You are on page 1of 957

My Husband is a Mafia Boss (Season 2)

by YanaJin

******Please read Season 1 before this :)******

<3

=================

My Husband is a Mafia Boss (Season 2)

Please do read the Season 1 before this :)

Syempre Season 2 na to eh :)

=================

Chapter 1

Aemie's PoV

"Don't you have plans of going home, wife? Damn. It's nearly two in the
morning"

"Sige Zeke una ka na may binabasa pa ko eh." Hawak-hawak ko ang isang


folder kung saan naka-compile lahat ng mga dapat i-review na mga
agreements from different clients from different companies. Nakakaramdam
na din ako ng pananakit ng likod at leeg dahil mula umaga hanggang gabi
ganito ang ginagawa ko. Hayyy.

"Tss. As if I can do that."

Simula ng ikasal kamini Zeke ay nag-merge na din ang company ng Ferrer at


Roswell. Kaya yung dating sobrang daming trabaho na ginagawa ni Zeke,
"Wife"

Ngayon, mas sobra pa sa sobra. Pati mga meetings sunod-sunod. Ipinaubaya


na kasi sa aming dalawa ni mommy at daddy ang lahat ng negosyo ng
Heartily at Ferrer.

Kaya tatlo ngayon ang inaasikaso namin. Ang sa Roswell, Heartily na


minana ni mommy sa mga magulang nya at ang pagmamay-ari ni daddy na
Ferrer.

-Flashback-

“Guess what baby Ae? May surprise kami sa inyo ng daddy mo” Tuloy-tuloy
pa din akong kumakain pero nakatingin ako kay mommy dahil sa sinabi nya.
Surprise? “Hindi naman po namin birthday ah, bakit may surprise” Saka ang
pagkaka-alam ko magkaiba kami ng birthday ni Zeke.

“Hahaha. Then take it as a gift, a wedding gift” Sabi naman ni daddy.

Wedding gift? E naka-isang linggo na simula nung kinasal kami ni Zeke.


Hindi na lang muna ako nagsalita at nag-antay pa ng sasabihin nila mommy
at daddy. “We’re giving you our companies. All the Ferrer’s businesses,
including all the properties of the Heartilys. Ferrer and Roswell are the
top 1 and 2 biggest companies, and since mag-asawa naman na kayo, it
would be better if magme-merge na lang ang dalawa. What do you think?”
Nakangiting tanong ni mommy.
Naibaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor dahil sa sinabi nya.
Tinignan ko muna si Zeke na natigilan din sa pagkain at nakatingin sa
akin. “Sigurado po ba kayo sa sinasabi nyo mommy? P-pero—“

Ngumiti si daddy at mommy sa aming dalawa ni Zeke. “Daughter, tama ang


mommy mo. Habang bata ka pa, maganda yung alam mo na lahat ng gagawin sa
Company”

“L-l-lahat po?” Gulat na gulat na tanong ko. Nagkatinginan muna si mommy


at daddy. At saka humarap sakin at nakangiting tumangong sabay. Hindi ba
parang hindi naman tama yon?

Yung kaming dalawa ni Zeke ang gagawa lahat?

-Imagination-

"Dong! Tapos ko na linisan ang First floor. Second, third, fourth" *punas
ng sobrang daming pawis*

Tagaktak nadin ang pawis ni Zeke habang hawak-hawak ang mop at isang
baldeng tubig. "I am done cleaning the remaining floors" Pinunasan nya
ang pawis nya sa noo gamit ang sleeves ng suot nyang white long sleeves
na hindi na kulay white dahil puro mantsa na.

Sabay kaming huminga ng malalim at napasandal sa pader ng building. “May


dalawang company pa tayong hindi nalilinis dong”

“Yeah”
Mabilis kaming nagkatingin ni Zeke nung makarinig kami ng sunod-sunod na
ring ng mga telepono. “Waaaa ako na dong, mag change costume ka na”
Tumango naman sya at agad na kinuha ang uniform ng guard.

-After 1 hour-

"Dong yung meeting" Hingal na hingal na sabi ko. Kakagaling ko lang sa


baba dahil nag-scan, print at fax ako ng mga papers.

"Dong?" Nasan na yun!

"ZEKE!!!!"

"Don't shout! Inayos ko lang yung mga sirang tubo sa comfort room."
Tinignan ko si Zeke mula ulo hanggang paa. At waaaa! Mukha na syang
pulubi. Basang basa ang damit nya at puro kalawang at dumi.

Huhuhuhu. "Maglilinis na ako ng kabilang company dong. Umattend ka na ng


meeting"

"Alright." Tumalikod na sya at naglakad papasok ng conference room.


Waaaa! Aattend sya ng meeting ng mukhang pulubi?
-End of Imagination-

“Waaa teka naman mommy at daddy hindi naman po ako payag na ganon,
madaming mawawalan ng trabaho, sayang naman yung mga matagal ng
nagtatrabaho kung saamin dalawa nyo lang ni Zeke ipapaubaya ang—“

“I understand, mom, dad” WHAT?!

“Teka muna po mommy at daddy ha?” Hinila ko agad si Zeke palayo kanila
mommy at daddy saglit para kausapin. “Dong! Alam mo ba mga sinasabi mo?
Pa I understand, I understand ka pa, sigurado ka bang kaya nating dalawa
lahat ng gagawin dun? Tatlong company yun dong, tatlo!!” Paliwanag ko.

“Yeah”

Waaaaa? “Yeah?!”

“Baby Ae? May problema ba?” Nilingon ko si mommy at daddy na nakatingin


sa aming dalawa ni Zeke

“None mom, maybe she just need some rest”


“Dong!”

“Alright, wife we’ll take a rest. I’m sorry mom, dad. I really need to
take her upstairs.” Ngumiti naman si mommy at daddy. Aangal pa sana ko
pero bago pa ako makapag salita ay nagpaalam na din sila.

“Have a goodnight baby Ae” Lumapit sa akin si mommy at humalik sa pisngi


ko. Ganun din naman si daddy. “Goodnight my daughter”

Naglakad na palayo sila mommy at daddy “Per---“ Waaaaa! Pipigilan ko sana


sila mommy pero hinila na din ako ni Zeke paakyat ng kwarto. “Dong! Ano
ba problema mo? Kanina ka pa ah! Hindi mo ba naiintindihan yung sinasabi
nila mommy at daddy? Gusto mo ba talaga maging gwardya? Janitor? Taga
timpla ng kape? Delivery boy? Messenger? Dri—“

“What?”

Kita mo na, kita mo na! Yan ang sinasabi ko kay Zeke eh. Sasagot-sagot ng
‘I understand, mom dad’ tapos hindi naman pala naiintindihan ang sinasabi
ni mommy at daddy. Hayyy! Buti nalang nandito ako para magpaliwanag kay
Zeke.“Ayoko lang mahirapan ka Zeke, masyadong nakakapagod"

"It's not what you think"

"Anong it's not what I think ka dyan---" Natigil ako sa pagsasalita dahil
bigla akong hinalikan ni Zeke sa labi.
-End of Flashback-

“Are you listening?”

"Hey wife."Itinaas ko ang ulo ko, mula sa pagkakatungo at saka lumingon


kay Zeke. Nakatingin lang sya sakin. "Bakit dong?" Takhang tanong ko.
Tawag kasi ng tawag tapos titignan lang naman pala ko. "Gusto mo bang
ipagtimpla kita ng kape? O ibili ng cake? ice cream? Mogu-mogu?"

"I love you."

Eh? I love you? Saan ko naman mabibili yan? "Ikaw talaga Zeke pahirap ka
sa buhay. Hindi ba pwedeng chuckie na lang? Hehehe" Kumunot naman ang noo
nya at napailing. Feeling ko by this time, na-realize na nya yung
sinasabi nya.

Naglabas si Zeke ng isang bote ng alak at baso kaya binalik ko na ang


tingin sa mga ginagawa ko.“Dong, wala ka bang balak mag-honeymoon?”
Tanong ko habang seryosong nag babasa, na ikinaubo naman nya. “Ayos ka
lang ba Zeke?” Tatayo na sana ko para lapitan sya pero itinaas nya ang
kaliwang kamay nya, habang yung isang kamay nya ay naka-hawak pa din sa
bibig at umuubbo-ubo pa. “Y-yeah, don’t bother”

Hinantay ko munang tumigil sya sa pag-ubo bago ko tanungin ulit. “Ano nga
dong? Hehehe wala ka bang balak mag-honeymoon? Diba yung mga kinakasal
may ganun? Diba dati---“
“Where? Amusement park, again?” Natigilan ako nung makita ko ang reaksyon
ng mukha nya. Para naman kasing ayaw nya. Hayy, sayang kala ko pa naman
nag-enjoy sya dun. “Pero hindi naman doon dong eh. Actually may naisip na
akong bago. Hehehe” Nginitian ko sya ng pagkalapad-lapad.

“Where?” Tanong nya saka lumagok ng alak sa baso. “Underwater! Masaya yon
diba? Tapos hahanapin natin si nemo at ang atlantis, tapos—“

“Do you really know what honey---Aishh! Forget it”

Tumayo si Zeke at nagsindi ng sigarilyo. Samantalang ako nakaupo pa din


at nakatingin sa kanya. Ayaw ba nya ng naisip ko? “Sky diving dong gusto—

*glare*

*pout*

Tumungo na ako at ibinalik ang tingin sa binabasa ko. Siguro dapat mag-
google ako ng ibang lugar. Eh kung itry kaya namin ni Zeke yung pagpunta
sa buwan? Hihihihi. Kaso masyadong mahal ang bayad don, matagal pati
masyado.

“Gusto mo Zeke Kumain?” Tanong ko kay Zeke pagkapasok namin dalawa ng


kwarto nya. Dito na kami parehas natutulog simula nung nagpakasal kami.
Nilagyan ko kasi ng mga Barbie stickers at Barbie na gamit yung dating
plain na plain na kwarto nya eh. Pati yung bed sheet at curtain pink na
din. Buti nga hindi nagagalit si Zeke eh.

“Yes please, wife.” Nakangiting sagot nya at saka lumapit sa dvd rack at
nagtingin ng mga DVDs pagkatanggal nya ng coat at necktie na suot-suot
nya.

Simula din nung ikasal kami madami nang nagbago. Tulad nang—

-Flashback-

Tinatapos ko ang pagluluto ng pagkain habang si Zeke naman ay naghahanda


ng mga plato, baso, kutsara, tinidor at iba pang gagamitin namin sa
pagkain.

“Dong hindi ka ba kakain?” Tanong ko sa kanya nung mailapag ko na ang


niluto ko at nakita kong iisa lang ang plato sa lamesa. “Kakain” Tipid na
sagot nya. So kanyang plato lang hinanda nya ganun? Hayy!

Kukuha sana ako ng isa pang plato pero biglang nagsalita si Zeke. “We
vowed that we would always share everything with each other. We promised
that, remember wife?” Nakatingin lang ako kay Zeke na nakangiti sa akin.
“Ganun ba yun Zeke?” Curious na tanong ko. Kailangan lahat i-share ko sa
kanya?

“I guess so” Ngumiti muna sya bago ulit nagsalita. “Let’s eat?” sabi nya.
Tumabi na ako sa kanya, since hindi pwedeng magkalayo kami kumain dahil
iisa ang naman ang plato, at saka nag-umpisang maglagay ng pagkain.
“T-teka Zeke, pati ba damit share tayo?” Tanong ko bigla nung maalala ko.
“Tss. Except for personal things” Ahh. Grabe nakahinga ako ng maluwag dun
ah. Akala ko pati mga damit kong Barbie hihiramin nya eh. Pero pwede din
naman hehehe.

-End of Flashback-

Nakasanayan na din namin na manuod ng mga dvds pagkarating ng bahay at


manuod bago matulog o kaya pagka walang ginagawa sa office hehehe. Kasama
na sa daily routine.

Kinuha ko ang kakahubad nya lang na coat at necktie at saka ako tumakbo
sa walk-in closet nitong kwarto para ilagay ang marumi nyang damit at
magbihis.

“Ano gusto mong kainin Zeke?” Tanong ko pagkabukas ko ng walk-in closet.


Naka-white fitted shirt at black pajama na din si Zeke. Ang bilis naman
nito magbihis. Hehehe. Sabagay, ang tagal kong namili ng isusuot na
pajama kanina.

Tumingin muna sya sakin, at saka ngumiti. “Anything will do” Pagtapos ay
binalik nya ang tingin sa dvd na hawak nya. “Okay!” Sagot ko sakanya at
saka tumakbo palabas ng kwarto.

-
Pagkapasok ko ng pinto ng kwarto ay naka-low na ang setting ng lights
kaya medyo madilim na. Bukas na din ang DVD at TV kaya napalingon ako
para manuod.

Isasara ko na sana ang pinto ng kwarto nung may nakakatakot na lumabas sa


screen ng tv. "Ahhh!!!" Hiyaw ko at saka mabilis na tumakbo palapit kay
Zeke. Inilapag ko muna ang isang glass bowl na puno ng popcorn sa side
table ng kama bago tumalon.

"You left the door open."

"Dong eh kasi--Waaaaa!!" Hiyaw ko ulit nung may mukha ng Zombie ng nag-


appear sa screen. At saka yumakap sa braso ni Zeke. Grabe! Don't tell me
hindi sya takot sa Zombies?

“Isara mo muna ang pinto babae” Utos ni Zeke. “Waaa! Bakit ako? Ikaw
nalang Zeke, ikaw naman nakaisip eh. Okay lang naman saking bukas ang
pinto. Hehehe” Ayoko nga isara ang pinto, nakakatakot kaya. Baka mamaya
may Zombie dun sa labas ng pinto.

*glare*

*pout*

“Tss.”
Pagkatapos isara ni Zeke ang pinto ay kinuha nya ang glass bowl na puno
ng popcorn at saka tumabi sa akin sa kama.

“Waaaaaa!” Hiyaw ko nung may lumabas ulit na Zombie. Grabe! Nakakakaba


talaga manuod ng mga horror movies. “Pfft. Don’t scream” Natatawang sabi
nya. “Ano ba yang palabas Zeke?” Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa
screen ng TV.

Ako yung kinakabahan kasi para dun sa babae. Mukha syang stewardess,
tapos na-stuck sila sa airport. “Quarantine 2” Sagot ni Zeke. Hindi ko na
sya sinagot at nanuod nalang ulit ng movie. Parang ayoko na tuloy sumakay
ng eroplano. “Waaaaaaa! Omygod!! Hwag na kayo bumalik baka may Zombie
dyan!” Hiyaw ko at saka nagtakip ng unan hanggang kalahati ng mukha.

“They can’t hear you wife”

“Waaaa dong may Zombie doon eh”

“I know”

“Waaaaa Zeke, pupunta talaga sila!!”

“Hahahaha”

“Dong wag ka tumawa-tawa dyan! Magiging Zombie sila Zeke, walang


nakakatawa dun---Waaaa!” Nakakainis na to si Zeke. Tawa pa ng tawa kahit
na nakakatakot naman ang palabas. “You should see yourself screaming,
wife. Pfft.”
“Ibahin mo na ang palabas dong, nakakatakot na!” Sabi ko kay Zeke, at
saka yumakap sa braso nya. “Ikaw na, ikaw nakaisip” Inangat ko ang ulo
ko para tignan si Zeke, nakangiti lang sya sakin. “Ginaya mo yung sinabi
ko kanina eh”

“Really? I did not”

Lumingon ako sa TV at “Waaaaa Zeke naman eh”.

“Go and turn it off, wife. It’s just a movie, you don’t have to worry.
Besides, I’m watching you.” Sabi ni Zeke. Oo nga naman. Bakit nga ba ako
natatakot eh palabas lang naman yan. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad
palapit sa TV. Pero ang puso ko pabilis ng pabilis ang tibok. Baka kasi
may Zombie na mag-appear sa screen. Nakakatakot kaya---

“WAAAAAA!!!” Taranta akong tumakbo pabalik at lumundag sa kama at


pumulupot kay Zeke. Sabi ko na eh may Zombie na lalabas sa screen.
Huhuhuhu.

“Hahahaha. I love you, wife”

“Zeke, ikaw na kasi magpatay ng TV” Grabe naiiyak na ako sa takot,


samantalang si Zeke tawa ng tawa. Konting-konti na lang iisipin kong may
saltik si Zeke, eh kasi naman horror yung palabas pero tawa sya ng tawa.

“Fine, fine” Pagkasabi nya non ay pinatay nya na ang TV gamit ang remote
kaya bigla akong napatingin sa kanya.
“Nasayo pala remote, pinalapit mo pa ako doon sa TV” Sabi ko sa kanya.

“Did you ask for the remote control?” Nakangiting tanong nya. Sasagot pa
sana ako pero hinila na ako ni Zeke pahiga sa kama. “Let’s sleep.
Goodnight wife. I love you” Kalmadong sabi nya.

Hindi ko alam kung pagod lang ba ako, dahil pagkahiga ko sa braso ni Zeke
ay hindi ko na nagawang magsalita dahil inaantok na ako.

-KINABUKASAN-

“What time will you be done shopping?” Tanong ni Zeke habang nagda-drive.
Ihahatid nya ako ngayon sa mall kasi may usapan kaming dalawa ni Caileigh
na magba-bonding.

“Uhmm hindi ko pa sure kay Caileigh, pero wala naman akong bibilhin eh.
Hehehe may ipapabili ka ba dong?” Tanong ko sa kanya.

“None.”

Tumigil na ang kotse kaya bumaba na din ako agad.


“Will fetch you later” Hinalikan ako ni Zeke sa noo pagkasabi nya non.
“Wag na dong, magtataxi na lang ako mamaya papunta sa Company” Aksaya
naman kasi sa oras pagka sinundo pa nya ako eh ang dami-dami pa namin
kailangang tapusin. Hindi ko nga lang matanggihan si Caileigh kaya
pumunta ako dito sa mall eh.

“Alright. I love you” Sabi ni Zeke. Nginitian ko lang sya bago naglakad
papasok sa mall.

Nasan na kaya yun si Caileigh. Ang sabi nya nandito na sya sa mall. Hayy.
Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko para tignan kung may tawag or text
ako galing kay Caileigh pero wala.

Inilibot ko ang mata ko para hanapin si Cai. Pero imbes na si Caileigh.


Si insan ang nakita ko. Ano naman kaya ang ginagawa nya dito sa mall? Ang
duga din nito ni insan, pumupunta ng mall hindi man lang ako sinasama.

Hawak-hawak ko ang straps ng backpack na suot ko habang naglalakad


palapit kay insan. May hawak-hawak syang mga papel at ipinamimigay sa mga
tao. Napaka-generous talaga nito ni insan, pati mga taong hindi nya
kakilala binibigyan nya ng mga papel. Samantalang yung mga classmates ko,
ang damot mamigay ng one fourth pag may quiz.

Nung makalapit ako ay inabutan nya din ako ng isang papel. "Insan?
Kumakandidato ka ba?" Takhang tanong ko habang nakatingin sa papel.

"Bahay at lupa ang nakalagay dito sa papel. Tapos tatanungin mo ko kung


kumakandidato ako?"
Patuloy lang syang nag-aabot ng mga papel sa mga dumadaan, ako naman ay
tumabi lang kay insan. “Hehehe, hindi mo naman kailangan itago pa insan,
alam ko kung gaano ka kabuting tao kaya---“

“Part-time job ko to Aemie. Nagbebenta ako ng bahay, condo units, gets mo


na?” Iritang sabi ni insan. Nagbebenta? Eh bakit namimigay sya ng mga
papel?

Pero teka—“Bakit ka nagtatrabaho insan? Hindi mo na naman kailangan


magtrabaho kasi may allowance naman na binibigay si mommy at daddy diba?”
Nagtataka lang kasi ako kung bakit nagpapakahirap pa si insan magtrabaho.
E hindi na naman kami katulad ng dati na pag hindi nagtinda si mommy wala
kaming kakainin.

“Ayokong umasa kila tita at tito insan, gusto ko mag-sariling sikap”


Sagot nya habang tuloy pa din sa ginagawa nya. “Pero diba, may mga
iniwang pera naman sayo ang parents mo---“

“Ayoko ding umasa sa pera ng magulang ko” Sagot nya ulit.

“Hindi ka naman aasa insan eh, gagamitin mo para magtayo ng business”

“Tigilan mo ko Aemie Ferrer-Roswell” bigla akong natakot sa talim ng


tingin sa akin ni insan. Grabe naman. Huhuhu. Ayoko lang naman mahirapan
sya sa ginagawa nya eh. “Tulungan na lang kita magtinda insan, mali naman
kasi ang ginagawa mo eh” Sabi ko sa kanya at saka ngumiti. “Alam mo bang
nag-aaksaya ka lang ng pera sa ginagawa mo, nagpi-print ka nyang mga
papel tapos tinatapon lang din naman nila” Dagdag ko pa sabay turo dun sa
mga binigyan nya ng papel na nagtapon sa basurahan. Kumunot ang noo nya
pero hindi ko na sya pinansin.
Amesyl’s PoV

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Aemie. Ano na naman kayang


kalokohan ang iniisip nitong insan ko na to. Tsss. Sinundan ko sya ng
tingin na lulukso-lukso pang naglakad palayo at kumuha ng upuan. Pag ito
kalokohan na naman iiwan ko talaga to dito sa mall.

Binuhat nya ang upuan at inilagay sa may bandang gitna ng mall. Hindi
talaga maganda ang kutob ko dito sa gagawin ni Aemie. “BAHAY!!!
CONDOMINIUM!!! AY MGA SUKI BILI-BILI NA KAYO! MURANG-MURA LANG HO”
Napatampal ako sa noo. Sabi na eh. Tinignan ko ang buong paligid na
parang nag time-stop dahil lahat nakatingin kay insan. Agaw atensyon
naman talaga yung paulit-ulit nyang pag-sigaw habang nakatungtong sa
ibabaw ng upuan.

Bumaba sya saglit at saka lumapit sa isang matandang babae. “Nanay, bili
na po kayo ng bahay. Murang-mura lang po. Teka po saglit ah” Tumakbo sa
akin si insan at kumuha ng isang papel na hawak ko. Ako naman nakatayo
lang at hindi makagalaw, nakakahiya talaga to si Aemie kahit kailan.
“Tignan nyo nanay oh, 1.5 million. Saan kayo makakakita ng ganyang ka-
murang bahay ngayon? Tapos hindi nyo naman po kailangang magmadali, kung
wala kayong cash pwede namang installment, pag nagpatayo po ba kayo ng
bahay pwede installment? Pwede po bang ngayong month, buhangin bibilhin
nyo, next month bintana.”

“Hindi” Sagot nung nanay.

“Kita nyo na, kita nyo na, eh dito buo na yung bahay, kayo na ang ho
inaantay. At saka nanay, safe pa po kayo kasi may guards ang labas ng
subdivision. Sa papatayuan nyo po ba may guards?”
“Wala” Sagot nung nanay.

“Kita nyo na po. Aba dapat safety first, kailangan ligtas ang pamilya
kahit nasaan diba po?”

“Oo naman”

“Nasan po pala si tatay? Kakausapin ko din po para sa---“

“Matagal nang yumao ang asawa ko ineng eh”

“Ay pasensya napo. Pero hindi lang yun nay, tignan nyo po. May swimming
pool, may court, pwede pa kayong mag-jogging. At saka nay---“ bumulong si
insan pero sa sobrang lakas ng boses dinig din naman hanggang sa pwesto
ko. “Malay nyo dito nyo makilala si Mr. Forever. Hehehe” Napailing nalang
ako sa sinasabi ni insan habang sinusundot-sundot ang tagiliran nung
nanay.

“Paano ba bibili nyan iha”

“Waaaa! Bibili po kayo? Teka dito po sa insan ko. Naku naku nay, bilisan
nyo po ang pagbili dahil baka may mauna kay Mr. Forever.” Inalalayan ni
insan yung matandang babae palapit sakin. Seryoso bas yang naniniwala sya
sa mga sinasabi ni insan?
“Insan! Bibili daw si nanay hehehe” Nakangiting sabi sakin ni insan.

“Bibili po kayo?” Paninigurado ko. Baka kasi nagkakamali lang itong


matanda at-- "Oo iha"

Nanglaki ang mata ko sa sagot nya. Nauto sya talaga ni insan?

"Hehe teka insan ah." Tumakbo na naman palayo si Aemie kaya sinundan ko
sya ng tingin. "Ay mga suki bili-bili na kayo. BAHAY KAYO DYAN OH!
MURANG-MURA LANG HO!" Tumakbo na naman sya palapit sa mag-boyfriend? Mag-
asawa? Na nakatingin sa kanya.

"Ate, kuya. Gusto nyo ba ng bahay na magdadala sa inyo ng swerte?"

Pfft. Puro talaga kalokohan. Umiling na lang ako at itinuloy ang


pakikipag usap kay nanay.

Aemie's PoV

"Hayy! Nakakapagod" Nakangiting sabi ko. Pero in fairness nakakatuwa


kasi, lima ang naibenta kong bahay hehehe. "Panong hindi ka mapapagod? E
inihiyaw mo ang pagbebenta." Tumingin ako kay insan na natatawa habang
sinasabi yon.
"Pag hindi ko isinigaw yun insan, hindi nila malalaman na bahay yung
binebenta natin. Kita mo pag si mommy nagtitinda dati ng bananaque,
turon, balot, at taho, isinisigaw nya. Hindi naman namimigay ng papel."
Minsan talaga si insan medyo slow. Kung sabagay, naiintindihan ko naman
kasi stressed na stressed lang siguro sa dami ng ginagawa nya.

"Ewan ko sayo insan. Bakit ka ba nandito?"

Bakit nga ba ako andi--

Omygod!!

“Insan si Caileigh inaantay nga pala ako waaaa! Teka lang pupuntahan ko
muna si Cai insan ha?” Dali-dali kong kinuha ang phone ko, bago tumayo.
20 misscalls. 10 messages. Waaaa! Ang dami! Bakit ba kasi naka-silent ang
phone ko huhuhuhu.

1st text - Caileigh : Aemie-girl, dito na ako malapit sa movie house.

2nd Text – Zeke : I miss you, wife.

3rd text – Caileigh : Aemie-girl where are you ba?

4th text – Caileigh : Hey.


5th text – Zeke : Wife, where are you?

6th text – Zeke : Are you busy?

7th text – Zeke : Wife.

8th text – Caileigh : Aemie-girl, why you’re not making sagot my phone
calls?

9th text – Zeke : Why does your line went busy whenever I call?

10th text – Zeke : Dammit. Answer your phone, wife.

Napaupo ulit ako sa upuan nung mabasa ang mga messages. Sino ba sa
kanilang dalawa ang uunahin kong replyan at tawagan waaaa. “O akala ko ba
pupuntahan mo si Caileigh? Bakit nakaupo ka na naman dyan?”

“Eh insan si Zeke kasi nagtetext din, hinahanap na ako, ang paalam ko pa
naman saglit lang ako. Huhuhuhu”

“Aba edi itext mo. At puntahan mo na din si Caileigh” Sabi ni insan at


saka tumayo.
Tumayo na din ako at nagsimula nang maglakad papunta sa may movie house.
Sabi kasi ni Caileigh sa text nandoon sya eh diba? Kaya pupuntahan ko
nalang don.

“Caileigh!” Tinawag ko sya nung nakita ko syang nakatayo malapit sa movie


house. “Aemie-girl” Bati nya din. “Sorry kung matagal ha? Hehehe”

“It’s okay lang naman girl.” Nakangiti ako kay Caileigh pero bakit ganon?
Parang sa ibang direksyon sya nakatingin? Nung lumingon naman ako kung
saan sya nakatingin. Wala namang tao.

“Eh-he-he tara na Caileigh?” Kinakabahang aya ko sa kanya. “Uhh. Sige


Aemie-girl” Hinawakan ko agad ang kamay nya para mabilis kaming makaalis
sa lugar. Natatakot kasi ako sa kinikilos nya, wala naman syang
tinitignan pero—Hayyy!

“Do you want to eat ba muna?” Tanong ni Caileigh na hndi ko naman


tinanggihan kasi feeling ko gutom na sya kaya kung anu-ano na nakikita
nya.

Pagkadating namin sa isang restaurant ay umorder na agad si Caileigh. Ako


naman tahimik lang at nakatingin sa kanya. Pansin ko din na parang hindi
sya mapakali. May sakit ba sya? “Okay ka lang ba caileigh?” Tanong ko.
Kanina pa kasi sya ganyan.

OMG!!!
Ayoko nang mga naiisip ko, pero hindi kaya may masamang espiritu na
nanggugulo kay Caileigh?

Waaaa!

“Yes, I think I’m fine naman girl. W-why?” Tanong nya. “Uhmm wala lang,
hehehe” Sagot ko. Hindi ko na sinabi sa kanyang napapansin kong may
kakaiba sa kanya kasi baka naman ayaw nya sabihin. Saka natatakot din
ako. Naaalala ko pa yung Zombie sa pinanuod namin ni Zeke. Baka mamaya
nakakakita pala si Caileigh ng Zombie ng hindi ko alam.

“Uhmm Aemie-girl, when nyo balak magka-baby ng hubby mo?” Napatingin ako
kay Caileigh dahil sa sinabi nya.

Baby? Binilhan ko na si Zeke ng baby doll Pero “Ayaw nya eh.” Sagot ko.

“Is that so?” Tanong ni Caileigh.

“Ang natatandaan ko kasi ayaw nya talaga. Pero tatanungin ko ulit,


hehehe”

“You should. I want to have pamangkins na agad no” Nakangiting sabi nya
sakin. Kaya nagtaka ako. Gusto nya magkapamangkin? Eh bakit sakin nya
sinasabi. May pera naman sya eh, papalibre pa sya sakin. Hayyy! Sabagay
di ko naman masisisi si Caileigh, sanay sya sa mayamang buhay. Hayaan na
nga. “Hehehe sige” Nakangiting sagot ko sa kanya.
~I’m a Barbie girl, in a Barbie world---

Zeke’s calling...

Eh? “Teka lang Cai ah” Paalam ko kay Caileigh at saka pumunta ng restroom
para sagutin ang tawag ni Zeke.

[What took you so long?] Bulyaw ni Zeke sa kabilang linya pagka-pindot ko


ng answer button.

“Hehehe dong bakit ka tumawag?”

[I’m here outside]

Eh? Outside?

Binuksan ko ang pinto ng CR at sumilip para hanapin si Zeke. Tumingin ako


sa kaliwa’t kanan pero wala naman akong nakitang Ezekiel Roswell
“Niloloko mo ba ako Zeke? Wala ka naman sa labas ng CR ah” Hindi kaya
ibang CR ang pinuntahan ni Zeke?

[Tss. outside the mall, stupid]


“Oh? Bakit ka nandyan sa labas? Hindi ka ba makapasok? Teka pupuntahan
kita” Sagot ko.

[Nah. I’m here to pick you up]

“Pero dong—“

[No buts, wife]

Waaa! Hindi pa kami nakakakain ni Caileigh eh.

-Meanwhile-

Meisha’s PoV

“Wengya, walang dugasan mga tol. Wag nyong pagsamantalahan ang kagwapuhan
ko” Kakamot-kamot ng ulo si Sebastian nung matalo na naman sya. Pfft. Ang
yabang talaga kahit kailan.
“Mei, it’s your turn” Cassandra.

“Naman oh! Hindi porket gwapo ako, pagsasamantalahan nyo na ang kahinaan
ko.” Parang bata si Seb na nagmamaktol habang nagbabalasa ng cards. Pfft.

“Aba matinde! Hindi porket, lagi mo ako nakakasama tol magiging gwapo ka
na din katulad ko.” Sagot nung kapatid kong conceited.

“Yown! Taas pangarap. Ayos lang yan dude, naiintindihan kita.” Lerwick
said, saka tinap ang balikat ng kapatid ko.

Halos matawa naman ako ng malakas sa itsura nilang dalawa.

“Meisha Maxine Lamperouge” Binaling ko ang tingin kay Cassandra na nag-


aantay ng pag-tira ko sa billiards. “Ako na?” Tanong ko sa kanya. Did I
space out? Hindi naman diba? Pinapanood ko lang sila Lerwick na naglalaro
ng cards. “Obviously” Ngiting-ngiti na sabi nya. “Stop smiling Cass,
hindi ko gusto yang mga ngiti mo” Banta ko sa kanya, at saka pumwesto na
para tumira.

“Sebastian Lerwick” Bulong nya sakin bago ko tumira.

Aish! Leche! Bakit hindi shumoot yung bola. Aish!


“See? It works” Ngiting-ngiti na sabi ni Cassandra na may halong pang-
aasar nung sumablay ako ng tira. “Yeah, panira ka ng pagtira.” Inis na
sagot ko sa kanya.

“Wala akong ginagawa ah, binanggit ko lang name ni Lerwick. And it seems
like na-distruct ko concentration mo?” Mas lalo pang naging nakakaloko
ang ngiti sakin nitong babaeng to. Ano ba gusto nyang palabasin? Na may
gusto ako kay Lerwick? Err!

“Past is past!” Sagot ko kay Cass.

“Okay ka lang Mei?” Tanong ni Lerwick. Nakagat ko ang labi ko nung


mapansing nakatingin na silang lahat sa akin. Napalakas ba ang pagsagot
ko kanina? “Yo sis, may problema ba?” Tanong din ni Max.

Aemie’s PoV

"Ano ba yun dong bakit mo ako sinundo agad?" Tanong ko agad pagkapasok ng
kotse. Di ko tuloy na-enjoy pagmo-mall namin ni Caileigh. Sabi ko sa
kanya magtataxi na lang ako pagbalik eh. Hayy.

"Do you remember the guys on the cruise, wife?" Napaisip ako bigla sa
sinabi ni Zeke, habang nakatingin sa labas ng kotse. "Yun bang sa barko
na pinuntahan natin dati?"

"Yeah."
"Uhmm. Sino doon? Madami kayang tao dun dong."
Walanamandinakongmasyadongnakilaladuneh.Bukodkayguardianangelatchocolatef
ountain.

"The group we eliminated." Angnaalalakolang,magulongadunat—

"They're back"

Eh? "Totoo Zeke? Akala ko ba nasira na at lumubog yung barko? Inayos ba


ulit nila?" Nagtatakang tanong ko. Sana hindi na sila nag-effort gawin
yun. Bumili na lang sana sila ng bago.

Hindi sumagot si Zeke pero hinahawakan nya ang bridge ng ilong nya. May
masama ba sa sinabi ko? "Ano pala gagawin natin Dong? Hehehe"Hinarap ko
sya kahit sa daan sya nakatingin. "Gusto mo ba magpatawag ako ng meeting
ng Yaji at Roswells?" Tanong ko.

Hindi lang businesses ang nag-merge dahil pati ang Yaji at Roswells ay
kami na ding dalawa ni Zeke ang namumuno.

"Not now." Hinawakan ni Zeke ang isang kamay ko. Kaya isang kamay na lang
ang pang-hawak nya ng manibela. "Do you want to take a break?" Tanong nya
at saka hinalikan ang mga kamay ko. "Pabalik pa lang tayo ng company
tapos tatanungin mo na naman ako kung gusto ko ng break?" Madalas talaga,
ang gulo kausap nito ni Zeke eh.

*glare*
*pout* "Waaa! Sige na nga! Tara na. Bumalik na tayo ng mall"

"Tss. That's not what I mean. I was trying to ask you if you want to go
out of town, have some vacation leave."

"Honeymoon?!" Excited na tanong ko. "Magbi-beach na ba tayo dong? Yii!


Sabi na eh. Gusto mo din yun? mga ideas ko. Kunyare ka pa hehehe."

“Yeah.”

“Totoo ba yan?” Paninigurado ko.

“Yeah.” Nakangiting sagot nya. “Kyaaaa~ Eh kailan ba?” Excited na tanong


ko. Hehehe.

“Now.”

“A-ano? Teka dong, bakit biglaan?”

=================

Chapter 2

Meisha's PoV
"Love, are you okay?" Binitawan ko ang tako ng billiards na hawak ko at
saka lumapit kay Tristan. "O-oo naman love, wala namang dahilan para
hindi ako maging okay." I stared deeply into his eyes, para mabigyan ko
ng assurance si love na okay lang ako.

"Sigurado kang okay ka lang Mei?" Naaaninag ko sa peripheral vision ko si


Lerwick pero ayoko syang tignan. To hell I care with him.

-Flashback-

“This way Mam”

Sumunod lang ako sa waiter na sumalubong sa akin dito sa loob ng isang


fine dine restaurant "Ano bang problema mo at ginugulo mo ako?" Binagsak
ko ang pouch na dala ko sa lamesa. Hindi na din ako nag-abalang maupo
dahil wala din naman akong planong magtagal.

Simula ng pagtatagpo ng landas namin sa loob ng cruise ay hindi na nya


ako tinigilan ng text. Sobrang nakaka-irita na. To the point na I have to
hide my phone from my boyfriend, Tristan dahil baka biglang magtext itong
sira ulong ‘to at mapaghinalaan pa akong nangloloko.

Inalis nya ang shades na suot nya. "Let's go out babe." Binato ko agad
sya ng matatalim na tingin. "Dream on Lerwick. Baka nakakalimutan mong
magka-away ang Yaji at Roswells?"mataray na sagot ko. Ang kapal din
talaga ng mukha nyang mag-aya no? “At pwede ba? Tigilan mo ang pagtawag
sakin ng babe.” I added.
He smirked na lalong nakadagdag ng pagkainis ko. "Sige, sasabihin ko na
lang kay Lampe ang tungkol sa'yo at sa Yaji." Sumipol-sipol pa sya na
parang tuwang-tuwa pa.

For the second time, I feel defeated. "Bina-blackmail mo ba ako?"

"Sa gwapo kong to? Tsk tsk tsk. Wala naman sa bokabularyo ko ang mamilit
ng magagandang babae." He then grabbed his cellular phone na nakapatong
sa ibabaw ng table at saka sinuot ulit ang shades nya kaya napataas ang
kilay ko.

Plano nya bang iwan ako dito? Psh. Napaka-indecent talaga nito kahit
kailan.

And as expected. Tumayo na sya. "Text me pag nagbago na ang isip mo


babe." I gritted my teeth in anger habang pinapanuod sya naglalakad
palayo, hawak-hawak ang phone nya na nakalagay sa right ear. "Yo Lampe,
may sasabihin ako sayo na siguradong ikagugulat mo"

Mas lalo akong nag-ngitngit sa galit dahil sa mga narinig ko. And within
3 seconds ay inagaw ko na ang cellphone at binigyan sya ng mga
nakamamatay na tingin. "Binu-bwisit mo ba talaga ako Lerwick?" Galit na
bulyaw ko.

"Hahaha. Babe masyado kang hot. Date lang naman ang hinihingi ko diba?"
Psh. Ang kapal! Nakakainis.
Huminga muna ako ng malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili ko bago
ko pa mapatay tong mayabang na lalaki na nasa harap ko.

"Siguraduhin mong ititikom mo yang bibig mo pag pumayag ako."

"Naman babe. May isang sali--"

"Tahimik!"

Parang maamong tuta namang sumunod si Lerwick sa sinabi ko. Ganito ba sya
talaga sa mga babae? Napaka-grrr! Nakakaubos ng pasensya.

"Ayoko nang makikita ang pagmumuka pagkatapos nyang date na sinasabi mo."

"Haha. Ayos!"

-End of Flashback-

"Love" Tawag ni Tristan na nakapagpabalik sa akin sa sarili. "Y-yes


love?" Mabilis pero nauutal na sagot ko. "Natutulala ka na naman. Ano ba
yang iniisip mo?"
"H-ha? Iniisip? Wala ah! Ano namang iisipin ko?"

"Baka yung past na sinasabi mo ate Meisha?" Nilingon ko ang sumingit sa


usapan na si Milka. Oh well, ang adorable na little sister ni
Boulstridge.

"Anong past?" Balik na tanong ko sa kanya. Cassandra chuckled kaya


sinamaan ko sya ng tingin.

"Baby alam kong cute ka, pero hwag mo nang kulitin ang ate Mei mo."
Singit ni Lerwick.

"Paki mo bang panget ka?" Inalis ni Milka ang isang sapatos na suot nya
at saka ibinato kay Lerwick, kaya halos lahat kami ay nagulat. "Woo baby
ang hard mo talaga kahit kailan." Natatawang sabi ni Lerwick.

Okay. Spell awkward. Aish!! "Labas muna ko saglit." Humarap ako kay
Tristan and gave him a peck on his lips before leaving.

"Hey. What was that?" Sinamaan ko ng tingin ang sumunod pala sakin na si
Cassandra. “Anong what was that?” Taas kilay na tanong ko. I slid out one
stick of cigarette from its pack and then lit it up. Narinig ko syang
tumawa kaya nainis ako. “I’m really starting to get pissed off, Heather”
I honestly said kaya mas lalo syang tumawa.

“Getting pissed off by what, by mentioning Lerwick’s name?” She said with
an annoying smile. Grr! Naglakad sya papunta sa harap ko, kaya huminto
ako sa paglalakad pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Why would
I? I’m not guilty, wala akong feelings kay Lerwick so I don’t have
reasons para umiwas sa mga tanong. “And besides bakit ka nga ba naiinis
every time I mention his name, Mei? At ano bang past is past ang sinasabi
mo?” She asked. I diverted my look on a glass window. “Nag-date lang
naman kayo ni Lerwick---“

“Shut up, Cass.” I hissed. “Hindi ka nakakatulong” I added at saka


naglakad paalis.

Fauzia's PoV

"Lee. Baka gusto mong maupo?" Ayan na naman kasi sya sa paglalakad ng
pabalik-balik. “Oo nga, sabi ko nga mauupo muna ako eh” Seriously? What’s
wrong with this guy? Parang lagi na lang syang hindi mapakali.

I focused my attention on the screen in front of me. Pinapanuod ko ang


sinusubaybayan naming group. Nothing's suspicious so far. Oh no scratch
that, everything's suspicious but there's no difference from the first
day of our surveillance.

They are just keep on delivering illegal drugs, and smuggled cars.

"Sa tingin mo Lee, ano ang--" Stunned, I bit my lip. His face's too close
kaya hindi ko maituloy ang sasabihin ko. I don't know kung alam nyang
nakatingin ako sakanya. Because his eyes are nailed on the screen. "Ano
sa tingin ko ang alin Fauz--"
I gulped the moment he faced me. We're both stunned for five seconds. Ako
ang unang umiwas at ibinalik ang tingin sa screen. My heart is beating as
if I just had a 100km run. This isn't good.

"Sa tingin mo ano ang ginagawa nila, aside from those?" I asked na parang
walang nangyari. And hey! Wala naman talagang nangyari. Ibinalik ko ang
tingin ko sa kanya kahit uncomfortable ako na sobrang magkalapit ang
mukha namin. "I-I don't k-know" I frowned nung dali-dali syang tumayo na
parang lasing.

Napahilamos pa sya ng mukha. "Masama ba pakiramdam mo Lee?"

"Hindi, k-kailangan ko lang ng tubig."

I also stood up "Ikukuha na kita--"

"AKO NA!!!"

Na-shock ako nang biglang sigawan nya ako kaya hindi agad ako nakasagot.
"O-kay?" I answered na parang hindi sigurado. Ikaw ba naman sigawan
without valid reason at heto na naman kasi sya sa parang paranoid na
parang ewan.

Aemie’s PoV
Pagpasok namin sa McDo ay naglakad agad ako papunta sa may counter para
tignan kung ano masarap bilhin. “Zeke ano ang gusto---“ Eh? Paglingon ko
sa likod ko ay wala na si “Zeke?” Nasaan na yon? “Dong?” Lumingon ako sa
kaliwa’t kanan pero wala naman si Zeke. “Waaaa ate, nakita mo ba si
Zeke?” Tanong ko sa babaeng nasa likod ko.

“Si Zeke?” Tanong naman nya sakin pabalik.

“Oo si Zeke nga ate, nakita mo ba?” Waaaa nasaan na yon.

Sinimangutan naman ako ni ate at saka lumayo.

Anong problema nun? Sasagutin nya lang naman ako kung nakita si Zeke.

Weird.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa para sana i-text si Zeke nung mapatingin
ako sa pares ng sapatos na katapat ng paa ko kaya natigilan ako. “Dong,
saan ka ba galing? Bigla-bigla kang nawawala”

“Nothing, I just bumped into someone I know” Sagot nya saka hinawakan ang
kamay ko at tumingin sa counter.

“Ahh ganun ba? Sana nag-sorry ka” Paalala ko, alam nyo naman itong si
Zeke, tinatamaan ng pagka-walang galang minsan kaya kailangan lagi
paalalahanan. “Yeah, I feel sorry for her” Sagot nya habang nakatingin sa
menu sa taas. Hindi na ako sumagot kasi mukhang ayaw na nya pag-usapan.

Pero ‘her’ daw? Edi ibig sabihin babae yon? Bakit parang nakakainis?

Hindi kaya--- “Hindi, imposible naman mang-chiks si Zeke no”

“Yeah, that would be boring”

Lumingon ako kay Zeke nung sumagot sya. “Mind reader ka dong?” Tanong ko
sa kanya na nagtataka. “You said it out loud”

“Hi good afternoon Mam, Sir what can I get for you?”

"Uhmm--" Hindi ko pa naitutuloy ang pag-order ko pero napansin ko nang


kay Zeke nakatingin si ateng cashier. "Hubby, ano gusto mong orderin?"
Nakangiting tanong ko kay Zeke.

"One order of fries will be fine, how about you wife?"

"Gusto nyo po mag-add ng sundae?" Tanong ni ateng cashier. Pero hindi


naman sumagot si Zeke.

"Burger at fries sakin. Hehe"


"Gusto nyo po mag-add ng cheese Mam?"

"Para sa burger?" Nagtatakang tanong ko kay ate.

"Yes, mag-a-add lang po kayo ng--"

"Edi naging cheeseburger na po ang order ko pag ganun? Burger lang gusto
ko ate"

Sinamaan ako ng tingin ni ateng cashier kaya tumahimik na ako. Mali ba


nasabi ko?

Louie's PoV

“Aish! Ang tagal naman ni Momo.” Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa relo na


suot ko.

First time kaya nag-aya ni Momo ng date. Kaya nga sobrang excited ako eh.
Hindi na bale, aantayin ko nalang. Tutal alas dos naman ang usapan, eh
ala una y media pa lang naman. Haha. Bakit ba? E sa gusto kong maaga
dumating.

Hindi naman pati ako masyadong matagal na nag-aantay no! Sus! Baka naman
isipin nyo e kanina pa ako dito. Kararating-rating ko lang din naman.

“Waiter!” Tawag ko sa waiter.

“Oorder na po kayo Sir?”

“Pahing pa ngang tubig” Utos ko.

"Sir, hindi pa po ba kayo o-order? Magdadalawang oras na po kasi kayong


puro tubig lang ang hinihingi." Tinignan ko ang waiter na biglang
sumulpot sa harap ko. "Hehe maya na boss padating na din siguro si Momo
ko." Napakamot ng ulo ang waiter bago umalis.

Dalawang oras na ba ko dito? Psh. Pauso din. Excited ako. Pero hindi
naman sobra no.

"Aba ang aga!" Pakiramdam ko ay nagliwanag bigla ang paligid nung madinig
ko ang boses ni Amesyl. Sabi na eh. Maaga syang dadadating. Hihihi.
“Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan Birkins?” Masungit na tanong ni Momo.
Tumayo ako para humila ng upuan.
Umupo naman sya. Kinikilig ako. Si Momo ko kaya kinikilig din? Itinaas ko
ang kanang kamay ko at saka tumawag ng "Waiter!"

"Good afternoon Sir, Mam" Inabutan kaming dalawa ng tig-isang Menu na


tinanggihan naman ni Momo.

"Tubig lang ang akin." Mabilis na sagot nya.

"Momo naman eh, kumain ka ng kahit ano." Walanjo! Purgang-purga na nga


ako sa tubig. Kanina pa ko inom ng inom tapos pati order ni Momo, tubig?

Napansin kong palingon-lingon si Momo kaya tumingin din ako sa paligid.


"2 glass of water please" Masama sa loob ko ang order ko pero kung hindi
kakain si Momo, hindi na din ako kakain. Libre pa to.

"Tubig na naman?!" Asar na bulong nung waiter. Sasagutin ko sana sya pero
biglang hinablot ni Momo ang braso nung waiter. "Teka teka!" Nakatingin
lang ako kay Momo na itinaklob sa mukha nya ang menu. "Bigyan mo kami
nito, nito, nito, nito, nito, nito."

"Yun lang po ba Mam?"

"Oo."

"Ah eh Mam. Pwede ko na po ba makuha ang menu?"


"Hindi!" Mabilis na sagot nya. "B-Baka may orderin pa ko. Sige na alis
na." Isinenyas pa nya ang kamay nya kaya wala na ding nagawa ang waiter
kung hindi umalis.

"Momo may tinataguan ka ba?" Diretsong tanong ko. Pasilip-silip kasi sya
sa menu na hawak nya.

"Wala ah! Bakit ko naman tataguan si Jerson Ken Blood? Wala nama--"

"Jerson Ken Blo--ARAY!!" Napakamot ako ng ulo nung bigla akong hablutin
ng sabunot ni Momo. "Hinaan mo boses mo baklang betty boop, tatamaan ka
sakin."

“Psh ano bang meron sa lalaking yan” Bulong ko sa kanya pero sinamaan nya
lang ako ng tingin. Nandito lang naman kasi ako.

“Momo, wala ka bang planong kumain?” Tanong ko sa kanya sa pagitan ng


pag-nguya. Kanina pa kami dito eh, hindi naman sya kumakain, panay lang
ang sipat nya dun kay Jerson Ken Blood na may mga ka-meeting na lalake.

“Naranasan mo na ba ang ma-love at first sight?” Napalunok ako sa tanong


ni Momo. Love at first sight?
-Flashback-

“All freshmen, please proceed to the gymnasium” Kakapasok ko lang ng high


school building nung marinig ko ang announcement. Pagkadinig na
pagkadinig ko ng announcement ay minadali ko ng tinahak ang daan papunta
sa gym.

Aish! Ang hassle naman ng first day of school ng high school. At ang--
“Ano ba!” Nilingon ko ang babaeng nanlilisik ang mata na nabangga ko.
Kyaaaa! A-ang ganda nya. “OMG”

“Anong OMG? Bakla! Tss”

“Insan! Sino ba yang kausap mo. Ang sabi satin sa gymnasium pumun—Hello
hehehe”

“Wala insan, tara na”

-End of Flashback-

“Hoy Birkins! Bakit hindi ka na sumagot?” Napangiwi ako nung makitang ang
lapit na ng mukha ni Momo sa akin.
“O-oo, tingin ko”

“Talaga?” Tanong nya ulit sa akin, pero nung tinignan ko kung kanino sya
nakatingin—

Kay-- Jerson Ken Blood.

Aemie’s PoV

Kung saan-saan tumitingin si Zeke kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko


na hindi magtanong. Kaharap ko pa naman sya. “Zeke? May problema ba?”
Tanong ko pagka-kagat ko ng burger kaya sinamaan nya agad ako ng tingin.

Nagsawsaw agad ako ng French fries sa ketchup at saka ko sinubuan si Zeke


“Sabi ko naman sayo hubby kumain ka ng kumain diba hehe, wag ka na
magsasalita.” Sabi ko sakanya at saka sya nginitian ng bonggang-bongga.

“What the fv—“

Pinunasan ko agad ng tissue ang bibig ni Zeke “O may ketchup ka pa sa


bibig dong. Nako naman, nako naman! Ang hubby ko talaga ang dungis-dungis
kumain” He-he-he ngini-ngitian ko lahat ng mga nakatingin sa aming tao.
Minsan nakakahiyang kasama to si Zeke, kasi bigla-bigla na lang magumura.
Natatakot tuloy ako. Kaya para maiwasan ang mga ganoon na nakakahiyang
scene eh mas mabuti pang punuin ng pagkain ang bibig nya.

Nung feeling ko na wala na syang balak magsalita ay nilabas ko ang phone


ko para maglaro ng coin dozer habang nakain. Hehehe. Ang cute kasi nito
laruin, hulog ka lang ng hulog ng coin tapos. “Wait for me here, ubusin
mo yang pagkain mo” Bilin ni Zeke kaya tumunghay ako para tignan sya.

“Pero hindi ka pa tapos kumain Zeke ah saan ka pupunta?” Nakakunot ang


noo na tanong ko. “May aayusin lang ako”

“Okayyyy!” Nakangiting sagot ko at saka humigop ng coke float. “Don’t go


anywhere, and do---“

“Don’t do anything stupid” Pagtutuloy ko sa sinasabi nya habang naglalaro


ng coin dozer. Memorize ko na kaya halos lahat ng lines ni Zeke. Lagi
naman yun ang sinasabi nya.

Naaninag ko sa gilid ng mata ko na napailing si Zeke. “Tss. Wai---“

“Wait for me here, I’ll be back” Sabi ko ulit.

“I—“

“Love you, wife” Pagtutuloy ko ulit sa sinasabi ni Zeke.


“Ginagago mo ko?” Galit na tanong nya kaya inalis ko ang tingin ko sa
nilalaro ko.

“Waaa! Anduga Zeke, bakit may kasunod na ganyan!” Reklamo ko, dati naman
kasi hanggang I love you lang eh, bakit ngayon may kasunod na ganon.

*glare* “Why do you keep on mimicking me?” Galit na tanong nya ulit.

*pout* “Hala hindi ah! Ayoko lang kasi nahihirapan ka, kaya ako na
nagsabi nun huhu. Sige hindi na.”

“Tss.”

Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin ang mga tao. “I love
you too, hubby. Bumalik ka agad ah” Sabi ko sabay kiss sa pisngi ni Zeke
at saka ngumiti sa mga tao sa paligid. Baka kasi isipin nila eh nag-aaway
kami. Nakakahiya kaya, ito kasing si Zeke eh.

Bigla nalang umalis si Zeke ng hindi man lang ako nililingon kaya umupo
na ulit ako sa lamesa, pero bago ko pa maituloy ang pagkain ay nakita ko
ang phone nya sa ibabaw ng lamesa. Mabilis kong iniikot ang mata ko para
hanapin kung saan nagpunta si Zeke pero hindi ko na nakita. ‘Hay, mamaya
ko na nga lang ibibigay’ sabi ko sa sarili ko saka ibinalik sa
pagkakapatong sa lamesa ang phone nya at naglaro na ulit. Hehe level 43
na kaya ako.

---
“Ayos ka lang ba dyan dong?” Nakadungaw ako sa labas ng bintana at
sinubukang sulyapan si Zeke na nasa harap ng nakabukas na hood ng kotse
nya. "It's not even working."

Eh? "Flat din ang tires.” Sabi nya pa.

“Flat din ang tires Zeke?” Ulit ko sa sinabi nya.

“Ibig sabihin?” Tanong ko. Kasi hindi ko magets kung ano yung gusto nya
iparating. Gusto ba nya hipan ko ang gulong? Medyo salbahe talaga to si
Zeke.

“We're now fvcked up" Sagot nya.

Sumandal ako sa kotse samantalang si Zeke naman ay nasa labas pa din.


Binuksan ko ang pinto ng kotse para lumabas. Nasa may unahan pa din ng
kotse si Zeke at naninigarilyo.

Sinubukan ko naman tumingin-tingin sa paligid para humanap ng mahihingian


ng tulong. Pero puro matataas na puno lang ang nakikita ko.

Umihip ang malakas na hangin kaya lumapit ako papunta kay Zeke. “Zeke
feeling ko may multo dito” Bulong ko sa kanya. Tinignan naman agad nya
ako ng masama kaya ngumiti na lang ako. Hehehe malay ko bang takot din
sya sa multo. “Hehehe di na kita tatakutin Zeke. Pero paano ba tayo aalis
dito?”
“Hand me your phone” Utos ni Zeke kaya inabot ko sa kanya ang cellphone
ko. Kaso--- “Empty battery?” Taas kilay na tanong nya. “Hehe ang tagal mo
kasi bumalik kani----OMG Zeke! Yung phone mo nasa lamesa ng McDo. Balikan
natin”

“How?” Tinuro nya sakin ang mga gulong ng kotse. Ano ba kasing
nangyayari? Bakit parang wala naman akong alam sa nangyayari.

“Hehe. Maglalakad tayo?” Tanong ko.

“No. Ako lang ang maglalakad” Sagot nya, kaya halos maiyak ako na
tumingin ulit sa paligid. Sobrang tahimik dito, tapos puro puno. Wala
pang nadaan na mga sasakyan. Tapos iiwan akong mag-isa dito ni Zeke?
Grabeee! Hindi man ang ba nya naiisip kung ano ang mangyayari sakin dito?

Pano kung may mga Zombies?

Pano kung may mga multo pala dito pag---umupo si Zeke sa harap ko kaya
tumigil ako sa pag-iisip at nagtaka. Parang nangyari na to dati, nung
nagpunta kami ng divisoria. “We’re twenty five kilometers away from the
nearest town.”

“Zeke kaya ko naman---“

“Shut up. I am commanding you, wife. Just rest and leave the hardship on
me.”
=================

Special Announcement

Hi Mafias! Bili kayo ng book ng My Husband is a Mafia Boss (published


under Viva-Psicom). The volume 1 is already out in the market. To follow
ang mga next volumes ;)

For more info and updates, follow us on Twitter : @mhiambwp

Page : https://www.facebook.com/MHIAMBOfficial

FB Group : https://www.facebook.com/groups/mhiambOFFICIAL/

Or---

Visit nyo ang PSICOM fb page, for updates kung saang places available ang
book. Hindi pa kasi yata sya available sa ibang places eh.

Thank you sa never-ending support MHIAMB Fam at readers, silent readers


basta lahat :*

Bili kayo ha? Promise?

♥ Yana

=================

Chapter 3

Aemie’s PoV
“Eh? Ito na ba yun Zeke?” Tanong ko habang nakatanaw sa isang bayan?
Bayan ba talaga to?

“I think so? This is the nearest place, so I guess we’re here?” Nung
malayo pa kami ni Zeke ang iniisip kong itsura ng town, yung sobrang
laki, madami mabibili. Pero mali pala ako. Sobrang lakas ng ihip ng
hangin, madami pa ding mga puno sa paligid. Muka nga syang maliit na
bayan, pero mukhang bayan na matagal nang hindi pinupuntahan ng tao.

Nakatayo lang si Zeke habang naka-piggy back pa din ako sa likod nya.
Parehas kaming patingin-tingin sa paligid, wala man lang kahit isang tao
o sasakyan man lang na dumadaan. Parang yung mga town to sa mga Zombie
movies na pinapanuod namin eh.

“Zeke ayun oh” Tinuro ko ang isang sobrang taas na building pero mukhang
bahay na may sign sa itaas na ‘Apartel’. Mukha syang bahay kasi gawa sya
sa kahoy pero parang building ang style. Ang gulo diba?

Nasagi ng ulo ko ang wind chimes na nakasabit sa pinto ng apartel


pagpasok namin ni Zeke. “Dong ibaba mo na kasi ako” Giit ko. “Zeke ano?
Okay ka lang ba? Sabi naman kasi sa’yo maglalakad na lang ako eh.” Inayos
ko muna ang damit ko na nagusot. Ang tagal ding karga ako ni Zeke habang
papunta dito. Pwede naman kasi akong maglakad nalang eh. Hayy.

“Do you have a room for two?” Hindi man lang sinagot ni Zeke ang tanong
ko, at kinausap ang babae sa front desk. Kaya naglalakad-lakad nalang ako
ng konti para tignan ang buong apartel.

Apartel yung tawag ko kasi yun yung nakalagay sa labas, apartel daw sya.
Gawa sa kahoy yung sahig kaya tumutunog sya pag niyayapakan. Medyo
kinikilabutan tuloy ako. Pakiram ko nasa loob ako ng isang horror movie,
idagdag mo pa yung lumang tugtog na naka-play. “Ang gandang piano”
Hahawakan ko sana ang malaking piano na nasa harap pero bigla akong
sinita nung nasa front desk. “Bawal hawakan ang kahit na anong gamit dito
Miss” Lumingon agad ako sa direksyon nung babae. *pout* Hahawakan lang
eh. “Do I fvcking need to fill this all?” Tanong ni Zeke sa babae habang
hawak ang isang form.

“Opo sir” Tipid na sagot nung babae kaya bumalik na ang tingin ko sa
paligid.

Hinawi ko ang malaking kurtina na medyo maalikabok pa para masilip ko ang


view sa labas. Grabe! Sobrang kapal ng ulap at ang dilim ng langit,
feeling ko uulan ng malakas mamaya. Hayy. Hindi pa kami makakalis agad
dito ni Zeke. “Wife” Tawag ni Zeke kaya lumingon ako. Sumenyas na sya
para umakyat kaya sumunod ako.

Nakasunod ang tingin nung babae sa aming dalawa ni Zeke nung naglalakad
kami kaya hindi ko din inaalis ang tingin ko sa kanya. Bakit kaya sya
nakikipagtitigan sa akin? Weird.

Hinawakan ni Zeke ang kamay ko kaya nawala ang tingin ko sa babae at


nabaling sa mga kamay naming magka-hawak. “Don’t look at her, I’m getting
jealous.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zeke, aba! Type nya yung
babaeng yun? Type nya yon ha ganon? Nag fill-up lang sya ng form at nag
‘opo sir’ lang sa kanya type na nya agad?

Aalisin ko sana ang kamay ko sa pagkakahawak nya pero hindi nya binitiwan
ang kamay ko kaya hinayaan ko na lang at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Makipot ang daan paakyat, saktong pang-dalawang tao lang at may kakaiba
pang tunog pagka-naglalakad.

Naka-pako ang mga mata ko sa nilalakaran ko kasi pakiramdam ko anytime


mahuhulog ako sa ibaba dahil lumalangitngit ang sahig ng hagdan na gawa
din sa kahoy. Magkano kaya ang bayad ni Zeke dito sa apartel? Gusto ko
itanong dun sa babae sa front desk kung may mga kwentong kababalaghan ba
dito kasi ang creepy talaga ng lugar.
“Hindi ba muna tayo kakain Zeke? Hindi ka ba nagugutom?” Tanong ko sa
kanya habang naglalakad kami paakyat.

“I ordered some food for us.” Sagot ni Zeke.

Pagkatungtong namin ng third floor, isang mahaba at makipot na pasilyo


padin ang natanaw ko. Puro pinto. Hehe, kaso as usual sinauna padin.
Tapos may mga sinaunang paintings na nakasabit sa dingding ng kisame sa
pagitan ng mga kwarto. “Dito ba tayo?” Tipid na tanong ko kay Zeke,
tumango lang sya at saka nagpatuloy maglakad. Mukhang pagod na nga si
Zeke. Hindi na makausap eh.

Nung mapatapat kami sa Room 306 ay tumigil si Zeke. Ito na siguro yung
kwarto. Maging yung pinto ng kwarto ay sinauna din. “Zeke, may multo kaya
dito?” Bulong ko sa kana habang sinusubukan nyang buksan ang pinto.

“Hmm maybe?” Nakaramdam ako ng kaba nung sumagot sya ng ‘maybe’ huhuhu.
Sabi na eh. Naïf-feel din ni Zeke yung creepiness ng paligid. Mukhang
hindi ako makakatulog dito ng maayos . Huhuhu.

Pagkapasok na pagkapasok ng kwarto ay hindi na ako nagulat, mula sa labas


pa lang naman halata ng luma kaya malamang, luma din ang mga kwarto. Pero
hindi ko naman inexpect na ganito ka-luma. Inaantay ko pang magreklamo si
Zeke pero dumiretso lang sya sa kama para maupo.

Caileigh’s PoV
“Baka naman na-misunderstood mo lang yung sinasabi ni Amesyl-girl. Baka
naman, she likes you.”

“Aish! Huwag mo nga akong bolahin Cai. Kitang-kita ng dalawang mata ko


kung paano tignan ni Momo yung Blood na yon.” I just sighed and grab
empty cans of beers. “You should rest nalang muna, I think? Para naman
hindi bad vibes ang naiisip mo.” I said, trying to lighten up his mood.

My eyes widened when he grabs another can of beer to drink. “Louie could
you please stop drinking na? Wala naman yang mahe-help na maganda.
Instead of being too dramatic and such, why don’t you hang-out and make
friends with some other girls.”

He eyed me. “Ano bang mali sa’kin Cai? Bakit hindi makita ni Amesyl na
mahal ko sya?"

“Gad! You really don’t know Louie? Masyado mong binibigay ang full
attention mo kay Amesyl-girl, to the point na nasasakal na sya, which is
obviously not right. Hindi mo sya girlfriend, so don’t take all the
responsibility of a boyfriend. Give yourself and Amesyl an enough time to
rest and have fun.”

Louie’s PoV

Mali ba talaga ginagawa ko? Mahal ko lang naman si Amesyl ah. Mali na ba
magmahal ngayon?
“What happened?” Nabaling ang tingin ko kay tita Alyana na kasabay na
dumating si tito Eiji. Ibang-iba na talaga si tita sa nakilala namin.
Mula pananamit, hanggang pananalita. “Louie is having a love issue tita.
But don’t worry; I’ll be the one to give him some payo to wake him up.”

Kumamot ako ng ulo nung tumawa si tita. Amp! Nakakahiya naman tong
ginagawa ni Caileigh, pati yun kailangan pang sabihin. Psh. “Buti naman
nandyan ka Caileigh para suportahan si Louie. By the way, we’re leaving,
baka ma-late kami sa flight namin.” Oo nga pala, ngayon ang alis nila
tita at tito Eiji papuntang Europe. “Sige po tita, mag-iingat po kayo.”
Paalam ni Caileigh.

“Gusto nyo po bang samahan ko kayo sa airport?” Prisinta ko. Tumayo na


din ako, nasaan ba yung magpinsan? Alam naman nilang ngayon ang—“No, okay
lang. Ayoko na din magpahatid. Sinabihan ko nga din si baby Ae at
pamangks na huwag na sila maghatid sa Airport.”

“Sigurado po kayo?”

“Yes. So, see you next year?” Bumeso si tita kay Caileigh at ganoon din
naman sa akin. “Have a safe trip po tita.” Pahabol ko.

“Sure! And oh by the way Louie—“ Tumingin ako kay tita na nakangiti ng
malapad sa akin. “Boto ako sa’yo for pamangks.” Sabi nya sabay kindat.

Isang sentence lang yung sinabi ni tita. Pero hindi ko mapigilan na hindi
ngumiti. Yung kaninang dinadamdam ko, pakiramdam ko nawala ka lahat.

Huh! Sorry Jerson Ken Blood, mas boto sakin si tita Alyana.
“Where are you?.. Good..” I turned my back to look at Caileigh, sino kaya
kausap nito sa phone? “Alright, keep me updated na lang..... Alright,
alright”

Ngumiti sya sa akin nung mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. “That’s
my former classmate; she wants to set a reunion kasi, you know, something
like girls night out.” Tumango-tango ako pagkatapos nyang mag-explain.
Wala naman akong pakialam sa girls night out na sinasabi nya. Basta ang
gusto ko lang si Momo ko.

“Uhh Louie, mag-stay ka ba dito until later? Is it okay if I go na?”


Tanong nya. Sumandal naman ako sa sofa nila. “Sige, mauna ka na, maya-
maya na ako, hihintayin ko muna siguro si Momo.” Hehehe.

“Are you sure? Mukha pa namang uulan” Hinawi nya ang kurtina kaya nasilip
ko din ang labas, mukhang umuulan na nga sa malayong lugar. Sobrang kapal
ng ulap doon eh. Hayy malas naman. Tumayo ako at inayos ang polo ko.
“Sige maka-sibat na nga, baka abutan pa ako ng ulan.”

Ngumiti si Caileigh sa akin. “Alright, bye. See yah” Paalam nya saka
bumeso.

Itetext ko na lang si Amesyl mamaya.

Sisipol-sipol akong palabas ng main door nung humiyaw si Caileigh.


“WHAT?!”

Nilingon ko sya para itanong kung-- “May problema?” Saglit nyang inalis
sa tenga nya ang cellphone at sinagot ang tanong ko. “Haha, no w-wala
naman. Ingat ka sa daan” Sagot nya, kaya tumango ako at umalis na.
Weirdo.

Aemie’s PoV

Napapatakip ako ng tenga tuwing kukulog ng malakas. Hindi naman ako takot
sa kulog, hindi naman kasi nang-aano yon, hehehe. “Ang lakas ng ulan
dong” Wika ko habang nakatanaw sa bintana. “Stay away from the window,
wife” Dinig kong paalala nya kahit sobrang lakas ng ulan kaya lumayo ako
sa bintana at umupo sa kama.

Kasing laki lang ng kwarto ko noon itong kwarto sa apartel, wala pa sa


one fourth ng laki ng kwarto ni Zeke sa bahay nya. Yung itsura ng kisame
may mga agiw na, tapos may T.V at teleponong naka-display pero hindi
nagana. Kahit yung wall clock hindi din nagana. Buti na lang at nagpapa-
tugtog yung naka-tigil sa katabi naming room kaya may tugtog akong
naririnig. Kaso nga lang. Classical music, kaya mas lalong nakadagdag sa
ka-creepyhan nitong lugar.

“Hindi ka pala maarte sa kwarto Zeke no? Hehe” Umpisa ko ng topic.


Nililinis nya lang kasi ang baril na dala nya doon sa may kabilang gilid
ng kama.Tumingin lang sya sa akin at ngumiti. Hindi man lang nya sinagot
ang tanong ko.

“Hayy! Ang boring.” Sabi ko sabay salampak ng higa sa kama. Gutom na din
ako wala pa yung pagkain. “Wala na yata balak magdala ng pagkain yung si
ateng front desk” Tumawa lang ng mahina si Zeke. Kung gutom ako,
siguradong-sigurado ako na mas gutom si Zeke. Hayyy! Bakit ba kasi ang
tagal ng pagkain.

Pumikit na lang muna ako. Ang sarap pa namang matulog. Malakas ang ulan,
malamig, masarap magpahinga.
“Wala ka bang nararamdaman, wife?” Minulat ko ang mga mata ko nung
marinig ko ang sinabi ni Zeke. Tamo to, kung kailan pumikit ako, saka
naman ako natripang kausapin. Ibang klase din eh. Bumangon ako saglit at
tinitigan si Zeke ng nakakunot ang noo. “Anong akala mo sakin manhid?
Nakakaramdam ako no! Kanina ko pa nga ramdam na ramdam ang gutom—“

“Tss. Stupid” Umiling-uling si Zeke at saka tumayo bitbit pa din ang


baril.

Kita mo na, kita mo na! Pagkatapos ako pag-isipan na manhid ako,


sasabihan pa akong stupid. Tapos saka tatayo at tatalikuran ako. Grabe
talaga tong Zeke na to. “Something’s not right” Bulong nya.

“Buti naman alam mo.” Sagot ko ng pabulong din.

“You’re saying something, wife?”

“Wala ah! Sabi ko—sabi ko good job! Hehe” Humiga na lang ako ulit sa kama
at hindi na nagsalita. Bakit pa ako makikipagtalo diba? Eh ako na nga
yung manhid at stupid, saka mananalo ba ako kay Zeke?

Pumikit ako kunwari nung tinignan nya ako ng masama pero nung tumalikod
si Zeke ay minulat ko ng kaunti ang isang mata ko para sumilip. “Dong
wala kang makikitang pagkain dyan” Sabi ko sa kanya nung makita ko syang
nagbubuklat ng mga drawer.

“Shit! It’s just as I thought. Damn this!”


Muli na naman akong napabangon dahil sa sinabi ni Zeke.

Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan nya. “Hindi mo na ba talaga kayang


tiisin ang gutom dong? Alam mo noong elementary ako, pag nagugutom ako
kasi ang tagal magpalabas ng teacher namin sa school, iniimagine ko
nalang na kumakain ako ng masarap na ice cream. Hehe” Nakakainis naman
kasi yung babae sa baba.

Tinignan ko si Zeke na tahimik at mukhang malalim ang iniisip, wala man


lang syang ka-kibo kibo mula ka pagkakatayo nya. Kawawa naman si Zeke.
“Teka nga pupunta lang ako sa baba” Paalam ko saka dali-daling naglakad
palabas ng pinto.

“Wife! Don’t---“ Hindi pa tapos ang sinasabi ni Zeke nung saktong mawalan
ng kuryente pagkabukas ko ng pinto. “Zeke? Nasaan ka?!”

Tumahimik ang buong kwarto dahil nawala yung tugtog na nanggagaling sa


kabilang kwarto. Tanging ilaw lang din ng kidlat ang makikita.

“Don’t move wife, just stay there and wait for me.” Nung unang kidlat ay
natanaw ko si Zeke na maglalakad na palapit na sa akin, kaya napanatag na
ang loob ko at nag-antay na lang.

Nung sunod na kumidlat ay dalawang pigura ng tao ang nakita kong nasa
likod ni Zeke. “M-m-multo” Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Pero sinubukan
kong maglakad palapit sa kanya kahit wala akong makita. “Dong?”
“Shit!” Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nung makarinig ako ng
mga kalabog at isang putok ng baril.

“Zeke?” Kahit wala akong makita ay sinubukan kong maglakad, ang tagal
kasi akong puntahan ni Zeke baka kung ano na ang ginawa sa kanya nang---
Abo’t-abot ang kaba nung muling kumidlat at may maaninag na nakahandusay
sa sahig. “Dong!!!” Sigaw ko at saka tumakbo palapit sa kanya. Sinubukan
ko muling makapa sa dilim pero puro tubig ang nakakapa ko.

“Dong! Nasaan ka ba?! Magsalita ka naman oh” Naiiyak na ako at naginginig


na hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Pupunta lang naman ako sa baba para sana puntahan ang babae sa baba.
Napaatras ako at gulat na gulat nung kumidlat at tumambad sa harap ko ang
mukha nung nakahandusay sa sahig. “Ahhh!” Hiyaw ko. Hindi naman si Zeke
‘to! Waaa! Nasaan na ba kasi si Zeke.

Tumayo ako at sinubukan ulit maglakad-lakad. “Dong! Nasaan ka ba!?!”

Nung makapa ko ang pintuan ay tinahak ko ang daan palabas hanggang sa may
nakapa akong katawan ng lalaki. “Zeke, saan ka ba---“

Yayakapin ko sana ang nasa harap ko nung madinig ko ang boses ni Zeke
mula sa malayo sa bandang likod ko. “Wife!!” Dahilan para mapabitaw agad
ako sa lalaking nahawakan ko. Eksaktong kumidlat kaya nagkaroon ako ng
chance na makita ang mukha ng lalaki.

Kilala ko sya. Kung hindi ako nagkakamali sya si---

“Fuck you, Lionhart!” Patuloy ang pagkulog at kidlat kaya naaaninag ko si


Zeke na nakatayo sa malayo at napapalibutan na ngayon ng mga lalaki.
“Put down your gun, Roswell” Mas lalong humigpit ang pagkakasakal sa’kin
nung dating kaibigan ni Zeke kaya hindi ako makapagsalita.

"Do not hurt my wife...Please." Iba ang tono ng boses ni Zeke kumpara
kanina nung minura nya si Wallace. Pero tumawa lang ang dati nyang
kaibigan. "Marunong ka na pa lang makiusap ngayon, Roswell" May tinakip
syang panyo sa mukha ko. Unti-unti ay nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Ate Aemie" Bumalikwas agad ako nung may madinig akong boses na
nagsalita. Puno ng pag-aalala ang boses nya. Tinignan ko agad ang paligid
ko kung nasaan ako. Hindi ako sigurado kung anong lugar to pero sigurado
akong wala na ako sa apartel.

“Ate Aemie, okay ka na ba? Hindi ka ba nahihilo?”

Nakakunot ang noong tinignan ko si Milka.

Panaginip lang ba ang nangyari?


Pero teka-- "Nasaan si Zeke?" Tumayo agad ako at lumundag pababa ng kama
"Dong!!" Kanina kasi diba madaming lalaking nakapalibot sa kanya. Tapos
sakal-sakal ako nung dati nyang kaibigan. Ano nang nangyari sa kanya?

Huminto ako nung bubuksan ko ang isang pinto dahil may nadinig akong
boses "Ayos na ba si Ma'am Aemie?" Kakapasok lang ni Vash sa loob nitong
kwarto at may dalang isang tray ng pagkain. "Gising na po pala kayo Ma'am
Ae--"

Pinutol ko ang sinasabi nya dahil ang gusto ko lang namang gawin ngayon
ay makita si Zeke. "Nasaan si Zeke?"

Ngumiti si Vash at inilapag sa ibabaw ng isang cabinet ang dala nyang


tray ng pagkain. "Nasa kabilang kwarto po" Sagot nya. Naglakad sya
palabas kaya dali-dali akong sumunod.

Pagbukas ni Vash ng pinto ay naabutan naming nakaupo na si Zeke sa kama


pero naka-hawak sya sa ulo nyang may benda. "Wife! Are you okay?" Puno ng
pag-aalala ang boses ni Zeke habang palapit sya sakin.

"Labas po muna ko boss"

Hindi ko na hinintay pa na makalapit si Zeke sa akin dahil lumapit na din


ako agad sa kanya at agad na yumakap. "Ikaw ba dong? Okay ka lang?"

Jacob's PoV
"Paanong nangyari yon?" Tanong ni Fauzia. Nagmamaneho ako ng sasakyan
pero kanina pa din ako nag-iisip.

"Paanong nangyari ang--" Lumingon ako sa kanya pero sobrang lapit na


naman ng mukha nya. "Shit!" Inapakan ko agad ang break to stop the car.
"Ano ba! Magpapakamatay ka ba?! Bakit bigla kang humihinto ng ganun?"
Galit na tanong nya. "Bakit mo ba kasi inilalapit ang mukha mo sakin?!"
Sigaw ko sa kanya pabalik. Inalis nya ang tingin nya sakin, and glance
back at the window. “Does it matter? Wala namang masama. Pati naman
pagtingin ginagawan mo ng issue. Just drive, para makarating na agad
tayo.” She said.

I sighed, a louder one. ‘Bakit ko nga ba ginagawang big deal ang lahat?
Psh.’ I said at the back of my mind at saka inumpisahan ulit ang pagda-
drive.

Aemie’s PoV

Tahimik kaming dalawa ni Zeke na kumakain dito sa kwarto. Hinihintay


naming dumating sila Jacob at guardian angel, sila daw kasi ang
maghahatid sa amin sa bahay. “Zeke oh” Sabi ko sabay subo kay Zeke ng
pagkain na hindi naman nya tinatanggihan.

“Zeke—“ Itatanong ko sana kay Zeke kung ano ba talaga ang nangyari pero
sinagot na nya agad ako. “I passed out after I got several hit on the
head” nakatungong sabi ni Zeke “If you are going to ask me about what
happened, I’m sorry but that the last thing I remember” Wika ni Zeke saka
bumuntong hininga ng malalim.
So ibig sabihin parehas kaming cluless ni Zeke sa mga nangyari. Pero---
“Si Vash at si Milka, bakit sila ang kasama natin?” Tanong ko sa kanya,
pagkatapos kong sumubo ng pagkain. “Somebody called them.”

Tumango na lang ako. Bakit ganon. “Naguguluhan ako sa nangyayari Zeke.”


Tinignan ako ni Zeke ng diretso sa mata, I stared back at him. “May
nagta-traydor ba sa atin Zeke?” Out of nowhere, yan ang linyang lumabas
sa bibig ko. Madami pang follow-up questions ang gusto ko itanong but the
thing is, kahit yung tanong na gusto kong hanapan ng sagot ay hindi mabuo
sa utak ko.

Sobra akong naguguluhan sa nangyayari. “That’s exactly what I am


thinking” Diretsong sabi ni Zeke.

---

A/N

See you guys nextweek :) (June 28, 2014) Sa SM Fairview yay! Bili kayo ng
Book ng MHIAMB ha?

Again, hindi ko po sya idi-delete sa wattpad, so feel free to read it


over and over again :) PERO BUMILI KAYO NG BOOK!!! HUHUHU!! Thank youuuu
:*

=================

Chapter 4

This Chapter is dedicated to Miss Johannah Mauren :*


Aemie’s PoV

Wallace Martin – a tycoon who owns multiple hotel chains.

Ito lang? Wala man lang bang ibang description itong dating kaibigan ni
Zeke? Hayy. Pinasasakit nya ulo ko kakaisip.

“Wife, get some sleep. It’ll be a long day tomorrow.” Antok na antok na
ang boses ni Zeke,pero tuloy-tuloy pa din ako sa paghahanap ng
informations tungkol kay Wallace Martin Lionhart. Baka naman kasi may mga
nakatago pang informations sa internet na hindi ko pa nakiki—“Throw that
goddamn laptop away and lay here beside me.” Nahinto ako saglit sa pagta-
type para tignan si Zeke. Nakapikit naman sya pero bakit kaya—

“Wife, do you hear me?” Isinara ko agad ang laptop at ipinatong sa table
nung dumilat si Zeke. Akala ko kanina nagtutulug-tulugan lang eh. Totoo
pa lang gising.

“Hehe sorry may tinignan lang ako.” Sabi ko nung makahiga ako. Yumakap
lang si Zeke at hindi na nagsalita. Hindi pa rin naman ako inaantok kaya
wala ako magawa kung hindi pagmasdan sya.

Hindi naman ito yung first time na makikita kong may sugat si Zeke. Hindi
rin ito yung first time na nakita kong may nakatutok na baril kay Zeke.
Pero tuwing mangyayari yon natatakot ako. Tuwing dadating sa point na
ganun, hinihiling ko lagi na ako na lang. Ayokong mawala si Zeke,
siguradong iiyak ako ng bonggang-bongga.

Hayy! Ano ba yan! Bakit ba tumutulo luha ko!


Sa totoo lang nawi-wirduhan ako sa sarili ko ngayon. Pakiramdam ko kasi
may problema, at nararamdaman ko din na nahihirapan si Zeke. Kahit na
alam ko minsan na may pagka-shunga si Zeke, naniniwala akong matalino
sya. Hindi naman siguro sya makaka-graduate kung hindi diba? Pero ngayon
kasi feeling ko isa ako sa mga problema nya.

Kaya nga sinusubukan kong maghanap ng mga impormasyon tungkol sa dati


nyang kaibigan. Gusto kong tulungan si Zeke, sa kahit na anong paraan.

Hinawi ko ang buhok ni Zeke at saka bumulong. “I love you, hubby.”


Inantay kong sumagot sya, pero mukhang mahimbing na ang tulog. Hindi man
lang nag-goodnight. I-‘who you’ ko kaya sya bukas paggising?

Dahan-dahan akong tumayo para kuhanin ang cellphone at saka lumabas ng


bahay.

Meisha’s PoV

“Time to sleep.” I said, almost whispering after a long yawn. Nakaka-


stress din pala mag-isip nang mag-isip. Tsk.

-Flashback-

“Hahahaha. Ang sarap mo pala kasama.”


“Tigilan mo ko, Lerwick.” I said, sarcastically pero hindi ko maiwasang
hindi mapangiti.

“Yan! Ngumiti ka lagi, para lalong lumitaw ang kagandahan mo.”

-End of Flashback-

Iritang-irita kong ginulo ang buhok ko, at nagtaklob ng unan. Kalma


Meisha okay? Tama na pag-iisip tungkol sa lalaking ‘yun. Walang madudulot
na maganda ang---

“Leche! Sino naman kaya ‘tong tatawag ng ganitong oras.” Pabulyaw na


tanong ko, as if masasagot ang tanong ko nang hindi tinitignan ang
cellphone.

Padabog kong dinukot ang phone sa ilalim ng unan at “Miss Aemie?”

[Uhh-hello, hehe. Meisha, matutulog ka na ba?]

Umupo ako para maayos na makapagsalita. Bakit kaya napatawag si Miss


Aemie ng ganitong oras. “May nangyari po ba? Nasaan po kayo? Do you want
me to go there?” Sunod-sunod na tanong ko at saka bumaba ng kama at
naglakad papuntang closet.

[Hehe, hindi. Pasensya na sa istorbo, pero magtatanong lang sana ako


tungkol kay Wallace Martin Lionhart] I paused for a while, about Wallace?
Ibig sabihin, tama ang hinala ko na buhay sya.

--Flashback-

Nahagip nang mata ko na nagmamadaling tumakbo si Queen paakyat ng hagdan


kaya nagmadali ako para sundan sya. Hindi pwedeng mapahamak si Queen.

“Boulstridge, ano ginagawa ni Queen dito sa loob ng ospital?” Tanong ko


habang mabilis na tumatakbo over the line. Sigurado akong nakatutok din
sila ni Caileigh Ferrer sa mga mangyayari.

“She’s on her way to the 10th floor kung nasaan sila boss, sinusundan nya
yung halayang gansa.” Sagot naman ni Boulstridge.

“Need some back-up Mei?” Kung hindi ako nagkakamali, si Lerwick ang
nagsalita sa earphones.

“Kami na ni Fauzia. Kuhanin mo na sasakyan, Lerwick.” Utos ni Jacob Lee.

“Boss, nandyan na si Ma’am Aemie sa 10th floor.” Pahabol ni Boulstridge


sa line.
Hindi na ako nagsalita at patuloy na lang na tumakbo paakyat.Mas lalong
kailangan ko na magmadali, nandoon si Queen, si Master Ferrer at si Miss
Aemie.

“I’m warning you, put your guns down.” Kahit kalmado ay ramdam ko ang
awtoridad sa boses ni Ezekiel Roswell. Hindi ko alam kung ano ang
nangyayari sa 10th floor pero kailangan ko nang magmadali.

“Sino ka para utusan kami?” If I’m not mistaken, si Kevin Alferez ang
nagsalitang yon.

Tumigil si Queen sa pagtakbo at dahan-dahang naglakad. Ikinasa nya ang


hawak nyang baril kaya sumunod ako.

“EIJI!!!” Nung humiyaw ni Violet Swansea ay nagsunod-sunod na ang putukan


ng bala. Tumakbo ako palapit pero huli na, nakahiga na silang lahat.

I saw Violet, may tama sya ng bala sa may tiyan. Ikinasa ko ang baril na
hawak ko para tuluyan sya pero pinigilan ako ni Fauzia Arcadia. “I think,
gusto ni Queen na buhayin pa sya.”

“What?“ I asked.

“Pitong minuto na lang ang natitira.” Tinignan ko ang nagsalitang si


Jerson Ken Blood. Nagtakbuhan na din silang lahat paalis, kaya pinihit ko
na din ang mga paa ko paalis. Pero bago ako makarating sa fire exit, ay
lumingon ako.
I saw a female figure na lumapit sa kinaroroonan ni Wallace. Tatakbo pa
sana ko pabalik, pero wala na akong oras. Kaya dumiretso na ako pababa.

-End of Flashback-

[Meisha nandyan ka pa ba?]

Bumalik ako sa ulirat nung madinig ko si Ma’am Aemie. “Ano po gusto nyong
malaman tungkol sa kanya?” Tanong ko.

[Lahat, hehe. Kailangan ko ng background nya bukas. Okay lang ba?] Tanong
ulit nya.

“Opo naman. I will send it to you, first thing in the morning tomorrow”
Sagot ko, with a question on my mind. Bakit tinatanong nya sakin ang
tungkol kay Lionhart? May nangyari ba?

[Yey! Thank you. Tulog ka na hehe.]

Sebastian’s PoV
“Honeybear, hindi pa ba tayo uuwi?” Inistraight ko ang vodka na hawak ko
at saka inakbayan ang babaeng katabi ko. “Maya-maya na honeybear, chillax
ka lang.”

“Babes, akala ko ba ako ang kasama mo umuwi tonight.” Lumingon ako sa


kaliwa at saka kinindatan ang isa pang babae. “Bukas babes promise.”
Syet, minsan ayoko na talaga maging gwapo eh. Kaso wala na ako magawa
kung hindi tanggapin na lang ang katotohanan na habangbuhay ko nang
kailangang pagdusahan ang pagiging gwapo.

“Sweetheart, may tumatawag sa’yo oh. ‘Miss Aemie’, sino ‘to? Don’t tell
me, may iba ka pang girlfriend bukod sa aming tatlo?” Naka-pout yang
sinabi ni Belinda? Melissa? Margarette? Ano nga ba pangalan nya? Aish!
Basta sya! “Haha! Hindi ko girlfriend si Miss Aemie, sweetheart, ayoko
pang mamatay ng maaga.”

Takte! Bakit kaya tumatawag si Miss Aemie. Inabot ko ang cellphone at


sinagot ang tawag. “Miss Aemie.”

[Sebastian!!]

Halos lumundag ang puso ko palabas sa taas ng energy ni Miss Aemie.


Tinalo pa yung mga nagpaparty dito sa loob ng bar. “Ang nag-iisa, ano po
maipaglilingkod ko?”

[Yung tungkol sa mga pinapasundan sa’yo dati ni Zeke, yung mga lalaking
ghost busters natatandaan mo pa ba?]

Tanong nya. Paano ko naman makakalimutan ‘yung limang ‘yun? Eh sila ang
dahilan kaya nakilala ko si Shin. Inalis ko ang pagkaka-akbay sa katabi
ko sa kanan at saka umayos ng upo. “Opo, bakit po?”
[Na-background check mo ba sila? Gusto ko sanang humingi ng informations
tungkol kay Phoenix Strife]

Phoenix Strife?

“Hindi po—“

[Okay, ibackground check mo at ibigay mo sa’kin as soon as possible. And


huwag mo sasabihin kay Zeke ang tungkol dito ha?]

“Teka-tek---“

Tek na yan! Bakit bigla nyang ibinaba? Aish! Anong meron doon kay Phoenix
Strife? “Honeybear, uwi na tayo. Gusto ko na matulog eh.” Malambing na
sabi nung chiks sa tabi ko.

“Next time na siguro honeybear, may kailangan ako gawin eh.” Nilagok ko
muna ang huling lagok ng alak at saka sila kinindatan at umalis.

-Kinabukasan-
Aemie’s POV

“Dong kain na.” Abot tenga ang ngiti ko nung pumasok si Zeke sa loob ng
kusina. “Ano yang dala mo?” Takhang-takha kong tanong, sobrang dami nyang
dalang gamit. “Lalayas ka ba? Ano bang ginawa ko Zeke?” Kinakabahan akong
naglalakad palapit sa kanya, may bitbit kasi syang dalawang maleta.
“Galit ka ba sa’kin dahil hindi agad ako natulog kagabi? Huwaaa huhuhu
mamaya matutulog na ako ng maaga promise. Hindi na ako magla-laptop bago
matulog, hindi na din ako aalis para—“

“It’s not that, wife—“

“Eh ano?! Ayaw mo ba ng ulam?” Tarantang tanong ko at saka tumakbo


papunta sa may refrigerator. “Hindi mo naman kailangang maglayas kung
ayaw mo ng ulam Zeke, teka magluluto ako ng bago.” Sabi ko saka tarantang
naghalungkat ng pagkain sa ref.

“Wife—“

“Zeke naman bakit mo naman ako iiwan ka—“ Hinatak ako ni Zeke palapit at
saka hinalikan ng mabilis sa labi. “Hindi ako aalis, tayo. We’re in
trouble. A BIG one.”

Kumurap-kurap muna ako habang dini-digest ng utak ko ang sinabi ni Zeke.


“We?” Tanong ko.

“Yes.”

“In trouble?” Tanong ko ulit.


“Yes.”

“As in BIG?” Tanong ko pa.

“Yes.”

“Okay! Hehe. Eh saan tayo pupunta?” Excited na tanong ko. Mag-a-adventure


na naman ba kami ni Zeke?

“To a place where we can easily think of a plan.” Sagot nya at saka naupo
sa dining table kaya umupo ako sa tabi nya. “Saan naman ‘yun?” Tanong ko.

“Omygod! Underwater ba tayo magpa-plano Zeke?” Tinanaw ko ang sobrang


ganda at asul na asul na dagat. Namiss ko ang lugar na ‘to!!

Nandito kami ni Zeke sa tapat ng pink house na binigay nya sa’kin. Sabi
ko na nga ba at naiinspire sya tuwing makakakita ng Barbie at color pink
eh. Sa dinami-dami ng lugar, dito nya pa naisipang magpunta. Hehe.

“We’ll stay here for a week or two, until I manage to think of a better
plan. But that doesn’t mean that we will not continue to work.”
“Aye aye, captain!” Masayang sagot ko. “May maitutulong ba ako sa’yo
Zeke?” Dugtong ko.

“Don’t let yourself get hurt. And—uhh love me?” Kumunot ang noo ko sa
sinabi ni Zeke. ‘Yun lang? “Wala na bang iba dong? Hindi ba pwedeng
ganito na lang. Sasamahan kita pag may adventure ka tapos tutulungan
kitang makipag-barilan sa mga kaaway mo?” Hindi ba mas exciting ‘yung
naisip ko?

“You can do that, but not now. I am still on the process of collecting
information and—“

“Tutulungan din kitaaaaa! Dali na Zeke, huwag ka na mahiya—“

“Wife” Sumeryoso bigla ang tono nya kaya tumigil na ako. Hindi ko na
kukulitin si Zeke, baka ako pa mapagtripan nyang barilin.

Nakaharap ako sa laptop at nagche-check ng mga emails, baka kasi nag-


email na si Meisha habang si Zeke ay ganoon din ang ginagawa, medyo
malayo nga lang sya sa’kin dahil nagyoyosi sya habang naglalaptop.

Ano kayang pinagkaka-abalahan ni Zeke?


Tumayo ako saglit para magtimpla ng kape at saka iniabot ‘yun sa kanya at
pasimpleng sinilip ang ginagawa nya sa harap ng laptop.

“Dong oh, kape. Hehe.” Sabi ko pagka-patong ng kape sa ibabaw ng table.

“Thanks. I love you.” Sagot nya. Waaa! Mukhang good mood na si Zeke,
pwede ko na siguro itanong kung ano ‘yung ginagawa nya. Huhuhu gusto ko
talaga tumulong. “Hehe, I love you din, ano ‘yan gusto mo ba?---“

“Mrs. Roswell, go back to what you were doing.”

“Dong kasi—“

*glare*

*Pout*

Malungkot akong bumalik sa harap ng laptop at saka nag-facebook. Pero


kahit nag-fe-facebook pasulyap-sulyap padin ako kay Zeke. Nakakunot ang
noo nya at hindi matinag sa ginagawa nya. Ni hindi nya pa nga ginagalaw
yung kape na dinala ko sa kanya kanina.

Tumakbo ulit ako sa kusina para kumuha ng makakain ni Zeke. Hhmm ano
kaya?

Nakakita ako ng piknik kaya kinuha at binuksan para kay Zeke. “Zeke oh
piknik.” Hehe ang gandang strategy talaga ng naisip ko.
Grethel Canary Lux (Pronunciation: Gre-tel Ca-na-ri Laks)

Satana Beatrix Lestrange (Ponunciation: Sa-ta-na Be-ya-triks Le-strange)

Casino

Chan

Smuggling

Auction

Hindi ko mabasa lahat, pero ilan lang ‘yan sa mga nabasa ko bago pa ako
tignan ng masama ni Zeke.

*Glare*

*Pout* “Dong tinitignan ko lang kasi kung anong story binabasa mo, nabo-
bored ako kaya gusto ko sana—“

*death glare*

“Hehehe. Manunuod na lang pala ako ng youtube, nagbago na ang isip ko


dong, sige. Magpaka-busy ka dyan ha! Hehehe I love you.”
Tumakbo na agad ako papunta sa may laptop ko pero sinisilip ko pa din si
Zeke kung nakatingin sa akin. Hindi naman sya nakatingin, pero nakangiti
sya sa harap ng laptop. Ano kayang meron sa laptop at pangiti-ngiti si
Zeke?

Waaaaa naiinis ako! Bakit parang niloloko ako nito ni Zeke? Hayy!

Mamaya ko na nga iisipin ‘yun. Kailangan ko muna mag-search tungkol sa


mga nabasa ko. Alam ko ang casino, tatak ‘to ng alcohol diba? Pero mas
okay na din siguro kung magsesearch ako ng tungkol sa Casino, mamaya na
yung mahahaba na parang pangalan—

Waaaa! Nanlaki ang mata ko nung nabasa ko sa Wikipedia ang meaning ng


Casino. In modern English, a casino is a facility which houses and
accommodates certain types of gambling activities

Alam ko na ang meaning ng smuggling kaya hindi ko na sinearch, sunod ko


na lang hinanap ang tungkol sa Auction, kahit medyo alam ko na meaning
nito, sinearch ko na din para mas clear. An auction is a process of
buying and selling goods or services by offering them up for bid, taking
bids, and then selling the item to the highest bidder.

Tumango-tango ako nung nabasa ang meaning ng auction sa Wikepedia, sunod


kong sinearch ang Grethel Canary Lux, Satana Beatrix Lestrange, at Chan.
Pero walang specific na sagot na binibigay ang google. No word found sa
dalawang nauna, sa Chan naman random ang nalabas. Hayy!

Pero sa tagal ko nang nagse-search, alam ko na ibig sabihin pag wala


lumalabas na ka-match na word. Pangalan! Tama! Pangalan yung Grethel
Canary Lux, at---

Teka---
Grethel? Satana?

Bakit mga pangalan ng babae ‘tong nasa inaatupag ni Zeke sa laptop?

Inilipat ko ang tingin ko kay Zeke at nahuli ko syang nakatingin sa akin,


at nakangiti. “Ano nginingiti-ngiti mo dyan Zeke ha?!” Masungit na tanong
ko. Kaya naman pala nya ako ayaw pasilipin sa laptop kasi kung sino-
sinong babae ang inaatupag nya.

“I am innocent. I did not do anything, wife.” Natatawang sabi ni Zeke.

“Wala pa akong sinasabi Ezekiel Roswell, defensive ka agad?” Masungit na


tanong ko kay Zeke. Pero tinawanan lang nya ako.

“I can see anger in your eyes, that’s why I am trying to defend myself.
Though, you look pretty good when mad.” Tatawa-tawa na naman si Zeke kaya
lalo ako nainis. Feeling ko tinitrip ako nito eh. Hindi ko na nga lang
sya papansinin.

Itinuon ko ang atensyon ko sa laptop at pinipilit ang sarili ko na hindi


tumingin kay Zeke pero nadidinig ko na tumatawa sya ng mahina kaya
tinignan ko ulit sya. “Why? I am not guilty.” Natatawang sabi nya.

“Bakit ka ba kasi tawa ng tawa dyan ha?!” Tanong ko ulit.


Kumunot ang noo nya bago sumagot. “What’s wrong with being happy?”
Napaisip naman ako bigla, minsan din naman nag-iisip talaga ‘to si Zeke,
wala nga naman masamang maging masaya. Hayyy! Kahit nakakainis, hayaan na
nga!

Pero ano kayang meaning nitong mga word na nabasa ko na ‘to? Kung gusto
kong tulungan si Zeke, tingin ko kailangan ko din gayanin kung paanong
way sya mag-isip.

“Dong, masama ba ang gambling?” Tanong ko, gusto ko kasi malaman kung ano
ang isasagot nya. Pinagmasdan ko kung ano ang magiging reaksyon ng mukha
nya, and this time, nakita kong sumeryoso sya ng tingin bago ako sinagot.
“Definitely.” Tipid na sagot nya. Alam naman pala nyang masama. “Na-try
mo na ba ‘yon?” dugtong ko ulit.

“I think so?”

“Akala ko ba masama?! Bakit nagsusugal ka pa din?!” Mabilis na tanong ko


nung madinig ko ang sagot nya.

“Life’s a gamble; I always trust my senses and take the risk until I have
much. But not until I met you, I don’t want to play the game anymore. I
want to just walk away and keep the cards at my hand.” Saglit na tumigil
si Zeke at saka huminga ng malalim bago nagpatuloy. “I am not afraid of
my enemy’s card. I am afraid to witness myself what happens when I play
my hand. I don’t want to bet, I don’t want to lose.”

Kumunot ang noo ko habang pinipilit na intindihin ang sinasabi ni Zeke.


“Ano bang laro yan dong? Kung unggoy-ungguyan lang naman ako na lang
maglalaro para sa’yo. Hehehe naglalaro ako noon nyan kaya medyo marunong
ako. Hehehe.”
Ngumiti na naman si Zeke sa akin, kaso yung ngiti nya parang malungkot.
Kaya tumayo agad ako at lumapit sa kanya para yakapin sya. “Hayaan mo
Zeke, mamasterin ko lahat ng klase ng laro ng baraha para hindi ka na
malungkot.” Sabi ko habang nakayakap sa likod nya.

Humarap si Zeke sa akin at saka ako hinalikan sa noo “Stupid.” Bulong


nya. Aba aba! Kita mo na kita mo na! Ako na ang nagmamagandang loob, ako
pa ang nagging stupid?

Pagkabalik ko sa pwesto ko kanina ay nakita ko na namang tumatawa si


Zeke. Hayy! Ang hirap magkaroon ng asawang weird. Konting-konti nalang
maiisipan ko nang gamitin ang mga technique ni Jackie Chan sa kan---

Chan?

Natigilan ako bigla dahil may biglang pumasok sa isip ko. Posibleng ang
‘Chan’ ay apelido. Tama-tama! Ibig sabihin, bukod sa Grethel at Satana
may Chan pa. Pero bakit yung kay Chan walang full name?

Hayyy! Bakit ba kasi hindi ko nabasa ng mabilis ang mga nakalagay sa


laptop ni Zeke. Tinitigan ko ang MS Word na nasa harap ko, Casino,
Auction, smuggling at names.

Casino, auction, smuggling, names.

Casino, auction, smuggling, names.


Ilang beses ko pang inulit-ulit sa utak ko ang mga yan hanggang sa may
maisip ako.

Posible kayang magkaroon ng auction sa Casino?

Saglit akong tumigil para alalahanin ang definition, it accommodates any


gambling activities. Tulad ng ano? Tulad ng—

OMG!!! Smuggling!! Waaaa mga smuggled na gamit!

Siguro connected dyan yung mga names. OMG!

Tinignan ko si Zeke na busy na ulit kaya kinuha ko ang cellphone ko at


itinext agad si Cassandra.

Hello Cassandra! Hehehe. Pwede mo bang paki-check para sa akin kung ano-
anong Auction ang magaganap sa mga Casino sa buong Pilipinas? Hehe. Thank
you!

Wala pang isang minuto ay nagreply agad sya. Sure thing, Miss Aemie.

A/N :
Thank you sa mga pumunta sa SM Fairview at bumili ng MHIAMB volume 1.
Yii~ Bili din kayo books guys pag available na sya sa mga NBS ha? Tapos
punta kayo sa mga susunod na events :)

July 12 SM Bacoor

July 13 SM San Pablo

July 27 (yata or 26) SM Taytay

August 3 SM Lipa

August 10 Davao :D

Hindi ko sure ang sched. Paki-check nalang po ang page ng PSICOM kung
tama :) Yii! Thank you ulit :*

=================

Chapter 5

Aemie’s PoV

“Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Wallace Martin Lionhart, Zeke?”


Tanong ko kay Zeke habang inaayos ang kurbata nya, aalis kasi kami
ngayon.

“He’s not my friend, never been and never will.” Sagot nya. Bitter naman
ang peg nito ni Zeke. Eh ang sabi ni Kaizer magkakaibigan sila dati diba.

“Weh?” Tanong ko ulit nung matapos ko na ayusin ang necktie. Maniwala


naman sa kanya.
Tinitigan ako ni Zeke bago nagtanong din. “Why did you become interested
all of a sudden?” Kaya nag-iwas agad ako ng tingin, may sa manghuhula pa
naman ‘to si Zeke, madali nya mababasa iniisip ko pag nakatingin sya.

Sasabihin ko ba sakanya? Kaso natatakot baka magalit si Zeke pagka


nalaman nya na alam ko.

-Flashback-

Kanina pa ako palakad-lakad, hindi ko din alam kung bakit, nahahawa na


yata ako kay Zeke na weird. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na
hindi isipin yung mga nabasa ko na sinned ni Meisha.

Pinsan ni Wallace si Shan Venice.

At dahil sa nalaman ko na yan, hindi ko na din napigilan ang sarili ko na


humingi pa nang ibang informations kay Meisha.

At—

Mas higit pa doon ang mga nalaman ko.

Si Zeke ang pumatay kay Shan Venice.


Si mommy ang pumatay kay Moo.

Ikinuyom ko ang kamao ko at saka bumulong. “Bakit?” Yan yung tanong na


paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Bakit nila ginawa ang mga yon sa
kanilang dalawa?

Gaano ba kalaki ang atraso ni Shan Venice at Moo kila mommy at Zeke?

Umupo ako sa pink na sofa at huminga ng malalim. Gusto ko tanungin si


Zeke at kumpirmahin kasi baka naman mamaya kung saang tsismosa lang
nakuha ni Meisha yung mga information na yon. Kaso may part din sa’kin na
naniniwala sa mga nakasulat sa documents.

Sa loob ng limang buwan simula ng makilala ko Zeke, ang daming nangyari,


ang dami din nagbago. Minsan feeling ko talaga panaginip lang lahat, pero
hindi eh. Totoo lahat ng nangyayari.

Waaaaaa! Masisiraan na yata ako ng ulo kakaisip!!! Hindi pwede ‘to!

-End of Flashback-

“Wife?” Nung mapansin kong nakatingin si Zeke ay lumayo na ako at kinuha


ang bag na dadalhin ko. “Wala naman dong, naitanong ko lang. Hehehe”
Paano ko ba sasabihin sa kanya?
Ngumiti si Zeke habang inaayos ang coat na suot nya kaya nakahinga ako ng
maluwag. “Alright, shall we go?” Tanong nya.

“Hehehe tara!”

***

“Good Morning Mr. and Mrs. Roswell, I am Sierra Valentine, Mr. Roswell’s
new secretary.”

Tumingin ako kay Zeke na may halong pagtatakha, pero mukhang hindi naman
sya nagulat. Kailan pa nagkaroon ng bagong secretary?

“Dong, takas ba sa mental yang isang yan?” Bulong ko sa kanya.

“Nah. She’s our new secretary.”

Seryoso? Naniniwala si Zeke sa mga sinabi nung babae?

Ibinalik ko ang tingin ko kay ateng new secretar. Fitted ang suot nyang
damit kaya litaw na litaw yung korte ng katawan nya, sa unang tingin
kanina akala ko nga si Barbie sya kasi ganon mga style ng damit ni Barbie
minsan. Naka-super miniskirt pa sya kaya para talaga syang Barbie.
Napakapit naman ako sa braso ni Zeke nung mapatingin ako sa suot na
sapatos ni ateng new secretary.
Nakakatakot ang heels! Sobrang taas at sobrang nipis, feeling ko mas
matalas at mas makapangyarihan pa tong heels nya kaysa sa espada ni Juan
Dela Cruz.

“May problema ba Mrs. Roswell?” Tanong ni ateng secretary. Medyo creepy


din si ate ha, bakit nya alam na may problema ako? Don’t tell me suma-
sideline din sya na manghuhula tulad ni Zeke?

“You may now leave.” Tinignan ko si Zeke na nagsalita. Sasagutin ko pa


sana yung secretary kaso naman pinaalis nya. Hayy!

Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang sundan na lang ng tingin yung
secretary na naglalakad palabas ng pinto. Omygod! Para syang model
maglakad. Poise na poise talaga. “Just call me Sir pag may kailangan
kayo.” Nakangiting sabi ni ateng new secretary bago lumabas ng opisina.

“Ang ganda nya---“ Eh? Paglingon ko kung saan nakatayo si Zeke kanina ay
wala na sya. Nakaupo na sya agad doon sa swivel chair nya at nakatingin
sa laptop. “Dong, ang ganda ni ateng new secretary diba?” Tanong ko
habang naglalakad palapit sa table ni Zeke.

“Really? I didn’t notice.”

Kaizer’s PoV
“Oh tol, bakit ka tulala dyan? Parang ang laki ng pinapasan mong problema
ah. Pfft.” Nabaling ang tingin ko sa gagong nakatayo sa harap ko at
pangisi-ngisi.

Nginitian ko din ng nakakaloko si Lerwick bago sinagot ang tinatanong


nya. “Ikaw ba naman ang araw-araw problemahin kung paano babawasan kahit
kaunti ang kagwapuhan, hindi ba ang laking pasanin nun sa buhay?”

“Oo nga ‘tol eh. Umay na umay na nga ako maging gwapo.” Iiling-iling pa
si Lerwick habang sinasabi yan.

Kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Takte! Gusto kong tumawa sa
sinasabi nitong gagong nasa harap ko. Sigurado ba sya? “Ang alam ko ‘tol
ang salitang gwapo ay kakambal na ng pangalang Kaizer, kaya paano ka
mauumay kung hindi mo naman naranasan?”

“Ulul!”

“Psh. Sabay pa kayo nangangarap dyan?” Sabay kaming tumingin ng masama


kay Boul na nagsalita at may bitbit na bag.

Mabilis na tumayo si Lerwick at inakbayan si Boul. “Hayaan mo baby Vash


mamaya sabay din nating bubuuin ang mga pangarap natin sa buhay, muka
kasing nagseselos ka na naman eh.” Nakangising sabi nya. Anak ng tinola
tong gagong to. Napaka-bakla talaga.

Diring-diri na inalis ni Boul ang naka-akbay na kamay ni Lerwick sa


kanya. Kaya napailing nalang ako. Kahit naman ako nandidiri dito kay
Lerwick kapag bumabanat ng ganyan. “Tangnamo” Pfft. Sabi ni Boul.
“Kuya! Hindi pa ba tayo aalis?” Pinasadahan ko ng tingin ang kapatid ni
Boul na pormadong-pormado din tulad nya.

“San punta nyo?” Amputs! Nauna pa magtanong sa aking tong si Lerwick, yan
din itatanong ko eh.

“Sa mall/ Sa resort”

Saglit kaming nagkatinginan ni Lerwick dahil sabay na sumagot ang dalawa


pero magkaiba naman ang sagot. Wengya!

Maging silang magkapatid ay nagkatinginan din. Ano kayang problema nitong


magkapatid na to at mukha tense? May tinatago kaya silang dalawa?

“Oo tama sa resort nga / Sa mall pala”

Sa pagkakataong ito ay napahilamos na ako sa kaakit-akit at kapanapanabik


kong mukha. “Saan ba talaga?!” Tanong ko.

Bumalik sa pagiging kalmado ang mukha ni Boul. “Basta dyan lang.”

-Flashback-
Takte naman! Sa dinami-dami ng pwedeng ipagawa sakin bakit ako pa ang
nautusang mag-interview ng ba---“Good morning, Sir”

Whoa! Anak ng tinolang masarap!

Halos bumaliktad ako sa pagmamadali kong umayos ng upo nung may pumasok
na magandang babae. “P-please be seated” Sh*t! Nyetang dila ka umayos ka.

“Thank you.” Kasunod non ay ang pag-abot nya sakin ng curriculum vitae na
hawak nya.

Dama ko ang pagtagaktak ng pawis mula sa noo ko sa nerbyos pero hindi ko


pinapahalata. Takte! Pati kamay ko napapasma sa sobrang tense. Bakit ba
ako ang natetense eh ako ang mag-iinterview.

Whoa! “Ms. Sierra Valentine, graduate ka sa ibang bansa?”

“Yes sir, I also took my master’s degree abroad”

“Eh bakit for secretarial position ang ina-applyan mo?” Takhang tanong
ko. Alam ko informal masyado mga tanong ko pero ano bang magagawa ko? Eh
sa wala ako maisip na itanong, saka sa resume palang para sakin pasado na
to.

“You guess” Tumawa sya ng mahina at sh*t pati pagtawa nya ang ganda.
“Kidding aside, I want to experience something new. And I believe that
being Mr. Roswell’s secretary will be a lot of fun.”
Fun? Whoa! I like her. I mean, gusto ko yung sagot nya.

“Okay. You passed”

“For real?”

“Yes.”

“Thank you!” Nakangiting sabi nya.

-End of flashback-

“Hoy Lampe! Natanga ka na naman dyan, kanina pa kita kinakausap”


Nanlilisik ang mata kong tinignan si Lerwick, hindi pa pala umaalis ang
gagong to.

“O ano na naman? Kung kukulitin mo lang naman kung ano ang sikreto ng
gwapo kong mukha eh sorry tol, kahit alam kong napaka-buti mong kaibigan
ay wala ng pag-asa yang itsura mo.” Pang-aasar ko, pucha may iniisip pa
ako eh istorbo.

“Gago! Kanina pa kita tinatanong kung ano tingin mo nangyayari kay baby
Shin at dun sa kapatid nyang kasing gago mo.”
Nanumbalik ang utak ko sa pag-iisip sa magkapatid na Boulstridge. “Hindi
ko din alam kung ano ang nangyayari sa dalawa.” Walang-kwentang sagot ko.

Nakayuko si Lerwick at malalim ang iniisip. Samanatalang ako ay


nanatiling gwapo. “Silang dalawa din ang tumawag sakin para sunduin sila
Boss nung may mangyari sa kanila dun sa isang hotel sa malayong bayan.”
Tinignan ko ang direksyon kung saan nanggaling ang boses ng nagsalita. Si
Lee, naglalakad palapit sa amin kasama si Fauzia na may hawak na CD.

“And look what we have.” Itinaas ni Fauzia ang CD na hawak-hawak nya.

“Amina.” Seryosong saad ni Lerwick at saka kinuha ang CD kay Fauzia. “Tol
pahiram laptop mo ha. Mabilis ba to? Baka naman puro porn ang laman
nitong laptop mo. Pfftt.”

Tang*nang to, manghihiram lang ng laptop ang dami pang sinasabi. “Ulul”

Pinagmamasdan ko si Lerwick mula sa pagbubukas ng laptop hanggang sa


pagsasalang ng CD. “Ano bang laman ng CD?” Usisa ko.

“It’s from the camera na ininstall ni Lee. Inutusan kami ni Mr. Roswell
na bantayan yang place na yan.”

Naka-abang kaming dalawa ni Lerwick at titig na titig sa screen. “Sh*t!


Anong ginagawa ng dalawang yan?” Tanong ni Seb.
Pucha! Yan din sana itatanong ko eh. Bakit ba lagging nangunguna to
sakin. “We don’t know either.”

Bakit nandito ang magkapatid na Boulstridge sa video? “Sino yang mga


kausap nila?” Dagdag na tanong ko.

“Wala pa kaming masyadong nakukuhang info tungkol sa kanila, hindi rin


sinabi samin ni boss kung sino sila. As of now, hindi pa kami makabalik
sa lugar na yan dahil madami pang nakabantay. Pasalamat na nga lang tayo
at hindi nila napapansin yang camera kaya kahit papaano may source tayo.”
Paliwanag ni Lee.

“Naipakita nyo na to kay bossing?” tanong ni Lerwick, hindi nadin nya


maiwasang magsindi ng sigarilyo. “By now, siguro nakita na nya ang video,
kahapon ko pa sya sinendan ng copy.” Sagot naman ni Fauzia.

“Anong meron at may meeting kayo dyan?” Naisara ni Lerwick ang laptop sa
pagkabigla. Kasabay ng sabay-sabay naming pagtingin sa taong nagsalita.

“Sis!” Bati ko.

“Hi Mei.”

“Yo Mei!”
“Ms. Meisha.”

Umarko ang kilay ng kapatid ko na ikinalunok ko. “Anong meron?” Tanong


nya. “Anong pinapanood nyo?”

---

“Bakit hindi natin tanungin ang dalawa? Corner-in natin ng mga tanong.”
Suhestiyon nung gagong si Lerwick. Naiisip ko din yan kaso—

“We can’t. Hindi natin alam kung ano tinatago nila.” Seryosong saad ng
kapatid ko.

“She’s right, hindi din natin alam kung may iba pang involve dito.”
Dagdag pa ni Fauzia.

“Mas mabuting magmanman muna tayo habang wala pang go-signal si boss”
Sabi ni Lee.

“May silbi ka din naman pala Lee ano?” Pang-aasar ko.

Agad nya akong tinignan ng masama kaya natawa ako. “Ikaw lang naman ang
wala.” Sagot nya. Aba’y matinde! Gago to ah.
“I’ll ask for other Yaji member’s help.”

Hindi ko na nasagot si Lee dahil nagsalita agad ang kapatid ko. “Wag muna
kaya sis? Tulad ng sinabi ni Fauzia, hindi natin alam kung sino pa o kung
may iba pang involve dito. Mas magiging okay siguro kung konti lang
tayong may alam.” Saad ko.

“For me, maaasahan naman silang tatlo. But if that’s what you want Max,
then fine.” Sagot nya. Kinindatan ko lang sya. Buti na lang hindi na
kumontra pa ang kapatid ko dahil siguradong hindi din naman ako mananalo
sa kanya pag nakipag-debate pa sya.

“How about Queen Alyana and Master Eiji? Kailangan din nila malaman ang
nangyayari.”

Takte! Oo nga pala. Kailangan din ipaalam kila Ma’am Alyana ang
nangyayari. Kaso pag nalaman nila, siguradong gagawa agad silang dalawa
ng hakbang at kung tama ang iniisip ko. Sa mga oras na to panigurado
akong may plano na si Boss, “Wag na din muna siguro Sis, hinatayin muna
natin ang sasabin ni Mr. Roswell satin. Nakasisiguro din naman akong kung
ano ang pinaplano ni nya ay para sa ikabubuti ng Yaji at Roswell.”

“May utak ka din pala, Lamperouge. Sana dalasan mo paggamit para lagi
kang may silbi.” Nakangising asar ni Lee.

Aba’y matinde! “Sabihin mo tol kung isa ka sa insecure sa gwapo kong


muka.” Nakangisi ding sagot ko.

“HAHAHAHAHAHA nag-usap ang parehas na walang silbi.” Sabay kaming bumato


ng matatalim na tingin kay Lerwick.
“That’s enough Max and Lerwick.” Saway ni Mei sa amin.

“Bakit kami, babe? Si Lee kaya pasimuno.”

Wala pang isang Segundo ay nagbago ang mood ko. “Anong babe?” Tanong ko
sag ago.

Kinilabutan ako nung tumingin ng malagkit sa akin si Lerwick. Mukhang


alam ko na ang sasabihin ng sira ulong to. “Hahahaha kalma baby Kaizer,
sayong-sayo lang ako.” Anak ng pusang-gala sabi na eh. Kadiri men!

“Hahahaha.”

“Hahahaahaha”

“Pfft.”

Aemie’s PoV
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto ng opisina at ini-lock.
Sumandal ako sa pinto at tinignan ng masama ang laptop ni Zeke na
nakapatong sa office table nya.

Magandang chance ‘to para mahalungkat ko ang laptop ni Zeke. Sinulyapan


ko ang Barbie na wall clock dito sa loob ng opisina. 2:05PM pa lang, may
55 minutes pa ako para magbasa ng mga files hehehe.

Tumakbo agad ako sa swivel chair ni Zeke at saka ini-on ang laptop.
Hehehe. Sure na sure akong dito naka-save ang mga files ni Zeke.

Iniikot-ikot ko ang swivel chair habang nagiistart ang laptop. Pakiramdam


ko isang taon na akong nag-aantay sa sobra----Enter Password :

“Waaaaa!! Bakit may password ang laptop?!!”

Halos mahulog ako sa upuan sa sobrang gulat ko! Nakakainis! Sino ba naman
kasi nagpauso ng password? Feeling ko tuloy pinagsakluban ako ng langit
at lupa. Huhuhuhu!

Anong ilalagay kong password ni Zeke---

Alam ko na!

Zekelovesbarbie
Warning: Wrong Password!

“Waaaa! Huhuhu.” Isip Aemie, kering-keri mo ‘to. Baka naman war din sila
ni Barbie? Waaaa tama! Oo nga! Nakikita ko laging masama ang tingin ni
Zeke kay Barbie, kaya siguro magkagalit sila.

ZekemissesyouBarbiesomuch

Warning: Wrong Password!

Ano ba naman yan! Nakakainis talaga to si Zeke! Huhuhuhu! Eh kung itext


ko kaya sya gamit ang ibang number at itanong ko password ng laptop nya?
Hindi naman siguro sya maghihinala ‘no?

Tatakbo sana ako pabalik sa laptop ko para magtext gamit ang FreeSMS nung
may bigla akong maalala.

-Flashback-

“Wife, what’s your fb password?”

Takhang-takha ako tumingin kay Zeke habang subo-subo ang huling subo ng
kinakain naming noodles. “Bakit mo tinatanong dong? Gusto mo siguro
pakialaman ang groupchats at facebook groups ko ‘no?” O kaya baka
dedekwatin nya ang mga naka-private kong album ng barbie sa fb. Grabee!
“I just want to know.”

“Aemiebarbie143 hehe pati sa wattpad, twitter, instagram, youtube, gmail,


yahoomail at sa lahat yan ang password ko Zeke. Bakit pala kasi?”

Nginitian lang ako ni Zeke at saka kumiss sa pisngi ko. “Kadiri ka naman
dong! Kumakain kumikiss ka sa pisngi ko.” Baka mamaya may sauce pa ng
noodles, ito talaga si Zeke hindi marunong ng good manners. Kung madami
lang akong oras, ituturo ko sakanya lahat ng itinuro ni mommy eh.

Nginitian lang nya ulit ako saka nagsabi ng “I love you”

Weird.

-End of Flashback-

“Omygod! Omygod! Hindi kaya ginaya ni Zeke ang password ko?”

Dali-dali kong tinype ang Aemiebarbie143

Windows starting...
“WAAAA---” Tinakpan ko agad ang bibig ko nung mapansing kong sobrang
lakas ng hiyaw ko. Pero waaaa gumana nga---pero teka, bakit pati password
ko ginagaya ni Zeke? Ganun ba sya ka-insecure sa akin? Mygod! Ang dali-
dali namang umisip ng password nanggagaya pa sya. Walang originality.
Hayy!

Abot tenga ang ngiti ko nung bumukas na ang---wait bakit picture ko ang
wallpaper nitong laptop? Don’t tell me pati mga naka-private kong picture
sa fb pinakakailaman ni Zeke? Hayyy! Napaka-pakialamero talaga nung
lalakeng yon.

Isa-isa kong binuksan lahat ng files, inuna ko ang Drive C at saka


hinalungkat lahat ng laman ng documents.

Actually hindi mahirap maghanap kasi organized ang files ni Zeke. Bawat
folder may pangalan kung ano ang laman.

Sobrang daming files ang laman ng drive C, take note : Drive C pa lang
yan. Tumakbo ako saglit sa may laptop para kuhanin ang flashdrive at
icopy lahat ng document files ni Zeke. Hindi ko kasi kayang isa-isahin
lahat, kukulangin ako sa oras pag isa-isa ko pang binasa. Hehehe.

Nag-inat ako ng bras nung matapos ko kopyahin lahat at saka tumingin ulit
sa wall clock. Grabeee! Ang tagal ko pala? 2:45 na, hindi ko yata
napansin ang oras kaka-click kasi habang nagcocopy ay nagbabasa na din
ako.

*knock* *knock*
“Come in.” Natatarantang sagot ko habang dali-daling inalis ang flash
drive at shinut down ang laptop ni Zeke.

“It’s locked. Tss” Omygod! Boses ni Zeke yun ah! Waaaa! Huhuhu! Hindi ko
na din mapigilan na hindi mapakagat sa mga kuko ko habang nag-aantay mag-
shutdown ng tuluyan ang laptop. Tarantang-taranta na talaga ako. “Open
this goddamn door, wife.”

“O-oo Zeke teka lang hinahanap ko ang susi hehe.” Sagot ko habang
nakatingin pa din sa laptop at inaantay mag shutdown. “Bilisan mo naman
magshutdown huhuhu.”

“Susi?” Pakinig kong sabi ni Zeke sa likod ng pinto. Hindi ko na sinagot


si Zeke at ifinocus na lang ang tingin ko sa laptop. Naka-aircon naman
dito sa opisina pero feeling ko pawis na pawis na ako sa sobrang kaba.

Waaaa ano ba! Bilisan mo naman mag shut----“YESSS!!!”

Isinara ko agad ang laptop at saka tumakbo palapit sa pinto at


pinagbuksan si Zeke. “Hi dong! Hehehe.” Nakangiting sabi ko.

Nakatingin lang sya sakin hanggang sa maisara nya ang pinto. “What took
you so long?” Tanong nya.

“Hehehe hinanap ko nga ang s-susi diba? He-he-he---Ay dong nagugutom ka


ba? Gusto mo ba ikuha kita ng pagkain?” Akmang lalabas na ako ng pinto
nung sumagot si Zeke “No.” *pout*
“Okay he-he-he”

“You can open the door from the inside without the key.” Umiwas ako ng
tingin kay Zeke kasi alam ko naman! Ano ba akala nya sakin shunga?
Syempre pwede kong buksan ng walang susi. Hayy! Bakit nya ba kasi alam
din yun?

“And why do you look pale?”

Ngumiti lang ako kay Zeke ng alangan, “Are you sick?” tanong nya ulit.
Huh? Sira ulo ba sya? May sick bang nakakatakbo pa papunta sa pinto.
Humarap sya sakin at hinawakan ang dalawang pisngi ko habang nakatitig sa
mga mata ko at saka ulit nagtanong. “Do you want to go home?” Dagdag pa
nya.

Inalis ko ang pagkaka-hawak ni Zeke sa mukha ko at saka sya tinalikuran.


Akmang maglalakad na ako papunta sa table ko nung tawagin ako ni Zeke.
“Wife, I am talking to you.”

Humarap agad ako sa kanya bago pa sya magalit *pout* “Alam ko Zeke hehe—

“Then why do you keep on ignoring my questions?”

“Hindi ko naman iniignore eh, hindi ko lang alam isasagot ko.”


“Why, are you mad at me?” Tanong nya ulit. Aba! May pagka-makulit pala to
si Zeke ano? Bakit naman ako---Waaaa! Oo nga pala galit nga pala ko dapat
sa kanya kasi gaya gaya sya ng password. “Well, if you are, I’m sorry.”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zeke. Anong meron? Hindi naman
talaga ako galit eh. Okay lang naman sakin kung makikigaya sya ng
password. Password lang gagawin kong bigdeal? “Hehehe hindi naman dong,
hehehe sige maupo ka na dun kanina ka pa nakatayo dyan sa may pinto
dinaig mo pa sila kuyang guards sa baba eh.” Umupo na din ako sa harap ng
laptop at saka isinalpak ang flash drive.

“Tss.”

Habang inaantay ko mag-load ang flash drive ay pinagmamasdan ko si Zeke.


Sana hindi nya mapansing pinakialaman ko ang laptop nya. Pagkaupong-
pagkaupo nya sa swivel chair nya ay laptop agad ang hinarap nya.

Wait bakit tumigil si Zeke?

At..

Nakapatong lang ang kamay nya sa ibabaw ng laptop.

Nung makita kong tumingin si Zeke sa akin ay nagsalita agad ako. “Hindi
ko pinakialaman yang laptop mo dong ah!”

“You sure?”
“Oo no! Hindi ko nga alam na Aemiebarbie143 password mo paano ko
pakikialaman yan. Wag ka ngang bintangero, masama yan.”

“I didn’t say anything.”

“E bakit mo ko tinitignan?”

“I just want to.”

“Weh? Maniwala naman---“

“Why do you know my password anyway?”

Napalunok ako at hindi alam na susunod na isasagot ko. “H-hindi ko naman


alam ah.”

“Kakasabi mo lang ng Aemiebarbie143” Tanong nya.

“Password ko yun no! Ikaw ba si Aemie ha? Ikaw ba?”


*glare*

*pout*

***

Medyo naiinis na ako kaka-basa ng kaka-basa. Kanina pa ako scroll ng


scroll at click ng click. “Hayyy!! Ano ba naman to bakit wala?”

“Ang alin?”

Napatakip ako ng bibig nung biglang magsalita si Zeke, nakatingin sya


sakin at nag-aantay ng isasagot ko. “Wala yung post ko sa fb hehehe
kanina ko pa kasi hinahanap.” Palusot ko.

Tumango lang si Zeke at bumalik sa pagkakaharap sa laptop nya kaya naman


nakahinga ako ng maluwag. Omygod buti na lang medyo madali maniwala ‘to
si Zeke. Kanina nga feeling ko di nya na nalaman na alam ko talaga
password nya eh.

Masakit na ang mata at ulo ko. Nakakainis. Huhuhu. Halos lahat na ng


folder natapos ko na tignan isa-isa pero mukhang wala naman related dun
sa mga nabasa ko last time.

Nasa last folder na ako at wala akong ibang ginagawa. Nakatutok lang ang
arrow ng mouse sa tapat ng pangalan ng folder. Hindi ko pa magawang
buksan kasi ang totoo nyan nacu-curious din ako sa name nya. Karamihan
kasi sa mga nabuksan ko kanina mga company names, kung hindi company
names, ay date or name ng project.
Vendetta

Bago ko buksan ang folder ay inuna ko magsearch sa Wikipedia kung ano ang
meaning ng word na yon. Vendetta may refer to Feud, a long-running
argument or fight.

Pagkabasang-basa ko nun ay magkahalong excitement at kaba ang naramdaman


ko bago buksan ang folder.

“WAAAAA!!! BAKIT WALANG LAMAN?!” Halos mangiyak-ngiyak kong hiyaw.

“Walang laman?”

Omygod. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Ang ingay mo naman kasi
Aemie. Ano sasabihin ko ditto kay Zeke, napaka-tsismoso naman kasi lahat
na lang tinatanong.

“He-he-he, wala. Yung ano kasi---uhh”

“Yung?”

“Y-yung ahmm, y-yung tyan ko walang laman”


“Get us some food.” Nanlaki ang mata ko nung narinig ko ang sinabi ni
Zeke. “Anong gusto mo?” Tanong ni Zeke sakin habang may kausap sa
deskphone nya.

“Kahit ano lang hubby hehe.” Haharap n asana ako sa laptop pero nadinig
ko pang nagsalita si Zeke. “Okay, I love you.”

I love you?

Bigla ako nakaramdam ng inis nung Makita kong hawak padin nya ang phone,
halos hindi ko na din madinig ang sinasabi nya sa kausap nya dahil sa
sobrang inis.

“Sino naman ka-I love you-han mo dyan dong ha?” Tanong ko.

“Huh?” Tanong nya pagka-baba ng phone.

“Kita mo na! Kita mo na! Nagmamaang-maangan ka pa, kakasabi mo lang sa


kausap mo ng ‘I love you’ tapos---“

“Pfft—Hahahaha you’re so cute wife, stop that.”

Aba! Aba! Ako ba eh pinaglololoko nito? Naiinis na ako dito tapos sya
tatawa-tawa pa. “Dong naman eh! Seryoso ako.”
“I am—hahaha serious too. You’re damn cute.”

“Ewan ko sa’yo Zeke! Nai-stress ako sayo! Ang gulo mo kausap, ang slow
pa. Naiinis na ako tinatawan pa ako.”

“Hahahaha why? What did I do?”

Ano ba yan! What did I do—what did I do? “Kakasabi ko lang---“

“I love you” Nakangitin sabi nya. Tumingin agad ako sa kaliwa’t-kanan, at


sa buong paligid ng opisina kung para kanino na naman yung I love you na
yon.

“I love you, Aemie Ferrer-Roswell.”

“Weh?”

“Yeah. Hahahaha.”

“Para sakin ba yon talaga, dong?”


“Yes.”

“Hehehe thank you.”

“Thank you?”

Kumunot ang noo ko at nagtaka dahil inulit ni Zeke ang sinabi ko,
“Welcome?”

“Where’s my I love you too?” Kita mo tong lalakeng to! Kung hindi slow,
burara. Hindi ko na sinagot si Zeke para hindi na kami magtalo. Anong
malay ko na naman don kung saan nya inilagay, lagi na lang sakin
hinahanap. Hayy!

Ibinalik ko na ang tingin sa laptop ko, saktong may notification na


dumating.

1 email received

Miss Aemie,

3 Auctions na lang po ang natitira ngayong taon. Ang pinaka-malapit po ay


ang auction na gaganapin sa Chan Western Tower Hotel, nextweek. It’s an
underground auction kaya pili lang ang mga makakadalo. But I already got
2 VIP passes kung gusto nyo pong pumunta.
Best,

Cassandra Heather.

Chan? Diba yan din yung pangalan na nakalagay sa ginagawa ni Zeke last
time?

Bakit ganon? Parang hindi maganda ang kutob ko.

Sinulyapan ko kung ano ang ginagawa ni Zeke pero nakatingin na din sya sa
laptop nya. “Zeke may maitutulong ba ko sayo?” Tanong ko, gusto ko naman
kasi talaga tumulong eh. Kahit ano naman ang gagawin gusto ko talaga
tumulong.

Mas lalo pa ngayon na alam kong sila ni mommy ang dahilan kaya nawala si
Moo at Shan Venice. Mas lalo ko pa dapat tulungan si Zeke.

“Nah, I can handle this.” Sagot nya, ni hindi man lang nya ako nilingon.

“Galit ka ba Zeke? Sige na nga, tutulungan na kita hanapin yung I love


you too mo.”

*glare*

*pout*
Tignan mo to, sya na tutulungan sya pa ang may ganang tumingin ng masama.
Kaso nagi-guilty ako kasi ang dami na iniisip ni Zeke, tapos kinukulit ko
pa sya.

Hindi na ulit nagsalita si Zeke. Keri ko to mag-isa! Kung ayaw nya ng


tulong---ahm tutulong pa din ako hehehe.

Reply :

Sige Cassandra hehe, samahan mo ko nextweek.

Excited na ako! Ano kaya mangyayari don? First time ko din a-attend ng
auction. Kaso paano kaya ako magpapa-alam kay Zeke?

Lumingon ulit ako kay Zeke. Hindi na ako nagulat na nakatingin sya sakin,
lagi naman eh. Minsan iniisip ko kung naiinsecure lang sya. “I love you
hubby” Nakangiting sabi ko. Hindi naman kasi sya nagsasalita, nakatingin
lang sya.

“I love you more than you love me.”

“Waaaa? Mas mahal kita!”

“Tss. Mas mahal kita.”


“Paano mo nalaman ha?” Pauso to si Zeke kahit kalian.

“I just know.”

A/N

Nasa SM Bacoor po kami this coming Saturday (July 12) Para sa GR3 J Punta
kayo ha?

Ay nga pala, bili kayo MHIAMB book! Volume 1 ng season 1 J Thank you
guyssss :* Loves youuu!

=================

Chapter 6

Aemie’s PoV

“Gusto nyo po bang i-report ko na kay Master Eiji at Queen ang nangyari
sa inyo ni Mr. Roswell?” Tumunghay ako mula sa pagkakayuko. Kasama ko
ngayon si Cassandra Heather at kausap para magplano sa pagpunta naming
dalawa sa Auction.
Natural ba sa mga Mafia ang pagiging tsismosa? Bakit pati naman yun
kailangan nya isumbong kila mommy. Paano na lang kung pagalitan ako ni
mommy dahil sa nangyari? Hayy! Hindi din nag-iisip tong si Cassandra.
Sayang! Isa pa naman sya sa mga idol ko kasi ang galing-galing nila. “Wag
na, baka makaistorbo lang tayo kila mommy. Hindi na naman pati siguro
nila kailangan malaman pa.” Tumango sya pagkasabi ko nun at ininom ang
isang tasa ng kape na tinimpla ko sa kanya.

Buti na lang at mamaya pang gabi ang dating ni Zeke kaya napapunta ko si
Cassandra dito sa pink house. “Ito lang ba ang mga i-o-auction?” May mag-
bid kaya sa auction? Eh parang ang boring naman ng mga nandoon. Gems,
Relics, pati naman mga documents na hindi importante kasama sa mga i-o-
auction. Hayy!

“Nope, meron pa po dito.” Tinignan ko ang sunod na folder at---

“Wowww!” Hindi ko na nagawang tignan pa ang ibang pictures dahil napako


na ang tingin ko sa larawan ng manika. Hindi sya Barbie kasi ang design
nya ay katulad ng mga design na manika sa Toy Industry. European doll.
Pero ang ganda nya at—“They said that the original owner of the doll is a
daughter of one of richest Mafia boss. And the said girl passed away
three years ago together with her father. They believe na may something
sa manikang yan kaya kasama sa auction.” Bigla naman akong kinilabutan sa
sinasabi ni Cassandra.

Ang creepy kasi parang sa mga horror story ang kinukwento nya. Pero—
naiintriga ako. Gusto kong makita at mahawakan ng personal yung manika,
feeling ko din may something sa kanya. “Mahal kaya to?” Tanong ko kay
Cassandra.

Sa ganda ng manika, siguro nasa five thousand ang presyo nito kaya naman
tingin ko kailangan ko na mag-ipon simula ngayon dahil next week na ang
auction. Pero ano naman kayang raket ang papasukin ko para maka-ipon ng
pambili ng manika?

Alam ko na! Magtitinda na lang ako ng fishball hehehe.


“As far as I know, the starting bid for the doll is one and half a
million.”

“ANOOOO?!?!” Halos mag-echo sa buong pink house ang boses ko sa lakas ng


pagkaka-tanong ko. S-s-seryoso ba sya sa sinasabi nya? “1.5 m-million?”
Tanong ko ulit, baka naman kasi nagkamali lang ako ng dinig.

“Yes, Miss Aemie. Starting bid pa lang yon.”

Omygod! Kung piso dalawa ng fishball, kailangan ko maka-benta ng 3million


fishballs sa loob ng 5 days. Huwaaaaa! Huhuhu kaya yan! Sasamahan ko na
lang ng kikiam, squid balls, kwek-kwek at iba pa para makaipon.

1 message received

SMS From Zeke : I am on my way home. I love you

Waaaaa patay pauwi na si Zeke! “Uhh—Cassandra pauwi na kasi si Zeke—“

Ngumiti sya sakin saka nagsimulang tumayo, at naglakad-lakad ng kaunti


papunta sa malaking glass window nitong kusina, kung saan tanaw ang
dagat. Ano yan? Ngayon nya pa natripang i-enjoy ang view kung kailang
padating na si Zeke? Huhuhu

“Aalis na din po ako, Miss Aemie. Contact-in nyo lang po ako kapag may
kailangan kayo ipagawa.”
Hayy buti naman. “Hehehe sige ingat ka ha.”

Pinagmamasdan ko ang kotse ni Cassandra na tumatakbo paalis, pero ang


laman ng isip ay ang mga ibebenta ko para magkaroon ng pera.

1.5 million, ka-presyo na yan nung mga pinagebebenta ni insane na mga


bahay.

Nung hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Cassandra ay pumasok na agad ako


sa loob para maghugas nung tasa ng kape ni Cassandra. Baka makahalata pa
si Zeke na may pinapunta ako dito sa pink house. Ang bilin pa naman nya,
wala dapat ibang makaalam na nandito kaming dalawa nag-stay.

Pagkatapos kong maghugas ng tasa ay isinunod kong ligpitin ang mga


folders na nakapatong sa ibabaw ng dining table.

*dingdong*

Omg! Nandyan na si Zeke! Waaa! Saan ko ilalagay tong mga folders? Paano
pag nakita nya?
*dingdong* *dingdong*

“Saglit lang naman Zeke!” Hiyaw ko.

Tumigil ako saglit sa may living room para buksan ang isa sa mga cabinet
at ilagay ang folder. Hindi naman na siguro to papakialaman ni Zeke no?
Mamaya ko nalang ulit kukunin.

*dingdong* *dingdong* *dingdong*

“Eto naaaa! Bubuksan ko na nga eh.” Hiyaw ko ulit habang naglalakad


papunta sa main door. Maka-pindot naman ng doorbell tong lalaking ‘to
kala mo hindi sya pag bubuksan ng pinto

Pagkabukas ko ng pintuan ay nag-abang ako saglit na pumasok si Zeke, pero


wala. Kaya naman sinubukan kong dumungaw ng kaunti sa labas ng pinto—

“Zeke?” Tawag ko ng mahina.

Lumabas pa ako at tumingin sa kaliwa’t-kanan. Umihip pa ang malakas at


malamig na hangin, kumalansing tuloy ang nakasabit na chimes dito sa may
pintuan kaya parang horror movie ang atmosphere. Ang creepy huhuhu.

“Dong?” Tawag ko ulit.


“Zeke nasaan ka ba?” Sinubukan ko namang tanawin yung madilim na part sa
malayo, baka kasi nagtatago lang dun si Zeke.

Maglalakad pa sana ako pero natisod ako sa kung ano—“Ano to?”

Kahon? Halos kasing laki lang sya ng box ng sapatos.

Pinulot ko agad ang kahon. Ngumiti pa ako sa naisip ko. Siguro surprise
to ni Zeke sakin. Hehehe.

“A-a-no to?”

Naupo ako sa gutter at saka inilapag ang kahon. Hawak-hawak ko ang isang
maliit na photo album. Habang inililipat ko ang bawat pahina ay hindi ko
alam kung ano ang mararamdaman ko.

Puro picture naming dalawa ni Zeke, stolen shots. May picure pa ng kasal
namin. Nakakatuwa sanang alalahanin. Pero—bakit may parang dugo sa bawat
picture? Inilipat ko pa ng inilipat ang page ng photo album pero hanggang
dulo puro ganun.

*Beep*Beep*

Zeke?
Tumunghay ako at tinignan ang kakaparada lang na kotse malapit sakin.

“Hubby!” Hiyaw ko sakanya. Nakangiti naman syang lumapit sa akin.

Ikiniss ako ni Zeke sa labi ng mabilis nung makalapit sya. “I missed


you.” Bulong nya.

“Hehehe.”

“Why are you here? Tss. Malamig.” Tanong ni Zeke.

T-teka, ibig bang sabihin hindi sya yung nag-doorbell sa pinto kanina? O
baka naman nagkukunwari lang sya na hindi sya yun?

Tumingin ulit ako sa kaliwa’t kanan para i-check kung may tao. Hindi ako
pwedeng magka-mali. May nag doorbell talaga kanina.

“What’s wrong?”

Pero kung hindi si Zeke, sino naman kaya ‘yun? Bukod sa aming dalawa,
wala namang ibang tao dito. Sinubukan ko pang tanawin ang malawak na
dagat sa malayo. Wala namang paa ang mga isda.
Hayyy! Sumasakit ang ulo ko.

Ibinalik ko ang tingin kay Zeke na nakatingin na din sa malayo. “Dong?”


Tawag ko sa kanya.

“Hmm?” Sumagot sya pero hindi nya inaalis ang tingin sa tinitignan nya.
Nung tanawin ko, wala naman ako ibang nakita kung hindi madilim na lugar
at puro puno.

“Ano tinitignan mo Zeke?”

“May pumunta ba dito nung wala ako?” Tanong nya. Napalunok naman ako.
Hindi ko pwedeng sabihin na pumunta si Cass kasi baka magalit si Zeke.

“Uhmm wala dong, hindi pumunta dito si Cass. Hindi nga nya alam tong pink
house eh. Hehehe.”

Nginitian ako ni Zeke kaya nakahinga ako ng maluwag. “I see.” Hayy buti
naman at naniwala sya. Akala ko magtatanong pa eh. “What’s that thing?”
Tanong nya. Tinignan ko ang album na hawak ko at saka itinago sa likod
ko. “Hehehehe wala—ano ba namamalik-mata ka yata dong, siguro gutom ka
na. Tara na sa loob hehehe.”

“Alright.” Inakbayan ako ni Zeke at saka kami sabay na naglakad papasok


ng bahay.
“Dong? Bakit?” Tanong ko nung ini-off ni Zeke ang mga ilaw sa living
room. At pinalitan ng mas dim na light.

“It’s more relaxing now.” Tinignan ko ang buong paligid. In fairness may
point din naman si Zeke minsan. Mas relaxing nga kapag dim ang light.
Kaysa kanina na sobrang liwanag.

Naglakad sya palapit sa may center table at saka kinuha ang remote ng t.v
at ini-on. Hindi ba muna sya kakain? Hindi ako naalis dito sa
kinatatayuan ko sa may pinto, pinapanuod ko lang si Zeke sa mga ginagawa
nya. Pagkatapos nyang lakasan ang volume ng t.v ay sunod syang lumapit sa
malaking glass window sa salas. Hinawi nya ang kurtina para matakpan yung
bintana.

Tatanungin ko din sana kung bakit, pero gabi naman. Kaya okay lang. Hindi
naman matatanaw ang view sa gabi.

Umupo na ako sa salas, kasi syempre para manuod ng t.v kaya nga binuksan
ni Zeke ang—“May I see that?” Inilahad ni Zeke ang kamay nya sa harap ko
nung makalapit sya sakin. Ito bang album ang tinutukoy nya? Tumungo na
lang ako *pout* Wala nadin naman ako magagawa kung hindi ibigay kay Zeke
‘to kaysa naman kulitin pa nya ako.

Tinititigan ko si Zeke na umupo sa tabi ko at naglilipat ng pages ng


album. “Who gave you this?” Tanong nya. Uhm—“Wala namang nagbigay sakin
nyan dong, nakita ko lang yan sa tapat ng pinto kanina. Akala ko nga ikaw
ang—“

Tumigil ako sa pagsasalita dahil tumingin si Zeke sa may kurtina sa


living room. “Did you hear that?”

“Alin Zeke?” Sobrang lakas kaya ng volume ng T.V.


“Guns and footsteps?”

Sinubukan kong pakinggan, pero wala talaga ako nadidinig. “Gutom lang yan
Zeke.”

Meisha’s PoV

“Where have you been?” I asked Cassandra, while aiming for the 5th ball
of the billiards. Actually, kanina ko pa hinihintay na dumating si
Cassandra.

“Pinuntahan ko si Ms. Aemie.” Sagot nya sakin.

“Why? Ano ginawa mo doon?” Tanong ko. “Nothing, she asked me for some
random information kaya ayon.” Kinuha nya ang isang tako, at pumorma na
titira.

Ms. Aemie also asked me about Wallace. She asked Seb about Phoenix
Strife. “Ano naman ang itinanong nya sa’yo?”

“You don’t care.” Sagot sakin ni Cass.


Tinitigan ko sya ng masama. “Once na malaman kong traydor ka Cassandra,
hindi ako magdadalawang isip na patayin ka.” I looked at her straight
into her eyes.

“The feeling is mutual, Mei. I am protecting Ms. Aemie.” She replied.

Ibinagsak ko ang tako na hawak sa billiard table at saka umalis. Leche! I


have a trust issue now, kahit alam kong mapagkakatiwalaan sila. I can’t
keep myself from suspecting everybody. I also know na hindi lang ako ang
nakakaramdam ng ganito.

Nagsindi ako ng sigarilyo nung makarating sa isang veranda. “Hey love.


Bad mood?” I turned my head to face Tristan. He’s holding two glasses of
red wine. I shook my head after puffing my cigar. “No. Wala ‘to.” Sagot
ko, okay fine. I admit, hindi convincing at halatang labas sa ilong
pagkakasabi ko.

Iniabot nya sakin ang isang glass of wine. “Uminom ka muna, maybe it
could help.” Kinuha ko ang wine at saka sumandal sa railings ng veranda.
We’ve been together for two years, so hindi naman siguro masama kung i-
open ko sa kanya ang topic diba? “Do you have any idea of what’s
happening, love?” I asked.

He sighed. “Oo. But I prefer to be silent hangga’t hindi pa naman


kumpirmado ang lahat.” I nodded. Yes, he’s my boyfriend but we always
have different views pagdating sa trabaho. We don’t share information and
such unless kailangan. “By chance, may alam ka ba sa nangyari kanila Ms.
Aemie at Mr. Roswell doon sa apartelle?”

Mabilis syang tumingin sa akin. Oh no! I think I hit a nerve. “Are you
suspecting me?” Halata ang pagkairita at pagbabago ng tono sa boses ni
Tristan. “I—I was just asking.”
Inalis ni Tristan ang tingin nya sa akin sabay pihit ng katawan nya
paalis ng veranda.

I sighed.

Aemie’s PoV

“Ano ba gagawin natin Zeke?” Kakatapos lang kasi naming kumain. Tapos
dito kami agad dumiretso sa kwarto.

Pagkadating namin dito ay inutusan ako mag-assemble ni Zeke ng baril kaya


sinunod ko agad sya. Samantalang sya ay inaayos ang sniping rifle.
Hehehe. Siguro adventure na naman ‘to.

Nakatitig ako sa ginagawa ni Zeke. Ilang ulit nya kasi sinisipat ang rear
sight ng rifle at saka eye piece. “Aww” Daing ko nung maipit ng kaunti
ang laman ko sa palad nung inilagay ko ang magazine. Inilapag ko ang
baril sa ibabaw ng kama at tinignan ang kamay ko. Bakit ba kasi ayaw
pabuksan ni Zeke ang ilaw ditto sa kwarto? Ang hirap tuloy tignan nito
huhuhu.

“Tss. Does it hurt?” Naaninag ko na umupo si Zeke sa kama sa harap ko


pero hindi ko na pinansin. Bakit ko naman papansinin eh narinig na nyang
nagsabi ako ng Aww tapos tatanungin pa ako kung masakit. Hayy!
Kinuha ko pa ang isa pang baril at sinimulang assemble-in nung inagaw yun
ni Zeke sakin. “Ako na.”

Eh?

Tinaas ko ng konti ang ulo ko para tignan sya. “Sigurado ka dong? Baka
maipit din kamay mo.” Paalala ko, may pagka shunga pa naman si Zeke kaya
concern talaga ako. “Tss.”

OMG!

“Bakit ang bilis mo mag-assemble ng baril?” Maduga! Bakit ang galing nya.
Hayy.

“Hahahaha. You’re better than me when I was starting.” Nakangiting sabi


ni Zeke saka kinuha ang kamay ko at tinignan. Aalisin ko sana pero bigla
nyang hinalikan yung palad ko. Waaaa! Anong meron?!

“Does it still hurt?” Tinignan ko yung kamay ko—“Hindi na, hehehe.”


Weird. May magic powers kaya tong si Zeke?

Lumingon ako dun sa sniping rifle na nasa may bintana, para syang
telescope dun na maayos na nakalagay, kaya nakaka-attract sumilip. “Dong—

“Go ahead.” Sabi ni Zeke.


Waaa! Alam nya agad ang sasabihin ko? Yiii! Lulukso-lukso pa akong
lumapit sa may sniping rifle. Omygod, omygod ito na! First time ko
makakasilip dito.

“Ang astiiiiiig!” Para pala talaga syang telescope kasi lumalapit talaga
yung tingin—

Eh?

Sino yon?

Sumilip uli ako sa eye piece ng sniping rifle, baka naman kasi namamalik-
mata lang ako. “Zeke m-may multo yata.” Waaaa! Bakit may nakikita akong
mga anino na parang tumatakbo. Huhuhuhu.

“Get your guns, wife.” Nagulat ako dahil nung inalis ko ang mata ko sa
eyepiece ay katabi ko na si Zeke. “Dong m-may—“

“They’re intruders.”

“Hindi ba sila multo?” Kinakabahang tanong ko. Sana naman hindi ang
isagot ni Ze—

“No, they’re here to kill us.”


Waaaaa omygod omygod! Buti na lang! Hayyy! Nakahinga ako ng maluwag dun
ah. Akala ko talaga multo sila.

“Hehehe buti naman kung ganon dong. Sige, ano ba gagawin ko?”

Natigil si Zeke sa pagsipat doon sa sniping rifle, at saka ako tinaasan


ng kilay. “Buti naman?” Tanong nya.

“Buti naman at hindi sila multo, akala ko multo eh. Hehehe.”

“Pfft. Weirdo.”

Ako pa? Ako pa ang weird? *pout*

Kinuha ko nalang ang dalawang baril na nakapatong sa ibabaw sa kama, at


saka naglakad palabas ng pinto.

“Dong, lalabas na ba ako? Hehe.” Every time na lang na mag-a-adventure


kami ni Zeke ay naeexcite ako.

“Later.” Sagot nya.


“Okay hehehe.” Lumakad na lang ako palapit kay Zeke at nakitingin sa
tinitignan nya. “Ang dami nila, dalwa lang tayo ah, ano laban natin
dyan.” Sabi ko habang tinitignan ang mga anino sa labas ng pink house.

Pero wait—

Sino naman kaya yung mga tao na sinasabi nyang gusting pumatay samin. May
kinalaman kaya yon kay Wallace Martin Lionhart at Phoenix Strife?

Pati dun sa auction?

Sila kasi yung huling taong nagtangka sa amin---

“Dong—“

“Shhh”

Bahagyang binuksan ni Zeke ang bintana at saka kinalabit ang sniping


rifle, dahilan para mapatingin ang mga anino na nasa baba dito sa
direksyon namin.

