You are on page 1of 27

9

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan at Kahalagahan ng
Ekonomiks
Araling Panlipunan – Ika-siyam na baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raquel C. Castro


Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD
Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad
Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David
Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD
Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros
Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado
Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librado M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Amando P. Yutuc, PhD
Emily F. Sarmiento, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region03@deped.gov.ph
9
Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan at Kahalagahan ng
Ekonomiks
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan -9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahulugan at kahalagahan ng
Ekonomiks!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 9 ) ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa (kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks)
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay nakatuon sa kahulugan at kahalagahan ng pag-aaral


ng Ekonomiks na kung saan binibigyan diin nito kung paano gagamitan ang
matalinong pagpapasya sa kabila ng kakapusan na nararanasan ngunit may walang
hanggang pangangailangan ang tao.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang bahagi:
A. Kahulugan ng Ekonomiks
B. Kahalagahan ng Ekonomiks

Pagkatapos mong maisakatuparan ang mga gawain, inaasahang


maisasagawa mo ang sumusunod na kasanayan:

1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay bilang isang mag-aaral,kasapi ng pamilya at lipunan; at
(AP9MKE-Ia-1)
2. natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. (AP9MKE-la-2-3)

Kaugnay nito, inaasahan din na maisasakatuparan mo ang mga sumusunod


na mga kakayahan:
1.1Nabibigyang kahulugan ang Ekonomiks;
1.2. napapahalagahan ang pag-aaral ng Ekonomiks; at
1.3.nai-aaply ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-
araw na pamumuhay bilang mag-aaral bilang kasapi ng pamilya at lipunan.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pinaka-angkop na kahulugan ng ekonomiks?
a. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay may kinalaman sa tamang paggamit ng limitadong
pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng tao.
c. Ito ay bahagi ng siyensiya na pinakamahalagang salik sa lipunan
d. Ito ay pag-aaral sa tao at lipunan

1
2. Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang griyego na ibig sabihin ay
pamamahala ng tahanan/bahay
a. oikonomos
b. oikonomiks
c. oikonomia
d. oikonomiya

3. Ang hindi paggamit ng tamang pagpapasya sa pagkonsumo ng mga


pinagkukunang yaman ay maaring magbunga ng
a. kakapusan
b. kasaganaan
c. kaayusan
d. kapayapaan

4. Ang mga sumusunod ay konsepto sa pag-aaral ng ekonomiks maliban sa


isa:
a. tamang pagbabadget
b. tamang pagpapasya
c. tamang pagtitipid
d. tamang pagboto

5. Sa konsepto ng ekonomiks sa bawat pagpapasya ay kalimitang may


pagpili o pagsasakripisyong nagaganap kapalit ng ibang bagay ito ay
tinatawag na?
a. trade off
b. lay off
c. dayoff
d. opportunity cost

6. Ito ay ang halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng


desisyon.
a. seguridad
b. alternatibo
c. opportunity cost
d. pagpapasya

7. Ang konseptong ito ay mahalaga sa pagtukoy sa mga karagdagang halaga


maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha sa gagawing
desisyon.
a. Planning
b. Decision making
c. Marginal setting
d. Marginal thinking

8. Ang gustong ibigay ng tagapaglikha ng produkto na maaaring makahikayat


sa mga manggagawa.
a. sick leave c. vacation
b. day off d. incentives

2
9. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang
sa tamang pagpapasya?
a. isaalang-alang ang mga pangarap na ninanais
b. isaalang-alang ang opportunity cost o halaga ng isang bagay na
kailangang ipagpalit sa paggawa ng desisyon
c. isaalang-alang ang mga kaibigan at katrabahao
d. isaalang-alang ang mga kasamahan sa bahay

10. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan ang mga


sumusunod ay maaring mangyari maliban sa ___________________?
a. magiging pantay ang distribusyon sa mga pinagkukunang yaman
b. maaring malutas ang suliranin sa kakapusan
c. mabawasan ang mga suliraning pampamilya
d. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin

