You are on page 1of 2

\

ARELLANO UNIVERSITY- MALABON


Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Street, Brgy. Bayan Bayanan, Malabon City
Tel/Fax: 932-5209

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


BAITANG 11
Unang Semestre- Taong Akademiko 2021-2022

Petsa:

I. PAKSANG ARALIN Asignatura: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


Konsepto Blg. 12 : Lingguwistikong Komunidad

II. Layunin Sa loob ng 60 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


● Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika
sa lipunang Pilipino.
● Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng
Wikang Pambansa ng Pilipinas.
● Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
III. SANGGUNIAN ● Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain Panalangin, Pagbati, Pagtala ng liban

B. Pagsusuri ng kaalaman ● Ano ang homogenous at heterogenous na salita?


● Ano ang kaibahan nito sa isa’t isa?
C. Pagganyak Panuto: Panoorin ang isang video clip mula sa YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=m4_F5QAPHw4

Itala ang mahahalagang impormasyon at konsepto na iyong napanood at ibahagi ito sa klase.
D. Pagtalakay

a. Nilalaman Konsepto Blg. 12

LINGGWISITIKONG KOMUNIDAD

● Isang termino na sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong


gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga
ispesipikong patakaran o alituntunin sa paggamit ng wika.
● Nagkaskasundo ang mga miyembro ng lingguwistikong komunidad sa kahulugan
ng wika at interpretasyon nito, maging ang konteksto ng kultural ng paggamit
nito.
● Ayon kay Yule (2004), ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay isang
porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi, upang
ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak
ng grupong panlipunan.
● Tandaan: Hindi lahat ng nagsasalita ng isang wika ay kasapi ng isang tiyak ng
lingguwistikong komunidad.

Mga Salik ng Lingguwistikong komunidad


● May kaisahan sa paggamit ng wika at naiibahagi nito sa iba.
● Nakapagbabahagi ang kasapi sa tuntunin ng wika at intepretasyon nito.
● May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika.

Mga halimbawa ng Linggwistikong komunidad:


● Sektor - kung saan ang mga manggawa na malay sa kanilang karapatan at
tungkulin sa bayan na nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa.
● Yunit - team ng basketbol; oranisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.
● Grupong pormal - isang halimbawa nito ay isang Bible study group na
nangangaral ng Salita ng Diyos.
● Grupong impormal - isang karaniwang halimbawa nito ay barkada.

b. Pagsusuri Gabay na katanungan:

- Ano ang lingguwistikong komunidad?


- Sino-sino ang mga kasangkot sa pagbuo ng isang lingguwistikong komunidad?
c. Paglalapat Panuto: Bumuo ng isang poster na nagpapakita ng isang lingguwistikong komunidad.

RUBRIKS:

Nilalaman (Naipakikita ang paksa) – 50%

Malikhain (Gumagamit ng simbolismo) 30%

Kagandahan at kalinisan ng awtput – 20%

KABUUAN – 100%

d. Pagtataya Sagutin ang katanungan:

1. Sa paanong paraan nakikita ang pagiging lingguwistikong komunidad?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

V. Takdang Aralin WALANG TAKDANG ARALIN

You might also like