“Halaaaa!” Dali-dali akong yumuko nung bumaril din sila pero ilang saglit
lang nawala din yung mga putok ng baril na narinig ko.
Nung tumayo ako ay sumilip ulit ako sa bintana. Iilan lang yung nakahiga
sa sahig. “nakatakas yung iba Zeke?”

Inalis nya ang tingin nya sa sniping rifle at kumuha din ng dalawang
handgun. “Let’s go out.” Eh?

“Out as in date?” Grabe naman to si Zeke, may papatay na samin ngayon pa


naisipang mag-date? “Tss. Out as in outside this house. Tss.”

Ahhh. Ayaw kasi lilinawin. Hayy!

Mabilis na hinawakan ni Zeke ang isang kamay ko, at saka kami dahan-
dahang lumabas ng pinto ng kwarto. Yiii~ exciting to! Ganito yung mga
napapanuod ko sa mga action movies, madilim tapos may hawak na baril
tapos mamaya may lalabas na mga kalaban tapos magbabarilan.

Paglabas namin ni Zeke ng kwarto ay nakadinig kami ng ingay at mga


kalabog na nanggagaling sa baba ng bahay. “Dong ano yon? May magnanakaw
yata?” Wrong timing naman magnanakaw, ngayon pa nakisali kung kalian may
papatay samin. Hindi man lang namili ng ibang date.

Wala pang isang segundo ay naramdaman ko ang pagsandal ng likod ko sa


pader at ang paglapat ng labi ni Zeke sa labi ko. “I’ll meet you
downstairs. Take the stairs; I’ll jump off the window.” Kasunod non ay
binuksan ni Zeke ang bintana na nasa dulo ng hallway. “Wait—“ Bago ko pa
man mapigilan si Zeke ay nakatalon na sya. Kaya wala akong nagawa kung
hindi silipin sya mula dito sa bintana. “I love you.” He mouthed.

Gusto ko din gayanin si Zeke kaso di ko naman kaya. Hayy maduga!


Hinarap ko ulit ang madilim na hallway ng bahay at saka dahan-dahang
naglakad. Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay nakadinig na ako ng mga
putukan sa ibaba kaya nagmadali na akong tumakbo.

Huminto ako nung malapit na ako sa huling baitang ng hagdan dahil may
naramdaman akong mga kaluskos ng paa na nanggagaling sa kusina.

Ingat na ingat akong naglakad papunta kung saan ko nadidinig ang mga
kaluskos.

“Walang tao dito.”

“Doon tayo sa taas.”

Habang palapit ako sa kusina ay nadidinig ko ang usapan ng dalawang


lalaki, pati nadin ang mga putok ng baril na nanggagaling sa labas.

Nakadinig pa ako ng mga yabag ng paa na nagmula naman sa living room kaya
nagtago agad ako sa likod ng malaking banga.

“Hanapin nyo na agad yung asawa ni Roswell.”

“Nandoon si Roswell sa labas.”


“Bakit di nyo pa agad pinatay?”

“Biglang nawala eh.”

“Lagot tayo nito kay Ma’am.”

Ma’am?

Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at nakisali sa usapan nila. “Sinong


Ma’am?”

Nung makita kong umakmang itataas nung isang lalaki ang kamay nya at
itututok sakin ang baril ay inuhan ko syang paputukan, at saka tumakbo
palapit sa tatlo pang natitira.

I raised my hand and hit one of them using my gun. At saka ko tinutok ang
kaliwang baril na nasa kamay ko sa kanya. “Sinong Ma’am?” Tinignan ko ang
lalaking nakahawak pa sa ulo nya dahil sa hampas ng baril na ginawa ko.
Yung baril sa kanang kamay ko naman ay nakatutok sa dalawa pang
natitirang lalake na nakatayo sa harap ko.

Inaantay ko kung may magsasalita sa kanila hanggang sa nagsalita ang


lalaking hinampas ko ng baril “Si Ma’am—“
Nagulat ako nung bigla na lang syang tinamaan ng bala katawan at ang
bumaril pa sakanya ay ang isa sa kasama nya kaya mabilis ko din syang
binaril.

Kasabay ng pagbaril ko ay napansin kong hindi lang ako ang bumabaril


dahil pati yung isang lalaki ay tinamaan ng bala.

“Zeke” wika ko paglingon ko sa likod.

*****

“Saan na naman ba tayo pupunta dong? Hindi man lang ba tayo magdadala ng
damit?”

“Bibili na lang tayo.”

“Okay hehehe.” Nakatanaw ako sa labas ng bintana nitong kotse at


nakatanaw lang sa mga nadadaanan naming.

“Sino kaya yung Ma’am na yon?” Tanong ko sa sarili.

“Huh?”

OMG!
Nagtakip agad ako ng bibig nung magsalita si Zeke. “Yung teacher na
nakilala ko dong—“

“Are you hiding something from me, wife?”

Ako pa daw! Ako pa ngayon ang nagtatago ah. “Halaaa hindi ah! Ikaw nga
dyan eh! Ayaw mo ipaalam sakin yung ginagawa mo. Ayaw mo din ako
patulungin sa ginagawa mo.” Kaya nga nagsosolo na lang ako eh. Syempre
gusto ko tulungan si Zeke, kaya kung ayaw nya, ako na gagawa ng paraan
diba?

“Tss don’t make a move without me wife. I’m warning you.”

*pout*

Tumahimik na lang ulit ako hanggang makarating kami sa isang hotel ni


Zeke. Ito na naman, hotel nanaman. Pagka hotel talaga kinakabahan na ako
eh. “Dito ba tayo sa hotel matutulog Zeke?” Wala pa bas yang ka-dala
dala? Last time na pumunta kami dun sa apartelle eh mala-horror movie
inabot namin.

Pero kung sa bagay, apartelle naman yon.

Hotel naman to.


“If you’re thinking of what we’ve experienced last time and the
possibilities of it to happen again, worry no more, because I will
fvcking kill them first before they fvcking kill us.”

Ngumiti ako kay Zeke pagka-alis ko ng seatbelt ko. Mas okay na ako ngayon
dahil sa sinabi nya. “Hehe, ako din Zeke ah. Pasali pagka may action ah.”

“Sure.” Sagot nya saka ako kinindatan. Waaaa! Totoo ba yung nakita at
nadinig ko? Waaa! Pwede daw! “Wala ng bawian yan Zeke ah, papayag ka ng
tulungan kita ha?” Tuwang-tuwa na tanong ko.

“Oo basta wag kang makulit, babae”

*****

“Ano yan?” Nakapangalumbaba ako sa tabi ni Zeke at pinapanuod syang


maglaptop.

*glare*

*pout* Para nagtatanong lang eh. Ang sungit talaga nito ni Zeke.

Pinanuod ko nalang ulit ang ginagawa nya kahit medyo inaantok na ako.
OMG! “Yan yung manika na i-o-auction nextweek dong!” Napatayo pa ako mula
sa pagkakaupo ko nung makita ko yung manika na tinitignan ni Zeke sa
picture.

So ibig sabihin tama yung naisip ko tungkol sa auction na gaganapin next


week? Ibig sabihin may kinalaman talaga yun sa ginagawa ni Zeke na ayaw
nyang ipaalam sa akin?

“How did you know?” Tanong nya.

Tinignan ko naman ng masama si Zeke. “How did you know, how did you know
ka dyan. Kaya naman pala ayaw mo ipaalam sakin yan. Kasi ayaw mo na
maunahan kitang bilhin yan. Nakoooo Zeke ikaw ha. Madali naman akong
kausap kung gusto mo talaga pwede naman tayong mag-share sa manika---“

“What do you know about the auction nextweek? How did you find out? And
who told you about this?”

Eh?

Bakit ang dami-dami na namang tanong? “Hehehe”

“Wife.”

“Dong naman eh kasi bakit mo ba tinatanong? Pagagalitan mo ba ako? Sorry


na.”
Tumungo ako sa ibabaw ng lamesa at nag-antay ng ise-sermon ni Zeke sakin.
Kung gusto nya yung manika, siguro pwede ko sya ayain magbenta ng mga
fishballs at kikiam para madali kami makaipon ng 1.5million hehehe. OMG!
Ang talino mo talaga Aemie.

Ilang minute pa ako nag-antay ng isesermon sa akin ni Zeke pero wala


naman akong nadinig kaya itinaas ko ang ulo ko at tinignan sya ulit.

Busy na ulit sa pagla-laptop si Zeke, at pagse-search ng kung anu-ano.

“Ano yan dong? Anong movie yan?”

“It’s a recorded video from a CCTV camera.”

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko kung sino yung nasa camera. Sila
Vash at Milka yun ah. “Anong ginagawa nila dyan, hubby?”

“I don’t know.”

“Inutusan mo ba sila?” Nagtatakhang tanong ko.

“No.”
Waaaa! Hindi si Zeke ang nag-utos? Eh diba Roswells si Vash? “P-paano at
bakit pupunta dyan si Vash kung hindi mo inutusan dong?” Tanong ko ulit.

Pero kung hindi si Zeke—“Sino kaya nag-utos sa kanilang dalawa.” Dagdag


ko pa.

“I don’t know either.”

Tumingin ako kay Zeke, as in straight sa mukha nya. “Kung nahihirapan ka


na Zeke, nandito lang naman ako eh.”

Agad naman syang tumigil sa pagta-type sa laptop at inilipat ang tingin


sakin. “I know” Nginitan nya ako kaya nginitian ko din sya. “Quit staring
at me like that wife.”

Eh? “Bakit ba? Ano ginagawa ko sayo? Sabi ko lang naman, nandito lang ako
pag kailangan mo ng tulong. Ready naman ako tulungan ka sa kahit anong
paraan hehe.”

Seryoso ang mukha ni Zeke kaya medyo kinabahan ako, ito na yata yung
sermon na inaatay ko kanina. “You never fail to make me fall for you over
and over again. I am completely mad and utterly in love with you wife.”
Napangiti ako dahil sa sinabi sa akin ni Zeke. Ang sarap kasi sa
pakiramdam na marinig yun mula sa kanya. “I love you too hubby.” Niyakap
ko si Zeke kasi hindi ko din alam, basta naiiyak ako sa sinabi nya.
Feeling ko ang saya-saya ko.
“No matter where life takes us, I’ll love you even more than I did
before.” Bulong nya sa tenga ko kaya mas lalo ko hinigpitan ang
pagkakayakap.

Jerson Ken’s PoV

“Next week na yung auction, Blood.” I shifted my glance at Cassandra


Heather. She’s scanning the list of items na i-o-auction next week.

“Tingin mo pupunta sila?” I asked her.

“Yes. May mga unfamiliar names sa list ng guests, so I guess kasali sila
doon.”

“Good.”

I stood up, at saka lumayo kay Cassandra.

Its not that I don’t trust Cassandra Heather, gusto ko lang maka-siguro.
Nakikipagtulungan ako sa random people from other Mafia groups para mas
magkaroon ng wide information.

Nung masiguro kong hindi na ako madidinig ni Cassandra ay idinial ko na


ang number ni Roswell.
[Blood.]

“Confirmed, pupunta sila.”

[Who gave you that information?]

“The information came from Cassandra Heather of Yaji. Pfft—“ Natawa pa


ako kasi alam ko kung sino ang nag-utos kay Cassandra na alamin ang
tungkol sa auction. Napadali tuloy ang trabaho ko. “And guess kung sino
ang nag-utos sa kanya.”

[Tss. My wife.]

“Mas magaling sya sa’yo dude. She figured it out before you do.”

[Tss. Don’t call me if you have nothing nice to say]

Napa-iling nalang ako at napangiti, saka nakapamulsang bumalik sa


kinaroroonan ni Cassandra. “Who was that?” She asked, and I can see the
curiosity in her eyes. “Pfft. My friend.”

“I see. Aalis na ako. Inform me pag may nalaman ka, epecially if it’s
about the auction.”
“No worries.” I smiled at her.

****

A/N

JULY 19 - SEE YOU AT SM TAYTAY FOR GR3 <3 PUNTA KAYO HA?

And please! Bili kayo ng MHIAMB Book, volume 1 po yan. Available na sya
sa ibang National Book Store, and I think available na din sya sa
Pandayan? Not sure. Sa mga nagtatanong kung kailan magiging available ang
book sa National Book Store na malapit sa inyo, soooon po! Kaya wait nyo.
Bili kayo ahhhh! Maawa't-mahabag :(

Hi sa super ganda at sexyng si MERYL GALEON!! Hahahaha ayan na girl!

=================

Chapter 7

Aemie’s PoV

Nasa loob ako ng supermarket dahil sabi nung babae sa front desk ng hotel
ay dito daw ako makakabili ng fishballs at kikiam. Nasaan ba dito ang mga
fishball? Sabi nung babae kanina sa front desk dito daw sa supermarket
makakabili eh—“Waaa ito! Hehe, akala ko nagoyo ako dun eh.”

Halos mapuno ko ang push-cart ng mga fishballs at kikiam. Siguro naman


okay na ‘to para ipagbenta bukas? Nag-ikot-ikot pa ako saglit sa loob ng
supermarket para makahanap ng pagkain na pwede ipasalubong kay Zeke.

Natigilan ako bigla nung maramdaman kong may nakatingin sa akin. Paranoid
na ba ako? O nahawa lang ako sa pagiging weird ni Zeke?
Gusto kong tumingin sa likod kasi ramdam kong nasa may bandang likuran ko
lang yung kung sino man yung sumusunod nay un. Pero hindi ko na ginawang
lumingon pa, syempre no! Baka makahalata pa ako na alam ko, kaya
kailangan ko umisip ng paraan kung paano ko sya mahuhuli ng hindi ako
napapansin na nakakahalata.

Tulak-tulak ko ang push-cart, ipinagpatuloy ko ang paglalakad at pag-


iikot-ikot dito sa loob hanggang sa makarating ako sa part na kakaunti
ang mga tao.

Omygod!

This time hindi talaga ako pwedeng magkamali, meron talagang sumusunod!
Naaninag ko sa peripheral vision ko ang isang babae na kunwari ay
nagtitingin ng kung anu-ano.

Sinubukan ko pang magpanggap na nakatingin sa mga panina na malapit sa


kanya pero umiwas sya ng tingin.

Sinamantala ko ang paglapit sa kanya habang hindi sya nakatingin. At


eksaktong pagharap nya ay nakita ko kung sino ang babaeng kanina pa
nakasunod.

“A-ate Aemie.” Bati nya pero obvious ang kaba sa reaksyon at tono ng
boses nya.
“Milka, bakit mo ako sinusundan? May kailangan ka ba sa akin?” diretsong
tanong ko.

“Huh? H-hindi ako nakasunod, naghahanap l-lang ako ng—“ Tinignan nya ang
paligid kaya napangiti ako, dahil hindi nya din napansin na dito ako
nagpunta sa diaper section ng supermarket.

“Diaper? Naghahanap ka ng diaper? Para kanino, wala ka pa namang baby


diba?” Putol ko sa sinasabi nya. Mas lalo nagging balisa ang reaksyon
nya. Kunga kanina ay mukha lang syang kinakabahan, ngayon ay may kasama
pang paglingon-lingon sa paligid.

May kasama kaya sya?

“Ahh—mauuna na ako ate Aemie ha? Baka kasi hinahanap na ako ni Kuya Vash”
Paalam nya at saka nagmadaling umalis.

Ni hindi ko na nga nagawang makapag-paalam ng maayos sa kanya.

Maglalakd na sana ako pabalik sa push-cart nung may ma-feel akong kakaiba
kaya imbes na sa push-cart ako dumiretso ay sa kabilang side ako pumunta
para silipin kung may tao. Baka naman kasi hindi pa tuluyang umalis si
Milka.

Puro mga namimili lang ang nakita ko at wala ni isa sa kanila ang mukhang
kahina-hinala.
Hayy! Paranoid lang talaga siguro ako—“Aray!” Halos matumba ako nung may
mabangga akong kung ano.

At paglingon ko—

Magpapasalamat sana ako sa lalaking nakasalo sa akin pero—

OMYGOD!

Tiniganan ko mula ulo hanggang paa ang isang lalaki na sa itsura pa lang
eh nakakatakot na. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang kamay nya na may
hawak na baril habang nakasuluksok sa gilid ng pantaloon nya.

Dali-dali akong tumayo at naglakad ng mabilis palabas ng supermarket.

Tuwing lilingon ako sa likod ko ay nakikita ko pa din ang lalaking


sumusunod, may kasama pa syang dalawa pang lalake kaya mas lalo akong na-
tense.

“Sorry po”

“Pasensya na po”
Nakailang ulit ako nakabangga ng kung sino-sino dito sa mall dahil sa
pagtakas ko sa sumusunod sakin.

“Waaa-mmp” Hihiyaw sana ako nung may humila sa akin pero naunahan nyang
takpan ang bibig ko. “Sshh! Wag kang maingay.” He warned. Pero hindi sya
sa akin nakatingin. Doon sya nakatingin sa tatlong lalaki na sumusunod sa
akin.

Nung maramdaman kong lumuwag ang pagkakatakip nya sa bibig ko ay hinwakan


ko ang kamay nya para alisin. Saka ko nilingon yung tatlong lalaki.

Nakita ko kung paano sila nagpalinga-linga at saka naglakad palayo.

Pero bago ko alisin ang tingin ko sa kanina ay nahagip ng mata ko si


Milka.

Nandito pa din sya?

Akala ko ba pupunta na sya kay Vash?

Pero ilang saglit pa ay may-dinial sya sa cellphone at saka naglakad din


palayo.

“Wala na sila.” Bulong ko.


“Bakit ka ba nila sinusundan?” Lumingon ako sa likod para tignan yung
nagsalita.

Bakit nga ba nila ako sinusundan? “Hehehe, hindi ko nga alam eh.”

Kumunot ang noo nya saka ulit nagtanong. “Baka naman may atraso ka sa
kanila?”

Atraso? Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kanina, naningkit naman
ang mga mata nya saka inilapit ang mukha sa akin. “Nagnakaw ka siguro sa
kanila no?”

Eh?

Nakaw?

“Hindi no!” Bakit ko naman sila dedekwatan eh baril lang naman dala nung
lalake. Meron naman akong baril. At saka isa pa ang sabi ni mommy masama
daw magnakaw. Maka-bintang naman sya agad *pout*

“Hahahaha! Biro lang. By the way I’m Andrei.”

“Ahh hehe okay Andrei, aalis na ako ha? Sige salamat.” Pagka-paalam ko ay
nagsimula na akong maglakad palayo.
“Wait ihahatid na kita” Nagulat ako nung nakatakbo na pala agad sya at
nasa harap ko na agad.

“Naku wag na! Hehe kaya ko naman umuwi mag-isa.”

“No, I insist. Baka mapahamak ka pa.”

Ang kulit naman nito ni kuya, mukha ba akong kinder at kailangan pa


ihatid pauwi? Hayy! Napaka-mapagkawang-gawa.

Pero wala naman siguro masama diba? “Hehehe sige na nga.”

***

“Saan ka galing babae?” Pagkapasok na pagkapasok ko ng hotel room namin


ni Zeke ay nadatnan ko si Zeke ay nadatnan ko sya na naka-dekwatro sa
salas at may binabasang mga papel.

“Hello dong! Hehehe” Isinara ko agad ang pinto saka ako lumapit at naupo
sa tabi nya.
Ibinaba nya ang mga paepel na hawak nya at saka galit na tumingin sa
akin. “Sabi ko saan ka galing?” Waaa! Halata na ang galit sa tono ng
boses nya kaya di ko maiwasang hindi mapalunok.

“S-sa supermarket Zeke, bumili ako ng—“

Omygod!

Tinignan ko ang mga kamay ko kung may hawak na mga fishball pero waaaa!
Nakalimutan ko yung fishballs at kikiam bilihin! Huhuhu. Kamusta na kaya
sila dun sa loob ng push-cart?

“Bumili ng?” Tanong ni Zeke.

“Dong, huhuhu! Hindi pala ako nakabili.” Naiiyak na sabi ko. “May
sumunod kasi kanina sa akin na tatlong lalaki, tapos nakalimutan ko na
bayadan yung mga inilagay ko sa push-cart na fishballs at kikiam.”

“WHAT?!” Muntik ko ng matanaw ang lungs ni Zeke sa sobrang lakas ng hiyaw


nya. Huhuhu galit na nga sya. Hawak-hawak na din nya ang bridge ng ilong
nya at mukhang sinusubukang pakalmahin ang sarili.

“Alam ko naman dong na kulang na oras natin para sa pagbebenta ng


fishballs at kikiam eh, kaya nga sorry na, wag ka ng magalit, dodoblehin
ko nalang ang pagsigaw para madoble din ang benta.” Huhuhu.

“You should’ve told me that you’re in danger.” Puno ng pag-aalala ang


boses ni Zeke hanggang sa maramdaman ko ang pag-hila nya sakin palapit sa
kanya at saka ako niyakap ng mahigpit. “I should’ve not let you go,
alone.”

“S-sorry hubby/S-sorry wife.” Natawa kami parehas nung nagkasabay kami ng


pagsasalita.

Nung humiwalay naman ako sa pagkakayakap ni Zeke ay kinuha ko ang laptop


nya para magbasa.

“What are you going to do?” Nakakunot ang noo na tanong nya nung makita
nyang ini-on ko ang laptop nya.

“Magbabasa?” Hehehe ano pa ba? Pwede bang mag-swimming dito sa laptop?


Hayy! Ito talaga si Zeke, minsan parang ewan.

“About?” Tanong nya ulit.

“Magbabasa lang ako nung mga files mo, ang dami kasi. Hindi ko nakopya
lahat hehe.”

“Okay” Nakangiting sagot nya saka tumayo at lumayo.

Sinundan ko ng tingin kung ano ang gagawin ni Zeke, kaya nakita kong
dinukot nya ang cellphone nya mula sa bulsa ng pantaloon nya at saka
pumasok sa walk-in closet nitong hotel room.
After 30 minutes...

“Zeke wala ka bang information dito ng iba’t-ibang Mafia Organization?”


Tanong ko na ikinagulat ni Zeke. Don’t tell me wala syang copy?!

Saglit na nag-isip si Zeke at saka sumagot. “I haven’t saved any, so


none.”

“Waaa! Seryoso Zeke?!”

“Yes, what for?”

“Wala hehe” Tumayo agad ako at saka kinuha ang laptop ko. Wala naman pala
kasing silbi ang laptop ni Zeke.

Nung mabuksan ko na ang laptop ko at dali-dali akong nag-log in sa email


at sinendan ng email si Meisha.

Meisha,

Could you please send me a complete list of all the Mafia Organization
including its history and all their members from the day they started?
ASAP.

Thanks.

Aemie.
Sunod na pinadalahan ko ng email ay si Cassandra.

Cassandra,

Please send me information of Grethel Canary Lux and Satana Beatrix


Lestrange. ASAP.

Thanks.

Aemie.

Pagkatapos kong i-email silang dalawa ay si guardian angel naman ang


tinext ko.

Guardian angel, can I have a favor? Pwede bang pakisundan si Milka at


Vash for me? Paki-alam lang ang daily routine nilang dalawa. Hehehe
thanks.

“Ayan tapos na!” Mas gusto ko ang mga babae na hinihingian ng favor kasi
mas komportable ako sa kanila.

“Tapos na ang alin?”

“You’re becoming too secretive wife.”


Eh? Sya din naman eh, ayaw nya lagi ipaalam sa akin ang ginagawa nya.
Kaya nga ako na ang gumagawa ng paraan eh.

“Yes you are.”

“Hindi kaya.”

Lumapit si Zeke sa akin at ipinakita ang hawak nyang papel. “Ano yan
dong?” Tanong ko bago ko kuhanin.

“Paper?” sagot naman nya ng nakangisi kaya kumunot ang noo ko. “Alam kong
papel yan dong ang ibig kong sabihin ano ang—“

“Pfft. Hahahaha. Now you know the feeling.” Parang kinikilit sa sobrang
wagas kung makatawa to si Zeke.

Anong nangyayari dito?

Kinuha ko nalang ang papel na nabitawan na ni Zeke kakatawa.

“Ano bang klase ng katol ang tinira mo dong at nagkakaganyan ka?” Buti na
lang medyo sanay na ako sa paiba-iba ng mood nya. Kung hindi, baka naisip
ko ng nababaliw to si Zeke.
Teka—Ano to? Listahan ng mga pupunta sa Auction?

Tinignan ko si Zeke na tumatawa pa. “Paano ka nagkaroon ng listahan ng


VIP Zeke?” Seryosong tanong ko.

In half a second nawala ang ngiti nya sa labi at napalitan ng pagka-


seryoso. “I’m Ezekiel Roswell wife, what do you expect?”

Nanatili lang akong nakatingin kay Zeke dahil hindi ko makuha ang point
sa sinabi nya.

Ezekiel Roswell.

Parang may hindi tama.

Ibinalik ko ang tingin sa listahan ng VIP. “Hindi ko naman kilala ang mga
ito eh.” *pout*

Napalingon ako sa gawi ni Zeke, seryosong-seryoso na sya na nagsisindi ng


sigarilyo. “Most of them are using codenames.”

Codenames.
“Para hindi sila makilala?”

“Yeah.”

Wow ganun pala yun! Ang sosyal ah. “Pag pumunta tayo dong pwede din ba
tayo mag-codename?” Naisip ko lang kasi pwede namin gamitin ang Mr. &
Mrs. Barbie, para naman walang makakilala sa amin diba?

“Yes we can, but I’ll be the one to choose.”

Waaa! Sayang naman! May naisip na ako eh.

Kaizer’s PoV

“Tol pwede bang ikaw muna ang magbantay dun sa CCTV?”

Anak ng! “Anong CCTV bay an? Ikaka-gwapo ko ba pagbabantay dyan?” Tanong
ko, dahil kung hindi naman eh sisibat na lang ako at lilibangin ang buong
mundo sa taglay kong karisma.

“Hindi naman, pero ikakapangit mo kapag nalintikan ka kay Boss!”


Wengya! Para namang may ipapangit pa ako. Psh. Pero mabuti na yung
sigurado. “Sabi naman sayo dude, masipag ako magbantay ng CCTV, gusto mo
ipag-hele ko pa para makatulog eh.”

“Puro ka kalokohan Lampe.”

“Kagwapuhan tol”

“Lee, mauuna na ako sa kotse.” Tawag sa kanya ng kakababa lang na si


Fauzia. Ibang klase din tong dalawang to mukhang nagkakamabutihan na ah!

“Sige tol una na kami.”

“Bata pa tsong.”

Napakamot na lang ako ng ulo. “Anak ng tinola. Bakit ba pati CCTV


kailangan pang bantayan? Hindi naman tatakas yan. Aish!” Maktol ko habang
padabog na umaakyat ng hagdan papuntang control room.

“O sis? Aalis ka din?”

“Obviously Max.” Masungit na sagot nya nung nagkasalubong kami sa hagdan.


Pababa n asana sya nung nagtanong pa ako. “Saan lakad?”
“May inutos lang sakin si Ma’am Aemie.” Sagot nya. “And you? Wala ka bang
gagawin? You could at least help me.” Dagdag pa nya.

“Gusto ko sana. Kaso alam mo namang patokna patok ang kapatid mo sa mga
chiks, kaya pass muna siguro sis. Ayoko pagkaguluhan, kahit ngayong araw
lang. Gusto ko muna ng break.”

And as expected tinaasan nya ko ng kilay. Pfft. “Whatever you say Max.”
Naglakad sya pababa habang wine-wave ang kamay nya sakin.

Ihahakbang ko n asana ang paa ko paakyat nung may gagong sumulpot sa


harap ko at dali-dali ding nanakbo pababa.

“Yo Mei! Hintay! Sasama ako!”

Tinignan ko ng masama si Lerwick nung magkatapat kami. Gagong to. Kapatid


ko naman ang didiskartehan pagkatapos sa kapatid ni Boul?

Aba’y matinde!

“Wag kang mag-alala tol. Sasamahan ko lang naman si Mei. Kahit anong
mangyari, ikaw lang laman ng puso’t isipan ko. Kaya wag ka na magselos.
Pfft.” May pagkagat pa ng labi na nalalaman ang gago saka kindat ta saka
mabilis na tumakbo pababa.
“Ulul!” Pahabol ko.

“Labyuu too!”

Wengya talaga yung gagong yun. Iiling iling na lang ako at saka
nakapamulsang naglakad.

“Anong mga pangalan nga ulit ang pinapahanapan ng impormasyon sa’yo ni


Ma’am Aemie, love?” Napahinto ako sa gitna ng paglalakad ko sa hallway
nung mapatapat ako sa kwarto ni Cassandra Heather kung saan may nadinig
akong boses ng nagsasalita. Naka-siwang ang pinto kaya dinig na dinig ko
ang mga boses na nag-uusap sa loob.

“Grethel Canary Lux at Satana Beatrix Lestrange.” Sagot ni Cassandra.

“Ako na bahalang maghanap ng information.” Tugon ni Spade Clifford.

Anong tinutukoy nito ni Clifford?

“Are you sure? Baka may iba ka pang ginagawa? Kayak o naman maghanap ng
information ng mag-isa, love.”

Tinahak ko na ang daan paalis bago pa man nila ako mahuli.


Grethel Canary Lux ar Satana Beatrix Lestrange.

Aemie’s PoV

“Sigurado ka ba sa gagawin natin Zeke?” Tanong ko bago isuot ang helmet


na binigay nya. May kukuhanin daw kasi kaming importanteng files dun sa
Base nung Chan ba yun?

Sya naman ay busy sa pag-aayos ng baril. Nung matapos sya ay tumingin sya
sa akin at sumagot. “Yeah” Agad akong napalunok sa sagot nya.

Kinakabahan ako!

First time kong sasakay ng motor kaya hindi ko alam ang feeling.

***

Inihinto ni Zeke ang motorsiklo sa isang bakanteng lote. Ito ba ang base
nila? Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid.

“Bakit bakanteng lote lang ang base nila? Ang boring naman.”
“Pfft. We will walk from here wife.”

“Ahh akala ko naman ito na yung base nila, hehe.”

Nung magsimula na kaming maglakad ni Zeke ay inalala ko agad kung ano ang
mga sinabi nya kanina bago kami pumunta dito.

-Flashback-

“You will walk from here, up to here.” Turo nya sa blue print nung base.

Tinignan ko ng mabuti yung blue print at saka tinandaan mula likod nung
bahay hanggang fourth floor. Pero ang daming pasikot-sikot.

“So meaning sa likod ako dadaan, ikaw sa entrance?” Paninigurado ko kasi


baka mali ang pagkakaintindi ko.

“Exactly.” Tipid na sagot nya.

“Okay dong, pero ano pala gagawin ko pagdating ko sa 4th floor?” hindi
naman kasi sinasabi pa ni Zeke. Paano nya naman pati malalaman kung nasa
fourth floor na ako? Dalhin ko kaya phone ko at mag-selfie para sure ano?
“You have to search for a flashdrive or any hard copy documents about the
auction.”

Eh?

Eh naiutos ko nay un kila Cassandra at Meisha ah! Paano kung wala akong
makuha?

“Eh ikaw dong ano ang gagawin mo?” Napaisip kasi ako bigla, kung ako ang
kukuha ng files, ano gagawin ni Zeke doon? Pwede din naman kasing sya
lang ang kumuha diba? Hindi naman siguro ganun kabigat yung flash drive.

“Ako ng bahala sa iba” Sagot nya saka ngumiti.

-End of flashback-

Huminga ako ng malalim nung huminto kami ni Zeke sa isang mataas na


pader. Siguro ito na yung likod ng base. Tiningala ko ang sobrang taas na
pader, paano kaya namin aakyatin yan?

Inalis ni Zeke ang backpack na hawak nya saka kumuha ng tali at hook. “O
ano dong magbibigti ka na kasi hindi mo din alam kung paano aakyatin yan?
Pwede naman kasing sa harap na—Waa! Astig!” Inihagis ni Zeke pataas yung
hook na ikinabit nya sa dulo ng tali saka ako inabutan ng dalawang gloves
para isuot.

“Can you climb up using this rope wife?”


“Hindi ko pa nata-try pero susubukan ko. Hehehe.”

***

“Ang saya!!!”

“Tone down your voice wife.” Paalala ni Zeke.

“Hehehe, sorry” Bulong ko. Ang saya pala kasi umakyat sa tali, tapos doon
ka din magpapadausdos pababa. Astig!

Nasa likod kami ng isang malaking puno nung iniabot sa akin ni Zeke ang
dalawang handgun. Pagkatapos ay kumuha din sya ng mga baril nya.

“Waaa! Gagamitin din ba natin yan dong?” excited na tanong ko nung kumuha
sya ng dalawang black mask. Mukha syang mask na gamit ng mga karaniwang
nagmomotor. Yung tipong bibig at ilong lang ang natatakpan. Terno pa sa
mga suot namin na itim na damit kaya nakakatuwa.

“That’s the back door.” Turo ni Zeke sa isang pinto. Walang nagbabantay
sa labas ng pinto pero may natatanaw akong mga mangilan-ngilang
lalaki na mukhng nagpapatrolya sa lugar dahil kanina pa sila paikot-
ikot.
“Are you ready?” Tumango ako pagkatanong nya. Hehe. Exciting na naman
ito.

“Get inside after 3minutes.” Paalala nya bago umalis.

Inangat ko ang long sleeves sa kaliwang part ng braso ko para-i-start sa


suot kong Barbie wrist watch ang timer.

3:00

Yan!

Maya-maya ay may nadinig akong kumaluskos sa lugar na pinuntahan ni Zeke


kaya ikinasa ko agad ang dalawang baril na hawak ko.

Eh?

“Akala ko ba Zeke sa entrance ka dadaan, bakit bumalik ka?” Hehehe siguro


natakot sya kaya bumalik sya. Naisipan na lang siguro nyang sumama sa
akin.

Inalis nya saglit ang mask na suot nya kaya lalo akong nagtaka. Ano to?
Pinatakam nya lang ako sa adventure sana na gagawin namin, tapos
sasabihin nya umuwi na kami?
“I forgot this.” Sunod nyang inangat yung mask na suot ko saka ako
mabilis na hinalikan sa labi. “I love you.” Sabi nya. “Hehehe mahal din
kita.” Nginitian nya muna ako at tinap ang ulo ko bago umalis.

Nung makaalis si Zeke ay ibinalik ko ang tingin ko sa backdoor habang


pabalik-balik ang tingin ko sa relo. Nakaka 2minutes na. Pero 1 minute pa
ang aantayin ko.

Hayy! Ang tagal nama—

Naalarma ako nung magtakbuhan yung mga lalaking nagpapatrol dito sa


likod. Sinundan ko ng tingin kung saan sila papunta.

Sa harap.

Omygod! Okay lang kaya si Zeke?

Ibinalik ko ang tingin ko sa relo dahil atat na atat na ako.

10 seconds na lang.

Inihanda ko ang mga baril at sinigurong maayos ang mask at damit na suot
ko habang nag-aantay ng 3minutes.
Lumabas ako sa pagkakatago saka mabilis na tumakbo papuntang backdoor.

Tulad ng nasa blueprint, isang mahabang pasilyo ang sumalubong sa akin


pagkapasok ko ng pinto. Tinahak ko ang daan at hinanap ang maliit na
pasilyo sa kaliwa. Sa blueprint kasi, nakalagay na may maliit na daan
dito papunta sa 2nd floor. “Dapat nandito lang yun eh.” Bulong ko sa
sarili.

Ilang hakbang pa ay may pinto akong nakita sa bandang kanan. Siguro dito
nay un.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at ingat na ingat na gumawa ng kahit


na anong ingay. Buti na lang at walang tao dito sa loob.

Inilibot ko ang tingin, pangkaraniwang salas ng mayayaman ang itsura. Ang


pinagkaiba lang ay may mga nakadisplay na alak at amoy sigarilyo din ang
paligid. Mukhang may tao dito kanina bago ako pumasok.

Nung matanaw ko ang hadganan papunta sa 2nd floor ay tinungo ko agad.


Hindi pa man ako nakakatungtong sa 2nd floor ay nadidinig ko na ang
takbuhan ng ilang tao kaya nagmadali akong umakyat.

Pagdating ko ng 2nd floor ay natanaw ko ang ilang mga lalaki na may


sinisilip. Madilim sa lugar na kinaroroonan ko kaya paniguradong hindi
nila ako napapansin.

Omygod! Si Zeke yun ah!


Tanaw na tanaw ko mula dito si Zeke na nakikipag-barilan sa ibang lalaki.
Pero walang ingay na nanggagaaling sa sa mga baril nila. Waaa! Yun pala
pag naka-silencer no? Astig!

Ibinalik ko ang tingin sa ilang lalaking nakatayo. Mukang may pinaplano


silang hindi maganda dahil nakatanaw lang sila sa direksyon ni Zeke.

Kumuha yung isang lalaki ng isang sniping rifle, ang isa ay kumuha ng
shotgun, ang ilan naman ay naglabas ng kani-kaniyang handgun. Halos
sabay-sabay nagkasa ng baril at kasabay ng paglabas nila ay lumabas din
ako sa madilim na lugar at saka isa-isa silang pinaputukan.

Lumingon sa direksyon ko si Zeke na halatang nagulat din sa mga


pangyayari kaya kinawayan ko sya. Hehehe. Kinindatan nya ako at saka
itinuro ang isa pang daan pataas. Tumango ako at naglakad na ulit
paakyat.

Sya naman ay tumalikod at naglakad sa kabilang direksyon.

Madami akong dinaanang pasilyo bago ako makatungtong sa hallway na dapat


ko puntahan.

Habang hinahanap ko yung kwartong pupuntahan ko ay may nadinig akong


pamilyar na boses.

“Lalabas ako para tignan.”


“Don’t. Baka may makakita sayo. Bring this with you, there’s a secret
passage behind that door.”

“Saan ang labas ko nyan?”

“Somewhere in Southwoods highway, if my memory was right, it’s near a


ministop.”

Southwoods highway? Ministop?

Dali-dali kong kinuha ang phone na hawak ko at saka itinext si Meisha.

Meisha, mag-abang ka sa ministop sa southwoods highway now. Paki-text sa


akin agad kung may napansin kang kakaiba.

Naglakad na ulit ako papunta sa kwarto na pupuntahan ko at saka dahan-


dahang pumasok.

Sebastian’s PoV

“Lerwick ibalik, dun tayo sa Southwoods highway.”

“Huh? Kakalampas lang natin dun ah!”


“Basta ibalik mo, paki-bilis. Urgent to”

Mabilis kong ipinihit ang sasakyan pabalik-balik. Buti hindi traffic.


Sinulyapan ko si Meis na hawak ang cellphone nya.

Ang akala ko ba mangangalap kami ng impormasyon tungkol sa iba’t-ibang


Mafia Organization. Tapos takte! Biglang Southwoods? Tsk! Mga babae
talaga, paiba-iba isip.

“Dun tayo sa may ministop” Turo ni Mei sa isang ministop kaya pinark ko
agad ang kotse.

Napakamot na lang ako ng ulo sabay iling nung maupo sya sa may steel
chair sa labas ng ministop.

“Sana sinabi mo agad Babe na date pala ang gusto mo.” Tinignan nya ako ng
masama saka nagsalita. “Bumili ka nalang ng pagkain sa loob may aantayin
lang ako dito.”

Kinindatan ko si Mei saka sisipol-sipol na pumasok sa loob.

2 choco latte in can at dalawang ham and cheese sandwich lang ang kinuha
ko. “Good evening, sir.”
“Good evening Miss Beautiful.” Nagblush pa ang cashier pagkabanggit ko ng
Miss Beautiful kaya ngumiti ako. Ang cute nya takte!

“Meron sana kaso hindi ko alam kung pwede.”

“Pwede pa naman po, sige lang Sir, ano po ba gusto nyo i-add, ako na ang
kukuha.”

“Yung number mo sana Miss, gusto ko i-add sa phonebook.”

Mas lalo akong natawa nung kinilig pa sya. Kaso takte! Nasaan ba ang
cellphone ko? Kinapa ko na lahat ng bulsa ko pero di ko mahanap kung
nasa—shit! Nasa dashboard ata ng kotse! Aish!

“Mamaya na lang Miss, babalikan ko nalang bago kami umalis.” Kinindatan


ko ulit ang cashier bago inabot ang mga binili ko.

Paglabas ko ng ministop, nadatnan kong may kausap na lalaki si Mei.

Takte! All of a sudden, nagkaramdam ako ng inis.

Binilisan ko ang lakad papuntana sa table. “Tristan Klein?” Patanong na


bati ko.
Tinignan nya lang ako saka ibinalik ang tingin kay Mei. “Aalis na din ako
love.” So sya pala ang inaantay ni Mei?

****

Mag-iisang oras na kaming nakaupo dito sa labas ng ministop mula ng


makaalis si Klein. Akala ko kanina si Klein ang inaantay pero mukhang
hindi naman. Pasensya na! Gwapo lang, nagkakamali din.

Ibinaba ko ang zipper ng hoody jacket na suot-suot ko at saka inalis.


“Mei oh, isuot mo.” Lumalalim na ang gabi, naka-sleeveless pa naman sya.

“Thanks.”

“Ilang oras ba tayo mag-aantay dito? Gusto mo ba umorder ako sa loob ng


hot coffee? Pag-aalok ko.

“Hindi na siguro, aalis na din tayo maya-maya.” Nakatitig lang ako kay
Mei at kanina pa sya ganyan. Oh well lagi naman syang ganyan. Mukhang
malalim lagi ang iniisip.

“May problema ba Mei?” Sa dami ng babaeng nakilala at nakasama ko, alam


na alam ko na kung kalian sila malungkot, masaya, kinikilig, nababadtrip.
And this time, I can feel her sadness.

“No, wala. May iniisip lang ako.” Sagot nya.


I sighed saka nagsindi ng yosi.

Naka-ilang hithit ako ng sigarilyo bago sya nagsalita.

“Lerwick, why do I have this feeling na may hindi sinasabi sa akin si


Tristan?” I paused, finding for the right words to say. “I feel like,
nandyan sya pero parang ang layo-layo nya sakin.” She continued.

Nakinig lang ako sa sinasabi nya. I don’t know what to say. “Last time na
nag-uusap kami, our topic was about kung may alam sya sa nangyari kila
Ma’am Aemie.” As if on cue, mabilis ko syang nilingon at nagtanong. “Ano
ang sabi nya?”

“Nagalit sya at nag walk-out.”

I sighed again. Posible nga kayang may kinalaman sya?

“Kanina nag-text si Ma’am Amie. She asked me to go here. At sabihin sa


kanya if something suspicious appeared. Never did I thought na makikita
ko si Tristan dito.” Tumikhim ako when I saw tears coming from her eyes.

Dumukot ako ng panyo saka nag-iwas ng tingin. Amputs! Ayokong-ayoko sa


lahat, nakakakita ng mga babaeng umiiyak. “Oh” iniabot ko sa kanya ang
panyong puti pero hindi ako sa kanya tumingin.
“Was it a coincidence? O talagang may kinalaman sya?” Umiyak na tanong
nya.

“Tahan na, mag-antay-antay muna tayo dito, baka naman coincidence nga
lang.” Pilit kong pinapagaan ang loob ni Meisha kahit parehas kaming
aware na isang oras na kaming nandito.

Aemie’s PoV

Pagkarating pa lang namin nagtimpla agad ako ng dalawang cup ng kape.


“Zeke oh” Iniabot kay Zeke ang kape saka umupo sa tabi nya.

Eksakto kasing pagkarating namin dito sa hotel ay bumuhos ang malakas na


ulan kay medyo malamig.

“Thanks. I love you, wife.”

Nakakapagod.

Ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng katawan ko dahil sa dami ng ginawa


ko buong araw. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Zeke. Napapapikit na
ako pero pilit ko iminumulat ang mga mata kong antok na antok na.

“Magpahinga ka na, ako na bahala dito.” Sabi nya.


Antok na antok na talaga ako, konting hele lang sakin pakiramdam ko
makakatulog na ako pero pinipilit kong huwag makatulog dahil gusto kong
panuodin ang ginagawa ni Zeke sa laptop.

***

Day of the Auction

Formal attire ang requires na isuot sa auction. Si Zeke ang nagpabili ng


mga damit namin. Pansin ko lang ano, ang hilig nya sa black. Eh mas
maganda naman ang pink.

Long black gown kasi ang binili nya sakin, sa kanya naman ay blak suit.

Komportable yung gown dahil hindi fitted yung ibaba kaya kahit mag-
chinese garter pa ako ay okay lang. Hehehe.

Kinuha ko ang baril na nasa ibabaw ng vanity table saka inilagay sa gun
pocket na nakatali sa may hita ko. Sunod kong iniayos ang buhok ko.
Itinali ko at ipinusod saka nilagyan ng pocket knife.

Pinag-ekis ko yung pocket knife para magmukhang deisgn. Habang tumatagal


natututo ako ng mga ganitong bagay. Hehehe kaya nakakatuwa.
“You’re damn beautiful wife.”

Ngumiti ako sa kanya saka humarap. “I love you Zeke.” Wika ko bago sya
hinalikan. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa.

Basta alam ko mahal ko si Zeke.

Jacob’s PoV

Inaayos ko ang necktie na suot ko nung may biglang magsalita. “Saan ang
lakad mo Lee?!”

Bihis na bihis din si Spade Clifford na ipinagtaka ko. “Lee and I will
have a date.” That’s Fauzia, and thanks to her dahil hindi ko din alam
kung ano ang isasagot ko. “How about the both of you?!” She added, while
looking at Clifford at saka pababa pa lang din na si Cassandra Heather.

“None of your business.” Sagot ni Clifford. He then grab Cassandra’s hand


at saka tinahak ang daan palabas.

Sunod na nagmamadaling bumaba ay si Meisha. “Are they gone?!” Tanong nya.


Sumilip si Fauzia sa kurtina ng bintana before answering Mei. “Yes.”

-2 days ago, flashback-

Nakatanggap ako ng isang text messagemula kay Ma’am Aemie.

Meet me at Heartily’s Villa in Northville, today. (9:00PM)

It’s already 7:30PM at may kalayuan ang lokasyon kaya minabuti kong
dalhin ang motorsiklo ko. Pagdating sa lugar na nakalagay sa text message
ay napansin kong may mga naka-park na din na sasakan.

Tila ba may mga nauna ng dumating sa’kin.

Shiit ano to set-up?

Bumunot agad ako ng baril at saka marahan na pumasok sa loob.

“You’re one minute late.”

Nabigla ako sa tono ng boses ni Miss Aemie hanggang sa ngumiti sya. Aish!
“Joki-joki lang Jacob, actually wala pa din si Kaizer kaya wait una tayo
ng konti.”
Nung inilibot ko ang tingin ko ay napansin kong may mga nakaupo din.

“Yo baby Lee!” Si Lerwick.

“Ulul” Bati ko din sa kanya.

Maging si Fauzia, Cassandra at Meisha ay nandito. “Nasaan si Boss?” Usisa


ko.

“Yo! Sorry, alam ko namang sabik na sabik kayo makita ang gwapo kong
mukha” Tss. That’s Kaizer. Kahit kalian talaga tong gagong to.

“Yan kumpleto na!” Tuwang-tuwa na sabi ni Ms. Aemie at saka naupo sa dulo
ng lamesa.

“Siguro unang mapapansin nyo dito kung bakit wala si Zeke. That’s because
hindi nya din alam ang tungkol dito.”

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Ms. Aemie. She stood up saka isa-
isang lumapit samin at nag-abot ng papel.
“I compiled all the information na pinakuha ko sainyo. Remember the email
and text messages I sent?” Sa pangalawang pagkakataon ay nagkatinginan
muli kami.

Hanggang ngayon ay wala pa din kaming naiintindihan sa nangyayari.

“Zeke’s in trouble.” Sabi ni Miss Aemie pagkaupo nya.

“A-anong ibig mong sabihin Miss Aemie?”

Ngumiti sya sa amin, pero yung ngiti nya halatang nasasaktan.

“He was the one who set-up everything.”

A/N:

Thanks sa mga pumunta kanina sa Taytay ha! <3

August 2 - SM Clark.

Bumili kayo book haaaa! Oh come one, thank youuuu :*

=================

Chapter 8

Louie’s PoV
Tulad ng ipinayo ni Caileigh, medyo umiwas muna ako kay Momo. Siguro mas
mabuti na din yun para hindi sya nahihirapan at nasasakal. Sobra na nga
siguro akong nagging clingy. Aish!

“Isa pa nga nitong Bourbon neat” Sabi ko sa bartender. Kanina pa ako dito
at hindi ko alam kung hanggang kalian ko planong manatili dito. Siguro
hanggang malasing na lang ako ng tuluyan.

“One Mojito please.” Mabilis kong ibinaling ang tingin sa babaeng umupo
sa tabi ko. Psh. Akala ko naman si Momo, iba pala. Tch! Bakit ba si Momo
na lang lagi ko naiisip? *pout* hindi nya ba kasi ako nami-miss? Ang
tagal ko nang hindi nagpaparamdam sa kanya ah.

Samantalang sya, miss na miss ko na.

“If I’m not mistaken, you are Shan Venice’s twin brother.” Pakiramdam ko
ay binuhusan ako ng malamig na tubig nung madinig ko ang pangalan ni
Shan.

“K-kaibigan ka ba nya?” Nauutal na tanong ko.

Doon na sya magsimulang mag-kwento tungkol kay Shan.

***
Nakangiti ako ng mapait habang iiling-iling na inaalala si Shan at
pinapakinggan ang kwento ni Grethel. How I love my twin sister.

“She’s a very good friend of mine.” Nakangiting sambit nya pagkatapos


uminom ng Mojito. “And I am so glad na nakilala kita.” Dagdag pa nya.
Hinawakan nya ang kamay ko na naka-hawak sa isang baso ng alak. “It’s my
pleasure to meet one of her friend.” Sagot ko.

Sana nakikita kami ni Shan ngayon. I’m sure matutuwa sya kasi kausap ko
kaibigan nya. “Thanks for sharing your memories of her.” Sabi ko pa. Kasi
kahit saglit nakalimutan ko si Momo. Bukod pa doon nagkaroon ako ng
kausap tungkol kay Shan.

“You can call me anytime kung gusto mo ng kausap.” She smiled sweetly and
gave me a card. Then the next thing I knew, she’s kissing me.

After the kiss, ay naglakad na sya paalis. Wala akong ibang ginagawa kung
hindi ang titigan sya na naglalakad palayo.

“Grethel Canary Lux.”

Jacob’s PoV

“He was the one who set-up everything.”


Mas lalong gumulo ang mga nasa isip ko. Damn! ‘Zeke’s in trouble’ tapos
‘He was the one who set-up everything.’?

Ako lang ba ang walang alam sa nangyayari?

Tinignan ko ang mga kasama ko at hindi maikakaila na maging sila ay


nagulat din.

Walang nagsasalita. Lahat kami ay naka-abang lang sa mga sunod na


bibitawang salita ni Miss Aemie.

“Napansin ko lahat ng pagbabago mula nung gabing pag-bantaan kami ni


Wallace Martin Lionhart. Simula nun, lagi na syang may ginagawa.” Tumigil
si Ma’am Aemie at bahagyang tumingin sa itaas, mukhang nag-iisip. “Pero
talaga naman lagi syang may ginagawa.” Sabi nya habang nakalagay yung
hintuturo nya sa may chin. Pfft. Tumingin sya ulit sa amin nung tapos na
syang mag-isip. “Ang kaso lang nag-iba mga kilos nya.”

Tahimik pa din kami at nakikinig ng mga kwento nya.

“Someone’s blackmailing Zeke.” Humigpit ang hawak ni Miss Aemie sa mga


papel na nasa harap nya. “At pakiramdam ko nangyari ang lahat ng yun,
pagkatapos nung gabing may mangyari sa apartel.” Tumigil sya sa
pagsasalita saka isa-isa kaming tinignan.

“Ilang araw na ang nakaraan, isinama nya ako. Ang sabi nya pupunta daw
kami sa base nung Chan para kumuha ng importanteng files. Naglalakad ako
sa isang hallway nung may madinig akong boses ng mga nag-uusap. That
time, hindi pa ako sigurado kung kaninong boses ang narinig ko. Pero this
time, hindi ako pwedeng magkamali.”
Saglit akong nakaramdam ng kaba. Seryosong-seryoso na nagsasalita si Ms.
Aemie.

“Si Zeke at si—“ Tumingin si Ms. Aemie sa gawi ni Meisha Lamperouge. “—


Tristan Klein, ang mga nadinig kong nag-uusap.”

Mabilis na napatayo ang kapatid ni Lamperouge na si Meisha. “A-ano? P-


paano?” Naguguluhang tanong nya. “I-ibig sabihin, t-traydor si Tristan?”

“No Meisha, you don’t get it. The mere fact na si Zeke ang kausap nya.
Meaning Zeke trusts him. Kaya imposibleng traydor si Tristan.” Paliwanag
ni Ms. Aemie. “Like what I’ve said, Zeke’s in trouble Mei. Pero
naniniwala ako na ginagawa nya ang lahat ng ‘to para walang mapahamak.”
Dugtong pa ni Ms. Aemie.

“I highly agree!” Singit ko. Kilala ko si Boss, hindi sya gagawa ng kahit
na anong ikapapahamak ng Roswells at Yaji.

“How about Spade? Bakit hindi sya kasama dito? Does it mean na hindi
natin sya dapat pagkatiwalaan.?” Maging si Cassandra ay hindi na din
napigilang hindi sumingit sa usapan.

Tinignan sya ni Ms. Aemie at binuklat ang papel. “Take a look at this
Cass, yung information na binigay mo sakin about Grethel Canary Lux at
Satana Beatrix Lestrange is different from what Kaizer sent.” Agad kong
binuklat ang pahina kung saan makikita ang sinasabi ni Ms. Aemie.

May label ang dalawang magkaibang information. Tama si Ms. Aemie,


magkaiba nga ang information na binigay nila. “What? P-pero—“ Magsasalita
sana si Cassandra nung magsalita si Ms. Aemie. “Spade, gave you wrong
information. Pero hindi naman ibig sabihin traydor na si Spade. Somebody
asked him to do that.”

“Si bossing?” Singit ni Lerwick.

“Oo.” Tipid na sagot ni Ms. Aemie.

“Si Boul at Shin, kasama din ba sila ni Bossing?” Tanong ulit ni Lerwick.

“Yes, sila ang kasama namin the next morning after sa apartel. I even saw
Milka following me sa supermarket. Kaya no doubt, kasama din sila ni
Zeke.”

Unti-unti, medyo nagiging clear na sa akin ang lahat. Mukhang pumili si


Boss ng mga makakasama dahil ayaw nya malaman agad ni Ms. Aemie ang
nangyayari. “Silang dalawa din ang nasa CCTV, meaning they’re up to
something.” Sabi ko.

“Right Jacob.” Miss Aemie smiled at me. “They’re up to something. But the
thing is, hindi ko pa alam kung ano yung something na yun.” She added.

“Pero isa lang ang sigurado ko, somebody’s blackmailing him, or worst,
baka hindi lang si Zeke ang bina-blackmail, possible ding silang lahat.”

Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi ni Ms. Aemie. Kaya ba umiiwas sila
makipag-usap samin? Kasi ayaw nila kami madamay? Darn! Dapat sinabi nila
agad.
“ And mukhang trip pa nilang ubusin ang pera ni Zeke.” Kumunot ang noo ko
dahil sa sinabi ni Ms. Aemie.

Binuklat nya ulit ang papel kay maging kami ay bumuklat din.

“Humingi ako ng copy ng mga transaction ni Zeke sa bangko. Ilang ulit


syang nag-withdraw ng malalaking amount ng pera.”

For the third time nagkatinginan kaming lahat. “Para saan to Ms. Aemie?”
Tanong ko habang pinapakita kay Ms. Aemie ang listahan ng mga kung ano.

Complied list ng mga i-o-auction.

Compiled list ng mga Mafia Org.

“I think I get it.” Biglang nagsalita si Fauzia. “Mukhang hindi lang isa
ang nagba-blackmail kay Mr. Roswell.”

“Yan din ang nasa isip ko.” Pag-sang ayon ni Lampe. “Dahil imposible
namang matinag si Boss sa iisang grupo lang.”

“At kung ano man ang ginagawa ni Love, Spade, Boulstridge at Milka, I
think we should trust them.” Singit ni Meisha.
“Pero hindi tayo dapat magpahalata na alam na natin.” Naka-smirk na sabi
ni Lerwick.

“Basta talaga kalokohan Lerwick.” Sagot ko, mukhang gusto na naman nya
pagtripan si Boul. Psh. Puro mga kalokohan.

Tumikhim si Ms. Aemie sa gitna ng pag-uusap namin kaya natigilan kaming


lahat.

“Balak ni Zeke mag-bid sa lahat ng nasa list ng i-o-auction. ”

“Seriously? Ang dami nito ah!”

“Takte! Ano naisipan ni Boss? Mag-aaksaya sya ng pera para dito?”

Napahilamos ako ng mukha dahil sa sinabi ni Ms. Aemie.

Almost 100 different kind of items ang i-o-auction, at hindi bababa ng


isang milyon ang starting bid ng mga items. At sa tinagal-tagal ko ng
nanunuod ng at nagpaparticipate ng auction, minsan umaabot ng hundred
million ang mga bids. Dahil ang karamihan ay nakikipag-kumpitensya pa at
nakikipag-pataasan ng bid.
Aish! Problema to.

“Hindi ko din alam kung anong plano ni Zeke gawin sa mga yan, basta ang
alam ko ay balak nyang iuwi lahat yan.” Tinignan namin si Ms. Aemie.
Halatang nahihirapan din sya sa sitwasyon nya ngayon.

“Pag nagpatuloy to, hindi malayong mangyari na maubos ang pera ni Mr.
Roswell, kahit gaano pa yun kadami.” Nilingon ko si Fauzia na nakatitig
lang sa papel at mukhang malalim ang iniisip, maging ay iba ay ganoon din
ang ginagawa.

“Kaya ko nga kayo pinapunta dito eh.” Sabay-sabay kaming lumingon kay Ms.
Aemie na nakangiti sa amin.

“Tutulungan natin sila Zeke, aalamin natin ang lahat—“ Nakaramdam ako ng
excitement sa mga binitawan nyang salita. “—Pero bago yon, pipigilan muna
natin ang auction, at kukuhanin lahat ng items.”

“Gusto ko yan!” Agad na pagsang-ayon ni Lerwick.

“Nice baby!” Isa pa to si Lamperouge na halatang tuwang-tuwa din sa mga


sinabi ni Ms. Aemie.

“I love the idea.” Maging sila Fauzia, Cassandra at Meisha ay napangiti


din.
Ibinalik ko ang tingin kay Ms. Aemie. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig.
Noon akala ko, si Boss ang magpoprotekta sa kanya, pero ngayon...mukhang
kabaligtaran ang nangyayari.

-End of Flashback-

“Lee, ano pa tinayo-tayo mo dyan? Baka ma-late tayo.” Nilingon ko si


Fauzia na naghahanda ng mga baril. She looks—“Beautiful”

Tumaas ang kilay nya which I didn’t expect. “What?” Shit nasabi ko ba ng
malakas?

Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon at kunwari ay wala akong


sinabi “W-wala” Sagot ko, at saka nagsimulang maglakad palabas ng pinto.
“Tara na, baka nga ma-late tayo.” Pag-aaya ko.

Kaizer’s PoV

“Pakibilis-bilisan naman ang mga kilos! Mygosh! Malapit na magsimula ang


kukupad.” Umupo ako sa isa sa mga monoblock chairs para magpahinga. Saka
pinunasan ang pawis ko sa noo. Wengya! Dapat si Lerwick ang nagta-trabaho
dito eh.

“Hoy ikaw!” Itinuro ako nung baklang organizer gamit ang malaking
pamaypay na hawak nya, takte! Napansin pa yatang namamahinga ako. “Yes
baby?” Naka-smirk na sagot ko sa kanya. Pfft, halos masuka ako nung
nagkagat labi sya. Ka-lahi ni Lerwick amputs. Agad syang lumapit sa akin
at may pag-pisil pa sa braso kong nalalaman. Anak ng tinola naman! “Pagod
ka na baby? Gusto mo magpahinga?” Lalaking-lalaki yung boses nya pero may
landi ang bawat katagang binibitawan.

Wala naman akong galit sa mga bakla pero anak ng pating naman. Ang gwapo
kong to, sa bakla mapupunta? Madaming iiyak na magagandang dilag. At
hindi ako makakapayag.

Marahan kong inaalis ang nakapulupot na kamay nya sa braso ko. “Baby,
pwede bang ako na lang mag-check ng mga items sa VIP room.” Sinubukan
kong maging sweet ang tono sa kanya para pumayag sya.

“Sure b—“

Tinakpan ko na ang bibig nya para hindi na nya maituloy pa ang sasabihin
nya. Amputa! Nandidiri ako tuwing naririnig ko yung term na
‘baby’. “Gimme the keys.” Malambing na sabi ko habang hinihimik ang
cheeks nya. Amfufu!

Nung maiabot nya sakin ang susi ay kumaripas na ako ng alis.

“Bumalik ka agad baby ha!” Pahabol na sabi nung bakla.

Kinindatan ko na lang sya, para naman hindi makahalata.

Tinungo ko ang VIP room na pinaglalagyan ng mga items, nanggaling na din


kami kanina dito ni Lerwick pero kailangan ko pa ding makasiguro.
Puno na ng security ang buong hotel, hindi tulad kanina. Pagkapasok ko sa
VIP room ay may dalawang malalaking lalaki agad na sumalubong sa akin at
kinapkapan ako, “Oh men! Wag dyan mga dude, baka mamaya maging dalagang
pilipina ka.” Naka-smirk na awat ko sa isang lalaki nung makarating ang
kamay nya sa may maselang bahagi ng hot na hot kong katawan.

Aba mahirap na! Magaling na ang sigurado.

Nung papasukin nila ako ay isa-isa ko ng inispet ang mga items kung
napalitan na lahat. Pfft. Natatawa ako, ang galing din kasi nilang
maghanap ng replica nitong mga to eh.

At kung hindi ako nagkakamali, nagpagawa pa si Aemie ng katulad na


katulad nitong manika.

“Hoy, hindi ka pwedeng magtagal dyan, bilisan mo.” Paalala nung isang
lalaki.

“Yes boss. Patapos na ako mag-inspect.” Sagot ko.

Paglabas ko ay agad na naman nila akong kinapkapan. Tanginang lupit


talaga ng karisma mo Kaizer Maxwell Lamperouge, lahat ng kasarian
nahuhumaling sa kagwapuhan ko.

Nung matapos ay naka-smirk na akong naglakad patungo sa pupuntahan ko.


-Flashback-

“12 hours bago mag-umpisa ang auction, kailangan mapalitan nyo na ang mga
items. Dahil pagdating ng tanghali, maghihigpit na ang seguridad ng buong
hotel hanggang gabi.” Paliwanag ni Aemie.

Hindi ko mapigilang hindi mapabilib kay Aemie. Dahil halos parehas sila
ni Ezekiel. Bago sya magpatawag ng meeting ay planado na ang lahat.
Kumbaga sa kanin, nakahain na at isusubo na lang namin.

“Sebastian at Kaizer, kayo ang bahalang magpalit. Nasa kwarto sa itaas


nitong bahay ang mga Replica nung mga items na i-o-auction.”

“No prob.” Naka-okay sign na sagot ko.

“Areglado Ms. Aemie.”

Ngumiti sya bago ulit nagsalita. “Kayo na din ang bahalang gumawa ng
paraan para hindi matuloy ang aution.”

“Kahit anong paraan ba yan Ms. Aemie?” Tanong ni Lerwick, mukhang excited
ang mokong na to ah.
“Hindi, kasi may naisip na ako.” Nakangiting sagot ni Ms. Aemie sa kanya.
Dahilan para lalo akong ma-excite. Hindi ba exciting na kung dati ay si
Ezekiel ang nagpa-plano ng lahat, ngayon si Aemie na?

Wengya!

-End of Flashback-

Tinignan ko ang oras sa relos na suot ko., 30 minutes pa bago mag-simula,


pero naka-ready na ang lahat. Oras na lang ang kailangang bilangin.
Siguro mabuti pa ay mag-ikot-ikot muna ako.

Milka’s PoV

“Kuya sigurado ka bang hindi na ako sasama sa’yo?” Kanina ko pa kinukulit


si Kuya Vash. Gusto ko kasing sumama sa Auction, alam ko delikado para
samin na magpagala-gala doon, pero gusto ko din namang tumulong.

“Wag muna baby Mik, utos din yun ni Boss.” He replied before shutting the
door.

Padabog akong pumunta sa may bintana at tinanaw ang paalis na sasakyan ni


kuya habang malakas ang buhos ng ulan.
-Flashback-

“How’s my wife?” Seryoso si Kuya Ezekiel na nakaupo, while puffing his


stick of cigarette. Kakalabas ko lang ng kwarto kung saan ay mahimbing na
natutulog si Ate Aemie.

“She’s okay na kuya, mahimbing pa din ang tulog nya.”

“Good.”

“Boss, hindi kaya maghinala sa’min sila Lee? Gago pa naman ang mga yon.”
Tanong ni Kuya Vash.

“Just let them.” Sunod-sunod ang pag-puff ni Kuya Ezekiel ng sigarilyo.


He’s obviously in his serious mood, but still napaka-calm nya. “Ano
huling utos sa inyo sa kabila?” Tanong ni Kuya Ezekiel.

I sat beside kuya Vash “Uhh mag-spy sa Yaji at Roswells. Yan pa lang kuya
Ezekiel.” Singit ko sa usapan nilang dalawa.

-End of Flashback-

I shook my head. This is what I wanted, gusto kong maging member ng


Mafia, but I never thought na ganito pala kahirap. I mean ganito ka-
complicated. As if we’re trapped on a big maze. We don’t know where to
go.
Hindi naman siguro lahat, siguro kaya lang ako nahihirapan dahil sa
sitwasyon namin ngayon. I took a deep sigh. Pinunasan ko ang bintana na
natabunan na ng moist.

-Flashback-

Aligaga ako sa paglalakad nung matanaw ko si Tita na nakaupo na sa table.


She’s holding the menu. “Tita Alyana, Sorry po natagalan ako. Si kuya
Vash kasi eh, ayaw agad ako payagan umalis.” Saglit nyang ibinaba ang
menu then smiled at me. “It’s okay Milka, maupo ka.”

After kong makaupo ay inayos ko ang buhok at damit ko. Nakakahiya naman
kay tita Alyana, ang haggard pa ng itsura ko. Ang lakas pa naman ng ulan
sa labas.

“Anong gusto mo, don’t worry it’s my treat.”

“Uhmm kahit ano nalang po tita. Pinakain din kasi ako ni kuya bago
umalis.” Si kuya Vash ginagawa lagi akong bata.

“Alright. Two cappuccino and two black forest cake.”

Nakatingin ako kay tita Alyana habang kausap ang isang waiter. Simula
nung nalaman kong sya pala ang Queen ng Yaji. Naiilang na ako makipag-
usap sa kanya, unlike noon na ordinaryong tita lang ang tingin ko sa
kanya. Kung kumilos kasi sya at kung mag-salita, napaka-pormal. Parang
ang taas-taas nyang tignan.
Pasimple kong tinitignan ang ayos ng damit ko, kung maayos na ba.
Inilagay ko pa sa tenga ang ilang hibla ng buhok ko. Hanggang sa hindi ko
napansin na nakatingin na pala si tita Alyana sa’kin. “After a month,
aalis kami ni Eiji.” I stopped, literally. “But not because we’re not
around, iiwan na namin ang Yaji.” She continued. “We’ll be leaving for a
reason.”

I keep quiet at nag-antay lang ng mga sunod na sasabihin ni tita.


“Roswells and Yaji will be facing a big trouble.” For a moment naguluhan
ako bigla. If Roswells and Yaji will be facing a big trouble, bakit aalis
sila ni tito?

-End of Flashback-

Umalis ako sa tapat ng bintana at saka pumasok sa loob ng kwarto.

I pulled a drawer on my bedside at saka kinuha ang isang itim na box with
a gun inside.

Nung una, hindi ko naintindihan kung ano ibig sabihin ni tita. Pero
ngayon malinaw na sakin ang lahat kung bakit umalis si tita Alyana at
tito Eiji.

After kong maayos ang baril ay ipinatong ko muna saglit sa ibabaw ng


bedside table. Lumapit ako sa malaking closet, I opened it at kinuha ang
gown na susuotin ko sa Auction.
-Flashback-

“Hahahaha.” I am watching one of my favorite koreanovela nung napansin


kong aalis si Kuya Vash. Nagmamadali syang naglalakad palabas ng pinto,
though hindi naman bago sa’kin ‘to. “Gabi na ako uuwi, lock mo ang mga
pinto ha. Bye baby.”

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napahawak ako sa dibdib ko dahil


bigla akong kinutuban. “Saan ka pupunta kuya?” I asked, turning my head
to face him, pero dire-diretso lang syang lumabas ng pinto.

Ibinalik ko ang tingin sa T.V. Pero yung utak ko occupied na ng gagawin


ni Kuya Vash.

*****

‘Kuya Vash?’ I said to myself. ‘What is he doing here?’ Nakatago ako sa


likod ng isang sasakyan, almost 10 meters away from where he is. But I
can’t be wrong.

May hawak si kuya pero hindi ko alam kung ano, it’s an attaché case. Si
kuya Vash, nakikipag-transact sa mga hindi ko kakilalang lalaki.

I was about to leave nung may maramdaman akong matigas na bagay na


nakatutok right behind my head. “Where do you think you’re going little
rat?” My eyes widened. Hindi ko pa man nililingon kung sino yun
kinakabahan na ako. Boses ng babae ang nagsalita.
Nanlalambot ang tuhod ko dahil hanggang sa makaharap ako ay naka-tutok pa
din ang baril nya sa’kin. “Dalhin nyo sya doon.” Utos nya sa dalawa pang
kasama nyang lalaki na hindi ko din kilala.

Hiniklat nung isang lalaki ang kaliwang braso ko. Halos makaladkad ako sa
higpit ng pagkaka-hawak at bilis ng paglalakad namin.

Natatakot akong magsalita dahil may naka-tutok na baril sa likod ng ulo


at maging sa may bandang mukha ko. Pero mas lalo akong natatakot sa
sasabihin ni kuya Vash sa’kin pag nakita nya ako.

“We have a new member here.” Pagkabanggit na pagka-banggit nung babae nun
ay lumingon sa gawi ko si kuya Vash pati ang mga kasama nyang lalaki.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumungo. Tama ba yung nadinig ko? New
member?

-End of Flashback-

“Not bad.” I whispered, looking at the gown I am wearing in front of a


big mirror. Kinapalan ko ang lagay ng make-up para hindi agad ako
makilala ni kuya Vash if ever magkita man kami sa Auction hindi nya ulit
ako pagagalitan.

After few minutes of fixing myself, pumunta na akong parking to drive my


way to the Auction. Huminga muna ako ng malalim before starting the
engine of my car. Hope everything will be fine, lalo na si kuya Ezekiel.
-Flashback-

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo Milka, hindi mo baa lam na pwede kang
mapahamak sa ginagawa mong pagsunod sakin!?” Nakatungo lang ako habang
pinagagalitan ako ni kuya Vash.

“Sorry kuya, na-curious lang naman kasi ako kung saan ka pupunta kaya
sinundan kita.” Nakatungong sagot ko.

Nahihiya ako, dito pa ako sinesermunan ni kuya. Nandito pa naman si Kuya


Ezekiel.

“Nakatulong ba yang pagsunod-sunod mo sakin na yan ha? Nakita mo ba kung


anong nangyari sa’yo ha?!”

“Cut that Boulstridge.” Awat ni kuya Ezekiel. Sinubukan kong sulyapan


sya. Hindi sya nakatingin sa amin pero mukhang mainit din ang ulo nya.
Kung bakit ba naman kasi sumunod pa ako kay kuya Vash.

“Aish!!!” Asar na asar na umupo si kuya si Vash sa tabi ko. He took out a
stick of cigarette, a sign na talagang mainit ang ulo nya. Hindi naman
kasi naninigarilyo si kuya. Unless problematic or galit.

“Sorry kuya Vash.” Bulong ko habang nakatungo. I didn’t get any response
from him. Okay lang, kasalanan ko naman eh.
Hindi ko naman alam na naiipit na pala sila sa sitwasyon nila.

Tinignan ko silang dalawa. Una si kuya Vash na sunod-sunod ang pag hithit
ng sigarilyo. Nung tinignan ko si kuya Ezekiel, he’s looking at a
picture. Pinasingkit ko ang mga mata ko para mas makita ko kung ano ang
larawang tinitignan nya.

Si ate Aemie.

I can’t keep myself from smiling, pero patago akong ngumingiti. Si ate
Aemie pa din ang iniisip nya kahit na hindi sila magkasama. Ang sweet
isipin. Sana someday magkaroon din ako ng asawang tulad ni kuya Ezekiel.

-End of Flashback-

“Shit! Bwisit na traffic!” Nahampas ko na sa asar ang manibela ng


sasakyan ko. I am running out of time, dagdag pa tong pesteng bagal ng
usad ng mga sasakyan.

Kung hindi lang malakas ang ulan, at kung hindi lang ako naka-gown,
kanina pa sana ako tumakbo para makarating agad sa hotel. Halos
mapasabunot ako sa buhok ko sa asar. “Oh come on, kalian ba mawawala ang
traffic sa Pilipinas?” Sunod-sunod ang pag-businang ginawa ko. I don’t
care kung mairita lahat ng sasakyan sa paligid ko.

Kailangan kong makarating agad sa Auction.


-Flashback-

Malakas ang buhos ng ulan, pati ang pagkulog at pagkidlat. Pero hindi ako
nagpatinag. Malaki ang tiwala ko kay Kuya Ezekiel.

Papasok sana ako sa loob ng apartel na kinaroroonan nila kuya Ezekiel at


ate Aemie pero may humila sa braso ko. “This way.” I am a bit shocked and
confused at first. May nakatakip sa mukha nya, pero alam ko kung kaninong
boses yon.

Kay Spade Clifford.

“It’s not the right time para pag-isipan mo ako ng masama.” I frowned
dahil sa sinabi nya. He may be right, so I just nodded and follow him
kahit hindi ako sigurado sa ginagawa ko.

While walking, inabot nya sa akin ang mask na tulad ng sa kanya. “Mas
mabuting nag-iingat.” Bulong nya. Tumango lang ako. Wala man lang bakas
ng kaba sa boses nya, how does he manage to act as calm as this?

We went up straight to one of the apartel’s veranda until I stopped nung


may madinig akong boses. “Fuck you Lionhart!” Boses ni kuya Ezekiel yun.
At malapit lang pinanggagalingan ng boses. I think, I came on time. Hindi
pa naman siguro ako huli.
Wala man lang kahit maliit na ilaw na pwedeng magsilbi guide sa
paglalakad namin. I should be thankful dahil umuulan ngayon. Kung hindi
pa dahil sa kidlat, hindi magkakaroon ng kaunting liwanag.

“Put down your gun Roswell” Ma-awtoridad ang boses ni Wallace Martin
Lionhart.

Hindi ako natatakot na may makakita sa akin dito, dahil kabilang na ako
sa grupo nila Wallace. Kaya kahit makita nila ako dito ay hindi nila ako
pag-iisipan ng masama.

“Do not hurt my wife...Please.”

“Marunong ka na pa lang makiusap ngayon, Roswell”

Naging mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi ko namalayan na wala na si


Spade sa kinatatayuan ko. Nakarinig ako ng mga ingay at putok ng baril
kaya kahit wala ako gaanong maaninag ay naglakad ako papunta sa
pinanggagalingan ng boses ni kuya Ezekiel at Wallace kanina.

Inihanda ko ang baril na dala ko habang nakikiramdam.

“Tumakas na tayo.” Si Phoenix Strife.

***
“NASAAN NA SILA?” Hiyaw ko kay Phoenix. Malakas ang ulan at mabilis ang
pagpapatakbo nya ng motorsiklo kaya paniguradong hindi nya ako madidinig
kung mahina ang boses ko.

Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya hanggang makarating kami sa


condominium building na tinutuluyan naming ni kuya Vash. “Pumasok ka na
sa loob.” Naka-poker face na utos nya. Tumango ako at hindi na umimik pa,
si kuya Vash na lang ang uusisain ko mamaya kung anong nangyari.

“Ibigay mo ‘to kay Mr. Roswell.” Kinuha ko ang iniabot nya sa akin.
“Pinabibigay yan ni Queen.” Tumango ako sa kanya at ngumiti. “Sige.
Ingat.”

-End of Flashback-

Ipinark ko ang kotse ko sa parking lot sa ilalim ng hotel.

Paglapit ko sa guard ay ipinakita ko ang VIP card na ibinibigay sa mga


dadalo sa Auction. “This way po Ma’am” Sumunod ako sa kanya na sumakay ng
elevator. “Am I late?” Tanong ko sa guard na kasama ko. “Hindi pa naman
po nagsisimula. May kinse minutos pa po Ma’am”. Sagot nya.

---

A/N
Nakaka-miss AeZeke moments no? Nami-miss ko nga din, kasi wala akong
tinype na moment nila. <3 See you sa SM Clark (Aug. 2) at SM Lipa (Aug
3.)

=================

Chapter 9

Aemie’s PoV

Tinitignan ko ang listahan ng mga i-o-auction habang nakaupo sa loob ng


kotse. ‘Sana nakuha na nila lahat.’ Sabi ko sa isip.

Hayy.

“You seem troubled, wife. Is anything worrying you?” Tumingin ako kay
Zeke na nagmamaneho ng kotse. Ako pa daw ang troubled, eh sya nga yung
may problema. Kaya nga tinutulungan ko sya eh. Sasagutin ko pa lang sya
nung mapansin kong nasa parking lot na kami ng hotel.

Waaaa. Medyo kinakabahan ako.

Huminga muna ako ng malalim bago ko inabot ng kamay ko ang pinto ng


kotse. “Hold on.” Utos ni Zeke kaya naman tumigil ako.
Pagkatapos nyang alisin ang susi ng kotse ay mabilis syang bumaba at saka
mabilis na naglakad papunta sa may side ko at pinagbuksan ako ng
pinto. “Thank you.” Naka-ngiting sambit ko nung maka-baba na ako ng
sasakyan. Saglit ko pang tinignan ang suot kong damit pati ang suot ni
Zeke kung maayos ba. “Wait dong!” Lumapit ako kay Zeke para ayusin ang
necktie nya na hindi medyo magulo. “Ayan.”

“What a very sweet couple.” Sabay kaming lumingon ni Zeke at tinignan


kung sino man yung nagsalita. Sino naman kaya sya?

Siniko ko si Zeke ng mahina at saka bumulong “Tropa mo ba 'yan Zeke?”


Tanong ko habang pinagmamasdan ang babae.

Naramdaman ko ang paghawak ni Zeke sa kamay ko kaya lumingon ako sa


kanya. Nakatingin lang sya dun sa babae. “Yes we’re friends.” Nakangiting
sagot nung babae. Nadinig nya pala yung tinanong ko kay Zeke. “Nice to
meet you.” Inilahad nya ang kamay nya sa harap namin.

Ohh so friends naman pala sila ni Zeke, kaya naman nginitian ko din sya.

Aabutin ko pa sana ang kamay nya pero naramdaman ko yung paghigpit ng


hawak ni Zeke sa kamay ko kaya imbis na makipag-shakehands ako dun sa
babae ay—“Tara na sa loob hubby?” Pag-aaya ko.

Hindi pa man sumasagot si Zeke, hinila ko na ang kamay nya para umalis.
“Excuse us.” Sabi ko. Halata naman kasing uncomfortable na si Zeke.
Habang naglalakad kaming dalawa ni Zeke palapit sa entrance ay lumingon
ako sa likuran naming dalawa para tignan yung babae kanina.

Nakatitig yung babae sa’kin, hanggang sa ngumiti sya. Pinasingkit ko ang


mga mata ko dahil yung ngiti nya sa’kin hindi ko mai-explain kung ano
ibig sabihin. Pero isa lang ang sigurado ko, mukhang kailangan namin mag-
ingat sa kanya.

“Good evening Sir, Ma’am” Nakatitig pa din ang babae sa aming dalawa
hanggang sa maialis ko ang tingin sa kanya para ilipat ang tingin kay
Zeke.

Bumitaw sya sa pagkakakapit sa kamay ko at may dinukot sa loob ng coat na


suot nya at saka nya iniabot sa guards. VIP Card.

Saglit yun na pinagmasdan nila kuyang guard. “This way po Sir, Ma’am.”
Sabi nung isang kuyang guard. Hinawakan ulit ni Zeke ang kamay ko pero
diretso lang ang tingin nya sa likuran nung sinusundan naming si kuyang
guard. Gusto ko nga sana itanong para usisain kung ano iniisip nya, kung
may problema ba sya? Kung naiinis ba syang kasama ako.

“Woooowww!” Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng pag-gaganapan


ng auction. Iba talaga pag party ng mayayaman, sosyal lahat. Iniikot ko
pa ang tingin ko, baka sakaling makita ko sila Kaizer, pero wala naman.
“Nasaan kaya sila?” tanong ko sa sarili.

“Sinong sila?”

“Huh?” Tanong ko kay Zeke kaya kumunot ang noo nya.


Wait..

Omygod! Mabilis pa sa alas-kwatro akong napatakip ng bibig. Nasabi ko ba


ng malakas yung iniisip ko? Waaaa!

“Sinong sila ang hinahanap mo?” Tanong nya.

“Ahhh-ehh—sila ano—sila Mickey mouse at mini mouse, balita ko kasi a-


attend din daw sila ng auction.”

“What the?”

“Hehe. Joke lang dong, super serious ka naman kasi lagi.”

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at waaa! Malapit ng magsimula ang


auction. “Zeke, wait lang ah, magsi-C.R lang ako” Paalam ko. Tumango si
Zeke pero yung atensyon nya halata namang wala sa akin. Pero mas mabuti
nay un, para naman ma-contact ko sila Meisha.
Ezekiel’s PoV

I am rapidly shifting glances of the people inside the place. Same faces
of assholes whose craving for power and wealth. Tss. To be equal or to
surpass their rivals may be the primary goal of most of them, but not me.
This is not my type of game.

I turn back to see her. “Wif—“ What the? She’s nowhere to be seen. Where
the hell did she go?

“Looking for your wife?” I cover my anger with an expressionless eyes,


when a figure of a man blocked my way. I had no choice but to grit my
teeth and get on with it. “What do you want?” I asked on the asshole
standing in front of me.

“Tinitignan ko lang kung gagawin mo mga inutos ko.” He smirked.

“You’ve been on it long enough. Just wait for my turn.”

Aemie’s PoV

Kanina pa ako paikot-ikot pero wala akong makitang C.R na walang tao.
Hayy! Dapat kasi may C.R din sila for disabled. Mas okay sana kung doon
para solo ko lang at hindi na kailangan magtago pa sa ibang tao.
Halos mapasigaw ako sa tuwa nung may makita akong sign ng C.R. Mukang
tago naman tong lugar na to kaya sure akong walang tao. Hehe. Sana.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng C.R ay inilibot ko agad ang mga mata ko.


At saktong walang tao sa sa loob kaya kinuha ko agad ang phone para
tawagan sila isa-isa.

Una kong tinawagan si Kaizer para malaman ko kung ano ang nangyari sa mga
items na i-o-auction. “[Ayos na lahat] Sagot nya sa kabilang linya, kaya
binaba ko na agad ang phone.

Sunod kong idinial ang number ni guardian angel. [We’re in position.]


Sabi nya pagka-sagot na pagka-sagot nya pa lang ng phone. “Sila Cass?”
tanong ko.

[Nag-aantay na lang din po ng go signal.]

“Okay” Nakangiting sagot ko. Buti naman at okay lahat.

Sumandal ako sa lababo habang ini-scroll down ang contacts. Tatawagan ko


sana si Cassandra nung may madinig akong nag-flush sa dulong cubicle.

Saglit ko pang pinakinggan at pinakiramdaman kung may lalabas na tao mula


sa cubicle na yun pero wala.
O-MY-GOD!!!

Waaaaa! Don’t tell me m-may multo dito?

Natataranta kong inilagay ang cellphone sa pouch na hawak-hawak ko at


nagmadaling maglakad papunta sa may pinto. Pero nung lalabas na ako ay
nakarinig ako ng langitngit. Tinanaw ko sa may salamin at kitang-kita ng
dalawang mata ko kung paanong dahan-dahan na bumukas ang pinto ng
cubicle.

Waaaaaaaaaa!!!!

Kakaripas na sana ako ng takbo palabas ng CR pero bigla akong napahinto


nung may mapatingin ako sa salamin ng CR. May lumabas na babae mula sa
cubicle.

Titig na titig lang ako sa salamin. Naka-gown din naman sya kaya malamang
isa din sya sa mga bisita dito sa auction. “You are planning something.”
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Halos mapako na nga ako sa
kinatatayuan ko dahil sa pagkakatingin sa kanya. Nadinig nya pala yung
mga tinawagan ko? May pagka tsismosa din pala itong si ateng cubicle.
Hayy!

“O-kay?” Sagot ko sa kanya.

Tuluyan na sana akong aalis nung makita ko syang naglabas ng baril sa


dala-dala nyang sling bag.
Mabilis akong sumandal sa pinto, at binunot ang dalawang kutsilyo na
nakalagay sa buhok ko.

-Flashback-

“Throwing a knife is not that easy. But convenient gripping is the key.”
Pinaikot ni Zeke ang kutsilyo na hawak nya at saka tumingin ng diretso sa
akin. “Too much grip will hamper your release. While too little might
cause the knife to fly off your hand, and worst, it might hurt yourself
instead your enemy.”

Tumigil sya sa paglalaro ng hawak nyang kutsilyo at saka yun iniabot sa


akin.

“First, assume the proper stance...” Tinapik ni Zeke ng paa nya ang mga
paa ko kaya medyo inayos ko yung pagkakatayo ko. “Keep the knife a
comfortable distance from your head. It will keep you from cutting
yourself when you swing to throw it.” Tumango-tango ako habang iniintindi
ang mga itinuturo ni Zeke.

Pumwesto sya sa may likod ko at saka hinawakan ang kanang kamay ko na may
hawak ng kutsilyo. Dahan-dahan nya yun itinaas “Second, swing the knife
forward...” Kasabay ng pagsabi nya ay ang pagswing nya din ng kamay ko na
may hawak ng kutsilyo. Mabilis, at dama ko ang bigat na napunta sa kamay
ko. “Your goal is to swing your arm straight up and down so that the
knife doesn’t hit an angle.”

“Lastly, release the knife.” Pagkasabi nya nun ay binitawan ko ang


kutsilyo. At saka sinundan ng tingin ang lumilipad na kutsilyo kung saan
tatama. “A well-timed release will result to perfectly hit your target on
the area you wanted.”
Napanganga ako nung makita kong sakto sa gitna tumama yung kutsilyo.

“Ganun lang dong?” Tanong ko.

“Yeah”

“Waaaa! Ang astig!!!”

“It’s now your turn wife.”

-End of flashback-

Bago pa man maitutok sa akin ni ateng cubicle ang baril ay naihagis ko na


ang kutsilyo kamay nya. “Shit!” Daing nya nung tamaan ko ang kamay nya at
mahulog sa sahig ang hawak nyang baril.

Inilock ko agad ang pinto nitong CR at saka tumakbo palapit sa pwesto


nya. Bumunot ako ng baril at saka ko sya diretsong tinanong. “Who are
you?” Pero imbis na sagutin nya ang tanong ko ay sinipa nya ang kamay ko
na may hawak ng baril.

Waaaa! Nabitawan ko ang baril at tumalsik yun sa sahig. Nagkaroon si


ateng cubicle ng pagkakataon para kuhanin ang nahulog nyang baril. Halos
sabay lang kaming pumulot ng baril sa sahig, at nung mahawakan ko ang
baril ko ay hindi na ako nagdalawang isip na barilin si ateng cubicle.
Kung hindi ko sya inunahan ay malamang ako ang nakahiga sa sahig ngayon
at walang buhay.

Milka’s PoV

Nung makatungtong ako sa palapag kung saan gaganapin ang auction ay


iniikot ko agad ang tingin ko para maghanap ng Ladies’ Room. But of
course, I prefer na sa medyo isolated na ladies’ room ako magpunta.

Nakailang ikot na ako, ilang tao na din ang nakakasalubong ko. Hopefully
hindi ko makasalubong sila kuya, dahil siguradong pauuwiin ako.

“Thank goodness” I whispered, looking at the signage.

“It’s locked.” Bulong ko ulit. Sinubukan kong buksan pero naka-lock


talaga. Malas naman!

I turn around and begin a short and aimless walk away from the Ladies’
room nung may makasalubong akong lalaki. “Uhh—sarado ang—“ I was about to
warn him na naka-close ang CR nung saktong binuksan nya ang pinto ng
Men’s room.

So hindi naka-lock ang Men’s Room?


“May sinasabi ka?” Tanong nung lalaki.

“Uhh—nothing” Sagot ko. Medyo napahiya pa ako dun ah. Umacting ako na
mukhang aalis na hanggang sa makapasok yung lalaki sa loob ng CR.

How come na bukas ang Men’s room tapos ang Ladies’ room ay naka-lock?

Mabilis akong tumakbo pabalik sa tapat ng pinto ng Ladies’ room at kumuka


ng pin. I tried picking the door lock when—

“A-ate Aemie?” Natigilan ako for a second. Sobrang bilis din ng tibok ng
puso ko. Sino ba naming hindi matitigilan? She’s sitting on the floor,
and in front of her is a girl covered with blood.

I locked the door as fast as I could para walang ibang makakita.

Lumingon sya sa akin before responding. “Milka.” She said. She’s crying.
“K-kasi may baril sya eh. Huhuhuhu.” Lumapit ako sa kanya and hugged her
tight. “It’s okay ate, hindi mo kasalanan.” Sabi ko.

“B-barilin nya kasi ako eh.” Umiiyak pa din ng umiiyak si ate Aemie. And
this is not good. Baka may iba pang makakita saming dalawa.

“Ate Aemie mas mabuti pa lumabas ka na at bumalik kay kuya Zeke. Ako na
bahala dito.”
“Sure ka ba Milk—“

“Sige na ate Aemie, mauna ka na.” I said with a smile.

Aemie’s PoV

Nanginginig pa ang kamay ko nung makalabas ako ng CR. Hindi naman ito ang
first time na maka-baril ako ng tao. Pero hindi ko mapigilan na hindi
maging emosyonal.

Bumuntong hininga ako bago tahakin ang daaan pabalik kung saan ko iniwan
si Zeke.

Tinignan ko ang nilalakaran ko pero—saan nga ba yung lugar na yun?


Waaaaa! Naliligaw pa yata ako! Bakit ba kasi ang dami-daming pasikot-
sikot dito sa hotel na to. Hayy

“I’ve been looking for you.”

Ngumiti agad ako nung madinig ko kung kaninong boses yung nagsalita.
“Dong!” Lumapit agad sya sa akin at inilagay sa tenga ko ang ilang hibla
ng buhok ko. “May problema ba?” Kinagat ko agad ang dila ko nung
magtanong si Zeke. Baka kasi mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko mai-
tsismis ko agad kay Zeke ang nangyari.
Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanya kapagka wala na syang ibang
problema. “Hehehe wala naman Zeke. Kailangan ba may problema ako? Sige
hayaan mo mamaya iisip ako ng problema.”

“Pfft. Let’s go inside.”

“Aye aye captain!”

***

“Mukhang malapit na mag-start Zeke.” Bulong ko sa kanya nung makapasok


kami sa loob. Medyo dim na kasi ang ilaw at nakaupo na ang ilang tao. Ang
ilan naman ay pumupunta na din sa kani-kaniyang pwesto para maupo.

“Yeah, maybe.” Tipid na sagot ni Zeke.

“Doon tayo dong” Itinuro ko ang dulong bahagi sa unahan na walang


nakaupo. Sakto lang para sa aming dalawa.

Tahimik lang si Zeke hanggang sa makaupo kaming dalawa. “Zeke, ganito ba


talaga pag may get together ang mga Mafia?” Curious na tanong ko.

“Huh?”
“Nagtataka lang kasi ako, kanina pa tayo dito pero wala man lang pagkain.
Mas okay sana kung sinasamahan nila ng pagkain lalo na’t mayayaman naman
ang bisita nila.”

“Pfft. This is not children’s party.”

“Alam ko naman dong, bakit bata lang ba may karapatang magutom?” Grabe
talaga to si Zeke magsalita. Minsan hindi na iniisip ang sinasabi eh.
Hayy.

“The auction will start in less than 10 minutes.” Umayos kaagad ako ng
upo nung madinig ko yung announcement.

“Hihihi” Natutuwa ako, first time ko makakapanuod ng auction tapos live


pa. Hehehehe.

“Why are you laughing wife?”

Eh? “Bawal ba?” *pout* Ang arte naman pala sa auction bawal ma-excite.

“Hindi naman. It’s just that..”

Tumingin ako kay Zeke dahil hinawakan nya ang kamay ko. “It’s just that
ano Zeke?”
“It’s just that, I can’t take my eyes off you.” Nakangiting sambit nya.
Halaa! Ano na naman kaya ang nangyayari dito kay Zeke? Hahawak ko pa sana
ang magkabilang pisngi nya nung mamatay lahat ng ilaw kaya sabay kaming
lumingon sa stage dahil yun na lang ang natitirang may liwanag.

“It will begin in no time.” Bumalik na sa pagiging seryoso ang aura ni


Zeke kaya sumandal na lang ako sa upuan para mag-antay ng mangyayari.

Jacob’s PoV

Nakakunot na ang noo habang nakasandal sa pader na nag-aantay sa labas ng


men’s room si Fauzia nung madatnan ko. “Ano bang ginawa mo at ang tagal
mo sa C.R?” Iritang tanong nya, Nagpatay-malisya na lang ako kunwari ay
hindi ko nadinig ang sinabi nya. “Psh.” She hissed.

Lumapit sya at saka bumulong sa tenga ko “Can’t you pretend that I am


your girlfriend, just for tonight?” Sa tono ng boses nya ay halatang
naiinis na sya sa akin. Kasalanan ko bang mailang sa kanya? Psh. Hindi ba
alam ng mga babae na marunong din kami mailang?

“Lee are you listening?” Mas mataas at malakas na ang boses ni Fauzia
kaya hindi maiwasang maging sentro kami ng atraksyon ng mga tao sa
paligid.

Hinarap ko sya at tinitigan sa mata. “I love you too babe.” Sagot ko sa


sinabi nya saka mabilis syang hinalikan sa labi.
Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata sa gulat at namula ang mga
pisngi ni Fauzia. At kung paano nag-apoy ang mga mata nya sa galit. Pfft.

Mabilis nyang hinila ang kurbatang suot-suot ko at—“Sh*t!” Daing ko,


dahil hindi na ako makahinga sa higpit ng pagkakahila nya. “Gusto mo bang
mamatay Jacob Le—“

“The auction will start in less than 10 minutes.”

Inalis nya ang pagkakahawak sa kurbata ko pero nanlilisik pa din ang mga
tingin nya. “Magpasalamat ka Lee at magsisimula na.” Galit na bulong nya.

“Magtrabaho na lang tayo.” Seryosong saad ko.

I started to walk away from her hiding a small smile forming on my lips.

“Hoy Lee antayin mo nga ako.” Awts. She’s really cute.

Milka’s PoV

“The auction will start in less than 10 minutes.” Nung marinig ko yung
announcement ayhindi na ako nag-abalang umupo, tumayo lang ako dito sa
bandang likuran at nagtago sa dilim. Bukod sa kita ko ang lahat ng
nakaupo ay hindi ako mapapansin ng kung sino man dito.
“Wala ka bang balak maupo..” Pasok sa kabilang tenga, labas sa kabilang
tenga lang ang ginawa ko. Ni hindi ko ginawang lumingon kung sino man
yung nagtanong. There are things which are more important than him.

“BABY?” As if on cue, tumigil lahat ng tao sa paligid, well not literally


of course. “Wala ka bang balak maupo BABY?” Ipinikit ko ang mga mata ko.
I actually don’t know what to do. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng taong
pwedeng makakita sa akin dito, ito pang Sebastian Lerwick na ‘to?

“Ano bang problema mo at kailangan mo pang ipag-diinan yang ‘baby’ na


yan?” Sumandal ako sa pader as if hindi ako affected na nakita nya
ako. Pero ngayon pa lang kailangan ko na mag-isip ng idadahilan ko kay
kuya pag nalaman nyang nandito ko.

“So bakit nga hindi ka maupo? Bakit ka nagtatago dito sa dilim? Sino
tinataguan mo?” Sunod-sunod na tanong nya.

Inalis ko agad ang isang heels na suot-suot ko at handing-handa na akong


ituktok yun sa ulo nya. “She’s with me.” Halos sabay kaming napatingin
dun sa lalaking nagsalita. “P-Phoenix. Buti naman at dumating ka na
kanina pa ako naiinip dito.” Arte ko.

“Magkaasama kayo?” Nagtatakang tanong nung panget.

Nakapoker-face lang si Phoenix at hindi sinagot ang tanong ni Sebastian


kaya ako na ang sumagot. “Obvious ba?”
“Tss. Hindi naman hamak na mas gwapo ako dyan.” Dinig ko pa ang bulong
nya bago kami makaalis dalawa ni Phoenix.

“Umuwi ka na.”

“Huh?” Napatunghay ako at natigil sa paglalakad nung makalayo kaming


dalawa. “Hindi pa ako pwedeng umuwi—“

“Umuwi ka na kung ayaw mo pang mamatay.” Napaatras ako dahil sa mga


sinabi nya. Alam ko namang delikado dito. Pero—“Gusto mo bang sabihin ko
sa kuya mo at kay Roswell na nandito ka?” Puno ng sinseridad ang mga
sinabi nya. At batid kong pag hindi ko sya sinunod ay talagang sasabihin
nya kila kuya na nandito ako.

“Pero paano kung mapahamak sila?”

“Ano ba sa tingin mo ang kaya mong gawin?” Napalunok ako, he’s right. Ano
nga ba kaya kong gawin? Wala naman. Mas madalas pa nga silang mapahamak
dahil palpak lagi ako.

Tumungo na lang ako at hindi na kinontra pa ang sinabi nya. “Okay.” I


stated. Halos mabasag nadin ang boses ko dahil naiiyak na ako. Truth
really hurts.

Sinimulan ko ng tahakin ang daan papunta sa elevator. And I wish, na sana


wala namang mapahamak sa kanila.

“Ouch!”
I saw a hand holding a white hanky right in front of me. Kaya mabilis
kong itinaas ang ulo ko para tignan kung sino ang may hawak. “Masyado
kang maganda para umiyak baby.” Sebastian Lerwick na naman?

At may pakindat-kindat pa. Psh! “Bakit ka ba sunod ng sunod?” Asar na


tanong ko.

“Sino may sabing sumusunod ako? Nagkataon lang na dun ako papunta. Pfft.”
Itinuro nya ang isa pang hallway. “At may nakita akong magandang babaeng
umiiyak.” Nakangiting sambit nya.

“And so? Edi pumunta ka na sa pupuntahan mo.” I said sarcastically, not


showing my real emotion.

“Okay” Nakangiting sagot nya.

Then the next thing I knew, hawak-hawak na nya ang kamay ko, at sabay na
kaming naglalakad. “You don’t have to obey things na kabaliktaran ng
nararamdaman mo. Live free. Kung ano gusto mong gawin, gawin mo without
limiting yourself.” Tumingin ako sa kanya at hindi makapaniwala sa mga
sinasabi nya. We stopped. At saka nya ako tinignan sa mata. “Then you
will see the way to happiness.”

Humarap na ulit sya sa daan at nagsimula ng maglakad. For a moment, I


just let him hold my hand and drag me to where he goes.

“Anong ginagawa natin dito?” Inilibot ko ang tingin ko. Sobra nang dilim
sa lugar na nilalakaran namin at wala na ako halos makita.
“Lalabas na ng hotel.” Sagot nya.

“Lalabas? Eh bakit dito pa tayo dadaan?” Takhang tanong ko.

“Pfft. Baby puno na ng trap ang ibang daan palabas ng hotel, at ito na
lang ang daan palabas.” Mabilis kong binitawan ang kamay ni Sebastian
dahil sa sinabi nya.

“Papaano sila? Nasa loob pa sila kuya, sila ate Aemie—“

Bago pa man din masagot ang mga tanong ko ay may nadinig na akong mga
pagsabog sa loob.

Aemie’s PoV

“Miss Aemie tara na po.” Hinawakan pa ni Jacob ang kamay ko at pilit


akong inaaya palabas pero inalis ko ang kamay nya. “Miss Aemie—“

“Mauna na kayo, hindi ko pwedeng iwan si Zeke.” Tinalikuran ko sya at


saka tumakbo pabalik.

-Flashback-
“Hehehe.”

“Stop laughing wife.”

“Uhh Zeke, malapit na magsimula ang auction, pero nagugutom ako, pwede mo
ba akong samahan kumain?” Tanong ko. Kasama sa plano namin nila Jacob na
umalis bago magsimula ang auction. At wala na akong ibang maisip na
paraan para ayain palabas si Zeke.

“Nah. I will ask someone to buy you a snack.”

Waaaa! “Eh pero dong kasi—“

“The auction is almost starting” Sagot nya.

“Pero nagugutom na talaga ako. Waaa huhuhu.” Ano ba naman to si Zeke.


Hindi ba sya nadadala sa acting skills ko?

“Tss. Fine.” Tinignan ko si Zeke na kinuha ang phone nya at saka


nagsimulang mag-dial ng number. “Do not let anyone win the bidding.”
Dinig kong sabi nya bago ibinaba ang phone.

Hinawakan ni Zeke ang kamay ko at saka kami sabay na naglakad paalis.


Pero wait—“Sino yung tinawagan mo dong?” Kinabahan ako bigla, dahil
sigurado akong isa kanila Vash, Milka or Tristan ang tinawagan ni Zeke.

“Nothing.” Tipid na sagot nya.

Ilang minuto pa lang kaming naglalakad ni Zeke palabas ay nagsimula na


ang mga pagsabog.

“Damn Boulstridge!”

Si Vash? “Zeke! Wait!” Wala pa ding isang segundo ay bumitaw na si Zeke


sa pagkakahawak sa kamay ko at mabilis na tumakbo pabalik. “Get the fvck
out of this hotel wife.” Hiyaw nya pabalik.

-End of Flashback-

Hindi ito ang unang beses na makita kong may nakatutok na baril kay Zeke,
at hindi din ito ang unang beses na mapapahamak si Zeke dahil sakin. Pero
kahit pa yata ilang ulit mangyari to. Parehas pa din ang nararamdaman ko.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung ano ang
gagawin. “Zekeeee!!” Hiyaw ko kaya nabaling sa akin ang atensyon nung
lalaking may hawak ng baril.

Tatakbo sana ako palapit kay Zeke, pero sunod-sunod na putok ng baril ang
nadinig ko.
Kasabay ng putok ng baril ay naramdaman ko ang mabilis na pagtama ng bala
sa katawan ko. This is the first time na makaramdam ako ng maliit na
metal na sobrang lakas ng impact. I felt a sudden pain, hanggang sa
naramdaman ko ang pamamanhin nung parting tinamaan ng bala.

“Shit!”

“Miss Aemie!”

“Z-eke”

“Wife!”

**

“Wife. Keep your eyes open.” Minulat ko ang mga mata ko nung madinig ko
ang boses ni Zeke. Nasaan na ba kami? Ramdam ko ang mabilis na andar ng
sasakyan kaya alam kong nasa loob kaming dalawa ng sasakyan. Kanina nasa
hotel pa kami ah. OMG. Don’t tell me may kapangyarihan na kaming
magteleport?—Aww.

“Wife can you hear me?”

“O-oo n-naman dong, di ako b-bingi no.” Sagot ko. Bakit ganito? Feeling
ko hinang-hina ako at antok na antok. Ano ba nangyari?
Iminulat ko ulit ang mga mata ko kahit hilong-hilo na ako. Ngayon ko lang
napansin na nakahiga pala ako kay Zeke habang mahigpit nya akong yakap.
Ano bang meron? Ipinikit ko ulit ang mga mata ko dahil hindi ko kayang
imulat ng matagal.

“Wife please, hold on.” Kahit nakapikit ako, alam kong umiiyak si Zeke
dahil sa tono ng boses nya.

Sira ulo ba sya? Ano wala akong karapatang mapagod? “Inaantok n-na ako—“
Unti-unting sumisikip ang paghinga ko kaya halos hindi ko maituloy-tuloy
ang sasabihin ko. Ano bang nangyayari sa akin, dapat yata magpa-check up
na ako.

“Fvck! This is all my fault!” Nakaramdam ako ng pagtulo ng luha sa pisngi


ko kaya kahit antok na antok ay sinubukan ko ulit imulat ang mga mata ko.
Namamanhid na ang mga braso ko at hindi ko na halos maingat. I tried to
wipe his tears. “S-sino ba umaway sayo Z-zeke?”

“Say you’ll never leave me wife. Please.”

Adik talaga to, hindi na nga ako magalaw paano ko pa sya iiwan? Hayyy!
Minsan talaga ang hirap i-explain ng mga bagay-bagay kay Zeke kaya mabuti
pang wag na lang magsalita.

“M-matutulog lang a-ako dong.” Sagot ko. Hindi ko na kaya. Feeling ko


anumang oras makakatulog na talaga ako.

“No. Don’t. Please.” Sunod-sunod ang agos ng luha sa mga mata nya at
hindi ko alam kung anong gagawin ko para patahanin sya. Sino ba kasing
umaway kay Zeke? Malaman ko lang! Nako nako!
“Fvck! I love you so damn much.” Kahit halos manhid na ang buong katawan
ko ay nangibabaw padin ang higpit ng yakap ni Zeke.

“Mahal d-din kita. Mahal na m-maha—“

***

A/N :

First, thank you sa lahat ng bumili ng MHIAMB volume 1 (season1) at sa


mga hindi pa nabili, bili na kayo guys!

Second, MHIAMB volume 2 (season 2) will be released this coming MIBF


(Manila International Book Fair) Sept 17-21 sa SMX Convention. Nandyan
din po ako ng 20 and 21 for book signing. And yup, pwede kayo makipag-
chikahan. Yii!

Third, Ito po booksigning sched for this month

Sept 13 – NBS SM Manila (Saturday) with Lloyd Cadena and Alesana Marie.

Sept 14 – NBS SM City North Edsa (Sunday) With Marcelo Santos III and
Alesana Marie.

Sept 28 – NBS Mall of Asia (Sunday) with Marcelo Santos III and Alesana
Marie.

Yan, see you <3


Lastly, thank you sa mga comments, nagbasa ako ng comments kanina, as in
lahat ng comments dito sa season 2 and sa season 1. Actually nabasa ko na
yung iba noon pa, hahaha pero binasa ko ulit. Kung nag eenjoy kayo ulit-
ulitin ang mhiamb season1, mas nakaka-enjoy basahin ng paulit-ulit ang
comments. Thank you guys :*

Happy birthday Peper and Krim :*

Sarrey ang haba ng note, namiss ko to eh!

=================

Chapter 10

Aemie’s PoV

Kahit punong-puno pa ng pagkain ang bibig ko ay kinuha ko yung natitirang


chicken legs at saka kinagat.

“Pfft.”

Bakit naman kaya pangiti-ngiti to si Zeke. “Do you need some water wife?”

Umiling ako ng paulit-ulit at saka ulit kumagat ng manok, hindi water ang
kailangan ko. Kailangan ko pa kumain. Grabe pakiramdam ko limang taon
akong hindi kumain. Pero ang hirap kumain ng isang kamay lang ha.

“Say ah.”
“Aaahh” Buti nalang nandyan si Zeke, sya nagsusubo sakin ng kanin eh,
tapos ako na bahala sa ulam. Hehehe. Buti na lang din at hindi
sinusumpong si Zeke ng kasungitan nya. Simula magising kasi ako lagi lang
syang nakangiti eh.

“May problema ka ba sa utak dong?” Tanong ko pagka-lunok na pagkalunok ko


ng pagkain.

“What the hell are you saying?”

*pout* “Hehe. Wala.” Para nagtatanong lang naman ako eh, galit na sya
agad. Pwede naman nyang saguting wala. Maniniwala naman ako eh. Hayy.

“Quit talking and eat.” Masungit na sabi ni Zeke at saka ako sinubuan ng
kanin. “Ang sungit mo talaga Zeke.” Sabi ko kahit punung-puno ng pagkain
ang bibig ko.

*glare*

*pout*

***

“Grabeeee ang sarap kumain!!!”

“You almost ate everything.”


“Oy hindi naman ah. Maka-almost ate everything ka naman dyan. Naka-apat
na chicken legs lang naman ako ah.”

“And 5 cups of rice”

“Pero hindi almost everything. Ang dami pa kayang tira.”

“Almost.”

“Hindi ah!”

“Pfft. I love you.”

“Hehe.” Parang masarap pa nga kumain ng leche flan eh. O kaya halo-halo.
Waaaa. Makabili kaya mamaya pag wala si Zeke.

Inilipat ko ang tingin ko sa kanya na seryoso lang na nakatingin sa akin.


Anong oras naman kaya nya balak umalis?

“Does your wound hurts?”


Tinignan ko ang kaliwang kamay ko na may benda at cast. Ang hirap pala
kumilos pag may ganito. “Bakit pala ako may ganito dong? Eh diba tinamaan
lang naman ako ng bala, hindi naman ako napilayan.” Tanong ko.

“Maglilikot ka na naman kasi pag walang ganyan tss.”

Hindi naman ako malikot ah. Nakaupo nga lang ako dito eh. “I’m glad
you’re awake.” Nakangiting sabi ni Zeke pagkaupo nya sa tabi ng hospital
bed. Kinuha ko ang isang kamay nya at hinawakan. “Hehe sabi ko naman kasi
sa’yo matutulog lang ako no. OA ka naman kasi paiyak-iyak ka pa dyan.”

Ngumiti sya at saka hinalikan ang kamay ko. “Pero teka pala Zeke, ilang
araw ba akong tulog?”

“Five.”

“FIVE?!?!” Gulat na gulat na tanong ko. Grabeee! Hindi naman ako kulang
sa tulog, bakit parang OA din sa tagal ang tulog ko.

Pinilit kong alalahanin kung may maalala akong panaginip.

Parang wala din naman ako naalalang napaginipan ko. “Seryoso ka ba Zeke?
Ganung katagal talaga akong tulog?”

“Yeah.”
Pero kung ganun nga..

OMYGOD!!! “Ano na ang nagyari sa Auction?”

“Everything goes as planned.” Nakangiting sagot nya. “You did great


wife.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

“Alam mo yung plano namin?”

“Pfft. Nah. Lerwick told me.”

“Talaga? May pagkamadaldal pala ang isang yon, next time hindi ko na sya
pagsasabihan ng secrets.” Sabi ko habang nag-iisip ng malalim.

“Hahahaha.”

“Anong nakakatawa dong?”

“Kahapon nya lang naman kasi sinabi.”


Ahh. So hindi naman pala madaldal si Sebastian? “Eh pero kahit pa! Bakit
nya sinabi sa’yo?” Takhang tanong ko.

“Because I will kill him if he will not speak.” Tumango na lang ako kahit
hindi naman ganoong kalinaw sa akin ang lahat.

Nginitian ako ni Zeke kaya ngumiti din ako sa kanya. “I never thought you
would do that.” Nakangiting saad nya. “Ang alin?”

“The plan and everything. How did you find out?”

“Ahh hehe.”

-Flashback-

(A/N : Ito yung magkausap sila ni Zeke after nung incident sa apartel
Chapter 3. Inulit ko na yung umpisa ng conversation para hindi nyo na
balikan.)

“Zeke—“ Itatanong ko sana kay Zeke kung ano ba talaga ang nangyari pero
sinagot nya agad ako. “I passed out after I got several hit on the head”
nakatungong sabi ni Zeke. “If you are going to ask me about what
happened. I’m sorry but that the last thing I remember.” Wika ni Zeke
saka bumuntong hininga ng malalim.

So ibig sabihin parehas kaming clueless ni Zeke sa mga nangyari. Pero—“Si


Vash at si Milka, bakit sila ang kasama natin?” Tanong ko sa kanya,
pagkatapos kong sumubo ng pagkain. “Somebody called them.”
Tumango na lang ako. Bakit ganon. “Naguguluhan ako sa nangyayari Zeke.”
Tinignan ako ni Zeke ng diretso sa mata, I stared back at him. “May
nagta-traydor ba sa atin Zeke?” Out of nowhere, yan ang linyang lumabas
sa bibig ko. Madami pang follow-up questions ang gusto ko itanong but the
thing is, kahit yung tanong na gusto kong hanapan ng sagot ay hindi mabuo
sa utak ko.

Sobra akong naguguluhan sa nangyayari. “That’s exactly what I am


thinking.” Diretsong sabi ni Zeke.

(A/N : Ito na yung kadugtong na part =) )

Tahimik akong kumakain habang iniisip pa din ang mga nangyayari. Hindi
ako dapat nag-o-overthink pero hindi ko maiwasan na hindi pagdudahan si
Zeke. Tinignan ko ang benda nya sa ulo.

Hit?

Several times?

Kaya wala syang maalala?

Dapat nasa hospital sya ngayon at puro stitches ang ulo kung ganon ang
nangyari. Tinitigan ko pang maigi ang benda nya sa ulo. Hangga’t maaari
gusto ko paniwalaan ang lahat ng sinabi nya kanina. Ang kaso lang.
Nagtatalo pa din ang isip ko.
Tumingin sya sa akin at nahuli akong pinagmamasdan sya kaya ngumiti ako.
“Why?” Tanong nya.

“Hehehe. Natutuwa lang ako kasi okay ka.” Pinilit kong ngumiti ng
bonggang-bongga para hindi sya makahalata. Kanina ko pa napapansin na may
hindi sinasabi sa akin si Zeke. Kahit hindi nya naman aminin sa akin,
alam kong hindi totoo lahat ng sinabi nya kanina.

Ang kailangan ko malaman eh bakit hindi nya sinasabi sa akin ang totoo?

Tumayo si Zeke at saka kinuha ang coat nya na nakasabit sa isang upuan.
Pinagmasdan ko si Zeke habang sinusuot ang coat nya. Yun pa din yung coat
nya kagabi kaya lalo akong kinutuban.

“Are you done checking me?” Tanong ni Zeke ng nakangisi.

“Hehehe. May iniisip lang ako Zeke.” Sagot ko.

“Spill it.”

“Uhh—Iniisip ko lang kung sino ang traydor sa Roswells at Yaji.” Palusot


ko. Pero kanina ko pa talaga iniisip kung bakit walang dugo ang coat nya.
Kung nagkaroon si Zeke ng head injury, dapat puno na ng dugo yung coat
nya.

-End of Flashback-

Tawa lang ng tawa si Zeke habang kinukwento ko sa kanya yung mga


pagdududa ko. “Oh well I guess, my acting skill sucks.” Natatawang sabi
nya.

Natawa din naman ako sa ka-cornyhan ni Zeke. “Buti naman alam mo dong.
Hayaan mo minsan tuturuan kita umacting.”

“Pfft. That would be great.”

Sabi ko na, sabi ko na eh! Bilib din talaga si Zeke sa talent ko eh.
Hehehe buti na lang nagmana ako kay mommy.

“I love you.”

Speaking of mommy, kamusta na kaya sila mommy at daddy? Hindi pa sila


tumatawag sa akin simula nung makaalis sila. Hindi ba nila ako nami-miss?
Huhuhu.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Zeke. Nag-aalala kasi ako kay


mommy, hindi naman ganun si mommy eh. Lagi nya akong tinatawagan pagka
hindi kami magkasama. Hayyy.
“What’s with the sad face wife?”

Umiling muna ako bago sinagot ang tanong nya. “Naalala ko lang kasi sila
mommy at daddy. Hindi ba nila ako pinuntahan dito?” Hayy ano ba naman
Aemie. Paano naman sila pupunta dito eh nasa Europe nga sila. Hayy.
Minsan nahahawa na ako ng mga kashungaan ni Zeke eh.

“No.”

Kahit gusto ko itanong kung tumawag sila mommy, hindi ko na tinanong.


Kasi feeling ko malulungkot lang din ako pagka sinabi ni Zeke na hindi
naman tumawag sila mommy.

Tinignan ko si Zeke na diretso nang nakatingin sa akin at hindi na


tumatawa. “Dong? May sasabihin ka ba?”

“Uhh—“

“Yo! Aemie” Ngumiti ako sa kakadating lang na si Kaizer tapos ibinalik ko


ulit yung tingin ko kay Zeke.

Ibinalik ko agad ang tingin sa kanya. Hindi ko inaalis ang tingin kay
Zeke dahil hinihintay ko yung sasabihin nya. “Dong ano na yung sasabihin
mo?” Tumayo na sya at umupo sa couch.
Si Kaizer naman naglakad palapit sa akin. “Ehem, Aemie. Kamusta?”

Nakatitig lang ako kay Zeke hanggang maka-ayos sya ng upo sa couch.
Kumuha sya ng isang libro na nasa ibabaw ng table sa may gilid ng couch
at saka nag-basa.

Ano kaya sasabihin nya?

“Hello? Aemie. Yuhoo. Pansinin mo naman ang ka-gwapuhan ko aba matinde.”

“Ano ‘yun?” Nagtatakhang tanong ko kay Kaizer nung mapatingin ako sa


kanya. Nasa may tabi na sya ng hospital bed ko at ipinakita ang box na
hawak nya. “Dinalhan kita ng cake, sabi kasi ni Mr. Roswell gising ka na
daw.”

“Nasaan sila Vash?” Takhang tanong ko. Pati sila insan wala dito.

“Sus. Nagtakha ka pa.” Natatawang sagot ni Kaizer at saka lumapit sa akin


at bumulong. “Alam mo namang ayaw ni lover boy ng madaming tao dito sa
kwarto mo.”

Ano daw? Sinong loverboy?

Saka kwarto ko?


Diba hospital room naman to? *pout*

“Lamperouge.”

“Pfft. Joke lang boss. Sige aalis na din ako. Baka may gusto pa kayo
gawin eh.” Nakadinig ako ng kasa ng baril kaya lumingon ako kay Zeke.
Pagbalik ko ng tingin kay Kaizer ay tumatakbo na sya palabas ng kwarto
“Sibat na ako Aemie! Pagaling ka ha.” Tumango ako at saka kumaway kay
Kaizer.

“Hayy ang boring! Pwede na ba ako lumabas dito sa ospital Zeke?”

“Not yet.” Isinara nya ang hawak nyang libro saka lumapit ulit sa akin.
“Do you want to take a walk wife?”

OMG! OMG! “Sigeeee! Gusto ko yan! Hehehe.”

***

Nag-iisip ako ng topic kasi tahimik lang kaming dalawa na naglalakad-


lakad ni Zeke sa corridor ng hospital. Magkahawak-kamay kami tapos hawak-
hawak nya din sa kabilang kamay nya yung bakal na pinagsasabitan ng
dextrose. “Ano pala nangyari Zeke habang tulog ako?”
“Uhh nothing much.”

“Ganun ba?” Five days akong tulog tapos nothing much. Niloloko ba ako
nito ni Zeke?

“Waaa! Zeke tignan mo yon!” Itinuro ko kay Zeke ang isang kwartong
madaming baby.

Nursery Room

Yun pala tawag dito. Kyaaaa! Lumapit agad ako sa may salamin nung makita
kong gumagalaw yung mga baby sa loob.

“Ang cu-cute nila.” Napa-isip tuloy ako. “Bakit kaya sila nasa loob nung
kwarto. Nasaan naman kaya mga magulang nila? Grabe, bakit nila iniiwan
ang anak nila dito sa loob ng kwarto. Hayy! Ang mga magulang nga naman
ngayon.”

“Pfft.”

“Bakit ka tumatawa? Cute naman talaga sila ah. Hayy ano bang klaseng
magulang sila, iniiwan nila ang gantong kaka-cute na babies.”

“Hahahaha. They didn’t.”


“Anong they didn’t, they didn’t ka dyan. Pinagtatanggol mo pa—“

“Excuse me po Sir/Ma’am. Ano pong surname nyo.”

“Ah no we’re just looking around.” Tinignan ko si Zeke nung sumagot sya
na parang nahihiya sa nurse na nakadungaw sa may pinto.

“Roswell po hehe.” Sagot ko sa nurse. Parang ewan kasi to si Zeke,


tinatanong kung ano ang apelido tapos sasagot ng ‘we’re just looking
around’. Hayy!

Dali-daling pumasok yung nurse sa loob at saka may kinuhang papel. Ano
kayang trip nito ni ate at nagtanong ng apelido tapos iiwan din naman
kami dito sa labas.

Lumingon ako kay Zeke pero sa ibang direksyon na sya nakatingin. Pero
agad na nawala tingin k okay Zeke nung lumabas ulit yung nurse at saka
nagsalita. “Excuse me po ulit Sir, Ma’am”

“Ano po yun ate?”

“Ahmm Ma’am wala po kasi sa listahan ng name ng babies yung Roswell.”


Napakurap ako ng mata ng mabilis saka kumunot ang noo. Nag-aadik kaya
pagka-gabi to si ate? Paano naman kaya magkakaroon ng baby doon na
Roswell eh ang alam ko solong anak lang si Zeke at saka nasa sementeryo
na parents nya diba.
Lumingon ako para sana tanungin si Zeke pero wala na sya.

Nasaan na naman ba si Zeke? Lagi na lang syang nawawala. Hayy!

“Ano bang sinasabi mo ate?” Takhang tanong ko.

“Pero ido-double check ko po. Saglit lang po.” Tarantang-taranta si ateng


nurse na papasok na sana ulit sa loob ng nursery room nung pinigilan ko
sya.

“Pwede ba akong sumama sa loob ng nursery ate?” Nakangiting tanong ko.


Hehehe. Parang ang sarap lapitan nung mga baby.

“S-sige po.” Halatang kabado pa din si ateng nurse hanggang makapasok


kami dalawa. Pinag-alcohol nya ako ng mga kamay at kung anu-ano pa.

**

“Eaaaat bulagaaaa!” Hehehe nakaktuwa! Kahit hanggang hawak lang ng kamay


yung nagagawa ko, nag-e-enjoy pa din ako.

“Excuse po Mrs. Roswell, itinawag ko na po yung tungkol sa anak nyo—“


“Huh? Anak? Ate wala pa po akong anak.”

Nagtatakha akong nakatingin kay ateng nurse nung may maaninag ako sa
gilid ng mata ko na lalaking nakatayo sa labas ng nursery room.

Nung subukan kong lingunin ay likod nalang nung lalaki ang natanaw kong
mabilis na lumayo paalis.

“Ate thank you sa pagpapasok dito sakin ah. Hehehe.” Hindi ko maiexplain
ang itsura ni ateng nurse pero lumabas na ako ng nursery.

“Saan ba naman kasi nagsususuot si Zeke?” Tanong ko sa sarili habang


mabilis na naglalakad pabalik sa kwarto tulak-tulak yung metal na may
nakasabit na dextrose.

Ini-lock ko agad ang pintuan nung makapasok ako ng hospital room. Kahit
hindi ko aminin sa sarili ko. Dama kong medyo nahahawa na ako sa mga
ninja moves ni Zeke. Kaya alam kong may sumusunod sa akin kanina habang
pabalik ako dito sa kwarto.

Isinara ko agad ang mga kurtina ng kwarto. Pagkatapos ay umupo ako sa


hospital bed at inalis ang dextrose na nakakabit sakin. Sunod kong inalis
ang casket at benda sa kamay ko. Wala naman kasi akong bali. Kaya hindi
ko na kailangan to.

Sinbukan kong igalaw ang braso ko kahit dama ko ang pagkirot ng sugat sa
balikat ko. “Aww” Pero hindi din naman nagtagal medyo nasasanay na ako.
Lumapit ako sa bag na nasa ibabaw ng isang cabinet, na sure na sure akong
mga damit ko ang nakalagay kasi pink para kumuha ng mga damit. Hehe.

Tapos na akong magbihis at nung makadinig ako ng katok sa pinto.

*knock* *knock* “Check-up po.” Lalaki yung boses nung kumakatok kaya
dali-dali kong hinalungkat pa ang ibang gamit para hanapin ang—“Ito.
Hehehe.” Buti nalang lagging may silencer ang mga baril.

*knock* *knock*

“Saglit lang naman po kuya, ito na nga oh, bubuksan na.”

Kakapihit ko pa lang ng pinto ay halos mapahampas na ako sa pader sa


lakas ng pagkakatulak nung lalake. Itinutok ko agad sa kanya ang baril na
hawak ko para sana barilin nung may sumuntok sa kanya ng malakas kaya
tumilapon sya papasok sa loob ng kwarto.

“Zeke.” Bulong ko.

Sinuri kong maigi ang suot na damit ni Zeke at napansin kong may mantsa
ng dugo ang damit nya. Saan na naman kaya ‘to nanggaling. Minsan ang duga
din nito eh. Nag-a-adventure mag-isa.

Nakita kong bumunot ng baril yung lalaki at handa nang barilin si Zeke
kaya itinutok ko agad sa kanya ang baril na hawak ko at saka kinalabit
ang gatilyo.
“Nice shot.” Nakangiting sabi ni Zeke.

“Feeling ko kailangan na natin umalis.” Wika ko.

***

“Zeke, hindi kaya hulihin tayo ng pulis pag may nakita silang nakahiga at
duguan na lalaki doon sa kwarto ng ospital?” Agad na tanong ko pagkapasok
naming dalawa ng kwarto.

“Nah, I called Lerwick to clean all the mess.”

“Ahh, pati yung bill sa hospital?”

“Yes.”

Pagkaalis na pagka-alis ni Zeke ng damit nya ay kumuha agad sya ng isang


bote ng alak at nagsalin sa isang baso. Problemado at hindi maipaliwanag
ang itsura ni Zeke nung umupo sya sa kama.

“Zeke ano ba kasing—“


“Your parents.”

Kahit hindi pa nagsasalita si Zeke ay pabilis na ng pabilis ang tibok ng


puso ko. Si mommy at si daddy. “A-anong nangyari sa kanila?”

“They were held by some group.” Mabilis na uminit ang mata ko at napuno
ng luha. Lumapit din ako sa may kama para maupo sa tabi ni Zeke. “They
will kill your parents if I refuse to their nonsense command.”

Tumungo ako at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. So tama nga ang
hinala ko. May nangba-blackmail kay Zeke. Pero—“Diba nasa Europe sila
mommy at daddy?”

“Nah. They were held even before they went off the country.” Napasabunot
si Zeke sa buhok nya. Ako naman ay napakagat ng labi.

Kaya pala.

Kaya pala hindi man lang tumatawag sila mommy at daddy.

“It is all my fault.” Kahit hindi magsalita si Zeke ay alam kong naiiyak
na ang boses nya. “I put your lives in danger. Everything happens because
of me.” Nilagok ni Zeke ang natitirang alak sa baso nya at saka ulit
nagsalin ng isa pa at ininom. Nung hindi sya nakuntento ay tinungga na
lang nya ang alak mula sa bote at hindi na gumamit ng baso.

“Ikaw ba Zeke ang kumidnap kila mommy?” Nagtatakang tanong ko.


“Huh? Why the hell would I?”

“O kita mo na, hindi naman ikaw ang kumidnap sa kanila. Kaya bakit mo
sinisisi ang sarili mo?” Hindi naman kasi talaga tamang sisihin nya
sarili nya diba? Hindi naman nya kasalanan na nakidnap sila mommy. Kaya
bakit ba sya emote ng emote.

Tinignan ako ni Zeke ng diretso sa mata, pansin na pansin pa din ang


lungkot sa mga mata nya. “But you almost died because of me.”
Pagkasabing-pagkasabi ni Zeke non ay tumungo sya kasabay ng pagtulo ng
luha nya.

Umusod pa ako palapit sa kanya at saka sya niyakap. “Ikaw ba Zeke ang
bumaril sa akin ha? Ikaw ba?”

“N-no.” Sagot nya kahit halatang umiiyak. Naramdaman ko din ang higpit ng
yakap ni Zeke dahil kumirot ang sugat ko sa balikat.

Itinulak ko sya ng mahina para makita ko ang mukha nya. Gamit ang likod
ng palad ay pinunasan ko ang mga luha ni Zeke. “Wala ka naman kasing
kasalanan sa mga nangyayari hubby. Kaya hindi mo dapat sinisisi ang
sarili mo. At saka isa pa, hindi mo naman kailangan solohin ang problema.
Ready naman akong tulung—“ Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay
naramdaman ko na ang labi ni Zeke sa labi ko. Nalalasahan ko pa yung alak
na iniinom nya.

“I love you so damn much wife.”


“Mas mahal kita hubby.” Nakangiting sambit ko at saka hinalikan si Zeke
sa labi. Ilang Segundo ang itinagal nung maramdaman kong binuhat nya ako
at saka inihiga sa kama. We continued the kiss hanggang sa makahiga ako.
Pumaibabaw naman si Zeke sa akin.

“Zeke.”

“Hmm, wife?”

“BAKIT KA SAKIN NAKADAGAN. ANG LUWAG-LUWAG NG KAMA OH!” Hiyaw ko. Grabe
ha! Ang bigat-bigat pa nya. Nakakainis!

Halos mapalundag si Zeke sa bilis ng pag-alis. Ako naman ay mabilis na


umupo mula sa pagkakahiga. Nakaupo nadin sya sa kama sa tabi ko at
nakasandal sa headboard nung tinignan ko sya ng masama. “Sa susunod nga
hwag kang iinom ng alak kung hindi mo naman kaya ang sarili mo.” Trip pa
nya akong gawing kama ha. Grabe lang.

“Pfft. Hahahaha.”

Kita mo na, kita mo na! “Tini-trip mo na naman ako Zeke no?”

Pero imbis na sagutin nya ako ay lalo lang syang tumawa kaya nilapitan ko
sya at saka inilapit ang mukha ko sa mukha nya para titigan sya. Natatawa
si Zeke pero kahit tumatawa sya bakit feeling ko pa din ang lungkot nya?
Balak ko lang sanang pitikin ang noo ni Zeke pero para akong mina-magnet
palapit sa kanya. After few seconds, I found myself kissing him again.

*** Next Morning ***

“Aww” Pakiramdam ko tinakbo ko mula Baguio hanggang Batangas sa sobrang


bigat at sakit ng buong katawan ko.

“I love you.” Ngumiti ako nung madinig kong bumulong si Zeke mula sa
likod ko saka hinigpitan ang yakap sa akin.

“Aww Zeke, yung balikat ko.” Daing ko nung makaramdam ako ng kirot sa
parteng tinamaan ng bala. “Sorry.”

Agad akong humarap kay Zeke at saka nagsalita. “I love you too hehe.”

“Thank you wife.”

Mabilis kong pinasingkit ang mata ko dahil sa sagot ni Zeke. Akala ko ba


hindi ‘Thank you’ ang sagot sa I love you, bakit ngayon sinasagot ako
nito ni Zeke ng thank you?

“Anong tine-thank you, thank you mo dyan? Akala ko ba—“

“Thank you for last night.” Nakangising sagot ni Zeke.


Pakiramdam ko uminit yung mukha ko nung sinabi nya yon. “M-maligo ka na
nga at magbihis dong! Sabi mo maaga pa tayo aalis.”

“Alright wife.”

Tumayo na si Zeke at nagsuot ng damit nya. “Are you sure you can go with
me on the meeting?”

“O-oo naman, bakit naman hindi.” Sagot ko. Pinulot ni Zeke yung mga damit
ko at saka iniabot sa akin. “Thank you. Hehehe.”

“Pfft. Barbie addict.” Natatawang sabi nya pagka-abot sa akin nung mga
damit ko.

***

“Aww.” Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan kasi ang bigat at ang sakit pa
din ng pakiramdam ko. Lalo na sa may bandang—waaaa! Ang uncomfortable
pala sa feeling ng ganito. Idagdag mo pa yung sakit ng balikat ko.

“Waaa Zeke!” Nagulat ako nung binuhat na lang ako bigla ni Zeke at saka
dinala papuntang kusina at iniupo sa dining chair. “You’re too slow.
Pfft.”
“Eh ang sakit kasi ng katawan ko eh.” *pout* Sya kaya ang barilin ko at
daganan, tignan ko lang kung hindi sumakit ang buong katawan nya.

“Say ah“

“Kaya ko naman kumain dong.” Angal ko nung sinusubuan ako ni Zeke ng


bacon. Wala naman kasi akong cast. Kaso hindi nya naman inaalis kaya wala
din ako nagawa kung hindi isubo.

Pagkatapos nya akong subuan ay sumubo na din sya ng pagkain nya. “Dong,
ganun ba talaga pag first time sa sex, masakit sa—“

*cough* *cough* Natigilan ako sa pagsasalita nung biglang masamid si Zeke

“Okay ka lang Zeke?” Taranta akong nagsalin ng juice sa baso para ipainom
kay Zeke. “Dahan-dahan naman kasi pagkain, kaya nga nasasamid eh.” Sermon
ko nung umiinom na sya ng juice.

“Do you really have to mention ‘it’ wife?” Tanong nya pagkatapos nyang
uminom ng juice.

“Ang alin dong?”

“It”
“Anong ‘it’?” Ako lang ba? O talagang magulo si Zeke? “Wala naman akong
sinabing ‘it’ ah?”

“The thing you were asking.”

May tinanong ba akong it? “Ang tinanong ko dong kung talagang masakit
kapag first time nag-se-se-hmmm”

“Yes. So shut up and eat.”

Punong-puno ang bibig ko sa sobrang dami ng kanin na isinubo nya sakin


kaya hindi na ako makasagot. Sila Kaizer na nga lang ang tatanungin ko
mamaya sa meeting.

Tama-tama! Hehehe.

***

A/N : BOOKSIGNING

See you guys this coming MIBF. Nandoon lang ako sa booth ng PSICOM ng
Saturday (Sept 20) From 6PM-8PM then Sunday (Sept 21) 1PM-3PM for book
signing ng MHIAMB vol1 and vol2.
BTW, sa mga nagtatanong, kung season 2 yung ipinublish na volume2? NOPE.
Kadugtong po sya ng season 1 volume 1. Clear na po ba? Bili kayo haaaa!

Lastly, meet your co-readers, may meet-up po lahat ng Mafias ng sept 20


(1PM-6PM) dyan lang sa seaside ng MOA. Magpi-picnic tayo! May dala kami
food! May dala din food ibang readers kaya kitakits! Then sabay-sabay na
tayo punta sa mibf. Tapos sa Sunday din meron around 3PM.

Hi Nica and Kath :* lovesyou!

=================

Chapter 11

Jacob’s PoV

Kanina ko pa pinagmamasdan si Boss at si Ma’am Aemie dahil parang may iba


simula nang dumating silang dalawa. Nagdikwatro ako at umayos ng upo
habang hindi pa din iniaalis ang tingin kay Ma’am Aemie.

Tumayo si Ma’am Aemie kaya sinundan naming sya ng tingin. “May pagkain ba
dito? Nagugutom ako eh, si Zeke kasi hindi na tinapos ang pagkain namin
ng umagahan. Hayy!” Tanong nya habang tinitignan ang loob ng
refrigerator.
“Ubos na mga pagkain ate Aemie, inubos nung matakaw na pangit.”

“Whoa! Grabe ka naman baby, hindi ko nga binubuksan ang ref e.”

“Eh? Ikaw pala yung matakaw na pangit na sinasabi ni Milka?” Gamit ang
index finger ay hinawakan ni Ma’am Aemie lower lip nya at saka tumingin
sa itaas na para bang sobrang lalim ng iniisip. “Akala ko kanina si
Kaizer yung sinasabi ni Milka, si Sebastian pala?” Bulong nya habang nag-
iisip.

Pfft. Nagpipigil ako ng tawa habang pinapanuod sila na nagkukulitan.


Kahit si Boul ay pansin kong kanina pa din gusting tumawa.

“Anak ng! Papayag akong matakaw, pero pangit? Sa gwapo kong to Aemie?”
Naka-turo si Lampe sa sarili nya at dismayadong-dismayado sa mga sinabi
ni Ma’am Aemie. Pfft. “Hahaha. Kay Ma’am Aemie na nanggaling ‘tol.” Hindi
ko na napigilan ang sarili kong hindi sumabat sa kanila.

Pinandilatan ako ng mata ni Lamperouge kaya lalo akong natawa.

“Hahahaha.”

“Hahahaha.”

“Hahaha. Pfft.”
“Ampucha!”

“Hwag kang mag-alala baby Lampe, kahit ikaw pa ang pinakamatakaw at


pinakapangit na nilalang sa buong mundo, mahal na mahal pa din kita.”
Pfft. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nung bumanat na naman si
Lerwick. Ibang klase talaga trip nito sa buhay.

“Ulul!”

“Pfft.”

Tumikhim si Boss kaya tumahimik kaming lahat liban kay Ma’am Aemie.
“Dong, mag-boyfriend ba si Sebastian at Kaizer?” Bulong nya kay Boss nung
makabalik na sya sa tabi nito.

“Yeah.”

Pfft. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa sagot ni Boss. “Ahh kaya
pala ang sweet nila lagi ano?”

“Bossing naman.” Kontra ni Lerwick habang nagkakamot ng ulo. Sya ‘tong


mahilig makipag-lokohan kay Lampe tapos ngayon aangal. Pfft.

“Bakit baby Lerwick tinatanggi mo na ba relasyon na’tin?” Nakangising


sagot ni Lampe. Mga gago talaga. Hindi ba sila nandidiri sa mga pinag-
sasasabi nila? Ako nga kinikilabutan eh.
Lumapit si Lerwick at saka hinimas ang likod ni Lampe. “Ikaw pa ba ang
itanggi ko baby Kaizer.”

“Yuckkk! Pangit na bakla pa!” Pang-aasar ni Milka.

Mabilis na lumayo si Lerwick kay Lampe. Pulang-pula na din ang mukha nito
at halatang nabagabag sa sinabi ni Milka. “Hindi ako bakla ah!” Pftt.
Apektado din naman pala ang loko.

“Weh?” Halos gumulong sa sofa kakatawa si Milka dahil asar na asar na ang
itsura ni Lerwick. Weirdo.

“Oh baby Lerwick, akala ko ba walang tanggihan ng relasyon?” Dinagdagan


pa ni Lampe ang pang-aasar kaya hindi ko na napigilan na hindi matawa ng
malakas.

“Ulul!” Mukhang badtrip na si Lerwick.

Ganyan ba sya ka-apektado dahil lang sa pang-aasar ni Milka? Pfft.

“Lerwick, call someone to get some food.”

“Areglado Bossing.”
“Hindi ba dapat nagpapahinga pa si Aemie?” Bulong ni Lampe kaya lumingon
ako at sinulyapan sya. May punto naman si Lampe, kakagaling lang sa
ospital ni Ma’am Aemie at kung tutuusin dapat nagpapahinga pa sya.

Bumalik na ulit ang serious aura sa loob ng buong kwarto, maliban kay
Ma’am Aemie na kinukilit si Boss. Kanina pa ako atat malaman kung ano ba
ang pag-uusapan. “Hindi pa ba tayo mag-uumpisa boss?” Tanong ko.

“Uhmm wala pa kasi sila Meisha.” Sagot ni Ma’am Aemie.

Nakailang ulit akong sumulyap sa wrist watch na suot ko bago sumandal at


mahinahong nag-antay. No choice eh.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Ma’am Aemie. Hawak-hawak nya ang kanang
kamay ni boss habang nilalaro-laro.

Ang sarap siguro magkaroon ng girlfriend.

Aish! Bakit ba iyon ang pumasok sa utak ko.

“Zeke manuod tayo mamaya ng movie. Magda-download ako mamaya ng mga movie
hehehe.” Sabi ni Ma’am Aemie. Mahilig din kaya si Fauzia sa mga movies?
“Alright.” Sagot ni boss kay Ma’am Aemie. “You would never really like
the feeling of snipping off your eyes Lee.” Nanuyo ang lalamunan ko at
mabilis na lumingon kay boss.

“B-boss, may iniisip lang ako.” Depensa ko.

“You’re staring at her for two full minutes.” Ampupu! Aish!

“Uhh dong bago pa uminit ang ulo mo pumili na lang muna tayo ng movies.”
Binuksan ni Ma’am Aemie ang laptop nya at saka hinila ang braso ni boss.
“Ano bang gusto mo dong, ikaw na pumili baka sabihin mo naman unfair kasi
hindi kita pinapipili. Hehehe.”

“Okay, give me the list.” Sagot ni boss sa kanya. Para akong nabunutan ng
tinik dahil kay Ma’am Aemie na ulit nakatingin si boss.

“Pumili ka. Barbie in the pink shoes, Barbie : Mariposa and the Fairy
Princess, Barbie and Her Sisteers in A Pony Tale or Barbie : The Pearl
Princess.”

“Pfftt.” *cough* *cough* Nagkunwari akong nauubo nung di sinasadyang


matawa ako sa binigay na pagpipilian ni Ma’am Aemie. Pfft. Sino ba namang
hindi matatawa, pinapili pa si boss, puro Barbie din naman.

“Ano na Zeke? May napili ka na ba? Hehehe.” Tanong nya.


***

Aemie’s PoV

“Ano? Gusto mo ba ako na lang pumili?” Nakakainis naman ‘to si Zeke. Sya
na nga pinapipili ko ng movie, ayaw pa nya. Tapos pag ako ang pumili
sasabihin naman nya pangit daw. Hayy. Hindi ko na talaga alam kung saan
ako lulugar minsan.

“I don’t like Barbie movies wife.”

“Ganun ba? Osige iba na lang hehehe.”

Powerpuff Girls episodes

Kakatapos ko lang magtype sa search tab ng google nung may pumasok ng


pinto. “Sorry we’re late.” Isa-isa kong tinignan ang magkakasunod na
pumasok ng pinto. Si guardian angel, Meisha, Cassandra, Tristan at Spade.
Hay yang tagal naman ng pagkain, nauna pa silang dumating kaysa dun sa
pagkain.

Isinara ko na din agad ang laptop dahil for sure magsisimula na ang
meeting anytime dahil nandito na sila.

“Yow Mei.” Nalipat ang tingin ko kay Sebastian nung batiin nya si Meisha.
Katabi nya lang din si Milka kaya nakita kong nakasimangot si Milka,
tapos parang may binubulong sya.
“Dong, ano napansin mo kay Milka?” Bulong ko kay Zeke.

“She’s jealous.” Nagulat ako kaya napatakip ako ng bibig sa sinabi ni


Zeke. OMG! “Tiboom ba si Milka?” Bulong ko ulit.

*glare*

*pout* Ano bang masama sa tanong ko? Tama naman ako hindi ba. Kung hindi
naman tiboom si Milka, bakit naman sya magseselos kung nag ‘Yow Mei’ si
Sebastian. Hayy. “Minsan magulo din kausap to si Zeke eh.”

“What did you say?”

“Huh?” Waaaa! Narinig ba nya yung sinabi ko? Waaa ano ka ba naman Aemie.
“W-wala hehe. Sabi uhh-“ Tumingin ako sa kanilang lahat at nilakasan ang
boses ko. “Shall we begin with our topic?”

“Game.”

“Yes”

“Okay”
“Simulan na yan!”

Pasimple kong tinignan si Zeke, as in ingat na ingat akong mahuli nyang


nakatingin ako kaso “Hehehe. Peace!” Nakatingin pala sya sa’kin. Sana
naman nakalimutan na nya yung sinabi ko. Kasi naman sya eh! “Dong simulan
na natin, sayang oras oh.” Palusot ko.

“Tss. Alright. Let’s begin.”

***

“Seryoso?”

“Paanong nangyari yon?”

Halos lahat sila hindi makapaniwala nung sinabi naming dalawa ni Zeke na
kinidnap sila mommy at daddy. Kahit din naman ako hindi makapaniwala nung
una, akala ko kasi mga bata lang ang naki-kidnap, ngayon naniniwala na
akong pati matatanda pwedeng kidnapin.

Pero nakaka-bahala na talaga ang mga nangyayari. “Paano natin malalaman


kung okay sila?” Puno ng pag-aalala ang boses ni Meisha kaya napangiti
ako. “Don’t worry ate Mei, okay lang sila. Lagi akong nagpupunta doon
para i-check.” Sagot ni Milka. “And they’re fine. Nasa loob sila ng isang
mansion, pero bawal makipag-usap sa kanila. Kaya hindi din ako
nagkakaroon ng chance na makausap sila.” Dugtong pa nya.
“What?! What do you mean na lagi kang nagpupunta?”

“Napasali kasi ako sa kanila.” Nakatungong saad ni Milka. “Uhh pero hindi
ko naman sinasadya kasi sinundan ko that time si kuya Vash. I was curious
kung saan pupunta si kuya Vash, and then nahuli nila ako. I pretended na
hindi ko kilala si kuya Vash, good thing na wala namang may alam na
magkapatid kami kasi ibang surname gamit ko sa birth certificate kaya
kahit investigate pa nila. Hindi naman nila—“

“Whoa! Hindi ba masyadong delikado yan baby?”

Nabaling ang tingin ko kay Meisha nung mapatayo ito at saka nagsalita.
“And how can you be so sure na hindi nila malalaman? Alam mo ba pwedeng
mangyari sa’yo if ever malaman nila na traitor ka?” Halatang galit dahil
mataas ang tono ng boses nya.

Muling tumungo si Milka at hindi na nagsalita. “That’s right. Baka nga


ngayon, pinagpa-planuhan na nila ang gagawin nila sa atin eh.” Singit ni
guardian angel.

Inilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat. Lahat ay tahimik lang at


mukhang malalim ang iniisip hanggang mapasulyap ako kay Zeke. Nakatungo
lang din sya at mukhang problemado.

“Ginagamit kasi nila sila mommy at daddy para mapasunod si Zeke.” Sabi
ko, at alam kong sa mga oras na to nakatingin na silang lahat sa’kin.

“Wengya! Kaya naman pala planong bilhin lahat ni Mr. Roswell lahat ng
nasa auction.” Singit ni Kaizer.
Tama! Kaya nga kaysa ubusin ni Zeke ang pera doon, inutos ko na lang na
dekwatin namin yon. Hehehe. Hindi ba ang gandang idea nung naisip ko?
Napansin ko kasing hindi bukal sa loob ni Zeke ang gagawin nya nung mga
oras na yon.

“We can stay like this for the meantime habang wala pa tayong naiisip na
plano, as long as susundin ni Mr. Roswell lahat ng iuutos nila I think
safe sila queen at master.” Saad ni Tristan, “But the question is, for
how long?”

“No, we can’t.” Kontra ko sa sinabi ni Tristan. “Hindi natin alam kung


ano ang iuutos nila kay Zeke kaya hindi tayo pwedeng magpaka-siguro.”

“Ms. Aemie’s right. What if iutos nila kay Mr. Roswell na patayin lahat
ng members ng Yaji?” Narinig ko ang malalakas na pagsinghap nila. Nanlaki
naman ang mata ko sa sinabi ni guardian angel, ayokong mangyari yon. Pero
tama sya. Hindi imposibleng ipagawa nila kay Zeke yung ganung bagay.

“Kailangan na nating umisip ng plano.” Singit ni Jacob.

“Tingin ko we should save Queen and Master first.”

“Yeah right.”

“Milka saan yung address ng pinupuntahan mo?”


“Uhmm teka isusulat ko po.”

“Maglalagay ako ng mga cameras nearby para mabantayan natin yung lugar.”

“Sabihin nyo lang kung ano maitutulong ko para masimulan ko na.”

Nagsimula silang mag-usap-usap sa mga gagawin pero tahimik lang kaming


dalawa ni Zeke. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko na bumulong kay
Zeke. “Hindi ba mas maganda dong kung aalamin muna natin kung sino-sino
mga nag-uutos sa’yo?” Takhang tanong ko. Ngumiti sya sakin at saka
umakbay. “I am actually thinking of the same thing. I can’t set plans
since I haven’t got any information yet.”

Sure na sure na ako na kasali si Wallace Martin Lionhart. Pero sino-sino


pa kaya ang kasama nya? Hayyy. Eh kung isa-isahin ko kayang tignan mga fb
friends nya, baka mamaya may clues doon diba? Tama! Hehe ang galing ko
talaga.

***

Nagfe-facebook ako habang nag-uusap-usap sila at kumakain nung dineliver


na pagkain. Kanina ko pa chine-check isa-isa ang mga friends ni Wallace.
Bakit ba ang dami-daming friends nito sa FB at saka followers? Hayy!
Hindi kaya poser account ‘tong tinitignan ko?

“Baby oh gusto mo?”


“Kaya kong kumain mag-isa.”

“Pfft. Hwag kang magpapapaniwala dyan kay Lerwick, Milka. Gabi-gabi,


iba’t-ibang babae ang katabi nyang matulog.”

Katabing matulog? Natigil ako bigla sa pagtitingin ng friends ni Wallace


sa facebook nung may maalala ako.

Tinignan ko si Kaizer at Sebastian, sino kaya sa kanilang dalawa ang


tatanungin ko? Hmm. Parang ayoko naman itanong kay Kaizer kasi mukhang
hindi pa naman nagkakaroon ng lovelife si Kaizer. “Ahh Sebastian” Tawag
ko sa kanya.

Ramdam ko sa peripheral vision ko na tumingin din sa’kin si Zeke na


umiinom ng soft drinks. “Anong ginagawa mo pag may katabi kang babae sa
pagtulog?” Umpisang tanong ko.

*cough* *cough*

“Pfft.”

Mabilis akong pumaling kay Zeke at hinimas ang likod nya. Hayy sa susunod
hindi na nga ako magtatanong tuwing nainom si Zeke. Napansin ko kasing
hobby nyang masamid tuwing may tinatanong ako. “Ayos ka lang Zeke?”
“Hahaha. Bakit mo naitanong Miss Aemie?”

“Itatanong ko kasi kung—“

“Don’t mind her Lerwick.” Singit ni Zeke kaya tinignan ko sya saglit saka
ibinalik ang tingin kay Sebastian. “Itatanong ko kasi kung talaga bang—“

“Wife” Pinutol na naman ni Zeke ang sasabihin ko kaya natigilan ako.

“Kung talaga bang?” Tanong ni Sebastian.

“I said don’t mind her.” This time, mas mataas na ang tono ni Zeke at
halatang galit na pero tinuloy ko pa din ang itatanong ko. “Kung talaga
bang masakit kapag asdkfghj—“ Bago ko matapos ang itatanong ko ay punong-
puno na ng french fries and bibig ko.

“Quit talking and just eat.”

“Masakit ang alin?”

“Do you want to die Lerwick?” Nakarinig kaming lahat ng pagkasa ng baril
kaya tumigil na din ako magtanong. Hindi ko nadin naman magawang
magsalita dahil punung-puno na ng fries ang bibig ko. Ano na naman ba
drama nito ni Zeke at nagkaka-ganito na naman sya. Masama na ba
magtanong?Mamaya ko na nga lang itatanong.
Ibinalik ko ang tingin ko sa laptop at itinuloy ang pagche-check ng
profiles ng friends ni Wallace. Huminga ako ng malalim dahil nawawalan na
ako ng pag-asa. Parang wala naman akong makukuhang information dito sa
ginagawa ko.

***

“Tic-toc, tic-toc.” Bored na bored ako habang nakasubsob ang ulo ko sa


desk at sinusundan ang galaw ng kamay ng orasan na nandito sa ibabaw.
“Hayy.” Tumayo ako at saka tumanaw sa glass window. Saan ba ako dapat
mag-umpisa?

“Do you want to go home?” Mahina lang ang boses ni Zeke pero dinig na
dinig ko dahil nasa likod lang ng tenga ko sya nagsalita. Sunod kong
nadama ay ang pagyakap nya sakin mula sa likuran.

Umalis agad ako sa pagkakayakap nya nung may maalala ako.

Home.

Posible kayang nag-iwan sila mommy at daddy ng clues sa bahay namin?

Nung ibinalik ko ang tingin kay Zeke ay nakakunot ang noo nya nakatitig
sa’kin. “Dong pwede bang doon muna ako sa bahay naming matulog?” Kinagat
ko ang labi ko nung mapansin kong naningkit ang mga mata nya. “P-pwede
ba?” Kahit kinakabahan ay inulit ko pa din ang tanong ko.

Umiba ng direksyon ng tingin si Zeke at saka huminga ng malalim.

“You just got discharged from the hospital...” Sa tono pa lang ng


pananalita ni Zeke feeling ko hindi nya ako papayagan. Huhuhu. “You
should stay at home.”