11. Ang kakapusan ay maaring magdulot ng iba’t ibang suliraning


panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng
suliraning panlipunan?
a. magdudulot ito ng pagbabago sa badyet ng mga tao
b. magkakaroon ng pagtaas ng presyo sa pamilihan
c. magdudulot ng malakas na lindol dahil sa pagguho ng lupa
d. magkakaroon ng monopolyo sa hanay ng mga negosyante

12. Bakit tinaguriang isang agham ang ekonomiks?


a. dahil pinag-aaralan nito kung ano ang epekto ng ginagawa niyang
pagpili para sa pansarili niyang pangangailangan
b. dahil gumagamit ng mga datos mula sa pananaliksik ang ekonomiks
upang maipaliwanag ang ibat-ibang mga suliraning panlipunan.
c. dahil may mga tuntunin sa pag-aaral ng ekonomiks na kadalasan ay
may relasyon sa pananaliksik at gawain ng mga siyentipiko.
d. lahat ng nabanggit

13. Sa ekonomiks upang makapagsuri at makapagpasya ang mga mamamayan


tungkol sa suliraning pang-ekonomiya kailangan ang mga sumusunod na
kaalaman maliban sa:
a. kaalaman at pagkaunawa tungkol sa kalikasan at kabuuan nito
b. kaalaman at pagkaunawa sa mga patakarang pinaiiral ng
pamahalahan
c. kaalaman at pagkaunawa kung ano ang mga pangunahing
pangangailangan at kagustuhan
d. kaalaman at pagkaunawa sa sariling kapakanan

14. Mahalaga ang ekonomiks bilang kasapi ng pamilya dahil:


a. natutuhan ang matalinong paggasta
b. napapahalagahan ang pag-aaral ng mabuti
c. nagkakaroon ng matalinong desisyon sa pagtugon sa iyong mga
pangangailangan
d. lahat ng nabanggit

3
15. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng matalinong pagdedesisyon maliban
sa isa:
a. kapag ang ginawang desisyon ay maaring makatulong sa pamilya
b. kapag ang ginawang desisyon ay nagamit sa mahahalagang usaping
pang ekonomiko
c. kapag ang ginawang desisyon ay may kaugnayan sa pagpapaunlad
para sa sariling kapakanan.
d. kapag ang ginawang desisyon ay maaring humubog sa iyong pag-
unawa at gawi na makakatulong sa kinabukasan at paghahanapbuhay
sa hinaharap.

Paalala: Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Tayong lahat ay madalas nakakaranas ng mga iba’t ibang suliranin. Bilang


isang mag-aaral, madalas kulang ang baon para sa mga personal at kailangan sa
eskuwelahan ngunit ayaw mong humingi pa sa iyong mga magulang dahil alam mo
na kapos din ang pamilya sa araw araw na pangangailangan. Pagdating mo sa
eskuwelahan narinig mong nagkukuwentuhan ang iyong mga kaklase na kulang o
hindi daw sapat ang sahod ng kanilang magulang kung kayat sila’y walang baon sa
araw na iyon.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mapapansin mo na ang lahat ng mga


suliranin na nararanasan araw-araw ay may kaakibat na solusyon. Mas madalas
nga, higit ninyong natutugon ang mga pangangailagan sa bahay sampu ng iyong
mga kaklase. Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang kaugnayan mo sa ekonomiks
at ang araw-araw mong ginagawa? Nakakatulong nga ba ang ekonomiks sa iyong
pang araw-araw na pamumuhay at paano mo ito binibigyang halaga?

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng mga


matalinong pagpapasya na mai-aaply sa pang araw-araw na pamumuhay.

Halika’t alamin natin kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks


at papaano ito makakatulong sa iyo bilang isang mag-aaral.

4
Tuklasin

Sinasabing nakatuon ang Ekonomiks sa pag-aaral kung paano matutugunan


ng limitadong pinagkukunang-yaman ang walang katapusang pangangailangan ng
tao.

