You are on page 1of 1

Galingan,Daniela B.

Beed2,Dba

Teafil2 March 26,2021

Pagkukwento ng walang libro:


Ito ay ang pagsasalaysay ng kwento na hindi umaasa sa libro. Sa pamamaraang
ito, magagamit ninyong mabuti ang inyong mukha’t katawan sa paglalarawan ng mga
pangyayari sa kuwento. Maaring gumamit ng mga papel, cut-out origami, diorama,
pisara, at iba pa sa pagkukuwento. Ngunit sa bidyo na aking ginawa, gumamit ako ng
mga manika upang magsilbing mga karakter sa aking napiling kwento. Ito rin ay isa sa
aking diskarte upang ang mga manonood ay mahikayat na manood o makinig sa aking
kwento. Napagtanto ko na mahirap ang pagkukwento ng walang libro dahil iba ito sa
kasanayan ng mga mag-aaral o guro dahil kapag nagkukwento ay may libro na binabasa.
Ngunit mas napapataas ang chansa na hindi mawawalan ng atensiyon ang mga taga-
pakinig lalo na kapag ginamitan mo ang iyong pagkukwento ng mga bagay na bago lang
sa kanilang paningin. Ang pagtuturo ng walang libro ay isa lamang sa mga estratehiya ng
isang guro upang mabigyang halaga ang sining ng wika at ang pagkukwento. Maganda
itong gamitin na estratehiya para sa mga bata dahil sila ay mas naaaliw at nasisiyahan.

You might also like