*pout* Stay at home, stay at home pa si Zeke. Bakit hindi ba bahay yung
bahay nila mommy? Bahay naman yun ah.

“Have you also forgotten that our lives are in danger?” Hayy. Tumungo na
lang ako kaysa makipagtalo pa kay Zeke. “Tss. Fine. I will drop you off
later.” Tumunghay agad ako pero likod na lang ni Zeke ang nakikita kong
naglalakad palayo sa’kin.

Tama ba yung nadinig ko? Ihahatid nya daw ako? Yiii! Hehehe.

Tumakbo ako agad at sumunod sa kanya para siguraduhin kung tama ba ang
pagkakadinig ko. “Ihahatid mo ako mamaya sa bahay nila daddy Zeke?”
Nakahawak ako sa sleeves nya at hinihila kasi nasa ibang bagay ang
atensyon nya. “Yeah.”

OMG! OMG! Tama nga ang dinig ko. Pero—“Bakit? Ang akala ko kanina hindi
ka papayag kasi yung tono ng salita mo parang ayaw mo naman pumaya--”
“I can’t resist you.” Sagot nya saka humarap sa’kin. “And I don’t want to
control you. You can do whatever you want but please take good care of
yourself when I’m not around.”

Sa sobrang tuwa ko ay ikiniss ko si Zeke sa pisngi at saka ngumiti ng


malapad at sumagot “Aye aye captain!” Ngumiti si Zeke sa’kin saka ako
mabilis na hinalikan sa labi.

“Wooo! Hanggang dito ba naman!”

“Yung camera Lee!”

“Got it!”

OMG! Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko nung maalala kong nandito nga
pala sila. Nadinig ko ang sunod-sunod na tawanan nila kahit hiyang-hiya
na ako dito pero bigla ding naman silang tumahimik lahat.

Pagtingin ko sa kamay ni Zeke, may hawak na agad na baril. Ang bilis nya
lagi sa ganitong bagay. Hindi ko maintindihan kun magician ba sya or
superhero eh.

***

“Did you bring your medicines?”

“Uhmm oo hehe.”
“Eat a lot.”

“Okay!!!”

“Do not sleep late”

“Hehehe susubukan ko dong—“

*Glare*

*Pout* “Eh kasi naman paano kapag may kailangan akong gawain—“

“Then do it the next day.”

“Paano kung—“ Halos mapasubsob ako nung biglang pumreno si Zeke. Buti
nalang nagsi-seatbelt na ako lagi.

“No buts.”
“Okay.” Matamlay na sagot ko.

“If something happens, call me.”

“Aye aye!”

“Call me from time to time.”

Eh? Hindi kaya maistorbo ko naman sya kapag lagi ko syang tinawagan?
“Paano kung wala akong sasabihing importante?”

“I don’t care.”

“Hehehe okay!”

“Never fall asleep with windows and door open.” Lumabas si Zeke ng kotse
kaya lumabas na din ako at saka sumagot. “Okayyy!”

“Don’t stress yourself.”

Ako pa daw ba ang na-stress? Sya nga yung lagging stressed eh. “Hehehe
ikaw din.”
“Yeah.”

Ngumiti ako kay Zeke. “Gusto mo ba munang pumasok sa loob?” Tanong ko.

“Do you really want to do this?”

Eh? “Ang alin? Yung pag-tulog dito sa bahay? Ilang araw naman ah.” Minsan
talaga OA ‘to si Zeke. Hindi naman ako habambuhay dito titira eh.

“Yeah. Nevermind” Natawa ako bigla dahil parang ang lungkot-lungkot naman
ng tono ng boses ni Zeke. Magkikita din naman kasi kami lagi dahil lagi
din naman akong pupunta ng opisina.

“I love you. Hehehe.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

He smiled back, buti naman hindi na sya malungkot. “I love you even
more.” Sagot naman nya. “Pumasok ka na sa loob.” Dugtong pa nito.

“Hehehe sige.”

***
“Nasaan ba mga tao dito?” Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng
bahay/mansion ni daddy pero wala naman akong makitang tao.

Nasaan si insan? Pati yung mga kasambahay nila daddy wala.

Pero bukas naman yung pinto nung pumasok ako. Ano iniwan nilang bukas
yung pinto at gate?

“Insannnn!! Caileighhh!! Yuhoooo!” Naka-ilang ulit na akong sigaw pero


wala pa ding sumasagot.

“Ma’am Aemie, nandito po pala kayo.” Humahangos at pawis na pawis ang


isang kasambahay nung makalapit sya sa’kin. “Pasensya na po, sa likod po
kasi kami madami pong iniutos na gawain si Ma’am Caileigh bago umalis
kanina.”

“Ikaw lang ba ang tao dito?” Tanong ko at saka ulit iniikot ang tingin sa
buong paligid. “Nasaan yung iba?”

“Inalis po ni Ma’am Caileigh yung ibang katulong at gwardya ng mansion


dahil wala naman po kayo dito, pati po sila Sir Eiji at Ma’am Alyana,
matagal din naman daw po bago makabalik—“

“Eh si insan? Nasaan si insan?” Tanong ko.

“Bihira lang pong umuwi dito si Ma’am Amesyl. Ang alam ko po ay kumuha
sya ng apartment malapit sa eskwelahan at pinapasukan nyang University.”
“Ahhh.” Tumango ako at saka ulit tumingin sa paligid. Ang lungkot na pala
ng bahay ngayon. “Ilan na lang kayong natira dito?” Tanong ko.

“Tatlo po, at saka dalawang gwardya. Pero palitan po yung dalawang


gwardya. Isa sa gabi at isa sa araw.”

“Ha?!” Gulat na tanong ko. Paano kung may mawalang gamit dito sa bahay ni
daddy? Hindi kaya magalit si daddy pagka-nalaman nya yon. Mukhang
mamahalin pa naman ang mga gamit dito. Yung iba nga sa pictures ko lang
nakikita dati eh.

“O-opo pasensya na po.” Sagot naman nya.

Nagulat tuloy lalo ako, bakit naman sya humihingi ng pasensya eh hindi ko
naman sya inaano? Hayaan na nga!

“Hehehe okay lang ate.” Sagot ko.

Tumunghay sya at tumingin ulit sa akin. “Gusto nyo po ba ipagluto ko kayo


ng pagkain? Ano po ba ang gusto nyong kainin?”

“Hehehe sige po.” Tamang-tama nagugutom ako. “Kahit ano na lang pong
pagkain, hehehe.” Umupo agad ako sa dining table habang si ateng
kasambahay naman ay naghugas ng kamay at saka nagsimulang mag-ayos ng
lulutuin nya.
“Kamusta naman po itong bahay?” Tanong ko kay ate.

“A-ayos naman po.” Sagot nya habang naghihiwa ng kung anu-ano.

“Hindi po ba tumatawag sila mommy at daddy?” Kunyaring tanong ko, syempre


baka makahalata si ate sa’kin sabihin nalang napaka-walang kwentang anak
ko dahil hindi ko man lang kinakamusta sila mommy at daddy.

“Hindi po eh.”

“Ahh baka po busy sila no?” Sabi ko. Ano nga kaya ginagawa nila mommy at
daddy? Hayy. Nalulungkot na naman tuloy ako.

“Siguro po.”

“Si Caileigh po kamusta?” Tanong ko ulit.

“I’m fine.”

Hindi na ako nagulat nung may sumagot mula sa likuran ko kasi kanina ko
pa naman nararamdaman na may tao.
“Ma’am Caileigh, nandyan na po pala kayo. Ano pong gusto nyong lutuin
ko?” Napansin kong natataranta si ateng kasambahay. Halos hindi sya
magkaintindihan kung ano ang unang hihiwain habang hindi makatingin ng
diretso kay Caileigh.

“Natapos nyo na ba yung pinapalinis ko sa likod ng mansion?” Tanong nya


kay ateng kasambahay,

“O-opo.” Aligagang sagot ni ateng kasambahay.

“Gusto mo ate ako na mag-hiwa nyan?” Tanong ko. Nakakapag-alala naman


kasi to si ate. Dali-dali sa pag-hiwa. Baka mamaya pati daliri nya mahiwa
nya. Konsensya ko pa to dahil ako nakakakita.

“Hindi na po Ma’am Aemie, kaya ko na po ito.” Sagot nya.

“Sure ka ate ha?” Paninigurado ko. “Pag hindi mo kaya, sabihin mo lang
po. Tutulungan kita.” Hehehe. Mukha naman kasing first time magluluto
tong si ate.

“Opo.” Tipid na sagot ni ate.

Bumalik naman ako sa kinauupuan ko kanina. Si Caileigh naman nakatingin


lang sa’kin. “Bakit ka nandito?” Tanong nya. Masyado na ba akong
judgmental? Pakiramdam ko kasi sarcastic yung pagkaka-tanong nya sa’kin.
“Hehehe wala, gusto ko lang dito matulog.” Sagot ko, tumayo ulit ako para
naman kumuha ng tubig sa ref. Bigla kasi akong inuhaw. Nakaka-tense naman
kasi magtanong ‘to si Caileigh.

“Bakit hindi ka doon sa bahay ni Ezekiel matulog?”

Nagsalin ako ng tubig sa baso at saka ulit umupo sa may dining table bago
sagutin si Caileigh. “Hindi naman siguro bawal na matulog ako dito
paminsan-minsan diba?” Sabi ko. Hindi ko na din alam kung anong palusot
ang gagawin ko. Bakit ba kasi sya tanong ng tanong sa’kin. “Ayaw mo bang
nandito ako?” Tanong ko sa kanya.

“Medyo uncomfortable lang, sanay na kasi ako ng walang ibang tao dito.”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa isinagot sa akin ni
Caileigh. Bakit ganito sya magsalita ngayon? Galit ba sya sa’kin? May
nagawa ba akong kasalanan sa kanya na hindi ko maalala? “Sanay ako ng
mag-isa.” Dugtong nya.

indiHindiHindiHinHindi naman sya dating ganito ah. “Anong palabas ba ang


nakakahiligan mong panuodin Cai?” Mukhang nasosobrahan sa panunuod ng mga
madramang palabas si Caileigh kaya nagkakaganito. Hayy wala kasi sila
mommy eh. Kung nandito sana si mommy edi puro powerpuff girls ang
napapanuod nya.

“Tss.” Nagkusot ako ng mata dahil parang namalik-mata ako na sinamaan ako
ng tingin ni Caileigh. “Manang, pakibilis nga yang niluluto nyo.
Pakidalahan na lang din ako ng food sa room. Doon na lang ako kakain.”

“O-opo Ma’am Caileigh.”


***

A/N

Hi guys! May booksigning later (Sept 27) sa Market-market- 2PM, available


doon ang MHIAMB volume 1 and volume 2! Punta kayo ha?

And tomorrow (Sept 28) meron din sa SM MOA (2pm) available din dun ang
MHIAMB volume 1 and volume 2.

Plus, I’ll be giving free MHIAMB bookmarks sa mga pupunta. You can bring
your old MHIAMB book para ipa-sign as long as nasa inyo pa NBS receipt or
may price tag pa sya ng National Book Store. Thank you and See you! :*

=================

Chapter 12

Aemie’s PoV

Ilang minuto matapos akong kumain, nakaupo pa din ako dito sa harap ng
lamesa. Iniusod ko ang plato ko palayo sa akin at sa pumangalumbaba sa
lamesa.

“Ma’am Aemie tapos na po ba kayong kumain? Ililigpit ko na po ang mga


plato.”
Tinignan ko si ateng kasambahay pero hindi ko pa inaalis ang
pangangalumbaba ko. “Hayy!” Iniisip ko pa din kung bakit ganoon si
Caileigh. “Naputulan po ba tayo ng cable?” Tanong ko kay ateng
kasambahay.

“Hindi naman po Ma’am Aemie.” Sagot nya habang iniiligpit ang mga plato.
Hindi naman pala naputulan, eh bakit si Caileigh parang puro drama lang
napapanuod sa TV. Ang sungit-sungit.

“Si Caileigh po ba kumain na?” Tanong ko ulit.

“Hindi ko po alam kung kinain nya yung pagkain na dinala ko sa kwarto nya
eh.”

“Ahh.” Isinubsob ko ang ulo ko sa ibabaw ng lamesa. Ano ba ang


nangyayari? “Aakyat na po ako sa kwarto ate. Matutulog na po ako.”

“Sige po Ma’am Aemie.”

Hayy!

Tumayo ako at naglakad-lakad sa loob ng bahay. Didiretso sana ako sa


kwarto pero mas pinili kong mag-ikot-ikot muna.

Sobrang tahimik, at walang katao-tao. Kumpara noon na halos lahat ng


kanto ng bahay laging may nakabantay.
Itinuloy ko ang paglalakad sa mahabang hallway hanggang sa—“Sino ‘yun?”
Mula dito sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang pigura ng dalawang tao
sa labas ng bahay. Tumago ako at saka pilit na tinitigan kung sino yung
dalawang yon.

Si ateng kasambahay yung isa, yung isa may hawak na malaking baril at
naka-suot na uniform pang guard. Hiyiii si ate lumalovelife. Siguro
magboyfriend sila.

Teka—

Akalako ba nagliligpit itong si ate?

Tumakbo ako pabalik ng kusina para silipin kung nailigpit na nya lahat ng
plato. Pagkarating na pagkarating ko ay may ilang plato pa akong nadatnan
sa ibabaw ng lamesa na hindi pa naiiligpit.

Ang ibang hugasin ay nakatambak lang sa lababo.

Kung nandito si daddy siguradong magagalit si daddy. Ayaw na ayaw pa


naman nya na ng hindi maayos ang bahay.

Inumpisahan kong iligpit ang mga plato at naghugas ng pinggan. Hanggang


sa matapos ako ay hindi pa din bumabalik si ateng kasambahay. Alam ko
masama yung naiisip ko, pero hindi ko maiwasan na hindi mag-isip ng
masama. Waaaa!
Nag-tanan na kaya silang dalawa ni kuyang guard?

Dahan-dahan akong lumabas sa pinto sa likod para silipin kung nasaan na


silang dalawa.

Nasaan kaya sila? Wala ng tao dito sa kinatatayuan nila kanina ah.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid, sobrang lawak nitong likod ng


bahay ni daddy. Iilang parts lang din ang may poste ng ilaw kaya madilim
sa ibang parte. Paano ko kaya sila hahanapin.

“Ano po ginagawa nyo dito sa loob Ma’am Aemie?” Halos mapalundag ako sa
gulat nung madinig ko ang boses ni ateng kasambahay. Ni hindi ko man lang
naramdaman na lumapit pala sya sa akin.

“Uhh, hinahanap kita ate, saka yung kausap mo kaninang si kuyang guard.”

“P-po?”

Tumingin ako kay ateng kasambahay dahil napansin kong kinabahan sya sa
tanong ko. “Okay lang yan ate, hindi naman masama mag-boyfriend. Hehehe.”
Paalala ko sa kanya. Baka naman kasi isipin nya pinapagalitan ko sya
dahil nagkikita sila ni kuyang guard.
Sinuklian din naman ako ng ngiti ni ate, mukhang nakahinga sya ng
maluwag. Hehehe buti naman. “Pero next time ate, uunahin nyo po muna ang
gawaing bahay kasi ayaw ni daddy ng makalat ang bahay.” Ilang beses ko pa
naman nadidinig si daddy na pinapagalitan ang mga kasama nya sa bahay pag
nakakakita ng kalat.

“O-opo Ma’am Aemie.”

“Aemie, what are you doing here?!” Mabilis akong lumingon sa likod nung
nadinig ko si Caileigh.

“Akala ko nasa kwarto ka.” Nagtatakhang sabi ko.

“I went to your room, pero you’re wala. So chineck ko dito sa baba.”


Paliwanag nya.

“Ma’am Aemie, mas mabuti pong pumunta na kayo sa kwarto nyo para
matulog.” Sabi naman ni ateng kasambahay. Kaya nagpabalik-balik ang
tingin ko sa kanilang dalawa.

Ano bang meron?

Parang may kakaiba.

-Next day-
“Ma’am Aemie”

*knock* *knock*

“Ma’am Aemie, gising na po. Tanghali na po.”

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at saka tamad na tamad na bumangon. “Ano


bang oras na? Bakit hindi man lang ako ginising ni Ze—“

OMG!

*knock* *knock*

“Sige po susunod na po ako sa baba.” Sagot ko habang nagmamadaling tumayo


para kunin ang phone ko sa bag.

Omygod! 44 missed calls. And 22 text messages. Nung tinignan ko ang oras
sa cellphone 10:05AM na. Napasobra yata ako ng tulog.

Waaaaa omygod! Pupunta pa pala ako ng opisina. Hala! Hindi ko na binasa


ang mga text messages ni Zeke para hindi ako matagalan. Mabilis akong
naligo, nabihis at saka tumakbo palabas ng kwarto.
Didiretso sana ako sa hagdan nung mapadaan ako sa hagdan papunta sa
kwarto nila mommy at daddy. Wala naman siguro masama kung pupuntahan ko
saglit ang kwarto nila diba?

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nagsimula ng uminit ang mga mata


ko habang inililibot ko ang tingin sa buong kwarto. Maayos na nakahalera
sa isang mahabang lamesa ang mga pictures namin. Pati ang mga lumang
larawan nilang dalawa na masayang magkasama ay naroon din.

Mas lalo ko tuloy silang nami-miss.

Lumapit ako sa isang larawan at tinignan. Picture naming anim nila mommy,
daddy, insan, Caileigh, Zeke at ako.

-Flashback-

“Family ng bride.” Sabi nung emcee. Agad na lumapit sila mommy, daddy at
insan sa aming dalawa ni Zeke na nandito pa din sa harap ng altar.

Ngumiti ako kay Zeke para naman ngumiti sya kahit papaano. Kanina pa kasi
sya mukhang irritable.

“Okay, smile.” Sabi nung photographer.


“Wait” Pigil ni mommy sa photographer. “Caileigh hija sumama ka dito.”
Tawag nya kay Caileigh. Kaya napatingin ako sa gawi ni Caileigh.
Nakatingin lang sya sa amin. “P-po?”

“Hayy ano k aba naman.” Lumapit si mommy sa kanya at saka hinawakan ang
mga kamay. Nginitian ko si Caileigh kasi parang nahihiya pa syang lumapit
sa amin.

-End of flashback-

Ipinatong ko ulit ang larawan sa ibabaw ng lamesa nung matapos ko nang


tignan. Sunod kong binalingan ng tingin ang pinto papunta sa opisina ni
daddy.

Lumapit ako para sana pumasok pero—“naka-lock?” Sinubukan ko ulit buksan


pero naka-lock talaga.

“Ma’am Aemie”

“Omygod!” Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. “Ate nakakagulat


ka naman.”

“Pasensya na po.”

“Hehe okay lang po.” Sagot ko. “Ay nga pala, nasaan po pala ang susi
nitong opisina ni daddy?”
“Hindi ko po alam Ma’am Aemie, baka po na kay Ma’am Caileigh.” Sagot ni
ateng kasambahay. Ibinalik ko ang tingin ko sa pinto ng opisina. Sayang
naman hindi ko mapapasok ang loob nito ngayon.

“Hindi pa po ba kayo kakain? Nagluto na po ako ng agahan.”

“Waaaa! Dapat hindi ka na nag-luto ate, ipagluluto ko kasi si Zeke eh.”


Sabi ko.

Ngumiti lang si ate sa akin at tumalikod na paalis. Kaya nag-umpisa na


akong maglakad palabas. Parang may kung anong humatak ng atensyon ko para
mapatingin sa sahig na kinatatayuan ko.

May ilang patak na kulay pula akong nakita sa may gilid ng pintuan. Dugo?
Tama ba yung nakikita ko? Dugo nga ba ‘to? Pero bakit naman magkakaroon
ng dugo dito?

Umupo ako para makita ko ng mas maigi yung blood spots sa sahig. Mukhang
hindi pa masyadong matagal. Tumingin ako sa pintuan at nakita pa ang
ibang blood stains sa may bndang itaas.

“Ma’am Aemie hindi pa po ba kayo bababa?” Mabilis akong tumayo nung


madinig ko ang boses ni ateng kasambahay mula sa malayo. At mukhang
pabalik na ulit sya kaya isinara ko na agad ang pinto ng kwarto nila
mommy at daddy.

Habang naglalakad ako ay pinupuna ko lahat ng makita ko. Walls, statues,


paintings, maging ang sahig at kisame.
Hindi lang isa o dalawang parte ng hallway ang nakitaan ko ng blood
stains. Ang ilan ay mukhang kumupas na.

“May problema po ba Ma’am Aemie?” Tanong ni ateng kasambahay nung


makarating ako sa kusina.

O-M-Y-G-O-D!

May nag-shooting kaya ng horror movie dito sa bahay nung wala kami?

“Ma’am Aemie?” Muli akong bumalik sa sarili ko nung madinig ko ang boses
ni ateng kasambahay. “Ha? Ano po yun?” Tanong ko sa kanya.

“May problema po ba?”

“Wala naman po ate. Hehehe may iniisip lang akong movie.” Sagot ko at
saka nag-umpisang mag-handa ng mga lulutin ko.

“Ayaw nyo po ba ng inihanda kong pagkain?” Tanong ni ateng kasambahay.

“Naku hindi naman po! Hehehe ipagluluto ko lang po kasi si Zeke ng


pagkain tapos doon sa opisina na lang din po ako kakain.” Sagot ko sa
kanya.
***

“Excited na ako makita si Zeke. Hehehe.” Bulong ko habang naglalakad,


ilang steps bago makarating sa pinto ng opisina nya.

“And why?”

Asdfghjkl! “Waaa dong!” Kamuntikan ko pang mabitawan ang basket ng


pagkain na dala-dala ko dahil sa sobrang gulat.

“Pfft. Let’s go inside.” Sabi nya at saka nya binuksan ang pinto ng
opisina nya.

Naglakad agad ako palapit sa table ng mini living room ng office at saka
binuksan at isinalansan ang pagkaing dala ko. Nagugutom na din ako eh.
Hindi naman kasi ako kumain kanina bago umalis.

Natigilan ako sa pag-aayos ng mga pagkain nung maupo si Zeke sa upuan sa


harap ko. Ramdam ko kasi ang mga titig nya sa’kin kahit na hindi ako
nakatingin. “Hehehe dong bakit?” Kinakabahang tanong ko. Naalala ko kasi
yung missed calls at text messages nya na hindi ko pa binabasa hanggang
ngayon. Huhuhu nakalimutan ko kasi basahin.

“I texted you to open your window last night but you didn’t let me in.”
“He-he-he o-oo nga.” Sagot ko, kahit naman hindi ko alam na—teka. “Bakit
ka naman kumatok sa bintana ng kwarto ko?!” Gulat na gulat na tanong ko.
Ibig sabihin, “Pumunta ka sa bahay kagabi?” Tanong ko ulit.

“Yeah. I was there all night.”

Seryoso? “Baliw ka ba?”

“Maybe.”

Huwaaaaaaa! Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi


ni Zeke para suriin ang mukha nya. “Hindi nga dong?” Waaa omygod omygod!
Kailangan ko na yatang ipa-doktor si Zeke.

“Pfft.” Inalis nya ang dalawang kamay ko na nakahawak sa pisngi nya


habang nakangiti. Omygod, sira ulo nga. “I just missed you.” Eh? “Eh
bakit hindi ka nag doorbell, edi sana pinagbuksan ka ng pinto ni ateng
kasambahay?” Nagtatakhang tanong ko.

Actually, madami pa akong gustong itanong kay Zeke, tulad ng ano ang
ginawa nya magdamag. Imposible naman kasing—“Teka Zeke, pumasok ka sa
loob ng bahay namin?” Hindi kaya plano ni Zeke dekwatan ang bahay ni
daddy?

“Yeah.” Tipid na sagot nya. Sumandal ako sa upuan at napaisip ng malalim.


“Siguro naka-tunog kang walang tao sa bahay kaya ka pumunta doon no?”
Tanong ko.

“No” Seryosong sagot ni Zeke. “I went there last night to see you. But
something came up.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Something
came up? “Bakit anong meron?” Tanong ko ulit.

“Bunch of assholes.” Kinuha nya ang lalagyanan ng kanin at saka binuksan


at naglagay sa plato. Hehehe nakalimutan ko nang ayusin ang pagkain. “Ako
na dong.” Sabi ko.

“When will you come back home wife?”

Inabot ko ang lalagyan ng mga ulam na niluto ko at saka binuksan isa-isa.


“Uhh, ilang araw na lang siguro. Hehe.” Sagot ko. Pero teka—“Sabi mo may
pumunta sa bahay namin, sino yun? Nasaan na sila? Bakit parang hindi ko
naman sila na-meet?” Tanong ko.

“Because you were sleeping.” Sagot nya.

Bakit naguguluhan ako. “Teka Zeke ha, ulitin natin sa umpisa. Medyo
magulo ka kasing kausap eh.”

“Tss. Go ahead.”

“Hehehe. Bakit ka pumunta sa bahay?”


“Because I missed you.”

“Anong ginawa mo sa bahay?”

“Nothing.”

“Eh saan mo nakita yung mga sinasabi mo?”

“Inside your house.”

“Nakita ka nila?”

“Yeah.”

“Na-meet mo ba? Nag-hi, hello ba kayo sa isa’t-isa?”

“I met them, but I didn’t say hi or hello.”

“Ahh. Eh nasaan na sila?”


“In a peaceful place.”

“Ahh sayang, hindi ko sila na-meet. Friend daw ba sila nila daddy?”

“No.”

Omygod! Kung hindi sila friend ni daddy—“Bakit sila nandoon?” Hindi kaya
akyat-bahay gang sila? Waaaaa! Omygod. Paniguradong magagalit si daddy
pag may nawalang gamit.

“To kill you.”

“Waaaaa! Seryoso?”

“Yeah.”

Hayy. Nakahinga ako ng maluwag doon ah. “Buti na lang, akala ko akyat
bahay-gang tulad nung nagpunta dun sa pink house.”

“What?” Nung mapatingin ako kay Zeke ay masama ang tingin nya sa’kin.
*pout* “Bakit Zeke?” Tanong ko. Kanina okay naman ah. Bakit bigla na
naman syang nagalit.
“Let’s just eat.” Kinuha nya ang kutsara at saka naglagay ng pagkain sa
kutsara at isinubo sa’kin. Pagtapos ay ako naman ang kumuha ng pagkain at
saka isinubo sa kanya.

Kakalunok ko lang ng pagkain nung may maalala ako bigla. “Omygod Zeke,
may naalala ako!”

“What is it?”

“May nakita nga pala akong mga blood stain sa kwarto nila mommy, pati
nadin sa hallway at sa ibang part pa ng bahay.” Saad ko.

Sinubuan ulit ako ni Zeke pero hindi sya sumagot sa sinabi ko. “Tapos si
Caileigh, parang ano uhmm—parang masungit na sya ngayon.”

“Masungit?”

Sinubuan ko muna si Zeke ng pagkain bago ako sumagot. “Oo kasi tinatanong
nya kung bakit daw ako nandoon. Sabi nya uncomfortable daw na nandoon ako
kasi sanay daw sya mag-isa.” Paliwanag ko. “Ay tapos dong alam mo ba si
ateng kasambahay at saka si kuyang guard feeling ko mag-jowa sila
hihihi.” Kahit na mukhang hindi naman interisado si Zeke sa kinukwento ko
ay tinuloy ko pa din ang pagku-kwento.

“Nakita ko kasi silang dalawa na nag-uusap sa likod ng bahay namin.


Feeling ko in love na in love si ateng kasambahay sa kanya. Mas pinili
nya kasing makipag-moment kay kuyang guard sa likod ng bahay namin kaysa
hugasan yung mga plato. Ako na lang tuloy ang naghugas ng mga pinggan.”
“What?”

Eh? “Oo nga, hehehe tapos nung lumabas ako, para sana silipin sila wala
na eh. Hindi ko na din naabutan. Si ateng kasambahay na lang ang nandoon.
Akala ko nga nag-tanan na sila eh.”

“Weird.” Bulong ni Zeke.

“Weird nga talaga, pati hindi ako sanay ng tahimik yung bahay ni daddy at
walang tao. Dati-rati kasi diba ang daming tao. Eh ngayon wala na kasi
sabi ni ateng kasambahay inalis daw ni Caileigh yung ibang kasambahay at
guards, kaya dalawang guards na lang din natira. Isa sa umaga at isa sa
ga—“

*knock* *knock*

“Come in.” Sagot ni Zeke.

Pumasok si ateng new secretary (Sierra) sa loob ng opisina at saka pormal


na nagsalita. “Your meeting will start in 15 minutes Mr. Roswell” Saad
nya.

“Okay.”

Pagkatapos nun ay umalis na din agad si ateng secretary. Minsan hindi ko


alam kung bakit kailangan pa lagi ipaalala ng mga secretary ang mga
ganung bagay eh may relo naman si Zeke. Wala din naman sa itsura ni Zeke
na nakakalimot sa meeting. Hayy. Dapat kasi ino-orient yang mga yan eh.
Pati tuloy pagke-kwento ko napuputol.

“Continue your story wife.” Sabi ni Zeke.

“Ahmm nasaan na nga ba ako sa kinukwento ko?” Hayy! Nakalimutan ko na


tuloy. “About the guards.”

“Ahh oo ayon! Dalawa na nga lang daw ang guards, isa sa umaga at isa sa
gabi. Hehehe ayun lang naman Zeke.”

“I see.”

“Pupunta ka ba ulit mamaya sa bahay?” Tanong ko sa kanya.

“Yes”

“Edi sumabay ka na sa’kin pag-uwi hehehe.” Hindi naman kasi nya kailangan
sa bintana pa dumaan, pwede namang sa pinto. Baka mapagkamalan pang
myembro ng akyat-bahay gang or budol-budol to si Zeke sa ginagawa nya.

“I can’t. I have some important things to do before going home.”

“Aantayin na lang kita hehehe.”


“Alright. That sounds better.”

“Dong kamusta na pala pangba-blackmail sa’yo?” Hehehe naisip ko lang


naman kung ano na mga inuutos sa kanya. “May mga inutos ba sa’yo ulit na
gawin?” Tanong ko. Napakagat ako ng labi nung mapansin kong nag-iba ang
mood ni Zeke. “Hehehe hwag mo na sagutin” Baka mamaya uminit na naman ulo
nya eh mahirap na. Lagi pa naman syang may baril. Ayokong makatulad kay
Kaizer.

“Yes and I’m still working on it.” Sagot nya.

“Ahh. Hehehe buti naman.”

“Buti naman?”

Waaa! Bakit nga ba buti naman ang sagot ko? Huhuhu. “Buti naman at hindi
ka nagalit. Akala ko kasi galit ka sa tanong ko eh huhuhu.”

“Pfft. Why would I?” Tumingin si Zeke sa wrist watch nya at saka ibinalik
ang tingin sa akin. “I will be back right after the meeting.” Sabi nya
saka mabilis na kumiss sa labi ko. “Finish your food.” Tumayo si Zeke at
saka inayos ang coat na suot nya.iiHihh “I love you.” Sabi ni Zeke, nung
makatayo ako para tulungan sya sa pag-aayos ng damit. “Hehehe I love you
din.” Sagot ko.

***
Amesyl’s PoV

Siraulong bakla yon! Talagang hindi na ako kinontak! Arghh! Bakit ba ako
naiinis? Masaya nga ako kasi hindi na nya ako kinukulit.

Ibinato ko sa kama ang cellphone na kanina ko pa hawak-hawak dahil ilang


linggo na din akong hindi kinokontak nung baklang betty boop. Tss. Bahala
nga sya. Pakialam ko ba sa kanya.

*doorbell sound*

Padabog akong naglakad papunta sa pintuan nung mapatigil ako. Simula nang
lumipat ako dito sa apartment, wala naman akong nagiging bisita. Malamang
wala namang may alam nitong address ko.

Kaya paanong magkakaroon ako ng bisita?

*doorbell sound*

“Sino yan?” Dumikit ako sa pinto para pakinggan ang labas ng apartment,
ngunit napaatras ako dahil sa malalakas at sunod-sunod na kalabog sa
pinto. “SINO KA BANG LINTIK KA!?” Hiyaw ko.
Nag-antay ako pero imbis na makatanggap ako ng sagot ay sunod-sunod na
kalabog ulit ang nadinig ko. At mukhang pilit ng binubuksan ang pintuan
ng apartment ko. Lecheng to. Pag ito si Birkins, babalatan ko to ng
buhay.

Mabilis akong bumalik sa loob ng kwarto at ini-lock ang kwarto. Dinial ko


kaagad ang number nung bakla—

[Hello?] Tahimik ang background sa kinaroroonan ni Birkins. Pinakinggan


ko ang labas ng bahay na sunod-sunod pa din ang malalakas na katok.

So sa madaling salita, hindi itong baklang to ang nasa labas ng


apartment?

[Hello Amesyl? Bakit ka tumawag?]

Amesyl? Tinignan ko ang cellphone ko dahil baka nagkamali ako ng idinial


na number. Pero tama naman. “Wala nagkamali lang ako ng dial” Sagot ko.

[Ahh. Ge.]

Bumilis ang tibok ng puso ko nung madinig kong malakas na bumukas ang
pinto ng apartment. Shit! “Louie”

[O?]
“Tulungan mo ko.”

[Busy ako.]

Nabitawan ko na ang cellphone nung sunod na bumukas ang pinto ng kwarto.


“Sumama ka samin.” Kahit gusto kong lumaban ay hindi ko magawa. Limang
lalaki ang nasa harap ko. Lahat sila may hawak na baril at nakatutok sa
akin.

Walanghiyang baklang betty boop to. Pag ako namatay. Hindi kita
titigilan. Mumultuhin kita gabi-gabi.

**

A/N : Surprise UD :D Lovesyouuu guys! Bili kayo book ha? Thanks :*

=================

Chapter 13

Louie’s PoV

“Kukuha lang ako ng drinks.” Paalam ni Grethel. Tumango ako at hindi na


nagsalita hanggang makabalik sya. Simula nung hindi ako nagparamdam kay
Momo ay ganito na ang naging routine ko. Ang magpaka-lunod sa alak araw-
araw kasama si Grethel.
*phone vibrates*

“Who’s that?” Nawala ang tingin ko sa phone na nagri-ring nung nagtanong


si Grethel. “Si Amesyl.” Tipid na sagot ko.

Inangat ko na ang cellphone para sana sagutin nung hinawakan nya ang
kamay ko at pinigilan. “What Louie? Pagkatapos ka nyang paasahin at
saktan, isang tawag lang sasagutin mo na agad. You're unbelievable.” May
punto si Grethel pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Inalis
ko ang pagkaka-hawak nya sa kamay ko bago sagutin ang tawag.

“Hello.” Casual na sagot ko. Pinakinggan ko ang kabilang linya pero hindi
sya nagsasalita kaya ako na ulit ang nagsalita. “Hello Amesyl? Bakita ka
tumawag?”

[Wala nagkamali lang ako ng dial] Hindi ko maintindihan ang sarili ko


kung epekto lang ba ‘to ng alak o talagang masakit sa’kin na marinig ang
boses nya. Siguro nga lasing na ako.

“Ahh. Ge.” Hinihintay kong sigawan ako ni Momo, para magising ako pero
hindi yun ang nadinig ko.

[Louie]

“O?”
[Tulungan mo ko.] Unang pumasok sa isip ko ay si Blood. Plano nya bang
humingi ng tulong sa’kin para kay Jerson Ken Blood? Ampupu naman. Sa
dinami-dami ng pwedeng hingian ng tulong bakit ako pa.

“Busy ako.” Taliwas sa gusto kong sabihin ang naging sagot ko.

Naghintay ako ng isasagot ni Momo pero iba ang nadinig ko sa kabilang


linya na muling gumising sa akin. [Sumama ka samin] Tangina!

“Momo?” Humigpit ang hawak ko sa cellphone at awtomatiko akong napatayo


mula sa kinauupuan ko. “Momo anong nangyayari?”

*toot* *toot*

“Shit!”

Dali-dali akong lumapit sa desk para kuhanin ang car keys. “What
happened? Pupuntahan mo yung bitch na yon? After all this time,
pagkatapos ng lahat ng ginawa sa’yo ni Amesyl—“

Uminit ang ulo ko dahil sa sunud-sunod na ingay na sinabi ni Grethel,


hindi ko na din napigilan ang sarili ko na putulin sya sa sinasabi nya.
“Ano bang ginawa sa’kin ni Amesyl ha Grethel? Una sa lahat, ginusto kong
mahalin si Amesyl, hindi nya ako pinaasa. Pangalawa kung ano man ang
gawin ko wala ka ng pakialam doon. At pangatlo hindi porket dinadamayan
mo ako may karapatan ka ng pagsalitaan ng masama si Momo.” I hissed.
Sawang-sawa na akong makinig sa mga payo ni Grethel.

Hindi na ako nag-abala pang tignan kung ano ang naging reaksyon nya sa
sinabi ko. Dumiretso na ako sa parking lot pagkatapos kong kuhanin ang
susi ng kotse.

Hintayin mo lang ako Momo..

***

Aemie’s PoV
Nakaupo ako sa gutter sa labas ng bahay ni daddy at nagbibilang ng
langgam na magkaka-pilang naglalakad sa kalsada. “Anong oras kaya
dadating si Zeke?” Hayy! Bakit ba kasi hindi nya sinasagot ang tawag ko.
Sabagay sabi nya busy nya.

Omygod!

Hindi kaya nag-adventure ulit si Zeke ng hindi ako sinasama?

*pout*

Ang duga! Nakakatampo na ha. Nag-aaral naman ako ng mga tinuro nya dating
stunts eh. Tapos hindi pa din ako isasali.

*beep* *beep*

Tumunghay ako at nakita ang kotseng nakatigil sa harapan ko. Teka kilala
ko tong—“Louie!!!” Ngiting-ngiti akong kumaway kay Louie. Pero bakit
parang hindi naman sya masaya?

Mabilis syang bumaba sa kotse kaya tumayo ako para lumapit sa kanya. “Si
Momo?”

Eh?

“Nandyan ba si Momo?”

“Nandito ba si insan?” Napaisip ako dahil sa tanong ni Louie sa’kin. Ang


sabi ni ateng kasambahay bihira lang naman daw umuwi dito si insan diba?

“Aish!” Kumamot sya sa ulo at halatang balisang-balisa. Ano ba ang


nangyayari? “Wala ba dito si Amesyl?”

“Wala? Hindi naman daw sya dito umuuwi eh?” Patanong na sagot ko dahil
ang totoo nyan. Gulong-gulo ako.
Napa-atras ako nung hawakan ni Louie ang mag-kabilang balikat ko.
“Hanapin natin si Momo.” Hindi ko na nagawang sagutin ang sinabi nya
dahil hinawakan na nya ang kamay ko at saka pinasakay sa kotse nya.

Ano ba naman yan si insan. Wag nyang sabihing nawawala sya? Hayy! Ang
sabi ko naman kasi magdala ng mapa pag hindi nya alam ang pupuntahan nya
eh. Iba na syempre yung laging sigurado. Minsan talaga hindi marunong
makinig yan si insan sa mga payo ko eh.

***

“Louie teka nga, kanina pa tayo paikot-ikot dito ah.” Tinignan ko ang
gilid, harap at likod. Siguradong-sigurado ako, dumaan na kami dito eh.

“Hindi pa no.” Naka-kagat si Louie sa daliri nya habang gigil na


nakahawak sa manibela ng kotse. Kahit naman hindi nya sabihin halata sa
kanya na alalang-alala sya kay insan. Hayy! Si insan talaga sakit ng ulo
minsan.

“Dumaan na talaga tayo dito.” Giit ko.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Louie. Inihinto nya ang sasakyan at saka
sumubsob sa manibela ng kotse. “Nasaan ka ba kasi Momo?” Mangiyak-ngiyak
at puno ng pag-aalala ang boses nya.

Ako naman ay hindi ko alam kung tatawa ako o matatakot kay Louie. Ikaw ba
naman makakita ng taong kinakausap ang manibela ng sasakyan eh medyo
scary diba? “Uhh Louie..” Sinubukan kong hawakan si Louie si balikat para
kahit papaano ay mabawasan naman ang pag-aalala nya. “Subukan kaya natin
magtanong sa mall?”

Nilingon nya ako na may halong pagtatakha, bago ulit bumalik sa pagkaka-
subsob sa manibela. “Aemie naman eh. Ngayon mo pa naisipang mag-joke.”

Mukha ba akong nagjo-joke? Hindi naman nakakatawa ang sinabi ko ah. “Si
insan kasi nagpa-part time sa mall diba? Naisipan ko lang naman na—“

“Saang mall?”
O kita mo na! kita mo na! Tapos ngayon tatanong-tanong sya sa’kin kung
saang mall. Hayy! “Doon sa dinaanan natin kanina na mall, hehehe.”

“Aish! Bakit hindi mo agad sinabi?” Tanong nya habang sinisimulang


paandarin ulit ang kotse.

“Eh hindi ka naman nagtanong eh.” *pout*

Hindi na kami nag-usap ni Louie hanggang sa makarating kaming dalawa sa


mall.

***

Nakatitig kaming dalawa ni Louie sa papel kung saan nakasulat ang address
na binigay nung kasama ni insan sa trabaho. “Ito ba yun?” Tanong ko saka
tumingin sa bahay.

“Ito nga yata.” Sagot nya ng nakatingin din sa bahay.

Tinignan ulit namin ng sabay ang address sa papel. Feeling ko naman ito
nga yun. “Tara na?” Aya ko kay Louie. “Teka lang Aemie, kinakabahan ako
eh.” Hehehe natatawa ako sa itsura ni Louie, naka-pout pa kasi sya at
mukhang kinakabahan nga.

“Ano ka ba bakit ka naman kinakabahan?” Natatawang tanong ko. Hinila ko


na agad si Louie palapit sa pinto ng apartment ni insan at saka kumato—

“Eh?” Nagulat na lang ako nung bumukas ang pinto nung maitulak ko.

“Shit!”

Naramdaman ko na lang ang hampas ng hangin dulot ng mabilis na pagtakbo


ni Louie sa gilid ko papasok sa loob ng apartment ni insan.

Tamo yon, ang sabi sakin kanina nate-tense sya, tapos ngayon naman
excited pumasok sa loob. Ano ba talaga?! “Louie baka magalit si insan—“
omygod anong nangyari dito?
Inikot ko ang tingin ko sa buong salas ni insan, bakit parang dinaanan ng
bagyo?

Humahangos na lumabas si Louie mula sa isang pinto na feeling ko eh


kwarto ni insan. “Aemie may problema tayo.” Nauutal at tensyonadong saad
nya.

“Feeling ko nga din, feeling ko iba na trip ni insan kaya lumipat dito sa
apartment eh. Mukhang hilig na nya ang messy place. Kita mo naman sa—“

“Nawawala si Amesyl.” Putol nya sa sinasabi ko. Naglakad-lakad ako para


tignan si insan sa ibang parte ng apartment, pati ang kwarto nya sinilip
ko din pero bigla akong iniharap ni Louie sa kanya. “Naiintindihan mo ba
Aemie? Kailangan natin syang hanapin.”

“Alam ko, diba kanina pa nga natin sya hinahanap.” Ano ba sinasabi nito
ni Louie, eh kanina pa naman talaga namin hinahanap si insan.

“Hindi yun ang ibig kong sabihin. Aish!” Halos matanggal ang mga hibla
nya sa tindi ng pagsabunot nya sa sarili nya. Huhuhu naasar na yata si
Louie sa’kin. “Tignan mo sobrang gulo nitong apartment nya.” Sa
pangatlong pagkakataon ay inilibot ko ulit ang tingin ko sa paligid.

“Oo nga magulo nga.” Sagot ko, kita ko namang magulo eh. Hindi naman nya
kailangan sabihin pa. Ano bang nangyayari dito kay Louie.

“Kanina tinawagan ako ni Momo.” Nakayuko si Louie at tila ba paiyak na


ang boses. “Ang sabi nya tulungan ko sya.” Nanatili lang akong nakatayo
at nakikinig sa sinasabi ni Louie. Tumunghay sya at tumingin muna ng
diretso sa akin bago nagpatuloy. “May nadinig akong nagsalitang lalaki sa
kabilang linya Aemie.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Louie.
Lalaki? Bakit naman magkakaroon ng ibang lalaki na kasama si insan?

Napasabunot si Louie sa ulo nya at hindi magka-intindihan sa gagawin.

~I’m a Barbie girl, in a Barbie world, the life in plastic it’s


fantastic—

“Hell—“
[Where are you?]

“Nandito sa apartment ni insan. Hehehe.” Lumayo ako saglit kay Louie para
hindi nya madinig ang ibubulong ko kay Zeke. “Dong, feeling ko si insan
na-kidnap din.” Bulong ko sa phone.

[Huh?]

“Oo. Hehehe, pero feeling ko lang yun ah. Hindi ko pa sure.”

[SMS me your exact location.]

“Uhhmm ngayon na ba?”

[Yes.]

“Sige hehehe.” Dinukot ko ang sa bulsa ko yung maliit na papel na pinag-


listahan ng address nitong apartment ni insan at saka itinext kay Zeke.
“Natext ko na dong! Nareceive mo na ba?”

[Yeah. Will be there in 15mins. Don’t go anywhere else.]


“Okay!”

***

“Hwag ka na malungkot Louie, makikita din natin si insan no.” Magkatabi


kaming nakaupo ni Louie sa gutter sa labas ng apartment ni insan nung
dumating si Zeke.

“You better go home Birkins.” Nakatingin samin si Zeke ng diretso habang


nakaupo pa din kami ni Louie sa gutter. Sumubsob si Louie sa dalawang
tuhod nya na magka-dikit. Hehehe para syang bata minsan. Ako naman ay
binalik ko ang tingin ko kay Zeke. Kahit hindi sya nagsasalita ay
naiintindihan ko ang gusto nya iparating sa mga tingin nya.

“Uhmm Louie, gusto mo kami na lang ang humanap kay insan?” Lumapit ako sa
may tenga ni Louie at saka bumulong. “Dali na, masama na tingin ni Zeke
eh.”

“Ehhh. Gusto ko sumama sa pagha-hanap kay Momo” Hehehe. Tama nga si


insan, parang bakla nga si Louie lagi.

Tumingin ulit ako kay Zeke na napa-iling na lang.

***

Sebastian’s PoV

“Saan punta mo baby?”

“Sa impyerno.”

“Pfft. Pupunta ka pa ng impyerno eh dito pa lang nag-uumapaw na hotness


ko.” Sinamaan ko ng tingin si Lampe dahil sa sinabi nya. Gagong ‘to.
Kapal din mukha dre.
“Ewan ko sa inyong dalawa.”

Dinampot ko ang naka-sampay na hoody jacket ko sa sofa at saka sumunod


kay Milka papuntang kusina. “Sasamahan na kita baby.”

Pinuno nya ang isang baso ng tubig at saka ako tinignan ng masama. “No
thanks.”

***

Aemie’s PoV

“Sigurado bang nandyan si Momo?” Isinampa ko ang dalawa kong paa sa upuan
ng passenger’s seat at saka hinarap si Louie na nakaupo sa likuran ng
kotse. “Oo Louie, gusto mo bang tignan pa natin sa loob para sure?
Hehehe.” Tinignan ko ang isang malaking mansion. Malayo kami pero kitang-
kita namin mula dito kung gaano karami ang mga lalaking aramado ng baril
na naka-bantay sa paligid ng mansion.

“Ano pang hinhintay natin? Pasukin na natin ang loob.” Nagkatinginan


kaming dalawa ni Zeke dahil sa sinabi ni Louie. Natatawa ako kasi kahit
ilang ulit syang napalunok ay ready pa din syang pumasok sa loob.
“Sigeeee!” Pagsang-ayon ko, hihihi.

Kukuhanin ko sana ang baril na nasa loob ng console box pero hinawakan at
pinigilan ni Zeke ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Umiling si
Zeke bago nagsalita. “We’ll drive you home Birkins. We can’t stay here
for long. They might see us.” Sumampa ulit ako sa upuan para silipin si
Louie sa likod.
“Hindi ba natin ililigtas si Momo?” Malungkot at dismayadong tanong nya.
“Hehehe ite-text na lang kita Louie.” Sabi ko, para naman gumaan ang loob
nya kahit papaano.

“Sit properly wife.” Utos ni Zeke kaya umayos ako ng upo at tumingin ulit
sa mansion habang marahan na umaandar ang kotse. Posible kayang nandito
din si mommy sa loob? Sinulyapan ko saglit si Zeke na diretsong
nakatingin sa kalsada at tahimik na nagda-drive.

Paano kaya nalaman ni Zeke na nandito si insan sa loob ng mansion na ‘to?

“Why?”

“Hehe walaaa!”

***

Milka’s PoV

“Tumawag si Mr. Roswell. Wala daw aalis, papunta daw sila dito ni Aemie.”
Kuya Kaizer stated throwing himself on the sofa.

I stopped for a while from tying the shoelaces. Bakit kaya?

“Why? Gabi na ah.” Ate Meisha asked on her way down the stairs.

Bumalik ako sa pagsisintas ng sapatos pero patuloy pa din akong nakinig


sa kanila. “Hindi ko din alam, wala namang sinabing iba eh.”

“Tatawagan ko na din sila Lee at Fauzia.” Saad ni kuya Vash.

“Ge tol.”
“Oh baby paano ba yan hindi ka pa pwedeng umalis.” Sebastian smirked.
Ughh napaka-pangit talaga nito. “Tumahimik ka nga. Hindi mo ba alam na
nakakairita ka na.” I rolled my eyes bago ako tumayo para sundan si kuya
Vash.

Kailangan ko mag-paalam kay kuya Vash. Baka makahalata sila Satana kapag
hindi ako umattend ng meeting sa kabila.

“Saan ka na naman ba pupunta baby?”

“Tigilan mo ako leche!” Bwisit na bwisit na ako dito kay Sebastian


Lerwick. At talagang sumunod pa sakin huh? Psh!

Sabay kaming huminto nung madinig namin ang boses ni kuya Vash na may
kausap sa cellphone.

“Nasaan ka ba talaga?.. Sigurado ka ba?... Aish... ”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Sebastian ng naka-kunot ang noo dahil


parehas ang reaction naming dalawa. Like, who the hell is he talking to?
Diba ang sabi nya si kuya Jacob at ate Fauzia ang tatawagan nya?

“Sabihin mo lang kung pupuntahan kita... Sige babe...”

Babe? So si ate Caileigh?

Sumenyas sa akin si Sebastian at hinila ako paalis bago pa man makalingon


sa pwesto namin si kuya Vash.

“Hindi ba medyo weird yung kuya mo?” We’re now walking slowly dahil
malayo na din naman kami kay kuya.

I shrugged. Hindi ko alam kung a-agree ba ako sa sinabi nya or hindi.


Well yeah, nitong mga nakaraang araw, he’s a bit weird. But—“Siguro
nagka-balikan na nga sila ni ate Caileigh.” I said.

“Nag-break ba sila?” Gulat na tanong nya.

“Ang alam ko oo. Ewan ko sa kanila ni kuya. Hindi naman ako nagtatanong
ng tungkol sa relasyon nila eh.” Nagpatuloy ako sa paglalakad habang
sinisipa ang maliliit na bato sa dinaraanan namin. I can’t keep myself
from thinking. May nangyari ba kay kuya na hindi ko alam? Did I miss
something important?

***

Sebastian’s PoV

Nakatungo akong bumalik kasabay si Milka. Syet! Kanina ko pa iniisip yung


nadinig ko kay Boul. Hindi kaya—“Oh ayan na pala ang dalawa boss.” Sh*t!
Nandito na pala sila Bossing at Ma’am Aemie. Matalim na ang tingin sa
akin ni Bossing kaya nagmadali na akong maupo sa pinakamalapit na upuan
na nahagip ng mata ko.

“We’re going out tomorrow night.” Umpisa ni bossing. Hindi naman matinag
ang tingin ko kay Boul. Seryoso sya pero ilang ulit syang tumitingin sa
cellphone nya. Hinihintay ba nyang tumawag o magtext si Caileigh?

“Bukas pa? Bakit hindi pa ngayon dong?”

“Tss. I have some important things to do later.”

“Hayy! Ano ba yan, akala ko naman natapos mo na kanina yan.”

“Tss.”

Nagpabalik-balik ang tingin namin sa kanilang dalawa. Akala ko ba


meeting?

***

Aemie’s PoV
“Tara na sa loob dong!” Hila-hila ko ang kamay ni Zeke pero parang
estatwang bakal ang hinihila ko sa bigat. “Dong, trip mo ba matulog dito
sa labas?” Tanong ko. Kung kalian naman kasing gabi at saka nya ine-enjoy
ang view dito sa labas ng bahay ni daddy.

“Yeah. Let’s go.” Sumagot sya pero hindi sya sa’kin nakatingin. Yung
totoo, hindi ito ang unang beses na ganito si Zeke, infact madalas nga
eh. May sakit kayang ganun?

“Anong gusto mong kainin Zeke?” Tanong ko. Hawak-hawak ko pa din ang
isang kamay nya habang naglalakad kaming dalawa papuntang kusina. Alam
nyo naman si Zeke kapag kung saan-saan tumitingin, mamaya mawawala na.
Kaya mas mabuti pang hawak ko kamay nya diba? Hehe.

“Anything will do.”

“Okay!” Masiglang sagot ko at saka kaming dalawa nagpatuloy sa paglalakad


papuntang kusina.

“Good evening po Ma’am Aemie, Sir Ezekiel.”

“Goodevening din po hehe.” Bati ko kay ateng kasambahay pabalik. “Zeke


sya yung sinasabi ko sa’yo.” Bulong ko.

“Ahh Ma’am Aemie, ano po ang gusto nyong kainin. Ipaghahanda ko po kayo.”

“Hwag na ate ako na po ang mag-luluto. Hehehe.” Sabi ko. Mas maganda kasi
kung ako ang maluluto diba nakalagay sa 10 ways on how to be perfect wife
yun?

Pumunta na ako sa may ref para maghanap ng mga iluluto nung naglakad si
Zeke papunta sa may pinto ng kusina papunta sa likod ng bahay. “Dong saan
ka pupunta?” Tanong ko kaya lumingon sya sa direksyon ko.

“I am going to take a walk.”

Ng ganitong oras?
Tumango na lang ako at saka binalik ang tingin ko sa ref kahit hindi
naman ako sang-ayon sa sinabi nya. Hayy! Weird talaga yun si Zeke.

“Uhh—wife”

Lumingon ulit ako dahil tinawag ako ni Zeke. “Oh bakit dong? Akala ko ba
maglalakad-lakad ka?” Takhang tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ko
ang cheese, ano kayang masarap iluto?

“Yeah, but would you mind if I ask you to join me?”

“Sa paglalakad?”

“Yeah.”

“Uhh—“ Tumingin ako kay ateng kasambahay na naglalakad na paalis, at


mukhang papuntang salas pero natigilan din sya nung inaya ako ni Zeke.
“Uhh ate, okay lang po ba kung—“

“Opo naman Ma’am Aemie, sige po. Ako na po ang magluluto. Samahan nyo
na po si Sir Ezekiel sa labas.”

Ibinalik ko ang cheese sa loob ng ref at saka naghugas ng kamay. Bago ako
lumapit kay Zeke.

“Ano ba naman naisipan mo Zeke, gabing-gabi na gusto mo pang maglakad sa


labas.” Bulong ko sa kanya. “Nakakahiya kay ateng kasambahay, sya pa
pinagluto ko ng pagkain natin.” Hayy! Minsan talaga isip bata ‘tong si
Zeke.
“I don’t want to leave you alone inside. That’s why I asked you to join
me.” Seryoso ang tono ng boses ni Zeke kaya hindi na ako kumontra. “Bakit
dong, may problema na naman ba?”

“Something’s weird in this house.”

Mabilis pa sa alas-kwatrong pumulupot ako sa braso ni Zeke at sumubsob


dahil sa sinabi nya. Huhuhu. Ayoko ng multo. “Nasaan dong? Ilan sila?”
Kinakabahang tanong ko sa kanya.

“I’ve seen three not so far away from the entrance of your house. Two
while on the way to your kitchen and dining area and four at this
moment.” Waaaaaaaa! “Hwag ka namang manakot dong!” Mas lalo ko pang
isinubsob ang mukha ko sa braso ni Zeke dahil sa kaba. Ayoko talagang
makakita ng multo. Huhuhu.

“Pfft. They can’t harm you.” Malamang patay na ang multo pero di ba may
mga multong nananakit ng mga tao? “Pero malay mo naman Zeke.” Tumingin
ako sa kanya. Nakangiti sya sa’kin kaya medyo nawala ang kaba ko. “I will
kill them before they do.”

Eh? Sira-ulo ba to? “Paano—“

Mabilis akong niyakap ni Zeke gamit ang isang kamay kaya hindi ko
naituloy ang mga sinasabi ko. Sunod ko nalang namalayan nung makabitaw na
sya sa’kin. Tinignan ko ang mukha nya at laking gulat ko nung makita
kong—“Waaa dong may sugat ka sa mukha!” Paanong nagkasugat si Zeke?

Nakatingin si Zeke sa malayo at nung tignan ko ang isang kamay nya ay may
hawak na syang baril. Maya-maya pa ay itinaas nya ang kamay nya at
kinalabit ang gatilyo ng baril. Walang kahit na anong ingay ang nilikha
ng baril dahil may silencer na nakalagay.

Tinitigan kong maigi yung lugar na tinitignan ni Zeke pero wala naman
akong makita. Sobrang dilim sa banda roon kaya hindi ko maaninag kung ano
ang nakikita nya na hindi ko nakikita.

Omygod!

Wag nyong sabihing yun na yung multong tinutukoy nya?


“Waaa dong! Umalis na tayo dito.”

***

“Dong tingin mo ba kailangan ko ng tumawag ng mga espiritista?” Hindi ko


alam kung gaano katagal na tong bahay ni daddy, pero kung hindi ako
nagkakamali eh pagmamay-ari pa ito ng mga magulang nya. Kaya siguro
maraming mga espiritu dito sa loob ng bahay.

“What the hell are you talking about?” Tanong ni Zeke habang paikot-ikot
sya sa loob ng kwarto ko. Pumunta sya sa banyo, tapos lumabas din agad at
sumilip sa bintana ng kwarto.

“Sabi mo diba may mga multo dito sa bahay?” Huhuhu. Tapos ngayon
nagkakaila sya. Tinatanggi na nya mga nakita nya.

Tumigil sya saglit at saka tumingin sa’kin. “Did I say


ghosts?”

“Hindi ba multo?” Takhang tanong ko.

“No.”

Eh pero teka—“Kung hindi mga multo, ano yung mga nakita mo?” Tanong ko.
Pero at the same time nakaramdam din ako ng excitement sa katawan.
Feeling ko adventure time to. Hehehehe.

“Group of bad guys?” Patanong na sagot nya.

Waaaaaa! Sabi ko na eh! OMG! “Nandito ba sa loob ng bahay ni daddy?”


Excited na tanong ko.

“Maybe? I don’t know.”


Halos sabay kaming lumingon ni Zeke sa gawi ng pinto nung may nadinig
kaming kaluskos.

“Shit!”

“Bakit Zeke?”

“I forgot to bring ammunition.”

Eh?

“Ibig sabihin—“

“I have no bullets left” Inalis pa ni Zeke ang magazine ng baril nya at


ipinakita sa’kin.

Feeling ko lumundag ang puso ko sa kaba. Omygod! Paano kami mag-a-


adventure nyan kung walang bala ang baril ni Zeke?

“Wait! Nandito yata yung baril ko.” Tumakbo agad ako sa mga drawer para
hanapin ang Teka—“Saan ko ba kasi inilagay ang baril ko?” Hindi na ako
magkaintindihan sa pag-bubukas ng mga drawer. Waaaaa!

We’re doomed!

“They’re here.” Kalmado ang boses ni Zeke pero ang puso ko gusto ng
tumalon palabas ng katawan ko sa sobrang kaba.

“Hala Zeke ano gagawin natin?” Kinakabahang tanong ko. Parang sa buong
buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

Hinawakan ni Zeke ang kamay ko at saka kami naglakad papunta sa may


pinto. Akmang bubuksan na nya ang pinto nung pinigilan ko sya. “T-teka
dong. Bakit mo bubuksan ang pinto”
“It’s alright. We’ll get through this.” Nakangiting sambit nya.

Waaaaaaa! Paano nya nagagawang mag-relax ng ganun eh kung mga masasamang


tao pala ang nadito at saka—

Waaaaa! Kumapit ako ng mahigpit sa braso ni Zeke nung buksan nya ang
pinto ng kwarto ko.

Sobrang dilim, halos wala akong makita. Nakadinig ako ng kaluskos sa


kanang bahagi ko. Sinubukan kong kumawala sa pagkaka-hawak ni Zeke para
sana lumaban sa nasa gilid ko pero hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.

Sunod kong naramdaman ay ang matigas na kung ano na nakatutok sa may ulo
ko. “Sumunod kayong dalawa samin.” May awtoridad ang boses ng lalaking
nagsalita. Pero pakiramdam ko kilala ang boses na yon.

Hawak-hawak pa din ni Zeke ang kamay ko nung madinig kong bumulong si


Zeke. “Just follow them wife.” Bulong nya sa kaliwang tenga ko.

Nagtatalo ang isip ko kung susunod ba ako o hindi. Paano kung may
mangyari ulit sa aming dalawa? Paano kung sila pala yung mga kumidnap kay
insan at kanila mommy?

Waaaaaa! Huhuhu!

Bakit ba kasi ang shunga ni Zeke? Sa dami ng iiwan yung bala pa.

Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko nalang kung ano ang mangyayari.

Ilang Segundo na din kaming nakatyo nung piniringan ako ng hindi ko alam
kung sino. Epic din ‘to si kuya eh. Madilim naman, kailangan pa nya ako
piringan. Hayy.

***

Tahimik ang buong paligid, pero ramdam kong nasa loob kami ng sasakyan.
Hehehe. Ang cute pa kasi hanggang ngayon magkahawak-kamay kami ni Zeke.
“Zeke ikaw ba yan?” Paninigurado ko, baka kasi mamaya hindi na sya ang
ka-holding hands ko eh. Kanina pa kasi sya tahimik.

“Yeah.”
“Gaano ba katagal tong byahe? Nagugutom na ako eh.” Angal ko. Dapat kasi
kumain muna kaming dalawa kanina. Ito naman kasing si Zeke inuna pa
paglalakad-lakad sa labas eh.

Nag-antay ako kung may sasagot, pero wala namang sumagot sa tanong ko.
Medyo snob tong mga kidnappers namin. Sana yung kumidnap kila insan at
mommy hindi snob.

Ilang minuto pa ay huminto na din ang sasakyan. Buti naman! Akala ko


plano nilang mag-joyride hanggang umaga eh.

“Baba!” Utos ng isang lalaki.

Ako ba?

Kami ba ang kausap?

Nanatili muna akong nakaupo kasi baka hindi naman kami ang kausap ni
kuyang kidnapper. Masabihan pa ako ng feeling close or assuming.

“Hoy hindi ba kayo bababang dalawa dyan?”

“Wife.” Tawag ni Zeke sa’kin. “Oo ito na nga bababa na po hehehe.”


Highblood masyado, gabing-gabi na eh. Pinakiramdaman ko si Zeke na tumayo
na mula sa pagkakaupo. Inaalalayan naman nya ako nung tumayo din ako.

“Bilisan nyo ngang kumilos. Ang babagal. Tss.”

Grabe naman ‘to si kuya sya kya ang bumaba sa sasakyan ng nakapiring.

Pero infairness pamilyar talaga sa’kin ang boses nila. Oo, nila. Hindi
lang naman kasi isang lalaki ang nadidinig kong nag-uutos sa amin.

Medyo malayo din ang nilakad namin. Malakas ang ihip ng hangin,
pakiramdam ko, umakyat kami ng burol o bundok dahil puro pataas ang
nilakaran namin.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ng inalis ang piring sa mga mata ko.


Hindi ko pa halos maimulat ang mga mata ko dahil ang tagal ko ng naka-
piring. Masakit kaya sa mata. Kinusot-kusot ko pa ng maigi para makita
kung ano ang nasa paligid.

“Whoaaaa! Astig!!” Inikot ko ang tingin ko sa paligid na puno ng


lanterns. May buffet ng pagkain at may dining table na parang sa mga
romantic movies.

“Surprise.” Sabi ni Zeke.

T-teka—“Bibitayin na ba tayo dong?” Tanong ko.

“Huh?”

“Bakit ang daming pagkain?” Tanong ko ulit. “Ang babait naman pala ng mga
kumidnap sa’tin, akala ko katulad nung mga napapanood sa t.v na ikukulong
sa loob ng madilim at masikip na lugar tapos walang—“

“Tss. It’s your birthday.”

“Ahh kaya pala.” Tumango-tango ako dahil ngayon naiintindihan ko na.


“Enjoy pala pag kinidnap ka ng birthday mo, sagot na ng kidnappers ang
handaan.”

“Darn! I made this for you.”

Tumigil ako sa pag-ikot ng tingin sa paligid nung bumitaw sa akin si


Zeke.

Sya daw?
“Ikaw may pakana ng pag-kidnap sa’tin?”

May sa abnormal naman pala talaga ‘to. Ipa-kidnap ba daw ang sarili.

***

Kaizer’s PoV

“Hwag kang tumawa dyan pre. Mamaya tayo na naman ang malilintikan kay
bossing pag uminit ang ulo nyan.” Paalala ni Lerwick sabay siko sa
tagiliran ko.

“Pero naaliw akong utusan si boss kanina ah.” Singit ni Lee.

Ako naman pigil-pigil ko ang tawa ko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa
din nakukuha ni Aemie ang lahat.

-Flashback-

“Oh boss, napatawag ka.”

[We’re on our way there.]

“Bakit? Anong meron?”

[It’s Aemie’s birthday.]


“Whoa! Talaga? Saan ang party?”

[I assigned it to Lee and Fauzia Arcadia. But don’t mention it to


everyone until I said so.]

“Areglado!”

Ibang klase talaga ‘tong loverboy namin! Matinde pa sa matinde! Aba nga
naman. Hanggang gabi luma-lovelife. Naglakad na ako pabalik sa salas nung
maibaba ko ang cellphone “Tumawag si Mr. Roswell. Wala daw aalis, papunta
daw sila dito ni Aemie.”Saad ko, at saka umupo ng gwapong-gwapo sa sofa.

“Why? Gabi na ah.” That’s my gorgeous sis. Meisha. Tumingin ako sa relos
na suot ko. 7:00 o’clock PM, hindi pa naman masyadong gabi. “Hindi ko din
alam, wala namang sinabing iba eh.” Palusot ko.

“Tatawagan ko na din sila Lee at Fauzia.” Prisinta ni Boul. Sige tawagan


mo ng tawagan. Pfft.

“Ge tol.” Sagot ko na lang. Panigurado din namang busy yung dalawang yun,
pag-aayos ng kung ano mang inaayos nila.

Jacob’s PoV

Nakangiti ako habang pinapanuod si boss at Ma’am Aemie. Kahit hindi sila
magkaintindihan sa nangyayari alam ko namang parehas silang masaya.
-Flashback-

“Gusto mo tulungan na kita dyan?” Inabot ko ang kanina pang inaabot ni


Fauzia sa taas. Pfft. “Thanks.” Sagot naman nya.

Ang ganda talaga nya, lalo na kapag—“Hwag mo akong titigan Lee, madami pa
tayong aayusin.” Nanumbalik ako bigla sa diwa ko nung pansinin nya ako.
Shit! Tinititigan ko ba sya? “Mabuti pa, tawagan mo na yung restaurant at
i-remind mo na 8PM dapat nandito na sila.” Utos nya.

“Yes boss!” Sagot ko. Pfft. Nagulat pa sya nung tinawag ko syang boss.

“Is everything ready?” Tinayuan ako ng balahibo sa batok nung madinig ko


ang boses ni Boss na nagsalita sa likod ko.

“Malapit na boss. Konting ayos na lang, saka inaantay na lang namin yung
pagkain.”

“Good.” Tumango sya at saka inilibot ang tingin sa paligid. Hindi rin
nakaligtas sa mata ko ang box na hawak nya. Naks! Yun oh! “Regalo ba yan
boss?”

“What do you care?” Sabi ko nga, hindi na ako mangingialam eh. Takte!
Bakit ba kasi ako ang nautusan dito. Dapat sila Lampe na lang. Ayoko pa
naman nakaka-one on one conversation si boss. Inabot nya sakin yung box
na itim. “Keep this, we’ll be back at nine.”

Woo! “Okay boss.” Sagot ko.


-8PM-

“Wow! Ang ganda na!”

Isa lang napansin ko sa mga babae. Pare-parehas silang mahilig sa mga


kumikinang tulad nitong lugar na to na kumikinang sa dami ng lanterns sa
paligid.

“Anong oras ba sila dadating? Nagugutom na ako.” Angal ko. Tang*na naman
kasi kanina pa kami hindi kumakain ni Fauzia.

“Mamaya pa siguro ‘tol papunta pa lang daw sila doon sa mansion nila
Master Eiji eh.” Sagot ni Tristan Klein habang dumudukot sa mga pagkaing
inihahain nung mga waiter at waitress sa buffet table. May katakawan din
pala ang isang ‘to.

Nung makaalis yung mga waiter at waitress galing restaurant na naghanda


sa buffet table ay kami-kami na lang ulit ang natira. Si Meisha,
Cassandra, Spade Clifford, Tristan Klein, Milka, at Fauzia.

Sila Boul, Lampe at Lerwick ay ang mga sumundo kila boss at Ma’am Aemie.
Potek! Ngayon pa lang naiinggit na ako dahil sigurado akong nag-eenjoy
yung tatlong yun sa ginagawa nila.

-End of Flashback-
***

Sebastian’s PoV

-Flashback-

“Tol sundan mo yung lovers dun sa likod, ako na dito” Nilagyan ko ng


pampatulog ang panyong hawak ko, at saka sumimple ng punta sa kusina
nitong mansion nila Ma’am Aemie. Nung matanaw ko na ang kailangan ko ay
agad akong lumapit para patulugin.

“Oh akala ko ba susundan mo sila bossing sa likod?” Tanong ko kay Lampe


nung makita ko sya sa likod ko at sumisilip sa bintana.

“Anak ng tinapa tol! May tao.” Wika nya.

“Para-paraan ka na naman baby Lampe para ma-solo ako ‘no?” Pftt. Biro ko,
pero lumapit din ako para silipin ang tinatanaw nya. Natanaw namin si
bossing na pinunasan ang pisngi nya at mabilis na hinila si Ma’am Aemie
palayo.

“Yo may mga tao sa taas, pero nalinis ko na.” Sabay kaming lumingon ni
Lampe kay Boul na kakapasok lang sa kusina.
Ampupu din naman ‘tong mga ‘to mahilig makisabay. “Iikot muna ako sa
paligid, baka ma-todas tayo dito ng walang kaalam-alam.” Sabi ni Lampe,
kaya tinanguan namin sya.

***

“Bagal mo tsong kanina pa kami dito.”

Nakahanda na ang lahat, nakapatay na din ang ilaw dito sa tapat ng kwarto
ni Ma’am Aemie para hindi nya kami mamukhaan.

“Aray! Nakanampucha. Bakit ba kasi ang dilim.” Pftt. Pinigilan ko ang


sarili kong matawa nung matalisod si Lampe. “Kamuntik pa tuloy matikman
ng sahig ang ka-gwapuhan ko.”

“Ulul! Tsansing ka ‘tol ang kamay mo.” Paalala ko kay Lampe, nakahawak pa
kasi ang kamay nya sa balikat ko. “Alam kong kapag madilim ako naiisip mo
baby Lerwick, pero hwag ngayon. May trabaho tayo.”

“Sige, aasahan ko yang quality time natin mamaya.” Sagot ko, kaya tinulak
nya ako. Pfft. Mas nauuna lagi syang mapikon sa mga biruan.

“O game na Boul, buksan mo na pinto.”

“Bakit ako? Kayo na.”


“Ayoko nga. Marami pang nangangarap saking babae. Sa’yo wala naman.
Buksan mo na.”

“Sus naman. Dali na ‘tol, gutom na ako.” Singit ko sa kanilang dalawa.

“Ikaw na kaya Lerwick. Wala namang babaeng iiyak pag namatay ka.”

Amputaness! “Teka naman ‘tol. Ikaw na! Sanay ka namang mabangasan. Nasa
likod mo lang naman kami.” Sagot ko sabay tulak kay Boul palapit sa
pinto.

“Mga gago!”

“Psh! Nak ng tinola! Ang duduwag nyo naman. Ako na nga!”

“Sige baby Lampe! Sagot ko na kape.”

“Akin ang biskwit.”

“Tang*na nyo!” Lumapit si Lampe at nakinig sa pinto. “Shit! Palapit na


sila.” Bulong nya sabay takbo palayo. Sunod ding tumakbo palayo si Boul
kaya tumakbo na din ako palayo. Sabay-sabay kaming nag-abang sa paglabas
ng mga kikidnappin namin.
Tanginang mga kidnappers ‘to oo!

-End of Flashback-

***

Aemie’s PoV

Kumakain na kaming dalawa ni Zeke sa dining table pero hindi ko pa din


naiintindihan ang nangyayari. “Dong, ikaw din ba kumidnap kay insan,
mommy at daddy?” Bulong ko.

“No.”

Ano baaaa! “Eh bakit tayo nandito?”

“Because it’s your birthday.”

“P-pero si insan.” Tumungo ako at saka nagpatuloy sa paghiwa nung karne


sa plato ko. Nung mapatigil ako dahil hinawakan ni Zeke ang kamay ko.
“They will be fine.” Sinserong saad nya. Ngumiti ako kay Zeke dahil
nakangiti din sya sa’kin.
“Woooo! Gutom na din kami!” Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni
Zeke. Kanina lang nakangiti sya, pero ngayon masama na ang tingin nya sa
likuran ko.

Lumingon ako sa likod at nakita sila Kaizer, Vash, Jacob, Sebastian,


Milka, Meisha, Cassandra, Fauzia, Tristan at Spade na nakatayo doon kaya
ngumiti ako sa kanila at inaya silang kumain. “Kain tayo.” Aya ko sa
kanila.

Wala pang limang Segundo ay nakatakbo na sila palapit sa buffet table.

“Happy birthday Ma’am Aemie.”

“Happy birthday Miss Aemie.”

“Happy birthday Aemie.”

“Happy birthday ate Aemie.”

Halos sabay-sabay nila akong binati. Kaya napangiti ako. Ang sayaaa!

Pero mas masaya sana kung nandito sila mommy, daddy at insan.

***

A/N :

To be continued ang birthday ni Aemie. Hahaha ang haba na pala ng na-type


ko. Sa mga hindi pa nakakabili ng MHIAMB book, available na po ang MHIAMB
volumes 1 & 2 (Season1) sa mga book stores nationwide. Pag wala, ask nyo
lang po sa customer service. P195 each po ang book. Yiii~ bili kayo ah!
Thanks!
Birthday greetings : Happy birthday kay Ate Nikka Parreno ni Kaye Parreno
:D

Happy teacher’s day sa mga guro! And Eid Mubarak sa mga muslims. :D Tama
ba? Paki-correct kung mali ha. TY. <3

=================

Chapter 14

Aemie’s PoV

“Do you want to dance?” Umiling ako nung tinanong ulit ako ni Zeke.
Nakaupo lang kasi kaming dalawa habang pinagmamasdan namin yung iba na
sayaw ng sayaw. Si guardian angel at si Jacob, si Meisha at Tristan, si
Cassandra at si Spade, si Sebastian at si Milka.

Actually, nakailang tanong na din sya sa’kin kung gusto kong sumayaw at
nakailang tanggi na din ako. Hehehe.

Pero teka—

Tumingin ako kay Zeke nung may maalala ako. “Bakit nga pala wala dito si
Louie at Caileigh?”

“Dong?” Tanong ko ulit, kasi umiwas sya ng tingin sa’kin. Anong problema?
Birthday ko kaya dapat mga friends ko nandito diba? Huhuhuhu.
“It is for the better.”

Tumungo na lang ako. Bakit nga ba ako nagtatanong pa.“Okay.” Sabi ko


after a loud sigh.

“Pfft.”

Eh? *pout* Bakit na naman ‘to tuma-tawa-tawa dito. Wala namang nakakatawa
sa sinasabi ko. “It is very unusual. I was expecting ‘Dong waaaa bakit
nga kasi wala sila dito? Hindi ba mas better pag nandito ang friends ko
sa birthday ko?’”

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa ni Zeke. Ilang segundo din akong
natigilan at nakatitig lang sa kanya hanggang matawa na lang ako. “Ang
sagwa mo naman dong, hindi naman ako ganyan.” Ang OA naman kasi nya
umacting hindi naman ako ganun eh.

“Pfft.”

Eh? Hindi ko maiwasang hindi mapatitig kay Zeke. Pagkatapos nyang


magsalita ng ka-weirduhan nagagawa pa nya talagang tumawa?

“Does it feel strange?”

“Huh?”
“Me, mimicking you?” Nakangiting tanong nya. Ganon ba talaga ako? Hindi
naman ah. “The feeling is mutual.”

Huh? Mutual?

“Sometimes you speak and act extremely strange as well wife.” Hinawakan
ni Zeke ang kamay ko kaya doon ako napatingin. “I sometimes feel that I
am talking to myself.” Tumingin si Zeke sa malayo pero hindi ko inaalis
ang tingin ko sakanya. “I always have this feeling of wanting to know
what's running behind your thoughts, your silence, your smile." Waaaa oo
nga 'no? Ganun din ang nafi-feel ko.

Inalis ko ang tingin ko at tumungo dahil napaisip din ako. "Bakit nga
kaya ganon?" Ibig bang sabihin nahahawa na ako sa ka-weirduhan ni Zeke?
Sinulyapan ko ulit sya, bakit sya nakangiti?

"I always get surprised by your actions" Tumango ako, ako din. Madalas
nagugulat ako sa mga ginagawa ni Zeke. Lalo

"I admire your intelligence and I am always puzzled with your next plan."
Talaga? Pero diba mas mahirap naman isipin kung ano ang plano nya?
Masyadong matalino si Zeke, lalo na pagdating sa pagpa-plano ng mga
bagay-bagay.

"I am having a hard time reading your thoughts." Eh? Kung hindi ba naman
sya shunga eh ano tingin nya sa utak ko wattpad? Hayy!
“And sometimes I feel that you’re completely a different person.” Talaga?
Hindi naman ako nag-iiba ah. “Strange... But I always end up finding the
answer here.” Unti-unting itinaas ni Zeke ang kamay ko at itinapat sa may
dibdib nya.

Ang bilis ng tibok ng puso ni Zeke. Inilapit ko pa ang ulo ko sa may


dibdib nya para pakinggan ng maigi ang tibok ng puso nya. Sigurado ba
syang may sagot syang nakukuha? Eh puro lubdub-lubdub nadidinig ko.

"Would you ever forgive me if I--"

"Aemie!! Gusto mo bang sumayaw?" Tumingin ako kung sino yung biglang
sumingit sa usapan namin. "Kaizer." Bati ko sa kanya pabalik. Abot tenga
naman ang ngiti nya at saka ulit nagsalita. "Sayang naman kasi ang ka-
gwapuhan ko kung hindi ko maiisayaw ang birthday girl diba?"

Uhh? Pero ayoko namang sumayaw eh, at saka paano kung magalit si--

"Go ahead." Pakiramdam ko slow motion ang pagkakabitaw ni Zeke sa kamay


ko. Tama ba pagkakadinig ko? Sinabi ban yang ‘Go ahead’?

"Tara na Aemie?" Tinignan ko ang kamay ni Kaizer na nakalahad sa harap ko


saka ko ibinalik ang tingin sa kamay ni Zeke na bumitaw sa kamay ko.

"Zeke..." Payag ba sya talagang makipag-sayaw ako kay Kaizer? Ibinalik ko


muli ang tingin kay Kaizer bago tumitig ulit kay Zeke. Hindi kaya may
hidden agenda 'tong dalawang 'to? "...Zeke sigu--"
"Feel free to do whatever you wish to do wife"

"Aemie alam mo ba na masamang pinag-aantay ang mga gwapo?" Inabot ko ang


kamay ni Kaizer ng hindi iniaalis ang tingin kay Zeke. Tumayo ako at
kasabay ng pagtayo ko ay sya ding pagtayo nya at pagtalikod sa amin at
saka sya nagsimulang maglakad palayo.

Sometimes you speak and act extremely strange as well wife

"Sometimes you speak and act extremely strange."

"May sinasabi ka ba Aemie?"

Nasabi ko ba ng malakas yung iniisip ko? Huhuhu. "Ahh--Ehh he-he wala.


May iniisip lang."

“Aba pre, baka gusto mong ipahiram sa’kin si Miss Aemie?”

“Ulul! Ngayon pa nga lang kami magsisimulang magsayaw sisingit ka pa.


Mamaya ka muna tol, umpisa sa pinaka-gwapo, dun ka muna kay Milka.”

“Pfft, selos ka na naman ba baby Lampe?”

Eh? Isasayaw lang pala ako ni Kaizer para pag-selosin si Sebastian?


“Hoy lalaking panget! Hindi pa ako tapos sa’yo. Nandito ka lang pala.”

“Baby naman—“

Nagsimula ng maghabulan sila Milka at Sebastian, kaya natawa na ang iba


sa kanila. Si Kaizer naman tinawag ng ate nyang si Meisha kaya naiwan na
akong nakatayo dito sa gitna habang pinapanuod silang lahat.

--

“Gusto mo na bang umuwi hubby?” Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa


railings na bakal. Tanaw mula dito sa kinatatayuan naming dalawa ni Zeke
ang mga ilaw sa siyudad. Dahil medyo malayo malayo kami, mukha tuloy
silang mga bituin na nagniningning sa gabi. Hehehe. Ang cute!

“Pagod ka na?” Tanong ko ulit.

“Hmm it’s nothing.”

Nothing daw, eh kahit naman hindi nya sabihin halata namang hindi okay si
Zeke. “Hehehe tara na umuwi, mukha namang hindi ka okay.”
“No, I just suddenly felt dizzy but I’m alright.” Alright pero nakahawak
sa ulo?

--

Inilapag ko lahat ng regalo na natanggap ko pagkapasok namin ni Zeke ng


kwarto.

“I told you, I am perfectly fine.”

“Magpahinga ka na lang dyan.” Itinulak ko si Zeke ng hindi naman super


lakas sa kama, paano naman kasi, kung hindi ko pa hihilahin eh wala
talagang balak umuwi. Alam ng masama pakiramdam nya eh inuuna pa pagpa-
party.

“What the?!”

“Hehehe”

“Tss.”

Lumapit ako at saka hinipo ang noo nya. “Kita mo na, kita mo na!!! May
lagnat ka eh.” Inis na sabi ko. Bakit ba minsan pabaya sya sa sarili.
“Saglit, kukuha lang ako ng gamot.” Tumakbo agad ako papuntang kusina
para kumuha ng gamut sa lagnat at tubig.
“Dong! Ito na ang gamot oh inumin mo mu—“ Hindi ko na naituloy ang
sasabihin ko dahil nakapikit na si Zeke at mukhang mahimbing na ang
tulog. Grabe! Ganun ba sya kapagod at mukhang nakatulog na agad sya?
Itatanong ko pa sana kung gusto nya manuod ng movie eh. Huhuhu may regalo
pa namang DVD sa’kin si Milka. Ipinatong ko ang gamot at ang baso na may
tubig na hawak ko sa ibabaw ng bedside table at saka umupo sa tabi nya.

--The Next Day—(6:00PM)

“Okay ka lang ba Aemie?”

Eh? Napasandal ako sa swivel chair na inuupuan ko dahil sobrang lapit ng


mukha ni Kaizer sa mukha ko. “Anong ginagawa mo dito sa opisina Kaizer?
May kailangan ka ba?”

“Anak ng! Kanina pa ako nandito ngayon mo lang ako napansin?” Kanina pa
ba sya dito? “May isang oras na akong nandito sa loob ng opisina ngayon
mo lang ako napansin? Amputs!”

“Hehehehe. Sorry may iniisip lang ako.” Si Zeke kasi eh, hindi ko
maintindihan kung ano bang drama nun sa buhay.

-Flashback-

“Sigurado ka bang aalis ka? Pero maaga pa ah, at saka masama ang
pakiramdam mo diba? Matulog ka kaya muna dong.” Sinubukan ko pa ding
pigilan si Zeke kahit nasa loob na sya ng kotse nya. “Sure ka ba talaga?
Ang sarap pa kayang matulog, ayaw mo bang magpahinga muna?” Sino ba naman
kasing siraulo ang aalis ng alas dos ng medaling araw, may lagnat pa sya
nyan ha.
“Yeah.”

“Pero Zeke—“ Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nasimulan na nyang


paandarin ang kotse. Kaya naiwan akong nakatayo habang pinagmamasdan ang
kotse na paalis. “Ingat ka dong ah! I love you!” Hiyaw ko. “Nadinig kaya
nya sinabi ko?” Hayy! Makapasok na nga sa loob, inaantok pa ako eh.

-End of Flashback-

“Huy Aemie!”

“Hehehe ano yun?”

“Sabi ko nasaan si Mr. Roswell? Aish! Bakit ba wala ka sa sarili.”

“Uhh—si Zeke?” Tinignan ko ang cellphone ko na nakalapag lang sa tabi ko.


Usually naman nagte-text si Zeke, or tumatawag. Bakit ngayon kahit isang
tawag wala?

“Ahh! Alam ko na, baka naman nililigtas na ni Mr. Roswell yung pinsan
mo.” Napatingin ako dahil sa sinabi ni Kaizer, kumindat pa sya nung
magtama ang mata namin. Oo nga ‘no?! Ang sabi ni Zeke sya na ang bahala
kay insan eh.
“Ano ‘to?” Kinuha ni Kaizer ang box na itim na katabi ng cellphone ko, at
saka bikusan. “Whoaaa! Ang gara! Bigay ba ‘to ni Ezekiel sa’yo?” Hawak-
hawak na nya ngayon yung bracelet na laman nung black box.

“Ahh hindi, nakita ko lang ‘yan sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama


namin.”

Inumpisahan ko ng iligpit ang mga kalat sa ibabaw ng desk nung matanaw ko


sa glass window na madilim na.

“Nasa ibabaw ng table? Edi sa’yo nga!”

“Hindi yan sa’kin ‘no! Wala naman ako natatandaang bumili ako ng alahas
eh.” Nakita ko lang naman talaga ‘yun dun sa ibabaw ng bedside kanina
nung magising ako ng mag-a-alas dos. Naisipan ko lang dalhin dito sa
opisina para pagka pumunta si Zeke maibigay ko..

Pero mukhang hindi naman sya dadating. Hayy!

***

Kaizer’s PoV

Ibinalik ko ang bracelet sa loob ng black box. Takte naman ‘tong si


Ezekiel, anong oras ba nya balak bumalik. “Gusto mo bang kumain muna
Aemie?” Gabi na ah. Sinulyapan ko ulit ang relos ko.
“Ahh ‘wag na, sa bahay na lang ako kakain. Hehehe.”

Amputs! “Binilin ni Mr. Roswell na samahan kitang—“

“Nagkausap kayo ni Zeke? Kailan, nasaan daw sya? Bakit hindi sya
tumatawag sa’kin o kahit text? Anong oras daw ba sya uuwi para
makapagluto ako sa bahay?”

Itinaas ko ang dalawang kamay ko para pigilan si Aemie. “Awat muna, isa-
isa lang ang tanong. Alam kong gwapo ako pero takte. Hindi ko naman
kayang sagutin ng sabay-sabay mga tanong mo.” Mukha namang nakuha ni
Aemie ang sinabi ko kaya huminahon sya.

“Nagkausap kayo ni Zeke?” Tanong nya.

“Mismo!” Sagot ko.

“Kailan?” Tanong nya ulit.

“Kaninang tanghali.” Tumungo sya at saka bumalik sa pagkakaupo sa swivel


chair. May hindi ba ako magandang sinabi? Takte! Minsan talaga hindi ko
maintindihan ang mga babae.
“Okay lang daw ba si Zeke?” Tanong nya ulit, pero this time halata na ang
malungkot na tono na boses nya.

“Bakit Aemie? Nag-away ba kayo ni Mr. Roswell?” Curious na tanong ko.

“Nag-away ba kami?”

Nakakapagtakha, bakit nga ba hinabilin sa’kin ni Mr. Roswell si Aemie.

“Fetch her and accompany her for a while.”

“Teka lang Aemie ah, lalabas lang ako saglit.” Tinanggal ko ang unang
butones ng longsleeve na suot ko, at saka itinaas ang magkabilang sleeve
nung makalabas ako ng opisina para magpahangin. Pucha! Ano na naman kaya
pina-plano ni Ezekiel?

“Ouch!”

Anak ng! Napalalim yata ako ng iniisip at hindi ko na napansin ang mga
nakakasalubong ko. “Pasensya na— Sierra?“ Humawak ako sa dibdib ko dahil
hindi ko mapigilan ang mabilis na kabog.

Nakatitig ako hanggang pulutin nya ang mga envelope na nahulog nung
magkabanggaan kami. Anak ng tinolang pusa! “A-Ako na dyan.” Shit!
“Its fine, napulot ko na ‘no” Anak ng! Bakit ba ang bagal ng reflexes ko.
“See you around.” She waved her hand at tatalikod na sana. Syet chance ko
na ‘to eh. “S-saglit.” Pigil ko. “Yes? May kailangan ka ba?” Shit! Bakit
ba kinakabahan ako. Tatanungin ko lang naman kung “N-nag-dinner ka na
ba?” Nyemas naman ano bang problema at ngayon pa ako nautal.

Ipinihit nya ang katawan nya paharap sa gawi ko, kaya magkaharap na kami
ngayon. I gulped. Did I sound rude? “Not yet, why? Manlilibre ka ba” She
replied with a teasing smile. “Naman!” Yes! Pucha! “Okay, see you in 15
minutes, mag-aayos lang ako.”

“Sure thing.” Kaswal na sagot ko saka nakapamulsang sumunod sa kanya at


sumandal sa pader katabi ng pintuan ng opisina nya.

***

Aemie’s PoV

Nakatungo ako sa desk at tinititigan ang cellphone ko. Tatawagan ko ba si


Zeke? O hindi? Ini-slide ko na ang screen para ma-unlock at hinanap ang
number ni Zeke sa phonebook. Ilang segundo pa akong nakakatitig hanggang
sa automatic na mag-lock ulit ang screen.

“Hayy! ‘Wag na nga, baka busy lang ‘yun.”

Bakit ba ganito nararamdaman ko? Ayoko namang tawagan si Zeke pero gusto
ko, ni hindi ko na nga maialis ang tingin ko sa phone eh.
Mabilis kong inunlock ulit ang phone at denial ang number ni Zeke..

Ringing...

Ringing...

Ringing...

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.
Please try your call later.

Eh? Tinry ko ulit tawagan pero hindi na nag-ring. Out of coverage daw?
Baka naman empty batt na. Bahla na nga!

**

Naglalakad ako papunta sa isang restaurant malapit sa building company


pero palingon-lingon ako sa paligid, baka kasi makasalubong ko si Kaizer,
sabi nya kasi saglit lang sya pero hindi na bumalik.

“Saan kaya nagpunta ‘yun?”


Kaka-lakad ko ng kaka-lakad hindi ko napansing medyo nakalayo na pala
ako. Doon lang dapat ako sa may restaurant malapit sa company eh. Pero
hayaan na nga. Pwede na din naman dito.

“Good evening Ma’am.”

“Hello po.”

“Do you have any reservation?”

“Uhh—“ Kailangan pa ba nun? Dapat nagkarendirya nalang kasi ako eh.


Huhuhu. “Wala po hehehe.”

“Table for how many Ma’am?” Lumingon ako sa kaliwa’t kanan ko dahil sa
tanong ni Kuyang waiter, isa lang naman ako ah. “One po hehehe.”

“Okay po, this way po.” Pagkatapos nyang sabihin ‘yun ay nauna syang
maglakad kaya sumunod ako.

Pagka-upo ko ay iniabot sa akin ni kuyang waiter ang menu. Sayang wala si


Zeke. Speaking of Zeke, kinuha ko agad ang cellphone dahil baka nag-text
or tumawag sya ng hindi ko nadidinig. Hayy. Kumain na kaya sya?

Carabona, lasagna, spaghetti...


Ini-scan ko ang menu nung mapasulyap ako sa may pinto at.. Zeke?

Hindi ko alam kung bakit pero napako ako sa kinauupuan ko. Hindi ako
pwedeng magkamali sa nakikita ko. Si Zeke ‘yun.

Pero sino ‘yung babaeng kasama nya?

Kasabay ng paglingon ni Zeke sa gawi ko ay ang paghila ko sa taong dumaan


sa harap ko. “Hey, miss.” Mahina lang ang boses nung lalaki pero tinakpan
ko ang bibig nya. Hindi ko padin binibitawan ang damit nya hanggang
makaupo sya ng ayos. Buti naman at nakaupo na din si Zeke at yung babaeng
kasama nya.

Nakatalikod si Zeke sa gawi ko kaya imposibleng makita nya ako dito. Sa


tapat naman nya nakaupo ‘yung babae.

“Sino ba ‘yang tinitignan mo Miss?” Saka pa lang nagsink-in sa utak ko na


may tao nga pala sa harap—“Teka bakit ang lapit ng mukha mo sa’kin?”
Gulat na gulat na tanong ko. “Sino k aba?” Dagdag ko pa.

“Pfft. Hahaha. Ikaw kaya ang humila sa’kin. Tapos ako tatanungin mo kung
sino ako? Ibang klase.” Kumamot sya ng ulo nya at tatayo na pero
pinigilan ko. Lumipat ako sa upuan sa tapat nya para nakatalikod din ako
sa gawi ni Zeke. “May tinataguan ka ba?” Tanong nya. “Yun bang lalaking
‘yun”

“Ano ka ba! ‘Wag mo ngang ituro si Zeke, baka makita ka nya.”


-Flashback-

“Waaa-mmp” Hihiyaw sana ako nung may humila sa akin pero naunahan nyang
takpan ang bibig ko. “Sshh! Wag kang maingay.” He warned. Pero hindi sya
sa akin nakatingin. Doon sya nakatingin sa tatlong lalaki na sumusunod sa
akin.

Nung maramdaman kong lumuwag ang pagkakatakip nya sa bibig ko ay


hinawakan ko ang kamay nya para alisin. Saka ko nilingon yung tatlong
lalaki. Nakita ko kung paano sila nagpalinga-linga at saka naglakad
palayo. Pero bago ko alisin ang tingin ko sa kanina ay nahagip ng mata ko
si Milka.

Nandito pa din sya? Akala ko ba pupunta na sya kay Vash? Pero ilang
saglit pa ay may-dinial sya sa cellphone at saka naglakad din palayo.

“Wala na sila.” Bulong ko.

“Bakit ka ba nila sinusundan?” Lumingon ako sa likod para tignan yung


nagsalita. Bakit nga ba nila ako sinusundan? “Hehehe, hindi ko nga alam
eh.”

Kumunot ang noo nya saka ulit nagtanong. “Baka naman may atraso ka sa
kanila?” Atraso? Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kanina,
naningkit naman ang mga mata nya saka inilapit ang mukha sa akin.
“Nagnakaw ka siguro sa kanila no?”

Eh?
Nakaw?

“Hindi no!” Bakit ko naman sila dedekwatan eh baril lang naman dala nung
lalake. Meron naman akong baril. At saka isa pa ang sabi ni mommy masama
daw magnakaw. Maka-bintang naman sya agad *pout*

“Hahahaha! Biro lang. By the way I’m Andrei.”

“Ahh hehe okay Andrei, aalis na ako ha? Sige salamat.” Pagka-paalam ko ay
nagsimula na akong maglakad palayo.

“Wait ihahatid na kita” Nagulat ako nung nakatakbo na pala agad sya at
nasa harap ko na agad.

“Naku wag na! Hehe kaya ko naman umuwi mag-isa.”

“No, I insist. Baka mapahamak ka pa.”

-End of Flashback-

Omygoddd! Kaya naman pala pamilyar ang itsura nya eh. “OMG ikaw ‘yung—“
“Hahaha ikaw yung babaeng may tinataguan din sa Mall diba?” Putol nya sa
sinasabi ko.

“Andrei tama?”

“Yup, and you are?”

“Aemie, hehehe.”

“Pfft. Bakit tuwing magkikita tayo lagi kang may tinataguan?” Tanong nya.

To be honest, ang gaan ng loob ko sa kanya. Mukha kasi syang mabait, saka
lagi pa syang nakangiti. “Aemie? Okay ka lang ba? Hahaha natulala ka na
dyan.”

“Ha? Hehe sorry, ano kasi ‘yung sinasabi mo?”

“Sabi ko bakit lagi kang may tinataguan?” Speaking of tinataguan, dahan-


dahan akong lumingon sa likod ko at nagtago sa menu para silipin si Zeke.
Nagsasalita ‘yung babae at nakangiti. Ano naman kayang sinasabi nya kay
Zeke? Hindi kaya binu-bully na nya si Zeke? Nakakainis ha. “Sino ba kasi
‘yang babaeng ‘yan.”

“May atraso ka bas a kanila?”


Eh?? “W-wala ah.” Umayos na ako ng upo at humarap na ulit kay Andrei,
“Wala pala eh bakit ka tingin ng tingin sa kanila tapos tago ka pa ng
tago.”

Oo nga ‘no? Bakit nga ba ako nagtatago eh wala naman akong kasalanan.
“Hindi ko din alam eh, hehehe.”

**

“Hehehe talaga?”

“Yup. Hahaha nakakahiya talaga.”

Kanina pa kami nake-kwentuhan ni Andrei habang kumakain, halos hindi ko


na nga namalayan na lumipas na ang oras. At tapos na ding kumain sila
Zeke, pero bakit hindi pa sila umaalis?

Kakatanong ko pa lang sa isip ko nung tumayo ‘yung babaeng kasama nya.


Nung makaalis ‘yung babae ay kinuha ni Zeke ang cellphone nya. Yes!
Pagkakataon ko na ‘to para tawagan si Zeke.

“Uhh Aemie gusto mo bang umorder ng dessert?”

“Shh” Sumenyas ako kay Andrei nung mag-ring ang phone ni Zeke sa kabilang
line.
[Wife.]

“Z-zeke hehehe.” Hindi ko nilalakasan ang boses ko dahil baka madinig nya
na nandito lang din ako sa loob ng restaurant. Ang hirap pala nito.

[Hmm?]

Ano nga ba sasabihin ko kay Zeke, huhuhu eh kanina kaya ko tinatawagan


para itanong kung nasaan sya eh. “Ahh itatanong ko lang sana kung ano
gusto mong iluto ko hehehe.”

[Any.] Ughh, bakit nga naman kasi pagkain ang tinanong ko, eh nakakain na
sya.

“Uhmm nasaan ka pala dong?” Napatakip ako ng bibig. Hindi ko alam kung
bakit itinanong ko ‘yun pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang
gusto kong pigilan ang isasagot ni Zeke sa’kin.

[On a dinner meeting. Why?] Meeting? Ahhh so related pala sa trabaho


‘yung babaeng kasama nya?

“Ahh, akala ko date hehehe.”

[Date?]
“Hehehe wala, babae ba kasama mo?” Kumunot ang noo ni Andrei nung
banggitin ko yun kaya sumenyas ako sa kanya ng ‘bakit?’

Umiling-iling si Andrei na parang hindi nya nagustuhan ang tanong ko kay


Zeke. “Zeke?” Tawag ko, balak ko sanang bawiin ang tanong ko nung
magsalita si Zeke.

[N-no. Sorry wife, I need to hang-up now.]

Hindi na din ako nakasagot dahil ibinaba na agad ni Zeke ang phone. Hindi
daw babae ang kasama nya? Lumingon ako ulit sa table nila at nakitang
palapit na ‘yung babae sa table. Bakla ba sya? Pero mukha naman sya
talagang babae eh. Mas maganda pa nga sya sa’kin eh.

Mabilis akong tumalikod nung tumayo na si Zeke. Hindi nya ako pwede ng
makita dito.

“Wala na sila.”

Lumingon ulit ako at tinanaw nga ang papalayong si Zeke at yung babae.
Meeting? Eh bakit magka-hawak sila ng kamay?

“boyfriend mo ba ‘yun?”
“Huh? Boyfriend? Si Zeke ba? Hindi ah!”

“Hindi naman pala eh, bakit parang inis na inis ka? Hahaha.”

Inis ba ako? Hindi naman ah, nagtatakha lang kasi ako. “Hindi naman ako
naiinis eh.”

“Nagseselos lang sa girlfriend nya?”

“Girlfriend?!” Girlfriend ba ni Zeke ‘yon? “Ang sabi nya sa’kin sa phone


ka-meeting nya ‘yun no! Hindi naman girlfriend eh.”

“Hahaha fine. Eh bakit magka-holding hands?”

Tumungo ako kasi hindi ko alam ang isasagot, bakit nga ba kasi sila
magka-holding hands? “Kidding, ‘wag mo na isipin ‘yun. Tara na ihahatid
na kita, saan ba bahay mo?”

**

“Ayan dyan!” Turo ko sa gilid ng gate ng bahay namin ni Zeke. “Gusto mo


bang pumasok muna sa loob?” Aya ko kay Andrei.

“Sure, pero next time.” Sagot nya sabay kindat.


“Sure ka ba?” Paniniguro ko bago bumaba ng sasakyan.

“Yup, sige na pumasok ka na sa loob.” Nakangiting sabi nya.

“Sige, thank you ha.” Masayang paalam ko.

“No worries, pag kailangan mo kausap. Tawagan mo lang ako sa number na


binigay ko ha?”

“Okay” Pinilit kong ngumiti ng malapad sa harap nya.

“Wag mo na ding isipin ang boyfriend mo. Hahaha.”

Wala nga sabi akong boyfriend eh. Ang kulit din nito. Asawa ko kaya si
Zeke, di ko naman boyfriend. “Goodnight.”

“Ba-bye!” Kumaway-kaway ako habang pinagmamasdan ang kotse nya na paalis.

**
Nakailang ikot na ako sa kama kasi hindi ako makatulog kaya bumangon muna
ako saglit. Makainom na lang muna ng tubig sa baba. Hehehe tama.

Lumingon ako sa alarm clock na nakapatong sa gilid ng kama. Wala bang


balak umuwi si Zeke? 1:00 o’clock AM na ah.

*Footsteps*

Halaaa! Nandyan na yata si Zeke!

Mabilis akong bumalik sa pagkakahiga at nagpanggap na tulog. Hanggang sa


madinig ko na lang na bumukas ang pinto ng kwarto. Sinubukan kong imulat
ang isang mata ng kaunting-kaunti para silipin kung sino ang pumasok at
hindi nga ako nagka-mali. Si Zeke nga. Pero mukhang nagmamadali sya. Ni
hindi na nga nya nagawang buksan ang ilaw. Bakit kaya?

Nakatalikod sya sa akin ngayon at may kinakalikot sa drawer. Pagkatapos


ay lumapit sya sa closet at nagpalit ng damit. Aalis ba sya ulit? Hindi
naman kasi pantulog yung isinuot nya eh. Dali-dali kong ipinikit ulit ang
mga mata ko nung humarap na sya sa gawi ko.

Nadidinig ko ang mahinang yabag ng paa ni Zeke na palapit sa’kin. Huhuhu.


Bakit ba kasi ako nagtulug-tulugan pa. Naramdaman kong hinawi ni Zeke ang
buhok ko na nakatakip sa mukha ko. Waaaa! Ipinangtatakip ko nga yun para
hindi nya ako mahuli pang iminu-mulat ko mata ko eh. “I love you wife.”
Bulong nya sa kanang tenga ko. At saka ako hinalikan sa noo.

Ano kayang nangyayari kay Zeke?


Nakatanaw ako sa bintana ng kwarto namin habang pinagmamasdan ang kotse
ni Zeke na palayo.

Siraulong bakla yun, sabi na! sabi na eh! Binu-bully nya nga siguro si
Zeke.

=================

Chapter 15

--After 3 days--

Sebastian’s PoV

-Flashback-

“Doon naman tayo Ezekiel.”

Naikuyom ko ang kamao ko nung makita ko si Boss na hawak-hawak ang kamay


ng isang babae. Takte! Parang ako ang pinagtataksilan, pero ano naman
kayang pumasok sa utak ni Bossing at may kasama syang ibang babae.

“B-boss” I uttered unconsciously.


“Lerwick, what the hell are you doing here?” Mabilis nyang binitawan ang
kamay nung babae pero pumulupot yun sa braso nya.

“Sino sya babe?”

“He’s just someone I know. Let’s go.”

Tumalikod si boss kasama yung babae pero bago sila tuluyang makatalikod
ay hindi ako nakalamas sa mga matatalim na tingin ni bossing. Petengene!
What the hell is going on? Psh.

-End of Flashback-

Napahilamos ako ng mukha nung makapasok ako ng pinto. “O ‘tol, saan ka na


naman nanggaling?” Inayos ko ang tayo ko at nakapamulsang dumiretso sa
loob. “Dyan lang.” Sagot ko kay Spade Clifford at saka sisipol-sipol na
pumasok sa loob.

“Trio Jack” Seryosong saad ni Boul saka inilapag ang limang baraha na
hawak nya. Nagpupusoy dos na naman sila?

“Trio King” Nakangising sabi ni Lee at saka kumpyansang inilapag ang


baraha nya.

“Trio Alas” Ngiting-tagumpay naman si Lampe,


“Trio dos! Waaaa panalo ako hehehehe.” Pinagmasdan ko si Ma’am Aemie
habang tuwang-tuwa na kinukuha ang mga taya nung tatlong gago.

“Yo.” Bati ko.

Tumigil saglit si Ma’am Aemie sa pagkuha ng mga pera at saka masayang


bumati sa akin. “Hello Sebastian! Gusto mo din bang sumali?”

“H-ahahaha hindi na. Kayo nalang.” Sagot ko at saka umupo sa isang silya.

Pinagpatuloy ko lang ang panunuod kay Ma’am Aemie dahil kating-kati ang
dila kong sabihin sa kanya ang nakita ko tungkol kay Bossing. Hindi naman
sa sinisiraan ko si Boss pero takte! Ayoko naman na umiyak si Ma’am Aemie
sa huli.

Nung tumayo si Ma’am Aemie para kumuha ng pagkain ay sumunod ako sa kanya
papuntang kusina. “Oh Sebastian, nagugutom ka ba? Gusto mo din ba ng
cake? Hehehe.” Nakangiting tanong nya, habang ipinapakita sa akin ang
strawberry cake na hawak nya.

“Pfft. Hindi ako mahilig sa cake.” Sagot ko

“Hehehehe okay, uubusin ko na ‘to ha.” Ipinatong nya ang cake sa ibabaw
ng bar counter at saka umupo sa high stool at inumpisahan ng kainin ang
cake. Umupo din ako sa isang high stool sa tapat nya. Tang*na! Sasabhin
ko ba?
“Uhh Ma’am Aemie, si Boss...” Tumigil ako saglit at tinignan si Ma’am
Aemie na masayang kumakain ng cake. Tumingin sya sa’kin at saka
nagtanong. “Si Zeke ay?? Anong meron kay Zeke?” Tanong nya.

“...Pupunta daw ba dito si Bossing, may itatanong kasi ako.” Dugtong ko.
Syet! Parang hindi ko kayang sabihin kay Ma’am Aemie ang nakita ko.
Ayokong-ayoko pa namang nakakakita ng mga babaeng umiiyak.

“Ahh.. Hmm hindi ko alam eh, hindi ko naman kasi nakakausap si Zeke.”
Sagot nya.

“Hindi mo nakakausap si Boss?”

“Oo eh, feeling ko busy sya. Tuwing tatanungin ko kasi sasabihin nya nasa
meeting sya. Lagi nga syang umaalis ng bahay eh. Tapos pagka-uuwi saglit
lang tapos aalis na ulit.”

Shit! Ito na nga ba sinasabi ko eh. “Ahmm Miss Aemie, papaano kung—
papaano kung makita mo si Boss na may kasamang ibang babae?” Pinagmasdan
ko si Ma’am Aemie na natigilan sa pagkain at inilapag ang tinidor sa
plato nya.

“Uhmm actually nakita ko na nga si Zeke na may kasamang ibang babae.”

What the?! “S-sigurado ba kayong si Boss ‘yung nakita nyo?”


“Uhmm oo, pero hindi ako nagpakita sa kanya non kaya ‘wag kang maingay
ah, hehehe.”

“H-hindi ka nagalit?”

“Bakit naman ako magagalit?”

“Kasi may kasama syang ibang babae. Hindi ba dapat ikaw lang?”

“Hindi naman babae yung kasama ni Zeke eh, bakla naman daw yun. Pero
kahit naman babae yon, bakit naman ako magagalit eh para sa work naman
yon.”

“Papaano kung hindi pala para sa trabaho? Paano kung may ibang mahal si
Boss na babae at niloloko ka na nya?” Nagulat si Ma’am Aemie sa mga
sinabi ko, at aaminin kong maging ako ay nabigla din. Amputs! Ano ba kasi
pinagsasabi ko?

“Hindi naman siguro” Tumungo si Ma’am Aemie at saka nagpatuloy sa


pagsasalita. “Ang sabi sa’kin ni Zeke mahal nya ako. At saka sabi nya
mag-tiwala ako sa kanya ‘di ba?”

“Wengya kasi Ma’am Aemie kanina nakita ko—“

“You saw what Lerwick?” Nagtayuan ang balahibo ko sa batok nung madinig
ko ang boses na kilalang-kilala ko. Potek! Mas gusto ko pang makakita ng
multo kaysa madinig ang tono ng boses ni Boss na ganito.
“Dong!” Tila ba nagliwanag ang aura ni Ma’am Aemie nung dumating si Boss.
Mabilis syang umalis sa high stool at saka tumakbo kay Boss at yumakap.

“Lagi kang busy nami-miss na kita.”

“I missed you too.”

Nakatingin ako sa kanilang dalawa at kahit mabigat sa loob ko, hindi ko


na lang sasabihin kay Ma’am Aemie. Takte.

“Kumain ka na ba Zeke, gusto mo ba ng cake?”

“Pfft. Yes I had my lunch. How are you?”

Tumalikod na ako at nag-umpisa ng maglakad palabas ng kusina.

“Okay naman, kaso wala na akong ginagawa sa opisina kanina kaya pumunta
ako dito. Naglalaro kami ng pusoy dos, tara dali sali ka hehehe.”

“Lerwick.”
Tumigil ako sa paglalakad nung madinig ko ang malamig na boses ni Boss.
Pero hindi ko na nagawang humarap sa kanya. “Do not meddle with my
business.” Saad nya. Lumingon ako saglit, bago ko sya sagutin ay
sinulyapan ko si Ma’am Aemie. Nakahawak sya ng mahigpit sa braso ni Boss
at nakatingin ng diretso sa kanya. “Ano bang sinasabi mo kay Sebastian
dong, anong business eh hindi naman sya pumupunta ng opisina?”

Siguro nga hindi na dapat ako mangialam sa kanila.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa at saka sumaludo kay Bossing, bago


tuluyang umalis sa kusina.

**

Aemie’s PoV

“Hindi kaya masyado mo ng pinapagod sarili mo Zeke?” Tanong ko, pasakay


na kasi ulit ng kotse si Zeke. Sumaglit lang naman pala sya dito.

“No, I guess I’m fine.”

Lagi naman syang fine, wala naman syang alam isagot kung hindi fine.
Haayy. Pero sana nga, sana nga okay lang sya. “Okay.”

“I love you wife”


Tumingala ako para tignan sya ng diretso and as always, ang kalmado ng
mukha nya. “Mas mahal kita, hehehe.”

“Nope, mas mahal kita.”

Eh? “Mas mahal kita no!”

“Pfft. I would risk anything for you. Even my own happiness and life.”

“Ako din naman ah!”

“Hahaha. Shut up wife.” Anong nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman ah.
Sya lang naman kasi ang laging tumatanggi pag nag-aalok ako ng tulong.
Excited nga ako lagi sa mga bagong adventures. “And besides, I’d rather
handle things on my own, alone.”

Huh? “Bakit?” Bakit mas pipiliin nyang mag-isa, eh pwede ko naman syang
tulungan.

“You wouldn’t want to know.”

“Gusto ko!” Giit ko. Naikuyom ko na ang kamao ko sa sobrang kagustuhan na


malaman. Gusto ko malaman lahat ng nangyayari kay Zeke.
Ngumiti si Zeke at saka ako hinalikan ng mabilis sa labi. “That’s
wonderful, thanks wife...” Sumakay nang kotse si Zeke at inistart na ang
engine. Wala ba talaga syang balak sabihin? “...But I don’t want you to
overstrain yourself. Just relax and leave it all to me.”

Tumungo na lang ako kasi alam ko namang no choice na naman ako. “Pero—“

“By the way, your cousin will be back real soon.”

Nanlaki ang mga mata ko at napatunghay dahil sa sinabi ni Zeke, magte-


thank you sana ako, pero huli na dahil nakaandar na ang sasakyan.

Yiiii~ si insan! Makikita ko na ulit si insan. OMG!!! Aayain ko agad si


insan manuod ng mga movies. Hehehehe.

“Good mood ka yata Ma’am Aemie.”

“Sebastian!” Ngumiti ako kay Sebastian na nakasandal sa pader malapit sa


akin. “Kanina ka pa ba dyan?” Tsumi-tsismis kaya sya saming dalawa ni
Zeke? May sa tsismoso pa naman sya. Sya nagsabi nung plano dati kay Zeke
eh. Huhuhu.

“Hahaha, kakarating ko lang. Magpapaalam sana ako kay bossing kaso


nakaalis na pala.”
Ohh. Buti naman, kala ko nasagap lang sya ng balita eh. “Gusto mong
mamasyal?” Tanong nya out of the blue.

“Gusto ko, hehehe kaso may pupuntahan pa ako eh.” Inaya kasi ako ni
Andrei kahapon na magpunta sa bahay nila.

-Flashback-

“Pfft. Barbie?! Hindi ba pang-bata ‘yun?”

“Anong pang-bata, bakit ilang taon na ba si Barbie? Bata pa ba si Barbie


ha?”

“Hahahaha! Nagtatanong lang eh. Anyway, madaming Barbie sa bahay namin.”


Omygod! Kunwari pa syang ayaw ng Barbie. Hehehehe “Mahilig ka din pala sa
Barbie, yay!”

“Hahaha baliw! Hindi sa’kin ‘yun. Sa kapatid ko ‘yun.”

“Talaga?! Omygod! Gusto ko ma-meet kapatid mo. Siguro pwede kaming manuod
minsan ng movie o kaya maglaro tapos—“

“I don’t think so, hindi naman sya mahilig sa Barbies eh.”


Nagtakha naman ako sa sinabi nya, kung hindi mahilig sa Barbie ang
kapatid nya, “eh bakit may mga Barbie sa inyo?”

“Hahaha. Kwarto ng kapatid ko lang ang puno ng Barbie. Mula bata pa kasi
nawala na ang kapatid ko, at sinimulan punuin nila mama at papa ng Barbie
ang kwarto nya. Maybe to lessen the pain and loneliness kaya nila ginawa
‘yun.”

“I-ibig sabihin nawawala kapatid mo?” Ang lungkot naman, naalala ko tuloy
sila mommy, daddy at insan. “Gusto mo ba tulungan kita maghanap? Uh—
posible naman sigu—“

“Nahanap ko na sya.” Nakangiting sabi nya.

Waa, what a relief! “Buti okay lang sya.” Nakahinga ako ng maluwag dun
ah.

“Yup. She grew up well.”

“Uhmm ilang taon na ba sya?” Hehehe na-curious ako bigla kasi hindi ko
ma-imagine kung ilang taon nawalay sa kanila kapatid nya.

“She’s 21.”

21? Ka-edad na pala sya nila insan, huwaaaa! Huhuhu. Nalulungkot ako. Ang
tagal din pa lang panahon na nagkahiwalay sila. Parang si daddy. Ang
tagal kong hindi nakita.
“Buti na kaya nyang mabuhay mag-isa ‘no? Siguro lumaki syang mabait at
maganda at—“

“Hindi naman sya lumaking mag-isa, may mga nag-alaga sa kanya. Thanks to
them.” Uminom si Andrei ng juice. And for a second, hindi ko maialis ang
tingin ko sa kanya. Para kasing may meaning ang mga sinasabi nya. “Ahh
ayii ang sweet naman, pag na-meet ko kapatid mo sana sunod kong makilala
mga nag-alaga sa kanya. Siguro manbabait din sila.” Ngumiti si Andrei sa
akin kaya ngumiti din ako. “Nakilala mo na din ba sila?” Parang nag-iba
bigla ang mood ni Andrei, saglit kasing naging seryoso ang mukha nya pero
ngumiti din naman sya agad.

“Oo naman. Hahaha. Nakilala, nakausap, naka-kwentuhan.” Waaaa ang sweet.


Huhuhu what a touching story.

“Mabait ba sila?” Nakangiting tanong ko.

Humigpit bigla ang hawak ni Andrei sa baso ng juice nya. Magtatanong


dapat ako kung bakit nung maalala ko si Zeke, kaya lumingon ako sa likod
ko para tignan kung anong ginagawa nila nung babae.

At paglingon ko, nakangiti na ulit sya sa akin. “Gusto mo bang pumunta sa


bahay?”

“Waaaa talaga?!” Omygod! Barbieeeee!

“Hahaha oo naman.”
-End of Flashback-

“Ma’am Aemie?”

“Ay Barbie! Waaaa ano ka ba Sebastian, nagulat naman ako sa’yo.”

“Tinatanong ko kasi kung saan ba ang lakad mo, baka lang gusto nyo
magpahatid. Baka ako pa ang masisi ni bossing pag may nangyari—“

“Hehehe wag na, kering-keri ko na ‘to. Pakisabi na lang din sa kanila na


umalis na ako ha. Hehehe.” Ayoko na din naman magpaalam kasi baka naman
sumama pa sila, o kaya baka magtanong sila ng madami. Hindi ko alam kung
anong isasagot ko pag tinanong nila kung bakit kasama ko si Andrei
kahapon. Alangan naman isagot ko na dahil tsumi-tsismis kami kayla Zeke
at doon sa babaeng kasama nya diba?

“Ba-bye!” Kumaway ako kay Sebastian at nagsimula ng maglakad palayo.


“Tawagan mo lang ako pag may problema Ma’am Aemie.” Sumaludo pa si
Sebastian sa’kin nung lumingon ako sa kanya kaya nag-okay sign ako.

**

Napanganga ako sa ganda ng bahay nila Andrei, nasa labas pa lang kami
pero ang sobrang ganda na. Maganda din naman ang bahay ni daddy at Zeke.
I mean, super laki ng bahay ni daddy. Madaming magagandang decorations.
Pero iba ‘tong bahay nila Andrei, modern ang style kaya ang sosyal
tignan. Made out of steel and glass halos lahat ng mga kagamitan. Kaya
parang kumikinang.
“Hindi mo ba nagustuhan? Pasensya na—“

“Waaaaa! Super ganda kaya!”

“Hahahaha akala ko plano mo ng umuwi. Hindi ka kasi nagasasalita eh.”

“Ang ganda kasi waaaa!”

“Pfft. Salamat, pasok na tayo sa loob?”

“Sigeeee!”

Woooowww! Manghang-mangha kong inilibot ang tingin ko sa buong paligid.


Sobrang lawak ng loob. Triple yata ang ganda nito sa bahay namin ni Zeke
eh. Bahay pa ba ‘to? O museum?

“Hahaha doon ang papunta sa kwarto ng kapatid ko.” Itinuro ni Andrei ang
hagdan na made out of steel and glass din. At saka kami nagsimulang
maglakad. Nakasunod ako sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na
hindi tignan ang buong paligid. Pati ang kisame nila sobrang taas. Huhuhu
parang sa mga simbahan sa sobrang taas.

Halata naman sa itsura ni Andrei na mayaman sya.


Pero hindi ko naman akalaing ganito pala sya kayaman!

Ano kayang raket nya? Paano kaya sya yumaman ng ganito? Dapat pala
malaman ko, para naman yumaman din ako tapos bibilhan ko si Zeke ng mga
Barbie stuffs, hihihi. Tama tama!

“Nandito na tayo.”

Waaaaaaaaaaaa!! Omygod!! Barbie na carpet, Barbie na wall, Barbie na


kama, closet, lampshade, tv. Waaaaa halos lahat ng gamit Barbie.
Huhuhuhu. Ang ganda dito!!

Tumakbo agad ako at saka lumundag at humiga sa Barbie na kama. Ang


lambot. Waaa ang sarap siguro matulog dito araw-araw. “Pftt. Hahahaha.”
Omygod! Mabilis akong bumangon at umalis sa kama nung maalala ko si
Andrei.

Nakatayo pa din sya sa may pinto ng kwarto habang tumatawa na nakatingin


sa akin. “Huhuhu sorry hindi ko kasi mapigilang hindi matuwa nung nakita
kong puro Barbie.”

“Hahahaha bakit ka nagso-sorry. I’m glad you’re happy.”

Ang bait nyaaaa! Waaaa sana sya na lang naging kuya ko.
**

Fauzia’s PoV

“Nasaan na sila ate Aemie at kuya Ezekiel?” I glanced at Milka, she’s


looking directly at Sebastian Lerwick na kakapasok lang sa loob.

“Ahh, umalis na sila baby. Bakit?”

“Sayang. Aayain ko pa sana si ate Aemie may date pala sila ni kuya Eze-“

“Hindi naman sila ni Bossing magkasama eh. May ibang pupuntahan daw si
Ma’am Aemie.” He stated at saka umakbay kay Milka.

“Tanggalin mo nga yang kamay mo lalaking panget!.”

They went separate ways? But why? Saan kaya pupunta si Miss Aemie?
Napatampal ako sa noo nung may maalala ako. Darn! For heaven’s sake, why
am I doing nothing? I should be her guardian angel Dammit.

I grabbed my gun, at saka tumayo. I need to find out what’s happening.


“Kailangan mo ba ng kasama?” Nakangising tanong ni Lee pagkalabas ko ng
pinto. Kaya tinaasan ko sya ng kilay. “No thanks...”

“...But on the second thought—“

Lee held my hand at saka ako hinila papuntang kotse at binuksan ang
pinto. What the hell? “Get in, hindi na tayo dapat nag-aaksaya ng oras.”
He said with the wink. Psh!

**

Cassandra’s PoV

Nakatanaw ako sa bintana, looking straight at Fauzia and Jacob na paalis.


Are they going on for a date? I’m quite bothered sa mga nangyayari. About
Queen, Master and Miss Amesyl.

“What’s up Cass?”

“Mei.”

Tinignan ko si Meisha, she’s smiling at me na parang walang iniisip.


“Troubled? Is there something bothering you Cass?” She asked.
Kumunot ang noo ko, I am a bit puzzled. “Hindi ka ba nag-aalala kila
Queen?”

“Nag-aalala, but what can we do?” Ngumiti sya sa’kin at saka tinap ang
shoulder ko. “I know, iniisip mo na kailangan nating kumilos, or
tumulong. Pero hindi naman natin pwedeng pangunahan si Mr. Roswell at
Miss Aemie.”

Yeah right, she has a point as always. Call be stubborn but—“Wala naman
silang ginagawa to bring them back, kaya bakit hindi na lang tayo ang
gumawa ng paraan?” I asked. I can’t keep myself from being stubborn pag
dating sa mga ganitong bagay. I love Yaji. I really do. I offered my
loyalty simula ng makapasok ako.

And.. “I can’t stand seeing Yaji’s downfall.” Because little by little,


admit it or not, bumabagsak na ang Yaji.

I clenched my fist sa sobrang inis. “Downfall? Hahahaha. Masyado kang


paranoid Cass.” She’s looking straight into my eyes. Suddenly, biglang
nawala ang ngiti nya at napalitang ng pagka-seryosong mukha. “Hindi
mangyayari ‘yon. Over my dead body.” It was such a relief. I mean,
hearing that line from Mei. “Let’s patiently wait sa sasabihin sa’tin ni
Miss Aemie, or Mr. Roswell. We all know how they love Yaji and Roswells
as much as we love the group.” Naglakad si may papunta sa dart board at
saka kinuha ang tatlong nakatusok na dart.

“But for now, maybe we should not let our guards down.” Inabot nya sakin
ang isang dart after hitting the bull’s eye. Inabot ko ang binigay nyang
dart and hit bull’s eye as well. “Impressive” She said with a smile.
Ngumiti din ako sa kanya. “Wanna play billiards?” Tanong ko.

“Hahaha that’s the best line you’ve said so far.”


**

Aemie’s PoV

“Ang daming damit!” Waaaa! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito, isang
kwarto na punung-puno ng mga damit at costumes.

Iniwan ako ni Andrei dito sa loob ng kwarto ng kapatid nya dahil sabi nya
may kailangan lang daw syang gawin saglit. Kaya nung makatapos ako sa
panunuod ng isang Barbie movie ay naisipan kong libutin ang kwarto. At
hindi ko alam na may walk-in closet... No mali, parang boutique ng mga
damit sa sobrang dami!!

Naisusuot pa kaya ng kapatid nya ‘to? Feeling ko kahit oras-oras sya


magpalit ng damit hindi ‘to masusuot sa sobrang dami.

Pagkalabas ko ng walk-in closet ay isa-isa ko namang tinignan ang mga


drawer, at shelves na puno ng mga Barbie at stuff toys.

Kanina pa din ako paikot-ikot..

Pero..

Bakit wala akong makitang picture ng kapatid nya? Hindi ba sya mahilig
mag-picture? Tuturuan ko pala sya mag-selfie pag na-meet ko sya hihihi.
Hahaha. Kwarto ng kapatid ko lang ang puno ng Barbie. Mula bata pa kasi
nawala na ang kapatid ko, at sinimulan punuin nila mama at papa ng Barbie
ang kwarto nya. Maybe to lessen the pain and loneliness kaya nila ginawa
‘yun.

Oo nga pala, nawawala nga pala dati ang kapatid nya. Hayy bakit ko ba
nakalimutan.

Napatingin ako sa may pintuan nung may kumatok ng dalawang beses at saka
bumukas ang pinto. “Halaaa amina tulungan na kita.” Tumakbo agad ako
palapit dahil halata namang hirap si Andrei sa tray ng pagkain na hawak
nya. “Hahaha ‘wag na ‘no, kayang-kaya ko na ‘to.” Sagot nya, kaya isinara
ko na lang ang pinto.

“Wow! Kaya naman pala nawala ka eh, bumili ka pa ng cake.” Mukhang


masarap! Kyaaa!

“Pfft. Ako ang nag-bake nyan.”

Inabot nya sa’kin ang isang tinidor. Pero nakatitig lang ako sa kanya.
Tama ba nadinig ko? “Ikaw ang nag-bake nito?”

“Yup. Hahahaha natutunan ko yan nung nasa US ako.”

Ahhh galing pala sya ng US? Ang sossy naman. “Doon ka nag-aral?”
“Doon ako lumaki, in fact kakauwi ko lang dito nung isang bwan yata?”
Waaaa totoo ba ‘yun? Hindi kasi sya katulad nung ibang lumaki sa US na
english speaking. Straight sya mag-tagalog at wala man lang American
accent. Ang galinggg!

“So... ayaw mo ba?” Tumingin sya sa cake na hindi ko pa din nasisimulan


kainin. “Gusto mo bang mag-bake ako ng bago?”

“Ay! Hehehe gusto ko ‘no!” Sinimulan ko na agad kumuha ng cake para


tikman “Waaaaa! Ang sarap! Parang yung mga tinitinda sa tindahan ng
cakes.” Huhuhu. Dapat magpaturo ako sa kanya mag-bake ng cake, para naman
naiipag-bake ko si Zeke.

“Hahaha. Thanks.”

Ang bait talaga ni Andrei. Sana may kuya din akong kasing sarap nya mag-
bake. Waaa! Para araw-araw at anytime pwede ako magpa-bake ng cake,
cookies—pero teka, speaking of kuya, “Anong oras para dadating ang
kapatid mo?” Tanong ko bago uminom ng kape na tinimpla din nya.

“Ahh. Hindi naman sya umuuwi dito eh.” Sagot naman nya.

Hindi daw umuuwi dito? Pero—“Sayang naman ang ganda pa naman ng kwarto
nya.” Malungkot na sabi ko, kung ganito kaganda ang kwarto ko, kahit
hindi na ako lumabas ng kwarto habangbuhay. Hehehe. Pero syempre jokijoki
lang ‘yun.

**
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, madilim ang paligi pero saktong
nakaharap ako sa may binatana kaya medyo tanaw ko ang labas ng bahay.
Madilim pa din pala, ibig sabihin gabi pa. Umuwi na kaya si Zeke?

Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid at—

OMYGOD!!!

Dito pala ako nakatulog?

“Waaaaaa!” Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto habang


tinitignan ang oras sa cellphone ko.

10PM na!! Waaaa baka nakauwi na si Zeke sa bahay. Sabihin lakwacha ako ng
lakwacha huhuhu.

“Nasaan nga ba dito ang exit?” Bulong ko sa sarili habang mabilis na


naglalakad. Kanina wala akong problema dahil nakasunod lang naman ako kay
Andrei.

“O, nagising ka pala.” Tumingin ako sa kanan. Naglalakad sa pasilyo si


Andrei. Waaa buti nandito sya. “Andrei!!” Tumakbo agad ako palapit sa
kanya, buti na lang at nakita ko sya. “Nakatulog pala ako, huhu sorry
doon pa ako natulog sa kama ng kapatid mo.” Pagkatapos kasi naming kumain
ng cake ni Andrei, nanuod ulit ako ng movie. Hindi ko naman alam na
makakatulog pala ako habang nanunuod ng movie. Huhuhu.
“Hahaha bakit ka nagso-sorry? Ako nga dapat humingi ng pasensya kasi
hindi kita ginising. Para kasing ang sarap ng tulog mo kanina nung
binalikan kita sa kwarto eh. Pfft.”

“Hehehehe.”

“Ihahatid na ulit kita.” Nakangiting sabi nya.

**

Lumingon ako sa kaliwa’t kanan para i-check kung naka-park ang sasakyan
ni Zeke at waaaaaaaaa!! Nandito na si Zeke? Waaaa! Huhuhu patay ako!

Tinignan ko ang kabuuan ng bahay. Patay ang mga ilaw kaya dahan-dahan
kong binuksan ang maindoor. Sana tulog na si Zeke. Huhuhu.

Bawat hakbang ko ay sinisiguro kong hindi ako makakagawa ng ano mang


ingay. Mahirap na, baka pag nadinig ako ni Zeke bigla na lang akong
barilin sa sobrang galit. Hayyy! Bakit ba kasi ako ginabi eh.

“Have you eaten?” Halos mapasubsob ako nung biglang may magsalita kasabay
ng pagbukas ng mga ilaw dito sa may salas, kaya lumingon ako sa bandang
kanan ko. Nasa may pasilyo si Zeke at mukhang kakagaling lang ng kusina.
“Hehehe. Hi dong!”

“Hey.” Nakangiting bati nya pabalik sa’kin. Hindi ba sya galit?

“Hehehe kanina ka pa?” Tanong ko habang palapit sa kanya. Hindi ba sya


galit sa’kin kahit gabi na ako umuwi?

“Nah, I got home few minutes ago. I didn’t find you upstairs so I thought
you’re at the kitchen.” Ahhhh. Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi ni
Zeke, kaya naman pala hindi sya nagalit kasi kakauwi lang naman pala nya.

-Kinabukasan-

“Lalalala~” Lulukso-lukso pa ako habang naglalakad dito sa loob ng mall


para maghanap ng restaurant na kakainan ng lunch. Feeling ko ang ganda-
ganda ng buong araw ko. Ang saya ko kasi hindi nagalit si Zeke kagabi,
tapos doon pa sya sa bahay natulog. Hehehe.

Hmmm saan naman kaya ako kakain? Food court? Mcdo? Jollibee? KFC?
Greenwich? Hehehe bakit ba kasi ang dami-daming klase ng fast foodchain
at restaurants. Minsan naman pare-parehas lang tinda nila. Hindi na lang
pag-isahin.

Puro puno naman lahat, huhuhu.


Ahhh! Doon na lang kaya. Hehehehe.

Lulukso-lukso pa din akong pumunta sa isang restaurant. Siguro naman


hindi super mahal ng mga paninda dito diba? Ayoko din naman kasing maubos
ang pera sa pagkain sa mga mamahaling restaurants.

Pero teka—

Kumain na kaya si Zeke?

Kinuha ko ang phone ko at nagtext habang naglalakad.

Hi dong! Wag kang papalipas ng gutom ha? I love you!

*Message Sent*

Ayan hehehe—

“Omygosh!”

“Waaaa hala sorry.”


“What the fvck did you do?”

“Waaaa omg omg sorry!” Mabilis akong dumampot ng tissue at pinunasan yung
babae. Waaaa! Hindi ko naman sinasadya eh. Huhuhu nagtetext kasi ako
kaya— “That’s enough okay? Tama na.” Pinigilan nya ang kamay ko sa
pagpupunas pero tinuloy ko pa din ang pagpupunas sa—

“She said that’s enough Miss. Haven’t you heard my girlfriend?”

Para akong naging estatwa sa kinakatayuan ko. Yung kabog ng dibdib ko


pabilis ng pabilis.

Kilalang-kilala ko kung kaninong boses ang narinig ko.

No imposible..

Umayos ako ng tayo at tinignan ‘yung itsura ng babaeng natapunan ko ng


softdrinks.

S-sya yung babaeng kasama ni Zeke.

“What are you still doing in front of me? Miss, pwede ka ng umalis—“
Hindi ko pinansin ang sinabi nung babae at nilingon ang katapat nyang si
Zeke.

Halatang nagulat si Zeke nung tumingin ako sa kanya. Ang bigat-bigat ng


pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nasasaktan ako. Umiwas ng
tingin si Zeke sakin kaya ibinalik ko ang tingin ko sa babae. “Miss,
naiistorbo na ang lunch date namin ng boyfriend ko—“

“Satana.”

“Boyfriend?” Ibinalik ko ulit ang tingin ko Zeke. Tama ba nadinig ko?


Boyfriend? At sino yung satana? Ito bang sinasabi nyang bakla na mukhang
babae si Satana?

“Yes you heard it right. And ano ba? Balak mo bang tumayo dyan hanggang
mamaya?”

Hinigit ko ang damit nung babae para maglapit ang mukha nya sa mukha ko.
“Boyfriend mo ‘tong kasama mo?” Tanong ko sa kanya. Nilingon ko muna
saglit si Zeke bago ko ibinalik ang tingin ulit dun sa baklang mukhang
babae at saka itinuloy ang sasabihin ko. “Wala kang taste.” Dugtong ko.
Saka ko sya itinulak para mapaupo ulit doon sa upuan nya.

“What the hell?!” Hiyaw nya pagka bagsak nya sa upuan. “Hey babe,
paalisin mo na nga yang babaeng yan.” Sabi nya kay Zeke.

***

A/N :
Yehess bitin ulit kayo I know. Peace, labsyuuuall :*

=================

Chapter 16

Satana’s PoV

“Babe, I said stop her!” I shouted and gritted my teeth sa sobrang inis.
The girl is looking directly into my eyes.

“Miss—m-my apologies.“

The girl quickly diverted her glance at my boyfriend. What the heck is he
thinking, bakit sya nagso-sorry sa babaeng yan? Ako ang natapunan ng
softdrinks, ako ang nasaktan. And now, he’s saying sorry, doon sa babaeng
gumawa nun sa'kin.

Tumalikod na ‘yung babae and started to walk away. Ganoon na lang ba


‘yun? After all she did to me. I eyed Ezekiel, but it seems like wala
naman syang ibang gagawin dahil nakatungo lang sya. Psh. I thought he’s
man enough to defend me.

“Bitch.” I mumbled at saka ko kinuha ang glass of of wine na nasa ibabaw


ng table and throw it dun sa babae habang hindi pa sya nakakalayo.
I’m literally trembling in anger and shocked as she grabs a knife on one
of the table and throws it on my direction. I am completely stunned nung
mabilis na lumipad ang kutsilyo at dumaan sa left part ng mukha ko. That
was close! I even heard the sound of the knife the tumusok sa wooden wall
sa likod ko.

I can’t move for seconds.

“That’s enough Satana!” I eyed Ezekiel before glancing back at the girl
in front of me. She really got the nerve to mess with me huh? I want to
slit her throat right now. Tinignan nya ako ng masama before turning her
back at me.

“Hey Missy.” Tawag ko sa babae. She stopped. Kaya tumayo ako at naglakad
palapit sa kanya. I can’t let her do this to me, I don’t mind kung gumawa
ako ng eskandalo dito.

“Why?” She asked. She really has the guts to look straight into my eyes.

“Kilala mo ba kung sino ako?” I asked in a sarcastic note. Better run


bitch.

“Satana, I said enough!”

“Shut up Roswell!” I exclaimed.

“You should not treat your boyfriend that way.” What? Hindi lang pala
bitch, pakialamera pa.
“Ano bang pakialam mo?! Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin.”

“Okay.” And once again, she turned her back at me. But before she landed
her first step away from me hinawakan ko na sya sa balikat to stop her.
“You can’t walk away from me bitch.”

“I don’t want a fight Satana.”

“How pathetic, you started this and now you’re saying that you don’t want
a fight?”

“Look at your boyfriend.” Tumingin sya sa likod ko kaya tinignan ko din


si Ezekiel, and they are looking at each other. “Ayaw nya ng gulo. So
let’s stop this.”

“Do you really know kung sino binabangga mo?” I asked.

“Satana, Satana Beatrix Lestrange. Tama ba?” My eyes widened. “Daughter


of Henrietta and Steve Lestrange, the ownder of the Lestrange group. Your
family has 83 five star hotels all over the world and other
establishments... do you want me to continue?”

“How did you know that?” Well I am not that surprised, ano bang nakaka-
bigla doon. Kilala naman talaga pamilya namin lalo na sa business.
“You studied at Southville College from kinder to high school. You took
Bachelor of Science in Business Administration at Olympus University, had
several relationship in college, do wild things with every man on the
campus. But what caught my interest is that you have a psychological
prob—“

“Fuck you!” I lifted my hand and ready to slap her as hard as I could
nung may humawak ng braso ko. Padiin ng padiin ang pagkaka-hawak nya. And
slowly, my hand is starting to get numb. Mabilis kong nilingon kung sino
ang may hawak sa braso ko. “I will kill you if don’t stop.” I tried to
step a back, pero sobrang higpit na ng hawak nya sa’kin. Is he serious?
Oh hahaha no, of course not.

“I’m leaving.”

“M-my apologies.”

“Okay lang. Next time turuan mo ng good manners yang girlfriend mo.”

“Y-yeah, I’m sorry.”

**

I kept quiet for half a minute. I wonder what’s going on his mind. He
keeps on looking at his phone. Kanina pa naman sya ganyan. Is he cheating
on me?
--Flashback-

“Sure ka bang ayaw mong kumain babe?” I asked him.

“Yeah, I’ll eat later at home.” Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi
nya. What’s the sense of asking me out kung ako lang naman ang kakain.
“So... how’s Miss Alyana and Mr. Eiji again?” He asked. “Oh well, ganoon
pa din.” I answered in a bored tone.

“I see.”

He’s so handsome, why I can’t take my eyes off him. “Are you waiting for
something? Kanina ka pa nakatingin dyan sa cellphone mo.”

“Uhh—no, maybe I am just sick or tired—damn.” Seriously? What’s wrong


with him? Bigla na lang syang ngumiti nung may nag-text. He looks
handsome that way though.

“Omygosh!” Nagulat ako nung may babaeng dumaan at nasagi ang baso ng
softdrinks ko. My dress is now wet, what a clumsy bitch! I was about to
ask for Ezekiel’s help when I saw him texting. Isn’t he aware of what’s
going on?

“Waaaa hala sorry.”

It took for a while, bago pa mapansin ni Ezekiel ang nangyayari. “What


the fvck did you do?”
“Waaaa omg omg sorry!”

“That’s enough okay? Tama na.” Pinigilan ko na ang babae sa ginagawa nya
dahil baka lalo lang madumihan ang damit na suot ko. Duh! She already
ruined my date.

“She said that’s enough Miss. Haven’t you heard my girlfriend?” Aww
that’s sweet. I think I don’t need to defend myself anymore.

I am currently waiting sa gagawin ni Ezekiel. But when the girl looked at


him, I saw his facial reaction na nag-iba at saka sya umiwas ng tingin.
What a coward! Hindi man lang nya ako mapagtanggol sa babaeng ‘to?

“What are you still doing in front of me? Miss, pwede ka ng umalis—“ I
was shut by Ezekiel’s glare. But I don’t care, I’m not afraid of him.

“Miss, naiistorbo na ang lunch date namin ng boyfriend ko—“

“Satana.”Okay I know now, he’s mad. But still, wala akong ginagawang
masama. If he can’t defend me, then I will defend myself.

“Boyfriend?” Tanong nya at saka tinignan si Ezekiel. I knew it! She likes
my boyfriend. What a slut. I’m starting to be irritated.
“Yes you heard it right. And ano ba? Balak mo bang tumayo dyan hanggang
mamaya?” I stated arcing my left eyebrow. Siguro naman aware na sya
ngayon at maisipan na nyang umalis.

“Boyfriend mo ‘tong kasama mo? Wala kang taste.”

“What the hell?!” Damn this bitch! Ang sakit ng likod ko dahil sa lakas
ng pagkakatulak nya. But what caught my attention was Ezekiel’s reaction.
Tama ba yung nakita ko? Was he smirking? No way in hell.

“Hey babe, paalisin mo na nga yang babaeng yan.”

-End of Flashback-

**

Ezekiel’s PoV

I watched her walk away knowing how she was badly hurt. I felt like a
thousand of daggers were being thrust into my chest and twisted. My
breath came in short, painful gasps that left me dizzy and nauseated.

There is a nagging feeling at the back of my head when I try to mask and
endure the pain but I can’t. I just can’t ignore this. I am damn stupid.
“I’m going home.”

“Wait babe, hindi mo ba ako ihaha—“

“Hands off.” I glared at her before I struggled to run after my wife.

I hopped in my car and drove as fast as I could all the way home, crying.
It’s like my soul has been smashed into a million pieces. Goddammit!
Didn’t even know how many times I cursed myself.

-Flashback-

“What brought you here?” I asked Milka.

She handed me a letter? “What’s this for?”

“Pinabibigay daw po ni Queen at Master.” I nodded. “Thanks.”

-End of Flashback-
I arrived home breathless. I run around every corner of our house to find
her.

My heart is pounding real damn hard as I enter our bedroom. She’s sitting
on our bed, hugging a pillow with her knees tucked up. She’s crying, and
it synchronize with the loud beat of my heart. My conscience plays up,
feeling deeply sorry for putting her in this situation.

“W-wife.” I whispered as I walk towards her. I could not stop my eyes


from welling up. The emptiness and guilt feeling explains it all.

“Z-zeke.” The immediate feeling was a deep sense of numbness in the pit
of my stomach while at the same time a despair for which I had no
explaxanation.

I sat down beside her, with blank thoughts. “Huwaaa huhuhu Zeke.” I
wrapped my arms around her and hugged her tight. I want to say sorry but
I can’t utter a word. The pain is dragging me down. I just want to stay
like this for a minute.

She pushed me gently away so I looked at her intently, I didn’t even


bother my damn self to wipe this fucking tears that keep on coming out
from my eyes.

“Okay ka lang ba Zeke?” She asked with tears falling from her eyes. Damn!
What did I do?

I wiped her tears with my thumb before starting to speak. “I—I don’t know
how will I start wife, b-but I’m sorry. For hurting your feelings—“
“Huwaaaaa! Sabi ko na, sabi ko na eh. Huhuhu! Sabi ko na nga ba binu-
bully ka nyang baklang mukhang babae.” She’s whining like a child, and I
was shut when I came to realize that she’s crying because she thought
Satana is bullying me? Not because of the thought that I have someone
else?

“Nakita mo ba Zeke kung paano ka na lang i-shut up Roswell kanina?


Huhuhuhu!”

Aemie’s PoV

“Huhuhuhuhu.” Niyakap ulit ako ni Zeke pero pagkatapos non, gumaan na


loob ko kaya tumigil na ako sa pag-iyak.

“Pfft. Hahahaha.”

Eh? Kanina lang umiiyak ‘to si Zeke tapos ngayong tumatawa na naman.

OMG! Hindi kaya nahahawa na sya doon kay Satana? Pero teka “Ano nga ba
‘yung sinasabi mo kanina dong? Diba nag-i-speech ka kanina pag dating mo?
Huwaaa! May ginawa ba sa’yo si Satana? Inutus-utusan ka ba ulit at shinut
up, shut up?”

“No, I just thought you are jealous because she’s my girlfriend.” Sabi
nya pero tumatawa sya, kaya medyo umurong ako palayo sa kanya. Hmm.
Actually, nung una nasaktan naman ako nung makita kong magkasama sila
nung babae.

“Pero bakit naman ako magseselos sa kanya?” Dapat ba mag-selos ako? At


wait lang, “Sya ‘yung lagi mong kasama dong?” Tanong ko. Tumango sya
saglit bago kami sumandal parehas ni Zeke sa headboard ng kama at saka
nagpatuloy sa pagchi-chikahan.

“Bakla ba talaga si Satana?” Ang tanda ko nung sinearch ko noon ang


profile nya babae naman sya eh, pero ang sabi naman kasi sa’kin ni Zeke
hindi daw babae ‘yung kasama nya.

“Pfft. Babae sya.” Natatawang sagot nya.

“Bakit ka naman tumatawa dyan?”

“Because you actually think that she’s gay.”

“Eh sabi mo kasi hindi babae yung kasama mo, eh kitang-kita naman ng
dalawang mata ko na babae ang kasama mo.”

Tumungo si Zeke bago nagsalita ng “I’m sorry.” Nagtatakha lang ako at


kanina pa nag-iisip kung bakit hindi sinasabi ni Zeke sa’kin ang tungkol
kay Satana. “Kung sinabi mo agad sa’kin edi sana hindi ako nagulat
kanina. Hehehe pero buti na lang naka-acting agad ako na hindi kita
kilala.” Pero hindi acting ‘yung pagka-inis ko doon nung makita kong
binubully nya si Zeke ha. Huhuhuhu. Naiiyak na naman tuloy ako.
“Damn, why are you crying again?” Pinunasan ni Zeke ang luha ko at saka
ako niyakap ulit. “Eh kasi naman dong, hindi ko kasi matanggap na
sinigaw-sigawan ka lang nung babaeng yon huwaaaa! Ako nga hindi kita
masigawan tapos sya shuma-shut up Roswell, shut up Roswell pa.”

“It’s no big deal wife.”

“Hindi pa ako tapos! Huhuhu.” Nadinig kong tumatawa na naman si Zeke


kahit nakayakap sa’kin pero hindi ko pinansin, kailangan mailabas ko
lahat ng sama ng loob ko. “Bakit sya lang ‘yung may pagkain sa table nyo?
Akala mo ba hindi ko napansin ‘yon? Huhuhu kahit nung nakaraang dinner
meeting nyo, nakita ko konti lang pagkain mo tapos sya madami. Huhuhu.
Kita mo na, kita mo na! Ginugutom ka pa nya. Ang bully huhuhuhu.”

“Damn, I love you.” Mas lalo pang humigpit yung yakap ni Zeke kaya
napangiwi ako. Trip nya ba akong patayin sa yakap? Hihiwalay pa lang sana
ako sa pagkaka-yakap nung naunang humiwalay sa yakap si Zeke.

“What about your line? What’s the meaning of that?”

“Line? Anong line Zeke?”

“Boyfriend mo ‘tong kasama mo, wala kang taste.”

Hehehe. Natawa ako dahil pati ‘yung tono ng boses ko kanina ginaya ni
Zeke. Pero “Wala naman talagang taste si Satana sa boyfriend ah.”
“What?! So does it mean that I am not an ideal boyfriend?”

“Hahahah ang pangit mo Zeke.” Halos mapahiga ako kakatawa sa itsura ni


Zeke. Ang sagwa pala nya mag-pout, hehehehe parang bakla.

“Stop laughing wife. I’m serious.”

Umupo ulit ako ng maayos at tumabi kay Zeke kahit natatawa pa din ako.
Sinubukan kong kalabitin sya para tumingin sa’kin. Pero gusto ko pa ding
tumawa. Ganito pala si Zeke magtampo? Hehehehe “Dong galit ka ba?” Tanong
ko. Huwaaaa hindi sya nasagot, galit nga yata. “Wag ka na magalit,
sinasabi ko lang nama yung totoo eh.”

“...”

Halaaaa! Galit nga si Zeke?

“Zeke!” *poke* *poke* “Uy dong, wag ka na magalit.”

“...”

“Bati na tayo huhuhu.”


“...”

“Bakit ka ba nagagalit? Kasi hindi ka ideal boyfriend? O dahil walang


taste si Satana?”

“...” Tinalikuran ako ni Zeke kaya kinalabit ko ulit sya. “Uy dong..”

Humarap sa’kin si Zeke kaya natuwa ako. Hindi na ba sya galit? “Does it
mean that I am not your ideal boyfriend?”

“O-oo? Hehehe.” Pagkasagot na pagkasagot ko ay humiga na si Zeke sa kama


at nagtakip ng unan sa mukha. Waaaa! Galit na talaga si Zeke sa’kin?

“Dong.” *poke* *poke*

“Uy hubby, sorry na.”

“...”

“Kaya ko lang naman nasabing wala syang taste sa boyfriend kasi dati diba
girlfriend mo din si Fiona tapos ang cold ng treatment mo, huhuhuhu. Kaya
hindi ka ideal boyfriend para sa’kin.”
“...”

“Pero ideal husband ka naman eh.”

Wala pang isang segundo ay nakaupo na ulit si Zeke at nakaharap na sa’kin


kaya nagulat ako. “Really?”

“O-oo mukha ba akong nagjo-joke?” Tanong ko, ang moody din nito ni Zeke
eh. Kanina lang ayaw ako pansinin tapos ngayon nakangiti na sa’kin.

“I am an ideal husband for you?” Nakangiting tanong nya.

“Oo nga, kakasabi ko lang dong ah, gusto paulit-uli-hmm” Hindi ko na


natapos ang sasabihin ko dahil mabilis akong hinapit ni Zeke palapit sa
kanya at saka ako hinalikan.

-Kinabukasan-

Iminulat ko ang mata ko pero mabilis ko ding tinakpan dahil nasilaw ako
sa sinag ng araw na nangagagaling sa bintana.

Aww! Hindi ko naman first time, pero ang sakit pa din ng buong katawan
ko. “Good afternoon wife.” Lumingon ako sa may pinto. Nandoon si Zeke at
nakangiti sa’kin. “Just done preparing our lunch.”
“Waaa, hindi ka pumasok? Wala ka bang trabaho dong?” Nagtatakhang tanong
ko, syempre diba nung mga nakaraang araw lagi syang wala. Nauwi nga lang
sya dito para magpalit ng damit eh. Kaya nakakagulat lang na hindi sya
aalis ngayon. Ano kayang mabuting espiritu ang sumanib dito kay Zeke.

“Pfft. Just get up. I will be waiting downstairs.” Sabi nya at saka
lumabas na sa pinto.

Hindi man lang sinagot ang tanong ko, bastos din eh.

*door opens*

“I love you.”

*door closed*

“MAS MAHAL KITA ZEKE!” Sigaw ko. Akala ni Satana sya lang marunong
sumigaw kay Zeke ah.

Pero nadinig naman ba kaya ni Zeke ang sinabi ko? Minsan pa naman bingi
‘yon. Bumangon na ako sa kama para maligo.

*door opens*
“I love you more than you love me wife.”

“Mas mahal pa din ki—“

Nagulat ako nung mabilis na tumakbo si Zeke palapit sa’kin at saka ako
hinalikan. “You don’t know how much I love you, so shut up.” Pagkatapos
nyang sabihin yun ay naramdaman ko ulit ang pagdampi ng labi nya sa labi
ko.

Mas mahal pa din kita Zeke! Pasalamat ka lang di ako makasagot.

**

A/N : Yung mga hindi nasagot na tanong nyo sa mga susunod na UD na. Pati
yung flashback ni Zeke na walang kwenta. Natawa din ako dun eh. Basta
kalma lang :D Wag nyo na po itanong kung kalian ang next UD. Hindi naman
matatagalan ang UD :D Sembreak naman. Hahaha.

