You are on page 1of 5

Buod ng mga Salita ng Taon: 2004-2018

2010
1. Jejemon - ito ay nag-ugat sa salitang kalye na ng naglaon ay sumikat sa text message at sosyal midya. Ito ay pinaghalong Ingles
at Filipino. Karaniwang ginagamit na pananalita ng mga kabataan noon. Karaniwan din itong kinokonsiderang penomenang kultura
tulad sa pananamit at pananalita. Ang jejemon ay mga salita o letra ng mga salita na ipinapalit ng numero.

2. Ondoy - Isa sa mga hindi malilimutang sakuna sa ating kasaysayan ay ang Bagyong Ondoy at nag dala ito ng matinding baha. Ito
ay bagyo noong setyembre dalawang libo’t siyam ng nakararaan ng hagupitin nito ang metro manila na nagmistulang dagat sa lagpas
taong baha ang mga kalsada na naging bangugot sa maraming tao.

3. Korkor - Ang salitang “korkor” ay nangangahulugang “koreano,” na pansamantalang naninirahan sa Pilipinas upang mag-aral ng
salitang Ingles, dahil isa ang pilipinas sa mga magaling magturo ng salitang english tulad nalang ng aktor at kpop boy band na si Cha
Eun Woo na nag-aral dito sa pinas ng anim na buwan.

4. Tarpo - na nangangahulugang tarpaulin sa wikang Ingles. Ito rin ay ginagamit sa mga may kaarawan nakalagay dito ang mga kuha
nilang mga larawan at ang petsa ng kaarawan nito. Kadalasan din gamit ito pantaklob o silungan kapag umuulan.

5. Ampatuan - ito ay nagmula sa tinaguriang Maguindanao Massacre. ang salitang Ampatuan ay ginagamit sa loob ng konteksto ng
pagpatay, pandaraya, dugo, at kawalan ng hustisya. Ngunit ayon kay Dr. Minang Dirampatan-Sharief, isang guro ng Mindanao State
University, ang tunay na kahulugan ng “Ampatuan” sa wikang Tausug ay religious leader o sa tagalog ay mga pinuno ng relihiyon.

6. Emo - Ang salitang “emo” ay naging tanyag sa Pilipinas nang mauso ang mga banda na nagpahihiwatig ng malulungkot na liriko.
Karaniwang ipinapatugtog ang mga kantang malulungkot tuwing nasaktan o nasawi sa pag-ibig. Ang mga taong tumatangkilik sa
ganitong uri ng musika ay binansagang “emo.”

7. Load - Ang “load” ay tumutukoy sa prepaid load na ginagamit sa pag-text at pagtawag sa cellphone. Ito rin ang ating pangunahing
kailangan nating mga estudyante ngayong online class, para makasali sa online na diskusyon at makapag pasa ng mga gawain.

8. Namumutbol - ito ay mula sa salitang Ingles na football (nang-fu-football). Hango sa Quezo na nalaglag na buko mula sa puno sa
halip na bola ang sinisipa. Sa gamit ng salita, hindi na ito isang laro kundi paraan ng pagnanakaw, pagtitipid at pagsipa ng niyog sa
kapitbahay, isang kaugalian sa mga probinsya.

9. Solb - Ang salitang “solb” ay nagsimula sa salitang ingles na solve na nangangahulugang ayos na ang problema. Karaniwan din
ginagamit ang sob pagkatapos ng kumakain at ito ay na busog na at napapasabi ng “solb” dahil nabusog sa kinain nito.

10. Spam - ito ang salitang tumutukoy sa luncheon meat na tatak ay SPAM. Ito rin ay isang bagay na madalas makita sa hapag ng
mga Pilipino na ipinadala mula sa kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa. Nakuha rin dito ang mga katawagang “spam e-mail,” at
“flooding,” mga terminong ginagamit sa Internet.

