You are on page 1of 6

Ang mga Greyigong diyos ay kilala ng mga tao ngayon dahil sa mga libro o sa mga palabas, ang

iba dito ay hindi naniniwala habang ang iba naman ay interesado kung sino itong mga diyos.
Ngunit ang hindi alam ng mga tao ay mayroong ipapasa ng mga diyos na ito ang kapangyarihan
nila sa mga mortal na tao sa kada henerasyon. Ilan na dito ang ikaapat na henerasyog mga
mortal na napili ng mga diyos sa pag protekta ng mundo, ngunit kailangan muna nilang
patunayan ang kanilang sarili kung karapatdapat ba sila sa kapangyarihan na kanilang taglay.

Nasa loob ng isang malawak na kagubatan ang isang babae na may hindi pamilyar na kasoutan.
Nang tumingin siya sa kanyang likuran ay may nakita siyang babaeng nakatalikod sa kanya at
nakaharap sa isang magandang talon. Dahan-dahan siyang lumapit dito at nakita niya ang pang
diyosang ganda ng babae. Lumingon ito sakanya at ngumiti sabay bigkas ng mga salita sa ibang
lenggwahe. Labis na ikinagulat ng babae sa sarili niya ng maintindihan niya ang bawat salita na
binibigkas ng binibini. Nang kakausapin na niya sana ito ay nawala na lamang ito na parang bula
hanggang sa bigla nalang siyang ginising ng kaniyang katapid. Doon niya napagtanto na hindi na
ito bago sakanya at ilang beses na niyang napanaginipan ang babaeng ito.

Nang papunta na sila ng kapatid niya sa eskewalahan ay may nahagip ang kanyang mata na mga
taong parang sumosunod sakanya. Hindi niya mabilang kung ilan ito kasi malayo-layo naman
ito. Binalewala nalang niya ang nakita sa pagaakalang guni-guni niya lang ito. Pagkapasok niya
sa kanilang silid ay nagtaka siya kung bakit halos lahat ng kaklase niya ay nakatingin sakanya,
hindi nalang niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglakad patungo sa kanyang upuan, ngunit
bago paman siya makaupo ay bigla nalang may pumasok na lalaking kalian man ay hindi niya pa
nakita. Nakatunganga ang ilang kababaihan dahil sa taglay na ganda ng lalaki, makisig siya at
halatang naggy-gym ito.

You might also like