Hello sa sweetmin na si Mousse :* Birthday mo ba? Loves youuu!

=================

Chapter 17

-After 3 weeks-
Fauzia’s PoV

“Sensya natagalan.” Hinihingal pa ang tono ng boses ni Lee nung makabalik


sya. But instead of looking at him ay ipinagpatuloy ko lang ang
pagmamatyag sa mansion na mag-wawalong oras na naming binabantayan. “Sabi
ko sa’yo Lee pasukin na natin ‘tong mansion eh.” I stated.

“Oh inom ka muna.” I stared for five seconds sa iniaabot ni Lee na


softdrinks na naka-plastik pa. Nakatapat sa harap ko ‘yung plastic. I
glanced at him, wondering why. “Ayaw mo ba?” He asked again. I grabbed
the plastic of softdrinks in one swift move.

“Hahaha akala ko ayaw mo eh.” He teased. Psh. “Kanino kayang mansion ‘yan
‘no?” He asked. I’ve been asking that to myself too mula pa nung
makarating kami dito. Hindi ako sumagot. Sinubukan ko ulit silipin sa
binoculars ang paligid ng mansion. “Hindi kaya may dating kaibigan si
Ma’am Aemie?” Tanong ulit ni Lee.

“I doubt that.” Sa tagal ko ng binabantayan sila Miss Aemie at


sinusundan, ngayon lang ako nakarating dito.

“Ano ba!” Angal ko nung inagaw ni Lee ang plastic ng softdrinks sa akin
at saka sumipsip sa straw bago nagsalita. “Kung hindi old friend, edi new
friend.” New friend?

“Hoy! Kayong dalawa, kanina pa kayo dyan ah!”

“Shit!”
“Darn!” I was about to run after Lee nung ma-out of balance ako bigla
kaya muntik na akong bumagsak sa sahig. “Dahan-dahan.” He said, nung
masalo nya ako. “T-thanks.” Did I stutter? Oh damn.

“Hoy kayong dalawa!”

“What the heck Lee?!” Tanong ko dahil nabigla ako nung buhatin ako ni
Jacob Lee. “Mas mabilis pag ganito.” Sagot nya. Nakaka-insulto ha. I am
an assassin, at kung tutuusin mas mabilis pa nga yata akong tumakbo sa
kanya. But this isn’t the time para makipagtalo. There are three men
chasing us.

Aemie’s PoV

“Wala ka pa bang planong umuwi? Pfft. Maghapon ka na dito, baka hinahanap


ka na sa inyo.” Inilapag ko ang mga dvd ng Barbie na kanina ko pa
pinagpipilian para tignan ang oras sa relo ko.

“5PM pa lang naman eh. Maaga pa, hehe saka walang hahanap sa’kin ‘no!”
Ang sabi sa’kin ni Zeke baka hatinggabi na daw sya makauwi. Wala din
naman akong gagawin sa bahay kaya dito muna ako hehehe.

“Hahahaha. Sure ka ha?”

Tumingin ako kay Andrei, nasa tapat lang sya ng pinto at nakasandal sa
may pader. “Uhmm oo, bakit? Pinapauwi mo na ba ako?” Tanong ko. Pwede
naman kasi nyang diretsuhin sa akin sabihin na umuwi ako kung ayaw na
nyang nandito ako. Hayy. Medyo masama pala ugali nito ni Andrei ha.

“Hahahaha syempre hindi ‘no! Gusto ko nga lagi kang nandito eh.” Parang
nagningning ang paligid nung madinig ko ‘yung sinabi ni Andrei.
“Talaga?!” Tuwang-tuwa na tanong ko. Gustung-gusto ko din kasing nandito.
Kaya nga ilang linggo na din ako na halos araw-araw nandito sa bahay nya.

“Oo naman. Pfft. Ayaw mo ba?” Tanong nya.

“Waaaa! Anong ayaw? Gustung-gusto ko ngang laging nandito eh.” Tuwang-


tuwa na sagot ko.

“Hahahaha edi dito ka na lang lagi. Pfft.” Suggest nya.

OMYGOD! Gusto ko ‘yun! Kaso—“Hindi pwede eh. Hehehe. Pupunta na lang ako
dito palagi.” Sagot ko. Hindi naman ako pwedeng nandito palagi. Syempre
kapag nasa bahay si Zeke dapat nandoon ako ‘no! Sino mag-luluto at
maghahanda ng pagkain ni Zeke pag wala ako.

“Pfft. Oo naman. Hahaha inaraw-araw mo na nga eh.” Pinasingkit ko ang


mata ko at saka tumingin sa kanya. Hindi naman ako araw-araw nandito ah.
Halos lang. Wala naman ako dito kahapon dahil maghapong nasa bahay si
Zeke kahapon eh.

“Hahahah ang sama mo naman tumingin. Tara na lang kumain, nag-bake ako
cake.”
“Talaga?!” Excited na tanong ko.

“Pfft. Oo. Tara na. Mamaya mo na ituloy ‘yang panunuod mo.” Natatawang
sabi nya. Inilapag ko lahat ng DVD bago tumayo at naglakad palapit sa
kanya.

**

“Cake lang ba ang alam mong iluto?” Tanong ko kay Andrei pagkasubo ko ng
binake nyang cake.

“Pfft. Actually hindi, nagluluto din ako ng iba’t-ibang klase ng ulam,


pasta, uhmm marunong din ako mag-mix ng drinks.”

“Waaaa talaga?! Eh bakit laging cake bine-bake mo?”

“Alam ko kasing favorite mo cakes hahaha.”

Waaa ang galing naman! “Paano mo naman nalaman?!” Nagtatakhang tanong ko


sa kanya. Eh parang hindi ko naman nasabi ‘yon sakanya.

“Basta alam ko lang.” Nakangiting sagot nya.


Inenjoy ko na lang ang pagkain ng cake kaysa magtanong pa sakanya. Sakto
namang nag-ring bigla ang cellphone nya. “Uhmm wala ka bang balak sagutin
phone mo?” Nakapatong lang kasi ‘yun sa ibabaw ng lamesa. Mukha namang
walang balak sagutin ni Andrei. Nakaka-ilang ring na din kasi eh.

“Pftt. Hindi naman siguro importante. Saka kumakain ka pa eh. “


Nakangiting sagot nya sa’kin.

“Hehehe ayos lang naman, sagutin mo na. Baka importante eh.”

“Hahaha sure ka?”

“Oo naman ‘no hehe.”

“Pfft. Sige wait lang.” Tumayo sya at saka lumayo ng kaunti bago sinagot
ang phone nya. Susubo na sana ulit ako ng cake kaso may napansin akong
kakaiba.

“Tss. Ano ba sinasabi mo?... Anong ayaw nya? Lintik!... Tss.... Ge.”

Nagulat ako dahil sa way ng pananalita ni Andrei. Feeling ko nag switch


sya bigla sa maldita mode kasi nag-iba tono ng boses nya.

Humarap si Andrei at bumalik sa pagkakaupo sa tapat ko, pero ‘yung mood


nya mukhang badtrip na. “Aish!” Medyo ginulo pa nya ang buhok nya sa inis
kaya muntik na akong matawa. Ngayon ko lang kasi nakitang ganito sya.
Isinubo ko ang cake at pinipigilang matawa ng hindi inaalis ang tingin sa
kanya.
“Bakit?” Tanong nya, pero omygod! Ang seryoso ng mukha nya. Hehehehe.

“Wala lang, hehehe.”

“Aish. Aalis muna ko.” Kakaupo nya lang pero aalis na agad. “Kapag hindi
ako nakabalik agad ng maaga, ipapahatid na lang kita bahay mo. Ayos lang
ba?” Tanong nya.

“Uhmm sige, ingat ka ah. Hehehe.” Yung kaninang badtrip nyang mukha ay
saglit na nawala. “Susubukan ko din bumalik agad.” Nakangiting sabi nya.
Tumango ako at kumaway bago sya tuluyang makaalis ng kusina.

Hehehehe. 5:40 Makakapag-movie marathonako ng Barbie mamaya habang wala


si Andrei.

**

“OMYGOD!!!” Mabilis akong napabalikwas nung magising ako bigla.

Halaaaaa!! 9’oclock na! Waaaaa. Nakatulog na naman pala ako kanina habang
nanunuod huhuhu. Kahit inaantok pa ako ay Inilibot ko agad ang paningin
ko. Bukas ang ilaw ng kwarto, bukas din ang T.V pero tapos na ang
palabas.
Bumangon ako at isinuot ang sapatos. Mukhang hindi pa din nakakabalik si
Andrei. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at saka idinial ang number ni
Zeke.

The subscriber cannot be reached. Please try your call later.

“Haaay.” Inumpisahan ko ng iligpit ang mga kalat ko dito sa loob ng


kwarto ng kapatid ni Andrei. Pati na din ang mga DVDs na pinagpilian ko
kanina. Nung matapos kong ayusin lahat ng kalat ay pinatay ko na ang ilaw
at saka lumabas ng kwarto.

“Buti na lang kabisado ko na ‘tong bahay ni Andrei.” Bulong ko habang


naglalakad-lakad. Siguro mas okay kung aantayin ko muna sya saglit. Baka
naman kasi dumating na din sya.

Okay. Ngayon kailangan ko namang problemahin kung anong pagkaka-abalahan


ko habang nag-aantay. Medyo nakakaramdam na din ako ng gutom kaso
nakakahiya naman kung kakain na lang ako basta-basta sa kusina huhuhu.

Hindi naman siguro mahahalata ni Andrei kung makikikain ako ng konti


diba? Hehehehe. Nagsimula na akong maglakad papuntang kusina nung may
mapahinto ako dahil sa pamilyar na boses ng babae. “Aemie?”

Lumingon ako sa likod ko nung madinig ko ang boses. “Caileigh?” Bakit


nandito si Caileigh?

“Why are you here?” Tanong nya. Halatang-halata din sa boses nya ang
pagkagulat at pagtatakha.
“Lagi akong nandito. Ikaw bakit ka nandito?” Tanong ko din sa kanya. Ang
tagal ko ng nagpupunta dito pero—“Umalis ka na nga dito!” Napahawak ako
sa bibig dahil sa pagkabigla.

Bakit galit si Caileigh. Bahay nya ba ‘to? Kay Andrei naman ‘to ah.
Huhuhu. Hinawakan nya ang kamaya ko at saka hinila palabas ng bahay.

“T-teka lang Cai, hihintayin ko pa kasi si Andr—“

“Hwag ka ng babalik dito okay?!” Sabi nya. “Excuse me, are you the
driver? Pakihatid na nga si Aemie sa bahay nila.”

“Yes Ma’am.”

Hindi na ako sumagot at malungkot na sumakay ng kotse.

Naguguluhan pa din ako sa nangyayari. Sure naman akong bahay ni Andrei


‘yon. Pero bakit nandoon si Caileigh? Anong nangyayari?

“Ahmm Ma’am saan po ba ang daan papunta sa bahay nyo?” Tanong ni kuyang
driver.

“Sige po ituturo ko na lang po.” Walang ganang sagot ko at saka tumingin


sa daan.
**

Pagkadating na pagkadating sa bahay ay naupo ako sa sofa para mag-isip.


Feeling ko may mali sa nangyayari. Bakit ako pinagbabawalan ni Caileigh
na pumunta doon sa bahay ni Andrei?

Teka lang—Omygod.

Dinukot ko agad ang cellphone at saka tinawagan si Vash.

[Ma’am Aemie.]

“Uhmm Vash, kakamustahin ko lang sana kayo ni Caileigh. Hehehe.” Tanong


ko, tumayo ako para sumilip sa kurtina ng bintana. Baka kasi parating na
si Zeke.

[P-po?]

“Sabi ko kamusta na kayo ni Caileigh?”

[Wala na kami, matagal na.] Natahimik ako at hindi makapagsalita sa


sinabi ni Vash. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba dapat isagot pag
ganun ang sinabi eh. Akala ko naman kasi okay sila. Huhuhu.
“A-aahh ganoon ba?”

[Opo.] Malungkot ang boses ni Vash at mukhang hindi naman sya magke-
kwento kahit tanungin ko kung anong nangyari kaya hindi ko na inusisa pa.
“Sige, salamat.” Sagot ko bago ini-end ang call.

Bumalik ulit ako sa pagkakaupo sa sofa. Itinaas ko ang dalawang binti ko


at saka nangalumbaba. “Hayy.” I sighed. Paano ‘yan? Ang sabi ni Caileigh
wag na daw ako babalik doon, edi hindi na ako pwedeng manuod ng movies
doon? “Hayy.”

“What made my wife frown?” Nanlaki ang mata ko nung madinig ko ang boses
ni Zeke.

“Dong!” Niyakap ko agad si Zeke at kiniss sa cheeks. “Kumain ka


na?” Tanong ko sa kanya. “Nah. Haven’t eaten any.”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zeke. “Bakit naman hindi ka


kumakain? Hayyy! Tapos pag nagkasakit ka ako sisisihin mo? Hayy nako
Zeke.” Tumayo agad ako at hinila si Zeke papuntang kusina.

“Pfft.” Natatawa si Zeke nung makaupo na sya sa dining chair. Ako naman
ay nagsimula ng maghanda ng lulutuin since hindi pa din naman ako
kumakain.

“So what were you thinking?” Tanong ni Zeke habang chinecheck ko ang ref.
Tumigil ako saglit at tinignan sya bago ko ibinalik ang tingin sa ref at
itinuloy ang pagpili. Yung kanina ba ‘yung tinutukoy nya? “Wala naman
dong, iniisip ko lang si Caileigh hehe.”
“What about her?”

Kinuha ko na lahat ng mga gulay at karne at sinimulan ng hugasan. “Uhmm.


Wala naman medyo nawi-weirduhan lang ako sa kanya.” Sagot ko sa tanong ni
Zeke at saka

“You talked to her?”

“Uhmm oo kanina. Hehehe.” Tumigil muna ako saglit at saka humarap kay
Zeke. “Feeling ko may tinatago si Caileigh.” Inilipat ko ang tingin kay
Zeke pero umiwas sya ng tingin at hindi sinagot ang sinabi ko. “So uhmm-
how’s my wife?” Pag-iiba ni Zeke sa topic.

Kumunot ang noo kaya tumalikod na ako at itinuloy ang ginagawa ko kanina.
“Weird.” Sabi ko sa sarili. I felt weird kasi feeling ko may tinatago din
si Zeke.

-2 weeks later-

Nakababad ako sa laptop at nagbabantay ng mga posts ni Caileigh sa


facebook. “Parang wala namang kakaiba dito sa mga nilalagay nya sa FB.
Hindi din naman sya active sa twitter.” Hayy!

~I’m a Barbie girl, in a Barbie wor—


“Hello!” Masayang bati ko nung masagot ko ang phone.

[Pfft. Bakit gising ka pa? Iimbitahin lang sana kita dito sa bahay
bukas.]

Halaaa! Ano sasabihin ko kay Andrei? “Uhmm, may ginagawa kasi ako eh.
Hehehe.” Palusot ko.

[Ganun ba? Sayang naman. Sige next time na lang siguro.] Sagot nya.
Nakakalungkot tuloy. Gusto ko na nga din bumalik sa bahay nya eh. Huhuhu.

“Hehehehe sige.”

Bumuntong hininga ako pagkababang-pagkababa ko ng cellphone.


“Waaaaaaaaaa!!!” Hiyaw ko. Huhuhu. Bakit ba lahat na lang sila parang may
tinatago sa akin?

“What the fuck wife! What happened? Why are you screaming?” Tinignan ko
si Zeke mula ulo hanggang paa. Gulo-gulo pa ang buhok nya, walang suot na
shirt. Naka-pajama at iisa lang ang tsinelas. “Hahahaha. Bakit ganyan
itsura mo Zeke?” Tatawang-tawang tanong ko.

“Tss. I heard you scream. And so I woke up.” Walang ganang umupo si Zeke
sa tabi ko at saka humiga. “Dong! Sa taas ka na matulog, may ginagawa ako
oh.” Sabi ko. Bakit ba naman kasi sa’kin pa humiga. Ano ba naman akala
nya sa’kin unan?
“I’m starving.”

Starving pero nakahiga sa lap ko at nakapikit. Minsan di ko alam kung


bobo sa English ‘to si Zeke oh nakahithit ng drugs eh.

“May pagkain pa sa ref dong.” Sabi ko at saka ipinagpatuloy ang pag-e-fb.

“Let’s go out.” Bumangon bigla si Zeke kaya tinignan ko sya. “Go out?
Alas dos ng madaling araw? Ano namang trip ‘yan Zeke?” Kunot-noong tanong
ko.

Sumeryoso ang mukha ni Zeke bago nagsalita. “I want some ice cream.”

Pagkasabi nya non ay napaisip ako. Omygod! Kakaubos ko lang ng ice cream
kanina. Huhuhu. “Bukas ka na mag ice cream dong. Naubos ko na kanina
‘yung ice cream sa ref.” Ibinalik ko na ang tingin sa laptop sa pag-
aakalang hindi na mangungulit si Zeke.

“I’m serious wife.”

Lumingon ako kay Zeke na may halong pagka-inis. “Seryoso din ako Zeke.
Bukas ka na mag ice cream.” Inis na sabi ko. Bakit ba nya ako iniinis.
Gabing-gabi eh.

“Tss.”
Sinundan ko ng tingin si Zeke na padabog na naglakad papuntang kusina.
Ano bang problema non? Parang menopausal eh.

*Yawn* Makapag log-out na nga sa facebook at makatulog na. Hayy. Mukha


din namang wala akong mapapala dito sa pang-stalk sa FB ni Caileigh. Mas
mabuti pa sigurong sundan ko na lang sya kung saan sya pumupunta lagi.
Hehehe. Tama tama!

Inoff ko na ang laptop at naglakad na papuntang hagdan.

“I’m going out.”

Huh?

Lumingon ako sa likod ko dahil nadinig kong nagsalita si Zeke.

“Aalis ka ng ganyan ang itsura?” Kunot-noong tanong ko. Pajama lang kasi
ang suot ni Zeke. Baka mapagkamalan syang tambay sa kanto pagka lumabas
sya ng ganon. “Ikukuha muna kita t-shirt sa taas dong, wait lang” Tumakbo
agad ako pataas at kumuha ng shirt. Kahit ano na lang. Gabi na naman eh.

“Oh.”
“Thanks.” Mabilis nya akong hinalikan “I will be back.” Dugtong nya.
“Ingat ka ah.” Ngiti lang ang isinagot sa akin ni Zeke bago lumabas ng
maindoor.

**

“Wife, wake-up!”

Antok na antok akong bumangon dahil niyuyugyog ni Zeke ang braso ko. “Ano
ba ‘yun dong?” Tanong ko habang kinukusot ang mata.

“Let’s eat.”

Pagkadinig ko ng sagot ni Zeke ay nahiga ulit ako. Grabeeee! Kakatulog ko


lang bubulabugin agad ako. Ano ba naman mga naiisipan nito ni Zeke.

“Wife!”

“Zeke inaantok pa ako.” Nakapikit na sagot ko at saka nagtakip ng unan sa


mukha. Huhuhu grabe naman kasi. Pwede naman syang kumain mag-isa kung
nagugutom sya eh.

“Tss.”
Naramdaman kong umalis na si Zeke sa kama kaya yehes! Makakatulog na ulit
ako.

Ayon ang akala ko.

Dahil ilang minuto pa lang nakakalipas nadinig kong bukas ang TV dito sa
loob ng kwarto. “Zeke naman eh!! Paano ako makakatulog kung bukas ang
TV?!” Inis na tanong ko.

“Sa TV ka ba hihiga?”

“Hindi!” Waaaaa!

“Then sleep as long as you want. Sweet dreams wife. I love you.”

Iminulat ko ang mata ko at nakita sya na nakaupo sa tabi ko habang nakain


ng ice cream at nanunuod ng TV. “Saan mo kinuha ‘yang ice cream?” Tanong
ko. Ang alam ko nga kasi talaga wala ng ice cream—

“I bought this. Do you want some?”

Itinapat nya sa mukha ko ang ice cream at—

At—
“What the?! Are you alright?” Tarantang tanong ni Zeke na nasa likod ko
lang at hinihimas ang likod ko. Mabilis kasi akong tumakbo dito sa loob
ng CR. Hindi ko pa alam kung paano ako sasagot kasi parang bumabaliktad
pa din ang sikmura ko.

“How do you feel? Are you alright?” Tanong nya ulit habang chini-check
ang pisngi ko, leeg ko, noo ko.

Pagkatapos kong mag-tootbrush ay umupo na ulit ako sa kama. “Here.” Abot


ni Zeke sa isang basong tubig. “Ano bang flavor nung ice cream na binili
mo. Parang kadiri.” Sabi ko pagkatapos ko uminom ng tubig.

Umupo si Zeke sa tabi ko at saka iniayos ang ulo ko para makahiga sa lap
nya. “Tell me if you need something alright?” Gumaan ang pakiramdam ko
nung naramdaman kong hinihimas ni Zeke ang buhok ko. Nakakaantok na
tuloy. “Get back to sleep.” Feeling ko magic word ‘yun dahil pagkasabi
nya non ay automatic na nakatulog na agad ako.

**

Huhuhu. Bakit ba feeling ko magkaka-trangkaso ako. Hindi ako pwedeng


magkasakit ngayon. Madami akong kailangang gawin. Susundan ko pa si
Caileigh, papasok pa ako sa opisina.

At saka pupuntahan ko pa si insan.


Speaking of insan, nalulungkot ako pag naalala ko ‘yung time na magkita
ulit kami.

-Flashback-

Nung malaman kong umuwi si insan sa apartment na tinutuluyan nya ay


nagpasama agad ako kay Zeke para bisitahin si insan.

“Waaaaaa! Insaaaan! Huhuhu. Miss na miss na kita.” Niyakap ko ng mahigpit


si Amesyl pero tinulak nya ako ng bahagya palayo sa kanya. “Insan?”
Takhang tawag ko sa kanya. Umiwas sya ng tingin sa’kin at saka naglakad
palayo.

“Medyo pagod ako Aemie. Gusto ko sana munang magpahinga.” Sabi nya.

Sayang, miss na miss ko pa naman si insan. Gusto ko din sana sya maka-
bonding kaso mukhang pagod nga sya dahil walang gana mga sagot nya.

“Sige insan babalik na lang ako dito minsan ah.”

“Ge.”

-
“Zeke galit ba si insan sa’kin?” Tanong ko habang nakasakay ako sa kotse
na minamaneho ni Zeke.

“Nah.”

“Talaga tingin mo hindi sya galit?” Baka kasi nagtatampo si insan kasi
hindi ako sumama sa pagliligtas sa kanya.

“Yeah.”

“Eh bakit kaya sya ganun?”

“Maybe she’s just confused” Confused? Ano naman ang dapat ika-confuse ni
insan? Hmm. “Let her think for a while wife, it could help her a lot.”
Hindi ko na kinontra ang sinabi ni Zeke, kung ‘yun ang mas makakabuti kay
insan. Hahayaan ko na lang muna sya. Baka lalo pa ako makagulo sa pag-
iisip ni insan pag pinakialaman ko sya.

Kaso huhuhu. Miss na miss ko na din sya eh.

-End of flashback-

“Hayy.” Humiga ulit ako sa kama at tumingin sa kisame. Okay Aemie. Alisin
mo muna sa listahan si insan. Baka hindi pa din sya okay makipag-usap.
“Breakfast is ready.”

Tinignan ko ng masama si Zeke kasi ang aga-aga ang lakas ng boses. “Bakit
ba pasok ka na lang ng pasok ng kwarto Zeke ha? Ang ingay-ingay mo pa.
Gusto ko pa matulog eh.” Inis na tanong ko. May hawak-hawak syang isang
tray ng pagkain pero hindi ko ‘yun pinansin.

“What the?”

What the, what the? Hindi ba nya alam na ang sama ng pakiramdam ko. Hayy!
Nagtalukbong ako ng kumot at pilit ipinikit ang mga mata ko kahit hindi
na ako inaantok.

“Wife. Aren’t you gonna eat this?”

“Mamaya na Zeke, inaantok pa ako.” Masungit na sagot ko.

“Is that true?” Nadinig kong inilapag ni Zeke ang tray sa ibabaw ng table
at—“Hahahaha. Z—Hahahaha Zeke---Hahahaha.”

“What? Pfft.”

“Hahahaha Zeke”
“Yes?”

“Dong—hahahahaha—naman eh—“ Feeling ko mamamatay na ako kakatawa. Bakit


ba ayaw kasing tumigil ni Zeke sa pagkiliti. Huhuhu “Hahahahaha Zeke”

“Why? You keep on saying my name. Pfft.”

“Hahahahaha. Tama hahahahaha na kasi.”

“Pfft. Alright.”

Para akong nabunutan ng tinik nung natapos si Zeke sa pagkiliti sa’kin.


Grabe! “You were in a bad mood. Why all of a sudden wife?” Tanong nya
habang hinahawi ang buhok ko.

Uminom muna ako ng gatas na nasa tray bago ko sinagot si Zeke. “Eh kasi
naman pasok ka ng pasok. Ang ingay-ingay mo pa. Kakagising ko lang eh.”

“I was just excited to serve your breakfast in bed.”

“Hehehe. Thank you.”


“You’re more than welcome.” Nakangiting sagot nya.

**

“Ano ba naman Zeke! Late na tayo. Hindi ka pa ba tapos dyan?!” Asar na


hiyaw ko habang naka-cross arms, naka-kunot ang noo na hinihintay si
Zeke. Sabi nya may kukuhanin lang daw sya sa loob ng bahay. Tapos ang
tagal-tagal naman.

May conference meeting pa mamaya sa opisina tapos kung anu-ano pa inuuna.


Hayy!

“Hey gorgeous.” Lumingon ako sa kanya na naglalakad palapit. “Ano? Hindi


pa ba tayo aalis?” Asar na tanong ko.

“Pfft. You’re mad again?” Nakangiting tanong nya. Sino ba namang hindi
maiinis. Ang dami-dami pang gagawin tapos—“I got something for you.”
Kumunot ang noo ko dahil may hawak na bouquet ng red roses si Zeke.
Tinanaw ko pa ang bahay.

Diba sa loob ng bahay sya nanggaling? “Anong flower vase ang pinakialaman
mo Zeke?” Taas-kilay na tanong ko.

“Huh? I ordered those flowers.” Nakangiting sagot nya.

Ano bang ngini-ngiti ngiti nito ni Zeke? “Wag kang ngumiti Zeke, naiinis
ako.”
“Pfft. Are you p—“

“Sinabi ng ‘wag kang ngumiti ‘diba?”

“Hahaha fine fine. I’m just happy.”

“Zeke naman eh!”

“Alright, alright. I’m sorry.” Pinagbuksan ako ni Zeke ng pinto ng


sasakyan pero nadidinig ko syang tumatawa.

**

“Miss Aemie this is the—“

“Pwede ba mamaya mo na ipakita sa’kin yan Sierra? May ginagawa pa ako.”


Asar na sagot ko kay Sierra.

“Okay Miss Aemie.”


Bago pa makalabas si Sierra ay nagsalita si Zeke kaya tumingin ako sa
gawi nya. “Put those files here.” Sabi nya na sinunod naman agad ni
Sierra. Kainis ‘to ha. May relasyon ba sila ni Zeke? Niloloko ba nila ko?

“Do you want to take a rest wife?” Tanong ni Zeke nung mapalingon sya sa
gawi ko. Nakaalis na din pala si Sierra, hindi ko na napansin.

“Ayoko!”

“Do you want to eat?”

“Ayoko!”

“Then what do you want?”

“Bakit ako tinatanong mo dong? Bakit hindi si Sierra tanungin mo?”

“Pfft. Are you kidding me?”

“Mukha ba akong nagjo-joke?” Kita mo na. Kita mo na! Lahat na lang kasi
dinadaan nya sa joke. Huhuhu. Di nya alam nakakasakit na sya ng damdamin.
“Pfft. I love you.” Tumayo si Zeke mula sa kinauupuan nya saka lumapit
sa’kin. “I will call a doctor to set an appointment later if that’s okay
with you.”

Huh? Para saan? Hinipo ko ang leeg ko kung mainit pa. Kanina kasing umaga
nung magising ako medyo mainit ako. Pero ngayon “Okay naman na ako.”

“Yeah. I know.” Nakangiting sagot ni Zeke.

“Ayan ka na naman sa pangiti-ngiti mo Zeke nang-iinis ka na naman.”

“Hahaha don’t get mad. Do you know how much I fall in love with you when
you’re mad?”

“Talagang gusto mong iniinis ako?”

“Nah. I just find it cute.” Cute-cute. Pauso din ‘to si Zeke eh. “But you
are beautiful when you’re smiling.”

**

A/N :
Mafias! Bili kayo ng MHIAMB Volume 1 and 2. Available sya in all leading
book store nationwide. Kapag wala naman, pa-reserve na lang po kayo sa
customer service.

Volume 3 will be published soooooooon.

Bale 5 volumes ‘yung Season 1 ha? Yay! Thank you pala sa lahat ng bumili
ng books <3 Sa mga wala pa. Aba’y bili na. Hehehe. Loves <3

=================

Chapter 18

Sebastian’s PoV

“Anong nangyayari kay Ma’am Aemie?” Bulong ni Lee sa’kin. Tinampal ko ang
kamay nyang dumudukot sa kinakain kong Piatos. “Wag kang para-paraan
dre.” Sabi ko. Takteng ‘to! Makikikain lang dinadalihan pa ako ng
kalokohan.

“Sebastian!” Tawag ni Miss Aemie.

“Yo Miss Aemie” Tumayo agad ako at lumapit sa kanya. “Nasabi ba ni Zeke
kung anong oras sya babalik?”

Putek! Nasabi ba ni bossing kung anong oras sya babalik? “Maya-maya


siguro nandyan na ‘yun Miss—“
“Ano ba naman ‘yan si Zeke! Sabi ko bilisan eh.”

Sinubo ko ang kanina ko pa hawak na Piatos nang hindi inaalis ang tingin
kay Miss Aemie. Kanina pa sya palakad-lakad at mukhang inip na inip na.

“Yo Aemie gusto mo bang maglaro ng pusoy?” Singit ni Lampe.

Tumigil si Miss Aemie sa paglalakad at tinignan ng masama si Lampe “Mukha


bang gusto kong mag-laro ng pusoy?”

“Boom basag!”

“Whoa chill!” Nakataas pa ang kamay ni Lampe na umatras kaya natawa ako.
Maging sila Lee at Boul ay natawa din. “Pakyu.” He mouthed kaya lalo
kaming nagtawanan.

“Vash.”

Muntik pang matapon ang beer in can na hawak ni Boul dahil sa gulat nung
bigla syang tawagin ni Miss Aemie. Pfft. Wengya! Ano nga kayang
nangyayari kay Miss Aemie? Nag-away ba sila ni Bossing? O baka naman.
Shit! Hindi kaya alam na nya ‘yung tungkol doon sa babae?

“M-miss Aemie.” Nauutal na sagot ni Boul.


Napahilamos ako ng mukha dahil sa naisip ko.

“Mag-usap nga tayo Vash.”

Nag-aalangan pang tumayo si Boul pero mabilis pa sa alas kwatro syang


tumayo at sumunod kay Miss Aemie nung tinignan sya ng masama.

“Sabi sa’yo may kakaiba kay Ma’am Aemie eh.” Saad ni Lee.

“Anak ng! Nagulat ako sa isinagot sa’kin ah.”

“Basag ka ‘tol no?” Natatawang asar ko.

“Mukha mo kaya basagin ko Lerwick?”

Humawak ako sa dibdib ko na kunwaring nasasaktan. “Aww battered baby ba


ako sa’yo baby Lampe?”

“Ulul! Tigilan mo ako Lerwick. Gwapo kong ‘to papatol sa bakla?” Pfft.
Ang sarap gaguhin nito ni Lampe eh. “Aww baby Lampe, ganyanan na ba tayo?
Pagkatapos mong angkinin at pagsawaan ang murang katawan ko?” Umarte ako
na nasasaktan kaya binatukan ako ni Lampe.
“Mura ko gusto mo?” tanong nya.

“Hahahaha dre. Kalma. Alam mo namang hindi ako pumapatol sa pangit.”

**

Vash’s PoV

“Miss Aemie.” I gulped. Nakatalikod lang sya sa’kin at hindi nagsasalita


kaya naghintay ako ng ilang saglit.

“Third party ba dahilan ng paghihiwalay nyo ni Caileigh?” Hindi ko


inakalang didiretsuhin nya ako ng tanong. Aish. “Hindi po.”

Mabilis na humarap sa’kin si Miss Aemie at tinignan ako ng mata sa mata.


“Kung hindi third party, ano?” Seryosong tanong nya.

Ang totoo nyan, hindi ko din alam kung anong isasagot ko. Nakanampucha!
“Hindi ko din alam kung ano ang dahilan Miss Aemie dahil bigla na lang
nakipag-hiwalay sa’kin si Caileigh.” At ‘yun ang totoo. Gustuhin ko mang
itanong sa kanya ang dahilan hindi ko magawa dahil hindi na din nya ako
kinakausap.

Humarap si Ma’am Aemie sa akin na nakacross-arms habang malalim ang


iniisip. “Ganun ba?” tanong nya.
“Ganun nga po Ma’am Aemie.” I am staring at her pero pakiramdam ko si
boss ang kausap ko.

“Hi Wife.” Parang hangin na dumaan si boss at lumapit kay Ma’am Aemie na
sinalubong naman sya ng yakap kaya lumayo ako ng kaunti. “Dong!” Mula sa
seryoso ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Aish! Iba na ang in love.

Amp! Pagkakataon ko na ‘tong umalis. Dahan-dahan akong naglakad palayo


para sumibat n asana nung magsalita si Ma’am Aemie kaya huminto ako.
“Vash. Hindi pa tayo tapos mag-usap.”

Humarap ako para sumagot ng ‘Opo’ pero naunang magsalita sa’kin si Boss.
“Wife, we have an appointment remember?”

Tinignan muna ako ni Ma’am Aemie bago nya sinagot si Boss. “Hayy! Kanina
pa kasi ako nag-aantay dito, ang tagal-tagal mo.” Angal nya kay Boss
habang naglalakad silang dalawa palayo sa’kin.

“Pfft. Sorry.”

Kaizer’s PoV

“Baka naman buntis si Miss Aemie kaya masungit?” Nakangising saad ni


Lerwick, sabay subo nung kinakain nya.
Aba nga naman akalain mo nga namang naka home run na pala ang lover boy.
“Pwede pwede.” Nakangising sagot ko.

“Tanong mo dude, nang mapag-handaan na na’tin.” Sabi ni Lerwick sabay


tulak sa akin. Gagong ‘to. Kailangan pa nanunulak? “Porket ako pinaka-
gwapo, kailangan ako ang magtatanong? Wag ganyan ‘tol.” Pero kung totoong
buntis nga si Aemie, aba’y dapat nangunguna sa listahan ang pinakagwapo.

Lumapit si Lerwick at hinimas ang likod ko. “Alam ko baby Lampe libre ang
mangarap, pero ‘wag naman abuso ha.”

Anak ng!

Akmang hahambalusin ko ng lata ng piknik si Lerwick nung dumaan sila Mr.


Roswell at Aemie. “Hindi ba pwedeng bukas na pumunta Zeke?”

“Nah.”

“Saan ang lakad nyo bossing?” Mabilis kong siniko ang usiserong si
Lerwick sa sikmura dahil tumingin sa amin sila Mr. Roswell at Aemie.
“Awts naman. Sweet mo talaga maglambing baby Lampe.” Magtatanong pa kasi.
Hindi na lang matuwa dahil aalis na ‘yung dalawang highblood.

“Tss. Let’s go wife.” Hawak-hawak ang kamay ni Aemie ay naglakad na si


Mr. Roswell palayo.
**

Aemie’s PoV

Kahit labag sa loob ko ay napilitan akong sumama kay Zeke dito sa


hospital para magpa-check up. Naniniwala naman kasi akong wala akong
sakit. So bakit pa ako magpapacheck-up?

“Uhm excuse me po Sir, Ma’am”

Bahagyang hinila ni Zeke ang kamay ko para makalapit doon sa nurse na


nasa front desk kaya sumunod na lang din ako sa kanya.

“We have an appointment with Dra. Santos.” Sabi ni Zeke doon sa babaeng
nurse. Matangkad ‘yung babae, maputi, fit na fit ang uniform nyang pang-
nurse, in-short maganda. Pwede na ngang magpagawa ng billboard ng
hospital tapos sya ‘yung model. Hinawi pa nung babaeng nurse ang buhok
nya sa tenga bago sinagot si Zeke.

“Ano pong name nyo Sir?” Naningkit agad ang mga mata ko sa tanong nya.
“Kailangan pa ba nyang name-name na ‘yan?” Aasar na tanong ko. “O-opo
Ma’am para po ma-check ko kung may appointment nga kayo kay Dra. Santos.”
Sagot naman nung nurse.

“Bakit anong tingin mo sa’min budol-budol gang? Mukha bang niloloko ka


namin”
“Hahaha. Relax wife.” May dinukot si Zeke sa wallet nya na paniguradong
calling card at inilapag sa table. Dadamputin na sana ‘yon nung babaeng
nurse pero mabilis ko ‘yung kinuha.

“Pangalan lang hinihingi Zeke, hindi kasama address, contact number at


company address.” Sira-ulo din ‘tong si Zeke kulang na lang pati suking
tindahan ibigay nya eh. “Ezekiel Roswell name nya.” Bwisit na sabi ko sa
nurse. Tanghaling tapat pinaiinit ulo ko.

“Sige po Ma’am, upo muna po kayo doon at maghintay saglit.”

Padabog kong hinila si Zeke papunta doon sa waiting area na tinuro nung
babae. “Kita mo na Zeke ha? Kita mo na! Paghihintayin pa tayo dito,
nasasayang ang oras na’tin. Imbes na natatapos na lahat ng mga dapat
tapusin sa trabaho eh—“

“Hahaha.” Tumigil ako nung tumawa si Zeke at saka ako inakbayan. “You’re
lovely.” Sabi nya sabay kindat.

**

Sinusundan ko lang ng tingin ang mga palakad-lakad na pasyente, mga


doctor at nurses. Ang boring naman kasi. Sabi nung nurse maghintay daw
saglit. “Eh kung bumalik na lang kaya tayo dito bukas dong?” Suggest ko
pero ngiti lang ang isinagot nya sa’kin.

“Mr. Ezekiel Roswell.” Tawag nung babaeng nurse kaya sinamaan ko agad sya
ng tingin. Kailangan ba si Zeke lang ang tawagin? Anong akala nya sa’kin
props?
Humigpit ang hawak ni Zeke sa kamay ko at saka mabilis na tumayo. Ganyan
ba sya ka-excited pag tinatawag pangalan nya? Hayy! Nakakainis!

Hawak-hawak ni Zeke ang kamay ko at sabay kaming naglalakad papunta sa


may pinto di kalayuan sa kinauupuan namin kanina.

Dra. Amelia Santos

Obstetrician-Gynecologist

Ob-gyne? ‘Di ba pang mga buntis ‘yon? Tinignan ko si Zeke na kakatapos


lang kumatok ng dalawa sa pinto.

Pagkapasok na pagkapasok naming dalawa ay nakita ko ang doktorang


nakangiti na bumati sa’min. Mukhang bata pa ‘yung doktora. Feeling ko nga
wala pa syang asawa eh. “Good day Mr. and Mrs. Roswell”

“Good day.” Bati ni Zeke pabalik. At kaya naman pala excited ‘tong si
Zeke kanina pa kasi maganda ‘yung doktora. Hayy nako. Kung alam ko lang
edi sana ako na lang naghanap ng doctor.

“So.. How are you feeling, Mrs. Roswell?” Ibinaling ko ang tingin ko sa
doktora dahil sa tanong nya. “Uhmm ayos lang naman.” Walang-ganang sagot
ko. Inaantok na ako. Hanggang anong oras pa ba kami dito.

“Mukhang wala sa mood si Mrs. Roswell.” Bulong nya kay Zeke.


“Yeah.” Natatawang sagot naman ni Zeke.

O sige silang dalawa na lang ang mag-usap.

**

Hindi ko na inintindi kung anong pinagsasasabi nung Dra. Santos basta ang
alam ko lang ay kinuhaan ako ng dugo at urine sample para matignan daw
kung positive. Gagawin pa akong drug addict nitong doktorang ‘to.

“Zeke nabo-bored na ako. Kanina pa tayo nag-aantay.” Angal ko. Pinag-


aantay na naman kasi kami. Hayy. Nakakainis pa lang mag-antay. “Huh? Only
3 minutes have passed wife. And it is not a long time to wait.”

Three minutes pa lang ba? Bakit feeling ko nung isang taon pa kami nag-
aantay. Ang tagal-tagal! “Inaantok na din ako. Huhuhu.”

Inihiga ni Zeke ang ulo ko sa balikat nya pagkasabi ko nun. Kaya pumikit
na lang ako. *yawn*

Saglit pa lang akong nakapikit nung mapamulat ako bigla at saka umupo ng
maayos. “Why?” Kunot-noong tanong ni Zeke.

“Feeling ko may nakatingin sa’tin dong.”


“What?” Tanong nya.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ramdam na ramdam ko talaga kaninang may


nakatingin sa amin. Tumingin ako sa isang bahagi ng ospital na wala
gaanong tao. Wala sa sarili akong tumayo at mabilis na naglakad papunta
sa direksyon na ‘yun.

Pagkadating na pagkadating namin ni Zeke sa kanto ng hallway na nilakaran


namin ay may nakita kaming lalaki na mabilis na naglalakad palayo.
Sobrang layo na din nya sa kinaroroonan naming.

“Shit!” Usal si Zeke. Binitawan nya agad ang kamay ko at saka mabilis na
naglakad kasunod ng lalake. Kaya naiwan akong nakatingin lang at
pinapanood sya naglalakad palayo. Tatalikod na sana ako para bumalik sa
kinauupuan namin kanina pero bigla syang tumigil nung nasa gitna na sya
ng hallway at saka humarap sa’kin.

“Bakit bumalik ka Zeke? Hindi mo ba susundan ‘yung lalake?” Takhang


tanong ko nung makalapit sya sa’kin.

“Nah.” Sagot nya saka umakbay sa’kin.

“Pero bakit? Paano kung bumalik ‘yung lalaki dito?” Kinakabahang tanong
ko. Ramdam ko kasing hindi maganda intensyon nung lalake eh.

“Then that’s the time that I’ll kill him.” Kumpyansang sagot ni Zeke.
Bakit hindi pa nya sinundan? Pwede naman nyang—“I can’t leave you alone
wife. Especially in your condition.” Dugtong pa nya. Saka ngumiti ulit.
***

“Hindi ba pwedeng bukas na lang mag-mall dong?” Inaantok na tanong ko.


Kanina pa ako inaantok eh. Kakasakay lang naming dalawa sa kotse tapos
nag-aaya naman agad mag-mall ‘to si Zeke.

“Nah. 9 months isn’t that long.” Simula kasi nung sinabi nung doktora na
buntis daw ako parang ewan na si Zeke. Pinikit ko na ang mata ko dahil
inaantok talaga ako.

“What brand of car do you think he would choose?”

“Wife, I have an idea. I think we should buy sets of gun for him too.”

“But we should decorate his own room first. How about coordinating with a
professional interior designer for his room wife?”

“Ewan ko sa’yo Zeke.” Inaantok na sagot ko. “Hindi ba pwedeng matulog


muna tayo bago ‘yang mga ‘yan?” Dugtong ko.

Bago pa ako tuluyang makatulog ay nadinig ko pang nag-salita si Zeke. “I


should also start looking for a prestigious school.”

***
Seryoso ba talaga ‘tong si Zeke?

Nakatayo kaming dalawa ngayon sa tapat ng isang boutique sa mall na puro


pang baby ang paninda. Ang alam ko kapag buntis 9 months pa ‘diba? Bakit
nandito na kami agad?

“Dong? Hindi kaya magka-alikabok lang ‘yan sa bahay kapag binili agad
natin?” Tanong ko. Hindi pinapansin ni Zeke ang sinasabi ko dahil busy
sya sa pagtingin ng mga crib.

“Maganda po ‘yan Sir. Bagong labas lang po ‘yang crib na ‘yan at nag-
iisang stock na lang po.” Sabi nung saleslady.

“Wala namang nagtatanong.” Bulong ko. Wagas pang makangiti kay Zeke. O
sige sila na mag-ngitian. “Do you like this one wife?” Tanong ni Zeke
sa’kin. Isa pa ‘tong si Zeke. Bakit ba ako tinatanong nya. Eh hindi naman
ako ang hihiga doon.

“Okay lang.” Walang ganang sagot ko.

“How about this one?” Turo ni Zeke sa color blue na crib. Laging blue!
Bakit ba laging blue. Dapat pink. Nagsimula na namang mag-ikot-ikot si
Zeke at magtingin ng kung anu-ano. Kung kanina crib lang tinitignan nya,
ngayon pati stroller, mga damit at iba pang baby stuffs.
“Pang ilang taon po ba Sir?” Tanong nung isang sales lady kasi hawak-
hawak ni Zeke ang maliit na rubber shoes. Pero hindi nakalampas sa mga
mata ko kung paano nya tignan si Zeke.

Bakit ba ang hilig nilang si Zeke ang tinatanong. Hayy. Feeling ko tuloy
lagi nilalandi ng mga babae si Zeke. Hayy!

-After an hour-

Magka-holding hands kaming naglalakad ni Zeke dito sa mall nung magsalita


sya. “Why do we have to wait for a week?” Actually, kanina pa sya paulit-
ulit na tanong ng tanong ng ganyan. Paano ba naman kasi ‘yung mga binili
nya nextweek pa daw ide-deliver sa bahay.

“Kahit naman i-deliver ‘yun ngayon, mag-aantay ka pa din ng 9 months.”


Sagot ko sa kanya. “Tss.” Hehehe gusto kong tumawa kasi nakanguso na
naman si Zeke. Ang pangit pa naman nya kapang gumaganun.

Pero teka—

“Zeke bakit puro color blue ang binili mo? Ayaw mo bang bumili ng pink?”
Tanong ko. Halos bilihin kasi ni Zeke lahat ng makita nyang gamit na
pang-baby basta color blue.

“Nah. I won’t let my son to use pink stuffs.”


“Son?” Tumigil ako ng paglalakad kaya tumigil din sya. Nung makaharap si
Zeke ay tinaasan ko agad sya ng kila. “Kailan ka pa nagkaroon ng son Zeke
ha?” Naiinis ako ha, naiinis ako.

“Soon.”

Nginitian na naman ako ni Zeke kaya lalo akong nainis. Pero biglang
nahinto ‘yun nung sabay kaming mapalingon ni Zeke sa isang direksyon.

Wala namang tao, pero feeling ko may nakatayo kanina doon. Sunod kong
naramdaman ay ang paghawak ni Zeke sa baba ko at saka dahan-dahan
inilapit ang mukha nya sa mukha ko. “You also felt that?” Tanong nya.
“Yung lalaki. Yun ‘yung lalaki kanina sa ospital.” Ngumiti sya pagkatapos
kong sagutin ang tanong nya.

“Ignore him and pretend that you didn’t see him.” Utos ni Zeke habang
nakangiti. Ngumiti din ako kay Zeke bilang tugon.

Sabay ulit kaming naglakad ni Zeke para maghanap ng restaurant na


kakainan. Pero habang naglalakad kami, ramdam kong parami ng parami ang
sumusunod sa’min. Lumingon ako kay Zeke pero hindi nagbabago ang itsura
nya. Kalmadong-kalmado pa din ang mukha nya. Paano nya nagagawang
umacting na kalmado kahit alam nyang madaming nakasunod sa amin?

“Ang dami na nila dong.” Bulong ko kay Zeke.

“How many?” Kalmadong tanong nya.


Pasimple kong inilibot ang tingin ko at binilang kung ilan ang nakasunod
at nakatingin sa aming dalawa ni Zeke. “17” Bulong ko.

“Wow.” Lumingon ako dahil first time ko yatang nadinig na nag-wow si


Zeke. At sa ganitong pagkakataon pa talaga? Tinignan ko pa ang harap nya
dahil baka may nakita lang magandang babae kaya nag-wow, pero wala naman.

“May problema ba dong?” Curious na tanong ko.

“Nah. I am amazed at how you can fully sense them.”

Talaga? “Pero ‘di ba ikaw din naman ramdam mo din naman?” Takhang tanong
ko ulit.

“Yeah, but it took years for me to learn it.” Halos mawala na sa isip
naming ni Zeke na may sumusunod sa amin dahil sa pagchichikahan namin
habang naglalakad nung saktong may makasalubong kaming lalaki. May tulak-
tulak na push cart ang lalaki at madaming laman.

Walang prenong naglalakad ng mabilis ang lalaki palapit sa aming dalawa.

Hindi mali, sa akin lang.

Iiwas sana ako nung magulat na lang ako nung bigla akong yakapin ni Zeke,
para iiwas dun sa lalaki. “Damn you asshole!” Galit na sabi ni Zeke sa
lalaki pero parang wala namang nadinig ‘yung lalaki. “Fuck!”
“Zeke okay lang.” Sabi ko kay Zeke. Kahit ang totoo nyan gusto kong
habulin yung lalaki para barilin. Paano kung nabangga ako nung push-cart?
Hindi ba nya alam na buntis ako? Waaaaaa! Dapat pala mag-ingat ako lagi.

“Are you hurt?” Punung-puno ng pag-aalala ang mata ni Zeke. Kaya


nginitian ko sya para ipakitang okay ako dahil hindi naman talaga ako
nasaktan.

“Hindi, okay lang.” Sagot ko.

Malakas ang kutob ko na may gustong manakit sa’min ni Zeke.

“Do you want to eat here wife?” Tanong ni Zeke nung mapatigil kami sa
isang restaurant na mukhang mamahalin. “Hmm sa bahay na lang kaya tayo
kumain.” Sagot ko. Sa mga oras na ‘to kasi mas gusto kong matulog na
lang.

“Alright.” Nakangiting sagot ni Zeke.

**

Milka’s PoV

“Natalo ka sa pustahan na’tin kaya manlibre ka na lang.”


“Ang takaw mo naman baby. Plano mo bang ubusin laman ng bank account ko?”

“Wag kang OA ha! Cheesecake lang ‘yan.”

“Aish! Aish! Sige sige na.”

Parang pinagsakluban nlangit at lupa si Sebastian Lerwick dahil sa mga


inorder kong cheesecake. Nag take-out na din ako para may makain sila
lahat sa bahay. “Sa susunod nga hindi na ako makikipag-laro sa’yo ng
billiards.” Nakabusangot ang mukha nya habang sinasabi nya yan. Ni hindi
nya din tinikman ‘yung cake na inorder ko.

“Ayaw mo ba? Amina ako na lang ang kakain—Aww!” Hinimas ko agad ‘yung
kamay ko na tinampal ni Seb. Pangit na, sadista pa. Kaya hindi nagkaka-
girlfriend eh. “Sino may sabing ayaw ko?” Nakangising sabi nya.

I rolled my eyes saka sumubo ng cake.

“Seb!” I called his name.

“Yes baby?” Idinuro ko ng bibig ko ‘yung naglalakad di kalayuan sa aming


dalawa. “Baby naman! Dito ka pa rume-request ng halik, sigurado ka ba
dyan sa—Aww shit!” He almost shout in pain dahil tinuktukan ko sya ng
tinidor sa ulo. “Tignan mo ‘yung nasa likod mo.” Gigil na bulong ko sa
kanya.
Nakahawak pa sya sa ulo nya habang hinihimas-himas nung lumingon sya sa
likod nya para tignan ‘yung tinuturo ko. “Anong ginagawa nila dito?”
Tanong nya nung makaharap sya sa’kin.

“Aba malay ko. Close ba kami?” Mataray na sagot ko. It’s ate Caileigh,
kuya Jerson Ken, and Phoenix na magkakasama. Should we eavesdrop or not?

**

Aemie’s PoV

Pagkatapak na pagkatapak pa lamang naming dalawa ni Zeke ng parking lot


sa basement ng mall ay mabilis na nyang binaril ang mga CCTV habang hindi
pa tumatapat sa gawi namin. Sunod ay mabilis kaming naglakad parehas
papunta sa kotse nya na naka-park.

“I will be back.” Isang mabilis na kiss sa labi ang ginawa nya bago nya
isinara ang pinto ng kotse.

Nakakaramdam ako ng antok pero hindi ako makatulog kasi alam kong nag-
aadventure si Zeke at hindi ako kasali. Huhuhu.

No choice eh. Hayy. Sumandal na lang ako sa upuan at prenteng itinaas ang
paa. Aantayin ko na lang si Zeke maka—omygod!
Lumingon agad ako sa kanan ko dahil ramdam kong may papalapit sa kotse.
Tinted ang bintana ng kotse kaya sure akong hindi ako kita dito ng
lalaking palapit. Hindi ko inalis ang tingin ko sa lalakin palapit habang
kinakapa ko ang box na nasa dashboard na may lamang baril.

Nung mabuksan ko ay box ay saktong ilang metro na lang ang lapit ng


lalaki sa kotse. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil nakita ko
na sya na ikinasa ang hawak nyang baril.

Ikinasa ko din ang baril na hawak ko. At nag-hihintay lang na tuluyang


makalapit ang lalaki.

Aantayin ko bas yang makalapit? O bubuksan ko na ang pinto ng kotse?

Naguguluhan ako dahil siguradong pag ako ang nagbukas ng kotse ay


mauunahan nya akong bumaril. Hindi ko naman sya pwedeng barilin ng
nakasara itong pinto ng kotse dahil tatalsik sa’kin lahat ng bubog ng
sasakyan.

Omygod!

Hawak ko na ang pinto ng kotse pero hindi ko magawang buksan dahil tatlo
na silang palapit dito sa kotse.

Bahala na.

Pinihit ko ang pinto ng kotse at..


“Zeke” Naiiyak na banggit ko sa pangalan ni Zeke. He’s standing right
beside the door of the car.

Nakahinga ako ng maluwag nung makita kong nakahiga na sa sahig ang


tatlong lalaki. Halos maiyak pa ako sa sobrang tuwa dahil for the first
time, nakaramdam ako ng kaba. “Shh. I’m here okay?”

**

“Grabe pagod na pagod ako.” Humiga agad ako sa kama at pumikit nung
matapos akong maligo. Buti nga si Zeke ang nagluto ng pagkain kanina
habang natutulog ako sa sofa eh.

Ang daming nangyari buong araw. “Hi baby. Do you want to watch some
movies?” Parang nag-panting ang tenga ko nung madinig kong nagsalita si
Zeke.

At sinong tinatawag nitong baby?

Mabilis akong bumangon at sinamaan ng tingin si Zeke. “Pfft. Why?”

“Anong problema mo dong?” Inis na tanong ko.


“I am absolutely fine wife. What’s with that face?” Natatawang tanong
nya. Nang-iinis ba sya talaga? “Eh sino ‘yung tinatawag mong baby? At
talagang pinapadinig mo pa sa’kin pambababae mo ha!” Konting-konti na
lang bibingo na sa’kin ‘tong Ezekiel Roswell.

“What are you saying? I’m talking to my baby.”

Aba talagang sinubukan ako nito ni Zeke ah.

Tumayo agad ako at para kumuha ng baril nung mabilis na sumunod sa akin
si Zeke at yumakap mula sa likod ko. “Careful wife. You and our baby
might get hurt.”

“Waaaa Zeke!” Nanlaki ang mga mata ko nung bigla akong buhatin ni Zeke at
dahan-dahang inilapag sa kama. “I love you both.”

“Mas mahal kita.”

“Nah. I love you more.”

“Ayan ka na naman Zeke, sabi ng mas mahal kita eh.”

“But I love you more than you love me.”


“Pinaka mahal kita.”

“You’re my one and only.”

“Ako din naman ah! I love you forever.”

“Pfft. I love you beyond forever.”

“Ewan ko sa’yo!”

“Hahahaha.”

=================

Chapter 19

Aemie’s PoV

Palakad-lakad ako sa loob ng supermarket kasama sila Vash, Jacob,


Sebastian at Kaizer. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kasama ko pa
silang apat. Dagdag lang sa sakit ng ulo eh. Hayy!

“Ano bang flavor ang ibinilin ni bossing?”


“Avocado at strawberry ‘tol”

Tinignan ko silang apat na busy sa paghahanap ng avocado at strawberry


flavor na ice cream. Umiling-iling na lang ako. Naiisip ko pa lang ‘yung
lasa pakiramdam ko umiikot na agad tyan ko. Kumuha ako ng isang bote ng
fresh milk na nakita ko at uminom. “Saraaap.”

“Uhhm Ma’am babayaran nyo po ‘yan”

Lumingon ako sa saleslady na sumita sa’kin. “Huh?” Kunot noong tanong ko.

Sumimangot sa’kin ‘yung saleslady at saka mataray na nagsalita. “Yan pong


fresh milk kasi binuksan nyo na agad dito sa loob kaya pinapaalala ko
lang po na—“

“Kung ayaw nyong binubuksan ang mga paninda nyo dito. Lagyan nyo ng
padlock.” Hayy! Ano bang akala nitong babaeng ‘to hindi ko babayaran
‘tong ininom ko?

“Sinasabi ko lang naman pong bayadan nyo yang binuksan nyo.”

Kukuhanin ko na sana ang baril ko sa bag nung biglang humarang sa gitna


naming ng saleslady si Sebastian. “Yo Miss, babayadan namin ‘yan okay.”

Nakaharang sa tapat ko si Sebastian kaya hindi ko makita ang reaction


nung babae. Nung silipin ko naman ay namumula ang mukha nya at mukhang
nahihiya na tumingin kay Sebastian. Naglakad na ako palayo kaysa bwisitin
pa ang sarili ko doon sa babae.

“Yo Aemie, di pa kami nakakahanap ng avocado flavored na ice cream.”

“Sige humanap lang kayo, dito muna ako.” Paalam ko kay Kaizer at saka
ipinagpatuloy ang paglalakad palayo sa kanila.

“Ano pa ba bibilhin ko?” Bulong ko sa sarili. Nailagay ko na kanina sa


push cart ang siopao, siomai, fresh milks, fruits, yogurt. Ano pa ba ang
kulang?

Waaaaaaa! Cheese!

-After 2 hours-

“Nasaan na nga ba kasi naka-park ‘yung kotse?” Kanina pa ako paikot-ikot


dito sa parking lot A pero hindi ko pa din makita kung nasaan sila. Sabi
ko magsi-CR lang ako eh. Baka naman iniwan na nila ako?

Pagka-likong pagka-liko ko sa tapat ng isang kotse ay may humablot sa


akin. Parang isang iglap lang ang mga nangyari. Kanina naglalakad lang
ako, ngayon nakaupo na ako sa loob ng kotse.

May lalaking nakaupo sa magkabilang side ko. May nakaupo din sa driver at
passenger seat. Nung tanawin ko ang labas ng kotse ay nandoon ang iba
pang mga lalaki. “We just want to sit down and talk to you.” Sabi nung
lalaking katabi ko. “Wag kang mag-alala wala kaming gagawin.” Dagdag pa
nya.

Nanatili akong tahimik hanggang sa umandar na ang kotseng sinasakyan


namin. Hindi ko alam kung ilang minuto ang inabot ng byahe pero
pakiramdam ko ay may isang oras din dahil medyo malayo itong pinuntahan
namin. Bumaba kami sa tapat ng isang old mansion.

Madaming mga lalaki na mukhang body guards ang nagkalat kung saan-saan.
Hanggang makapasok kami sa loob. Sumunod ako sa paglalakad nung lalaki
hanggang sa makarating kami sa isang silid. Old style ang itsura ng buong
mansion pero halatang pang mayaman. “Maupo ka.” Wika nya na agad kong
sinunod.

Sa tantya ko, halos ka-edad lang sya ni Zeke. Or baka mas matanda lang
sya ng konti kay Zeke. May pumasok na babaeng naka maid outfit at
naglagay ng juice sa ibabaw ng lamesa. “Anong flavor nyan?” Tanong ko sa
babae. Color red kasi, feeling ko strawberry. Itsura pa lang mukhang
masusuka na ako. “Strawberry po—“

“Ayoko nyan, paki-alis sa harap ko please.” Naiinis na sabi ko. Mabilis


naman ‘yon na sinunod nung babae. “Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa
Aemie.” Sabi nung lalake na nakaupo sa harap ko. “Hiwalayan mo si Ezekiel
Roswell.”

Daig ko pa ang nasa mga romantic movie na biglang nag-i-slow motion ang
paligid pag nakikita ang crush nila dahil pakiramdam ko tumigil ang buong
paligid nung madinig ko ang sinabi nya.

Hiwalayan ko si Zeke? Ikinuyom ko ang kamao ko at saka tumayo. “Sira ulo


ka ba?” Sigaw ko. Halos sabay-sabay na nagkasa ng baril ‘yung mga
lalaking naka body guard na outfit sa paligid namin at itinutok sa akin.
Inis na inis na ako pero ‘yung lalaking kaharap ko nakaupo pa din sa
harap ko at kalmadong-kalmado pa ang itsura.
“Hahayaan kitang mamili, buhay ng batang dinadala mo. O makikipag-hiwalay
ka kay Roswell?”

Bakit? Sa movies lang ‘to nangyayari diba? Sa mga teledrama lang sa hapon
at gabi ko ‘to napapanuod. Anong sunod na mangyayari? Pagkapanganak
ilalayo ang bata sa magulang? Hanggang sa buong storya maghahanapan
nalang sila ng nawawalang magulang.

“Uuwi na ako.” Paalam ko sa kanya.

Terrence Von Knight’s PoV (New Character)

“Uuwi na ako.” Gumuhit sa mga labi ko ang maliit ng ngiti nung talikuran
nya ako.

“Lumayas nga kayo sa harap ko.” Utos nya sa mga tauhan ko na humarang sa
daraanan nya at tinutukan sya ng baril.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. “Sa ayaw at sa gusto mo Aemie,


darating ang panahon na kailangan mong mamili.”

“Abnormal!”
Mabilis syang tinutukan ng baril nung isa kong tauhan sa ulo pero sa
isang iglap lang ay inagaw agad ni Aemie ang baril at saka inihampas sa
lalaki. Sunod ay ang pagtutok nya ng baril at pagkalabit sa gatilyo.

Itinaas ko ang kanang kamay ko upang pigilang makialam ang iba kong
tauhan sa mga pangyayari. Muli, ay humarap sya sa akin. May talsik pa ng
kaunting dugo ang pisngi nya habang sinasabi nya ang mga salitang. “Hindi
ko hihiwalayan si Zeke. Kung wala kang magawa sa buhay mo. Maglaslas ka.”
Gigil na saad nya saka ako tinalikuran. “Sira ulong ‘to. Ako pa bu-
bwisitin.” Bulong pa nya. “Oh ikaw bakit ang sama mo makatingin?” Bulyaw
nya sa lalaking nakaharang sa may pinto.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumalik sa pagkakaupo “Ihatid nyo
na sya pabalik.” Utos ko. “Yes Mr. Knight.”

“At pakilinis na din nung kalat.” Dugtong ko ng nakatitig sa lalaking


nakahandusay sa sahig.

“O ano?” I eyed Andrei Lewis and gave him a smirk nung dumating sya.
“Pfft. Anong ngtiti ba ‘yan Knight?”

“I met her. In fact kakaalis-alis nya lang bago ka dumating.”

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nya pero napakuyom sya ng kamao.
“Si Aemie?” Tanong nya. “Hindi ba sinabi ko ng ako na ang bahala kay
Aemie?”
Ibinaba ko ang kopitang hawak ko “Wala pa akong ginagawa Lewis.” At mas
lalong hindi pa ako nagsisimulang makipag-laro.

“Siguraduhin mo lang Knight.”

“Nagtatalo na naman ba kayong dalawa?” Tanong ni Caileigh at saka umupo


sa ibabaw ng isang desk.

Kasunod nyang pumasok sa silid sila JK Blood at Phoenix Strife. “Yo!”


Ipinagpatuloy ko ang pag-inom ng tsaa habang pinagmamasdan ang mga
dumating.

**

Sebastian’s PoV

“Galing na ako sa Parking lot A pero wala si Ma’am Aemie doon.”

“Tumawag ako sa bahay nila, ang sabi nung katulong hindi pa daw
dumadating si Aemie doon.”

“Nakailang ikot na din kaming dalawa ni Boul sa loob ng mall. Pati loob
ng sinehan pinasok na namin pero wala din si Miss Aemie.”
“Shit!” Sabay-sabay na singhap naming apat.

Napahilamos na lang ako ng mukha sabay sandal sa kotse. “Magsisimula na


ba akong maghukay ng libingan?”

“Kung ako sa inyo mga ‘tol tatawagan ko na si bossing at sasabihin na


nawawala si Miss Aemie.”

“O ano pang hinihintay mo Boul tawagan mo na.”

“Ulul. Bakit hindi ikaw? Ikaw nakaisip e.”

“Iiyak si baby Shin pag ako ang namatay. Dagdag mo pa si Mei.”

“Gago!” Hiyaw sa’kin nila Lampe at Boul. Petengene! Mga utol nga pala
nila ‘yon.

“Yan na lang si Lee o, wala din naman lablayp yan.”

“Pakyu dre.”
“Pare-parehas lang naman kayong torpe eh. Nag-aaway-away pa kayo.” Walang
kabuhay-buhay ang pag-imik nya at tila ba pagod na pagod na dumaan sa
amin kaya tumgil kami sa pagtatalong apat.

Walanjo! Hindi ako torpe ah! “Miss Aemie! Kanina pa namin kayo
hinahanap.” Mabilis kong binuksan ang pinto at pinaupo sya.

Nagkatinginan kami dahil hindi kami pinansin ni Miss Aemie.

**

Aemie’s PoV

Buhay ng batang dinadala ko, o makikipag-hiwalay ako kay Zeke. Sino ba


sya para bigyan ako ng ganitong choices? Wag nga syang marunong pa
sa’kin!

“Miss Aemie may problema ba?”

Pero paano kung totohanin nya ‘yung sinasabi nya kanina? Huhuhu. Mabilis
na uminit ang mata ko hanggang sa blurred na ang paningin ko dahil
punung-puno na ng luha na nagbabadyang tumulo ang mga mata ko.

“Aemie ayos ka lang ba?”


Ayoko din namang hiwalayan si Zeke eh. Pero paano kung—

“Ma’am Aemie. Shit! Bakit kayo umiiyak?”

“Ha?” Napansin kong lahat sila ay nakatitig sa’kin at nagtataka. Kinuha


ko din ang puting panyo na inabot ni Sebastian. “Salamat.” Wika ko at
sakamabilis na pinunasan ang mga luha ko na tuloy-tuloy na umaagos sa
pisngi ko.

“May nangyari ba?”

Tinignan ko ng masama si Kaizer na halos dumikit na ang mukha sa’kin


dahil nakadungaw sya dito sa likod. “Whoa! Sabi ko nga walang nangyari
eh.” Umayos sya ng upo habang nagkakamot ng ulo at saka sumipol na lang.

**

Nasa labas pa lang kami ng bahay ng matigilan kami sa paglalakad dahil


ang dami ng bulaklak. ‘Anong meron?’ tanong ko sa sarili.

“Si loverboy na naman siguro may pakana nito.” Ibinaba ni Kaizer ang mga
bitbit nyang plastic ng groceries at saka pinakialaman ang mga bulaklak.

Kaya pati ‘yung tatlo nakigaya din. “Woo! Iba talaga pag in love.”
“Palibhasa ikaw torpe ka ‘tol!”

“Gago! Sinong nagsabi?”

“Si Ma’am Aemie.”

Ano bang pinag-uusapan ng mga ‘to pati ako dinadamay. “Palibhasa mga
walang love life.” Bulong ko.

“Hindi ako torpe ulul! Sadyang nahihirapan lang akong pumili. Tsk. Sa
dami ba naman ng mga patay na patay sa’kin.”

“Pftt. Pakigising nga si Lampe.”

“Ina mo Lerwick!” Binato ni Kaizer si Sebastian kaya umiwas ako sa


lumilipad na flower pot.

At hindi pa sila nakuntento, dahil talagang nagbatuhan pa sila ng mga


paso at bulaklak. Kinuha ko na lang at binitbit ang ibang mga plastic ng
groceries para hindi makasama sa kaguluhan nila.

*door opens*
Natawa ako ng mahina dahil bigla silang nag-pause lahat. Kung ano ‘yung
itsura nila nung bumukas ang pinto, ganun pa din sila ngayon. “Hihihi.”
Nagtakip ako ng bibig para hindi maka-sira sa moment nila.

“Boss!”

“Yo Boss!”

“Bossing.”

“Mr. Roswell.”

“What the hell is this mess?” At ang mas lalo pang nakakatawa dahil
mukhang kakagising lang ulit ni Zeke pero mainit agad ang ulo. Maluwag
ang suot nyang necktie na gray, unbuttoned na ang half ng suot nyang
white na long sleeves na naka tuck-out na din. Pero may hawak syang
baril.

“Hahahaha.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa nung tumungo


sila Jacob na parang mga bata.

Lumipat ang tingin ni Zeke sa’kin kaya tumigil ako sa pagtawa. “Hi
beautiful.” Naka-ngiting bati nya. Kumunot ang noo nya nung makita nyang
buhat-buhat ko ang mga plastic ng groceries.

“Damn baby Lampe! Pinabuhat mo kay Miss Aemie ang mga plastic?”
“Gago! Si Lee ang nagbigay nyan.”

“Ulul si Boul ang nakita kong nag-abot kay Ma’am Aemie nyan.”

“Mga gago!”

Kinuha ni Zeke ang mga plastic na hawak ko. “Okay lang Zeke. Hindi naman
mabigat.” Hinalikan nya ako sa labi na nakapagpabalik sa iniisip ko
kanina. Inakbayan ako ni Zeke at saka kami sabay na pumasok sa loob.

Binitbit nila Vash ‘yung ibang plastic ng groceries at saka sumunod sa


amin sa pagpasok sa loob. “Arf arf!” Lumundag agad kay Kaizer si baby
Eisz pagkapasok nya ng bahay. “Yo Zup pup?” Si baby Amiel naman as usual
nasa itaas lang ng mga cabinet at hindi nakikisalamuha sa iba.

Pagkalapag ng mga plastic sa ibabaw ng dining table ay nauna pa si Zeke


sa akin na maghalungkat ng mga pinamili. “Got you!” Tuwang-tuwa na sabi
nya sa gallon ng ice cream.

Tahimik kong kinuha ang gatas na binili ko at saka nagsalin sa baso.


Waaaa ang sarap! “Zeke gusto mo?” Alok ko sa baso na hawak ko. Waaaa! Ano
ba ‘to! Hindi ko makausap si Zeke kasi busy sya sa paglalagay ng ice
cream sa bowl.

***
Umalis din agad sila Sebastian nung mailagay na nila lahat ng plastic
dito sa kusina. Si Zeke ayun. Halos paubos na nya agad ‘yung isang gallon
ng ice cream. Ako naman kakatapos ko lang maghiwa ng apple, carrots,
cucumber, tomato at cheese. Masarap kasi ‘yan isawsaw sa gatas. Feeling
ko lang naman.

“Kanina ka pa ba naka-uwi?” Tanong ko sa kanya pagkaupo sa tabi nya.


Tumigil sya saglit sa pagkain ng ice cream. “About 2hours.” Tipid na
sagot nya saka nagpatuloy sa pagkain. Kaya naman pala nakatulog na sya
dito eh. Ahh, kanina pa pala sya.

Tumingin ako sa relo na suot ko. Mag 5PM pa lang. Maaga pa naman pala eh.
Siguro mamaya na lang ako tatakas pag tulog si Zeke.

-After 1 week-

Ughh. Kahit sobrang sama ng pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon ng


madaling araw. Ilang araw ng ganito. Tuwing umaga ang sama-sama ng
pakiramdam ko pero hindi pa din ako nasasanay.

And this is my usual day, simula nung magkausap kami nung lalaki. Simula
non ay walang tigil na ako sa pag-iimbestiga ng lahat ng tungkol sa kanya
at sa mga plano nya.

Sinadya ko talagang gumising ng madaling araw para makatakas kay Zeke


dahil may transaction akong kailangang puntaha—“Nasaan si Zeke?” Takhang
tanong ko. Dahil nung bumangon ako ay wala na sya sa tabi ko. Nakaalis na
agad sya? Eh 3:30 pa lang ng madaling araw ah.

-Flashback-
(Around 3 in the afternoon)

Hindi naging mahirap sa’kin ang mag-disguise. Nagsuot lang ako ng


simpleng white blouse at slacks. Naglagay din ako ng wig para maikli ang
buhok ko. Actually wig ‘to ng manikin na Barbie na maikli ang buhok eh.
Hiniram ko muna hehehe.

Mas mabuting si Caileigh muna ang sundan namin dahil sa kanilang lahat
mukhang kay Caileigh ako makakakuha ng impormasyon na gusto kong malaman.

“Dito na lang muna Meisha.” Utos ko. Si Meisha ang nagmamaneho ng kotse
na sinasakyan namin habang si Cassandra at Fauzia ay nakaupo sa likod.

Nakatanaw ako sa bintana ilang metro ang layo sa coffee shop na pinasukan
ni Caileigh. At dahil gawa sa bubog ang wall ng shop ay tanaw mula rito
ang ginagawa nya.

Sino kayang inaantay nya?

Inilagay ko sa pouch ang baril na dala ko na may silencer. At saka


isinuot ang shades na dala-dala ko. Mas mabuti na may dala ako laging
baril in case of emergency.

Nung makapasok ako sa coffee shop ay agad akong pumwesto sa bandang likod
ni Caileigh. Kaya magka-talikuran kami. Gustuhin ko mang humarap para
makita ginagawa nya ay hindi naman pwede dahil baka mapansin agad ako.
Hayy. Ang hirap pala ng ganito.
Ilang minuto pa ang nakalipas, dumating na ‘yung order kong cake pero
wala pa ding dumadating na katagpo si Caileigh.

May imi-meet ba sya dito sa coffee shop?

O baka naman tamang hinala lang ako.

Hayy. Pero hindi pwede. Kailangan kong alamin lahat ng dapat kong
malaman. Hindi ako papayag na maghiwalay kami ni Zeke.

Matamlay akong kumakain ng cheesecake at malapit ng mawalan ng pag-asa


nung may matanaw akong naglalakad sa malayo.

Kuya Ken?

Pinasingkit ko ang mga mata ko para mas maaninag ko ang naglalakad sa


labas. At hindi nga ako nagkamali. Si Kuya Jerson Ken Blood nga.

“Hey, sorry kung matagal. Nainip ka ba?” Kahit nakatalikod ako sa kanila
ay dinig na dinig ko naman ang pinag-uusapan nila. Hehehe ayos ‘to!

“No, hindi naman.” Hindi daw, eh nauna pa nga sya sa’kin dito eh. Ito
talaga si Caileigh minsan may something eh.
“Ano na ang balita?”

“Uhh so far hindi pa naman bumabalik si Aemie-girl kila Kuya Andrei.


Errr—I mean ni Andrei, so I don’t know. Hindi ko pa din sya nakikita.”

Kuya? Bakit nya tinawag na kuya si Andrei? Omygod! Sya ba ang kapatid ni
Andrei? Kaya din ba nandoon si Caileigh last time?

“Hindi mo kina-kamusta?”

“No.”

“Why? Alam mo namang buntis sya diba” Alam nila na buntis ako? Paano
naman nila nalaman? Eh hindi nga namin sinasabi ni Zeke ‘yun. Hindi ko
nga din natatandaang sinabi ko ‘yun kanila Kaizer, or kahit kila Meisha.
Kaya papaanong alam nila?

“Not that I don’t care, but I just don’t want to.” Bakit? Gusto kong
sumingit sa usapan nila para magtanong pero hindi naman ako pwedeng
makisali. Edi sinayang ko lang effort ko pagdi-disguise. Hayy.

“How about Amesyl?”


“Same.” Kamusta na nga kaya si insan? Hindi ko pa din sya nakakausap.
Huhuhu. “I haven’t talked to her, but nakausap ko si Grethel. She’s
taking care of Louie. As far as I’m concern.”

“Okay.”

Okay? Anong okay pinagsasabi nito ni kuya Ken. Hindi okay ang dapat na
sagot dun. Hayy! Sinong Grethel ‘yung tinutukoy ni Caileigh? Si Grethel
Canary Lux ba?

Information overload.

Una si Andrei, kakilala ni Caileigh at Kuya Ken. Sunod si insan, Louie at


Grethel. At ang pangatlo, alam nilang buntis ako?

Eh bukod sa’kin at kay Zeke.. ‘yung doktora lang ang may alam na buntis
ako ah. Don’t tell me, nai-tsismis agad nung doktorang ‘yun kung kani-
kanino ang tungkol sa’kin? Hayy—

Omygod!

Hindi kaya kilala nila Caileigh ‘yung lalaking nakausap ko?

“Tama!” Naibagsak ko ng malakas ang tinidor na hawak ko dahil sa sobrang


excitement. Napukaw tuloy ng ginawa ko ang atensyon ng iba kaya
nagpanggap agad ako na may kausap sa phone. “Yah that’s right. Omygod
you’re so great. Tama yan!” Palusot ko habang naglalakad paalis ng coffee
shop at kunwaring may kausap sa phone.
-End of Flashback-

Pero on the second thought ngumiti ako dahil mas madali akong
makakatakas. Hehehehe. Pagkatapos kong mag-shower ng mabilis at magbihis
ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Nakapikit pa ako nung
isinasara ang pinto para huwag makagawa ng kahit na anong ingay. Baka
kasi nasa baba lang pala si Zeke siguradong patay ako pag nahuli ako.

Nakahawak ang hintuturo ko sa may baba dahil hindi ko mapigilang hindi


mag-isip.

Kung gising na si Zeke, bakit patay pa ang ilaw dito sa hallway.

Ang creepy tuloy.

Palingon-lingon ako sa paligid ng buong bahay. Pero talagang wala si


Zeke. Nung makadating ako sa living room ay lumapit agad ako sa drawer.
May mga baril na nakalagay dito kaya—

I’m a Barbie girl, in a Barbie world~

Number lang? Sino kaya ‘to. “Hello?”


[Good Morning Aemie.] Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nung madinig
ko ang boses nya. Kahit lampas isang linggo na ang nakalipas ay hindi ko
pwedeng makalimutan ang bwisit na boses nitong Abnormal na lalaki na
kumausap sa’kin.

“Ano bang kailangan mo?” Iritang tanong ko.

Hindi pa sumisikat ang araw, sira na ang araw ko dahil nadinig ko ang
boses nya.

[Kapag hindi ka namili, parehong mawawala sa’yo ang anak mo. At si


Ezekiel Roswell.]

Ano? “A-anong sinasabi mo?” Naiinis ako pero ‘yung kabog ng dibdib ko ay
pabilis ng pabilis. [Kung si Ezekiel Roswell nga nagagawa kong paikutin
sa mga kamay ko. Ikaw pa kaya?] Sabi nya at saka sya tumawa. Abnormal
talaga.

“Nakakainis!!” Hiyaw ko at saka ibinato ang cellphone ko sa pader.


“Waaaaaa!” Dinampot ko ang vase na pinakamalapit sa’kin at saka hinagis
sa sahig. Hindi ko alam kung paanong sigaw ang gagawin ko para mawala ang
inis ko.

“Shit wife. Are you alright?” Halos hindi magkaintindihan sa paglapit si


Zeke sakin “Dammit!” Nanlaki ang mga mata ko nung makita kong nayapakan
nya ang basag na vase. “Waaa dong.”

“Shit!” Daig nya.


“Huwaaa sorry.” Tinakbo ko agad ang switch ng ilaw at kumuha ng medicine
kit. “Wife do not run.” Paalala ni Zeke. “Oo na, oo na.” Sagot ko habang
pabalik malapit sa kanya.

“Bakit ka ba kasi naka-paa. At bakit ka nasa kusina.” Tanong ko habang


binubuksan ang medicine kit. Sya naman ay busy sa pag-aalis ng mga bubog
na tumusok sa paa nya.

Tinititigan ko ‘yung ginagawa ni Zeke at hindi ko maiwasan na hindi ma-


amaze. Parang hindi naman ito ang unang beses na mabubog sya. Simpleng-
simple lang sa kanya ginagawa nya.

Nung matapos si Zeke sa pag-aalis ng mga bubog ay sinimulan ko ng linisin


ang sugat nya. “Why did you scream?” Kalmadong tanong nya out of
nowhere. Ipinagpatuloy ko lang ang paglilinis ng sugat. Hindi ko naman
pwedeng sagutin ang tanong nya kaya mas mabuti ng—“I am asking you wife.
Why the heck did you scream?” This time mas malakas na ang boses nya at
galit na.

“Uhh kasi—“

“And look at your phone.” Tumigil ako saglit sa ginagawa ko at tinignan


ko ‘yung cellphone ko na wasak-wasak na nasa sahig. “Wife, you’re
stressing yourself too much.” Yung tono ng boses ni Zeke, naging kalmado
na ulit. Hindi katulad kanina na galit.

“Dong, hindi mo naman kasi ako naiintindihan eh.” Sagot ko. Hindi nya
naman kasi alam ang nangyayari kaya hindi nya ako naiintindihan.

“What do I need to understand wife?”


‘Hindi mo kasi naiintindihan ‘yung sitwasyon ko.’ Yan ‘yung linya na
gusto kong isagot kay Zeke. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko
magawang sagutin. Nilagyan ko ng benda ang paa ni Zeke nung matapos kong
gamutin ang mga sugat.

“What bothers you wife?” He’s gently wiping my tears away using his right
thumb. At hindi ko din naman alam na umiiyak pala ako. Siguro ito ‘yung
nabasa ko sa google na emotional ang mga buntis.

“Wala naman hubby hehe.” Pinilit kong ngumiti sa harap nya kahit naman
walang dapat ikangiti. Dahil bukod sa ngayon ko lang naalala na aalis nga
pala ako, ay hindi ko pa alam kung paano ko tatakasan ‘tong si Zeke.

“Zeke ano ba bakit tumayo ka agad.” Tanong ko habang ibinabalik sa


medicine kit yung mga gamit. Paano ba naman. Kakatapos ko lang linisan
sya ng sugat tapos naglakad agad. “I’m fine wife. Don’t mind me.” Sagot
nya. Sinimulan nyang ligpitin ‘yung mga bubog sa sahig kaya sinaway ko
ulit sya. “Zeke! Ako na dyan! Inaayos ko lang ‘to.”

“Do you think I will let you pick up these pieces of broken vase?” Habang
pinagmamasdan ko si Zeke na namumulot ng basag na vase ay napansin ko
nakabihis pala sya. Hindi ko naman kasi agad napuna kanina dahil
natataranta ako nung mayapakan nya ang basag na vase eh. “Kakauwi mo lang
ba?” Seryosong tanong ko.

Pero imposible naman kasi katabi ko naman sya buong gabi. Hindi ako
pwedeng magkamali kasi ang tagal ko pa bago makatulog dahil naiinis ako
sa besheet ng kama. Pakiramdam ko ang kati-kati.

“No.”
“Eh bakit nakabihis ka?” Tanong ko sa kanya.

“Should I take off my clothes then?”

Abnormal din ‘to eh. Nagtatanong lang naman ako kung bakit nakabihis,
tapos tatanggalin naman. “Seryoso kasi ako Zeke.” Inis na sabi ko. “Wag
ka nang ngumiti.” Dugtong ko pa nung makita ko syang ngumiti sa’kin.
Nakakaloko kasi mga ngiti nya.

“Hahaha. There you go again wife. I’m just kidding. I have some business
to deal with. So that explains why.” Paliwanag nya. At parang nagnigning
naman ang mga mata ko nung madinig ‘yun. “Ngayon na ba?” Excited na
tanong ko. Sinulyapan nya saglit ang wristwatch nya kaya tumingin din ako
sa nakasabit na orasan. Mag-aalas singko pa lang.

“Yeah. I guess. But don’t worry, I will be back imme-“

“Ano ba dong! Kahit magtagal ka pa okay lang!” Sabi ko.

“What?”

“Uhh kasi plano kong matulog buong araw, eh baka kasi mag-ingay ka lang
ng mag-ingay kapag nandito ko.”

“Tss. But still, I will be back before 7 in the morning.” Sagot nya.
***

Okay. Isang oras at kinse minuto na lang ang meron ako. Kailangan
maunahan kong umuwi si Zeke para hindi sya makahalata.

“Dito na ba ‘yun?” tanong ko kay guardian angel nung tumigil ang


motorsiklo na sinasakyan naming dalawa sa parking lot ng isang hotel.
Kotse sana ang gagamitin namin, kaso panigurado namang magkukulang sa
oras. 5:30 pa naman magaganap ang transaction na pupuntahan naming.
“Yes.” Tipid na sagot nya.

Hawak-hawak ko ang dalawang handgun sa magkabilang kamay habang papunta


sa elevator. “Okay na ba lahat?” Tanong ko. “Yes Miss Aemie. Tumulong si
uhh—Lee sa pag-aayos ng mga CCTV at connections ng hotel.” Ayoko sanang
ipaalam kanila Jacob ang tungkol dito dahil baka mai-tsismis na naman ni
Sebastian kay Zeke kaso no choice na din naman dahil tumulong na pala si
Jacob.

Sila Meisha at Cassandra ay nandoon na din panigurado sa 29th floor dahil


4:45AM ang usapan naming magkikita-kita. “Okay.” Sagot ko.

Ikinasa ko parehas ang hawak kong handgun. Magkahalong excitement at kaba


ang nararamdaman ko ngayon dahil for the first time, hindi ko kasama sa
adventure si Zeke.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ng elevator s 29th floor ay sabay naming


itinutok ni guardian angel ang baril namin sa pag-aakalang may
makakasalubong kami. Buti naman at wala.
Dalawang hallway ang nilakad namin hanggang ang sunod na hallway ay
madami ng mga lalaki na mukhang body guards. Inilipat ko ang isang baril
sa isa ko pang kamay saka ko iniayos ko pa ang wig na suot ko dahil baka
malaglag. Bale ang dalawang baril na dala ko ay hawak ko sa iisang kamay
na nakatago naman sa likod ko. Syempre baka barilin kami nitong mga
lalaking ‘to pag nakitang may dala kaming baril.

Tinitignan ko isa-isa ang mga lalaki habang palapit kami ng palapit.


Kilala ko ‘tong mga lalaking ‘to. Ito rin ‘yung mga body guards na
nandoon sa bahay nung lalaking abnormal eh. May lahi din palang 711 ‘tong
mga lalaking ‘to ha. 24hours open.

Para kaming kakainin ng buhay nung mga lalaki kung makatingin sila sa
aming dalawa ni guardian angel. “Parang pamilyar ka sa’kin Miss.” Wika
nung isang lalaki na halos katapat ko na. “Talaga?” Tanong ko. Ang galing
naman nya. Naka-wig na nga ako nakilala pa nya ako? Sabagay. Ako nga
nakilala ko din sila eh.

Akmang bubunot ng baril ‘yung lalaki nung mabilis kong kinuha sa kabilang
kamay ang isang baril kaya hawak ko na ulit sila magkabila. At saka ko
itinutok sa lalaki at mabilis na kinalabit ang gatilyo. Ganoon din ang
ginawa naming dalawa ni guardian angel sa iba pang lalaking kasama nila.

Nung matapos kami sa pagbaril saka lang namin napansin na nandito na din
sila Meisha at Cassandra.

Akala ko ba tumulong si Jacob? Bakit parang wala naman dito.

“Miss Aemie, papasukin na ba natin ang loob?” Tanong ni guardian angel.


Hawak-hawak nya ang isang card, na kinuha nya sa isa sa mga body guards
na nakahandusay sa sahig. Malamang para sa pinto ng hotel room ‘yun.
“Sige.”

Isinwipe ni guardian ang hawak nyang card.

Halos sabay-sabay kaming pumasok at itinutok ang baril sa mga nasa loob.

“Shit!”

“Whoa!”

“Damn!”

“Dammit!”

“The fuck?”

“Darn!”

“What the hell?!”


“Waaaa!” Hiyaw ko. Dahil umuulan ng mura sa paligid ko. Paanong hindi
sila mapapamura eh ang nadatnan naming nandito sa loob ng hotel room ay
sila Sebastian, Jacob, Kaizer, Vash, Tristan, Spade, at si Zeke. At
muntik pa naming barilin ang isa’t-isa dahil sabay-sabay kaming nagtutok
kanina ng baril.

Mabilis na lumapit sa’kin si Zeke at saka ako niyakap. “Dammit!”

“Woo syet! Umiiyak si Mr. Roswell oh!” Mabilis na pinaputukan ng baril ni


Zeke si Kaizer. Kaya nagtawanan sila. Ako naman hindi ko alam kung
matatawa ako dahil talaga namang naiyak si Zeke.

At kaninang-kanina ko pa gustong itanong kung bakit sila nandito?

**

“Ano ba kasing ginagawa nyo doon Zeke?” Tanong ko habang pasakay kaming
dalawa ng kotse nya. Umalis din kasi agad kami doon sa hotel room dahil
baka may ibang makakita sa’min.

“Katulad din ng plano mo Aemie.” Si Kaizer naman ang sumagot ng tanong


ko, na naka-park ang kotse sa tabi ng kotse ni Zeke.

“Zeke.” Tawag ko kay Zeke. Kasi hindi nya ako kinakausap kanina pa.
“Wife. You are pregnant and yet you’re doing this. What do you want me to
say?” Napalunok ako at natigilan dahil sa sinabi ni Zeke.

“Buntis ka Miss Aemie?”

“Wuhoo! Nice one lover boy!”

“Whoa! Party party!”

“Oh my, congrats!”

“Painom ka naman bossing!”

“Ninong kami nyan!”

“Ninang kami.”

Hindi nya pinansin ang mga sinasabi nila Sebastian at tahimik na sumakay
ng kotse, kaya ganun din ang ginawa ko.

Magte-30 minutes na kaming nasa byahe nung lumingon ako sa kanya. “Zeke
galit ka ba?” Tanong ko. Kanina pa kasi sya walang kibo.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa bintana dahil hindi din naman
sinagot ni Zeke ang tanong ko. Hindi nya din naman kasi ako
naiintindihan. Hindi ko naman pwedeng hindi gawin ‘to.

Kasi silang dalawa ng baby sa tyan ko ang pinag-uusapan. Hindi ba nage-


gets ni Zeke ‘yun?

Tinignan ko ulit si Zeke. Seryoso syang nakatingin sa daan at hindi man


lang tumitingin sa’kin. Dapat ba sabihin ko na sakanya ang tungkol sa
sinabi nung lalaki sa’kin?

Dapat sabihin ko sa kanya na pinapipili ako nung lalaking nakausap ko?

Natatakot kasi akong sabihin kay Zeke. Paano kung pumayag syang
maghiwalay kami para sa kapakanan ng bata? Paano kung—

“I don’t want to lose you.” Mabilis akong lumingon ulit kay Zeke nung
magsalita sya. “That’s why I was there. And I guess that was frame-up.”
Nagmo-moment pa ako dito eh, tapos bigla syang nagsasalita. “May lahi ka
bang manghuhula Zeke?” Tanong ko. Tinatanong ko pa lang kasi sa isip ko
tapos sinagot na nya.

Pero frame-up? Nino? Nung lalaking abnormal? Abnormal talaga ‘yun.


Pinapainit nya talaga ang ulo ko. Hayyy!!!

“Wife, you don’t have to tell me everything. Because just by looking at


you, I know you’re hiding something. And if you can’t say it, then keep
it. But do not let do dangerous things alone.” Ano bang alone? Eh kasama
ko naman sila guardian angel, Meisha at Cassandra—“You can always count
on me.”

Tumungo ako dahil sa mga sinabi nya. “Alam ko naman ‘yun eh.” Sagot ko.
“Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin.” Dugtong ko.

Ipinark ni Zeke ang kotse sa isang tabi at saka nagsalita. “About—


choosing between me and our baby?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa
sinabi ni Zeke.

“P-paano mo—“

“I have my ways wife.” Sabi nya sabay kindat sa’kin. Anong I have my
ways, I have my ways. Feeling BDO? “Paano nga?” Gigil na tanong ko.

“It was just a guess. So that’s it?” Tanong nya.

That’s it? Dina-that’s it, that’s it nya lang ‘yun. “Baby natin ‘yun
Zeke, at saka ikaw.” Inis na sabi ko sa kanya. “Hahaha I know.”

“Huwag mo akong tawanan!” This time naiinis na talaga ako. “Alright,


alright. I’m sorry. I just can’t keep myself from smiling when you’re
mad.”

“So ano na bang next na plano mo?” Tanong ko sa kanya.


“My next plan? Hmm. I want to buy books.”

“Books? Aanhin mo naman ang libro?”

“For baby names?”

“Ewan ko sa’yo!” Sumandal na lang ako ulit sa upuan nung madinig ko


sinabi nya. Ang akala ko plano kung paano namin huhulihin ‘yung lalaking
abnormal. ‘Yun pala baby names? Pwede namang mag-search sa google.

“Hahaha.”

“Bakit ba maghahanap ka pa ng libro, eh ayan naman si Barbie.” Turo ko sa


Barbie keychain na nakasabit sa carkeys nya.

“Hell no!”

“Hahaha.” Ako naman ang natawa dahil sa itsura ng reaction ni Zeke.


Niloloko ko lang naman eh. Mas type ko kaya ang name na Hello Kitty.

**
A/N

HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY SA AKING TATLONG LOVESSSS!! FERRERO, FAUZIA’S


OP, AND KAIZER’S OP. I LOVE YOU THREEEEEE :*

Sa mga nagtatanong ang pronunciation ng Zeke ay “Zik” pero it’s up to you


naman kung ano gusto nyong gamitin. =)

Hello sa mga readers na nagpuyat aba matinde! Nag-antay talaga.


Nakakaloka! Love you guys :*

=================

Chapter 20

Aemie’s PoV

“Zeke ano ba ‘yang binabasa mo?” Kanina pa sya doon basa ng basa at hindi
makausap. Ipinakita nya sakin ang cover ng book na binabasa nya. Baby
names for boys and girls. Hayy! Talaga pa lang tinotoo nya ang pagbili ng
libro? Akala ko nagjo-jokijoki lang sya eh.

“Ako Zeke may naisip na akong name.” Lumapit ako at umupo sa tabi nya.
Isinandal naman nya ako sa kanya at saka sya nagbasa ng nakasandal ako sa
dibdib nya kaya nababasa ko din ang binabasa nya. “So what name do you
want?” Bulong nya sa tenga ko.

Umalis ako sa pagkakasandal kay Zeke at saka nag indian sit para
nakaharap ako sa kanya. “Uhmm. Hello Kitty” Nakangiting sabi ko. Cute
naman diba? Hello Kitty F. Roswell. Hehehehe.
“No.”

“Kerokerokeroppie?”

“Tss. That’s for frogs.”

“Snoopy”

“Nah.”

“Tazmania”

“Seriously?”

“Bakit? Maganda naman ah. Tazmania Roswell. Tapos ang nickna—“

“Next.”

“Bugs bunny.”
“Definitely not.”

“Minnie Mouse”

“Name for frogs, dogs, rabbit and now for a mouse? What’s next?”

“Uhmm Daisy duck na lang kaya?”

“The hell? No!”

“Hindi naman para sa palaka, aso, rabbit at daga ‘yun ah.”

“My son is not a duck.”

Ang arte naman nito ni Zeke. “Cookie Monster”

“...”

“Elmo”
“...”

“Big bird”

“Can’t you think of something unique?”

“Unique naman ang Big Bird ah, bakit may naging classmate ka na bang Big
bird? Or may na-meet ka na bang big bird ang name?” Pauso din ‘to si
Zeke, puro unique names nga sinasabi ko eh. Palibhasa wala syang taste sa
names eh.

“It’s really nice to think that you want to help me with this. But—“
Tumingin si Zeke sa’kin at saka ngumiti. “It’ll be great if I choose the
name of our son.”

“Son?” Lagi kong napapansin na ang bukang bibig ni Zeke ay son. “Paano ka
naman nakakasiguro na lalaki ang magiging anak natin?”

“I just know.”

Nagpatuloy si Zeke sa pagbabasa ng libro kaya kinuha ko ang cellphone nya


at saka nagsuot ng earphones at nagpatugtog. Nilagyan ko ‘to kanina ng
Barbie Girl na kanta para pwede ko i-play anytime eh.
-After 20 Barbie Girl songs-

“I’m a Barbie girl, in a Barbie world. Life in plastic, it’s fantastic.


You can brush my hair, undress me everywhere. Imagination, life is your
creation.” Naka-dalawampung beses na yatang paulit-ulit sa playlist ‘tong
Barbie girl na kanta. At kanina ko pa din sinasabayan sa pagkanta.

“Bakit?” I mouthed. Nakatingin kasi sa’kin si Zeke. Hindi ko din naman


alam kung may gusto syang sabihin o ano. O baka kinakausap pala nya ako
hindi ko lang nadidinig dahil naka-earphones ako. Baka naman napag-isip
isip nya mas magaganda ang mga suggestions kong name kaysa sa binabasa
nya.

Pero imbis na sumagot sya ay inalis nya ang tingin nya sa’kin kaya inalis
ko ang earphones na suot ko, pero ‘yung sa kaliwang part lang. Kaya
nadidinig ko pa din ang Barbie song sa kabilang part ng tenga ko. “Bakit
mo ako tinitignan kanina dong?” Tanong ko.

Ibinaba nya sa lamesa ang librong hawak nya. “I am just wondering if...”
Lumipat ang tingin nya sa may bintana kaya hindi ko maiwasan na tumingin
din sa bintana.

Gabi na at madilim sa labas, kaya reflection naming dalawa ang natatanaw


ko sa malaking glass window.

“If?” Tanong ko.

Tumayo si Zeke at saka isinara ang kurtina. “If you want to play hide and
seek?”
Huwaaaaaa. “Seryoso ka dyan sa tinatanong mo Zeke?” Tuwang-tuwa na tanong
ko.

“Yeah.” Sagot nya habang papalapit sa’kin.

Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa at excitement. Ang tagal


na din kasi nung huli akong mag-laro ng tagu-taguan at never ko naimagine
na makakalaro ko pa si Zeke hehehe.

“Game na!!” Excited na sabi ko.

“Alright. Start hiding.”

“Sige!” Tumalikod agad ako pero hindi pa ako nakaka-isang hakbang ay


humarap ulit ako kay Zeke. “Bakit hindi ka nagtatakip ng mata?” Taas-
kilay na tanong ko. Huwag nga nya akong niloloko. “DInuduga mo ba ako?
Siguro maninilip ka ‘no?” Dapat kasi nakatungo sya sa pader at
nagbibilang diba?

“Pfft. No. I will give you enough time to hide.”

“Sige magbilang ka na magtatago na ako ah. Lakasan mo bilang para alam


kong hindi mo ako dinuduga ah.”

“How about a twist, to make the game more exciting?”


“Anong twist naman ‘yan?” Curious na tanong ko.

“I will give you 5 minutes to hide. But whenever you hear me coming, you
can always change the location where you can safely be hidden.” Tumigil
si Zeke saglit saka nagpatuloy. “Lights will be off too.”

Hihihi parang lugi pa sya doon sa sinabi nyang walang ilaw. Medyo shunga
talaga ‘to. Hirap kaya maghanap ng madilim. Hehehe.

Waaaa! Ibig sabihin pwede akong magpalipat-lipat pagka nadidinig kong


parating na si Zeke? Hehehehe. “Sige game ako dyan!” Tuwang-tuwa na sabi
ko. “Alright, let the game begin.”

Tumalikod agad ako pagkasabi ni Zeke at saka nag-umpisang maglakad


paakyat ng hagdan. Sa taas ako magtatago para madali ako makapag-ikot-
ikot.

“Uhh wife.”

Lumingon ako nung nagsalita na naman si Zeke. “Ano na naman?” Naiinis na


tanong ko. Inaaksaya nya kasi ‘yung five minutes. “Walk carefully.”
Ngumiti ako at saka nag okay sign. Tapos ay nagsimula na akong maghanap
ng tataguan.

Didiretso sana ako sa kwarto namin kaso sure naman akong doon nya ako
unang hahanapin. Ay alam ko na! Hehehe sa kwarto na lang dati nung
magkahiwalay pa kami ni Zeke. Hihihi. Tama-tama. Sakto, may daan pa naman
doon papunta sa kabilang kwarto kaya pwede ako lumipat kapag nadinig ko
si Zeke na padating.

Naglakad agad ako papunta sa dati kong kwarto. Kahit gusto kong i-on ang
ilaw at aircon ay hindi ko magawa kasi baka mahanap agad ako ni Zeke.

Ang kailangan ko na lang gawin ay mag-intay ng five minutes. Hehehe


feeling ko nakaka-two minutes pa lang simula nung umakyat ako kaya may 3
minutes pa. Umupo muna ako sa kama para maghintay saglit. Maya-maya pa ay
nakadinig ako ng mga kalabog sa baba.

Tumayo ako at saka lumapit sa pinto at idinikit ang tenga ko para mas
madinig ko kung parating na si Zeke.

“Ano kayang ginagawa ni Zeke doon sa baba?” Bulong ko. Bakit kasi parang
ang ingay-ingay.

Waaa! Nagpanic ako nung makadinig ako ng tumatakbo. Pero mukhang lumampas
sya dito sa may—“Aww” Daing ko nung mapaatras ako sa cabinet na nasa tabi
ng pinto. Tumumba ‘yung isang picture frame kaya for sure nadinig ‘yun ni
Zeke.

Mabilis kong itinapat ang tenga ko sa pinto at waaaaaa! May nadidinig nga
akong naglalakad palapit dito. Huhuhu. Lumingon ako sa kaliwa at kanan
para humanap ng tataguan kaya nakita ko ‘yung daan papunta sa kabilang
kwarto. Magkadugtong kasi itong kwarto ko at ‘yung kabilang kwarto kaya
may daan papunta doon.

Nandito na ako ngayon sa kwarto na katabi ng kwarto ko. Sumilip ako ng


konti sa pinto na pinasukan ko hanggang matanaw ko ang pigura ng isang
tao na dahan-dahan pumasok sa kwarto ko. Omygod! Nandyan na si Zeke!
Sinigurado kong wala akong magagawang ingay nung isinara ko ang pinto at
nilock.

Lumabas agad ako sa kwarto at nagmadaling maglakad sa hallway. Muntik na


akong mahuli ni Zeke dun ah. Buti na lang. Hehehe. Nagtago ako sa likod
ng isang malaking figurine at inabangan na lumabas si Zeke sa kwarto ko.
At maya-maya pa ay nakita ko nga sya ng lumabas. “Hihihi.” Mahinang tawa
ko.

Tinakpan ko agad ang bibig ko at sumiksip ng maigi sa figurine nung


lumingon sya sa direksyon ko. Huhuhu.

Naghahanda na ako para tumakbo kung sakaling mahuli ako ni Zeke na


nandito tatakbo talaga ako ng mabilis—Eh? Naglalakad na sya palayo, hindi
ba nya alam na nandito ako? “Hihihi tangi talaga ‘to si Zeke.”

Naglakad na ako papunta sa ibang direksyon para maghanap ng panibagong


tataguan.

-Few minutes later-

Umupo ako sa isang sulok dahil medyo pagod na ako kakatago. Kanina pa ako
lipat ng lipat ng pwesto. Ilang beses na din akong muntikang mahuli ni
Zeke.

-Flashback-

Nakadinig ako ng mga kalabog sa kusina kaya pumunta akong salas para doon
sana magtago pero hindi pa ako nakakadating ng salas ay nakita ko si Zeke
doon at papunta sa kusina.
Eh?

Paanong—

Sunod akong nakadinig ng kalabog sa itaas kaya lumingon ako doon. Siguro
pagod lang ako.

-End of Flashback-

“Found you.” Tumingala ako para tignan si Zeke. “Kanina mo pa nga ako
dapat nakit—“ Pinindot ni Zeke ang switch ng ilaw at—“Anong ginagawa nyo
dito?” Gulat na tanong ko kanila Kaizer at Sebastian.

Anong ginagawa nilang dalawa dito? Sinamaan ko agad ng tingin si Zeke


“Sabi na nga ba at dudugain mo ako eh.”

“Hahaha ano kasi ‘yan Aemie ganito ‘yan...” Kakamot-kamot ng ulo si


Kaizer na bumaba ng hagdan. “Wala akong panahon sa explanation mo.”
Masungit na sabi ko kay Kaizer at saka naglakad papuntang living room
pero nakasalubong ko si Vash at Jacob na may bitbit na mga katawan ng
lalaki. “Saan naming dadalhin ang mga ‘to boss?” Tanong ni Jacob.

Lumapit agad ako kay Zeke at saka bumulong “Anong nangyari?” Curious na
tanong ko habang sinusundan ng tingin si Jacob at Vash na palabas ng
bahay dala yung mga duguang katawan ng lalaki. “Yan nga ‘yung ineexplain
ko sa’yo Ae—“
“Kausap ba kita ha?” Si Zeke tinatanong ko eh. Sabat ng sabat ‘tong
Kaizer na ‘to

“Sabi ko naman kasi sa’yo gwapo ka na Kaizer Maxwell Lamperouge kaya


hindi ka na dapat sumabat.” Kumunot ang noo ko dahil salamin naman ngayon
ang kausap ni Kaizer. Di kaya may sira na ‘to?

**

“Ahh ganun pala.” Tumango pa ako dahil ngayon ko lang nagets lahat. Kaya
pala nag-aya si Zeke maag taguan dahil may mga napansin syang lalaki na
aali-aligid sa bahay namin. At nagkataong papunta din dito sila Kaizer
kaya pati sila nandito.

Pero teka—

“Bakit hindi nyo ako sinali sa adventure?” Lumingon ako kay Zeke na
umiinom na ngayon ng chuckie. Nakakainis ha. Kunwari pa pala syang gusto
nyang maglaro ng taguan, pero ang totoo ayaw nya akong isali sa
adventure. Nakakatampo hiuhuhu. “It’s for your safety.”

“At mula ngayon dito na kami titira. Ayos ba ‘yon?” Nakangiting sabi ni
Kaizer.

Mabilis naman akong lumingon kay Zeke. “Totoo ba ‘yung sinasabi nya
Zeke?” Itong maiingay at magugulong ‘to dito titira sa bahay? Anong trip
ni Zeke sa buhay? Araw-araw akong bwisitin? Hayyy!
“For the meantime, yes.”

Padabog akong umupo sa sofa kaya sinamaan ako ng tingin ni Zeke.


“Careful.” Sabi nya. Hayy! Nakakainis naman kasi. Baka mamaya ubusin pa
nila ‘yung mga gatas at cheese ko sa ref. Sakto pa namang pang tatlong
araw ‘yung mga binili ko.

“Waaaaaa!”

“What the hell?!”

Sabay kaming tumayo ni Zeke at humiyaw kaya tumingin ako sa kanya. “Yo
may problem aba mga tsong?!” Tanong ni Sebastian habang nilalantakan ang
ice cream. Si Vash naman ay hawak-hawak ang fresh milk ko.

“Kita mo na, kita mo ng ginawa mo dong?! Wala pa silang isang araw nambu-
bwisit na sila huhuhu.”

Lumingon ulit ako kay Zeke para tignan kung bakit hindi nya ako sinagot.
Pero wala na si Zeke. “Nasaan na ‘yun?” Tinignan ko din kung kinatatayuan
nila Sebastuan at Vash pero wala na din sila.

“Itinuloy nila paglalaro ng taguan. Pfft.” Natatawang sabi ni Jacob.


Nakadinig ako ng putok ng baril at hiyaw ng pangalang ‘Boulstridge’ at
‘Lerwick’ kaya malamang naghahabulan sila. Hayy.

Tumalikod na ako at uupo na sana ulit nung madinig ko si Kaizer na


umimik. “Hahaha wengya. Buti na lang itong cheese ang kinuha ko.”
Nagpanting bigla ang tenga ko sa nadinig ko at mabilis na humarap.
Punung-puno pa ang bibig nya at halos paubos na ang cheese na hawak-hawak
nya nung ngumiti sya sa’kin.

“Jacob amina ‘yang baril mo.” Sabi ko ng hindi inaalis ang tingin kay
Kaizer.

“Po?”

“Sabi ko amina ‘yang baril mo!!” Gigil na ulit ko. Kaya mabilis nyang
iniabot sa’kin ang baril nya.

Pagkakasa ko ng baril ay pinaputok ko agad kay Kaizer kaso mabilis naman


nyang naiwasan kaya lalo akong nainis. “Whoa!! Shit Aemie. Delikado yan.”
Tarantang-taranta na sabi nya habang nakataas pa ang dalawa nyang kamay.
“Hindi magandang biro yan.” Pakiramdam ko ay mangingiyak na ang boses ni
Kaizer dahil nakatutok pa din sa kanya ang baril na hawak ko.

Pero mas lalo lang akong nainis nung mapatingin ang sa dalawang kamay nya
nakataas. Hawak-hawak pa nya ang lalagyan ng cheese na wala ng laman.
Huhuhu ang cheese ko.

“Sino ba may sabing nagbibiro ako?” Seryosong tanong ko.


“Wengya ibibili kita ng madaming-madaming keso pagkabukas na pagkabukas
ng mall.”

Kakalabitin ko na dapat ang baril nung may umagaw nun sa kamay ko.
“Zeke.” Ngumiti sya sa’kin. “Let me kill him.” Pagkasabi ni Zeke nun ay
tumakbo na si Kaizer palayo.

“Sorry late. Ang traffic eh.”

“Meisha.” Bati ko. Kasama nyang dumating sila Tristan, Spade, Cassandra,
Fauzia at Milka.

“Ma’am Aemie. Mahilig ka daw sa cheese, fruits at milk?” Tanong ni Meisha


habang nilalapag nila lahat ng dala nila.

“Dinalhan ka namin ng madami ate Aemie.”

“Waaaa! Totoo?!” Pero biglang nagbago ang mood ko nung may naalala ako.
“Don’t tell me dito din kayo titira?” Pinaningkitan ko sila ng mata at
umaasang ‘hindi’ ang isasagot nila pero—

“Yun kasi ang sabi ni kuya Ezekiel, ate Aemie.” Sabi ni Milka. Hayy!
Hindi naman sa ayaw ko ng nandito sila. Kaso ang dami-dami nila, ang
iingay pa naman ng mga ‘to pag magkakasama. Lalo na ‘yung apat. Hayy!

**
Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng kwarto namin ni Zeke. Gusto
ko kasing lumabas at tignan ang ref baka mamaya ubos na pala mga pagkain
at gatas ko doon hindi ko pa alam.

“Zeke matagal ka pa bang matapos dyan?” Katok ko sa pinto ng C.R. Bakit


ba kasi nauna syang maligo sa’kin.

“You are very welcome to join me if you can’t wait wife.” Tatawa-tawa pa
si Zeke kaya mas lalo akong naiinis. Binuksan ko ang pinto ng C.R at
sakto namang nasa may pinto na din si Zeke. Tumutulo pa ang tubig na
katawan nya. “Done.” Nang-aasar pa ‘yung ngiti nya kaya tinaasan ko lang
sya ng kilay at saka pumasok sa C.R.

Nung matapos ko ng gawin lahat ng dapat kong gawin sa C.R ay lumabas na


agad ako. “Are you in a hurry?”

“Hindi ba halata Zeke ha?”

“Pfft.”

“Ang aga-aga dong ha.” Sinisimulan na naman ako nito ni Zeke sa pangiti-
ngiti nya.

“Hahaha. Sorry.” Lumapit sa’kin si Zeke habang nagsusuot ako ng sapatos.


“I’m very sure that my son will be hot-headed just like you.” At
nagsalita naman ang smiling face ng bayan.
Hayy! “Ewan ko sa’yo!”

Kinuha ko ang sling bag ko at saka lumabas ng kwarto. “Yo Miss Aemie.”
Tinaasan ko ng kilay ‘yung apat dahil nandito sila sa tapat ng pinto
namin ni Zeke. Isa-isa ko silang tinignan. “Anong ginagawa nyo dito?”
Inis na tanong ko.

“Ha-ha-ha! Ahh ano kasi Aemie, napadaan lang ako. Hinila ako nito ni Lee
sabi mag-record daw kami.”

“Ulul! Si Lerwick ang kumaladkad sa’kin dito eh.”

“Anong ako? Itong si Boul ang nangungulit sabi kuhanan daw kayo ng video
nila bossing.” Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila dahil nagtuturuan na
naman sila.

“Bakit nyo naman kami kukuhaan ng video Vash?” Tanong ko kay Vash.

**

Sebastian’s PoV

Pftt. Sumisimple na ako ng alis habang nakatingin pa si Miss Aemie kay


Boul. Ang bangis pa naman ni Miss Aemie ngayon.
“Uhh—“ kakamot-kamot ang ulo ni Boul dahil hindi alam ang isasagot.

-Flashback-

Kakatapos ko lang mag-joggingat plano ko na sanang mag-shower. “O ‘tol


jogging-jogging din. Hindi ka na makakahabol nyan sa kagwapuhan ko.”
Pang-aasar ko kay Lampe nung makasalubong ko sa hallway dahil mukhang
kakagising lang. Pinupunasan ko ang mga pawis ko sa noo nung
magkatinginan kami dahil parehas naming napansin na nasa tapat kami ng
pinto ng kwarto nila Bossing at Miss Aemie.

At mukhang parehas din ang iniisip namin kaya dumukot agad ako ng
cellphone. Si Lampe naman ay idinikit ang tenga sa pinto. “O ano may
nadidinig ka ba?” Usisa ko.

“Wengya! Tulog pa yata ‘yung dalawa. Tahimik eh.”

“Tss. Ako nga.” Hinawi ko si Lampe para ako naman ang makinig sa pinto.

“Good morning wife.”

“Anong maganda sa morning kung nakangiti ka na naman dyan?”

Wooo! Bangis! “Barado si bossing ‘tol” Pfft. Amputs.


Para kaming mga siraulong nakikinig kanila Miss Aemie at Bossing.

“Anong ginagawa nyo dyan?”

“Wengya! Wag kang maingay ‘tol!” Saway ni Lampe kay Lee.

“Hahahahahaha Zeke tama—hahahaha na!”

“Shit! It’s showtime na yata mga tol”

“Padinig nga ako.” Hinawi naman kaming dalawa ni Lee. Kaya sya ng mag-isa
ngayon ang nakikinig sa pinto. “Ilusot mo ‘to sa pinto Lampe. Camera ‘to”
Utos ni Lee kay Lampe.

“Yown! Nice one Lee.” Agad namang isinuot ni Lampe ang maliit na camera
sa ilalim ng pinto nung eksaktong dumating si Boul.

“Yo Boul, bihis na bihis ah saan ang date?” Tanong ni Lampe.

“Inggit ka ba baby Lampe?” Inakbayan ko si Lampe at saka kinindatan.


“Mamaya magde-date din tayo.” Pfft.
“Wengya! Amoy pawis ka pa!”

Hindi na nakisali sa asaran si Boul dahil umalis na sya agad.

-After 30 minutes-

“Wala naman akong makita sa video eh. Puro paa ‘tol. Puro paa.”

“Mamayang gabi pupuslit ako. Magkakabit ako ng camera.”

“Yown!”

“Akalain mong may utak ka din naman pala Lee.”

“Gago!”

“Yung kwarto ko Lee ‘wag mong lalagyan ng camera sasamain ka sa’kin.”


Paalala ko.
“Bakit baby Lerwick ayaw mo bang mapanuod nila mga ginagawa natin sa
gabi?” May halong landi ang boses ni Lampe at talaga namang nakakasukang
isipin. Walanjo! “Syempre baby Lampe, kailangan natin ng privacy.”

Pfft. Mukhang napipikon na si Lampe nung dumaaan na naman si Boul. “O


‘tol akala ko ba may date ka?”

“Baka hindi sinipot.”

“May lubid ako dito.”

“Kabaong for sale.”

“Karo for rent.”

“Yo Miss Aemie.” Mabilis kong bati nung bumukas ang pinto. Ito na nga ba
sinasabi ko eh. Mahuhuli na naman kami.

-End of Flashback-

“Vash tinatanong kita, bakit nyo kami kukuhaan ng video?” Pinulot ni Miss
Aemie ‘yung maliit na came na ipinalusot ni Lee kanina sa ilalim ng
pinto.
“Sila Lampe ‘yun Ma’am Aemie. Napadaan nga lang ako dito.”

“Anak ng tokwa naman Boul, tayo-tayo na lang ayaw mo pa umamin kay


Aemie.” Iiling-iling na sabi ni Lampe. “Una na ako mga ‘tol ah. Kailangan
ko na mag-shower. Nakakapagod mag-jogging.” Paalam ko para makasimple na
ng sibat, kaysa maabutan pa ako ni bossing dito. Mas lalo akong
malilintikan.

“Sebastian.” Doomsday. Dahan-dahan akong lumingon kay Miss Aemie.


Uumpisahan ko na bang magtawag ng mga santo? “Samahan mo ako mamaya.”
Para akong binunutan ng tinik, at daig ko pa ang bagong paligo sa sobrang
gaan ng pakiramdam nung ‘yun lang ang sinabi ni Miss Aemie. “Areglado
Miss Aemie.” Sumaludo pa ako bago tuluyang makaalis.

Akala ko tuluyan ng mag-e-extinct ang lahi ng mga gwapo.

**

“Saan ba lakad natin Miss Aemie?”

“Basta mag-drive ka lang. Iisipin ko muna kung saan tayo pupunta.” Utos
nya. Nakakapagtaka. Aalis lang sya ng bahay kailangan naka wig pa sya at
shades? Amputs. Pero sa biglang tingin aakalain mo talagang hindi si Miss
Aemie ang nasa tabi ko.

Inistart ko ang engine ng kotse at nagsimula ng paandarin. Walanjo! Saan


naman kaya ako pupunta ni—“Umpisahan mong puntahan ‘yung parking lot ng
mall na pinuntahan natin.” Utos ni Miss Aemie kaya mabilis kong binaling
ang kotse at tinahak ang daan papuntang mall.
-After few minutes-

Ipinark ko na ang sasakyan dito sa parking lot B ng mall nung pigilan ako
ni Miss Aemie. “Mag-drive ka ulit ituturo ko na lang ang daan.” Utos nya.
Ang hirap pala pakisamahan ng buntis. Paiba-iba. Akala ko gustong mag-
mall tapos hindi pa nga kami nakakababa pinapag-drive na ako ulit.
Amputs! Dapat si Boul na lang ang isinama ni Miss Aemie eh.

“Kumaliwa ka dyan.”

Ilang kilometro pa din ng kaliwa at kanan ang ginawa ko hanggang


makarating kami. “Itigil mo na dito.” Mahinahong saan ni Miss Aemie.
Sinisipat nya ng tingin ang isang malaking gate ng isang mansion. May
kalumaan na ang mansion at masyadong madaming puno.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Walang bantay dito sa labas pero sa


tanaw sa bakal na gate ang mga bantay sa loob.

“Uhmm excuse me.” Walanjo! Kailan pa nakalabas ng kotse si Miss Aemie?

Mabilis akong lumabas ng kotse at nagsindi ng sigarilyo. Ako ang


kinakabahan dito ampupu! Buntis pa naman ‘to. Paniguradong double dead
ang abot ko nito kay bossing.

“Ano yon Miss.” Sagot ng lalaki. Nakapako ang tingin ko sa dalang baril
ng lalaking kausap ni Miss Aemie ngunit hindi ko pinapahalata sa kanya.
“Wag ka lang magkakamaling bumunot ng baril tsong. Kahit gwapo ako mas
mabilis ako sa’yo” Sabi ko sa isip.
“Dito ba nakatira si Andrei Lewis?” Tanong ni Miss Aemie.

“Hindi. Si Mr. Terrence Von Knight ang nakatira dito.” Sagot nung lalaki.
“Bakit? May kailangan ka ba?” May kaangasan ang isang ‘to! Takte! Akala
mo hindi babae ang kausap. Tsk.

“Sorry. I thought dito nakatira si Andrei, ito kasi ‘yung binigay nyang
address. Anyway, thanks for the info.” Sabi ni Miss Aemie at saka
tinalikuran ‘yung lalaki.

“Sandali lang.” Pigil nung lalaki. Pagkaharap ni Miss Aemie ay nagsalita


ulit ‘yung lalaki. “Nagkita na ba tayo dati?”

“Huh?”

“Wala. Medyo kamukha mo kasi ‘yung babaeng dinala dito ni Sir Knight.”

“Excuse me kuya, pero wala akong panahon sa tsismisan. Thank you ulit.”
Pfft. Bengga ka boy!

Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse si Miss Aemie. Nung makaupo na sya ng


ayos ay isinara ko na ang pinto at saka pinasadahan ulit ng mabilisang
tingin ang mansion. Ano kayang dahilan at pumunta kami dito?

**
“Terrence Von Knight pala huh.” Ngingisi-ngisi si Miss Aemie kaya hindi
ko maiwasan na hindi magtanong. “Sino ‘yung Andrei Lewis Miss Aemie?”
Tanong ko.

“Ahh wala, gusto ko lang talaga malaman kung ano pangalan ng nakatira
doon kaya umimbento ako ng palusot doon sa lalaki.”

Tumango-tango ako dahil sa mga ngiti nya mukha namang ‘yun talaga ang
dahilan ng pagpunta namin doon. “Sino naman si Terrence Von Knight?”
Tanong ko ng nakatingin ng diretso sa daan.

“He’s my target.”

Sa pagkagulat ko ay naipreno kong bigla ang kotse. “Shit!”

“Ano ba Sebastian magdahan-dahan ka nga sa pagmamaneho!” Halos sumigaw


naman sa galit si Miss Aemie. Ampucha! Teka, tama ba ang dinig ko.
“Target?” Tanong ko ng naka-tingin ng diretso sa kanya.

“Oo. Target.” Nakangiting sagot nya. At ‘yung mga ngiting ‘yun ang
nagbigay kilabot sa’kin. Lumunok muna ako bago itinanong kung “Para
saan, bakit may target?”

“Napaka-tsismoso mo talaga Sebastian, mag-drive ka na lang ulit. Doon


naman tayo sa apartment ni insan.”
**

Nagsindi ulit ako ng sigarilyo nung makapasok si Miss Aemie sa gate ng


apartment ng pinsan nyang si Miss Amesyl. Hindi naman ako sunog-baga.
Hindi ko lang talaga maiwasang hindi makaramdam ng tensyon. Takte!

“Sebastian hindi ka ba sasama sa’kin sa loob?” Nakatanaw si Miss Aemie na


nasa loob na ng gate. Ako naman ay nakasandal lang sa kotse. “Hindi na
Miss Aemie.” Dito na lang siguro ko sa labas.

Pinagmasdan kong maglakad si Miss Aemie. Nakakatatlong hakbang pa lang


sya nung bumukas ang pinto ng apartment. “Anong ginagawa mo dito?”

“Insan, pwede ka bang makausap?” Puno ng lungkot ang boses ni Miss Aemie.
Sabagay, ang tagal na nyang hindi nakakausap ang pinsan nya. Pero ano
bang problema dito kay Miss Amesyl, tinalo pa nya si Miss Aemie sa
kasungitan.

“Busy ako Aemie, ‘wag ngayon.” Naglakad na papuntang gate si Miss Amesyl
kaya umayos ako ng tayo. Mukhang ayaw nya talaga kausapin si Miss Aemie.

“Insan kahit sagli—“

“Hindi mo ba nadinig ang sinabi ko? Busy ako. ‘Wag ka ngang makulit.”
Sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ni Miss Aemie na maiyak kaya
mabilis kong niyapakan ang sigarilyo ko at saka lumapit sa kanya para
abutan sya ng panyo. “Ayos lang ako Seb.” Mabilis nyang pinunasan ang mga
luha nya at saka ulit nagsalita. “Galit k aba sa’kin insan?”

“Oo. Galit ako sa’yo. Kaya pwede ba ‘wag mo na akong pupuntahan.”


Diretsong sagot ni Miss Amesyl. Inalalayan ko si Miss Aemie dahil
pakiramdam ko matutumba sya. Mabilis din naman syang umayos ng tayo. “At
isa pa, ‘wag mo na ako tawaging ‘insan’.”

**

Aemie’s PoV

Pagkagaling namin ni Sebastian sa apartment ni insan ay dito na agad kami


dumiretso sa bahay. Balak ko pa sanang pumunta sa bahay nila mommy at
bahay ni Andrei. Plano ko pa din sanang sundan si kuya Ken, kaso sobrang
sama ng pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ni insan.

Ano bang problema ni insan at nagkakaganun sya? Bago naman sya ma-kidnap
hindi sya ganun. Bakit ba sya nagagalit sa’kin?

Gusto ko naman talaga syang iligtas dati, pero kasi ang sabi ni Zeke sya
na daw bahala eh. “Huhuhu.” Wala na akong ginawa maghapon kung hindi ang
umiyak. Sanay na akong nagagalit si insan sa’kin pero hindi ‘yung galit
na tulad ngayon. Ni ayaw na nya akong maging pinsan.
“Wife are you okay?” Tumingin ako kay Zeke na mabilis na pumasok sa loob
ng kwarto at saka inalis ang coat na suot nya. “Lerwick told me that what
happened—“

“Ang daldal talaga nyang Sebastian na ‘yan” Huhuhu. Wala pang isang araw
nai-tsismis na agad kay Zeke. Hindi man lang nya ipinagpabukas. Grabe ha!
Grabe!

Niyakap ako ni Zeke kaya mas lalo akong naiyak. “Masama ba akong tao
Zeke?” Tanong ko habang umiiyak.

“No, you’re not.” Mas lalong hinigpitan ni Zeke ang yakap sa’kin pero mas
lalo din akong naiyak. “Eh bakit ayaw na sa’kin ni insan? Huhuhu. Hindi
ko naman sya inaaway ah.” Hindi sumagot si Zeke kaya nagpatuloy lang ako
sa pag-iyak hanggang sa kusa na ding tumigil ang mga luha ko. Alam kong
wala akong makukuhang sagot sa kanya dahil mukhang kahit anong pilit ko
ay hindi magsasalita si Zeke.

“You have to eat.” Pinunasan ni Zeke ang mga natirang luha sa pisngi ko
at saka ako mabilis na hinalikan.

Nagpatuloy ako sa pag-iisip habang naglalakad kami papuntang kusina.


Nabanggit ni kuya Ken si insan kay Caileigh nung magkasama sila sa coffee
shop, ibig sabihin may alam sila tungkol sa nangyari kay insan?

‘Yung lalaking abnormal na si Terrence, si Andrei, si Caileigh, si kuya


Ken at si Grethel. Ano naman kaya koneksyon nila sa isa’t-isa.

“I will cook for whatever you wish to eat wife. Just tell me what you
want.”
Feeling ko may alam din sila sa nangyari kay insan. “Sila mommy Zeke, ano
na ang balita kila mommy at daddy?” Tanong ko pagkaupo ng dining chair.

“I’m still working on it.” Tumalikod si Zeke at pumunta sa may ref.

Iba din ang kutob ko doon sa sinasabing girlfriend ni Zeke na si Satana.


Dahil kasama sila sa auction. Kaya malamang kasali din sila sa Mafia.

Ang dami kong gustong malaman! At ang mas nakakainis, hindi ko


makalimutan ang sinabi sa’kin nung lalaking abnormal.

“Kamusta na kayo nung Satana?” Tanong ko. At sa unang pagkakataon gusto


kong kalbuhin ‘yung Satana ‘yun nung maalala kong tinawag-tawag nga pala
nyang ‘babe’ si Zeke nung nasa restaurant kami. Hayy!

Siguraduhin nyang hindi magku-krus ang landas naming dalawa.

Hinintay kong sumagot si Zeke pero iba ang isinagot nya. “Do you want
beef steak and veggie salad.” Tumango na lang ako kaysa mangulit pa.
Feeling ko naiintindihan ko na si Zeke. Kasi kahit ako, pag tinanong nya
ako tungkol sa lalaking abnormal ay wala din akong balak sagutin o
sabihin sakanya ang mga pinag-usapan namin.

Hindi sa ayokong sabihin kay Zeke, kaso—ayokong dumagdag sa mga iniisip


nya. “I love you Zeke.”
“I love you more.”

“I love you most. Hehehe.”

“I love you more than—“

“Huwaw! Nagluluto si loverboy! Anak ng tokwa! Saktong-sakto gutom na


ako!” Umupo agad si Kaizer sa isa sa mga dining chair at saka inilagay
ang table napkin sa dibdib nya

“Wanna die Lamperouge?”

“Hahahaha.” Natatawa talaga ako kapag ang sungit-sungit ni Zeke. Mas


bagay sa kanya ‘yan kaysa kapag nakangiti sya.

Tumingin sa’kin si Zeke at ngumiti kaya biglang nagbago na naman ang mood
ko. “Ano na naman Zeke?” Masungit na tanong ko.

“Hey hey, we brought some foods.” Dumating sila Milka, Fauzia, Meisha at
Cassandra na may dalang pizza at French fries. Kasunod naman na pumasok
sa kusina sila Sebastian, Jacob, Vash, Tristan at Spade at wala pang
limang minuto ay naubos na laman nung dalawang box ng pizza. Tig dadalawa
kasi kinuha nung iba.

“Where’s the pizza?” Kunot-noong tanong ni Zeke habang may hawak na


sandok.
“Oh deym Boul inubusan mo si loverboy?” Sabi ni Kaizer.

“Ito talagang si Boul laging binubully si bossing.” Gatong naman ni


Sebastian. Nagtawanan silang lahat dahil doon sa dalawa. Pati ako
natatawa dahil sa itsura ni Vash.

At dahil mukhang anytime ay bubunot na ng baril si Zeke dahil walang


natira sa kanyang pizza ay lumapit ako sa kanya para ibigay ‘yung slice
ng pizza na hawak ko. “Zeke oh.” Alok ko.

“I prefer this.” Nanlaki ang mata ko nung bigla akong hinalikan ni Zeke
sa labi sa harap nilang lahat.

“Aww sweet.”

“Wooo syet naman!”

“Deym porn!”

“Gago ‘wag kang magtakip ng mata ilabas mo agad ang camera!”


“Lee ang camera!!”

***

A/N :

So here’s my birthday treat :D Thank you sa lahat ng birthday greetings,


sa lahat ng silent readers, maiingay na readers, mga ops, sweets. I love
you all guys! Thank youuu <3

=================

Chapter 21

Aemie’s PoV

“Whoaaa! Ang dami naman ng mga ‘yan.” Wika ni Kaizer. Lahat sila ay
tuwang-tuwa habang isa-isang ipinapasok sa bahay at iniaakyat sa
bakanteng kwarto ‘yung mga gamit na pang-bata na pinagbibili ni Zeke.
Mula sa crib, stroller, walker, diapers, baby carrier, highchair at iba-
iba pang gamit pag kumakain na ‘yung baby, mga damit, laruan, pati lahat
ng furniture at pang-display sa kwarto ng baby meron na din.

“Bakit puro blue?” Tanong ni Meisha. Tinanong ko na din ‘yan kay Zeke.

“Simply because we’re having a son.” Nakangiti namang sagot ni Zeke.


“Right wife?” Umakbay pa sya sa’kin at saka ngumiti ulit. Pinilit kong
ngumiti at tumango para naman wala na kami pagtalunan. Hindi ko
maintindihan bakit ipinipilit nyang lalaki ang anak namin eh wala namang
sinabi ‘yung doctor.
“Ayos! Sigurado akong madaming paiiyaking chiks ‘yan paglaki. Manang-mana
sa ninong Kaizer eh.”

“Max! Eh kung ikaw kaya paiyakin ko.”

“Sis naman, nagbibiro lang ‘yung gwapo oh.” Sagot ni Kaizer. “Yo Aemie,
bakit hindi Kaizer the second ipangalan mo sa magiging inaanak ko. Para
naman pangalan pa lang—“

“Wanna die Lamperouge?”

“Sabi ko sainyo mga tsong mas maganda Ezekiel Roswell Jr. eh.” Sabi ni
Kaizer. Ang pangit kaya ng Junior. Ano magiging nickname nun Junjun?
Hayy! Mas gusto ko pa tweety bird kaysa dun eh.

***

Milka Shinize’s PoV

“Kuya Vash okay ka lang ba?” Nakaupo kaming dalawa ni kuya Vash sa bench
malapit sa garden. Gabi at malamig ang simoy ng hangin. November na din
naman kasi, ilang linggo na lang pasko na. Huminga ako ng malalim at
tumingin sa mga stars.
“Bakit nandito ka sa labas baby Mik? Malamig ah.” Tumayo si kuya. Dumukot
sya ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa at saka nagsindi. Paano ko ba
ioopen sa kanya ang topic tungkol sa nakita namin?

“Gusto ko lang sana ayain ka mag-shopping bukas kuya.” Nginitian ko sya


but he just stared at me. At mukhang hindi sya naniniwala sa sinabi ko.
“Aish! Baby Mik pwede mo naman akong kausapin ng hindi nagsha-shopping.”
I bit my lower lip at tumungo, kilalang-kilala talaga ako ni kuya Vash.
Alam nya pag may gusto ako sabihin.

Pinagdikit ko ang hintuturo ko. “Si ano kasi kuya...“ Nakatingin sa


kawalan si kuya Vash pero alam kong hinihintay nya ang sasabihin ko.

“...Si ate Caileigh kasi...Uhh...” Tinignan ko ulit si kuya Vash bago ako
bumalik sa pagkakayuko. “Nakita kasi namin sya sa isang coffee shop
kasama nila kuya Jerson Ken at Phoenix.”

Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang walang pakialam si kuya Vash sa
mga sinasabi ko. Gustuhin ko mang mainis kay ate Caileigh pero wala naman
akong sapat na dahilan. “Kuya Vash may alam ka bang dahilankung bakit
magkakasama sila?” Diretsong tanong ko. Bahagya syang lumingon sa’kin
nung tawagin ko sya.

“Iniisip mo ba na baka may ka-relasyon si Caileigh sa isa sa kanilang


dalawa?”

Uhh—hindi naman sa iniisip ko pero si Phoenix kasi ‘yung tipo ng tao na


hindi naman makikipag-usap kung hindi kailangan. Mukha din kasing wala
syang hilig sa babae kaya imposible—pero “Posible din naman kasi nab aka
lang ano—baka may namamagitan sa kanila ni Phoenix Strife.” Saad ko.
“Pfft. Gusto mo si Phoenix Strife?”

“HA?!” Tumayo ako sa pagkagulat sa sinabi nya. “Hindi ah!”

“Eh bakit si Strife lang ang tinanong mo, kasama din naman nya si Blood.”

“Kuya!!!!” Hiyaw ko ulit sa kanya para matigil ang sinasabi nya.


Nakakahiya naman. Err! Bakit ko ba kasi sya tinanong pa! Pakiramdam ko
tuloy pulang-pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

“Yo. Nandito pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap.”Tinignan ko ng masama


si Kuya Vash. Hindi naman siguro nadinig nitong pangit na si Sebastian
Lerwick ang pinag-uusapan naming ni kuya ‘diba?

“Papasok na ako sa loob.” Paalam ko sa kanilang dalawa.

“Baby!”

Ang hirap mag-pretend na nakakahiya. Ano ba kasing pumasok sa isip ni


kuya Vash at nasabi nyang gusto ko si Phoenix.

“Tek na ‘yan. Ang bilis mo namang maglakad.”


Eh ang sungit-sungit nung lalaking ‘yun. At saka ni hindi ‘yun marunong
ngumi—

*Phone vibrates*

From Phoenix : Pumunta ka daw dito bukas.

“Baby bakit bigla kang nag-blush dyan? Alam kong gwapo ako—“

“Huwag kang feelingero Sebastian Lerwick.”

Hinawakan ko ang dalawang pisingi ko habang naglalakad palayo sa pangit


na si Seb. Talaga bang nagba-blush ako? Wtf! Ano bang nangyayari sa’kin.

***

Meisha Maxine’s PoV

“Oh Milka, naka-ready na dinner.” I tried approaching her pero mukhang


wala sya sa sarili. Is there something wrong?

“Baby—ano bang—“
“L-Lerwick.” I looked away nung makita kong kasunod nya si Lerwick na
pumasok. I don’t even know why, I just don’t want to look at him. On the
first place anong ginagawa nilang dalawa sa labas?

“Oh Mei.” He paused right in front of me making me feel conscious.


“Nakahanda na dinner.” Tinalikuran ko na sya.

“Awts. Ano bang problema sa’kin at kanina pa ako wino-walk outan ng mga
babae. Gwapo naman ako.”

I smiled. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to.

“What’s with the smile Maxine?” Cassandra asked and gave me a teasing
smile. “What?” I asked in return.

“Hahaha nothing.”

Itinuloy ko na ang paglalakad pabalik ng dining area. “Sis hindi pa ba


ako pwedeng magsimula dito?” Tanong ni Max. Inip na inip na ang mukha nya
habang pinagmamasdan ang mga pagkain sa mesa. “Kanina ko pa gustong
banatan ‘tong mga ‘to eh.” He whispered.

“Gutom na din kami.” Nakasimangot na si Spade Clifford sa harap ng


pagkain.
“We have to wait for Mr. Roswell and Miss Aemie.”

“Wengya naman! Bakit ba ang tagal-tagal bumaba nyang mag-asawang


highblood?” Angal ni Max.

“Sino ‘yung mag-asawang highblood?” Nanlaki ang mata ni Max na tumunghay


nung dumating sila Ms. Aemie. Nasa likuran nya si Mr. Roswell at kasunod
na naglalakad.

“May sale ba ng kape at biskwit sa mga supermarket ngayon?” Tanong ni Lee


at saka binigyan ng mapang-asar na ngiti si Max. Ginantihan naman sya
agad ni Max ng matatalim na tingin.

“Kaizer ano ‘yung sinasabi mo kanina?” Tanong ni Ms. Aemie na umupo sa


isa sa mga dining chair katapat ni Max.

“Whoa! Oh ayan na pala ang mag-asawang ubod ng bait at saksakan ng haba


ang pasensya.” Natatawa si Max pero obvious naman na umiiwas na naman
syang masermunan. “Pwede na tayong magsimulang kumain ha-ha-ha.” Tumikhim
ako para tumigil ang kapatid ko sa kalokohan nya.

“Sira ulo” Bulong ni Ms. Aemie. “Nasaan na ‘yung iba?” Pag-iiba nya sa
usapan.

Umupo na din ako, on my left is Tristan tapos vacant naman ang dining
chair sa right ko. Nasa tapat namin ni Tristan sila Cassandra at Spade.
“Yo.” Kahit hindi ako lumingon alam ko kung kaninong boses ang nagsalita.
“Yo Mei.” Lerwick greeted pagkaupo nya sa right ko. What the hell is he
thinking? Bakit dito pa sya umupo.

“Hey.” I greeted back...awkwardly. Even though walang dahilan para maging


awkward.

“Sorry, nag-shower pa ako kaya na-late ako.” That’s Fauzia. She occupied
the seat beside Lee. “Dinaanan ko pala si Milka sa kwarto ang sabi nya
busog daw sya.” She added.

“Asus! Kinilig lang ‘yun sa’kin.” Lerwick blurted out.

Ano bang nangyari sa kanilang dalawa? Bakit parang—“Mei ayos ka lang ba?”
I stopped thinking the moment na tinanong ko ni Lerwick. “O-ofcourse I’m
okay. Why would I not be?”

“Pfft. Natanong ko lang, ang higpit kasi ng hawak mo sa table napkin.” I


switched my glance on the table napkin. At nung mapansin kong mahigpit
nga ang hawak ko ay agad ko ‘yung binitawan.

“Yo! Sorry late.” Boulstridge came in just exactly on the right time, for
me. At least na-divert ang atensyon nila sa kanya.

“Pfft. Tapos ka ng mag muni-muni sa labas ‘tol?” Lerwick asked.

“Let’s eat.” Mr. Roswell commanded.


“Wooooo! Nice! Let the feast begin!” At nag-umpisa na naman ang kapatid
ko sa mga kalokohan. I just sighed.

***

“Mei, don’t get me wrong. But what’s with you and Seb?” I was caught off
guard with Cass’ question. “W-what are you talking about?”

“Oh well, alam ko namang may something sa inyo noon, pero ‘diba you alam
mo naman na may Tristan ka na.” What the hell is she saying.

“Will you—“ Naputol ang sasabihin ko dahil biglang may nagsalita.

“Stop lecturing her Cassandra. It’s her feelings, not yours. So it’s also
her business to deal with and not yours.” Fauzia said. Nagulat kaming
dalawa ni Cassandra sa biglang pagsulpot nya. “Need a hand?” She asked
offering her help. Madami-dami din kasi ‘tong mga hinuhugasan naming
plato, baso and all likes.

“Yes please.” I gave her a smile to say thanks. She smiled back at
nagsimula ng tulungan kami. “But Mei, hangga’t maaga pa mamili ka na.
Ikaw din ang mahihirapan dyan in the end pag pinatagal mo pa.” Cass
reminded. And I have nothing to do but to keep quiet dahil hindi ko din
naman alam ang isasagot ko sa mga sinabi nya.

-Kinabukasan-
Aemie’s PoV

Huminga ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell. Nandito ako ngayon
sa may gate ng mansion ni Andrei. Gusto kong malaman kung bakit sya
nabanggit ni Caileigh.

Maya-maya ay pinagbuksan ako ng gate ng guard. Kilala ko na ‘to si kuyang


guard sa mukha dahil lagi naman akong nandito noon. “Ahmm nandyan po ba
si Andrei?” Tanong ko.

“Opo Ma’am nasa loob po. Saglit lang po sasabihin ko kay Sir na nandito
kayo.” Sagot nya.

“Sige po.”

Nag-antay ako ng ilang saglit kasama ang iba pang guard ng bahay habang
wala pa si kuyang guard. Pumasok kasi sya sa loob. Maya-maya pa ay
lumabas si Andrei. “Aemie.” Nakangiti sya sa’kin habang hawak ang
cellphone nya sa kanang kamay.

“Hehehe hello!” Bati ko.

“Tara sa loob.” Nakangiting aya nya.

**
“Ang tagal mong hindi pumupunta dito ah, may nangyari ba?” Tanong nya
habang naglalakad kaming dalawa papasok ng bahay nila.

“Medyo naging busy lang ako sa office.” Pagdadahilan ko.

“Ahh.” Tumigil sya saglit at saka ngumiti sa’kin. “So kamusta naman?”
Tanong nya.

“Ahmm ayos naman, ikaw kamusta ka dito?” Tanong ko. “Pfft. Ayos lang
din.” Sagot nya. Mukha namang walang kakaiba sa mga kinikilos nya. Pero
imposib—“Gusto mo bang sumama mamaya? May party akong pupuntahan.” Pag-
aaya nya.

Hindi ko alam kung ‘oo’ o ‘hindi’ ang isasagot ko. Pag nag-oo ako baka
magalit si Zeke pag nalaman nya, pero mataas ang possibility na may
makuha akong impormasyon. Pag ‘hindi’ naman—

“Saglit lang naman ‘yung party.” Nakangiting saad nya. “It’s actually an
engagement party.” Sabi nya. For unknown reason, biglang bumilis ang
tibok ng puso ko. This will be the first time na a-attend ako ng isang
engagement party.

***

Milka Shinize’s PoV


Tahimik akong naglakad papasok ng mansion ng mga Lestrange. “Kanina pa
kita hinahantay.” Hindi ako makatingin kay Phoenix dahil paulit-ulit na
nagpe-play sa utak ko ‘yung tinanong ni kuya Vash sa’kin kahapon. “Anong
problema?” Natigilan din ako sa paglalakad nung tumigil si Phoenix. “Huh?
W-wala.”

“Tss.” We started walking again. “A-Anong meron, bakit ako pinatawag?”


Tanong ko.

“Malay.” Tipid na sagot nya.

Tinignan ko si Phoenix nung tumigil kami sa paglalakad. Matagal ko ng


iniisip kung kakampi ba namin sya nila kuya Ezekiel o hindi. Basta ang
alam ko lang sumusunod sya sa mga inuutos nila tita Alyana.

Pumasok kami sa isang kwarto. “Dito na lang muna tayo.” Madami-dami na


din ang mga taong nandito pero wala akong kilala ni isa maliban kay
Phoenix. “Shin Hamilton ikaw ang magbigay ng mga invitations.” Iniabot sa
akin ng isang babae ang isang box na puno ng invitations.

Shin Hamilton ang alam nilang pangalan ko dahil ‘yun ang nakalagay sa
birth certificate ko. “Okay. ‘Yun lang ba?” I asked. But I’m wondering
kung invitation ‘to para sa anong okasyon?

“Yes, may listahan na dyan kung kanino mo dadalhin ang mga invitations.”
Sabi nung babae. “Okay.” I answered back.

I started moving out nung makasalubong ko ang babaeng dahilan kung bakit
ako nandito. “Hey Shin.” She kissed me on my left cheek as if we’re
close. Maybe she’s in good mood. Pero ano kaya ang dahilan? Mas ayos na
‘to kaysa naman sa ugali nya pag wala sya sa mood. I really hate her.
Hindi ko alam kung

-Flashback- (From chapter 8, with continuation)

‘Kuya Vash?’ I said to myself. ‘What is he doing here?’ Nakatago ako sa


likod ng isang sasakyan, almost 10 meters away from where he is. But I
can’t be wrong.

May hawak si kuya pero hindi ko alam kung ano, it’s an attache case. Si
kuya Vash nakikipag-transact sa mga hindi ko kakilalang lalaki.

I was about to leave nung may maramdaman akong matigas na bahay na


nakatutok right behind mu head. “Where do you think you’re going little
rat?” My eyes widened. Hindi ko pa man nililingon kung sino yun
kinakabahan na ako. Boses ng babae ang nagsalita.

Nanlambot ang tuhod ko dahil hanggang sa makaharap ako ay naka-tutok pa


din ang barik nya sa’kin. “Dalhin nyo sya doon.” Utos nya sa dalawa pang
kasama nyang lalaki na hindi ko din kilala.

Hiniklat nung isang lalaki ang kaliwang braso ko. Halos makaladkad ako sa
higpit ng pagkaka-hawak at bilis ng paglalakad naming.

Natatakot akong magsalita dahil may naka-tutok na baril sa likod ng ulo


ko at maging sa may bandang mukha ko. Pero mas lalo akong natatakot sa
sasabihin ni kuya Vash sa’kin pag nakita nya ako.
“We have a new member here.” Pagkabanggit na pagkabanggit nung babae nun
ay lumingon sa gawi ko si kuya Vash pati ang mga kasama nyang lalaki.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumungo. Tama ba ‘yung nadinig ko?
New member?

**

“So what’s your name bitch?” Tanong nung babae. Ganito ba sila mag-
welcome dito. Or rather, am I really one of them?

I am sitting on a chair and she’s standing in front of me with her arms


crossed. “Shin Hamilton.” I replied.

“Verify her identity.” Utos nya sa isang lalaki. She smiled at me and
offer her hand to shake. “I am Satana Beatrix Lestrange. It’s not so nice
to meet you.” She said with her lips smiling like an evil witch.

‘It’s not so nice to meet you too’ I answered at the back of my head and
offered my hand to shake.

-End of Flashback-

“Are you leaving already?” Tanong ni Satana. “Sana, I still need to


distribute these.” I looked at the box of invitations I am holding bago
ko sya tinignan ulit. “Oh I see.” She giggled.
“Samahan na kita?” I paused when I heard Phoenix.

“Wag na!” I said at saka mabilis na tumakbo palabas.

Habol-habol ko ang paghinga ko nung tumigil ako sa pagtakbo. Inilapag ko


muna saglit ang box na hawak ko. “Ang bilis ng tibok ng puso ko.” I
whispered.

“Bakit ka ba kasi tumatakbo?”

Yeah right, why am I running away—“Phoenix?” I uttered. Dahan-dahan akong


humarap sa kanya to check if tama ang pagkakakilanlan ko sa boses ng
lalaking nagsalita sa likurad ko. And I was right. He’s looking at me
straight into the eyes.

“Tss. Tara na nga.” He said and grabbed the box.

***

Sierra Valentine’s PoV (Mr. Roswell’s Secretary)

“Who is she?” I asked when I saw a lady in a white long sleeves top and a
black pencil-cutted skirt. “Ah sya ‘yung nakuhang secretary ni Ms.
Aemie.” One of the girls replied. “May secretary si Ms. Aemie?” I started
wondering.

“Yes, hindi na din daw kasi palaging makakapunta dito sa opisina si Ms.
Aemie kaya kumuha ng secretary.”

-Flashback-

“Do I really have to apply as a secretary?” I asked. I am managing my own


business in U.S and yet I will be here just to apply for the position of
a secretary?

“You have no choice, this is an order Ms. Valentine. Hindi mo sila


mababantayan kung hindi ka mag-a-apply na secretary.”

“Fine.” Anyway, it doesn’t matter. Mukha namang enjoy din ang gagawin ko.

“I’m keeping your words. Once you betrayed me, you know what will
happen.” She smirked and headed her way out of the coffee shop.

I guess I really have no choice.

-End of Flashback-
I really have no choice but to keep an eye on both of them. Hindi lang
sila, pati na din ang mga company ng Ferrer, Roswell at Heartily. This is
too much, but honestly, I’m enjoying it.

Nothing suspicious happened. Not until today.

Sino naman kaya ang babaeng ‘to na bagong secretary ‘daw’. I looked at
her from head to toe while walking to greet her. “Hi. You are Miss...” I
said.

“I am Sapphire Griffin.”

“Nice meeting you Ms. Griffin. I’m Sierra Valentine.”

“Same.” She answered.

We both entered the CEO’s office. Since secretary ako ni Mr. Roswell, at
secretary sya ni Ms. Aemie, I should get along with her dahil mukhang
matagal-tagal ko syang makakasama dito.“So... naiayos mo na pala mga
gamit mo dito.” I said habang tinitignan ang bagong table na nakalagay sa
loob ng office.

“Yes, yes. I moved in this morning.” She said with a little smile. Okay.

I sat down to scan the papers on my table. I think, this isn’t the right
time to chat with her because I have loads of things to do.
I stopped nung bumukas ang pinto. “Are you my secretary?” Ms. Aemie
entered the door so I automatically stood up to greet her. “Good
afternoon Ms. Aemie.”

“Yes Ms.—“

“Good. I will not be here later kaya paki-email na lang sa’kin mga
kailangan kong gawin na trabaho okay?” She said. “And Ms. Valentine, may
naka-schedule ba si Zeke na meeting or any work-related na kailangan
nyang attendan tonight?” She asked.

Kinuha ko agad ang listahan ng schedule ni Mr. Roswell to double check.


“No Ma’am, he’s free all day.” I replied.

“Talaga?” She paused and started thinking. “Yes po, pina-cancel po nya
lahat ng meetings nya for today Ms. Aemie.” I explained.

“Okay. I’m leaving.” She said and started to walk away. “Tawagan nyo agad
ako kapag may problema dito sa office.”

“Yes po.” I answered back.

**

Aemie’s PoV
Naka-ilang hikab na ako habang nanunuod ng Barbie at umiinom ng gatas.
Kanina ko pa nilalabanan ang antok ko. Hindi ako pwedeng makatulog dahil
kailangan ko pang pumunta ng party mamayang gabi. Feeling ko kasi kapag
natulog ako bukas na ako gigising. “You should take a nap wife.” Lumapit
si Zeke at umupo sa tabi ko.

“Hindi ako inaantok hehe.” Palusot ko. Kailangan ko magpakabait kay Zeke
ngayon para payagan akong umalis mamaya.

“Tss. You’re overstressing yourself.”

“Hindi ah. Hindi talaga ako inaantok. May kailangan kasi akong puntahan
mamaya.”

“Where to?”

“Meeting.” Sagot ko, saka ibinalik ang tingin sa T.V habang sinisipsip
ang straw ng gatas na iniinom ko. Pag kay Zeke ako tumingin paniguradong
mahuhuli nyang nagsisinungaling ako.

“What time?”

“8:00 o’clock.”
“Alright. I will accompany you.”

*Cough* *Cough* Napasobra ang inom ko nung magulat ako sa sinabi ni Zeke.
“Shit!” Mabilis naman na lumapit si Zeke at hinimas ang likod ko. “Should
I get some water?” Sumenyas ako gamit ang kamay ng ‘no need’ habang
patuloy pa din sa pag-ubo. Bakit ba kasi gusto pa nyang sumama eh ayoko
nga sya isama.

