ay ang
tinatawag na Mababang Latitud o ang
Rehiyong Tropikal.
Mga Polo

• Kabilugang Artiko- • Kabilugang


ito ay matatagpuan sa Antartiko-
itaas ng Tropiko ng matatagpuan naman
Kanser. Ito ang ay sa 66 ½ digri sa
nasa 66 ½ digri sa timog ng ekwador. Ito
hilaga ng ekwador. naman ang
Ito ang pinakatimog na
pinakahilagang hangganan na
hangganan na naaaabot ng pahilis na
nakatatanggap ng sinag ng araw.
pahilis na sinag ng
araw.
• Gitnang Latitud- ito ang mga rehiyon sa
pagitan ng Tropiko ng Kanser at
Kabilugang Artiko at sa pagitan ng Tropiko
ng Kaprikorn at Kabilugang Antartiko. Ang
mga bansa sa rehiyong ito ay nakararanas
ng apat na uri ng klima: taglamig, tagsibol,
tag-init, at taglagas.
• Hilagang Polo- • Timog Polo-
matatagpuan sa 90 matatagpuan naman
digri Hilaga ng sa 90 digri Timog ng
Ekwador. Ekwador.
• Mataas na Latitud- mga rehiyon mula sa
Kabilugang Artiko hanggang Hilagang
Polo at mula sa Kabilugang Antartiko
hanggang Timog Polo. Pinakamalamig
ang klima sa mga rehiyong ito dahil
karaniwang nababalutan ng yelo ang mga
ito sa buong taon.
Ang mga Meridian

• Meridian- mga linyang patayo na makikita


sa globo at mapa.
• Longhitud- distansya sa pagitan ng
dalawang meridian.
• Grid - binubuo ng interseksyon ng mga
parallel at meridian. Ginagamit ito upang
matukoy ang tiyak na lokasyon ng mga
lugar sa ibabaw ng Mundo.
Maraming Salamat!

You might also like