You are on page 1of 2

Pangalan: Patriarca, Jhandel Shane G.

Grade 12 - Ezekiel

1. Ano ang isyung binibigyang-diin sa posisyong papel?

Ang pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa

kolehiyo/ Paggamit ng wikang FIlipino sa Pagtuturo

2. Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?

Malinaw at may paggalang na pagpapahayag

3. Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?

● Ipinahayag sa papel na ang pagtanggal ng Filipino sa akademikong konteksto ay

magbubunga ng pagkakawatak-watak sa kaisipan ng mga pilipino at lalong

magkakaroon ng kolonyalismo ang mentalidad ng mga mamamayang pilipino na

nakalatag sa Konstitusyong binigyang halaga ni Manuel L. Quezon

● Ang wikang Filipino ay naging isang mahalagang elemento sa nangyaring

kasaysayan noon sa himagsikan at ngayon ay nagsilbing gabay sa upang tayo ay

makalaya kaya hindi dapat mawala ang Wikang/Asignaturang Filipino sa

Kolehiyo.
● 1987 Konstitusyon Artikulo XIV, seksyon 6

4. Ano ang naging konklusyon sa posisyong papel?

Dahil sa mga ebidensya at sa paggamit narin ng mga elementarya hanggang senior high

school ang asignaturang Filipino ay naniniwala ang may akda na dapat paring ituloy ang

pagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

5. Ikaw, ano ang iyong paninindigan sa isyu?

Katulad ng may akda ay sang-ayon ako sa kanyang pinaparating sa ginawa niyang

posisyong papel sapagkat kinalakihan na natin ang wikang filipino na ginagamit natin sa ating

pang araw araw na buhay simula ng tayo ay mga bata pa. Dapat lamang na ipagpatuloy ang

pagtuturo nito upang sa mga susunod na henerasyon pa ay makita at marinig pa natin ang wikang

ating ginagamit mula sa mga ating mga ninuno. Mahalaga rin na pag aralan ito sapagkat sa

kasalukuyan ay marami nang kabataan ang hindi marunong gumawa ng maayos na talata, tula at

iba pang uri ng mga teksto. Higit sa lahat kailangan pa nating mahasa ang ating pag gamit ng

ating sariling wika.

You might also like