Akala ko okay na dahil hindi na nagtanong si Zeke pero nung tumigil ako
sa pag-ubo ay nagsalita ulit sya. “What’s wrong with this f*cking milk?”
Sabi nya habang kausap ang karton ng gatas na iniinom ko kanina. “We
better look for another brand of milk. I won’t let you drink again this
stuff.” Sabi nya kaya tinignan ko sya ng masama.

“Huwag mo akong umpisahan Ezekiel Roswell.” Sabi ko at saka ko inagaw sa


kanya ang gatas.

“Do not sip too much.” Paalala nya.

“Bakit ba marunong ka pa sa’kin?”

**

Sebastian’s PoV

“Ikaw Lee, kamusta na kayo ni Fauzia?” Nakangising tanong ko kay Lee.


Mag-aalas singko pa lang ng hapon at dahil wala kaming magawang apat ay
naisipan naming mag-inuman. “May pupuntahan si Clifford at Klein kaya
hindi daw sila makakasali dito.” Sabi ni Lampe. Sinubukan nya kasing
ayain ulit sila Spade at Tristan.

“Woo puro trabaho, puro trabaho.” Sabi ko at saka lumagok ng alak. “Hoy
Lee, ano na?” Tanong ko ulit. Lahat kami ay tumingin kay Lee. Sunud-sunod
nyang nilagok ang isang bote ng alak na hawak nya. “Aba naman ‘tol dahan-
dahan sa pag-inom gusto mo bang magpakamatay? Babarilin na lang kita.”
Pagbibiro ni Lampe.

“Uyy concern si baby Lampe, selos ako awts.” Biro ko.

“Gago.”

“Gwapo ‘tol, gwapo.” Pagtatama ko. Pfft.

“Si Fauzia...” Tumahimik kaming lahat nung mag-umpisang magsalita si Lee.


Bihira din naman kaming mag-usap ng seryoso. Ngayon pa nga lang din ang
unang beses na magkakausap-usap kami ng tungkol sa mga ganitong bagay.
“Hindi ko nga din alam kung anong meron kay Fauzia. Amf.” Kumamot ng ulo
si Lee at saka ulit lumagok ng alak. “Basta alam ko lang masaya ako pag
kasama si Fauzia, tapos ang kwento.” Saad ni Lee.

Tama nga si Miss Aemie, torpe nga si gago.

“Tinamaan nga yata ‘tong gagong ‘to.” Singit ni Boul na kanina pa


nananahimik. Bigla tuloy sumagi sa isip ko si Caileigh Ferrer.
“Pfft. Hahahaha.” Hindi ko mapigilang matawa. Lahat kasi yata sila may
problema sa pag-ibig, buti na lang ako kuntento ng gwapo.

“Ikaw Lerwick, pinopormahan mo ba kapatid ko?” Tinignan ako ng masama ni


Boul kaya mas lalo akong natawa. “Si Shin? Pfft. Ang bata-bata ng kapatid
mo eh.” Sabi ko. Cute si Shin at aaminin ko nag-eenjoy akong asarin sya
kasi para syang si Mei.

Ang sungit-sungit lagi. Pfft. “Eh ang kapatid ko?” Tanong ni Lampe.

“Si Mei? May boypren ‘tol.” Sagot ko at saka uminom ng alak.

“Buti na lang wala akong kapatid.” Singit nung gagong si Lee. “Sinabi mo
pa, tirador ng mga kapatid na babae ‘tong si Lerwick eh.” Dagdag pa ni
Lampe.

“Asus, selos ka naman baby Lampe?”

“Wag mong ibahin ang usapan ‘tol. Kung walang boyfriend ang kapatid ko
liligawan mo ba?” Diretsong tanong ni Lampe.

Natahimik ako bigla. Hindi dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong
sumagot dahil ayokong madinig ang mga sasabihin nila. “Hindi din ‘tol.”
Pagsisinungaling ko, at saka ako uminom ng alak.
Unang beses ko pa lang nakilala si Mei alam ko sa sarili kong gusto ko
na. Kaso amputspa! May boypren. Gwapo ako, pero hindi ako marunong manira
ng relasyon. Mas mabuting sarilinin ko na lang.

“Ikaw Lampe, akala ko ba gwapo ka. Bakit parang wala pa ding nalilinlang
‘yang pinagmamalaki mong kagwapuhan na ‘yan.” Sabi ni Lee.

“Sus! Ayoko lang magpaiyak ng babae kaya wala pa akong sinasagot.”

“Gago.”

“Ulul.”

“Mabalik tayo sa’yo Lerwick, paano kung maghiwalay ang kapatid ko at si


Klein.”

Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanila. Takte! Makapasok na


nga lang muna sa loob. Masisiraan yata ako ng ulo ng sa mga tanong nila.
“Oy Lerwick! Saan ka pupunta?!” Hiyaw ni Lee.

“May kukunin lang ako sa loob.” Palusot ko. Amputs! Bakit ba kasi nasali
si Mei sausapan.

“Nilagok ko ang natitirang alak sa bote ng alak na hawak ko at saka


ipinatong sa nadaanan kong bench ang bote. “Aish! Kailangan ko yatang
uminom ng malamig na tubig.” Bulong ko habang kinakamot ko ang buhok ko.
“Are you sure love?”

Napalingon ako sa gawing kaliwa nung madinig ko ang boses ni Mei.


Magkausap sila ni Klein. Pormadong-pormado sila Klein at Clifford. Saan
kaya lakad nitong mga ungas na ‘to.

“Oo, tatawagan agad kita kapag nandoon na ako.”

Dinukot ko ang earphones sa bulsa ko at ikinabit sa cellphone at saka ko


isinuot sa dalawang tenga ko dahil mukhang alam ko na ang mga susunod na
eksena nitong paalaman na ‘to nila Mei.

“Sige. Ingat kayo ha.” Paalala ni Mei.

“Sure thing. I love you.”

“I love—“

Hindi ko na nadinig ang mga sunod na sinabi ni Mei dahil pinindot ko na


ang play button ng music player. Amputs! Nahahawa yata ako sa kasentihan
nung tatlong gago.

Nag-umpisa na ulit akong maglakad papuntang kusina para uminom ng malamig


na tubig.
Inalis ko agad sa magkabilang tenga ko ang earphones nung may humablot sa
balikat ko. “Kanina pa kita tinatawag Sebastian.”

“Miss Aemie.” Gulat na gulat ako dahil nakapamewang sya ngayon sa harap
ko. “Samahan nyo kong dalawa ni Meisha.”

Lumipat ang tingin ko sa katabi nya. “Yo Mei.” Binati ko sya pero umiwas
na naman ng tingin si Mei. Aish! “Saan lakad natin Miss Aemie?” Tanong ko
nung maibalik ko ang tingin ko kay Miss Aemie.

“Sa party.” Nakangiting saad ni Miss Aemie.

“Party?” Nagkatinginan kaming dalawa ni Meisha, mukhang nagulat din sya


sa sinabi ni Miss Aemie, so ibig sabihin ngayon lang din sya nainform
tungkol dito.

Pero amputs! Mapapalaban yata ako dito sa dalawang ‘to ah.

Tinignan ko silang dalawa na parehas nakapamewang. Wooo syet! Parehas


mabangis!

“Oo pero mamaya pa naman.” Sagot ni Miss Aemie. “At ‘wag nyong sasabihin
kahit kanino.” Paalala nya. Ano naman kayang meron sa party na ‘yun?
“Meisha, pakibantayan si Sebastian ha. May pagka-tsismoso pa naman ‘yan.
Baka mamaya ikwento agad kay Zeke.” Dagdag pa nya. Takte! ‘Tong gandang
lalaki kong ‘to tsismoso? Walanjo!
“Sige Miss Aemie.” Sagot naman ni Mei.

“Wife.”

“Zeke, anong ginagawa mo dito? Sabi ko babalik din agad ako sa taas ah.”

“You’re taking too long so I followed you.” Lumapit si bossing at saka


yumakap kay Miss Aemie. Takte! Kailangan ba dito pa silang dalawa
maglambingan? Ayo slang sana kung wala si Mei eh. Vivideohan ko pa silang
dalawa.

“Ito kasing si Sebastian eh, kukuha ako ng pagkain dinadaldal ako.”


Tinignan ako ng masama ni Miss Aemie kaya wala akong ibang nagawa kung
hindi akuin ang lahat.

“Sensya na Bossing, may tinatanong lang ako kay Miss Aemie.” Napakamot na
lang ako ng ulo. Hindi ko din alam kung anong idadahilan ko. Nasan ba
kasi ‘yung gagong si Boul, sya dapat an nandito eh.

“Lerwick.” I gulped nung tawagin ako ni Bossing. ‘Yang mga tono pa lang
na ganyan ni bossing gusto ko ng maglaho na parang bula.

“Hayaan mo na dong, tulungan mo na lang akong kumuha ng mga pagkain.”


Hinila na ni Miss Aemie si Bossing papunta sa may ref kaya nakahinga ako
ng maluwag.
“Balak mo bang mag-stay dito hanggang mamaya?” Tanong sa’kin ni Mei.
Iinom pa ako ng tubig pero—nung lingunin ko ay nakatingin ng masama
sa’kin si Miss Aemie kaya. “Haha tara sa labas.” Aya ko kay Mei.

Takte! Bakit ba puro mababangis ang mga kasama ko.

**

Aemie’s PoV

“What were you talking about?” Tanong ni Zeke. Patuloy lang ako sa
paghihiwa ng mga kamatis at pipino.

“Ahh may tinatanong lang sa’kin si Sebastian.”

“Will you stop fooling around wife?” Nagulat ako dahil biglang nag-iba
ang tono ni Zeke. Feeling ko lang ba ‘yun? O talagang galit sya sa’kin?
“Sorry.” Tumungo ako kaya mas lalo kong naramdaman ang mga luha na
malapit ng tumulo mula sa mga mata ko. Grabe!

“N-nagpapasama kasi ako sa kanila mamaya.” Sinabi ko na din kay Zeke ang
totoong dahilan at saka itinuloy ang ginagawa ko bago pa ako tuluyang
maiyak.

Naramdaman ko na lang ang yakap ni Zeke mula sa likod ko. Mas lalo yata
akong naiiyak nung yumakap sya. “I’m sorry. I just feel bad when you keep
on telling lies.” Iniharap ako ni Zeke sa kanya at saka nya pinunasan ang
mga luha ko.
Ayokong gumawa ulit sya ng mga bagay na ikakapahamak nya.Sorry din Zeke,
pero hindi ko talaga pwedeng sabihin sa’yo lahat ng gagawin ko.

Hindi pa muna sa ngayon.

“I will accompany you on the party. And that’s final.” Sabi nya.

Nginitian ko na lang sya at saka nagpatuloy sa ginagawa ko.

‘Sorry.’ Sabi ko sa isip.

**

A/N :

Hi guys! Out na po ang MHIAMB Volume 3 sa market :) P195 po sya same with
volumes 1 and 2. Yay! Bili kayo ha?

Sa mga nagtatanong ng official group ito po -


>https://www.facebook.com/groups/mhiambOFFICIAL/

=================

Chapter 22

Louie’s PoV
“Lumayas-layas ka nga sa harapan ko Birkins.”

“Momo naman eh.”

“Isa.”

“Momo, ano bang nangyayari sa’yo?”

“Ano bang pakialam mo?”

“Mo—“

“Layas!”

“Ayos lang sana kung ako lang pinapalayas mo eh. Sanay na ako eh. Kaso
bakit pati ang pinsan mong si Aemie.” Tinalikuran ko na si Momo at
nagsimula ng maglakad palayo.

“Wala kang alam Birkins. Kaya ‘wag mo kong pagsalitaan na parang alam mo
lahat ng nararamdaman ko.”

“Psh. Alis na ako.” Paalam ko.


“Louie.” Huminto ako saglit nung tawagin ako ni Momo. Hinarap ko sya
para tignan. Umiiyak si Momo. Kaya imbis na umalis ay nilapitan ko sya.

**

Aemie’s PoV

“Omygodddd!” Mabilis akong bumangon nung maalimpungatan ako. “Anong oras


na?” Tarantang-taranta na ako, idagdag mo pa ang feeling nung lumingon
ako sa bintana. Madilim na kaya malamang gabi na.

Wala pa naman akong cellphone kaya hindi ko ma-cocontact si Andrei.


Nagmadali na akong maligo at magbihis. Nagdala din ako ng mga susuotin na
damit at wigs namin nila Meisha at Sebastian para hindi kami makilala
nung ibang mga guests.

Bahala na kung hindi ako payagan ni Zeke pero kailangan ko talaga umalis.

Pagkababa ko ng hagdan ay inikot ko agad ang tingin ko para hanapin si


Zeke.

“Aemie. Umalis si Mr. Roswell kani-kanina lang.” Ani ni Kaizer.


“Umalis? Papaanong—“ umalis, eh ang sabi nya sa’kin sasamahan nya ako.

“Hindi ko din alam, may tumawag kanina sa kanya eh. Hinabilin nya lang na
sabihin sa’yo nab aka gabihin na daw sya ng uwi. At...”

Gagabihin ng uwi si Zeke? Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi ni


Kaizer pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pakiramdam ko hindi
maganda ang mangyayari. Pero dapat matuwa ako diba? Kasi makakatakas ako—

“...wag ka daw aalis sabi ni Mr. Roswell.”

“Ano?!” Gulat na tanong ko. Tinaasan ko agad ng kilay si Kaizer dahil


hindi ko maiwasang hindi mainis sa sinabi nya. Naplano ko na lahat ng
gagawin ko tapos—“Whoa! Teka! Kumalma ka Aemie.” Sabi nya sabay atras.
“Sige ganito na lang. Papayagan kitang umalis basta sasama ako.” Sabi
nya.

“At bakit kita susundin?” Asar na tanong ko.

“Anak ng tinola! Ang hirap naman nito.” Bulong nya habang nagkakamot ng
ulo.

“Si Sebastian at Meisha ang isasama ko. Okay na ba ‘yun?” Tanong ko.
Mabilis na humarap sa’kin si Kaizer at nag-okay sign sabay sabing “Ayos!
Basta babalik kayo agad bago bumalik si Mr. Roswell.” Sabi nya. Ngumiti
ako at saka tumalikod sa kanya para umalis.
Bakit kaya biglang umalis si Zeke? Akala ko talaga—“Ano ba! Amina nga
‘yan! Pakialamero ka talagang panget ka!” Sinundan ko ng tingin si Milka
na tumatakbo at hinahabol si Sebastian.

“Amina sabi ‘yan!”

Anong meron dun sa box na ‘yun?

“Hahahaha sure, basta ba aagawin mo sa’kin eh.”

Pinulot ko ‘yung isang papel na nahulog mula dun sa box na itinakbo ni


Sebastian.

Wedding Invitation

“Sebastian. Tama na ‘yan. Magbihis ka na.” Pagkasabi ko nun ay iniabot ko


sa kanya ang paper bag na hawak ko. Kinuha ko din ang dapat na susuotin
ko at ni Meisha at saka iniabot kay Meisha.

**

*door knocks*
“Come in.” Nasa loob ako ng kwarto namin ni Zeke at inaayos ang wig na
suot-suot ko. Hindi na din naman namin kailangan sa ibang lugar pa
magbihis dahil wala naman dito si Zeke.

“Miss Aemie it’s already 6 in the evening.” Paalala ni Meisha.

“Sige susunod na ako, tatapusin ko lang ‘to.” Sagot ko.

Huminga ako ng malalim at humawak sa dibdib. Hindi ko talaga maiwasang


hindi kabahan pag naiisip ko si Zeke. Ipinatong ko ang suklay na hawak ko
sa ibabaw ng table at—

Wedding invitation

Mabilis kong binuksan ang wedding invitation. Ibabalik ko sana ‘to kay
Milka but the weird thing is, parang may nag-uudyok sa’kin na buksan ko
‘to.

Ezekiel Roswell and Satana Beatrix Lestrange Nuptial.

“Bakit?”

Kasal na kami ni Zeke ah.


Don’t tell me, ‘yung engagement party na pupuntahan namin—wait, alam ba
ni Zeke ang tungkol dito? Because if he knows, hindi nya sasabihin sa’kin
na sasamahan nya ako.

-Flashback-

“Zeke kung inaantok ka matulog ka na, hindi ako inaantok.” Kailangan kong
manatiling gising hanggang mamaya. Ayokong ma-late. Baka may clues or
hints doon sa engagement party dahil involve si Andrei.

“I can arrange for another meeting. So please, let’s just sleep. I’m
freaking tired.”

“Halata nga.” Kanina pa sya pipikit-pikit eh. “Wala ka bang pupuntahan?


Meeting? Works?”

“I cancelled them all. I just want to sleep for the rest of the day.”
Sagot nya habang nakapikit na.

“Dong may tumatawag sa’yo.” Sabi ko habang nakatingin sa phone nya na


nagva-vibrate. Kanina pa din ‘yan.

“It’s Satana. Don’t mind her.”

“Tinatawagan ka nya ulit para saan?”


“I don’t know. Maybe for dinner? Or shopping.”

“Hahahaha. Nagsha-shopping kayong dalawa?”

“Stop laughing wife, you don’t know how sick I am when I’m with her.”

“Bakit hindi mo na lang layuan.” Hindi ko din naman nage-gets ang sense
kung bakit kailangan pa ni Zeke magpanggap na boyfriend ni Satana.

“You know I can’t.”

“Bakit nga?” Tanong ko ulit.

“Because I love you.”

-End of Flashback-

“Mas mahal kita Zeke.” Nakangiting sabi ko at saka sinunog ang wedding
invitation.

**
Sebastian’s PoV

“Pfft. Hahahaha ‘tol bagay sa’yo ang porma mo ngayon.” Pang-aasar ni Lee.

“Saang circus ba pupuntahan nyo? Pfft. Wengya!” Dugtong ni Lampe.

“Shut up Max.” Saway ni Mei.

Aish! Sa dinami-dami naman kasi ng pwedeng isuot bakit naman ganito pa


natripan ni Miss Aemie. Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa itsura
ko ngayon eh.

“Magbihis kayong lahat.”

Sabay-sabay kaming napatingin sa gawi ni Miss Aemie. Nakasuot sya ng


light brown na curly wig at black dress. Sa sobrang kapal at fierce ng
make-up na nasa mukha nya ay hindi mo aakalaing sya si Miss Aemie. Nasa
pinakataas sya ng hagdaan at nakatingin saming lahat. “Sasama kayong
lahat sa pupuntahan ko. You have 10 minutes to fix yourselves, after that
bumalik kayo dito.”

Saglit kaming nagkatinginan lahat dahil sa bilis ng mga pangyayari.


Kanina lang pinagtatawanan nila ang suot ko ngayon—“Bilis ng mga karma
mga ‘tol no?” I smirked at them.
“Make sure na hindi kayo makikilala sa mga susuoting nyo.” Paalala ni
Miss Aemie, tumango naman ang lahat bago sila nagsialisan.

Ibinagsak ko ang katawan ko paupo sa mahabang sofa. Si Meisha ay naupo


din sa isang upuan malapit sa’kin. Si Miss Aemie naman ay naglalakad
pababa ng hagdan at palapit sa kinaroroonan namin. Mei gave me a
questioning look and I have nothing to do but to shrug. Hindi ko din kasi
alam kung bakit lahat kasama na.

“Miss Aemie I thought kami lang dalawa ni Lerwick ang kasama..”

Tinignan ko si Mei dahil hindi na nya napigilang magtanong.

Umupo si Miss Aemie sa isang upuan pero hindi sya nagsalita. Mukhang
occupied din ang isip nya kaya hindi nya napansing nagtanong si Mei.

Ilang minuto pa ang lumipas nung sinulyapan ko si Mei na nananatiling


tahimik. Amputs! Bakit ang ganda nya sa suot nya. Mukha syang foreigner
sa blonde na buhok at—“Get your guns.” Utos ni Miss Aemie. Nung inilibot
ko ang tingin ay hindi ko napansing nandito na pala ang lahat. Pucha!

Binunot ko ang baril ko na kanina pa nasa gun pocket ko. Ready to lagi
mga tsong!

“Okay so ito ang gagawin mga gagawin nyo...” Kinuha ni Miss Aemie ang
isang papel na may naka-print na mapa. “Ito ang mapa na paggaganapan ng
engagement party.” Pinagpasa-pasahan namin ang printed map para tignan.
“Lahat ng information ng mga guests kailangan nyong kuhanin, even the
sponsors, all the names involved.”

“Tatapusin ba lahat ng nandoon?” Naka-smirk na tanong ni Lampe sabay kasa


ng baril nya. Yabang talaga nitong gagong ‘to.

“No, baka makagulo tayo sa mga plano ni Zeke pag ginawa natin ‘yun. Sa
ngayon all we need is information.” Sagot ni Miss Aemie. “I know he’s
planning something na hindi natin alam.” Tahimik kaming lahat at nag-
aantay lamang ng mga susunod na sasabihin ni Miss Aemie. “Kilala nyo si
Zeke, mas gusto nyang kumikilos mag-isa.” Tama si Miss Aemie. Bihira lang
humingi ng tulong si bossing.

**

Aemie’s PoV

Bago pa makapasok ng hotel ay sumalubong na sa’ming dalawa ni Andrei ang


malaking tarpaulin na may nakasulat na Ezekiel Roswell and Satana Beatrix
Lestrange Engagement Party.

Tahimik kaming dalawa na naglakad papasok ng hotel at naupo sa dalawang


upuan ng isang maliit na round table.

Bonggang-bongga pa talaga ‘tong party na ‘to. Bakit kami ni Zeke noon


walang engagement party?
“You’re not surprised?”

Ibinaling ko ang tingin ko kay Andrei na nakatitig sa’kin. “May dapat ba


akong ika-surprise?” Tanong ko sa kanya. Alam ko na naman kanina pa na
engagement party ‘to ni Zeke at Satana.

“Pftt. Akala ko lang kasi ‘diba?”

“Alam mong engagement party ni Ezekiel Roswell ang pupuntahan natin. Alam
mo ding sya ‘yung lalaking tinitignan ko sa restaurant...” Bakit hindi
nya sinabi sa’kin kanina pa na si Zeke pala ang ikakasal?

“Uhm oo hahaha. Ayokong sabihin kasi baka masaktan ka, dahil boyfriend mo
‘yung ikakasal.”

“Hindi nakakapagtaka ‘yun. Pero ang nakakapagtaka ay ikaw. What’s your


relationship with him? Bakit invited ka dito?” Diretsong tanong ko.

“Andrei! I thought hindi ka makakapunta.” Sabay kaming lumingon ni Andrei


sa dumating at sumingit sa usapan naming dalawa. Si Zeke, kasama ‘yung
Satana. Bakit bigla akong nainis? Gusto kong agawin ‘yung wine na hawak
ni Satana at ipalunok sa kanya ng buo ‘yung baso.

At talagang nakahawak pa sya sa braso ni Zeke huh.


Umupo silang dalawa ni Zeke sa round table na kinaroroonan namin ni
Andrei. Maliit lang ‘tong table. Saktong-sakto lang para saming apat. At

“Girlfriend mo ba sya?” Tanong ni Satana. At mukhang hindi nya ako


nakilala dahil sa itsura ko ngayon. Pero mas okay na ‘yun. Umiwas ako ng
tingin nung mapansin kong nakatitig sa’kin si Zeke. Nakikilala nya ba
ako?

“Pfft. Hahaha what do you think?” Tanong ni Andrei sabay akbay sa’kin
kaya napatingin ako sa kanya.

“She looks pretty.” Nakangiting sagot ni Satana at saka ibinalik ang


tingin nya kay Andrei “Mind introducing me to your girlfriend?”

“Oh she’s A—“

“Amelia.” Pagpapakilala ko, at saka binigyan ng ngiti si Satana.


Sinulyapan ko si Andrei kung aangal sya pero hindi sya kumibo kahit ibang
pangalan ang ipinakilala ko.“What a wonderful name. And ohh before I
forgot, he’s my fiancé... Ezekiel Roswell.” Pagpapakilala ni Satana.

“Good to see you Mr. Roswell.”

“Yeah.” Sagot ni Zeke. Napalunok ako nung makita kong matatalim ang
tingin nya sa’ming dalawa ni Andrei.

“You know what? Matagal na kaming friends ni Andrei at ngayon ko lang


nalaman na may girlfriend sya.” Sabi ni Satana saka humigop ng wine nya.
Kahit naman ako, ngayon ko lang nalaman na may girlfriend sya, at ako pa
talaga ang ipinakilala nyang girlfriend. “How long are you together?”
Tanong ni Zeke kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. Bakit ba ganyan ang
mga tanong nya. Sya ang nagpauso nitong mga ganitong actingan tapos
magtatanong-tanong sya ng ganyan. Hayy!

“We’ve been in a relationship for a month.” Sagot ko at saka nginitian si


Satana.

“Is that so?”

“Yes, do you have a problem with that?”

“Babe.” Yung tono ng pagkakabanggit ni Satana ng babe ay halatang


pinipigilan nya si Zeke magsalita. “Don’t mind him Amelia, talagang
masungit sya minsan.” Paliwanag sa’kin ni Satana.

“Alam ko.” Na-realize ko na lang na nasabi ko pala ng malakas ang dapat


ay sa isip ko lang isasagot nung nakatingin na sila sa’king tatlo. “I
mean, halata naman kasing masungit sya.” Natatawang palusot ko. Ito naman
kasi Zeke, kung makatingin parang ang laki-laki ng atraso ko sa kanya. Eh
sya nga ‘tong nasa engagement party.

“Yah. But he’s kind though.” Natatawa ding sagot ni Satana. Ihiniga nya
ang ulo nya sa balikat ni Zeke kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko ma-
explain ang nafi-feel ko, last time naman nung magkita kami sa restaurant
hindi naman ako nakaramdam ng ganito.
At paano naman nya nalaman na mabait si Zeke? “So kalian ang kasal?”
Tanong ni Andrei kaya nilingon ko sya.

Anong kasal ang sinasabi nito eh kasal na kami ni Zeke kaya hindi
pwedeng—“Exactly 10 days from now.” Sagot ni Zeke.

Ano?!

Halos masamid ako sa sarili kong laway nung sya pa talaga mismo ang
sumagot. Akala ko ba boyfriend-girlfriend lang sila. At saka isa pa,
hindi pwedeng magpakasal si—“We’re getting married abroad. Hindi pa ba
nakakarating sa’yo ang wedding invitation Andrei?” Tanong ni Satana.

“Wait lang ha. Excuse me.” Paalam ko. At saka ako mabilis na tumayo at
lumayo sa kanila. Feeling ko hindi ko kakayanin pakinggan ang lahat ng
pinag-uusapan nila. Naglakad-lakad ako at hindi ko napansing nasa labas
na pala ako ng hotel kung saan may maliit na garden kaya naupo ako sa isa
sa mga bench.

Ano bang iniisip ni Zeke. Bakit sya magpapakasal kay Satana.

Pero paano sya magpapakasal, eh kasal kaming dalawa? Wala namang divorce
dito sa Pilipinas.

“It’s cold. You shouldn’t be here...Amelia” Naramdaman kong may nagpatong


sa balikat ko ng kung ano. Boses pa lang, alam ko ng si Zeke ang
nagsalita. Pati ang amoy ng pabango ng coat na nasa balikat ko.
Ngumiti ako at saka inalis ang coat nya sa balikat ko at iniabot ulit kay
Zeke. “Papasok na ako sa loob.” Paalam ko. “Thanks for your concern Mr.
Roswell.”

“Ae--Amelia. Aish! Akala ko umalis ka na.” Humahangos si Andrei nung


dumating. “Bakit bigla ka na lang umalis doon. Pfft. Muntik ko ng isiping
nagseselos ka.” Dugtong pa nya habang palapit sa’kin. “Oh Ezekiel,
hinahanap ka ni Satana.”

“Yeah.” Naglakad na si Zeke palayo, ako naman ay lumapit kay Andrei.

“Gusto mo na bang umuwi?” Puno ng pag-aalala ang boses ni Andrei. Hindi


ko alam kung totoo ba ang pinapakita nya sa’kin o hindi. Kakilala nya si
Satana, pero itinago nya sa’kin ang totoo. Bakit? Ano ang dahilan?

Muli kong sinulyapan si Zeke na naglalakad palayo sa’ming dalawa.

Anong iniisip mo Zeke?

**

Satana’s PoV

“You’re good.”
“I know Grethel. Akala ba nya mapapaikot nya ako? Alam kong ginagamit nya
lang ako para makakuha ng information tungkol kay Alyana Heartily Ferrer
at Eiji Ferrer. No one can fool me.” I smirked. I just need a little
time.

“Plano mo talagang ituloy ang kasal?”

“Of course Von, of course.” Ezekiel will be mine soon. “Hindi naman ako
papayag sa deal na ‘to kung hindi ko makukuha ang gusto ko.”

“But we want him dead.” I eyed Terrence Von Knight. “Don’t dare kill him
idiot. I need him.” I stated.

**

Aemie’s PoV

“So magkakilala pala talaga sila.” Wika ko habang pinapanuod sila Satana,
Terrence at Grethel sa recorded na video na sinet-up ni Jacob Lee kanina.
Nakauwi na kaming lahat at nagtipon-tipon kami lahat dito sa salas para
mag-usap.

“Sino yang lalaking yan?” Tanong nila.

“He’s Terrence Von Knight. Isa sya sa humahawak ngayon ng Black


Organization.” Paliwanag ko. Nung malaman ko ang pangalan nung baliw na
si Terrence Von Knight ay gumawa na ako ng mga research tungkol sa kanya,
pati lahat ng kakayahan nya.

“Whoa! Seryoso ka ba dyan Aemie?” Gulat na gulat si Kaizer at hindi


makapaniwala.

“Shit! Ibig sabihin delikado tayong lahat.”

“Siguradong alam na ni Boss ang tungkol dito.”

Nakakasiguro din akong sila ang nangba-blackmail kay Zeke.

Ang black organization ay samahanna pinamumunuan ng walong


makapangyarihang Mafia Boss. At isa si Terrence Von Knight doon. Tago ang
mga identity ng mga kasali sa Black Organization kaya medyo nahirapan
akong alamin ang tungkol kay Terrence. At bukod sa kanya, hindi ko na
alam kung sino pa ang pito.

“Wala naman akong naiisip na nagawang atraso natin sa Black


Organization.” Sabi ni Sebastian.

“Bukod sa gwapo kong mukha, ano pa ba ikaiinggit nila sa’tin.” Dugtong ni


Kaizer.

“May possibility na na-threaten sila dahil nagkasundo ang Roswell at


Ferrer.” Tama, mataas ang chance. Hindi, ito talaga ang dahilan kaya nila
‘to ginagawa samin. Gusto nilang alisin ang Roswell at Yaji sa listahan
ng mga makapangyarihang Mafia.
“Aba nga naman! Akalain mong malalim pala pinaghuhugutan ng mga ‘yan.”

“Anong plano?” Tanong ni Vash.

“Makiki-ride tayo sa kanila/We will play along.”

Tumingin ako sa may pinto para tignan kung sino ‘yung kasabay kong
nagsalita. So ito ang ginagawa nya all this time. “Nagpe-pretend ka na
minamanipulate ka nila?” Tanong ko.

“Nosy wife. You figured it out too fast.” Nakangiting sagot ni Zeke. “I
had no choice but to play with them.” Sagot nya habang palapit sya.

“My wife’s right, black organization is responsible for what’s happening


today.” Tumigil si Zeke at umupo sa tabi ko. “They’ve been targeting us
because we are a threat to them.”So tama nga ang conclusion ko sa mga
nangyayari. “I don’t want to tell you this because I want you to look
innocent to them.”

“Kailangan kong makausap sila mommy Zeke.” Sabi ko.

Alam kong hindi totoong nakidnap sila mommy. At si Zeke ang nagplano
nitong lahat.
“Right away commander.”

Kanina ko lang din nalaman ang lahat.

“Tungkol kay insan...” Tumingin silang lahat sa’kin. Hinawakan din ni


Zeke ang kamay ko. Alam ko na din ngayon kung bakit ako nilalayuan ni
insan, at kung bakit ayaw ni Zeke sabihin sa’kin. “...alam ko ng hindi ko
sya totoong pinsan.”

-Flashback- (After makita ni Aemie ang wedding invitation)

Lumapit ako sa office table ni Zeke na nakalagay dito sa loob ng kwarto.


Madalas syang nandito. And sa tingin ko kung may itatago syang
importanteng bagay, dito nya sa kwarto itatago.

Isa-isa kong binuksan ang mga drawer hanggang sa matapat ako sa drawer na
naka-lock. Tinry kong hilahin ng mas may pwersa ang drawer pero ayaw
talaga.

Tumakbo ako palapit sa vanity table at saka kumuka ng isang maliit na


pin.

Pagkatapos ng ilang minuto, nabuksan ko din ang drawer. Brown envelope


lang ang nandito at wala ng iba.
You should see this.

– Alyana Heartily Ferrer.

“Omygod!”Napatakip ako ng bibig nung makita ko ang laman ng brown


envelope.

DNA test result ni insan.

At hindi ko sya totoong pinsan?

-End of Flashback-

“Whoa?”

“Paano nangyari ‘yun?”

“Sigurado ka ba dyan sa nalaman mo Miss Aemie?”

“Pero diba simula pagkabata magkasama na kayo?”

“I don’t get it.”


Tinignan ko si Zeke. Tulad nila, ‘yun din ‘yung mga tanong ko sa isip. At
sure akong si Zeke lang ang makakasagot. “Caileigh is your real cousin,
and Amesyl is...”

“Kapatid ni Andrei Lewis?” Tanong ko.

“Exactly. Miguel Romero switched them when they were young.”

**

Amesyl’s PoV

“Wala ka bang balak sagutin ang cellphone mo Momo? Kanina pa nagri-ring


‘yan.” Tanong ni Louie. “Ayoko.” Tipid na sagot ko. Hanggang ngayon hindi
pa din matanggap ng sistema ko ang lahat.

-Flashback-

“Ano bang gagawin nyo sa’kin?” Binigwasan ko ang isa sa mga lalaking
mahigpit na nakahawak sa braso ko.

“Amesyl.”
“Sino ka?” Tanong ko sa lalaking palapit sa’kin. Nakangiti sya kaya mas
lalo akong kinabahan. At ang nakapagtatakha doon, nakangiti sya pero
mukhang naiiyak sya. Bakla ba ‘tong isang to?

“Andrei Lewis, lil sister.”

Sister? Tama ba ‘yung nadinig ko. “Anong pinagsasasabi mo? Wala naman
akong kapatid.” Nag-iisa lang akong anak nila—

“Hindi ka totoong anak nila Sylvia at Alexander.”

Ano? Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. Naupo sya sa isang upuan.
Pinagmamasdan ko lang sya habang dumudukot ng isang piraso ng sigarilyo
at lighter. Hindi naman sya mukhang nagsisinungaling. Pero—“Anong
ginagawa ko dito? Bakit kailangan sa ganitong paraan mo pa ako kausapin.”

“Hindi ka naman kasi makikipag-usap sa’kin ng maayos. Matagal ka na


naming hinahanap.”

“Ayoko! Hindi totoo lahat ng sinasabi mo.” Tinalikuran ko sya at handa ng


umalis nung..“Wala ka ng babalikan. Si Caileigh Ferrer ang totoong pinsan
ni Aemie. Ipagsisiksikan mo pa ba ang sarili mo sa mga Ferrer?” Natigilan
ako dahil sa sinabi nya.

Si Caileigh ang totoong Amesyl Cross?


At kapatid ko ‘tong lalaking to?

-End of Flashback-

“Ikaw bahala momo.” Sabi ni Louie. Maghahatinggabi na pero hindi pa din


sya umaalis dito sa apartment. “Wala ka ba talagang balak kausapin si
Aemie?” Tanong nya.

“Hoy baklang betty boop! Tigilan mo nga ‘yang pagtatanong sa’kin. Hindi
ko alam. Gulung-gulo ako. Paano ko ipapaliwanag kay insan na hindi kami
magpinsan.” Kung ako sa sarili ko hindi ko din matanggap. Bakit ba hindi
na lang kasi kami naging magpinsan.

Pero tama si Andrei, sino nga ba ako para ipagsisikan ang sarili ko sa
mga Ferrer. Eh hindi naman nila ako kamag-anak.

“Pfft. Para namang hindi mo kilala si Aemie. Maiintindihan ka nun.”

***

Caileigh’s PoV

-Flashback- (Tanda nyo pa ‘yung Epilogue ng Season 1? So here it is :))


“Saan ka galing? I told you not to get out. Masyadong delikado.” I
exclaimed sa padabog na dumating na si Wallace. May hawak syang bote ng
alak sa kaliwang kamay at sigarilyo naman sa kabila.

“Ano bang paki mong babae ka? He killed Fiona!” Sigaw nya sakin pabalik.

“May tamang panahon Lionhart. Wag kang masyadong mag-madali” Phoenix


said, kakapasok nya lang sa loob nitong unit ko.

“Nakaka-tang*na na! Ilang bwan pa? Ilang bwan pa akong mag-aantay?”

“Hanggang makabalik sila kuya.” I said. “We’ll build a group, better than
the Swanseas, and stronger than Yaji and Roswells.” Pagpapatuloy ko.

-End of Flashback-

I can’t keep myself from smiling, with my tears falling. Ang stupid ko
kasi. I was so devastated that time. I tried to look for my real parents.

-Flashback-

I went to the orphanage na nasa files ni dad. Only to find out that my
real name is..“Andrea Lewis.” That’s according to the nun na
napagtanungan ko.
So that’s my real name. Lewis? It doesn’t sound familiar. But I think
nakita ko ‘yung name na ‘yun somewhere sa mga files ni dad.

-A week after-

“Anong kailangan mo?” Wallace asked. I have no idea kung kanino


magtatanong. I’m nahihiya din namang mag-ask sa iba.

“I—I am just wondering if do you someone whose surname is ‘Lewis’” I


asked.

-End of Flashback-

That’s how my communication with them begins. I really thought that I am


Andrea Lewis, only to find out that—I—I am the real Amesyl. My tears
falls like there’s no ending because...

I sacrificed a lot. Even my relationship with Vash.

Because I though I am one of their enemies.

But now, I am sure of what I am doing.


-Flashback-

“What do you want?” Ezekiel asked.

“Let me help you.” I stated.

“I don’t need a help from a traitor.” He smirked. And I am a hundred


precent sure that he want to blow my head right at this moment.

“I am serious. Please, I know I can help you. Gusto kong itama ‘yung mga
mali ko.”I cried.

“Do what you want.”

-End of Flashback

**

Aemie’s PoV

Nagpahinga muna kami saglit, ang ilan sa kanila ay umalis pa para


mangalap ng ibang impormasyon kaninang 10PM. Magtatatlong oras na din
halos mula nung umalis ‘yung iba. “You know what wife? You must be
sleeping by now.” Sinulyapan ko ang relo na nakasabit sa wall. 12:30AM
na. Ang sabi nga pala ng doctor bawal ako magpuyat pero huhuhu. “Mamaya
na ng konti, ngayon lang naman ako magpupuyat eh.” Sabi ko.

*glare*

*pout*

“Tss. Fine. But starting tomorrow I don’t want to see you sleeping late.”

“Aye aye! Matutulog agad ako ng 10PM” Masayang sagot ko.

“8:00 o’clock.”

“9PM?” Tawad ko. Grabe naman kasi ‘yung 8, ano ako elementary?

“8:30” Sabi nya.

Tinignan ko ng masama si Zeke. 30 minutes na lang hindi pa nya


pinalampas? Talagang 8:30 pa talaga ang gusto—“Fine 9:00 o’clock. No
more, no less.” Napayakap ako kay Zeke sa sobrang tuwa. Waaaa! Grabe
feeling ko binilhan ako ng isang box ng Barbie sa sobra tuwa. Ang babaw
huhuhu.
“Pfft. Crazy.” Niyakap din ako ni Zeke at hinalikan sa noo.

“Wooo lovebirds, di kami makapag-concentrate dito oh.”

Mabilis kong dinampot ‘yung baril na nakapatong sa center table nung


magsalita si Kaizer. Itong si Kaizer ang hilig talagang—“Whoa! Relax!
Wengya nagbibiro lang ako eh.” Tumakbo agad si Kaizer at nagtago sa likod
ng isang malaking banga.

“We’re back.” Umupo si guardian angel sa mahabang sofa sa tapat namin ni


Zeke, tumabi naman sa kanya si Jacob. Lagi silang dalawa ang magkasama.
“Ang tagal naman nila Mei.” Humihikab si Sebastian at mukhang inaantok
na. Isa pa ‘to si Sebastian, hindi ko alam kung si Milka ba ang gusto o
si Meisha. Pero ang sabi naman ni Zeke si Kaizer daw. Ang gulo tuloy
hayy!

-After few minutes-

“Everyone’s here?” Tanong ni Zeke. Inilibot ko ang tingin ko. Mukha naman
wala ng kulang.

Nandito sila Tristan, Spade, Meisha, Cassandra, Kaizer, Vash, Jacob,


Sebastian, Milka, Fauzia at kaming dalawa ni Zeke.

Tumango ang iba sa kanila at ang iba ay lumingon din. “Kumpleto na


bossing.” Sabi ni Sebastian.
“Like what my wife said, Black Organization is responsible for
blackmailing me. They are experts in manipulating people so beware.”

“May nakuha akong impormasyon na si Violet Swansea ay isa sa walong


leader ng Black Organization nung nabubuhay pa sya.” Saad ni Meisha.

Napaisip tuloy ako, kaya naman pala ang galing nyang umarte at pati si
daddy namanipula nya. “Edi ibig sabihin 7 na lang sila ngayon?”
nagtatakhang tanong ko.

“No. She had replaced by Terrence Von Knight.”

“Ibig sabihin bago lang ‘yung abnormal na ‘yun?” Tanong ko.

“Yeah. That explains why he’s dumb.” Walang-ganang sagot ni Zeke. Kumunot
ang noo ko dahil sa sinabi ni Zeke hanggang sa magsalita sya ulit. “They
have no idea that I know everything.” Nakangiting sabi ni Zeke. “Ang
tungkol sa Black Organization?” Tanong ko.

“And all their plans.” Nakangiting sagot nya kaya tinaasan ko sya ng
kilay. “What? Hahaha. Stop staring like you want to eat me wife.”

“Ayan ka naman eh. Hindi mo sinasabi sa’kin.” Sabi ko. Wala na nagtatampo
na ako. Gulong-gulo na ako dahil sa sinabi sa’kin nung baliw na si
Terrence tapos sasabihin nya alam nya din—teka—alam nya ba talaga ang
tungkol dun?
“Alam mo ba talaga ang tungkol sa pagkikita namin?” Nagtatakhang tanong
ko. Akala ko kasi nagjo-joke lang sya nung nagfi-feeling BDO sya.

“Yeah.”

“Papaano—“

“I’m stalking you. Pfft.”

“Anong pagkikita yan? Whoa Aemie nangangaliwa ka?” Tinignan ko agad ng


masama si Kaizer. “Palibhasa walang napatol sa’yo.” Inis na sabi ko.
Nakakainis na ‘to si Kaizer ah. Paano kung maniwala si Zeke sa sinasabi
nya? Medyo tanga pa naman minsan ‘to.

“Meron ah. Diba baby Lerwick?” Hinimas pa nya ang likod ni Sebastian.
“Ulul.” Hiyaw sa kanya ni Sebastian.

“Yuck mga bakla.” Natawa ako sa tono ng pagkakasabi ni Milka. Mas lalo
tuloy namula si Sebastian. Pero teka—“Paano nga dong?” Tanong ko ulit.

“Blood is helping me. As well as Caileigh Ferrer and what the hell is
that asshole name? Uhh—I guess its Phoenix Strife.”

“Si P-Phoenix?” Tanong ni Milka.


“Si Cai?” Sabay kaming dalawa ni Vash na nagtanong. Sinundan ko pa naman
si Caileigh, akala ko kasi kalaban sya pero—ngayon I realized, siguro
tumutulong sya kasi nalaman nyang magpinsan kami. Kaya naman pala
magkausap sila ni kuya Ken.

“Teka teka. Sa madaling salita bossing ang kalaban natin ngayon dito ay
ang Black Organization?” Tanong ni Sebastian.

“Yeah.”

“Paano sila Queen? Nasaan sila?” Singit ni Cassandra.

“They’re currently residing on one of our Villas. They’re both fine. So


there’s nothing to be bother about.”

“Mukhang natunugan nila Queen na mangyayari ‘to.” Tumingin kami kay


Tristan. Kanina kasi tahimik lang sya.

“Yeah. They know that this will happen.”

“So meaning, hindi talaga sila umalis ng bansa? Wengya! Akala ko naman
makakapagpabili na ako ng sapatos.”

“Lamperouge.”
“Ha-ha-ha sorry Mr. Roswell. Tang*na nito ni Boul kasi, inutusan ako
bumili sapatos nya.”

“Gago!”

Kanina pa ako napapaisip. “Kilala mo na ba Zeke kung sino pa ‘yung pito


sa Black Organization?” Tanong ko. Pati ang iba ay nakatingin sa kanya
dahil sa tanong ko. Sabi nya kasi pati plano nila alam na nya diba.

“Yes.” Diretsong sagot nya.

Sumingkit agad ang mata ko dahil sa sinabi nya. “Alam mo ba kung ilang
oras ang nasayang?” Naiinis na tanong ko. Pinakalap pa naming ng
impormasyon ang iba eh alam naman pala nya. Hindi talaga nag-iisip ‘tong
si Zeke eh.

“Pfft. I thought you want to find it out by yourself.” Mas lalong sumama
ang tingin ko sa kanya nung nginitian nya ako.

“Naiinis ako sa’yo wag mo akong ngitian.” Tumayo na ako at umakyat ng


hagdan.

“Wife. We’re not yet done.” Natatawang hiyaw ni Zeke.

“Ewan ko sa’yo wag mo akong kausapin!”


“Hahaha. I love you too Amelia!”

Isa pa yan! Isa pa ‘yang tungkol kay Satana na ‘yan.

=================

Chapter 23

Aemie’s PoV

Kanina pa ako palakad-lakad at hindi mapakali. Akala ko ba nandito sila


mommy? Inilibot kong muli ang paningin ko sa paligid pagkababa naming
dalawa ng kotse. Ngayon lang ako nakarating dito sa Villa na pagmamay-ari
nila Zeke. Bukod sa mukha syang bahay-bakasyunan, wala na naman akong
ibang masabi tungkol dito.

“Akala ko ba nandito sila Zeke? Bakit parang wala namang tao?” Sobrang
tahimik sa lugar kaya puro huni lang ng ibon at hampas ng alon na
nanggagaling sa dalampasigan ang nadidinig naming dalawa ni Zeke.

“Yeah.”

Maya-maya pa ay hinawakan ni Zeke ang kamay ko at naglakad papasok sa


bahay.Bakit ganun? Wala namang tao eh. Niloloko na naman yata ako nitong
Zeke na ‘to. Pagkabukas na pagkabukas ni Zeke ng pinto ay nakangiting
sumalubong sa amin sila mommy at daddy.
“Baby Ae.”

“Waaaa mommy!” Sinalubong ko agad ng yakap si mommy. So totoo ngang


nandito sila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak. Ang tagal-
tagal naming hindi nagkikita at nagkakausap nandito lang pala sila
huhuhu. “Daddy.” Yumakap din ako kay daddy.

“Nandito lang po pala kayo.” Pinunasan ko ang mga luha ko habang


natatawa. Kaya naman pala hindi nila ako kino-contact kasi nandito lang
sila.

Ngumiti si mommy at saka nagtanong. “Inexplain na ba ni Ezekiel sa’yo ang


lahat baby Ae?” Tumingin ako kay Zeke at saka itinaas ang isang kilay.
Wala naman kasi syang ineexplain. Mamaya ka sa’kin Ezekiel Roswell.

“Hahaha. Not yet mom.” At talagang tumatawa pa sya.

“Why don’t we eat first?” Nakangiting sabi ni mommy at saka ako hinila
papuntang kusina. Kasunod naman naming naglakad sila daddy at Zeke.

“I heard you’re pregnant.” Sabi ni mommy habang inaayos 'yung mga pagkain
na nasa lamesa. “Uhmm opo.”Sagot ko habang tinutulungan sya mag-ayos ng
mga kutsara.

“So that explains why you are a little weird.” Natatawang sagot ni mommy.
Kumunot ang noo ko. Weird? Kailan pa ako naging weird?
“Not a little mom. Pfft. She’s really weird...” Tinignan ko ng masama si
Zeke na umupo sa upuan na nasa tabi ko. “...and hot-headed.”

Sinamaan ko ng tingin si Zeke dahil nag-uumpisa na naman syang mang-asar.


“Wag mo akong umpisahan Ezekiel Roswell.”

“Hahaha. Yeah yeah.”

“Nang-iinis ka talaga?”

“Of course not wife, why would I?”

“Tama na 'yan, mabuti pa kumain na tayo.” Saway ni mommy sa aming dalawa


ni Zeke. Kaya tinignan ko ulit ng masama si Zeke. “What? Hahahaha. Stop
glaring at me wife.”

Nag-umpisa na kaming kumain. Katapat namin na kumakain din sila daddy at


mommy. And as ususal, share kaming dalawa ni Zeke sa plato.

“Have you thought of our next plan Ezekiel?” Tanong ni daddy. Tumigil ako
sa pagkain at tumingin kay Zeke. Until now, hindi ko pa din alam ang
eksaktong plano nila. “Ano pala 'yung plano nyo?” Tanong ko din habang
nakatingin kay Zeke.

**
Alyana’s PoV

I glanced at my daughter;this is not the right time for them to have


their first baby. Pero somehow I think it can be a great help. Her
personality changed, and I can see that. I stared at her without noticing
na humihigpit na ang hawak ko sa glass wine. “Mommy may problema po ba?”
She asked.

“Wala naman baby Ae. May naalala lang ako. By the way, do you have any
idea kung ano ang black organization?”I asked.

“Opo mommy, ayun po 'yung may walong powerful na Mafia Boss diba?” She
replied.

-Flashback-

“The black organization ordered to kill us.” Ezekiel said calmly.

“What the hell are you talking about Ezekiel?” I was shocked when I heard
the news. Expected ko ng magyayari ‘to but not too soon.

“Do you have any plans mom?” He was still at the same state. I tightened
my grip on the glass of wine I am holding and tried to catch some air. “I
should be the one asking that, do you have plans.” Literally speaking, I
don’t know if we’re capable of defeating Black Organization, sa ngayon.
They are mentally strong; they are wealthy, powerful, with lots of
connections all over the world.
And nobody dared mess with them. “Are we able to defeat them?” I asked
once more.

“Leave it to me mom.” Ipinako ko ang tingin kay Ezekiel Roswell, hindi


kami nagkamali ng pagkakakilala sa kanya. He’s strong-willed. I don’t
even have a single clue on what’s running on his mind though. “No you
will not be alone.” Sabay kaming tumingin ni Ezekiel kay Eiji. He was
sitting on a brown recliner puffing his tobacco. “Masyadong malakas ang
Black Organization.” Dagdag pa nya. He was right.

Dati ng kasali si Eiji sa Black Organization, he know the rules. He knows


them better than anybody else.

“Yes dad.”

“Good, now tell us your plan kid.”

Ipinaliwanag ni Ezekiel ang buong plano nya and all I can say is ”Cool.”
I uttered because I am lack of better words to compliment him.

--Next day—

I went on a coffee shop to meet someone. Ito 'yung first time na mami-
meet ko sya. But I have checked everything about her.
“Uhmm excuse me—“a young lady approached me and interrupted my thoughts.
I looked at her from head to toe, and I think sya na 'yung inaantay ko.
“Ms. Sierra Valentine, am I right?” I asked.

“I am very pleased to meet you Miss Alyana Ferrer.” She’s half smiling.

“My pleasure dear, please be seated.” I said on a bored tone.

She’s looking at me nervously kaya nagtanong ako. “Why are you nervous?
Do I look scary?” I asked and smiled a little at her nung makaupo na sya.
“A-a little Ma’am.” She responded quickly.

I laughed. “There’s nothing to be afraid of. As long as susundin mo ang


ipapagawa ko. You are free from harm.” I smirked.She nodded.

“Alam mo na naman kung ano ang gagawin mo diba? I just need a


confirmation from you.” I sip a bit of my coffee.

“Do I really have to apply as a secretary?”She asked.

I put down my coffee and lit a stick of cigar. “You have no choice; this
is an order Ms. Valentine. Hindi mo sila mababantayan kung hindi ka mag-
a-apply na secretary.”

“Fine.”
“I am keeping your words. Once you betrayed me, you know what will
happen.”I warned her.

-Next day-

“Tita Alyana, sorry po kung natagalan ako. Si kuya Vash kasi eh, ayaw
agad ako payagan umalis.”

“It’s okay Milka, maupo ka.” I watched her na aligagang nag-ayos ng buhok
at damit na basang-basa ng ulan. “Anong gusto mo, don’t worry it’s my
treat.”

“Uhmm kahit ano nalang po tita. Pinakain din kasi ako ni kuya bago
umalis.”

“Alright. Two cappuccino and two black forest cake.”

“After a month aalis kami ni Eiji. But not because we’re not around,
iiwan na namin ang Yaji. We’ll be leaving for a reason.” She’s staring at
me and so I continued. “Roswells and Yaji will be facing a big trouble.”
I didn’t explain further, kasi kahit i-explain ko, she will not be able
to fully understand their situation.

(A/N: Ito na 'yung scene na na-cut.)


“Phoenix Strife will be your partner.” Tumingin ako sa lalaking nakaupo
sa katapat naming table. And as if on cue, tumayo sya at lumapit sa table
namin.

He bowed as he spoke. “Miss Ferrer.”

“This is Milka Boulstridge.”

“Hey.”

I smiled to the both of them. Maybe I can also be a matchmaker. Geez.


What the hell am I thinking? “Anyway, like what I’ve said. He will be
your partner.” Tumingin si Milka kay Strife once again. “Don’t worry, you
can trust him.” I whispered.

--

Dinatnan ko na magkausap si Eiji at Ezekiel. They both looked at me nung


makapasok ako sa loob ng pinto. “Ooops, am I a disturbance to your man to
man conversation?” I asked with a smile.

“Not at all love.” Eiji smiled at me.

Ezekiel stood up and greeted. “Good evening mom.”


“Hey son.” I greeted back. “I’m done with my role, so what’s next?” I
asked at saka umupo sa bakanteng upuan in front of Ezekiel. “Next will be
the kidnapping.” He smirked.

“What about it.”

“Yan 'yung pinag-uusapan naming love. We will play like we were kidnapped
by one of the leader of the Black Organization, Steve Vernon Lestrange.
But the truth is, tayo ang ki-kidnap sa kanya.”

Sounds interesting but...“How are we going to take him?” I asked.

“I’m currently on the process of it mom.” Ezekiel smiled wickedly. He’s


really something. Kahit kalian hindi nya ako binigo. And I am so proud to
be his mother-in-law. “You never failed to impress me.”I said.

“I’m just doing my job as your son-in-law, as a husband and a Mafia Boss
mom.” He answered.

“And you’re doing great.” Nakangiting sabi ni Eiji.

-End of Flashback-

“Ahh—ibig sabihin, ang alam ni Satana kinidnap ng daddy nya sila mommy at
daddy pero ang totoo, hawak mo ang daddy nya?” Tanong ni baby Ae kay
Ezekiel. He smiled at her “Yes wife.”
“Waaaa! Ngayon ko lang na-gets...” I also smile nung makita ko syang
ngumiti. “Pero teka, bakit kayo magpapakasal ni Satana kung—“

Pinutol ni Ezekiel ang itatanong ni baby Ae. “Who on earth would want to
marry her? It’s a trap wife.” He stated.

“Huh? Paanong magiging trap 'yun? Nakita ko 'yung invitation Zeke. Wag mo
nga akong niloloko.” Batid ko ang pagkabugnot sa itsura at tono ng boses
ni baby Ae. And I can’t keep myself from smiling. Ganito pala epekto sa
kanya ng pagbubuntis.

**

Aemie’s PoV

Tinignan ko si Zeke ng nakakunot ng noo. Nagsisimula na akong mainis.


Seryoso. Hanggang sa harap nila mommy lolokohin nya ako? Eh kitang-kita
ko pa nga sila. May engagement party pang nalalaman.“It’ll be a fake
wedding. I will explain the details later at home.”Nakatitig pa din ako
at hindi inaalis ang tingin. “Pauso mo.” Bulong ko. Ako pa ba gagawin
nyang shunga?

Tumawa si mommy kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. Ano naman kaya
tinatawa-tawa nito ni mommy? Masaya pa syang niloloko ako ni Zeke? “Your
husband’s right baby Ae. It was all an act. Their relationship, the
engagement party, and lahat alam namin.”
“Alam nyo pong dalawa ni daddy?” Tinignan ko si daddy at tumango din sya.

Talagang proud pa silang kinukunsinti nila si Zeke?

Ipinagpatuloy ko ang pagkain at hindi na umimik pa nung magtawanan sila.


Hindi ko sila naiintindihan at mas lalo lang umiinit ang ulo ko dahil
nadidinig ko ang tawanan nila.

“Kamusta pala ang dadating na kasal?” Tanong ni daddy.

“Everything’s ready dad.” Sagot naman ni Zeke.

Ipinagpatuloy ko pa din ang pagkain kahit feeling ko hindi ko na malunok


ang pagkain. Kailangan ba sa harap ko pa pag-usapan 'yung kasal nila ni
Satana? Baka gusto nila ako pag magkasal sa kanilang dalawa para naman
feel na feel nila lalo.

“9 days na lang bago ang kasal diba?” Singit ko sa usapan nila.

“Yes wife.”

Yes wife your face.


“Ano bang oras? Para naman makapunta ako at makapagdala ng regalo.” Sabi
ko pagkatapos kong isubo 'yung isang slice ng manggang hinog.

“No, you’re not allowed to attend the wedding.”

Tinignan ko ng masama si Zeke dahil sa sinabi nya. “Ano?” Asar na tanong


ko.

Humawak si Zeke sa bridge ng ilong nya. Sya pa may ganang mainis ngayon?
Eh sya na nga 'yung ikakasal sa iba, tapos ako pa 'yung ayaw nya pa-
attendin. Tapos—

“Baby Ae, nagkausap na ba kayo ni Amesyl?” Tanong ni mommy sa gitna ng


pag-uusap namin ni Zeke.

Natigilan ako at biglang nagbago ang mood ko. Kanina inis na inis ako,
ngayon naman feeling ko maiiyak ako. Pero—“Totoo po ba mommy?” Nakita ko
na ang DNA test result ni insan at Caileigh. Pero si mommy ang nagpalaki
sa aming dalawa ni insan, kaya mas alam nya ang totoo.

“Oo.” Malungkot na sagot ni mommy. “Nung una hindi ko agad naalala...”

**

Alyana’s PoV
-Flashback-

“Sino sya?” Tanong ko sa batang hawak-hawak ni Miguel.

“Si Amesyl, pamangkin natin. Hindi mo ba maalala?”

Amesyl? Nagpa-salon ba 'yang batang 'yan? “Bakit parang iba 'yung


itsura?” Nagtatakhang tanong ko. Hindi naman ako ulyanin. Naalala ko
itsura ni Amesyl, laging nakangiti. Bakit ang batang ito parang hindi
naman tumatawa. Waaaaa! Ano kayang nakakalungkot na movie pinanuod nya?
Huhuhu baka naman nagugutom sya. O baka naman—

“Pagod ka lang siguro Alyana, mabuti pa magpahinga ka na.” Tinitigan ko


muli ang batang kaharap ko. Nakatingin sya kay baby Ae na nakapatong sa
bedside.

-End of Flashback-

“...hindi ko agad naalala ang araw na unang beses kong nakita si Amesyl
simula nung magising ako.” Nito ko lang ulit naalala na kahit nawala ang
memorya ko, ay alam kong ibang Amesyl na ang nasa harap ko.

Unti-unti ko ng naramdaman ang pag-init ng mga mata ko. “It’s all my


fault. Kaya ako na ang humihingi ng patawad baby Ae.”
“Huh? Bakit po kayo nagsosorry mommy? Hindi nyo naman po kasalanan 'yung
nangyari.”

Ako ang may kasalanan kaya nahihirapan ngayon sila Amesyl, Caileigh at si
baby Ae. “Kung narealize ko lang sana agad na hindi si Amesyl 'yung
dinala ni Miguel, edi sana—“

“Kung narealize nyo po agad na hindi si insan 'yun, hindi ko makikilala


at makakasama si insan.” Tumingin kaming lahat kay baby Ae. Hindi pa din
pala sya nagbabago. She always look on the positive side. Akala ko pati
'yun nagbago dahil sa pagbubuntis nya. “Ang cute pa nga mommy eh, kasi
dalawa na insan ko. Si Caileigh at saka si insan. Hehe. Excited na nga
ako matapos sa pagdadrama si insan, para makapag-bonding na ulit kami.”
Nakangiting sabi nya.

**

Aemie’s PoV

“Good evening Ms. Aemie and Mr. Roswell.”

“Yo Aemie! Yo boss!”

“Yo bossing, Ms. Aemie.”

“Kumain na kayo?”
“May pagkain pa sa kusina ate Aemie at kuya Ezekiel.”

Lahat sila ay nagtipon sa salas nung dumating kaming dalawa ni Zeke. “Are
you hungry?” tanong ni Zeke. “Hindi naman busog pa ako. Pag-usapan na
natin 'yung tungkol sa kasal.” Sagot ko. Kanina pa ako nagpipigil. Kanina
ko pa gusto pag-usapan ang tungkol sa gagawin. At kanina ko pa din
gustong barilin si Zeke para matauhan.

“How’s the preparation for the wedding?” tanong ni Zeke, pagkaupong-


pagkaupo namin sa salas. Naningkit naman agad ang mga mata ko. Bakit nung
kasal namin kaming dalawa lang ang nagpe-prepare, samantalang ngayon
inuutusan nya pa ang iba na maghanda.

“Naayos ko na lahat ng kailangan ng multimedia team boss.” Mabilis na


sagot ni Jacob.

Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya sumandal ako sa balikat ni Zeke.


Masyado yata akong napagod ngayon. Hayy. Inaantok na ako.

---

Mabilis akong bumangon nung maalimpungatan ako. Ano na ang nangyari sa


pinag-uusapan? Inilibot ko ang tingin ko. Nasa kama na ako, madilim na
ang paligid at mahimbing ang tulog ni Zeke sa tabi ko. Anong oras na ba?
“Waaaaaaa!”

“What the fuck?”


“What happened?”

“Are you alright wife?”

Sunud-sunod ang tanong ni Zeke sa’kin habang hawak-hawak nya ang


magkabilang pisngi ko. “Nakatulog ako.” Malungkot na sabi ko. “Hindi ko
na alam ang nangyari sa plano nyo sa kasal nyo ni Satana.” Huhuhu.
Naiinis ako.

“Hahahaha.”

Mas lalo akong nainis nung tumawa ng malakas si Zeke. “Anong tinatawa-
tawa mo dong?” Asar na tanong ko.“Alam mo bang naiinis ako sa’yo?”

Sumeryoso bigla ang mukha nya. “Why?”

“Eh pano, may engagement party kayo ni Satana. Tayo naman noon walang
engagement party. Tapos ngayon nagpe-prepare kayo ng kasal, lahat kasali
sa pagpe-prepare, samantalang noon tayong dalawa lang naghahanda ng kasal
natin. Huhuhu. Feeling ko talaga mas mahal mo Satana.”

“What the hell?”

“Wag mo ko ma-what the hell, what the hell dyan ha.” Asar na asar na ako,
malapit-lapit ko ng hampasin ng unan 'tong si Zeke.
“Hahahaha. So you’re jealous?”

Sinasabi nya bang nagseselos ako? Hindi naman ako nagseselos, pero paano
ba nalalaman pag nagseselos na? Naiinis lang naman ako. Hindi ako
nagseselos! “Hindi! Naiinis lang ako kasi ang unfair.”

“Life is fair wife.”

Tinignan ko ng masama si Zeke, at nakangisi lang sya sa’kin. “Hahahaha


what’s with the glare? I remember you saying those lines, and now you’re
mad.”

“Gabing-gabi Zeke ha, wag mo ako bwisitin.” Inis na sabi ko at saka sya
hinampas ng unan.

“Hahahaha I love you.” Niyakap ako ni Zeke at saka hinalikan sa pisngi.


Akal aba nya mauuto nya ako sa pa-I love you, I love you nya?

Umalis ako sa kama at saka itinali ang buhok ko. Nagugutom ako, kakain na
lang ako kaysa bwisitin ang sarili ko dito. “Where are you going?” Tanong
ni Zeke.

“Kay Satana, dudukutin ko laman loob tapos gagawin kong sisig.”


“That’s gross.” Natatawang sagot nya kaya padabog akong naglakad palabas
ng kwarto.

--

Pagdating ko sa kusina ay kumuha ako ng bowl bago ko binuksan ko agad ang


ref at naghanap ng pwedeng kainin. Dumampot ako ng ubas at isinubo agad
ang isa. Pagkatapos ay naglagay na ako ng ilang piraso sa bowl na hawak
ko, sunod ay kumuha ako ng apple, saging, melon, at lahat ng pwedeng
prutas na ilagay except sa strawberry kasi ayoko ng amoy nun. Sinamahan
ko din ng nata de coco, langka, beans at iba pang sweets na nasa bote.

Nung mahiwa ko na at mailagay lahat ay binuhusan ko ng konting condensed


milk at cream. Saka ko nilagyan ng madaming cheese.

“Wow! That looks great.” Tinignan ko ng masama si Zeke na nakasandal pala


sa may bar counter. “Kanina ka pa dyan?” Inis na tanong ko. Hindi ko
namalayan na nandito pala sya sa sobrang inis ko kanina.

“Hmm, about 3 seconds after you came here.”

“So kanina ka pa nga.” Inis na sagot ko.

“Hahaha. Yeah.” Lumapit si Zeke at saka kinuha sakin ang bowl ng fruit
salad na ginawa ko. “It’s good.” Sabi nya pagkatapos nyang tumikim ng
isang subo. Sinubuan nya din ako bago kami maglakad papuntang living
room.
Tinitignanko si Zeke kasi kanina pa nya hinahalo ng hinahalo 'yung bowl
ng fruit salad. “Ano bang ginagawa mo dyan dong?” Tanong ko.

“I’m looking for strawberries.” Sagot nya habang busy sya sa paghahalo at
pagtitingin doon sa bowl. “Ahh hindi ko naman nilagyan.” Sagot ko saka ko
kinuha sa kanya ang bowl ng salad. “What? But why?”

“Hindi naman masarap 'yun.”

“It is.” Nakakunot na ang noo ni Zeke na nakatingin sakin kaya sinamaan
ko din sya ng tingin. “Hindi!” Asar na sagot ko. “Get some strawberries
and put it there.” Utos nya kaya pinandilatan ko sya ng mata. “Ayoko!
Pagkain ko 'to. Gumawa ka ng pagkain mo.”

“Ginagago mo ba ako babae ha?”

“Tigilan mo ako Ezekiel Roswell ha.” Umiba na ako ng tingin at nagpipigil


ng asar. Bakit ba pinipilit nyang lagyan ng strawberries 'to, hindi naman
masarap 'yun eh.

“Wife.” Halata ang galit sa tono ng boses ni Zeke.

“Ano?” Inis na sagot ko.

“Alright. I will get it myself.” Kukunin sana ni Zeke ang bowl ng salad
sa’kin pero mabilis ko 'yung inilayo sa kanya. “Lumayas ka nga dito. Dun
ka sa kusina at gumawa ka ng sarili mong fruit salad.” Inis na sabi ko.
Nakikikain na nga lang, nagrereklamo pa.

“Tss.”

“Kay Satana ka magpagawa ng fruit salad.” Dagdag ko pa habang naglalakad


sya papuntang kusina.

“Tss.”

-The wedding day-

Pabalik-balik ako ng lakad at hindi mapalagay. Mamayana ang kasal ni Zeke


at Satana. Hanggang ngayon hindi pa kami nag-uusap ni Zeke dahil dun sa
strawberry. Hindi na din naman kami nakapag-usap kasi lagi syang wala
dahil busy sa pagpeprepare nung kasal. Dapat ba mag-sorry ako? O hayaan
ko na lang sya?

“Hayy nakakainis!” Umupo ako sa kama kasi hindi ko na alam ang gagawin.
Wala pa naman akong cellphone, simula nung binato ko sa pader 'yung
cellphone hindi pa ako nakakabili ulit kaya hindi ko din naco-contact si
Zeke.

“Are you alright?” Nadinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto.


“Huwaaaa huhuhuhu! Zeke bati na tayo.” Tumakbo agad ako at yumakap kay
Zeke.
“Huh?” Sagot nya.

“Diba galit ka kasi hindi ko nilagyan ng strawberries 'yung salad?”


Naiiyak na sabi ko.

“Hahaha. Why would I get angry only because of that fvcking strawberries,
are you insane?” Sinamaan ko ng tingin si Zeke dahil sa sinabi nya. Ang
tagal naming hindi nagpapansinan tapos sasabihin nya hindi sya galit?

“Eh bakit hindi mo ako pinapansin?” Tanong ko.

“I am. But you’re running away.”

-Flashback-

Nakaupo ako sa living room at nanunuod ng TV kasama ang iba. Anong oras
kaya dadating si Zeke? “Hindi ba sinabi ni Zeke kung anong oras sya
dadating?” Tanong ko.

“Hindi Ms. Aemie eh.”

“Ahh. Okay.” Malungkot na sagot ko.


Sinadya ko kasing tanghali magising para hindi ko maabutan si Zeke, baka
kasi galit pa sya sa’kin dahil sa strawberries.

“Missed me wife?” Nakangiti si Zeke nung pumasok sa maindoor at


nakatingin sa’kin. “Inaantok na pala ako, aakyat na ako sa kwarto.”
Paalam ko sa kanilang lahat. Kinakabahan kasi ako baka pagalitan ako ni
Zeke, dahil sa pagsagot-sagot ko sakanya.

-End of flashback-

“Akala ko kasi—“

“I love you.” Sabi nya saka ako hinalikan sa labi. Huhuhu. “Mamaya may
kiss the bride din.” Naiiyak na sabi ko. “Edi ibig sabihin magki-kiss din
kayo ni Satana.” Humiwalay ako kay Zeke at saka bumalik sa pagkakaupo sa
kama.

“Tapos pagkatapos ng kiss the bride, reception na. Tapos dun ka na


matutulog kila Satana.” Tuluyan na akong naiyak. Pakiramdam ko paranoid
na paranoid na ako. “Bibisitahin mo pa ba ako dito Zeke?” Tanong ko sa
kanya na nakatayo na sa harap ko ngayon. Umupo sya sa sahig kaya magka-
level na ang mga mata namin.

“You are my one and only wife.”Sabi ni Zeke.

“Pero mamaya hindi na.” Naiiyak na sagot ko.


“This would be the least thing that I want to ask now, but do you want to
attend the wedding?”

Tinignan ko muna si Zeke ng diretso sa mga mata, halata ngang ayaw nya
akong pasamahin sa kasal. At alam kong delikado pero—“Oo pero kung ayaw
mo—“

“Alright, dress up and be my guest.”

“S-seryoso ka?” Magkahalo ang excitement at kaba na nararamdaman ko.


Excited ko, kasi ako mismo babaril kay Satana pag may ginawa syang hindi
kanais-nais sa kasal nila ni Zeke, at kinakabahan naman ako kasi huhuhu,
ikakasal si Zeke. Ako pa din naman ang legal wife diba?

Kinindatan ako ni Zeke at saka pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. “No,
but I want to put your mind at ease.” Nakangiting sagot nya.

“Promise, hindi ako manggugulo sa kasal nyo.” Nakangiti ding sagot ko.

“I will look forward to that Amelia.” Natatawang sagot nya.

“Zeke naman eh! Tigilan mo nga ako dyan sa kaka-Amelia mo.” Naiinis na
sagot ko. “Tumayo ka na at mag-ayos, ilang oras na lang kasal nyo na oh,
hindi ka man lang ba excited?” Tanong ko.

“No.”
“Grabeee! Ganyan ka din ba nung kasal natin?”

“I was already on the church 2 hours before our wedding.” Nanlaki ang mga
mata ko dahil sa sinabi ni Zeke. “Anong ginagawa mo dun? Bakit ang aga
mo? Don’t tell me, tumulong ka pa sa pagdedecorate ng simbahan?”
Nagtatakhang tanong ko.

“Waiting for you, what else.” Sagot naman nya.

“Seryoso?” Tanong ko.

“Yes.”

“Huwaaa!” Niyakap ko agad si Zeke kasi naawa ako sa kanya. Ang shunga
kasi nya. “Hindi ka ba nainform sa oras ng kasal? Huhuhu ang tagal mong
nag-antay.”

“Tss. Insane.” Natatawang sagot nya at saka ako niyakap din.

“Ehem. Ehem.” Sabay kaming tumingin nung bumukas ang pinto. “Yo, dalawang
oras na lang kasal na.” Paalala ni Kaizer.

“Alam namin.” Asar na sagot ko saka ako umayos ng upo. Ano ba naman
kasing akala nya sa aming dalawa ni Zeke, hindi marunong tumingin ng
oras? Eh kakapaalala ko nga lang din kay Zeke ng kasal eh.
“And so?” Sagot naman ni Zeke.

“Ha-ha-ha baka lang kasi nakalimutan nyo.” Pilit 'yung tawa ni Kaizer at
hindi makatingin ng diretso sa aming dalawa ni Zeke. “Pero kung gusto nyo
pa gumawa ng kapatid ng gwapong si Kaizer Maxwell Junior, ayos lang
naman. Basta bilisan nyo lang ah. ‘Wag ng sesecond round.”

Tatayo sana kaming dalawa ni Zeke pero naisara na agad ni Kaizer ang
pinto. Dinig na dinig din ang mabilis na yabag ng paa nya palayo sa
kwarto.

“Remind me to kill him after the wedding wife.” Sabi ni Zeke. At saka
lumapit sa wardrobe at kinuha ang black suit na susuotin nya.

“Zeke.” Naiiyak na tawag ko.

“Hmm?” Tumingin sya sa akin habang hawak-hawak nya ang black suit.
“Sigurado ka ba sa pagpapakasal kay Satana? Hindi na ba kita
mapipigilan?” Ito na naman ako, tutulo na naman luha ko. Alam ko nag-usap
na kami ni Zeke tungkol dito kani-kanina lang pero hindi ko talaga
mapigilan na hindi malungkot.

Ngumiti si Zeke at saka lumapit sa office desk na nandito sa loob ng


kwarto. Inilagay nya ang isang flashdrive at saka iniharap sa’kin ang
laptop. “Read this.” Nakangiting sabi nya.

Lumapit ako at tinignan ang file na pinakita ni Zeke.


Black Organization.

“Some of them will attend the wedding.”

“Ito ba 'yung sinasabi mong trap?” Tanong ko, dahil ngayon pa lang nag-
sink in sa’kin ang lahat ng sinabi nya. “Yeah.”

Iniscroll ko ang mouse at nakita ko ang isa pang pangalan na kasama sa


walong leader ng Black Organization. “Steve Vernon Lestrange.” Basa ko ng
malakas.

“He’s Satana’s father.”

Nakangiti ako habang nagbabasa ng profiles ng mga leader ng Black


Organization. “I’m now getting scared with your smile wife.” Saad ni
Zeke.

“Huh?” Tanong ko sa kanya.

“What are you thinking?” Tanong nya.

“Wala naman hehehe.”


Will Travon

Jagger Frits

Jax Blaine

Damon Evo Hunter

Greg Lennox

Iñigo Rances

Steve Vernon Lestrange

Terrence Von Knight

Kayo pala nagpa-planong pumatay sa’min ah.

“You’re giving me goosebumps.”

=================

Chapter 24

Meisha’s PoV

“Nasaan na ba ‘yung—“
“Ito ba?” Nakangiting iniabot sa’kin ni Lerwick ang purse ko. I arched my
left eyebrow. “Nasa ibabaw 'yan ng dining table. Naiwan mo siguro kanina,
kaya dinala ko na dito.” Nagsawalang-kibo ako dahil mukhang acceptable
naman ang reason nya. “Thanks.” I mumbled saka ko kinuha sa kamay nya ang
black purse.

“Ano maglalambingan na lang ba kayo dyan hanggang mamaya?” Lumundag si


Max mula sa likod ng sofa paupo at kinagat ang apple na hawak nya. “Shut
up Max!” I exclaimed.

“Whoa! Chill sis! Makikisabay ka pa ba sa hotness ko?”

“Psh.” Isinuot ko ang mga gloves ko. At naghanda ng mga dadalhin. I put
out my Ruger SR9c. Maliit lang ito para madaling mailusot sa wedding
dahil for sure mahigpit ang seguridad doon.

“Sure kayong magdadala kayo ng mga baril?” Pababa ng hagdan si Miss Aemie
at Mr. Roswell, kasunod nila sila Tristan at iba pang myembro ng Yaji
maging si Fauzia at Lee.

“Syempre naman Aemie. Alam mo namang hindi tayo mabubuhay ng walang


dalang baril.” Sagot ng magaling kong kapatid.“WHOOAAA! Takte! Baka naman
matalbugan mo nyan ang bride Aemie.” She’s absolutely stunning in her
simple but elegant white cocktail dress. Makapal ang make-up nya tulad ng
make-up nya nung engagement party at naka-curl ang buhok.

“At alam nyo ding hindi kayo makakapasok ng may dalang baril.” Sagot ni
Miss Aemie. She’s right. Tulad nga ng sinabi ko kanina, siguradong
mahigpit ang seguridad sa wedding.
“There are approximately five hundred to one thousand security on the
wedding.” Saad ni Mr. Roswell.

“Ang OA naman ng security. Gawa ba sa ginto 'yang si Satana.” Ms. Aemie


is frowning. She’s obviously not in the mood again.

“Anak ng! Hahahaha. Baka naman gawa sa dyamante ang ngipin kaya madaming
security.”

“Joke ba 'yan Kaizer?” Tanong ni Ms. Aemie. “Si Boul ang nagturo nun
Aemie. Gago talaga mga jokes nito ni Boul, puro korni.”

“Ulul.”

“Enough!” Saway ni Mr. Roswell.

“Kailangan na nating umisip ng plano kung paano ipapasok ang guns and
ammos.”

“Mang-aagaw na lang ako ng baril. Sigurado namang madaming dalang baril


'yung mga ibang gago na pupunta dun.” Sabi ni Lerwick.

“May utak ka din pala minsan tol?”


“Hahaha oo naman 'tol. Palibhasa sa mukha ko ikaw lagi nakatingin eh. Tsk
tsk tsk.”

“Bakit hindi nyo balutin?” Singit ni Miss Aemie at saka ipinatong sa


ibabaw ng center table ang gift wrappers.

“Whoa! Naisip ko din talaga 'yan eh, naunahan lang ako ni Aemie.”

“Max.”Saway ko sa kapatid ko. Dahil nakikini-kinita ko na magkakaroon ng


lamay mamayang gabi kapag hindi pa nya itinikom ang bibig nya.

***

Aemie’s PoV

“Wow. You look great.”

“Thank you. Hehehe.” Kakarating ko lang dito sa bahay nya. Buti hindi pa
sya nakakaalis. Mas mabuti kasing sa kanya ako sumabay papunta sa
wedding, tutal kaming dalawa naman ang magkasama nung engagement party.

“Shall we?” Nakangiti nyang inilahad ang kamay nya sa harap ko. Hindi ko
pa din maimagine na itong nasa harap ko ay kapatid ni insan. Kaya naman
pala ang gaan ng loob ko sa kanya kasi kapatid sya ni insan.
Ngumiti lang ako bilang tugon at sumakay sa kotse ni Andrei.

Nakatanaw ako sa labas ng binatana at pinagmamasdan lahat ng dinadaanan


namin. Kanina pa nanlalamig ang kamay ko. Hayy! Ganito pala feeling kapag
a-attend ka sa kasal ng asawa mo 'no? “So—Amelia ba ulit ang itatawag ko
sa’yo?” Tanong ni Andrei.

Tumingin ako sa kanya. Nakangiti sya habang nagda-drive. Bakit nya kaya
ginagawa 'to? “Ayos lang.” Walang-ganang sagot ko. Wala din naman ako
pakialam kahit tawagin pa nya akong Aemie. Kahit naman ano itawag nya
sa’kin, ikakasal pa din si Zeke. Huhuhu.

“Nandito na tayo.” Sabi nya.

Mabilis akong umayos ng upo at saka tinignan kung maayos ang sarili ko.
Humarap pa ako sa salamin para tignan kung okay na suot ko. “Masyado ka
ng maganda para mag-ayos pa. Hahaha.” Lumingon ako kay Andrei na
nakatingin sa’kin at tatawa-tawa.Inalis ko din naman ang tingin ko at
ibinalik sa salamin para mag-ayos ng make-up.

Kahit wala akong pakialam kung makilala ako ni Satana, kailangan ko pa


ding galingan ang pag-arte para hindi makasira sa mga plano nila Zeke.
Hayy!

Tumanaw ako sa labas ng kotse, tama nga si Zeke. Nasa parking lot pa lang
kami ng simbahan ang daming security ang nagkalat sa paligid. At lahat
sila armado ng baril.Idagdag mo pa 'yung mga security na kasama ng mga
guests. Halos lahat ng natatanaw ko may kabuntot na security. Kahit nga
si Andrei may tatlong kotse ng security na kasama.
“Gusto mo ba munang mag-stay dito?” tanong ni Andrei.

“Hindi na. Gusto ko na pumasok sa loob.” Sagot ko habang nakatanaw pa din


sa labas.

Maya-maya pa ay pinagbuksan na ako ng pinto ni Andrei. Huminga muna ako


ng malalim bago ko inabot ang kamay nya na nakalahad ulit sa harap ko.
“Pfft. Tensed? Parang ikaw ang ikakasal ah.” Tinignan ko ng masama si
Andrei pero mabilis ko ding binago ang reaksyon ng mukha ko. Pasalamat
sya kapatid sya ni insan at ayoko naman na mawalan ng kuya si insan.

“Ako na magbibitbit nyan.” Sabi nya. Kukuhanin nya sana ang regalo na
dala ko pero hindi ako pumayag. “Wag na, ayos lang. Ako na magdadala nito
hehehe.” Sagot ko. Baka mamaya kung saan pa nya ilapag 'tong regalo. May
baril pa naman 'to sa loob.

Tulad ng inaasahan, bago kami makatungtong sa mismong simbahan ay may


general inspection. May mga babaeng security na todo kapkap sa mga
babaeng guests.

“Matagal pa bang matatapos 'yan?” Inip na inip na tanong ko sa dalawang


babae na kanina pa kumakapkap sa’kin. Kulang na lang hubaran nila ako
dito eh. “Okay na po Ma’am.” Sabi nung isang babae.

Inilibot ko ang tingin ko nung makapasok ako sa simbahan. Sobrang laki!


“Ang gandaaaaa.” Grabe! Kahit alam kong si Zeke ang ikakasal hindi ko
maiwasan na hindi magandahan sa mga dekorasyon sa buong simabahan.
Ginastusan talaga ang kasal nila. Gold, white and silver ang motif ng
kasal nila, kaya ang sosyal tignan. “Parang fairy tale.” Manghang bulong
ko.
“With a beautiful princess.” Lumingon ako sa likod ko para tignan kung
sino ang nagsalita dahil kilala ko kung kaninong boses 'yun. At tama nga
ako, nakatayo si Zeke sa likod ko habang nakangiti sa’kin. “Anong
ginagawa mo?” Tanong ko. Baka may makakita sa’min. Nagpalinga-linga ako
para tignan kung may mga nakatingin sa’min. Hello? Kasal nya 'to tapos—

“So?”

“Anong So Zeke—“

“It’s an honor to see you again Amelia.” Nakangiting sabi nya at saka
dahan-dahang inangat ang kamay ko at hinalikan. Hindi pa din ako mapakali
at patingin-tingin sa paligid dahil may mangilan-ngilan na nakatingin
sa’min. Sya ang groom, malamang sya ang titignan ng mga tao.

“O-of course Mr. Roswell. It’s my pleasure.” Nakangiting sagot ko.

“Nah. It’s my pleasure to see you.”

“You have a wonderful wedding.” Puri ko. Waaaa ano ba sasabihin ko, medyo
nadagdagan na ang mga nakatingin sa’min ngayon. “I mean, your bride will
surely love this.” Dagdag ko pa.

“I HAD a wonderful wedding, and my bride loved it.”

“Well that’s good.” Sa mga oras na 'to kinakabahan na ako. Hindi naman
siguro nadinig ng mga tao sa paligid ang sinabi ni Zeke diba?
“Nah. That was perfect.” Nakangiting sagot nya.

Tinaasan ko na ng kilay si Zeke. Ayoko na makipag-usap. “Nang-iinis ka


ba?” Pabulong na tanong ko. “No I was just greeting my guest. Did I sound
rude to you, Miss?”

“Maghanap ka ng ibang guest na kakausapin Mr. Roswell 'wag ako okay?”

“But I want you.” Tumingin ako sa paligid dahil medyo malakas ang
pagkakasabi ni Zeke kaya may ibang napalingon sa direksyon namin. “I want
you to know that I’m interested with the business you were asking for.”
Palusot nya.

“Great. Best wishes and see you around.”

Tinalikuran ko na si Zeke para hindi na makasagot pa. Sumingit ako sa mga


bisita na nagkukumpulan. Kanya-kanya silang kwentuhan ng tungkol sa mga
kayamanan nila. 'Yung mga may edad na babae pagandahan ng pagandahan ng
mga suot nilang alahas at mga dala nilang bag. At ang mga may edad na
lalaki naman ay nag-uusap-usap tungkol sa mga business.

“Anong oras ba dadating ang bride?” Tanong ko sabay hinga ng malalim.


Feeling ko sasamaan ako ng pakiramdam dito.

“You are 15minutes early, kaya mamaya pa siguro.” Ngumiti 'yung lalaking
katabi ko nung tignan ko sya. Sinabi ko bang sagutin nya tanong ko?
Napaka-tsismoso naman nito. “Jax Blaine.” Inilahad nya ang kamay nya sa
harap ko para makipagshake-hands.

Wait sinabi ba nyang Jax Blaine?

Nilingon ko sya ulit at tinignan mula ulo hanggang paa. Pasimple kong
dinukot mula sa purse ko ang maliit na tracking device na galing kay
Sebastian.“Amelia.. Amelia Park.” Pagpapakilala ko at saka ko iniangat
ang kamay ko para sana iabot sakanya at makipagkamay.

Malapit ko ng makamayan si Jax Blaine. Maiilagay ko na sana ang tracking


device.

“I’m glad you came Mr. Blaine.”

Kung hindi lang sana sumingit si Zeke para kamayan si Jax Blaine. “What a
good timing Mr. Roswell. I just met one of your guests.”

“I think, I have to go.” Paalam ko.

“You should be.” Sagot ni Zeke ng masama ang tingin sa’kin kaya
napatingin sa kanya si Jax Blaine. Mabilis na nag-iba ang expression ng
mukha nya at nginitian ako. Pero nafifeel ko pa din sa kanya nag alit
sya.“The ceremony is about to begin.” Dugtong ni Zeke. “Yeah yeah. Nice
meeting you.” Nakangiting sabi kokay Jax Blaine.

Ano ba naman 'yan si Zeke? Hindi marunong umarte. Kanina pa kami muntik
mapahamak dahil sa kanya. Tapos sya pa ang nagagalit eh sya nga 'tong
laging basta-basta na lang nasulpot. Humanda talaga sa’kin 'yang Zeke na
'yan mamaya pag-uwi.

“Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap.” Tumigil ako sa paglalakad


nung makasalubong ko si Andrei. “Uhh-nag-ikot-ikot?” Isa pa 'tong Andrei
na 'to. Sya nga 'tong biglang nawala kanina tapos ako ang
tatanungin nya kung saan ako galing.

“Hahaha tara na nga.” Pag-aaya nya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa relo na suot ko. Tatlong minuto na


lang magsisimula na ang kasal. Inilipat ko ang tingin ko sa malaking
pinto ng simbahan na ngayon ay nakasara pa. Tatlong minuto na lang
bubukas na ang pintong 'yun tapos lalabas si Satana, tapos magpapakasal
na sila ni Zeke. Waaaaa! Huhuhu.

Sunod kong tinignan ang mga bisita. Mas lalo akong kinabahan dahil lahat
sila nakangiti at excited sa mangyayaring kasal. Ako lang yata ang hindi.
Syempre! Bakit naman ako magiging excited eh kasal ng asawa ko 'to!

Napahawak ako sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

“Okay ka lang ba?”

“May nahihilo bang okay?” Inis na tanong ko kay Andrei.

“Hahaha sungit ah! Baka iba na 'yan.” Mabilis ko syang nilingon at saka
ako umayos ng tayo. Hindi nga pala nya alam na buntis ako.
Huminga ulit ako ng malalim and this time, kay Zeke naman ako nakatingin.
Nakakunot ang noo nya at nakatingin sa’kin. Nginitian ko naman sya pero
imbis na ngumiti sya ay nakita kong bumuka ang bibig nya. “Are you okay?”
He mouthed.

Ngumiti ulit ako at saka tumango ng isa, para masiguro sa kanya na okay
lang ako. Eksakto namang bumukas ang pagkalaki-laking pinto ng simbahan
kaya lumingon ako para tumingin.

Lahat ng tao nakatingin sa malaking pinto.

“Where’s the bride?”

“Sinong nagbukas ng pinto?”

“Nasaan si Miss Lestrange?”

Sunud-sunod ang bulungan ng mga tao. Ang ilan wala pa ding hinala kung
ano ang nangyayari samantalang ang iba naman ay pasimple ng umaalis sa
simbahan. Ngumiti ako at nagsimula ng maglakad. “Saglit!” Hinawakan ni
Andrei ang braso ko kaya nilingon ko sya. “Masyadong delikado, dito ka
lang.” Paalala nya sabay hila nya sa’kin palapit sa kanya.

“Ano bang ginagawa mo?” Kunot-noong tanong ko sa kanya.


“Delikado Ae—Amelia. Wala kang alam kung gaano ka-delikado dito.” Sagot
nya.

Ngumiti ako at saka inalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko. “Thanks for
your concern Andrei. Pero kailangan ko na talagang umalis.” Paalam ko at
saka naglakad palayo pero hinawakan nya ulit ang braso ko. Hayy! Kung
hindi lang talaga 'to kapatid ni insan binigwasan ko na—“I love you.”

“Ano?”

“Sabi ko mahal kita.”

Lumapit ako sa kanya at inamoy-amoy sya. Hindi naman sya amoy alak.
“Rugby boy ka ba?”

“Hahaha hindi 'no.”

“Solvent boy?”

“Hindi din. Pftt.”

“Kulang ka lang sa tulog.” Sabi ko at saka tumalikod.


“Saglit.” At sa pangatlong pagkakataon, hinawakan nya na naman ang braso
ko para pigilan. “Hindi mo ba alam kung gaano sila kadami na gusto kayong
patayin?” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Andrei. Ibig sabihin may
alam nga sya sa mga nangyayari. “Masyadong delikado kaya sasamahan kita.”
Pagpi-prisinta nya.

Nginitian ko ulit si Andrei at hindi na nagsalita. Paalis na ako nung


makadinig kami ng putukan sa labas ng simbahan.

“Shit! Anong nangyayari?” Tanong ni Andrei at saka ako hinila palapit sa


kanya, pero bago pa ako tuluyang mapalapit sa kanya ay kumalas na ako sa
pagkakahawak nya at saka mabilis na naglakad palayo.

Inilibot ko ang tingin ko nung makalayo ako ng kaunti kay Andrei.


Nakaalis na ang ibang bisita at kakaunti na ang tao sa loob ng simbahan.
Dumaan ako sa gilid ng simbahan para makapunta sa exit, doon ay nag-
aantay ang sasakyan na dala ni Meisha. “O dong, bakit nandito ka?”
Nakasandal sya sa isa sa mga poste ng simbahan at nakatingin sa’kin.

“Waiting. And you are late.” Ang init naman ng ulo nya. Si Andrei naman
kasi ang daldal masyado eh. Naglakad kaming dalawa ni Zeke palabas nung
magtanong sya. “Are you—“ Hindi ko na pinatapos si Zeke sa itatanong nya
kasi sure naman ako na si Satana ang hahanapin nya. “Hehehehe.” Nag-peace
sign lang ako sa kanya at ngumiti para naman hindi na uminit ang ulo nya.

“Tss. You should’ve told me your plans.”

“Eh malay ko ba kung anong plano nyo, nakatulog ako eh, kaya gumawa na
lang ako ng iba.”

“Tss.”
“Wag ka ng magalit dong, di naman nasira plano mo 'diba?”

“Tss.”

Binuksan ni Zeke ang kotse na si Meisha ang nagmamaneho para pasakayin


ako. “Ingat kayo Zeke.” Paalam ko habang naglalakad sya palayo papunta sa
tatlong kotse. Nandoon naman sila Sebastian at ang iba pang lalaki.
Lumingon sa gawi ko si Zeke at saka nagsabi ng “I love you.” Ng walang
tunog. Hayy! Buti na lang. Ang akala ko talaga galit na naman sya eh.

“Tara na Meisha.” Sabi ko. Sumaludo si Meisha at saka nagsimulang mag-


drive paalis.

**

Cassandra’s PoV

“Sino ba kayo? Pag nalaman ni babe 'to for sure magagalit sya sa inyo.” I
stared at her for a minute. “Pathetic.” Fauzia whispered habang
nakatingin din sa kanya. Mahigpit ang pagkakatali sa kanya habang
nakasalampak sya sa sahig.

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi nya. Kung ako kay Miss Aemie,
babalatan ko pa 'to ng buhay gamit ang cheese grater. Masyadong makapal
ang mukha eh. “Sinong babe tinutukoy mo? Si Mr. Roswell ba?” I asked.
Tumawa sya ng malakas. And it sounds like hell. Ang sakit sa tenga. “Of
course. I know he will come to rescue me.” Natatawang sabi nya. “Dream on
slut.” I mumbled.

Tinalikuran ko sya at saka umupo sa isang steel chair.

“Shin! Shin Hamilton. Help me.” She pleaded.

“I’m enjoying this.” I said with a smile while looking at Satana na


nagmamakaawa kay Milka para tulungan sya.

“Oh sorry Ms. Lestrange. But my real name is Milka Shinize Boulstridge.
Hindi Shin Hamilton.” Milka stated.

“Hindi pa din yata nya nakukuha hanggang ngayon.” Fauzia said with a
smirk.

**

Meisha’s PoV

Tahimik akong nagda-drive sa isang malawak na highway. Halos walang


dumadaaan na sasakyan kaya mabilis kong pinapatakbo ang sasakyan.
Lumingon ako kay Ms. Aemie. She’s staring at the side mirror of the car I
am driving. “May sumusunod sa’tin.” Saad nya. Inayos ko ang rear view
mirror using my right hand. There I saw three black cars tailing us.

Shit!

Inapakan ko ang accelerator and drove as fast as I could while grabbing


my cellular phone para magtawag ng back-up. Ms. Aemie’s pregnant kaya
hindi ako pwedeng gumawa ng kahit na ano. All we need is to escape this
crap.

“Ms. Aemie anong ginagawa mo?” Tanong ko. Hindi ako makatingin ng diretso
sa kanya dahil nag-dadrive ako. Pero naaaninag ko na nag-aayos sya ng
dalawang baril.

Dumaan sya sa gitna para lumipat sa likurang bahagi ng kotse at saka nya
binuksan ang pinto sa likod ng driver’s seat. Kahit na gustuhin kong
itigil ang sasakyan ay hindi ko magawa dahil maaabutan kami ng mga
nakasunod sa’min. What the hell is she thinking?“Ms. Aemie isara nyo na
po ang pinto. Masyadong delikado.” I said pero hindi nya ako pinakinggan.

Pinaputukan nya ang mga kotse na nasa likod habang ako naman ay tinatry
na kontakin ang cellphone ng kapatid kong si Max. “Come on Max, pick-up
your phone.” I whispered. Puno na ng kaba ang dibdib ko. I really don’t
know what the heaven will I do to stop Ms. Aemie.

[Yo sis.]

“Max, may nakasunod sa’min.”


[Alam ko. Pfft.]

“What?”

Naputol bigla ang linya kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang
mapamura. “Leche talaga 'tong kapatid ko.” Sinulyapan ko si Ms. Aemie sa
rear view mirror at prente na syang nakaupo sa backseat.

‘Anong nangyari?’ I asked at the back of my head.

Sinulyapan ko ang rearview mirror at wala na 'yung tatlong kotse na


nakasunod sa’min kanina. Pero—“Mukhang pamilyar 'yung motor at kotse—“

“Ahh sila Zeke. Ewan nga bakit nakasunod mga 'yan eh. Hindi tuloy ako ang
nakabaril dun sa huling kotse.” Sabi nya saka humiga sa backseat.
“Inaantok na ako, gisingin mo na lang ako Meisha kapag nakarating na tayo
ha.”

Ngumiti na lang ako at napailing.

Ibinaba ko ang bintana ng kotse nung madinig kong bumusina ang motor na
sumabay sa tabi ko.

“Ayos ka lang Mei?” Tanong ni Sebastian na nagda-drive ng motor.


“Oo.” Nakangiting sagot ko. Pero ang totoo, kinabahan ako ng sobra-sobra
kanina. Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling may masamang nangyari kay
Ms. Aemie. “Thanks, buti dumating kayo.” I said habang nakatingin sa
dinadrive ko.

“Naman!” Damang-dama ko ang kahanginan sa tono ng sagot nya. “Psh.”

Nung marating namin ang dulo ng highway ay naghiwalay kami ng tinatahak


na direksyon.

**

Cassandra’s PoV

Itinigil ko ang pagbabasa ng libro nung dumating sila Meisha at Miss


Aemie. I glanced at Satana.

“Amelia.” She frowned. Puno ng pagtatakha ang mukha nya na nakatingin kay
Miss Aemie. “May alam ka dito?” Tanong ni Satana kay Miss Aemie.

She lowered her head down to face Satana. “Alam mo bang mahilig ako sa
fairy tales. Do you want me to tell you one?” Miss Aemie asked. Hindi na
nya hinintay na sumagot si Satana. Tumayo ulit sya at naglakad palayo
habang nagsasalita.
“Once upon a time there lived a filthy princess named Satana. She had
been raised well to fulfill one mission.” Tumingin si Miss Aemie kay
Satana bago nagpatuloy. “And this mission is to become the successor of
their kingdom and to replace the throne of her father as one of the
leader of the Black Organization.”

Tumigil muna sya saglit before she continued. “And in order to do her
mission. She need to win against a kingdom ruled by a prince named
Ezekiel Roswell.” Ngumiti si Miss Aemie. Ipinikit ko ang mga mata ko and
leaned on a wooden table behind me para mas dama ko ang pakikinig. I
never thought fairy tales would be this awesome.

“Until one day, the princess met thishandsome prince. She was so
captivated by his deep and catastrophic eyes. She thought he was the man
of any girl’s dream. And so the princess decided to marry the prince
instead of killing him.”

“Little did she know that her prince was already married to another
princess of a kingdom, ruled by a queen and a king who was once one of
the leader of the Black Organization.”

“And when Princess Satana found it out, she made another plan. And that
is to manipulate the prince by killing the prince’s father and mother in
laws.”

“Princess Satana always believe that everything will fall into the right
place...”nakangiti ako habang nagku-kwento si Miss Aemie. “She thought
everything was fine and under her control.”

I opened my eyes at umayos ng upo. “But not every fairytale has a happy
ending. Especially if you are not the protagonist of your own
fairytale.”Kinuha ni Miss Aemie ang baril na nasa ibabaw nitong wooden
table na sinasandalan ko.
Nagtayuan ang balahibo ko sa batok nung ngumiti si Ms. Aemie kay Satana.
“Don’t tell me—“

“I am Aemie Ferrer-Roswell, your prince’s wife. Any last words Princess


Satana?”

Tumawa si Satana. An evil one. “Stupid! Hindi mo din ba alam na hawak ni


daddy ang mga magulang mo?” Satana asked. “Sa mga oras na 'to baka patay
na sila.”

“Okay. I-greet mo na lang ako sa kanila. Iyon ay KUNG magkikita kayo.”


Sagot ni Ms. Aemie at saka ikinasa ang baril na hawak nya.

“Sisiguraduhin kong makakarating sa Black Organization lahat ng ito.”

“How?” Nakangiting tanong ni Ms. Aemie at saka itinutok ang baril na


hawak nya kay Satana. “Paano mo pa sasabihin sa kanila ang mga nangyari?”
Tanong nya ulit.

“Fuck you!” Hiyaw ni Satana.

Nginitian lang sya ni Ms. Aemie at saka kinalabit ang gatilyo ng baril na
hawak nya. “Best wishes.” She whispered at saka tumalikod.
“Sad ending.” Iiling-iling na sabi ko at saka ulit nagbasa ng librong
hawak ko.

=================

Chapter 25

Meisha’s PoV

We drove back to Mr. and Mrs. Roswell’s house pagkatapos kay Satana. And
as expected, sumalubong sa amin si Mr. Roswell.

“Where have you been?” Nasa may maindoor pa lang kami nung magtanong sya.

“Kay Satana.” Tipid na sagot ni Ms. Aemie saka pumasok sa loob ng bahay.
Tinignan kami ni Mr. Roswell bago nya sinundan sa loob si Ms. Aemie.

Inalis ko ang gloves na suot ko habang papasok sa loob ng bahay. “What


did you do to her?”

Nasa living room kaming lahat pero wala kang madidinig na kahit na anong
ingay, maliban sa boses nilang mag-asawa.

“Wife. I’m asking you. Are you responsible for Satana’s not showing up in
our wedding?”
Ms. Aemie remained quiet as she rested herself on the sofa.

“Wife.”

“Uhhm Mr. Roswell I think kailangan nya muna magpa—“

“I’m not talking to you Ms. Lamperouge.” Tumahimik ako nung pinutol ni
Mr. Roswell ang sasabihin ko.

“Ginawa ko lang kung ano 'yung tingin kong dapat.” Kumuha si Ms. Aemie ng
isang magazine at nagsimulang ilipat ang mga pahina. I feel so uneasy.
Siguro hindi lang ako 'yung nakakaramdam nito sa mga oras na 'to dahil
talagang ang dilim ng atmosphere ditto sa buong living room.

“Dapat?!” May kalakasan na ang boses ni Mr. Roswell at lalong tumataas


ang tension sa paligid namin. “Ano ba ang dapat Aemie?!” Nagkatinginan
kaming lahat nung tawagin nya sa pangalan si Ms. Aemie. Maging si Ms.
Aemie ay tumigil sa pag-scan ng magazine na hawak nya and glared at him.

Tumayo si Ms. Aemie at nagsimulang maglakad paalis. “Don’t turn your back
at me.” May diin ang bawat salita ni Mr. Roswell na halatang nagpipigil
ng galit.

Lahat kami ay nakaabang sa mga susunod na mangyayari sa kanilang dalawa


nung tumigil si Ms. Aemie sa paglalakad. She’s standing behind Mr.
Roswell. This this the first time I saw them both na nagpipigil ng galit.
Humarap sa kanya si Mr. Roswell pero nanatili lang nakatalikod si Ms.
Aemie. I can’t figure out kung ano ang tumatakbo sa isip nya sa mga oras
na 'to. All I can see is her closed fist and gloomy eyes.
“Do you know the possible consequences of what you have done? Do you
aware of what they can do to you, to us? Do you know—“

“Kung ikakagalit mo ang ginawa ko kay Satana. Go ahead. But one thing is
so sure about me, kahit ulitin ang mga pangyayari, gagawin at gagawin ko
pa din kung ano man ang ginawa ko.” Tumingin si Ms. Aemie kay Mr. Roswell
bago ulit nagsalita. “Ginawa ko 'yon kasi mahal kita, ginawa ko 'yon kasi
ayokong balang araw may mangyaring hindi maganda sa’yo, sa baby natin, sa
Roswells, sa Yaji. At ginawa ko 'yon kasi ayokong dumating ang panahon na
pagsisisihan ko lahat ng hindi ko ginawa nung mayroon pa akong chance.”
Tumigil si Ms. Aemie sa pagsasalita as a tear fall from her eyes. “At
handa akong gawin lahat para sa inyo.” She turned her back pero hinawakan
ni Mr. Roswell ang kamay nya para pigilan.

“I-I’m sorry.” Wika ni Mr. Roswell. Bumitaw si Ms. Aemie sa pagkakahawak


saka naglakad paakyat.

Nanatili kaming tahimik ng hindi ko alam kung ilang minuto, pero maging
ang kapatid ko at si Lerwick na puro biruan ang alam ay seryoso sa mga
panahong 'to at walang bakas ng kalokohan sa mga mukha.

**

Grethel’s PoV

“I know what I saw.” Padabog kong ipinatong ang bote ng alak na hawak ko
sa desk. Pero mukhang hindi pa din naniniwala si Jax at Terrence na nasa
harap ko ngayon. “Believe me, my car is right next to the bride’s car. At
kitang-kita ng dalawang mata ko kung sino ang humarang sa kotse nya.”
I already warned Satana about this. Bakit ba kasi hindi sya nakikinig
sa’kin. I told her to do the wedding abroad pero she didn’t listen, she
never listen to me. “What?! Hindi man lang ba kayo magsasalita dyang
dalawa?” I asked in annoyance.

Naglakad na ako palabas ng pinto. But one of Terrence’s butler came in.
“We found Ms. Satana’s body.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa balita and
immediately shifted my glance on Terrence and Jax.

“May itim na kotseng nag-iwan ng cadaver pouch sa tapat ng gate, at nung


tignan namin, napag-alaman po naming si Ms. Satana Lestrange.” Paliwanag
nung butler ni Terrence.

Hinihintay kong magsalita silang dalawa, I am waiting for them to order


their men na patayin ang Roswell at Yaji. Pero mukhang naghihintay lang
ako sa wala. I sighed nung makalabas 'yung butler. I didn’t speak a word.
Instead, nagsindi ako ng isang stick ng sigarilyo.

“Strange.” Saad ni Terrence. “Sa pagkakakilala ko kay Roswell, hindi sya


magpapadalos-dalos ng kilos ng ganito.”

“Pero sigurado daw daw si Grethel.” Jax uttered.

Puzzled, Terrence replied. “Posible kayang asawa nya ang gumawa nun?”

“I met her. And I think she’s capable of doing that.” Sagot ni Jax.
May pinindot si Terrence na button ng telepono na nasa ibabaw ng desk
nya. Kasunod non ay may pumasok ulit na butler sa loob nitong opisina.
“Yes Mr. Knight.” Magalang na bati ng butler.

“Magpatawag kayo ng meeting sa Black Organization. As soon as possible.”


He ordered.

**

Milka’s PoV

“Puntahan ko kaya si ate Aemie sa taas?” Bulong ko kay kuya Vash na


tahimik na umiinom ng bottled beer. Sabay kaming lumingon ni kuya Vash
kay kuya Ezekiel. Hindi nya sinundan si ate Aemie nung umakyat sa taas.
Mula nun ay hindi sya nagsalita o nagtanong, patuloy lang sya sa pag-
lagok ng alak. Wala din namang magtangkang kumausap sa kanya.

Tumingin ulit sa’kin si kuya Vash. Walang pagtutol sa mga mata nya kaya
dali-dali akong umakyat at tumungo sa kwarto nila ate Aemie.

Dalawang beses akong kumatok bago ko binuksan ang pinto ng kwarto.


Madilim na ang buong kwarto nila, liwanag na lang ng bwan na nanggagaling
sa binta ang nagsisilbing ilaw. “Ate Aemie.” I whispered, sapat lang para
madinig ang boses ko ni ate Aemie. Nadidinig ko ang mahihinang paghikbi
nya kaya alam kong gising pa sya.

Hindi sumagot si ate Aemie kaya tuluyan na akong pumasok sa loob.


I hugged her as tight as I could nung makalapit ako sa kanya. Niyakap nya
din ako ng mahigpit. I don’t know how she feels or kung ano ang iniisip
nya. Kanina ang dami kong gusting sabihin pero ngayon, I think ang
kailangan nya lang ay ang taong maiiyakan.

Ilang minuto din kaming magkayakap ni ate Aemie habang patuloy sya sa
pag-iyak.

“Thank you Milka ha.” Pinunasan ni ate Aemie ang mga natitirang luha nya
sa pisngi. Ngumiti naman ako at saka nagpaalam na umalis. “Magpahinga ka
na muna ate Aemie. Mas mabuting hindi ka na mag-isip ng kung anu-ano.”
Tumango si ate Aemie kaya lumabas na ako ng kwarto.

I sighed pagkasarang-pagkasara ko ng pinto.

“K-kuya Ezekiel.” I stuttered nung Makita ko si kuya Ezekiel sa harap ko.


Napatingin ako sa hawak-hawak nya. He’s holding a tray na puno ng
pagkain. I tried to smile at him at saka binuksan ang pinto ng kwarto.

“Milka bakit ka buma—“ Nadinig ko pa si ate Aemie na nagsalita nung


pumasok si kuya Ezekiel bago ko isinara ang pinto ng kwarto.

**

Aemie’s PoV
Natigilan ako sa pagsasalita nung maaninag kong hindi pigura ng babae ang
pumasok. Hayy. Ayoko pa makipag-usap kay Zeke. Hindi ko alam kung anong
sasabihin sa kanya ngayon.

Binuksan nya ang ilaw at inilapag ang tray na hawak nya sa ibabaw ng side
table.

“I brought some foods.”

Alam ko. Tingin nya sa’kin bulag? Ang dami-dami nyang dala, sa lagay
hindi ko nakita 'yun? Hayyy! Nainis tuloy ako bigla.

“Nakikita ko nga.” Sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya. Hindi ako


makatingin ng diretso kay Zeke, feeling ko kasi galit pa din sya sa’kin.
Tapos sumagot-sagot pa ako kanina. Eh kasi naman eh!

Umupo sya sa tabi ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

“Uhh-about what happened earlier...”

“Huwaaaaaa dong sorry na. Huhuhu.”Hindi ko na napigilan ang sarili ko.


Yumakap na agad ako sakanya pero marahan nya akong inilayo sa kanya at
saka hinawakan ang dalawang kamay ko.

“No wife, I should be the one apologizing. I’m s-sorry.” Nakatungong sabi
nya.
“Eh galit ka kasi kanina sa’kin eh.”

“I am not mad, I am worried...” Ngumiti sya sa’kin pero makahulugan ang


ngiti nya. Malungkot si Zeke, huhuhuhu. “I am so scared of the things
that my happen to you—and to our baby.” Paliwanag nya. Niyakap ko ulit si
Zeke. “Wala namang mangyayari sa’min dong eh. Saka isa pa kaya ko ang
sarili ko.”

“I know.” Sagot ni Zeke.

Alam pala naman nya tapos nag-aalala pa.

“You better eat.” Nakangiting sabi nya saka kinuha ang pagkain sa tray.
“I made this. Look, you should try this one.”

“Halata ngang ikaw ang gumawa.” Nakasimangot na sagot ko. “Ako ba talaga
ang kakain nito Zeke o ikaw?” Tanong ko habang nandidiring nakatingin sa
mga strawberries. Napakadami naman nito.

“Hahahaha we’re going to eat this.” At talagang nakuha pa nyang tumawa


ah.

“Kukuha na lang ako ng ibang pagkain sa baba.” Sagot ko at saka tumayo at


umalis sa kama.
“Wife.”

“Ano?” Irita akong lumingon sa kanya. Don’t tell me pipilitin na naman


nya akong kumain ng strawberries. Yuck!! Iniisip ko pa lang bumabaliktad
na sikmura ko.

“You’re not going anywhere.” Utos nya habang seryosong nakatingin sa’kin
kaya tinignan ko sya ng masama. “Uumpisahan mo na naman ba ako Ezekiel
Roswell?”

Mabilis na nagbago ang facial expression ni Zeke, mula sa pagkaseryoso ay


ngumiti sya at saka tumayo. “I’ll go and get what you want, so stay
here.” Sabi nya saka ako mabilis na hinalikan sa noo at lumabas ng
kwarto.

**

“Kung ikaw ba sila ano gagawin mo?” curious na tanong ko kay Zeke
pagkasubo ko ng salad. “I will kill you.” Nalunok ko ng buo 'yung nata de
coco na sinubo ko dahilan para mapaubo ako.

“What the hell?”

Hinampas ko si Zeke ng mahina habang umiinom ng tubig na inabot nya.


“Nagulat naman kasi ako sa’yo dong. Bigla kang nagsalita dyan ng ‘I will
kill you’ eh kung ikaw kaya patayin ko.” Sinamaan ko sya ng tingin pero
tinawanan nya lang ako.
“I just answered what you’ve asked.”

“Ibig sabihin, baka sa mga oras na 'to pinagpa-planuhan na nila akong


patayin?” Sinubuan ko ng salad na kinakain ko si Zeke, hindi naman sya
tumanggi. “Possibly.” Sagot nya habang nginunguya ang isinubo ko.

“Aren’t you afraid?”

Natigilan ako sa paghahanap ng cheese dito sa fruit salad na hawak ko


nung magtanong sya. “Ha? Takot? Saan naman?” takhang tanong ko.

“Of them. Aren’t you afraid of them?” Tanong nya ulit.

Kinuha ko naman ang bowl ng vegetable salad na hawak nya saka sya
sinubuan ng lettuce. “Hindi naman. Siguro pag namatay na sila matatakot
na ako baka multuhin nila ako, pero sa ngayon hindi pa naman.” Sagot ko.

“Are you fucking serious?” Natatawang tanong nya.

“Mukha ba akong nakikipaglokohan?” Kunot-noong tanong ko.

“Pftt. Nah, that’s not what I meant.”Natatawa pa din si Zeke at konting-


konti na lang maibubuhos ko na sa kanya 'tong laman ng salad bowl na
hawak ko. “You’re always doing great. Like you don’t really need someone
to protect you.”
Napaisip ako sa sinabi ni Zeke kaya tumingin ako sa kanya. “Kailangan ba
hindi?” Tanong ko pero mas lalo syang natawa.

“Isa pang tawa mo Zeke isusubo ko sa’yo 'tong buong bowl ng salad.”

“Sorry.” Sabi nya pero natatawa pa din naman sya. “Isusungalngal ko


talaga sa’yo 'tong kutsara pang di ka tumigil.” Naiinis na sabi ko.

“Fine. Fine. It was just like...” Tumigil si Zeke sa pagtawa pero


nakangiti pa din sya.“...the whole time I am here to protect you but you
always want to do it on your own and you never cease to amaze me.”

Nakatingin lang ako sa kanya at pinipilit na intindihin ang sinabi nya.


“Hindi Zeke.” Tipid na sagot ko. “Hindi mo naiintindihan.” Dagdag ko pa.

“Nah. I get it. You could do a lot better without me.” Sabi nya.

“Kaya ko ginagawa 'yun mag-isa kasi ayaw mo akong isama.” Sagot ko. 'Yung
kaninang nakangiting mukha ni Zeke, biglang sumeryoso habang nakatitig
sya sa’kin. “Hindi mo sinasabi sa’kin kung ano ang mga plano mo, kaya
nagpa-plano ako mag-isa. I can do a lot better without you. Siguro oo,
pero we can do a lot of best things if we’re together.” Ngumiti si Zeke
at saka binitawan ang bowl ng salad na hawak nya at inalis din sa kamay
ko ang bowl ng salad na hawak ko.

“Alright. From this day forward, I will tell you every single detail of
my plan, and you will accompany me in everything.”
“Totoo ba 'yan?” Nakangiting tanong ko.

“Yeah. That’s what partners must do.” Sagot nya saka ako kinindatan.

“Sabi mo 'yan ah.” Natatawang sagot ko. “Kapag hindi mo ako sinali sa mga
adventures mo, nako, nako! Who you ka talaga sa’king Zeke ka.”

“Uhh can I make an exception?” Tanong nya habang nakatingin sa tyan ko.

“Yan na nga ba sinasabi ko Zeke. Kakasabi mo lang eh.”

“Hahaha I love you.”

“Mas mahal kita.”

“Oh come on, how many time are we gonna fight about this.” Tumawa ako ng
mahina. Si Zeke naman ay ngumiti bago ako hinalikan sa labi.

**
-Kinabukasan-

Amesyl’s PoV

Ano ba naman!!! Day off ko pero an gaga-aga may nambubulahaw dito sa


apartment. “Anong ginagawa mo dito?”

“Can we talk?” Hinayaan ko lang bukas ang pinto saka ako naglakad
papuntang salas at naupo. Sigurado namang kahit sabihin kong ayoko
makipag-usap, ipipilit pa din nyang makipag-usap. Manang-mana sa pinsan
nyang si Aemie.

“Thanks.” Saad nya saka isinara ang pinto ng apartment at tuluyan ng


pumasok sa loob.

“Ano bang gusto mong pag-usapan?” Tanong ko kay Caileigh nung makaupo na
sya sa tapat ko. “Kung tungkol 'yan kay Aemie, or sa kahit ano na may
kinalaman sa Ferrer, pakiusap wag mo na akong kausapin.” Paalala ko. Wala
na akong papel na dapat gampanan sa buhay nila kaya. Kaya ayoko ng
manghimasok sa pamilyang—sa pamilyang hindi ko naman kadugo.

“Why are you like that?” Hiyaw ni Caileigh sa’kin. “Why are you so mean?”
Dagdag pa nya.

“Ako pa ba? Nasasabi mo 'yan kasi hindi ikaw ang nasa lugar ko Caileigh.
Naranasan mo na bang ma-echepwera?” Tanong ko.
“I’ve been there. Buong buhay ko Amesyl that’s what I felt.” Tumulo ang
luha ni Caileigh. Nararamdaman ko na din ang pagsikip ng dibdib ko dahil
pinipigilan kong tumulo ang luha ko. “And it also came to the point na
galit ako sa lahat pati ang sarili ko. I was so downhearted back then.
Pero wala 'yung nadulot na maganda.” Dagdag pa nya.

“You’re lucky, because for 20 years kasama mo sila. And I’m sure kahit
malaman nila ang totoo they will still treat you as their family. Kaya
hindi ka dapat nagkakaganyan. Aemie needs you.” Sunud-sunod ang ginawa
kong paglunok para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Pero hindi ko din
napigilan.

**

Aemie’s PoV

Maaga akong gumising at kumain ng agahan. Pagkatapos, bumalik ako sa


kwarto namin ni Zeke para pag-aralan lahat ng files ng Black
Organization. 5:30AM pa lang, tulog na tulog pa si Zeke samantalang ako
gising na gising na. I must know kung ano ang weaknesses and strengths ng
mga kalaban namin.

Tama si Zeke, hindi ko alam kung ano ang mga possible consequences ng
ginawa ko, kaya kailangan kong maghanda ng mabuti.

Una kong chineck ang buong history ng Black Organization. Tuwing may
mamamatay o aalis na leader, mabilis nila 'yung napapalitan.

“Ibig sabihin pag may pinatay kaming leader ng Black Organization,


papalitan lang din nila agad?” Tanong ko sa sarili. Edi useless lang pala
gagawin namin?
“That’s right.”Tumingin ako sa gawi ni Zeke dahil nadinig ko syang
nagsalita. Antok na antok pa ang boses nya. Nakahiga pa din sya sa kama
namin.

“Gising ka na ba hubby?” Nagtatakhang tanong ko habang kagat-kagat ang


pambura ng lapis na hawak ko.

“Not yet.”

Tumaas ang isang kilay ko nung sumagot si Zeke. Hindi daw, pero
nagsasalita. “Okay.” Sagot ko saka itinuloy ang pagbabasa.

Kasama sa rules ng Black Organization na patayin ang sino mang leader na


titiwalag sa kanila. “Huh? Eh diba umalis si daddy sa Black Organization?
Ibig sabihin papatayin din sya?” Nagtatakhang tanong ko.

“Correct again.” Tumingin ulit ako kay Zeke dahil nagsalita na naman sya.

Humigop ako ng gatas saka sumandal sa recliner. “Ano bang dapat naming
gawin?”

“Let’s get back to sleep. Fck wife, it’s too early for that.” Kinuha ko
ang unan na nakapatok sa isang mahabang upuan malapit sa’kin saka ko
ibinato kay Zeke. “Matulog ka na lang dyan. Daldal ka ng daldal.” Inis na
sabi ko. Inaantok pa pala sya eh bakit hindi sya matulog, sagot sya ng
sagot sa mga tanong ko hindi naman sya ang kausap ko. May konti din 'to
eh.
“Do you still remember what I have told you last night?” Nakasubsob pa si
Zeke sa kama pero patuloy pa din sa pagdaldal. Saan ba nagmana ng
kadaldalan 'tong lalaking 'to. “We’re partners right?” Paalala nya.

“Oo na manahimik ka na dyan at matulog ulit.” Sagot ko.

**

Excited akong umalis ng bahay para pumunta sa supermarket. Ang tindi ding
matulog ni Zeke, dati naman ang aga-aga nyang matulog samantalang ngayon
gising na yata ang lahat pero sya tulog na tulog pa din sa taas.

“Sure ka bang ayos lang na umalis tayo kahit tulog pa si bossing?” Tanong
ni Sebastian. “Oo naman no, saka kailangan ko ng magmadali at pumunta ng
supermarket, madami akong lulutuin para kay Zeke hehehe.”

Pagdating na pagdating namin ni Sebastian sa supermarket ay inumpisahan


na naming hanapin ang mga ingredients na nasa listahan ko.

Napapangiti ako tuwing maiisip kong hindi naalala ni Zeke na monthsary


namin ngayon hehehe. Kahit kalian talaga 'yung lalaking 'yun shunga.
Tapos maaalala nya lang lagi kinabukasan na.

“Hindi kaya magtakha si bossing pag pumunta sya ng opisina tapos wala ka
naman dun Ms. Aemie?” Tanong ni Sebastian. Patuloy lang ako sa pagpili ng
brand ng pasta, para sa mga pasta dishes na lulutuin ko. “Hehehe hayaan
mo sya maghanap para mas madami akong time mag-prepare.” Nawala din kasi
sa isip ko na 13 pala ngayon. Buti na lang nakita ko sa date ng laptop
kanina.

**

-Meanwhile-

Milka’s PoV

“Seen my wife?” tanong ni kuya Ezekiel while jogging down the stairs.
“Umalis boss kasama ni Lerwick.” Sagot ni kuya Jacob.

“Pfft. As expected.” Kinuha nya ang cellphone nya at saka may idinial na
number.

“Is everything ready for tomorrow?... Good.”

Nakangiting umupo si kuya Ezekiel sa sofa saka kumuha ng isang libro para
basahin.

“Whoa good mood ah! Naka-score ba boss?” Tumahimik agad si kuya Kaizer
nung tignan sya ng masama ni kuya Ezekiel. “Kalma! Wengya! Nagbibiro lang
ako eh.”
“What time will they be back?”

“Hindi namin alam boss eh. Pero siguro saglit lang 'yung mga 'yun.” Sagot
ni kuya Vash.

“Can I ask something? Nagtatakha lang kasi ako.” Tumingin kami kay ate
Fauzia nung nagsalita sya. “Bakit magkaibang date ang alam nyong
monthsary?” Thank goodness tinanong ni ate Fauzia, kanina ko pa din
gustong itanong 'yun.

“Hahahaha. Gabi ng February 13 kasi sila nagpakasal noon. Midnight na,


kaya February 14 na. Ang buong akala ni Aemie February 13 pa din. Ito
namang si boss February 14 lagi nagcecelebrate.”

“Then why don’t you celebrate it every midnight. I mean, between 13 and
14.” Singit ni ate Cassandra sa usapan.

Hindi sumagot si kuya Ezekiel pero nakangiti sya while listening to the
conversation. “Naks! Oo nga naman 'no.”

**

Sebastian’s PoV

Sinusulyapan ko si Ms. Aemie na kanina pa tinitignan ang bracelet na


binili nya. Tahimik syang nakaupo sa tabi ko habang ako naman ay
nagmamaneho nitong sasakyan. Pauwi na kami. Kanina pa nga sya nagmamadali
dahil magluluto pa daw sya. “Tingin mo ba magugustuhan 'to ni Zeke?” Gawa
sa white gold na chain deisgned ang binili nya.

“Oo naman. Ang bangis kaya nyang napili mo.” Nakangiting sagot ko.

“Talaga?” Tuwang-tuwa na tanong nya habang nakatingin sa bracelet.

“Naman!” Kumpyansang sagot ko.

Napakunot ako ng noo nung may mapansin akong kakaiba. Tae! Hindi pwedeng
mangyari ‘to.

Ilang ulit ko pang sinubukan diinan ang pagkaka-apak sa preno pero


talagang hindi kumakagat. “Sebastian may problema ba?” Nakangiting tanong
ni Ms. Aemie.

Syet!

Ngumiti ako at pinilit itago sa sarili ko ang nangyayari. Habang patuloy


lang akong nagda-dive sa gitna ng highway. “Hahaha meron. Masyado akong
gwapo. Laking problema nun.”

“Kapal ng mukha.” Natawa ako ng mahina nung nadinig ko syang bumulong.


“Ms. Aemie, paki-check naman ang seatbelt mo kung nakaayos ng mabuti. May
nanghuhuli kasi dito sa gitna ng highway.”

Dali-dali nyang sinunod ang pakiusap ko at tinignan ang seatbelt nya.


“Uhmm oo, ayos naman.”

“Hahaha nice! May unan sa likod. Ginagamit ko 'yun pag natutulog dito sa
kotse.” Umpisa ko.

“Huh? Ano naman ngayon?” Tanong nya.

“Pakikuha naman oh. Medyo maselan kasi ako sa gamit. Kaya ayokong kung
saan-saan nakapatong 'yung unan. Ayos lang ba na hawakan mo muna saglit?”
Takte! Ano ba namang dahilan 'yang mga naiisip ko.

Sinulyapan ko si Ms. Aemie, nakakunot ang noo nya at mukhang nagtatakha


na din sa mga pinagsasasabi ko. Pero hindi din naman nagtagal at kinuha
din nya ang unan at saka inilagay sa harap nya. “Nays. Salamat.”
Nakangiting sabi ko.

Hanggang sa mga oras na 'to hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko pang
sinubukang tapakan ang preno ng sasakyan pero petengene! Talagang ayaw
kumagat.

Wala na akong choice.


Pinihit ko ang manibela ng sasakyan nung makakita ako ng puno saka
mabilis kong tinanggal ang seatbelt na suot-suot ko para yumakap kay Ms.
Aemie.

Nadinig ko ang malakas na pagbangga ng sasakyan namin at ang sunod-sunod


na busina ng mga sasakyan bago ako tuluyang nawalan ng malay.

**

Grethel’s PoV

“Kamusta?” Tanong ko sa isa sa mga utusan ko.

A little smile formed in his lips. “Hindi namin magagawang patayin ang
asawa ni Roswell sa public place kaya ginawan na lang namin ng paraan
Ma’am.”

Padabog kong inilapag ang baso ng wine na hawak ko. “Are you nuts? How
can you be so sure na nagawan nyo ng paraan?” I asked. Halos mag-
hysterical na ako na inis. I want that bitch dead.

Kinuha nya ang remote control ng TV to turn it on. And to my surprise


there’s a breaking news. “An accident in highway?” I asked.
I smiled when I saw the news. And the good thing is, both of the
passengers are in critical condition. “I am hoping na isa dyan si Aemie
Roswell.” I chuckled.

**

A/N :

Happy New Year everyone! :* Loves!

=================

Chapter 26

Meisha’s PoV

“WHAT?! What happened? Where the fuck are they? How’s my wife?” Mr.
Roswell exclaimed. Sunud-sunod ang mga tanong na pinakawalan nya. He’s in
a rush to leave when Jacob Lee asked him. “Ano nangyari boss?”

“Boss.” Vash stood up pero parang walang nadinig si Mr. Roswell.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko, I was actually waiting for an answer.
Maging ang iba ay nag-aantay din. Pero mukhang hindi din naman nya kami
masasagot. Nagsuot sya ng hoodie jacket bago lumabas ng pinto.
“Anak ng! Mukhang hindi maganda ang kutob ko dito ah.” Max’ said.

So we have no choice but to follow Mr. Roswell. Kinuha ako ang jacket ko
at saka nagmadaling isuot. I hopped on my motorbike pagkapunta ko ng
parking lot and drive as fast as I could para makasunod kay Mr. Roswell.

“Where is he going?” Cassandra loudly asked while driving her own bike.

“I don’t know.” I shouted back.

Hindi lang kaming dalawa ni Cassandra ang sumunod kay Mr. Roswell. Jacob,
Max, Vash, Milka, Tristan, Spade tailed his car as well.

This is weird, why do I feel so nervous?

Habang palayo ng palayo ang tinatakbo ng motorbike na dala ko, pabigat ng


pabigat ang pakiramdam ko. May hindi ba magandang nangyari?

Mr. Roswell’s car slowed down sa gitna ng highway. At nung tinignan ko


kung saan sya papunta. I started slowing down my bike, pero kabaligtaran
ang nararamdaman ko. Dahil pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
Nagsimula na ding manlamig ang mga kamay ko habang pababa ako ng bike.
“Oh shit! What the hell happened?” Bulong ni Cassandra nung makababa din
sya ng motorbike. “I don’t know.” I answered in shaking tone, almost
whispering.

“Let’s keep moving.” Tristan held my hand at saka kami sabay na naglakad.
Masyadong crowded ang lugar. Ang daming mga nakiki-usisa. There are
ambulances, police cars, even reporters from different TV stations and
civilians everywhere.

“Wife!” We heard Mr. Roswell’s voice kaya nagmadali na kaming pumunta sa


pinanggagalingan ng boses nya.

**

Sebastian’s PoV

Humawak ako sa ulo ko nung makaramdam ako ng sakit. Tang*na! Nakapikit pa


ako at patuloy lang na nakikiramdam sa paligid ko.

May nadidinig akong hiyaw at iyakan ng mga tao, tunog ng sasakyan ng


pulis, busina ng mga sasakyan. At tunog ng ambulansya—“Shit si Miss
Aemie!”

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at inilibot ang paningin.


Nasa loob ako ng isang sasakyan. An ambulance mobile car to be exact.
Inalis ko ang puting tela na nakakumot sa’kin at saka nagmadaling
binuksan ang likod para lumabas.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto nitong ambulansya ay bumulaga agad
sa’kin ang labi ng isang tao na buhat-buhat ng dalawang pulis.
Nakatalukbong ng puting kumot at isasakay nila sa isa pang ambulansya.
Madami ding mga taong nakapaligid at mga nakatigil na sasakyan. Pero
nakatutok lang ang tingin ko sa labi na buhat-buhat ng mga pulis.

Shit si Miss Aemie!

Hinilamos ko ang mukha ko at saka sumunod sa dalawang pulis. “Mga bossing


teka.” Pigil ko sa dalawang pulis. Takte naman! Tumigil silang dalawa
habang ako naman ay nanlalamig ang mga kamay.

Kita ko ang panginginig ng kamay ko nung hinawakan ko ang puting tela na


nakatakip sa buong katawan nung taong nakahiga sa harap ko. Huminga ako
ng malalim at inihanda ang sarili ko. Unti-unti kong inalis ang puting
tela at—

“Sebastian? Okay ka na ba?”

Mabilis kong ibinalik sa pagkakatakip ang puting tela at lumingon sa


likod ko.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. “Miss


Aemie.” Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

“Okay ka na ba?”
“Ayos ka lang ba?” Tanong ko pabalik sa kanya habang palapit.

“Ikaw 'yung nawalan ng malay tapos ako ang tatanungin mo kung ayos lang
ako? Siraulo ka ba?” Natatawang sagot nya. “Oo nga pala, kinuha ko
cellphone mo, pinatawagan ko si Zeke para puntahan nila tayo dito.”
Nakangiting sabi nya habang pinapakita sa’kin ang cellphone ko na hawak-
hawak nya.

“Anong nangyari?” Tanong ko habang pinipilit alalahanin kung ano ang


nangyari. “Ang alam ko nadinig kong bumangga ang sasakyan natin bago ako
nawalan ng malay.” Naguguluhang saad ko.

“Huh? Ayun 'yung sasakyan oh.” Sinundan ko ng tingin ang sasakyan na


itinuro ni Ms. Aemie. Nakatigil ang sasakyan na sinasakyan namin kanina
sa may gilid ng highway at walang kahit na anong bakas ng gasgas.

“Pero may nadinig talaga akong malakas na kalabog bago—“

“Ayun siguro 'yung nakita mo.” Tinuro nya ang isa pang sasakyan na halos
hindi na makakilala. Sumalpokang sasakyan sa barricade ng highway.
Kitang-kita ko pa ang mga gasgas sa ibang barricade. Mukhang kinaladkad
pa ng sasakyan ang gilid ng highway bago tuluyang sumalpok.

Inihilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha. Hindi pa din ako


makapaniwala. Paanong nabuhay kami? “Ang akala ko—“

Ngumiti lang si Ms. Aemie at saka ako inayang maupo sa likod ng isa pang
ambulansya na nakabukas. “Excuse me, may tubig po ba kayo?” Tanong nya sa
isa sa mga nurse. Umalis agad ang nurse, at pagbalik nito, may dala na
syang isang bote ng mineral water.
“Oh, uminom ka muna habang hinihintay natin silang dumating.” Sabi ni Ms.
Aemie. Inilipat ko ang tingin ko sa paalis na sasakyan ng ambulansya
lulan ang mga labi ng inakala kong si Ms. Aemie. Kasunod nun ay
napatingin ako sa kumpulan ng mga tao. May isa pa silang taong
pinagtitinginan. “Grabe 'yung nangyari sa kanila 'no?” Saad ni Ms. Aemie
habang nakatitig din sa kumpulan ng tao.

Hindi ko man alam kung ano ang buong pangyayari, nagpapasalamat akong
ayos kaming dalawa. Lalo na si Ms. Aemie at ang anak nila ni bossing.

“Wife!”

“Shit! Ano nangyari?”

“Are you both alright?”

“Anak ng tinola Lerwick ano 'yang nasa ulo mo?”

“Thank goodness you’re alright.”

“Kinabahan ako don ah.”

**
Aemie’s PoV

Ngumiti ako at yumakap agad kay Zeke nung makarating sila. “What
happened? Are you alright? Do you want to eat? Drink? How’s our baby? Do
you need something?” Sunud-sunod na tanong ni Zeke nung makaalis ako sa
pagkakayakap nya habang tinitignan nya ako mula ulo hanggang paa.

“Hahahaha para kang tanga dong.”

“What the? I am damn serious wife. How can you even laugh about it?”

“Hahahaha.” Hindi ko mapigilan na hindi matawa kahit galit na galit na si


Zeke. Ang OA naman kasing mag-react. Tapos idagdag mo pa 'yung malamig
nyang kamay na ang higpit ng kapit sa kamay ko.

“Wife stop laughing. It’s not funny.”

“Hahaha.” Sinubukan kong pigilan ang tawa ko pero natatawa talaga ako.
Huhuhu. “Wag ka kasing ganyan Zeke, natatawa ako lalo sa itsura mo eh.”
Sagot ko.

“Shut up.” Iritang sagot nya kaya tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako
matawa. Nung tumigil na ako sa pagtawa ay saka lang sya ulit nagtanong.
“What exactly happened?” Seryoso ang tingin ni Zeke.
-Flashback-

“Tingin mo ba magugustuhan 'to ni Zeke?” Pinagmamasdan ko ang bracelet na


hawak ko. Excited na ako hehehehe. Hindi ko alam kung magugustuhan 'to ni
Zeke pero siguro naman 'no? Ang hirap kayang pumili.

“Oo naman. Ang bangis kaya nyang napili mo.” Nginitian ko si Sebastian
dahil nakangiti din sya habang sinasabi nya 'yun.

“Talaga?”

“Naman!”

Hehehehe pero okay lang din naman kung hindi 'to magustuhan ni Zeke
bumili naman ako ng reserba. Dinukot ko mula sa bulsa ko ang isa pang
bracelet at saka tinignan. Barbie 'yung design ng bracelet. Just in case
lang naman na hindi magustuhan ni Zeke 'tong binili ko diba? Para
sigurado hehehe.

Lumingon ako kay Sebastian nun mapansin kong parang hindi sya mapalagay.
Lumingon din ako sa likuran ng sasakyan. Wala namang sumusunod saming
dalawa na kahina-hinalang sasakyan. “Sebastian may problema ba?” Ngumiti
ako sa kanya para hindi nya mahalata na alam kong may iba sa kilos nya.

“Hahaha meron. Masyado akong gwapo. Laking problema nun.”


“Kapal ng mukha.” Bulong ko. Napatingin ako sa side mirror ng kotse na
sinasakyan naming ni Sebastian. Tanaw ko mula sa kinauupuan ko ang isang
kotse mula sa malayo na pagewang-gewang ang andar.

Posible kayang ayun ang napansin ni Sebastian?

“Ms. Aemie, paki-check naman ang seatbelt mo kung nakaayos ng mabuti. May
nanghuhuli kasi dito sa gitna ng highway.” Mabilis kong tinignan ang
seatbelt ko kung maayos. “Uhmm oo, ayos naman.” Sagot ko nung matapos ko
ng inspeksyunin.

“Hahaha nice! May unan sa likod. Ginagait ko 'yun pag natutulog dito sa
kotse.” Sabi ni Sebastian.

“Huh? Ano naman ngayon?” Tanong ko. Sinulyapan ko muli ang kotse na
pagewang-gewang ang andar kanina. Medyo mas malapit na sya ngayon sa’min.
Tinignan ko si Sebastian kung tumitingin sya sa likod pero mukhang hindi
naman 'yun ang napapansin nya.

“Pakikuha naman oh. Medyo maselan kasi ako sa gamit. Kaya ayokong kung
saan-saan nakapatong 'yung unan. Ayos lang ba na hawakan mo muna saglit?”
Pakiusap nya. Tinignan ko sya ng nakakunot ang noo dahil sa mga sinabi
nya. May sa sira ulo din pala 'tong si Sebastian, hindi ko alam kung
anong tumatakbo sa isip nya ngayon pero mas mabuti na ding sumunod ako.

Kinuha ko ang unan sa likod ng kotse, abot ng kamay ko ang unan kaya
hindi naman ako nahirapan. Pero mula sa pwesto ko ay mas kita ko na ang
kotseng kasunod namin. Ang ibang sasakyan ay nagsisitabi na dahil sa
mabilis na sasakyang parating pero mukhang hindi pa din 'yun nakikita ni
Sebastian.

“Nays. Salamat.”
Sinulyapan ko muli sya, pati ang kotseng palapit ng palapit sa direksyon
namin. Pabalik-balik lang ang tingin ko. Iniliko ni Sebastian ang kotse
kaya nanlaki ang mga mata ko. Pag nagtuloy-tuloy ang andar ng kotse sa
amin babangga ang kotse sa likod.

Nabigla ako sa mabilis na pagyakap ni Sebastian sa akin kasabay ng pag-


abot ko sa manibela para iliko sa kabilang direksyon. Hinatak ko ang
handbreak at pinatay ang makina ng sasakyan. Kasabay ng paghinto ng
sasakyan namin ay sya namang pagsalpok ng isang sasakyan sa barrier ng
highway. Mabilis ang paghinto ng sasakyan namin kaya medyo malakas ang
impact dahilan para humampas ang ulo ni Sebastian sa dashboard ng kotse.

“Ano ba naman ‘to si Sebastian, bakit ka ba naman kasi yumakap pa?”


Tanong ko sa kanya pero mukhang hindi na nya ako nadidinig.

“Sebastian.” Tinapik ko ng mahina ang pisngi nya pero mukhang hindi nya
ako nadidinig.

Iniayos ko sya ng upo bago ako lumabas ng kotse.

“Omygod!” Napatakip ako ng bibig nung makita ko ang sinapit ng sasakyan.

Sunud-sunod din ang busina ng mga naabalang motorista sa kalye, meron na


din agad tunog ng ambulansya na paparating.
Ilang saglit pa ay may dumating na mga ambulansya, kasunod ang mga patrol
sa highway. Meron na ding mga nagkumpulang tao at pati mga reporters.
Grabe! Ang bilis namang kumalat ng balita ngayon.

“Uhm excuse me.” Tawag ko sa isang nurse na lumabas mula sa ambulansya.


“Yes Ma’am?”

“Yung kasama ko kasi nawalan ng malay saka medyo nasaktan na din. Pwede
bang paki-check naman?” Pakiusap ko sa kanya.

“Opo.” Mabilis na sagot nung nurse at saka ko sya sinamahan papunta sa


kotse. Tumawag din sya ng dalawa pang lalaking nurse para ihiga si
Sebastian sa stretcher.

“Excuse me Ma’am kasama po ba kayo sa aksidente. Pwede po bang malaman


ang pangalan nyo at—“

“Excuse me din ho ano? Tatawagan ko pa po ang asawa ko. Kaya pwede bang
mamaya na kayo magtanong.” Inis na sabi ko sa isang reporter. Malay ko ba
dyan sa aksidenteng sinasabi nya. Eh hindi naman kami 'yung naaksidente.
Bakit hindi 'yung mga naaksidente ang interviewhin nila. Nakakainis ah.

Sumilip ako sa loob ng kotse saka kinuha sa dashboard ang cellphone ni


Sebastian. “Ma’am paki fill-up naman ho nitong papel.”

“Para saan naman 'yan?” Tanong ko. “Para ho dun sa boyfriend nyo.”
“Boyfriend? Wala akong boyfriend.” Sagot ko habang hinahanap sa contacts
ang number ni Zeke.

“Yung lalaki hong kasama nyo. Kailangan nyo po kasing fill-upan 'to para
sa check-up and medication.” Pangungulit nung nurse.

“O sige. Tawagan mo asawa ko.” Iniabot ko sakanya ang cellphone ni Zeke


ng padabog. Nakakairita naman kasi. Emergency 'to ang dami pang
kailangang fill-upan. Hindi ba pwedeng asikasuhin muna nila si Sebastian
bago magpa fill-up ng kung anu-ano. Hayy!! Pinaiinit ang ulo ko.

-End of Flashback-

Nakasakay na kaming dalawa sa kotse ni Zeke nung matapos ako sa pagkwento


ng nangyari. “Wait me here.” Kumunot ang noo ko dahil binuksan ni Zeke
ang pinto ng kotse nya para lumabas. “I’m gonna check your car’s brake.”
Nakangiting sabi nya saka lumapit sa kotse na sinakyan namin kanina ni
Sebastian.

Umayos ako ng upo at saka tumingin sa mga tao sa labas ng kotse. Ang dami
pa ding tao kahit wala na dito ‘yung mga sakay nung nabanggang kotse. Ano
naman kaya trip nitong mga 'to sa buhay.

Patuloy lang ako sa pagtingin nung may mapansin akong dalawang lalaki na
nakatingin sa direksyon ko. Inalis ko agad ang tingin ko sa kanilang
dalawa para hindi nila mahalata na nakita ko sila. Isinakbit ko ang bag
na dala ko sa balikat ko at saka bumaba ng kotse.

Palapit ako ng palapit sa direksyon nung dalawang lalaki pero hindi ako
tumitingin sa kanilang dalawa.
“Don’t move.” I warned the guy right in front of me habang patagong
nakatutok sa kanya ang baril na hawak ko. Nginitian ako nung lalaki kaya
dininiin ko sa tyan nya ang baril na hawak ko. “Wala akong pakialam kahit
gaano kadami ang tao dito.” Babala ko. Pero syempre jokijoki lang 'yan
no! Ayoko kayang makulong.

Aalis sana 'yung isang lalaking kasama nya para tumakas pero naharangan
agad sya nila Tristan at Spade. Nginitian ko silang dalawa, pati ang
sumulpot na lang bigla na sila Vash, Jacob at Kaizer.

Tinanggal ko sa pagkakatutok ang baril na hawak ko saka naglakad pabalik


sa kotse. Sinundan ko ng tingin ang dalawang lalaki na pinasakay nila
Kaizer sa isa pang kotse. “You’re so damn impressive.” Lumingon ako at
ngumiti kay Zeke. Nasa tabi ko na sya at nakatingin din dun sa dalawang
lalaki kanina.

“Brake failure.” Tipid na sabi nya. Brake failure? “I saw some hot spots
on the car. It actually resist the friction from the brake shoes and
pads, so the breaking power is lost.”

'Yun kaya ang dahilan kaya hindi mapakali si Sebastian kanina? “Pero okay
naman 'yung kotse nung umalis kami.” Paliwanag ko.

“Maybe it was really an accident or—“

“Pwedeng may gusto talagang mawalan ng preno ang sinasakyan namin.”

“I guess it’s the latter.” Sabi nya habang nakatingin sa dalawang lalaki
na ngayon ay nasa loob na ng kotse ni Kaizer.
Pinagbuksan ako ni Zeke ng pinto ng kotse bago sya sumakay.

Black Organization.

“Talagang ginagalit nila ako ah.” Bulong ko. Nakadinig ako ng mahinang
pagtawa mula kay Zeke na kakasakay lang ng kotse. “We better go to the
hospital and take a proper check-up before we proceed talking to those
two bastards.” Sabi ni Zeke pagka-start nya ng engine ng sasakyan. “Wait
dong! Na-check mo na ba 'yang sasakyan mo? Baka naman mamaya--”

“Hahaha yes boss, it’s perfectly fine.” Natatawang sabi nya.

“Maganda na 'yung sigurado. Pero teka, okay din naman ako, kaya wag na
tayong dumaan ng ospital.”

“But—“

“Ayos lang ako Zeke ano ba!”

“You sure?”
Sinabi na ngang ayos lang pa you sure, you sure pa. “Gusto pa paulit-
ulit?” Naiinis na tanong ko. Gusto ko ng kausapin 'yung dalawang siraulo
kanina eh.

“Hahaha.”

Tinignan ko ng masama si Zeke dahil tumawa pa talaga sya bago tuluyang


pinaandar ang sasakyan. Nginitian lang nya ako saka ibinalik ang tingin
sa daan. Batukan ko kaya 'to?

Isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan ng kotse. Nakakaantok.


Feeling ko ang dami-dami ko ng ginawa kahit naman—

“Waaaa!”

Mabilis na inihinto ni Zeke ang sasakyan nung humiyaw ako. “What the
hell?!” Hinampas pa nya ang steering wheel nung makatigil na kami.

“Dong! Kailangan ko na pala umuwi.” Nagmamadaling sabi ko. Naalala ko


bigla na kailangan ko nga pala magluto. Huhuhu. Bwisit naman kasi si
Sebastian, kung hindi ba naman sya pashunga-shunga kanina edi sana hindi
na-delay paghahanda ko para sa monthsary namin.

“I thought you want to talk to those two assholes.” Kunot-noong tanong ni


Zeke.

“Oo nga pala 'no.” Sumandal ulit ako sa upuan at saka inihiga ang ulo ko.
“Sige bilisan na lang na’tin.” Sabi ko.
Sinimulan na ulit ni Zeke ang pagpapaandar ng kotse. Ako naman ay
nakatitig lang sa kanya. “Don’t kill me with your stare wife.” Natatawang
sabi ni Zeke. Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa kanya. Naisip ko
lang kasi bigla, hindi ba nya naaalalang monthsary namin ngayon?

Sinulyapan nya ako saka sya nagtanong. “Why?”

“Uhmm wala ka bang naalala na alam mo na dong.”

“Huh? I don’t get it.”

“Abnormal din.” Bulong ko. Alangan sabihin ko sakanyang monthsary namin


ngayon. Wala man lang ba syang sariling kusa na tandaan ang date ng
monthsary namin?

“Hindi mo ba talaga alam kung anong meron sa 13?” Diretsong tanong ko sa


kanya.

“No.” Mabilis na sagot nya.

“Eh kung iuntog kaya kita dyan sa steering wheel Zeke ha?!”
Tumawa ng malakas si Zeke kaya nanlaki ang mga mata ko sa inis. “What so
special about 13? It’s just a number. I don’t find it cute nor
interesting.”

“Ulul!” Bulyaw ko sa kanya saka ko sya tinalikuran at hinarap ang bintana


ng sasakyan. Bahala ka dyan magdadaldal.

“Hey! When and how did you learn to cuss?” Tanong ni Zeke. Pero naririnig
ko namang tumatawa sya ng mahina. “Ewan ko sa’yo. Talk to my hand.”
Tinakpan ko ang dalawang tenga ko at saka pinikit ang mga mata ko saka
prenteng sinandal ang ulo ko sa headrest ng upuan nitong sasakyan. What
so special, what so special your face. Nakakainis ah!

**

Iminulat ko ang mga mata ko nung may maramdaman akong humalik sa pisngi
ko. “Lovely.” Umayos sya ng tayo kaya napansin kong nasa labas na pala ng
kotse si Zeke at hinihintay na din akong lumabas ng kotse. Nandito na
pala kami? Nakatulog pala ako kanina.

Inilahad ni Zeke ang kamay nya para alalayan akong bumaba ng kotse.
“Thanks.” Nakangiting sabi ko sa kanya pagkababa ko ng kotse. “Always
welcome.” Sagot naman nya saka ako kinindatan.

Inilibot ko ang tingin ko sa lugar na kinaroroonan namin. Nasa tapat


namin ang isang maliit na building na parang wala namang nakatira sa loob
pero hindi naman luma. First time ko lang pumunta dito.

“Lakad.”
Lumingon ako sa kanan nung madinig ko ang boses ni Kaizer. May mga hawak
na silang baril at nakatutok sa dalawang lalaki.

Naunang maglakad sila Jacob at Vash. Kasunod nila sila Fauzia at Milka.
Sa likod ni Fauzia at Milka ay ang dalawang lalaki. Nasa gilid naman ng
dalawang lalaki sila Tristan at Spade. Sa likod ng dalawang lalaki ay
naglalakad sila Kaizer at Sebastian.

Inaya ako ni Zeke na maglakad kaya naglakad kami. Nasa likuran naman
namin sila Meisha at Cassandra. Para tuloy kaming mga langgam, pila-pila
pa sa paglalakad. Hehehe.

Nung makapasok kami sa building ay may sumalubong sa’min. Mga men in


black na naman ang trip nito dahil puro naka-black suit.

“Mga tao mo sila Zeke?”

“Yeah.”

Minsan nga naiisip ko kung bakit kailangang ganun pa ang suot nila? Hindi
masyadong magastos pag nakaganyan sila lagi. Pwede namang sando at shorts
na lang para tipid. Imagine araw-araw kailangan nilang magsuot ng ganyan?
Ang gastos nun ah. Eh kung sando at shorts? Tatlo isang daan lang nun sa
palengke.

Mai-suggest nga 'yun kay Zeke.


Hindi na ako nagsalita hanggang makarating kami sa basement. Sumalubong
sa amin ang isang pagkalaki-laking steel door. Parang isang malaking
vault ang itsura nito.

“Maiiwan na lang muna kami dito.” Sabi ni Cassandra. Kasama nya sila
Milka, Spade at Tristan na nagpaiwan sa labas ng pinto.

Pinasok na namin ang malaking steel door. Inilibot ang paningin ko sa


buong lugar. Ang sahig ay marble, may mga steel tables at steel chairs.
Sa dalawang steel table ay may iba’t-ibang klase ng armas. Lumapit ako
para isa-isang inspeksyunin ang mga 'yun. Habang 'yung dalawang lalaki ay
pinaupo nila Kaizer saka nilagyan ng bakal na kadena sa kamay at paa.

Parang nagningning ang mga mata ko nung tinignan ko lahat ng nasa table.
Lahat mukhang sobrang talim. Mula sa pinaka-maliit na surgical knife
hanggang sa mga iba’t-ibang uri ng kutsilyo, pati katana meron. Sa
kabilang steel table naman ay iba’t ibang uri ng baril ang nakapatong.

Tinignan kong maigi ang buong lugar. Nagtayuan ang mga balahibo ko nung
sumagi sa isip ko na baka ito ang ginagamit nilang lugar pag may
tinotorture. Huhuhu. Nakakatakot. Edi ibig sabihin pala madaming multo
dito?

Tumakbo ako palapit kay Zeke at kumapit ako ng mahigpit sa braso nya kaya
tumingin sya sa’kin. “Missed me?” Bulong nya ng nakangiti.

