You are on page 1of 4

PAGBABASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK 12

QUARTER 3: MODULE 5
WEEK 5

SUBMITTED BY: REGEEL GACUTAN


STEM A - 12- THESSALONIANS

SUBMITTED TO: MS. JOVENILDA FIGUERRES


PAUNANG PAGTATAYA
Ang pagkakaintindi ko rito sa naobserbahan kong Editorial Kartun ay unti-
unti nang naglalaho ang pagyakap sa ating sariling wika. Sa larawang ito
naipapakita na sa ngayong henerasyon unti-unti ng nawawala ang pagsasalita ng
wikang Filipino lalo na sa mga bata. Mas binibigyan na nila ng pansin ang ibang
lenguahe gaya ng Korean Languange kaysa sa sariling wika. Ang CHED o
Commission on Higher Education ay iniutos na ring ipatanggal ang wikang
Filipino at Panitikan sa mga Paaralan, upang matiyiak na wala raw madodoble sa
mga asignaturang itinuro sa iba’t ibang antas ng paaralan.

SELF-CHECK

A.
Pagsusuri:
Ang nabasa kong halimbawa ng pananaliksik ay ang Kabanata IV:
Paglalahad at Pagsusuri ng Datos. Ang Layunin nito ay magbahagi ng kaalaman, at
kung sa pagdudulot ng aliw ay nababanggit na rin ang paglilinaw sa mga
pagpapahalagang moral at implikasyong sosyal na matatagpuan sa bawat pahina at
kuwento rito. Ang Kabanatang ito ay nakapokus sa paglalahad ng mga datos na
nalikom mula sa talatanungan na pinasagutan ng mga respondents o tagasagot.
Ang Dayagram ay hinati sa apat na kolum. Isinaad sa unang kolum ang
gulang ng mga tagasagot na inihanay mula 16 hanggang 21. Sa pangalawa at
pangatlong kolum naman ang kanilang mga kasarian na hinati naman sa dalawang
kolum; lalaki at babae at panghuli ang kabuoang bilang ng tagasagot. Sa gulang na
16, 13 ang lalaki at 26 ang mga babae na may kabuoang 39 mag-aaral. Ang gulang
na 17 ay kinapapalooban naman ng 28 lalaki at 39 na babae na may kabuoang 67
mag-aaral.
B.
Balangkas Konseptwal Pagkakaiba Balangkas Teoretikal
- Ang konseptwal na Ang balangkas teoretikal - Ang Balangkas
balangkas ay naglalaman ay mga teoryang nabuo Teoretikal ay nagsasaad
ng konsepto ng na; ito ang magsisilbing ng dahilan kung bakit
mananaliksik hinggil sa gabay o batayan upang ang mananaliksik ay
pag-aaral na mapatibay ang isang humahanap ng mga
isinasagawa. pananaliksik. Ang bagong datos na susuriin,
- Ito ang pangunahing konseptuwal na balangkas ipapaliwanag, at
tema at panuntunan ng ay pagbuo ng teorya batay lalagumin.
pagsisiyasat. sa ginagawang pag-aaral; - Nagbibigay din ang
- Ang nasabing ito ay naglalaman ng bahaging ito ng
balangkas ay ipinakikita ideya ng isang balangkas na nagsasaad
sa isang presentasyon ng mananaliksik. ng teorya ng mga awtor
paradigma ng na pinagbabatayan ng
pananaliksik na pag-aaral upang
kailangan maipaliwanag maipakita ang kaugnayan
nang maayos. ng mga variable sa pag-
- Ito ay binubuo ng aaral.
Paghahanda, Proseso, at
Kinalabasan.

PANGHULING PAGTATAYA
Performance Task:
Sa kasalukuyan, Ang Covid-19 Pandemic na kinakaharap ng bansang Pilipinas ay
hindi natatapos o naaagapan, patuloy pa rin itong kumakalat sa ibat ibang lugar ng
bansa.

VALUE INTEGRATION
Para sa akin mahalaga ang pananaliksik dahil nagpapayaman ito ng kaisipan;
lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik sa pamamagitan ng walang
humpay na pagbasa, nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng
interpretasyon. Napapalawak din ang karanasan o eksperyensya ng isang
manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil maraming silang nakasasalamuha sa
pagkalap ng mahahalagang datos at iba pa. Tumataas ang respeto at tiwala sa sarili
kung maayos at matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na
isinasagawa. Ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman kaninuman
dahil nahuhubog dito ang kanilang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.

You might also like