11. Unli - Ang salitang “unli” na mula sa salitang unlimited ay ang walang hanggan ang pagtetext sa loob ng ilang araw. Ito rin ay sikat
sa fast food na minsan na nating kinainan ang Mang Inasal marami kang maririnig doon na ginagamit ang unli o “unli-rice” para sa
mga gusto pa ng kanin dahil doon ay unlimited o hanggat gusto mo ay pwede kang humingi ng kanin.

2012
1. Wang-wang - nagkaroon ng bagong kahulugan ang salitang kalye na wang-wang. Noon, ang kahulugan nito ay sirenang ginagamit
ng mga bumbero, ambulansya at mga aroganteng public officials na kung umasta’y parang sila ang may-ari ng mga lansangan.
Binigyan ito ng bagong kahulugan ni Presidente Aquino sa kanyang SONA. Ang isa pang kahulugan nito ay ang mga pang-aabuso ng
mga opisyal ng pamahalaan, inihalal man o hinirang sa matataas na posisyon.

2. Level-up - nararapat na maging salita ng taon noong dalawang libo’t labing dalawa ang level-up dahil lahat ng tao’y nakauugnay
rito. Ang level-up ay pagpapataas o pagpapaunlad sa nasusukat na antas ng buhay. Lahat tayo ay naghahangad na mag level-up o
umangat sa buhay dala ng kahirapan dito sa ating bansa.

3. Pagpag - Ang pagpag, ay mayroong diksyunaryong kahulugan noon ang pag wasiwas, pag-alog, at pagtatambal ng paulit-ulit
upang maalis ang duming nakadikit. Ngunit sa kasalukuyan, ang salitang pagpag ay tumutukoy sa scavenger food o pagkaing
hinahalungkat mula sa basura upang kainin at iluto ulit ito sa maraming putahe at pagkakitaan ng mga mahihirap nating mga
kababayan.
4. Android - isang operating system na dinisenyo para sa mga touchscreen na mga mobile na device tulad ng mga smartphone at
mga tablet na mga ginagamit natin ngayon nag o-online class tayo. Noon ang salitang Android ay nangangahulugan sa diksyunaryo
na isang robot na anyong tao at noon din ang tawag sa mga taong matalino o sobrang talino ay mga android.

5. Fish kill - ito ay tumatalakay sa kalagayan ng ating yamang-dagat ng Pilipinas. Ang ating bansa ay unang nakaranas ng
malawakang fish kill o mga hindi inaasahang pag kamatay ng mga isda noong Pebrero dalawang libo’t dalawa sa Bolinao,
Pangasinan. Importante ang salitang Fish kill dahil isang malaking sakuna sa lokal na ekonomiya ang fish kill, na dapat maunawaan
natin kung paano ito nangyayari upang makatulong na maiwasan ang probabilidad na maulit ito.

6. Impeachment - ang proseso kung saan ang isang opisyal ay inaakusahan ng katiwalian o paglabag sa alituntunin na ang
maaaring kahinatnan ay pagkatanggal sa puwesto ng naakusahan at iba pang kaakibat na kaparusahan. Isa itong paraan ng
pagtatanggal ng mga opisyal, karaniwan sa pamahalaan mula sa kanilang tungkulin. Nangyayari ito kapag ang isang opisyal ay ayaw
bumaba ang kanyang trabaho o gampanin.

7. Palusot - ang palusot ay nahahati sa dalawang bahagi na “pa“ at salitang-ugat na “lusot” na nangangahulugang paglahad sa
makipot na butas, siwang o anumang maaring daanan, upang mapagtatagumpay sa isang suliranin. Sa lahat ng lahi sa mundo, isa
ang mga Pilipino sa patuloy na humaharap sa maraming suliranin, samakatuwid, masasabing tayong mga Pilipino ay
bihasang-bihasa na pagdating sa palusot o marami tayong alam sabihin para lang maka lusot sa kung sa ano man iyon.