“Hindi.” Sagot ko. Magkasama kami tapos mami-miss ko sya? Grabe din.
“Naisip ko lang kung may mga namatay na dito?” Bulong ko sa kanya.

“Uhh yeah. Why?”


Huhuhu sabi ko na, sabi ko na eh! “Wala.” Hindi ko pinapahalata kay Zeke
pero talagang kinakabahan na ako. Kayo kaya dito sige tignan nyo kung
hindi kayo kabahan.

Tumingin ako sa dalawang lalaki nung makadinig ako ng pagdaing. “Umayos


kayong dalawa kung gusto nyo pang sikatan ng araw.” Madiin na sabi ni
Sebastian sa kanila. Hindi maipinta ang mukha nya. Ngayon ko lang
nakitang ganito ka-seryoso si Sebastian.

Lumapit sya sa steel table na tinitignan ko kanina at saka pumili ng


kutsilyo. “Kayo bang dalawa ang dahilan kung bakit walang preno ang
sasakyan namin?” Tanong nya habang naglalakad pabalik sa dalawang lalaki.

Walang kahit na isa sa kanilang dalawa ang sumagot. Parehas lang silang
nakatungo. At talaga namang kung makikita nyo ang itsura nilang dalawa
ang sarap nilang iuntog sa sahig. “Hindi nyo ba nadinig ang tanong ni
Sebastian?” Inis na tanong ko.

“Wife. Calm down.”

“Nakakainis dong eh. Pigilan mo ako, babanatan ko 'yang dalawang 'yan.”


Ang simple-simple lang naman kasi. Sasagot lang ng oo o hindi, hindi pa
nila magawa.

Tumawa si Zeke ng mahina. Kasunod ng pagtingin sa’min nila Sebastian.


“Ako na nga ang magtatanong sa kanila.” Pagpri-prisinta ko.
Kumalas ako sa pagkakakapit kay Zeke at saka ako lumapit sa steel table
para kumuha ng baril. “Alam nyo bang nawalan ng preno sasakyan namin
kanina ni Sebastian?” Tanong ko habang nilalagyan ng bala ang baril na
kinuha ko.

Hindi sila sumagot kaya nagtanong ulit ako. “Kayo ba ang may gawa nun?”
Tanong ko ulit. Natapos ko na ang paglalagay ng bala kaya lumapit na ako
sa kanilang dalawa. Ikinasa ko ang baril na hawak ko at saka ipinutok sa
binti ng isang lalaki. Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong kwarto.
Sunod ay nadinig namin ang pagdaing ng lalaki dahil sa ginawa ko.

“Ayaw nyo talagang magsalita?” Ikinasa ko ulit ang baril na hawak ko at


saka itinutok sa lalaking pinaputukan ko kanina. “Huling tanong, sino ang
nag-utos sa inyo na gawin 'yun?”

Kakalabitin ko na ang gatilyo ng baril nung magsalita ang isang lalaki.


“S-si Grethel.” Bulong nya. Grethel? Si Grethel Canary Lux ba ang ibig
nyang sabihin?

“Sinong Grethel?” Singit ni Vash.

“Grethel Canary Lux.” Mabilis na sagot nung lalaki.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Zeke. So tama nga, si Grethel nga. Hindi


naman kasali si Grethel sa Black Organization, pero sya din 'yung nasa
video na kasama nila Satana. Bruhildang babaeng 'yun. Binubwisit nya ako.

“Sino pa?” Tanong ni Kaizer. “May iba pa ba kayong alam?”


Bumalik na ako sa steel table at ibinalik ko ang baril na hawak ko.
Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas ng basement para lumabas ng
building.

“Wife wait. Where are you going?” Hinawakan ni Zeke ang braso ko para
pigilan kaya napahinto ako sa paglalakad. “Kay Grethel. Sasaktan ko
talaga 'yung babaeng 'yun Zeke. Naiinis ako ha.” Sagot ko. Pakiramdam ko
umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Sobrang init ng mukha ko sa galit.

Gusto nya kaming mamatay? Paano kung may nangyari sa baby namin ni Zeke
kaya ba nyang palitan ang anak namin pag nawala? Ahhhh! Nakakainis.

“Don’t make such impulsive decisions.” Sabi nya habang hawak-hawak pa din
nya ang braso ko. “Anong gagawin ko? Mag-aantay ako dito Zeke ha? Mag-
aantay ulit ako kung kalian ulit nya kaming pagplaplanuhang patayin ng
anak mo?” Inis na tanong ko. Hindi ba nya ako naiintindihan? Ayokong may
mangyaring masama sa anak namin.

Bumuntong hininga si Zeke at saka ako binitawan. “Then what are you going
to do? Kill her, without thinking of whats gonna happen to you and our
baby?” Hinawakan ni Zeke ang bridge ang ilong nya at saka ulit itinuloy
ang pagsasalita. “If you want to kill her, I won’t stop you. That’s
exactly what I want to do right at this moment. I want to kill that bitch
as much as you do. But not now wife. Not now.”

Biglang nagbago ang nararamdaman ko, kanina inis na inis ako pero nung
magsalita si Zeke feeling ko nawala lahat ng inis ko. “Huhuhu kasi naman
eh.” Umupo ako sa gutter, nasa tapat na kaming dalawa ng likod ng kotse
ni Zeke.

Tumawa lang sya ng mahina at saka iniakbay ang kamay nya sa braso ko.
Ngumiti din ako kay Zeke kaya hinalikan nya ako sa noo. “Sorry Zeke ah.
Pinaiinit ko ulo mo.” Sabi ko saka ko iniba ang tingin ko at teka—

Tama ba 'yung nakikita ko sa plate number?

“Hahahaha. No worries wife.”

Number 13?

Tinignan ko ng masama si Zeke nung may naalala ako. “No worries your
face.” Tumayo ako mula sa pagakakaupo at saka naglakad papunta sa kotse.
Sasakay na dapat ako nung pinigilan ako ni Zeke. “What was it all about?”

“Did I say something wrong?” Halata kay Zeke na gulung-gulo na sya. Don’t
tell me hindi nya naalala mga sinabi nya kanina? Galing din nito umarte
eh. Bigyan ko kaya ng award?

“Wag mo akong kausapin, naiinis nga pala ako sa’yo.”

“Why?”

Binuksan ko ang pinto ng kotse at saka mabilis na sumakay at ni-lock.


Bahala ka sa buhay mo dyan. Nothing special, nothing special ka pa sa 13
ha.
=================

Chapter 27

Aemie’s PoV

“Ano ba naman 'tong patatas na 'to ang hirap balatan. Si Princess Sara
naman easy lang pagbabalat.” Kanina pa ako nag-aayos dito ng mga ihahanda
ko kasi nga hehe monthsary namin ni Zeke ngayon.

“Ms. Aemie tulungan na kita?” Tanong ni Sebastian na kakapasok lang ng


kusina. “Disabled ka tapos tutulungan mo pa ako?” Taas kilay na tanong ko
kay Sebastian. Ang lakas kasi ng loob nyang alukin ako ng tulong eh may
benda pa naman sya sa ulo.

“Hahaha. Sus wala lang 'to Ms. Aemie 'no.” Sagot nya saka lumapit sa may
lamesa at saka ako tinulungan maghiwa ng mga gulay. “Wala lang daw, pero
nahimatay pa kanina.” Bulong ko habang naghihiwa ng patatas. “Hahaha.”
Dinig kong tawa ni Sebastian.

Lumayo ako sa lamesa nung matapos ko ng hiwain ang patatas para i-check
naman ang pinakukuluan ko. “Si Zeke ba hindi pa nakakabalik ulit?” Tanong
ko sa kanya habang hinahalo ang pasta at chini-check kung okay na.

“Hindi pa po Ms. Aemie eh.”

“Hayy! Kita mo na, kita mo na Sebastian ha! 'Yan talagang lalaking 'yan,
grabe eh. Monthsary namin ngayon tapos umalis pa.” Nagsisimula na naman
tuloy akong mainis. Kanina hindi nya alam kung ano mayroon sa 13, tapos
pagkauwi namin umalis din. Sino ba namang matutuwa kung ganyan ang asawa
diba? Hay nako talaga.

“Baka naman bumili ng regalo para sa inyo Ms. Aemie? Ano sa tingin nyo?”
Omygod! Tumigil ako bigla sa ginagawa kong paghalo ng pasta at saka
nakangiting humarap kay Sebastian. “Oo nga 'no. Hehe.” Dapat pala hindi
na ako mainis. “Ang galing mo talaga Sebastian minsan.”
“Naman!”

***

“Hayy! Ang tagal namang dumating ni Zeke!” Angal ko habang palakad-lakad


dito sa tapat ng pintuan. Eh pano ba naman, kanina pa ako tapos magluto
wala pa din si Zeke. Grabe talaga 'yung lalaking 'yun. Hindi man lang nya
naiisip ang feelings ko at ang monthsary naming. Huhuhu.

“Ma’am Aemie baka gusto nyo po munang maupo, kanina pa kayo palakad-lakad
dyan.” Mabilis kong tinignan ng masama ang nagsalitanbg si Vash.

“Wooo yare!” Hiyaw ni Sebastian.

“Paki mo ba?” Asar na sagot ko kay Vash. Palibhasa hindi nya alam ang
feeling ng inindian sa mismong araw ng monthsary. Huhuhu. Nalulungkot
talaga ako.

“Mga gago!”

“Miss Aemie, bakit hindi ka na lang sumali dito sa’min.” Singit bigla ni
Spade sa gitna ng pag-iisip ko. Ibinalik ko ang tingin ko kanila Vash,
Sebastian, Jacob, Tristan at Spade na naglalaro ng baraha.

“Ano bang nilalaro nyo?” Tanong ko sa kanila.

“Poker. Si Boul ang Bangka.” Nakangising sagot ni Jacob.

“Sali ka na Ms. Aemie, para ma-relax relax ka naman.” Segunda naman ni


Sebastian.

“Aish! Wag nyo nga pilitin si Ma’am Aemie, igagaya nyo pa sa inyong mga
sugarol. Patay kayo kay Boss.” Pigil ni Sebastian.

“Hindi naman magagalit si bossing.”


“Oo nga, saka naglalaro naman talaga si Ms. Aemie ng baraha.”

“Ayaw mo lang matalo Boul.”

Sunud-sunod na ang usapan nila kaya sumilip na lang muna ako sa bintana
para tanawin kung nakadating na si Zeke. Pero wala pa din naman, at hindi
ko pa alam kung hanggang kalian ako maghihintay kaya—“Sige Sali ako!”
Nakangiting sagot ko, habang palapit na naglalakad sa table na
kinaroroonan nila. “Pero gusto ko may pustahan ah.” Sabi ko sa kanila.
Hehehe siguro naman swerte ako kasi monthsary namin ni Zeke diba?

“Yown!”

“Ayos!”

“Masaya 'to”

***

-After 1hour-

Sebastian’s PoV
Nagkatinginan kami nila Boul nung matalo na naman si Ma’am Aemie. “Hayy
ano ba 'yan, inindian na nga ako ni Zeke tapos talo pa ako. Malas na ako
sa lovelife pati sa pera malas pa din ako huhuhu.” Inilabas ni Ma’am
Aemie ang huling pera na laman ng wallet nya, para ibigay kay Boul.

“Hahaha eh kung punasan na lang kaya ng marker sa mukha ang talo?”


Suhestyon ko, panigurado kasing malilintikan kami kay bossing pag nalaman
ang ginagawa namin.

“Kanina ko pa gustong i-suggest 'yan Lerwick.”

Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Ma’am Aemie kaya napalunok ako.
“Bakit ayaw nyo na ng may pustahan? Ayaw nyo bang makabawi ako?” Walang
emosyon na sabi nya.

“Ha-ha hindi naman sa ganun Ms. Aemie, kaya lang kasi, masama ang
magsugal diba?” Depensa ko, at palusot na din.

“Saka ibabalik na din ni Boul ang pera Ma’am Aemie.” Dagdag ni Lee
sabaysiko kay Boul. “O-oo nga Ma’am Aemie, ito na ang pera nyo oh.” Dali-
daling iniurong ni Boul ang mga pera na nasa ibabaw ng lamesa palapit kay
Miss Aemie, pero mabilis itong ibinalik ni Miss Aemie sa kanya. “Sa’yo na
'yan, napanalunan mo 'yan diba?” Nakangiting sagot ni Miss Aemie.
“Feeling ko naman mananalo na ako ngayon eh.” Dagdag pa nya.

“Umpisahan mo na ulit magbalasa Vash.” Utos ni Ms. Aemie. “Kotse ni Zeke


ang ipupusta ko ngayon para makabawi ako. Hehehe.” Nanlaki bigla ang mga
mata namin.

“S-sigurado po kayo? Baka magalit si boss ny—“

“Bakit? Hindi naman ako matatalo ah, mananalo na ako ngayon, kaya
magbalasa ka na.”

Abot-abot din ang tension sa pagbabalasa ni Boul. Woo! Gandahan mo balasa


Boul. Ako kinakabahan tuwing matatalo si Ms. Aemie eh.

-After 1 hour-
“Itigil na kaya natin 'to, nagugutom na ako eh. Ha-ha” Palusot ko.
Petengene nemen! Lahat na yata ng ari-arian ni Bossing ipinusta na ni Ms.
Aemie.

“Wala ng kotse si Zeke, mga damit, bahay, gamit, hmm ano pa ba ipupusta
ko?” Nakatingin kaming lahat kay Ms. Aemie na kanina pa nag-iisip at
bumubulong. “Ayoko naman kasing ipusta ang mga barbie stickers ko, paano
na lang pag wala na akong nakitang ganung designs, saan ko pa hahanapin
'yun.” Namamawis na ang kamay ko sa kaba. Walanjo! “Ahh! Alam ko na!
Game! Ipupusta ko naman ang Roswell Company!”

Naibuga ni Boul ang iniinom nyang beer.

“What the hell is happening here?” Mabilis akong tumayo nung pumasok si
bossing sa loob ng bahay, kasunod si Lampe.

“Bossing! Ha-ha. N-nagkakatuwan lang sila Boul, pinanunuod ko lang sila.”

“Whoa! Pustahan ba 'yan? Pasali ako dyan mga tsong!” Tumakbo agad si
Lampe at saka kumuha ng silya nya at naupo sa tapat ng lamesa.

“Oh Zeke, sali ka? Kaso hindi ka na pala pwedeng sumali kasi wala ka
naman pang-pusta.” Kalmadong-kalmado si Ms. Aemie na pinipintahan ang
dalawang baraha na hawak-hawak nya.

“Magandang ideya 'yang naisip mo Aemie, pilitin mo si boss sumali, para


mabawasan naman kayamanan nya at madagdagan ang akin.” Bulong ni Lampe.
Gagong 'to, kung alam nya lang.

“Ahh, wala na eh. Roswell Company na lang natitira kay Zeke, na kay Vash
na lahat at waa!!!! Huhuhu ang ingay mo kasi Kaizer! Tignan mo, tignan
mo! Ang pangit ng baraha ko. Talo na naman ako. Ayoko na! Wala na akong
pang pusta.” Tumayo si Ms. Aemie at saka naglakad palapit kay bossing. Si
bossing naman ay nakatingin lang kay Ms. Aemie at mukhang hindi pa din
naiintindihan ang nangyayari.

“O dong, tara na kumain? Hayaan mo, may pera pa naman ako sa bangko,
kapag kailangan mo ng pera ako na lang magbibigay sa’yo hehe.”
“Huh?”

“Why would I, I have my own.”

“Anong I have my own? Wala na 'no! Na kay Vash na nga lahat, 'yung huling
pinusta ko 'yung buong Roswell company, natalo pa! Ang ingay nyo kasi ni
Kaizer, minalas tuloy ako. Hehe.”

“Wife.”

**

Aemie’s PoV

“Who the hell started this shit?” Tinignan ko si Zeke na nagpipigil ng


galit. Nakatingin sya kanila Sebastian. Galit ba sya kasi hindi na sya
makakasali? Kung sabagay nakakatampo naman talaga 'yun. Mga friends nya
naglalaro, tapos sya hindi makasali kasi wala na syang pampusta. “Hayaan
mo na Zeke, iipon ako pera tapos next time ikaw naman palalaruin ko. Wag
ka ng magtampo.”

Ibinaling ni Zeke ang tingin nya sa’kin. “When did you learn to gamble
wife?” Huhuhu. Galit na nga talaga si Zeke, ang sama na kasing tumingin.

“Si Boul kasi bossing, inaya si Ms. Aemie na maglaro ng baraha.”


“Oo nga boss, pinipigilan nga naming sumali si Ma’am Aemie pero pinilit
talaga nito ni Boul.”

“Boulstridge!” Hiyaw ni Zeke.

“Hindi naman si Vash 'yung nag-aya Zeke. Sila Jacob at Sebastian.” Sabi
ko. Sila naman kasi talaga diba? “Pero hindi naman sila namilit. Gusto ko
din talagang maglaro kasi naman, kanina pa kita hinihintay umuwi, 'yung
mga niluto ko malamig na wala ka pa.” Tumingin si Zeke sa’kin, kanina
galit sya pero this time, hindi nag alit ang mukha nya.

“Ikaw ba naman indianin ng asawa mo sa araw ng monthsary nyo, ano ba


gagawin mo? Kaya ayun, nakipaglaro na lang ako sa—“

“It’s not our monthsary today wife.” Diretsong sabi nya.

Kumunot agad ang noo ko habang titig na titig sa kanya. “Monthsary natin
ngayon ah. 13 kaya ngayon.” Giit ko. “Nabasa ko sa google 'yan dong,
hindi mo ako maloloko. Line 'yan ng mga lalaking nakakalimutan ang
monthsary nila. Hayy.”

“Nah, it’s really not our monthsary today. Because 14 is our special
day.”

“Huh? Nagda-drugs ka ba? Tandang-tanda ko date. 13 'yun.”

“No, it was 14.”

“13!!!” Tumingin ako kay Kaizer, dahil kasama namin sya nung time na
'yun. “Kaizer diba 13 'yun?” Tanong ko sa kanya.

“Hahahahaha wengya! Lampas 12 midnight na kasi 'yun Aemie, kaya 14 na.”


Napaisip ako bigla. “Ibig sabihin, bukas pa talaga ang monthsary natin?”

“Yes wife.” Nakangiting sagot ni Zeke. “I’m starving.” Sabi nya saka nya
hinawakan ang kamay ko at hinila ako papuntang kusina. Ibig sabihin hindi
pala ako dapat naghanda ngayon, kasi bukas pa ang monthsary namin.
Waaaaa!

Mabilis kong tinampal ang kamay ni Zeke na kukuha sana ng carbonara sa


lamesa. “What was that for?” Inumpisahan ko ng ligpitin ang mga pagkain
na nasa ibabaw ng lamesa para ilagay sa ref. “What the hell are you doing
wife? I’m starving.”

Tinignan ko ng masama si Zeke “Bukas mo na 'to kainin, ireref ko muna.”

“What the fvck?!”

Tumingin ako kay Zeke, mukha ngang gutom na gutom na sya dahil ang sama
na ng tingin nya sa mga pagkain. Eh kaso naman, bukas pa ang monthsary
namin sabi nya diba? Huhuhu. “Ehh kasi naman dong sabi mo bukas pa ang
monthsary natin, eh handa ko nga 'to para sa monthsary natin kaya bukas
mo na lang kainin, ipaghahanda na lang kita ng ibang pagkain okay?”
Explain ko sa kanya.

Ilalagay ko na sana ang mga pagkain sa ref kaso nakakaawa naman si Zeke.
Huhuhu. “Sige na nga, bibigyan kita, pero konti lang ah. Magtira ka para
bukas.” Sabi ko habang binubuksan ulit ang mga niluto kong pagkain
kanina.

“Huwag mo akong ngitian Zeke, naiinis na naman ako sa’yo” Saway ko kay
Zeke nung makita kong nakangiti na sya sa’kin. Magsasalita pa sana sya
nung mag-ring ang phone nya.

Kumuka ako ng pinggan at saka inumpisahang maglagay ng pagkain ni Zeke sa


plato.

“Wife, it’s for you.”


Eh?

Kinuha ko sa kanya ang cellphone. Sino naman kaya 'to.

“Hello?”

[Good evening Miss Aemie, this is Sapphire Griffin. I would like to


inform you something lang po...]

Kumunot ang noo ko dahil mukhang hindi maganda ang kutob ko sa sasabihin
nya. Tumingin ako kay Zeke na ganun din ang reaksyon habang titig na
titig sa’kin.

[...But If you don’t mind po, can we talk about that personally. Para mas
mai-explain ko po ng maayos.]

Inalis ko ang tingin kay Zeke bago ako sumagot. “Okay, can we do it
tomorrow?” Tanong ko sa kanya, hindi ko pa nga tapos ipaghanda si Zeke ng
pagkain. Alangang iwan ko agad si Zeke diba.

[But Ma’am Aemie, this is about the Roswell Company.] Sabi nya. Malamang
tungkol sa Roswell Company ang sasabihin nya, doon sya nagtatrabaho.
Alangan namang tungkol sa coca cola or pepsi ang sabihin nya sa’kin.
Hayy! Sino ba kasi ang nagpasa dito sa secretary ko na 'to.

“I know.” Walang ganag sagot ko.

[Malaking pera na po ang nalulugi sa Company. And this only happened in


just two weeks.] Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya sa’kin.

“So how come ngayon mo lang sinabi?” Inis na tanong ko at saka ibinalik
ang tingin kay Zeke. Mas lalong hindi mai-explain ang itsura nya. For
sure, gusto nya na din malaman kung ano ang pinag-uusapan naming.
[I’m sorry Ma’am, ngayon ko lang din po kasi nakuha ang reports.]

“Okay, I will be there in two hours.” Sagot ko, at saka mabilis na


ibinalik kay Zeke ang cellphone nya pagka-end ko ng call.

“What was that?” Tanong ni Zeke. Bumalik muna ako sa ginagawa ko kaninang
paghahain ng pagkain nya bago ko sinagot ang tanong nya. “Ahh wala 'yon
hehe.” Pano ko ba sasabihin sa kanyang nalulugi na ang company nya?

Imagination

“Waaa Zeke nalulugi na ang Roswell Company. Wala ka ng pera, wala ka ng


bahay, lupa, kotse, huhuhu lahat-lahat mawawala na sa’yo”

“Kung ganon mas mabuti pang maghiwalay na tayo wife.”

“What?! Hiwalay?!”

“Oo, wala na akong pera. Wala na akong pambili ng mga Barbie stickers
mo.”

-End of Imagination-

Waaa! Hindi ko pwedeng sabihin! Ayokong dumagdag sa problemang iniisip ni


Zeke. Susubukan ko munang gawan ng solusyon bago ko sabihin kay Zeke.
Tama tama!

“Wala?”
“Oo wala, ano ba! Maliit na bagay.”

“Are you sure?”

Ibinagsak ko ang plato ni Zeke sa harap nya nung matapos kong lagyan ng
mga pagkain. “OO SABI!! KUMAIN KA NA!” inis na bulyaw ko sa kanya.
Napakakulit kasi. Sinabi ng wala eh.

“Hahaha okay.”

***

Nakatingin lang ako sa wall clock na nakasabit sa pader na halos katapat


naming dalawa. Habang si Zeke naman ay panay ang kain sa tabi ko.

“Wife, say ahh.”

Ngumanga ako at sinubo ang isinusubo ni Zeke na pagkain pagkatapos ay


ibilik ko ulit ang tingin ko sa orasan. 9:30PM na. Nakaka-trenta menutos
na simula ng tumawag sa’kin kanina si Sapphire. Ang sabi ko in two hours
nandoon na ako.

Nilunok ko ang nginuya kong pagkain bago tanungin si Zeke. “Matagal ka pa


bang matapos kumain Zeke?” Sinubuan nya ako ng ginawa kong fries saka sya
sumagot. “Yeah. Why?” Itinuloy nya ang pagkain. Ako naman ay bumalik sa
pagbibilang ng oras.

“Shit!”

Mabilis akong tumingin kay Zeke at saka nagsalin ng juice at binigay sa


kanya. “O bakit ano nangyari nabubulunan ka ba? Natinik? Ano?”
Tinanggihan nya at inilapag sa ibabaw ng lamesa ang baso ng juice na
iniabot ko. “No, I remembered something.”

“Ano naman 'yun?”

“It’s fucking late. Are you sleepy?”

Omygod! Kailangan ko nga pala laging matulog ng maaga. “Uhm Zeke, pwede
ba akong magpuyat? Kahit ngayon lang...” Tumingin ako kay Zeke na mukhang
sasagot na agad ng ‘Nah’ kaya itinuloy ko na agad ang sasabihin ko.
“...May kailangan kasi akong puntahan sa opisina. Importanteng-importante
lang talaga.”

“N—“

“Ngayon lang naman eh, please. Bukas 4PM pa lang matutulog na agad ako.”

“No.”

“Saglit lang naman ako eh.”

“I said no.”
“Importante kasi 'yun Zeke.”

“Nope. Your health, and our baby’s health is more important.”

“Ezekiel Roswell.”

“Tss. Fine. But I will accompany you.”

Sasama si Zeke? Edi nalaman nya din ang tungkol sa nalulugi nyang
kumpanya? Hayy! Bahala na nga. Gagawa na lang ako mamaya ng paraan para
hindi nya madinig.

After another 30 minutes ay natapos na din saw akas kumain si Zeke. Kaya
nagmadali na akong magligpit ng mga pinagkainan nya. Iniayos ko lang
lahat ng hugasin sa lababo. Saka kami naglakad papuntang living room.

“Tulog na sila?” Takhang tanong ko. Wala na kasing tao dito sa salas.
Kanina nung bago kami pumunta sa kusina, nagkakagulo pa sila dito at
naglalaro eh.

“Maybe.” Sagot ni Zeke.

Tumango-tango na lang ako bago kami umakyat sa taas para mag-ayos.

***

Tumingin ako sa digital clock na nasa kotse ni Zeke. 11:32PM. Hayy grabe!
Gabing-gabi na. Nandoon pa kaya si Sapphire?

“Zeke pahiram nga ako ng phone mo saglit.” Sabi ko sa kanya. Agad naman
nyang iniabot sa’kin ang phone nya.
We’re on our way to the company. Hintayin mo lang ako dyan.

Message sent!

Hindi ko muna ibinalik kay Zeke ang phone para if ever na magreply si
Sapphire.

1 message received.

From Sapphire : I will wait you po.

Nakahinga ako ng maluwag nung mabasa ko ang reply ni Sapphire kaya


ibinalik ko na kay Zeke ang phone.

“Fuck! We’re almost out of gas.”

Tinignan ko ang gas meter at konting-konti na nga lang ang gas. “Ayun
dong oh may gas station.” Turo ko sa gas station na malapit na sa
kinaroroonan namin.

“Full tank.” Sabi ni Zeke sa gasoline boy pagkababa nya ng salamin ng


kotse. Sumandal ako sa upuan ng kotse at saka pumikit saglit.

***

“Wife.”

Iminulat ko ang mga mata ko nung madinig ko ang boses ni Zeke at saka ko
inibot ang tingin ko sa paligid. Nasa loob pa din pala ako ng kotse.
“We are here.” Umayos agad ako ng upo at tumingin sa labas. Nasa parking
lot na pala kami ng company.

Wala nang mga sasakyan na naka-park. Malamang syempre gabi na. sxa mall
nga nauubos ang naka-park pag gabi eh, dito pa kaya.

Kinuha ko ang maliit na shoulder bag na dala ko at saka bumaba ng kotse


nung pinagbuksan ako ni Zeke. Inalalayan nya ako para makababa ng kotse
kaya as usual ng sabi ako ng “Thanks.”

“Good Evening Mr. and Mrs. Roswell.” Bati ng guard sa’ming dalawa ni Zeke
saka kami pinagbuksan ng glass door.

Puro guards na patuloy sa pag-iikot sa buong company ang nakakasalubong


namin. Mangilan-ngilan na lang din ang bukas na ilaw. Kaya hinigpitan ko
ang kapit sa braso ni Zeke. Baka mamaya kasi hindi na pala guard ang
kasalubong namin. Paano kung multong guard pala diba? Huhuhu.

Mahigpit akong nakakapit sa braso ni Zeke hanggang makarating ng


elevator. Dati ginagabi din naman kami lagi ni Zeke dito nung hindi pa
ako buntis. Pero may mga mangilan-ngilan pa ding mga nagoovernight dito
sa company para ituloy ang mga trabaho nila kaya hindi masyadong creepy.
Bakit ngayon parang walang ibang tao bukod sa guards at sa’min.

Omygod!

“Zeke bilisan na’tin. Baka mamatay na sa takot sa opisina si Sapphire.”


Sabi ko nung maalala kong hinihintay nga pala kami ni Sapphire. Kung ako
kasi 'yun, hindi ko kaya mag-isa sa loob ng opisina.

***

“Good evening Mr. and Mrs. Roswell.” Bati ni Sapphire pagkabukas na


pagkabukas ni Zeke ng pinto ng CEO’s office.

“Good evening.” Bati ko pabalik. Sumimple ako ng senyas kay Sapphire


habang naglalakad si Zeke sa swivel chair nya para maupo. Sumunod sa’kin
si Sapphire kaya sabay kami halos na naglakad papunta sa table ko.

Inilapag nya ang isang folder sa harap ko kaya agad ko 'yung binuklat
para tignan.
Kumunot agad ang noo ko pagbuklat ko ng folder dahil una kong nakita ang
amount na sinasabi nyang lugi ng company.

1.2 Billion pesos.

Paanong nangyari 'to?

Iniscan ko ang mga sunod na pahina ng papel. Si Sapphire naman ay lumayo


sa table at kumuha ng mas madami pang folders saka inilapag ulit sa harap
ko.

“Need a hand?”

Lumingon ako saglit kay Zeke. Nakangiti sya sa’kin habang nakasandal lang
sa swivel chair nya at nilalaro sa kamay nya ang isang knife. Parang
baliw talaga 'tong si Zeke. Paano kung makita sya ni Sapphire, baka
mamaya matakot. Akalain criminal pa sya. Minsan talaga hindi nag-iisip
'to eh.

“Hindi na.” Tipid na sagot ko at saka tinignan ulit ang nilalaro nyang
kutsilyo. Agad nyang ibinulsa ang hawak nyang kutsilyo nung mapansin
nyang doon ako nakatingin. Buti naman at nadadala pala sa tingin 'tong si
Zeke.

Ilang minuto na ang nakakalipas at hindi na halos ma-digest ng sistema ko


ang sunud-sunod kong nababasa, nung magpaalam si Zeke. “Wife, I’ll just
go out and check something outside.”

“Sige.” Sagot ko. Pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga papel.

Pagkasaradong-pagkasarado ni Zeke ng pinto ng opisina ay nagsalita ako


para kausapin si Sapphire. “Bukod sa’yo, sino pa ang nakakaalam ng
tungkol dito?”

“Ang buong board po. Nagpapatawag nga po sila ng meeting. In fact


kakatawag lang po nila sa’kin a while ago. Ready po sila makipag-meeting
kahit dis oras ng gabi.”
Sumandal ako sa swivel chair habang tinitignan pa din ang mga papel sa
harap ko. “Kahit ngayon?” Tanong ko.

“Yes po.”

“Okay. Magpatawag ka ng meeting. In 30 minutes, we will start the


meeting.” Utos ko kay Sapphire saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Ilang minuto ulit ang nakalipas ay bumalik si Sapphire. “Okay na po


Ma’am. They’re on their way here.”

“Good.” Sabi ko.

Wala pa akong naiisip na plano kung paano mababawi ang pagkalugi ng


company. Hindi ko din makita dito sa mga papers na ini-scan ko kung
nasaan ang mali at bakit nagkakaganito.

Hayy! Sumasakit ang ulo ko di—

*phone rings*

Halos mapalundag ako nung tumunog ang telepono na nasa ibabaw ng office
desk ko. Sino naman kaya 'tong istorbong 'to at dis oras na ng gabi.
Naisipan pang tumawag.

“Aemie Roswell speaking” Sabi ko pagka-angat ko ng phone.

“I wanna make you smile whenever you’re sad” Isang line pa lang ang
nakakanta, alam ko na agad kung kaninong boses ang kumakanta sa kabilang
linya kaya inilapag ko saglit ang folder na hawak ko para makinig.

“Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do is grow old
with you. I’ll get your medicine when your tummy aches. Build you fire if
the furnace breaks. Oh it could be so nice, growing old with you.”
Sumandal ako sa swivel chair na inuupuan ko at saka pinikit ang mga mata
ko. Inaantok ako sa boses ni Zeke.

“I’ll miss you. Kiss you. Give you my coat when you are cold. Need you.
Feed you. Even let you hold the remote control—“

“Ma’am Aemie.”

Mabilis kong ibinaba ang telepono at umayos ng upo nung madinig ko ang
boses ni Sapphire. “Ano 'yun?” Tarantang tanong ko saka ko aligagang
binuklat ulit ang mga folders para i-review ulit.

“Nandyan na po ang board.”

“What? Ang bilis naman!” Angal ko habang ibinibalik ang mga papel sa
folders para iligpit. Tinulungan ako ni Sapphire kaya madali naming
naisalansan lahat. At nung matapos na, siniguro ko namang okay ang itsura
ko.

“Pakitignan naman kung nasa labas si Zeke.” Agad naman akong sinunod ni
Sapphire at sumilip sa labas ng pinto.

“Wala po si Mr. Roswell, Ma’am.”

“Good. Let’s go.” Mabilis akong tumungo sa may pinto at lumabas para
dumiretso sa conference room. Nauna sa may pinto si Sapphire para
pagbuksan ako ng pinto.

Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko sa board. Pero kailangan ko


muna silang harapin bago pa malaman ni Zeke ang tungkol dito.

Huminga ako ng malalim bago pumasok.

Pagpasok ko ng conference room ay nakapatay ang lahat ng ilaw. Kaya agad


akong tumalikod para sana lumabas ng pinto pero huli na dahil ang nadinig
ko na lang ay ang pag-lock ng pinto ng conference room “Sapphire! Buksan
mo 'tong pinto!” Matigas na utos ko habang kinakalabog ang pinto ng
conference room.

“I’m sorry Ma’am Aemie. But I can’t.” Sagot nya.

Gusto kong magmura sa inis pero hindi ko magawa. Sinubukan kong kapain
ang pader para buksan ang ilaw pero hindi ko alam kung nasaan ang switch.

Binunot ko ang baril na nasa gunpocket sa may hita ko. Nung eksaktong may
nadinig akong kaluskos.

“Let me do the dishes in our kitchen sink.” Tumulo ang luha ko nung
madinig ko ang boses ng kumakanta.

“Zeke.” Mahinang sambit ko.

“Put you to bed if you’ve had too much to drink.” Palapit ng palapit
'yung boses sa’kin at patuloy naman akong naiiyak. Siguro dahil halo-halo
na ang nararamdaman kong emosyon kaya ang naiyak na lang ako.

“I could be the man who grows old with you. I wanna grow old with you.”
Nung ramdam kong nasa harap ko na si Zeke ay agad ko syang niyakap.
“Happy monthsary wife.” Pagkatapos ng kanta ay bumukas ang ilaw sa
conference room. Kaya inalis ko ang pagkakayakap ko kay Zeke. Iniabot nya
sa’kin ang isang bouquet ng red roses saka ako hinalikan sa labi.

“I love you wife.”

“Mas mahal kita 'no!”

“Hahaha here we go again.” Inilibot ko ang tingin ko sa paligid na


punung-puno ng flowers, balloons, at may mga pagkain din.
“HAPPY MONTHSARY!!!” Tumingin ako sa gawing kaliwa kung saan nagkumpulan
silang lahat.

“Happy monthsary to the both of you.” Masayang bati ni Meisha.

“Happy monthsary guys!” Sunod naman si Fauzia.

“Akalain mo nga naman.”

“Yo Ma’am Aemie, happy monthsary.”

Sunud-sunod na ang naging pagbati nila, kaya tanging ngiti na lang ang
naisagot ko sa kanilang lahat.

“Ehem, ehem.” Tumingin ako kay Kaizer na naupo sa isa sa mga swivel chair
ng mahabang conference table. “Mrs. Roswell, nakahanda na ang buong board
para sa sasabihin mo.”

“What? Ibig sabihin—“ Tumingin ako kay Zeke na mahigpit na hawak-hawak


ang kamay ko.

“That wasn’t true. It was all for this surprise.” Mula sa nakangiti, ay
biglang nagbago ang mood ko. Kaya sinamaan ko ng tingin si Zeke.

“Happy monthsary sa inyo ni Ezekiel baby Ae.” Nabaling naman ang atensyon
ko nung lumapit sila mommy at daddy.

“Mommy, daddy.” Niyakap ko sila mommy at daddy na nandito din. Grabe.


Daig pa namin ang nag-reunion.
“Mamaya ka sa’kin Roswell.” Banta ko kay Zeke habang yakap ko sila mommy
at daddy pero tinawanan lang nya ako.

***

A/N :

Sorry guys, ngayon lang nakapag-update. Hell month kasi ang January. L

Anyways, may mga ka-date na ba kayo this coming Valentine’s day? Pwede
bang ako na lang? Hahaha gusto ko kasi kayo iinvite sa book signing!! Yes
book signing!

WHEN : FEBRUARY 14, 2015 (Saturday), 1PM onwards

WHERE : Function Rooms A&B, Megatrade Conference Center, SM Megamall.

I will be with other PSICOM authors pala. Kaya see you there Mafias!
Punta kayo ha! :* Loves!

=================

Chapter 28

-After 6 months-

Vash’s PoV

Lumingon ako sa gawi nila Lamperouge at Lerwick nung himasin ni Lerwick


ang likod ni Lampe. “Ano ba baby Lampe, kanina ka pa kalabit ng kalabit
sa’kin. Mamaya tayo magqua-quality time sa kwarto” Gago talaga ‘to si
Lerwick. Tss.

“Ulul! Tignan mo kasi ‘yun” ngumuso si Lampe kaya pati ako ay sumunod ng
tingin. “Ano pre pati si Miss Aemie karibal ko na sa pag-ibig mo? Okay
lang sana sa’kin, kaso patay ka kay bossing”
“Gago!” Singit ko. Ibinalik ko ang tingin kay Ma’am Aemie na pabalik-
balik sa paglalakad habang hawak-hawak ang tyan na malaki na at mukhang
malalim ang iniisip.

“Oh nag-seselos ka ba ‘tol? Ayan si Hakob oh. Iyong-iyo na”

“Tss”

“Ito talagang si Lerwick, puro kabaklaan ang alam kaya hindi magka-
girlfriend e” Iiling-iling na sabi ni Lee. Pfft.

“Dude! Hiyang-hiya naman ang gwapo kong mukha sa katorpehan mo kay


Fauzia”

“Masakit ba tyan mo Aemie? Kanina ka pa dyan nakahawak at hindi mapakali”

Pumihit ng tingin sa aming apat si Ma’am Aemie kaya natigilan kami sa


pag-uusap. “Huwag nga kayong maingay! Hindi ako makapag-isip ng maayos!”
Bulyaw nya habang nakapamewang. Tss. Ayan na nga ba sinasabi ko eh.

“Si Boul kasi Miss Aemie, kanina pa ako kinukulit” Binalingan ko ng


tingin si Lerwick na sisipol-sipol na. Gago talaga ‘to.
“Ano ba iniisip mo Aemie? Kanina ka pa pabalik-balik dyan. Maupo ka muna,
ako ang nahihirapan sa ginagawa mo eh” Sabi ni Lampe. Mabilis na lumapit
sa amin si Ma’am Aemie saka nagtanong. “Iniisip ko kasi kung ano bang
date ang birthday ni Zeke, alam ko kasi this month ‘yun, kaso hindi ako
sure”

Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko nung mag-vibrate ang cellphone.

“Gusto ko kasi sana i-surprise si Zeke, kaso hindi ko alam kung anong
exact date ng birthday nya, ikaw Kaizer, diba kababata mo si Zeke?”

“Awts. Ayun ang hindi ko alam Aemie, kahit naman magkababata kami, wala
naman akong alam sa mga birthday-birthday na ganyan”

Caileigh calling...

Shit! Bakit kya natawag si Caileigh? May problema kaya?

“Hayy ano ba ‘yan!” Pumadyak ng paa si Ma’am Aemie at inis na inis.

Nagdadalawang isip pa akong tumayo para sagutin ang tawag pero mukhang
urgent call kaya kahit natatakot ako ay nag-ayos ako ng pantas saka
tumayo. “Excuse lang po saglit Ma’am Aemie” Paalam ko. Tinignan ako ni
Ma’am Aemie na may expression na nagtatakha. Tumungo ako bago sagutin ang
cellphone habang naglalakad palayo sa kanila.
**

Caileigh’s PoV

[Hello]

“Vash” It’s been a while since the last time we talked. But parang kailan
lang. The time is so madali talaga.

[Bakit napatawag ka? Anong meron?] Tanong nya, with a cold tone. “I’m
following Louie kasi, he’s a bit odd nung nagpunta sya dito and he was
mad nung tinatanong nya sa’kin if I know something about sa death ni
Shan. Uhh do you have an idea ba kung anong nangyari?”

-Flashback-

“Caileigh!”

Hinawi ko agad ang curtain when I heard a very familiar voice. “ Caileigh
lumabas ka nga dyan!” What the fudge? Is that Louie? Bakit sya nandito?
And why he look so galit?

“Wait! Papunta na” I shouted as I hurried out.


“Lou—“ Before I can say anything, he pinned me against the door. His eyes
are full of anger. “May alam ka ba sa pagkamatay ni Shan” He gritted his
teeth while waiting for my answer.

“Huh? Anong sinasabi mo Louie, I know nothing” I answered, though I am


puzzled. I took a glance of my wrist na namamanhid na sa pagkakahawak
nya. He sighed before leaving me dumbfounded.

-End of Flashback-

[Huh? Ano? Eh ano ang sabi mo?] I paused for a moment with a sudden
realization. May alam ba si Vash sa totoong nangyari?

“I said wala, because that’s the truth. Ikaw ba? Do you kno—“ I didn’t
have the chance to complete my sentence kasi nagsalita na sya. [Ahh geh.]

“Hello Vash? Vash? Are you still there?”

I sighed. Ugh! What’s wrong with him?! Bakit bigla na lang akong
binabaan. Geez.

“Miss Caileigh—“

“Ahh kuya, magtataxi na lang ako pauwi. Thanks” I said with a smile sa
sumalubong sa’king driver ng kotse ko. Tinalikudan ko na agad ang driver
ko, heading my way to call a cab.
Umayos agad ako ng upo sa taxi na pinara ko. “Manong paki-sundan naman po
‘yung kotseng blue na kakaalis lang” Sabi ko, with my eyes still nailed
on Louie’s car.

**

Amesyl’s PoV

“Ano kayang pinagkaka-busyhan nito ni Wakwak at hindi sinasagot ang tawag


ko? Tss kahit kailan talaga ‘tong baklang ‘to paimportante masyado” Buti
na lang naka-on ang GPS ng cellphone ni Louie, kaya nasundan ko sya.

Nakapag-desisyon na akong kausapin si insan, hindi ko alam kung paano sya


haharapin pagkatapos ng ilang beses kong pagtulak sa kanya palayo. Kaya
nga gusto ko sanang magpasama kay Louie. Kaso ito namang baklang betty
boop na ‘to, ilang oras ko ng tinatawagan hindi naman sinasagot ang
cellphone. Psh.

Wala akong tigil sa paglinga-linga sa mga malapit na restaurant. “Saang


restaurant ba ‘yun pumasok?” Sabi sa GPS nandito lang sya. Aish.
Masasabunutan ko talaga yang baklang ‘yan.

Naglakad-lakad pa ako nung may makita akong pamilyar na babae na bumaba


sa isang taxi na mukhang kanina pa naka-park dahil patay na ang makina.
“Caileigh?”
Lumingon sya sa’kin ng nakakunot ang noo. “Amesyl! What are you doing
here?” Tanong nya, tumingin sya sa loob ng restaurant kaya sinundan ko
ang tingin nya bago sagutin ang tanong. “Hinahanap ko 'yung baklang pa-
VIP, ikaw?” teka— “Si Louie ba ‘yung nasa—“

”AT SINO ‘YANG BABAENG KASAMA NYA?” Bulyaw ko kay Caileigh. “Malanding
bakla!!! Kaya naman pala ayaw sagutin ang tawag ko dahil may kasamang
babae” Damang-dama ko ang pagkulo ng dugo ko. Ano mang oras pakiramdam ko
ay makakapatay ako ng malanding bakla.

“Relax lang girl. Tara Lumapit” Sabi ni Caileigh. Hindi na ako nagsalita.
Inalis ko agad ang sapatos na suot ko para paglapit namin ay
isusungalngal ko agad sa kanila, saktong-sakto tig-isa silang dalawa.
“Hey ano ka ba Ame. Wear your shoes again” Natatawang bulong ni Caileigh

“Isa ka pa Caileigh, kinukunsinti mo pa ‘yang kalandian ng baklang ‘yan.


Pati ikaw—“

“Look at him” Sabi ni Caileigh. Tinignan ko si Caileigh ng nakakunot ang


noo. Nakatingin sya kay Louie nung magsalita sya ulit. “There is
something with him na kailangan na’tin malaman. He stormed out of our
house pagkatanong nya kung sino pumatay kay Shan. Isn’t it intriguing?”
Kunot noo kong tinignan si Louie bago ko isinuot ulit ang dalawang
sapatos na hawak ko.

“Anong meron sa pagkamatay ni Shan?” Tanong ko, “I don’t know either. But
we need to find out as soon as possible dahil kinakabahan ako” Ako din,
hindi ko alam bakit kinakabahan ako.

**
Naupo kami sa likod ni Louie. Tanga talaga ‘yan. Ni hindi man lang kami
nakilala ni Caileigh. Bale magkatalikuran ang pwesto namin. Dahil
magkatabi kami ni Caileigh, tapos nasa likod namin si Louie.

“Ano bang sabi ng sumulat sa’yo?” Nagpapanting talaga tenga ko tuwing


madidinig ko ang boses ng babaeng kausap ni Louie. Ang landi pa ng boses,
halatang haliparot.

“Tanungin ko lang daw lahat ng mga taong malapit sa’kin at malalaman ko


kung sino ang pumatay kay Shan” Galit at seryoso ang tono ng boses ni
Louie,

“Natanong mo na ba lahat?” Tanong uli nung haliparot.

“Si Caileigh pa lang” Tipid na sagot ni Louie

Nagkatinginan kaming dalawa ni Caileigh, pero parehas pa rin kaming


walang imik at naghihintay ng mga susunod nilang pag-uusapan.

“Yo late ba ako bro?”

“Di naman ayos lang”

“Hey Wallace, it’s been a while”


“Yo Grethel”

“Upo ka ‘tol”

Nadinig ko ang paghila ng upuan, mukhang naupo nga si Wallace. Kung hindi
ako nagkakamali, sya ‘yung pinsan nila Shan at Louie dahil nagkita na
kami noon sa burol ni Shan.

“Bakit ka biglang nagtext, may problema ba?” Tanong ni Wallace,

“May alam ka ba tungkol sa pagkamatay ng kakambal ko?”

Nagkatinginan ulit kaming dalawa ni Caileigh. Ang tagal bago sumagot ni


Wallace. May kinalaman kaya sya? Kaso bakit naman nya papatayin ang
sarili nyang pinsan. Tanga din ‘to si Louie eh. “Wala” Tipid na sagot ni
Wallace.

“Why don’t you ask Aemie,” Suhestyon nung haliparot na babae. Isa pa
‘tong tangang ‘to. Ano naman kinalaman ni insan doon. Lalong umiinit ang
dugo ko dito sa babaeng ‘to. At kapag ako napuno sasaksakin ko sya ng
tinidor sa mata.

**

Mabilis akong pumunta sa bahay ni Andrei pagkatapos ng mga nadinig namin


sa restaurant. “Amesyl, are you really sure na tatanungin na’tin ang kuya
mo?” Tanong ni Caileigh, tiniganan ko sya bago magsalita. “Kung ayaw mo
sumama Caileigh, pwede ka ng umuwi” Hindi ko naman sya pinilit na sumama
dito. Sya naman ang pasunod-sunod sa’kin.

“Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis Andrea. Hahaha. Uuwi at uuwi ka


din dito sa bahay” Pababa ng hagdan ang kuya ko ‘daw’. Oo na, kuya ko na.
Kami naman ni Caileigh ay naghihintay lang dito sa baba.

“Psh. Hindi ako nagpunta dito para dito na tumira Andrei, itatanong ko
lang kung may alam ka sa pagkamatay ni Shan” Mabilis at diretsong tanong
ko.

“Hmm si Shan? ‘Yung kapatid ng manliligaw mo?” Casual ang sagot nya at
mukhang walang pakialam sa tinatanong ko. Maraming connection si Andrei
Lewis kaya hindi na ako nagtatakha kung alam nya tungkol dun. “Nadinig ko
nga ang pagkamatay nya. Tagal na nyan ah”

“Pwede ba sagutin mo na lang tanong ko” Naiinis na tanong ko.

“Wala ako sa posisyon para sabihin sa inyo ang tungkol doon. Bakit nyo ba
gustong malaman, ano ang plano nyo?” Tanong nya. Hindi man lang nya
iniisip ang pwede naming isipin sa sinabi nya. Sa madaling salita, alam
nga nya ang tungkol sa pagkamatay ni Shan.

“May kinalaman ka ba dun?”

“Hahahaha. Wala sus! Alam mo namang si Aemie ang gusto ko”


“Are you serious Andrei?” Gulat na tanong ni Caileigh. Hindi pa pala nya
alam?

“Hindi ba nya alam?” Tanong ni Andrei ng nakatingin sa’kin at nakaturo


kay Caileigh. “Malamang, nagtanong eh diba?” Sagot ko.

“Hahahaha” Tumawa lang sya saka naupo sa mahabang black na sofa sa salas.
Isa pa ‘tong malandi, alam namang may asawa si insan ‘yun pa ang gustong
patusin. “Tigilan mo nga pinsan ko, tss. Alam mo namang may asawa ‘yun”

“Sinabi ko bang aagawin ko? Pfft baliw”

Lumapit ako at naupo malapit sa kanya. “Oo na, sabihin mo na lang sa’kin
kung ano ang alam mo tungkol sa pagkamatay ni Shan”

Nakangiti syang humarap sa’kin “Bakit ko sasabihin sa’yo?”

“Kasi kung may kinalaman ‘yan kay insan, kailangan mong sabihin sa’kin
dahil galit na galit si Louie”

“Ahh ganun ba?”

“Oo kaya kung maaari please, sabihin mo na” Tumingin sya sa’ming dalawa
ni Caileigh. Umayos ng upo bago nagsalita. “Yung asawa ni Aemie, ayun ang
pumatay kay Shan” Diretsong sabi ni Andrei. Nagkatinginan kaming dalawa
ni Caileigh. “Paanong—Papaano gagawin ng asawa ni insan ‘yun. Nasisiraan
ka ba Andrei?”
“Bakit hindi si Aemie mismo ang tanungin mo Andrea, siguradong alam ni
Aemie ang tungkol dyan. Ako nga alam ko eh, si Aemie pa kaya,”

Napaisip ako saglit, kung alam ni insan ang tungkol doon—“Shit!” Mabilis
akong tumayo at naglakad palabas ng bahay. Lumingon ako kay Andrei bago
tuluyang makalabas ng pinto “Pahiram naman ng sasakyan, kailangan kong
pumuntan agad sa bahay nila insan”

Tumingin sya sa isa sa mga body guard na malapit sa kanya. “Ihatid nyo
silang dalawa sa bahay nila Aemie”

“Opo Mr. Lewis”

**

Nakaupo kaming dalawa ni Caileigh sa loob ng isang kotse. “Pakibilisan


naman ang pagda-drive, kailangan namin makaratin agad doon” Utos ko sa
driver.

“Opo Ms. Lewis”

Kahit naguguluhan ako sa mga nangyayari kailangang mauna ako kay baklang
betty boop. Hindi pa naman ugaling magsinungaling ni insan. Natatakot ako
nab aka aminin nya kay Louie ang tungkol sa pagkamatay ni Shan. Pag
nagkataon, baka pati ‘tong baklang ‘to magalit kay insan.

Ang daming tanong na nabubuo sa utak ko ngayon, bakit pinatay ng asawa ni


Aemie si Shan. Anong meron sa kanila.
At paano nya pinatay? Isang mayamang businessman lang naman ang asawa ni
Aemie, paano nangyari ‘yun?

“Are you okay Ame-girl?” Tumingin ako kay Caileigh na gulung-gulo. “Paano
nagawa ‘yun ng asawa ni Aemie?” Naguguluhang tanong ko.

“Simply because, her husband is a Mafia Boss” Tumaas ang kilay ko dahil
sa sinabi ni Caileigh. “Si tita Alyana at si tito Eiji din, even your
brother”

“Pati ikaw?” Kunot-noong tanong ko.

“Haha of course not,”

“Eh bakit alam mo ang tungkol dito?” Ako lang ba ang may hindi alam?

“Matagal ko ng alam ang tungkol dito Amesyl, simula pa nung inaalam ko


kung sino ang real parents ko”

“Eh si Louie, may alam ba sya?”

“I think wala din,”


**

Aemie’s PoV

“Sure ba kayong 12 ang birthday nya?”

“Oo naman, wala ka bang tiwala sa’min Aemie?” Nakangising sagot ni


Kaizer. “Wala” Sagot ko. Ano kaya magandang surprise para kay Zeke. Never
ko pa naman na-try mang-surprise eh.

“Ano bang gusto ng mga lalaki?” Seryosong tanong ko sa kanilang apat.

“Sexy, maganda, mabait, understanding—“ Tinignan ko agad ng masama si


Sebastian kaya natigilan sya sa pagsasalita. “Yan ang mga gusto ko sa
babae Ma’am Aemie, kaso si bossing, hindi ko alam eh”

Tanghaling tapat, pinaiinit nitong Sebastian na ‘to ang ulo ko. “Oh
chillax lang Aemie, mai-stress ang baby nyo nyan, ilang araw na lang din
malapit ka na kami maging ninong”

“Nasaan na nga ba si Bossing, bakit wala pa—“

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nung may mag-doorbell. “Ayan baka


si bossing na ‘yan. Boul buksan mo pinto. Miss Aemie maupo ka dito sa
upuan” Lumapit sa’kin si Sebastian at saka ako hinawakan sa magkabilang
balikat at pinaupo sa kanina’y inuupuan nya. “Baka magalit si Bossing
kapag nakita nyang hinahayaan ka naming nakatayo lang”

Minsan shunga ‘tong mga kaibigan ni Zeke na ‘to. Kung si Zeke ang nasa
pinto, hindi na magdo-doorbell ‘yun. Hayy.

Naglalakad si Vash palapit sa pinto, sunud-sunod na ang doorbell kaya


dumampot ako ng baril na nasa ibabaw ng lamesa. Pati sila Sebastian,
Kaizer at Jacob ay may hawak na ding mga baril. Si Vash naman ay
nakahawak sa baril na nasa likod ng pants nya, pero hindi pa nya
binubunot.

“Nasaan si Aemie?” Mabilis na tanong ng boses ng isang lalaki—teka lang


si—“Si Louie ba ‘yan?” Ibinalik ko agad ang baril na hawak ko sa ibabaw
ng lamesa, saka dahan-dahang tumayo. Ang hirap pala ng Malaki ang tyan.
“Oh Ma’am Aemie, tulungan na kitang tumayo” Sabi ni Sebastian

Inalalayan ako ni Sebastian hanggang makalapit sa may pinto. “Louie,


pumasok ka muna dito sa loob” Nakatayo lang kasi sya sa labas ng pinto at
nakatingin sa aming tatlo. “Pwede ba kitang makausap saglit Aemie?”
Seryosong tanong nya.

“Oo naman, tara dito” Pag-aaya ko ulit.

“Gusto ko sana tayong dalawa lang ang mag-uusap, kung ayos lang?”
Tumingin sya kay Sebastian at Vash na nasa magkabilang gilid ko.

“Ang sabi kasi ni Mr. Roswell, huwag daw namin palalabasin si Ma’am Aemie
kaya—“
“Okay lang Sebastian ano ba, kaibigan ko naman si Louie” Sabi ko kay
Sebastian kaya tumigil sya sa pagsasalita. “Basta saglit lang tayo Louie
ha”

Tumango si Louie kaya ngumiti ako sa kanya.

**

Amesyl’s PoV

“Insan!!” Sunud-sunod ang ginawa kong pag doorbell sa pinto ng bahay nila
para buksan nila agad ang pinto. “Amesyl relax, there’s nothing to worry
about, mukhang hindi pa naman nakakarating dito si Aemie—“

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay itinulak ko na agad ang nagbukas saka


pumasok sa loob. “Insan!!”

“May problema ba” Tanong ni Vash kay Caileigh. “Uhh we’re looking for
Aemie-girl kasi” Sagot naman ni Caileigh.

“Insan!!!!”

Nagsalita naman ang lalaki na nasa likod ko, na nagbukas ng pinto “Uhh
excuse lang. Kakaaalis lang ni Aemie, kasama ‘yung kaibigan nyong si
Louie Birkins”
Humarap ako sa lalaking nagsalita. Ito ‘yung mayabang na ex-boyfriend ni
Shan Venice na si Kaizer Maxwell. “ANO!?” Hiyaw ko sa kanya.

“Oh kalma! Hindi mo kailangang magulat na gwapo ako, dahil matagal ko ng


alam ‘yun”

“Siraulo” bulong ko. “Saan daw sila nagpunta?” Nagmamadaling tanong ko.
“Hindi sinabi eh” Sagot nya. At relax na relax na naglakad pabalik ng
upuan. Agad kong inalis ang sapatos ko at saka ibinato sa ulo nya bago pa
man din sya makaupo sa sofa. “Aray ano ba!” Bulyaw nya sa’kin

“Gago ka kapag may nangyari kay insan. Kakayudin ko ng kutsilyo ‘yang


mukha mo”

“Aba matinde! Talagang ang gwapo ko pang mukha ang pinag-diskitahan”

“Bakit ano bang meron?!” Tanong nung Jacob Lee. “Gusto malaman ni Louie
if sino ang pumatay kay Shan. And Amesyl is so galit kasi baka sabihin
daw ni Aemie-girl ang totoo”

“Shit! Sundan na natin sila” Sabi nung Sebastian.

Tinignan ko ng masama ang lalaking mayabang. “Oh ikaw unggoy na mukhang


tao, wala ka bang balak sumama?” Inis na inis na tanong ko sa kanya.
Komportableng-komportable kasi syang nakaupo sa sofa.
Uminit lalo ang ulo ko dahil imbis na sagutin nya ako ay tumingin sya kay
Vash Boulstridge. “Boul kausap ka ng pinsan ni Aemie. Huwag kang bastos,
sumagot ka” Kung hindi baklang betty boop ang kausap ko, unggoy na
mukhang tao naman.

**

Nasa harap kami ng puntod ni Shan, hindi ko alam kung bakit dito napili
ni Louie na mag-usap kami. Pero kanina ko pa sya napapansin na tahimik at
mukhang galit.

Nakaharap kaming dalawa ni Louie sa lapida ng puntod ni Shan. Nakahawak


ako sa tyan ko, dahil kanina ko pa nararamdaman ang pag-sipa ng baby.
Manang-mana talaga ‘to kay Zeke, hindi mapakali lagi.

“May isang taon na din halos simula ng mamatay ang kakambal ko” Umpisa
nya. Mag-iisang taon na pala? Ibig sabihin, nung mag birthday si Zeke
last year hindi ko alam. “Kami na lang ang magkasama noon, kasi matagal
ng patay ang mga magulang namin” Dugtong pa nya.

“Alam mo ba kung gaano kasakit mawalan ng kakambal Aemie?” Tanong nya, na


hindi ko sinagot, kasi wala naman akong kapatid.

“Hinding-hindi ko mapapatawad ang gumawa nun sa kanya” Tinignan ko ang


kamay ni Louie na nakakuyom ang kamao sa galit. Pumasok sa utak ko si
Zeke, alam kong si Zeke ang gumawa nun kay Shan, pero ginawa nya ‘yun
kasi ililigtas nya ako, dahil babarilin ako ni Shan.

Humarap si Louie sa’kin. Nag-aapoy ang mga mata nya sa galit kaya
napalunok ako. “Tapatin mo nga ako Aemie,” Tinignan ko sya ng diretso sa
mata “May alam ka ba sa pagkamatay ng kakambal ko?”
Huminga ako ng malalim saka bahagyang tumungo. Alam kong sa mga oras na
‘to ay nasasaktan si Louie, gustung-gusto nyang malaman kung sino ang
pumatay kay Shan para makapag-higanti sya.

Tumingin ako saglit sa puntod ni Shan bago ko ibinalik ang tingin k okay
Louie. “Wala” Ito yata ang unang beses na nagsinungaling ako ng hindi ako
nakokonsensya. “Wala akong alam sa sinasabi mo Louie, matagal na ‘yun.
Bakit hindi na lang natin kalimutan” Dugtong ko pa.

Alam kong kasalanan ang ginawa ni Zeke, pero mahal ko si Zeke at ayokong
ipahamak sya. At isa pa, kaibigan ko si Louie, ayokong dahil doon maging
masama syang tao.

“Sigurado k aba sa sinasabi mo?”

Tumango ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

“Insan!!!” Pinunasan ko agad ang luha ko bago tumingin sa paparating.


“Insan ano ginagawa mo dito?” Nagtatakhang tanong ko. Tumingin muna sya
kay Louie bago ibinalik ang tingin sa’kin. “Uhh gusto kasi kita makausap”
Tumingin muna sya saglit kay Louie na nakakunot ang noo ngayon at mukhang
takhang-takha din, bago nya bibinalik ang tingin nya sa’kin.

“Tungkol saan insan?” Tanong ko sa kanya. Ang tagal na din nung huli
kaming magka-usap ni insan. Hindi na kaya sya galit sa’kin?

Ngumiti sya saglit sa’kin bago nagsalita. “Tungkol sa’tin dalawa,”


Nilingon nya ulit si Louie, “Okay lang ba Wakwak na mag-usap kami ni
Aemie?” Tanong nya. “O may pag-uusapan pa kayo?” Dugtong pa nya.
“Wala na, sige una na ako” Malamig ang pagkakasabi ni Louie,

**

Iyak ako ng iyak hanggang matapos kami magkausap ni insan. “Hindi ka na


talaga galit sa’kin insan?” Tanong ko habang umiiyak. “Oo naman insan
‘no, tumahan ka na nga dyan” Feeling ko tuloy, nabunutan ako ng tinik
nung magkausap kami. Ang tagal nya ding hindi ako pinapansin eh.

Pinunasan ni insan ang luha ko, “Tulungan mo akong mag-isip ng surprise


kay Zeke” Nakangiting sabi ko.

“Surprise? Bakit ano meron?”

“Birthday nya” Nakangiting sabi ko.

“Okay, sure!” masiglang sagot ni insan.

**

Lumipas ang isang linggo na naging busy kami sa paghahanda ng birthday


party ni Zeke. Dinner date lang naman, ayaw din naman kasi ni Zeke ng
malaking party. At isa pa, sabi nila Kaizer mas sweet daw kapag ganito
ang ginawa ko.

“O Aemie, malapit na dumating si Mr. Roswell, ready ka na?” Tanong ni


Kaizer. Ngumiti ako sa kanya. Nandito pa kami sa bahay. Nakabihis na ako
at nag-hihintay na lang na dumating si Zeke. Hindi ko alam kung paano sya
yayayain na sumama sa dinner date mamaya, pero bahala na. Hehe. Sure
naman akong sasama sya.

“Dong!” Masayang bati ko pagkapasok nya ng pinto. Yumakap agad ako kay
Zeke. “Happy birthday, kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya. “Yeah,
thanks” Nakatingin sa’kin si Zeke, at mukhang nagtatakha kung bakit bihis
na bihis ako. Pero umalis din sya agad at umakyat ng kwarto kaya sinundan
ko kahit—hayyyy! Ang hirap maglakad.

“Zeke, galit k aba kasi akala ko nakalimutan ko na ang birthday mo?”


Tanong ko nung makaupo na sya sa kama. Inalis nya ang coat ng suot nya at
niluwagan ang necktie bago sumagot. “No, I’m not mad. I’m just tired”

Ako lang ba? O talagang kakaiba tono ni Zeke?

Naupo ako sa tabi nya saka inalala ang mga nangyari this past few weeks.
Hindi nga kami masyadong nagkakausap ni Zeke ngayon dahil madami syang
ginawa. Tapos ako naman busy sa paghahanda ng birthday nya nitong
nakaraang linggo.

“May problema ba Zeke?” Nag-aalalang tanong ko. “I told you, I’m just
tired so shut the fvck up!” Nabigla ako dahil sa sinabi nya, pero hindi
ko pinansin. Birthday nya kasi, baka naiinis lang kasi ngayon ko lang sya
binate. Ngumiti ako saka sya tinanong. “Ahh Dong! Pwede ba tayo lumabas
ngayon at mag-dinner?”
Tumingin sa’kin si Zeke, nakakunot ang noo nya kaya hindi ko na sya
hinintay sumagot. Tumungo muna ako bago nagsalita, “Sige kung pagod ka
na, pahinga ka na lang muna” Naiiyak ako. Hindi ko naman nakalimutan ang
birthday nya eh. Tapos nagagalit na lang sya basta-basta.

Tumalikod na ako at lumapit sa closet at kumuha ng pamalit na damit.


“Okay, let’s eat dinner together” Mabilis akong humarap kay Zeke na abot
tenga ang ngiti. “Talaga Dong? Yehes!” Hinagis ko agad pabalik sa loob ng
closet ang damit na kinuha ko saka lumapit kay Zeke at humawak sa braso
nya. “Tara na, baka magbago pa isip mo eh. Ang moody mo pa naman. Hehehe”
Sabi ko, pero hindi man lang kumibo si Zeke.

**

“Thank you Kaizer” Nakangiting sabi ko kay Kaizer na pinagbuksan ako ng


pinto ng sasakyan. “Dong tara na, bakit ayaw mo pang bumaba dyan?” Tanong
ko habang sinisilip si Zeke na nakaupo pa sa loob ng sasakyan. Hindi sya
nagsalita. Tahimik lang syang bumaba ng sasakyan at natigilan nung makita
ang view.

“Surprise!! Happy birthday ulit” Yumakap ako kay Zeke pagkababa nya ng
sasakyan. “I love you Dong!” Masayang bati ko habang yakap-yakap sya.
Bumitaw ako sa pagkakayakap bago sya tinanong “Nagustuhan mo ba?”

For the nth time, hindi na naman nagsalita si Zeke, naglakad sya sa
palapit sa table. Naiwan ako saglit na nakatayo kung saan nya ako iniwan,
ni hindi nya man lang hinawakan ang kamay ko. Hindi tulad noon. Ang bigat
sa dibdib. Kanina ko pa pinipigilan ang iyak ko pero hindi pwede.
Kailangan masaya ako kasi birthday ni Zeke. Tama! Pagod lang ‘yan Aemie.

Naglakad ako palapit sa table na sinet-up namin nila Kaizer at naupo sa


harap ni Zeke. Nilagyan ko sya agad ng pagkain sa plato nya. Nakatitig
sa’kin si Zeke habang ginagawa ko ‘yun kaya tinanong ko sya. “Kulang pa
ba? Gusto mo ba dagdagan ko—“
“Nah,” Tipid na sagot nya kaya tumigil na ako sa palalagay. “Oo nga pala
Dong, alam mo bang okay na kami ni insan? Nagkausap na kami last week.
Natutuwa nga ako kasi tinulungan nya pa ako sa pag-aayos dito,”

Tumigil ako sa pagsasalita at tumingin kay Zeke. Titig na titig sya


sa’kin pero hindi sya nagsasalita. Hindi na ako nagtanong kasi ayoko
namang mabadtrip si Zeke, ngumiti na lang ako at itinuloy ang pagke-
kwento “Saka ano pala, si Louie—uhh” Sinulyapan ko sya ng tingin, hindi
pa din nya inaalis ang tingin nya sa’kin pero nakakunot na ang noo nya.

Huwag ko na kayang ituloy? Baka madagdagan lang ang problema ni Zeke. “Si
Louie, magkasama kami kanina tapos namasyal kami hehe” Hindi ko na
binanggit ang tungkol sa pagtatanong ni Louie sa kung sinong pumatay kay
Shan. Hindi na naman siguro importante ‘yun, saka isa pa ayokong
makadagdag sa iniisip ni Zeke.

Ngumiti muna ako kay Zeke bago inumpisahan ang pagkain. Nakailang sulyap
din ako sa kanya dahil hindi man lang nya ginagalaw ang pagkaing nilagay
ko. At hindi nya din inaalis ang tingin nya sa’kin “Kain ka na Dong”
Nakangiting sabi ko.

“I want to end this”

Tumigil ako sa pagkain nung madinig ko ang sinabi nya. “Huh? Pero hindi
ka pa nagsisimula sa pagkain ah,”

“No, I’m talking about you and me. I’m getting tired of our relationship,
so lt’s end this,”
“Ah—ano bang—“ Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay tumayo na si Zeke
at nagsimulang lumakad palayo.

Lumingon ako sa likod ko para sundan sya ng tingin pero hindi ko na sya
makita dahil blurred na ang paningin ko dahil sa mga luha na nagbabadya
ng tumulo. “Dong” Sinubukan kong tawagin si Zeke pero dire-diretso sya sa
paglalakad palayo.

**

A/N : Konti na lang, finals na namin nextweek magiging regular na UD.


Thanks sa mga naghintay sa UD :*

P.S : Basahin nyo Writer’s Block ah. Yiii~ New story ko ‘yan :D

=================

Chapter 29

Aemie’s PoV

“Dong!” Sa pangalawang pagkakataon ay tinawag ko ulit si Zeke, kahit


tuloy-tuloy na ang agos ng luha ko pero hindi pa din nya ako nilingon.

“Oy Zeke saan ka ba pupunta kasi?” Tanong ko sa pagitan ng iyak. Tumayo


ako nung tumigil sa paglalakad si Zeke.
Natigilan ako nung magsalita si Zeke “Don’t you dare follow me”
Nakatalikod sa’kin si Zeke sa’kin kaya hindi ko makita ang mukha nya.
Pero bawat salita na binibitawan nya may diin.

“Okay” Tipid na sagot ko.

**

Kaizer’s PoV

“Mauuna na ba tayo pre? O hihintayin pa natin ‘yung mag-asawa?” Tanong ni


Lerwick, nagsindi ako ng sigarilyo. “Wala ka bang napapansing kakaiba
‘tol?” Dugtong nya pa. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ayokong
magsalita dahil kanina pa din ako may napupuna.

“Oh ayan na si Bossing, ang bilis naman yata nila kumain,” Itinapon ko
ang sigarilyo na hinihithit ko nung matanaw namin ni Lerwick si Mr.
Roswell na palapit na.

Hindi nakaligtas sa mga mapupungay kong mata ang panyo na kakasilid nya
lang sa bulsa nya. Lumipat ang tingin ko sa mga mata ni loverboy na
mukhang galing sa iyak. Wengya! Anon a naman nangyari dito sa mag-asawang
highblood.

Umalis ako sa pagkakasandal sa kotse dahil akmang sasakay na si Mr.


Roswell sa driver’s seat. “Take her home” Tipid na sabi nya bago sumakay
sa kotse na sinasandalan ko.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lerwick nung paandarin ni loverboy ang
kotse palaya. Anak ng pusang kinalbo! Ano bang problema na naman?

“Anong nangyari sa isang ‘yun?” Kamot-ulong tanong ni Lerwick.

Sinundan ko ng tingin ang sasakyan ni Ezekiel. Ilang segundo simula ng


makalayo sya ay sunud-sunod ang pagharurot ng mabibilis na kotse ang
dumaan sa harap naming dalawa ni Lerwick. “Shutanginers ‘tong mga kotseng
‘to! Gusto pa yatang dalihin ang katawan kong ubod ng—“

“Sama” Dugtong ko.

“Tsk tsk. Para namang hindi mo nakita ang lahat sa’kin pre”

“Ulul” Akmang susuntukin ko sa balikat si Lerwick nung may magsalita sa


harap naming dalawa.

“Si Zeke?”

“Oh Aemie, sabi ni Mr. Roswell hatid ka daw namin pauwi. May nangyari
ba?” Usisa ko.

Lumingon sya sa tinahak na daan ni Mr. Roswell at nung mga kotseng


mabibilis ang andar. Hanggang ngayon ay nauulininigan ko pa ang tunog ng
makina ng mga dumaang sasakyan. May luha pa sa mga mata nya kaya kahit
naman hindi nya sabihin alam kong umiyak sya. Wengya! Ano ba talagang
nangyari?! Anak ng tinola naman.
“Ahh wala, naaabno lang si Zeke, tara na umuwi” Pag-aaya nya.

“Sigurado ka bang ayos ka lang Miss Aemie?” Paninigurado ni Lerwick.

“Oo naman ‘no, wala ‘to” Sagot pa nya.

**

“Miss Aemie huag ka ng umiyak”

“Waaa huhuhu! Hindi ko kasi alam bakit ganun. Bakit biglang sinabi ni
Zeke sa’kin ‘yun. Tapos sasabihin nya ‘wag ko daw syang sundan”

“Tang*na din ‘yan si bossing. Ano na naman ba ang pumasok—Aww!”


Napahagalpak ako ng tawa nung hinampas ng unan ni Aemie si Lerwick.

“Wag mo ngang minumura si Zeke,” Inis na sabi nya kay Lerrwick. Hahaha
pfft.

“Baka naman may nangyari kay kuya Ezekiel na hindi natin alam?” Sabi ni
Milka. Iniabot nya ang kakatimpla nya lang na juice kay Aemie. “Uminom ka
muna ate Aemie”
“Yah she’s right” Pagsang-ayon ng kapatid ko na kanina pa din malalim ang
iniisip.

Humikbi si Aemie at saka inabot ang binigay na juice ni Milka. “Thank


you”

“Hindi kaya may ibang babae si Bossing?” Sabay-sabay kaming tumingin ng


masama kay Lerwick. Gago talaga ‘tong tukmol na ‘to sa lahat ng pwedeng
sabihin—

“Oo nga ‘no, baka may ibang—“

“Sus! Si Boss mangbababae? I doubt that” Putol ni Lee kay Aemie, na


mukhang naniwala agad sa sinabi ni Lerwick. Imposible ngang gawin ni
loverboy ‘yun. Napahawak ako sa mapang-akit kong mukha saka nag-isip ng
malalim. “Anak ng tokwa!”

“Bakit Kaizer?” Wengya!

“Ahh wala, may lamok lang hahaha” Palusot ko. Umayos ako ng upo nung
makita kong nakatingin na sila sa’king lahat. Hindi kaya may kinalaman
‘yung mga sasakyang kasunod ni Mr. Roswell? Sino kaya ang mga ‘yon?

“Huhuhuhu”
“Tahan na Miss Aemie, magiging okay din ang lahat. Let’s just trust him”

Napailing ako habang pinapanuod sila na pinapagaan ang loob ni Aemie,


hanggang sa madapo ang tingin ko sa kapatid ko na nakatingin sa’kin.
Nakakunot ang noo nya saka nya ako tinaasan ng kilay.

“Hindi ko kasi maintindihan si Zeke eh! Ang sabi nya hindi na daw kami
magtatago ng sikreto sa isa’t-isa. Lagi daw kami magtutulungan. Tapos—
tapos-huwaaaa huhuhu” Hindi na naituloy ni Aemie ang paglalabas ng sama
ng loob dahil bumunghalit na naman sya ng iyak. Gago talaga ‘yang si Mr.
Roswell eh.

Walang magawa ang lahat kung hindi damayan sya. Birthday pa naman ni Mr.
Roswell ngayon.

“‘Wag talagang makakauwi-uwi ‘yang Ezekiel Roswell na ‘yan dito sa bahay.


Humanda talaga sya sa’kin ‘yan. Hinding-hindi ko sya papapasuki—“

*dingdong*

Mabilis na nagpunas ng luha si Aemie nung madinig nya ang doorbell.


Tumayo sya mula pagkakaupo. “Ako na magbubukas ng pinto Ma’am Aemie”
Nakatayo na din si Lee at akmang maglalakad na nung pigilan sya ni Aemie.

Tumaas ang kilay ko nung nakangiti na sya at hindi na umiiyak. Anak ng!
Mood swing? “Ako na magbubukas, sigurado namang si Zeke na ‘yan. Hehe”
Nakasunod kaming lahat kay Aemie ng tingin na naglalakad papalapit sa
pinto na parang walang nangyari. Sigurado bang ayos lang sya?
“Hi dong!” Masayang bati nya kay Mr. Roswell pagkapasok ng bahay.

**

Aemie’s PoV

Sinundan ko si Zeke na diri-diretso sa paglalakad sa kwarto. Pero hindi


tulad kanina, hindi na ako nagsasalita ngayon. Ayoko kasing makulitan sya
sa’kin.

“I will move out from this house... tonight”

Tumango ako at binuksan ang closet na malapit sa’kin para kuhanin lahat
ng damit nya. “Dadalhin mo ba lahat ng damit mo?” Tanong ko sa kanya.
Naglabas din ako ng bag na paglalagyan ng mga damit at ng iba pang
kailangan nya.

Nakakunot ang noo nya habang titig na titig sa’kin. Inalis ko ang tingin
ko sa kanya kasi ayokong maiyak. Ayoko din naman syang pigilan sa gusto
nya. May tiwala ako kay Zeke, kahit naiinis ako.

Umupo ako sa kama, hawak-hawak ang ilang damit na kinuha ko sa closet


saka nag-umpisang tiklupin at ayusin ang mga damit.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, kita ko sa peripheral vision ko na


nakatingin sya sa’kin kaya tumunghay ako at saka nya nginitan bago ko
ibinalik ang tingin sa mga damit na inaayos ko. Nasa gitna naming dalawa
ang bag ng damit. Gusto ko ng ihambalos kay Zeke ang bag, kasi hindi man
lang nya ako tulungang magsalansan ng damit. Pasalamat sya, birthday nya
ngayon.

Nung mailagay ko na lahat ng damit sa bag ay saka pa lang ako nagsalita.


“May iba ka pang kailangan dalhin?” Tanong ko, pero hindi sya kumibo.
Tahimik lang sya kaya ako na ang nagkusang tumayo at kumuha ng pulbo,
cologne, mga shampoo, sabon, deodorant, towel, toothbrush, toothpaste, at
kung anu-ano pang mga gamit na kakailanganin nya.

Hanggang sa mailagay ko lahat ng kinuha ko ay hindi pa din nagsasalita si


Zeke. Nagbirthday lang, na-pipi na. Kahit kailan talaga ‘tong lalaking
‘to. Hayy.

“Okay na” Sabi ko.

Tumayo si Zeke saka lumapit sa vanity table. Pasilip-silip naman ako kung
ano ang kinakalikot nya doon. Parang ang tagal-tagal naman kasi, hanggang
sa lumapit sya at binuksan ang bulsa ng bag. Hindi ko mapigilan ang
sarili ko na mapangiti nung inilagay nya ‘yung binigay ko noon na Barbie
watch, Barbie na bracelet at Barbie na keychain.

Dinampot nya ang bag na nakapatong sa ibabaw ng kama. Hindi naman nya
sinabi kung kailan sya babalik, kaya kahit naiiyak ako tuwing tumitingin
ako kay Zeke ay hindi ko pa ding napigilang hindi sya tignan sa mukha.

Iiwan na ba nya talaga ako?

Nakatitig sya sa’kin. Gustung-gusto ko syang tanungin, kasi parang may


gusto din syang sabihin. Gusto ko syang pigilang umalis, pero hindi ko
alam kung bakit kahit alam kong nasasaktan ako hinahayaan ko lang.
“I’m leaving” Paalam nya. Pero hindi pa din sya umaalis sa harap ko.

May sampung segundo pa akong nakatingin lang sakanya bago ako ngumiti at
tumango, pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko na kanina pa excited
tumulo. “Ingat” Sagot ko.

Hindi pa din umaalis si Zeke sa harap ko kaya tumungo ako at naupo sa


kama. Bakit ba hindi na lang sya umalis. Kanina ko pa gustong umiyak,
hindi tuloy ako makaiyak.

Maya-maya pa ay nag-umpisa ng maglakad si Zeke palabas ng kwarto.

Hindi ko na napigilang umiyak.

**

Amesyl’s PoV

Hinila ko si Caileigh paupo. Manang-mana talaga ‘to sa pinsan nya.


Patanga-tanga minsan. “Gusto mo bang mahuli nila tayo dito?” Inis na
tanong ko sa kanya.

“I’m sorry girl,”


Sumilip kaming dalawa sa sasakyan na tinataguan namin. “Oh em!” Mabilis
kong tinakpan ang bibig ni Caileigh. “Isa pang mag-ingay ka Caileigh
tatadyakan talaga kita para humagis ka dyan sa pinsan ng baklang si
Louie”

“Sorry” She mouthed habang nakangiti at naka-peace sign. Nawala din agad
ang inis ko. Ngayon ko lang napagtanto na bagay na bagay ngang magpinsan
sila ni Aemie. “There’s probably a huge problem lurking here. What do you
think Ame-girl?” Nakatingin lang ako sa dalawang tao na kasama ni
Wallace,

Kilala ko sila, lagi silang kasama ni insan eh.

Sila Tristan at Spade.

“Hindi ko alam Caileigh, pero hindi ko din alam kung kanino natin dapat
sabihin ang tungkol dito”

“Kay Aemie. Or sa husband nya kaya? What do you think?”

Hindi naman namin alam ang dahilan kung bakit sila nandito. Masyado din
naman kaming malayo ni Caileigh para madinig ang pinag-uusapan nila.
“Minsan ko ng nakasama si Wallace about planning and such. And I know na
Malaki ang galit nya sa husband ni Aemie-girl” Tumingin ako kay Caileigh.
“Si Spade at Tristan, diba lagi silang kasama ni insan. Kaya bakit
magkakasama sila?” Bulong k okay Caileigh.
“I don’t know the answer either. Basta as far as I remember, they’re both
in a relationship with Meisha and Cassandra. ‘Yun lang. No more, no less”

Ibinalik ko na ang tingin ko sa tatlong magkakasama. Lahat silang tatlo


ay seryoso. Sinubukan ko pang basahin ang buka ng bibig nila para kahit
papaano ay may maintindihan ako. Pero isang word lang ang naintindihan ko

Roswell

“Isa pa girl, I believe na may alam si Wallace sa ginawa ng husband ni


Amie-girl kay Shan,” mabilis akong tumingin sa sinabi ni Caileigh. “Alam
nya?” Bulong ko sa kanya pabalik. “Feeling ko, lahat naman kasi ng kilos
ng Roswells binabantayan nila. So it’s not impossible na hindi nya alam.
Kuya mo nga alam eh, si Wallace pa kaya” Tuluy-tuloy na sabi ni Caileigh.
Tama nga din naman.

Kung ganoon, bakit hindi nya sinabi sa baklang betty boop ang tungkol sa
nangyari?

**

Aemie’s PoV

Nagkusot ako ng mata nung magising ako mula sa pagkakatulog. Kahit yata
tulog ako umiiyak ako kasi basa pa ang mata ko. Huhuhu. Si Zeke kasi eh.
Bumangon ako saglit at tumayo para ayusin ang kwarto.
Inilibot ko muna ang tingin ko sa buong kwarto bago ako lumapit sa vanity
table na hindi man lang isinara ni Zeke. Napaka talaga nung lalaking
‘yun. Aalis na nga lang lahat-lahat iniiwan pang nakabukas ang—

‘Ano ‘to?’ tanong ko sa isip.

Inalis ko ang lighter na nakalagay sa lalagyan ng Barbie keychain. Sa


ilalim ng lighter ay may nakatiklop na puting papel.

I love you so damn much wife. There are so many things you need to know,
but I can’t fvcking spill out the truth. They can see us, they can even
hear us.

Multo lang ang peg? Anong ibig sabihin nito ni Zeke. Itinuloy ko ang
pagbabasa..

This is all about the Black Organization. They will kill me the moment I
let my guards down. And they will kill Yaji, Roswells and our son.

Aba’t talagang ginagalit ako ng Black Organization na ‘yan ah. Ang buong
akala ko tumigil na sila dahil wala na akong nadidinig mula sa kanila
nitong mga nakaraang buwan, pero talagang hindi pa pala.

I will try to play along with their game until our baby Bullet comes out.
I love you both.

“Huwaaaa! Napakawalang-puso talaga nyan ni Zeke. Ang kapal ng mukha nyang


iwan ako. Hindi man lang nya naisip kung anong mangyayari sa anak namin
pag lumaking walang tatay” Acting ko saka kinuha ang lighter na kanina ay
nakapaibabaw dito sa note. Inumpisahan kong sindihan ang sulat na ginawa
nya hanggang sa unti-unting matupok ng apoy.

Paanong nakikita at nadidinig nila kami?

At teka—anong baby Bullet ang sinasabi ni Zeke? Huwag nyang sabihing ayun
ang gusto nyang pangalan? Sya na nga nagdecide ng gender, sya pa
nagdecide ng pangalan?

Huhuhu nakapag-decide na pa naman ako ng pangalan. Gusto ko pa namang


pangalan ‘yung Ulap Tweet Tweet Roswell.

=================

Chapter 30

Meisha’s PoV

It’s almost midnight pero wala pa din kahit isa sa amin ang umaalis dito
sa living room. Kanina pa nakaalis ng bahay si Mr. Roswell, si Miss Aemie
naman ay hindi na bumaba, siguro tulog na.

Inilibot ko ang tingin ko sa mga kasama ko dito sa living room. Si Milka


ay busy sa pagte-text, Cass is playing cards alone, sina Lee at Fauzia
naman ay may sariling conversation. Si Vash Boulstridge ay tahimik lang
at mukhang malalim ang iniisip. While Max and Lerwick are busy playing
with the dog and cat.
“Wala pa ba sila kuya Spade at kuya Tristan?” Tanong ni Milka, kaya
lumipat ang tingin ko sa kanya. Oo nga ‘no, gabing-gabi na wala pa ang
dalawang ‘yun.

Tumingin ako kay Milka at tinignan ang ginagawa nya. She’s holding her
phone, nung sagutin sya ni Cass “Wala pa, bwisit nga eh, kanina ko pa
tine-text si Spade di naman nagrereply” Tumango lang si Milka saka
ipinagpatuloy ang pagte-text. I frowned. ‘weirdo’ I said at the back of
my head.

Hindi ko pa inaalis ang tingin ko sa kanya nung tumayo si Max at naglakad


palabas ng bahay. Kanina ko pa ding napapansing kakaiba ang kinikilos
nito.

Inayos ko ang damit ko nung makatayo ako saka sya sinundan. Tawag ko nung
ilang metro na ang layo namin sa bahay. “Max” Nagsisindi sya ng sigarilyo
at nakatalikod sa’kin kaya lumapit pa ako para humarap sa kanya. “What
happened?” I asked, sila ang kasama ni Mr. Roswell at ni Miss Aemie
kanina sa dinner date kaya siguradong sila ang may alam.

Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko. I frowned. Hindi sya nagsasalita
pero alam ko na may gusto syang sabihin. “What’s the matter?” Tanong ko
na naman.

Umiling-iling sya habang natatawa. “Hindi ko din alam sis” Based on his
smile, I’m now sure na may mali sa mga nangyayari.

Nagsawalang-kibo na lang ako. “Ahh. Balik na ako sa loob,” I replied,


before walking away. Nakiramdam ako sa paligid if someone’s watching us.
And tama nga ang iniisip ko. Who the hell are they at bakit sila
nakabantay sa’min—lumingon ako sa kapatid ko. Naninigarilyo sya, and
relax na relax as always.

Alam kong may alam si Max, “Max” I shouted.

Lumingon sya sa gawi ko. He’s now wondering. “Oh sis? Akala ko papasok ka
na sa loob?” He asked back. Lumakad ako pabalik sa kanya, with my both
hands inside my pocket. “I’ve changed my mind,” I took a deep breath and
listened to my surrounding. This is bullshit. I can clearly hear the
sound of the guns, although hindi ganoon kalakas. Kung hindi tahimik ang
paligid ay siguradong wala akong mapapansin.

“Gusto mo?” Max handed me a cigar. Hindi ko naman tinanggihan.


Makakatulong din naman ‘to to relieve some stress.

**

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas, mag-iisang oras na


yata. Tahimik lang kaming dalawa ni Max. ‘Wala ba silang balak umalis?
Talaga bang bawat kilos namin kailangan nilang bantayan?’’ I asked at the
back of my head. Tss. Pathetic. Masyado yata silang naduduwag.

“Should I check Ms. Aemie?” Basag ko sa katahimikan.

“Sige lang sis. Kaysa naman nandito ka. Mai-speechless ka lang sa


kagwapuhan ko,”

Wow! My ever conceited brother. I rolled my eyes. “Sumunod ka na din


maya-maya,” Sabi ko sa kanya before leaving.

On my way to Ms. Aemie and Mr. Roswell’s bedroom, nakita ko na si Ms.


Aemie. She’s wandering on the hallway. “Miss Aemie, hindi po ba masyado
ng gabi para magpalakad-lakad pa kayo. Dapat natutulog ka na. Hindi
mabuti ang nagpupuyat sa buntis,” I said.

Lumingon sya sa’kin. Naglalakad naman ako palapit sa kanya. “I know. May
iniisip lang ako,” Sagot naman nya.

“Oo nga pala, I have to tell you something. Alam kong madami kang iniisip
Ms. Aemie, pero kailangan mong malaman ‘to. Nasa labas ako kanina at—“

“Bukas mo na lang siguro sabihin Meisha, medyo nahihilo ako. Tingin ko


kailangan ko ng matulog,” She smiled at me, before sya nagmadaling
maglakad papunta sa kwarto nila ni Mr. Roswell.

**

Aemie’s PoV

“Ms. Aemie, aalalayan ko na po kayo hanggang sa—“ Inalis ko ang mga kamay
ni Meisha na humawak sa braso ko. “Okay lang ako Meisha, matulog ka na
din.” Nginitian ko ulit sya, para masigurado sa kanya na okay talaga ako.
Hindi naman talaga ako nahihilo. Ayoko lang ituloy nya ang sasabihin nya.
Dahil sabi nga ni Zeke, nakikita at nadidinig kami ng Black Organization.

At hindi ko hahayaan na may malaman sila.


Pinatay ko na ang switch ng ilaw saka humiga sa kama. Gustuhin ko mang
sumilip sa bintana hindi naman pwede kasi baka makahalata sila.

“Ano na kayang ginagawa ni Zeke?” Bulong ko bago pumikit para matulog.

-Kinabukasan-

“Pupunta lang ako saglit sa office,” Paalam ko sa mga kasama ko sa bahay


nung makababa ako sa hagdan. Hindi naman porket umalis si Zeke, kailangan
pabayaan ko na din ang company. Dapat nga mas asikasuhin ko ‘yun kasi
walang mag-aasikaso.

“Samahan na kita Ms. Aemie,” Sabi ni Sebastian.

“Ako din Aemie, sasama na ako,” isa pa ‘to si Kaizer.

Tumango ako sa kanilang dalawa at naglakad na palabas ng bahay.

“Si Ms. Aemie ba ang gusto mong samahan baby Lampe, o ako?”

“Ulul”

Para talagang mga ewan ‘tong mga kaibigan ni Zeke. Hindi mo maintindihan
kung bakla ba o ano. Nung makarating na kami sa tapat ng kotse ay
pinagbuksan ako ni Sebastian ng pinto,“Thanks”

“Naman!”

Si Kaizer naman ay dumiretso sa driver’s seat at umayos ng upo. Hayy


grabe ang lapit-lapit lang naman ng nilakad namin pero napagod ako dun.
Feeling ko ang bigat-bigat ko.

“Diretso na ba tayo sa opisina o dadaan muna tayo sa restaurant para


kumain?” Tanong ni Kaizer.
“Sa opisina na lang siguro, doon na lang din tayo kumain” Sagot ko saka
tumingin sa labas ng bintana. Sinusubukan kong sulyapan kung may ibang
tao sa labas ng bahay nung mapansin ko ang isang maliit na bagay na
nakadikit sa may pinto ng kotse. It’s a device, para madinig ang pinag-
uusapan ng mga tao.

Hindi agad sya kapansin-pansin dahil mas maliit sya konti sa isang
butones. Parehas pa silang kulay itim nung pinto kay mas lalong hindi mo
mapapansin.

Inalis ko din agad ang tingin ko. Tumingin na lang ako sa daan sa labas.
‘Yun ba ang ibig sabihin ni Zeke, kaya nya nasabing nadidinig kami ng
Black Organization?

Ibig sabihin, pwede ding may mga hidden cameras dito sa loob ng kotse, at
sa buong bahay?

Napatakip ako ng bibig.

Umusod ako ng kaunti at kumapit sa mga headrest ng upuan nila para medyo
lumapit ako kila Kaizer at Sebastian. “Kaizer, Sebastian” Tawag ko sa
kanilang dalawa.

“Yow Aemie?” Tanong ni Kaizer, hindi sya nakatingin sa’kin dahil


nakatingin sya sa daan. Si Sebastian naman ay inalis ang earphones na
suot-suot. “Oh Miss Aemie, may problem aba?” Tanong ni Sebastian.

Sinulyapan ko saglit si Kaizer bago si Sebastian. “Hehe ahmm naiihi na


kasi ako, pwede bang bilisan natin ng konti?” Palusot ko. Kinagat ko din
ang labi ko para hindi ako makapagsalita.

Hayy. Nararamdaman ko na ang nararamdaman ni Zeke, gusto kong magsalita


at sabihin kay Kaizer at Sebastian pero hindi ako makapagsalita kasi alam
kong may makakadinig ng usapan namin.

“Kinabahan naman ako doon Ms. Aemie, akala ko manganganak ka na eh,”

Sumandal ulit ako sa upuan at hindi na nagsalita

**

“Good morning Ms. Aemie,”


“Good morning Mrs. Roswell”

“Good morning,” Binati ko din ang dalawang secretary na sumalubong sa’min


pagpasok ng opisina.

“H-hi”

Lumingon ako kay Kaizer na nakatingin at hindi makapagsalita sa harap ni


Sierra. Samantalang si Sebastian ay dire-diretsong naupo at pinaikot-ikot
pa ang swivel chair ni Zeke. “Miss Sapphire Griffin, patingin nga ako ng
updates,” Naglalakad ako palapit sa table ko.

“Yes po Mrs. Roswell,” Tumalikod si Sapphire at lumapit sa table nya. Si


Sierra Valentine naman ay lumapit sa’kin. “Yes Ms. Valentine?” Tanong ko
sa kanya habang ino-open ko ang laptop ko.

Tumingin sya kay Sapphire na may inaayos na folder sa lamesa nya kaya
kumunot ang noo ko, “Ms. Valentine may sasabihin ka ba?” Tanong ko.
Ibinalik nya sa’kin ang tingin nya. Bakit parang kinakabahan si Sierra
Valentine? Ano kayang meron? “Ahh Miss Aemie, may gusto po sana akong
sabhin. But if you don’t mind pwede po bang tayong dalawa lang?” Pakiusap
nya.

Tinignan ko kung ano ang ginagawa ng mga kasama namin dito sa loob. Si
Sebastian ay mukhang aliw na aliw sa upuan ni Zeke, dahil kanina pa nya
‘yun pinaiikot-ikot. Si Kaizer naman ay nagbabasa ng magazine, at
patingin-tingin kay Sierra. Samantalang si Sapphire ay nag-aayos pa din.
Gaano ba kahaba ang hinihingi kong updates at napakatagal ibigay nitong
si Sapphire. Hayy! Buti pa ‘tong si Sierra, dapat nagpalit kaming dalawa
ni Zeke ng secretary eh.

“Sige doon na lang tayo mag-usap,” Turo ko sa private conference room


dito sa loob ng opisina.

“Sige po,”
Naglakad kaming dalawa ni Sierra papasok sa loob kwarto. “Ano ba ‘yung
gusto mong sabihin sa’kin Sierra?” Casual na tanong ko. Kung tungkol sa
company naman ang gusto nyang sabihin, bakit di na lang nya kay Zeke
sabihin since secretary naman sya ni Zeke.

Lumapit sa’kin si Sierra at humawak sa mga kamay ko. Sobrang lamig ng mga
kamay nya, at namumutla na din sya. “Gusto mo bang umuwi at magpahinga?
Kung gusto mo okay lang, kaya naman namin dito sa opisina,” Sabi ko.

“No Ms. Aemie, may gusto po akong sabihin pero hindi ko alam kung papaano
i-eexplain,”

Kumunot ang noo ko. Sa itsura ni Sierra, mukhang hindi magandang balita
ang sasabihin nya.

**

Sierra’s PoV

I don’t know how to start, all I know is I really need to tell her
everything.

-Flashback-

“Yes, thank you. Ako na lang ang magsasabi kay Mr. Roswell ng tungkol sa
offer nila.”

“Thank you Ms. Valentine”

“No worries”
I diverted my glance sa mga papalapit na lalaki. God! He’s so freaking
handsome. But jJudging their looks and their acts, mukhang hindi sila
nandirito for something good.

“Excuse me, do you have an appointment?” I asked nung mlapit na sila


sa’kin.

“I’m looking for Mrs. Aemie Roswell,” I frowned, “Mrs. Roswell is not
here. She’s on leave” I said.

Sumenyas sya sa kasama nya para buksan ang office nila Mr. and Mrs.
Roswell kaya nagmadali akong sumunod sa kanila sa loob ng office. What
the hell are they doing? “Excuse me Sir, hindi po tama ‘yang ginagawa
nyo.” They are entering without permission. Pwede akong tumawag ng police
anytime.

Tumawa ang lalaking nasa harap ko. Is he insane? “Who do you think you
are?” He asked. My eyes widened nung maglabas sya ng baril and when I
looked at the other men, may mga hawak na din silang guns. Are they
freaking insane? I stepped back. “W-what are you doing? T-tatawag ako ng
pulis kapag hindi pa kayo umalis” I said with my voice shaking. Oh god!

Hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa ng ibang lalaki, they’re


scattered everywhere at may mga inaayos, may mga hinahanap. I don’t know,
I don’t understand. “What do you guys want?” I asked nung makakuha ako ng
lakas ng loob.

“I want them dead” Sagot nya ng natatawa. I gulped. Now I’m more than
scared. Tumahimik ako dahil inaalis ng dalawang lalaking katabi ko ang
pagkakatutok ng baril sa’kin. Are they going to kill me afterwards? No
that’s impossible, hindi nila kayang gawin ‘yun.
It was a relief nung bumukas ang pinto ng office. Papasok pa lang si
Sapphire sa loob, but she stopped nung winarningan ko sya. “Sapphire call
some guards,” but instead of following my order, pumasok sya sa loob ng
opisina na parang walang nangyari.

“Ouch!” Daing ko when the guy beside me slapped me hard across my face.
“Sapphire,” Now I’m confused, Sapphire is just standing right in front of
me while smiling.

“Nagawa mo ba mga pinapagawa ko Sapphire?”

“Of course Jax,”

“Good, aalis na kami” Paalam nung lalaki. “But before I forgot, Miss.
Oras na sabihin mo sa kahit na kanino ang tungkol dito—“ He smirked, bago
nya itinuloy ang sasabihin nya “—you’re dead,”

--End of Flashback—

Ikinwento ko kay Ms. Aemie Roswell ang buong pangyayari. Because this is
the right thing, and later pupunta ako kay Mrs. Alyana Ferrer para mag-
report tungkol sa nangyari.

“Jax?” Tanong ni Ms. Aemie.

“Yes I heard Sapphire. I heard her call his name, and it was Jax”
**

Aemie’s PoV

Si Jax Blaine kaya ang tinutukoy ni Sierra? Malaki nga ang possibility na
sya ‘yun. “Ms. Aemie, can I excuse myself. Pupunta lang po akong powder
room,” Paalam nya.

“Oo naman sige, tara na sa labas,” Pag-aaya ko. Hindi ko maiwasang


mapaisip habang naglalakad kami palabas at pabalik ako ng tabl—“Saan
galing ‘to?” Tanong ko habang nakatingin sa mga pagkain na nasa ibabaw ng
lamesa. Si Sebastian at Kaizer ay halos paubos na din sa mga kinakain
nila.

Ahh siguro umorder sila—“Huh? Akala namin ikaw ang umorder ng pagkain Ms.
Aemie?” Tanong ni Sebastian.

Hindi ko sya sinagot. Naupo muna ako at binuksan ang paper bag na may
pagkain.

Kinuha ko agad ang karton ng fresh milk at ano ‘tong nasa ilalim ng
gatas—

You should never skip breakfast wife. I love you.

Pinilit kong ikunot ang noo ko kahit na gustung-gusto kong ngumiti dahil
sa note “Buti naman at dumating na inorder ko, kanina pa ako nag-text
ngayon lang dumating. Hayy! Nagtayo pa sila ng restaurant, kung ang
babagal naman nila kumilos. Gutom na gutom na tuloy ako.” Acting ko,
dahil naaaninag ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa’kin si
Sapphire Griffin. Ni hindi man lang nila napansin na wala naman akong
cellphone. Hayy. Minsan talaga hindi ko alam kung matalino ba sila o
feelingero at feelingera lang eh.

Binalingan ko ng tingin si Sapphire para alukin, “Nag-breakfast ka na ba


Sapphire?” Nakangiting tanong ko.

“Yes po,” Nakangiti ding sagot nya saka lumapit sa may table ko. “Ito na
nga po pala ‘yung update na hinihingi nyo Mrs. Roswell,”
Kagat-kagat ko ang straw ng freshmilk habang ini-skim ang folder ng
updates na binigay nya. “Thanks, mamaya ko na lang babasahin,” Sabi ko
sakanya.

“Sige po, uhm Mrs. Roswell, pupunta lang po akong restroom,” Paalam nya.

“Sure,” Mabilis namang sagot ko.

**

“Aemie, saan pala nagpunta si Sierra?” Tanong ni Kaizer. Isinubo ko ang


huling kagat ng tinapay na kinakain ko bago sinagot ang tanong ni Kaizer,
“Uhm sa powder room daw eh. Bakit?” Tanong ko sa kanya saka humigp ng
gatas.

“Ahh wala lang,” Mukhang inip na inip si Kaizer at hindi mapakali. “Yown!
Pumapag-ibig!” Hiyaw ni Sebastian. Pero bigla ding nagbago ang mood nya,
mula sa nakangiti biglang naging malungkot. Humawak pa sya sa dibdib nya
at parang iiyak. “Ganyan ka naman baby Lampe eh. Ako ang nandito pero
naghahanap ka ng iba. Nakakasakit ka na ng damdamin,” Sabi nya.

“Ulul—“

“Ahhhh!”

Sabay-sabay kaming tumingin sa may pinto nung may madinig kaming hiyaw ng
babae, at hindi lang isa o dalawa. Sunud-sunod ang hiyaw na nadinig
namin.

Tumayo sila Kaizer at Sebastian. Ako din ay nag-umpisang tumayo. “Aemie,


dito na lang kayong dalawa ni Lerwick. Ako na lang ang titingin kung
anong nangyari”

“Wait, sasama ako” Pagpupumilit ko. Baliw din ‘to si Kaizer eh, paano
kung nasusunog na pala ‘tong buong building? Edi sya lang ang nakalabas.

Hinarang ni Kaizer ang kamay nya nung lalapit na ako sa may pinto. “Aemie
hindi pwede, ka-bwanan mo na. Kami ang mayayari ni Mr. Roswell pag may
nangyaring hindi maganda”
Tinignan ko sya ng masama. “Ikaw ang yayariin ko Kaizer kapag hindi mo
ako pinadaan”

“Awtsu. Sige na tsong, ako na bahala umalalay kay Ms. Aemie. Mauna ka
na,” Sabi naman ni Sebastian. Tumango lang si Kaizer at nanakbo na
palabas. Si Sebastian naman ay humawak sa braso ko. “Kaya ko naman sarili
ko Sebastian,” Paalala ko sa kanya.

“Haha Ms. Aemie, mas mabuti ang nag-iingat.” Sagot nya sa’kin.

“Sinong walang puso ba ang gumawa nyan?”

“Omygod, nakakatakot.”

“Ano bang nangyayari. Bakit ginawa sa kanya ‘yan?”

Sobrang dami ang nagkumpulang empleyado. May mga tumatakbo na ding guards
na palapit at hinahawi ang mga tao.

“Ano bang nangyari?” Tanong ko sa mga taong nasa paligid dahil hindi ko
pa makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Unti-unting nahawi ang mga empleyado sa paligid kaya naman nakapasok ako
sa loob ng powder room at nakita ko kung ano ang pinagkukumpulan nila.
“Omygod” Napatakip ako ng bibig sa tumambad sa harap ko. Sinong gagawa
nito kay Sierra. May mga tama sya ng baril at naliligo sa sariling dugo.

Hindi pa ako nakakalapit sa bangkay ay may mga pulis na dumating at


pinaalis lahat ng tao. “Good morning Mrs. Roswell, I’m detective Bermudez
of NBI, maaari po ba namin kayong mainterview saglit” Tanong sa’kin ng
lalaking kaharap ko.

Humawak ako sa tyan ko dahil nakaramdam ako ng pagkirot.


“Saglit lang mga bossing, pwede bang mamaya na ‘yang interview na ‘yan?”
Singit ni Sebastian sa usapan.

**

Sebastian’s PoV

“Para saan ba ‘yang interview? Dapat yata si Ms. Sapphire Griffin ang una
nyong tanungin dahil silang dalawa ang laging magkasama ni Sierra”
Binalingan ko ng tingin si Lampe na hindi makuhang tignan ang duguang
katawan ni Ms. Sierra Valentine.

“Detective, may nakita pa kaming katawan ng isang babae sa kalapit na C.R


at napag-alaman po naming Sapphire Griffin ang pangalan ng babae,”

“Ano?!” Gulat na gulat na tanong ko. Sabay hlamos sa mukha.

“Anak ng tinola!” Si Lampe ay napahampas na lang ng kamay sa isa sa mga


cubicle.

“Kung hindi ako nagkakamali ay mga sekretarya ang dalawang pinaslang tama
ba?” Usisa nung detective. “Oo boss” Ako na ang sumagot na tanong.

“Mrs. Roswell, may kilala ba kayong pwedeng gumawa nito sa kanila?”


Lumingon ako kay Ms. Aemie na nakahawak sa tyan nya. “Mrs. Roswell” Tawag
ulit ng detective pero tila hindi sya nadidinig ni Ms. Aemie.

Shit!

“Ms. Aemie ayos ka lang?”

“Aemie, anong nangyayari?”


“Ahh-m-manganganak na yata ako” Bigla akong nataranta nung madinig ko ang
sinabi nya. Shit! Manganganak! Ano ba dapat kong gawin? Upuan tama!
“Pakuha naman ng isang upuan” Putspa!

“Wengya! Teka saglit tatawag ako ng ambulansya” Aligagang sabi nung


gagong si Lampe. Pati ang mga pulis na kanina ay tutok na tutok sa
bangkay ni Ms. Sierra Valentine ay nalipat ang atensyon sa’min. Lahat
sila ay aligaga na din. Nag-utos din ang isang pulis na tumawag ng
ambulansya. May nagpapaypay na din kay Ms. Aemie, may nagpabili ng tubig
at kung anu-ano pa.

“Shit oo nga ambulansya!” Tarantang-taranta ko din namang dinukot ang


cellphone ko sa bulsa para tumawag ng ambulansya.

[Express pizza delivery, can I take your order?]

“Amputs! Bakit pizza delivery ‘to?” Inend ko agad ang cellphone at nag-
dial ng panibago.

“Uhh Sir, doon po sa kabila ang daan palabas,”

“Oo nga sabi ko nga doon nga e, anak ng tinola!”

Nagda-dial ako habang tinitignan si Kaizer na hindi alam ang daan


palabas, gago talaga.

[Yes babe namiss mo ba ako? Kailan ka ba ulit pupunta--] Ini-end ko ang


tawag bago pa matapos nung babae ang sasabihin nya. Amputs! Ano bang
number ng petengeneng ospital?!
Lumingon ako kay Ms. Aemie nung akmang tatayo mula sa pagkakaupo. “Ms.
Aemie” Hinawakan ko ang braso nya para alalayan “Ano ayos ka lang? May
masakit ba sa’yo, gusto mo ba ng maiinom?”

Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya. Pero sa itsura pa lang nya ay
mukhang sobrang sakit ng tyan nya. Pinapawisan ang noo nya at hindi
makapagsalita.

“Move”

Daig pa ang alarm clock dahil gising na gising ako nung madinig ko ang
boses na kilalang-kilala ko. “Bossing” Matatalim na tingin ang natanggap
ko bago nya kunin si Ms. Aemie para buhatin.

**

A/N

Hi Mafias! I would like to announce something. Gold rising 4 na! Kita-


kits tayo sa SM Fairview this coming April 11 (Saturday). Mag-start po
ang registration ng 10AM then ang booksigning ay 1PM. Release na din po
ng MHIAMB volume 4 dyan, kaya bili kayo ng MHIAMB books ha :D Tapos ahm,
madaming kasamang authors syempre. Kitakits tayo ha! Pag kayo wala dun!
Who you kayo sa’kin! Jokes.

Follow me on twitter : @mhiambwp

BASAHIN NYO DIN PO ANG NEW STORY KO! Writer’s Block ang title :D Dadalhin
ko naman kayo sa ibang mundo. Chos! Hahahaha. Thank youuu!

=================

Chapter 31

Meisha’s PoV
“Excuse me Miss, saan ‘yung delivery room?” Nagmamadaling tanong ko sa
nurse na nasa front desk ng hospital.

“Doon po Ma’am,”

“Thank you”

Tumakbo agad kami papunta sa may delivery room. Tinawagan kasi ako ni
Lerwick kanina ang sabi manganganak na daw si Miss Aemie.

Nasa dulo pa lang kami ng hallway natatanaw ko na si Lerwick at Max na


nakaupo sa waiting area, samantalang si Mr. Roswell ay palakad-lakad sa
tapat ng delivery room.

“Kamusta na?”

“Ano ng nangyari?”

Tumayo si Lerwick at Max at pinaupo sila Milka at Fauzia, “Mei, maupo ka


muna” Sabi ni Lerwick. I just rolled my eyes and crossed my arms.

Nakatungo si Max, he’s obviously on his serious mood. “Patay na din ‘yung
mga sekretarya nila Mr. Roswell at Aemie,” sabi nya. Mabilis kong inalis
ang mga kamay ko namagka-cross kanina. “What?”
“Papaano nangyari ‘yun? As in dalawa silang sabay na namatay?”

“Dalawa, pero magkaiba ang location, magkaibang CR.” Paliwanag ni


Lerwick. I shifted my gaze at Mr. Roswell na mukhang hindi naman kami
nadidinig, he’s pacing back and forth. “Do you have any idea why it
happened?” Bulong ni Cassandra, enough for us to hear, hindi naman
magkakalayo ang distance naming lahat para hindi madinig ang sinabi nya.

“Hindi nga eh,” Iiling-iling na sabi ni Lerwick.

“Nasaan na si insan?” Lumingon ako sa likod ko para tignan ang kakarating


lang, sila Amesyl at Caileigh. Hinihingal pa silang dalawa at may konting
pawis sa mga noo.

“Nasa loob pa eh, upo muna kayo dito,” Sagot naman ni Fauzia sa kanila.

“Omygosh! I’m so excited na, ano kaya itsura ng baby ni Aemie-girl?”


Nakangiting tanong ni Caileigh. “Syempre kamukha ko,” Singit ni Max. Wow
ha. Naglakad ako sa katapat na upuan at naupo.

“Kung sa’yo lang din naman magmamana, ‘wag na lang. Baka bata pa lang ang
baby ni insan lumalambitin na sa puno ng saging,” Sagot ni Amesyl.

“Sabagay, ang hirap maging gwapo. Ayokong pagdaanan ng anak nila Aemie at
Mr. Roswell ang hirap na dinanas ko,” Iiling-iling na sabi ni Max.
I smiled habang tinitignan ko kung paano umusok sa galit si Amesyl dahil
sa sinabi nya. I’m sure, Max and Amesyl will be a cute couple if ever.
Why not diba?

“O Mei, good mood? Hahaha”

“Problema mo Lerwick?”

**

Amesyl’s PoV

“Hirap talaga ang dadanasin pag sa’yo nagmana ng itsura. Kahit naman ako,
kung ganyan ang itsura ko, baka maisumpa ko mga magulang ko” Inis na
sagot ko sa unggoy na mukhang tao.

“Hahahaha wala ka pala Lampe eh,”

“Baby Lerwick, ipagtanggol mo nga ako. Inaaway ako ng tomboy na ‘yan,”


Nagpanting ang tenga ko dahil sa nadinig ko.

“Ulul! Kayang-kaya mo na ‘yan baby Lampe”

“Hahahaha”
“Eww,”

Ako? Tomboy?

“Hoy lalaking pinaglihi sa homo erectus, pata sabihin ko sa’yo—“

“Congratulations, it’s a baby boy”

Agad akong tumayo at lumapit sa nakangiting doctor na lumabas mula sa


delivery room. Ganun din ang ginawa ng iba pa naming kasama, “Where are
they? Can I see them?” Natawa ang doctor dahil sa sinabi ng asawa ni
insan. “Kayo po ba ang ama ng baby

He’s teary eyed nung ngumiti sya sa doctor bilang sagot, na ikinagulat
namin.

“Mamaya Mr., makikita mo din sila.”

Ngumiti ulit si Mr. Roswell sa doktok ar bahagyang tumango. We are all


speechless.

I can’t explain the feeling, he’s being too emotional, nakalimutan nya
yatang nandito kami.
**

Grethel’s PoV

I am heading to my office for few business deals I need to settle. And


while I’m on my way, sinalubong ako ng secretary ko. “Miss Lux, okay na
po mga pinaayos nyo, nakabili na po kami ng shares sa businesses ng
Roswells, Ferrer at Heartily.”

“Very well, Amanda. May mga meetings ba ako today?” I asked habang
kinukuha ko ang phone sa sling bag na dala-dala ko.

Louie : Grethel, saan ka? Pwede ba tayong magkita?

“Yes Miss Lux, may lunch meeting po kayo mamaya, and another meeting sa
hapon,”

Should I reply ‘I’m busy’ or not?

Reply: I’m quite busy, but you can drop by here sa office.
“Isa pa nga po pala Miss Lux, may pumunta po dito kaninang maagang-
maaga...” Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa sekretarya ko. I
wasn’t expecting someone, so sino naman ang pupunta.

Ugh never mind, maybe it was someone from the Black Organization.
Itinuloy ko ang paglalakad hanggang makapasok kaming dalawa ng office.
“Anong sabi?” I asked without looking at her,

“Ang sabi po nya... gawin ko daw po ‘to”

I was about to look at her para malaman kung ano ang pinapasabi ng
pumunta when I felt a stab on my right. Dammit. “He said pag tinuloy mo
lahat ng pinaplano mo, sya mismo gagawa nito sa’yo,” I was left alone
nung tumakbo sya palabas ng office. Shit! Sumalampak ako sa sahig habang
hawak-hawak ko ang tagiliran ko.

The right part of my clothes is now soaked with my own blood.

Kinuha ko ulit ang phone sa sling bag ko to dial Louie’s number.

[Greth--]

“Louie, pumunta ka na agad please may sumaksak sa’kin,”

[ANO?! Sige sige papunta na ako]


**

Terrence Von Knight’s PoV

“Anong nangyari?” Humigpit ang hawak ko sa baso na hawak ko habang kausap


ko si Grethel sa telepono.

[Hindi ko din alam, sinabi ko lang. Sige na matutulog muna ko. Nahihilo
ako sa gamot. Ugh]

“Okay sige,” Si Roswell lang naman ang kilala kong pwedeng gumawa nun kay
Grethel. Talaga bang sinusubukan nya ang Black Organization?

-Flashback-

“Si Grethel na ang bahalang bumili ng shares,” I said. Si Grethel Canary


Lux ang isa sa mga prospect para pumalit sa position ng tatay ni
Satana Beatrix Lestrange sa Black Organization. Pero madami syang
katunggali sa position.

We have Andrei Lewis at..

Si Ezekiel Roswell.
“Kayanin naman kaya ni Lux? Tingin ko masyado syang mahina para maging
isa sa leader ng Black Organization,” Greg Lennox.

“Mayaman si Grethel. At isa pa, kayang-kaya nyang paikutin ang kaibigan


ni Aemie Roswell na si Louie Birkins.” Saad ko. Humigop ako ng kaunting
wine bago nagpatuloy--“At kung sa atin papanig si Birkins, siguradong
tayo din ang papanigan ng grupo ni Lionhart,” Tumango ang ilang leader ng
Black Organization tanda ng pagsang-ayon sa sinabi ko.

“How about Andrei Lewis? Malawak ang connection nya,” Jagger Frits.

“Pasado para sa’kin si Lewis, minsan na din syang nakipag-tulungan sa


Black Organization kaya alam kong hindi nya tayo tatraydurin,” Inigo
Rances.

“I agree,” Pag sang-ayon ko. “Pero kapatid nya si Amesyl Cross, na


malapit kay Aemie Roswell, malaki ang posibilidad na bumaliktad sya,”
Dugtong ko pa.

“Bakit hindi natin i-consider ang kakayanan ni Roswell? He’s smart and he
has so much wealth” Damon Evo Hunter

“Tutol ako dyan, kung hahayaan natin si Roswell na makasali sa Black


Organization, para na din nating hinayaan sya na buwagin ang
organisasyon,” Saad ko. “Ang kailangan nating gawin ay paghiwalayin ang
Roswell at Ferrer nang sa ganon ay madali rin natin silang mapabagsak”

“Mas mahahawakan natin sa leeg si Roswell kung nandito sya,” Inigo Rances
“Tungkol kay Eiji Ferrer, hindi ko sya mahagilap. Siguro itinatago sya
sa’tin ni Roswell,” Will Travon.

“Yan ang sinasabi ko, mas macocontrol natin ang kilos ni Roswell kung isa
sya sa’tin,” Inigo Rances.

Nag-umpisa na ang mga bulung-bulungan at mukhang sumang-ayon na ang


lahat. Tss. Kaya naman pala madali lang silang napapaikot ni Roswell.

“I somewhat agree,” Panimula ni Jax Blaine. “Pero kailangan nating


bantayang mabuti ang mga kilos ni Roswell, hindi sya dapat
makipagtulungan sa mga ka-grupo nya. Lalong-lalo na kay Ferrer”

Bumukas ang pinto ng conference room kaya lahat kami ay lumingon para
tignan kung sino ang mabilis na pumasok dito sa loob.

“Rules are rules gentlemen, I killed Steve Vernon Lestrange. So whether


you like it or not, I will take his place,” Umupo si Roswell na
kumumpleto sa walong silya na nasa paikot na lamesa nitong conference
room. “Don’t mind me, just continue discussing on how are you going to
kill me,” Walang bahid ng takot o kahit na anong emosyon akong nakikita
sa mukha nya habang nagsasalin ng wine sa baso sa harap nya.

Saglit na natahimik ang loob ng conference room. Pare-parehas kaming


nagpapakiramdaman sa mga kilos namin.

Dudukutin ko sana ang baril na nasa loob ng coat ko pero naunahan ako ng
pagsasasalita ni Roswell kaya natigilan ako “Is this your way of
welcoming me, Knight?”
Tinignan ko sya ng mata sa mata nung tumingin sya sa’kin.

-End of Flashback-

“Good afternoon Mr. Knight, may natanggap po kaming balita na nanganak na


si Ms. Aemie Roswell,” Tumango ako sa pumasok na lalaki. “Kukunin na ba
namin ang anak nila?” Tanong nya.

“Hindi muna sa ngayon” I smiled.

**

Aemie’s PoV

“Hahahaha gago huwag kang maingay baka magising si Aemie,”

“Ulul! Ikaw dyan ang maingay eh. Alam mo ‘tol kung naiinggit ka, sabihin
mo lang. Pwede din naman kitang bigyan ng anak,”

“Tumigil na nga kayong dalawa. Napakaingay nyo kahit kailan”


“Fauzia, sawayin mo nga ‘yang inggitero mong syota, kita mo nagseselos na
naman,”

“Ulul”

“Aish. Ingay”

“Hoy Boul, saan ka pupunta?”

Bakit ba ang ingay-ingay ng paligid. Ano bang meron? Iminulat ko ang mga
mata ko para tignan kung bakit nadidinig ko ang boses nila Kaizer.

“Miss Aemie,” Si guardian angel ang una kong nakita pagkamulat na


pagkamulat ko dahil sya ang pinakamalapit sa’kin. “Guardian angel, anong
ginagawa mo dito sa kwarto namin ni Zeke?” Tanong ko.

Gulat na gulat naman ako nung tumalon sa harap ko si insan at naupo sa


tabi ko, “Insan! Ayos ka na? Ano nararamdaman mo?”

Ano bang sinsabi nito ni insan? Natulog lang ako, paano ako hindi
magiging o—

Teka, “Waaaaaa!” Mabilis akong umupo sa kama kahit may nararamdaman pa


akong kirot sa ibabang bahagi ng katawan ko. “Insannnn! Nasan na ang anak
namin ni Zeke?” Omygod! Kinuha ng mga doktok kanina ‘yung baby namin eh.
Pag may nangyari lang talagang masama sa anak namin ni Zeke, kakasuhan ko
‘yang mga doctor na ‘yan. Huhuhu.

“He’s here wife,” Tumingin ako sa kakapasok lang sa pinto, si Zeke.


Nakangiti syang naglakad palapit sa’kin. Karga-karga nya ang baby name.
Nakasunod sa likuran ni Zeke sila Kaizer at Sebastian na todo silip.

“Ang bangis syet! Kamukha ko”

“Kapal ng mura pre ah. Kitang-kita ang ebidensya, manang-mana sa ninong


gwapo nya”

Nakangiti si Zeke hanggang sa makaupo sya sa hospital bed. “How do you


feel?” tanong nya. Kinuha ko kay Zeke ang baby namin para ako naman ang
kumarga. “Hi baby” Omygod, hindi ko alam kung paano ko ieexplain ang
nararamdaman ko. Kinakabahan ako kasi baka mapadiin ako ng hawak, pero
gustung-gusto ko syang yakapin.

“I love you so much wife”

Gusto kong punuin ng kiss ang buong mukha nya kaso baka naman hindi sya
makahinga pag ginawa ko ‘yun.

“Wife”

Bagay na bagay talaga sa kanya ang pangalang Ulap Tweet Tweet. “Baby
nadidinig mo ba ko?” Nakangiting tanong ko.
“He can hear you, but he’s like his mother who completely ignores me”

“Tol parang si Bossing ang kamukha eh,”

“Sus sang layo ah. Mata pa lang dude, Kaizer Maxwell Lamperouge na. Lalo
na ang muscles nyan pagbinata na ‘yang inaanak ko na ‘yan”

“Hoy huwag nga kayong maingay dyang dalawa,”

“Hahahahaha”

“Yan talang unggoy na ‘yan kahit kailan ubod ng daldal. Insan palabasin
mo nga ‘yan”

“Akina nga muna si Baby Bullet, ibabalik ko muna sa nursery para naman
makapag-usap kayong dalawa,” Kinuha sa’kin ni guardian angel ang baby
namin ni Zeke kaya tumingin ako sa kanya.

“Baby Bullet?” Tumingin ako kay Zeke na nakangiti sa’kin. “Dong naman eh!
Ulap Tweet Tweet Roswell ang gusto kong pangalan eh”

“What? Where the hell did you get that fvcking name?”
“Naisip ko lang Zeke, diba maganda naman? Bagay na bagay sa kan—“

“No”

Nagtawanan pa silang lahat bago sila lumabas para iwan kaming dalawa dito
ni Zeke sa loob ng hospital room.

“Zeke, hindi na ba talaga magbabago isip mo? Maganda naman ‘yung—“

“No”

“Pero diba—“

“No buts wife” Ayan na naman ‘yang no buts nya, ‘pero’ naman ‘yung sinabi
ko eh.

“Maganda naman talaga ‘yung Ulap Tweet Tweet eh. Unique pa,”

*glare*
*pout*

“Ano nga pala pag-uusapan natin Dong. Bakit kailangan pa nating mag-
usap?” Nagtatakhang tanong ko. Gusto ko pa kasing kargahin ‘yung baby
namin kaso kinuha naman ni guardian angel.

Lumapit si Zeke sa side table at kumuha ng pagkain. Kita mo na, kita mo


na! Kakain lang naman pala sya, hindi na lang lumabas at doon sa canteen
ng hospital kumain. Talaga namang dumayo pa dito ng pagkain.

“Ah” Itinapat sa’kin ni Zeke, ang kutsara na punung-puno ng pagkain.


Ngumanga naman ako para kainin, gutom na gutom na din naman ako eh.

“Alam mo pala Zeke, patay na si Sierra saka si Sapphire” Kwento ko habang


nginguya ang pagkain ko.Tumango si Zeke kaya tumigil ako sa pagnguya.
Bawal din kaya dito mag-chikahan? “Uhmm meron bang—“ Hindi ko pa man din
natatapos ang sasabihin ko sinagot na nya ako. “None”

“Alam mo ba itatanong ko Dong ha? None-none ka agad dyan,”

“Just eat. We can chat later”

Tignan mo ‘to si Zeke, magkasama na kami, chat pa ang gusto? Hindi ba nya
nakikitang naka-dextrose pa ako. Nextweek ko pa nga sana gustong mag-
facebook. Hayy.
**

Nung matapos akong kumain at uminom ay nagsimula ng magkwento si Zeke. “I


joined the Black Organization”

“Ano?” Binuksan ko agad ang drawer na nasa tabi ng hospital bed. Alam ko
naman kasing naglalagay sila ng baril sa cabinet tuwing nasa hospital.
Pero naunahan ako ni Zeke damputin ang baril “Let me explain first”

“Siraulo ka ba Dong? Bakit ka sumali sa Black Organization” Kinakabahang


tanong ko. “Magpapakamatay ka ba? Akina nga ‘yang baril ako na babaril
sa’yo,” Giit ko. Naiinis na ako dito kay Zeke ha. Hindi ko alam kung ano
ba iniisip nya bakit naman sa dinami-dami ng pwedeng gawin. ‘Yun pa ang
naisip nya. Hayyyy!

“It’s the only way to eliminate them”

“Pano pag bigla ka nalang nilang pinatay dun?” Shunga din ‘to si Zeke eh,

“They can’t. That’s against their rules”

“Edi hindi mo din sila pwede saktan kung nandoon ka sa kanila. Kasi
syempre nasa rules nila ‘yun, edi kailangan mo ding sumunod.”

“I don’t fvcking care about their rules”


“Eh paano kung sila din walang pakialam sa rules nila?” Curious na tanong
ko, pwede din naman kasing parehas sila ng iniisip ni Zeke.

“Just watch” Sinulyapan ko ang T.V dito sa loob ng hospital room. Naka-
off naman, anong—“Aww!” Mangiyak-ngiyak ako nung pitikin ni Zeke ang noo
ko. “Grabe ka naman Dong! Inaano ba kita? Hindi mo ba nakikitang nasa
hospital bed pa ako, tapos nananakit ka na?” Naiiyak na tanong ko habang
hinihimas ang noo ko.

“Hahahaha because you shifted your glance at the TV and that’s not what I
meant”

“Nakakatawa ka pa ha” *pout* Hinihimas ko pa din ang noo ko kung may


maalala ako. “Dong,” Tawag ko.

“Hhmm?”

“Sabi mo sa note hanggang makalabas si Baby Bullet, edi ibig sabihin uuwi
ka na sa bahay ngayon?” Tanong ko. Siguro naman ‘no?

Umiling si Zeke, “Ibig sabihin hindi pa?” Hayy, nakakalungkot naman.


“Omygod Dong may naalala pala ako, may nakita ako sa kotse na maliit na
device tapos—“

“Yeah. There lots of it in each and every corner of our house, cars,
office—“
“Pero bakit may ganun—bakit hindi mo inaalis?” Putol ko sa sinasabi ni
Zeke. “It’s just a test of the Black Organization, I’m on probation and
ordered to follow certain condition,”

“Ahhh” Medyo nakukuha ko na, kaya naman pala. Parang mas enjoy nga pag
nakasali ng Black Organization, “Isali mo nga din ako dyan,” Mabilis na
tumingin sa’kin si Zeke saka sumagot ng “No”

“Dong seryoso ako, hindi na ako buntis kaya keri ko ng gawin ang gusto
ko” Pwede ko na ulit samahan si Zeke sa mga adventures nya. Masyado naman
kasing delikado kung sya lang mag-isa diba? Alam nyo pa namang minsan may
konti ‘to si Zeke.

“So do I”

Pero gusto ko pa ding sumali.

=================

Chapter 32

Kaizer’s PoV

*baby cries*

Tumayo ako para silipin si Aemie. Anak ng tinola! Paniguradong puyat na


naman si Aemie. Ang sabi pa naman ni Mr. Roswell tulungan namin si Aemie
na mag-alaga ng inaanak namin. Kaso naman itong si Aemie ayaw pahawakan
samin ang gwapo naming inaanak na manag-mana sa gwapong ninong Kaizer
nya. Tsk

“Tang*na ang gwapo ko talaga” Lumingon ako sa sofa kung saan nakahiga si
Lerwick saka tiinakpan ng unan ang pagmumukha nya. Hanggang pagtulog
lakas mangarap nitong gago na ‘to. “Mas gwapo ko sa’yo ulul!” Sagot ko sa
natutulog na kwago.

Nag-jog ako paakyat ng hagdan para pumunta sa kwarto nila Aemie.

*baby cries*

Malayo pa ako ay dinig na dinig ko na ang iyak ni Bullet. “Wait lang ito
na baby oh” Ni walang bakas ng pagkainis o irita ang tono ng pananalita
ni Aemie. Amputs! Kahit alas tres ng madaling araw game na game syang
mag-alaga ng bata. Ibang klase!

Ilang linggo na din ang nakalipas simula nung manganak si Aemie kaya
sanay na sanay na sya.

Sumilip ako sa nakabukas na kwarto nila ni Mr. Roswell. Busyng-busy sya


sa pagtitimpla ng gatas habang ang inaanak kong gwapo ay gising pero
hindi na umiiyak katulad kanina. Ibang klase, madaling kausap ‘tong
inaanak ko. Akalain mong hindi na umiiyak agad kahit hindi pa nabibigyan
ng gatas.

“Aemie, kaya mo na ba dyan?” Tanong ko habang nakasandal sa may pinto.


Lumingon sya sa’kin saka ngumiti. “Oo hehe” Bumalik sya sa pagtitimpla ng
gatas pero tumigil sya ulit at saka tumingin sa’kin. “Kaizer, hindi pa ba
nadating si Zeke?” Tanong nya. Umiling naman ako bilang sagot. Nasaan na
nga kaya ‘yun si Mr. Roswell at ano kayang pinagkakaabalahan?

Nitong mga nakaraang araw ay gabi-gabi na din syang nauwi dito. Hindi ko
nga alam kung nangyayari sa kanila eh. Takte! Basta ang bilin nya,
bantayan naming maigi itong mag-ina.

“Ahh, eh bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka ba o gusto mo din ba


ng gatas?” Pinakita nya sa’’kin ang sa gatas para sa inaanak ko na nasa
loob ng bote bago nya itinuloy ang pagsasalita. “Magtimpla ka na lang ng
para sa sarili mo kung gusto mo ha? Gusto kasi nito ni Baby Bullet buhat-
buhat sya habang nainom ng milk kaya hindi kita maipagtitimpla hehe”

“Hahahaha anak ng! Sumilip lang ako ‘no” Tang*na! Hindi ko alam kung saan
hinuhugot nito ni Aemie ang mga banat nyang ganyan eh.

**

Aemie’s PoV

“Sure ka?” tanong ko ulit, kanina pa kasi sya patingin-tingin. Okay lang
naman talaga sa’kin kung hihingi sya ng konting gatas ni Baby Bullet.
Masama kaya maging madamot sabi ni mommy.

“Hahaha oo naman ‘no! Sure na sure!” Iiling-iling si Kaizer habang tawa


ng tawa. Ano bang nangyayari sa kanya? Totoo naman kasi ang sinasabi ko
eh. “Sige ikaw ang bahala” Sagot ko.
Kinuha ko na si baby Bullet sa crib at kinarga para painumin ng gatas.
“Hello baby” Ang cute-cute talaga ni Baby Bullet. Gusto ko na nga syang
lumaki agad para maglalaro na kami sa susunod. Bibilhan ko sya ng
madaming Barbie stuffs kasi for sure mahilig din sya sa Barbie tulad ni
Zeke.

“O dong? Nakakain ka na?” Tanong ko nung makita ko si Zeke na pumasok sa


loob ng kwarto. Lagi na syang umuuwi dito kasi ang sabi nya wala na daw
mga camera at kung anu-ano pang gadgets, tapos na kasi ang probation
period nya sa Black Organization. Ang galing ‘no? May ganun pa silang
nalalaman, saka in fairness ang galing na palang umacting ni Zeke.

“Nah, not yet. Missed me wife?” Nakangiting tanong nya habang naglalakad
palapit sa’min ni baby Bullet. Sasagot sana ako nung makalapit na sya at
mabilis akong hinalikan sa labi. “I missed you too” Sabi nya saka kinuha
si baby Bullet sa’kin. Ganyan sya lagi eh. Kahit kakarating lang nya, sya
ang nag-aalaga kay baby Bullet.

“Hey kiddo I got something for you” Hawak-hawak ni Zeke sa isang kamay
ang isang toy car na color red, sa kabilang braso naman nya, karga-karga
nya si baby Bullet.

Tumingin ako sa ibang mga toy cars na binili ni Zeke nung mga nakaraang
araw. “Dong, alam mo feeling ko hindi nya gusto ‘yang mga toy cars na
binibili mo. Hindi naman nya nilalaro eh. Tignan mo oh,” Tinuro ko ang
halos dalawampung toy cars na nabili na nya. Naka-display lang naman dito
sa loob ng kwarto. Nginitan lang ako ni Zeke saka kiniss sa pisngi.
“Feeling ko talaga si Barbie ang gusto ni baby Bullet eh”

*glare*

*pout*
“Totoo naman Zeke eh, tina-try ko kaya minsan ipakita kay baby Bullet ang
Barbie, tapos ngumingiti sya. Eh tignan mo kapag ‘yang mga binibili mo
wala man lang syang reaction—“

“Tss”

*death glare*

*pout*

“He-he. Kukuha muna ako ng pagkain mo ha, ikaw muna dyan ha?” Hindi ko na
hinintay sumagot si Zeke, tumalikod na agad ako at nagmadaling maglakad
palabas ng kwarto bago pa nya ako kagalitan. Ang sama naman kasing
tumingin eh totoo naman talaga ‘yung mga sinasabi ko eh.

“Siguro gumagawa na naman ng panibagong inaanak natin sila Bossing”

“Ang tindi talaga ni lover boy walang pinipiling oras, kahit malapit ng
tumilaok ang manok sige pa rin”

“Hahahaha gago baby Lampe baka marinig tayo. Kung naiinggit ka at hindi
ka na makapag-pigil nandito naman ako”

“Anong pinag-uusapan nyo?” Nagtatakhang tanong ko sa kanilang dalawa nung


makababa ako ng hagdan. Kanina ko pa kasi sila nadidinig na nag-uusap.
Mabilis silang umayos ng pagkakaupo at parang may sinisilip sa likod ko
kaya lumingon din ako sa likod. Sino kayang tinitignan nung dalawa? “May
nakikita ba kayo sa likod ko?” Nagtatakhang tanong ko sa kanilang dalawa.

“Hahaha wew! Akala namin may kasama ka Miss Aemie eh” Sagot ni Sebastian
kaya tumakbo agad ako palapit sa kanila. Omygod! “D-don’t tell me—“

“Walang multo dito Aemie, akala lang namin kasama mo si lover boy”
Paglilinaw ni Kaizer. “Ahh hehe buti naman, sige pupunta na akong kusina”
Paalam ko sa kanilang dalawa.

**

Dala-dala ko ang isang tray ng pagkain na hinanda ko para kay Zeke nung
pumasok ako ng kwarto. Dahan-dahan pa akong pumasok kasi nadidinig kong
tahimik.

Ngumiti na lang ako nung makita kong nakahiga na si Zeke sa kama at tulog
na. Pati si baby Bullet ay himbing na himbing na natutulog sa dibdib
nya.Ipinatong ko ang tray ng pagkain sa side table ng kama. Inalis ko din
ang mga damit ni baby Bullet sa ibabaw ng kama, pati ang diaper.

Hehe pinalitan pa talaga ni Zeke ng diaper at damit?

“Sorry, sige matulog ka pa” Sabi ko nung makita kong nagising si Zeke.
Dahan-dahan syang bumangon saka inilipag si baby Bullet sa loob ng crib.
Kapag nandito talaga si Zeke, wala akong ginagawa masyado kasi gusto nya
sya ang nag-aalaga kay baby Bullet. Mukhang pangarap nya ngang maging
mommy eh.

Nung mailapag nya na si baby Bullet ay pumunta naman sya sa side table ng
kama saka kinuha ang tray ng pagkain na inihanda ko. “Anong gagawin ko
dito Dong? Hindi naman ako nagugutom. Saka isa pa tumitikim-tikim na ako
kanina nung nagluluto ako kaya busog na din ako hehe”

“Tss. Feed me”

“Huwaaaa Dong bakit may masakit ba—hmm”

“Tone down your voice wife. Our son is sleeping” Sabi nya pagkatapos nya
akong i-kiss. “May masakit ba sa’yo Zeke? Huhuhu kawawa ka naman,
patingin nga. Pilay ka na ba? Mamamtay ka na ba? Huhuhuhu bakit naman
mamamatay ka agad Ze—“ Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil
hinalikan ulit ako ni Zeke sa labi.

*baby cries*

“Tss. That’s what I’m talking about” Padabog na tumayo si Zeke mula sa
pagkakaupo sa kama at saka lumapit sa crib para buhatin ulit si Baby
Bullet. “Ikaw naman kasi dong, kung anu-anong kalokohan ang sinasabi mo.
Gumagawa ka pa ng story na napilay ka at mamamatay ka na para lang subuan
kita ng pagkain”

“I didn’t make any of those. Tss.”


“Oo kaya” Sagot ko. “Pauso mo” Bulong ko pa.

“Wife”

“Hehe joki joki lang Zeke, ito naman”

“I don’t get much attention from you, so—“

“Pinapansin naman kita ah” Putol ko sa sinasabi nya.

“Nah”

“Oo kaya, eh sino bang kausap ko ngayon? Hindi ba ikaw?” Ito talagang si
Zeke pauso minsan eh. May masabi lang.

Hindi na sumagot si Zeke habang patuloy pa din sya sa paghehele kay Baby
Bullet. Ako naman nakaupo lang sa kama at hinihintay syang matapos. Buti
nga mabilis tumahan si Baby Bullet eh. Hindi katulad nung ibang baby na
nababasa ko sa internet na mahirap patahanin.

“Wife” Tumingin agad ako sa kanya nung tinawag nya ako. “I’m planning on
having our son baptized next month. What do you think?” What do I think?
“Uhmm wala naman dong”
“So... do you agree?”

“Uhmm sa binyag ba Zeke?” Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan,


parang ayoko kasi gaano na inilalabas si baby Bullet. “Yeah. What do you
think?” Tanong nya ulit.

“Uhmm ano kasi Zeke, naisip ko lang kung safe na kaya na ilabas natin si
Baby Bullet?” Hindi naman ako natatakot sa Black Organization, kaso kasi—
“Para kasing ayokong ilabas si Baby Bullet, baka kasi—“

“Hahaha, okay then”

Tinignan ko si Zeke na may halong pagtatakha. “Hindi mo man lang ba ako


kokontrahin Zeke?” Ang iniisip ko pa naman ipipilit nya sa’kin ang gusto
nya.

“Nah. Mother knows best”

“Hindi ko naman kasi ayaw eh. Gusto ko na nga pabinyagan si Baby Bullet
para syempre—“ Ipapaiba ko sa pari ang pangalan na nakalagay sa birth
certificate kapag hindi nakatingin si Zeke.

“Para syempre ano?” Tanong nya. “He-he wala Dong, para syempre belong na
sya sa Christian community,”

“But what made you hesitate?”


“Kasi—“ Bakit nga ba? “He-he hindi ko din alam, pero sige pwede naman
ituloy, kaso okay lang ba Dong kung dito na lang sa bahay? Ayoko kasi sa
mga hotel or kahit saan” Sabi ko pa.

“Alright”

**

-After one week-

“Manila Hotel, Dusit Hotel, Diamond Hotel, Fairmont, Shangri-La, Acacia,


Sofitel—Zeke nahihirapan naman akong pumili sa mga hotels na ‘to eh”
Kanina ko pa tinitignan ang listahan ng mga hotel na napili ni Zeke,
hehehe naisip kasi naming okay din naman na gawing bongga ang binyag. Si
Zeke naman kasi, sabi nya once in a lifetime experience lang naman daw.
Kaya dapat ginagawang special. Kaya pumayag na din naman ako.

Tumingin ako kay Zeke na parang nakakita ng multo habang titig na titig
sa karga-karga nyang si baby Bullet. “Shit!” Mabilis ang kabog ng dibdib
ko dahil hindi mai-explain ang reaction ng mukha ni Zeke kaya binitawan
ko agad ang mga hawak ko saka lumapit sa kanilang dalawa ni baby Bullet.

“Bakit Dong anong nangyari?” Nag-aalalang tanong ko. Omygod, teka ano ba
gagawin ko? Tatawag na ba ako ng dok—

“He smiled. Damn! He fvcking smiled at me. Did you see that? Shit!”
Nakangiting tumingin sa’kin saglit si Zeke pero binalik nya nya agad ang
tingin kay baby Bullet. “Paano ko makikita Zeke eh kakarating ko lang
dito? Nandoon kaya ako sa may table kanina” Tinititigan ko si baby Bullet
at inaabangan kung ngingiti pero wala naman eh.

“Come on kiddo, show your smile” Nakangiti si Zeke at pinipilit pangitiin


si baby Bullet, ako naman hindi ko alam kung nasisiraan ba ng ulo ‘to si
Zeke o naghahallucinate. “Paano naman ngingiti si baby Bullet, Dong? Eh
wala namang nakakatawa,” Hayy hindi talaga ‘to nag-iisip minsan eh.
Umiling-iling na lang ako at saka bumalik sa may lamesa.

“Your mom’s just jealous because she hasn’t seen your smile”

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pamimili ng venue kaysa intindihin


ang mga sinasabi ni Zeke. Ang daming kalokohan lagi nito ni Zeke, hindi
ko ba alam kung saan nya napupulot. Hayy. Sana naman paglaki ni baby
Bullet hindi sa kanya magmana.

**

Sebastian’s PoV

Nandito sa loob ng bahay ang event organizer ng binyag ng gwapo kong


inaanak na syempre, manang-mana sa ninong nya na malakas ang dating!

“Dong gusto mo ba ako muna ang kumarga kay baby Bullet? Dalawang oras mo
ng buhat ‘yan” Bulong ni Miss Aemie. Pfft. Pansin ko nga kay Bossing,
tuwing nandito sa loob ng bahay gusto nya sya ang nag-aalaga sa inaanak
ko.
“Nah”

“Eh tulog naman kasi, pwede mo naman kayang ilapag sa crib para hindi ka
nahihirapan”

“I am perfectly fine”

“Sige ikaw ang bahala”

“May napili na po ba kayong theme para sa party ni Baby Bullet?” Magalang


na tanong nung maganda at sexyng organizer. Deym! Bakit ba ang—“Yang mata
mo Lerwick, mahiya ka naman” Sita ni Mei sa’kin kaya tumingin ako sa
kanya.

“Uhm opo, pink po sana saka purple”

“What the hell?”

Tang*na! Pero wala pa ding papantay sa ganda ni Mei. Shit! Inalis ko agad
ang tingin ko kay Mei bago pa nya ako masungitan na naman.

“Baby Lerwick, bakit ka nagba-blush dyan? Kinikilig ka sa’kin? Anak ng!”


Huli na ng mapansin kong kay Lampe na pala ako nakatingin. Putspa!
“Ulul!” Bulyaw ko sa kanya saka humanap ng upuan.
“Kadiri” Bulong ng pinsan ni Miss Aemie. Pfft. Parang may namumuong
kakaiba dito kay Lampe at dito sa pinsan ni Miss Aemie ah. “Ano na naman
tomboy? Mang-aasar ka na naman?”

“Bakit pa kita aasarin? Eh mukha mo palang pang-asar na, baka umiyak ka


pa”

“Huwaw!”

“Lamperouge” Pftt. Tahimik lang akong nanunuod kaysa madamay pa ako sa


galit ni Bossing. Buti nga dito kay Lampe, puro kasi kalokohan ang alam.

Tumahimik si Lampe at ang pinsan ni Miss Aemie, pero hindi nawawala ang
matatalim na tingin nila sa isa’-isa. Hahaha. Syet!

“We prefer blue, white and black for the colors”

“Dong! Purple at pink nga. Masyado namang common ‘yang blue”

“Pink for our son? Nah.”

“Sige na po, ilista nyo na. Pink and purple”


“Wife”

“Dong”

*glare*

“Masyado naman kasi talagang common, lagi na lang pagka lalaking baby ang
binibinyagan color blue. Eh pwede namang pink diba? Para maiba naman,”

“No”

“Good Morning” Masayang-masaya na pumasok sila Mr. and Mrs. Ferrer dito
sa loob.

“Mommy, daddy” Tumayo agad si Ms. Aemie para lapitan sila at yakapin. “Hi
baby Ae” Bati ni Ma’am Alyana. “Buti po nakapunta kayo dito” Sagot naman
ni Miss Aemie saka yumakap kay Mr. Ferrer. “Syempre naman, pwede ba
namang mawala kami ng daddy mo?” Nakangiting sagot ni Ma’am Alyana.

“Hey son, how’s my grandson?” Agad na kinuha ni Ma’am Alyana ang gwapo
kong inaaanak kay Bossing para sya naman ang magbuhat. “He’s as lovely as
his mom” Nakangiting sagot ni Bossing. Naks! Mga banatang Mr. Roswell.

**
Aemie’s PoV

Habang busy sila Zeke, mommy at daddy sa pag-uusap tungkol kay baby
Bullet ay pasimple akong lumapit sa event organizer. “Ate patingin nga
ako nyang sinusulat mo dyan” Bulong ko sa kanya. Iniabot naman nya agad
sa’kin ang notepad na hawak nya.

Theme: Blue, white and black

“Ate pahiram ako ng ballpen mo” Bulong ko ulit sa kanya na mabilis naman
nyang sinunod. Nakahanda na ang kamay ko para burahin ang nakasulat nung
bigla akong tawagin ni Zeke.

“Wife, what are you doing?” Muntik pang malaglag ang notepad at ballpen
na hawak ko sa sobrang pagkakagulat. “He-he chine-check ko lang Dong kung
tama ‘yung nilista ni ateng organizer, baka kasi hindi ka sinunod sa
kulay eh” Sagot ko.

“Let me see” Omygod! Buti hindi ko pa nabubura.

“Oh ito oh” Iniabot ko agad sa kanya ang notepad. Tumingin naman sya
sa’kin at saka ngumiti. “Very well”

Inilahad ko ang mga kamay ko nung matapos nyang tignan ang nakasulat pero
imbis na sa’kin nya iabot ang notepad ay kay ateng organizer nya iniabot
saka nya hinawakan ang kamay ko, at hinila palapit kila mommy, daddy at
baby Bullet. “Zeke hindi pa naman tayo tapos dun sa ginagawa natin, color
pa lang ang nakasulat—“
“We can resume later”

Waaaa! Hindi ko pa napapalitan ang colors eh!!

**

A/N :

Hello Mafias! See you sa SM Bacoor this coming April 19. Punta kayo ha.
Bili kayo ng MHIAMB na book, available na sya hanggang volume 4. Then
nandoon din ako for book signing. 10AM ang registration tapos 1PM ang
start ng event. See you! Thank you sa mga pumunta at bumili ng books last
Saturday sa SM Fairview :* Lovesyouuu!

=================

Chapter 33

Aemie's PoV

"Zeke pati ba cotton candy na booth kukuha din tayo?" Tanong ko, lahat na
yata kasi ng booth nasa listahan na ginagawa ko.

"Yeah, everything"
Pumayag si Zeke na Fairy and angels ang theme ng binyag ni baby Bullet
basta daw blue, black and white ang motif. Kahit may event organizer
syang kinuha, mas madami pa din kaming inaasikaso. Baka kasi mamaya kung
anu-ano na naman ilagay ni ateng organizer.

At dahil gusto ko lahat naka-costume, kumuha kami ni Zeke ng designer


para sa isusuot ng mga magiging ninang at ninong. Hehe. Syempre fairy
costume ang suot ng mga ninang, tapos ang mga ninong ay black suit at
baby blue na necktie.

Kahit ang mga bisita na hindi ninong at ninang ay pinagawan din namin ng
damit. Baka kasi mamaya may magsuot ng superman o kaya mojojojo eh hindi
naman sakto sa theme tapos mapahiya pa, syempre kawawa naman.

May mga list din kami ng mga pagkain na idinagdag sa mga Italian buffet
na pinili ni Zeke.

Fairy bread

Marshmallow cereal bars

Meringues

Mini rock cakes

Chocolate eclairs

BBQ chicken wings

Cheddar star biscuits

Pizza rolls

Chicken sticks
Spicy chicken drumsticks

Salmon sushi

Potato chips

Biscuit wands

Cake pops

Churros

Rainbow lollipops

Chocolate fountain

Bukod pa dyan, may mga booths pa gaya ng photobooth, face paint, mga
inflatables din. Mayroon din puppet show at shadow art illusion and magic
para sa mga batang inimbita namin. Bukod kasi sa mga invited na mga
kakilala namin ay nag-imbita kami ni Zeke ng tatlong bahay ampunan para
mai-share sa kanila 'yung blessings na meron si baby Bullet. Hehe.

At syempre kasali sila sa mga pinagawan namin ni Zeke ng costume. Hehehe.

"Zeke hindi kaya sobra-sobra na itong mga hinahanda natin?" tanong ko.
"It's nothing, compared to the happiness he brought" Nakangiting sabi ni
Zeke pagkalapag nya kay baby Bullet sa crib. Ngumiti ako kasi tama naman
sya. Sobrang saya namin nung dumating si Baby Bullet. Lalo na si Zeke,
binilhan pa nya ako ng bagong cellphone para lang matawagan nya ako at
para masendan ko daw sya ng pictures ni baby Bullet kapag wala sya dito.

"May I see" Iniabot ko agad ang mga papel na inaayos k okay Zeke.
Tinitignan ko sya habang kagat-kagat ko ang dulo ng pink na ballpen na
hawak ko.
Ano na naman kaya ang ipapadagdag nito ni Zeke? Sya kasi ang padagdag ng
padagdag dito eh. "I think we can still add two to three orphanages" Sabi
nya habang tinitignan ang lists. "And foods for the children of course,"

"Dong wala pa akong nakikitang binyagan na ginawang children's party ang


ceremony. Hindi kaya sobrang dami naman nyan?" Nag-aalala lang naman kasi
ako kasi tatlong bahay ampunan na ang ininvite namin tapos magdadagdag pa
kami ng tatlo. Baka mamaya mag-away-away pa 'yung bata. Saka baka awayin
nila si Baby Bullet.

Kumuha si Zeke ng isang silya saka umupo sa tabi ko. "As an orphan they
know nothing about having a family. They have guardians but literally
speaking, they don't have parents who will love them endlessly. And as
father, I realized how hopeless and maybe helpless state of mind they are
going through. Because that's what I felt when mom and dad passed away"
Ngumiti ako dahil sa mga sinasabi ni Zeke. "And I want them to experience
it. Having a mother and a father, even for just one day,"

Nakatingin lang ako sa kanya habang sumisinghot kasi hindi ko na


mapigilan 'yung luha ko. "Huwaaa dong ang bait mo talaga," Yumakap ako
kay Zeke. Hindi ko maipaliwanag 'yung nafi-feel ko kasi nakakaiyak 'yung
mga sinabi nya. "Saan mo ba natututunan 'yang mga paganyan-ganyan mo
Dong" Naiiyak na sabi ko. Niyakap nya din ako pero hindi sya nagsasalita.