Panuto: Bumuo ng sampung (10) salita (English o Tagalog) na nagmula sa salitang


Ekonomiks. Mga salitang maaring may kinalaman sa pang araw-araw na gawain sa
iyong buhay Maaring maulit ang letra kung kinakailagan at sagutin ang mga
pamprosesong tanong. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa: E K O N O M I K S - INOM, SINE, KOMIKS

1 6.

2 7.

3 8.

4. 9.

5. 10.

Pamprosesong Tanong:

1. Naging madali ba ang pagbibigay ng kahulugan sa bawat letra ng


ekonomiks? Kung oo, bakit? Kung hindi, bigyan ng paliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Sa mga nabuong mga salita, Alin sa mga ito ang palagi mong ginagawa o
ginagamit? Bakit?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Alin sa mga salitang nabuo ang may kaugnayan sa iyong pang araw –araw
na pamumuhay bilang isang mag-aaral?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5
Aralin
Kahulugan at Kahalagahan
1 ng Ekonomiks.

Suriin

A. Kahulugan ng Ekonomiks

Bawat araw nahaharap tayo sa iba’t ibang


pagpapasya, dapat ba tayong bumangon para
mag-aral kapag nagsimula na ang klase o
matutulog na lang? Gagastusin mo ba ang iyong
pera o ipunin na lang para sa bibilhing
importanteng bagay? Sa ganitong sitwasyon ay
nangangailangan ng isang masusing pagpapasya
upang malubos ang ating pakinabang sa oras,
mga yamang materyal at di-materyal.

Sa ekonomiks, isang mahalagang aspeto


ang pagpapasya, wastong pagpapasya. Ilang
mahahalagang tanong ang isinaalang-alang sa
pagpapasya sa isang sambahayan, bansa o ekonomiya kung anong produkto ba ang
gagawin para magamit ng mga konsyumer, gaano karami ang gagawin at para
kanino ang gagawing mga kalakal at paglilingkod? Balikan natin ang ilang
pakahulugan ng salitang Ekonomiks na mula sa ilang mga dalubhasa. Nagmula
ang salitang Ekonomiks sa salitang pranses na “economie” na ang ibig sabihin ay
pamamahala ng sambahayan. Dito naman hinango sa salitang Griyego ang salitang
oikonomia na mula sa dalawang salitang oikos na nangangahulugang bahay at
nomos na ang ibig sabihin ay mamahala. Dahil dito, tinaguriang isang agham ang
ekonomiks. Bilang isang agham, pinag-aaralan nito kung ano ang epekto ng
ginagawa niyang pagpili para sa pagkamit ng kanyang mga pangangailangan.
Gumagamit din ng mga datos mula sa pananaliksik ang ekonomiks upang
maipaliwanag ang iba’t ibang mga suliranin na may kinalaman sa pagkilos ng tao
upang mabigyang tugon ang kanyang mga walang limitasyon na pangangailangan.

Kaugnay nito maaari nating masabi na ang Ekonomiks ay isang sangay ng


Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-
yaman.

6
Sa madaling salita, ang Ekonomiks ay bahagi na ng isang tao o lipunan at
naapektuhan nito ang gawi, isip at pagkilos niya sa araw-araw.

B. Kahalagahan ng Ekonomiks

Sa pag-aaral ng ekonomiks, mahalagang malaman na ang tamang


pagdedesisyon sa pagtugon sa tila walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng isang tao ay isa sa pinakamahalagang usapin na binibigyan ng sapat
na pansin sa agham na ito.

Bilang mag-aaral, mahalaga na magkaroon ka ng kaalaman sa konsepto ng


Ekonomiks dahil mahuhubog nito ang pagiging mapanuri at pagiging matalino sa
paggawa ng desisyon.