8. Pik-up - Ang Pick-up ay ang litral na ibig sabihin sa tagalog ay kunin, pulutin, damputin, mamulot at marami pang iba, ngunit
ngayon kasalukuyan ang pick-up ay tumutukaoy sa “Pick-up Line” na anumang pahayag na nagsisimula bilang isang pag-uusap ng
hindi pa magkakilalang lalaki at babae, depende sa intensiyon at sa bisa ng linya, maaaring ihanay ang Pick-up Line bilang isang hirit,
banat, cheesy o korny, o green joke. Ang mga linya ng pick-up ay saklaw mula sa prangka na mga bukas ng pag-uusap tulad ng
pagpapakilala sa sarili, pagbibigay ng impormasyon tungkol sa sarili, o pagtatanong sa isang tao tungkol sa kanilang mga gusto.

9. SALN - Nangangahulugan ang SALN ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (Pahayag ng mga Pag-aari, Liabilidad, at
Kabuuang Yaman). Isa itong deklarasyon ng assets o mga pag-aari (hal. lupa, sasakyan, atbp.) at liabilidad (hal. loan, utang, mga
binabayarang interes, atbp.) ng isang opisyal o empleado, pati na ng kanyang asawa, at mga anak na di pa kasal at menor de edad
na nakatira pa rin sa magulang. Mandatoryo ang pagpapasa ng SALN sa ilalim ng Artikulo XI, Seksiyon 17 ng 1987 Konstitusyon, at
Seksiyon 8 ng Republic Act No. 6713, ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.” Kasama rito
ang isang waiver na nagbibigay-kapangyarihan sa Ombudsman o sa kanyang awtorisadong kinatawan na makuha ang mga
dokumentong maaaring magpakita ng mga pag-aari, liabilidad, kabuuang yaman, interes sa negosyo, at mga koneksiyong
pampinansiya ng lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

10. Trending - Ang “Trending,” isang pagkilatis sa pagiging mahalaga at napapanahon ng mga salita. Ito rin ay walang katapusan at
nadaragdagan sa araw-araw na diskurso sa Internet. Ang trending sa tagalog ay ang isang bagay na madalas na pinaguusapan ng
iba hanggang sa itoy maging sikat na sa mga tao. Tulad nalang ngayon laging nagte-trending ang mga bagong sayaw o dance
challenge sa tiktok. At ang usong-uso na nag trending ngayon ay ang Squid Games na Korean Drama Series o serye dahil sa
maganda at malikhain nitong konsepto na nag padami ng manonood nito.

11. Wagas - sa ibang salita ay walang katapusan, dalisay, busilak, tunay, tapat, at walang halong pag-iimbot o pagsasamantala. Sa
kasalukuyan, ito ay naging isang pahayag na lamang ng labis na pagkamangha o hindi kinakaya ng karaniwang damdamin, tulad na
lang ng wagas na pagmamahal, wagas na pag ibig katulad na lang ng mga ganon.

12. Wifi - Naging pamilyar na bahagi na nang buhay ng maraming tao ang Wi-Fi. Bukod sa pinadadali ng Wifi na makakonek sa
Internet, pinadadali nito ang ibang gawain sa araw-araw binago na nito ang ating paraan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Sa
pamamagitan lamang ng pag konekt sa WIFI marami ka nang pwedeng magawa manood ng balita, makinig ng mga kanta at marami
pang iba.

2014
1. Selfie - Ang “selfie,” ayon sa Oxford Dictionary na aking nabasa sa internet, ay isang katagang hango sa salitang Ingles na “self”
na dinagdagan ng “ie” at tumutukoy sa isang retrato o litrato na kinunan ng mismong nasa litrato sa pamamagitan ng isang
smartphone o webcam at inaplowd sa isang social media website. Magpahanggang ngayon naman ay popular pa din ang salitang
selfie dahil kahit nasaan tayo basta maganda ang iyong nasa likuran o background ay ay agad na tayong mag se-selfie para may
mai-aplowd to at makita ng marami.

2. Endo - pangngalan pinaikling bersyon ng pariralang "end of contract” tumutukoy sa mga manggagawang kontraktwal na natapos
na ang kontrata. Ito ang dokumento ng empleyado na pinapi pirmahan sa mga manggagawang kontraktwal matapos silang
matanggap sa kanilang trabaho at sa pagkakaalam ko tinatapos nila ang kontrata bago umabot ng anim na buwan.