"Huhuhu. Siguro nanunuod ka ng mga drama series ng hindi ko alam kaya


inspired kang magdrama," Sabi ko habang patuloy sa pag-iyak. Nadinig ko
naman syang tumawa kaya tumigil ako saglit. Oh see? Guilty!

**

Kakapasok ko lang ng kwarto namin nila Zeke at nadatnan ko silang dalawa


na nakahiga sa kama.
"Zeke bakit ba kanina ka pa dyan nakatitig kay baby Bullet? Ano bang
tinitignan mo?" nakitingin na din ako sa mahimbing na natutulog na si
baby Bullet. "I can't wait to see him crawl, stand, walk, run. I can't
wait to see him study his lessons, play around, learn new things. I can't
wait to see him grow and become a man,"

Waaaa! Oo nga! Pati tuloy ako na-excite. Naupo ako sa kama kaya
napapagitnaan na namin ngayon si baby Bullet "Tapos tuturo ko kay Baby
Bullet 'yung mga nilalaro ko nung bata ako. Tuturuan ko syang mag
jackstone, Chinese garter, lutu-lutuan, bahay-bahayan, paper dolls—"

"Wife"

Tumigil agad ako at tumingin kay Zeke kasi parang ang sungit ng tono ng
boses nya. "That's only for girls"

"Hmm jumping rope?"

"No"

"Eh piko ba pwede?"


"Nah"

"Luksong tinik?"

"No"

"sungka?"

"No"

"Ano ba naman 'yan Dong! Lahat na lang hindi pwede baka naman maging
lampa na si baby Bullet nyan" Apila ko.

"He can do taekwondo or any martial arts for his train—"

"Edi manunuod na lang kami ng movies"

"Hell no!" Napaupo pa si Zeke sa kama pagkasabi nya nyan. Napakadamot din
nito ni Zeke minsan eh. Manunuod lang naman ng movies eh. Ano bang masama
don?

Natigilan naman ako nung magsink-in sa'kin ang sinabi nya kanina "Omygod
Dong, magte-training din si baby Bullet? Ako naman ang magtuturo pwede
ba?" Waaaa excited na ako. Gusto ko din makita ang baby naming
makipaglaban kanila Kaizer hehehe. "Aww!"

Hawak-hawak ko ang noo ko pero si Zeke tumatawa lang ng mahina.

**

"One, two, three, smileee!" Ang cuteeee! Hehehe feel na feel pa ni Zeke
'yung mga pag-pose sa picture, sobrang dami na nga nilang picture dito ni
baby Bullet eh samantalang noon ayaw nya magpakuha ng picture.

Lumapit ako kay Zeke para ipakita ang picture nila ni baby Bullet. "Doon
naman tayo Zeke" Turo ko. Nandito kasi kaming tatlo ngayon sa park para
mag picnic at maglibot-libot kasama si baby Bullet.

"Omygod ang cute nung baby"

"Pati 'yung tatay girl ang cute"

Tinignan ko 'yung mga babaeng kasalubong namin, lagi na lang si Zeke at


baby Bullet ang cute. Kung sabagay cute naman talaga si baby Bullet. Pero
si Zeke—tumingin ako sa kasabay kong naglalakad na si Zeke, tulak-tulak
nya ang stroller. "Cute ka daw Dong?" Parang hindi naman, gwapo kaya si
Zeke.

"Tss"
Oh kita mo 'tong lalaking 'to. Sya na sinabihan ng cute, sya pa
nagsusungit. Dapat nga ako ang naiinis kasi sila lang ang cute eh.

Pagkadating namin sa may wishing well nagkusa na si Zeke na maglabas ng


cellphone. "Your turn" Ayiii! Hehehe. Dumikit ako agad sa stroller ni
baby Bullet saka nag-peace sign sa camera at ngumiti.

"Done"

"Tapos na agad?" Kakangiti ko pa lang eh. Niloloko naman yata ako nito
Zeke eh. "Yeah, my turn" padabog kong kinuha kay Zeke ang cellphone. Eh
paano ba naman, mula kanina ngayon pa lang kaming nag-picture ni baby
Bullet. "Maduga! Wala pa akong picture eh, tapos sya na naman" Bulong ko
habang naglalakad palayo sa kanilang dalawa para picture-han.

"Hahaha"

Tamo tapos tatawanan ako. Maduga talaga 'tong Zeke na 'to eh.

**

"Hayy nakakapagod!" Naupo muna ako sa isa sa mga bench dito sa park. Si
Zeke ayun, picture ng picture kay baby Bullet. Parang hindi man lang
napapagod.
"Inay oh si kuya inagaw ang pagkain ko"

"Nagugutom ako eh!"

"Inay oh!"

"Nag-aaway na naman kayo, mga anak. Mag-share na lang muna kayo sa


pagkain. Pamasahe na lang ang laman ng pitaka ko."

"What are you looking at?" Ngumiti ako kay Zeke na katabi ko na pala.
"Ahh nakakatuwa kasi ang dami nilang magkakapatid, hehe" Ang cute palang
tignan kapag ganun. Gusto ko sana sila isama sa picnic namin ni Zeke, ang
dami din naman naming dalang pagkain eh.

"Hahaha, I love your idea"

"Talaga Zeke?"

"Yeah, I want to see what it would be like to have a big family" Kumunot
ang noo ko dahil sa sinabi nya. Kita mo na, kita mo na! Lumilipad na
naman utak nitong si Zeke, may big family pang nalalaman. "Gusto ko lang
namang isama sa picnic 'yung mga bata,"

*glare* "You're not talking about having another baby?"


Eh? "Hindi ano bang sinasa—oy Dong! Saan na naman ba kayo pupunta?"
Napaka-walang manners talaga nito. Hind pa kami tapos mag-usap umaalis
na. Ano ba nangyari dun? Hayy!

Tumayo ako para lapitan 'yung mga bata kanina. Yumuko ako kasi ang liliit
nila hehehe. Siguro ganito din ka-cute si baby Bullet paglaki nya
"Hello!" Masayang bati ko sa kanila.

Mukha ba akong masamang tao? Parang hindi kasi sila natutuwa na nakikita
nila ako. Hindi man lang sila nagiti sa'kin. Huhuhu. "Hehehe, gusto nyo
ba sumama sa amin kumain mamaya?" Tanong ko sa apat na cute na cute na
bata na nasa harap ko.

Natuwa lalo ako nung ngumiti silang apat, ang cuuute! "Waaa talaga po
kakain tayo?" Nasaan na nga ba ang mommy nila? Kanina lang nandito 'yun
eh. "Oo gusto nyo ba? Isasama din natin ang mommy nyo pati ang daddy nyo"

"Baka po hindi sila sumama kasi nagtitinda po sila" Sagot nung


pinakamatangkad sa kanilang apat. "Ganun ba? Ahmm hindi ba sila pwede
muna tumigil saglit sa pagtitinda? Kakain lang naman eh," Tanong ko ulit.

"Hindi po kasi sabi ng inay wala daw po kami kakainin kapag hindi sila
nagtinda"

"Ha? Eh pero may kakainin na nga kayo eh, hehe nagluto ako ng madaming
pagkain"

"I already asked their parent's permission, and they said yes"
"Waaaa talaga Zeke? Edi pwede na nating silang isama sa picnic?"
Nakangiting tumango si Zeke kaya tumayo na agad ako,

**

"Kain lang kayo ng kain ah"

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko 'yung apat na batang kain ng kain.


Ano kaya itsura kapag may mga kapatid din si baby Bullet? Tapos sabay-
sabay kami kakain, manunuod ng movies, matutulog. Hayy.

-Imagining-

"Wife manunuod na tayo ng Barbie, tawagin mo na sila baby Bullet"

"Waaaa! Sige Dong, magluluto na din ako ng pop corn. Hehe"

"Sige, magdala ka ding marshmallows at ice cream ha"

"Aye aye!"
-End of imagination-

"Hihihi"

"You like them?" Paglingon ko kay Zeke masama na ang tingin nya sa'kin.
Hindi ko naman sya inaano. "Hehehe oo naman Dong bakit?"

"Nothing"

Ngitinitan ko na lang si Zeke kasi mukhang wala sya sa mood. "Ate mukhang
galit po yata sa'min 'yung kasama nyo" Bulong sa'kin nung isang bata.
"Ahh hindi sya galit, nahihiya lang sya sainyo. Medyo mahiyain kasi sa
tao 'yan si Zeke. Pero mabait naman 'yan" Paliwanag ko sa isang bata.

"Dong, mag-smile ka naman. Baka matakot sa'yo 'yung mga bata" Bulong ko
naman kay Zeke. "You like them, so I hate them" Para talagang ewan kausap
'to si—

Napansin ko bigla ang lalaking medyo may kalayuan sa'min na nakatingin sa


amin. Pero umalis din sya agad nung nakia nyang nakatingin ako. Hindi na
nga sya nakita ni Zeke nung tumingin si Zeke eh.

"Nakita mob a 'yun Dong?"


"What was that?"

"May lalaki kasi kanina dun, pero—"

Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko tumayo na agad si Zeke at kinuha si


baby Bullet, "Dong saan ka pupunta? Bakit dala mo pa si baby Bullet?"
Nag-aalalang tanong ko. "We'll check the asshole you were talking about"

"Ha? Eh paano ako? Ano gagawin ko dito?" Maduga! Sila lang ni baby Bullet
ang aalis. Huhuhu. "Send the kids back to their parents then get back in
the car" Kahit nakakalungkot, sinunod ko na lang ang utos ni Zeke. Wala
na din naman akong magagawa eh.

**

Pabalik-balik ako sa labas ng kotse kasi hindi ako mapalagay. Palubog na


ang araw pero wala pa sila. Isinama pa kasi ni Zeke si baby Bullet eh,
baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa baby namin. Idadamay pa nya sa
barilan, eh pwede namang sya na lang. Huhuhu.

Habang tumatagal lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, nanlalamig ang
kamay ko at hindi na talaga ako mapakali. Wala na akong pakialam kung
ilang tao ang dumadaan at nagtatanong sa'kin kung okay lang ako. Hindi ba
nila nakikitang hindi ako okay? Itatanong pa nila. Huhuhu.

Binuksan ko ang pinto ng kotse pero hindi ako pumasok sa loob, ewan ko
nga ba bakit ko binuksan eh. Nahahawa na yata ako kay Zeke na laging
nalipad ang isip. Hayy.
Isasara ko na sana ulit ang pinto ng kotse nung may makita akong
reflection ng dalawang lalaki sa side mirror ng kotse. Malayo sila pero
mukhang dito sila nakatingin sa may gawi ko. Mabilis akong lumingon sa
likod.

Nakatayo pa din sa pwesto nila 'yung dalawang lalaki kanina at nakatingin


ng diretso sa'kin. Tinalikuran ko sila para kumuha ng baril sa loob ng
kotse. Malaman ko lang na silang dalawa ang may kasalanan kung bakit
hindi pa nakakabalik sila Zeke naku! Who you talaga sila sa'kin.

Nung makaharap ako sa kanilang dalawa ay tinalikuran naman nila ako.


Inilagay ko sa loob ng suot kong pink na jacket ang baril para walang
ibang tao na makakita. Dahan-dahan lang ang paglalakad nila palayo sa'kin
kaya sumunod ako. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanila kasi baka
kapag nalingat ako mawala na sila. Ang dami pa namang ibang tao na
naglalakad dito sa park.

Sinundan ko sila hanggang makarating kami dito sa isang isolated na CR at


parang hindi na pinupuntahan ng mga tao. "Sino kayo?" Tanong ko sa
kanilang dalawa. Nakasuot silang dalawa ng black suit, kaya feeling ko
tauhan sila ng isa sa leader ng Black Organization. "Nasaan sila Zeke?"
tanong ko ulit sa kanilang dalawa.

Pagkaharap nilang dalawa sa'kin ay may hawak na silang mga baril na may
mga silencer. Omygod! H-hindi kaya ganto din ang ginawa nila—Hindi!
Imposible nilang gawin kay Zeke 'yun kasi magaling si Zeke sa adventure,
tinuruan pa nga nya ako eh diba?

Biglang nagbago 'yung expression ng mukha nila, kanina nakangiti sila ng


nakakaloko pero ngayon hindi na. At nakatingin silang dalawa sa likod ko
kaya lumingon ako.

"Waaaa Zeke" Iniabot nya sa'kin si baby Bullet kaya kinuha ko naman agad
at niyakap. "Omygod! Kanina ko pa kayo hinihintay. Huhuhu" Sabi ko habang
naglalakad palabas ng CR. Ang creepy naman kasi don. Baka mamaya may
white lady pa dun sa loob 'no! Katakot!

"Oh dong? Nasaan na 'yung dalawa?" Kakalagay lang ni Zeke ng baril sa


loob ng coat nya. Papasok sana ako sa loob ng CR para tignan 'yung
dalawang lalaki kanina pero inihrang ni Zeke ang kanang kamay nya, habang
'yung isa naman nyang kamay ay kumuha ng phone at nag-text. Ano bang
gagawin nila kasi dun sa loob ng CR? In fairness ang tatapang nila ha.
Hindi man lang sila natatakot sa loob.

"Let's go" Kinuha ni Zeke sa'kin si baby Bullet para kargahin, saka nya
ako hinawakan sa kabilang kamay nya para maglakad. "Wait lang Zeke, 'yung
dalawang lalaki sa loob ng CR, hindi ba natin sila aayain lumabas?
Malapit na kaya gumabi. Nakakatakot pa naman sa—"

"Somebody will pick them up so don't bother,"

Palingon-lingon pa din ako sa may pinto ng C.R. Inaabangan ko din kasi


baka lumas 'yung dalawa pero wala naman. Hayaan na nga.

**

Kanina ko pa iniisip kung may nakalimutan ba akong ilista sa mga listahan


ng ninong at ninang ni baby Bullet

Baby Bullet's Fairy Godmothers

-Amesyl Cross
-Caileigh Ferrer

-Fauzia Arcadia

-Cassandra Heather

-Meisha Maxine Lamperouge

-Milka Shinize Boulstridge

-Juliana G. Dela Cruz

-Coleen Kate C. Almazon

-Ma. Aunice Louper Josh P. Valdez

-Sharlene Mejia

-Dorothy Nicole Climaco

-Gwyneth Jewel Pilon

-Angelica Denise A. Nones

-Charlotte Godleth B. Dulla

-Patricia Claire Cruz

-Jeisheil Grace Sardina

-Sheilla Regidor

Baby Bullet's Fairy Godfathers

-Louie Birkins
-Andrei Lewis

-Jerson Ken Blood

-Tristan Klein

-Spade Clifford

-Jacob Lee

-Vash Boulstridge

-Sebastian Lerwick

-Kaizer Maxwell lamperouge

"Zeke" Tawag ko habang tinititigan ang listahan ng mga ninong at ninang.


Gusto ni Zeke tig 50 ang mga ninong at ninang at sabi nya magdadagdag pa
daw sya. Hehehe feeling ko yayaman talaga ako tuwing pasko.

"Hmm?"

"Hindi mo ba kukuhaning ninong si Wallace Martin Lionhart?" Lumingon ako


kay Zeke na natigilan sa pagtitimpla ng gatas. "Why would I?" Tanong nya.
Mukhang nawala bigla sa mood si Zeke dahil sa tanong ko.

"Naisip ko lang naman kasi, kababata mo sya eh diba?" Parang ang lungkot
naman kasing tingnan kung hindi sila kumpletong magkakaibigan. "Nandito
din naman si Kaizer at kuya Ken, kaya bakit hindi pati si Wallace?"
Tanong ko.
"I'll think about it" Ngumiti ako nung sabihin nya 'yun. At least hindi
sya nag-no. Hehehehe.

**

A/N : (Promote-promote!)

Tweet nyo koooo! @mhiambwp hahaha. Also, para malaman nyo if may update,
nagttweet naman kasi ako pag meron.

Book signing schedule :

April 19 — SM Bacoor

April 25 — Marquee Mall Pampanga

May 2 — SM Baguio

May 16 — SM City Lipa

And yes, present po ako sa lahat ng 'yan. Kaya bili na kayo ng books! See
you Mafias!

Kung fantasy naman ang genre na hanap nyo, well I guess, same tayo! Kaya
basahin nyo po ang Writer's Block. Dream ko gumawa ng fantasy ng story
eh. Hahahaha! And first timer here, kaya pagpasensyahan nyo na. Loves~

=================
Chapter 34

Amesyl's PoV

Napangalumbaba ako sa ibabaw ng lamesa dito sa kusina nila insan habang


pinapanood ko sya sa harap ko. "Insan sigurado ka bang gusto mong isama
sa mga ninong 'yung kaibigan na unggoy ng asawa mo?"

Nagtatakha syang tumingin sa'kin. Pfft. Malamang, hindi nya kilala ang
unggoy na tinutukoy ko. "Ha? Ano insan?"

"Si Kaizer Maxwell Lamperogue, a.k.a unggoy na mukhang tao. Wala ka bang
planong alisin dyan sa listahan ng ninong?"

"Insan hindi naman unggoy si Kaizer, tao kaya 'yun"

"Unggoy 'yun insan, naka-disguise lang kaya medyo muhang tao" bulong ko
sa kanya habang seryosong-seryoso ako sa mga sinasabi ko. Kagat-kagat ni
insan ang dulo ng technical pen na hawak-hawak nya at mukhang malalim ang
iniisip. Ilang segundo din bago nya alisin ang pagkakagat sa techpen.

"Talaga?" Konting-konti na lang maniniwala na sa'kin si insan kaya lalo


ko pang ginawang seryoso ang tingin ko bago ako tumango. "Oo, kapatid nya
kaya 'yung unggoy na kasama ni Dora"

"Si Boots insan?"

"Oo, kakambal nya 'yun. Bukod kay Meisha, kapatid nya din nila si Boots"
"Edi unggoy din si Meisha?"

"Hindi, ampon kasi si Kaizer saka 'yung kakambal nyang si boots, kaya tao
si Meisha" Hahaha nakagawa na ako ng storya dahil dito sa unggoy na
mukhang tao na 'to.

"Waaa ang astig pala nya insan 'no? May kakambal na cartoons" Kita nyo?
Paniwalang-paniwala ang magaling kong pinsan. "Gawin ko din kayang ninong
ni baby Bullet si Boots, tapos si Dora isama ko din sa ninang" Bulong ni
insan habang nakatingin na ulit sa listahan.

"Wag na insan! Busy sila" Singit ko. Kung hindi ba naman tanga eh.
Gagawing ninong at ninang ang cartoons. Akala ko naman magbabago na 'to
si insan dahil mahahawahan ni Roswell, kaso mukhang baliktad ang
nangyayari.

"Oy tomboy ano na naman 'yang binubulung-bulong mo kay Aemie," Lumingon


ako nung may madinig akong boses ng talipandas na lalaking dumaan sa
gilid ng lamesa at dumiretso sa may ref para kumuha ng juice. "Wala
naman, sinasabi ko lang kay insan ang tunay na pagkatao mo"

Halos maibuga nya ang juice na iniinom nya kaya natawa ako. Sayang, mas
ayos sana kung nasamid sya at namatay. Tiningnan nya ako ng masama kaya
ganun din ang ginawa ko. "Aemie! Anong sinasabi sa'yo nyang tomboy mong
pinsan?"

Tumingin sa'kin si Aemie at saka bumulong "Insan, okay lang bang sabihin
ko kay Kaizer na unggoy sya?"
"Hahahaha oo naman insan, alam naman nyang unggoy sya" Sagot ko

"Hoy! Ikaw!" Hawak-hawak nya an pitcher ng juice at inaambang ibato


sa'kin kaya tumayo ako at inalis ang isang sapatos ko,

"Oh ano ha?"

Inilipat nya ang tingin nya kay insan. Tapos biglang naging maamo ang
mukha "Aemie oh! Inaaway ako nyang pinsan mong tomboy" Tss. Para din pa
lang si Louie ang unggoy na 'to. Bading din.

"Hindi ka naman nya inaaway" Nagtatakhang sagot ni insan, pero bigla ding
nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Aemie. Naging mukhang excited "Pero
waaaa!" Lumundag sya at yumakap sa unggoy "Whoa! Aemie! Teka sandal! Alam
kong gwapo ako pero ayoko pang mamatay" Pilit inaalis nung unggoy ang
pagkakayapos ni insan sa kanya. Kaso si insan ayaw tigilan 'yung unggoy.

"Wife" Buhat-buhat ng asawa ni Aemie ang pamangkin ko kaya lumapit ako


para kuhanin muna saglit. "Akon a muna bubuhat kay Bullet" Para maganda-
ganda pagkakabaril nya sa unggoy. "Nakikita mo ba yung unggoy na
nilalambitinan ng mommy mo? Huwag kang didikit don, aagawan ka nun ng
pagkain" Pinapadinig ko talaga sa unggoy ang mga sinasabi ko. Wala din
naman syang magawa kasi nasa harap nya ang asawa ni Aemie. Hahaha. Buti
nga.

"What the hell are you doing wife?!!" Pasigaw na ang pagkakatanong ng
asawa ni insan dahil hindi pa din tumitigil si insan sa pagyakap sa
unggoy. Pfft.
"Dong! Kapatid sya ni Boots, 'yung unggoy na kasama lagi ni Dora!! Diba
ang cute cute non" Kinurot-kurot pa ni insan ang mga pisngi nung unggoy.
Gusto kong tumawa ng malakas kaso mukhang lalong umusok ang ilong ng
asawa ni Aemie kaya tatahimik na lang muna ako.

"Ano?!!! Wengya!"

**

Aemie's PoV

"What the fvck are you talking about? And if you will not stop trifling
with that asshole. I will kill him. Mark my words"

"Whoa! Wengya! Teka! Chill okay?! Relax!" Pilit inaalis ni Kaizer ang
yakap ko kaya bumitaw na ako. Tinitigan ko na lang sya ng medyo malapit
sa mukha. At oo nga 'no? Parang may mga angulo na hawig nya si Boots.
Hehehe. "Aemie hindi ko gusto 'yang mga tingin mo" Umaatras si Kaizer
tapos sinusulyapan nya si Zeke,

"Wife"

"Sisibat na ako ha. Sisibat na ako. Huwag kang aalis dyan Aemie!" Paatras
syang naglalakad habang ang dalawang kamay nya ay nakataas. Parang
pinipigilan nya akong lumapit. *pout*

**
"Explain" Nandito na kaming dalawa ni Zeke sa kwarto. Ayaw nya kasi doon
sa kusina mag-explain pwede naman doon. Wala namang pagkakaiba ang
sasabihin ko kung nandito ako.

Saka totoo naman ang sinasabi ko, bakit ba ayaw nyang maniwala? "Kapatid
sya ni Boots, Dong!"

"Of course not!"

"Oo 'no! Kapatid sya talaga! Kambal sila, tapos inampon lang sila ng
parents ni Meisha kaya naging magkapatid sila ni Meisha" Napaisip tuloy
ako bigla "Kaya pala hindi sila masyadong magkahawig ni Meisha 'no?"

"That's insane wife.

-Imagination-

Dora : Come on, vamonos.

Kaizer : Everybody let's go.

Dora : Come on, let's get to it.

Kaizer : I know that we can do it.

Dora : Where are we going?

Kaizer : To little baby Bullet!


Dora : Where are we going?

Kaizer : To little baby Bullet!

Dora : Where are we going?

Kaizer : To little baby Bullet!

-End of Imagination-

"Are you listening to me wife?"

"Ha?" Pinipigilan ko pa ang tawa ko kasi baka magalit si Zeke. Bagay


ngang Boots si Kaizer 'no? Bakit kaya ngayon ko lang 'yun napansin.

*knock* *knock* *knock*

"Insan! Insan! Buksan mo 'tong pinto, bilis!" Sunud-sunod na kumakatok si


insan sa pinto at nagmamadali kaya natigilan kaming dalawa ni Zeke.
Nagkatinginan muna kaming dalawa bago kami sabay na tumingin sa pinto,
saka ulit namin ibinalik ang tingin namin sa isa't-isa. Unang pumasok sa
isip ko si baby Bullet dahil nasa kanya si baby Bullet.

"Waaa dong!" Ako ang unang nag-react kasi parang natameme si Zeke,
nakatingin lang sya sa'kin at hindi din ma-express ang mukha.

Pero ilang segundo lang din halos ay kumaripas na sya ng takbo papunta sa
may pinto para buksan. "What is it? Where's my baby? Is he okay?" Lalabas
sana si Zeke ng kwarto nung dumating naman si Kaizer buhat si baby
Bullet. Sabay kami ni Zeke na lumapit at tinignan ang tulog na tulog na
si baby Bullet.
Hinalikan ni Zeke sa noo si baby Bullet nung makuha ko na kay Kaizer.
Pumasok ako saglit sa loob ng kwarto para ilagay si baby Bullet sa loob
ng hayy, color blue na crib.

Lumabas ulit ako sa tapat ng kwarto nung mailagay ko na si baby Bullet sa


crib. Si Zeke ay nakapwesto sa may kanto ng nakabukas na pinto at
sinisilip-silip si baby Bullet sa loob.

"Speak" Umpisa ni Zeke kay insan at Kaizer. Nagkatinginan si insan at


Kaizer kaya nagkatinginan din kami ni Zeke. Bakit pa puro tinginan lang
ang ginagawa namin?

"Si Spade Clifford kasi.." Kumunot ang noo ko habang hinihintay ang
kadugtong ng sasabihin ni insan. Ano kayang meron kay Spade? "Omygod!
Nambababae si Spade 'no? Kaya hindi nya nirereplyan si Cassandra kasi—"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi nagsalita na si Kaizer.

"Patay na sya"

"Waaaaaa!" Napatakip ako ng bibig at hindi makapaniwala. "Anong nangyari?


Bakit sya namatay? Na-hit and run ba? Nagkasakit ba? Na-hold up? Na-
budol-budol ba?" Omygod! Omygod!

Lumingon ako kay Zeke para tignan ang reaction nya. Nakatungo sya at
mukhang iniisip din ang ikinamatay ni Spade. "Hindi din namin alam eh"
Sagot ni Kaizer.
"Eh paano nyo nalaman na patay na sya? Baka naman nagjo-jokijoki lang?"
Sabi ko. Pwede naman kasing trip nya lang magpatay-patayan para ma-miss
sya ni Cassandra hehehe.

"Basta na lang kasi may tumawag kay Cassandra na taga funeraria ang sabi
nandoon daw mga labi ni Spade. Pati tuloy kapatid ko napasugod dahil si
Clifford at Tristan Klein ang laging magkasama," Tumingin si insan kay
Kaizer kaya napatitig ako kay insan. Mukha ding malalim ang iniisip nya.
Wala namang alam si insan dito ah? Pero bakit parang hindi sya nagugulat?

"Insan? May alam k aba?" Nagtatakhang tanong ko.

Nag-aalanggan pa nung una ang itsura nya na magsalita pero di rin


nagtagal nagsalita din sya. "Nakita na kasi namin minsan ni Caileigh na
magkakasama sila Tristan Klein, Spade Clifford at Wallace Martin
Lionhart. Hindi kaya konektado 'to sa nangyari insan?"

"Huh? Bakit kailan nyo ba sila nakita insan?" Nagtatakhang tanong ko,
"Kahapon lang ba?" Dugtong ko pa.

"Hindi. Medyo matagal na" Seryosong sagot nya. "Medyo matagal na pala eh,
paano 'yun magiging connected? Ikaw insan ha! Masama mangbintang sabi ni
mommy diba?" Paalala k okay insan. Baka kasi nakakalimutan na nya mga
itinuro sa amin ni mommy.

"Isipin mo kasi insan ah. Silang tatlo lang naman kasi 'yung magkakasama
diba? Hindi nga natin sila nakakasama"

Tinignan ko kung ano ang reaction ni Zeke at Kaizer. Si Zeke ay tahimik


lang, tapos paminsan-minsan sumusulyap sya kay baby Bullet. Si Kaizer
naman ay nakatungo at nakahawak sa ilalim ng labi nya.
**

"Saan ka pupunta Zeke?" Tanong ko nung makita kong pang-alis na damit ang
kinuha ni Zeke sa loob ng closet. Na-feel ko na din na aalis si Zeke kasi
nung magpaalam sila insan na bababa saglit ng salas ay nag-shower agad si
Zeke.

"Somewhere"

"Down the road?" Tanong ko. "Dong naman eh! Saan nga?! Hindi ka talaga
makausap ng matino"

*glare*

*pout*

Totoo naman eh, palaging kalokohan ang sagot sa'kin. Nagtatanong naman
ako ng maayos. "In Black Org. We have a meeting"

Nanlaki ang mga mata ko, at the same time na-excite. "Wow dong talaga?
Tropa-tropa na ba kayo? Kukuhanin na ba natin silang ninong?" Excited na
tanong ko.

*glare* "Nah"
*pout* "Sayang naman akala ko naman okay na kayo"

Lumapit sa akin si Zeke nung matapos nyang i-butones ang polo na suot
nya. Tumungo sya hanggang sa maging magkasing level na ang mga mmukha
namin. Nakaupo kasi ako sa kama. Pero inunahan ko na sya sa pagsasalita
"I will be back" Sabi ko saka ko sya kiniss sa labi. Hehe

Kumunot ang noo ni Zeke kaya ako na din ang nagsalita ng dapat na
sasabihin nya nung akmang magsasalita na sya. "What the hell are you
doing wife?" Sabi ko, ginaya ko pa ang tono ng boses ni Zeke at—"Aww!"
Humawak ako sa noo ko dahil nagulat ako sa pag-pitik nya. "Waaaa! Dong
naman eh! Ano ba problema mo?"

"You love mimicking me, don't you?" Hindi naman mukhang galit si Zeke
dahil natatawa pa sya. Lumapit sya ulit sa'kin saka inalis ang kamay ko
sa noo at hinalikan ako sa labi. Waaaa! Hindi ko 'to na-predict ah!

Pagkalayo ng labi nya ay magsasalita na sya nung magsalita ako "I love
you wife" Sabi ko.

"Wrong!" Mabilis at natatawang sabi ni Zeke saka ulit ako hinalikan kaya
nanlaki ang mga mata ko. Ano ba at paulit-ulit 'tong si Zeke?

"You are the best thing that ever happened to me" Pagkatpos nyang sabihin
'yun ay hinalikan naman nya ako sa noo. Saka nya ako kinindatan. "You
didn't see it coming?" Nakangiting tanong nya. Ang duga! Sinasadya nya
talagang ibahin ang lines nya kasi alam nyang ginagaya ko sya. "Maduga!"
Bulong ko.
"Hahaha I love you"

Hinalikan ulit ako ni Zeke ng mabilis sa labi saka naman sya lumapit kay
baby Bullet. "Keep your eyes on your mother, son" Kiniss din ni Zeke si
baby Bullet bago sya tuluyang umalis ng kwarto.

"I love you" hindi pa ako nakakasagot ng mas mahal ko sya isinara na ni
Zeke ang pinto ng kwart. Hayy! Ang bastos talaga.

**

"Insan"

"Uy insan! Gising"

Iminulat ko ang mga mata ko at nagkusot-kusot. "Oh insan bakit?" Inaantok


na tanong ko. Nakaidlip pala ako. Buti hindi naiyak si baby Bullet.

"Pakiramdam ko talaga may ginagawa sila Wallace na kakaiba eh," Humihikab


pa ako nung sinasabi ni insan 'yan. Hindi pa din nakakamove-on si insan
sa topic na 'yun. Nakatulog na ako, sya ayun pa din ang iniisip. "Paano
mo naman nasabi insan?" Tanong ko.
"Eh kasi nga diba magkasama sila? Paano kung may pinaplano silang gawin,
tapos hindi sumunod si Spade kaya pinatay sya ni Wallace"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni insan. "Ang wild naman masyado ng
imagination mo insan, kung anu-ano agad naimagine mo" Bakit ako walang
naiisip na masama. Saka eh ano naman kung magkasama sila? "Malay mo naman
nagba-bonding lang sila, o kaya window shopping, o kaya may plano silang
mag movie marathon. Diba ginagawa din naman natin 'yun nila Caileigh
dati?"

Hinampas ako ni insan dahil sa mga sinasabi ko sa kanya. Huhuhu parehas


talaga sila ni Zeke na sadista eh. "Anong bonding, window shopping at
movie marathon ang pinagsasabi mo dyan? Baka mamaya may kasama na 'yang
spa at body massage" Galit na sabi ni insan.

"Oo nga 'no? Ang galing mo talaga insan! Hehehe, tapos pedicure at mani—
waa! Bakit ka ba nanghahampas!?"

"EH KASI NAMAN! GINAWA MO NAMANG BAKLA 'YUNG TATLO!"

*baby cries*

"Ayan tuloy umiyak tuloy si baby Bullet" Dali-dali akong tumayo sa kama
at pumunta kay baby Bullet para kargahin. "Ako na magtitimpla gatas
insan" Prisinta ni insan, kaya hinayaan ko na lang sya.

"Ang sinasabi ko kasi insan. Hindi ba masyadong kasuspe-suspetsya silang


tatlo?"
"Talaga? Hindi naman ah"

"Wag ka nga munang maingay dyan! Hindi pa ako tapos!" Sabi nya. "Hehe.
Okay!" Sagot ko.

"Pinsan ni Wakwak si Wallace diba? Malay mo kung tinutulungan nya si


Louie sa kalokohan nung baklang betty boop na 'yun. Tapos may plano
silang masama. Concern lang naman kasi ako sa inyo insan. Lalo na sa'yo
at sa pamangkin ko 'no!" Lumapit si insan habang shini-shake shake ang
bote ng gatas ni baby Bullet.

Kumatok si insan sa lamesa na malapit sa'min "Knock on wood insan, pero


kung ang taong kasing edad na natin kaya nilang gawin ang ganun. Pano pa
kaya kung—" Tumingin sya kay baby Bullet kaya inilayo ko si baby Bullet
sa kanya. "Ano ba 'yang iniisip mo insan! Syempre hindi ko sila
papayagang gawin 'yun!" Huhuhu! Makikipag-away talaga ako sa kanila kapag
si baby Bullet ang sinaktan nila.

"Kaya nga kailangan nating magpakisigurado diba? Sino-sino ba kaaway


nyo?" Tanong ni insan.

"Uhm 'yung Black Organization. Pero plano ko ngang sumali don insan eh.
Kaso wala pa akong time alamin kung paano ako makakasali" Bumukas ang
pinto ng kwarto kaya sabay kaming lumingon ni insan.

"Para makasali sa Black Organization, kailangan mong palitan kung ang


nakaupo sa pwesto ng isa sa kanila"

"Huh? Bakit ganon?" Nagtatakhang tanong ko.


"Ganun talaga eh"

"Ano namang ginagawa mo ditong unggoy ka?"

Parang ang dali naman ng kailangang gawin? "Hihintayin ko lang mangalay


sila sa pagkaka-upo tapos pag tumayo na sila saka naman ako ang uupo"
Tumingin muna silang dalawa sa'kin at saka sila sabay na tumawa ng
malakas.

Siraulo ba silang dalawa?

"Ita-translate ko sa lenggwahe nating mga tao ang sinabi ng unggoy na 'to


insan. Ibig sabihin kailangan mo pumatay ng isang kasali sa Black
Organization para makasali ka din"

Tumango-tango ako. "Ahh. Sino naman kaya sa kanila ang papatayin ko?
Hmm," Inisip ko kung sino-sino ang mga leader ng Black Organization. Buti
na lang at minemorize ko mga names nila.

Will Travon

Jagger Frits

Jax Blaine

Damon Evo Hunter

Greg Lennox
Inigo Rances

Terrence Von Knight

Ezekiel Roswell

Ang astig talaga ni Zeke kapag naiisip ko na kasali na sya dun. Ang duga
pa hindi man lang ako isinali.

"Insan? Seryoso k aba dun sa sinabi mo?" Nung mapatingin ako kay insan at
Kaizer ay nakatitig silang dalawa sa'kin. "Alin insan?" Tanong ko.

"Yung sa kung sino ang papatayin mo sa kanila" sabi ni insan.

"Ahh hehe akala ko naman kung ano. Oo naman insan, medyo nahihirapan lang
ako pumili sa kanila kasi pare-parehas magaganda pangalan nila eh,"

"Ano ba 'yang iniisip mo na 'yan insan!!! Hindi mob a alam kung gaano
kadelikado 'yang sinasabi mo at ano 'yang patay-patay na 'yan!?"

Nagulat ako dahil naalala kong hindi nga pala alam ni insan na sumasama
ako sa mga adventures ni Zeke. Huhuhu. "Wala 'yun insan hehe" Palusot ko.

"Hindi ako papayag na gagawin mo 'yan mag-isa! Sasama ako! Sasali din ako
dyan sa Black Organization na 'yan!"
"Wengya! Akala ko naman pipigilan mo si Aemie, sasamahan mo pa? Psh
tomboy ka talaga"

"Ikaw unggoy ka manahimik ka, ibabalik kita sa jungle!"

=================

Chapter 35

Aemie's PoV

Nakaburol si Spade sa isang chapel malapit dito sa bahay ni Zeke.


"Nandito po mommy 'yung mga diaper ni Baby Bullet ah" Itinuro ko kay
mommy ang lalagyanan ng gamit ni baby Bullet. "Tapos nandito po 'yung mga
damit, 'yung mga lotion nandito po sa may drawer" Paliwanag ko habang
itinuturo kay mommy isa-isa kung saan 'yun naka-pwesto.

"Aren't you done yet?" Pumasok si Zeke dito sa loob ng kwarto saka
lumapit sa'kin. "Tapos na Dong, tinuturo ko lang kay mommy 'yung mga
lalagyan ng gamit ni baby Bullet hehe,"

Tumingin si Zeke kay mommy. "Please take care of him mom" Lumapit si Zeke
kay baby Bullet as usual, saka hinalikan sa noo. Ganun din ang ginawa ko.
Hindi naman kasi namin gustong isama si baby Bullet doon sa burol, kasi
syempre masyado pa syang baby para sa mga ganun. "Babalik din po kami
agad" Kumiss din ako kay mommy pagkatapos kong i-kiss si baby Bullet.

"Ingat kayo ah"


"Opo"

"Yes mom"

Palabas na kami ng kwarto ni Zeke nung pumasok naman si daddy. "Daddy


aalis na po kami" Kumiss ako kay daddy bago tuluyang lumabas. "Take care
of her, son" Bilin ni daddy kay Zeke. "Always, dad" Sagot naman ni Zeke.
Hindi talaga nagbabago tawag nya kila mommy at daddy. Mom at dad talaga.
Ang sossy.

**

"Dong alam mo na ba kung anong nangyari kay Spade?" Tinititigan ko ang


names ng mga leader ng Black Organization na nakalagay sa note ng phone
ko. Paanong pagpili kaya ang gagawin ko dito.

"Not yet, but I guess it has something to do with the Black Organization"
Wala namang iba eh. Sila lang din naman ang naiisip ko eh. Tinitigan ko
si Zeke. Pero wala naman akong mabasa sa mukha nya. "Wala ka pa talagang
alam Zeke?" Tanong ko ulit.

"Pfft. Are you suspecting me?"

"Hindi naman 'no. Hindi lang ako naniniwala na wala ka pang alam hehe"
Diretsong saad ko. Nagulat ako nung tumawa si Zeke. Nababaliw na naman
yata 'to. Hayy. "You know me that much?" Umiling-iling na lang ako at
tumingin sa bintana. Sabi kasi ni mommy, kung wala naman daw ako
magandang sasabihin manahimik na lang daw ako. Eh ayoko namang sabihang
baliw si Zeke
"I had the chance to talk to Lionhart. He expressed his deep sorrow and
extended his most sincere condolence to Yaji and of course to Clifford's
girlfriend"

Nakangiti akong tumingin kay Zeke. "Okay na kayo?"

Umiling sya na parang hindi sigurado sa isasagot nya. "Nah. I'm unsure of
that" Eh kung ako kaya ang kumausap sa kanya minsan para ako na ang
personal na magtatanong 'no? Hmm. Tama! Kukuhanin ko na lang din syang
ninong. Hehehe.

"We're here" Sumilip ako sa bintana ng kotse habang ipina-park ni Zeke


ang kotse. Gabi na pero mukhang madami-dami ang taong nasa burol. Hindi
ko akalaing madami palang friends 'tong si Spade? "Thank you" Mahinang
wika ko, kinindatan naman ako ni Zeke nung sabihin ko 'yun. Inayos ko ang
dress kong itim nung makababa ako ng kotse. Pati na din ang necktie na
suot ni Zeke.

May mga bumabati sa'ming dalawa ng good evening nung pumasok kaming
dalawa sa loob. Nginingitian ko naman sila at binabati din ng good
evening. Si Zeke kasi hindi sila pinapansin. Umusod si Meisha papalayo
kay Cassandra nung makarating kami ni Zeke sa harapang bahagi kung nasaan
sila. Kaya naupo agad ako sa tabi ni Cassandra.

Si Zeke ay lumapit kanila Seb at Kaizer na nakatayo sa may gilid.

"Condolence" Malungkot na sabi ko. Nakatingin lang si Cassandra sa harap.


Nagsimula syang umiyak at yumakap sa'kin kaya niyakap ko din sya. Hindi
ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kaya hinayaan ko na lang muna
na magkayakap kami ng ilang segundo.
Habang yakap-yakap ko si Cassandra ay natanaw kong naglalakad si Milka
palabas ng chapel. 'Sumama pala si Milka dito?' Sabi ko sa isip ko. Ang
buong akala ko kasi nagpaiwan sya sa bahay kasama nila insan, Caileigh,
Jacob at Fauzia.

After ng ilang minutes ay humiwalay din sa yakap si Cassandra. "Pasensya


na Ms. Aemie ah. Hindi ko lang talaga macontrol luha ko" Umiiyak pa sya
habang sinasabi nya 'yan. Kaya pati ako nahahawa. Naiiyak na din tuloy
ako. "He-he, okay lang" Pinunasan ko din ang luha ko na tumulo.
Naiintindihan ko naman sya. Masakit naman talaga mawalan ng mahal sa
buhay.

Nagulat ako kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko nung makadinig kami ng


malakas na kalabog kasunod ng malakas na screech ng kotse. Parang may
nahulog, o bumagsak na bagay.

"Omygod!"

"Shit 'yung babae"

"Tumawag kayo agad ng ambulance"

Napatayo ako bigla nung makadinig kami ng kaguluhan sa labas. "Shit anong
nangyari?" mabilis ding tumayo sila Meisha. Maging si Cassandra ay
tumigil sa pag-iyak at napatayo.

"Stay here" Bulong ni Zeke sa'kin. Nakasunod sa kanya sila Sebastian,


Kaizer at Vash na palabas nitong chapel.
Omygod! Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Pero ayoko namang
tumayo lang dito at maghintay.

"Lalabas lang ako saglit ah, susunod ako kila Zeke" Paalam ko kanila
Meisha at Cassandra. "Sasamahan ko si Ms. Aemie" Saad ni Meisha saka
sumunod sa'kin.

Palabas pa lang kami ng chapel natanaw na namin na may buhat-buhat si


Vash at isasakay sa loob ng kotse. "Omygod!" Nagkatinginan kaming dalawa
ni Meisha saka kami sabay na tumakbo palabas. Naabutan pa namin sila Vash
na kakasakay lang sa loob ng kotse. Nadampot ko pa ang nahulog na
cellphone ni Milka na puno ng dugo kaya pinulot ko.

"Susunod na lang kami 'tol" Tumango si Kaizer at mabilis na pinaharurot


ang kotse paalis.

Nanginginig pa ang mga kamay ko, hawak-hawak ko kasi ang cellphone ni


Milka. "Anong nangyari?" Tanong ko kay Sebastian at Zeke na nasa harap
namin. Napahilamos ng mukha si Sebastian at parang hindi pa din
makapaniwala sa nangyayari.

Nag-alisan na ang mga taong kanina ay nakiki-kumpol sa'min dito, kaya


apat na lang kami nila Meisha, Zeke at Sebastian dito.

"Hit and run" Nanginginig ang boses ni Sebastian. Hindi din sya mapakali
at palakad-lakad. Si Zeke, tahimik lang na patingin-tingin sa paligid.
"Are you okay?" Lumapit sa'kin si Zeke at ipinatong sa likod ko ang coat
na kanina ay suot-suot nya. Nanginginig kasi talaga ako. Pero hindi sa
lamig o takot.
Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Zeke. "Why?" Tanong nya ulit. "I'll
get you a drink" Paalis na si Zeke pero hinawakan ko ang kamay nya para
pigilan. "Para kasing kinutuban ako ng masama Dong, tawagan mo kaya sila
mommy"

"Ako na ang tatawag Ms. Aemie" Pagpi-prisinta ni Meisha. Si Zeke naman ay


pumasok sa loob para kumuha ng maiinom. "Sebastian, huwag ka ngang
magpalakad-lakad dyan. Nahihilo ako sa'yo" Sabi ko. Kanina pa kasi sya
palakad-lakad sa harap namin.

"Bakit hindi ka na lang muna sumunod sa hospital, Lerwick?" Tanong ni


Meisha habang nakalagay sa tenga nya ang cellphone. Nakasandal ako sa
railing at nakaabang na may sumagot ng tawag ni Meisha. "She's not
picking up her phone Ms. Aemie, baka naman nakatulog na si Queen sa
pagbabantay kay Bullet,"

"Uhmm, si insan or si Caileigh kaya? Try mo tawagan" Nakisabay na ako sa


paglakad-lakad ni Sebastian, kaya ngayon para kaming sundalo na sabay na
nagmamartsa.

"Drink this" Iniabot sa'kin ni Zeke ang isang bottled water na kakabukas
nya lang. Inabutan nya din ng tig-isa si Meisha at Sebastian. "Hindi din
sila sumasagot Ms. Aemie eh"

Kung kanina kinukutuban lang ako, ngayon kinakabahan na ako. Bakit ba


hindi sila sumasagot sa tawag? Baka naman maling number ang dina-dial ni
Meisha? "Zeke hindi daw sumasagot sila mommy sa tawag" Kinakabahang sabi
ko kay Zeke.

"What?" Dali-daling kinuha ni Zeke ang cellphone nya sa bulsa at may


dinial na number. "Lee, pick up your fucking phone" Galit na bulong ni
Zeke, mukhang hindi na din sya mapakali. Huhuhu. "Lee—" Tumigil si Zeke
saglit, mukhang may sumagot ng tawag kaya lumapit ako sa kanya.
Tinititigan ko ang mukha ni Zeke kung ano ang reaction.

"Lee, Lee! What the fuck?!" Tinignan pa ni Zeke saglit ang phone nya. "We
need to go" Hindi man lang nya kami hinintay magsalita or magreact basta
na lang nya ako hinila hanggang makapasok sa loob ng kotse wala syang
imik.

**

"OMYGOD!!!"

"FUCK!"

"Tang*na!"

"Shit!"

Kakapasok pa lang namin ng salas, tumambad na samin ang gulu-gulong mga


gamit. May mga tama ng baril ang ibang appliances at furniture sa bahay.
Si Caileigh ay nakahiga sa sofa at puro dugo. Si insan ay nakadapa sa
sahig at puno din ng dugo. Nangingilid na ang luha ko at nanginginig na
ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ang lamig ng buong katawan ko at gusto
kong mahimatay. Pero hindi pwede.

Hindi ko na sila nagawang tignan, dahil tumakbo na agad ako sa kwarto.


Halos kasabay kong tumakbo si Zeke, nauuna lang sya ng konti.
Napatakip ako ng bibig nung makita ko si daddy sa harap ng pinto ng
kwarto namin ni Zeke. May tama sya ng baril sa ulo at nakasalampak sa
sahig. "Daddy" Bulong ko, kasabay ng pag-agos ng luha sa mga mata ko.

Pumasok si Zeke sa loob ng kwarto, kaya sumunod ako. Nakahiga si mommy sa


kama namin ni Zeke, may tama din sya ng baril sa katawan.

"Dammit!" Lumingon agad ako nung madinig kong nagmura si Zeke. Kalong-
kalong nya si baby Bullet habang umiiyak sya. Napanatag ang loob ko nung
makita kong gumagalaw ang kamay ni baby Bullet kaya lumakad ako palapit
sa kanilang dalawa at saka kinuha si baby Bullet sa kanya.

Pinunasan agad ni Zeke ang luha nya pagkakuha ko kay baby Bullet saka sya
lumapit sa kinaroroonan ni mommy at pinulsuhan. "She's still alive" Medyo
nakaramdam ako ng pag-asa dahil sa sinabi nya.

"Bossing! Kailangan na natin silang dalhin sa ospital sa lalong madaling


panahon" Humahangos na sabi ni Sebastian pagkapasok nya ng kwarto.
Binuhat ni Zeke si mommy. Ako naman ay sumunod sa kanilang dalawa pababa
habang karga-karga ko si baby Bullet.

Isa-isang isinakay nila Zeke at Sebastian sila mommy, insan, Caileigh,


guardian angel, at Jacob. "Ako na lang muna ang maiiwan dito" Sabi ni
Meisha. "Sigurado ka Mei?" Tanong naman ni Sebastian. "Oo, sige na. Ingat
kayo ha" Umiiyak pa din ako hanggang makasakay kami ng van.

**
Nakaupo ako sa waiting area ng ospital. Dito din sa ospital na 'to dinala
si Milka kaya nandito din si Vash at Kaizer. Pare-parehas kaming nakaupo,
sila Kaizer, Vash at Sebastian ay nakaupo sa mahabang bench na katapat ng
inuupuan namin ni Meisha, "I called a hotel to prepare a suite for us. We
can stay there for a while. I know you're tired," Sabi ni Zeke pagkalapit
nya sa'kin. Kinuha nya sa'kin si baby Bullet. "Kamusta na daw sila Dong?"
Tanong ko.

"The operation is still ongoing so I can't tell,"

"Tatawag na lang din daw ang funeraria kapag iri-release na ang mga labi
ni Master" Malungkot na saad ni Meisha. Gusto kong umiyak, pero feeling
'yung mga mata ko wala ng mailabas na luha. Kanina pa kasi ako iyak ng
iyak.

"Bakit ba kasi ganito ang nangyari?" Bulong ko.

"Tingin ko dapat magpahinga na muna kayo, Mei sumama ka na kila Ma'am


Aemie. Magpahinga ka din muna. Ako na ang mag-aantay kay Master. Dadaan
na din ako kay Cassandra para sabihin ang nangyari," Sabi ni Sebastian.

"Sasamahan ko na lang si Boul dito magbantay sa ospital," Dagdag ni


Kaizer.

Inalalayan ako ni Zeke na tumayo gamit ang isa nyang kamay. Parang
anytime, babagsak na ako sa pagod at panghihina. Nagsisimula pa lang
kaming maglakad paalis ay tumigil na si Meisha saglit dahil nag-ring ang
cellphone nya.

"Yes this is his girlfriend, why?... WHAT?!" Napaupo ulit si Meisha at


saka nagsimulang umiyak. "Shit! Mei ano nangyari?" Dali-dali namang
lumapit sa kanya si Sebastian at tumabi, kasabay ni Kaizer "Sis. Bakit?"
"Pulis 'y-yung tumawag" Umiiyak si Meisha at halos hindi makapagsalita.
"Natagpuan daw patay si T-tristan" Humigpit ang hawak ko sa kamay ni
Zeke, sobra na 'yung mga nangyayari. Hindi na yata kayang i-digest ng
sistema at utak ko ang mga naririnig at nakikita ko.

Kinuha ko ang baril na nakasuot sa loob ng coat ni Zeke, kasama ang susi
ng van na ginamit namin kanina saka mabilis na tumakbo palayo sa kanila.

"Wife!" Hiyaw ni Zeke, pero hindi ko sya pinakinggan. Diri-diretso pa din


akong tumakbo palayo sa kanila.

Hindi ko na kayang palampasin ang mga nangyayari.

=================

Chapter 36

Aemie's PoV

Kinuha ko ang cellphone ko habang dini-drive ko mag-isa 'tong van. Buti


na lang automatic 'tong van kaya hindi ako mahihirapan i-drive. Pinatay
ko agad ang cellphone ko, para hindi ma-trace nila Zeke kung saan ako
pupunta. Hinila ko din ang wire na kumo-konekta sa GPS nitong van.

Ipinarada ko agad ang van sa tapat ng bahay. Dito muna ako unang pumunta
para kuhanin ang mga kailangan ko.
Nagkalat pa ang mga sira-sirang gamit sa loob ng bahay. Pati ang mga
dugo. "Arf! Arf!" Kumunot ang noo ko dahil tumahol si baby Eisz,
lumulundag-lundag pa sya at parang gusto nya akong lumapit sa kanya. Kaya
lumapit ako. "Bakit baby Eisz?" Tanong ko. Tumakbo agad sya palayo saka
ulit tumahol.

Nandoon si baby Amiel at may kagat-kagat na kung ano.

Damon Evo Hunter Identification card.

Kinabisado ko ang information na nakalagay sa I.D saka ko sinindihan sa


stove. "Very good baby Amiel at baby Eisz" Pinat ko ang ulo nilang dalawa
at nilagyan sila ng pagkain sa bowl nila, at tubig habang hinihintay kong
matupok ng apoy ang I.D. Nung makita kong tupok na ng apoy ang ID ay
tumakbo paakyat sa kwarto namin ni Zeke.

Mabilis akong nagpalit ng damit. Pants na itim, shirt na itim, at jacket


na itim ang isinuot ko. Pero bago ko ilagay sa lalagyan ng maruming damit
ang mga damit na hinubad ko ay nakapa ko pa ang cellphone ni Milka, kaya
kinuha ko 'yun. Puro mantsa ng dugo ang phone pero wala na akong oras
para linisin pa, kaya ibinalot ko muna sa isang panyo. Nagsuot din ako ng
sapatos para mas komportable ang paggalaw at pagtakbo ko. Kumuha ako ng
isang malaking maleta saka ko isinilid ang mga damit ko, at iba ko pang
gamit.

Binuksan ko ang isang malaking cabinet na naglalaman ng mga baril at


ammunitions. Kinalas ko ang naka-display sa loob ng cabinet na Barrett
.50 Cal, isang sniper rifle. Paniguradong magagamit ko 'to. Maganda 'to
kasi ang maximum range nya ay 2600 meters. Kahit gaano pa sila kalayo
sa'kin, hindi sila makakaligtas.

Dinampot ko din ang isang Springfield Armory 1911 at isang FN Five Seven,
na parehas handgun. Chineck ko muna parehas kung may lamang mga bala ang
magazine bago ko isinilid sa magkabilang gun pocket ng jacket na itim na
suot ko.
Kumuha din ako ng dalawang pocket knife, mga grenade, dinamihan ko din
ang flash bang, smoke grenade, mask, timed bomb at rope.

Lahat ng mga gamit na kinuha ko, ay isinilid ko sa kanya-kanyang safety


box, bago ko inilagay isa-isa sa malaking maleta na dala ko. Lumapit ako
sa vanity table saka kinuha sa drawer ang lighter na inilagay ni Zeke
dito dati. Saglit akong napatitig sa mukha ko, pinunasan ko ang mantsa ng
dugo sa may pisngi ko at saka tinali ang buhok ko.

Kakadampot ko pa lang ng maleta nung may madinig akong yabag ng paa na


naglalakad kaya mabilis kong dinukot ang baril sa gun pocket ng jacket na
suot ko at nagtago sa gilid ng pinto.

Eksaktong pagka-pwesto ko sa gilid ay sya namang pagbukas nito. Hindi ko


kita kung sino ang nagbukas dahil nasa gitna namin ang pinto. Hanggang sa
mag-umpisa syang maglakad papasok sa loob. Hindi ko kilala kung sino ang
lalaking pumasok dahil nakatalikod sya. Pero sigurado akong hindi sya si
Zeke, mabilis ko syang tinutukan ng baril pero humarap sya sa'kin at
hinampas ang kamay ko kaya tumilapon ang baril sa sahig.

I grabbed his left arm and twisted it, saka ko dinukot ang isa pang baril
sa loob ng jacket na suot ko at itinutok sa ulo nya ng madiin. "Wallace
Martin Lionhart" bulong ko, nung makilala ko sya.

"Kung papatayin mo ako, hindi ko kayo magagawang tulungan" Kumunot ang


noo ko saka ko sya hinampas ng baril sa ulo. Hindi ako naniniwala, hindi
na ako maniniwala kahit kanino kasi pare-parehas silang lahat na
sinungaling. Ang gusto lang nila ay patayin ang Yaji at Roswells.

"Tss" Pinunasan nya ang dugong tumulo mula sa ulo nya. "Yo!" Binaril ko
agad sa binti ang pumasok na lalaki sa loob ng kwarto "Shit!" Daing nya.
"Kuya Ken?" Lalapitan sana sya ni Wallace pero binaril ko din si Wallace
sa binti "Kapag gumalaw ka pa, papatayin na kita" Sabi ko sakanya.
Seryoso ako, kahit sabihin nilang kababata sila ni Zeke, papatayin ko
talaga silang dalawa kapag nalaman kong kasali sila sa mga pumasok dito
sa loob ng bahay kanina.

"Ibaba mo 'yang dala mong baril kuya Ken" Utos ko. Sumunod naman agad si
kuya Ken, at ibinaba ang baril na hawak nya. "Ms. Aemie to clear things
out, kakampi mo kami. Nandito kaming dalawa ni Lionhart para alamin ang
mga nangyari at siguraduhing ayos kayo"

"Ayos? Gulu-gulo ang bahay, puro basag at sirang gamit. Nagkalat ang dugo
sa paligid. Tapos titignan nyo kung ayos kami?" Hindi ba sila nag-iisip
na dalawa.

"Okay-okay. Calm down, pero believe us, hindi kami kaaway" Tinignan ko
ulit silang dalawa. Parehas silang nakahawak sa binti nila na binaril ko.
Malapit lang sa kanilang dalawa ang baril ko na tumilapon, pati ang baril
ni kuya Ken na ibinaba nya pero hindi naman nila dinadampot. Mukha ngang
nagsasabi sila ng totoo.

Dinampot ko ang baril ko na nasa sahig. Saka ibinalik sa gun pocket ng


jacket na suot ko. Kahit naglalakad ako sa papunta sa malaking maleta na
inayos ko ay nakikiramdam ako sa paligid. Baka kasi niloloko lang nila
ako at may balak silang barilin ako kapag nakatalikod na ako sa kanila.
Pero hanggang sa mapalapit ako sa maleta ay wala silang ginawang masama.

Itinayo ko ang maleta pero hindi ko pa inangat ang handle dahil


napatingin ako sa crib ni baby Bullet. 'Bakit kaya wala silang ginawang
masama kay baby Bullet' 'yan ang tanong sa isip ko nung maalala ko ang
nangyari sa kanilang lahat. Lumapit ako sa crib, baka naman kasi—

We will spare your son's life for now, Ezekiel and Aemie Roswell.
"Ano 'yan?" lalapit sana si Wallace palapit sa'kin nung paputukan ko ang
sahig na lalakaran nya. Tinignan ko ang loob ng crib kung may iba pang
nakalagay pero wala na. Kaya ibinulsa ko na lang ang note saka naglakad
pabalik sa may maleta.

Itinaas ko ang handle ng maleta saka hinila.

"Miss Aemie saglit! Saan ka pupunta? Alam ba ni Ezekiel na nandito ka?


Shit!" Binaril ko ulit silang dalawa sa binti para hindi nila ako
masundan. Daplis lang naman 'yun kaya siguradong hindi sila mamamatay.

Pagkadating ko sa labas ng bahay, pinaputukan ko agad ang mga gulong ng


sasakyan nilang dalawa. For sure kasi, susundan nila ako. Or baka sabihin
nila kay Zeke na dumaan ako dito.

**

Nilagyan ko ng silencer ang dalawang handgun bago ko isinilid sa


magkabilang gun pocket ng jacket na suot ko. Kinuha ko sa loob ng maleta
ang wig na dinala ko. Naglagay din ako ng makapal na make-up para hindi
ako gaanong makilala kung sakaling may makasalubong ako na nakakakilala
sa'kin. At kahit gabing-gabi ay isinuot ko ang smokey shades na dala.
Tahimik akong naglakad papasok ng hotel. Dumiretso ako sa front desk para
kumuha ng kwarto, katabi ng kwarto ni Damon Evo Hunter.

Nung makuha ko na ang kwartong gusto ko ay. Sumaglit ako sa labas ng


hotel para tawagan si Zeke.

"Zeke"
[Wife!]

"Zeke, babalik din ako agad kapag natapos ko na gagawin ko,"

[Where the fvck are you?]

"Hindi na 'yun importante, sige aalis na ako"

[Get back here and take care of—]

"Tatawag na lang ako uli mamaya. I love you" Ibinaba ko na agad ang
telepono para hindi na maka-sagot si Zeke.

Naglakad ulit ako papasok ng hotel. "Miss pakidalahan ako ng pinakamahal


na meal sa room 2505. Thanks." Umalis na kaagad ako

**

Sebastian's PoV
Kanina pa pabalik-balik si Bossing at hindi mapakali, hindi nya magawang
sundan si Ms. Aemie dahil hindi nya din maiwan-iwan ang inaanak ko. Ayaw
nya kasing ipagkatiwala sa amin ang pag-aalaga kay Bullet.

"It's still fucking turned off!!" Ibinato nya sa kama ang cellphone na
hawak nya, ampupu! Nasaan na ba 'yung gagong si Lampe at bakit hindi pa
tumatawag? "Baka naman magkasama na sila ni Lampe, bossing" Sinusubukan
kong pakalmahin si Bossing gamit ang mga 'baka'. Dahil alam ko naman na
kahit gaano ka-lakas ang karisma ko ay hindi uubra kay Bossing.

Hindi pa yata nakakalipas ang isang minuto nung mag-ring ang cellphone ni
Bossing.

"Wife! Where the fvck are you?... Get back here and take care of—DAMN!
What the fvck is happening to my wife?! Answer me Lerwick or I'll kill
you!" Napalunok ako dahil sa sinabi ni Bossing at umayos ng upo. "B-baka
gusto lang magpahangin Bossing. Masyado yatang na-stress sa mga nangyari.
Uuwi din naman 'yun panigurado" Sabi ko.

"When huh? When?!! She doesn't sound like she has a plan of returning"
Galit nag alit at gigil na gigil na ang tono ng boses ni Bossing. Takte!
Mukhang ako na ang susunod na isusugod nito sa ospital.

*doorbells*

Tumayo agad ako nung tumunog ang doorbell nitong suite na tinitigilan
namin. Si Mr. Roswell ay dumampot agad ng baril na nasa ibabaw ng lamesa.
Maging ako ay bumunot ng baril. Sinilip ko sa peep hole kung sino ang nag
door bell. "Si Phoenix Strife bossing" wika ko. "Let him in,"
Kakasara ko pa lang ng pinto ng hotel room ay may nag doorbell na naman.
Petengene! Hindi pa nakisabay ang isang 'to kay Strife. Sinilip ko kung
sino ang nasa labas ng kwarto. "Bossing si Andrei Lewis" Tumango si
Bossing at sumagot na naman ng 'Let him in'.

"Yo!" Pinapasadahan ko ng tingin ang dalawa kung may ikikilos silang


hindi kaaya-aya. Pero wala akong napapansing kakaiba. Pati si bossing ay
tila kampante na nandito sila. Ibig sabihin ayos ang samahan nila ni
Bossing? Ampupu! Outdated yata ako sa mga pangyayari ah!

Pabalik na ako sa kinauupuan ko kanina nung may putang*nang nag doorbell


na naman! "Hoy Strife, ikaw naman magbukas ng pinto" Utos ko. Petengene
kanina pa ako bukas ng bukas eh. Nakakuha sila ng gwapong utusan. Tsk
tsk.

"Tss. Ikaw na"

*doorbells*

"Aba matinde 'tol! Kanina pa ako bukas ng bukas ng pinto may nadinig ba
kayo sa'kin? Kahit magandang lalaki ako, hindi ako reklamador!"

"Lerwick!"

Tumayo agad ako at lumapit sa may pinto bago pa mag-iba ang timpla ni
Bossing. May araw sa'kin 'tong Strife na 'to. "Yo 'tol balita?" Shit!
Dinukot ko agad ang baril na nakasuksok na sa pants ko nung makita ko
kung sino ang nasa likod ni Lampe. "Kalma! Okay lang 'yan baby Lerwick"
Anong ginagawa ni Lionhart dito?

Hinayaan kong makapasok sila Lionhart, Blood at Lampe sa loob ng hotel


room. Pinasadahan ko ng tingin sina Blood at Lionhart na parehas iika-
ika.

**

Aemie's PoV

Habang hinihintay kong iakyat dito sa kwarto ang pagkaing nirequest ko


kanina ay nag-ayos na ako ng mga kailangan ko. Flashbang, pocket knife,
dalawang handgun at extra ammunitions.

Nilagyan ko ng madaming pins ang wig na suot ko para hindi matanggal.


Nag-retouch na din ako ng make-up at kinapalan ang red lipstick na
inapply ko.

*doorbells*

"What's that?" Mataray na tanong ko sa babaeng may tulak-tulak ng


pagkain. "Ma'am hindi po ba kayo umorder ng pagkain? Ido-double check ko
na lang po, pasensya na po sa istorb—"
"No, pero I think doon 'yan sa kabilang room" Itinuro ko ang kabilang
kwarto. Ang hotel room na kinaroroonan ni Damon Evo Hunter. "Kanina pa
kasi may lumalabas na lalaki, at mukhang may hinihintay,"

"Ahh ganun po ba. Thank you and pasensya na po ulit" Ngumiti ako sa kanya
at isinara kunwari ang pinto. Naghintay ako ng pitong segundo bago ko
ulit binuksan ang pinto ng hotel room ko. Nung makalabas ako ay nasa
tapat na sya ng kabilang kwarto kaya casual akong naglakad papunta sa
direksyon na 'yun.

Katulad ng kinalkula kong oras, kakabukas lang ng pinto nung tumapat ako
sa pinto ng kwarto nila. Dinukot ko agad ang pocket knife at isiningit sa
gilid ng pinto para hindi maisara ang pinto. Huminto ako at naghintay na
isara ang pinto. I smiled, nung buksan ulit ng isang lalaki ang pinto
para tignan kung bakit hindi nya maisara. Sinipa ko sya pabalik sa loob
saka ko binato ang dalawang flash bang sa loob.

Hinila ko ang babaeng hotel crew palabas ng kwarto saka ako pumasok sa
loob. Wala din syang makita dahil kasama sya sa loob nung sumabog ang
flash bang kaya siguradong hindi nya ako nakilala.

15-30 seconds ang itatagal ng pansamantalang pagkabulag nilang lahat kaya


habang hindi pa bumabalik ang paningin nila ay sinimulan ko na silang
pagbabarilin, gamit ang baril ko na may silencer, hanggang matira ang
isa. Si Damon Evo Hunter.

Itininutok ko sa ulo nya ang baril na hawak ko habang hinihintay kong


bumalik ang paningin nya. Nagsimula akong magsalita nung makita kong
nanlaki ang mga mata nya, tanda bumalik na ang paningin nya. "Any last
wish?" Tanong ko, kaso masyado syang agresibo. Inagaw nya ang hawak kong
baril na nakatutok sa kanya. Kaya itinutok ko ang isa ko pang hawak na
baril sa ulo nya saka kinalabit ang gatilyo.

Kinuha ko ang maliit na note na nakuha ko sa loob ng crib ni baby Bullet


pagkapasok ko ng hotel room ko. Isinulat ko kasi kanina dito sa likod ng
papel ang mga pangalan ng leader ng Black Organization. Saka ko kinuha
ang techpen na isinilid ko kanina sa gilid ng maleta. Nilagyan ko ang
guhit ang pangalan ng unang leader ng Black Organization na nasa listahan
ko.

Damon Evo Hunter

Will Travon

Jagger Frits

Greg Lennox

Inigo Rances

Jax Blaine

Terrence Von Knight

=================

Chapter 37

Aemie's PoV

Binabasa ko ang file ni Will Travon na nasa harap ko. Sya pala ang CEO ng
Travon trade and industries. Sabagay sabi nga nila puro mayayaman ang
leader ng Black Organization kaya hindi na nakakapagtakha. Advantage para
sa'kin na puro sila kilalang tao dahil madali ako makakahanap ng mha
impormasyon tungkol sa kanila kahit walang tulong ng ibang tao.

Inilista ko sa papel ang mga contact numbers na pwede ko tawagan para


mag-set ng appointment. Lumapit ako sa table na pinagpapatungan ng
telepono nitong hotel suite dito. Alas tres y media pa lang ng madaling
araw. Hindi ko nga alam kung gising na ang secretary na tatawagan ko eh.
[Hello good morning]

"Hi, good morning. This is Amelia from Hunter's Corporation and I would
like to know if I can set an appointment with Mr. Will Travon today,"
Wala naman sigurong masama kung gagamitin ko ang pangalan ng corporation
ni Damon Evo Hunter.

[I'm sorry Ma'am but I think lunch time lang ang free time ni Mr. Travon]

"This is about an important business deal we were talking last week.


Nakakapanghinayang naman sa part nya kapag hindi kami nakapag-usap about
dito" Giit ko.

[Ganun po ba?]

"Yes. Can I at least know when he will be there? Para alam ko kung kailan
ako magda-drop by,"

[Dumadating po sya dito before 7 in the morning, and leaves before 5 in


the afternoon]

"Okay. Thanks"

Ibinaba ko na ang telepono at nag-shower ng mabilis. Binuksan ko ang


laptop na dala ko habang nagbibihis. Tinignan ko ang oras sa relos na
kakasuot ko lang. "3:47AM" Lumapit ulit ako sa laptop para hanapin sa
google ang location ng opisina ni Will Travon.
Habang naghahanap ako sa google ng apartment na pinakamalapit sa building
ng Travon trade and industries ay maingat kong nililinisan ang mga parts
Barret .50 Cal. Nung maibalik ko na sa lalagyan ang sniper rifle ay nag-
umpisa na akong mag-dial ng mga hotels at apartments na malapit sa
building ni Will Travon para magpa-book ng room.

[Hello, thank you for calling the Aria Hotel. My name is Erica Gin. How
can I help you?]

"I'd like to make a reservation"

[Certainly. When would you like to check in?]

"Today. I will be there before 6 in the morning. And I need my rooms to


be prepared before my arrival"

[How many rooms, and for how many nights will that be Ma'am?]

"5 rooms for 2 nights" Wala naman akong planong magtagal, pero kailangang
matagal ang check-in ko sa mga hotel, para hindi ako agad paghinalaan.

[Do you have other concerns in terms of the rooms?]


"Yes I would love to see the roads in the morning and evening, so it
would be better if you have available rooms that I can view those
scenery"

[Of course Ma'am. We have different types of rooms available for that. We
have executive suites and stan—]

"I prefer the executive suites"

[Okay 5 executive suites for 2 nights. May I have your name, please?]

"Amelia Park"

[Great! Miss Amelia, so how will you be paying?]

"I'll pay cash as soon as I arrive."

[Okay thank you. Have a good day Ma'am]

Ibinaba ko agad ang telepono at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit.


Nagbihis ako ng damit na mukhang pang-mayaman, nag-high heels, at make-
up.
Pagkatapos ay iniligpit ko lahat ng gamit ko. Pinunasan ko lahat ng
hinawakan ko, leaving no trace. Nung masiguro kong okay na lahat ay
dumiretso ako sa front desk ng hotel para magcheck-out.

**

Sebastian's PoV

"Sabi ni Aemie, gusto nya daw sumali sa Black Organization. 'Yan 'yung
pinag-uusapan nila nung pinsan nyang tomboy eh" Basag ni Lampe sa
katahimikan nitong silid.

"What the fuck?" Halos maibuga ni Bossing ang alak na iniinom nya. Antok
na antok na ako, dahil mula kagabi pa ako hindi natutulog. Samantalang
sya mukhang hindi man lang nakakaramdam ng antok.

"Ibang-iba nga si Miss Aemie nung madatnan namin sya ni Wallace kagabi sa
bahay nyo, Ezekiel"

Kumunot ang noo ni Bossing. Kanina pa kami magkakasama dito pero ngayon
lang sila nag-usap-usap dahil busy si Bossing sa pag-aalaga sa kanyang
baby boy.

"Sya nga ang bumaril sa'min ni Blood eh. Tss" Wika ni Wallace. Magsisindi
sana sya ng sigarilyo nung tignan sya ng masama ni Bossing. "You can
smoke outside, Lionhart" Tumingin si Lionhart sa natutulog na si Bullet
saka natawa at ibinalik sa lalagyan ang stick ng sigarilyo na hawak nya.
"What happened to your goddamn plan Lionhart? I thought it went well, how
did it end up like this?"

**

Jerson Ken's PoV

-Flashback-

"She's not here" I threw my coat on the passenger's seat and lit a
cigarette. "Hindi pa ba tayo aalis dude? Wala naman si Lux dito. Darn
it!" I said but Lionhart's hooking up with somebody over the phone. "This
is not the right place to do that Wallace. Psh. I thought you're not yet
over with Fiona. Tapos may ka—"

"Tss asshole. It was Lux's secretary,"

I frowned. But before I could even react, my nagbukas ng pinto ng kotse


sa likod namin. "Hi babe"

"Hey. May gusto akong iparating mo kay Lux. And don't mention my name
please"

"Sure babe basta ikaw"

-End of Flashback-
"Then we found out na buhay pa pala si Lux" I stated. "Dahil tinulungan
ng magaling kong pinsan," Wallace added.

"Pfft. 'Yan 'yung dumidiskarte sa kapatid ko diba?" Singit ni Andrei


Lewis. Tumango naman si Wallace habang natatawa. Pati ako ay natawa. You
can see how small our world is. And I am glad na wala ng galit si Wallace
kay Ezekiel simula nung mabalitaan nyang magkakaroon ng anak si Ezekiel.
He badly wants to be one of the godfathers like what the heck!

"So what's our next plan?" I asked.

"Ezekiel, you're the boss. Ikaw magplano" Wallace said, sincerely.

"Always Lionhart, always" Nakangiting sagot ni Ezekiel.

"Wooo! Group hug na ba ang next dito?"

"Aww baby Lampe naman, init agad ng katawan ko ang hanap mo?"

"Ulul!"

"Mga siraulo" Tumayo si Phoenix Strife at kumuha ng alak.


Itinaas ni Andrei Lewis ang left hand nya while holding his cellular
phone on his right hand. We're all quiet while waiting. "Oh?... Huh?
Sigurado ka ba dyan Knight?... Anong nangyari?... Sige ako na ang pupunta
at mag-aalam..Ge ge" Ibinaba ni Andrei Lewis ang telepono saka tumingin
sa'ming lahat. "Patay na daw si Hunter" He stated.

Nagkatinginan kaming lahat. I know, we have the same conclusion in mind.


Nandito kaming lahat kaya sino naman ang gagawa nun?

Umayos ng upo si Kaizer and started to speak "Wala akong ibang naiisip na
pwedeng gumawa nun kung hindi si—"

"My wife/Miss Aemie/Aemie"

**

Sebastian's PoV

"Syet! Ang bangis talaga ni Miss Aemie!" Sabi ko.

"Pfft. Sila Blood at Lionhart nga pinilayan eh. Parehas tuloy pilantod
ngayon" Tinignan ng masama nila Lionhart at Blood si Lampe kaya natawa
ako. Wew! Kaya minsan mas takot pa ako kay Ms. Aemie kaysa kay Bossing
eh.
"I bet she will kill the rest of the leaders of the Black Organization as
well" Saad ni Bossing.

**

Pinaghati-hatian namin ang pagmamatyag sa mga leaders ng Black


Organization dahil hindi namin alam kung sino ang isusunod ni Ms. Aemie,
except kay Bossing. Dahil naiwan sya kasama ni Bullet. Pfft. Kung
makikita nyo lang ang itsura nyang bwisit na bwisit dahil hindi sya
makaalis.

"Dalian mo naman 'tol, nakasingit tuloy 'yung isang 'yun" Binusinahan ko


ang isa pang sasakyan na sumingit sa harap ko.

"Mapagbigay kasi ako tsong. Hindi mo ba nakikitang chiks 'yung


nagmamaneho nun." Inihinto ang sasakyan tatlong metro ang layo sa
hinintuan ng kotse ni Travon. "Big time talaga mga leader ng Black
Organization. Travon trade and industries 'tol oh" Binuksan ko ang
bintana ng kotse para magsindi ng sigarilyo. "Ako na lang maghihintay
dito sa sasakyan 'tol. Ikaw na ang sumunod sa kanya sa loob" Tumango si
Lampe pagkasabi ko nun pero hindi pa sya bumababa ng sasakyan.

"Maghihintay muna kong makapasok sya sa loob ng building bago ko sundan.


Baka makahalata ang gago eh" Wika nya.

Pinagmamasdan ko ang body guard na nagbukas ng kotse ni Travon.

Bumaba sa sasakyan ang isang matikas na lalaki. Na agad na napalibutan ng


body guards. "Wew dami kasama—Shit!" Kitang-kita ng dalawang mapupungay
kong mata kung papaano tinamaan ng bala sa likod ng ulo si Travon.
"Anak ng tinola!" Halos magkasabay kaming bumaba ng sasakyan ni Lampe
para i-scan ang buong paligid. Lalo na ang mga nagtataasang building na
posibleng pinagmulan ng bala ng baril. "Wengya!" Napasinghap ako habang
pinagmamasdan ang aligagang mga tauhan ni Travon, at ang duguan nyang
katawan na pinagpe-pyestahan na ng mga tsismosa at tsimoso.

**

Aemie's PoV

Sunod kong pinaputukan ang gulong ng sasakyan ni Sebastian. Pagkatapos ay


mabilis kong kinalas ang Barret .50 Cal na ginamit ko at maingat na
ibinalik sa lalagyan.

Kinuha ko ulit ang note at techpen para lagyan ng guhit ang pangalan ang
pangalawang leader ng Black Organization.

DamonEvo Hunter

Will Travon

Jagger Frits

Greg Lennox

Inigo Rances

Jax Blaine

Terrence Von Knight


Kinuha ko ang cellphone ni Milka na nakabalot pa sa panyo hanggang
ngayon. Inopen ko at sinet sa airplane mode para walang makatawag or
text. 33 ang unread messages ni Milka kaya tinignan ko isa-isa. Baka kasi
may mga importanteng messages.

"Close pala sila ni Phoenix Strife?" I whispered habang binabasa ang


palitan nila ng messages.

Phoenix: Oo

Milka: Paano mo nalaman? Hindi naman nila magagawang kunin si baby


Bullet.

Phoenix: Basta bantayan nyong maigi. Hindi tayo nakakasiguro.

Milka: Sige, ako ng bahala magsabi kay ate Aemie at kuya Ezekiel. Mag-
iingat ka dyan.

Phoenix: Sige.

"Bitch!" Bulong ko nung mabasa ko ang text ni Phoenix Strife tungkol kay
Grethel Canary Lux, plano ni Grethel na kuhanin si baby Bullet at ilayo
sa amin ni Zeke? Nasisiraan na ba sya ng ulo?

Binasa ko din ang huling messages na binasa ni Milka bago sya nabangga.

From unknown number: May pinabibigay si Queen, lumabas ka dito sa labas.


Tumayo ako habang tinitignan ang kahina-hinalang number, saka naglakad
palapit sa telepono nitong hotel room. I dialed the number at hindi ako
na-surprise sa narinig kong boses.

"Hello?! Who the hell are you and bakit hindi ka nagsasalita?!" Iritang-
irita na ang boses ni Grethel Canary Lux. Ang tanga naman nya, hindi man
lang sya gumamit ng ibang number pang-text kay Milka. Hayy!

**

**Fast forward**

Grethel's PoV

"Duh, Terrence! Wala namang ibang gagawa nyan kay Hunter kung hindi si
Roswell. Kaya mag-ingat ka. Baka naman bago pa natin magawa ang plano
na'tin ikaw na ang isunod nya" I laughed. Habang naglalakad papuntang
elevator. It's almost evening at nagugutom na ako. I thought Louie will
drop by, pero hindi naman dumating. Ugh.

[Psh. Hindi mangyayari 'yan]

"Confident much?" I rolled my eyes. "Kailan ba ako makakasali dyan sa


Black Organization? Palabasin mo na lang kaya na ako ang pumatay kay
Damon Evo Hunter, para wala ng kailangan pang seremonyas. I need power,
Knight" I demanded.

[Soon Grethel]
"Alright then, sige na. Tatawagan ko pa 'yung boyfriend ko."

He just laughed at me before hanging up the phone.

"Oh shit!" I step backward dahil nagulat ako nung bumukas ang elevator.
Louie's holding a bouquet of red roses. I smiled.

"Para sa pinakamagandang babae" He said sweetly. "Thanks love" I gave him


a peck bago ako pumasok sa loob ng elevator. "Akala ko hindi mo na ako
susunduin eh"

"Pwede ba naman 'yun? Ako pa?! Makalimutan kita? No-no-no!" Natawa ako
dahil sa mga sinasabi nya. He's always s the sweetest and I'm thankful na
nakilala ko sya. Noon, plano ko lang din syang paikutin. But like what
they always say, nothing's permanent.

Naglakad kami hanggang marating namin ang parking space. "My car, or
yours?" Tanong ko. "Akin na lang" Nakangiting sagot nya. I wrapped my
left arm on his right arm, habang hawak-hawak ko ang bouquet ng flowers
sa kanan hanggang makarating kami sa naka-park nyang sasakyan.

"Thanks love" I said sweetly pagkabukas ni Louie sa pinto ng kotse. I


placed the bouquet at the back. Habang hinihintay kong makapasok si Louie
ay kinuha ko na ang seatbelt to buckle it up. I heard a loud sound na
parang may nauntog or something kaya sinilip ko si Louie. "Love?" tawag
ko.
It was a relief nung bumukas ang pinto kaya ipinagpatuloy ko ang pages-
seatbelt. "Akala ko naman kung ano 'yung narinig ko" I said, habang
inaayos ang—

"Really? Don't worry, he's not included on my list" Natigilan ako when I
realized na babae 'yung boses nung nagsasalita. I slowly looked up to see
her face pero naka-mask sya. Dinampot ko agad ang sling bag na dala-dala
ko to get my gun inside "Who the hell are—" I suddenly felt dizzy dahil
sa malakas na hampas nya sa ulo ko. She's holding a gun.

"A-Aemie" I whispered nung alisin nya ang mask nya. Umiikot pa din ang
paningin ko, pero pinipigilan kong mawalan ng malay. "P-please don't kill
me. Gagawin ko lahat ng iuutos mo, I can even tell kung ano ang mga
susunod na gagawin ng Black Organization—H-huwag mo lang akong patayin,"
I pleaded. My tears started to fall. God! I don't wanna die.

Ngumiti sya sa'kin and held my right my face gently. I knew it. This
one's a stupid bitch. Madaling mapaikot. "I am not a fairy godmother. And
I have no power to grant your every wish," She said with a sweet voice.
Bitch.

She pointed her gun on my head. "Please" I tried to beg even on the last
millisecond of my life, until everything went black.

**

A/N

Hi guys! Wala po ako sa Baguio sa May 2, kasi masyado maaga ang call
time. 5:30 in the morning sa cubao. Eh mahirap magbyahe ng ganong time
from Batangas-Cubao. Ayun lang po. Sorry.
@mhiambwp ß——- follow me on twitter, tweet nyo lang sa'kin mga hinaing
nyo masipag akong mag-retweet hahahaha! And of course, to know the latest
updates kapag merong UD. Haha. Sipag ko 'no? Bawing-bawi na ako sa UD ha!

Thank you sa messages, comments, posts. Nababasa ko! Pati ang mga tanong
nyo kung bakit hindi nyo mabasa ang chapter 34-36. Actually di ko din
alam. Ganyan din sa phone ko tuwing may latest update, ang ginagawa ko
nire-refresh ko. Or log-out tapos log-in ulit. Or remove sa library nung
story, tapos add ulit. Sana nakatulong :>

Hi sa magaganda at mga sexyng sweetmins na gising na gising pa hanggang


ngayon! Gomen, Lieselotte, Inori, Babyruth and Yuri. Hahaha Lovesyouuu :*

PS : MALAPIT NA 'TONG MATAPOS!!! :> Bili kayo books ha! Haba na author's
note ko aba, sibat na ako. Bye loves :*

=================

Chapter 38

Sebastian's Po.V

Nadaanan ko ang nakapatong sa table at kanina pa nagri-ring na cellphone


ni Mr. Roswell. "Bossing may tumatawag" Hindi nya kasi sinasagot dahil
pinapalitan nya ng diaper ang gwapo kong inaanak na manang-mana sa'kin.

"Can't you see that I'm fvcking busy?!" Galit na sagot nya habang patuloy
sa pagpapahid nung tinatawag na baby wipes sa inaanak ko. "Baka lang
naman kasi si Miss Aemie ang tumatawag. Taktge! Baka galit na 'yun"
Ibinaba ko na ang cellphone at plano ko ng umalis sana nung tignan ako ni
Mr. Roswell "Answer the phone and set in on a speaker mode" Seryosong
utos nya.
[Zeke] Inilapit ko ang cellphone kay Mr. Roswell. Si Lampe na kakapasok
lang dito sa loob ng suite ay napatingin at naki-tsismis din.

"Wife! When will you come back?"

[Kumain ka na ba? Si baby Bullet nasaan?]

"Yeah. He's here. How about y—"

[Napainom mo na ba ng milk?]

"Yeah. Will give him another one la—"

[Buti naman, pinalitan mo na ba diaper at damit? Gabi na.]

"I'm working on it right now. Where are y—"

[Ahh sige tatawag na ulit ako. Alagaan mong mabuti si baby Bullet ah. I
love you]
"What the fuck?! You're not answering my ques—GODDAMMIT!"

Puro beep sounds na ang nadinig namin kaya hindi din naituloy ni Bossing
ang sasabihin nya. Pigil-pigil ko ang tawa ko

"Pfft. Hahaha" Tumawa ng malakas si Lampe kaya hindi ko na din napigilan


ang paghalakhak. Ampupu! Baka ito pa ang ikamatay naming dalawa.

Shit!

Umatras na ako palayo kay Mr. Roswell nung makita kong kumuha sya ng
baril na may silencer. "Whoa! Teka—Shit!—Si Lerwick 'yun!" Tang*nang 'to
ako pa ang isinumbong. Kumaripas na din ako ng takbo, dahil muntik na
mahagip ng bala ang paa ko. "Wooo syet!" Hiyaw ko habang tumatakbo
palabas ng pinto.

**

Vash's PoV

Nakangiti akong naglalakad papunta sa suite na sinabi ni Lampe dala ang


magandang balita. Nakaligtas na sa kritikal na kondisyon ang iba pa
naming kasama. Ang kaso nga lang, hindi pa alam ng doctor kung kailan
sila magigising. Wala namang kaso sa'kin 'yun. Ang importante ay nasa
maayos na kalagayan na sila.

Binigyan ako ng duplicate ng susi ng suite kanina ni Lampe kanina. Hindi


ko inaalis ang ngiti ko hanggang makapasok ako ng suite. "Yo—shit!"
Umilag kaagad ako sa bala na sumalubong sa'kin pagkabukas ko ng pinto.
"Ayan Bossing! Si Boul, kakapasok pa lang tumatawa na," Kinarga ni boss
si baby Bullet saka nya itinutok sa'kin ang baril na hawak nya.

"Do you have a problem with me Boulstridge? Who gave you the permission
to smile? Are you making fun of me because I got nothing to do but to
babysit?" Lintek! Ilang litro ba ng baygon ang tinira nito ni Mr. Roswell
at ganito magsalita.

Pinaputukan ni Mr. Roswell ang kinatatayuan ko kaya napalundag ako.


"Shit! S-saglit boss! Kakarating ko lang" Tinignan ko ng masama ang
nakatago sa likod ng bar counter na sila Lampe at Lerwick. "Tang*na nyong
dalawa ah!"

**

Aemie's PoV

Inayos ko ang buhok ni mommy na nakaharang sa mukha nya. "Hayaan mo


mommy, ako na ang gaganti para sa'yo sa pakawala ni daddy" Hindi pa din
sya gumigising hanggang ngayon. Ang sabi ng mga doctor kanina sa'kin.
Maghintay-hintay lang daw, magkakaroon din sila ng malay. Masyado lang
daw madaming nawalang dugo sa kanila. Buti at naalis na ang mga baling
tumama sa kanila.

Thankful ako sa kanila, sobra. Kasi alam kong hindi nila pinabayaan si
baby Bullet nung wala kami ni Zeke.
Ini-on ko ang cellphone ko para tawagan si Meisha.

[Ms. Aemie] Malungkot ang boses ni Meisha, dinig ko din ang kaunting
ingay sa background.

"Meisha, kamusta na sila daddy, Tristan at Spade?" Malungkot na tanong


ko. Ang hirap pala ng ganito. 'Yung hindi mo alam kung ano ang uunahin
mong intindihin. Nasa ospital sila mommy, nakaburol sila daddy, may baby
pa na dapat alagaan at may mga abnormal na dapat tapusin.

[Magkakasama na po silang nakaburol dito sa chapel]

"Okay sige" Pinunasan ko ang luha ko na tumutulo nung mai-end ko ang


tawag. Isinilent ko muna ang cellphone ko bago ko kiniss si mommy at
inilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng table na katabi ng hospital bed
nya.

Sumilip din ako sa mga kwarto nila insan, Caileigh, Jacob, Fauzia at
Milka para i-check kung okay lang sila bago ako tuluyang umalis. Buti
naman at walang naliligaw dito na tiga Black Organization.

Nag-set ako ng appointment meeting kay Jagger Frits. Hindi ko alam kung
pupunta sya, o kung may iba syang plano.

Pagkadating ko ng van ay inihanda ko ang dalawang time bomb na dala ko.


Pinagkabit-kabit ko ang mga wires at sinigurong maayos at gumagana ang
nag-iisang detonator para sa dalawang bomba.
**

Jagger Frits' PoV

Nakailang sulyap na ako sa relos ko dahil ang sabi ni Mrs. Roswell ay


alas dyes ng gabi kami magkikita dito sa restaurant na ito. "Boss,
mukhang patibong lang 'to. Wala pang sasakyan dumadating" Bulong ng isa
sa mga tauhan ko. Madami akong isinamang tauhan dahil sa sunud-sunod na
pagkakamatay ng mga leaders ng Black Organition kaya mas maigi ng
nakakasiguro ako.

Pumayag akong makipagkasundo kay Aemie Roswell dahil maganda ang offer
nya sa'kin. Sya ang may karapatang pumalit sa pwesto ng mga leader na
nawala. Bukod pa don, lahat ng ari-arian nila Damon Evo Hunter at Will
Travon ay sa kanya din mapupunta dahil ayon 'yun sa legal na kasulatan na
pinirmahan ng mga leaders.

At kapalit ng kalayaan ng Yaji at Roswells sa Black Organization ay


ibibigay nya sa'kin lahat ng ari-arian na makukuha nya sa dalawang
leader.

Sino ba naman ako para tumanggi.

At kung may hindi sya magandang pinaplano ay hindi ako makakapayag na


maunahan nya.

Inilapag ko sa mesa ang baso ng alak na hawak ko kanina at sumenyas sa


waitress para dagdagan ang yelo sa loob.
"Sorry dumaan pa ako sa hospital kaya ako natagalan" Tumayo ako saglit at
nagpaka-maginoo. Hinila ko ang katapat na upuan para sa kanya. "Thanks"
She said. Iniabot nya sa'kin ang attache case na dala nya. Bukod sa
kasulatan ay humiling ako ng karagdagang bayad. Hindi naman sya tumutol
doon.

"I don't want to consume a lot of time on this meeting. May pupuntahan pa
akong burol kaya kailangan ko ding umalis agad. Nasaan na ang papers na
kailangan kong pirmahan?" Tanong nya. Sumenyas ako sa isa sa mga tauhan
ko para sa iabot sa amin ang ipinahanda kong kasulatan.

Dito nakasulat na sa akin lahat mapupunta ng kayamanang dapat ay kay


Aemie Ferrer-Roswell. Wala namang mawawala sa kanya kung tutuusin dahil
ano ba naman ang kayamanan nila Hunter at Travon sa kayamanan nila ni
Roswell.

Nakangiti kong iniabot sa kanya ang folder at isang pen. "Pirmahan mo


pagkatapos mong basahin" Wika ko.

"Mga mukha talaga kayong pera 'no?" Nakangiting sabi nya habang binabasa
nya ang laman ng folder. I just smirked at her at hindi na nagsalita.
Ilang minuto nyang binasa ang laman ng kasunduan, pagkatapos ay
pinirmahan nya din. "It has been a great pleasure dealing with you"
Inilihad ko ang kamay ko sa harap nya nung maiabot nya pabalik sa'kin ang
folder na may sign nya.

"My pleasure" nakangiting sagot nya saka ako kinamayan. Tumayo na kami
parehas para lisanin ang lugar.

Halos magkasunod kaming naglalakad papunta sa parking lot nung pigilan


kami ng tauhan ko. "Boss" Sa tono pa lang ng salita nya ay alam ko ng may
mali. "Nakita namin ang bombang 'to sa loob ng attache case" Ipinakita
sa'kin ng tauhan ko ang bomba na nakapailalim sa mga pera. "I-defuse nyo
ang bomba" Utos ko sa dalawang tauhan na nasa likod ko. "Pagkaalis ko,
saka nyo sya patayin" Dagdag ko pa.

I smirked before calling her. "Mrs. Roswell" Tumigil sya sa paglalakad


para lumingon sa'kin. Halatang nagulat sy nung ipinakita ko sa kanya ang
bukas na attache case na may lamang mg pera at bomba. Sumenyas ulit ako
sa mga tauhan ko.

Agad syang nilapitan ng syam na tauhan na kasama ko at tinutukan sya ng


mga baril. "Hindi ko alam na tuso pala ang asawa ni Roswell" nakangiti at
iiling-iling na pahayag ko.

"Boss" Lumingon ako sa tauhan ko na kumapkap kay Aemie Roswell. Isang


detonator ang nakuha mula sa kanya.

Saglit kong tinignan ang dalawang tauhan ko na nagdedefuse ng bomba.


Inilayo nila ang bomba sa may bakanteng parte ng parking lot. Nakakunot
ang noo ni Aemie Roswell habang hawak-hawak sya ng mga tauhan ko. "Wala
namang nangyaring masama sa'yo. Hindi pa ba ako pwedeng umalis?" Tanong
nya. Ni walang bakas ng takot akong nakikita sa mukha nya. Pinindot ko
ang button ng detonator, at wala nan gang nangyari. "O see? Just let me
go" Sabi nya.

"Kayo na bahala sa kanya" Utos ko sa mga tauhan ko na malapit sa'kin saka


ako nagsimulang maglakad papunta sa kotse.

Napailing na lang ako at natatawa. Hindi ko akalaing namatay sila Hunter


at Travon ng ganun kadali dahil sa asawa ni Roswell. She look fearless,
pero babae pa din sya.
Inistart ko ang engine ng sasakyan at nagsimula ng paandarin palayo sa
kanila. "Bye Roswell" I mouthed, habang tinitignan ko sya sa rearview
mirror ng kotse ko.

She smiled at me na nagbigay sa'kin ng panandaliang takot. She took out a


gun and killed all the men around her, that easy. Itinigil ko ang kotseng
minamaneho ko, nung makita kong sasakay na sya sa van. Kumuha ako ng
baril saka ko binuksan ang pinto. And the last thing I knew, I heard a
loud explosion.

**

Aemie's PoV

Siniguro kong walang natirang tauhan si Jagger Frits bago ako sumakay ng
van. Eksaktong pagkasakay ko ng van ay sumabog ang sasakyan ni Jagger
Frits. Natapos na siguro ang 2 minutes.

Dalawa ang dala kong time bomb. 'Yung isa inilagay ko sa attache case. At
ang isa ay ikinabit ko kanina sa ilalim ng sasakyan nya bago ako pumasok
sa loob ng restaurant.

Pinaandar ko ang van dahan-dahan habang inilalabas ko ang listahan ko.

Damon Evo Hunter

Will Travon

Jagger Frits
Greg Lennox

Inigo Rances

Jax Blaine

Terrence Von Knight

**

Amesyl's PoV

Wala pa akong lakas na igalaw ang katawan ko nung iminulat ko ang mga
mata ko. "Buti naman at naisipan mong gumising tomboy"

Sinubukan kong bumangon at sumandal sa kama, "Paano ka nakalusot sa mga


gwardya? Akala ko ba mahigpit na pinagbabawal ang mga hayop sa ospital?"
nanghihinang tanong ko. Ilang drum ba ng dugo ang nawala sa'kin at
hinang-hina ako?

"Tss. Hindi ka na makakilos ng maayos nakukuha mo pang mang-asar? Ibang


klase!" Umiling-iling 'yung unggoy na mukhang tao saka dumampot ng isang
mansanas. "Nahiya ka pa. Hindi pa saging ang dinampot mo" Sabi ko.

"Manahimik ka na nga. Mamamatay ka na nga napakadaldal mo pa"

"Kung ikaw kaya patayin ko?"


"Kung kaya mo ba eh" Ang sarap naman nya talagang patayin. Pasalamat sya
at hindi pa ako makagalaw. "Oh, kumain ka. Para naman hindi mukhang tanga
dyan"

"Aba't talaga—mmm" Sinungalngal nya sa'kin ang mansanan na binalatan at


hiniwa nya. "Dude! Masyado mo yatang inaapi kapatid ko" Pumasok ang
hanggang ngayon ay nag-aalangan pa din ako kung kuya ko daw, na si
Andrei. Kasama si—s-si—

"Hi Miss Amesyl. Kamusta na ang pakiramdam mo?"

**

Kaizer's PoV

Tumingin ako sa likod ko para malaman ko kung sino ang dumating. Si Lewis
at Blood lang pala. "Labas muna ko ah" Paalam ni Lewis. Tinanguan ko
naman sya. Si Blood ay nanatili naman dito sa loob ng hospital room

"Oh bakit para kang hindi mapakali dyan?" Tanong ko sa lampang tomboy na
pinsan ni Aemie. Hindi sya makapagsalita at hindi din maalis ang tingin
nya kay—wengya!

"Huwag mong sabihing kursunada mo 'yang pilantod na si Blood?" Tanong ko.


"Awtsu!" Bugnot kong kinamot ang parte ng ulo ko na kinutusan nya.
"Napakaingay mong unggoy ka!" akala ko ba wala ng lakas ang isang 'to?
Bakit halos mabutas ang bungo ko sa lakad ng kutos. "Anak ng tinola! Ako
pa maingay?! Eh ikaw 'tong—"

"Okay na ako, ikaw ba? Kumain ka na ba? Maupo ka muna." mahinhin na sagot
nya habang nakatingin kay Blood. Bakit kapag si Blood ang kausap nito
nagiging babae?

"Kumain na ako. Sige dito muna ako" Nakangiti ding sagot ni Blood.

"Si Blood pala ang kursunada mo ah" Naka-smirk na asar ko habang pabalik-
balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Palihim nya akong kinukurot pero hindi nya inaalis ang matamis nyang
ngiti kay Blood. "Aray—aray!"

"Kapag hindi ka tumigil unggoy ka, kakalderetahin kita" Gigil na gigil na


bulong nya saka ulit bumalik sa pakikipag-ngitian kay Blood. Umupo si
Blood sa isa sa mga upuan saka naglabas ng cellphone.

"Tss. Hanep din mga type mo eh 'no? Kung kagwapuhan lang naman ang pag-
uusapan, isang buwang paligo ang lamang ko kay Blood" Bulong ko.

"Kahit ano sabihin mo, unggoy ka pa din" Bulong nya ulit sa'kin.
Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Blood na busy sa pagce-cellphone.
"Ano bang natype-an mo dyan? Parang wala namang dating para sa'kin—Aww!
Nakakadalawa ka na ah!"

"Tatahiin ko 'yang bunganga mo kapag nadinig tayo ni JK"

"Wow may code"

Hinampas nya ulit ako saka sya nagsalita. "Bigyan mo na nga lang ako ng
pagkain, para magkaroon ka naman ng silbi sa mundong ibabaw"

Anak ng!

**

Aemie's PoV

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa suite na tinutuluyan nila Zeke.


Sure akong wala dito si Zeke dahil iniwan ko ang phone ko sa hospital
kaya pupunta si Zeke doon. Humingi na din ako ng duplicate key sa baba,
ang dami pang hiningi bago sila pumayag. Hayy. Ayaw pa yatang maniwala na
asawa ko si Zeke.

Tulad nga ng ine-expect ko, sobrang dilim dahil nakapatay ang ilaw ng
suite pagkapasok ko. At walang katao-tao.
May ingay na nanggaling sa likuran ko, kasunod ay nadama ko ang malakas
na pwersa na humila sa'kin kaya kinapa ko agad ng isang kamay ko ang ang
baril na nakasingit sa likod ng pants ko.

Nahuli nya ang isa ko pang kamay and pinned me against the wall.
Pinipilit kong manlaban pero mas lalo lang humihigpit ang hawak nya. Pati
ang baril na kakakuha ko lang ay nagawa nyang maagaw sa'kin.

Madiin nyang itinutok ang baril sa ilalim ng mukha ko.

Hindi ako natatakot mamatay. Pero wala akong ibang iniisip ngayon kung
hindi si Zeke at si baby Bullet. Hindi ko man lang ba sila pwede makita?

And the next thing I knew...

He's kissing me.

"Zeke" Sabi ko habang kinakapa ko ang mukha nya na hindi ko maaninag


dahil sobrang dilim. "You should be more careful next time wife" Ngayon
ko lang naramdaman 'yung takot kaya niyakap ko si Zeke. "I missed you"
Bulong nya saka ulit ako hinalikan.

**

A/N :
'Yung story ko na Writer's Block saka ko pa po iuupdate. Kapag natapos ko
na 'tong MHIAMB. Hahaha. Binabasa nyo baaaa? Loves~ Have a great day
ahead Mafias!

=================

Chapter 39

Sebastian's PoV

Pinatutunog ko ang mga buto ko sa leeg habang naglalakad kami nila Lampe
at Boul pabalik sa suite. Mag-aalas tres na ng umaga at gusto ko ng
matulog para makapag-pahinga.

Hinintay kong mai-slide ni Lampe ang e-card na hawak nya para makapasok
sa loob. Dahan-dahang binuksan ni Lampe ang pinto ng hotel suite. "Mauna
ka na Lerwick" Sumipol ako at binaling ang tingin kay Boul. "Boul, alam
na. Una ka na" Sabay pa naming itinulak ni Lampe si Boul papasok sa loob
para hindi na sya makaangal.

"B-boss"

Nakiramdam muna kaming dalawa ni Lampe sa labas ng suite. "Tol, walang


kasa ng baril"

"Hindi yata highblood si lover boy"


Oo nga 'no? Dahan-dahan kong idinungaw ang ulo ko sa nakabukas na pinto
para silipin ang ginagawa ni Bossing. Shutanginers! Pants, at walang
pang-itaas na damin si Mr. Roswell.

"Wooo porn!" Hiyaw ni Lampe. Gago talaga 'to. Idadamay na naman kami
nitong hayup na 'to.

Natahimik ako at naghintay na bumunot ng baril si Mr. Roswell pero wala!


Like wat da pak is happening to the world?! Hindi pa din naaalis ang
ngiti nya habang may binabasang papel. "Good mood bossing?" Kinuha ko ang
bote ng alak na nasa ibabaw ng lamesa saka nagsalin.

"Zeke meron ka bang—o nandito pala kayo," Sabay-sabay kaming tumingin na


tatlo kung sino ang lumabas mula sa isa sa mga kwarto nitong suite. Si
Miss Aemie na kakatapos lang maligo at nakasuot pa ng bathrobe.

Sabay-sabay din naming ibinalik ang tingin namin kay Bossing. Pagkatapos
kay Miss Aemie ulit. Ang bangis! Kaya naman pala good mood ang lover boy
ng bayan.

Syet! Mukhang may kapatid na ang gwapo kong inaanak ah!

"Woohooo! Wengya! Kaya naman pala maganda ang ngiti ni Mr. Roswell dahil
nandito ka Aemie... at mukhang..."

Dinaanan lang kami ni Bossing. Lumapit sya kay Miss Aemie saka inakbayan
at lumakad pabalik sa kwarto. "Don't mind those assholes wife"
"Whoa! Boul amina ang cellphone. Mukhang naka-round 1 na si Mr. Roswell
kaya iba na ang timpla"

"Oo nga 'tol paksyet kailangan mai-record natin ang round 2" Gatong ko sa
sinasabi ni Lampe.

"Ayan na naman kayo mga siraulo!" Pinigilan ko si Boul dahil nag-umpisa


na syang maglakad papunta sa isa pa sa mga kwarto. "Meron yata si Boul"
Bulong ko kay Lampe.

"Sus! Lumulundag na naman ang puso mo at nasolo mo na naman ang


kagwapuhan ko baby Lerwick" Inakbayad ako ng gagong si Lampe at kumindat
pa! Shutanginamels! Kadiri potek! "Ulul!" Inalis ko ang nakapulupot na
braso nya sa balikat ko saka dumiretso sa banyo ng kwarto.

Makapag-shower na lang at ng masarap-sarap ang tulog ko.

**

**Morning**

Kaizer's PoV

Isinuot ko ang isang fitted blue shirt saka nag-spray ng pabango para sa
humahalimuyak na kagwapuhan. "Hoy Lerwick! Bumangon ka na dyan" Hinampas
ko ng unan si Lerwick kaso ang walanghiya hinablot sa kamay ko ang unan
at itinakip sa tenga nya. Wengya!
"Sige 'tol, sagot ko na kabaong mo kapag si Mr. Roswell pa ang pumunta
dito. Paniguradong mahimbing ang tulog mo habangbuhay"

At sa isang iglap lang, nakatakbo na kaagad 'yung gago sa loob ng banyo.


"Boul, una na ako sa labas" Tinanguan lang ako ni Boul na abala sa
paglalagay ng wax sa buhok. "Huwag ka ng mag-abala pang maglagay nyan
'tol, wala din namang magbabago" Pang-aasar ko habang tumatawa palabas ng
kwarto.

"Gago!" Hiyaw ni Boul.

"Yo! Pakarga naman ako sa inaanak ko Aemie. Wengya! Hindi ko man lang
mahawakan 'yan kapag si Mr. Roswell ang nag-aalaga eh" Hindi naman
nagdalawang-isip si Aemie na iabot sa'kin si Bullet. "Wengya! 'Yung hubog
ng mukha, kuhang-kuha talaga sa'kin eh. Mukhang marami 'tong paiiyaking
babae paglaki"

"Let me see" Aba'y gago 'to si Blood ah! Kakahawak ko lang sa inaanak ko
inagaw na. "Tss" Pumunta na lang ako sa lamesa at naupo. "Wooo
makakatikim na naman ako ng masarap na luto ni Aemie" I gulped nung halos
padabog nyang ilapag sa harap ko ang isang malaking lalagyan ng niluto
nyang kare-kare.

"Syet imba! Sarap nyan ah!"

"Tang*na naman dude! Magbihis ka muna p*ta pati ako nababasa sa'yo eh"
Pinunasan ko ang braso ko dahil dito sa gagong si Lerwick, hindi pa
nakakapagbihis, tumutulo pa ang tubig sa katawan nakikigulo na dito. Anak
ng pusang gala!
"Baby Lampe, kung natutukso ka sa abs ko. Sabihin mo lang" Malandi at
nakakdiring sagot nya sa'kin sabay himas ng basang kamay nya sa likod ko.
"Wengya 'tol!" Lumayo agad ako bago pa mabasa ng tuluyan ang damin ko
potek! Ano na lang sasabihin ng mga chikababes sa'kin.

"Hahaha may chemistry pala kayong dalawa" Sinamaan ko ng tingin ni Blood


na tumatawa habang karga-karga ang inaanak ko.

"Baby Blood gusto mo maki-love triangle sa'min" Pfft. Anak ng pucha


talaga 'tong si Lerwick, walang pinapatawad. Mabilis na napalitan ng
seryosong ekspresyon si Blood. "No thanks" Sagot nya sabay layas palayo.

"Hahahahaha busted agad!"

**

Aemie's PoV

"Zeke okay na ba 'yang niluluto mo?" Lumapit ako at tinignan niluluto ni


Zeke. "I think so" Nakangiting sagot nya. Kumuha ako ng lalagyan at
isinalin ang niluto kong adobo, ikinuha ko na din ng lalagyan 'yung
kalderetang niluto ni Zeke.

"Mga siraulo talaga kayo"

"Iginaya mo pa kami sa'yo Strife"


"Huwag mo ngang ibalandra 'yang patpatin mong katawan dito Lerwick"

"Ang sabihin mo natutukso ka lang baby Lampe"

"Okay na ba 'to dyan?" Tanong ko kay Zeke habang pinapakita ang lalagyan
na kinuha ko. "Yeah, I guess that would be fine" Sagot naman nya. "Ako na
ang maglalagay" Prisinta ko. Kanina pa talaga ako humahanap ng tyempo
para makatakas. Sigurado kasi akong hindi ako papayagan ni Zeke umalis
kapag nagpaalam ko.

Kaya nililibang ko muna sya habang wala pa akong nakikitang tamang


pagkakataon.

Yumakap si Zeke sa'kin mula sa likod ko habang busy ako sa paglalagay ng


kaldereta. "I love you" Sabi nya.

"Mas mahal kita 'no?"

"Really?"

"Oo naman"
"Does it mean that you're not thinking of escaping, again?" Natigil ako
sa pagsasandok ng kaldereta at napalunok dahil sa tanong ni Zeke.

"ANG AGA NAMANG PORN NYAN WOOOO!" Umalis agad ako sa yakap ni Zeke at
ipinatong sa lamesa ang hawak kong bowl ng kadereta. Hayy! Nakatingin na
pala sa'min sila Andrei, Wallace, Kuya Ken, Phoenix, Sebastian, Kaizer at
Vash.

Buti na lang nandito sila Kaizer, kung wala hindi ko alam isasagot ko.
"Asshole" Bulong ni Zeke nung makaupo na sya sa may dining table.

Nagsalin muna ako ng adobo at inihanda ang iba pang gagamitin namin sa
pagkain bago ako naupo.

"Ano ba 'yang itsura mo Lerwick? Magbihis ka nga muna. Nawawalan ako ng


gana kumain" Magkasabay na dumating at naupo sa dining chair sila Meisha
at Cassandra.

"Hahahaha apir tayo dyan sis. Sabi naman sa'yo 'tol nakakasuka katawan mo
eh,"

"Teka mga dude tumatawag si Knight" Tumingin ako kay Andrei at kumunot
ang noo. Close pala sila ni Knight?

"Oh?... Tss ang aga-aga... Huh? Talaga?... Ge ge pupunta agad ako dyan
mamaya... Ge" Tumingin sya sa'min bago sya nagsalita. "Patay na din daw
sila Will Travon, Grethel Canary Lux at Jagger Frits" Seryosong saad nya
habang nakatingin sa'kin.
Pati si Zeke at 'yung iba pa naming kasama ay tumingin sa'kin. "He-he
kain na tayo," Kukuhanin ko na sana ang serving spoon para lagyan ng
pagkain si Zeke sa plato nya pero pinigilan nya ang kamay ko. "Stop what
you are thinking, and leave all the rest to me" Tumango na lang ako at
pinilit na ngumiti sa sinabi ni Zeke para hindi na kami magtalo. Kahit
wala sa plano ko ang ipaubaya sa kanya ang Black Organization.

**

"Tapos na ako Zeke, ikaw na mag-shower" Sabi ko pagkalabas ko ng CR.


Umalis sya sa pagbabantay sa natutulog na si baby Bullet sa crib saka
lumapit sa'kin "I am still the Boss" 'Yung totoo, hindi ko alam kung
anong ibig sabihin ni Zeke sa sinabi nya bago nya ako hinalikan.

Pagkapasok na pagkapasok nya ng loob ng C.R ay nagmadali na akong


magbihis. Wala pa yatang 2 minutes nan aka-ayos na ako at handa ng
tumakas. Sumaglit ako kay baby Bullet para i-kiss sya saka ako
nagmadaling lumabas ng kwarto.

"Oh Aemie, saan ang lakad?"

"Miss Aemie, saan kayo pupunta?"

Dire-diretso akong lumabas ng hotel suite at binalewala lahat ng tanong


nila. Dumaan ako sa mall at bumili ng mga kakailanganin ko. Bumili ako ng
binoculars, mga extrang damit at kung anu-ano pa.

Meron na akong nakuhang schedule ni Greg Lennox at ang dapat ko na lang


gawin ay mag-abang, katulad ng ginawa ko kay Will Travon. Ang kaso nga
lang, wala akong nahanap na hotel na malapit sa mga roads na dadaanan
nya. Mabuti na lang at may nakita akong abandunadong building na pwede
kong pwestuhan habang naghihintay.

**

Nakatanaw ako sa binoculars habang inaabangan ang pagdaan ng sasakyan ni


Greg Lennox. Bakit ganon? Kung hindi ako nagkakamali ng tantsa dapat
natatanaw ko na sa mga oras na 'to ngayon ang sasakyan nya.

Bakit wala pa?

Tumayo ako at lumapit sa may railings ng rooftop para tanawin ang iba
pang side. Ilang minuto din akong naghintay. Pero walang sasakyan na
dumaan.

Inalis ko agad ang pagkaka-assemble ng sniper rifle at ibinalik sa


lalagyan. Baka nagkaroon lang ng sudden changes sa schedule ni Greg kaya
hindi ko napansin. Bitbit ko ang box ng rifle habang pababa ng hagdan ng
abandunadong building. Hindi pa din mawala sa isip ko kung saan ako
nagkamali.

Nasa huling step na ako ng hagdan papunta sa floor bago ang rooftop nung
makaramdam ako ng malakas na hampas sa likod ko ng isang matigas na
bagay. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, at hindi koi to inaasahan.
Napasalampak ako sa sahig pero agad kong binunot ang baril—"Aww" Daing ko
when somebody twisted my hand.

In just a second naka-posas na ang mga kamay at paa ko kaya hindi na ako
makakilos. Isang lalaki ang hinila ang buhok ko hanggang makatayo ako.
Iniikot ko ang tingin ko sa paligid para makita kung sino-sino sila.
Nakangiti silang lahat sa'kin. Ang dami-dami nila. Hindi nakaligtas sa
mata ko ang itsura ng lalaking nakatayo sa malayo habang naninigarilyo.
"Greg Lennox" Bulong ko. Tumawa naman ang lalaking nasa harap ko saka ako
sinikmuraan at hinampas ng baril nya sa ulo. And once again I fell on the
floor.

"Stand up Roswell, I thought you're good enough?" Natatawang sabi ng


isang lalaki.

Lasang kalawang na ang bibig ko, dahil nalalasahan ko ang dugo na


tumutulo galing sa upper part ng ulo ko na hinampas ng baril.

Sinubukan kong bumangon kahit nahihilo na ako dahil sa hampas ng baril


pero sinipa lang ako ng isang lalaki kaya bumagsak ulit ako sa sahig.

I feel hopeless.

Pinilit ko ulit tumayo. Pero tumigil ako nung may nakita akong pares ng
sapatos na nakatayo sa tapat ko. Dahan-dahan kong itinaas ang mukha ko
para makita ko sya ng tuluyan.

Si Greg Lennox, at may hawak syang baril na nakatutok sa'kin "Goodbye


Roswell" Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa makarinig na lang ako ng
putok ng baril.

Pero hindi lang isang putok ng baril ang narinig ko, madami.

Hanggang sa naramdaman kong may kumalas ng pagkakaposas ng mga kamay at


paa ko, saka ako binuhat. "I told you wife. I am still the Boss,"
Iminulat ko ang mga mata ko at sinamaan ng tingin si Zeke. "Hahaha what?
I am your hero. I deserve a kiss"

"Teka Zeke, maglalakad na lang ako" Bumitaw na ako sa pagkakabuhat ni


Zeke at nagpaalalay na lang sa kanya sa paglalakad. Kaya ko pa naman
kasing maglakad. Hindi naman na ako masyadong nahihilo at konting sakit
na lang ng katawan ang nararamdaman ko.

Lumingon ako sa likod namin. Nakasalampak na sa sahig lahat ng lalaking


pangiti-ngiti lang sa'kin kanina. Lahat sila ay naliligo na sa sarili
nilang mga dugo. Maging si Greg Lennox.

Nakahawak ako kay Zeke habang naglalakad kami pababa. Akala ko nasa itaas
lang ang mga lalaki, madami din palang tauhan si Greg Lennox dito. Dahil
bawat floors na daanan namin may nadadaanan kaming mga lalaking duguan sa
sahig.

"Papaano mo nalaman na nandito ako?" Nagtatakhang tanong ko.

"I just know" Nakangiting sagot nya. "Hinayaan mo muna talaga ako
mabugbog bago ka lumabas?"

"Nah, I was late. I had to change our son's clothes and diaper first. I
also made sure he's on a deep sleep before leaving him with the
assholes," Natawa ako habang pasakay na kami ng sasakyan. "Sira ka talaga
Zeke"

"You are. You almost got killed. Tss."


Naisip ko din 'yun. Muntik na ako dun. Kung hindi dumating si Zeke,
malamang nabaril na ako ni Greg Lennox. "Hindi naman kasi 'yun 'yung nasa
plano eh. Ang alam ko kasi dadaan 'yung sasakyan nila tapos—"

"But they've found out your plan,"

Tumungo ako at saka tumahimik. "You're smart wife. You really are. But
you should always remember that there are tons of people who are smarter
than you, smarter than us. That's why you need to be more careful"

*pout*

Tahimik pa din ako at hindi makapagsalita dahil may point naman talaga
mga sinabi ni Zeke, masyado siguro ako nagpadalos-dalos sa mga ginagawa
ko.

"Pfft. What's with the sad face wife? Cheer up. You're still the most
awesome woman I've ever met"

**

Sebastian's PoV

"Ako naman 'tol kanina mo pa hawak inaanak ko"


"Mamaya ka na dude, hindi mo ba nakikita na gustung-gusto sa'kin ni
Bullet. Manang-mana daw kasi sa gandang lalaki ko" Inilayo ko si Bullet
kay Lampe na kanina pa gustong kuhanin sa pangangalaga ko ang inaanak
kong gwapo.

Anong oras kaya dadating sila Bossing? Sana naman mamaya pa sila
dumating, para mahabang oras kong mabuhat itong si Bullet.

-Flashback-

Nagpapakiramdaman pa kami nila Boul kung sino unang magsasalita. Dahil


pare-parehas kaming hindi sinagot ni Miss Aemie nung lumabas sya ng hotel
suite.

Pucha!

Baka naman aalis ulit sya? "Shit! Potek! Patay tayo kay Bossing, hindi
natin pinigilan si Ms. Ae—"

"That's fine." Bihis na bihis ding lumabas ng kwarto si Mr. Roswell


habang nag-aayos ng baril na hawak nya. "Look after my son, I'll follow
my wife" Utos nya. "Areglado Bossing!" Sagot ko.

"Walang problema boss!"

"Yown! Makakapag-alaga din!"


Pero palabas pa lang ng hotel suite si bossing ay umiyak na si Bullet.
Pfft.

"Damn it!" Isinuksok nya sa likod ng pants nya ang baril na hawak nya
saka nagmadaling tumakbo pabalik ng kwarto. "Hindi pa din talaga maiwan
ni lover boy ang baby boy nya" Iiling-iling at natatawang sabi ni Lampe.

-End of Flashback-

"Pakarga naman ako Lerwick!" Inilayo ko ulit si Bullet kay Lampe na pilit
pa ding inaagaw sa'kin si Bullet.

"Mamaya ka na!"

"Sige na baby Lerwick, promise buong linggo akong sayo" Kasuklam-suklam


ang tono ng boses ni Lampe at nakakapangilabot. "Ulul!" Bulyaw ko sa
kanya.

*baby cries*

"Shit!" Hindi ako magkaintindihan sa gagawin nung biglang umiyak ang


inaanak ko habang kalong ko. "Tol huwag mo kasing tignan, natatakot yata
sa mukha mo. Lumayo ka kasi!" Inilayo ko ulit si Bullet dito kay Lampe.
Ang bagsik pa naman ng pagmumukha nitong gagong 'to.
"Ulul! Baka sa'yo natatakot, amina nga!"

*baby cries*

Sinubukan kong i-hele at isayaw-sayaw si Bullet pero ayaw pa din tumahan.


"Syet! Tahan na baby. Ano bang gusto mo? Gusto mo ba patayin ko 'to si
Lampe?" Itinuro ko si Lampe pero lalong umiyak si Bullet.

"Ulul!"

"O itong si Boul na lang patayin natin gusto mo?"

"Pakyu!"

"Tangina mga 'tol ayaw tumahan!" Kaming tatlo pa naman ang tao dito sa
hotel suite, wala sila Mei at ang iba pa. Potek! "Boul, sa'yo daw gustong
sumama ni Bullet" Iniabot ko agad si Bullet kay Boul. Dahil nakadinig na
ako na parang may paparating.

"What the fuck are you three doing? Who made my son cry?" Inaalalayan ni
Mr. Roswell si Aemie nung pumasok silang dalawa dito sa loob. Mukhang
napasabak silang dalawa sa gyera dahil may natuyong dugo pa si Ms. Aemie
sa may pisngi nya.

"Si Boul Bossing,"


"Wengya talaga 'tong si Boul!"

Sabay na tumingin si Miss Aemie at Bossing kay Boul na karga-karga si


Bullet. Huli ka balbon!

"Vash/Boulstridge." Sumimple na ako ng alis bago pa ako ang


mapagdiskitahan nung mag-asawa.

**

A/N

Mafias! See you sa Book signing sa SM San Lazaro next week. (May 9) and
SM Lipa (May 16) Yii. Punta kayo ha?

WARNING: SPOILER ALERT!!! Huwag makulit, kung ayaw ma-spoil, wag nag i-
scroll.

.
.

.
.

.
.

Sasagutin ko lang ang laging tanong na 'Magkakaroon po ba ng kapatid si


Bullet?'

*Yes. And here's the list of their names, in order :D hahaha.

-Bullet

-Trigger

-Caliber

-Katana (girl)

Hahahaha! Walang basagan ng trip sa name! Tweet me your comments.


@mhiambwp :D Sa madaling araw po ako active :)

=================

Chapter 40

Aemie's PoV

"Are you sure you're fine?" Tanong ni Zeke habang nililinisan nya ang
sugat ko sa ulo. "Oo naman Zeke 'no," Sagot ko. Kinuha nya ang papel na
kanina ko pa hawak-hawak. Naglalaman 'yun ng mga information tungkol kay
Inigo Rances. "They would be thankful if you let them live a little bit
longer than they need to," Natatawang sabi nya sa'kin.
Iniabot sa'kin ni Zeke ang maliit na papel pagkatapos nya akong lagyan ng
benda sa ulo. Hindi naman ganun kalala ang sugat ko. Maarte lang talaga
'tong si Zeke.

"Nasa'yo pala 'to?" Tumatawa sya nung lumayo sya para kumuha ng pen.
Inilahad ko pa ang kamay ko kasi akala ko ibibigay nya sa'kin ang
techpen. Pero mali pala ako. Nakangiti sya nung kinuha nya sa'kin ang
note. Pagkatapos nyang guhitan ay iniabot nya ulit sa'kin.

Damon Evo Hunter

Will Travon

Jagger Frits

Greg Lennox

Inigo Rances

Jax Blaine

Terrence Von Knight

"Let's have a game wife" Inalis ko ang tingin ko sa note na ngayon ay may
guhit na ang pangalan ni Greg Lennox.

"Anong game?" Nakakunot ang noo ko habang titig na titig ako sa kanya.
Palaisipan sa'kin kung ano ang gusto nyang sabihin dahil hindi ko gusto
ang ngiti nya. "Whoever kills the most number of leaders of the Black
Organization wins" Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa note.

Tatlo na ang sa'kin, isa ang kay Zeke. At may apat pang natitira.
"3-1 na ang standing" Bulong ko habang pinagmamasdan ang listahan

"Nah, it's 3-2. I killed Steve Vernon Lestrange remember? Satanas's


father" Pinasingkit ko ang mga mata ko saka iniabot ulit kay Zeke ang
papel.

"Edi 3-2. Ano naman ang pusta?" Tanong ko. Parang masaya ang naiisip ni
Zeke na laro.

"Whoever loses the game will never hold a gun, or any deadly weapon for
the rest of his/her life,"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Zeke,


"Seryoso ka ba dyan? Papaano kapag kailangan? Papano kapag—"

"You had live your life for 20 years without it wife, you can still
continue living without those,"

"Eh ikaw?" Nagtatakhang tanong ko.

"I won't lose"


"Ayoko. Dinuduga mo ko" Tumayo na ako para lumabas ng kwarto. Pero
hinawakan ni Zeke ang kamay ko "Then I have no choice but to watch your
every move," Tinignan ko ng diretso sa mga mata si Zeke at mukhang hindi
nga sya nagbibiro "Sira ulo" Sabi ko saka ako bumitaw sa pagkakahawak nya
para lumabas.

"Zeke naman eh!" Sinubukan kong itulak at sipain ang pinto na hindi ko
mabuksan. Tumatawa-tawa lang si Zeke habang nakahiga sa kama. "Wife, you
know how much I love you. But I can't stand seeing you like you're
fucking stronger than me"

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Zeke, pinipilit ko pa ding itulak


para buksan ang pinto ng kwarto. "Zeke naman, wala akong panahon
makipagbiruan sa'yo" Seryosong sabi ko habang gigil na gigil na ako sa
pagsipa sa pinto.

"I am damn serious too. Wife, you killed 3 leaders of Black Organization
including their men. You've killed Satana, and Grethel and I won't
tolerate it. Not anymore,"

Padabog akong tumigil sa pagkalampag ng pinto. Wala akong ibang nagawa


kung hindi humarap kay Zeke at sumandal sa pinto. Tumungo muna ako bago
nagsalita, "Ikaw naman nagturo sa'kin nito eh"

"I taught you how to defend yourself, and not to be a murderer" Madiin na
sagot nya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya dahil dun. Naiintindihan ba nya talaga


ako? "Zeke, pinatay nila si Spade. Si Tristan. Si daddy. Pati sila mommy
nanganib ang buhay, naiintindihan mo ba 'yang sinasabi mo?"
Naghihintay ako ng sasabihin nya kaya nakatingin lang ako sa kanya.
Tumayo sya at nagsimulang lumapit sa'kin kaya tinalikuran ko sya para
piliting itulak ang pinto palabas. Naiinis ako kay Zeke at ayoko ng
pahabain ang conversation namin. Gusto ko ng lumabas ng kwarto.

"Maybe you are not aware of this but you are the one who erased the evil
side of me, you are the one who taught me how to appreciate things, value
life, and forget the hatred and anger in my heart," Tumigil ako sa
ginagawa ko hanggang sa maramdaman ko ng nasa tabi ko na si Zeke.

Nakangiti sya sa'kin nung tignan ko sya.

Pinihit nya ang door knob at hinila para buksan. "It's not locked. You're
just trying to open it the wrong way. That's what happens when your heart
is full of anger," Pinat nya ang ulo ko saka sya bumalik sa pagkakahiga
sa kama.

**

Kaizer's PoV

Nagkanya-kanya kaming tago nung bumukas ang pinto ng kwarto nila Mr.
Roswell. Papano ba naman, kanina pa namin nadidinig ang mga kalabog sa
pinto. Wengya! Akala namin panibagong round na naman ng mainit na aksyon
ang nagaganap sa loob. "Tol hindi yata maganda ang nangyari" Nakatayo
lang si Aemie sa may pinto at parang wala sa sarili nung isara nya ang
pinto ng kwarto at mag-umpisang maglakad para maupo sa may sofa.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lerwick saka lumabas mga pinagtaguan
namin. Sisipol-sipol akong naglakad at kumuha ng magazine sa ibabaw ng
center table para basahin kunwari.

"Hooo! Nakakapagod maglinis takte!" Binitawan ni Lerwick ang hawak nyang


mop at naupo sa tabi ko. Amf! Saan kaya nito nakuha ang props nyang mop.
Gago talaga eh.

"Ms. Aemie ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng makakain? Maiinom? Mababasa?


Mapapanood?" Binatukan ko ang ungas na si Lerwick dahil wala namang
naitutulong ang mga walang saysay na sinasabi nya. Hindi muna maghinay-
hinay sa mga tanong.

Inililipat ko ang pahina ng hawak kong magazine habang nagtatanong.


"Aemie, kung gusto mo ng kausap nandito lang gwapong-gwapong ako—tang*na
bakit ka naniniko?" Pinandilatan ko ng mata si Lerwick. Wengya! Kayo kaya
sikuhin sa abs.

"Masama ba ako?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lerwick dahil sa seryosong itinanong ni


Aemie. Anak ng pusa! Nag-away kaya sila ni lover boy kaya ganito
magsalita si Aemie?

"Hindi naman masyado Ms. Aemie, nakakatakot ang tamang salita," Walang
habas na sagot ni Lerwick kaya binigwasan ko sya. "Hindi ka naman masama
Aemie, siguro ayaw mo lang na nasasaktan ang mga mahal mo sa buhay. Sino
ba namang tao ang gugustuhing mapahamak ang mga mahal nya diba?"
Makabuluhang sagot ko. Patuloy ako sa paglilipat ng page ng magazine
kahit ang totoo, tinitignan ko si Aemie sa gilid ng mga mata ko.

Tahimik lang sya at malayo ang tingin.


Huminga sya ng malalim at saka tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng
hotel suite. Ampucha! Saan na naman kaya sya pupunta. "Aalis muna ako"
Paalam nya, "Hindi ko alam na mahilig ka pala sa Barbie, Kaizer"

Sabay kami ni Lerwick na tumingin sa hawak kong magazine. "Takte! Sino ba


kasi naglagay ng magazine na 'to dito sa center table" Ibinato ko pabalik
sa table 'yung Barbie magazine na hawak ko.

"Hahahahaha petengene tol! May lihim ka pala huh?!"

"Ulul!"

"Hahaha! Alis din muna ako. Pupuntahan ko si Mei,"

Shit! Kailangan ko na nga din pa lang mag-ayos. Baka tumalon na sa


building ng hospital 'yung tomboy na pinsan ni Aemie kapag puro
pagmumukha ni Blood ang nakikita nya.

**

Amesyl's PoV
"Talaga?" Nahihiyang tanong ko kay Jerson Ken Blood. "Buti naman pala
okay na sila nung asawa ni insan 'no?" Dagdag ko pa.

"Hahaha yes"

Inilagay ko ang buhok ko sa tenga at saka tumungo. Nakakahiya naman kasi


kay JK. Wala pa akong ligo nitong lagay na 'to ha.

"Teka lang gusto mo bang kumain? Ibibili muna kita ng pagkain saglit"

"Ano ka ba. Huwag ka ng mag-alala 'no. Hindi pa naman ako nagugutom"


Nahihiyang sagot ko. "No, I'm serious. Kailangan mong kumain bago bumalik
ang nurse mamaya para makainom ka na din ng gamot" Sagot nya habang
nakatingin sa relo nya. Ang sweet talaga ng isang 'to. Kung ganito ba
naman lahat ng lalaki sa mundo edi walang problema.

"Sige na nga" Mahinhin na sagot ko.

"Sige, babalik ako agad. Tawagan mo ako kapag may problema ha?"
Nakangiting paalam nya. Sinundan ko sya ng tingin hanggang makalabas sya
ng hospital room.

**

"Hoy tomboy"
"Hoy gising"

Nadidinig ko pa lang ang bunganga ng unggoy na gumigising sa'kin


nagpapanting na ang tenga ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan sya
ng masama. "Ano bang kailangan mo? Bumalik ka na nga sa loob ng Zoo,
hindi ka kailangan dito sa ospital" Nakakapikon talaga pagmumukha nitong
unggoy na 'to kahit kailan panira ng araw.

"Tss. Dinalhan kita ng pagkain, bumangon ka na dyan at kainin mo 'to"


Utos nung pakiealamerong unggoy.

"May pagkain na ako, bibilhan ako ng pagkain ni JK kaya ikaw na lang ang
kumain nyan" sagot ko saka ko muling ipinikit ang mga mata ko.

"Hahaha. Sa bagal kumilos nung pilantod na 'yun, tirik na mga mata mo sa


gutom bago pa 'yun makabalik."

"Ano bang pakielam mo lumayas ka nga! Hindi ako nagugutom!!!"

Itinitutulak ko palayo sa'kin ang hindi mo maintindihan kung tao, o


gorilla na nasa harap ko nung bumukas ang pinto ng hospital room. "Ms.
Amesyl" Bumitaw agad ako sa unggoy nung makita kong si JK ang pumasok.
"Hehe nakabalik ka na pala" Nakangiting bati ko kay JK.

Lumapit sya sa'min saka inilapag ang isang supot na bitbit nya. "Hindi ko
alam kung gusto mo 'to pero—"
"Hindi daw sya gutom 'tol sabi nya"

Tinignan ko agad ang pakialamerong unggoy na sisipol-sipol pa. "Ganun ba?


Pero kailangan mo ng kumain kasi—"

Ngumiti agad ako kay JK saka pinutol ang sinasabi nya. "Oo naman kakain
ako—"

"Asus ayun naman pala eh, ihahanda ko na 'tong dala ko. 'Tol, amina na
'yang dala mo ako na mag-aayos. Ano ba 'yang binili mo?"

"Uhh fast food restaurant lang kasi ang nakita kong malapit. Kaya doon na
ako bumili"

"Wengya! Bawal 'tong ganitong pagkain. Amina ako na lang kakain" Nanlaki
ang mga mata ko nung kuhanin ng unggoy ang pagkain na binili ni JK at
inumpisahang lantakan. Pigilan nyo ako, talagang tutuluyan ko 'tong
unggoy na 'to! "Ms. Amesyl, okay ka lang ba?" Pinilit kong ngumiti dahil
kinakausap ako ni JK.

"He-he-he oo naman, wala naman akong magagawa kung may lahing patay gutom
'tong kaibigan mong unggoy. Dahan-dahan sa pagkain Kaizer ha? Baka 'yan
pa ikamatay mo."

**

Sebastian's PoV
Tahimik akong naglakad papasok ng chapel at naupo sa tabi ni Mei. "Gusto
mo ba munang magpahinga? Umuwi muna kayo ni Cassandra sa hotel, ako na
muna dito" Saad ko.

Huminga sya ng malalim saka ngumiti sa'kin. "Nang-aasar ka ba Lerwick?"


Natatawang tanong nya. Pero 'yung mga tawa nya halatang peke. Shit! Ako
tuloy ang nahihirapan dahil dito. Kung ako naman ang tatanungin, walang
kaso sa'kin kahit habangbuhay kong itago 'yung nararamdaman ko. Ang
mahalaga, masaya si Mei.

Kaso potek! Sa dinami-dami ng pwedeng kuhanin. 'Yung taong mahal pa nya.


Napailing na lang ako saka tumahimik. Hanggang sa may mapagtanto ako.
"Alam mo ba Mei, kung bibigyan ako ng pagkakataon. Handa naman akong
mawala kahit anong oras at ipagpalit ang sitwasyon ko kay Klein,"

"Mas ayos pa kung ako ang nawala. Wala naman akong girlfriend. Wala din
akong pamilya. Nakakatawang isipin, pero wala namang malulungkot at iiyak
kapag ako ang nawala," Kaysa naman nakikita ko na nahihirapan ng ganito
si Mei. Paksyet lang diba?

Magsasalita pa sana ako pero nakatanggap ako ng isang malakas na sampal


galing kay Mei kaya tinignan ko sya. Shit! "May nasabi ba akong masama?"
Napasabunot na lang ako sa ulo ko dahil umiiyak na si Mei nung tumayo sya
at umalis. Deym! Ano bang sinabi kong mali?

**

Aemie's PoV
Gabi na nung bumalik ako sa hotel. Umalis muna kasi ako kanina para mas
makapag-isip-isip. Wala akong ibang nadatnan pagkapasok ko ng suite kung
hindi si Zeke. Nakaupo lang sya sa sofa.

"Have you had your dinner?" Umiling ako. "Si baby Bullet?" Tanong ko sa
kanya. Inilapag nya ang binabasa nya bago sumagot. "He's sleeping"

Tumayo si Zeke at naglakad papunta sa may ref kaya sumunod ako. "Ikaw ba
kumain ka na?" Tanong ko sa kanya. "Nah, I was waiting for you."
Tinulungan ko syang maghanda ng kakainin namin. Parehas lang kaming
tahimik. Hindi ko pa din alam kung anong sasabihin ko hanggang ngayon.

Dahil 'yung totoo, galit pa din ako sa Black Organization.

Hindi kami parehas nagsasalita hanggang sa matapos kaming kumain. "Payag


na ako sa sinasabi mo Zeke..."

Natigilan sya saglit habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.


"...payag na ako doon sa game" Diretsong sabi ko.

Ngumiti sya saka ako mabilis na hinalikan sa labi. "Then let the game
begin"

**

Rules of the game:


1. One target at a time.

2. No cheating. Asking your opponent's thoughts is strictly


prohibited.

3. No one is allowed to take action without the knowledge of the


other.

4. Working time must not exceed 24 hours after the battle has been
declared.

5. The person who had the most number of failed target must accept
his/her defeat, wholeheartedly.

Binabasa ko ang ginawang rules ni Zeke. "Ito lang?"

"It's up to you if you want to add more" Sabi nya.

Wala na din naman akong naiisip na pwede pang idagdag. Huminga ako ng
malalim saka ibinalik ulit sa kanya ang papel. "Kailan tayo magsisimula?"
Tanong ko.

"Anytime" Nakangiting sagot nya. Sa mga ngiti nya pa lang parang sigurado
na syang mananalo sya. Matalino si Zeke at mas madami na syang experience
sa'kin pag dating sa ganito. Feeling ko matatalo ako dito. Huminga ulit
ako ng malalim at saka tumungo.

Naramdaman ko na lang na niyakap nya ako. "I am still on your side no


matter what happens wife. I'm your lifetime partner remember?" gumaan ang
pakiramdam ko sa yakap at sinabi ni Zeke. Humiwalay ako sa yakap nya saka
ngumiti. "Sige game, bukas ng gabi ang start" sabi ko.
"Alright," Nakangiting sagot nya. Saka ako hinalikan.

*baby cries*

"Damn!"

=================

Chapter 41

Aemie's PoV

Kagabi pa ako nagsimulang magplano ng gagawin ko. Mula sa paghahanda ng


mga kakailanganin ko.

-Flashback-

"Aemie nakatawag na ako sa kakilala ko para sa sasakyan na gusto mo.


Bukas daw ng umaga pwede ng kuhanin. Para saan ba ang—whoa! Ano 'yang mga
bitbit mo 'tol?" PInakuha ko kay Sebastian ang lahat ng baril na pwede
kong pagpilian para sa gagamigtin ko kay Inigo Rances. Nagpabili din ako
kay Kaizer ng isang bagong bullet proof na sasakyan.

"Thanks Kaizer." Lumapit ako para buksan ang isang pagkalaki-laking metal
na lalagyan na hinila ni Sebastian para pumili ng magandang baril.

"Wengya! Saan ba tayo mamaya Aemie?" Nakidampot ng baril sila Sebastian


at Kaizer kaya tinignan ko silang dalawa. "Hindi kayo kasama" Sabi ko.
Lumabas mula sa kwarto si Zeke kaya tumigil kaming tatlo. "Lamperouge and
Lerwick, where are the diapers I've asked you to buy?" Tanong nya. Buhat-
buhat nya si baby Bullet kaya lumapit ako. "Hi baby," Kiniss ko si baby
Bullet saka kinuha kay Zeke.

"Oh shit! Ang bigat kasi nung pinakuha ni Ms. Aemie bossing"

"Wengya nawala din sa isip ko!" Tumayo silang dalawa saka naglakad

"B-balik na ulit kami Bossing, bibili na kami"

"Tss."

Tumayo agad si Sebastian kasama si Kaizer at parehas mabilis na naglakad


palabas ng hotel suite. Tinignan naman ako ni Zeke saka nya kinuha sa'kin
si baby Bullet. "How about you wife? You should give yourself a time to
rest and relax. You won't be able to defeat me if you're stressed out,"
Kumpyangsang-kumpyansa sya talaga na mananalo sya? Wala man lang ba syang
balak mag-ready?

-End of Flashback-

"Ahm—Kaizer, Sebastian. Pwede bang huwag muna kayong umalis dalawa


mamaya? Paki bantayan muna si baby Bullet habang wala kami ni Zeke"
Kumakain ako ng sandwich at umiinom ng kape habang binabasa ko ang
blueprint ng bahay ni Inigo Rances.
Hapon na, at ilang oras na lang mag-i-start na ang game namin ni Zeke.
Kanina ko pa nailagay sa kotse lahat ng kakailanganin ko. Alam ko na din
kung saan at paano pumunta sa bahay ni Inigo Rances. Samantalang si Zeke,
natulog lang maghapon.

Napuyat yata masyado si Zeke sa pag-aalaga kaya puro tulog ang ginagawa.
Kaya ako na ang nag-alaga kay baby Bullet kanina. "Areglado Miss Aemie!
Pero ano bang meron? Second honeymoon nyo na ba ni Bossing?"

Humigop muna ako ng kape bago ko sinagot si Sebastian, "Hindi. Maglalaro


kasi kami, padamihan kami ng mapapatay na leader ng Black Organization"

"Whoa! Anak ng!"

"Syet! Exciting!"

"Wala ba kayong balak isama kami Aemie?" Tumingin ako kay Kaizer na
nakaupo sa tapat ko. "Wala" Sagot ko. "Walang magbabantay kay baby Bullet
kapag sumama kayo" Dagdag ko pa.

"Nandyan naman si Boul Ms. Aemie eh" Sabi ni Sebastian. "Hindi pa din
pwede" Sagot ko. Tumayo na ako at pumunta sa may salas.

Binuksan ko ang laptop ko para i-check ang mga camera inilagay ko sa


palibot ng bahay ni Inigo Rances at naka-konekta dito. Kailangan kong
makasiguro na hindi aalis ng bahay si Rances, o kung may plano man syang
umalis, at least alam ko.

Kumuha ako ng dalawang Glock pistols handgun, based sa mga nagamit ko ng


handguns, dito ako pinaka-komportable. At dito ako pinaka-dadalian
gamitin kaya mas okay kung ito ang gagamitin ko. Nilinis ko muna parehas
habang nagpapalipas ng oras habang nakatutok ako sa laptop.

"Getting ready?" Nginitan ko si Zeke at tinanguan nung lumabas sya sa


kwarto. "Si baby bullet?" Tanong ko. "Still asleep" Sagot nya. Lumapit
sya sa'kin at kumiss bago sya pumunta sa kusina. "Ipagluluto muna kita
Zeke bago tayo umalis"
Pumunta ako sa kusina para ipagluto si Zeke pero inabutan nya ako ng
isang cup. "A cup of coffee would be enough" Sagot nya sabay kindat
sa'kin kaya pinagtimpla ko na sya agad ng kape, para makabalik na ako sa
ginagawa ko.

**

15 minutes bago kami umalis, tapos na akong mag-ayos. Hinihintay ko na


lang matapos si Zeke magbihis. "Ang tagal naman ni Zeke" Bulong ko habang
karga-karga ko si baby Bullet. Kakatulog lang ulit ni baby Bullet kaya
kampante akong iwan sya. Buti kapag ganitong edad ng bata walang ginagawa
kung hindi matulog ng matulog.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Zeke nung lumabas sya ng kwarto.
Naka gray shirt at black pants lang sya. Hawak-hawak nya ang isang baril
na kakalagay nya lang ng magazine. At saka maingat na isinuksok sa likod
ng pants nya. Samantalang ako, itinali ko pa ang buhok ko at naglagay ng
pocket knife in case of emergency. Madami din akong dalang extrang bala.
Nagbaon pa ako ng flash bangs at rifle sa kotse.

"Lets' go?" Nakangiting tanong nya sa'kin. Hindi pa din maalis ang tingin
ko sa kanya hanggang sa makuha nya sa'kin si baby Bullet. "Hey! Both of
you, look after our son" Sabi nya kanila Sebastian at Kaizer.

"Areglado Bossing!" Sagot ni Sebastian. Sumaludo naman si Kaizer. Parehas


silang sumunod kay Zeke papasok sa kwarto nung ibabalik na ni Zeke si
baby Bullet sa crib.

Humawak si Zeke sa kamay ko, saka kami sabay na naglakad palabas ng hotel
suite. Tahimik kami parehas na naglalakad. Kasi nagtatakha ako! Bakit
parang wala lang sa kanya 'tong gagawin namin? Parang hindi man lang sya
naghanda!

"Pfft. What's with that face wife?" Tanong nya nung nakasakay na kami sa
elevator pababa sa parking lot. "Naiinis kasi ako sa'yo Zeke. Bakit
parang hindi ka prepared? Isang baril lang ang dala mo. Tapos wala ka
pang dalang extrang bala? Paano kapag naubusan ka ng bala, ano na gagawin
mo?" Naiinis na tanong ko. Tinawanan lang nya ako bago nya ako sinagot.

"That's not going to happen,"

Umiling na lang ako. Pakiramdam ko kasi minamaliit ni Zeke ang kakayahan


ko. Parang sure na sure kasi syang mananalo sya. "As long as I have you,
I'm gonna win" Bumukas na ang elevator kaya hindi ko na nasagot 'yung
sinabi ni Zeke. Pero 'yung inis ko kanina, biglang nawala dahil sa sinabi
nyang 'yun.

Magkatabi ang sasakyang gagamitin namin. Pinagbuksan muna ako ni Zeke ng


pinto at pinasakay sa kotseng gagamitin ko bago sya sumakay sa kotse nya.
"I love you" He mouthed nung tumingin ako sa kanya.

Kapag ini-start ko na ang engine ng sasakyan, mag-sisimula na din ang


game. Kaya huminga muna ako ng malalim bago ko 'yun ginawa.

Pinihit ko ang manibela palabas ng parking lot. Nauuna ako kay Zeke sa
ngayon kaya sinusulyap-sulyapan ko sya sa rearview mirror ng kotse. Nung
makalabas na ang kotse sa malawak na kalsada ng highway ay binilisan ko
na ang pagpapatakbo ng sasakyan. Ilang kotse na ang inover-take-an ko at
hindi ko na matanaw ang kotse ni Zeke.

**

Malayo pa ako sa mismong bahay ni Inigo Rances, ipinark ko na ang kotse.


Maglalakad na lang ako hanggang makarating sa bahay nya. Iniayos ko at
isinuot ang backpack na dala ko. Dito ko inilagay lahat ng gamit na
kakailanganin ko kung sakali.

Hanggang makalapit ako sa matataas na bakod ng bahay ay hindi ko pa


nakikita si Zeke. May part sa'kin na natutuwa kasi malaki ang chance kong
manalo kung ako ang nauna.

Kinuha ko ang isang hook at rope sa backpack saka ikinabit at inihagis sa


mataas na bakod ng bahay ni Rances para akyatin. Pinili kong dito dumaan
dahil ito ang pinakatagong side ng bahay nya according sa blueprint. At
sa pagkakakilala ko kay Zeke, mas pipiliin nyang sa harap mismo ng bahay
ni Inigo Rances dumaan.

Pinaputukan ko ng baril na may silencer ang mga tauhan ni Rances na


nagbabantay malapit sa kinaroroonan ko saka ako maingat na pumasok sa
isang pathway.

Sobrang dilim at madaming pasikot-sikot. Pero ang mas napansin ko ay ang


larawan ng mga sinaunang paraan ng execution. Sa mga paintings at rebulto
lang may ilaw kaya mas lalo akong natakot. Bukod doon ay may mga rebulto
din ng hindi ko alam kung demons ba o ano. Para namang kasali sa kulto
'tong si Inigo Rances.

Mas gugustuhin ko pang makasalubong ng sampung lalaki na armado ng baril


kaysa makasalubong ng multo. Tumigil ako nung makadinig ako ng yabag ng
paa. Sumandal ako saglit sa may pader para abangan kung sino man ang
naglalakad.
Bakit ba multo ang naiisip ko ngayon? Nanlalamig na ang mga kamay ko at
hindi na ako mapakali. Mahaba at madilim ang pasilyo na nasa harap ko. At
sa dulo ng pasilyo ay may ilaw na nakatutok sa pugot na ulo na rebulto ng
isang pari.

Sa kaliwa ko ay may malaki at nakakatakot na rebulto ng isang demon na sa


tingin ko ay nakatingin sa'kin at gusto akong kainin ng buhay.

Naiiyak na ako nung maramdaman kong may yumakap sa'kin. "Don't be


scared," Parang magical 'yung sinabi ni Zeke kasi nawala agad 'yung takot
na nararamdaman ko kanina. Hinawakan nya ang kamay ko saka kami sabay na
umakyat sa sunod na palapag ng bahay.

May tatlong baitang pa ng hagdan bago ang sunod na palapag, may nadidinig
na kaming mga boses ng lalaki. Napakarami naman palang tauhan nitong mga
leader ng Black Organization. Tumingin sa'kin si Zeke kaya tinanguan ko
sya. Kahit hindi sya nagsasalita gets ko ang ibig nyang sabihin.
Kailangan na namin maghiwalay para sa game.

Binitawan nya ang kamay ko at nauna syang umakyat, sunud-sunod ang ginawa
nyang pagpapaputok. Ako naman ay dumiretso sa ikatlong palapag. Naghagis
muna ako ng flash bang bago ako tuluyang makaakyat. Walang habas kong
pinaputukan lahat ng lalaking makakasalubong ko hanggang sa makarating
ako ng tapat ng kwarto ni Inigo Rances.

**

Sebastian's PoV

"Nandito na si ninong gwapo baby huwag ng umiyak" Inaalog ko ang gatas na


tinimpla ko. Takte! Ang hirap pala maging ama.

Buti pa 'tong siraulong si Lampe, mukhang sanay na sanay. Sya nga lagi
may hawak kay Bullet eh. "Yak! Lerwick, huwag mong turuan ng kabalbalan
ang inaanak ko" Kinuha ni Lampe sa kamay ko ang bote ng gatas na hawak ko
saka isinubo kay Bullet na agad namang tumahan.

"Kita mo 'tol, wala kang bilib sa karisma ko. Diba pareng Bullet? Ang
gwapo ni ninong Kaizer 'no?" Parang siraulo na kinakausap nung ungas si
Bullet. I-video ko kaya?
"Gago! Tigilan mo 'yan, baka mabulunan si Bullet sa mga pinagsasasabi mo"

Lalabas dapat ako ng kwarto para manuod saglit ng TV pero biglang umimik
si Lampe. "Lerwick" Lumingon ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "May
naaamoy ka ba?" Tanong nya.

Nilanghap ko ang paligid at—"Bukod sa natural at mapang-akit kong amoy,


wala na akong ibang naaamoy. Bakit? Sabi ko naman sa'yo pre huwag ka
gaanong magsasalita"

"Ulul! Parang ano talaga dude, lumapit ka dito"

Hindi pa ako nakakalapit pero parang alam ko na ang sinasabi nung gago.
"Shit! May gagawin nga pala ko takte!" Lumabas agad ako ng kwarto dahil
shutanginemers! Hindi ako marunong magpalit ng diaper!

"Anak ng! Hoy wengya huwag mo akong iwan dito! Wala kang kiss sa'kin
mamaya"

"Ulul—oh Boul, nandyan ka na pala"

"Tss"

Lumabas si Lampe karga-karga si Bullet. "Oh tamang-tama dude, pakihawak


muna si Bullet. Nagtext kasi si Mr. Roswell, kailangan nya daw ng gwapong
kasama. Eh alam naman nating lahat na ako lang ang gwapo. Kaya pano ba
'yan?" Umiling-iling na lang ako sa mga sinabi nung ungas. Napakagaling
talagang magsisinungaling.

Wala namang kaangal-angal si Boul nung kuhanin nya si Bullet. Pfft. "Yung
diaper 'tol nasa may drawer malapit sa crib. Alis muna ako, kailangan daw
ako ni Mei" Palusot ko saka kumaripas ng lakad palabas ng hotel suite.
**

Aemie's PoV

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng kwarto nya.

Alerto kong itinutok ang baril nung bumukas ang pinto pero wala akong
nakitang tao. Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Hanggang
dito ay punung-puno pa din ng mga nakakatakot ng paintings at rebulto.

May pintong nakabukas sa kaliwang bahagi ng kwarto kaya maingat akong


naglakad papunta doon.