Bilang kasapi ng pamilya maari mong magamit ang kaalaman sa ekonomiks


sa pamamagitan ng matalinong pagasta, kahalagahan ng pag-aaral ng mabuti at
pagkakaroon ng matalinong desisyon sa pagtugon sa iyong mga pangangailangan o
kaya naman sa iyong mga kagustuhan.

Bilang bahagi ng lipunan nagagamit natin ang kaalaman sa ekonomiks upang


lubusang maunawaan ang mga napapanahong usapin na may kinalaman sa mga
programang ipinatutupad ng ating bansa.

Matatandahan na maraming mahahalagang konsepto ang ibinigay ng mga


eksperto para mabigyan ng kahulugan ang ekonomiks kaugnay nito masasabi natin
na ang kahulugan ng ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na
tumutukoy sa tamang paggamit ng mga limitadong yaman upang matugunan ang
tila walang katapusang pangangailangan ng tao.

Mga mahahalagang konsepto na dapat isa-alang alang sa pag-aaral ng


ekonomiks upang makabuo ng matalinong pagpapasya.

 Kakapusan - Ito tumutukoy ito sa pangmatagalang kalagayan kung saan ang


mga pinagkukunang-yaman ay hindi sapat para matugunan ang mga hindi
maubos-ubos na pangangailangan ng tao.

 Alokasyon - Tumutukoy sa tamang pagbabaha-bahagi ng mga limitadong


pinagkukunang-yaman upang tumugon sa nagpapaligsahang gusto o
kailangan ng mga tao.

 Produksiyon - Ito ay ang proseso ng paggawa o pagbuo ng mga produkto o


serbisyo na siyang tutugon sa mga pangangailangan ng tao.

 Trade-Off - Ang kapalit ng pinili nating desisyon kung saan isinasakripisyo


natin ang isang bagay kapalit ng pinili natin. Mahalaga ito sapagkat sa
pamamagitan nito ay maaring mong masuri ang mga pagpipilian upang
makabuo ng magandang resulta.

7
 Opportunity Cost - tumutukoy sa halaga ng isang bagay na handang
ipagpalit sa bawat paggawa mo ng desisyon. (Case, Fair at Oster,2012). Isa
halimbawa ay gustong gusto mong maglaro ng computer games ngunit
naiisip mo ang mga takdang aralin na iyong dapat tapusin. Alam mong hindi
mo ito magagawa ng sabay kung kaya’t kailangan mong pumili. Ang halaga
ng pag-aaral ay kasing halaga rin ng kaligayahang maidudulot ng paglalaro
mo sa kompyuter.

 Marginal Thinking - Ang konseptong ito ay mahalaga sa pagtukoy sa


karagdagang halaga ng paggawa ng produkto. Sa paggawa ng mga produkto,
ang mahalagang desisyon na maaaring gawin ng prodyuser ay ibuhos ang
mga pinagkukunang-yaman o pondo kung saan kikita nang mas malaki
kaysa sa ginastos sa paggawa ng produkto.

 Incentives - Ang gustong ibigay ng tagapaglikha ng produkto. Tulad


halimbawa ng pag-aalok ng mas mura pero de-kalidad na produkto o serbisyo
ng isang kumpanya. Ang pagbibigay ng insentibo sa trabahao kapag ikaw ay
walang pagliban ay maaring makahikayat sa isang manggagawa na masipag
at pumasok araw-araw.

Ang mga kaalaman sa mahahalagang konsepto ng ekonomiks ay


makakatulong sa pagbuo ng matalinong desisyon upang masagot ng rasyonal ang
mga suliraning maaaring maranasan araw-araw.

Malaki rin ang naitutulong ng ekonomiks dahil maaari rin itong magbigay-
daan sa pagkakaroon natin ng interes sa iba’t ibang usapin ng ating bayan tulad ng
nararanasan natin sa kasalukuyang pandemya (Covid 19) na makakatulong sa
pagpapaliwanag sa iba, kung ano-ano ang possibleng maging epekto nito sa ating
pamumuhay at sa ating ekonomiya, Pero higit rito ay ang inaasahang pagiging
aktibong kabahagi lalo na sa panahon na kailangan para sa makamit ng
makabuluhang ang pagbabago at pag-unlad sa ating lipunan.

