Ang layunin at hangarin ng University of Batangas ay ang hubugin ang isang
estudyante na tulad ko na maging isang propesyonal, aktibo at edukadong estudyante sa loob ng ilang taon na ilalaan ko sa pag-aaral dito. Layunin din ng UB na gawin akong isang estudyante na umuunlad sa panahong ito na hinihimok ng teknolohiya at pananaliksik. Makakatulong ito sa pagkamit ng aking mga pangarap dahil magiging handa ako sa mas malawak na mundo na kailangan kong tahakin sa aking pagtanda. Mahihirapan ako sa pagkamit ng aking pangarap kung hindi ko maitutupad ang layunin ng UB dahil sa panahong ito, ang lipunan ay pinamumunuan ng mga taong madaming nakamtan at pwede kong gamitin ang mga natutunan at karanasan ko sa UB upang makipagsabayan sa kanila.