3. Filipinas - ito ang pangalang ibinigay ni Villalobos noong isang libo’t limang daan at apat na pu’t walo at opisyal na ginamit ni
Legazpi ng itinatag niya ang kolonyang Espanyol, ngunit noong bandang isang libo't siyam na daan at apat na pu’t isa ay “Pilipinas”
na ang ating ginagamit na nagsisimula sa letrang P ng palaganapin ang abakada na walang titik F. Napagkasunduan ng lahat ng
opisyal ng ahensya noon na gamitin ang baybay na Pilipinas para sa pangalan ng bansa at Pilipino para sa pangalan ng mga
mamamayan nito.

4. Imba - ang imba ay galing ito sa salitang "imbalanced". Ang "imba" ay walang pinipiling panahon. Nagamit na rin ito sa labas ng
online gaming. Ibang ibig sabihin ng "imba" ay pang-uri para sa mga sukdulan ang lakas o galing. Pwede itong maging positibo o
negatibo. Pinapakita ng salitang "imba" ang impluwensiya ng online gaming sa bansa. At may ambag rin ang "imba" sa dinamismo o
dinamiko ng wika, at bukas ito para sa lahat, hindi lang online gamers. Pwede rin natin gamitin ang "imba" para tumukoy sa mga
"hindi balanseng" sitwasyon at kalagayan ng ating lipunan tulad nalang ng hindi pantay o balanseng pagtrato sa mga mahihirap.

5. Kalakal - Ang "kalakal" ay kadalasang tumutukoy sa mga paninda o produktong ng ating bansa na binebenta o ipinagbibili ng isang
negosyo pati narin sa karatig bansa natin. Ngayon nag iba ang kahulugan nito, ang "kalakal" ngayon ay tumutukoy sa mga bakal,
bote, dyaryo, basura, o kalat natin sa bahay na ipinagbebenta natin sa mga mangangalakal at maaari ding pagkakitaan ng mga
mangangalakal.

6. Riding-in-tandem - ito ay dalawang tao na mag kasabwat sa trabaho, pinagsamang riding in at tandem na nangangahulugang
naka angkas sa sasakyan o motorsiklo. Ang trabaho nila ay ang gumawa ng krimen at tumakas gamit ang motorsiklo, kadalasan nang
hahablot sila ng bag o kaya naman cellphone o kahit anong makita nila na pwedeng isangla pagkatapos nila itong makuha o nakawin.
Ito rin ay karaniwan na makikita nila sa daan na nag iisa at kanilang bibiktimahin.

7. Peg - madalas na naririnig ang expression na ito noon. Sa kontekstong Pilipino, ito ay isang pagpapahayag ng pagkuha ng
inspirasyon mula sa isang perpektong tao o bagay. Ito ay salitang kalye na ginagamit ng kabataan. Halimbawa nalang nito ay ang
“Pang artistahin ang ‘peg’ ko ngayon”, ibig sabihin nito ay estilo o dating nya ngayon ay parang pang artistahin lang.

8. Hashtag - Hashtag ang nagpapabagsik sa mga salita noon. Sobrang popular din nito. Maaari itong gamitin sa mga social media
tulad ng Twitter, Facebook, Instagram, atbp. Nagagmit natin ito tuwing tayo ay kukuha ng larawan na karaniwang ginagawa o nakikita
natin at i-aaplowd ito at maglalagay ng caption o pamagat na lalagyan ito ng hashtag tulad nalang ng hashtag movie marathon with
friends, dahil kumuha kayo ng litrato nyo magkakaibigan na nanonood ng mga palabas. Maraming salita ang mailalagay mo sa
hashtag.

