You are on page 1of 8

San Pablo Diocesan Catholic Schools System

Diocese of San Pablo


Liceo de San Pablo
M. Paulino St., San Pablo City, Laguna
F.Y. 2021 – 2022

LEARNING MODULE

1st QUARTER - ( WEEK 1 )


PANGALAN: __________________________
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
BAITANG AT SEKSYON: ________________
GURO: Bb. Alliana Jill P. Rosete
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kontemporaryong isyu at
hamong pang ekonomiya, pangkalikasan, pampolitika, karapatang pantao, pang-edukasyon at
pananagutang sibiko at pagkamamamayan sa kinakaharap ng mga bansa sa kasalukuyang
panahon gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang
sanggunian, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at matalinong
pagpapasya.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP


Ang mga mag-aaral ay may pag- Ang mag-aaral ay nakabubuo ng
unawa: sa sanhi at implikasyon ng mga lokal angkop na plano sa pagtugon sa among
at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng
tungo sa pagkamit ng pambansang kaunlaran. pamumuhay ng tao.

Most Essential Learning Competencies


 Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

I. PAMANTAYAN
A. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng mga mag-aaral na:
1. Maipaliwanag ang kahulugan ng kontemporaneong isyu;
2. Magpaliwanag ng mga lokal at pandaigdigang kontemporaneong isyung
pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pampolitika, at panlipunan;
3. Maipakita ang pagpapahalaga sa kamulutan at kaalaman sa mga kontemporaneong
isyu.

II. NILALAMAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Panginoon naming Diyos, nagpapasalamat po ako sa bawat araw at panibagong


pagkakataon na ipinagkakaloob niyo po sa akin para ako ay matuto. Binigyan niyo po nawa
ako ng lakas at talino para pag-aralan ang aming mga aralin sa araw na ito. Bigyan din po ng
kalakasan ang aming mga guro na walang sawang gumagabay sa aming pag-aaral. Gabayan
po ninyo ang aming mga magulang na sumusuporta sa amin sa lahat ng oras. Ilayo niyo po
kaming lahat sa kapahamakan. Dalangin po namin ito sa pangalan ni Jesus at ng mahal na
Birheng Maria. Amen.

A. MGA PAKSA: KONTEMPORANEONG ISYU, SANHI AT IMPLIKASYON NG


MGA LOKAL AT PANDAIGDIGANG ISYU, HALAGA NG KAMULATAN SA
MGA KONTEMPORANEONG ISYU.

B. MGA KAGAMITAN: Mga larawan o Powerpoint presentation, Youtube, Genyo, Zoom


Application para sa online teaching

III. PAMAMARAAN

A. PAGTUKLAS
ONLINE: Sa iyong notebook, magsulat ng mga napapanahong isyu at
ipaliwanag kung bakit mahalaga na maging mulat sa mga isyung nabanggit.
MODULAR: Sa loob ng kahon magsulat ng mga napapanahong isyu at
ipaliwanag kung bakit mahalaga na maging mulat sa mga isyung nabanggit.

AP10-Q1W1-E1

B. PAGLINANG
ONLINE/ MODULAR: Panoorin ang video na may kaugnayan sa ating
paksa. LINK: https://youtu.be/HmCwNOKYt38

Sagutan ang mga pamprosesong tanong:


1. Ano ang Kontemporaneong Isyu?
_______________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Bakit mahalagang pag aralan ang mga napapanahong isyu?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

AP10-Q1W1-FM1

C. PAGPAPALALIM
Ang isang usapin o paksa na laganap na pinag-uusapan at pinagtatalunan sa
kasalukuyan ay tinatawag na KONTEMPORANEONG ISYU. Karaniwang ang mga
isyung ito ay 20 hanggang 40 taon nang laman ng mga talakayan. Sa kasaysayan,
tinutukoy ng kontemporaneong panahon ang mga taon mula 1945 hanggang sa
kasalukuyan.

Gamit ang graphic organizer pangkatin ang iba’t-ibang kategorya ng kontemporaneong


isyu. At mag bigay ng mga halimbawa na pasok sa bawat kategorya. HANAPIN ANG
SAGOT GAMIT ANG LIBRO SA PAHINA 1.

Gawain 1

KATEGORYA NG
KONTEMPORANEONG
ISYU

AP10-Q1W1-D1

SANHI AT IMPLIKASYON NG ILANG LOKAL AT PANDAIGDIGANG ISYU


Narito ang ilang kontemporaneong isyung lokal at pandaigdigan na namamalas natin.
Ilarawan ang bawat isyu gamit ang 5 pangungusap. Maaaring gamitin ang libro bilang
mapagkukunan ng impormasyon (pahina 2-6).