8
Pagyamanin

ACROSTIC WORD PAG-USAPAN NATIN!

Panuto: Bigyan ang bawat letra ng salitang Ekonomiks ng mga iba’t ibang
kahulugan na sa palagay ninyo ay may kinalaman sa kahulugan at kahalagahan ng
Ekonomiks. Isulat ito sa sagutang papel.

E - _____________________________________
K - _____________________________________
O - _____________________________________
N - _____________________________________
O - _____________________________________
M - _____________________________________
I - _____________________________________
K - _____________________________________
S - _____________________________________

Sumulat ng maikling pagpapaliwanag base sa nagawang acrostic word.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

9
T CHART NA YAN!

Panuto: Gamit ang T –Chart ibigay ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks.


Mula sa nabuong chart, sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa iyong
naunawaan sa gawain. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kahulugan ng Ekonomiks Kahalagahan ng Ekonomiks

KONSEPTO NG EKONOMIKS
Panuto: Punan ng mga mahahalagang konsepto sa ekonomiks ang mga sumusunod
na palaso (arrow). Bigyan ng paliwanag bakit ito makakatulong sa paglutas sa mga
suliraning nararanasan araw-araw.

M P
EKONOMIKS
A A
T G
A P
L A
I P
N A
O S
N Y
G A

HALIKA PAG-ISIPAN NATIN

10
Panuto: Piliin ang titik ng sa tingin ninyo ay pinakaangkop sa iyong sitwasyon.
Bigyan ng paliwanag bakit ito ang iyong napili. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Ngayong panahon ng pandemya, anong oras ako gigising para mag-aral?
a. 6:00 a.m
b. 7:00 a.m
c. 8:00 a.m
d. 9:00 a.m
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Tapos na akong mag-aral ng leksyon, ano ang aking gagawin?
a. Maglalaro sa labas
b. kakain
c. matutulog
d. pupunta sa aking kaibigan
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Kung papayagan ng mag-aral sa eskuwelahan pagkatapos ng pandemya,


sisiguraduhin kong
a. magiging masaya ako
b. magtitipid ako
c. mag-aaral ng mabuti
d. makahanap ng bagong kaibigan
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4. Kung ako ay magtatrabaho, sa unang sahod ko bibili ako ng:


a. sapatos
b. cellphone
c. ibibigay sa aking nanay
d. ilalagay sa alkansya
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. Eco bag ang aking dadalhin sa pamamalengke dahil:


a. Mas makakamura
b. mainam sa kapaligiran
c. magandang tingnan
d. mas komportable
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

11
AKO AT ANG EKONOMIKS
Panuto: Punan ng mga salita ang loob ng palaso (arrow) upang mabigyang saysay
ang kahalagahan ng ekonomiks. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Bilang mag-aaral
_____________________

Bilang kasapi ng pamilya


_________________________

Bilang kasapi ng lipunan

______________________

12
Paano ba Magpasya?

Panuto: Isulat ang opportunity cost ng bawat pasya na ginawa sa katumbas na


kolum.

PASYA OPPORTUNITY COST


Pag-uwi ng maaga mula sa
eskuwelahan
Pagbabaon ng sariling pagkain sa
eskuwalahan
Paglalaro sa kompyuter

Pagtulog ng maaga

Pamamasyal

Pagbisita sa mga kaibigan

Pagtatrabaho pagkatapos ng high


school

Isaisip

Tandaan!

Ang ekonomiks ay bahagi ng buhay ng isang tao. Ito ay isang pag-aaral sa


tamang paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan
ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Dapat matutunan ang
konsepto ng kakapusan, alokasyon at produksiyon upang matugunan ang mga
suliraning pang-ekonomiya. Mahalaga ang tamang pagdedesisyon upang higit na
matamo ng isang tao ang pinakamataas na antas ng paggamit o pakinabang sa
napili niyang desisyon.