9. CCTV - ang akronim nito ay closed-circuit television" or surveillance cameras. Karaniwang nilalagay ng mga may negosyo ang
CCTV camera para sa kaligtasan nila, kung sakali man na may manloob o magnanakaw ay makukunan ito ng kanyang ginawa sa
tulong ng CCTV camera. Importanteng magpalagay ng CCTV camera lalong lalo na sa mga mayayaman na magaganda ang bahay
dahil ito ang madalas na target ng mga magnanakaw. Ang mga kamakailan ring krimen ay nahahagip o nakunan ng CCTV camera.

10. Storm surge - Isang abnormal na pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat sanhi ng hangin mula sa isang matinding bagyo. Ang
malakas na hangin ang naging dahilan upang magkumpol ang tubig na mas mataas kaysa sa ordinaryong lebel ng tubig sa dagat.
Ang dapat gawin kung may paparating na storm surge o bagyo, unang una ay mag handa ng mga importanteng gamit kung alam
mong malapit ang bahay mo sa dagat at makinig ng balita sa radio o sa cellphone at kung kailangan ng lumikas ay lumikas agad.
Naging popular ang salitang “storm surge” ay dahil noon sa pagbagsak ng bagyo na si Yolanda ay gumawa ng dalawang pung
talampakan taas na pader ng tubig na labis na sumalanta sa Tacloban City noong dalawang libo’t labing tatlo.

11. PDAF - ang akronim nito ay Priority Development Assistance Fund, naging matunog ito ng sumiklab ang pork barrel scam kung
saan ang pinaghihinalaang utak ay si Janet Lim-Napoles. Na tumutukoy sa pagtatalaga ng paggasta ng pamahalaan na pangunahing
kinuha sa kaban ng bayan upang magpasok ng salapi sa distrito ng isang mambabatas para sa mga lokal na proyekto nito. Sa
madaling salita kinurakot po nila ang kaban ng bayan na pinaghihirapan ng mga kababayan natin na nagbabayad ng buwis o mga
dapat na proyekto na pinonduhan para sa mga mahihirap nating mga kababayan na nabulsa lang ng mga kurakot na nakaupo sa
pamahalaan.

12. Bossing - Nagmula sa salitang "boss," isang tao na nasa mataas na posisyon at gumagawa ng mga desisyon o may awtoridad o
sa madaling salita ay Amo. Ang "bossing" ay impormal na taguri sa isang pinuno, sa asawa o sa mga nasa industriya ng paglilingkod.
Ginagamit ang salitang bossing karaniwan sa mga amo nilang lalaki ginagamit nila itong tawag sa kanila imbes na pangalan, at sa
tingin ko pag galang narin nila ito dahil sila ang nagbibigay ng sweldo o nagpapasahod sa kanila.

13. Whistle blower - Ang whistle blower ay nangangahulugan na mayroong tao ang nagsisiwalat ng maling gawain ng isang
organisasyon sa publiko at mga nasa otoridad. Ito ay ang pagsisiwalay ng mga nalalaman ukol sa katiwalian sa pamahalaan.
Detalyadong kinukwento, isinaysay at isinapubliko ang nalalamang illegal na gawain. Tulad nalang ni Benhur Luy ang whistleblower
sa pork barrel scam ni Janet Lim Napoles, siniwat ya dito ang mga tiwaling ginawa ni napoles na tinaguriang pork barrel scam.

2016
1. Fotobom - Hango sa salitang Ingles na "photobomb," ang "fotobam" ay tumutukoy sa pagsama sa litrato kahit pa hindi ka dapat
kasama. Naging matunog ang salitang "photobomb" matapos bansagan ang Torre de Manila bilang "pambansang photobomb" dahil
di umano'y sinisira nito ang itsura ng monumento ni Rizal, isa sa mga sikat na atraksyon sa Luneta Park. Halimbawa na lang nito ay
pag nag se-selfie ka o kumukuha ka ng litrato ng iyong sarili ay may napasapang tao na hindi inaasahan yon ay tinatawag na
fotobom.