"Zeke" Bulong ko nung makita ko si Zeke na nakatayo. Nakatutok ang baril


na hawak sya sa lalaking nakasalampak sa sahig. Si Inigo Rances. Sa
kanang bahagi ng kwarto ay may bintanang nakabukas at kurtina na
nililipad ng hangin. Maduga! Kaya naman pala nauna sya dito.

Hinablot ni Inigo Rances ang baril na malapit sa kanya saka mabilis na


itinutok kay Zeke. Isang kalabit na lang ng gatilyo ng baril na hawak ni
Zeke, makaka-puntos na sya kaya nagmadali akong unahan sya. Ikinasa ko
agad ang baril at itinutok kay Inigo Rances.

Halos magkakasabay lang kaming kumalabit sa gatilyo ng baril. Pero hindi


ko inasahan ang ginawa ni Zeke. Imbis kasi ni Inigo Rances ang barilin
nya, itinutok nya ang baril nya sa likuran ko kasabay ng pag-ilag nya sa
bala na pinakawalan ni Inigo Rances.

Ramdam ko ang hangin mula mabilis na bala na dumaan malapit sa kanang


bahagi ng pisngi ko. Kasabay ng pagbagsak ni Inigo Rances ng tuluyan sa
sahig at pagdaing ni Zeke sa baling dumaplis sa braso nya.

4-2.

Tumakbo agad ako palapit kay Zeke. "Okay ka lang ba Zeke?" Nag-aalalang
tanong ko. "Yeah," Kumuha ako ng panyo sa backpack para talian ang braso
ni Zeke na nadaplisan ng bala. At habang tinatalian ko ang braso nya.
Nakita ko ang lalaking duguan at nakahiga sa sahig sa lugar malapit sa
kinatatayuan ko

kanina. Kaya ba hindi nya pinatay si Inigo Rances at sa may bandang likod
ko nya pinaputok ang baril?
Tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin kay Zeke para itanong at
makasigurado. "Yung lalaki Zeke—"

"He was about to kill you"

Hindi ko mapigilan na hindi maluha. Ako lang ba? O talagang hindi ko


deserve ang 4-2 na standing? Dahil hinayaan lang nya si Inigo Rances,
kahit na may nakatutok din na baril sa kanya. Huhuhu. "T-thanks" Hindi ko
alam ang sasabihin ko kaya thanks na lang ang sinabi ko.

**

Hanggang sa makabalik kami ni Zeke sa hotel suite ay iniisip ko pa din


'yung nangyari. Nandito ako sa loob ng kwarto namin at hinihintay si Zeke
na pumasok. Sinesermunan nya kasi sa labas sila Sebastian at Kaizer dahil
iniwan nila si baby Bullet kay Vash.

Nakangiting pumasok si Zeke at lumapit sa'kin. Ako naman, kanina ko pa


hawak 'tong pen at note.

"How do you do that wife?" Tanong nya, pagkaupo nya sa kama. Iniisip ko
naman kung ano 'yung ibig nyang sabihin. "Ang alin Zeke?" Tanong ko. "You
look so sad and yet you are still the most beautiful woman in my eyes,"

"Zeke naman eh. Huwag mo nga ako niloloko! Kanina pa nga hindi matahimik
ang isip ko eh."

"Pfft. What's the matter?" Tanong nya. "Hindi ko kasi matanggap na ako
'yung naka-score. Tingin ko dapat sa'yo 'yung point" Diretsong sabi ko sa
kanya. Iniabot ko sa kanya 'yung pen at note ng mga names ng leader ng
Black Organization na hawak ko.

"What about it? You've killed Rances, fair and square"

"Hindi eh, ikaw sana babaril sa kanya kung hindi mo lang binaril 'yung
nasa likod ko" Sagot ko.
"And?"

"Kaya ikaw dapat ang may point"

"Nah. It was my choice. And our game is all about who will kill the most
number of leaders, so don't be upset wife. You played it well,"

=================

Chapter 42

Kaizer's PoV

"Ikaw na magsabi," Bulong ni Lerwick. Nakatingin kaming dalawa kanila


Ezekiel at Aemie. Si Aemie busyng-busy sa pagpa-plano, habang si Mr.
Roswell naman ay tahimik syang pinapanuod.

"Wengya! Ikaw na, ikaw naman may gusto eh." Bulong ko pabalik kay
Sebastian. May hawak akong walis tambo, si Lerwick naman may hawk na
feather duster dahil pinaglilinis kaming dalawa ni Mr. Roswell ng buong
hotel suite. Gago kasi 'tong si Lerwick. Kung pinalitan nya ng diaper si
pareng Bullet, edi sana hindi kami naglilinis dalawa ngayon.

"May kalat pa dito, tss" Sabay naming ipinukol ang mga matatalim na
tingin namin kay Boul na kanina pa nagkakalat. "Wengya naman 'tol! Linis
kami ng linis, ikaw kalat ng kalat! Hanggang kailan mo ba balak apihin
ang gwapo mong kaibigan?" Humawak ako sa dibdib ko at umarte na
nasasaktan.

"Talaga Boul, nagpi-prisinta kang tumulong sa paglilinis?! Hooo syet!


Napaka-buti mong kaibigan!" Hiyaw ni gago habang minamasahe ang likod ni
Boul. "Bossing nadinig nyo 'yun? Si Boul na daw maglilinis ng buong hotel
suite" Pangiti-ngiti pa si gago.

"Lerwick"

Anak ng! Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Sumimple na ako ng alis nung
magsalita naman si Aemie. "Kaizer, Sebastian. Gusto nyo bang sumama sa
next game?" Hinigpitan ko ang hawak kong walis tambo. "Potek! Let's get
it on baby!" 'Yan lang naman ang hinihintay ko eh.

"Woooo syet! Gustung-gusto Ms. Aemie!"

"Sige maglinis muna kayong dalawa" Pagkasabing-pagkasabi ni Aemie nun ay


binilisan ko na ang pagwawalis. Pati 'yung ungas na si Lerwick ay mukhang
ginanahan din sa pag-pupunas ng mga alikabok. Parehas kaming pursigido na
matapos kaagad ang mga gawain.

Dahil ehem, sasabak na naman ang gwapong si Kaizer Maxwell Lamperouge sa


bakbakan.

**

Aemie's PoV

Parang mas excited pa sa aming dalawa ni Zeke si Sebastian at Kaizer,


kanina wala sila sa mood maglins. Samantalang ngayon, pati ang mga sulok
ay talagang nililinisan at pinakikintab nilang dalawa. Ibinalik ko ang
tingin sa laptop. Kanina pa ako nagbabasa ng tungkol kay Jax Blaine, kung
ikukumpara sya sa mga naunang leader, mas tuso pala ang isang 'to.

"Are you sure about asking them to join wife?" Tinignan ko si Zeke,
kanina pa niya ako pinapanuod sa ginagawa ko. Inilapit ko kay Zeke ang
laptop at pinabasa sa kanya ang information ni Jax Blaine.

Weakness ni Jax Blaine ang magagandang babae, wala namang ibang babae ang
pwede naming isama. Hindi naman pwedeng si Meisha at Cassandra dahil
parehas pa silang nagbabantay sa chapel. "Kung ayaw mo Zeke ako na lang"
Suggest ko, okay lang din naman sa'kin. Marunong naman akong umacting,
ang kaso nga lang hindi naman ako maganda.

*glare* "Lerwick and Lamperouge"


"Yow Bossing"

"At your service Mr. Roswell"

"Get ready, you'll join us tonight"

"Naman!"

"Opkors!"

**

Meisha's PoV

Sa chapel ako naglalagi kasama ni Cassandra Heather. But then of course,


hindi ko din pwede pabayaan sila queen. It is our duty to serve and
protect them kahit ano pa pinagdadaanan namin.

Walking down the hospital corridor, there are people coming and going.
Doctors, nurses and orderlies are rushing around. Some random people
tried to smile kapag nakaka-eye contact ko sila. Kaya ngumingiti din ako,
but probably a weak and fake smile. I am surrounded by people, but still
alone. Ang hirap ng ganitong pakiramdam.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni queen. Ilang araw na din ang


nakalipas.Nadatnan ko dito sa loob ng kwarto nya si Phoenix Strife.
"Queen" I whispered nung makita kong nakaupo na sya. I think, they're on
the middle of a conversation nung pumasok ako dahil parehas silang
tumigil.
"I'm sorry kung nakaabala ako, lalabas po muna ako" Tumalikod na ako but
she spoke. "I was asking him kung kamusta na sila baby Ae at ang apo
namin," Humarap ulit ako kay Queen, then I shifted my glance at Strife.
"Nasabi mo na ba?" I asked, pinupunto ko kung nasabi na ni Strife ni
Strife ang tungkol kanila Master.

Umiling si Strife saka tumayo at naglakad palapit sa'kin. "Ikaw na ang


magsabi, pupuntahan ko muna si Milka" Tumango ako at naglakad palapit kay
Queen. "Nasabi ang alin?" She asked. Humigpit ang hawak nya sa telang
puti na nakakumot sa mga binti nya.

Umupo ako sa tabi ni Queen. Pinilit kong huwag maiyak, ayoko na ding
balikan at i-kwento ang buong pangyayari. "W-wala na po sila Spade,
Tristan at... M-master"

Ngumiti sya sa'kin but I know that she's faking it. "Ganun ba?" Her voice
broke down and tears threatened to roll down her cheeks. I am thankful na
hindi na ipina-kwento ni Queen ang nangyari. For a minute, tahimik lang
kaming dalawa. Until I heard her cry.

Niyakap ko si Queen as tight as I could trying to ease the pain she's


feeling right now kahit papaano habang pinipigilan ko pa din ang sarili
kong maiyak. I know how painful it is na mawalan ng mahal sa buhay. Dahil
nararamdaman ko din 'yun sa mga oras na 'to.

**

After an hour ng pag-stay ko sa kwarto ni Queen, umalis muna ako at


hinayaan syang makapagpahinga. Binisita ko ang ibang kasama namin na
nandito sa loob ng ospital. Wala pa ding malay-tao sila Milka at
Caileigh. Habang si Lee naman ay kasabay ko na ngayong papunta sa kwarto
ni Fauzia Arcadia.

He insisted na sumama, kahit kaninang umaga lang sya nagising. Nasabi ko


na din sa kanya ang mga nangyari.

Lerwick is the last person I want to see sa mga oras na 'to. I don't
know, I am really not comfortable talking to him. Because for unknown
reason, nagi-guilty ako, at nasasaktan. Kaso sa dinami-dami ng pwede
naming makasalubong ni Lee, si Lerwick pa. "Tol!! Anak ng pucha tibay
ah!" Pabiro nyang bati kay Lee sabay hampas sa balikat kaya inalalayan ko
si Jacob Lee. Kung makahampas naman kasi parang hindi nakikita nan aka-
hospital gown pa si Lee. Psh. Baliw talaga.

"Hayop ka talaga" Sagot ni Jacob sa kanya while laughing.

"M-mei" Ngumiti sa'kin si Lerwick pero iniba ko ang direction ng tingin


ko. "Lee, mauuna na ako sa kwarto ni Fauzia" I said.

"Sama na ako" Sagot naman nya. "Tol maya na lang, bibisitahin ko muna si
Fauzia" Tumango si Lerwick pagkasabi ni Jacob Lee nun, kaya nagsimula na
kaming maglakad ni Jacob Lee papunta sa kwarto ni Fauzia.

Pagkapasok pa lang namin sa hospital room ni Fauzia, lumapit na agad si


Jacob Lee. Tulad nila Caileigh at Milka, wala pa ding malay si Fauzia.
"Anong sabi ng doctor, kailan daw magigising si Fauzia?" Lee asked, he's
holding Fauzia's hand. I smiled bitterly, not because I am jealous. But
dahil naiinggit ako, masarap sa pakiramdam kapag alam mong mahal ka nung
taong mahal mo.

"Hindi na din naman siguro magtatagal, magigising na si Fauzia" Sagot ko


dahil 'yun ang sabi ng mga doctor. Ngumiti ako at nagpaalam na kay Lee
since hindi ko pa naman makakausap si Fauzia. "I have to go, babalik na
ako sa chapel"

Pagkasabi ni Lee ng "Sige, ingat" ay naglakad na ako palabas ng hospital


room.

Again, I walked alone sa mahabang hallway ng ospital. I stopped nung


mapatapat ako sa room ni Milka, for a while bigla akong kinabahan dahil
nakabukas ng bahagya ang pinto ng kwarto. Kung anu-anong masamang
pangyayari agad ang pumasok sa isip ko. You can't blame me, sa dami ng
nangyari, hindi imposible lahat ng iniisip ko.

"Milka!" I called her name as I entered the room hurriedly. And it was
too late for me to realize kung gaano ka-epic ang ginawa ko. I saw Milka
and Lerwick, sinusubuan ni Lerwick ng pagkain si Milka, sabay pa silang
dalawa na tumingin sa'kin dahil nga sa ginawa kong pagpasok basta-basta.

"S-sorry nakabukas kasi 'yung pinto, akala ko kung anong nangyari" I


explained. Hindi ko na hinintay na sumagot sila, tumalikod na ako agad at
umalis. Akala ko ba nandoon si Phoenix Strife, bakit si Lerwick na ang
nandoon. Aish!

I held my chest dahil nararamdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko.

**
Aemie's PoV

"Hahahaha"

Kanina pa tawa ng tawa si Zeke habang naglalakad kami. Nandito kaming


dalawa sa mall kasama si baby Bullet, nagla-last minute shopping muna
kami para sa outfit namin mamaya.

"Zeke kanina ka pa tawa ng tawa" Tulak-tulak nya ang stroller ni baby


Bullet, bitbit ko naman ang isang basket na may mga lamang accessories.
"Maganda ba?" Tanong ko habang hawak ang isang color black na gown, "Nah,
you are more beautiful" Ibinalik ko ang gown na hawak ko sa clothes rack.
"Nakakainis ka naman Zeke, lalo tayong tatagal nito"

Imbis na tulungan ako ni Zeke, tumawa pa sya ng tumawa. Formal party ang
pupuntahan namin mamaya kaya kailangan naming bumili ng mga damit.

**

"Yown dumating din!"

"Sa wakas! Kanina pa namin kayo hinihintay. Hindi pa ba tayo aalis?"

Tinignan ko si Kaizer at Sebastia mula ulo hanggang paa, naka formal suit
na sila, naka-wax na ang mga buhok. Kumikintab pa ang mga suot nilang
itim na sapatos. "Bakit nagbihis kayo agad?" Tanong ko sa kanilang
dalawa. Inilapag ni Zeke lahat ng paper bags na bitbit nya sa ibabaw ng
center table saka nya kinuha sa'kin si baby Bullet habang tumatawa.

Tignan mo 'tong si Zeke, hanggang ngayon tawa pa din ng tawa.

"Kung sa bagay, alam ko ang gusto mo iparating Aemie. Hindi ko na talaga


kailangang pumorma pa para lang gumwapo. Tsk tsk tsk" Sabi ni Kaizer
habang hinihimas-himas ang mukha nya. SI Zeke naman lalong tumawa.

"Zeke ano ba nangyayari sa'yo?" Kunot-noong tanong ko.


"Pfft. Nothing. Hahahaha" Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad
papunta sa kwarto. Kaming tatlo naman nila Kaizer at Sebastian ay
nakatingin sa kanya. "I forgot something" Bumalik uit si Zeke saka
naglakad papalapit sa'kin. "I love you so damn much" Sabi nya pagkatapos
nya akong halikan.

"Hooo syet ayan na naman!"

"Porn everywhere wengya!"

Parang walang narinig si Zeke dahil tawa pa din sya ng tawa hanggang
makapasok sya sa loob ng kwarto.

"Game na... Kaizer at Sebastian" Humarap ako sa kanilang dalawa saka


ngumiti kaya kumunot ang mga noo nila.

**

Sebastian's PoV

Nakasunod ang tingin naming dalawa ni Lampe kay Ms. Aemie nung mag-umpisa
syang maghalungkat sa mga paper bag na nasa ibabaw ng center table.
"Maligo muna kayong dalawa ulit tapos magbihis muna kayo ng kahit ano
habang hinahanda ko mga susuotin nyo" Nakangiting sabi sa aming dalawa ni
Ms. Aemie.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kaizer pero sumunod din kami agad. Takte!
Sigurado naman kasi ako na kahit anong bihis ang gawin ko, mangingibabaw
at mangingibabaw ang gandang lalaki ko sa party.

**
Hindi na ako nagsuot ng damit pang itaas. Pinupunasan ko ng puting towel
ang buhok ko nung lumabas ako sa kwarto. "Napakarami naman nyan Ms.
Aemie, magagamit mo ba lahat ng 'yan?" Ampupu! Ibang klase talaga mga
babae, ang bangis! Ang daming mga nilalagay na kolorete sa mukha.

"Hindi lang naman sa'kin 'to" Ngumiti si Ms. Aemie sa'kin saka kakalabas
lang din sa kwarto na si Lampe. "Sa'ting lahat 'to" Sabi nya.

Wat da pak?

"Sa'tin?" Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa mga nadinig ko.
Potek! "M-Ms. Aemie, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Sunud-sunod ang
ginawa kong paglunok ng laway. Tinignan ko ang mga gown na nakasabit, ang
iba't-ibang pang pintura sa mukha na nakasalansan sa sahig. Ang iba't-
ibang disenyo ng wig. Ang mga aksesorya na unang tingin ko pa lang
pakiramdam ko nangangati na ako.

At ang higit sa lahat, ang mga nagtataasan at nagkikinangang sapatos.


"Syet" Bulong ko.

"Anak ng tinola Aemie, s-sigurado ka sa gagawin mo sa'kin? Kay Lerwick


paniguradong ayos lang. Pero sa'kin?!" Tinuro ni Lampe ang sarili nya
kaya binatukan ko sya para matauhan. "Alam naman natin parehas na mas
mukha kang babae sa'kin 'tol"

Tumalikod na ako para bumalik sa kwarto. "Pucha! Kahit ikamatay ko pa


hindi ako magsusuot ng damit pangbabae, at maglalagay ng pintura sa
mukha,"

"Mas lalo naman ako" Sabi ni Lampe.

Halos magkasunod kaming dalawa na naglakad pabalik sa kwarto para


magbihis ulit ng formal suit nung makadinig kami ng dalawang kasa ng
baril.

Dahan-dahan kaming humarap ni Lampe at—"Are you fvcking sure?" Nakatutok


na sa ulo ko ang baril na hawak-hawak ni bossing. Kay Lampe naman
nakatutok ang baril na hawak ni Ms. Aemie. I gulped. "B-bosing, hindi
naman kayo m-mabiro" Takte! "Kukuhanin ko lang sana 'yung black stockings
sa loob ng kwarto, may naka-reserba talaga ako para sa mga ganitong
pagkakataon" Singit ni Lampe. Petenge! Galing din magdahilan ng gagong
'to eh.

**
"Ang gaganda nyo grabe!"

Hindi ko alam kung papuri o insult ang sinabi ni Ms. Aemie. Hindi na
maipinta ang mukha naming dalawa ni Lampe dahil sa itsura namin ngayon.
Mukha akong suman dahil suot-suot ko ang isang pagkasikip-sikip na
mahabang tela na kulay pula.

Ang bigat ng gwapo kong mukha dahil sa inilagay ni Ms. Aemie na pintura
sa mukha ko, ang mapupungay kong mata nilagyan nya din kung ano. At ang
hindi ko matanggap sa lahat ang suot-suot kong mabigat at mataas na
sapatos. Hindi ko alam kung paano nagagawang maglakad ng mga babae kapag
naka ganito sila.

Paksyet na malagkit! Ano na lang sasabihin sa'kin ng mga chiks ko kapag


nakita akong ganito?

Tawa ng tawa sila Ms. Aemie at Bossing dahil sa itsura naming dalawa ni
Lampe. Shit!

"Game Zeke ikaw naman"

Pfft. Petengene! Gusto kong lumundag at tumawa ng malakas dahil sa


ekspresyon ng mukha ni Bossing.

"Hahahahahahaha! Wengya!"

"WHAT THE FUCK ARE YOU LAUGHING AT LAMPEROUGE?!"

"W-whoa! Shit—-T-teka Mr. Roswell hindi ako makatak—Anak ng tinola Aemie


si Mr. Roswell pigilan mo—relax—-shit—!" Pfft. Pigil-pigil ko pa din ang
tawa ko dahil halos madapa si Lampe sa pagtakbo palayo kay Bossing.

"Zeke, tama na 'yan baka magising si baby Bullet. Baka din masira ang
make-up ni Kaizer. Lumapit ka na dito sa'kin para maayusan na kita"
Seryosong tawag ni Ms. Aemie kay Bossing.

"Fuck! Are you damn serious?!" Nagpatay-malisya ako. Kunwari wala akong
nadidinig na nag-uusap para hindi ako ang balingan ng galit ni Bossing.
Takte mahirap na! Ayokong matulad kay Lampe.
"Ayaw mo ba?" Tanong ni Ms. Aemie.

"Who the hell would want to put those damn girly stuffs on?"

"Sige magbibihis na ako" Kinuha ni Ms. Aemie ang isang gown saka naglakad
palayo. "Wait wife" Halata sa itsura ni Bossing na tutol sya pero naupo
pa din sya sa kaninang kinauupuan ni Ms. Aemie. SYET! Ibig bang sabihin
pumapayag syang magpalagay ng kolorete sa mukha at mag-gown? Pffttt!
Pucha!

Nakangiting naglakad si Ms. Aemie palapit kay Bossing. "Damn! This is


really insane!"

**

A/N:

SPECIAL ANNOUNCEMENT: (And para masagot ang mga tanong kung may season 3
ang MHIAMB)

-Honestly speaking, WALA! Kaya nga may Writer's Block na kasi hanggang
Season 2 lang ang MHIAMB. Pero alam ko unang-una na magdedemand ng Season
3 ang operators ng mga characters at sweetmins (admins ng mhiamb). And
'yun na nga ang nagyayari ngayon Haha. Kaya gumawa ako ng dalawang
ending. 'Yung isa, 'yung original ending ng mhiamb season 2. 'Yung
second, kapag may season 3. (Also, may plot na ang Season 3)

If ever na magkaroon, it will be the next generation of mafia groups.


Next generation meaning, 'yung mga anak na nila.

And I know hindi lang operators at sweetmins 'yung may gusto ng Season 3.
Ito 'yung announcement. (at the same time deal) Kapag ng trend sa twitter
'yung #WEDEMANDMHIAMBS3 (tonight) sige i-push natin ang Season 3. Pero
kapag hindi, stick na lang tayo sa original ending.

This is not compulsory. Hindi ko naman pwede ituloy ang MHIAMB kung
madami ng may ayaw diba? Pero sa may mga gusto, tawagin nyo na lahat ng
friends nyo, gawa na kayo ng accounts, walang imposible basta ginusto ;)
Again, Later eve @ twitter

May 5, 2015

6PM onwards

#WEDEMANDMHIAMBS3

=================

Chapter 43

Kaizer's PoV

Daig pa namin ang sinampal sa sobrang pula ng pisngi naming tatlo. At


tila sasali kami sa contest ng papulahan ng nguso. Mapapamura ka na lang
talaga sa itsura namin. Wengya!

"Zeke, huwag kang masyadong magulo. Nagugulo naman wig mo eh" Pfft.

"Tss"

Kanina pa inaayos ni Aemie ang pfft wig ni Mr. Roswell. Ang lupit talaga
ni loverboy! Akalain mong napagbihis babae ni Aemie.

"Sebastian! Huwag mong kainin 'yan" Tinampal ni Aemie ang kamay ni


Lerwick dahil babantan na ng gago ang isang plastic ng buns na nakapatong
sa ibabaw. "Ilagay nyo na 'to dali. Para magkaroon kayo ng dibdib.
Magbibihis muna ako," Takte! Hindi ko pinangarap magkaroon nyan sa tanang
buhay ko!
Pagkapasok ni Aemie sa loob ay nagkatinginan kaming dalawa ni Lerwick.
"Mr. Ros—"

"Shut the fck up!" Sabi ko nga hindi na ako magsasalita eh. Ampupu!
Kanina lang good mood na good mood si lover boy samantalang ngayon—"Yo—
Pftt ano 'yang trip nyo? May gay pageant ba?" Sige lang mga gago! Magsaya
kayo. Bwisitin nyo lang si Mr. Roswell.

Naka-smirk ako sa kakarating lang na sila Blood, Lionhart, Strife at


Lewis. "Mr. Roswell gusto na yatang malumpo ng tuluyan nung dalawang
pilantod"

"Hey! I was just kidding Ezekiel... ang totoo nyan, you look..."
Naghintay kami ng sasabihin ni Blood "..gorgeous"

"..and gay" Dugtong ni Lionhart. Habang tumatawa silang dalawa ni Blood.


Boom patay wrong move! Kumuha agad ng baril si Mr. Roswell at itinutok sa
kanilang dalawa. "Ginagago nyo ba akong dalawa?" Nakakapangilabot ang
tono ni Mr. Roswell kaya tumahimik ang buong kwarto.

**

Aemie's PoV

Pagkalabas ko ay naghahabulan na naman silang lahat. Ang kukulit, sabi ng


masisira make-up nila eh. Hinahabol ni Zeke sila Kuya Ken at Wallace kaya
natawa ako dahil hindi halos makatakbo si Zeke sa sobrang taas ng heels
na suot nya. Kanina pa ako natatawa sa itsura ni Zeke, Kaizer at
Sebastian.

Si Sebastian ay nakasuot ng deep red gown. Flirty but not promiscuous.


Bagay na bagay sa skin tone ni Sebastian ang gown. Nilagyan ko pa sya ng
black gloves at pinagsuot ng black stockings para hindi halata ang legs
nya kahit sobrang haba ng slit ng gown.

Si Kaizer naman ay sobrang sexyng tignan sa black halterneck and backless


at the same time with a big bow sa base ng spine nya. Sobrang haba kaya
sayad na sa sahig ang gown.

Si Zeke naman ay nakasuot ng spaghetti strapped dress with white shawl.


May mixture ng silver and white all over the dress. Plus ang mga
Swarovski gems na lalong nakapagdagdag kinang sa gown. Nilagyan ko din si
Zeke ng tiara para lalo syang magmukhang prinsesa.

At syempre, lahat sila nakasuot ng high heels. Naka make-up at may suot
na magagandang accessories. Ako naman ay nakasuot lang simpleng black
dress."Tama na 'yan Zeke, masisira make-up mo nyan" Sabi ko. Agad naman
silang tumigil sa pagtakbo at tumingin sa'kin.

"Tara na?" Tanong ko kanila Kaizer, Sebastian at Zeke. Hindi ko ma-


explain kung anong itsura nila Sebastian at Kaizer. Pero mukhang
masamang-masama ang loob nila sa suot nila. Ang ganda kaya nilang dalawa.
Si Zeke naman ay inayos ang dala nyang pink na bag saka humawak sa kamay
ko. Lalo tuloy ang tangkad nilang tatlo sa'kin dahil sa mga heels na suot
nila.

"Kayo na muna bahala kay baby Bullet ah?" Sabi ko kanila Kuya Ken,
Wallace Andrei at Phoenix. Bago kami tuluyang makalabas ng hotel suite.
**

Sebastian's PoV

"Ang daming chikababes deym!" Bulong ko, saka lumapit sa isang kumpol ng
mga kababaihan. "Wengya! Heaven 'tol!" Tamo 'tong siraulong 'to, manyakol
talaga. Nauna pa sa'kin makipag-usap sa mga chiks.

Nasa harap ko ang isang magandang babae na nakasuot ng fitted skin tone
colored na gown. Syet! "Omy golly! I love your dangling earrings. May I
know kung saan mo 'yan na buy?" Nakangiting tanong nya sa'kin. Paking
deep! Lakas talaga ng karisma ko kahit nakabihis babae. "Sa friend ko 'to
hihihi" Malanding sagot ko. P*ta.

"Ahh really?—Omygod! Look at him! Ang gwapo" Nabaling bigla ang atensyon
ng mga babae sa lalaking dumating na napapalibutan ng mga body guards.

"Oh my god, I wanna marry him"

"God! He's so hot"

Sunud-sunod ang papuri nila doon sa lalaking dumating kaya kaming dalawa
na lang ni Lampe ang magkatabi ngayon. "Gwapo ba?" Bulong nya sa'kin.

"Di ko alam 'tol, hinahanap ko nga din kung saan banda ang sinasabi
nilang gwapo" Balewalang sagot ko. Ang mga babae talaga, hindi marunong
tumingin ng gwapo. Tsk tsk.
Akalain mo 'yun? Nasa harap na nila ang tunay na grasya, lumingon pa sa
iba. "Tara na nga" Pag-aaya ko kay Lampe. "Mabuti pa nga" Sagot naman
nya. "Fuuutaa!" Tinakpan ko agad bibig ko nung matapilok ako, syet! Ang
sakit pucha! "Dahan-dahan lang kasi baby Lerwick"

"Ulul!" Bulong ko.

**

Ang kailangan lang daw naming gawin ni Lampe ay maaya si Jax Blaine at
maakit na pumunta sa VIP room.

"Bebe Jax ano ba ang mga tipo mo sa mga babae? Hihihi" Tinakpan ko ang
bibig ko na kunwaring nahihiya habang tumatawa, saka dumekwatro na parang
babae. Petengene!

"Gusto mo ba ng mapipilantik na mata tulad nito?" Iniharap ni Lampe si


Jax Blaine sa kanya saka ikinurap ng paulit-ulit ang mata nya. Habang
hinihimas-himas ang binti ni Blaine. Putek! Expert talaga sa kabaklaan
itong si Lampe.

Kinuha ko ng dalawang kamay ko ang mukha ni Jax Blaine saka iniharap


naman sa'kin. "Bebe Jaxy. Huwag kang tumingin sa haliparot na 'yan. Gusto
ko sa'kin ka lang tumingin" P*ta! Patayin nyo na ako sa mga pinagsasabi
ko, ngayon na!

"Oh come on baby Jax. Take me into your loving arms"


Tumunghay ako at tumingin kay Lampe na ngayon ay nakapulupot na sa braso
ni Blaine. Pfft. Gusto kong tumawa kaso lintek! Nahagip ng mga gwapo kong
mata ang matatalim na tingin sa akin ni Bossing.

Bago pa ako mapatay ni Bossing sa sama ng tingin ay mabilis ko ng kinuha


ang dalawang kamay ni Jax Blaine at ipinulupot sa'kin katulad ng sa
titanic. "O my gosh bebe Jax look I'm flying. I'm flying bebe Jax. I'm
flying," Malanding sabi ko saka ako humarap at hinimas-himas ang abs niya
na hindi ko makapa. Amfufu! Mas adonis pa ang katawan ko dito sa gagong
'to eh.

"Damn she's really beautiful"

Sinundan ko ng tingin kung sino ang sinasabi ni Blaine na maganda. At


shutanginabels! Sinipa ko kaagad ang paa ni Lampe dahil abala pa sya sa
pag-amoy at paghimas sa braso ni Blaine. "Aray p*ta! Sinong naninipa?!"
Sinamaan ko ng tingin si Lampe, at halatang nabigla din sya sa mga sinabi
nya.

"Hihihi I mean, ouchy! Emeged, I think may something dito sa paligid.


Hindi pa ba tayo aalis dito baby Jax?" Malanding bawi ni Lampe sa
kapalpakan nya sabay hampas ng malalantik nyang daliri sa pisingi ni Jax
Blaine.

**

Aemie's PoV
Hawak-hawak ko ang isang glass ng red wine kahit wala akong balak inumin.
Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa ni Kaizer at Sebastian kay Jax Blaine
mula dito sa kinauupuan ko. Sana naman galingan nila ang pag-acting.
Hayy!

Sinulyapan ko ng tingin si Zeke na nakaupo sa malayo at nakatitig sa'kin.


Siguro iniisip nya at inaabangan kung ano ang susunod kong gagawin. Pero
in fairness ang ganda ni Zeke ngayon. Mas maganda pa nga sya sa mga
babaeng katabi nya.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Jax Blaine. Nakatingin na sya sa'kin
ngayon at nakangiti. Wala akong choice kung hindi ang ngumiti din.
Makapal ang inilagay kong smoky eyeshadow at ibang-iba din naman ang
style buhok ko dahil sa wig. Kaya imposible naman na makilala nya ako.

Hindi nya inaalis ang tingin nya sa'kin kaya napahigop ako ng red wine na
hawak ko, sinulyapan ko din ng tingin si Zeke. Kanina nakatitig lang sya
sa'kin. Ngayon masama na ang tingin niya.

**

Jax Blaine's PoV

"Bebe Jaxy, huwag kang tumingin sa iba, nagseselos ako"

"Baby Jax. Anong pabango mo? Nakaka-addict kasi eh. Hihihi"

Inalis ko ang kamay nung dalawang babae na mukhang bakla na kanina pa


lingkis ng lingkis sa'kin. These two shitty creature thinks they can fool
me. Tumayo ako at inayos ang niluwagan ng bahagya ang necktie na suot ko
bago ako nag-umpisang maglakad.

"Baby Jax wait. Don't leave me. I'm all out love. I'm so lost without
you"

Diretso lang akong nakatingin sa babaeng kanina ko pa tinitignan. "Hi" I


greeted.

"H-hey" Natawa ako dahil mabilis nyang ininom ang red wine na hawak-hawak
nya. Saka kumuha ng isa pang glass ng red wine sa dumaan na waiter. "Tama
na 'yan, baka malasing ka nyan" Nakangiti kong kinuha sa kamay nya ang
iinumin nya sanang glass ng red wine.

"Have we met before?" I asked ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. Kahit
naman ang totoo kilala ko sya.

"I don't know. Maybe yes, maybe no" Casual na sagot nya. Damn! Who
would've thought that I would like her? This is the second time that I
saw her. Yeah, I know her. Dahil hindi ako ganun kadali paikutin.

I stared at her face for a minute. "Did someone tell you how amazingly
beautiful you are?" I asked as I kissed her hand gently. Inalis nya ang
kamay nya before speaking. "I—I am really not comfortable here, pwede ba
tayong lumipat ng lugar? Where—-you know, 'yung tayo lang dalawa ang
tao?" She asked.

I held her hand and gently before answering. "If that's what you want," I
said with a smirk. Naglakad kaming dalawa. I wrapped my arms around her
waist and guide her the way to the VIP room.
"Fck!" My loud booming voice almost shook the venue dahil sa pagkabigla
ko sa babaeng bumangga sa'kin ng pagkalakas-lakas dahilan para mapabitaw
ako sa pagkakahawak kay Aemie at sumalampak kaming dalawa nung babae
sahig. "Careless bitch" I said to her, nung makatayo ako. I felt a little
pain on my neck pero hindi ko na pinansin.

"Ayos ka lang ba?" Aemie asked. Pinagpagan ko ang suit na suot ko and
held her again. "I'm fine" sagot ko saka ko tinignan ng masama 'yung
babaeng bumangga sa'kin. "Bitch" I mouthed bago kami tumuloy sa
paglalakad ni Aemie.

**

Sebastian's PoV

Lumapit kami agad ni Lampe kay Bossing nung makaalis na sila Ms. Aemie at
Jax Blaine. Takte! Saan naman kaya nila balak pumunta? Pagkatapos ng
nakakadiring ginawa namin ni Lampe kanina, hindi pa din namin naakit
'yung gagong 'yun?

"Bossing ayos ka lang? Banatan na ba namin si Blaine?" Tanong ko nung


makalapit kaming dalawa kay Mr. Roswell. Kung nakamamatay lang ang mga
tingin, kanina pa paniguradong tumba 'tong si Blaine kay Bossing.

"Hindi ba na'tin sila susundan Mr. Roswell?" Tanong ni Lampe.

"Baka kung mapaano si Ms. Aemie" Segunda ko.


"Nah, that's fine," Nagkatinginan kaming dalawa ni Lampe sa sagot ni
Bossing. "Pero diba Mr. Roswell may pustahan kayo ni Aemie? Paano ka
mananalo kung hindi ka naman kikilos?" Naikwento din sa'min ni Ms. Aemie
ang nangyari kay Inigo Rances dahil hindi nya matanggap na sya ang
magkakaroon ng puntos.

-Flashback-

"Alam mo Aemie, hindi sa minamaliit ko ang kakayahan mo pero sa


pagkakakilala ko kay Mr. Roswell. Kaya nyang kumitil ng buhay ng kahit na
sino, kahit saang lugar."

"Ibig sabihin, pinagbibigyan lang talaga ako ni Zeke?"

"Kung talagang gusto ni Bossing manalo, hindi mo sya mauunahan" Dugtong


ko sa paliwanag ni Lampe. Tumahimik si Ms. Aemie at mukhang nag-iisip.
"Pero bakit naman? Si Zeke ang may sabi na ang matatalo hindi na hahawak
ng baril o kahit anong deadly weapon kahit kailan. Kaya bakit naman
magpapatalo si Zeke?" Naguguluhang tanong ni Ms. Aemie. Takte! "Yun ba
talaga sabi ni Bossing?" Tanong ko. Pati tuloy ako naguguluhan na.

-End of Flashback-

"The point of the game is to let her to do the things that will make her
feel better. Even if it's the strong urge of revenge. I want her to
explore life and learn from her own mistakes. But I will not let her do
all of these things alone," Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Lampe
dahil sa lalim ng pinaghugutan ng sagot ni Bossing.

"Amp! Bossing paano 'yung pustahan nyo?"


"If I win by earning points, things will get worse before they get
better. It may only push her to try harder in taking revenge"
Nagkatinginan ulit kami ni Lampe at hindi na tinangkang umimik kaya
tinignan kami ng masama ni Bossing.

"Tss. Dispose this" Iniabot niya sa aming dalawa ang isang syringe sa'kin
kaya nagulat ako. Para saan naman 'to? Si Lampe ang kumuha ng syringe at
inilagay sa pfft kumikinang na pouch bag na hawak nya.

Nag-umpisa na syang maglakad. Akala ko ba walang plano si Bossing na


sumunod kanila Ms. Aemie? Eh bakit ngayon, naglalakad na kami papunta sa
direksyon na pinuntahan nila?

"Ibang klase talaga 'tong si loverboy" Bulong ni Lampe. "Baka gusto


tayong i-kama baby Lampe" Bulong ko pabalik.

**

Jax Blaine's PoV

As we entered the VIP room, hinila ko agad sya at isinandal sa pader. I


saw fear at the same time shocked in her eyes. She wasn't really
expecting this. I pinned her against the wall. Her heart was pounding as
I looked down at her. "Roswell has a good taste" I whispered. Sinusubukan
nyang manlaban kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa mga kamay nya.

I was about to remove her dress when I felt something unusual, sumikip
ang paghinga ko. I can't move. Feels like unti-unting sumasakit ang mga
kalamnan ko hanggang sa mawalan ng pakiramdam lahat ng parte ng katawan
ko. Shit! I fell on the ground. In just a blink of an eye I can't feel
anything, pero p*tang*na alam ko pa ang nangyayari sa paligid.
Napasalampak din sa sahig si Aemie, may takot sa mga mata nya habang
nagmamadali syang kuhanin ang isang baril sa loob ng bag na dala niya.

Itinutok niya agad ang baril at pinaputok sa'kin. Shit! Funny thing is,
kahit ilang ulit niya akong paputukan ay wala akong nararamdaman hanggang
sa tuluyan na akong malagutan ng hininga.

**

Aemie's PoV

Nagising si Zeke nung tumabi ako sa kanya sa kama. Hawak-hawak ko ang


note kung saan nakasulat ang mga pangalan ng leaders ng Black
Organization pati ang papel na pinagsulatan ng rules ng game, at ang
isang lighter. Pero hindi nya pinansin ang hawak ko. "W-wife. Are you
still mad at me?" Tanong nya.

-Flashback-

Kakatapos ko lang maligo at magbihis pero hanggang ngayon nandidiri pa


din ako kasi naaalala ko 'yung nangyari. Natauhan lang ako nung
maramdaman kong may yumakap sa'kin. Muntik na ako dun. Muntik na.

"Stop crying" Mababa ang tono ng boses ni Zeke habang pinupunasan niya
'yung mga luha ko. Kanina pa pala ako umiiyak. "Muntik na ako Zeke—bakit
ba kasi ang tagal mong dumating?" Naiinis ako kay Zeke. Pakiramdam ko
kasi pinabayaan niya ako ngayon. "Alam ko namang parehas na'tin gusto
manalo Zeke pero hindi ko akalain na hahayaan mong ganon—" Naiinis ako—
dahil sa nangyari, naiinis ako sa sarili ko kasi sinisisi ko si Zeke.

Hahawakan nya sana ako pero inalis ko ang kamay nya. Pinunasan ko mag-isa
ang mga luha ko saka tumayo. "Wife—"

"Huwag mo akong kausapin!" madiing saad ko saka lumabas ng hotel suite.

**

Nagpalipas ako ng ilang oras sa chapel. At halos madaling araw na nung


bumalik ako sa hotel suite.

"Hindi ko pa pala naiitapon 'tong pinapatapon ni Mr. Roswell" Hindi ko pa


nabubuksan ng tuluyan ang pinto ng hotel suite nung matanaw ko kung ano
ang hawak ni Kaizer. Bakit may hawak si Kaizer na syringe? Pumasok ako sa
loob ng hotel suite, mabilis na itinago ni Kaizer 'yung hawak nyang
syringe kaya nagpanggap na lang ako na hindi 'yun nakita.

"Aemie, ayos ka na ba? Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Ros—" Diri-diretso


ako sa loob ng kwarto namin ni Zeke. Wala akong pakialam sa sinasabi ni
Kaizer.

Mahimbing ang tulog ni baby Bullet sa loob ng crib. Ganun din naman si
Zeke na tulog na tulog sa kama. Lumapit agad ako sa trash bin ng kwarto
namin para halungkatin ang gown na isinuot nya. Itinapon kasi ni Zeke
lahat ng isinuot niya kanina. Hayy! Bakit hindi ko mahanap ang hinahanap
ko.
Nakailang halungkat ako bago ko makita ang pouch bag na gamit ni Zeke
kanina. At tama nga ang hinala ko. Nakuha ko ang isang maliit na bottle.
Succinylcholine. Kung hindi ako nagkakamali, neuromuscular paralytic drug
'to. In short, it causes all the muscles in the body to be
paralyzed. They simply stop functioning, including those used for
breathing. Hindi lang siguro agad umepekto ang gamot dahil sa dosage na
ininject.

Inalala ko ulit ang nangyari kanina, habang tinitignan si Zeke na


natutulog.

Nung una, iniligtas ako ni Zeke nung muntik na akong mabaril ng tauhan ni
Inigo Rances, tapos ngayon muntik na akong mapagsamantalahan, sya pa din
ang dahilan kaya hindi natuloy.

-End of Flashback-

"I'm s-sorry it was—"

"Huwaaaa huhuhu dong" Hindi pa tapos magsalita si Zeke niyakap ko na sya


agad habang umiiyak ako. "Sorry na, galit ka ba sa'kin kasi sinisisi kita
kanina? Bati na tayo huhuhu" Inilayo niya ako sa kanya bago niya ako
sinagot. "I can never be mad at you" Huhuhu. Pagkatapos ko syang sisihin
kanina hindi man lang sya nagagalit? Abnormal talaga 'tong si Zeke eh

"Stop crying wife" Pinupunasan ni Zeke ang luha ko pero naiiyak kasi
talaga ako eh. "Ayoko na" Umiiyak na sagot ko.

"Huh?"
Ibinigay ko sa kanya ang note at papel ng rules na hawak-hawak ko at ang
lighter. "Ayoko na nyang game mo! Dinuduga mo ako," *pout* "Laging ako
ang nananalo kahit hindi naman talaga ako ang panalo"

Niyakap ako ni Zeke habang tumatawa sya. "Because that's what you want"

*pout*

Kinuha ko ulit sa kanya ang dalawang papel saka ko pinunit at itinapon sa


sahig. "Ayoko na nyan! Kaya walang panalo!!!"

Tinignan ko si Zeke kung ano ang magiging reaction niya sa sinabi ko.

Ngumiti lang sya ng nakakaloko saka ako hinila palapit sa kanya "Nah,
apparently we both won the game"

"Hin—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan na agad ako


ni Zeke. Kahit kailan talaga 'to si Zeke walang manners.

=================

Chapter 44

-After 6 months-

Amesyl's PoV
"Insan balak mo pa rin ba talagang isama sa mga ninong at ninang 'yang
unggoy na 'yan?" anim na buwan na ang nakakalipas simula ng mamatay sila
tito EIji. Ngayon lang nila planong ituloy ang binyag ng pamangkin ko.

Anim na buwan na ding payapa ang buhay namin. Siguro nga tama din 'yung
ginawa nila insan na hinayaan na lang nila si Terrence Von Knight. Umalis
na kasi siya sa pagiging leader ng Black Organization simula nung mawala
ang iba pang leader. Kaya ang Black Organization ay hawak na ngayon ng
Yaji at Roswells.

Kalong ko ang cute na cute kong pamangkin na parang pinagsakluban ng


langit at lupa. "Bullet, gusto mo bang maging ninong 'yung unggoy?"
Matatawa ka na lang kapag nakita nyo si Bullet. Hindi man lang
ngumingiti. Daig pa ang pinaglihi sa sama ng loob.

"Kita mo insan, hindi sumasagot anak nyo. Sabi ko naman sa'yo ayaw niya
talagang maging ninong si unggoy eh"

"Huwag mo akong kausapin insan naiirita ako sa boses mo" Sagot niya.
Menopausal ba 'tong si insan at napakasungit? Aba himala yata! Wala sya
sa katinuan ngayon.

"Pfft. Why are you so damn serious wife?" Okay, tingin ko kailangan ko ng
lumabas ng kwarto nila dahil nandito na ang asawa niya. "Ako na muna
bahala dito insan kay Bullet ah,"

"Pareng Bullet!" Sinamaan ko ng tingin ang unggoy na naglalakad palapit


at mukhang nagbabalak na kuhanin sa'kin si Bullet.

Itinulak ko palayo ang pagmumukha nung unggoy. Pilit kasi niyang


inilalapit sa pamangkin ko ang itsura nya. Akala mo naman nakakatuwa. Eh
ang sarap niyang sampalin. "Huwag mo ngang inilalapit 'yang pamumukha mo!
Kaya natatakot 'yung bata eh"
"Psh. Sa'yo nabu-bwisit 'yan!" Aba't talagang sumasagot pa 'tong loko na
'to ah. "Diba pareng Bullet?"

Lumingon kami sa dalawang tao na hindi mapag-hiwalay. Akala mo naman


ikaka-gwapo at ikaka-ganda nila 'yun. "Hey guys!"

"Yo mga 'tol"

"Yo Lee, Fauzia." Hindi ko alam kung anong meron dito sa dalawang 'to at
bakit parehas nakangiti. "May napapansin ka bang kakaiba dun sa dalawa?"
Inilipat ko ang tingin sa tsismosong unggoy na nagsasalita sa may tenga
ko. "Bakit mo ba ako kinakausap? Close ba tayo ha?" Feeling close din an
isang 'to eh.

**

Aemie's PoV

"Ano ba Zeke naiinis ako sa'yo pangiti-ngiti ka na naman dyan!" Kakapasok


lang ni Zeke ng kwarto pinaiinit na naman ulo ko. Hindi ba nya nakikita
na nag-aayos ako dito. Hindi na nga natuloy-tuloy ang binyag ni baby
Bullet eh.

Yumakap sa likod ko si Zeke saka nagsalita. "Look what I got here"


Pagkasabi niya nun ay ipinakita niya ang isang brown na supot ng drug
store? "Ano 'yan Zeke, wala naman akong sakit. Lumabas ka nga muna, an
gaga-aga iniinis mo na naman ako" Dahil hindi ko pinansin 'yung binibigay
niya sa'kin. Sya na mismo nagbukas.

Kumunot lalo ang nook o nung makita ko na ang laman. "Pregnancy test?"
Tanong ko.
"Ano dong, feeling chiks ka? Bakit may ganyan ka?" Ang lakas ding
mangarap nito ni Zeke, sa dinami-dami ng matitripang bilihin pregnancy
test pa.

Tumawa sya kaya hinampas ko sya ng mahina sa braso. "Ayan ka na naman


dong eh! Binubwisit mo na naman ako eh"

"It's not for me. It's for you," Natatawang sagot niya saka ako hinila
papunta sa CR. "Go ahead use it. I'm fucking excited to know the result"
Sya na mismo nagsara ng pinto ng CR kaya naiwan akong nakatayo at
nakatingin sa pregnancy test.

Nagulat na lang ako nung makadinig ako ng katok. "Wife are you done?"

"Kakasara mo lang ng pinto, done agad?" Nakakainis talaga 'tong si Zeke,


parang hindi nag-iisip.

Sinunod ko ang instructions na nakalagay sa likod ng lalagyan. 3 drops


lang daw ng chenes tapos hintayin na lang daw ang—"ANO BA ZEKE?! BAKIT KA
PASOK NG PASOK HINDI PA AKO TAP—" Mabilis na inagaw sa'kin ni Zeke ang
pregnancy test na hawak ko saka sya lumabas ng CR kaya naiwan akong
nakaupo sa bowl. Napaka-bastos talaga nung lalaking 'yun kahit kailan.

Dahil nasa C.R na din naman ako, at ang init ng panahon. Nag-shower na
muna ako bago lumabas ng C.R. Paglabas ko pa lang binuhat na agad ako ni
Zeke at inihiga sa kama "ZEKE!! ANO BANG—Hahahaha"

**

Kaizer's PoV

"Parang puno na ang diaper ni Bullet" Sabi ni tomboy. "Hoy unggoy. Kumuha
ka nga ng diaper sa taas papalitan ko ng diaper 'tong pamangkin ko"

"Huwaw! Makapag-utos ka kala mo—"


"O sige hawakan mo 'tong pamangkin ko, ako kukuha ng diaper. Ikaw na din
magpalit ng diaper"

Hinila ko agad si Lerwick na kanina pa tahimik na nag-iisip, pati si Lee


na napabitaw pa sa pagkakahawak ni Fauzia. At ang kakadaan lang na si
Boul, para samahan nila akong tatlo na kumuha ng diaper. Wengya! Ayoko
nga magkakasalubong landas namin ni Aemie, dahil high blood masyado
tapos.

"Hahaha magluluto na lang muna kami nila Caileigh, Meisha at Cassandra ng


lunch natin"

"Oh yeah right, it's almost lunch na din pala" sagot naman ni Caileigh na
kakabitaw lang ng hawak nyang magazine.

"Kukuha lang ng diaper gusto pa isang batalyon ang kasama?" Masungit na


sabi nung tomboy. Inilapit ko muna ang mukha ko sa mukha nya na halos
magkadikit nab ago ako nagsalita. "Wala kang pakialam—Aray!!" Potek! Ang
bilis ng kamay wengya!

Akmang magsasalita na ako para gantihan sya ng pang-aasar nung magsalita


ulit sya. "Kukuha ka ba ng diaper o gusto mong ikaw ang magpalit ng
diaper nito ni Bullet?"

Anak ng! "Psh."

"Hahahaha wala ka pala 'tol e" Binalingan ko ng tingin 'yung tatlong ugok
na tumatawa. "Dyan nagsimula lolo at lola ko pre" Pang-aasar ni Lee
habang paakyat kami ng hagdan.

"Baka hindi mo namamalayan 'to nahuhulog ka na pala sa pinsan ni Ms.


Aemie" Gatong pa nung siraulong si Boul.

"O ano 'to mga pre harap-harapang bastusan? Nandito ako oh" Mas
nakakagagong singit ni Lerwick. "Diba baby Lampe?" wika nya sabay himas
sa likod ko. "Ulul!" Bulyaw ko sa kanya.
"Hahaha tama na—hahahaha kasi Zeke-hahahaha." Nanlaki ang mga mata ko
sabay lingon sa tatlong ungas na nakangising aso na. Sabay-sabay naming
idinikit ang mga ulo namin at—

**

Aemie's PoV

Tumigil si Zeke sa pagkiliti sa'kin nung bumukas ang pinto at tumumba sa


sahig sila Kaizer, Vash, Sebastian at Jacob. Bumangon agad ako sa kama
saka ko kinuha ang baril sa ibabaw ng side table ng kama tinanong sila.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko pagkatutok ko ng baril. Dali-dali
silang apat na tumayo.

"W-whoa t-teka. Relax Aemie, K-kukuha lang kami ng diaper ni B-Bullet"


Kinuha ni Zeke sa'kin ang baril na hawak ko pero hindi ko inalis ang
masamang tingin ko kanila Kaizer. Bakit ba kasi kahit dito sa bagong
bahay namin nila Zeke kasama namin sila? Pwede naman sa ibang bahay na
sila tumira.

"Akala ko ba kukuha kayo ng diaper ni baby Bullet? Bakit nakatayo pa kayo


dyan?"

"Hahaha" Inakbayan ako ni Zeke saka kiniss sa left cheek kaya inilipat ko
sa kanya ang tingin ko. "Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Tanong ko pero
lalo lang natawa si Zeke saka ulit ako kiniss. Ano na naman ba problema
nito? Pero aysa bwisitin ko ang sarili ko, mas mabuti pang kuhanin ko na
lang si baby Bullet kay insan para alagaan. Ibinalik ko ang tingin dun sa
apat na ngayon ay pangiti-ngiti na na habang tinitignan kami ni Zeke.

"Sinabi ko bang ngumiti kayo?" Tanong ko sa kanilang apat.

**
Meisha's PoV

"Talaga? Ibig sabihin kayo na ulit ni Vash?" Tanong ni Fauzia.


Nakangiting tumango si Caileigh. I know these two will end up together,
kasi kahit naman hindi sila magsalita obvious naman na mahal pa rin
talaga nila ang isa't-isa. "I'm happy for the both of you" I said with a
smile habang patuloy sa paghihiwa ng karne.

"Ibig sabihin ate na ulit kita?" May halong pang-aasar sa mga ngiti ni
Milka. "Huwag mo na ulit iiwan si kuya Vash ah" Dugtong pa niya.

"Oo naman 'no! I love him kaya"

"Eh kailan kayo magpapakasal?"

Nagtawanan kami dahil nag-blush si Caileigh sa tanong ni Milka. Pilya


talaga 'tong kapatid ni Vash. No wonder kung bakit nagustuhan sya ni
Lerwick. Tumungo ako at ipinagpatuloy ang paghihiwa nung may pumasok sa
kusina.

"Oh Ame, where's baby Bullet?" Tanong ni Caileigh kay Amesyl na dumampot
ng hinihiwa ni Caileigh na carrots saka kinain. "Kinuha ni insan sa'kin
eh. Sya na daw magpapalit ng diaper at magmomoment daw sila ni baby
Bullet sa labas"

"Eh si Max nasaan?" I asked habang nakangisi. I will be the happiest


sister on earth kung silang dalawa ni Max ang magkakatuluyan. I really
love their tandem. Lalong-lalo na kapag binabara ni Amesyl si Max sa mga
kahanginan nito. "B-bakit ako ang tinatanong mo?" Umiwas ng tingin si
Amesyl kaya natawa kami. "Malay ko sa unggoy na 'yun"

**

Aemie's PoV
Maganda ang panahon ngayon kaya pagkatapos kong palitan ng diaper ay
dinala ko si baby Bullet dito sa garden para basahan ng fairytale. Nasa
loob sya ng stroller habang ako naman ay nakaupo sa duyan. "Once upon a
time, there was a kind girl named Cinderella. All of the animals loved
her especially the two mice name Gus and Jaq. They'd do anything for the
girl they called Cinderelly" Nginitian ko si baby Bullet na titig na
titig sa'kin. Ganyan sya lagi tuwing binabasahan ko sya ng mga fairytale.

"Cinderella lived with her stepmother and her two stepsisters, Anastasia
and Drizella.They were very mean to Cinderella, making her work all day
cleaning, sewing, and cooking. She tried her best to make them happy. She
enjoyed giving Cinderella extra chores to do, such as bathing her cat,
Lucifer." Pagkalipat ko ng sunod na pahina ng story book ay nabaling ang
atensyon ko sa pigura ng tao na natanaw ko sa peripheral vision ko.
Parang may naaninag ako kaninang tao sa labas ng bakod na nakatingin
sa'min.

Tumayo ako saglit at sinubukang ilibot ang mga mata ko sa buong paligid
pero wala naman. Siguro guni-guni ko lang.

Umupo ulit ako at pinat ang ulo ni baby Bullet na hindi inaalis ang
tingin sa'kin. "One day, a messenger arrived with a special invitation.
There was going to be a royal ball at the palace" Nakangiting
pagpapatuloy ko sa binabasa ko. "The King wanted his son to find a bride.
Every young woman in the kingdom was invited—including Cinderella."
Isinara ko agad ang libro na binabasa ko dahil ang weird ng feeling ko.
Pakiramdam ko may nagmamasid sa'ming dalawa.

Binuhat ko agad si baby Bullet para pumasok sa loo—"Omygod!" Kung may


sakit ako sa puso, siguro inatake na ako sa sobrang gulat kay Zeke.
"Bakit ka ba nanggugulat Zeke?! Basta-basta ka na lang sumusulpot"

"Sorry wife, I didn't mean to scare you. I was just about to call you for
lunch" Kinuha niya sa'kin si baby Bullet saka niya hinawakan ang isang
kamay ko. Nagpalinga-linga pa ako at tumingin-tingin sa paligid habang
naglalakad kami ni Zeke papasok sa loob. "Is there something bothering
you?" Tanong niya. Nasa may tapat na kami ng main door kaya umiling na
lang ako at pinilit ngumiti para hindi na ulit magtanong si Zeke.

"Naks! Happy family ah!" Sinimangutan ko si Kaizer na pangiti-ngiti


sa'min pagpasok namin ng pinto. "Insan, pwede bang patulong dito sa
kusina saglit. Hindi kasi namin makita 'yung cheese grater" Sabi ni insan
pagkalabas niya ng kusina. Lumingon muna ako kay Zeke saglit para
magpaalam. "Go ahead, I'll take care of our son"

**
Meisha's PoV

"Mamaya 'yang asaran na 'yan mauwi sa kasalan ha Amesyl-girl—Oh here's


Aemie-girl na pala. Kanina pa namin hinahanap 'yung cheese grater. Where
ba nakalagay?" Lumapit si Ms. Aemie sa isa sa mga cabinet and viola
nandoon lang pala ang kanina pa namin hinahanap. "Mata kasi ang gagamitin
sa paghahanap Caileigh ha" Masungit na sagot ni Ms. Aemie. She's a little
weird these past few days.

"Hahaha sorry Aemie-girl."

"Bakit parang ang saya nyo yata. Anong meron?" Tanong ni Ms. Aemie habang
tumitikim ng cheese na gine-grate ni Caileigh. Moody, craving for cheese,
I think I already figured out kung bakit.

"Simply because... Fauzia and Jacob are getting married"

"H-ha? Kayo ba?" Natawa kaming lahat dahil ganyan din ang initial
reaction namin when we heard the news. "Papaano kayo magpapakasal eh
hindi naman kayo mag-boyfriend?" Tanong ni Ms. Aemie.

"Bakit insan nung kinasal ka ba sa asawa mo naging mag-boyfriend muna


kayo?" Tanong ni Amesyl after bitting an apple. "Insan, iba naman 'yung
sa'min ni Zeke" sagot ni Ms. Aemie pagkatapos tumingin ulit sya kay
Fauzia. "Guardian angel, sigurado ka bang magpapakasal ka kay Jacob? Baka
lokohin ka lang—"

She's almost done with her line nung pumasok si Lee at lumapit kay
Fauzia. Followed by Vash na lumapit kay Caileigh. Okay, lovebirds
everywhere. "Miss Aemie, mahal na mahal ko si Fauzia at hindi ko sya
lolokohin" Hindi pa din naniniwala si Ms. Aemie sa mga sinasabi ni Lee,
and it's obvious on her reaction. "Ewan ko sa inyong dalawa"

"Congrats! Sino ikakasal—whoa Lee, hindi ka na torpe?" That's Max na


kakapasok lang dito sa kusina.
"Ulul! Sino kaya torpe sa'ting dalawa?" Lee said with a smirk.

"Inggit ka na namang unggoy ka? Palibhasa walang magkamaling pumatol


sa'yo"

"Hoy tomboy huwag mo akong simulan ha!"

Ilang saglit pa ay dumating si Wallace with a bouquet of roses and gave


it to Cassandra. They're dating each other for a month now. And it's a
good thing dahil mas nanumbalik ang dating samahan nila Mr. Roswell at
Wallace nung napadalas ang pagpunta niya dito.

"Hindi mo ba kasama si JK?" Amesyl asked. Hindi nakaligtas sa paningin ko


ang itsura ng kapatid ko nung magtanong si Amesyl about Jerson Ken.
"Nagtext sa'kin si Blood ang sabi may date daw sya ngayon" Max answered
so I laughed. Is he jealous or something? "Ikaw ba tinatanong ko unggoy
ha?"

"Oh Zeke, nasaan si baby Bullet?"

"He fell asleep, so I put him on his crib"

Mr. Roswell and Ms. Aemie, Caileigh and Vash, Jacob and Fauzia, Max and
Amesyl, Wallace and Cassandra, and I'm now out of place.

Where's Milka and Sebastian by the way?

"I think kailangan ko na tawagin sila Lerwick para makapag-lunch na tayo"


As I walked out from the kitchen ay sinimulan ko ng hanapin sila Lerwick.
Saan naman kaya nagsuot 'yung lalaking 'yun? Una kong pinuntahan ang
kwarto niya para i-check pero wala. Tinignan ko din ang kwarto ni Milka
pero wala ding tao.

Halos malibot ko na ang buong bahay nung maisipan kong lumabas. And there
I saw the both of them. Seryoso sila parehas na nag-uusap. Palapit na
sana ako para tawagin silang dalawa nung may madinig ako.

"Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo 'to kaso takte! Hindi ko alam kung
paano ko sisimulan" Natigilan ako nung makita kong kinuha ni Lerwick ang
kamay ni Milka. Oh shit Meisha, umalis ka na. This isn't good. "Mahal na
mahal ki—" I turned my back to run away dahil hindi ko mapigilan ang luha
ko. I wasn't expecting that. And it fcking hurts like hell.

**

Sebastian's PoV

"Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo 'to kaso takte! Hindi ko alam kung
paano ko sisimulan" Kinuha ko ang mga kamay ni Shin saka tumikhim bago
ipinagpatuloy ang sasabihin ko. "Mahal na mahal kita...Mei"

Binitawan ni Shin ang kamay ko saka ako hinampas. "Alam mo ang pangit!
Wala man lang ka-emo-emotion"

Takte! "Ano pa bang emotion ang sinasabi mo. Hindi pa ba madadama ni Mei
'yun?"

"Syempre ano ka ba naman! Habaan mo pa ng konti ang speech mo. Ilabas mo


kasi lahat ng feelings mo. Hello Lerwick! Ang tagal mo kayang tinago
niyang nararamdaman mo. Siguro naman madami-dami 'yang gusto mong sabihin
diba?"

Kailangan ba talaga ganun? "Ano na? Bilisan mo na. Malapit na si Phoenix.


Baka mamaya nandi—Oh! Nandito na nga!" Lumingon ako sa kakarating lang.
Tumakbo agad si Shin para salubungin ng yakap si Phoenix Strife. Ampupu!
Hindi pa ako tapos mag-pratice sa speech ko kay Mei dumating naman agad
ang isang 'to.

"Yo!"

"Yo pre!"
Nag-uusap at lambingan silang dalawa kaya sumibat na ako at pumuntang
kusina. Nakaupo na silang lahat sa dining table at mukhang mag-uumpisa ng
kumain. "Oh 'tol. Nasaan si Milka at Meisha?" Petengene! Puro loverboy
pala ang nandito sa kusina. Nasaan ba kasi si Mei? "Si Shin kasama ni
Strife. Si Mei—nasaan si Mei?" Tanong ko sa kanila.

"Akala ko tatawagin niya kayo?"

**

Aemie's PoV

"Eat a lot" Bulong ni Zeke habang patuloy sa paglalagay ng pagkain sa


plato ko.

"Sige hahanapin ko muna si Mei" Para silang mga sira. Ang aga-aga pa
nagtataguan na. Hayy. "Ikaw din Zeke kumain ka ng kumain" Bulong ko kay
Zeke habang nilalagyan ko naman ng pagkain ang plato niya.

"So when is your wedding date?" Tanong ni Zeke kanila guardian angel at
Jacob. Magpapakasal ba talaga sila?

"Wala pang date Boss, pero as soon as possible sana" Tinitignan ko ang
mga kamay nila Jacob at guardian angel na magkahawak. Parang kinikilig
naman ang iba pa naming kasama dito sa kusina. "Well, congratulations"
Bati ni Zeke sa kanila. Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin kay
Jacob. "Ha-ha-ha Ms. Aemie naman, natatakot ako sa mga tingin mo"

Bakit ba sinagot 'to ni guardian angel? Parang hindi naman nakaka-in


love. Isa pa 'tong si Caileigh, nakipag-balikan pa kay Vash. Pati itong
si insan mukhang nagkakagusto na kay Kaizer. Wala ba silang taste?

"Wife, what are you thinking?" Nawala ako sa pag-iisip nung hawakan ni
Zeke ang kamay ko. "Zeke, sure ka bang matino 'tong mga kaibigan mo? Para
naman kasing puro kalokohan lang ang alam nila" Diretsong saad ko.
"Aray ko bhe! Kahit naman gwapo ako Aemie, matino naman ako" singit ni
Kaizer sa usapan namin ni Zeke. "Kita mo 'yang si Kaizer, daig pa ang
naka-shabu. Laging high" Bulong ko pa kay Zeke kaya tumawa naman sya.
"Stop worrying too much Mrs. Roswell. It's not good for our baby"

Pinasingkit ko ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Zeke. "Ano namang


connect ng pag-iisip ko kay baby Bullet?"

"Oh my gosh!"

"Congrats!"

"Naks umaariba Mr. Roswell ah!"

Naguguluhan akong tumingin sa mga kasama namin na nakangiti at nakatingin


sa'min. Ibinalik ko ang tingin ko kay Zeke. Hindi ko nage-gets ang mga
pangyayari hanggang sa magsalita sya. "We're having our second baby in
few months"

"Talaga dong?!"

"Yeah, so relax and eat" Pinaupo ulit ako ni Zeke para kumain. Ibig
sabihin may chance na maging Ulap Tweet Tweet ang pangalan ng sunod
naming baby?

**
*yawn* Kaya pala inaantok na naman ako lagi kasi buntis ako. "You tired?"
Magkahawak ang mga kamay namin ni Zeke habang paakyat sa kwarto. Tingin
ko nga kailangan kong matulog saglit. "Uhmm medyo?" Sagot ko. Hinawakan
niya ako sa bewang at isinandal ang ulo ko sa balikat niya habang
naglalakad kami.

"Buti hindi pa nagigising si baby Bullet" Sabi ko nung malapit na kami sa


kwarto. Wala kasi kaming nadidinig na ingay eh.

Pagkapasok namin ay dumiretso agad ako sa crib para i-check si baby—


"OMYGOD ZEKE!!!" Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nung makita kong
walang laman ang crib. At wala pang tatlong segundo nasa tabi ko na agad
si Zeke. "FCK!" Sabay kaming nagmadali at aligaga sa paghahanap.

Umiiyak na ako habang abot-abot ang kaba na nililibot at chine-check ang


buong kwarto. Samantalang si Zeke ay kumaripas na ng takbo palabas ng
kwarto.

Nung nalibot ko na lahat ay nagmadali akong lumabas ng kwarto. Lahat na


yata ng santo natawag ko na habang pababa ako ng hagdan. "Shit wala naman
sa garahe 'tol"

"Chineck ko na din lahat ng kwarto"

Hilong-hilo akong naglakad palabas ng bahay. Plano ko sanang mag-drive at


magbakasaling maghanap nung matanaw ko si Zeke sa garden.

Daig ko pa ang nabunutan ng tinik nung may makita akong baby na yakap-
yakap niya kaya agad ko silang nilapitan kahit halos hindi na ako
makalakad sa sobrang hilo. "P-paano napunta dito si baby Bullet, Dong?"
Tanong ko. Ang pagkakatanda ko kasi sabi ni Zeke sa crib niya iniwan si
baby Bullet. "Take a look at this" Iniabot niya sa'kin ang isang sulat.

Halos masuka ako dahil sa amoy ng dugo na ginamit na pangsulat sa papel.

We will take and kill your son... soon.

– Black Organization
Nagtakha ako dahil sa nakasulat sa papel. Kami na ang may hawak ng Black
Organization. Kaya anong ibig sabihin nito. "Black Organization?—
Papaanong—"

"I don't know. Let's get inside wife" Lumakad na si Zeke pabalik sa bahay
pero hindi ko maiwasang ilibot ang tingin ko sa paligid kaya mas lalo
akong nahilo.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak na ako sa sahig

"Shit! Wife!"

Bago ko ipikit ang mata ko may nakita akong pigura ng lalaki sa malayo na
nakatingin sa gawi namin.

=================

Chapter 45

Amesyl's PoV

"The handsome and the beast, the handsome and the beast, the handsome and
the beast" Tumatawa si Bullet tuwing tinuturo at sinasabi kong beast
'tong unggoy na may karga sa kanya kaya paulit-ulit ako. "Tomboy huwag mo
ngang turuan ng kagaguhan si pareng Bullet"

"Anong kagaguhan? Eh tuwang-tuwa nga sa sinasabi ko" Depensa ko. Totoo


naman eh. Bihirang-bihira tumawa si Bullet at talagang tuwing tatawagin
pang beast 'tong unggoy. "Ayaw mo nun? May silbi ka na sa mundong ibabaw
ngayon. Ang patawanin si Bullet"

"Psh. Sa sinasabi mo ba talaga natatawa o sa itsura mo?" Nakangising


tanong niya. Hinahamon ba ako nitong GGSS na 'to? "Sa'yo. Mukha ka daw
kasing joke"
"Ang gwapo ko namang joke" Hahawak-hawak pa siya sa baba niya at talaga
namang nakakairita ang pagmumukha. "Alam mo—" Hindi ko pa tapos ang
sinasabi ko may nadinig na kaming yabag ng mga paa na mabilis na pababa
ng hagdan.

"Kamusta na si insan?" Tanong ko. Kanina pa din kami naghihintay dito sa


salas dahil lahat kami ay nag-alala nung mawalan ng malay si insan
kanina.

"She's fine. But according to her OB, she has a weak cervix and she's
told to spend much of her time lying down on the bed, for now" Sagot
niya. Ang ilan sa'min ay nagkatinginan dahil dun. Parang ang hirap ng
ganun ah.

Nakakunot ang noo ko nung bumulong ako sa unggoy. "Ganyan din ba si insan
noon? Nung buntis kay Bullet?" Umiling lang siya. Sinundan ko ng tingin
ang tinitignan niya. Nakatitig siya sa asawa ni insan at mukhang malalim
ang iniisip. At ano naman kaya ang iniisip ng unggoy na 'to.

Nakasunod kaming lahat sa kanya na lumapit sa bintana at sumilip sa


makapal na kurtina. "Bossing, may problema ba?"

"What do you think Lerwick?" Sagot niya habang nakatingin pa din sa


labas. "Mukha ngang may problema" Bulong nung unggoy. "A-Ano ba!"
Itinulak ko ang mukha niya palayo dahil hindi ko napansin na magkalapit
na pala ang mga mukha namin.

"Ano ba problema mo?!" Nagulat din siya sa pagtulak ko kaya medyo


napataas ang tono ng boses niya. Tumingin tuloy silang lahat sa amin."Ah—
-ha-ha-ha. May pinag-uusapan lang kami Mr. Roswell nitong tomboy.
Pasensya na," Nung tignan ko 'yung asawa ni insan, nakatingin pala sya ng
masama sa unggoy. Pati tuloy ako nahiya dahil pati 'yung iba naming
kasama, nakatingin na sa'min nitong unggoy. Ka-lalaking tao kasi napaka-
eskandaloso.
Ilang saglit pa ay bumaba na din ang doktora na nag-checkup kay insan
kaya tumayo kami. "Okay na naman si Mrs. Roswell, pero hangga't maaari
dapat ay nakahiga lang sya parati lalo na ngayong first trimester ng
pagbubuntis niya dahil malaki ang posibilidad na makunan sya" Saad nung
doktora.

"Sige po, makakaasa po kayo" Ako na ang sumagot dahil mukhang wala sa
mood ang asawa ni insan. "Iniwan ko na din sa table niya ang vitamins na
kailangan niyang i-take every day" Paalala pa nung doktora. "And please
visit me regularly for her prenatal check—"

"Can't you just fucking leave?! You're so damn loud and annoying"

"I'm sorry. I'm leaving" Magalang na paalam nung doktora saka mabilis na
umalis.

Kakasara pa lang ng pinto, bigla na namang bumukas ang pinto kaya sabay-
sabay kaming napatayo at tumingin kung sino ang dumating. "What
happened?" Humahangos si tita at alalang-alala nung pumasok sya dito sa
bahay. Tinawagan ko kasi agad sya kanina nung may mangyari. Pati 'yung
kuya ko at syempre tinawagan ko din si... JK, hehe.

Lumapit ako kay tita na balisang-balisa pa sa ngayon. "Ang mabuti pa po


tita, puntahan na lang na'tin si insan sa taas" Tumingin ako sa asawa ni
insan para malaman kung agree ba sya na pumunta kami ni tita sa taas.
Nung tumango siya ay saka lang kami umakyat ni tita sa taas.

"Baby Ae!" Dali-dali si tita sa paglalakad at pagbubukas ng pinto ng


kwarto nila insan. "Mommy" Babangon sana si insan para salubungin si tita
pero lumapit ako agad sa kanya saka pinigilan siyang bumangon. "Insan ang
sabi ng doctor mahiga ka lang daw diba? Makakasama sa inyo ng baby mo
'yan sige ka" Nilipat ko ang tingin ko kay tita dahil alam kong
magtatakha siya dahil hindi pa naman niya alam ang tungkol sa pagbubuntis
ni insan.

At tulad nga ng inaasahan kong reaction niya. Halatang nagulat siya pero
hindi na siya kumibo. Lumapit din siya kay insan para umupo sa tabi ng
kama.

"Nawalan po kasi ng malay kanina si insan nung inakala naming nawawala si


Bullet" Ako na ang unang nagpaliwanag dahil tahimik lang si insan.
"Mommy, dito po kasi iniwan ni Zeke si baby Bullet. Kaya nakakapagtakha
naman masyado kung sa garden namin siya makikita diba?" Dugtong ni insan.
Nakakapagtakha naman talaga kung papaano napunta ang pamangkin ko dun. Eh
ni hindi pa nga 'yun marunong maglakad.

"Tapos ang nakakapagtakha pa po, may sulat pang nakalagay" Sabi pa ni


insan.

"Sulat?!" Sabay kami ni tita na nagulat sa sinabi ni insan kaya


nagkatinginan din kami. "Anong sulat baby Ae?" Tanong ni tita.

"Nakalagay po na kukuanin nila si Baby Bullet, tapos nakalagay po na


galing daw 'yun sa Black Organization" Sagot ni insan. Paano naman
mangyayari 'yung sinasabi niya? Eh hindi ba't kanila na ang Black
Organization. "Ibig bang sabihin insan may gumagamit ng pangalan ng Black
Organization? Imposible naman kasi, diba? O kaya pwede ding dating leader
ng Black Organization ang gumagawa niyan" Biglang sumagi sa isip ko si
Terrence Von Knight na umalis na sa Black Org. Hindi kaya sya ang
gumagawa nitong mga 'to?

"Amesyl, mabuti pa tawagin mo muna si Roswell sa ibaba para makapag-usap


kaming tatlo nila baby Ae dito sa kwarto. Pakisabi din na isama niya ang
apo ko dito" Utos ni tita Alyana.
"Sige po tita." Mabilis na sagot ko. "Insan, sa baba muna ako" Tumangi si
Aemie sa'kin saka bumalik sa pag-iisip niya ng malalim.

**

Sebastian's PoV

Kanina pa dumating 'yung bulaklak na pina-deliver ko pero petengene!


Hindi ako makakuha ng tyempo para kausapin si Mei. "M-Mei" Takteng dila
naman 'to ngayon pa nautal. Buti na lang at gwapo ako kaya hindi
masyadong halata.

Tinignan ako ni Mei kaya napalunok ako. "P-pwede ba kita makausap?"


Halatang wala sa mood si Mei pero kailangan ko na sya makausap bago pa
malanta 'tong hawak kong bulaklak sa likod ko. "Wala tayong pag-uusapan
Lerwick" Umiwas agad ng tingin si Mei at nag-umpisang maglakad palayo.
Shit naman!

Tumakbo ako para habulin si Mei pero binilisan niya rin ang
paglalakad.Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan syang makalayo pero
inalis niya ang pagkakahawak ko. "Lerwick ano ba!" Hinawakan ko ulit si
Mei. "Makinig ka muna sa'kin Mei" Huminto si Mei sa paglakad palayo kaya
pumwesto ako sa harap niya.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka sya nag cross-arms. I
gulped. Halatang wala sa mood si Mei pero futa! Wala ng atrasan to. "Ano
ba kasing sasabihin mo?" Shit ito na! Potek!

Ano nga ba 'yung pinraktis ko kaninang linya? Tang*na! Bakit ngayon ko pa


nakalimutan?! Takte naman! "Pinagti-tripan mo ba ako Lerwick? Hindi na
kasi nakakatuwa" Tumatagaktak na ang pawis ko sa noo sa sobrang nerbyos
at mas lalo pa akong kinabahan nung tignan ko si Mei. Nangingilid na ang
luha niya sa mga mata. Amputs!

"A-ano kasi Mei" Humigpit ang hawak ko sa bouquet ng bulaklak na nasa


likod ko dahil sa sobrang kaba. Umalis na ng tuluyan si Mei kaya naiwan
akong nakatayo at hindi pa rin nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin.
Shit!

Lumingon ako at tinignan sya habang mabilis na naglalakad palayo. "Mahal


na mahal kita Mei" Katamtaman lang ang lakas ng boses ko para madinig ni
Mei.

Tumigil sya sa paglalakad kaya nagsimula na akong magsalita habang


naglalakad palapit sa kanya. "Mahal na kita noon pa man, kaso lintek na
'yan! Hindi ko alam kung paano poporma" Natawa ako at napailing. "Sa
dinami-dami ba naman kasi ng babae sa mundo na pwede kong magustuhan,
'yung babaeng may mahal na iba pa ang minahal ko. Tang*na diba?" Nung
makalapit ako kay Mei, iniabot ko sa kanya ang bouquet ng bulaklak na
kanina ko pa hawak-hawak.

Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi. Saka ko itinuloy 'yung sasabihin


ko. "Nakakatawang isipin. Ang gwapo kong nilalang pero ang torpe ko sa
pag-ibig" Sinamaan ako ni Mei ng tingin kaya binawi ko agad ang sinasabi
ko. Takte! Nagbibiro lang naman ako dahil ayoko syang nakikitang umiiyak.

Tang*na heto na naman ako at hindi ko na naman masabi ang gusto kong
sabihin. Amfufu! Napahilamos ako ng mukha dahil nakatingin sa'kin si Mei.
"A-ano Mei. P-pwede bang manligaw?" Hooooo! Syet! Nasabi ko din!

**
Kaizer's PoV

Natahimik ang buong paligid nung matanaw namin si Mei na naglalakad sa


hallway sa tapat mismo namin. "Anak ng!" Bulong ko, nung makita kong
umiiyak ang ate ko. Tatayo sana ako para lapitan sya pero pinigilan ako
nung tomboy na katabi ko. "Tignan mo 'yun oh" Bulong niya habang turo-
turo ang naglalakad palapit at may hawak na bulaklak. Wengya!

"A-ano Mei. P-pwede bang manligaw?"

Pinipigilan kong matawa habang patuloy si Lerwick sa pagdiskarte sa


kapatid ko. Ibang klase 'tong dalawang 'to ah, dito pa talaga sa harap
naming lahat piniling magligawan.

Wala namang kaso sa'kin kung sila ng kapatid ko ang magkatuluyan. Mas
pabor pa nga sa'kin 'yun dahil madali ko syang mapapatay oras na lokohin
nya kapatid ko.

"D-diba si Milka ang mahal mo?"

"Huh?"

Nagkatinginan kaming dalawa nung tomboy na katabi ko saka kami sabay na


tumingin kay Milka. Aba'y gago 'tong si Lerwick ah. Dalawa-dalawa
kinakana?

Tumingin sa'min si Milka saka sya umiling. Hinigpitan niya ang hawak niya
sa braso ni Phoenix Strife saka isinandal ang ulo niya sa balikat nito.
Wengya! Oo nga naman. May Strife na si Milka, ano bang sinasabi nitong
kapatid ko?

"Nadinig ko kanina pag-uusap nyo ni Milka... sabi mo..." Tumungo ang


kapatid ko kaya binalingan ko ng masamang tingin si Lerwick. Gago 'tong
si Lerwick ah! Tatayo na ulit sana ako para lapitan sila pero pinigilan
na naman ako nung tomboy sa tabi ko. "Huwag ka na sabing mangialam"
Bulong niya ng may diin. Anak ng!

Tinignan ko ang mga kasama namin, at takte lang! Bakit nakangiti silang
lahat? Hindi man lang ba nila nakikita na gingago na nitong si Lerwick
ang kapatid ko. Wengya!

"...sabi mo mahal mo si Milka" Pagpapatuloy ng kapatid ko. Aba'y matinde!


Talaga namang—"Hahahaha! Ate Meisha, nagpa-practice lang kami kanina ni
panget ng speech niya para sa'yo" Gulat na gulat silang dalawa na
tumingin sa amin. Sa madaling salita, hindi nga nila alam na nandito
kami? Ampotek 'tong mga 'to!

**

Sebastian's PoV

Shit! Bakit sila nandito? Napahilamos ako ng mukha dahil sa kahihiyan.


Tinamaan ng lintek! Pati mga siraulo nandito pa. Hindi na nga ako
magkaintindihan sa sobrang kaba, tapos may audience pa pala kami.
Nakakunot ang noo ni Mei habang nakatingin kanila Shin at Strife na
magkahawak ang mga kamay ngayon. "Totoo 'yung sinasabi ni Shin, Mei.
Nagpapatulong kasi ako kanina. Takte!" Tinignan ko ng masama sila Lampe,
Boul at Lee nung sumisimple ng tawa.
"Torpe kasi 'yang pangit na 'yan ate Mei" Inilipat ko ang masamang tingin
ko sa kapatid ni Boul. Kung hindi lang 'to cute matagal ko na 'tong
pinatulan eh. Ayos na diskarte ko eh. Dinudugtungan pa ng ganun
petengene! "Ahh Mei" Tinawag ko si Mei kasi mukhang di pa din sya
naniniwala.

"Psh. Oo na. Sige na, sige na" Tumalikod si Mei sa'kin at akmang
maglalakad na palayo kaya pumwesto ulit ako sa haapharap ni Mei at
hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Anong oo na Mei?! Ibig sabihin
tayo na?"

"Hoy gago! Anong kayo na?! Ang sabi mo kanina liligawan mo lang kapatid
ko" Tinignan ko ng masama si Lampe na malakas bumasag ng trip. Tang*nang
'to! Hindi na nga pinansin ni Mei eh, pinansin pa niya. "Huwag kang
magselos baby Lampe, ayaw mo ba nun? Kapag kami ni baby Mei nagkatuluyan,
araw-araw na tayong magkasama sa bahay" Sabi ko kay Lampe sabay kagat sa
mapupula kong labi at akbay kay Mei. "Awts!" Napahilamos ako sa gwapo
kong mukha nung ihampas sa'kin ni Mei ang bulaklak na hawak niya.
Paksyet! Nawala tuloy pagkaka-akbay ko sa kanya.

"Baliw ka talaga!"

"Baliw sa'yo" Sabi ko sabay kindat kay Mei.

Natawa si Mei kaya umakbay ulit ako. "Lerwick 'yang kamay mo ah"
Tinapunan ako ng masasamng tingin ni Mei kaya inalis ko na pagkaka-akbay
ko habang tumatawa. "Haha biro lang. Labyu!"

Sinamaan ako ng tingin ni Mei kaya napakamot ako ng batok. Ang ganda
talaga ni Mei paksyet! Palihim akong ngumiti dahil takte! Ayokong
magmukhang siraulo dito na pangiti-ngiti.
"Tita Alyana!" Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ni Ma'am Alyana
na nagmamadaling lumabas ng bahay. Kasunod niyang naglalakad ang pinsan
ni Miss Aemie na tumayo sa sofa para sundan siya. "Tita saan po kayo
pupunta?" Humarap si Ma'am Alyana. Inilibot niya ang tingin niya sa'min
bago niya tinignan ng mata sa mata ang pinsan ni Miss Aemie. Takte!
Mukhang rakrakan na naman 'tong iniisip ni Ma'am Alyana ah.

"May aalamin lang ako. There's nothing to worry about" Sabi niya. 'Yun
naman pala eh! Ngumiti siya sa'min saka ulit nagsalita. "Ang mabuti pa,
asikasuhin nyo na ang binyag ng apo ko. Ang gusto ni baby Ae at Ezekiel
ay sa isang araw na gawin ang binyag" Dugtong pa niya.

Whoa! Syet! "Ang bilis naman yata?" Tanong ko. Kung sa bagay, anim na
buwan na din naman ang gwapo kong inaanak na mana sa'kin. "It's for the
better," Sagot niya saka niya kami tinalikuran at naglakad palabas ng
pinto.

**

Amesyl's PoV

"Insan, anong sabi ng pari? Pwede ba raw siya sa isang araw?" Inaayos ko
ang pagkain ni insan na personal na niluto ng asawa niya. Kaso hindi din
naman siya nagawang pakainin dahil umalis din agad pagkatapos magluto.
Karga-karga ni insan si Bullet kahit na nakaupo siya sa kama. "Oo insan.
Naipadala na rin namin ang mga invitations kanina pagkaalis pa lang ni
tita kaya tuloy na tuloy na ang binyag ni Bullet sa isang araw" Sagot ko.

"Ahh eh saan nagpunta si Zeke?" Tanong ulit niya.


Hindi ba sinabi sa kanya ng asawa niya? Kasi hindi ko din alam kung saan
nagpunta. Ako ba ang asawa? "Hindi naman sinabi insan" Tipid na sagot ko
habang nag-aayos ng pagkain sa tray.

"Yun talagang lalaking 'yun, hindi mapirmi dito sa bahay" Pfft. Bugnot na
bugnot na naman si insan as usual. "Amina na muna si Bullet insan, kumain
ka muna" Sabi ko naman saka ko kinuha si Bullet at ipinatong sa tabi niya
ang tray ng pagkain.

Iniwan ko muna si insan sa kwarto habang kumakain siya. Ako na muna ang
nag-alaga kay Bullet. "Hoy unggoy!" Tawag ko sa unggoy na nasa may tapat
lang din ng kwarto nila insan. Agad naman siyang lumapit sa'kin kahit
nakakunot ang noo niya. "Saan nagpunta asawa ni insan?" Tanong ko.
"Tinatanong sa'kin kanina hindi ko alam isasagot eh. Kilala mo naman si
insan, mamaya hahanapin na naman ang asawa niya" Dugtong ko pa.

"Hindi ko alam eh. Wala ring nabanggit sa'min si Mr. Roswell" Tinitigan
ko si unggoy na nag-iisip ng malalim. Kung titignan pala, kapag seryoso
may itsura rin naman pala siya kahit papaano. "Baka naman aalamin niya
kung sino ang may gawa nung kanina?" Pero mas gwapo pa rin talaga si JK.

"Ano sa tingin mo tomboy?" Hhmm pero parang parehas lang naman sila,
huwag lang aandar ang pagiging mahangin nitong unggoy na 'to.

"Hoy tomboy!" Nagulat ako nung bigla syang nag-snap ng daliri niya sa
mukha ko. "Sinasabi ko na nga ba't pinagpapantasyahan mo ang gwapong-
gwapo kong mukha eh. Patawag-tawag ka pa dyan ng unggoy kunwari ha,
pinagnanasaan mo naman pala ko. Anak ng tino—Aray!"

Sinungalngal ko sa mukha niya ang pacifier na subo-subo kanina ni Bullet.


"Ang kapal ng mukha mo!" Sabi ko saka ko sya tinalikuran. Tss. Ang
yabang! Akala mo gwapo. Mukha namang unggoy.
=================

Chapter 46

Aemie's PoV

Ang daming pauso nung doktora na nag check-up sa'kin. Feeling ko naman
okay ako. Tumayo ako para tumulong sa pag-aayos sa binyag ni baby Bullet.
"Insan okay na ba 'yung-"

Kakapasok lang ng kwarto namin si insan kaya gulat na gulat siya. "Ano ba
insan! Diba ang sabi sa'yo ng doctor, mahiga ka lang lagi?!"

"Alangan namang umattend ako ng binyang ni baby Bullet habang nakahiga


dito sa kama?!" Nakakainis 'to si insan, nahahawa na yata kay Kaizer.
Inirapan niya ako at ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa may cabinet
ni baby Bullet. "Psh, insan kapag may nangyari sa'yo babatukan pa kita.
Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan" Dumiretso na ako sa C.R para
maligo bago pa ako tuluyang mainis sa mga sinasabi ni insan.

"Bakit nandito ka pa din?" Tanong ko sa kanya. Nakakainis kasi tapos na


kasi ako maligo pero nandito pa din sya sa kwarto namin ni Zeke. Ano
balak pa niya ako panuorin magbihis? Baka gusto pa niyang magpasko dito
sa loob ng kwarto.

"Napaisip lang kasi ako insan, ano ba. Hindi k aba nag-aalala?" Kumunot
ang noo ko sa tanong niya. Pero dumiretso ako sa may vanity table para
mag-ayos. "Nag-aalala saan?" Tanong ko.

"Syempre binyag ngayon ng pamangkin ko, madaming invited na kung sino-


sinong tao. Baka mamaya-huwag naman sana" Pagtutuloy niya habang
kumakatok sa lamesa na malapit sa kanya. Para namang may pinto 'yung
lamesa at pakatok-katok pa sya.
"Ang layo naman ng narrating ng imagination mo insan" Sabi ko sa kanya.
"Wala naman mangyayari kay baby Bullet 'no. Nandyan naman si Zeke"
dugtong ko pa habang nagsusuklay ng buhok. "Alam ko, pero nandyan din
naman asawa mo nung may mawala si Bullet at mapunta sa garden diba?"
Natigilan ako saglit sa sagot ni insan. May point nga sya. Idagdag mo pa
'yung sulat na nakalagay doon nung makita namin si baby Bullet.

"Pero may tiwala ako kay Zeke" Tipid na sagot ko saka ipinagpatuloy ang
pagsusuklay.

Ilang segundo pa ay pumasok si Zeke sa loob ng kwarto "Getting ready?"


Tanong niya. Tumango ako dahil nakatingin ako sa reflection niya sa
salamin. Buhat-buhat niya si baby Bullet. Parehas silang nakabihis na.
Ako na nga lang yata hinihintay nila eh.

Lumabas na si insan sa kwarto, si Zeke naman naupo sa dulo ng kama nung


mailapag na niya si baby Bullet sa crib. Oh ano naman 'to si Zeke, ka-
relyebo ni insan sa panunuod sa'kin? "Dong, hindi ka ba lalabas?"

"Nah"

"Eh magbibihis ako!"

"Okay" Sagot niya. Pero nakaupo pa din sya sa kama kaya binato ko sya ng
suklay na sinalo lang niya. Hayy! "Anong okay Zeke? Sabi ko magbibihis
ako"

"Do what you want wife. No one's stopping you" Tinignan ko sya ng masama
kaya tinawanan niya ako na lalong nakakapag-init ng ulo ko. "Why?"
Natatawang tanong niya "Oh I get it, you want me to put your clothes on?"
Mas lalo pang lumakas ang tawa niya kaya binato ko sya ng lotion, pulbo,
sanitizer at tissue box na walang kahirap-hirap niyang inilagan lahat.
"Naiinis na ako sa'yo Zeke ah"

"Pfft. Hahaha. Okay, okay I'm sorry. I was just teasing you" Tumayo na
sya at pinulot lahat ng ibinato ko saka naglakad palapit sa'kin. "I will
wait behind the door until you're done. Call me if you need anything"
Humalik sya sa noo ko bago naglakad palabas ng pinto. Tumayo naman ako at
naglakad na din papuntang closet. Aalisin ko na sana ang bathrobe na suot
ko nung bumukas ang pinto ng kwarto. "I love you so damn much wife"

"Dong naman eh!" Nakakainis talaga 'to si Zeke.

**

Amesyl's PoV

Nauna na kaming pumunta sa simbahan na paggaganapan ng binyag. Puro mga


ninong at ninang lang naman ang pupunta dito sa simbahan. Ang ibang
bisita diretso na sa reception, ganun naman lagi eh diba?

Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari. Nandito kasi ang kuya kong si
Andrei at may kasamang babae. "Andrea!" Ayan ang tawag niya sa'kin. Sabi
ng mas gusto ang Amesyl eh. Doon na ako nasanay, kahit na kay Caileigh
naman talaga ang pangalan na 'yun. Gulo namin diba?

"Ano?" Wala sa mood na sagot ko kaya lumapit sa'kin, hila-hila ang kamay
ng babaeng kasama niya. "Si Suzette nga pala girlfriend ko. Si Andrea,
kapatid ko" Nagulat ako sa sinabi niya kaya tinignan ko ang kasamang
babae ni kuya Andrei mula ulo hanggang paa. Sus! Akala ko ba si insan ang
gusto nito? Moved on agad?

Magsasalita sana ako at lalaitin ang babaeng kasama ng kuya ko nung may
matanaw ako sa malayo na kakababa lang ng kotseng itim. "Si JK" Bulong
ko. "Pfft." Natatawang umalis ang kuya ko, kasama 'yung babae na ka-
holding hands pa niya. Sigurado ba sya sa isang 'yun? Parang hindi ko
gusto eh.

Gumuhit ang mga ngiti ko sa labi nung magtama ang mga mata namin ni JK.
Nakakahiya pa nga dahil naka-dress ako ngayon, bihira pa naman akong
magsuot ng ganito. Ngumiti sya habang naglalakad kaya lalo ako napangiti.
Ang akala ko lalapitan niya ako pero nag-iba ang direksyon ng tingin
niya. Umikot sya sa may passenger seat para buksan ang pinto.

Mabilis na nawala ang mga ngiti ko nung makita kong inalalayan niya ang
babae na bumaba ng kotse niya. Sino naman ang babaeng 'yun? Ang sweet pa
ng tingin nila sa isa't-isa at parang ang saya-saya nila parehas.
Nangingilid na ang mga luha ko pero kahit gusto ko alisin ang tingin ko
sa kanila, hindi ko naman magawa.
"Yo 'tol!" Naksunod ang tingin ko sa unggoy na bumati kay JK. "This is
Camila, girlfriend ko. And honey, he's Kaizer. 'Yung sinasabi ko sa'yong
kababata ko" Pormal na pagpapakilala niya sa babae. Lumingon si unggoy sa
direksyon ko pagkatapos magsalita ni JK kaya iniba ko agad ang direksyon
ng tingin ko dahil pati si JK tumingin sa'kin. Kahit kailan talaga
pahamak ang isang 'yun eh.

Wala akong kagana-ganang lumakad palayo sa kanila. Sa loob ng simbahan na


lang siguro ako maghihintay. "Andrea" Huminto ako sa paglalakad nung
madinig ko ang boses ng unggoy. "Ano?" Sagot ko, pero hindi ko sya
nililingon. At sino nagbigay sa kanya ng karapatang tawagin ako sa
totoong pangalan ko?

"Ayos ka lang ba?" Pumwesto pa sya sa harap ko at tumitig sa mukha ko


kaya umiba ako ng tingin. Ayoko namang masira ang binyag dahil lang sa
pag-iinarte ko. Kahit wala na ako sa mood at gustung-gusto ko ng umuwi
ngayon. Minabuti kong hindi na lang sagutin ang tanong nung unggoy.
Naglakad na ulit ako.

"Oy Andrea"

Buti na lang dumating na sila insan. Kaya hindi na din nagkaroon ng


chance 'yung unggoy na kulitin ako dahil nagsimula na ang ceremony.

Hanggang sa matapos ang binyag ay nanatili lang akong tahimik at walang


kibo. "Ame-girl, are you alright? May sakit ka ba?"" Nag-aalalang tanong
ni Caileigh nung naglalakad na kami palabas ng simbahan para pumunta sa
reception. "Wala, naiinitan lang ako" Matipid na sagot ko. Magkahawak
sila ng kamay ni Vash Boulstridge kaya lalo akong nabi-bitter. Kahit saan
ako tumingin puro mga sweet na magjowa ang nakikita ko. Oh sige na! Sila
na ang masaya sa lovelife nila. Ako na ang brokenhearted!

Tumigil ako sa mismong pinto ng simabahan nung makita ko sila na kanya-


kanyang sumakay sa mga dala nilang sasakyan. Daig pa nila ang mga
gradeschool na pumarada dahil by partners pa talaga sila. Si Fauzia
sumakay sa kotse ni Jacob. Si insan sa sasakyan ng asawa niya syempre
kasama ni Bullet. Si Caileigh sa kotse ni Vash. Si ate Meisha sa sasakyan
ni Seb. Si Milka sa kotse ni Phoenix. Si Cassandra sa kotse ni Wallace.
Si Kuya Andrei kasama 'yung sinasabi niyang girlfriend niya.

At si Jk... kasama 'yung babaeng girlfriend niya daw-

"Pamangks, gusto mong sumabay sa kotse ko?" Lumingon ako kay tita Alyana
na kakalabas lang din ng simabahan. Mukhang wala naman akong choice,
dahil ang ibang ninang at ninong ay may kanya-kanya ding sasakyan.
"Ma'am Alyana, ako na lang po magsasabay kay Andrea"

Tiningnan ko ng masama ang unggoy na nasa tabi ko na. Anong balak nito?
Aasarin na naman niya ako? "Alright. See you both sa reception"

"Wait tita!" Sinubukan kong pigilan si tita Alyana dahil mas gusto ko sa
kanya sumabay kaysa bwisitin lalo ang sarili ko kasabay nitong unggoy na
mukhang tao. Pero pakiramdam ko kasabwat nito na nang-aasar si tita dahil
diri-diretso sya at parang walang nadinig habang tumatawa.

"Tara na tomboy" Nagpanting ang mga tenga ko nung madinig ko na naman ang
boses niya. "Wala ako sa mood makipag-asaran sa'yo unggoy ha"

"Oh bakit mainit na naman ulo mo dyan? Kaya nga ako nandito kasi tignan
mo. Mukha ko pa lang nakakaganda na ng araw" Mabilis ko syang tinignan ng
masama dahil tinalo niya pa ang mga naglalakihang poste dito sa simbahan
sa sobrang kapal ng mukha. "Kakasimba lang unggoy, huwag ka
magsinungaling. Lulunurin kita sa holy water para mawala 'yang masamang
espiritu sa pagmumukha mo"

"Aba matinde! Ikaw na nga 'tong pinapagaan ang loob ayaw mo pa? Bahala ka
dyan" Naglakad sya palayo sa'kin para pumunta sa sasakyan niya. Akala mo
naman hahabulin ko sya? Sige lang. Edi umalis sya. Pwede naman akong
makisabay sa-

Nasan na ang ibang tao? Tumingin ako sa buong paligid. Tahimik na tahimik
na ang buong lugar at tanging ihip na lang ng hangin ang nadidinig ko.
Tumingin ako sa kotse nung unggoy nung madinig kong buksan niya ang
engine ng sasakyan niya "Hoy unggoy!" Nagmadali na akong bumama sa
hagdan, para habulin ang papaalis na kotse. "Ihahampas ko talaga sa
tuktok mo 'tong takong ng sapatos na suot ko kapag hindi ka tumigil"

Ikinakaway-kawa pa niya ang kaliwang kamay niya sa labas ng bintana


habang dahan-dahang pinapaandar ang kotse. "bakit ba kasi kailangan pa
mag high heels" Angal ko habang nagmamadaling bumba ng hagdan ng
simbahan. Ang hirap tuloy tumakbo, bwisit!

"Hahaha dali tomboy" Inalis ko parehas ang suot kong heels saka tumakbo
at sumakay sa kotse. "Aray! Ano ba!" Pumapalatak pa sya habang hinihimas
ang ulo niya na pinukpok ko ng takong ng sapatos. "Napakawalanghiya mo
talaga! Bakit kailangan mo pa akong pahabulin sa'yo?"
"Hahahaha pasensya. Ganyan talaga mga gwapo habulin ng chiks, kahit nga
tomboy kita mo humahbol sa kagwapuhan ko"

"Psh! Kotse ang kailangan ko, hindi ikaw. Bilisan mo na nga lang mag-
drive!"

"Aba't! Wala ka ring utang na loob eh 'no? Pinasakay na kita, ikaw pa


nagagalit. Tsk tsk tsk"

"Ako pa ang walang utang na loob? Eh pasasakayin mo lang ako, kailangan


mo pa akong pahabulin?" Naiirita na ako ha. Konti na lang tatadyakan ko
na 'to palabas ng kotse niya. "Palibhasa sanay na sanay kang tumakbo at
sumabit-sabit sa mga puno" bulong ko pa. "Aray! Ano ba! Bakit bigla kang
pumepreno?!" Bulyaw ko nung mauntog ako sa salamin ng pinto na katabi ko.

"Hahahaha" Tumawa lang sya saka nagmaneho ulit. "tatawa-tawa pa, kala mo
nakakatuwa" bulong ko. Naghihintay ako na sumagot ulit sya ng pang-aasar
pero mukhang hindi naman sya naaasar dahil pangiti-ngiti pa sya habang
nagda-drive. "Ano bang ngini-ngiti ngiti mo dyan?" Iritang tanong ko. Mas
lalo pang kumunot ang noo ko nung hindi sya sumagot.

"Aray!" daing niya ng hindi inaalis ang tingin sa daan pagkatapos ko


syang batukan. "bakit ka nga pangiti-ngiti? Nag-hahallucinate ka na ba at
tingin mo sa kalsada ay saging kaya maligayang-maligaya ka?"

Tumawa sya ng mahina bago sinagot ang tanong ko. "Natatawa lang ako kasi
hindi mo na iniisip ngayon si Blood. Samantalang kanina, para kang
pinagsakluban ng langit at lupa" Napasandal ako sa sandalan ng inuupuan
ko dahil sa sinabi niya. Oo nga 'no? Hindi ko na naalala na brokenhearted
nga pala ako. Ito kasing unggoy na 'to ang lakas mambwisit. "Malakas
talaga makapagpabago ng mood ang kagwapuan ko ano?"

"Oo kanina, bwisit lang ako. Ngayon, bwisit na bwisit na bwisit na ako"
"Asus! Talaga ba?"

Hindi ko na pinatulan ang pang-aasar niya at tumanaw na lang bintana.

**

Aemie's PoV

"Hayy! Ito talagang si Zeke, nakakainis" Kanina ko pa dinudutdot ang


chocolate ice cream na kinakain ko. Iniwan kasi ako ni Zeke dito sa isa
sa mga lamesa. Ang sabi pa niya, huwag daw akong aalis dito para hindi
ako mapagod. Kaya wala akong magawa kung hindi ang tanawin na lang ang
mga bisita.

"Kayo po ba ang mommy ni baby Bullet?" Tanong ng isang cute na cute na


batang babae na may dala-dalang regalo. Tumigil ako sa pagkain saka
nakangiting tumango sa kanya. Ang cuteeee! Nag-smile din sya sa'kin.
Hehehe. "Bakit mo naitanong?" Tanong ko sa kanya.

"May nagpapabigay po kasi nito" Kinuha ko naman sa kanya ang regalo saka
ulit ngumiti. "Thank you. Ang cute-cute mo naman" Kinurot ko pa ng mahina
ang pisngi niya dahil nakakagigi. Gusto ko ngang punuin ng kiss ang
pisngi niya eh kaso tumakbo na sya palayo sa'kin.

"Kuya paki-dala naman 'to dun sa mga lalagyan ng gifts" Sabi ko sa


napadaan na waiter. "Opo Ma'am" Magalang na sagot niya. Sinundan ko ng
tingin si kuyang waiter kung dadalhin nga niya sa lalagyan ng regalo.
Nakita ko kasi syang inaalog-alog ng mahina ang box, akala ko may interes
sya sa regalo eh. Pati ba naman si baby Bullet aagawan niya ng-"Omygod!"

Napatakip ako ng bibig nung sumabog ang regaling ipinatong niya. Buti na
lang medyo malayo na si kuyang waiter, at mahina lang ang pagsabog. Lahat
ng mga bisita nakatingin na din sa lugar na 'yun. Buti medyo isolated
'yung table na pinapatungan ng mga gifts kaya walang nasaktan. Pera teka-
Sino naman ang may gawa nun? "ate" Tumingin ako sa batang lalaki na
humihila ng suot kong dress. "Ate may nagpapabigay po nito" Inabot niya
sa'kin ang isang white envelope. Mabilis ko 'yung itinago sa loob ng
pouch na awak ko nung dumating si Zeke.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Tumango ako at tumingin ulit sa
table na may mga tao na ngayon na mabilis na nililinis ang pinagsabugan.
Nandoon din si Sebastian na mukhang nakikitsismis sa nangyari. "Sorry
Aemie, hindi na ako naka-attend kanina sa simbahan. May dinaanan pa kasi
ako" Hindi ko pa sya nakikita, pero kilala ko na agad kung kaninong boses
ang nagsalita dahil simula naman high school kakilala ko na sya talaga.

"Louie" Ngumiti ako sa kanya at hindi pinapahalata ang pagtatakha ko sa


itsura niya. Ibang-iba na sya kumpara noong nakakasama namin sya ni
insan. Parang ang mature na niya kumilos at iba na din sya kung tumingin.
"Okay lang 'no. Ang importante pumunta ka" Dagdag ko pa.

May kasama syang hindi ko kilalang babae na agad din naman niyang
ipinakilala nung mapansin niyang nakatingin ako sa babae na kasama niya.
"Si Angelique, fiancée ko nga pala" Mas lalo akong napatitig sa babaeng
kasama niya nung sabihin niyang fiancée niya. Pagkatapos ni insan, si
Grethel tapos ito namang babaeng 'to?

Tinignan ko si Zeke na nakatingin kay Louie at sa kasama niyang babae.


"Dong. Nasan si baby Bullet?" Napansin ko kasing hindi niya hawak-hawak
si baby Bullet. Wala din namang hawak si insan, Kaizer at ang iba pa
naming kasama.

Tumingin sa'kin saglit si Zeke saka biglang napamura "Damn!" Mabilis


syang umalis. Tatayo din sana ako nung hinarangan ako nung babaeng kasama
ni Louie. "I'm so glad na nagkakilala na din tayo. Matagal ka na kasing
naikwento sa'kin ni Louie" Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko kaya
tinignan ko iyon bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanya. Wala naman
syang ginagawang masama sa'kin pero pakiramdam ko kumukulo ang dugo ko sa
kanya.

"Excuse me, hahanapin ko lang anak namin" Wala sa mood na sagot ko.
Ayokong maging bastos, pero naiinis talaga ako sa kanya.

"What an attitude. You'll thank me someday Aemie Ferrer-Roswell. Mark my


words" Hinawi ko ang kamay niya na nakalahad pa din sa harap ko dahil sa
sinabi niya. "Hindi tayo close, kaya huwag kang FC" Umalis na ako
pagkasabi ko nun bago pa ako tuluyang mainis.

**

Amesyl's PoV
Bumalik ako sa pagkakaupo nung may mag-announce na wala lang daw ang
nangyaring pagsabog kaya walang dapat ipag-alala. Pati ang mga bisita at
mga batang aliw na aliw sa party ay bumalik sa kani-kaniyang ginagawa.

Ako? Ito, mag-isa sa isang round table. Hindi naman ako mahilig sa party.
At wala din akong makausap dahil busy silang lahat sa mga lovelife nila.

"This is so good" Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa girlfriend ni


JK na sinusubuan pa niya habang kumakain. Nakaupo sila sa kabilang round
table na katapat lang ng table ko.

Paralisado ba 'tong lintek na 'to at gusto pa sinusubuan sya?Natatawa pa


si JK at sweet na sweet na pinunasan ng tissue ang gilid ng labi nung
disabled niyang girlfriend. Ang baboy kasi kumain. Kakain lang, may
kumakalat pa sa gilid ng bibig.

Psh. Nagugutom na ako kaso nakakatamad naman makipagsiksikan sa mga taong


pabalik-balik sa buffet table.

"Hoy" Tinapik nung sira-ulong unggoy ang braso ko kaya halos sumubsob ako
sa lamesa nung dahil nakapangalumbaba nga ako diba? "Ano ba?!" Bwisit na
tanong ko sa kanya. Saka ibinalik sa pagkaka-panagalumbaba ang kamay ko.
"Masamang gumaganyan sa harap ng pagkain"

"Wala namang pagkain sa harap ko" Wala sa mood na sagot ko. Disabled na
babae kasi ang nakikita ko sa harap ko. Umayos ako ng upo nung may ilapag
'yung unggoy na isang plato na punung-puno ng pagkain. Mas lalo tuloy
akong nagutom.

"Bibitayin ka na ba at napakarami ng kinuha mong pagkain?" Tanong ko sa


kanya na kakaupo lang sa tabi ko. "Tss. Sa'ting dalawa 'yan. Kumain ka.
Para hindi kung anu-ano ang iniisip mo" Utos niya. "At kailan ka pa
naging diktador?" Tanong ko. Pasimple akong napangiti dahil hindi ko na
kailangang tumayo at kumuha ng pagkain.

"Minsan din pala may silbi ka 'no?" Sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang
tinidor at inumpisahan ng kainin ang carbonara sa plato.
"Gwapo pa" Dugtong niya. Habang nakikipang-agaw ng carbonara sa'kin.
Natawa ako dahil ngayon ko lang din naranasang maki-share ng plato. At
isang unggoy pa. "Hayaan mo, minsan ililibre kita ng bananaque, turon o
kaya saging con yelo para makabawi sa'yo"

"Andrea"

"Ano ba! Kanina pa kita napapansin. Bakit ba aliw na aliw kang tawagin
akong Andrea, ha Maxwell?"

"Pfft. Diba pangalan mo 'yun?" Natatawang sagot niya.

"Oo pero tigilan mo ako sa pagtawag sa totoong pangalan ko" Tinignan ko


sya ng masama pagkatapos kong sumubo ng pagkain. "Masamang nag-aaway sa
harap ng pagkain Andrea" Natatawa-tawa pa sya habang sinasabi niya 'yun.
Psh.

"Where's my son?" Sabay kaming natigil nung unggoy sa pagkain nung


lumapit sa'min ang asawa ni insan. Shit! Hinampas ko sa braso ang unggoy
na mukhang natulala pa. "Ibinigay ko sa'yo kanina si Bullet unggoy ah"

"Takte! Kinuha sa'kin kanina nila Lee si pareng Bullet eh" Lumingon ako
sa table na kinauupuan nila Fauzia at Jacob Lee. Sweet na sweet din sila
pero wala naman sa kanila si Bullet. Tinignan ko din ang iba pa naming
mga kasama. Pero wala ni-isa sa kanila ang may hawak kay Bullet.

=================

Final Chapter
Louie's PoV

Ang kailangan ko lang gawin ay ipaubaya kay Terrence Von Knight ang lahat
at maghintay ng tamang pagkakataon.

-Flashback-

"So hindi niya sinabi sa'yo kung sino pumatay sa kakambal mo?" Umiling
ako ng may halong pagtatakha. "Even Amesyl?" Mas lalo pa akong nagtakha
sa mga sinasabi ni Grethel. "May alam ka ba sa nangyari?" Tanong ko.

**

Nakakuyom ang mga kamao ko hanggang matapos si Grethel sa pagku-kwento ng


buong pangyayari, mula sa ginawang pagkitil sa buhay ng mga magulang
namin ni tita Alyana. Hanggang kay Nico, at pati sa ginawa ng asawa ni
Aemie sa kakambal ko. "Mga hayop sila" I just grit my teeth in anger and
try to get through it.

"Pinagmukha ka nilang tanga. Lahat sila alam ang mga nangyari, pero mas
pinili nilang itago sa'yo ang lahat"

Tch. Itinuring ko silang kaibigan, tapos ganito ang gagawin nila.


Hinding-hindi ko sila mapapatawad kahit kailan.

"Louie, bakit natahimik ka dyan? I'm telling the truth"


"Alam ko"

Mas mabuti kung humanap ako ng tamang pagkakataon at sisiguraduhin kong


sampung beses na mas masakit sa naranasan ko ang mararanasan nila.

-End of flashback-

Akala ko pa nung una iba si Aemie sa asawa niya at mga magulang niya. Na
hindi niya kayang gumawa ng mga masasamang bagay. Hanggang sa natuklasan
ko na sya ang pumukpok ng ulo ko at pumatay kay Grethel nung gabing
magkasama kami.

Maling-mali na itinuring ko silang mga kaibigan.

Natawa ako ng mahina habang napapailing. "Nasa kotse na po 'yung cadaver


ng sanggol Mr. Birkins" Bulong ng isa sa tauhan ni Angelique. Si
Angelique ay mula sa mayamang angkan. Maimpluwensya ang pamilya niya kaya
kahit hindi ko sya mahal, malaki ang maitutulong niya sa'kin.

"Kasing edad ba ni Bullet Roswell ang nakuha mo?" Paninigurado ko.

"Opo Mr. Birkins"

"Mabuti kung ganon. Nasaan na si Von?" Tanong ko. Si Terrence Von Knight
ang nagplano na patayin ang anak ni Aemie. Iniabot sa akin ng tauhan ni
Angelique ang isang maliit na papel na may nakasulat ng address. "Ihanda
niyo na ang sasakyan" Utos ko.

"Opo"

**

Amesyl's PoV

Mabilis akong tumayo para tumulong sa paghahanap kay Bullet nung pigilan
ako nung unggoy. "Saan ka pupunta Andrea? Hindi ka pa tapos kumain aalis
ka na agad? Kaya ka nangangayayat eh" Binatukan ko agad sya. Manhid ba
'to? O natural na sa kanya pagiging tanga? "Nawawala si Bullet, unggoy!
Kaya tumayo ka na dyan at tumulong ka ring maghanap" Puro lamon ang
inaatupag.

Imbis na sundin niya ako ay ipinagpatuloy niya ang pagkain. "Pfft. Kalma!
Baka naman tumambay lang dyan sa tabi-tabi si pareng Bullet at
dumidiskarte sa mga chikababes. Madami kasing chiks, alam mo naman kaming
mga gwapo—Aray! Wengya!" Binitawan niya ang kutsara na hawak at ikinamot
sa ulo ang isang kamay.

"Wala pang isang taon si Bullet. Anong tambay-tambay ang sinasabi mo


dyan?!" Nakakakulo talaga ng dugong kausap ang isang 'to. "Hahaha joke
lang naman eh"

"Bilisan mo na nga" Hinampas ko pa ang kamay niya para bitawan na niya


ang hawak-hawak niyang tinidor. "Oo na. Ito na nga oh, tutulong na ako
sa paghahanap" Sagot niya na halata namang napilitan lang.
Una naming nilapitan ang table nila ate Meisha at ni Sebastian Lerwick.
"Parang mainit ulo ni ate Meisha" bulong ko sa unggoy.

Tumigil sya sa paglalakad. Mula sa pagiging seryoso, bigla naman syang


nag-smirk. "Kailan pa naging ate Meisha ang tawag mo sa ate ko? Tsk tsk
ikaw tomboy ha. Nakakahalata na ako sa'yo" Natigilan ako bigla dahil sa
tanong niya. "Sinabi ko bang ate Meisha? Ang sabi ko Meisha" Pagtatama
ko. Kung anu-ano iniisip.

Naglakad na ako palapit sa table nila Meisha at Sebastian Lerwick. "Baby


Lampe, namiss mo na ba kaagad ako? Nakangising tanong niya sa unggoy.
"Nawawala si Bullet" Singit ko bago pa man din makasagot 'yung unggoy.
Dahil panigurado kapag hindi ko agad sinabimag-uumpisa na naman sa
kabaklaan itong dalawang 'to.

"Paanong nawawala?Nakita ko kaninang kasama ni Ma'am Alyana si Bullet eh"


Sabi naman ni Meisha. Para akong nabunutan ng tinik nung sabihin niya
'yun. "Sigurado ka ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo kasi kanina inaantok si
Bullet tapos kinuha ni Ma'am Alyana, ang sabi niya patutulugin na lang
daw muna niya saglit kaya hinayaan ko na" So wala naman pala dapat ipag-
panic?

Tumango ako at tumingin sa unggoy. "Sabi naman sa'yo walang dapat ipag-
alala dahil nandyan lang sa paligid si pareng Bullet eh," Umupo 'yung
unggoy sa isa sa mga upuan sa table. "Wengya! Nasayang tuloy 'yung
kinakain natin kanina" Sabi niya sabay kamot ng ulo.

"Psh. Hayaan mo ikukuha kita mamaya ng isang buong puno ng saging" Umupo
na din ako sa isa sa mga upuan. "Takte! Baka naghahanap pa hanggang
ngayon si Mr. Roswell kay pareng Bullet" Ay shit oo nga! Baka pati si
insan na imbis na nagpapahinga, naghahanap na din. "Teka hahanapin ko
lang saglit si insan,"
"Tignan mo 'tong tomboy na 'to hindi mapakali sa isang tabi" Tumayo na
agad ako para hanapin si insan. "Hoy tomboy hintayin mo naman ang gwapong
ako aba!" Hiyaw nung unggoy. Nakakahiyang kasama 'to. Eskandaloso.

"Excuse me, excuse" Ang hirap maghanap kapag ganito kadami ang bisita!
Palinga-linga ako, habang sumisingit sa mga nakakasalubong ko.

"Nasaan ba kasi si insan?" Bugnot na tanong ko sa sarili ko. "Amesyl


Cross" Natigilan ako nung may madinig akong boses na lalaki na kilalang-
kilala ko. Ang kaso nga lang, masyadong cold ang pagkakabanggit niya sa
pangalan ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya para makasiguro kung sya
nga. "L-Louie" I stuttered, at hindi ko alam kung bakit.

Siguro dahil ibang-iba ang itsura niya ngayon. Pati kung paano niya ako
tignan ay kakaiba rin. I feel guilty dahil sa pagtatago namin sa kanya ng
katotohanan. "A-ang tagal na nating hindi nagkita" wika ko.

"Oo nga" Nakangiting sagot niya. "By the way this is my fiancée,
Angelique" Ngayon ko lang napansin na may kasama pala syang babae.
Tinignan ko ang babaeng kasama niya mula ulo hanggang paa dahil kakaiba
ang mga tingin at ngiti niya sa'kin. May gusto ba syang iparating?

"So you're Amesyl Cross" Nakangiting saad niya. "O mas gusto mong tawagin
kita sa pangalang Andrea Lewis?" Dugtong pa niya kaya nagsalubong agad
ang kilay ko. Pagkatapos ay tumingin ako kay Louie. "Ikakasal ka na?"
Gulat na gulat na tanong ko. Nagkibit balikat naman sya habang nakangiti.

Hindi na talaga sya ang Louie na nakilala ko noon at naging kaibigan,


daig pa niya ang nasaniban ng masamang espiritu dahil sa mga kinikilos
niya eh. "Takte tomboy nandito ka lang pala!" Sabay-sabay kaming lumingon
sa right side nung sumulpot bigla 'yung unggoy.
Halata ring nagulat sya nung makita niya si Louie. Naglakad 'yung unggoy
hanggang sa magkatabi kaming dalawa saka sya tumingin ulit kay Louie.
"Yo" Napalunok ako nung magkatinginan silang dalawa. "Kamusta na 'tol?"
Tanong ni Maxwell. Ngumiti si Louie sa kanya bago sya sinagot. "Ikaw
'yung dating boyfriend ng kakambal ko hindi ba?" Bakit ganito? Pakiramdam
ko bawat salitang binibitawan ni Louie makahulugan.

O baka naman naninibago lang ako sa kanya dahil matagal na panahon na


nung huli kaming magkausap. Nung mga panahon pa na 'yun hindi ko
matanggap na hindi ako ang totoong Amesyl Cross.

Tinignan ko 'yung unggoy na halatang ayaw pag-usapan ang tungkol kay


Shan. Maging ako, alam ko kung gaano niya kamahal si Shan Venice noon.
Shit! Si insan nga pala. "Saglit lang, naalala ko bigla. Hinahanap ko nga
pala si insan" Sabi ko. Saka ko inexcuse ang sarili ko. Hindi ko na nga
"Oy tomboy! Hintayin mo ako"

**

Aemie's PoV

Naglalakad ako nung tumigil ako saglit at kumapit sa isa sa mga upuan.
Sobrang dami ng mga bisita kaya hindi ko alam kung saan pa maghahanap.
Ayoko namang ipa-tanong sa mga emcee dahil kung may kumuha kay baby
Bullet, mas lalo pa 'yun makakahalata na hinahanap namin.

Madaming mga batang nagtatakbuhan, mga clowns, waiters at waitresses.


Nag-uumpisa na naman tuloy akong makaramdam ng pagkahilo. Humigpit ang
hawak ko sa upuan dahil nawawalan na ako ng balance.
"Sit here and don't move a muscle" Inalalayan ako ni Zeke, hanggang sa
makaupo ako sa upuan na hinahawakan ko kanina. "Akala ko ba hahanapin mo
si baby Bullet, bakit ka nandito?"

"Yeah, I was looking for him but then I saw you here" Naiinis ako lalo
kasi imbis na nakakatulong ako, nagiging pabigat pa ako. "Dong, si baby
Bullet" Hawak-hawak ko ang kamay ni Zeke at naiiyak na ako dahil parang
walang katapusan 'tong nangyayari sa'min. At sa dinami-dami naman ng
pwedeng mawala si baby Bullet pa. Pwede namang si nemo na lang ulit.

Tumango si Zeke at bumitaw na sa kamay ko. 'Yung mga tao sa paligid ko


patuloy lang sa pagpaparty at walang kamalay-malay sa nangyayari.
Pangiti-ngiti pa sila sa'kin.

"Insan!" Hingal na hingal si insan nung makalapit sya sa'kin kaya


kinabahan ako. "Anong nangyari insan, bakit ka nagmamadali?" Nag-aalalang
tanong ko.

"Nag-aalala kasi ako sa'yo. Baka kasi hinahanap mo si Bullet eh na kay


tita Alyana lang naman" Hindi pa ako nakakapag-react sa sinabi ni insan
nung mag-ring ang phone ko.

~I'm a Barbie girl in a Barbie world..

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko na nasa loob ng pouch bag ko. "Hello
mommy?" sagot ko, habang nakatingin kay insan na kakaupo lang sa may tabi
ko.

[Baby Ae]
"Bakit po?"

[Kasama ko lang si Bullet ha] Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni


mommy. 'Yun pala ang sinasabi ni insan sa'kin. Naniniwala na ako ngayon
dahil si mommy na ang tumawag. Hindi ko talaga kakayanin kapag nawala ng
tuluyan si baby Bullet. Mangiyak-ngiyak pa ako sa sobrang tuwa dahil sa
sinabi niya. "Sige po mommy" naluluhang sagot ko

**

Alyana's PoV

I was about to give her a hint kung ano ang nangyayari talaga pero inalis
na ni Terrence Von Knight ang cellphone sa tapat ng tenga ko. "Wala kang
puso!" I whispered at his face, na nakangiti ng nakakaloko sa'kin.

"Parehas lang tayo" Kalmadong sagot niya.

"No, hindi ako nandadamay ng mga batang wala pang muwang" Diretsong sagot
ko.

Nananakit na ang mga kamay at paa ko dahil sa higpit ng pagkakatali


sa'kin dito sa upuan. Kung hindi ako nagkakamali, nandito kami sa loob ng
bahay niya. Isa-isa kong tinignan ang mga lalaki na nakapalibot sa walang
kamuwang-muwang kong apo. May mga kani-kaniya silang hawak na kutsilyo na
nakatutok sa apo ko. Crap!
Humila ng isang silya si Terrence Von Knight at naupo sa harap ko. He's
staring at me with a smile na mala-demonyo.

"Dapat nga magpasalamat ka pa sa'kin dahil kikitilin ko ang buhay ng anak


nila Roswell. Hindi niya mararanasan na lumaki sa masasamang magulang" He
answered. He's really out of his mind. "Hindi mo kailangang idamay ang
bata. Nakikiusap ako, huwag mo ng idamay ang apo ko dito" He motioned his
finger kaya lumapit sa akin ang isang tauhan niya para turukan ako.
Sinubukan ko pang pumiglas pero sobrang higpit ng pagkakatali sa'kin.

Nakakailang segundo pa lang nung maturukan ako, umiikot na ang paningin


ko. "What the heck did you do to me?" I asked. And it feels like kinakain
ko ang mga salitang sinabi ko.

"Hahaha. Drugs, huwag kang mag-alala. Hindi nakakamatay 'yan" Sagot niya.
I started to feel afraid for no reason. Hindi ko alam kung bakit
pakiramdam ko takot na takot ako at nanginginig. But I can still think
clearly, shit!

**

Aemie's PoV

"Hooo! Nakakapagod" Medyo hinihingal din si Kaizer nung bigla syang


sumulpot na lang mula sa kung saan. Ano naman kaya ginagawa nito dito?
"Bakit ba ang bilis mong maglakad?" Tanong niya kay insan. "Hinahanap ko
nga kasi si insan" Sagot naman ni insan. "Nasaan si Mr. Roswell?" Ngayon
ko lang din naa;a;a na naghahanap nga pala si Zeke kay baby Bullet.
"Omygod! Baka hinahanap pa niya hanggang ngayon si baby Bullet" Sagot ko.

"Wengya! Baka umiinit na ang ulo nun ni loverboy ah." Napakamot ng ulo si
Kaizer at napa-palatak. "Sige, ako na muna hahanap kay Mr. Roswell para
hindi mag-alala" Tumango ako kay Kaizer at nagpasalamat. "Thanks"
Kumindat pa si Kaizer bago umalis. Akala niya yata bagay sa kanya 'yung
ganun. Hayy!

"Insan nandito pala si Louie?" Bulong sa'kin ni insan kaya lumingon ako
sa kanya. Oo nga pala, "Kasama niya pa 'yung sino nga 'yun?"

"Angelique" matipid na sagot ko. "Psh. Hindi ko gusto 'yung sinasabi


niyang fiancée" Tumingin ulit ako kay insan at natawa dahil halata ngang
naiinis sya.

And speaking of Angelique, bigla kong naalala 'yung sinabi niya sa'kin.

You'll thank me someday Aemie Ferrer-Roswell. Mark my words.

"Anong ibig sabihin nun?" Bulong ko.

"Anong ibig sabihin ng alin insan? 'Yung sinabi ko? Sus! Ibig sabihin
hindi ko sya gusto, parang may pinaplano syang masama. Kakaiba kasi
makatingin. Akala mo kung sino" Diri-diretsong saad ni insan. Ano bang
sinasabi nito eh hindi ko naman sya kinakausap.

"Hayy nako insan, nahahawa ka na kay Kaizer" Bulong ko.

**
Halos isang oras na din ang nakakalipas, 'yung ibang mga bisita ay
nagsisimula ng mag-uwian. May mga kausap na businessmen si Zeke, pero
paminsan-minsan ay lumilingon sya sa may gawi ko. Hayy! Ang hirap naman
ng ganito. Kailangan ba talaga maupo lang ako dito hanggang mamaya?

Gusto ko pa namang tikman ang mga handa. Huhuhu.

Isinubsob ko ang ulo ko sa table at patuloy lang sa pagmamasid ng mga tao


sa paligid namin. "Tired?" Paano ako mapapagod eh kanina pa nga ako
nakaupo dito. "Gusto ko ngang tumayo at magikot-ikot eh" Walang ganang
sagot ko. Naupo si Zeke sa tabi ko saka hinawi ang ilang piraso ng buhok
ko. "We can take a walk if you want"

Nakangiti akong tumingin sa kanya. "Talaga dong?" Tumango naman sya saka
inilahad ang kamay niya at tumayo.

**

Dito kami nag-lagi ni Zeke sa buffet table ng mga desserts. "Ang sarap!"
Kanina pa kami kain ng kain dito. Si Zeke nga, hindi ko alam kung
nakailang ulit ng kumuha ng strawberry ice cream. Tapos kumakain pa sya
ng fresh na strawberries at sinasawsaw sa chocolate fountain. Yuck!
"Wife, say ahh"

Inilayo ko ang kamay niya sa'kin dahil para akong masusuka sa itsura ng
strawberry na hawak niya. "Zeke naman eh. Alam mo namang ayaw ko nyan eh"

"Pfft"
Humarap ako sa babaeng nasa may buffet table at iniharap sa kanya ang
walang laman na plato na hawak ko. "Lalagyan ko pa po Ma'am?" Tanong niya
sa'kin.

"Hindi, pinapakita ko lang sa'yo. Ang ganda ng design ng plato 'no?"


Naiinis na sagot ko. Ano pa kaya ang gusto niyang gawin sa plato ko.
Hayy!

"Pfft. Hahaha. She's pregnant" Natatawang sabi ni Zeke sa babae. Tignan


mo, isa pa 'tong lalaking 'to. Bakit kailangan pa niyang sabihin doon sa
babae na buntis ako. Ano naman pakialam ni ateng waitress kung buntis ako
o hindi.

"Ahh ganun po ba?" Nahihiyang sagot naman nung babae kay Zeke.

"Yeah" Sagot naman ni Zeke pabalik sa kanya.

Kinuha ko sa kamay niya 'yung kutsilyo na panghati ng leche flan. Ako na


alng ang kukuha. Magchikahan na lang silang dalawa.

"Second baby niyo na po?" Tumigil ako sa paghihiwa ng leche flan dahil
nadinig kong magsalita si ateng waitress at nakatingin pa sya talaga kay
Zeke ha. Inilipat ko ang tingin ko kay Zeke na ngumiti at tumango dun sa
babae. Ano ibig sabihin nito. Close na sila agad?

"Wow!" Mukhang kumukutitap pa ang mata ni ateng waitress habang


nakatingin kay Zeke. "Ilang oras niyo plano maglandian sa harap ko?"
Naiinis na tanong ko. Hindi naman kasi mahilig makipag-usap 'tong si
Zeke. Eh bakit ngayon chumichika-chika pa sya. "Hahaha" Tumawa lang si
Zeke dahil sa sinabi ko saka ako inakbayan kaya sinamaan ko sya ng tingin
habang naglalakad kaming dalawa pabalik sa table.

Nahiya pa sila. "Sana nagsubuan pa kayo ng pagkain doon" Bulong ko.

"Pfft. You're cute when you're jealous"

Kain lang ng kain si Zeke nung makaupo kaming dalawa. Ako naman hindi ko
inaalis ang tingin ko doon kay ateng waitress dahil nakatitig sya kay
Zeke habang nakangiti at nakahawak ang mga kamay sa magkabila niyang
pisngi.

"Nakausap lang si Zeke, gumaganun na. Hindi ba niya nakikitang nandito


ako?" Bulong ko pagkasubo ko ng leche flan. Naiinis na ako dito kay ateng
waitress ha. Nung tignan ko naman si Zeke, busy sya sa pagkain ng
strawberry ice cream. "Why?" Nagtatakhang tanong niya.

"Kanina ka pa tinitignan ni ateng waitress eh"

"And?" Tanong niya. Bakit ganun? Parang walang pakialam si Zeke,


samantalang ako naiinis na dito. "Anong and-and Zeke, naiinis ako. Bakit
ka kasi niya tinitignan" Huhuhu. Pwede namang humanap na lang sya ng
ibang titignan. Ang dami-dami namang lalaki dito. Pwede namang si Kaizer,
si Sebastian, Phoenix, Vash, si kuya JK, si Andrei, si Wallace or si
Jacob. Bakit kasi si Zeke pa?

"Pfft. Just continue eating, wife"


Paano ako kakain kung nakikita ko 'yung babae na—nanlaki ang mga mata ko
nung tumayo si Zeke at lumapit uli sa may buffet table. Iniabot niya ang
platito at mangkok na hawak-hawak niya doon kay ateng waitress.

May nalalaman pa ngayon si ateng waitress na pakagat-kagat ng labi. Hayy!


Sya kaya kagatin ko. "Ahm excuse me" Lumingon ako sa lalaking nagsalita.
"Ano? Gusto mong isalaksak ko sa lalamunan mo 'tong kutsara na may leche
flan?" Bwisit na sagot ko sa hindi ko kilalang lalaki.

"Sorry Miss, napag-utusan lang din kasi ako. Itatanong ko lang kasi kung
sino dito si Mr. and Mrs. Roswell" Magalang na tanong niya. Kahit gusto
kong tumayo para batiin sya dahil mukhang bisita din naman sya, ay hindi
ko magawa. Dahil baka magalit si Zeke kapag nakita akong basta-basta
tumatayo.

"Bakit?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan dahil sa tanong
niya. "Ikaw ba si Mrs. Roswell?" Tumango lang ako dahil mukhang seryoso
sya sa sasabihin niya. "Pwede ba kitang makausap in private?" Hindi na
ako sumagot, maingat na lang akong tumayo. Maglalakad na ako nung may
umakbay sa balikat ko.

"Nah. Not without me" Tumingin ako kay Zeke na nasa tabi ko na.
Nakatingin sya ng seryoso sa'kin. "Who is he?"

"Bakit di mo doon itanong sa kay ateng waitress" Sya naman 'yung


kinakausap niya kanina pa. Tinignan ako ng masama ni Zeke kaya tinignan
ko rin sya ng masama. "Fine. You can talk privately but—"

"Sya ba si Mr. Roswell?" Singit nung lalaki sa usapan kaya sabay kaming
tumingin ni Zeke sa kanya. May pagkabastos 'tong si kuya. Nakita ng nag-
uusap pa kami ni Zeke eh,
"Mukha ba syang si Mrs. Roswell?" Naiinis na sagot ko dito kay kuyang
hindi namin kakilala. Obvious naman kasi diba? Itinatanong pa. "What do
you need from us?" Tumingin ako kay Zeke dahil seryosong-seryoso sya sa
pagsasalita.

"Wala akong kailangan sa inyo, kayo ang may kailangan sa'kin" Sagot ni
kuyang hindi ko kilala. Kaya kumunot ang noo ko. Tinignan ko pa sya mula
ulo hanggang paa dahil sa sinabi niya. Ano naman kaya ang kakailanganin
namin sa kanya? Kumpleto naman gamit namin sa bahay, kumakain naman kami
ng tatlong beses sa isang araw. Minsan nga lampas pa sa tatlong beses eh.
Kaya hindi ko na-gets ang sinabi niya.

"Alright then, follow me" Seryosong saad ni Zeke. Hinawakan niya ng kamay
ko saka kami naunang maglakad. Lumingon-lingon ako paminsan-minsan sa
likod namin para tignan 'yung lalaki na naglalakad kasunod namin.

Pumasok kaming tatlo sa isa sa mga VIP room dito sa hotel. "Now, speak"
Utos ni Zeke pagkasarang-pagkasara ng pinto. Pero imbis na magsalita sya
ay dinukot niya ang cellphone niya mula sa loob ng jacket niya at
iniabot. Kinuha ko naman ang phone dahil mukhang walang plano si Zeke na
abutin.

Nasa gallery na agad ang phone kaya binrowse ko ang mga pictures. Nakaka-
isang slide pa lang ako ay bumagsak agad ang mga luha ko sa nakita kong
picture sa cellphone niya kaya agad-agad ding kinuha ni Zeke sa'kin ang
cellphone. "A-anong ginawa nyo kay mommy at baby Bullet?" Ngumiti lang
sa'kin 'yung lalaki kaya nainis ako.

Akmang susuntukin ko ang lalaki nung maunahan ako ni Zeke. Sumalampak sya
sa sahig pero nakangiti pa rin sya habang pinupusan ang dugo na tumulo
mula sa ilong niya. "Ayos naman sila kanina bago ako umalis sa bahay ni
Mr. Knight, ewan ko lang ngayon" Nakangiting sagot niya.

Dinukot ni Zeke ang baril sa coat niya saka binaril ang lalaki.
Parehas kaming walang imik na lumabas ng hotel room at dumiretso na
papunta sa parking lot. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag
may nangyaring masama kay baby Bullet.

**

Sebastian's PoV

"Paksyet!" Napakamot na lang ako ng ulo dahil hindi ko alam kung saan
hahagilapin sila Bossing. Kanina pa kasi nagtatanong ang emcee kung
nasaan si Bullet. Kami tuloy ang kinukulit. Natanaw ko si Lampe at ang
pinsan ni Ma'am Aemie na magkasama kaya sila kaagad ang nilapitan ko.

"Yo baby Lampe! Miss Amesyl" bati ko sa kanilang dalawa.

"Nasan kapatid ko?" Tanong ni Lampe pagkalapit na pagkalapit ko sa


kanilang dalawa. Amputs! "Nandito sa puso ko" Sagot ko sabay kindat.

"Ulul!"

"Pfft. Selos ka baby Lampe?" Umakbay pa ako kay Lampe at pinisil-pisil


ang balikat niya kaya binigwasan ako. Gago talaga eh. "Mandiri ka tsong!"
Pfft. "Nakita niyo ba sila bossing?" Pag-iiba ko ng usapan. "Hinahanap
kasi nung mga emcee si Bullet eh"
"Akala ko ba kasama ni tita Alyana si Bullet?" Singint nung pinsan ni
Ma'am Aemie.

"Yun din sabi ni Mei kanina, kaso nung tinignan namin sa kwarto sila
Ma'am Alyana. Wala naman sila doon"

"Wengya! Baka naman umuwi na?"

"Pero magkasama pa kanina sila insan at ang asawa niya. Natanaw ko pa


sila doon sa may buffet table kanina"

Tsk. Nasaan naman kaya sila? "Petengene!" Napakamot na lang ako ng ulo
dahil ako ang malilintikan nito kay Mei, kabilin-bilinan pa naman sa'kin
na hanapin ko daw.

"Bakit ba raw kasi nila hinahanap?" Tanong ni Lampe. "Patapos na nga kasi
'tol ang party" Sagot ko. "Tutulong na lang ako sa mga emcee na magsabi
sa mga bisita, gusto ko na ring umuwi eh" Pagpi-prisinta ng pinsan ni
Ma'am Aemie. "Yown! Sige sige. Pero kailangan nating hanapin sila
Bossing, baka tayo ang malintikan kapag pinauwi natin mga bisita ng hindi
nila alam"

"Okay lang 'yan, ako na lang magpapaliwanag kay insan. Mabuti nga 'yun
kaysa naii-stress sya sa party"

"Kung sa bagay"
"Sus! Kung usapang stress lang naman, isang tingin lang ni Aemie sa'kin
tanggal ang stress niya"

"Oo dahil nakakamatay tumingin sa'yo" Pfft. Ibang klase talaga 'tong
dalawang 'to.

"Kaya pala patay na patay ka na sa'kin, dahil lagi kang nakatingin"


Nakangising sagot ni Lampe. Natawa naman ako dahil sa nakamamatay na
tingin ng pinsan ni Miss Aemie kay Lampe. Pfft. "Ang kapal talaga ng
mukha mo kingkong"

"Gwapo tomboy, gwa-po" Pagtatama ni Lampe.

**

Aemie's PoV

Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng dress ko dahil sa sobrang kaba.


Nangingilid na rin ang mga luha ko. Tumingin ako kay Zeke saka nagsalita
dahil kanina pa rin sya walang imik simula ng makasakay kami dito sa
kotse "Kinakabahan ako Zeke" Humigpit ang hawak niya sa manibela pero
hindi sya nagsalita.

Kaya itinuon ko ang atensyon ko sa ibang bagay. Napatingin ako sa pouch


ko at naalala ko bigla ang tungkol sa envelope na iniabot sa akin nung
bata. Hindi ko pa nga pala natitignan kung anong laman nun.
Maghihintay ako sa inyo sa bahay ko. Kapag hindi kayo dumating bago mag-
alas dos ng hapon...game over. –Terrence Von Knight.

Tumingin kaagad ako sa digital clock ng kotse. 13:56

"Zeke, tignan mo 'to" Binasa ko sakanya ang nakasulat sa papel kaya


napahampas sya sa manibela. Sunud-sunod din ang pagbulong niya ng mura
habang nararamdaman kong bumibilis ang takbo ng sasakyan.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang palapit kami ng palapit sa


bahay nila Terrence Von Knight. May kalayuan sa sibilisasyon ang
pinuntahan namin kaya puro palayan ang natatanaw ko sa daan. Pero mula
dito, tanaw na ang—"OMYGOD!" pumreno si Zeke dahil sa sobrang lakas ng
pagsabog.

"Fuck!"

Nagkatinginan kami dahil kitang-kita namin parehas kung paano biglang


sumabog 'yung bahay ni Terrence Von Knight. Nanginginig na ang buong
katawan ko at pinagpapawisan na ako ng malamig dahil abot-abot na ang
kaba sa dibdib ko.

Mabilis na pinaandar ni Zeke ang kotse hanggang makarating kami sa tapat


ng nagliliyab na bahay ni Terrence Von Knight.

Sabay kaming lumabas sa kotse. Ni hindi na nga ako nagawang kausapin ni


Zeke dahil nagmadali na syang tumakbo papasok sa loob. Samantalang ako
naiwang hinang-hina dito sa labas ng kotse. Sumandal ako dahil
nakakaramdam na naman ako ng hilo. Ang mga luha ko sa mata sunud-sunod na
din ang pag-agos.
Nakakapanglambot makita ang unti-unting natutupok sa apoy na bahay ni
Terrence Von Knight. Ayoko ring mag-isip ng kung anu-ano dahil parang
dinudurog ang puso ko.

Naglakad ako papasok sa bakuran ng bahay. Ang layo ko pa pero damang-dama


ko na ang init dahil sa laki ng apoy sa buong bahay. Sira-sira na din ang
bahay at patuloy sa pagbagsak ang mga poste at bato. "Z-Zeke" Halos wala
ng boses na lumabas mula sa bibig ko habang tinitignan ko si Zeke na
pilit inaalis ang mga nagliliyab na kahoy na nakaharang sa daan para lang
makapasok sa loob.

Basang-basa sya ng tubig nung pumasok sya sa loob.

Napasalampak na ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina. Bukod doon,


wala na akong ibang nararamdaman. Nakatitig lang ako sa harapan ko
hanggang sa may madinig na akong tunog ng mga ambulansya at bumbero na
palapit sa kinaroroonan namin.

"Ma'am, let me help you po."

May mga bumbero ng nagtatakbuhay sa paligid ko para apulahin ang apoy


pero wala pa rin akong iniisip kung hindi si baby Bullet.

Gusto kong magwala at umiyak ng malakas dahil habang tumatagal lalong


bumibigat ang pakiramdam ko at nawawalan na ako ng pag-asa. Pero wala na
din akong lakas para kumilos.

"Ma'am kailangan niyo na pong madala sa ospital, dinudugo na po kayo"


Naramdaman ko ang pagbuhat sa'kin ng isa sa mga lalaking nurse at
paghihiga sa'kin sa stretcher. Pero hindi ko pa din inaalis ang tingin ko
sa bahay. Isasakay na nila ang stretcher sa ambulansya nung lumabas si
Zeke sa bahay. Nakatungo sya at ilang ulit na napahilamos at napakamot sa
ulo niya hanggang sa napaluhod na lang sya sa sahig.

"FUCK!!"

Hanggang sa maisara ang pinto ng ambulance ay nadidinig ko pa ang paulit-


ulit na mura ni Zeke at iyak. May mga sinasabi sa'kin ang mga nurse pero
wala ni isa sa mga salitang sinasabi nila ang naiintindihan ko.

**

Amesyl's PoV

"Maraming salamat po sa pagpunta" Magalang na sabi ko pagkaabot ko ng


give aways. Unti-unti ng nag-aalisan ang mga tao. Kami na lang ang
nagutulong-tulong na magpasalamat sa lahat ng bisitang pumunta. Hanggang
ngayon kasi hindi namin alam kung saan ba pumunta sila insan.

"Hindi na maganda ang kutob ko sa nangyayari" Wika ni ate Meisha.

"I feel the same way, Mei. Kanina pa kami nag-iikot-ikot ni Wallace and
hindi namin makita kahit si Queen" Sabi naman ni Cassandra.

"Lee, natignan mo na ba ang CCTV ng hotel?" Tanong nung boyfriend ni


Caileigh. Nagkamot ng ulo si Jacob kaya napabuntong-hininga na lang ako.
Puro kasi lovelife ang inaatupag nila eh. "Ate, ate" Hinihila-hila ng
isang batang babae ang laylayan ng damit ko kaya tinignan ko sya. "Tapos
nap o ba ang party?" Pangungulit nung bata.

"Oo eh" Walang ganang sago ko. "May ibibigay pa naman ako sa mama nung
baby" Malungkot na sabi nung batang babae. Umupo ako sa harap niya saka
ya tinignan at tinanong. "Anong ibibigay mo?" Nakangiting tanong ko.

"Ito po oh" Iniabot niya sa'kin ang isang putting envelope. "May
nagpapabigay po kasi niyan kanina tapos hindi ko na po naibigay" Kinuha
ko agad sa kanya ang envelope at nung buksan ko.

"Shit!" naglapitan silang lahat sa'kin at isa-isang tinignang ang mga


litrato na hawak ko. Pictures ni Bullet at tita Alyana ang laman ng
envelope. Ibinigay ko na sakanila ang mga litrato dahil hindi ko kayang
tignan.

"P*tang*na!"

"Dammit"

"Darn!"

"P*ta"

Sunud-sunod din ang mga nadinig kong mura mula sa kanila. "Baka kaya
nawala sila Bossing" Tumingin ako sa kanila na pare-parehas hindi alam
ang gagawin. "I know this place" Wika ni JK. "Bahay 'to ni Knight"
dugtong pa niya.
Nagkatinginan kaming lahat at saka walang imik na nagmadali papunta sa
parking lot.

**

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nung nadatnan namin ang
bahay ni Terrence Von Knight na natupok na ng apoy. Ang mga bumbero ay
may mga bitbit na labi ng mga namatay. Pero ang mas umagaw ng pansin ko
ay ang asawa ni insan na nakasalampak lang sa sahig habang nakatingin sa
kabuuan ng bahay.

"Mawalang galang na po. Kaibigan o kamag-anak po kayo ng mga nasawi?"


Tanong ng isang lalaki.

Tumikhim si Sebastian bago niya kinausap ang lalaki. "Hindi pa ho kami


sigurado kung kasama ang pamilya namin. Pero ilan ho ba ang bilang ng
nasawi?" Tanong ni Sebastian.

"47 ho, ang isa po ay sanggol" Doon ko na naramdaman ang pagkirot ng puso
ko. Nadinig ko na rin ang iba naming kasama na nagsimula ng umiyak.
"Dinala rin po namin si Mrs. Roswell sa ospital dahil dinudugo na po sya
kanina" sabi nung isang nurse.

-A week after-

Lahat kami ay umiiyak at nagdadalamhati habang binebendisyunan ng pari


ang mga abo nila tita Alyana at ng pamangkin kong si Bullet. Hindi namin
matanggap lahat ang mga nangyari. Mas lalo na si insan at ang asawa niya.
Walang ginawa si insan maghapon at magdamag kung hindi umiyak ng umiyak
at sisihin ang sarili niya. Kaya mas lalong naging maselan ang
pagbubuntis niya.

Walang ibang lumalabas sa bibig ng asawa ni insan kung hindi puro mura
kasabay ng pag-iyak habang pinapanuod namin ang pagbebendisyon ng pari.

Bakit ganito? Ako 'yung nasasaktan ng sobra-sobra para kay insan dahil
lahat na lang kinuha na sa kanya. Mga magulang, at anak. Pero alam kong
triple pa ang nararamdaman niyang sakit.

"I really can't believe this is happening" Bulong ni Caileigh habang


umiiyak. Kahit ako, hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon sa mga
nangyari. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi ko inalis
sa paningin ko si Bullet.

Aminado ko kahit ako naging pabaya. Lahat kami naging pabaya kaya
humantong ang lahat sa ganito. Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Tama nga
sila, nasa huli lagi ang pagsisisi.

Kami-kami na lang ang naiwan dito sa sementeryo nung makaalis na ang


ibang nakipaglibing pati ang pari. Pero wala ni isa sa amin ang
nagsasalita. Si insan patuloy lang sa pag-iyak habang nakaupo sa
wheelchair. Pinagbawalan na kasi sya ng doctor na tumayo dahil nga baka
kung ano ang mangyari sa dinadala niya

**

Louie's PoV
Inayos ko ang butones ng coat na kakasuot ko lang at saka naglakad
palapit kay Angelique.

*baby cries*

Hawak-hawak niya si Bullet at nakangiti habang kinakausap. "Like what


I've said, your mother and father will surely thank me for sparing your
life."

"Hon, let's go. Mahuhuli na tayo sa flight" Ngumiti ako kay Angelique.
Ngayon ang nakatakdang alis namin tatlo papuntang Japan. Doon namin plano
magpakasal at mamalagi ng ilang taon.

**

**

**

**

25 years later.. (Japan)

Bullet's PoV
"Bullet, nakaayos na ba mga gamit mo? Babalik na tayo ng Pilipinas" I've
been waiting for this moment for so long.

I nodded. "Yes mom" Matagal ko ng gustong makilala ang mga magulang kong
umabanduna sa'kin. Ang mga magulang kong sakim at mamamatay tao. I
clenched my fist in anger. "Tawagan mo nga 'yung daddy mo. Kanina ko pa
hindi ma-contact eh"

"Tss. Alright" I replied.

"I love you son" My mom said before closing the door. But still, I'm
thankful. Kung hindi dahil sa kasakiman ng mga magulang ko, hindi ako
mapupunta sa puder ng mga kinikilala kong magulang ngayon.

"Bullet! Psst oy!" I frowned when I saw her outside my window. "What the
hell are you doing there?" Tss. It's Mikazuki Yagami, my sister. Not by
blood, dahil tulad ko inampon lang din sya nila mom at dad. Bukod sa'ming
dalawa, may tatlo silang totoong anak. Sila Shaun, Lionel at Lovelle.
Pero wala silang alam tungkol sa pagiging ampon namin ni Mikazuki. And
we're both using Birkins as our surname.

"Hahaha. Ayos na ba gamit mo?" She asked after jumping from the window.
What the! "Oo" I answered back.

"Excited ka na ba na makilala sila tita Aemie at tito Ezekiel?" Ano bang


pinagsasasabi nito. "Bakit tita at tito ang tawag mo sa kanila? Tss."

"Syempre parents mo 'yun eh" She look so excited. Simula pagkabata namin
wala syang ginawa kung hindi maghanap ng information about Aemie and
Ezekiel Roswell. "Excited na ako ma-meet sila!" She said after throwing
herself on my bed. "I'm not" Sagot ko.
"Bullet Roswell"

"Stop calling me Roswell!" I said in annoyance.

She laughed so I turned to glare at her. "Nakalimutan mo na ba kung bakit


gusto kong bumalik ng Pilipinas?" I asked. Kahit kailan hinding-hindi ko
makakalimutan ang mga sinabi ni dad at mom tungkol sa mga totoo kong
magulang. Tss. It's been 25 years. And I've been waiting for this moment
para maiparamdam sa kanila kung gaano sila kasamang mga magulang.

My annoyance grew when she fvcking laughed again. "Get out" I ordered,
with my eyes nailed at her. Pero nginitian lang niya ako. "I said get the
fvck out!"

She stood up and quietly went out of my room. Obedient.

After three seconds narinig kong bumukas ang pinto kaya tumingin ako.
"Bilisan mo na dyan Bullet Roswell, makikipag-date pa tayo sa real
parents mo!!" I was about to stood up and chase her for laughing and
emphasizing the word Roswell when she closed the door.

"What the fck!"

I grabbed my gun and went out of my room. "Sekai de ichiban daikirai" I


whisphered. (Translation: I hate you more than anyone else)
-The end-

**

A/N : Walang epilogue or special chapters dahil sinama ko na dito lahat.


:D Lahat ng tanong niyo about sa nangyari sa kanila after, masasagot sa
Season 3 (Next generation of Mafia) Thank you sa lahat ng sumuporta mula
Season 1 hanggang dito sa Season 2. Bumili kayo books ha!

Kailan ang season 3? After a month or two or three? Hindi ko pa sure.


Basta, meron.

You might also like