13
Panuto: Bumanggit ng konsepto at kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks para sa
kabataang tulad mo at magbigay ng sitwasyon na naranasan ngayong pandemya at
papaano nakakatulong ang kahalagahan at konsepto ng ekonomiks para sa iyo.

•Sitwasyon

Konsepto ng Ekonomiks

•Sitwasyon

Kahalagahan ng Ekonomiks

Isagawa

Eko-larawan

Panuto: Gumawa ng poster o tula tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng


ekonomiks at ang kaugnayan nito sa iyong pang-araw-araw na buhay.

14
Tayahin

BINAGONG TAMA O MALI

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at kung Mali palitan ng tamang
sagot at isulat sa patlang. Itala ang mga sagot sa iyong sagutang papel.

________ 1. Ang salitang ekonomiks ay mula sa salitang Pranses na ang ibig


sabihin ay oikos (pamamahala) at nomos (tahanan).
________ 2. Walang limitasyon ang ating mga pinagkukunang yaman.
________ 3. May mga bagay na gusto ang tao ngunit kailangan niyang unahin ang
kanyang mga pangunahing pangangailangan.
________ 4. Ang Ekonomiks ay isang Agham Panlipunan.
________ 5. Ang pagpili o pagsasakripisyo sa isang bagay kapalit ng isang bagay
ay tinatawag na marginal cost.
________ 6. Isa sa mahalagang konsepto ng Ekonomiks ay ang paggamit ng
matalinong pagdedesisyon upang matugunan ang walang hanggang
pangangailangan ng tao.
________ 7. Sa proseso ng pagpili kadalasang hindi natin maiiwasan ang trade-
off ito ay ang pagsasakripisyo sa isang bagay kapalit ng iba pang
bagay.
________ 8. Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks bilang kasapi ng pamilya dahil
nagagamit ang kaalaman mo sa pamamagitan ng matalinong
paggasta, kahalagahan ng pag-aaral ng mabuti at pagkakaroon ng
matalinong desisyon.
________ 9. Isa sa kahalagahan ng ekonomiks bilang mag-aaral ay nahuhubog
ang pagiging mapanuri at nagkakaroon ng matalinong pagpapasya sa
pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan.
________ 10. Ang pag-aalok ng mas mura at magandang produkto o serbisyo ay
tinatawag na incentives.

15
Panuto: Tukuyin kung anong konsepto ng ekonomiks ang tinutukoy. Pumili ng
tamang sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.

________ 1. Ito ang kapalit ng piniling desisyon kung


saan isinasakripisyo ang isang bagay
kapalit ng isang bagay.
________ 2. Tumutukoy sa halaga ng isang bagay na a. Marginal
thinking
handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon. b. Ekonomiks
________ 3. Tumutukoy sa pangmatagalang
kalagayankung saan ang mga
pinagkukunang-yaman ay hindi sapat. c. Kakapusan
________ 4. Isang agham panlipunan na tumutukoy sa
d. Opportunity
tamang paggamit ng mga limitadong
Cost
pinagkukunang yaman upang matugunan e. Trade –Off
ang walang hanggang pangangailangan ng
tao f. Incentives
________ 5. Ang tawag sa gustong ibigay ng
tagapaglikha ng produkto para
makahikayat ang mga manggagawa.

Karagdagang Gawain

Gawain I: Punan ang nakahandang talahanayan sa ibaba. Magbigay ng mga


maaaring idulot kung hindi gagamitan ng konsepto ng ekonomiks. Maaaring gawing
halimbawa ang unang nasa kahon.Gawin ito sa sagutang papel.