2. Hugot - Ang Hugot bilang isang salitang balbal ay tumutukoy sa pagguhit ng mga emosyon mula sa kung saan malalim sa loob mo
at uri ng tulad ng pagiging emo. Paraan ng pag lalabas ng emosyon gamit ang mga linya na malungkot, masaya at iba pa. Nauso
noong mga nasa high school palang kami na nagkakaroon ng mga hugot lines sa tuwing may mga nasawi sa pag ibig o kahit sa ano
man. Itong linyang ito ay sumikat noong dalawang libo labing anim itong linyang ito ay “STOP ACTING LIKE YOU KNOW MY PAIN,
STOP ACTING LIKE YOU OWN IT, HINDI IKAW SI CELINE AND YOU WILL NEVER BE CELINE” isa lamang yan sa mga hugot lines
o linya sa pinamagatan Barcelona a love untold nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

3. Milenyal - Ang salitang milenyal ay isa sa mga salita na bagong naidagdag sa diksyunaryong Pilipino. Ito ay nangangahulugan na
mga kabataang ipinanganak sa mga huling bahagi noong isang libo siyam na daan at walungpu at mga unang taon ng dalawang libo.
Sila rin umano ang mga kabataang unang naging sanay sa paggamit ng kompyuter at mga selpon. Dahil sa katangiang ito, ang mga
kabataang milenyal ay mas napapansin sa mundo ng internet at naging impluwensya sa pamamagitan nito. Maraming nagsulputan
na mga salita ng milenyal tulad nalang ng pabebe, hokage, edi wow, petmalu, sakalam at marami pang iba.

4. Bully - Ito ay isang pang-aabuso at pagmamaltrato ng isang taong mahina laban ng isang taong mas malakas. Ang bullying sa
paaralan at ang lugar ng trabaho ay tinukoy din bilang pang-aabuso ng kapwa. Ang bullying ay maaaring makaapekto sa isang
mag-aaral sa antas ng pisikal, mental, at emosyonal. Ang ilan sa mga epekto ay binubuo ng pagkabalisa, kawalan ng kumpiyansa sa
sarili, mga isyu sa relasyon, at pagkalulong sa alkohol at droga. Kadalasang ng yayari sa mga paaralan o sa mga kabataan.

5. Foundling - Ang Foundling ay ang bata o sanggol na inabandona o iniwan ng mga magulang, walang pagkakakilanlan at wala ring
paraan para matukoy kung sino ang kanyang mga magulang o kamag-anak. Foundling din ang tawag sa mga bata na
ipinagkakatiwala sa mga bahay ampunan at iba pang charitable institutions; wala silang record of birth at hindi alam kung sino ang
kanilang mga magulang at mga kamag-anak. Para sa akin marami sigurong naga-abandu sa mga anak nila noon dahil hindi nila
kayang buhayin, kaya naging matunog ang salitang foundling.

6. Lumad - Ang "Lumad" ay pangkat ng mga tao na nakatira sa Mindanao. Ang salitang Lumad ay isang salitang termino na
nangangahulugang "katutubo". May labing pitong pangkat ang Lumad sa Pilipinas: Atta, Bagobo, Banwaon, B’laan, Bukidnon,
Dibabawon, Higaonon, Mamanwa, Mandaya, Manguwangan, Manobo, Mansaka, Tagakaolo, Tasaday, Tboli, Teduray, at Ubo. Sila ay
itinuturing na "marurupok na pangkat" na nakatira sa mga kagubatan at mga baybayin.

7. Meme - Karaniwan, isang uri ng nilalaman na kumakalat sa pamamagitan ng mga social network ay kilala bilang isang meme, na
binubuo ng sinasadya na samahan ng mga elemento (halimbawa, isang imahe at isang teksto) sa parehong makabuluhang yunit, na
nagreresulta sa representasyon ng isang ideya, konsepto, opinyon o sitwasyon. Madalas siyang tinawag na memes ng Internet. Isang
halimbawa nalang nito ay sikat na si marites dahil sa pagiging chismosa na hinaluan nalang ng mga litrato.