Gawain 2

TERORISMO HIDWAANG
KATIWALIAN KAWALAN NG

KONTRAKTUWALISASY KAHIRAPAN
ON
AP10-Q1W1-D2

HALAGA NG KAMULATAN SA MGA KONTEMPORANEONG ISYU


Mahalagang maging mulat sa mga kontemporaneong isyu dahil sa mga sumusunod:
1. upang matukoy ang pinagmulan ng mga isyu at matutunang iwasan ang mga ito sa
hinaharap;
2. upang matanto ang mga epekto nito sa iba’-iabng bahagi ng lipunan;
3. upang matukoy ang mga nararapat sa solusyon o tugon sa mga panlipunnag suliranin;
4. upang malutas sa mga suliranin habang isinasaalang-alang ang iba’t-ibang sektor ng
lipunan; at
5. upang matutong magkaisa at magtulungan ang mamamayan at pamahalaan sa pagharap
sa mga hamon dala ng mga isyu.
Nais ng araling ito na bilang kabataan, ang interes na alamin ang mga pangyayari sa
sariling bayan at sa ibang bansa, at ang paglahok sa pagharap sa mga ito. Ang pagiging mulat
ng isang tao ay nangangahulugang nauunawaan niya ang mga kontemporaneong isyu gamit
ang tamang perspektiba o pananaw.

D. PAGLILIPAT
Magsaliksik tungkol sa kahirapan sa Pilipinas o sa ibang bansa. Gamit ang long/short
bondpaper gumawa ng PHOTO COLLAGE na nagpapakita ng iba’t-ibang mukha ng
kahirapan. Ipakita rin ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan, organisyon upang maibsan
ang hirap na nararanasan ng mga mamamayan. Samahan ito ng maiksing pagpapaliwanag.
Maging malikhain.
MODULAR: Gumupit ng mga lumang magazine, newspapers, libro na maaaring pagkunan
ng mga larawan.
ONLINE: Gumawa sa Microsoft word ng collage at ipasa sa guro gamit ang facebook page
ng Araling Panlipunan 10 o group chat.

AP10-Q1W1-T1

E. PAGTATAYA
ONLINE: Gamit ang Genyo quiz, sagutan ang mga
sumusunod na katanungan na may limitadong oras lamang.
MODULAR: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____________________ 1. Ito ay tumutukoy sa mga usapin o paksa na pinag-uusapan at


pinagtatalunan sa kasalukuyan.

_____________________ 2. Ang kategoryang ito ng kontemporaneong isyu ay tumutukoy sa


kawalan ng trabaho, globalisasyon at mapapanatiling kaunlaran.

_____________________ 3. Kategorya ng kontemporaneong isyu na ang usapin ay tungkol sa


karapatang pantao, kasarian,edukasyon, gawaing pansibiko at pagkamamamayan at
pagpapayaman ng kultura.

_____________________ 4. Tumutukoy sa dalawa o mahigit pang bansang umaangkin sa


isang lugar bilang parte ng kani-kanilang teritoryo.

_____________________ 5. Isang bagay na inihahanda ng employer o ahensiya upang


makapagtrabaho ang isang empleyado sa maikling panahon nang hindi regular o
permanente.

Isulat sa patlang ang titik T kung Tama ang pangungusap at titik M kung ito ay Mali

_____ 1. Ang pangingikil, pagsira ng ari-arian, pagkidnap, panggugulo sa kapayapaan, at


paggamit ng karahasan upang makapaghasik ng takot ay ilan lamang sa mga gawain ng
terorista.

_____ 2. Sa kasaysayan, tinutukoy ng kontemporaneong panahon ang mga taon mula 1965
hanggang sa kasalukuyan.

_____ 3. Ang kategoryang pampolitika at pangkapayapaan ay tumutukoy sa isyu ng


unemployment, globalisasyon, at mapapanatiling maunlad.

_____ 4. Sinasabing ang katiwalian ay isa sa mga dahilan kung bakit marami ang walang
trabaho.

_____ 5. Noong 2013 - 2015, ang Pilipinas ang nakapagtala ng pinaka mataas na na porsiyento
ng mga walang trabaho sa buong Timog-Silangan Asya.

F. PAGPAPAHALAGA
Nagiging mulat sa isyu ng bansa. Nabubuhay ang damdamin at
responsibilidad bilang mamamayan.

You might also like