PASYA OPPORTUNITY COST


*maagang gumising upang maghanda *matulog ng mahabang oras
sa pag-aaral

16
Rubriks sa pagmamarka sa paggawa ng poster

Nilalaman Malikhaing pagbuo (5) Angkop na pahayag ukol sa


(5) paksa (5)
Naipakita ang buong Gumamit ng mga Naglalaman ng tamang
konsepto ng kahulugan origihinal na larawan sa pahayag sa larawan ukol sa
at kahalagahan ng pagbuo poster kahulugan at kahalagahan ng
Ekonomiks ekonomiks

Malinis at maayos ang Gumamit ng mga Madaling maintindihan ng


ginawang poster batay kakaibang paraan sa mga nakakakita o
kahulugan at pagbuo ng poster nakakabasa.
kahalagahan ng
ekonomiks

Rubriks sa pagmamarka sa para tula

Napakagaling Magaling (10) Katamtamang Nangangailagan


(15) 5 ng pagsasanay
3

Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at literal


makahulugan makahulugan ang lalim ang kabuuan ang tula
ang ginawang kabuuan ng tula ng tula
tula

Gumamit ng mga Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang


simbolo/pahiwat simbolo/pahiwatig simbolo na nakalito pagtatangkang
ig na na nakapagpaisip sa mga ginawa upang
nakapagpaisip sa mga mambabasa.Ang magamit ng
sa mga nagbabasa.may mga salita ay di- simbolo
nagbabasa.piling ilang piling mga gaanong pili.
pili ang mga salitang ginamit
salitang ginamit
Gumamit ng May sukat at May pagtatangkang Walang sukat at
mahusay at tugma ngunit may gumamit ng sukat at tugma kung
angkop na sukat bahagyang tugma ngunit halos naisulat man
at tugma inkonsistenti. inkonsistent

17
18
Tayahin Balikan Subukin
1. MAKI/GRIYEGO Maaaring magkaiba-iba ang 1. B
2. MALI/MERON sagot 2. A
3. TAMA 3. A
4. TAMA Pagpapayaman ng Aralin 4. D
5. MALI/TRADE -OFF 5. A
6. TAMA Gawain 1, 2, 3,4,5,6 6. C
7. TAMA 7. D
8. TAMA Maaaring magkaiba-iba ang 8. D
9. TAMA sagot 9. B
10. TAMA 10. D
11. C
12. D
II.MATCHING TYPE 13. D
14. D
1.e 2. d 3.c 4.b 5.f 15. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Balitao, Berbard R, Martiniano B. Edward, G. (2015)-Ekonomiks Araling Panlipunan


Modyul para sa Mag-aaral. Kagawaran ng Edukasyon Pilipinas

Cruz, Nilda B., Rillo, Julia D., Lim, Alice L., Viloria, Evelina M. SD Publications, INC.,
EKONOMIKS, Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon, 2000, ph. 4-20

Ferrer, Jerick C. Leonardo, Arnel M. Ariola, Tara Fonseca B: Ekonomiks para sa


Mataas na Paaralan.

Nueva, Shirley. Lauron, Maria Theresa Nera. 2002 BEC- Ekonomiks para sa Filipino.
Kagawaran ng Edukasyon

Opulencia, Leticia F., Peralta, Amada J. Pigon, Elizabeth P. 2004-Gabay sa Pag-aaral


ng Ekonomiks

Pagoso, Cristobal M. Nayve, Ruben M. JR. Cruz, Milagros A. Phillipine ECONOMICS


2003 –Nelson Publishing house Paranque City.

https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services

https://www.academia.edu/39681793/Aralin_1_Kahulugan_at_Kahalagahan_ng_E
KONOMIKS

https://quizizz.com/admin/quiz/5d1a800b02aa03001b9f5401/kahulugan-at-
kahalagahan-ng-ekonomiks

https://owl.purdue.edu

https://peac.org.ph/wp-content/uploads/2019/10/APGR10Q2-Lesson-1.pdf

https://idoc.pub/documents/rubric-sa-pagsulat-ng-tula-mwl17okgmjlj

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center


Maimpis, city of San Fernando (P)

You might also like