8. Netizen - Ang katawagang netizen ay pinaghalong mga salitang Ingles na Internet at citizen na literal na nangangahulugan bilang
"citizen of the net" o "mamamayan ng net.". Sinasa larawan nito ang isang tao na aktibong sumasali sa mga pamayanang online o
ang Internet sa pangkalahatan. Ito ang mga kabataan o mapa matanda man na aktibong gumagamit ng internet at gg social medias
tulad ng mga facebook, instagram, youtube at iba pa.

9. Tukod - ito ang pang suporta o pang tulong, kadalasan ginagamit ito ng mga matatandang nanghihina na at di na kayang
maglakad ng kanilang sarili kaya kailangan na nila ng tukod pagsuporta sa kanilang paglalakad. Imbes na magpatulong sa kanilang
mga kasama sa bahay ay ang tukod ang magiging kangga nila sa kanilang paglalakad.

10. Viral - Ang ibig sabihin ng viral ay isang sikat o pumatok na post sa internet na kung saan maraming nakakita o nakapanood sa
video o larawan na i-pinost kaya ito ay sumisikat at tinatawag na viral. Nagiging viral ito dahil hindi lang isa ang nakapanoon o naka
kita kung hindi libo-libo at nai-share narin ito sa ibang mg social media platforms.

2018
1. Tokhang - Tokhang ang mukha ng giyera kontra-droga ng rehimeng Duterte. Naging madalas ang paggamit ng “tokhang” mula ng
inilunsad ng Philippine National Police ang “Oplan Tokhang” noong dalawang libo labing anim. Ito ang pagbisita ng mga pulis sa mga
bahay ng mga pinaghihinalaang gumagamit o nagtutulak ng ilegal na droga upang kumbinsihin sila na itigil na ang gawaing ito at
makipag tulungan sa pamahalaan. Ang salitang tokhang ay naging makabuluhan ito sa buhay ng mga Pilipino at pagsalamin nito sa
katotohanan o bagong pangyayari sa ating lipunan.

2. Fake news - ang fake news ay maling pagbabalita o maling impormasyong isinasaad sa balita kung ito ay sumasalungat sa
masusing pananaliksik ng mga ebidensya o facts, at ito rin ay sumasalungat sa paniniwala ng isang tao o ng nakararami. Kadalasan
ngayon ay ginagamit na ang salitang fake news sa mga chismis na ibinalita o mga sinabing impormasyon sa iyo na mali naman pala.

3. Dengvaxia - Ang Dengvaxia ay isang uri ng bakuna kontra Dengue. Pero sa halip daw ng makatulong ito ay parang naging
problema pa ang naging epekto sa mga kabataan o mga bata na nasa elementarya nabakunahan nito. Naging matunog ang
dengvaxia dahil makaraan lang ang ilang linggo at buwan may mga ilang bata na namatay matapos maturukan nito. Nakipag
ugnayan ang DOH sa mga experto para imbestigahan ang naturang pangyayaring iyon.

4. Foodie - ay isang salitang Ingles na tumutukoy sa mga taong mahilig sa pagkain at inumin, kumakain ng pagkain hindi lamang
dahil sa gutom kundi isang libangan din. . Maaari isalin ang salitang foodie sa Espanyol bilang pagkain. Mga taong hilig ang kumain at
uminom, makaranas ng mga bagong pagkain na bago sa kanilang panlasa, at subukan ang mga bagong resipi.

5. Quo warranto - ang quo warranto ay isang aksyon o reklamo na maaaring isampa sa isang opisyal ng gobyerno kung hindi ito
kuwalipikado sa posisyon na inuupuan nito. Halimbawa na lang nito ay humahabol ka bilang isang presidente ng pilipinas isa sa mga
kinakailangan ay dapat purong pilipino ka, pero humabol ka parin kahit alam mo sa sarili mo na hindi ka purong pilipino at hindi iyon
napansin sa panahon ng halalan at na ikaw ay nanalo bilang isang presidente. Napansin na lang ito noong naihalal kana, na hindi mo
lahat makumpleto ang mga kinakailangan bilang isang presidente. Doon pumapasok ang salitang quo warranto.

6. Federalismo - Ang federalismo ay isang uri ng sistema ng pamahalaan na kung saan ang isang bansa ay mahahati sa estado o
rehiyon, at ang bawat estado naman ay magkakaroon ng kalayaan para magkaroon ng sariling pamahalaan. Sa madaling salita, ito
ay sistema ng pamahalaan kung saan mas maibabahagi ang kapangyarihan, pondo at programa sa pamahalaang panrehiyon at
panlokal. Ang pangunahing layunin ng federalismo ay ang manatili ang personal na kalayaan ng bawat lalawigan sa pamamagitan ng
paghihiwalay-hiwalay ng kapangyarihan ng pamahalaan upang mas maging epektibo ang pamamalakad ng mga programa, batas at
ibang proyekto ng isang pangkat o lalawigan.

7. Dilawan - Naging matunog ang salitang dilawan noong panahon ng halalan. Dilawan ang tawag sa mga taong sumusuporta sa
mga Aquino. Dilaw na ribbon o laso ang naging simbolo sa pagtakbo noon bilang presidente ni Noynoy Aquino at ang kanyang mga
taga suporta. Ito ay kadalasan nakalagay o nakasabit sa gilid ng kanilang mga damit at nakatali sa mga puno, simbolo ng pag suporta
at pagmamahal ni la kay Noynoy Aquino.

8. Train - Ito po ay pampublikong transportasyon pero may naging ibang kahulugan ito, ito ay ang Tax Reform for Acceleration and
Inclusion o tinatawag na TRAIN. Ito ay reporma sa buwis na pinirmahan ni Presidente Duterte noong ika labing siyam ng disyembre
taong dalawang libo labing pito. Kalakip nito, ang mga manggagawang kumikita ng mas mababa sa dalawangpung limang libong piso
kada buwan ay hindi na kailangan magbayad ng income tax simula Enero dalawang libo labing walo. Ibig sabihin, mas malaki ng ang
salaping maiuuwi ng halos anim na milyong manggagawa na nasa income bracket na ito.

9. DDS - Ang akromin nito ay Davao Death Squad. Isang grupo ng mga vigilante sangkot sa pagpatay sa mga batang lansangan at
ibang mga taong sangkot sa droga. Sa panahong mayor pa ang ating pangulo na si duterte ito ay parang military group na
pumapaslang ng mga kababayan natin sa davao na may kinalaman o sangkot sa droga o sa mga krimen. Para ma portray o para
maipakita ang imahe ng davao bilang isang ligtas na lugar. Ito yung paraan nila sa pagharap sa kriminalidad.

10. Troll - mga taong nagsisimula ng away sa internet sa pamamagitan ng pag post ng mga hindi kaaya-aya, lubhang mapanira at
mapaminsala sa morale ng isang tao. Sa madaling salita ito ang mga taong nakikisali sa usapan ng may usapan sa internet at
nagpopost ng mga hindi kaaya-aya upang makakuha ng atensyon o makapanakit ng ibang tao. Ngunit, ayon sa mga eksperto
maaaring kaya nagkakaroon ng troll dahil sa impluwensya ng ibang tao, naghahangad ng pansin mula sa iba, naghahanap ng
kasiyahan mula sa nagiging sanhi ng sakit o problema ng iba, hinawa at sumasali na gulo ng iba.

11. Resibo - Ang isang resibo ay isang naka-sign na dokumento na nagpapatunay sa pagbabayad ng isang tao o kostumer para sa
isang mahusay o natanggap na serbisyo. Halimbawa na lang nito ay pag may mga pagkakataong damage o may sira ang produkto
sa bumili kapag ito ay may resibo maaaring ipakita ito sa binilihan para sa repair o palitan nila ito. Ang resibo din po ay kadalasan
nakikita natin sa mga wallet natin o ng iba, na akala mo ang kapal ng ng pera sa wallet niya yun pala halos resibo lang ang laman
nito.

You might also like